Issuu on Google+


Lupong Patnugutan Punong Patnugot: Tracey dela Cruz, II BS PSY Tagapamahalang Patnugot: Joanne Tria Lim, II AB Ec Patnugot ng Lapat at Sining: Ian Louie Luyao, II BS PS Taga-guhit: Cecille Espinosa, II AB IS Mga Katuwang ng Patnugutan: John Benvir Serag, II BS CTM Jamaica Patigas, III AB PoS Shiphrah Gold Belonguel, II BS PSY Christabel Corpus, IV AB COM Patricia Nepomuceno, II BS PSY Bantay ng Patnugutan: Alvin Religioso, IV BS MIS Mga Nag-ambag sa Lapat: Tanya Lea Franchesca Mallillin, II BFA ID Gian Carlo Alix, I BS-MS CS Ka Yan Donyx Chan, I BS LfSci

1


OBF (One Big Family)!

kailangan mo ng iintindi sayo, nariyan sila para damayan ka. Nakakagaan ng loob malaman na hindi lang ikaw ang nakaramdam ng pangamba, pagka-OP, at takot. Nakakabuo ng loob makakita na masaya, kinakaya, at pursigido and isang kapwa iskolar. Iba-iba man tayo ng pinanggalingan, sa isang banda, parepareho tayo ng pinagdaraanan. Kaya naman, huwag mahihiyang magpatulong at huwag magkakait ng tulong. Tulad ng isang totoong pamilya, inspirasyon natin ang isa’t isa.

ni Alyssa Christine Lambinicio

Lahat tayo ay dumaan, kung hindi dumadaan, sa pagiging isang freshie, at alam natin na sa pagpasok sa kolehiyo, marami ang pagbabagong kahaharapin. Ibang teritoryo na ang iyong gagalawan. Ibang mga tao na ang iyong makakasalamuha. Ibang lebel na ng pagod at puyat ang mararanasan. Hahanapin mo kung saan ka lulugar. Hahanap ka ng mga bagong kaibigan. At higit sa lahat, hahanapin mong muli ang iyong sarili, at kung sino ang gusto mong maging. Hindi ito magiging madali, ngunit hindi mo rin naman ito kailangang harapin mag-isa.

“Iba-iba man tayo ng pinanggalingan, sa isang banda, parepareho tayo ng pinagdaraanan.”

ng Ateneo ay hindi lamang isang A unibersidad na binubuo ng mga estudyante at guro; ito rin ay isang komunidad na binubuo ng mga taong magsisilbing pamilya sa panahon mo sa kolehiyo. Sa totoong komunidad man ay hindi ka maaaring magkaroon ng maraming pamilya, dito puwede! Sa halos magtatatlong buwan kong pananatili rito, marami na agad akong nakilalang grupo ng mga taong maituturing kong pamilya. Una na rito ang mga kapwa iskolar na para ko na ring mga kapatid. Noong mga unang araw ko dito, inakala kong sariling sikap ang susi para makaraos sa kolehiyo. Oo nga’t mahalagang maging independent at responsable para sa sarili ngunit mas gagaan ang mabibigat at mas sasaya ang seryoso kung may kasama ka sa adventures mo. At sino pa nga ba ang mga pinakaakmang makasama sa mga adventures na iyon kundi ang mga kapwa iskolars mo? Pag nahihirapan ka sa kurso mo, nariyan sila para turuan ka. Kung gusto mo ng kasabay kumain, nariyan sila para samahan ka. At kung

Nariyan rin ang mga nanay at tatay natin sa OAA (Office of Admission and Aid). Isang beses, nagbigay ako ng service hours sa kanilang opisina. Napadaan si Ma’am Jolly, nakita kami, at sinabing, “Ang sisipag naman ng scholars namin!” Sa tinig ng kanyang tuwa ko nadama ang kanyang pagmamalaki na hindi sila nagkamali. Doon ko rin natanto na ang pagiging iskolar ay tungkol rin sa paninindigan at pagbabalik loob sa tiwalang iginawad sa iyo ng mga taong pinapag-aral ka. Hindii ka man nila kilala binibigay nila ang kanilang tiwala at pag-asang magiging isa kang magaling at mabuting miyembro ng lipunan balang araw. Bukod sa mga totoo nating mga magulang, pinagsisikapan din nating mapasaya ang mga taga-OAA na nag-aalaga at kumakalinga sa atin.

2


Sa laki ng Ateneo, masasabi ko ring malalaki ang puso ng mga tao rito. Ang Ateneo ay di lang basta unibersidad. Ito rin ay isang komunidad kung saan makahahanap ka ng iyong pamilya sa mga organisasyong sasalihan mo. Bilang isang freshie, nagpasya akong huwag muna maging aktibo sa pagsali sa mga orgs at bigyang pansin muna ang akademiko. Di lumaon ay dumalo-dalo na rin ako sa mga General Assembly at paisa-isang programa. Nawili yata ako sa isa sa mga ito, at unti-unti nang napapalapit dito. Ito ang Gabay. Hindi ko akalaing may makikilala pa akong grupo ng mga tao, bukod sa barkada ko noong high school, na sasabayan akong tumawa sa mga pinakasabaw na jokes, magbibigay ng sobrang moral support, at sasamahan ako bilang ako. Napakaraming organisasyon sa Ateneo, kailangan mo lang hanapin ang para sayo. Marami mang mga grupo o pamilya riyan, paglubog ng araw ay kabilang pa rin tayong lahat sa isang komunidad na pinagbubuklod ng malakas na pananampalataya at hangarin para sa magandang kinabukasan. Hindi kailangang magfit-in para maging isang ganap na Atenista. Kailangan lang magall in at ibigay lahat ng makakaya para sa ikabubuti ng kapwa. Maging isang kaibigan, kapatid, at mabuting ehemplo. Ating isakatuparan ang misyon ng Ateneo!

3


All In!

ni Shiphrah Gold Belonguel Maraming klase ng scholar sa Ateneo –Merit, San Ignacio de Loyola, Director’s List, Academic, Athletic, Financial Aid, Grant-in-Aid at iba pa. Mayroon pa ngang mga “hybrid” scholars na katulad ko. Basahin ang sumusunod na mga panayam at kilalanin ang iba’t ibang klase ng mga iskolar, alamin ang kanilang mga pagkakaiba at kung paano sa kabila ng mga ito ay mayroon ring mga pagkakapareho na nagtitipon sa kanila. Name: Gio Palencia Year and Course: II BS Psychology Type of Scholarship: Athletic Relationship status: Single Words you live by: “Magis” People you look up to: Max Pulan Describe you organization life. How do you balance your academics and extracurricular activities? I’m not really active in the one org I joined, especially during the first semester because I devote most of my time for training since our UAAP season is in the first sem. I train at around 6am-9am in the morning and 3pm-6pm in the afternoon. In between those two training sessions, I go to class. Then when I get home after my afternoon training session, I usually do the schoolwork that I need to do. What is so far your most significant experience as a student leader/ athlete? My most significant experience as a student-athlete in the Ateneo happened last year, when our team managed to capture the first ever swimming championship for Ateneo. How has the Ateneo community or any community contributed to your growth? The Atenean culture of developing a sound mind and a sound body really helps me with both my academics and my sport. My teammates motivate me to really give my best in training and in competition. What motivates you to do your best? The opportunity to bring honor to my school also motivates me. What is the most special thing about being an Atenean scholar? Being an Atenean is already a privilege in itself because I get to be part of the culture

4


in Ateneo, but to be a scholar is even more special because Ateneo recognizes our talents and gives us the opportunity to hone them further and realize our full potential. Anong paboritong kulay mong swimming trunks? Iyong bright/neon colored trunks kasi maganda tingnan habang lumalangoy. Name: John Benvir “VJ” Serag Year and Course: II BS Communications Technology Management Type of Scholarship: Academic Scholar + Dorm Scholarship Relationship status: Single Words you live by: “Live life to the fullest” People you look up to: Iyong mga taong successful at mahal nila iyong ginagawa nila Where are you investing yourself right now? [I am an] actor and nagwowork [ako] in production. Mahal ko talaga iyong theater so ibibigay ko talaga sa kanya iyong lahat. Describe your org life. Building new relationships, especially now na may mga newbies. At the same, maintaining old relationships nung first year. Same kayo ng ginagawa, ang close-close niyo. Sa orgs, parang marami kang pamilya sa Ateneo.

“Kumbaga ang pagkain na magiging ako, sila lang rin ang nagprepare, sila lang rin iyong deserving tumikim bilang naging part sila ng formation ko.” How do you balance your academics and extracurricular activities? Setting time and priorities. Kasi parang kung may iseset kang time for org, tapos alam mo na after nun, iyong remaining time for Acad na siya. Ganon, iseset mo siya, iyong time na iyon para lang doon sa sinet mong priority. How has being in an organization contributed to your growth? Bilang nakakakilala ka ng iba’t ibang taong may iba’t ibang paniniwala, tinutulungan kang magkaroon ng paninindigan.

5


What is so far your most significant experience as a student leader/ athlete? [Iyong] Virgin LabFest Showcase sa CCP. Sa gitna siya ng acad life, tapos binigyan ko siya ng chance. Sunday siya at wala talaga akong ginawang acad-related. Simula umaga hanggang gabi, nandoon lang ako. Di ko siya pinagsisisihan kasi ang laking opportunity na makapagperform sa CCP. Fresh iyong plays, doon pa lang siya mapapakinggan. I got to work with people outside the Ateneo. Call siya for amateur and professional actors. Nagsubmit lang ako ng acting resume, di ko naman inexpect na matatanggap. Parang hindi ko inexpect na as a student magagawa ko iyon, tapos second year pa lang. What motivates you to do your best? Making others happy. Dahil pag masaya iyong mga tao, Masaya rin ako. What is the role of your scholarship in your experiences with other people? Reminder siya na student muna ako bago iyong lahat. Di ba nga student-actor? Una muna yong student bago actor. Nagiging constant reminder siya na kailangan ko pang gawin ang lahat ko especially sa Acads. What is the most special thing about being an Atenean scholar? Mga libre HAHA joke. Ibig sabihin ng scholarship na iyon, nakitaan ka ng potensyal. For now, dinidiscover ko iyong potensyal na nakita nila. Kung pagkain ka, sino ang kakain sa’yo? Lahat ng mga taong tumulong sa akin. Ang laki ng gratitude ko. Kung saan ako ngayon, wala talaga iyon kung hindi dahil sa tulong ng ibang tao. Kumbaga ang pagkain na magiging ako, sila lang rin ang nagprepare, sila lang rin iyong deserving tumikim bilang naging part sila ng formation ko. Name: Joyce Tiam-Lee Year and Course: II BS Health Sciences Type of Scholarship: Merit Scholar Relationship status: Single Words you live by: “I can do all things through Christ who gives me strength” – Philippians 4:13 “When the heart is full, the overflow is generosity” – Doc Sio How do you balance your academics and extracurricular activities? I live by a schedule. Mine-make sure ko naman may oras ako sa ‘me’ time kung hindi masisiraan ako ng ulo. Kapag feeling ko makakatulog na ako sa acads, magshishift ako sa org work and then acads na ulit. Acads first. Pero hindi naman dapat puro acads lang. Dapat pantay.

6


Describe org life. Deadly. Diverse. Dynamic. Iyon iyong nagkekeep sa aking sane. Naisip ko lang na kung matuloy akong Med, balewala lang iyon kung hindi ko naman alam kung sino iyong mga taong icacater ko to in the future.. And originally naman iyong orgs ko talaga, tatlong SBC [Sector-Based Cluster] -- CODE, Kythe at SPEED. [Ang] hilig ko talaga sa kids. Ngayon, gusto ko maging pediatric oncologist. Ang saya rin na makahanap kang same people with the same interests. Paano nagcontribute ang org and knowing people and knowing the sectors you hope to serve one day sa growth mo? It started as awareness. I guess a lot of us are sheltered in one way or another. Awareness in the sense na nakikita mo talaga firsthand kung ano iyong nangyayari. We think na wala tayong nagagawa, parang we feel na detached tayo pero in fact iyong mga little things that we do actually help them. Before talaga, iniisip ko dito kaya ako magwo-work or abroad. Pero gusto ko talaga dito [na]. Sayang naman – bakit mo ibubuhos mo iyong knowledge mo sa isang place kung saan di naman masyado kailangan and kung saan may mga tao naman. What is so far your most significant experience as a student leader/ athlete? Iyong isang visit ko sa Kythe. May isang baby doon. 6 weeks old lang siya. Kinuwento ng mom niya na ang dami na daw doctors na nagsabi sa kanya na ‘iwawaste mo pa ba iyong effort and resources doon sa six-week old baby na iyon’ kasi nga first few months pa ng life, sobrang fragile. Sabi ng mom, “Paano ko malalaman kung di ko susubukan?” Parang doon ko nalaman na sobrang delicate pala ng lahat. Nakakachange rin siya ng perspective. When a lot of people would give up on that kid, iyong mom niya believes in miracles. Kasi sobrang against all odds na siya, pero hindi niya kinonsider ang inisip ng iba. What motivates you to do your best? For as long as there exists a lack in society, iyo ang magmomotivate sa akin. Ang daming nagawa ng maraming tao, pero meron pa ring mga problema. As well as friends and family and iyong mga ka-batch ko who resonate with the idea that something should be done. What is the most special thing about being an Atenean scholar? Blessing namakapag-aral dito. Dito kasi, tulungan talaga. May sense of community na parang hindi ka alone and you’ll know what you want to do and parang walang iwanan.

7


Kung restaurant ka sa Katipunan, alin at bakit? Kahit anong drive-thru kasi you can drive through me. I mean, madali akong kausapin. Kung kailangan ang help ko, instant, magbibigay ako ng fast food. HAHA Name: Ma. Eleanor Reserva Year and Course: IV BS/M Applied Mathematical, Masters in Finance Type of Scholarship: 100% Tuition and Fees Scholarhip, Dormitory and Allowance Relationship status: In a Relationship Words you live by: “Don’t wish things were easier. Wish you were better.” “PUSH MO IYAN” People you look up to: I look up to people who are very disciplined

“That feeling when you have a community that supports you and backs you up to experience something that shaped and formed my experience as a leader.” How do you balance your academics and extracurricular activities? I prioritize. If something needs to be done, I do it now. Depende rin siya sa urgency. Kung anong mas urgent, iyon mas una. Delegate din. If there’s an org work na di ko naman kailangan gawin, give it to others so I can also focus on my acads. Describe org life. Busy. Intense busy. Pero fun. Iyong kind na haggard na haggard ka na, pero you still find energy. [Like sa org ko] pare-pareho kaming pagod, pero nagbabatuhan kami ng energy. Kakaibang learning experience din siya. Things I learn in class, I see applied sa org, especially sa philo. It complements my acad work also. What is so far your most significant experience as a student leader/ athlete? When I got accepted in ASLA. Community kasi siya of leaders. To be accepted felt like they believed in me. It also felt like my home organization believed in me. That feeling when you have a community that supports you and backs you up to experience something that shaped and formed my experience as a leader. How did those people contribute to your growth? Before that, my world was limited to Math and Dorm. Okay, I go outside sa AMS as

8


a Math major and then I go back [in UD] as a dormer. Pero at that time, nung second year ako, I really met people of different backgrounds, pero all passionate at the same time so they helped me in a sense nanakaka-inspire. What motivates you to do your best? I think, first and foremost, lumaki kasi ako sa “Magis! Magis!” Kasi Ateneo de Davao [ako nag-aral], Ateneo values na ako ever since. Ingrained na siya in me to keep pursuing Magis, the better. So it’s hard to convert myself out of it. Pero may mga araw talaga na admittedly, like anyone else, tamad. But what keeps me from not staying in the tamad zone and going back to doing my best is the idea na that’s what we’re all meant to be. Sa isang Theo class ko kasi naintindihan iyong idea na we are created in the ‘image and likeness of God’ and therefore bilang tao call natin na abutin iyon. Hindi siya dahil pinipressure tayo ni God na maging tulad niya, pero dahil that’s our destiny as human persons. So parang I feel na undeserving for me or for any human being kung magsettle lang siya, I think we should all strive to be our best because that’s what we are called to do. What is the most special thing about being an Atenean scholar? Scholar din ako nung high school ng Ateneo. At first, I thought it would be just the same, then I realized ang maganda sa atin, Ateneo de Manila scholars, holistic din iyong package. First, binibigyan niya ako ng something, so nandun iyong generosity, nandun iyong blessing, iyong privilege to study here. But at the same, iyong kakaiba talaga dito iyong support. May events gaya nung NeoFight. Kahit na hindi ako Gabay, ramdam ko pa rin iyong services and support. Iyong guidance rin. Sometimes I don’t get why people think it’s a hassle. Ang saya kaya mag-guidance. Kakaiba kaya iyong feeling na may makikinig at may magcacare. As in, complete ang package na there are people to run to na hindi lang siya financial assistance. It’s supporting you talaga and helping you grow as a person. At the same time, kakaiba rin iyong way of pushing me to give back. Iyong feeling na parang dahil ang dami-dami na nilang binibigay sa’yo, gusto mo na lang rin ibalik lahat. Kung bibigyan kang 1M ng OAA, saan mo igagastos at bakit? Iinvest ko in ideas. Like sa Spark Project. Ang dami kasing cool ideas. I would like to participate in supporting projects in Youth Development, Microfinance and Healthoriented services. Kahit ano ka pang klase ng iskolar, kahit ano pa ang iyong mga interes, laging alalahanin na kaya mo iyang paghusayin. Binigyan ka ng scholarship dahil mayroon kang potensyal na dapat mahubog at hindi mo ito magagawa nang nag-iisa. Narito tayo upang magsilbing sandigan ng isa’t isa. Tayo’y bumubuo ng komunidad na nagbibigay ng suporta na ating kailangan upang matupad ang kanya-kanyang mithiin, at sa parehong paraan, makakamit nang higit pa kaysa nang nag-iisa. *Photos taken from their Facebook and Twitter accounts

9


Paghubog ng Potensyal ni Tracey dela Cruz

Nagsimula ang Ateneo Student Leaders Assembly (ASLA) noong 2002 bilang tawag ng Sanggunian ng mga Paaralang Loyola sa mga student leaders ng Ateneo. Tinitipon nito ang mga estudyanteng may potensyal sa pamumuno mula sa iba’t ibang unibersidad ng Ateneo upang mamabigyan sila ng inspirasyon na palaguin ang kanilang potensyal at makapagsimula ng pagbabago sa lipunan. Bagamat misyon ng ASLA ang tulungan ang komunidad, ang ASLA rin mismo ay isang komunidad ng mga indibidwal na nais magserbisyo. Mark Louie Lugue, fresh Ateneo graduate na nagtapos ng BS Management Information Systems, ay nagbahagi ng kanyang karanasan bilang iskolar at ASLAn alumnus. Nasa kanyang ikatlong taon si Louie nang nag-apply siya para sa ASLA noong 2011. Para sa kanyang aplikasyon, nagpasa siya ng hinihinging written forms at sanaysay na sinundan ng panayam kasama ang mga alumni ng ASLA. “To be honest, I didn’t know what ASLA was. I just wanted to mold my leadership skills,” ang sabi niya nang nakapanayam ko siya. Bago pormal na nagsimula ang programa ng ASLA, sinabihan ang mga kalahok na mag-isip ng mga tanong na nais nilang masagot. Sabi ni Louie na noong mga panahong iyon ay sobrang stressed siya dahil sa Scholars’ Week kung saan siya ang head ng Finance at Marketing. Malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanyang balikat. “When Scholars’ Party

was over, I didn’t know if I was feeling relief or fulfilment. Was I relieved simply because it was over or did I feel fulfilled because maganda yung outcome?” Isang importanteng tanong para sa kanya ito nang mga panahong iyon dahil nakukuwestiyon rito ang mga dahilan ng kanyang mga ginagawa. Pinag-iisipan rin niya noon kung tatakbo ulit siya bilang Executive Committee Officer ng Gabay. Ninais niyang maliwanagan siya ng ASLA ukol sa kanyang tanong ngunit “hindi nabalikan ang tanong na iyon dahil marami pang issues na umangat during ASLA.” Naganap ang kapulungan na tumagal ng limang araw sa Camp Explore, Antipolo kung saan bumuo si Louie ng matatatag na relasyon kasama ang kanyang mga kapwa ASLAn. Natuto sila at nabigyan ng inspirasyon ng iba’t ibang mga aktibidad, diskurso, at pagmumuni-muni. Binanggit ni Loiue ang kanyang paborito na talk ay ang kay Bb. Sabs Ongkiko na nagtapos ng BS Biology sa Ateneo at piniling magturo sa pampublikong paaralan kaysa magdoktor. Sinabi ni Louie na na-inspire siya dahil bagama’t kinokontra siya ng iba, pinili pa rin ni Bb. Ongkiko na gawin kung ano ang hilig niya at kung ano ang sa tingin niyang kailangan ng lipunan. Binanggit niya ang sinabi ni Frederick Buechner: “The place God calls you to is the place where your deep gladness and the world’s deep hunger meet.” Sinabi ni Louie na hindi magiging kompleto ang kanyang karanasan sa ASLA kung hindi niya natuklasan ang kanyang “breaking point.” Sabi niya na isang mahalagang elemento ang madiskobre niya ang kanyang breaking point sa kanyang ASLA experience dahil “it is in brokenness that we can share our selves

10


to others.” Sa pagdiskubre ng kanyang kahinaan, nagawa niyang matuklasan kung ano pa ang kailangan niyang daigan upang maibahagi ang sarili sa iba nang buo. Ang ASLA, kasama na ang pagtuturo ni Louie nang nakaraang summer, ang nagpabago sa kanyang perspektibo ukol sa kanyang kinabukasan. Sa ngayon, nagtatrabaho si Louie bilang analyst sa Accenture. Bago niya sabihin ang kaniyang plano para sa kinabukasan, pinaliwanag muna niya ang kanyang mga passion: “to capture my ideas and express it to others and to share what I have by translating them into things.” (Kaya naenganyo sa sining.) Mula roon, umaasa siya na dalawang taon mula ngayon ay nag-aaral na siya ng Fine Arts. Hindi pa malinaw ang buong plano pero nais niya na sa mga panahong iyon ay magtuturo siya ng sining sa isang unibersidad o nagtatrabaho para sa isang museo. Ang kanyang pinakahinahangad ay maging museum curator na magpapasigla ng kabataan sa Philippine art scene at makapagbibigay ng oportunidad para sa mga Filipino artist na kasisimula pa lang. Ngunit bago niya matupad ang kanyang mga pangarap, kailangan niyang pagigihan ang kanyang trabaho at pag-aaral. Sa ngayon ay kumukuha siya ng mga online na kurso tungkol sa sining at siya’y boluntaryo sa Ayala museum. Umaasa siyang masusundan niya ang kanyang passion tulad ng ginawa ni Bb. Ongkiko.

siya ng instrumento upang magawa niyang mag-promote ng pagbabago para sa ikauunlad ng lipunan. Tinutulungan ng ASLA ang mga Atenista upang hindi lamang tumingin sa kanilang sarili o sa paaralan kung hindi pati rin sa labas kung saan ang mga lider ay kinakailangan upang magsimula ng pagbabago. Sabi ni Louie, hindi nagtatapos ang ASLA sa ikalimang araw; nagpapatuloy pa rin ito, hinahamon siya at ang kanyang mga kapwa ASLAn na ibahagi ang kanilang mga natutuhan. Ayon kay Louie, ang pagiging ASLAn ay katulad rin ng pagiging iskolar. Bilang mga iskolar, binigyan tayo ng pagkakataon na makatanggap ng kalidad na edukasyon dahil nakitaan tayo ng potensyal. Sapagkat isang napakalaking biyaya nito, kailangan natin magbalik sa komunidad na nag-ambag sa ating paglaki at pormasyon. Sa pag-alam natin ng mga potensyal na ito, sa pagpapahayag sa kanila, at pagtrabaho bilang komunidad, magagawa nating makibahagi sa isang bagay na mas malaki kaysa sa atin.

Dinala ng ASLA si Louie upang matuklasan kung ano ang nais niyang gawin sa hinaharap. Sabi niya, “ASLA opened my eyes to the necessity of passion to order to affect the community.” Sa pagdiskubre ng tao sa kanyang passion, nakakahanap

11


1


1


14


15


Pagtataya at Pasasalamat: Isang Panayam ni Kevin Ross Nera

Marahil bilang Atenista, gasgas na ang linyang Men and Women for Others. Kung tutuusin, apatnapung taon na rin ang nakalilipas mula noong unang binanggit ni Padre Pedro Arrupe, S.J. ang terminong ito. Sa kabila nito, tila hindi maikakaila na patuloy pa ring nag-aalab sa puso ng mga Atenista ang ispirito ng mensaheng ito. Sa artikulong ito, nais kong bigyang pansin ang isang buhay na halimbawa ng ganitong uri ng pagtataya ng sarili para sa kapwa – isang halimbawa ng hindi nalalayo sa mga Iskolar ng Pamantasan. Narito ang teksto ng isang maikling panayam kasama si Bb. Maci Ilicito na nagtapos ng BS Communications Technology noon lamang 2012. Kasalukuyan siyang nagsisilbi bilang isang Fellow sa Teach for the Philippines (TFP). Noong nasa kolehiyo ka pa, ano ang una mong plinanong gawin pagkatapos ng graduation? BS COMTECH ang course ko sa kolehiyo. Ang plano talaga ay magtrabaho sa isang korporasyon, at ganoon nga ang ginagawa ko bago ako sumali sa Teach for the Philippines. Gayunpaman, kahit noon pang nasa kolehiyo ako at nag-tutor ako sa mga Erya ng Ateneo Gabay at sa NSTP, alam ko nang hilig ko talaga ang magturo. Hindi ako kumuha ng Minor in Education dahil alam kong walang pera sa pagtuturo. Saan mo unang narinig yung Teach for the Philippines? Na-enganyo ka bang sumali agad sa programang ito? Nag-text sa akin ang recruitment team ng Teach for the Philippines. Noong una, hindi [agad ako sumali], sapagkat may trabaho na ako nang na-contact ako, at maganda naman ang bayad doon. Tapos na-realize ko na mas gusto ko nang magtipid kesa matuyo ang utak ko sa trabahong ayoko na talaga. At ngayon, masasabi kong hinding-hindi ako nagsisisi sa desisyong ito. Ano ang mga pag-aalinlangan na kinaharap mo? Ano ang nagtulak sa iyo upang tumuloy sa programa? Nagturo ako sa Payatas Elementary School para sa NSTP, Grade 2 iyon. Naalala ko ay marami sa kanila ang hindi pa rin nakakabasa

16


kahit ng mga CVC words. Naalala ko rin nalagi kong nirereklamo ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas noon. Ano ginagawa ng mga guro ng mga batang ito, parang wala silang natututunan? Bakit kailangan nilang tumungtong sa mga upuan para makagalaw sa classroom? Noon pa lang, wala na akong ilusyon na unang araw pa lang ay mamahalin na akong mga mag-aaral at mamahalin ko na rin sila. Kung sa tingin mo mahirap magturo, lalong mas mahirap pag sa public school. Dahil na mismo sa mga problemang nirereklamo ko kaya tumuloy ako sa programa. Nais kong maging bahagi ng solusyon. Ano ang reaksiyon ng iyong mga magulang? May mga pagaalinlangan ba sila? Ano ang sinabi mo sa kanila? Hindi talaga nila gusto noong una.Unang-una, “sayang” naman daw ang pinag-aralan sa Ateneo. Sabi ko naman, ang mga guro ang humuhubog ng kinabukasan ng ating bansa. Hindi ba nararapat na ang mga nag-aral nang mabuti ang dapat na maging gabay nila? Pangalawa, sabi nila, “Saan ako kukuha ng kakainin ko?” Madali lang naman ang usapan dito. Sabi nila mababa ang sweldo ng guro. Oo, hindi nga ganun kataas ito kumpara sa sweldo sa malalaking kompanya, pero kaya pa rin naming mabuhay kung matalino ang paggastos. Nakakatulong din na wala pa akong anak, hahaha. Ngayon na man ay sinusuportahan na nila ako. Kung mababasa ‘to nila Mama at Papa, salamat po sa pag-tolerate ng mga papel na nakakalat sa bahay. Kumusta ang iyong karanasan bilang isang Fellow ng Teach for the Philippines? Grade 3 ang tinuturuan ko ng English at Filipino. May tatlong English at isang Filipino. Bawat klase ay may 40-45 na mag-aaral. Anim na oras ang pagtuturo, 6 AM – 12:20 PM pero parang buong araw ang trabaho dahil sa paggawa ng lesson plan, instructional materials, pag-tsek ng test papers, admin work. Extra trabaho rin ang pagbabasa ng sulat ng mga mag-aaral, pero syempre, ito ang isa sa mga pinakamasayang bahagi ng pagtuturo. Ano ang mga inaasahan mo at malaki ba ang pinagkaiba ng iyong karanasan mula sa iyong inaasahan? Gaya nga ng sinabiko, nakapagturo na ako sa public school. Isa

17


pa ay nagturo rin kami sa Commonwealth Elementary School nang dalawang linggo noong summer. Kasama ito sa training na binigay ng Teach for the Philippines. Hindi naman ako pumasok ng classroom ko na feeling ko ay magiging best friend akong mga mag-aaral ko at magiging inspirasyon nilang lahat ako kaagad. Ano ang mga pinakamahirap na bahagi ng pagtuturo? Pinakamahirap talaga ay ang pagbibigay ng motibasyon sa ilang mga estudyante na magsipag na mag-aral. Maswerte ako at tutok talaga ang mga magulang ko sa akin noong ako ay nag-aaral. Hindi lahat ng magulang ay kayang gawin ito dahil na rin sa iba’t ibang mga problema sa buhay. Diyan nagsisimula ang mga problema tulad ng mga hindi paggawa ng homework o hindi pag-aaral para sa mga test. Sinasabi natin na trabaho ng mga guro bilang pangalawang magulang na mag-motivate sa mga estudyante natin. Pero kahit gaano pa ka creative ang lesson plan mo, hindi talaga laging matututukan lahat ng mga mag-aaral. Ano ang pinakamasayang bahagi ng pagtuturo? Kapag nakita ko sa mata ng mag-aaral ko na nakuha nila yung lesson, o narinig ko yung “Aha!” o “Alam ko na!” nila, buo na ang araw ko. Ano ang pinamatingkad sa iyong mga karanasan bilang isang Fellow? May mag-aaral ako na dati na hindi ko masyadong gusto (btw, hindi lang mga magaaral ang may favourite, teachers din ay meron nito! Ang mahalaga ay tinatrato mo ang mga mag-aaral nang patas at bukas ka sa mga ideya at potensyal ng lahat ng mga mag-aaral) dahil nakikita kong hindi siya masyadong nakikinig at lagi siyang nakasimangot. Pero noong isang araw, tutok siya sa aking lesson at nang pinuri at nginitian ko siya matapos niyang masagutan ang medyo mahirap na tanong, ngumiti siya nang sobrang laki. Alam ko noon na may ginagawa akong tama at hindi magiging “sayang” ang aking napiling trabaho. May mensahe ka bang nais iparating para sa mga iskolar ng Ateneo? Ano man ang piliin ninyong propesyon, alalahanin na maging Men and Women for Others. Hindi niyo naman kailangang maging teacher upang makapaglingkod. Maaari kayong kumuha ng trabaho na mataas ang sweldo! Tapos mag-donate sa akin ng school supplies, hahaha.

18


Katipunan Study Places

JSEC Ideal for people having classes in SEC B and C, as well as CTC and SOM. 19 student-owned stalls Ambiance: Chill, with dem chairs.

ni Joanne Tria Lim at Francis Eldon Mabutin

Mula sa 114 respondents na aming tinanong, 61% ang nagsabing kumakain sila habang nag-aaral. 63% ng mga tao naman ang may baon na lumalagpas ng 1000/week. 61% naman sa kanila ang nagsabi na lagpas kalahati ang kanilang isinasantabi para sa pagkain! Karamihan talaga ng mga iskolar, pala-kain! #MedyoBaboy #TheFattyLyf

Usually puno siya ng conyo kids. Just kidding. Marami talaga palagi tambay ng JSEC, especially during lunch break kasi kaunti mga upuan. Okay yung food, marami ka namang pagpipilian, pero medyo pricey sa mga nagtitipid. Good for hang-outs. Ideal for group discussions. Kung gusto niyo ng sockets, mahihirapan kayo kasi konti lang.

Hindi mo pa ba nalilibot ang lahat ng kainan sa Ateneo at Katipunan? Wag mag-alala! Ang dormer na mahilig kumain ay narito upang magbigay ng review sa mga pinakamadalas na kainan ng mga Atenistang scholar.

Studying: Food: LST Cafeteria Sobrang mura. Like, as in sobra. Ideal for people not in a hurry. Ambiance: Amazing. Presko. May view pa ng Marikina and Antipolo.

Gonzaga Largest cafeteria in the Loyola School. Can fit a lot of students. 29 stalls to choose from. Ambiance: It’s a Cafeteria! Ano’ng ineexpect mo teh, peace and quiet? Asa. Maraming tao lagi at maingay; mas rarami at iingay kapag lunch break. Kung hindi kayo malapit sa electric fan, chances are, maiinitan kayo. You need to pay for use of electric outlets as well. If you want to do assignments with your friends and want to have a bite, this is one of the places that would fit you. Basta kailangan lang may compartmentalizing power kayo. Hihi. Studying: Food:

Medyo malayo from the Loyola Schools. Okay lang yung food, minsan nga lang nasa-sacrifice ang quality kasi nga mura. Pero, must try ang kanilang sisig if it’s available. AMAZING. Usually konti ang tao, kaya sobrang chill at tahimik. Nice place to study. Pumunta kayo ng umaga

19


to late lunch, wala na kasi masyadong pagkain paglagpas ng 3 PM. Wala silang Wi-Fi. Studying: Food: ISO Cafeteria Ideal for kids with Bellarmine classes. Maraming food choices, usually hindi mo mahahanap sa Caf! Ambiance: Hindi siya ganun kaingay from Caf, so makaka-aral ka naman. They have nice food here. Maayos at mabait yung mga tao doon. Plus, minsan may J. Co sila, so bili ka if you get the chance. Yun lang, di siya aircon, pero di hamak na mas well-ventilated (in terms of fans) ito compared to Gonzaga Caf. Dito yung ideal place sa Ateneo for eating, with actual studying, kasi medyo malapit naman siya. Medyo konti nga lang yung mga sockets, pero at least walang bayad diba?

type of person, this is the place for you! This place is ideal for dormers, but, nondormers are welcome. Good for tambay and group work. Studying: Food: McDonalds, Jollibee, KFC May konting electric outlets sa McDo, wala sa Jollibee. Weak Wi-Fi Air-conditioned 24/7 Laging marami yung tao – kumusta naman, dito yung Ateneo, Miriam, UP and PSBA students. Friendly sa wallet kung short sa budget. Fast food places so don’t expect na tahimik kapag may araw pa sa labas pero maganda silang venue para sa mga all-nighter. Kung hindi naman kayo naghahanap ng lugar para mag-aral, ideal sila for HOHOL (Hang Out Hang Out Lang!) kasama ang barkada.

Studying: Food:

Studying: Food:

Zekaf Dormer ka? Suki ka dito, noh? Fair price for food Ambiance: Cozy-ish, medyo jazzy yung atmosphere kasi hindi gaanong kaliwanag.

Red Roaster Bistro Air-conditioned Good Wi-Fi May sockets!

Kung gusto mo away from the normal Caf scene, pero ayaw mong lumayo, dito na! Good view of Antipolo. Pagtitig mo sa baba, kitang-kita mo ang Barangka. Laging puno ng dormers, lalo na kung mealtimes at kung may game (may TV kasi eh). Okay yung variety ng food, may mura, meron din namang medyo mahal. If you’re a breakfast-for-dinner

20


Sobrang okay ng food! Meron silang pasta, sandwiches, roast chicken, fries and fish, just to name a few. Pero most definitely kailangang masubukan ang kanilang Molten Choco Fudge Cake – melts in your mouth! Para sa presyo ng mga pagkaing ito, sulit na din! Hindi lamang dila ang mag-eenjoy, pati na rin ang tainga; maganda kasi yung playlist nila. Kailangan niyo nga lang muna matunton kung nasaan nga ba ito. (Clue: Malapit sa KFC.) Downside: Hindi puwede ang marami para mag-group study dahil maliit lang yung space.

para di makatulog habang binabasa ang mga mahahabang readings. Studying: Food: CHECK THEM OUT! Café Azul Effort pumunta dito, since nasa Moro siya. A nice break from everything. Ambiance: Quiet siya and conducive to studying.

Studying: Food: Starbucks, Bo’s Coffee, Seattle’s Best, Xocolat Coziest places evarrrr. Air-conditioned. Wi-Fi + Sockets Galore!

Wala silang mga rice meals. Binubuo ang kanilang menu ng mga cake at pastries with the occasional sandwiches and pasta meals. Medyo mahal ang pagkain pero sila ang mga ideal na lugar para makapag-aral dahil sa magandang ambiance. Late sila nagsasara at siyempre meron sila palagi ng kinakailangang kape

Pinaka-chill na place inside Ateneo. Minsan, you have to be wary kasi yung mga college students na nagtri-trip pumunta dito – in blocks or groups sila at may tendency silang mag-ingay. Downside here is medyo malayo siya from the Loyola Schools, kasi all the way to AHS ka pupunta. Masaya pumunta dito kung may block class kayo sa Bel tapos may 1-2 hours free time kayo after the class. Studying: Food: Pao Pao Xiao Chi Air-conditioned Wi-Fi + Sockets, maraming sockets

21


Isa sa mga pinakamagandang bagay sa Pao Pao ay marami siyang klase ng pagkaing binebenta. Mostly Taiwanese cuisine, meron pa rin namang Filipino touch ang mga pagkain nila. Naghahain sila ng mga rice meal, noodles, snacks tulad ng Steamed Shrimp Wanton at Spicy Shrimp Balls, at para may panulak, nagbebenta rin sila ng milk tea. Maraming pagpipilian at pasok sa badyet. Hindi gaanong malaki yung lugar pero pwede pa rin namang magaccommodate ng mga grupo. Kung hindi kayo mag-aaral, okay siyang HOHOL spot dahil pwede kayong humiram ng card games like Monopoly Deal, Uno, etc., basta may ID. Must try ang kanilang Cheesy Bacon Potatoes!

naman ay hindi ganoong karami ang mga tao kaya mas konti ang istorbo sa iyong pag-review ng notes. Kung gusto mo namang mabawasan ang distraction na dala ng internet, doon ka sa Moon Leaf na malapit sa McDo (nasa street siya na parallel to Katipunan) dahil wala silang wi-fi at mas konti ang pumupunta dito kaysa sa Moon Leaf na malapit sa KFC. Ang Cha Dao naman, located near McDo as well, ay mas akma para sa mga magisang nag-aaral dahil sobrang liit lang ng space. Bawi naman ang lack of a big space ng bilis ng wi-fi. The only downside of Serenitea: hindi puwedeng gamitin ang sockets. Studying: Food:

Studying: Food: Milk Tea Places (Cha Dao, Moon Leaf, Serenitea) Air-conditioned Wi-Fi + Sockets (except in Moon Leaf na malapit sa McDo) Sobrang chill sa mga milk tea places. Hindi man sila nagbebenta ng full meals, okay silang destinasyon para sa panghimagas at pag-aaral. Madalas

22



Yabag: Sikad