S PE C IAL REPORT
APRIL - MAY 2018 | PAGE 4
VOLUME 32 ISSUE 5
PAG raises concerns on lack of transparency, scholarship, and more Various Performing Arts Group (PAG) presidents raised their concern over numerous internal problems, one being the lack of “support” from the administration. The said issue was brought up during the first Town Hall meeting led by the University Student Council on February 21 earlier this year when a certain PAG President shared the “lack of transparency” in funds and overall support from the concerned offices above PAG. As such, The Heraldo Filipino (HF) investigated the issue.
As per the DLSU-D Student Handbook, CAO is a unit of the Student Development and Activities Office (SDAO) “tasked with providing opportunities for students to develop themselves in the area of culture promotion and the arts,” spearheaded by CAO Coordinator Joel Refuerzo who is in his 13th year as the Coordinator. Under CAO are the seven PAG organizations: TEATRO Lasalliana, DLSU-D Chorale, La Salle Filipiniana Dance Company (LSFDC), Lasallian Pointes ‘n’ Flexes Dance Company (LPNFDC), DLSU-D Symphonic Band, Lasallian Pop Band, and Visual and Performing Arts Production Unit (VPAPU). HF held interviews with all seven PAG Presidents, also known as Council of Presidents (COP), and the administration concerned and obtained significant documents to validate the interviews. Fund transparency CAO has a P150 collection fee per student. Each year, the office receives a fund estimated by the Accounting Office and has the discretion to divide the fund among the seven PAGs. Every year, unused funds are saved up in the CAO Trust Fund, and as of April 17, the CAO has
accumulated P4,200,000 since the beginning of CAO. In the CAO Annual Budget Projection created and submitted by Refuerzo to SDAO during the start of the academic year (AY), the total of CAO fund is P2,530,000. The division of funds is as follows: per organization, they are given a separate budget of P50,000 per semester which they can utilize for bookstore requests, recitals, and repairs among others. Other funds include cultural competitions, major productions, and PAG midyear workshop funds, among others. In total, with these separate funds, one PAG organization has a total budget of P280,000 this AY. However, on money matters, some PAG presidents seem to know less than they’re supposed to. “Hindi kami well-informed kung ano talaga ‘yung type ng budget namin, kung magkano ‘yung budget namin,” Rudy Alduñar, LSFDC president said. Rica Barinque, TEATRO Lasalliana president, said they are not given breakdowns of how much has been spent and how much still remains in their budget. “Yes, actually lahat kami (PAG) ‘yun ‘yung
problem namin. Ang problem namin with the CAO, ‘yung transparency with the budget na parang wala kaming breakdown,” Barinque said, “At ‘yung suggestion sana namin is magkaroon ng breakdown kung magkano ba talaga ‘yung budget namin for this sem[ester] at paano ba namin siya ma-u-utilize kung nababawasan ba namin siya, [at] kung nababawas, magkano na?” Refuerzo dismissed this claim, “I don’t know kung paanong lack of transparency, kasi unanguna ang kanilang [External Vice President for] Finance dapat ay nag-re-record din [ng] lahat ng expenses nila… kaya hindi nila puwedeng sabihin na hindi transparent sa budget kasi sila among themselves alam nila kung ano ‘yung gastos nila.” In an interview with the PAG presidents, they said they record their balance and remaining budget, however, they still need to have verification from the CAO. During the initial interview with HF, the CAO Coordinator showed a blue logbook where he keeps his record of spending per PAG organization which he presented to PAG members inquiring about their balances. Contrary to what the CAO Coordinator says however, certain PAG presidents said they have not seen the said logbook nor were there
any documents from the CAO. Meanwhile, other presidents say that Refuerzo has mentioned that there is a logbook but has still not shown it to them. Melissa Sta Cruz, VPAPU President, states that Refuerzo showed it to her once, but he does not use it regularly. “Nitong mga sumunod na taon wala kaming papel na nakikita na nando’n na nakalagay na ‘Ito ‘yung budget niyo this year,’ wala ding monitoring,” Barinque said. The TEATRO president says CAO does not clearly mention their remaining balance of PAG budgets despite having already inquired with the CAO. “Kapag may ipapa-approve kang bookstore form, PRF (Payment Requisition Form), mga gano’n, ‘sige pirma’, pero ‘di mo mache-check kung ano ‘yung balance [talaga] namin. Nag-i-inquire kami pero ‘a sige kaya pa naman [ng budget]’ parang wala kaming makitang figures, laging statement lang,” Symphonic Band President Lawrence Samson added. During the weeks covered by HF for the inquiries for this article, the reporters learned that the CAO released a working financial performance summary per PAG organization for
Ang kabalintinunaan ng pribilehiyo
Makalipas ang isang araw bago ko isulat ang column na ito, nakita ko ang isang hilera ng mga bulok na melon na pilit ibinebenta sa supermarket. Naisip kong ilang oras na lang siguro ang nalalabi nito sa merkado bago ito tuluyang itapon. Nakakahiya nga namang i-display ang mga bulok na pagkain sa pamilihan—sino nga namang kakain o magkakainteres sa pagkaing bulok? Sa libu-libong produktong ibinebenta sa pamilihan, hindi ko lubos maisip kung gaano karami ang mga pagkaing itinatapon sa ating likuran. Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lang libo, ngunit 1.3 bilyong tonelada ng pagkain sa buong mundo ang nasasayang kada taon ayon sa Food and Agriculture Organization ng United Nations. Isang kabalintunaan habang tayo’y patuloy na nabubuhay sa mundong pinalalagihan ng 795 milyon sa 7.3 bilyong katao sa buong mundo na nagdurusa sa chronic undernourishment ayon sa World Hunger; habang sa Pilipinas, may 3.1 milyong katao ang nananatiling gutom ayon sa isang sarbey na ginawa ng Business World. Ayon kay Annie Leonard, isang American sustainability advocate at kritiko ng konsumerismo, sa loob ng anim na buwang shelf life ng ilang pagkain sa merkado,
99 porsiyento ng mga bilihing pagkain ang itinatapon dahil nabubulok na ito o di kaya’y hindi na sing-sariwa nang una itong ibenta. Ibig sabihin, isang porsiyento lamang ng bilihing pagkain ang nakokonsumo ng mga tao. Ngunit hindi dito nagtatapos ang waste production. Sa kanya-kanya nating tahanan masisilayan natin ang non-sustainable waste patterns. Ang reuse, reduce, recycle na kinalakhan natin ay tila mga salitang hindi na masinop na nasusunod dahil sa kawalan ng disiplina, kasabay ng impluwensiya ng komersiyalismo kung saan ang pagbili ng mas marami ay mas mabuti. Dagdag ni Leonard, matapos ang World War II, nagsimula ang ideya ng “Planned Obsolescence” kung saan dinisenyo ang mga produkto sa merkado upang mas mabilis na mawalan ng silbi nang lalo pang tumaas ang pagbili ng mga tao, na sa huli ay siyang nakadadagdag lamang sa waste production. Bagama’t ibang paksa na ang tatahakin nito, at nangangailangan pa ng mala-thesis sa haba sa diskusyon, ipinapakita pa rin nito kung paano tayo nabubuhay sa isang mundong marami ang nililikha ngunit kaunti ang nakokonsumo. Ito ay patuloy na nangyayari sa bawat pagkisap ng ating mga mata sa kabila ng realidad na milyun-milyon parin ang nananatiling gutom at mahirap. Kamakailan ay sumikatang isang maiksing dokumentaryo ng BBC tungkol sa pagkain ng “pagpag” o tira-tirang karne mula sa basura ng fast food chains sa Tondo, Maynila. Sa dokumentaryong ito, tahasang ipinakita kung paano kinokolekta, hinuhugasan, at muling iniluluto ang mga karne mula sa dumpsite hanggang sa hapag.
Maraming tao ang nabigla, ngunit mas nakabibiglang marami paring Pilipino ang walang kamalayan sa mga pagdurusang nararanasan ng mahihirap. Habang ang iba sa atin ay nakapagtitira ng pagkain sa ating mga pinggan dahil sa kawalan ng gana, daan-daan naman ang handang lumusong sa basurahan upang kunin ang tira ng iba dahil sa matinding kagutuman, daig pa ang mga alagang aso’t pusa na may araw-araw na rasyon ng pagkain.
Bulok na ang sistema ng komersiyalismo, huwag na tayong dumagdag sa baho na nilalabas nito Bulok na ang sistema ng komersiyalismo, huwag na tayong dumagdag sa baho na nilalabas nito. Saan man tayo pumunta’y mayroon tayong sustainable choices sa mga nanaisin nating bilhin o kainin upang maiwasan ang negatibong epektong naimamarka sa mga mahihirap at sa kalikasan upang gampanan lamang ang mga pagnanais ng ating kalamnan. Naging usap-usapan din sa social media ang makabagongpamamalakad ng San Carlos City sa Negros Occidental kung saan gumagamit ito ng dahon ng gbi bilang pamalit sa plastik sa palengke. May ibang mamimili namang nagkukusa na sa pagbabawas ng plastic at paper
waste gamit ang pagdadala ng plastic container para sa mga bilihing nangangailangan ng plastik katulad ng karne. Sa katotohanan ay maraming pagpipilian ngunit kakaunti ang may kusa. Siguro’y oras na para tayo’y sandaling tumakas sa kani-kaniya nating komportableng pamumuhay at lumusong sa mundo ng mga taong pinagkakaitan ng mga pangunahing pangangailangan. Ang laban kontra iresponsableng waste production ay hindi lang para sa ating sarili kundi sa milyun-milyong maaapektuhan ng basurang parami nang parami, at ang iba’y basura ng pagkaing sana’y tumigil sa mga kumakalam na sikmura ng gutom. Bilang bata, malinaw kong naalala ang isang aral na itinuturo sa akin ng nanay ko, “Ubusin mo ang pagkain mo dahil maraming bata ang nagugutom.” Matagal na namutawi sa isip ko ang mga katagang ito dahil hindi ko lubos na maintindihan kung anong kinalaman ng pag-ubos ng pagkain ko sa kahirapan. Maikakain ko ba ang mga araw na natulog sa kumakalam na sikmura ang mga puslit sa lansangan? Ngayong namulat na ako sa realidad, napagtanto kong ang mga katagang ito ay maaring isang simbolismo sa kung paano nagkakaiba ang mga tao sa iba’t ibang lebel ng pamumuhay dulot ng konsumerismo at komersiyalismo. Pinakikita ng simpleng aral sa buhay na ito ang kabalintunaan ng pribilehiyo sa gitna ng panahon ng kahirapan at kagutuman. Na kung minsan, ang pagababawas sa sinasayang nating pagkain ay simbolo ng respeto para sa ibang taong naghihikahos para lang makakain.