(2015) Vol. 62, Seniors Folio

Page 134

Hindi mo ito papansinin…(Magtungo sa talata 8) Tatanungin mo ang problema ng kapre (Magtungo sa talata 19) 33 Nagtungo ka sa lawa. Sa pampang, may nakita kang isang maliit na bangka. Ginamit mo ito upang tumawid sa lawa. Dahil maliit lang ang bangka, mabagal ang usad nito. Dinadapuan ka na ng antok. Ipagpatuloy mo ang pagsasagwan. (Magtungo sa talata 18) Umidlip ka nang sandali. (Magtungo sa talata 10) 34 Kukunin mo ang pito at ubod-lakas na hihipan. Maya-maya, gagalaw ang lupa. Isang malaking bato ang lilipad mula sa kung saan pabagsak sa taong-bayan. Madadaganan ang karamihan sa kanila. Darating ang kapreng nakilala mo sa gubat. Sisirain niya ang bakal na kandado sa kulungan at makakalabas na ang iyong magulang. Sabay-sabay kayong aalis sa bayan at tutungo sa kagubatan. Aalukin ka ng mga magulang mong sumama sa kanila patungo sa malayong lugar at doon manirahan. Ano ang isasagot mo? Sasama ka sa kanila…(Magtungo sa talata 26) Hindi ka sa sasama sa kanila…(Magtungo sa talata 14)

122 · Kimberly Lucerna


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.