4 minute read

MENSAHE

Next Article
Bionotes

Bionotes

Isang malugod na pagbati sa Samahang Lázaro Francisco sa paglalahathala ninyo ng unang isyu ng SARO. Humahanga kami sa pamunuan ng SLF sa pangunguna ni G. Rene Boy E. Abiva sa kanilang pagsisikap na mahasa at mapalabas ang likas na kakayahan ng mga bagong sibol na manunulat dito sa ating lalawigan.

Nararapat lamang na tangkilikin natin ang samahang ito na ang pangunahing adhikain ay ang itaguyod ang pagtatanggol at pagpapa-unlad ng ating sariling wika, panitikan at kultura na siyang sumasalamin sa kamalayan at kaluluwang Filipino. Ito, higit sa lahat, ang nagpapaligaya sa amin sapagkat dito namin mapapatunayan na buhay na buhay pa rin ang mga simulain at adbokasya na siyang ipinakipaglaban ng aming ama sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang may mga teoryang realismo.

Advertisement

Gaya ng paniniwala ng aming ama, “ Walang dakilang wika sa alinmang bansa na ang ‘di nagtaas at naghatid sa tugatog ay ang kanyang mga manunulat.” Ginampanan niya sa loob ng humigit-kumulang sa 40 taon ang papel bilang isang makabayang manunulat na may kamalayang-sosyal. Nagsulat siya ng mga nobelang nagsusuri sa mga suliraning pambansa upang maibunsod ang katuparan ng katarungang-panlipunan. Pinangibabaw niya sa kanyang pagsusulat ang isang bisyon sa buhay na bawat akdang susulatin ay dapat magtaglay ng mga layunin o misyon para sa kagalingan ng kanyang kapaligiran kung hindi man ng bayan at ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng kanyang mga nobela, nanghikayat siya sa kanyang mambabasa na makisangkot sa kapakanan at mithiin ng bansa.

Isa sa itinatangi niyang parangal noong nabubuhay pa siya ay ang gawad na “Tanglaw ng Lahi” mula sa Ateneo de Manila University noong 1979 “ dahil sa pag-uukol ng kanyang buhay at kakayahan upang makamit ang Pilipinismo at pagka-Pilipino.”

Sa ngalan ng Lázaro Francisco Foundation, taos-puso kaming nagpapasalamat sa pamunuan at mga kasapi ng Samahang Lázaro Francisco sa pasusumikap nilang lalong paigtingin ang ningas ng panitik ng ating nag-iisang Pambansang Alagad ng Sining sa pantikan dito sa ating minamahal na Lunsod ng Kabanatuan.

Mabuhay ang Samahang Lázaro Francisco!

FLORIÑO A. FRANCISCO, M.D. Anak ni Lázaro Francisco

Si Saro, ang Siklo, at ang Pangangailangan ng Estetisismo, Sentro, at Diskurso INTRODUKSIYON

“Walang dakilang wika sa alinmang bansa na ‘di ang nagtaas at naghatid sa tugatog ay ang kanyang mga manunulat.” -Lazaro Francisco

Noong 2009, si Lazaro Franciso o Saro, isang premyadong nobelista, mananalaysay, at mandudula ng Siyudad ng Cabanatuan, Nueva Ecija sa Gitnang Luzon, ay hinirang bilang Pambansang Alagad Ng Sining Para Sa Literatura. Nakilala siya bilang Saro, na nangangahulugang tapayang tubig na yari sa luwad o porselana sa luma/katutubong wikang Tagalog, o di naman kaya’y mabilis o maliksi, sa kanyang mga nobela gaya ng Binhi at Bunga (1925), Cesar (1926), Bayang Nagpatiwakal (1931), Sa Paanan ng Krus ( 1933), Ang Pamana ng Pulubi (1935), Bago Lumubog Ang Araw (1936), Sinsing Na Pangkasal (1939), Tatsulok (1946), Ilaw Sa Hilaga (1947), Sugat ng Alaala (1951), Maganda Pa Ang Daigdig (1955), Daluyong (1962), na kalakhan ay nalathala sa Liwayway (maliban sa Bayang Nagpatiwakal) at Philippine Free Press. Mayaman din ang kanyang baul sa mga Maikling Kuwento at Dula na de-kalibre.

Kaya naman, ‘di makakailang siya’y binansagan ng yumaong nobelista mula Plaridel, Bulacan na si Ave Perez Jacob bilang “Master of Tagalog Novel”, at kung ipipihit pabalik ang panahon, taong 1940 pa lang ay napabilang na si Saro sa “Ang Big 8 ng Panitikang Tagalog” kung saan nakasama niya sa listahan sina Jose Esperenza Cruz, Teodoro Virey, Gregorio Conching, Catalino V. Flores, Dr. Faustino J. Galauran, Venancio R. Aznar, at Antonio G. Sempio.

Subalit sa paglipas ng panahon, kakalat ang binhi ng mga Thomasite sa buong bansa na animo’y salot na damo sa mga bukirin at pinitak ng nayon. Hihina ang pagtangkilik ng mga bagong sibol na edukado, na kalakha’y mula sa angkan ng mga pencionado o ang mga nabigyan nang pagkakataong makapag-aral sa Amerika upang hubugin ng mga Amerikano sa paraang kanilang nais, sa wikang Pilipino na magiging dominante pangkalahatan sa sistema ng pagtuturo sa edukasyong mala-kolonyal at neo-kolonyal sa bansa. Naging talamak sa mga pamantasan at burukrasya ang paggamit sa wikang Ingles bilang pangunahing moda ng transaksyon at edukasyon. Napansin ito nina Sicat, Ordonez, Mirasol, Reyes, at Abueg at kanilang sinabing “…at habang nagtatanggol ang panitikan sa Pilipino at sa iba pang katutubong wika, idinedeklara naman ng mga manunulat at kritiko sa Ingles, banyaga man o Pilipino, na ang literaturang nasusulat sa Ingles ang siyang ‘pinakamaunlad’, ‘pinakamabulas’, at masasabing tanging literatura sa Pilipinas na agos ng literaturang pandaigdig.”

Malamang ay nakita na ito ni Saro na isa sa mga potensiyal na sularanin ng bansa kung hindi dagling aagapan. Kaya naman, noong 1958 ay itatatag niya ang Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA) sa bayan mismo ng Cabanatuan kung saan nakatuwang niya sa dakilang adhika ng samahang ito ang sosyal-realistang nobelista na si Amado V. Hernandez gayundin ang patnugot noon ng Liwayway na si Liwayway Arceo, at iba pang manunulat ng kanilang panahon. Habang sa Maynila at Bulakan nama’y inihahanda na ng mga batang manunulat, na mula Manuel L. Quezon University (MLQU), ang kanilang sarili upang ihasik sa pinitak ang punlang magpapabulwak sa tataguriang Agos Sa Disyerto sa darating na pagwawakas ng dekada-singkuwenta.

MAIKLING SURI AT SIPAT

Sa mga nauna niyang nobela’y kakikitaan ang batang Saro nang labis na pagkatig sa romantisismo na maaaring impluwensiya na mauugat sa Panitikang Tagalog ng Bulacan na noo’y namayani sa Malolos at San Miguel gaya ng mga panitik ni Balagtas, Huseng Sisiw, at Huseng Batute. Subalit nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

This article is from: