
3 minute read
Bionotes
Si Mildred G. Abiva ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Mathematics sa Wesleyan University- Philippines, kung saan siya ngayon nagtuturo. Malapit na rin niyang matapos dito ang kanyang MAED- Mathematics.
Bukod sa pagiging palakuwenta ay mahilig din siyang magbasa ng mga nobelang Filipino at Ingles lalo na yaong mga court room drama na isinusulat ni John Grisham. Nakahiligan niya ang magsulat ng personal na sanaysay at diyornal na impluwensya rin siguro nang pagiging manunulat niya ng mga affidavit ng mga kliyente ng mga abogadong nakasama niya sa dating trabaho.
Advertisement
Sa kanyang mga bakanteng oras ay makikita siyang umaawit kasama ng San Nicholas de Tolentino Cathedral Chorale. Miyembro siya ng Philippine Council of Mathematics Teacher Educators (MATHTED), Inc at ng Philippine Political Science Association (PPSA).
Pinakamahalaga ang kanyang pagiging asawa kay RB at ina kay Hiraya.
Si R.B. Abiva o RBA ay nagsusulat ng tula at maikling kuwento sa wikang Iloko at Filipino, siya rin ay musikero, iskultor, pintor, at literary columnist ng Pinoy Weekly.
Fellow siya ng 58th University of the Philippines National Writers Workshop (Tula), 11th Palihang Rogelio Sicat (Maikling Kuwento), 6th Cordillera Creative Writing Workshop (Tula), at 9th Pasnaan- Jeremias A. Calixto Ilokano Writers Workshop (Daniw) ng GUMIL-Filipinas (Gunglo Dagiti Mannurat Ti Iloko).
Nagwagi siya ng Unang Gantimpala sa Poetry Slam Recital Duet ng UP Likhaan (2019), Finalist sa 1st (2018) at 2nd (2019) Gabriela Prize Poetry Contest, at Unang Gantimpala sa BJMP Regional Literary Contest- Short Story Category (2016).
Siya ang awtor ng PO(E)(LI)TIKA (2019), Agaw Agimat (2019), at Tuligsa at iba pang mga tula (2018.) Naging kontribyutor din siya sa mga antolohiya gaya ng BATAS MILITAR (2019), Basag: Modernong Panitikan ng mga Kuwentistang Wasak (2019), AKDA: Volume 5 (2019), at Hulagpos (2016). Isa siya sa mga patnugot ng Pandayan ng Paninindigan: Pagbisita at iba pang mga tula (2019).
Nalathala na rin ang kanyang mga tula sa Liwayway at Bannawag. Sa kasalukuyan ay kumukuha siya ng MA-Malikhaing Pagsulat sa UP-Diliman.
Na-eksibit na ang kanyang mga pinta noong 2016 sa UP Bulwagan Ng Dangal habang ang ilan sa kanyang mga tula ay makikita sa National Library of Australia.
Nagtapos si Emmanuel John Pangan ng AB Mass Communication sa Wesleyan University-Philippines at kasalukuyang sinusulat ang kanyang tesis para sa Master of Arts in Education major in English sa parehong Pamantasan. Nagtuturo rin siya roon ng mga Social Sciences at Mass Communication courses.
Miyembro siya ng Philippine Political Science Association; Linguistic Society of the Philippines; at Filii Sancti Dominici Philippinensis. Hilig niya ang pamimilosopiya at aktibo sa mga gawaing pansimbahan. Karamihan sa mga hinahangaan niyang preachers at writers ay mula sa orden ng mga Dominicans at Carmelites, pati rin sa husay nina bishop Ambo David, father Enrico Gonzales at propesor Peter Kreeft.
Nais niyang pag-usapan ang mga bagay ukol sa social action, Christian ethics, ecumenism, inter-faith dialogue, Filipino philosophy, world Englishes, at gender and porn studies. Maligaya siyang nananahan sa piling ng kanyang mga magulang na sina Jasmin at Jaime, mga kapatid na si Eliz at Joseph, at lola’t lolong sina Yoly at Bering sa payapang barrio ng Liwayway.
Arkin Frany works as a corporate information officer and specializes in public relations for a private energy utility provider based in Cabanatuan City, Nueva Ecija. He also does freelance work online for graphic and page design, content creation and management, and basic journalism and creative writing tutorials.
He has been accepted as a fellow for creative nonfiction in both the 58th Silliman and the 16th Ateneo national writers’ workshops. He has also been a fellow to the 2nd Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop and the inaugural Mulat Sulat SOGIE Inclusive Children’s Story Writing Workshop, in which he developed his first children’s book, One Of The Boys (Or How Kenny Saved The City of Toyland).
He also gives a wide range of journalism skills training to high school students in Nueva Ecija. This year he started the Summer Editorial and Feature Writing Workshop, a free workshop for campus journalists and emerging writers in the province.
He spends his weekends in his leaky apartment with his four cats, Rilke, Ryokan, Rumi, and Rimbaud.
Hannah Marie Olanda is currently taking up Bachelor of Secondary Education major in English at Wesleyan University-Philippines. She is the editor-in-chief of Genré, the central student publication of the university. She was given a special citation in the short story category of the 12th Gawad Emmanuel “Eman” Lacaba. She enjoys writing short stories and poems.