SARO 1: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO

Page 17

DAGLI

Ecija

Emmanuel John Pangan Pagbangon ko mula sa kama. Nag-inat. Humikab at pinunasan ang mumuta-mutang mga mata. Kasarap samyuin ng mga bagong damo at hamog. Nagtimpla ng kape para magising ang pasinghap-singhap na kamalayan. Malakas ang aroma ng kape na hinaluan ng gatas at matamis. Sinawsawan ng mainit na pandesal tsaka humigop hanggang sa maubos. Naligo. Nagbihis. Nagpahatid ako sa terminal sakay ng tricycle. Lalong nanuot sa ilong ang sariwang hangin. Pagdating sa terminal, agad akong sumakay sa bus. Damang-dama ang kakaibang lamig ng aircon. Nagjacket hanggang sa makatulog sa biyahe. Pagdating sa paroroonan, tanghali na, at sinalubong ako ng mainit at malagkit na klima kasabay ng pagyakap nang pinaghalong kulob na amoy ng pawis ng sangkatutak na tao at burak mula sa bukas na kanal.

{ 15 }


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
SARO 1: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO by Rene Boy Abiva - Issuu