SARO 1: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO

Page 30

BIONOTES Si Mildred G. Abiva ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Mathematics sa Wesleyan University- Philippines, kung saan siya ngayon nagtuturo. Malapit na rin niyang matapos dito ang kanyang MAED- Mathematics. Bukod sa pagiging palakuwenta ay mahilig din siyang magbasa ng mga nobelang Filipino at Ingles lalo na yaong mga court room drama na isinusulat ni John Grisham. Nakahiligan niya ang magsulat ng personal na sanaysay at diyornal na impluwensya rin siguro nang pagiging manunulat niya ng mga affidavit ng mga kliyente ng mga abogadong nakasama niya sa dating trabaho. Sa kanyang mga bakanteng oras ay makikita siyang umaawit kasama ng San Nicholas de Tolentino Cathedral Chorale. Miyembro siya ng Philippine Council of Mathematics Teacher Educators (MATHTED), Inc at ng Philippine Political Science Association (PPSA). Pinakamahalaga ang kanyang pagiging asawa kay RB at ina kay Hiraya.

Si R.B. Abiva o RBA ay nagsusulat ng tula at maikling kuwento sa wikang Iloko at Filipino, siya rin ay musikero, iskultor, pintor, at literary columnist ng Pinoy Weekly. Fellow siya ng 58th University of the Philippines National Writers Workshop (Tula), 11th Palihang Rogelio Sicat (Maikling Kuwento), 6th Cordillera Creative Writing Workshop (Tula), at 9th Pasnaan- Jeremias A. Calixto Ilokano Writers Workshop (Daniw) ng GUMIL-Filipinas (Gunglo Dagiti Mannurat Ti Iloko). Nagwagi siya ng Unang Gantimpala sa Poetry Slam Recital Duet ng UP Likhaan (2019), Finalist sa 1st (2018) at 2nd (2019) Gabriela Prize Poetry Contest, at Unang Gantimpala sa BJMP Regional Literary Contest- Short Story Category (2016). Siya ang awtor ng PO(E)(LI)TIKA (2019), Agaw Agimat (2019), at Tuligsa at iba pang mga tula (2018.) Naging kontribyutor din siya sa mga antolohiya gaya ng BATAS MILITAR (2019), Basag: Modernong Panitikan ng mga Kuwentistang Wasak (2019), AKDA: Volume 5 (2019), at Hulagpos (2016). Isa siya sa mga patnugot ng Pandayan ng Paninindigan: Pagbisita at iba pang mga tula (2019). Nalathala na rin ang kanyang mga tula sa Liwayway at Bannawag. Sa kasalukuyan ay kumukuha siya ng MA-Malikhaing Pagsulat sa UP-Diliman. Na-eksibit na ang kanyang mga pinta noong 2016 sa UP Bulwagan Ng Dangal habang ang ilan sa kanyang mga tula ay makikita sa National Library of Australia.

{28}


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
SARO 1: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO by Rene Boy Abiva - Issuu