Page 1

NAGUIAT MASAHOL PA SA ‘KAPITTUKO’

Sino’ng may sabing endangered na ang Gecko?

ILANG BUWAN PA LANG SA PAGCOR, MAY MANSION NA ITONG SI BONG Mabilis pa sa pagbiyahe sa “matuwid na daan” ang pag-asenso nitong si Naguiat. Biruin mo, ilang buwan pa lang sa PAGCOR, nagkaroon na ito ng mansiyon. At hindi lang sa pipitsuging lugar kundi sa La Vista lang naman kung saan hindi bababa sa isandaang milyong piso ang halaga ng lupa at bahay. Talo pa ni Bong ang naka-jackpot sa kanyang posisyon dahil dati ay sampid lang ito sa bahay ng kanyang biyenan. Sa balita, sinasabing galing sa isang big-time gambling syndicate ang pinambili ni Naguiat sa kanyang bahay. Ikaw na ang maging kaklase ni P-Noy!

DALAWANG BESES NANG ISINUKA SA PAGCOR, ANG KAPAL PA NG MUKHANG BUMALIK Sinibak na noong panahon ni administrasyon nina Alice Reyes at Ephraim Genuino dahil sa katiwalian at kuwestiyonableng moralidad, sadyang makapal pa rin ang mukha ni Cristino “Bong” Naguiat at nagpapuwesto pa kay P-Noy sa PAGCOR. MAHILIG SA TONGPATS Bago pa man nauso ang salitang “Tongpats”, itong si Naguiat pala ay mahilig na sa “tongpats” at “kickback”sa gambling paraphernalia.

Pagkatapos sibakin noon ni Reyes, nagpapadrino pa itong si Naguiat sa noo’y senador Benigno Simeon Aquino III kay dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo para makabalik sa PAGCOR. Kapal di ba?

Suportado ko ang matuwid na daan? Di matuwid na daan kontra katiwalian kundi patungo sa mansiyon ko. Para di na kailangan ng wang-wang pagbiyahe


ILANG ARAW LANG, P400 MILYON NA ANG NATANGAY SA PAGCOR! SUSMARYOSEP! PAGCOR ‘nasalisihan’ ng P400 million sa isang linggo lang -- Humigitkumulang na P400 milyong pera ng bayan ang hinayaan ni Naguiat na maitakas ng mga dayuhang miyembro ng sindikato sa loob lang ng isang linggo sa tatlong casino ng PAGCOR.

SA PAGCOR, HINDI LANG 3K MERON KUNDI 5K Kaibigan, Kabarilan, Kaklase, Karelasyon at Kauri

Matuwid na daan ba kamo? Wala iyan sa bagong pamunuan ng PAGCOR dahil halos isang taon pa lang sa puwesto, marami nang kabalbalan itong si Naguiat. Kabilang na sa kalokohang ito ang pagpayag na maisama sa payroll ng PAGCOR ang mga talent ni Boy Abunda sa Backroom kahit walang proyekto. Kinuha rin ni Naguiat ang boyfriend ni Abunda na si Bong Quintana bilang vice president for entertainment ng ahensiya, na isang malinaw na bayad sa pagsuporta ng talent manager kay P-Noy noong 2010 elections.

Nakapagpiyansa ang mga dayuhan dahil magaan lang ang kasong isinampa ng PAGCOR at nakatakas nang hindi man lang nababawi ng pamahalaan ang natangay nilang pera mula sa casino. Ang masakit, sinundan ng ilang opisyal ng PAGCOR ang mga dayuhan sa ibang bansa kung saan nagpartehan ng kita. See no evil! Hear no evil, speak no evil but I’m with the evil!

Mga tita, sa PAGCOR, wala tayong problema sa “anda”.

Iyan ba ang matuwid na daan?

Rambo Naguiat Tinalo pa ni Naguiat si Rambo sa pagka-war freak nang habulin nito dala ang baril ang isang abogado ng ahensiya sa pag-aakalang kaalyado ito ng pinalitang si Genuino. Naguiat walang plano para sa PAGCOR Isang taon na si Naguiat sa puwesto pero wala man lang itong maipakitang matibay na plano para sa ahensiya at tinutuloy lang ang mga nasimulan ni Genuino. Naguiat namili ng $300K worth ng produkto Kung hindi ba naman makapal ang mukha ni Naguiat, namili ito ng mga mamahaling produkto na aabot ng $300,000 sa Las Vegas nang magtungo ito sa imbitasyon ng Wynn Casino. Ang siste, ipinalagay ni Naguiat sa bill ng kanyang kuwarto ang nasabing halaga. Kapal talaga!

yellow paper  

Yellow paper vs PAGCOR

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you