Issuu on Google+


BAGO ANG PORMAL NA EDUKASYON

UNANG GURO Unang guro ni Rizal ang kaniyang ina. Ito ang nagmulat sa kanyang kaisipan ng mga relihiyosong gawain tulad ng pagdarasal, pagsisimba; mga gawaing bahay; alpabeto, na kaniyang natutunan nang siya ay tatlong taong gulang pa lamang; at iba’t ibang pangalan at katangian ng mga puno at halaman na matatagpuan sa kanilang bahay.


BAGO ANG PORMAL NA EDUKASYON

IBA PANG MGA GURO BAGO ANG PORMAL NA EDUKASYON Maestro Celestino Maestro Lucas Padua - aritmetika Maestro Leon Monroy (dating kaklase ng ama) --mga gurong kinuha ng mga magulang ni Rizal


BAGO ANG PORMAL NA EDUKASYON

BINAN, LAGUNA (HUNYO 1869) Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin. Siya ay inaaway at sinisiraan ng kanyang mga kaklase dahil magaling siyang mag-aaral. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Bi単an.


PORMAL NA EDUKASYON

ATENEO MUNICIPAL DE MANILA Ang orihinal ng plano ng kaniyang ama ay sa Letran siya mag-aaral subalit nagbago ang isip nito. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya’y huli na sa patalaan at maliit para sa kaniyang edad. Hindi siya nakapasa ng pagsusulit sa Ateneo. Meron lang siyang kakilala na si Padre Burgos at ang mga Jesuits, kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa Ateneo. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado


PORMAL NA EDUKASYON: ATENEO

--UNANG TAON (1872-1873)— Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali. Noong bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang inaukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.


PORMAL NA EDUKASYON: ATENEO

--PANGALAWANG TAON (1873-1874)— Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biùan. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod: Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas. Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama. Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor. Si Padre Jose Bech S.J. pa rin ang kaniyang naging guro


PORMAL NA EDUKASYON: ATENEO

--PANGATLONG TAON (1875-1876)— nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pagaaral at natapos ang taon ng pag-aaral na mayroong limang medalya.


PORMAL NA EDUKASYON: ATENEO

--HULING TAON (1877-1877)— nag aral si Rizal ng pilosopiya, physics, chemistry at natural history Hinikayat siya ni Padre Jose Villaclara na itigil ang pagsusulat at iwan ang grupong Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 nang may limang medalya at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes . Romualdo De Jesus: guro sa eskultura Peninsula Don Agustin Saez: guro sa pagpinta at paglilok (sculputre making) Padre Villaclara at Padre Mineves: iba pang guro sa huling taon


PORMAL NA EDUKASYON

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-1882) 16 taong gulang KURSONG KINUHA: Pilosopiya Y Letra (philosophy and letters) dahil: – Ito ang gusto ng kaniyang ama – Wala pa siyang tiyak na kursong gusto Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo.


PORMAL NA EDUKASYON: UST

Sumulat si Padre Pablo Ramon SJ kay Rizal nang siya ay nasa ikalawang semstre na, hinihikayat itong kumuha ng medisina Sa kagustuhang mapagaling ang mga mata ng kanyang ina, sinunod ito ni Rizal Nang si Rizal ay nasa ikalawang taon na sa pagaaral ng UST. lumahok siya sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.


PORMAL NA EDUKASYON: UST

Muli siyang lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses (The Counsels of the Gods) ay nanalo ng unang gantimpla Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag na Compa単erismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pangiinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.


PORMAL NA EDUKASYON: UST

PIGHATI NI RIZAL SA UST Galit sa kanya ang mga guro ng UST Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST


PORMAL NA EDUKASYON

UNIBERSIDAD CENTRAL DE MADRID (1882) Mga kursong kinuha – Medisina – Pilosopiya at Pagsulat

Sumali sa samahang Circulo Hispano- Filipino (Spanish and Filipino Circle) Nag-aral ng mga wikang: --Pranses --Aleman --Ingles


PORMAL NA EDUKASYON

Nagtungo si Rizal sa Paris sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelo. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot ng pahayagang La Publicidad . NOBYEMBRE 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886. 1886 - 19 JUNE: Nakuha ang Degree of Licentiate in Medicine with honors.


PORMAL NA EDUKASYON

UNIVERSITY OF HEIDELBERG Si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya. Natapos ni Rizal ang kurso sa optalmolohiya sa tulong ni Otto Becker.


Palma, Rafael. (1966). The Pride of the Malay Race A Biography of Jose Rizal. New York: Prentice-Hall Inc. Edukasyon ni Rizal. Nakuha noong Pebrero 28, 2010 mula sa http://www.scribd.com/doc/26371342/EdukasyonNi-Jose-Rizal Pag-aaral ni Rizal. Nakuha noong Pebrero 28, 2010 mula sa http://www.scribd.com/doc/6823672/rizalpaaaral?secret_password=&autodown=pdf


edukasyon ni rizal