Issuu on Google+


GIOVANNI ALARCON (Book 5) By Budjoy

Filipino Romance Novel FRN


(GIOVANNI ALARCON) Copyright Š 2010 by (FRN) All rights reserved. No part of this eBook may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the author. All characters in this eBook have no existence outside the imagination of the author and have no relation whatsoever to anyone bearing the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to author, and all incidents are pure invention. eBook by Filipino Romance Novel FRN (filipinoromancenovel@yahoo.com)


Teaser Kapag daw ang pag-ibig pumasok sa puso ng sino man, hahamakin ang lahat masunod lamang. Pero sa lagay ni Giovanni, hinamak-hamak nga niya si Amber at pinahihirapan. Gusto niyang torturin ito sapagkat ipinararamdam nito sa kanya ang pagiging pipi niya. Pero ano ito at kahit hindi siya makapagsalita’y tila nagiging tsismoso ang kanyang puso? Ibinubuking siya sa tuwing magkakalapit sila ni Amber. Siya yata ngayon ang nato-torture sa karisma ng dalaga.


Filipino Romance Novel frn

Chapter One MAG-AAPAT na taon na simula ng matapos sa serbisyo si Giovanni bilang isang sundalo. Malaki ang naging epekto ng pagsabak nito sa barilan, dahilan upang hindi na ito muling makapagsalita pa. Naging matamlay at palaging mainitin ang ulo na tila ba laging galit sa mundo. Tulala kapag mag-isa. Dinala ito ng ina sa ibang bansa upang ipatingin sa magaling na espesyalista. Walang sino man ang nakagamot. Ang sabi ng doktor ay nagkaroon ito ng trauma. Walang makapagsabi kung hanggang kailan ito magiging pipi. Napagdesisyunan din nilang bumalik sa Pilipinas makaraan ng tatlong buwang pamamalagi sa Amerika. Palagian pa rin ang pagpapa-check-up at pag-inom ng gamot ni Giovanni para sa depression. Iyon na lamang ang tanging inirekuminda sa kanila. “Oh! Bakit ka umiiyak?� Kapansin-pansin ang damit ng kawaksi na namamasa sa orange juice. Masama ang loob at walang tigil sa pagpunas sa nanlalagkit na katawan ang kasambahay.

9


Giovanni Alarcon “Señora, si señorito ho kasi. Dinalhan ko ng gamot at juice na inutos niyo,” lalong lumakas ang paghikbi nito. "Isinaboy po niya sa akin ang juice.” Hindi malaman ni Amelita Alarcon ang gagawin sa anak. Sinisisi ng anak ang sarili sa hindi pagsagip sa ama. Napa-news pa iyon. Doon sumakit ang dibdib niya nang dakipin ang dalawa. Dinukot dahil alam na may kaya ang pamilya nila. Kapag hindi sila nakapagbigay ng malaking ransom ay pupugutan ng ulo ang asawa't anak niya. Unang humingi sa kanila ang di umanoy punong miyembro ng tulisan. Ipinatutubos si Giovanni. Hinimatay siya nang malamang nasa peligro ang pinakamamahal na lalaking anak. Kahit dudang makakaligtas si Giovanni ay nagbigay siya. Ikamamatay niya ang kung ano mang mangyayari dito. Kahit maubos pa ang yaman, huwag lang itong umuwing patay at pirapiraso. Pero sa kabilang banda – namatay si Benigno. Inakala kasi nitong papatayin ang anak nila, kaya't nagpumilit iligtas si Giovanni. Gamit ang kuwarentay singko ay binaril ang kanyang asawa. Nang mapagaralan sa autopsy, may tama ito ng dalawang beses sa binti at isa sa ulo. Putol ang palasinsingan dahil kinuha ang wedding ring. Nalaman din niya mula sa report na kahit magbigay sila ng pera ay walang balak na buhayin pareho ang dalawa. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa noon. Umaasang 13


Filipino Romance Novel frn makaka-uwi pa ang anak niya nang tanggapin niyang bangkay na lamang ang kanyang asawa. Rumesbak kaagad ang mga sundalo pagkaraan ng dalawang araw matapos mapag-aralan ang tactics. Nailigtas ang kanyang anak. Ang kaso ng bumalik ito'y para na itong ibang tao. Ipinagluksa nilang lahat ang pagkamatay ni Benigno. Nagpakatatag siya at pilit na tinanggap ang malagim na pangyayaring iyon. “Sige ako ng bahala kay Giovanni.� Nalulungkot si Mrs. Alarcon. Alam niyang walang makapagpasensiya sa anak niya. Kung minsan ay nawawalan na rin siya ng pag-asang gagaling ito. Pang bente uno na rin si Nenita sa nagiging katulong sa pamamahay nila. Natatakot siyang pati ito ay layasan sila. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Giovanni. Nawalan na ito ng ganang kumain. Kung aarawarawin niya ang pagbabantay tiyak na pati siya bilang ina ay maiigahan ng dugo. Ang pagkuha ng private nurse na lamang ang natitirang pag-asa niya para mabantayan ito. Hindi rin naman niya pwedeng iasa kay Sydney ang tungkol doon. Baka makaapekto pa iyon sa pagbubuntis ng anak na babae. Itinatago na lamang niya si Giovanni sa Villa nila. Ayaw niyang maging usap-usapan ang anak sa kahit na anong 12


Giovanni Alarcon artikulo. Alam niya kasi ang takbo ng mayayaman at kilala sa altasoyedad. Tama ng minsang naging magulo at masalimuot ang buhay nila ng mawala ang kanyang asawa. “Sige ho, señora.” Tango lamang ang naitugon ni Mrs. Alarcon. Napalingon siya sa narinig na ingay sa salas. Ang anak niyang si Giovanni lamang ang mahilig gumamit ng lumang piano. Natutuwa siyang kahit papaano ay nakuha nitong paglabasan ng kung anong saloobin ang pagtugtog. Tuloy-tuloy siya sa loob ng bahay pagkagaling sa hardin. Sa punong bungad ng pinto makikita na kaagad ang malaking salamin ng bintana. Doon nakalagay ang antigong poon na lagi niyang pinagaantandaan. Nadatnan niya ang anak na patuloy sa pagtugtog. Sa wari niya ay galit nanaman ito. Mabigat ang mga kamay nito na animo sisirain yata ang piano. “Gio, anak.” Mahinahong pagtawag ni Mrs. Alarcon. Tumigil ito sa pagtugtog. Hindi ito lumingon, ngunit alam niyang naghihintay ito ng anumang ipakikiusap niya. 11


Filipino Romance Novel frn “Pupunta ako sa susunod na buwan sa Palawan. Gusto kong bisitahin ang kapatid mo. Humiling siya sa akin kung maaari ko siyang mabantayan muna. Ang asawa niya’y magkakaroon ng malaking conference sa Cebu. Besides, I don’t want her to be alone, while she’s bearing my grandchild.” Lumingon si Giovanni at hindi pa rin mabasa ni Mrs. Alarcon ang mukha nito. Alam niyang nakikinig ito at naiintindihan ang nais niyang ipaunawa. “Huwag kang mag-alala at babalik ako kaagad. Nariyan si Nenita kung may mga kailangan kang ipabili sa labas.” Malakas na ibinagsak ni Giovanni ang mga kamay sa piano. Nakakarindi ang ingay na ginawa niyon. Galit siya at ayaw na ayaw magpapabantay sa kahit na kanino. Masisisi ba ni Mrs. Alarcon ang malaking pagalala dito. Ayaw na niyang mangyari ang nangyari noon. Hanggat maaari ay inilalayo niya ito sa mga mata ng mga tulisang dumukot dito. May mga nakaligtas pa rin mga tulisan. Mahirap na at baka balikan na muli ang pamilya nila.

12


Giovanni Alarcon Tumalikod si Mrs. Alarcon. Masakit ang kanyang ulo. Tila ubos na ang pasensiya niya sa anak. Nagbago na ito. Hindi na ito tulad ng dating malambing, maunawain at maintindihin. Nami-miss niya na ang dating Giovanni. Kailan ba kasi nito mapapatawad ang sarili sa nangyari? Wala naman itong naging kasalanan kung bakit pinarurusahan ang sarili. Matagal na iyon at dapat nang ilibing sa hukay. “Let it go, hijo. Hindi na natin maibabalik ang buhay ng Papa mo. Patay na siya at palayain mo na ang iyong sarili.” Nakita ni Mrs. Alarcon na dinampot ni Giovanni ang papel at ballpen. Isang malaking ‘NO’ at may tatlong exclamation point ang ipinakita nito ng matapos isulat ang nais sabihin sa kanya. “Paulit-ulit na lamang tayo sa ganito. Hindi ko na alam ang gagawin, Gio. Hindi ko na rin alam kung paano ako makakatulong kung mismong sarili mo ay ayaw mong pagalingin.” Bumagsak ang mga luhang pilit pinipigil ni Mrs. Alarcon. Lumapit si Gio at malungkot ang mukha.

13


Filipino Romance Novel frn I can’t forgive myself mama. Buhay pa sana si Dad, kung 'di dahil sa akin. Hindi na sana niya ako sinagip. Sana ako na lang ang binawian ng buhay. Paulit-ulit na naisaloob ni Giovanni sa kaharap. Nang hindi na makayanan ang nakikitang pagluha’y saka lamang iniwan ang inang mag-isa. Sinasaktan niya ang sarili pati ang ibang taong concern sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagiging inutil niya. He was helpless.

NAPAPAGOD na si Amber na mag overtime na lang palagi sa hospital. Hindi rin patas ang pagtinging ibinibigay sa kanilang nurse. Mas marami ang iniaatang na trabaho sa kanya ng kanilang supervisor. Kung bakit kasi ipinanganak siya ng nanay niyang palaban. Tuloy ay lahat nakakaaway niya. Nami-miss tuloy niyang kasama si Mikka — ang kasundo at mabait niyang kaibigan. Siguradong kapag lagi niyang kasama ito’y, tiyak na hindi siya mababagot. Night shift nanaman kasi siya at ito'y katatapos lang sa shift nito. Kahit papaano'y nagkita sila sa araw na iyon. “Lintik na amasonang baboy na ‘yan. Parati na lamang akong inilalagay sa gabi. Nako kapag tumaas

14


Giovanni Alarcon ang posisyon ko dito. Silang dalawa ni Mercelita ang ilalagay ko sa ganitong oras.” “Nako nangarap ka naman Amber. Kaya hindi tayo umasenso dito kasi panay ang dasal mo ng masasama. Ayaw mong gayahin si Mercelita, nakakuha private patient.” “Kung ako lang ang naunang mag-alaga doon, tiyak na makukuha rin ako noon. Swerte lang talaga si Mercelita at nakatoka siya sa kuwarto ng mayayaman.” Pinatulis at umismid siya pagkatapos sabihin iyon kay Mikka. Alam kasi nitong hindi siya marunong magpakabait sa kanilang supervisor. “Sumipsip ka kasi ng minsan ay ilagay ka niya sa pang umagang shift.” Sa isiping iyon ay nadiri siya. Nunca siyang sisipsip sa isang tulad ni Mrs. Peggy. “Pag sinipsip ko ang baboy na ‘yon tiyak na hahigh blood-in ako. Sobra sa kolesterol ‘yon. Isipin mo na lang ang mangyayari sa katawan ko. Ang nipisnipis ko tapos papasipsip mo sa akin ang baboy na ‘yon. Palagay mo sa akin garapata?”

15


Filipino Romance Novel frn Binatukan siya ni Mikka at tumatawa ng pagkalakas-lakas. Nadala rin siya sa tawa nito at sumakit ang tiyan niya sa walang tigil na paghagikhik. “Gaga! Super literal naman ng pagkakaintindi mo eh. Ang ibig kong sabihin makipag close-close ka kay Mrs. Peggy. Kapag nangyari ‘yon makakakita ka ng mga cute patient sa third floor. ” Hinaplos-haplos niya ang sariling baba sa idea na ibinibigay ng kaibigan. Hindi rin naman kasi masama ang naisip nitong iyon. “Tamo ako nakasilay na minsan. May nacrush-an nga akong isang ubod guwapong pasyente. Oh my god! Heaven,” eksaherado nitong pagkukwento. Sumimangot siya sa nais nitong ipagawa sa kanya. Kahit yata makipag close siya sa Pegging baboy na iyon ay ‘di siya paniniwalaang nagbabait na. Nagawa na kasi niya iyon. Waley, sa pang night shift pa rin siya bumagsak. Ang mas malala pa doon ay inilagay siya sa mas maraming pasyenteng aalagaan. ‘Bruha talaga!’ “Baka litsunin ko pa siyang baboy siya ano. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya. Peggy oink 16


Giovanni Alarcon oink.” Ginamit niya ang hintuturo at itinaas ang tungkilyo ng ilong para ipahayag na ganoon ang ilong ni Mrs. Peggy. Naumid naman ang kaharap niya nang magsimula na siyang magtatawa sa sariling ginagawa. Nagtaka tuloy siya at tinanong ito. “Ano, bakit ’di ka na nakapagsalita diyan?” Kita niya ang kinakabahang mukha ni Mikka. Napangiwi pa. Patay kang bata ka! Gets na niya kung bakit. “Sige mag-a-out na ako Amber. Bahala ka na sa mga pasyente.” Mabilis nitong isinukbit ang bag sa balikat. Sinundan niya ng tingin si Mikka at nang umikot siya ay nanlaki ang kanyang mata. Naroon nga si Mrs. Peggy at tila nanlilisik ang matang nakapukol sa kanya. Narinig kaya ako? “Hello Mrs. Peggy, good evening.” Todo sa ngiti ang ginagawa niya upang hindi mahalata ang pagkakaba. Sigurado na kasi siyang naulinigan nito ang panglalait niya. Humakbang papalapit sa kanya si Mrs. Peggy. Dala ang napakakapal na folder. Nang makalapit ay 17


Filipino Romance Novel frn halos isaksak sa baga niya ang dala-dala nito. Kung hindi matatag ang pagkakatayo niya ay tiyak na napaupo siya ng di oras sa lakas ng pagtulak. “Hoy! Ikaw Amber Masuyo. Kung ‘di ko pa nalalaman ay panay ang lait mo sa akin ha.” Umuusok ang ilong nitong tila gusto siyang singhutin ng buhay. Pigil na pigil si Amber na sumagot. Tiyak na madodoble ang ipapatrabaho nito sa kanya ngayong gabi. Tama nang nahuli na siya nitong nilalait ito. “Mrs. Peggy, ikaw naman ‘di ka na malambing. Lambing ko lang ‘yon sayo. Para namang ‘di mo ako kilala eh. Mapagbiro lang ako pero lagi naman kitang sinusunod.” Pang-uuto niya. As if naman na sa ganoong paraan ay madadaan niya ang matabang bisor. Kung tutuusin ay ramdam na niya ang bigat ng dugo nito sa kanya. Siguro’y malaki ang insecurities nito sa kanya. Una kasi’y mataba ito at payat siya. Pangalawa, maamo ang mukha niya at dugong ang pagmumukha nito. Pangatlo’y marami ang nagkakagusto sa kanya kahit hindi siya ganoong kagandahan. Alam na alam niyang inggit na inggit ito. Dahil noong dalaga pa ang bisor ang usap-usapan pinilit lamang nito ang napangasawang pakasalan ito – kaya nagpabuntis. 18


Giovanni Alarcon Siya kahit kailan hindi niya kailangang mangpikot ng lalaki. Kahit sino yatang katrabaho at pasyente ay panay ang bigay ng bulaklak sa kanya. Nagkataon lamang na hindi pa siya handang makipagnobyo. Gusto rin naman niya syempreng makapangasawa ng guwapo na mataba pa ang bulsa. Mahirap na nga kasi sila ay sa mahirap pa siya magkakagusto. Ayaw niyang siya pa ang magpapalamon sa mapapangasawa. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba kung sabihing abot langit ang mga pangarap na iyon. Marami siyang responsibilidad. Panganay kasi siya. Siya lamang ang inaasahan sa pamilya nila. Siya ang tagasustento sa dalawang kapatid na parehong nasa highschool. Tapos siya rin ang gumagastos sa bahay dahil ang kanyang ina’t ama ay ‘di makuha sa kahit na anong trabaho. Pareho kasing walang natapos at walang puhunang mapagkakakitaan. Tuloy todo kayod siya. “Tigil-tigilan mo ang pang-uuto sa akin Amber. Pasalamat ka at nasa good mood ako.” Ngumiti siya. Naisip niyang baka nadiligan din ito ng asawa sa awa ng diyos. Lagi nilang pinagkukwentuhan ni Mikka na kaya ito laging galit dahil ‘di pagbigyan ng asawang sipingin. 19


Filipino Romance Novel frn “Congratulation!” halos ipagsigawan niya iyon. Hinawakan niya ang kamay ni Mrs. Peggy at nagtatalon. “Sa wakas nakapagpulot gata na kayo ni mister.” Umasim ang mukha ng kaharap. “Heh! Tama na yang kalokohan mo ha. Kapag inubos mo ang pasensiya ko ililipat kita sa ibang ward.” Napatigil siya bigla sa pagbibirong iyon. Takot na lang kasi niyang maragdagan pa ang hirap niya. “Sorry na. Joke lang 'yon Mrs. Peggy,” sabay peace sign. “Sige bilisan mo at mag clock-in ka na. May rereview-hin pa ako. Tiyak na kapag nagpakabait ka sa akin baka sayo ko itoka itong hinihinging private nurse ng mga Alarcon.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na balita ni Mrs. Peggy. Alam niya kasing malaki ang bayad sa pagiging private nurse. Hindi siya gaanong mahihirapan. Baka ito na rin ang malaking break na hinihingi niya kay lord. Sana naman ay siya na nga ang mapili ni Mrs. Peggy. 20


Giovanni Alarcon “Yes! Mrs. Peggy. I promise, magpapakabait na talaga ako. Pangako ko ‘yan sayo. Kahit anong iutos mo sa akin ngayong gabi ay gagawin ko. Basta ako lang ang piliin mo. Please,� pagmamakaawa niya at lumuhod pa siya sa harap nito. Nakita niya ang ngiti sa labi nito. Tila sobra nga ito sa good mood. Tumango ito at sinabing sa kanya na nga ibibigay ang trabaho. Nagtatalon siya sa tuwa. Binigyan pa niya ng masahe ang matabang bisor.

21


Filipino Romance Novel frn

Chapter Two ASAR na asar si Giovanni sa kanyang ina. Talagang tinotoo nito ang pagkuha ng isang private nurse para sa kanya. And the worse, he hated the woman. The girl was too talkative. Daig pa nito ang inahing manok — Broadcast lahat ng tungkol sa sarili. Masyadong pabida at feeling close kaagad sa kanyang Mama. Hindi niya tuloy maiwasang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Natitiyak niyang hindi niya makakasundo ito kahit pa maamo ang mukha ng dalaga. They are all the same when it comes to money. “Hijo, anak,” tawag sa kanya ng kanyang ina. Tiningala pala siya nito habang nakamasid mula sa ikaitaasan ng hagdan. He didn’t smile out of courtesy. Dinaig pa niya ang isang paslit sa loob-loob niya. Twenty-eight na siya, for pete sake! Inilihis niya muli ang paningin sa isa. The woman wave at him. He ignore it, didn’t even bother to wave back. He frowned. Unti-unti namang napalis ang maluwang na pagkakangiti ng babae napahiya na rin siguro. Tumuloy siya sa pagbaba. “Amber, this is my son.” pagpapakilala ni Mrs. Alarcon. 22


Giovanni Alarcon “Giovanni, your personal nurse, Amber Masuyo.” Nakita niyang nais siyang kamayan ni Amber. Tinitigan lamang niya ang napakahaba nitong kuko. Freaking disgusting! He immediately took the paper and pen. Mama, I’m too old for this kind of joke. This is not even funny. Not at all! “This is my decision whether you like it or not.” Kilala niya ang kanyang ina. Kapag sinabi nito ay tila hindi iyon mababali. Daig pa nito ang presidente ng Pilipinas. Ang batas ay batas. Sa pagkadismaya’y tinalikuran na lamang niya ang dalawa. Magliliwaliw na lang muna siya sa labas. Nasasakal na siya sa pamamahay at sa pagtatago niyang iyon. Matatakutin kasi ang kanyang ina at magpa hanggang sa ngayon ay pinoprotektahan pa rin siya sa malagim na pangyayari ng kanyang buhay. Wala na siyang pakiaalam sa mga rich society news. Bahala na silang manira at pulaan siya. Kung lumabas man sa buong Pilipinas na hindi na siya makapagsalita, then so be it. “Giovanni,” tawag ng kanyang ina nang marating niya ang pinto. "Saan ka pupunta? hindi pa tayo tapos mag-usap. 23


Filipino Romance Novel frn Muli niyang nilingon ang inang nauubos na ang pasensiya. I need air. Besides, this is your idea not mine. Pagtaas niya ng plaka ay nakita niyang napapahiya ang kanyang ina sa bisita. Timping-timpi ang muli nitong pakikipag-usap sa kanya. Matalim naman ang tingin niya sa katabi ng ina. Gusto niyang maramdaman nito ang animosity sa pagitan nila. Baka sakaling hindi na nito makuhang magtrabaho pa sa takot o kasupladuhan niya.

NABIGLA si Amber nang ipakilala sa kanya ni Mrs. Alarcon ang anak nitong lalaki. Tila ba nahipnotismo siya sa napakaguwapong mukha ng binata. Pero medyo may pagkasuplado at halatang ‘di siya gusto. Kung makatingin kasi ito'y para siyang karneng pwedeng lapain. Nailang siya bigla. “Pagpasensiyahan mo na si Giovanni, Amber. Hindi yata maganda ang gising. Pero mabait naman ‘yon.” “Nako, wala ho ‘yon. Sanay na ho ako sa trabaho ko.”

24


Giovanni Alarcon Pero pagkadakay naisasaloob niya na – kung pwede ko nga lang hong dukutin ang mga mata ng anak niyo sa pagkakatalim ng tingin sa akin. Kanina ko pa natusok ng barbeque iyon.Pero 'wag na sayang naman. Bagay sa kanya ang mga matang iyon. Ngumiti sa kanya ang matandang ginang. Pinaupo siya nito sa sofa bago tinanong kung may gusto siyang inumin. Umiling lamang siya. “Bukas na ang alis ko papunta sa bahay ng isa ko pang anak. Nagbubuntis kasi siya at maselan kaya nakiusap siyang samahan ko muna siya sa kanila. Nababahala akong iwanan si Giovanni na mag-isa kaya kumuha ako ng private nurse na tulad mo. Gusto ko kasing imonitor mo ang pag-inom niya ng gamot sa tamang oras. Pagkatapos ay samahan siya sa pagpapa check-up.� Iniisip ni Amber kung bakit nga ba isinulat ng anak ni Mrs. Alarcon ang sasabihin sa kanila. Of course may kapansanan ito. Pipi ba talaga ito? Kaya nga siya naroon, haler! Pero alam niyang hindi baldado ang binata. Maraming pipi na hindi nangangailangan ng isang private nurse para lamang alagaan ang isang tulad ni Giovanni. Pero kung sakali man, puwede itong pumasok sa school ng mga pipi. Puwede itong magpaturo ng sign language. Yun pa! at least hindi na nito kailangang magsulat ng 25


Filipino Romance Novel frn pagkahaba-haba, para lang makipag-usap sa kanila. Kakalyuhin ito sa ginagawa nitong ‘yon. Iba na talaga ang mayaman. Kahit ano pagkakagastusan. Hindi tulad ng pamilya niya. Kailangan pa niyang kumayod at mag sideline kapag sabado at linggo. Lumalaki na rin kasi ang gastos para sa mga kapatid niya. Umaasa siyang kahit papaano’y hindi mabigat ang trabahong iniatang sa kanya ni Mrs. Peggy. Kung sabagay sino nga ba siya para magreklamo sa grasyang bigay. Mukha namang mae-enjoy niya ang pag-aalaga sa masungit na anak ni Mrs. Alarcon. Kaya niyang pagtiyagaan iyon dahil sanay na siya. Bonus pang medyo type niya ang binata. “Hindi mo naitatanong hija. Nagkaroon ng traumatic experience si, Gio. Nagawa ko na rin ang lahat para gumaling siya. Pero sa tingin ko ayaw na talaga niyang gumaling pa.” malungkot na malungkot ang mababakas sa mukha ni Mrs. Alarcon. Eh makasarili pala ang anak niyo, umiiling na naiisip niya habang nakikinig pa rin sa kaharap. “Huwag kayong mag-alala, Mrs. Alarcon. Ako na hong bahala sa anak niyo. Nasa akin naman ho ang track record niya para sa mga appointments.” 26


Giovanni Alarcon Tumango ang ginang. Tumayo ito at tinawag ang kawaksi. Sinabihang tulungan siya sa pagtaas ng maleta. Stay-in kasi siya sa bahay ng mga Alarcon. Malayo rin kung uuwi siya at mauubos ang oras at pera niya. Alam din niyang mas makakatipid siya sa pamasahe. At natitiyak niyang masasarap ang pagkain sa bahay ng mga ito, Di paris sa kanila, puro galunggong, talong at dilis. Isa pa’y gusto niya ang bahay. Puwede siyang mag-aarteng rich. Matagal na rin niyang pangarap na kahit papaano ay makapasok sa bahay ng tulad ng mga Alarcon. Sobra kasi sa ganda ang muwebles. At nasilip niya kanina nang pumasok siya, napakalaki ng hardin. Mahilig siya sa mga bulaklak. Kapag hindi masyadong busy ay bibisitahin niya ang mga orchid ni Mrs. Alarcon. Pinayagan na rin naman siya ng magulang kahit pa nalulungkot ang mga ito. Pinagbilinan pa siya ng mga ito na mag-ingat. Alam ng mga ito na siya lamang ang maaasahan sa bahay. Nangako siyang uuwi tuwing araw ng linggo. “Ito ang kuwarto ni señorita Sydney,” sabi ng katulong na si Nenita. “Dito ka gustong paokyupahan ni señora. Para din malapit ka raw sa kuwarto ni señorito Giovanni sa kabila.” Napuna kaagad ni Amber na tila parang tinataasan siya ng kilay ni Nenita. Na-intimidate siya 27


Filipino Romance Novel frn pero hindi siya nagpahalata. Hindi siguro siya gusto ng katulong dahil hindi ang guess room ang ipinagamit sa kanya ni Mrs. Alarcon. “Ganoon ba? Sige salamat sa information.” “Tandaan mo rin ha. Private nurse ka lang dito. Kapag nahuli kitang tinititigan, sinisinghot-singhot, nilalandi si señorito Giovanni. Lagot ka sa akin.” Nalaglag ang panga ni Amber sa sinabing iyon ni Nenita. Pinagpapantasyahan pala nito si Giovanni. Napatawa siya. Daig pa pala nito ang guwardiya sibil. Saka kung pagpantasyahan niya si Giovanni ay nunca namang aminin niya iyon dito. At ano ang palagay din nito sa kanya para singhot-singhutin ang binata ng ganoon? Hindi naman siya vacuum cleaner na kayang hithitin at singhutin ang binata. “Huwag mo rin babalakin na pumunta ng palihim sa kuwarto niya. Akin yang si señorito. Kapag nahuli kitang ginapang mo siya gigilitan kita sa leeg,” eksaheradong patuloy pa nito. “Bakit? Ikaw ba ang girlfriend ni, Giovanni? At alam ba niya na kayo?” nagmamatapang na tanong niya.

28


Giovanni Alarcon "Huwag mong matawag-tawag na Giovanni lang si seùorito. Hindi kayo close para tawagin mo siya sa pangalan niya." Ang taray! Inirapan siya ni Nenita sabay tumalikod. Tumuloy sa pinto – ibinalibag pasarado iyon. Aba bruhildang ma-feeling, sa loob-loob ni Amber. Pero sino ba ang hindi mahuhumaling kay Giovanni? Kanina nga nang magtama ang kanilang mga mata pakiramdam niya’y nahihiptonismo siya. Halos maglaway ang bibig niya na parang aso. Nakaka inlove at halos malaglag ang panty niya. Buti na nga lamang at matibay ang garter noon. Kung nagkataon na mumurahin ang binili niya tiyak na nasa lupa na ang suot niya. Humanga talaga siya. Ibang klase! Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganoong kaguwapo. Parang artistahin. Jackpot siya! Basta kahit ano pa ang sabihin ni Nenita sa kanya hindi niya puwedeng hindi amuy-amuyin, titigan ang lalaki. Trabaho niya kayang siguraduhing lagi itong healthy. Bonus na lang iyong pangarapin niya ito. Bigla niyang sinaway ang sarili. Hindi dapat niya hinahalo ang kakikayan sa trabaho niyang iyon kung 29


Filipino Romance Novel frn gusto niyang magtagal. Mahirap na, baka masisante pa siya at ireklamo sa kanilang supervisor. Sayang ang malaking offer na pera ni Mrs. Alarcon sa kanya. Baka nga kung sakaling matapos ang contract niya sa pamilyang ito ay irekominda pa siya ng ginang sa mayayamang kakilala “Matutupad na rin ang pangarap kong makaipon ng malaking anda. Mabibigyan ko na ng kapital sina ‘Nay at ‘Tay. Nako thank you po lord.” Tumingala pa siya sa kisame na para bang lalabas doon ang pinagpapasalamatan.

PANGALAWANG araw na ng private nurse ni Giovanni sa bahay nila. Napagplanuhan na rin niya kung paano patatalsikin ito. Kinuha niya ang isang maliit na bell at pinatunog iyon. Ganoon siya kung tumawag sa mga tagasilbihan. "Ano po iyon señorito?" Nainis siya sapagkat si Neneita ang lumapit. Daig pa nito ang isang aso kung makangiti. Ibinato niya dito ang bell. Napatalon pa ito sa ginawa niyang iyon. Not you. Amber! Call her Now! 30


Giovanni Alarcon "S-sige po, se単orito." mabilis pagkatapos mabasa ang isinulat niya.

nitong

sagot

Mangot na mangot ang katulong pagkatalikod sa kanya. Nagngunguto pa ito na bakit raw si Amber pa ang kailangan gayong naroon naman ito. Pagkaraan ng ilang saglit ay lumabas sa kuwarto ni Sydney ang ipinatatawag niya. Naningkit ang kanyang mga mata dahil gamit nito ang kuwarto ng kakambal. Kahit matagal ng wala ang kapatid na babae ay nunca na pagamit iyon ng ina sa bisita. Parating guessroom ang kinababagsakan ng mga ito. Pero bakit espesyal ang trato nito kay Amber? Ano kayang ginawang pang-uuto ng babae sa kanyang ina? "Sir, pasensiya na po at nahuli ako ng gising. Nag-ayos po kasi ako ng gamit ko kagabi. Tinanghali tuloy ako. Pero huwag po kayong mag-alala. Hindi pa naman oras ng pag-inom ng gamut niyo. Nakapag breakfast na po ba kayo?" sabay tingin sa relong pambisig. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Amber. Mukha yatang nakalimutan nitong magpalit ng damit. Wearing a white shirt without her bra on. He can almost imagine how wicked it would be to take her clothes off. 31


Filipino Romance Novel frn He stood up and nodded. He even heard himself gulp. I'd be darn if you give me some fresh milk. Naunawaan kaagad nito ang ipinakahulugan niya. Sa pagkapahiya ay tinakpan nito ng braso ang bumabakat sa manipis na suot. Kulang na lang ay maging kakulay nito ang mansanas. Pahiyang-pahiya ito sa isinulat niya. Humakbang siya papalapit at umatras naman ito. Pilit gumagawa ng paraan para magkaroon ng malaking distansiya sa pagitan nila. Kamuntik pa nitong masagi ang maliit na vase. Natitiyak niyang natatakot na ito sa ginagawa niyang paglapit. Tumigil ito dahil nakorner niya ang dalaga sa pader. Pero ano ito namumula na ang mata ni, Amber. "S-sir..." mahinang bulong at halos pigil ang paghingang sambit nito. Iiyak ba ito? Shit! It thorned him seeing her scared and shaky. He hated it when woman can over power a man like this. Run, Amber, before i commit a sin...

32


Giovanni Alarcon ISANG malakas na sampal ang pinakawalan ni Amber nang ipatong ni Giovanni ang kamay sa kanyang balikat. Na-shock siya. Nang muling ibalik nito ang mukha at paningin sa kanya ay nagtatagis na ang bagang ng binata. Hinimas nito ang namumulang pisngi. Mas lalo yata niya itong nagalit. Anong gagawin niya? No choice din naman siya dahil binabastos siya ng binata. Kahit pa ito na ang pinakaguwapo nilalang na nakita niya, no way niyang ibibigay ang perlas ng sinilangan dito. Ano ito hilo? Nakita niya ang pagkilos nito. Ikinuyom niya ang mga kamao para kung sakaling may muling hakbang itong gawin sa kanya'y manlalaban siya. Pero teka mali yata ang naiisip niya. Ilang saglit pa ay ipinakita nito ang isinulat. Get lost! Hindi! Hindi siya makakapayag. Wala siyang ginagawang mali at pinoprotektahan niya lang ang sarili kaya nasampal niya ito. Wala siyang balak magpadaig sa takot na nararamdaman. Siya lang ang inaasahan sa kanila. Inisip na lang niyang kaya ito nag-react ng ganoon ay dahil hindi siya naging professional sa pagharap dito. Dapat din siyang sisihin sa mga nangyari.

33


Filipino Romance Novel frn "I'll get your medicine, sir." Wala sa loob na sambit niya. Ramdam niya ang mainit na likidong tumulo sa kanyang pisngi. Nagbigay daan ito. Tinanggal ang dalawang kamay sa pader na siyang inihaharang sa pagtakbo niya nang sampalin ito kanina. Nakahinga siya ng maluwag ng unti-unti'y magsimulang humakbang papalayo si Giovanni. Kahit nanginginig ay inihakbang niya ang mga paa para makabalik sa kuwarto. Daig pa niya ang dagang kumakaripas para magtago. Nang makarating sa kuwarto ay isinarado niya kaagad ang pinto. Tinakpan niya ng palad ang mukha. Napaupo at nanlupaypay siya sa makintab na sahig. Bakit ba kasi pinandalas siya ni Nenita? Pahiyang-pahiya siya sa sarili at kay Giovanni. Wala na siyang mukhang maihihirap pa. Na over expose ang asset niya sa mga mata nito. Ngayon, baka isipin sa kanya ng binata ibinibilad niya ang katawan at easy to get siya. Gusto niyang matunaw at maglahong parang bula kung nasaan man siya ngayon. Tapos napaluha pa siya sa sobrang nerbiyos.

34


Giovanni Alarcon

Chapter Three KANINA pa sila sa daan ni Giovanni. Hindi niya malaman kung saan sila pupunta. Basta ang gusto nito ay isama siya sa kung saan. Imbes na uniporme ang suot niya ay pinapalitan iyon sa kanya ng kaswal. Kakaiba talaga ang amo niyang ito. Ang masintahan. Pero nagpapasalamat siyang mas maginhawa ang suot niyang damit. malaya siyang nakakagalaw. Kahit simpleng baby yellow t-shirt at pantalon at snickers ay di siya naiilang sa branded na suot ni Giovanni. Hindi naman kasi halatang mumurahin ang kanya. Sabi nga nila, nasa nagdadala lang yan. "Sir baka naman puwedeng maghanap tayo ng puwedeng magamitan na restroom. Kanina pa ho kasi ako nagi-jinggle." naka dalawang inom na kasi siya ng dalawang bote ng tubig. Uhaw na uhaw siya dahil maalinsangan ang panahon. Pero nasobrahan siya sa nainom. Wala siyang pagsilay na nakuha mula dito. Mas mahirap palang pakisamahan ang taong tahimik kaysa sa palaaway. 'Di mo malaman kung ano ang iniisip.

35


Filipino Romance Novel frn Apat o kumulang higit limang oras silang nagbiyahe ni Giovanni. Bigla nitong itinigil ang minamanehong SUV. Sukat akalain niya ay muntikan na siyang mapasungaba sa lakas nang pagpreno nito. Wala itong pakundangan. Ito yata ang taong nakilala niya na ubod sama ang ugali at di marunong magpasintabi. Malayong-malayo ang kaguwapuhan nito sa ugaling ubod yata ang itim ng budhi. Inayos niya ang buhok na nagulo. Lalo niyang naramdaman ang sakit sa kanyang puson. Mapapaihi pa yata siya ng di oras sa ginawa nitong iyon. Diyos ko! Give me Strengh. Masasakal ko itong guwapong piping ito. Luminga-linga siya sa paligid. Isang napakagandang resort pala ang pinuntahan nila. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Tagaytay sila. Nakita na kasi niya ang kuhang litrato ni Mikka na kasama ang nobyo nito. Napakaganda ng lugar. Kita ang Taal Volcano at ang asul na tubig na dagat. At higit sa lahat iba ang dampi ng hangin. "Sir!" tawag niya ngunit pagbaling niya ng lingon ay wala na ang katabi. Naka baba na ito ng sasakyan. Nae-excite pa man din siyang sabihin kay Giovanni na iyon ang una niyang punta sa Tagaytay.

36


Giovanni Alarcon Binuksan niya ang pinto ng SUV. Bumaba siya kaagad. Sinipat niya ng paningin kung saan pumunta si Giovanni. Nakita niyang para itong may tinatanaw. “Grabe! Romantic sana dahil guwapong fafa ang kasama ko. Kaso naman pipi at sobra sa sungit. Mukha namang nakalimutan na niya ang nangyari kaninang umaga. Siguro, dapat mag relax na ako.” Ilang na ilang kasi siya sa nangyari sa kanila. Kung maibabalik niya lang sana ang nagawang kagagahan. "Sir—" tawag niya. Ang kaso'y paglapit niya, biglang may babaeng kumuyapit sa leeg ni Giovanni. Ouch! May kaagaw na pala kaagad siya. At hindi lang basta kaagaw. Napakaganda ng babae at mukhang sopistikada. Animo artistahin ang datingin. Mas makinis ang balat nito kumpara sa kanya. At mas nakakalamang ito sa taas. Kung siya ay umaabot lang ng 5'2 ito naman ay masasabi niyang mukhang modelo sa pagkakataas. Imbis na tumuloy ay bumalik siya sa loob ng sasakyan. Para yatang biglang kung may anong inis siyang naramdaman. Alam niyang mali ang makaramdam ng ganoon dahil wala namang siyang ‘K’ – karapatan. Mga ilang araw pa nga lang niyang 37


Filipino Romance Novel frn nakakasama ang binatang pipi, tapos nunca pa siyang kausapin. Anong relasyon yon? Alipin lang siya sa gigilid. Julalay, tagasilbi, taga alaga. Binabayaran para siguraduhing nasa mabuting kalusugan ito. Nangangarap kasi siya ng mataas. Kaya nakakaramdam siya ng kaunting insecurities. Malabong-malabo ngang matisod niya ito, kung ang mahal nito'y higit pa sa pagka diyosa. Isang mahaba at pagkalakas-lakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kung naging mayaman lang sana ako. 'Di sana'y kahit papaano naabot ko ang level mo. Diyos ko naiihi na ako! Kahit ayaw niyang tumingin sa side mirror ng SUV ay kusang napunta doon ang paningin niya. Shit! Anong inis niya ng makitang lalong yumakap ang babae. Kahit hindi niya makita ang nangyayari ay alam niyang naghahalikan na ang mga ito. Sa inis niya ay umupo siya sa drivers seat. Isang nakakarindi at nakakapantawag atensyon ang ginawa niya. Hindi niya tinantanan ang mahabang pagbusina noon. Magalit na kung magalit ito, basta mailabas niya ang nararamdamang pagkairita kahit wala siyang karapatan. Ganti na rin niya sa ginawa nitong pambabastos noong umaga. Pati sa walang pakundangang pagpreno. Isa pa ay kailangan na talaga niyang umihi.

38


Giovanni Alarcon Sa isang iglap ay bumukas ang pinto at dinakma ni Giovanni ang braso niya. Hinila siya pababa. Kita niya ang nagdidilim nitong mukha at nagtatagis na bagang. Kahit galit ito ay para pa rin itong isang prince charming sa paningin niya. Nahihipnotismo siya. Siya yata ang nangangailang ng medication. Malakas na yata ang tama niya dito. Hindi pa siya nakaramdam ng ganoon sa kahit na kaninong lalaki. Masesesante siya ng di oras sa ginawang kabalbalan. "Sir, naiihi na ho kasi ako. Eh sorry sir ganoon palang kalakas ang—" Papalusot pa sana siya. Ang kaso itinigil nito ang kung ano pa mang pagpapaliwanag na gagawin niya. Daig pa niya ang bibe sa ginawa nitong pag hawak sa kanyang nguso. Dalawang kamay na pinitpit at itinikom ang ginawa sa kanyang walang prenong bibig. "Surrr... gusstttu ku lung numun subukun kung punu. Nuvur ku pu na truuuy, nguyun lung. Surry nu sur. Du nu muuulut. Prumus!" sabay taas ng isang kamay na parang nangangako.

ANO ba ang iisipin ni Giovanni sa babaeng ito. Mas malakas pa ang bibig ng babaeng ito kaysa sa 39


Filipino Romance Novel frn busina ng SUV niya. Pinipigilan na niya ang bibig ay heto, 'di makatiis na hindi makapagsalita. Kanina pa niya rin napupuna ang pagsulyap nito habang nagmamaneho siya. Mamamatay yata ito kapag hindi man lang makapagkuwento o walang masabi. "Who is this woman? She's not your new girlfriend, right?" tinanggal ni Valerie ang kamay niya kay Amber. "Babe, lets work this out please. You know I'm way better than anyone else." Sumenyas siyang pumasok si Amber sa loob ng SUV upang magkaroon muli sila ni Valerie ng privacy. Pero tila yata may pagkatanga ang isa. Para itong hindi makaintindi ng gusto niyang lubayan sila ng kanyang ex girlfriend pansamantala at bigyan sila ng oras makapag usap. Hindi na siya nakatiis at kinuha na niya ang papel at ballpen. Get in the car, before I choke you. Sa nakita niyang reaksyon ni Amber ay para itong batang nagtampo. 'Di niya malaman kung matatawa ba dito. Nakalimutan na yata nito kung ano ang lugar nito. Pero mas binigyan niya ng panahong ayusin ang sa kanila ni Valerie. Gusto niyang tapusin na ang namamagitan sa kanila ng babaeng ito. Malaki ang 40


Giovanni Alarcon sakit na ibinigay nito sa kanya. Kung hindi dahil dito, hindi siya makakaramdam ng inis sa mga kababaihan. Noon kasing pabalik na siya mula sa pagkaka-rescue ng mga dating kasamang sundalo. Nalaman niyang hindi man lamang ito pumunta sa hospital para damayan siya. Nalaman pa niyang may iba itong kinakalantaryo kahit engage na sila. Parang naglahong bula ang pangarap niya para sa kanilang dalawa. Bukod pa doon dumagdag ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanya ama. Nagkapatong-patong hanggang sa hindi niya na nakayanan ang makabawi sa sakit na nararamdaman magpahanggang sa ngayon. How he blame and hate Valerie for the time she were'nt there for him when his in need. If you’re planning to come back, sorry. We’re over. You fuck up. "Babe, listen to me. Hindi totoo iyong mga akusasyon at ipinagkakalat ni Jason. It was all a gossip. Sa akin ka makinig. I love you so much and I can prove that to you. Kahit gaano pa katagal akong mapatawad. Aaraw-arawin ko ang paghingi ng hindi pagsipot sa hospital ng kailangan mo ako." Isa lang ang naiisip niya kaya ito parang asong ulol na sumulpot. Simula ng magkahiwalay sila ay inalisan na niya ito ng sustento. Pati ang bahay na 41


Filipino Romance Novel frn nirerentahan at tinitirhan nito ay hindi na niya binabayaran. Kaya di malayong pinaalis ito doon. Ano ba ang tingin nito sa kanya gago na maghahabol? Kahit mahal na mahal niya ito ay may dignidad siya at respeto para sa sarili. Higit pa roon ay ayaw niyang mabahiran nito ang pangalan nila. Nirerespeto ang angkan nila di lamang sa politika kundi kinikilala altasosyedad. How much? "Babe, it’s not about the money. I dont need your money. All I want is you. I love you, babe. Please have mercy on me... Forgive me." Bakit ang tagal niyang nabulag sa babaeng ito? Ganito pala ito kaganid sa pera niya at sa kasikatan. Kung hindi rin dahil sa kanya ay hindi ito magiging modelo. Dahil sa tulong ng kapatid niyang si Sydney na noon ay nagmomodelo ay hindi magkakaroon ng konekta si Valerie. Siya ang nakita nitong alas at sinunggab nga siya nito. Walang itinira sa pagkatao niya. Nasasaktan siyang ibinigay niya ang lahat ng kung ano ang may roon siya para dito. Ganito lang pala ang kapalit. Isang pagkukunwari. If your new boyfriend can't provide you money I'll write you a check. Let’s end this here, Valerie.

42


Giovanni Alarcon Tinanggal niya ang kamay nitong nakapatong sa kanyang mga braso. Tinalikuran niya ito para kuhanin ang checkbook sa SUV. Kahit narinig niya ang paghikbi at pagmamakaawa nito inignura niya ang nararamdaman. Ayaw niyang makita ang pagluha nito. Baka sa pagkaawa niya dito ay balikan pa niya dating kasintahan. Para siyang tangang umasa sa wala kaya dapat lamang na magdusa ito tulad ng nararamdaman niya. Isinulat niya ang sapat na halaga para makahanap si Valerie ng bagong lugar na matitirhan. Ibinigay iyon. Pagkaabot ay walang lingon-likod niyang tinalikuran ito at pinaharibas ang sasakyan. Habang nasa kahabaan na sila ng kalsada at tuloy siya sa pagmamaneho ay panaka niyang hinahampas ang manibela. Hindi niya makuhang sumigaw. Walang kahit na anong tunog ang lumalabas sa kanyang lalamunan. Nadudurog pa ang kanyang puso. Una't huli niya nang makikita si Valerie. Kaya ngayon lang niya mas lalong naramdaman ang pag-iisa ng puso niya. Sa paninikip ng dibdib ay kinabig niya ang manibela para itabi sa gilid. Ayaw niyang ituloy ang pagmamaneho ng ganoon ang nararamdaman. Baka magkaroon pa ng aksidente. Kahit papaano ay gusto niyang kumalma. 43


Filipino Romance Novel frn May isa pa kasi siyang pupuntahan. Kailangan niyang makarating sa Twins Tower na nakatayo mismo sa Tagaytay. Matagal na kasing nakapag invest ang papa niya noong mga bata pa sila sa TC at kailangang isa sa kanila ni Sydney ang mangasiwa. Sa tatlong presidente na humahawak ay dalawa sa katatagpuin niya ngayon ang haharapin niya. Ang nagngangalang Gabriel Aguilar at Charlie Aragonez ang dalawang presidente. Ang assistant mismo ng mga ito ay ang mga kapatid din. Ganoon din naman siya. Nagkataon lamang na mas inuna niya ang pangarap niya kesa ang hawakan ang malaking share ng pamilya nila sa Twins Club. Ang dalawang presidenteng ito ang tutulong sa kanya para matutunan at masimulan ang paghawak sa kanilang share. Nagpapasalamat siya at malinis humawak ang mga ito at walang halong pangungurakot. Maganda rin ang naging samahan ng kanilang magulang. Kaya magpahanggang sa ngayon ay matatag ang kumpanya. "Sir..." Nagulat siya. Nakalimutan niyang may kasama nga pala siya. Ang isang nilalang na ipinaglihi sa bibig. Tumingin siya sa gawi nito. Mababakas sa mukha nito ang discomfort. 44


Giovanni Alarcon "Kailangan ko ng umihi. Baka naman pwedeng ihanap niyo na ako ng banyo kahit saan. Pwede rin na sa tabi diyan kung saan walang makakakita sa akin na iiihi ako sa likod ng puno. Pwede rin naman sa food chain – sa Jollibee, McDo, Chowkin—" Sa inis ay pinindot niya ang busina ng kanyang SUV. Sa isang iglap ay tumigil ito. Salamat sa diyos! Nauubos ang pasensiya niya sa babaeng ito. Ang purpose yata nito sa buhay niya ay pahirapan siya. Kaunting katahimikan lang ang gusto niya. Sinabotahe pa nito. May mas mimiserable pa ba sa lagay isang tulad niya? Isang pipi, niloko ng fiancee at higit pa roon nagkaroon ng taga alagang magpapaalala kung gaano siya kainutil. Sumasakit ang ulo niya. "Dala ko itong gamot mo." pandalas na binuksan nito ang bote ng gamot na iniinom niya sa tuwing inaatake siya ng kayang anxiety. How am i suppose to drink it? You drink all my bottled of water. "Maliit lang itong gamot. Kayang-kaya mo itong inumin ng walang tubig." sabay pilit na isinubo ang gamot sa kanyang bibig.

45


Filipino Romance Novel frn Napaka unprofessional pala ng nakuhang nurse ng kanyang Mama. Sinusuhestiyon nitong gamitin ang kanyang laway para lunukin ang gamot. Napaka below low average. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at saka ipinikit ang mga mata. Sumandal saglit at pagkadakay ini-start ang ignition ng sasakyan. Ayaw na niyang makipag-usap sa isang utak biya. At titiyakin niyang bago makabalik ang kanyang ina ay na-fired out na niya ang babaeng ito. At least ay kapag wala na ito sa bahay ay di na nila kailangan pagtalunan iyon. Besides, ang trabahong isinantabi niya ang pagtutuunan niya ngayon at paglilibangan. "Hindi ka gagaling kapag palagi kang ganyan. Dapat nakikinig ka minsan sa sinasabi ng iba." Who is she telling all those stuff to him? This girl need to learn some lesson. Get down. "Sir?" Hindi niya na kayang makinig pa sa sasabihin ng babaeng ito. Out of the car!

46


Giovanni Alarcon Nang makababa si Amber sa sasakyan niya ay kinuha niya ang bag nito at inihagis iyon sa bukas na bintana ng kanyang sasakyan. Go hike and go back where you came from. Kahit isipin nitong sadista siya ay wala siyang pakiaalam. Dinukot niya ang wallet sa kanyang bulsa. Binigyan niya ito ng pera pamasahe. Pilit nitong kinalampag ang binta ng SUV nang untiunting maitaas ang salamin at masigurong sarado ang lahat. Binigyan niya ito ng nakakaasar na ngiti sabay kaway ng paalam. "Sir, buksan mo 'to. Sir!" histerya nito habang nagmamakaawa. "Huwag mo kong iwan!!!" Habang papalayo ay nakita niya ang paghabol na ginagawa nito. Mabilis din niyang ibinalik ang paningin sa kalsada. Sa wakas wala ng maingay.

47


Filipino Romance Novel frn

Chapter Four TAKANG-taka si Amber nang marating ang bahay nila na tila ba pinagpipiyestahan ng mga kapitbahay. Tumingin siya sa kaliwa at may mga nagsasakla. Sa may kanan naman ay mga matatandang nagdarasal. Hindi maganda ang naging indikasyon niyon para sa kanya. Mabilis niyang tinakbo ang pinto upang masiguro ang hinala. Napatingin kaagad siya sa dalawang kapatid na parehong magkayakap habang nakaupo sa kawayang upuan. "Pearl?" tila nangungusap ang mga matang tinawag niya ito bago inilipat ang paningin sa isa pa niyang kapatid na si Gem. Tulo ang sipon at luha ng dalawa. Kanina ay tila iniipit pa ang mga hikbi pero lumakas ang paghagulhol ng mga ito nang makita siya roong napatulala na sa dalawang kabaong. "Ate," tawag ng bunsong si, Gem. "W-wala na si nanay at tatay." Paputol-putol at halos malalagutan ito ng paghinga sa pag-iyak. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi totoo ito. Niyakap siya si Pearl at gayun din naman si Gem. 48


Giovanni Alarcon "Nanulungan sila ni Nanay at Tatay sa pag-iipa ng bigas. Pero may mga tulisang biglang dumating ayon sa mga nakaligtas. Sampu ang sugatan pero pito ang namatay. Kasama na nga doon sina—" Hindi na naituloy ni Pearl ang kwento at tinakpan nito ang bibig upang hindi mapalakas ang nagbabadya nanamang paghagulhol nito. Lumapit siya sa kabaong. Nakaramdam siya ng panlalambot ng makita niya ang kanilang magulang na nakahiga doon. Kung kanina ay may pagtanggi ang isipan at kalooban niya sa pangyayari. Ngayon ay hindi na. Totoo at kumpirmado ang mga sinabi ni Gem at Pearl. Ulilang lubos na silang magkakapatid. Parang kay hirap tanggapin noon. Hindi niya napigilan ang sarili. Binuksan niya ang kabaong ng ina at niyakap ito ng mahigpit. Wala na siyang pakialam kung mapatid man ang litid ng kanyang leeg sa pag-iyak at pag ngawa. Halos awatin siya ng kanilang mga kapitbahay sa ginawa niyang iyon. Ang sabi ng mga ito ay wala na silang magagawa pa. Ipagpasa diyos na lamang daw ang lahat. Pero iba ang nararamdaman niya. Gusto niyang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito. Gusto niyang lumaban kahit wala siyang alam na paaraan kung papaano. 49


Filipino Romance Novel frn "Nay! Tay!" Yugyog at tawag niya sa mga ito. "Kahit ako na ang magtrabaho ay wala naman po akong reklamo. Pero ang mawala kayo ng ganito ay hindi ko kaya. Hindi ko po kaya!" "Ate tama na," awat ni Pearl sa ginagawa niyang iyon. Hindi rin kinaya ni Amber ang pangayaring iyon. Hinimatay siya at nagpatulong ang dalawang kapatid na buhatin siya. Nang mahimasmasan ay pinaiinom siya ng tubig. Tila ba kay pait noon sa kanyang panlasa kahit wala naman iyong lasa talaga. Dumaan ang araw, lumipas ang ilang linggong pagluluksa nilang magkakapatid. Kahit ayaw pa nilang bumalik sa dating gawain ay kailangan nilang gawin ang nakagawian. Bilang panganay at tanging inaasahan ng dalawa ay kailangan niyang kapalan ang mukha at bumalik sa bahay ng mga Alarcon. Pinapasok na niya ang dalawa at sinabihang kumuha ng test exam at siya na ang bahala sa matrikula. Said na said sila dahil sa pagbabayad sa burol ng magulang. May utang pa nga silang kailangan niyang gawan ng paraan. Hindi sumapat ang mga abuloy ng mga nakiramay. Iisa lang ang pumasok sa isipan niya. Titiisin niya ang lalaking halos pamagain ng husto ang mga paa niya sa paglalakad. 50


Giovanni Alarcon Masama ang mukhang kaagad na bumungad sa kanya nang magkaharap sila ni Giovanni. Inaasahan na niya iyon at alam niyang nasabi na nito sa kanya noong nakaraang isang linggo na huwag nang bumalik. Pero tinikis niya ang sariling paglabanin ang sakit ng mapang-alipusta nitong tingin at pagpapabasa ng kung ano-ano sa papel. Doon lang naman di sila nakakapag-usap — sa pagpapabasa nito ng mga salitang gustong ipahayag sa kanya. "Sir, baka po kahit sa mga kakilala niyo ay puwede niyo akong irekuminda. Kahit maliit na pasahod ay kaya kong tanggapin." Ngumisi ito ng nakakaloko. Naramdaman niya ang sobrang babang pagtingin nito sa mga katulad niya. Antipatikong mayabang ang tingin niya dito dahil ipinamumukha nito ang kaibahan nila. Sinuwerte lang talaga ito dahil ipinanganak itong mayaman. Samantalang siya ay kailangan niyang ipalimos ang sarili para magkaroon ng trabaho at mapalamon ang sarili at ang mga kapatid. Wala na nga yata siyang ipinagkaiba sa mga pulubi sa lansangan, ulilang lubos pa. Balak na siyang pagsaraduhan ng binata ng pinto. Kaagad naman niyang iniharang ang katawan. 51


Filipino Romance Novel frn "Parang awa mo na Sir. Kung ang bibig ko lang ang pinoproblema niyo ay kaya kong itikom ito. Tanggapin mo na ulit ako. Nangangako akong 'di na mauulit ang pangungulit. Gipit na ako at kapit sa patalim" Pero isa yatang bato ang binata. Pilit nitong itinutulak ang katawan niya para huwag maipit sa pinto. Napalakas ang pagtulak nito at napasubsob siya ng husto sa pinagkatayuan. Ang tanging naiisip na lang niya ang umarteng nasaktan kahit hindi naman. "Arayyyy!" Lumuwag kaagad ang pinto at inalalayan nito ang braso niya. Hinimas pa ang kanyang likod na parang concern. This man has a magic hand to take away someone else pain. Sa kabila ng kasungitan at pagmamatapang nito sa kanya alam niyang may naitatago itong kabutian. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkukubli ito sa kabila ng karangyaan tinatamasa. Kung nalalaman lamang siguro nito na ang buhay niya ang pinaka miserable. Nawalan man ito ng ama ay mas mapait ang naging kamatayan ng kanyang magulan. Ni hindi niya nga mabigyan hustisya iyon dahil wala siyang perang pangbayad sa abogado. Mas kailangan pa niyang itaguyod ang dalawang kapatid. 52


Giovanni Alarcon Kinuha nito ang maliit na bell nang pangkuin siya nito sa sofa nang mahila siya nito ng walang kaabogabog. Ikinagulat niya iyon at hindi siya kaagad nakagalaw. Hindi niya akalaing papangkuin siya ng binata gayong napakalaki at haba ng upuan. Nang sulyapin niya ang mukha nito'y tila nanunukso ang mga ngiting ibinibigay nito sa kanya. Siya yata ang naisahan ng mokong. Napatindig siya ng tayo nang pumasok ang kawaksi at may dalang juice na iniutos ng binata. Kinuha ni Giovanni ang malamig na inumin sabay abot sa kanya. Halatang tensiyonado ang buong katawan niya sa pangangatal. Tumutunog ang bawat pagsagi ng yelo sa baso. Nang lumabas ang kawaksi ay hinawakan kaagad ng binata ang hawak-hawak niya. Nakaramdam siguro ito na anumang oras ay maaari iyong bumagsak at mabasag sa sahig.

ANO pa ba ang magagawa ni Giovanni kung hindi tanggapin muli si Amber. Natitiyak niyang tatanungin siya ng ina kapag wala sa Villa nila ang dalaga. Kung tutuusin ay may bagay na siyang naiisip para magkaroon ito ng silbi. Matibay ito at kahit pinasakitan na ay heto pa rin at sumisige. Dinala niya ito sa mall at ipinamili ng mga damit. Gagawin niya itong secretary habang wala pa siyang 53


Filipino Romance Novel frn nahahanap na iba. Hirap din siyang makipagcommunicate sa lagay niya. At least si Amber na lang ang pakikisamahan niya at alam na rin nito kung paano sila mag-uusap. Speaking of Amber-alambre, hindi niya ito mahagilap. Iniwan niya lang muna ito saglit sa salon para bumili ng kape ay naglaho itong parang bula doon. First class ang lugar ng salon pati ang staff ay very professional. Kilala na siya sa lugar na pinagdalhan niya kay Amber. Madalas kasi siya roon noong magkasintahan pa lamang sila ni Valerie. "Babe!" Malakas ang tawag na iyon na nakapagpalingon sa lahat maliban kay Giovanni. Speaking of the devil. "What are you doing here?" tila sabik na sabik si Valerie na makita siyang naroroon. May bitbit pa itong mga pinamilhan. Valerie is a self-absorb with no qualms about using other people to get what she wants. Nagamit na nito ang tsekeng pinirmahan niya para layuan siya at huwag ng magpakita pa sa kanya. Alam niya iyon, dahil nang magpunta siya sa bangko ay na-cash-out na raw ang pera. Kinumpirma iyon ng teller. The 54


Giovanni Alarcon pricey bitch was sure smart. Pero hindi pa siguro sapat ang halagang fifty thousand para tantanan siya nito. Maluho kasi ito. Kung sabagay barya lang naman iyon kumpara sa dating naibibigay niya dito. Pumulupot ito sa beywang niya. Dumampi ang labi nito sa pisngi niya. Ayaw niyang dumampi iyon sa kanyang bibig. Kinalas niya ang braso nito sabay inilayo ang sarili. Sadyang mapilit si Valerie sa pakikipaglapit, and that's not a good sign. Sa haba ng panahong naging magkasintahan sila ng babae at sa naipakita nitong kayang gawin ay wala itong binalak na hindi nakuha. Isa itong sign of threat. "Honey kanina ka pa ba naghihintay? Sorry nagpa-wax pa kasi ako." Sa kauna-unahang pagkakataon ang lakas ng kabog ng dibdib na naramdaman ni Giovanni. It was Amber calling him honey, as if he was called by a sleeping goddess. Dinala niya ito sa salon ng walang kaayos-ayos at nang lumabas ito sa private room at lapitan siya ay parang isang magic ang nangyari dito. 'Di niya akalaing ganoon pala talaga kagaling ang mga kamay ng mga parlorista sa lugar na iyon. Oo nga't may hitsura na ito. Ngunit mas na-enhance pa iyon ng todo. 55


Filipino Romance Novel frn Pakiramdam niya ay parang may kung anong nabuhay sa kanyang katawan. Nanunuot ang kanyang lalamunan. The kiss was surely different dahil hindi naman dumampi iyon kundi inilapit lang ni Amber na nagmukhang halik para sa ibang makakakita. But for him it was very insulting. Why? Pakiramdam niya ay hindi nakakaapekto kay Amber ang kaguwapuhang taglay niya. Samantalang lahat ng staff sa salon ay naglalaway sa kakisigan at kaguwapuhang taglay niya. He will surely not let this moment swept away like a snap. Hinapit niya sa bewang si Amber at tuluyang ginawaran ng totoong halik. He gave her the most seductive and passionate kiss that he and she will never forget. Nang matapos ang halik ay halos mapatulala ang mga tao sa paligid at mapanganga. Hindi pandidiri ang nakikita ni Giovanni kundi pagkainggit. Si Amber ay parang nawawala na sa ulirat. Natulala ito ng husto at nakanganga rin. His wondering if she still want more but he needed to stop, or else it will be very a big scene. Serve you right! Naapektuhan na siguro ng karisma niya. Kahit hindi siya nakakapagsalita ay may talent namang magbigay ng words ang dila niya sa loob ng bibig ng dalaga. Amber will surely learn something very special from him. 56


Giovanni Alarcon "Shit!" tili ni Valerie. Nag walk-out ang dating kasintahan ng mapahiya ito sa harap ng maraming tao. Akala siguro nito'y walang katapusan ang pagiging martir niya. Nang harapin niya muli si Amber, isang nakaririnding malakas na sampal ang ginawa nito sa kanya. Ouch! It's his sencond time around. Nawiwili na yata ang babaeng ito sa pagsampal sa kanya. Daig pa niya ang naabuso, hindi pa man din sila mag-asawa. A wife? he chuckled a bit to that idea. Hindi pa ba siya nadala kay Valerie. Amber might use him because he was rich. He dont want to trust anybody anymore. Not again... Not this time...

57


Filipino Romance Novel frn

Chapter Five GIOVANNI found an excuse to get rid of his boredom, if only for a while. He quickly maneuvered around the house to make his way to their pool. Nang mahubad ang suot na damit at swimming trunks na lamang ang natitirang saplot sa katawan ay saka lamang niya sinimulang lumublob sa tubig. He leaned against the side of the pool then took a deep breath. His heart was thudding with fear and something he couldn’t quite identify. Saktong naroroon pala si Amber, ang nagpapagulo ng kaniyang utak ng mga nagdaang araw, tinitingnan ang mga tanim na orchids ng kaniyang mama. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Naging ganoon na siya simula ng halikan niya ito. Pinagmasdan niya ang hitsura nito. She had a pretty, doll-like face, hair a little longer and darker than his. She wore a white velvet hot pants and a bolero to match. Nakayapak itong naglalakad sa bermuda grass at tila para ba itong lumilipad habang naglalakad at sinasamyo ang mga bulaklak. Darn! He’s wondering if his eyes are playing tricks on him, or maybe his head. The changes on her looks affected him very vigorously. The water is cold but it doesn't mean it can kill the heat that’s coming out of his body. His manhood became stiff. He could hardly control himself. 58


Giovanni Alarcon

This must be a joke‌! Bakit ba siya naaapektuhan ng ganoon sa dalaga? Umahon siya sa pool at kinuha ang tuwalyang nakapatong sa lamesa. Mabilis niyang itinapis iyon sa baywang pagkatapos magpunas ng katawan. Hindi pa rin niya makuhang ilayo ang mga mata kay Amber. Natitiyak niyang anumang oras ay maaari siyang makita nito. Not that he cared, but not in that situation. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakaramdam ng init ng katawan ng isang babae. At kung si Amber ang makapagbibigay ng sagot sa pinoprobelama niya ay hindi niya magpapaka-ipokrito pa. Pero hindi siya handa sa anumang commitments. Ang mga uri ni Amber ang natitiyak niyang hindi papayag na ikama na lang basta. Not this girl, Giovanni... saway niya sa sarili. Tumalikod siya upang huwag ng matuksong magisip pa ng kung ano, bagkus ay lumapit siya sa lamesa na kinapapatungan ng pitsel at baso. Pagkasalin ng juice ay saka niya inisang lagukan iyon, nagbabaka-sakaling mawala ang init na nararamdaman. Nang mailapag niya ang baso sa lamesa, napuna niyang may kung anong kumikislap na tumatama sa kaniyang mukha. He thought it was the sun, but it wasn’t. Tumalikod siya at doon lamang 59


Filipino Romance Novel frn niya napagtantong hindi sikat ng araw kung hindi saktong laser light na nagmumula sa mga armadong kalalakihan. Kitang-kita niya ang baril na nakatutok sa kaniya sapagkat malaki ang awang ng bakal ng kanilang gate. Pagkataas ng baril at pagsipat ng isang lalaking nakasuot ng itim ay madali niyang nilingon si Amber. Nakatalikod pa rin ito at inaamoy ang bulaklak, walang kamalay-malay sa kung ano’ng maaaring maganap. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Tiyak na kapag tumakbo siya'y hudyat na 'yon ng pag-ulan ng bala. Kung siya lamang ang naroroon ay kaya niyang ilagan iyon, pero hindi niya maaaring gawin ang naiisip sapagkat naroroon din si Amber. Mapapahamak ito. No choice din sapagkat kakalabitin na ng lalaki ang baril. "Takbo...!" ISANG napakalakas na sigaw ang narinig ni Amber mula sa kaniyang likuran. Nakita niyang sumusugod ng takbo si Giovanni papalapit sa kaniya. Naguguluhan siya sapagkat hindi niya malaman kung sino ang nagpapatakbo sa kaniya. Pero sila lamang ang naroroon. Ito ba ang nagsabi sa kaniya na tumakbo siya? Kung ito nga ay napakaganda pala ng boses nito. Buong-buo iyon na parang pang DJ sa radio station. Pero malabong mangyari ang naiisip niya dahil pipi 60


Giovanni Alarcon ito. Sino ba ang nagpapatakbo sa kaniya? "Takbo sabi...!" Nanlaki ang mga mata niya. Nakakapagsalita na ito. Noon lang niya napunang nasa panganib ito kaya ito tumatakbo. Pero hindi lamang ito ang balak patamaan ng namamaril ng tumingin siya sa labas ng gate. Hinawakan ni Giovanni ang kamay niya nang makalapit ito sa kaniya at hinila siya papasok ng bahay. Walang tigil sa pagputok ang tatlong armadong lalaki. Tumatalsik ang lahat ng lupang tinatamaan ng bala, natitiyak niyang pati ang mga paso ni Mrs. Alarcon ay basag na. Nang mapasok nila ang bahay ay saka lamang sila dumapa, nakadagan sa kaniya ang binata habang nakaharap naman siya dito. Napayakap na rin siya sa leeg nito sa sobrang takot. God mamamatay na ba ako? ‘Wag muna sana. Ngayon pa lang ako nakayakap ng napakabango at guwapong lalaki. Sinagad-sagad na ni Amber ang pakakayakap dito. Tumagal sila ng sampung minuto sa ganoong posisyon, at pagdilat niya ng kaniyang mga mata, napalunok siya dahil nakatitig si Giovanni sa kaniya, bigla siyang pinamulahan ng mukha at tila malulusaw siya sa pagkapahiya. Nabisto yata ang kaniyang pananantsing, dahil panay ang singhot niya sa napakabangong leeg nito. 61


Filipino Romance Novel frn Nasisiguro niyang wala na ang mga masasamang tao sa labas ng bahay ng mga Alarcon dahil tahimik na. Nakaramdam siya ng mga sandaling iyon ng isa na namang panganib. Unti-unti niyang niluwagan ang pagkakayakap sa binata. Mabilis na sinunggaban ni Giovanni ang bibig niya para gawaran siya ng halik, o mas tamang sabihing para patahimikin siya. Daig pa kasi niya ang sirena ng bumbero sa pagtili. Pero wala ng ginawa ang lalaking ito kung 'di nakawan siya ng halik. Kahit ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang mga iginagawad nitong kapangahasan ay nabibigyan niya na iyon ng malisya. Tulad na lang ngayon. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay kay bilis napalitan ng pagkasabik. Bawat paggalaw ng dila nito sa loob ng kaniyang bibig ay kay sarap namnamin. Kay dali niyang natutunan ng walang kahirap-hirap. Kusa niyang ikinunyapit ang mga kamay sa leeg nito at tila ba mauubusan siya ng hangin sa walang tigil na pagtugon. Pero ito na rin ang umagwat sa kanilang dalawa. Kahit gusto niyang magprotesta dahil nabitin siya'y wala siyang nagawa. Unti-unting inilayo ng binata ang katawan nito sa kaniya. Inalalayan siya nitong tumayo at tiim-bagang na nakatitig sa kaniya. "We have to get out of here. Delikado tayo dito." Tama, kailangan talaga nilang umalis sa bahay. Baka muli silang balikan ng mga armadong 62


Giovanni Alarcon kalalakihan. Hindi pa siya handang mamatay sa ganoong paraan. Ngayon pa, siya na lang ang inaasahan ng mga kapatid niya. "There's no time for spacing out. We need to hurry." Inilayo nito ang sarili at saka tumalikod. "Sa amin," mungkahi niya. "What?" nagtatakang tanong ni Giovanni sa kaniya. "Sa tinitirhan ko na lang kayo magtago, Sir. Wala namang kahit na sino na makakaalam sa lugar na tinitirhan ko maliban na lang sa hospital. Malabo rin naman hong ipagtanong ng masasamang tao ang bagay na iyon dahil confidential. Hindi rin nila maiisip na maiisipan mong doon magtago. Alam kasi nilang sa mamahaling lugar mo lang pipiliing mamalagi." Pinag-aralan saglit ni Giovanni ang sinabi ng dalaga. Somehow she got a point. Pero baka may masabi ang magulang nito kung sakaling doon siya magtago sa bahay nito. Wala rin namang kaso sa kaniya kung hindi kumportableng lugar ang kaniyang pagtataguan. Sanay siya dahil nga sa nagsundalo siya. Mas mahirap na training ang kinasabakan niya noon. Isang bagay lang naman ang nakapagbibigay pangamba sa kaniya. Maaaring bumalik ang mga armadong lalaki na iyon sa pamamahay niya at mapahamak ang mga kasambahay nila. 63


Filipino Romance Novel frn

"Pagbabakasyunin ko muna ang mga katulong. Mas mainam rin na hindi malaman ng mama ang tungkol dito. Tiyak na maghihisterya 'yon." Tuloytuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang unang baytang ng hagdan. "Go ahead ang pack your things. Kakausapin ko muna ang iba." Tumango kaagad si Amber. Naisip niyang wala ng panahon para hindi nila bilisan. Nasa panganib pa rin sila. Walang kasiguruhan sa maaaring sumunod na mangyari. HINDI makapaniwala si Giovanni. Ang pagligtas lang pala sa kaniyang private nurse ang makakapagpagaling sa kaniyang sakit. Nakakapagsalita na siya. Pero nanganganib naman ang buhay niya. Isa-isa niyang kina-usap ang mga tao sa bahay. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil inanunsiyo niyang buo ang sahod ng mga ito kahit nasa bakasyon ang mga ito. Nagsinungaling din si Giovanni na susunod sa ina para hindi na mag-isip ang mga katulong kung saan siya tutuloy, o mas sabihing magtatago. Kailangan na rin niyang mag-ingat. Pribadong lugar ang kinatitirikan ng bakasyunang iyon kaya natitiyak niyang maaaring magkaroon ng spy sa loob ng pamamahay nila. Ganoon na siya kung mag-isip simula nang mapahamak sila ng kaniyang papa at mamatay ito. Paranoid man kung isipin ng iba, pero 64


Giovanni Alarcon mas mabuti na ang maingat. "Are you ready?" tanong niya kay Amber pagkakita dito, naka-upo ito sa sofa at hinihintay siya. Tinabihan niya ito. "Yes, Sir." "Hindi ba magagalit ang magulang mo? Baka mapahamak sila dahil sa akin." Nakita ni Giovanni na tumikhim si Amber sa kalawakan bago tumugon. Hindi man ito nakatingin sa kaniya ay tila nakadarama siya ng bigat ng dinadala nito. "Ihahatid na lang kita sa inyo. Tulad naipangako ko, fully paid ang bakasyon ninyo –"

ng

"Kamamatay lang nila, Sir. Nabaril sila sa pag-iipa ng bigas. Kaya din ako nagmakaawang tanggapin niyo akong muli dahil kailangan ko ng pera pambayad sa hospital, morge at pagpapalibing." Hindi makapaniwala si Giovanni sa narinig. Parang wala naman siyang napunang kakaiba dito nang muli niya itong tanggapin maliban nga lang sa pananahimik. "I'm sorry to hear that. My condolences." "Salamat." Ngumiti ang

dalaga 65

na

hindi

umabot

sa


Filipino Romance Novel frn magkabilang tainga. Hindi naiwasan ni Giovanni ang hawakan ang kamay nitong nakapatong sa hita. "It will be alright. I'll take care of your problem." Babayaran niya ang lahat ng pinagkakautangan nito. Naniniwala siyang nagpabigat siya sa naging pagkamatay ng magulang nito dahil hindi siya naging sensitive sa nararamdaman ng dalaga. Alam niyang gagaan ang dinadala niyang sakit kung susuklian niya ng pag-tulong ang ginagawa nitong kabutihan sa kaniya. Kabutihan pa rin kasi niya ang naiisip nito kahit naging magaspang ang pagtrato niya sa simula. NANG makarating sila sa bahay nina Amber ay tuwang-tuwa ang mga kapatid nito. Nagulat pa ang dalawa ng sumunod na pumasok sa bahay nila si Giovanni. "Ate may bisita pala tayo?" pangalawang kapatid na si Pearl.

bulong

ng

Sumegundamano din ang bunso nilang si Gem. "Ate natalisod mo ba ‘yang guwapong ‘yan? Mukhang ang yaman ha..." "Magsitigil nga kayong dalawa. Baka marinig kayo kung ano pang sabihin sa atin. Amo ko 'yan." Nagkatinginan ang dalawang kapatid ni Amber at 'di nakuntento sa maigsing pagsaway niya. 66


Giovanni Alarcon

"Eh bakit kasama mo dito?" Si Pearl. "Mahabang kuwento. Pero dito muna siya maninirahan sa atin. Kaya magkakatabi tayong tatlo sa kuwarto. Papagamit ko iyong kuwarto ko dahil may kalakihan iyon. Kita niyo naman ang laking tao niyan. Mahahaba ang kalis, 'di kakasya sa kuwarto ng magulang natin." Sabay-sabay silang sumulyap sa gawi ni Giovanni. Isang makatunaw na ngiti ang ibinigay nito sa kanilang tatlo habang nagbubulungan pa rin. "Ate," sambit ni Pearl at kinikilig pa ito. "Ang guwapo niya. Pagkakataon mo na ito. Sinasabi ko na nga bang kahit mahirap lamang tayo ay may makakapansin pa rin sa ganda mo. Totoo nga ang mayayaman ay puwede pa ring umibig sa isang tulad nating mahihirap. Bukas luluhod ang mga tala—" "Luluhod ka sa munggo kapag di mo itinigil yang kalokohan mo, Pearl," saway niya sa sinasabi ng kapatid. "Boss ko ‘yan. Malabo ang iniisip mo. Ang mabuti pa ipaghain niyo na lang kami ng makakain. Gutom na kami." Nginusuan siya ni Pearl at kapagkuwa'y nilagpasan siya. Lumapit ito kay Giovanni at hinila paupo sa kanilang kawayang upuan ang binata. Aba bruhilda at marunong ng lumandi. Nilapitan 67


Filipino Romance Novel frn niya ito at pinikot ang tenga. "Aray! Ate naman..." "Ate ka diyan... Hala, sige gawin mo iyong iniuutos ko sa iyo..." "Parang ini-interview ko lang ang future bayaw ko eh," nang-uutong sambit nito. Halos masamid si Amber sa narinig na pagbibiro ni Pearl ng ganoon at sa harap pa mismo ni Giovanni. Ngali-ngaling kutusan niya ito sa ulo. Nagpa-cute na muna si Pearl kay Giovanni bago ginawa ang iniuutos niya. Abot kaba naman ang pagka-usap niya sa binata. Baka kasi isipin nitong idea niya iyong mga ganoong biro ng kapatid. Ayaw niyang may ma-isip itong ganoon nga ang nararamdaman niya — na may munti siyang pagtingin. Pero kung sakaling magkakatotoong magkagusto ito sa kaniya, eh ayos lang din. Pangarap naman talaga niyang magkaroon ng nobyong rich na, guwapo pa. "Pasensiya ka na, ma-kikay talaga kasi 'yon. Pero mababait naman sila tulad ko." "I like your sister. She's very funny." Sa sinabi nito ay tila ba parang di mapuknat ang pagkakatingin nito sa mukha niya. Napapaso siya at 68


Giovanni Alarcon kay bilis nitong naging mabait. Kung minsan naiisip niyang ang dahilan kaya niyon ay ang pagpapa-ayos niya sa salon. Siguro kung 'di siya nagpaayos ay hindi rin siya mapupuna ng lalaking ito. "Thank you for sharing your house with me. Malaking tulong sa akin na hindi ako matutunton ng mga masasamang tao dito."

69


Filipino Romance Novel frn

Chapter Six “SIRA ulo ba kayo…! Hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag kayong magpapakita sa akin pagkatapos ng operasyong ito? Ni hindi niyo naman pala napatay ang bruhang babaeng iyon, sabay heto kayo’t nanghihing pa ng pera...!” Pinagtutukan ng baril ni Valerie ang mga tauhan na inupahan para patayin si Amber. Walang nagawa ang mga ito kundi ang magkamot ng batok dahil sa walang kakayahang paslangin si Amber Masuyo. “Ma’am, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya matodas lang ‘yang ipinapapapatay niyo sa amin. Kaya lang ho natiklo kami ng kasintahan niyo. Akala kasi namin iyong babae lang ang nasa hardin. Biglang sumulpot mula sa swimming pool si Giovanni Alarcon. Ayun, sinipatan din nitong si Damian dahil tinulungan iyong babae.” “Tapos pinaulanan niyo pa rin ng bala? Eh kung natodas ‘yon? Alam niyo bang pare-pareho tayong makukulong dahil sa kapalpakang ginawa niyo. Tiyak na ipapa-trace na tayo ni Giovanni. Basta sa susunod huwag kayong magpapakita sa akin ng hindi ko kayo ipinatatawag.” Nagturuan ang tatlong maskuladong lalaki 70


Giovanni Alarcon kung bakit pumalpak ang operasyon. Lahat ng mga ito’y parang napipi sa harap ng nagliliyab na galit na babae. “May iba pa bang nakakita sa inyo?” “Wala. Lahat kami nakasuot nitong maskara.” garantiya ng isa. “Good!” natutuwang sambit ni Valerie sabay nagsindi ng sigarilyo. “Ibibigay ko ang kalahating bayad kapag nasiguro ninyong mapatay niyo si Amber.” “Kaya ho rin ba ipinapatay niyo sa amin si Jason dahil malaki ang perang makukuha niyo sa Giovanni Alarcon na iyan?” “Not only the money, I also want the man. Ayokong may humahadlang sa mga plano kong pakasalanan ako ni Giovanni.” Hinithit ni Valerie ang sigarilo at bumuga sa kawalan. Ipinapatay nito si Jason dahil ipinagkakalat nito ang baho nilang magkarelasyon sila. As a matter of fact, they were only partners in bed. Hindi rin niya makakailang magaling ito sa kama but Giovanni is far more beyond, mas maapoy. Pero sa mga panahong wala ito sa tabi niya’y kailangan din niya ng init at si Jason ang tumutugon niyon. 71


Filipino Romance Novel frn “That bastard, buhay pa sana siya ngayon at nagpapakaligaya sa pera. But I change my mind, masyado siyang madakdak at mautak. Peperahan pa ako. Kung ako lang ang makikinabang ng pera ni Giovanni at nasa akin pa siya, wala akong problema. Magbubuhay prinsesa sana ako kung hindi lang sa gunggong na iyon.� Iritableng isinaksak nito ang kuwarentay singkong baril sa Louis Vuitton bag. Iniutos ni Valerie sa mga tauhan na hanapin si Amber at siguruhing huwag na muling papalpak. BUHAT ni Giovanni sa magkaparehong balikat ang mabigat na balde. Sinabihan siya ni Pearl at Gem na kung magpapa-pogi points siya sa ate ng mga ito ay dapat na magpalakas muna ng maigi sa dalawa. Tiyak na kapag umoo ang dalawa’y sila na ang bahala sa kanya. Walang sino rin daw ang makakaaligid ng di dumadaan sa mga ito. Ilan na rin ang sumubok na gawin ang ginagawa niya ngayon. Isa sa masugid na manliligaw ng kapatid ay si Damian. Kababata ito ni Amber at sabi ng dalawa ay di nalalayo ang kakisigan nito sa kanya. Nga lamang ay mas marami daw siyang pera, sapagkat si Damian ay magsasaka ang ikinabubuhay. Pero hindi daw mahalaga sa kapatid nila ang kayamanan. Basta mabait at mamahalin ng taos sa puso ay masaya na raw ito. Kung gayon ay bakit hindi pa ito nagkakanobyo kahit isa? Napapailing ng maigi si Giovanni sa pinaggagagawa. Hindi siya marunong manligaw na sobrang 72


Giovanni Alarcon makaluma ang estilo. Kung tutuusin ay mabilis niyang maikakama si Amber kung dadaanin niya sa pagpapa-cute-cute at ibili ito ng maraming materyal na bagay. But he knows better than that. The cherry that he want is something Amber will offer herself and not by force. At saka ayaw niyang matulad ito kay Valerie. Puro materyal na bagay lang ang gusto. Hindi niya bibigyan ng dahilan si Amber upang pera ang magpatibok sa puso nito para mahalin lamang siya. He had enough of that. Sa kakaisip ng kung ano-ano ay hindi napansin ni Giovanni ang lupang basa, na kapag natapakan ay tiyak na ikadudulas niya. Nakamanman sa kanya ang dalawa na parang guwardiya sibil kaya todo siya sa pagpapasiklab. Kung siya ang tatanungin ay naiiling siya sa ginagawa ng mga ito. Parang mga batang ngayon lamang nakakita ng guwapong nilalang. Panay-panay ang bungisngisan. Kapag nakikita pa siyang nagpapahinga ay sita kaagad ang naaabot niya. Kung nalalaman lang din ng dalawang ito kung paano siya pagsilbihan ng mga katulong nila ay walang ideya ang dalawa. Tumilapon ang balde at nabasa siya ng tubig paghakbang niya sa basang lupa. Bukod pa doon ay nabalian siya ng balakang. Pumihit siya para tumayo, napangiwi siya sa sakit. “Oh‌ Tatamad-tamad ka. Sinasayang mo ang tubig.â€? lumapit sa kanya si Gem, hindi para tulungan kundi para itayo ang baldeng buhat niya kanina. 73


Filipino Romance Novel frn “Pagkatapos mong punuin ang tangke, siguruhin mo rin na sibakin ang mga kahoy sa likod ng bahay. Wala ng panggatong para makapagluto ng pagkain.” “Gaga ka talaga Gem…” ungot ni Pearl. “’Di mo ba nakikitang nabalian yata ng balakang itong si kuya Giovanni. Lagot tayo nito kay ate pagbalik non sa palengke. Tiyak pag nalaman nong inaalila natin ito, pareho tayong mapipingasan ng taenga.” Parehong dumulog ang dalawa at inalalayan siyang tumayo. Hindi niya mawari kung ano ba talagang paguugali ang mayroon ang mga ito? Minsa’y kay bait at kung minsan ay kay susungit. Pero sa itinawag sa kanya ni Pearl at pagrespeto nito sa kanya bilang nakakatanda ay tumataba ang puso niya. Na-miss niya tuloy si Sydney. Kahit kambal sila ay tinatawag siya nitong kuya, lalo’t kapag may hinihiling na gustong-gusto ito. Iika-ika siyang pinaupo makapasok sa loob ng bahay.

sa

bangko

nang

“Okay ka lang ba?” “I’m alright don’t worry, malayo ito sa bituka. Nawala lang siguro sa puwesto itong mga buto ko sa 74


Giovanni Alarcon balakang.” Inabutan siya ni Gem ng tuwalya. “Maligo ka na kuya Giovanni bago pa makabalik si ate Amber. Tiyak na kapag nakita ka niyang puro putik ang katawan, kami ang kakawawain non. Baka isumbong mo pa kami. Kami na ang magpupuno sa balde.” Nangangamba ang dalawa na baka isumbong niya abng mga ito sa kapatid. Nagtuloy siya sa kanugnog na banyo. Nakahiwalay iyon sa maliit na bahay at gawa lamang iyon sa dahon ng niyog. Pinagtagpi-tagpi at hinabi kaya maganda ang pagkakagawa kahit ganoon lamang. Alam niyang iba iyon sa kinalakihan niyang bahay, pero hindi maikakaila ni Giovanni na napepreskuhan siya sa paggamit ng maliit na banyo. Ang kaso ay kailagan niyang tipirin ang nasal na tubig kanina para hindi siya maubusan sa pagbabanlaw ng mga sabon. Nang matapos ay mabilis niyang itinapi sa beywang ang tuwalyang iniabot sa kanya ni Gem. Sakto rin na pagbukas niya ng pinto ng banyo ay may nasagi siya at tailspin. “Amber!” Napasalya ito sa lupa pati ang dala nitong pinamili ay nagkalat. Dinaluhan niya ito at tinulungang magpulot. 75


Filipino Romance Novel frn “Pasensiya ka na hindi ko alam na may tao pala.” tugon nito habang nakatungo at pinupulot din ang gulay. Pag-angat ng mukha nito ay napatulala ito sa kanya. Nakita ni Giovanni ang sunod-sunod na paglunok na ginawa nito at tila tumigil ang paningin nito sa bewang niya ng mapatayo siya at iabot ang plastik. “Are you drooling?” tudyo niya. Mabilis itong nag-iwas ng mukha at napuna niya ang pagkapahiya nito. “Hi-hindi ha!” “Hindi raw…” ngumiti siya bago tuluyang lumapit at lalong tinudyo ito. “If you weren’t, bakit lumuwa ang mata mo? Humarap si Amber sa kanya at napatigil siya sa pagtawa. Nanggagalaiti ito sa inis dahil nahuli niya ang itinatago nito. “Naiihi na ko.” “Do you have to tell me that? O baka naman gusto mo samahan pa kita sa loob para magbaba ng panty mo?” Humalakhak ng maigi si Giovanni. As if he never laugh like that before. But he was smart enough that he will receive a mother load of slap by 76


Giovanni Alarcon teasing her again. “Ang bastos-bastos mo! Oh ayan mabulunan ka sana.” Isinuksok ni Amber ang nabiling kamatis para tigilan siya nito sa pang-aalaska. Hindi niya akalaing ganito pala ito kung mang-asar. Mas maigi pa itong hindi nakakapagsalita at siya ang maingay sa kanilang dalawa. Bakit ba nagkapalit na sila? Gayong dapat ay siya itong ma-kikay at mapang-asar. But she was having a good time now. Mas relax at mas komportable na itong pakisamahan. ‘Di tulad nang una silang magkakilala. Isang sitsit ang nakapagpatigil sa pagkukulitan nilang dalawa. “Hoy ano yan ha? Tsuma-tsansing ka kaagad sa ate namin ha.” umeeksenang harang ni Gem. “Ito naman ka-nega. Pabayaan mo na si ate. Ang tanda-tanda na wala pang nagiging nobyo.” Pinagkukutusan ni Amber ang mga kapatid sa pangbubuking ng mga ito na wala pa siyang nagiging kasintahan. “Oh imbes na ako ang kinukulit niyong tatlo, magluto na kayo,” sabay abot ng pinamilihan. Tumuloy na siya sa banyo at nang isasarado na 77


Filipino Romance Novel frn niya ang pinto. “Are you sure you don’t need my help?” nakabungisngis na tanong ni Giovanni. “Tse!” pinto.

At tuluyan na ngang isinarado ni Amber ang

“Uy!!! Kinikilig si kuya…” sabay na sabi ni Pearl at Gem nang lumingon si Giovanni sa mga ito. Kung siya ang tatanungin maaaring mas higit pa ang kasiyahang nararamdaman niya. Masaya siya sa tahanan ng magkakapatid. Maliit mang matuturing ang bahay ng mga ito’y puno iyon ng pagmamahal ng bawat isa. “Excuse me… Nariyan ba ang si Amber?” Napagawi ng tingin si Giovanni sa lalaking may dala-dalang pumpon ng bulaklak. Sa wari niya’y may balak itong umakyat ng ligaw. “Kuya Damian.” Tawag ni Gem. Halatang pabor ito sa lalaki para sa kapatid. Tumango ang isa at pagkuway inabutan nito ng lagay si Gem. Talagang magaling itong magpa-pogi points dahil mahilig ang dalawa sa tsokolate. 78


Giovanni Alarcon Sa mga sandaling iyon ay tila ba nakaramdam siya ng kaunting pagkainis kay Damian. “Kuya Giovanni si Kuya Damian, iyong ikinukwento namin sa iyong isa pang manliligaw ni ate.” Halatang nabigla ang isa sa kaalamang isa rin siya sa nakapila para manligaw kay Amber. Iyon nga lamang kakasimula pa lang niya sa araw na iyon. Tiyak na ilang balde na ang nasalok nito para sa magkakapatid. “Kamusta pare. Mukhang bagong pitas ang mga gumamela mo ah.” Maangas niyang pinasadahan ng tingin ito. Halatang nainis rin ito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Oo kakapitas ko lang nito sa bakuran. Paborito kasi ito ni Amber. Hindi kasi siya mahilig sa mamahaling bulaklak tulad ng rosas. Hindi kasi siya tumitingin sa presyo at pera.” Sa sinabi nito sa kanya’y parang gusto na niya itong umbagan. May laman ang ibig nitong pakahulugan. Hindi siya padadaig dito. “Damian tanghaling tapat ah. Bakit ka napadaan?” Si Amber na lumabas na sa banyo. Nakahalata siyang nagsusukatan ang dalawang 79


Filipino Romance Novel frn lalaki.

Hindi man lang natinag sa pagkakatayo si Giovanni at sarado ang mga kamao nito. Gayun din si Damian na halatang gustong makipagbuno. “Yayakagin ko sana kayo sa fiesta sa linggo dito sa barrio natin. Kaso mukhang may bisita pala kayo.” “Pasok ka muna sa bahay namin.” “No need, Amber. Mukhang nagmamadali ng umuwi itong manliligaw mo. Huwag mo ng yakaging tumuloy sa bahay. Hindi rin naman natin siya mapapakain nitong pinamalengke mo. Sakto lang ito para sa ating lima.” Pagtataboy ni Giovanni. Nalaglag ang panga ng lahat sa sinabi nito. Daig pa nito ang may ari sa pagtataboy sa isa. Kung tutuusin ay pareho lang din naman sila ni Damian. “Sige Amber. Sa linggo na lang ako babalik para ilabas ka.” May diin ang huling sinabi ni Damian bago ito tumuloy sa paglisan. Nang harapin ni Amber si Giovanni tumalikod ito at tumuloy sa loob ng bahay. Para itong batang nagdadabog at bahagya pang ibinalibag ang pinto. “Hala ate nagselos yata.” “Gutom lang ‘yon. At saka hindi magkakagusto sa akin yang si Giovanni dahil ang ganda kaya ng ex80


Giovanni Alarcon girlfriend niyan. Para pa ngang modelo. Malabo yang selos-selos, kanino sa akin?” deny niya sa mga kapatid pero sa loob niya’y ipinagtaka niya ang ikinikilos at pakikiharap nito sa isa. Galit ba ito kay Damian? Bakit? “Ate ex ‘yon. Past is past. Ibig sabihin tapos na. Wala na sila. At saka di ba sabi mo iyong babae ang naghahabol at hindi naman si kuya Giovanni?” “Oo nga.” Magkakasunod silang pumasok sa loob ng bahay at nakita niyang nakaupo si Giovanni sa salas. Masigla na ulit ito na parang walang nangyari. Bumulong si Gem. “Ate sino ba mas type mo? Si kuya Giovanni o si kuya Damian?” Hindi niya sinagot ang katanungang iyon ng kapatid. Sa katunayan ay matagal ng nanliligaw ang huli at si Giovanni naman ay amo niya. Oo nga at nadampian na ng malambot na labi nito ang bibig niya. Ngunit hindi nangangahulugang nahulog na ang loob ng binata sa kanya. Sa tingin niya’y ginamit lang siya nito para sa dating nobya. Naaalibadbaran ito at inis kaya hinalikan siya sa nakararami. Nag walk out pa nga ang babae sa pagkapahiya. Nagkatinginan sila ng binata at huling-huli nito 81


Filipino Romance Novel frn ang pagmamasid niya sa mukha nito. Umiwas siya bigla. “Sorry sa inasal ko kanina sa bisita mo.” Biglang sambit ni Giovanni kay Amber sabay tumikhim sa dalawa. Naunawaan naman ni Gem at Pearl na nais ng binatang mapag-isa sila ng nakatatandang kapatid. “Ayos lang. Tama ka hindi rin naming mapapakain si Damian nitong mga ipinamili ko dahil sapat lang sa ating apat. Mabuti pa gagayatin ko na ito ng makakain na tayo.” Pag-iiwas ni Amber na mapag-usapan inasal ng binata. Hindi na ito nakipag-argumento. Ngunit ramdam ni Amber ang pagtitig nito sa kanyang likuran ng maipatong niya ang plastik bag sa lababo. “Sasama sana ako sa fiesta sa linggo kung okay lang?” Nagkibit lang si Amber ngunit hindi niya ito hinarap. Kahit hindi ito magpaalam ay isasama naman niya talaga ito. Ayos lang sa kanyang sumama ito dahil bisita niya ito sa bahay nila. Ayaw rin niyang maburo ito sa bahay. “Sige magsisibak na ako.” Nabitiwan niya ang kutsilyong ipinanggagayat 82


Giovanni Alarcon sa sibuyas para igisa. Ano ang pumasok sa kukote nito at ginagawa nito ang mga patakaran ng mga kapatid niya para sa mga manliligaw niya? Nabibiglaanan siya sa hayagang sinabi nito at ikinilos sa araw na iyon. Nananaginip yata siya. Sanay huwag na siyang magising kung sakaling panaginip man ang lahat.

83


Filipino Romance Novel frn

Chapter Seven SIGAWAN ang mga tao sa kasiyahang nagaganap sa San Martin. Pinaglalabanan ng dalawang lalaki ang pag-akyat sa napakataas at malaking kawayan na nilagyan ng langis para dumulas. Sa tuktok noon ay may nakasuksok na bandila. Taun-taon ng nakagawian tuwing pista sa barrio ang pagdaraos ng mga iba’t ibang uri ng palaro para sa mga tao, at isa na rito ang palo-sebo. “Ibig bang sabihin kapag nakuha nila ang bandila sa kanila na iyong pera?” “Oo, Kuya Giovanni. Magkasunod na taon ng nananalo si Kuya Damian,” pagmamayabang ni Gem. “’Di lang iyon. Iyong napanalunan niyang pera, pinartehan niya kami ng kalahati kaya nakapaghanda kami ng sumunod na araw.” Sumulyap siya kay Amber. Nagnining-ning ang mga mata nito sa kasiyahan. Panay ang hiyaw at palakpak nito sa kalahok. Tumalon sa harang na lubid si Damian nang ianunsiyo ng referee na tapos na ang oras para sa pagkuha ng flag sa taas ng kawayan. Nagtawag pa ang barker sa mga gusto pang sumubok. Hindi 84


Giovanni Alarcon nagpadaig si Giovanni. Kailangang magpagilas siya ng husto. Nagkatitigan at nagliliyab sa inis ang bawat isa. Kulang na lang ay may kung anong kidlat ang lumulukob sa tuwing magkakasagi sa paglalakad si Damian at Giovanni. Hiyawan ang mga kababaihan. “Go go go! Kuya Damian‌â€? Pagtsi-cheer ni Gem. Unang naghubad ng damit si Damian. Hindi nagpatalo si Pearl at itsinir din nito si Giovanni. Kinakabahan si Amber. Para kasing may kung anong pinaglalabanan ang dalawang binata. At ano ba rin ang naisipan ni Giovanni para akyatin ang kawayan? Marunong ba ito doon? Hinubad na rin ni Giovanni ang damit at napahu-wow lalo ang mga babae. Kung moreno at macho si Damian, si Giovanni naman ay maputi, makinis at parang manikin na nagkatawang tao sa perpektong hugis ng mga abs nito. Natitiyak ni Amber na nagtutuluan na ang mga laway ng mga kababaihan at mga baklang nanonood sa palarong iyon. Para kasing contestant ng Mr. Pogi ang dalawang lalaki at parehong namamayagpag sa kakisigan. Pumito ang referee hudyat na simula na ang pagakyat ng dalawa. May mga nakikita siyang 85


Filipino Romance Novel frn nagpupustahan sa likod. Sa puti para kay Giovanni at pula kay Damian. Mas marami ang bumotong kalalakihan kay Damian at ang mga babae naman ay kay Giovanni. “Ate, mag-cheer ka naman!” magkapanabay na udyok nina Gem at Pearl na nakatayo sa magkabilaang gilid ni Amber. Humalo ang paghiyaw ng mga ito sa mga nanonood sa napupusuang kalahok. Kesohodang masabihan siyang balimbing, parehas na lamang niyang ipinag-cheer ang dalawa. Dahil kung si Damian ang kaniyang ipagtsi-cheer, ay baka isipin ni Gem na napupusuan niya ito at gayundin naman si Pearl kay Giovanni. Nangangalahati na si Damian sa pag-akyat at si Giovanni ay nasa paanan pa rin at panay ang dausdos nito. Bihasa na kasi ang una at natitiyak niyang unang beses pa lang itong nasubok ng huli. “Pearl, wala pala itong manok mo!” kantiyaw ni Gem sa kapatid. “Wala pa sa kalahati ang na-aakyat. Tingnan mo si Kuya Damian malapit na sa tuktok.” “Tse! Wala akong paki!” pagtataray ni Pearl. “Hindi kailangan ni Kuya Giovanni ang magpakahirap na umakyat diyan sa kawayan para sa limang libo. Hugutin lang niya sa pitaka ang ATM card niya at pumunta sa bangko. Swak! Instant five thousand na. 86


Giovanni Alarcon Saan ka pa?” ang hindi patatalong balik-kantyaw nito sa kapatid. Sinaway kaagad ni Amber ang dalawang kapatid. Sapagkat baka ang mga ito pa ang mag-away para sa dalawang binata. “Manood na nga lang kayo. Katuwaan lang ito masyado ninyong siniseryoso.” “Talaga!” nagkasabay pang koryo ng dalawa. Ano ba’ng nakain ng mga ito at parang may sariling pustahan tulad ng mga taong nanonood? ang naisaloob niya. Nagpalakpakan ang mga tao nang ihayag ng referee na si Damian ang nagwagi sa palaro. Nang lingatin niya si Giovanni, inis nitong sinipa ang kawayan. Pero wagi ito sa mga kadalagahang nanonood. Panay ang hiyaw sa pangalan nito kahit natalo na ay winner ito sa paningin nila. Ngunit hindi niya maaaring hayagang ipakitang wagi rin ito sa kaniya. Tama ng isikreto na lamang niya sa sarili ang mga bagay na iyon, sapagkat wala siyang kayang ipantay sa dati nitong kasintahan. Maganda siya ngunit ibang level iyon. “Congratulations,” ang bati ni Amber nang makalapit si Damian sa kaniyang kinatatayuan. 87


Filipino Romance Novel frn Tulad ng nakagawian, hinatian pa rin sila ni Damian sa premyo. Tinanggihan ni Amber ang kalahati ng napalunan. Kung nabubuhay ang mga magulang niya’y mabilis pa sa pagtilaok ng manok sa madaling araw na tiyak naibulsa ng mga ito ang pera. Sumalangit nawa! Gusto kasi ito ng magulang niya para sa kaniya. At kung ituring ito’y parang anak na. “Itabi mo na para maiawas mo sa dating pinagkaka-utangan ng magulang mo,” ang pilit ni Damian. Labag man sa kalooban ay walang magawa si Amber kundi tanggapin ang pera dahil si Damian na mismo ang naglagay niyon sa kaniyang bulsa. “Salamat. Salamat sa mga tulong mo sa amin,” ani ni Amber kay Damian. “Puwede bang mahawakan man lang ang kamay mo?” pabirong bulong ni Damian. Hindi makasagot si Amber dahil nakatayo sa likuran ni Damian si Giovanni.

INIS na sinipa ni Giovanni ang kawayan. Hindi niya alintana ang mga natatanggap na hiyawan ng mga kababaihan dahil may ibang bagay na 88


Giovanni Alarcon nakatawag ng kanyang pansin. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niyang nag-uusap sina Amber at Damian. Ikina-iinis niya ang pakikipag-usap ng katunggali sa dalaga pero ang mas labis na nakapagpa-inis sa kaniya ay ang pagtanggap ni Amber ng pera mula dito. Kitang-kita ng mga sariling mata ang kamay ng dalaga na nakahawak sa bulsa. Hindi niya nagustuhan ang bagay na iyon. May kung ano kasing nakakapag-paalala sa kaniya sa dating kasintahan. Minabuti niyang lapitan ang dalawa. Tamangtama namang naulinigan niya ang pagpapa-alam ni Damian na mahawakan ang kamay ni Amber. Hindi alam ni Amber kung ano ang isasagot dahil umiiling si Giovanni mula sa likuran ni Damian. Nagtatagis ang bagang nito at pinipigilan ang sariling makapagbitiw ng kahit na anong salita. Pinagsabihan niya kasi ito bago umalis ng bahay na kapag nagkomento ito ng hindi maganda sa isa ay uuwi na sila. “Ang mabuti pa tayo na lang doon sa mga biik na hinuhuli. Mas malaki ang papremyo doon,� pag-aaya ni Gem. Biglang hinawakan ni Damian ang kanang kamay ni Amber. Pagkakita ni Giovanni sa ginawa ng isa ay

89


Filipino Romance Novel frn lumapit siya sa kaliwang bahagi ni Amber at hinawakan din ang libreng kamay nito. Pakiramdam ni Amber ay naiipit siya sa naguumpugang bato. Masasabi niyang hindi lang si Rapunzel ang mahaba ang buhok kundi pati din siya. Gusto na nga niyang iwasiwas ang buhok tulad ng mga napapanood niyang tv commercial ng mga shampoo dahil parehong guwapong lalaki ang gusto siyang makasama sa kasiyahan sa barrio nila. Kapuna-puna ang paghihilahan ng dalawa sa magkabilaang kamay niya kaya binawi niya iyon. Hindi nakaimik ang dalawa. Nang marating ang arena para sa baboy na huhulihin parehong muling lumahok ang mga ito. “I’ll surely catch that pig for you. I promise.” Ngumiti siya at tumango. Kinikilig naman ang mga kapatid niya sa ginagawa ng dalawang binata. “Huwag kang mangako at baka mapako. Puro satsat. Gawin mo,” pangbabara ni Damian. “Oh it’s on, like a Donkey Kong!” ganting pangaasar ni Giovanni. Lalong uminit ang iringan sa pagitan ng dalawang lalaki. Parehong sumugod ang dalawa sa ibang 90


Giovanni Alarcon kalalakihang naghahabol ng biik. Naroong sumubsob at pumalakda sa putikan ang ang mga ito.

THE pig squeaked out loud when he cornered it, while the other where still running just to get the other one. Trembling with trepidation, Giovanni still new he will get the piglet no matter what. He has a big chance with this one than climbing that greasy bamboo. Until then he will show no mercy to rest of this guys. “Oh yeah, come here babe, come to papa…” he desperately spread his arms to make sure it will not run. “I promise not to cook you and I’ll be a good father. Come… come here,” masuyong sabi ni Giovanni. Himalang kusang lumapit ang biik. naintindihan nito ang mga sinabi niya. Kinarga ito at pumito ang referee. Nahuli na rin pala isang biik na hinahabol ng iba. Nang lingatin iyo’y ang karibal niya pala ang nakakuha.

Tila niya ang niya

Pareho silang lumapit na muli kay Amber. Sa pagkakataong iyon ay nagka-inisan pa muna bago dagling ipinakita ang nahuling baboy sa dalaga.

91


Filipino Romance Novel frn “Look, we have a baby to take home and to take care of. I’m going to name him, Gio... Giovanni junior. Ano sa tingin mo?” Maputi ang biik na nahuli ni Giovanni at napakacute noon. Hindi nagwawala at parang sanggol na bine-baby iyon ng binata. Paano kayang napaamo nito iyon? takang tanong ni Amber sa sarili. “Tingnan mo itong nahuli ko. Babae ito. ‘Di tulad ng isa diyan hindi mo mapapakinabangan dahil ‘di makararami. Itong si baby ‘Damiana’ natin tiyak matutulungan ka. Puwede mong ibenta ang magiging anak nito.” Nagwawala ang biik na hawak ni Damian at panay ang sigaw. May itim na balat ang katawan noon. Mapang-asar na tinawanan ni Giovanni ang karibal. “Kapag pinili mo ang iba diyan baka hindi lang spot ang kalalabasan ng baby mo. Baka buong katawan ng baby ay maging sunog. Buti pa itong si Junior ko. Maputi na mabait pa. At saka kaya nga baby dapat di ipinagbibili. Masamang lolo, ipinagbebenta ang apo…” pagpaparinig ni Giovanni.

92


Giovanni Alarcon Hinarap ni Damian si Giovanni. “Nagpaparinig ka ba?” Minabuti ni Amber ang humarang sa pagitan ng dalawa para awatin ang mga ito. Maihahalintulad ang mga ito sa mga tandang na nagsasabong. Humamba si Damian at kita niya ang pagsara ng kamao ni Giovanni. “Nauna kang nagparinig, Pare. Ibinabalik ko lang.” Pinandilatan ni Amber ng mata si Giovanni para tumigil ito sa pang-aalaska sa isa saka niya binalingan ang isa. “Please Damian, nakikiusap ako.” “Ano ba itong bisita mo Amber, bakit kasi isinama mo pa? Kung wala ka lang dito baka pinadugo ko na ang nguso ng tisoy na ‘yan. Yabang!”

THE war didn’t end there. Sa tuwing bumibisita si Damian sa kaniya ay hindi ito pinapatuloy ni Giovanni. Kapag nanghaharana naman ito’y nag-iipon ng ihi it sa arinola ang lalaking kasambahay at ibubuhos sa bintana. Marami itong kalokohang pinaggagagawa at hindi niya ito kinakitaan ng kahit na anong bakas ng pagsisisi kapag kinagagalitan niya ang binata. 93


Filipino Romance Novel frn Sumakto sa araw na iyon na lumabas si Giovanni at isinama ang dalawang kapatid niya upang ipagshopping ng gagamitin para sa eskuwelahan. Nagboluntaryo si Giovanni na ito na ang sasama para raw makapagpahinga siya. May narinig siyang mga katok sa labas ng pintuan. Unang pumasok sa isip ni Amber na maaga nakapamili ng mga gagamitin ang mga kapatid ng gamit. Binuksan niya ang pinto at si Damian ang nabungaran niya. Masangsang ang amoy nito. Amoy gin ito at itinulak nito ang pinto sabay pumasok sa loob ng bahay kahit hindi pa niya pinapatuloy. “Damian! Napadaan ka?” Humarap ito at namumula ang mata nito. Umiyak ba ito? “Iimbitahan sana kitang lumabas ng tayong dalawa lang. Umarkila ako ng jeep para hindi na tayo maghihintay ng masasakyan.” Iba ang ikinikilos ng lalaki at para itong wala sa sarili. “Bukas ka na lang siguro bumalik. Gabi na at saka baka—” pagtataboy niya sapagkat alanganing oras at wala siyang kasama. 94


Giovanni Alarcon “Ayaw mo ng jeep? Di ba simple ka lang? Bakit ngayon ng dumating si Giovanni sa buhay mo biglang nagpapaka-sosyal ka. Binabalewala at kinalimutan mo ng matagal na akong nanliligaw sa iyo. Mas pinapaboran mo siya sa tuwing binabastos niya ako sa harapan mo.” “Hindi naman sa ganoon Damian. Boss ko siya at sinuswelduhan niya ako.” “Sinungaling! Akala mo ba hindi ko nakikita na may pagtingin ka sa Alarcon na iyan? Ilang taon na akong nanliligaw wala akong nakuha ni katiting na sagot mula sa’yo. Hindi ka mahawakan at ayaw mong magpahalik. Ito ang tandaan mo walang puwedeng umangkin sa’yo. Akin ka lang. Papatayin ko ang sinumang magtangkang agawin ka mula sa akin. At kung hindi ka magiging akin, dapat na mapakinabangan naman kita sa tagal ng panahon na nagpundar ako sa’yo at sa mga magulang mo.” “Hindi mo alam ang mga sinasabi mo… Lasing ka na.” “Hindi ako lasing!” hinampas ni Damian ang hapag-kainan at nagkalat ang pagkaing inihain niya para sa pagbabalik ng mga kapatid at ni Giovanni. Napa-igtad siya sa nerbiyos Amber. Natakot siya sapagkat kung sisigaw siya’y wala ring makaririnig. 95


Filipino Romance Novel frn Dinampot ni Damian ang tinidor sabay dahandahang lumapit sa kaniya. Ang sabi ng tatay niya, lumalabas raw ang tunay na kulay ng isang lalaki kapag nalalasing. At dapat siyang matakot kapag may mga nakahambang panganib sa buhay niya. Malaking lalaki ang binatang kaharap at maliit siya. Tiyak na kung may gawin ito’y wala siyang kalaban-laban. “Patawarin mo ‘ko, Damian. Kahit kailan hindi kita… mi-minahal. Hindi kita kayang mahalin na higit pa sa kaibigan.” Gumilid ang luha sa mata niya. Dahil nasasaktan din siyang makita itong sawi sa kapaitan. Nasabi na niya noon na wala itong maaasahan sa kaniya, ngunit sadyang mapilit ang binata sa pagsuyo. Dinakmal siya sa leeg ni Damian. Parang bulang naglaho sa hangin ang pagsusumamo niya. “Bakit natutuhan pa kitang mahalin? Hindi ko akalaing ang isang tulad mo ay isang taksil! Gayong lagi kong hangad ang pag-ibig mo.” “Kahit kailanma’y hindi naging tayo Damian at alam mo iyan.” Kinabig niya ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanyang leeg.

96


Giovanni Alarcon “Matagal na akong nagtanim at dapat ko ng anihin bago iba ang makinabang.” “Huwag mong isumbat sa akin ang mga nagawa mo para sa magulang ko. Ikaw ang nagkusa at hindi ko hiniling ang mga bagay na iyan. Kung nalalaman ko lamang na ganito ka kaganid ‘di sanay hindi ko pinaabot ang lahat sa ganito.” Kailangang makagawa siya ng paraan bago pa may masamang mangyari sa kaniya. “Huli na ang lahat para magsisi ka pa.” Hindi na niya nakikilala ang kaharap. Ang tingin niya dito’y isang demonyo. At balak nitong pagsamantalahan ang pagkababae niya. Tatakbuhin sana niya ang nakaawang na pinto papalabas ng bahay ngunit nahablot siya ni Damian. Hinila nito ang buhok niya. Mabilis siyang naihiga sa lapag at pilit nitong binaklas ang damit niya. “Bitiwan mo ako! Hayup ka!” humahagulhol siya at kahit ibigay niya ang buong lakas at puwersa para makawala’y wala siyang magawa. Sinibasib siya nito ng halik sa leeg. Pagkadiri ang naramdaman niya at pagkamuhi. Nang dumapo ang labi nito sa labi niya’y kinagat niya ang dila nitong 97


Filipino Romance Novel frn pilit ipinapasok sa kaniyang bibig. Dumugo iyon at dinuraan siya nito sa mukha. Pagkatapos ay sinampal siya sa pisngi. Nagpanting ang kaniyang tainga sapagkat kasama sa nasampal iyon. Napapikit siya at nanalangin ng taimtim na sana ay may tumulong sa kaniya.

EWAN ni Giovanni kung bakit balisa siya nang nasa mall pa sila. Pagkabili nila ng gamit ay niyakag niya ng umuwi ang dalawang bata. Parehong umungot ang mga ito na manatili ng matagal, ngunit tumanggi siya. Sinabi niyang gagabihin sila at mahihirapang umuwi sapagkat wala ng masyadong jeep na dumadaan papunta sa San Martin. Masuwerte pa sila at naabutan nila ang huling biyahe ng tricycle na pumasada padaan sa kalye ng pilapilan. Nang makababa sila’y nagpatiuna ang dalawa sa paglalakad. “Pangako next week sasabihin ko sa Ate niyo na manonood tayo ng sine.� Bitbit niya ang mabibigat na notebook ng magkapatid at dala naman ng mga ito ang binili niyang damit. Sinabi na sa kaniya ni Amber na huwag ng pagkagastahang bilhan ang mga kapatid niya. Ngunit nang makita niya kung papaano 98


Giovanni Alarcon maglaway ang bata sa pagtingin ng mga damit ay naawa siya. Tiyak na hindi pa nakapagsuot ang mga ito ng ganoon. “Come on, guys. Pansinin niyo na ako.” Tila hindi niya masuyo at nagtatampo pa rin sa kaniya ang mga ito. “Kung hindi pa namin alam kaya gustung-gusto mo ng umuwi dahil kay Ate. Para isang araw lang na hindi kayo magkasama eh!” pagmamaktol ni Gem. Binatukan ni Pearl ang bunsong kapatid. “Sasagot ka pa. Susumbong kita kay Ate niyan. Magpasalamat ka na lang dahil iginala tayo ni Kuya Giovanni.” Natanaw na nila ang bahay at kapuna-puna ang jeepney na nakaparada at nakaharap sa isa pang kalye na kung saan maaaring dumaan ang malalaking sasakyan. “Sino kaya ang bisita ni Ate?” ang tanong ni Pearl. “Baka si Kuya Damian,” sagot ni Gem. Kaya nga ba gusto ng umuwi ni Giovanni sapagkat baka masalisihan siya ng karibal. Malakas ang kutob niyang dumalaw ito’t umaakyat ng ligaw. 99


Filipino Romance Novel frn Kailangang maka-isip siya ng paraan kung paano muli itong maitataboy. “O, ito. Kayo muna ang magbuhat ng plastic at paper bag na hawak ko,” mabilis niyang ipinasa ang bitbit sa magkapatid at kumaripas ng takbo para makarating sa mismong pintuan ng bahay. Hindi maganda ang nabungaran niya. Punit ang damit ni Amber at nakalabas ang malulusog nitong dibdib. Pati ang palda nitoy nakataas at kita niya ang puting panty nito. Hindi niya nagustuhan ang nangyari sa kahubdan na nakita niya. Luhaan at pilit na nagwawala sa pagkakahawak ni Damian. Ang lalaki ay nakakubabaw sa dalaga at wala ng pangitaas. “Hayop ka! Bitiwan mo siya.” Sumisigaw niyang sinugod sina Damian at Amber na halatang hindi napunang dumating na siya. Inundayan niya agad ng suntok sa mukha si Damian nang mahablot niya ito. Pinadugo niya ng husto ang nguso ng lalaki at sinikmuraan. Lasing ito at hindi makahungos sa pagsuntok pabalik sa kaniya. Gumulong-gulong sila hanggang sa makarating sa labas ng bahay. Gulat na gulat ang mga kapatid ni Amber at sinabihan niyang pumasok ang mga ito at tulungan ang nakatatandang kapatid. 100


Giovanni Alarcon “Huwag ka ng babalik dito. Dahil kung hindi, higit pa riyan ang ipapatikim ko sa kawalanghiyaang ginawa mo. Ipakukulong kita, hayup ka!” Pasuray-suray na tumakbo si Damian sa sasakyan at nagbitiw pa ito ng sumpang hindi pa sila tapos at siya ang dapat na mag-ingat. Pinaandar nito ang jeep at pinatakbo. Hindi natakot si Giovanni sa paninindak nito. Sisiguraduhin niyang ililipat niya ng matitirhan ang magkakapatid. Ibibigay niya ang lahat ng proteksiyon huwag lamang masaktan si Amber. Bumalik siya sa kinaroroonan ng dalaga. Humahagulhol pa rin ito habang pinalulubag ng loob ng mga kapatid. Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit. “I’m sorry at hindi kaagad kami umuwi ng mas maaga. Hindi sana nangyari sa iyo ito.” Ginantihan nito ang pagyakap niya at nanginginig ito sa takot. Hinalikan niya ang bunbunan ni Amber. Siguradong kung may masamang nangyari dito’y hindi niya mapapatawad ang sarili. Baka mapatay pa niya ang lapastangang si Damian. Ayaw na niyang magdalamhati at masaktan sa pagkakakulong sa kaniyang nakaraan. Sa pagkitil at 101


Filipino Romance Novel frn pagkawala ng kaniyang ama, tanging si Amber lang ang nakapagpanumbalik ng lahat ng siglang nawala. Pero hindi niya magawang ipahayag ang tunay na nararamdaman sapagkat hindi pa napapanahon.

102


Giovanni Alarcon

Chapter Eight SALUNGAT sa inaasahan ni Giovanni na magiging matiwasay ang pagtatago niya sa bahay ni Amber. Kinukutuban siya tulad noong makaraang linggo ay tila may namataan na muli siyang mga maskuladong kalalakihan na mga nakatayo sa tindahan di kalayuan sa bahay. Batid niyang kahit nakalayo siya sa bahay niya ay di sapat na masasabing safe silang lahat doon. Aminado rin siya sa sarili na hindi pagtatago ang ginagawa niya. Gusto talaga niyang makasama si Amber. Pero maling-mali na ilagay niya ito sa alanganin at ipahamak pati mga kapatid nito. Dapat nga yata’y lumayo siya dito dahil baka mapahamak lang ito na tulad sa kanyang ama. “Kanina ko pa napupuna na balisa ka. May problema ba?” naiintrigang tanong ni Amber sa kanya. Na ang tagal na pala niyang nakatulala sa kawalan ay di niya napuna ang paglapit nito. “I’m just worried about you and your sibling situation. Siguro dapat na tayong humingi ng tulong sa mga may kapangyarihan. Hindi sapat ang proteksyon ang magtago na lamang dito sa bahay niyo ng wala man lang nakakatunog. Isa pa’y dapat siguro ay pansamantala mo munang papuntahin ang mga kapatid mo sa inyong kamag-anak hangga’t di 103


Filipino Romance Novel frn tayo nakakasigurong walang masamang mangyayari sa kanila.” Hindi pa nakakapagpasya ang kanyang utak kung tama bang pati si Amber ay bigyan niya ng instruction. Pumasok sa pinto ang isang kapatid ni Amber na si Pearl at may hawak itong cake. “Kanino galing yan?” “Ate bigay ni miss beauty queen.” magkapanabay na pumasok sa mismong pintong pinasukan ni Pearl si Gem at ang ex girlfriend ni Giovanni—si Valerie na ubod sa ganda na dinaig pa ang pagkamarikit ng manyika. “At anong ginagawa mo dito? Asik na tanong kaagad ni Amber. “Their maid told me everything including the where about of my darling.” Di pa man siya nakakalapit dito ay binangga siya nito sa balikat at tuloy-tuloy ito hanggang makakuyapit sa leeg ni Giovanni. Wala man lang naging ekspresyon ang binata doon. Aba ang arte talaga. Kung makapulupot kala mo ay sila pa. Lamang ka lang sa akin ng isang daang paligo kala mo pag-aari mo na ang prince charming ko. 104


Giovanni Alarcon Ano bang ipinapaligo mo sa katawan mo at ubod ka sa kakinisan. Siguro naglublob ka sa imported na gatas ng kalabaw. Hindi niya nga lang masabi ang iniisip niyang iyon sa babae kahit inis na inis na dito. Hindi na siya nakapagpigil. Hinawakan niya si Valerie sa braso at hinila papalayo. Nagseselos siya iyon ang totoo. “Ouch! Excuse me! Sino ka ba para hatakin ako ng ganoon?” Dinuro-duro nito ang kanyang sintido. “Excuse me rin ako lang naman ang may ari ng bahay na kinatatayuan mo. At huwag mo nga akong maduro ha, masakit.” Malulutong nakakaloko.

ang

halakhak

nito

na

tila

ba

“Bahay ba ito?” itinaas nito ang isang kilay at sabay libot ng mga mata sa bawat sulok ng barongbarong. “Ang akala ko kasi narito si Giovanni para sa charity ng mga pulubi.” Umirap ito at muling bumalik sa ginagawang pagyakap kay Giovanni. Charity? Ano ang akala nito sa kanya pulubi at nanlilimos kay Giovanni. At speaking of Giovanni bakit wala itong ginagawa para pigilan ang dating 105


Filipino Romance Novel frn kasintahan. Bakit hindi ito tumitinag sa paghalikhalik ni Valerie sa tainga nito. Tumingin siya dito at humihingi siya ng saklolo sa pang-aapi ng ex nito. Ngunit anong pagkabigla niya at kumuha ito ng papel at ballpen. Isinulat nito doon na uuwi na ito kasama ni Valerie. Para bang nasaktan ang damdamin niya. Sasama na uli ito sa dati nitong kasintahan ng wala man lang ibinigay na paliwanag. Hindi iyon matanggap ng kalooban at isipan niya. Bakit? “Ham-pas-lu-pa! Huwag ka ngang ilusyunada na agawin si Gio sa akin. Ipinahiram ko lang siya sa iyo. Kawawa ka naman kasi. Tila walang papatol sa iyo na tulad niya. Can’t you see ginamit ka niya pampalipas ng oras. Pero sa akin pa rin siya babalik. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding.� Iyon ba ang dahilan ni Giovanni sa pagsasabi sa kanya kanina na lumipat na sila oh kaya patirahin niya ang mga kapatid niya sa mga kamilya nila sa ibang probinsiya. Bakit ang dami pa nitong idinahilan kung iyon lang pala ang gusto nito. Ang bumalik na sa marangyang buhay. Na ang buhay nito sa kanila ay sadyang paghihikahos lang. Dahil ito pa minsan ang nag-aabono para sa pagkain at iba pang gastusin nila sa bahay. Pero ang mas pinakamasakit pa ay ang ipamukha nitong mahal pa rin pala nito si Valerie. Na 106


Giovanni Alarcon siya ay isa nga lang pampalipas oras nito sapagkat wala itong babaeng mauto maliban sa kanya. Samut-sari ang pumapasok sa isipan ni Amber. Bakit napakabilis magdesisyon ng ganoon ng binata. Ayos naman sila ng mga nagdaang araw. Inigligtas pa siya nito kay Damian. Kaninang magkausap sila ng sila lang wala naman siyang nahihimigang hindi na ito masaya sa piling nila. Bakit sa isang iglap ng dumating si Valerie parang ganoon na lang ang lahat. “I miss you baby.” Hinalikan ito ni Valerie sa mga labi at para ba iyong normal lang kay Giovanni na hindi nito binigyang pansin. Nagsisimula ng mamigat ang mga talukap ng mata niya dahil sa tubig na namumuo roon. Ang akala niya kasi may nasimulan ng pag-ibig sa pagitan nila ng binata. Ang lahat pala ay akala. Kaya pala marami ang nasasaktan sa salitang akala. Kung puwede nga lang mamatay sa akala sa mga sandaling iyon ay sana nga. “Teka lang, Gio.” Awat niya nang palabas na ito ng pintuan kasama si Valerie. Hindi ito makatingin sa kanya. Ni hindi nito makuhang humarap.

107


Filipino Romance Novel frn “P-paano si Junior?” ang tinutukoy niya ay ang baboy na napalanunan nito na iniregalo nito sa kanya noong kapyestahan. “Hindi mo siya puwedeng iwan. Masasaktan si Junior kapag iniwan mo siya. Iiyak ‘yon. Sanay na iyon na kasama ka at nilalambing mo. Mahal ka niya. Huwag mo naman siyang iwanan.” Nagkagat niya ang pang-ibabang labi para maiwasan ang pangangatal noon. Ang totoo ay gustung-gusto na niyang sabihin kay Giovanni ang totoong laman ng puso niya. Ayaw niyang umalis ito kayat inihain niya ang baboy sa pag-asang hindi ito aalis kasama si Valerie. Alam naman niya sa sariling wala siyang panlaban sa ex nito at baka isang malaking sampal din sa pagkatao niya na kapag inamin niya dito ang totoo ay pagtawanan nito ang pag-ibig niya. Siya na isang hampas lupa lamang. Nagtuloy-tuloy ito ng pinto. Mabigat ang bawat hakbang nito at wala itong isinagot. Nakita niya ang magkapanabay na paglalakad ni Valerie at Giovanni. Doon na kusang naglandas ang luha niya. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit kay bilis niyang minahal ang binata. Nagkamali yata siya ng pagaalayan ng pagmamahal. Kasi may nagmamahal sa kanya pero ang akala niya mahal siya ni Giovanni. At ang masakit pa mahal na niya ito. 108


Giovanni Alarcon Ang totoo niyan ay mabait si Giovanni sa kanya sa kapatid niya at sa iba. Natuklasan na niya iyon kahit peke ang kasungitan nito noong unang kilala palang nila. Iyon ang mga katangian na ikinahulog ng puso niya na isang patibong lang pala ng binata. Isang patibong na kahit sinong babae ay mahuhulog. Na kahit napipi ito ay tiyak na mamahalin pa rin niya ang binata. Dahil iyon ang sabi ng kanyang puso. Ang tagal-tagal na niyang nakatayo at tinatanaw ang pinto kahit wala na roon ang sinakyan ng binata. Pakiramdam niya paulit-ulit na pinupunit ang puso niya. Hindi niya maihalintulad ang sakit sa kahit anong hirap na dinanas nilang magkakapatid. Ganoon nga yata iyon. When it rain it pours, ika nga ng iba. Kahit ayaw mo ng tumanggap ng problema sige pa rin ang bigay hanggang sa lugmok ka na. “Ate.” Tawag ni Pearl sa kanya. Alam ng mga ito na mahal na niya si Giovanni. Hindi niya inilihim sa dalawang kapatid ang tunay na damdamin. Gusto niyang sabihin sa mga kapatid na “Hindi wala ‘yon. Si Giovanni lang ‘yan. Bakit ko naman iyakan iyon e hindi naman kami naging. Kailan pa ako umiyak sa lalaki? Never!” Pero parang kay hirap

109


Filipino Romance Novel frn isatinig iyon. Para bang may nakabikig sa lalamunan niya.

MAHIRAP ang desisyong ginawa ni Giovanni. Kinailangan niyang iwanan ang magkakaptid dahil kumpirmadong nasa panganib silang lahat kung hindi siya sasama kay Valerie. Nang pumasok si Valerie sa bahay kasama ang kapatid ni Amber. Ikinagulat niya iyon. Lalo pa nang mamataan niya sa di kalayuan ang isang armadong lalaki. Kinailangan niya ng umalis at sumama kay Valerie. Hindi rin niya nilingon ito sapagkat alam niyang kapag nakita niya ang mukha ni Amber na nagmamakaawa. Baka lalo niya lang di mapigil ang sarili na hindi lisanin ang lugar na iyon. Mapapahamak ito. Sapat nang malaman niya na may pagtingin din ito sa kanya. Kung sakaling maayos niya ang problema ay babalikan niya si Amber at liligawan ng pormal. Ngunit sa ngayon ay tiyak na malabo ang naiisip niyang mangyari. Si Valerie, tinututukan siya nito ng baril sa tagiliran ng malayo na ang naitatakbo ng sasakyan.

110


Giovanni Alarcon Kumuha siya ng papel at sinimulang tanungin ang katabi. What are you doing, Val? Mas mainam na hindi nito malaman na nakakapagsalita na siya. Malakas ang kutob niyang ito ang may pakana ng lahat ng nangyayaring kaguluhan. “I just want to make sure that my treasure will go no where.” Ngiting-ngiti ito at hindi niya maunawaan ang ngiting iyon. “Buti na lang din pipi ka at kahit maghihiyaw ka walang lalabas na boses sa bibig mo. Kaya hindi ko na rin pinag-aksayahan na takpan yan.” Hahalikan sana siya nitong muli ngunit iniiwas niya ang sariling labi na huwag na muling madampian ng babae. “Why so rigid babe? Don’t be mad. Soon we will be married. Umarkila na ako ng pare na magkakasal sa atin. Isn’t exciting?” natuwa lalo ito sa ibinigay niyang ekpresyon. Ikinagulat talaga niya iyon. Paano nito nasabing ikakasal sila. Hindi niya maunawaan ang sinasabi nitong iyon. Siya magpapakasal dito? Nababaliw na ba ito at naisip nito ang bagay na iyon. Hindi siya 111


Filipino Romance Novel frn hibang at alam ng puso niya kung sino ang gusto niyang iharap sa dambana. This woman is insane. Nagsimulang igapos ng mga tauhan ni Valerie ang kamay ni Giovanni. Nang makarating sila sa isang malaking bodega nanlaban siya ngunit hindi nagging sapat iyon sapag napakarami ang nanuntok at nanipa sa kanya. It almost remind him of old times. Noong mga panahong binubugbog siya para sa ransom. Noong panahong sinagip siya ng kanyang ama. Sumakit ang ulo niya. Inaatake siya ng sakit niya. Unti-unting nilalamon noon ang pag-iisip niya. Naging blangko kaagad sa kanya ang nangyayari dahil sa walang tigil na sipa at suntok na natatanggap niya. “Open your eyes,” kapagkuwang naulinigan niya sa gitna ng pagtampal nito sa pisngi niya. Pilit niyang iminulat ang isa niyang mata. “I’m sorry darling hindi ko naman alam na masosobrahan sila sa pambubugbog sayo. Sabi ko lang naman samahan ka dito kasi ayokong kagatin ka ng lamok.” Walang imik si Giovanni dahil wala siyang magawa sapagkat nakagapos ang paa’t kamay niya. Masakit ang buong katawan niya at tiyak na namamasa ang mga parteng nalamog sanhi ng mga nabugbog na kalamnan. Ang isang mata niya’y halos kalahati na lang ang naimumulat niya sapagkat 112


Giovanni Alarcon kumikirot iyon sa hapdi. Ang dugo sa noo niya ay may nanuyo ng dugo ngunit sariwa pa rin ang sa kanyang mga labi. Pumutok iyon at namamaga. Nalalasahan niya ang malansang dugo doon. Nang luminga-linga siya ay pinag-aralan niyang maigi ang kapaligira. Nasa malaking bodega sila ng palayan. Doon siya dinala ng mga ito. Pamilyar sa kamya ang lugar, ngunit hindi niya maiisip kung anong lugar iyon. “Listen here…” hinawakan ni Valerie ang magkabilang pisngi ni Giovanni at gigil na pinisil iyon. “Sabi nila ang tigas ng ulo mo at ayaw mong kumain.” Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad ni Valerie ay kaya siyang saktan. Noon ang akala niya dito’y hindi makabasag pinggan at hindi nito kayang pumatay ng lamok. Pero nagkamali siya. Kaya nitong pumatay ng kahit tao. Bago siya mawalan ng malay kanina naulinigan pa niya ang huling pag-uusap ng mga armadong lalaking kasama ng dating kasintahan. Ito ang nagpapatay sa ama niya. Sa alaalang iyon ay hindi niya napigilang mag-ipon ng laway at duraan ang babae sa mukha. Isang nakakaliyong sampal ang ibinigay ni Valerie sa kanya bago ito nagtitili sa diri. Tinamaan nito ang 113


Filipino Romance Novel frn kanyang balingusan at nagtuloy-tuloy ang agos ng dugo doon. Kumuha ito ng panyo bago pinahid iyon sa sariling mukha. Sandali itong huminga ng malalim at kinakalma ang sarili bago muli siya nitong kinastigo. “Sayang at maghapon ka ng hindi kumakain. Alam mo bang dinalhan pa kita ng paborito mong ulam—pinakbet with matching alamang. But you’re very naughty, dear. You spit on my face. Kakapafacial ko pa lang dinungisan mo na ako.” Binuksan nito ang Tupperware at ipinaamoy ang napakabangong ulam. Biglang kumalam ang tiyan ni Giovanni. But he would never eat those foods. Baka kung anong lason lamang ang ipakain nito sa kanya. “Paano ba ‘yan I have to give this to someone else. Mukha kasing galit ka pa rin sa akin e.” Gusto niyang malaman kung saan siya dinala ni Valerie. Kahit saang angulo siya tumingin naaalala niya ang kanyang ama. Nasa iisang lugar lang ba ang piangdalhan sa kanya noong dinukot silang magama. Napakalaking katanungan noon at parang inaatake siya ng anxiety niya. Gusto niyang sumigaw. Sinubukan niya ngunit wala—wala na ulit ang boses niya. Paanong nangyari iyon? 114


Giovanni Alarcon Gusto niyang makita si Amber sa mga sandaling iyon. Paano na siya makakapagpaliwanag dito kung sakaling makaligtas siya sa kamay ni Valerie. Bumalik sa dati ang sakit niya. Hindi siya papayag at hindi maaaring hindi na muli siyang makapagsalita. Pinilit niyang magpumiglas at kahit may galos ang kanyang pulsuan ay ininda niya iyon. “Itigil mo na ‘yan… Walang mangyayari sa pilig mong kakasigaw dahil walang makakarinig sa pipi mong boses.” “NO! It can’t be… This is not happening. I have a voice, I know I can shout. I can call someone… Amber, Amber know I can talk, Amber can hear me… You witch you’re nothing to me and you will pay for this!” Iyon ang isinisigaw ni Giovanni ngunit walang boses na lumalabas. Masakit na ang lalamunan niya sa pagpupumilit ngunit sayang lamang ang effort na ginagawa niya. Luminga-linga siya, maliwanag pa. Sana’y may ibang tao pa sa palayan na malapit sa pinagdalhan sa kanya. Tiyak na maaari siyang makaligtas sa kapangahasan ni Valerie. “We’re getting married soon. Ipinapasundo ko na ang pari sa mga tauhan ko. Ang gusto ko umoo ka 115


Filipino Romance Novel frn lang kung ayaw mong pati ang pari sumalangit-nawa. Babalik ako ng mga bandang alas-dos. Papabihisan na lang kita ng damit pangkasal. I want this to look formal no matter what.” Sa pagkakataong iyon ay nakalas ang lubid na nakapulupot sa mga kamay ni Giovanni. Walang nakapuna at walang nakakaalam. Mamaya na lang siya manlalaban kapag nagsipagkainan na ang mga tauhan ni Valerie. Tulad nga nang sinabi nito kanina. Ibibigay nito ang pagkain sa mga tauhan at tiyak na isa lamang ang magbabantay sa kanya. At kapag umalis na ito’y ipapatikim niya ang nagpag-aralan niya sa pagsusundalo. Mamatay na siya kung mamatay, basta ang mahalaga ay lumaban siya. “Bye for now my darling.” Humalik ito sa noo at pagkuwa’y umibis ito at tinawag nga ang isang tauhan na magbabantay sa kanya. Tamang-tama rin at nagsisimula ng magkasiyahan ang ibang naroroon. Nangangatal ang kalamnan ni Giovanni. Alam niyang pagkakataon na niya. Sakto sa hinala niya ang nangyayari. Kumuha ng silya ang nagbabantay sa kanya isang dipa ang layo nito at nakatalikod. Ang baril nito ay isinuksok lang sa likuron kaya tiyak na kapag nakuha niya iyo’y malaki ang tsansa niya na makatakas. 116


Giovanni Alarcon Naglalaro na ang lalaki ng bara at dahan-dahan siyang lumapit sa likod nito. Hinablot niya ang baril na siyang ikinabigla nito at muntik pang makasigaw upang marinig ng iba. Ngunit mas mabilis siya sa inaakala nito sapagkat hinawakan niya ito sa ulo at pinuwersang iikot ang leeg nito na siyang ikinamatay nito. Bumulagta ito at kinuha niya ang baril. Mabilis siyang umibis at nagpapasalamat siyang wala pang sumusunod sa kanya habang binabagtas ang masukal na palayan. Matagal bago niya narating ang kalsada. Manakanaka ang sasakyang nakikita niya kaya’t nang may isang kotse na natatanaw niya’y hinarang kaagad niya iyon at tinutukan ang nagmamaneho. Tumigil naman ang kotse at kahit siya’y hindi makapaniwala kung sino ang lulan noon. Bumaba ang nakikilalang lalaki pati na rin ang kanyang kapatid na si Sydney. “Oh my God, Giovanni?” tutop ng kapatid niya ang sariling bibig at hindi makapaniwalang doon pa sila nagkita sa tagal ng panahong papamalagi nito sa Cebu. Tinulungan naman siya ng kanyang bayaw at isinakay kaagad siya sa kotse ng mga ito. Alam niyang maraming katanungan ang mga ito ngunit mas pinili ng mga ito na ipagpaliban muna iyon. 117


Filipino Romance Novel frn Pinaharibas ng kanyang bayaw ang pagpapatakbo at sinabing dadalhin siya sa pinakamalapit na hospital. Humingi siya ng papel at sinabi niyang dalhin siya sa hospital na dati niyang pinupuntahan noong nagpapa-theraphy. “Don’t worry Gio, we got you. Try to relax and take a sleep. Malayo-layo din ang hospital na pagdadalhan namin sayo. Just take a nap and I’ll wake you up once we get there, okay.” Iyon na nga ang ginawa ni Giovanni pagkatapos kalungin ng kapatid niya ang kanyang ulo kusang namigat at pumikit ang kanyang mga mata.

118


Giovanni Alarcon

Chapter Nine “IT will be alright sweetheart,” ani ng asawa ni Sydney na panay ang hagod sa likod nito upang maibsan ang sakit na nararamdaman sa kapatid habang tinitingnan ang kahabag-habag na kalagayan. Alalang-alala si Sydney sa kakambal sapagkat nang ipaalam niya ang sinapit ng kapatid sa ina ay muntik itong atakihin sa puso sa kaalamang dinukot ang kanyang kapatid at muling bumalik ang pumatay sa asawa. Umakto kaagad si Sydney upang ipahanap ang dating kasintahan ng kapatid. Tulad ng dati ay pinagaralan na ng polisya kung anong klaseng taktika ang gagawing paglusob sa naturang hide out. “Hindi dapat ito naulit kung ipinaalam sana kaagad ni Gio ang lahat. Kapag may nangyaring hindi maganda kay Mama at Gio hindi ko alam ang gagawin ko.” Mangiyak-ngiyak na niyakap ni Sydney ang asawa. Habang sa pag-uusap na iyon ay gumalaw ang kamay ni Gio. Pareho silang dumulog upang alamin ang kalagayan nito. “Gio, it’s me…” 119


Filipino Romance Novel frn Nagmulat ng mata si Gio. May kaunting luhang tumulo doon hindi dahil sa naiiyak siya kundi dahil mahapdi ang pakiramdam ng mga mata niya. Kaagad pinunasan ng kapatid ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Nag-sign language siya. “Thank you for saving me, Sydney.” “You worried me. Why you didn’t tell us?” Muli niyang ikinumpas ang kamay. “I’m in pain.” “Alright ill call your nurse. I’ll ask for pain killer. Just stay still okay?” Tumango siya at pilit ngumiti upang huwag ng mag-alala si Sydney sa kanya. Na-miss niya ito dahil sa pagbabago ng ugali niya noon ay nagkaroon sila ang kaunting tampuhan. Ngunit nagpapasalamat siyang maintindihin ang kanyang kakambal. Noong mga bata pa sila parati itong nagagalit sa kanya dahil sobra-sobra siyang mag-alala para dito. Ngayon ay ito na ang kumakalinga sa kanya dahil sa traumang sinapit. Hinawakan niya ang kanyang ulo na nababalutan ng benda. Iginawi niya ang tingin sa kanyang bayaw. Halatang ilang itong makipag-usap 120


Giovanni Alarcon sa kanya sapagkat may atraso itong hanggang ngayoy hindi pa rin nila nareresolba. Tungkol iyon sa kanyang kakambal na inihingi niya ng tulong na nauwi sa pagmamahalan at pag-iisang dibdib ng dalawa. Gusto sana niya itong kausapin ngunit hindi naman siya nito maiintindihan dahil hindi ito marunong mag sign language. Natuto siyang makipag-usap ng ganoon dahil sa naging sakit niya at sa pagkakaalam naman niya tungkol sa kapatid niya ay pinilit nitong pag-aralan ang mag sign language dahil nga sa kalagayan niya. Makailang segundo pa ng paghihintay ay may kumatok sa nakababagot at nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang mag bayaw. Hindi siya nagulat na ang pumasok doon ay si Amber Masuyo at kapanabay nito ang kapatid niya. Iyon ang dahilan ng inihingi niyang abiso sa kapatid na dalhin siya sa hospital na lagi niyang inaayawan dati. Gusto niyang si Amber ang mismong mag alaga sa kanya. Halatang gulat na gulat ito sa kalagayan natamo dahil namimilog ang mata nito. Alam ni Gio na gusto nitong magtanong at usisan ang sinapit niya pagkatapos niyang sumama kay Valerie ngunit pinatili nito ang maging isang propesyunal. Limitado ang bawat kilos at galaw nito na ikinapuna naman niya kaagad. Hindi ito ganoon noong unang

121


Filipino Romance Novel frn pagkakilala nila sa bahay ngunit ngayoy dinaig pa nito ang isang malamig na yelo sa pakikiharap. Lumapit si Amber sa kanya dala ang tray na naglalamat ng kung ano-anong gamot. Una nitong kinuha ang injection bago itinurok iyon sa maliit na botelya. Pinitik-pitik nito ang plastic upang matanggal ang lobo sa loob ng injection at saka kinuha ang koneksyon sa IV at pagkatapos ay doon nito itinusok ang gamot. “Mr. Alarcon, huwag kang mag-alala mayamaya lang ay tatalab na ang gamot na ibinigay ko sayo.” Tatalikod na sana ito ng pigilan niya ang braso nito. Sumenyas siya sa kapatid. “Tell her to stay.” Tumango ang kapatid at sinabi sa dalaga ang nais niya. Ngunit matigas ang naging kasagutan ni nito. “Pasensiya na hindi ako pwede mag-o-off na ako. Hanggang pasado alas-otso lang ang pasok ko. Kung gusto niyo ipapaalam ko sa supervisor ko na kailangan niyo ng isang one on one nurse na parating titingin sa kalagayan ni Mr. Alarcon.” 122


Giovanni Alarcon Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang braso ni Amber upang hindi nito magawang umalis. Pilit ang pagkalas nito sa mahigpit na hawak niya. Hindi rin nito makuhang tumingin. “Gio baka naman gusto mo ngayon din ipa—” Natense ang kapatid niya sa ginagawa niyang iyon at imumungkahi sana nito na ipapacheck book nito ang nurse na mag-aalaga sa kanya. Ngunit ibang nurse ang itotoka na inayaw niya kaagad kaya pinigilan niya ito sa iba pa nitong sasabihin. “Tell her I will pay her double if she stay for private caring.” Ayaw na sanang sabihin ni Sydney ang sinabi ng kapatid kung hindi nga lamang malaki ang naging atraso niya dito noon. Kailangan niyang bumawi sa lahat ng naging tampuhan nila. Nakita niyang lumuwag ang pagkakahawak ni Gio sa braso ng nurse na ipinipilit nitong mag-alaga para dito. Kung hindi siya nagkakamali ay may ugnayang namamagitan dito at sa kakambal. Kilala niya ang kapatid sa pagiging isnabero lalo na sa mga babae. Marami ang nagkakagusto dito at isa na roon ang kanyang bestfriend. Ngunit naiiba ang iisang nurse na ito. She will do anything whatever it takes to make

123


Filipino Romance Novel frn her brother wish come true. Bahala na si superman sa loob-loob niya.

GALIT si Amber dahil wala siyang nagawa sa naging desisyon ng kanyang supervisor. Tinanggal siya ni Ms. Peggy sa trabaho ng walang dahilan. Kung siya ang tatanungin malaki ang kinalaman noon ng magkapatid na Alarcon dahil makoneksiyon ang mga ito. Kahit saang hospital siya magpasa ng resume walang tumanggap at mananggapan. Binayaran siya ni Sydney Alarcon upang kuhanin siyang private nurse para sa kapatid na si Gio. No choice siya dahil hindi naman siya lamang ang kailangang kumain tatlong beses sa isang araw. May mga kapatid din siyang umaasa sa kanya. Kahit galit na galit siya sa ginawa ng binata ay kailangang lamunin niya ang pride na mayroroon siya. Hindi naman siya mapapakain ng kanyang pride. Magiging masaya siguro siya kung hindi sila magpapansinan ng binata dahil sa ginawa nito. Ngunit walang araw na ipinaparamdam ni Gio ang gusto nitong mangyari sa kanilang dalawa. Wala itong ipinagkaiba sa mga DOM na nagha-hire ng escort. Gabi-gabi kung saan-saang cocktail party siya nito dinadala. Syempre kahit tagatulak lang siya nito ng wheelchair ay bongga pa rin ang ipinapasuot nitong damit sa kanya. Lahat ng 124


Giovanni Alarcon taong nakakasalubong nila nagtatanong kung napaano ang binata at puro pasa sa katawan. Siya naman kung todo ngiti sa mga elitistang miyembro ng Twin Club dahil hindi niya alam ang ipinagkaganoon ni Giovanni. Wala namang nasabi ang kapatid nitong si Sydney at mukhang wala rin balak sabihin ng binata ang ipinagkaganoon nito. Ang ipinagtataka pa niya ay hindi na ulit ito nagsasalita. Kamanghamangha ang pinagdarausan ng party at ang pagkaing inihahain ay nakakalam ng sikmura. Gutom na siya ngunit ng may dumaang waiter at nag-aalok ng wine ay kumuha siya. Magpapakabusog na lamang siguro siya sa inumin. Baka pansamantala ay mawala ang alinsangang nararamdaman niya. “Giovanni, welcome back. Everyone is missing you.� Bati ng isang kakilala dito. Ngumiti si Giovanni at nakipagkamay. Tinapik ito ng nagngangalang Gabriel Aguilar pati na rin ng kakambal na si Matthew. Nagbiro ang isa at tinanong kung sino siya. Sa totoo lang ay nahihiya si Amber dahil bukod tanging siya lamang ang walang sinasabi sa lugar na iyon. Natitiyak niyang kapag nalaman ng mga tao doon na isa lamang siyang nurse na ini-hire ni Giovanni na mag asiste sa lahat ng dinadaluhan nitong kasiyahan ay natitiyak niyang pagtataasan siya ng mga ito ng kilay. Ininom niya ang inumin 125


Filipino Romance Novel frn upang mapawi ang uhaw na nararamdaman. Ngunit naibuga niya rin iyon kaagad ng di oras dahil hindi sa pait ng lasa kundi sa sinabi ni Giovanni sa kakilala. “I’m sorry hindi ko sinasadya.” Habang uuboubo niyang paumanhin sa mga nakapalibot kay Giovanni. Ngunit imbis na mapahiya si Giovanni dahil sa inasal na ginawa niya ay kumuha pa ito ng panyo at iniabot iyon sa kanya. Nagpasalamat siya dito. Humingi ulit ito ng papel na alam niyang sa sandaling kailanganin nito iyon ay mailalabas niya sa maliit na bag.

HINDI siya makapaniwalang ipapakilala siya nitong fiancé sa mga kaharap. Kahit kalian naman ay hindi naging sila. Gusto sana niyang mag walk out ang kaso ay ipit rin naman siya dahil bawat sentimong ibinabayad ng pamilya Alarcon ay ipinambabayad niya sa mga kautangang iniwan ng kanyang magulang. Pagkatapos ng maikling pakikipagkilala sa mga kasosyo at kaibigan ni Giovanni ay niyakag na siya nito sa table na nakapangalan sa kanilang dalawa. Itinulak niya ang wheelchair nito at tumuloy sa ookyupahan. Parang umurong yata ang sikmura niya sa sandaling iyon at 126


Giovanni Alarcon hindi naging maganda ang timpla ng mood niya. Nawalan na siya ng gana sa inihain ng waiter sa harap nila. Let’s eat. yakag ni Giovanni at magiliw ito habang inilalagay ang maliit na tela sa sariling hita. “Hindi ako nagugutom.” Please don’t be like this. Bumakas ang pag-aalala nito sa mukha at aabutin sana nito ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. Ngunit iniiwas niya iyon kaagad upang huwag makaramdam ng kahit na ano dito. Kailangan niyang supilin ang kahit na anong paghanga at pagtinging hanggang ngayon ay ayaw mawaglit. Noong una ang akala niya lilipas din iyon. Pero parang habang tumatagal na nakakasama niya ito ay lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Alam ko kanina ka pa gutom dahil nakikita kong kanina ka pa tumitingin sa dala ng mga waiter. “Tumitingin lang gutom na kaagad interpretasyon mo.” Inis na sagot niya dito. Galit ka? 127

ang


Filipino Romance Novel frn Gusto niya itong tuktukan sa ulo. Obvious ba, iyon sana ang gusto niyang ituloy na itugon dahil minamanipula nito ang kahinaan niya. Alam naman nito na gipit siya kaya siya naroroon kasakasama ito pagkatapos ay ipinakilala pa siyang fiancé. Don’t be a brat and eat. Kung bakit biglang kumalam ang tiyan niya pagkasabi niya ng— “Hindi nga ako nagugutom.” Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya at pagkatapos ay nilagyan rin ang sarili. Hindi pa ito nakuntento at gusto pa siya nitong subuan. Kung hindi siya luminga ay hindi niya mapapansing lahat ay nakamata sa kinaroroonan nila. Pinamulahan siya ng mukha. Nakakatanggap na pala sila ng atensiyon mula sa kabilang lamesa dahil mataas ang boses niya sa lahat ng inirerespunda niya sa binata. Napakaeskandalosa pala niya at pati ang ugaling kakikayan ay dala-dala niya sa party. “Kakain na ako huwag mo na akong subuan.” Biglang bulong niya rito. Ang lapad ng pagkakangiti ni Giovanni sa kanya na siyang ikinalakas ng pagkabog ng dibdib niya. Nakita nanaman niya kasi ang killer smile nito. 128


Giovanni Alarcon Ibinaling niya ang mata sa plato. Naaalala niya ang pakiramdam na iyon. Ang pakiramdam ng una niya itong makita. Humanga kaagad siya sa guwapo nito na kahit balot sa tamong sugat ngayon ay hindi maikakaila ang dugong kastila ng binata. Bigla niyang iwinaglit ang sarili sa isiping iyon. Hindi mawawala ang galit niya dito dahil nakuha nitong iwanan si Junior. Denial pa talaga siya at si Junior ang idinadahilan niya sa kanyang puso’t isipan. Isa pa pala iyon na inaalala niya na dapat niyang tubusin ang biik kung hindi ay hindi na niya makukuha ito. Naisanla niya si Junior dahil nagipit siya ng umalis si Giovanni. Wala siyang suweldo at walang perang mapagkukunan ng mga panahon na iyon. Hindi na rin niya sinabi ang tungkol doon sa binata dahil natitiyak niyang magagalit ito sa kanya. Kapag isinumbat nito sa kanya na ibinenta niya ang anakanakan nilang baboy ay baka masumbatan niya rin ito pang-iiwan. Kayat mas maiging huwag na lamang niyang banggitin ang tungkol doon. Nagyaya kaagad si Giovanni na umuwi na kaagad sila pagkatapos kumain. Mas gusto nitong pumirmi sa bahay dahil hindi pa rin ito sanay sa sirkulo na iniikutan. Para kay Giovanni ay pagaaksaya lamang ng panahon ang itatagal nila doon. 129


Filipino Romance Novel frn Umatend lamang ito dahil kailangan nitong makilala ang mga bagong miyembro. Kung baga sa fraternity ipinapakilala ang leader ng grupo. Ang tatlong leader na pumupondo sa club ay ang Aguilar, Aragonez at ang Alarcon. Ang mga tatay nila ang nagpasimunong bumuo ng ganitong club. Club na hanggang ngayon ay hindi maunawaan ni Giovanni kung para saan. Kailangan pa kasi niyang pag-aralan ang sistema. Pagkarating sa bahay ay tinulungan kaagad siya ni Amber na mailipat sa upuan ng piano. Gusto niyang tumugtog dahil napakasaya ng pakiramdam niya. Kung dati kasi ay kay sungit niya ngayon naman ay ikinatutuwa niya ang bawat araw na kasama niya ang dalaga sa pamamahay. Tutugtugan niya ito ng piyesang paborito nito. Minsan kasi ay naulinigan niya itong parating kumakanta ng ‘Just the way you look tonight’. Sakto ang awiting iyon sa bawat araw at gabing kapiling niya ito. Maya-maya pa’y sinimulan ni Gio na tugtugin ang piyesa. Paminsan-minsan ay tinatapakan niya ang pedalya ng piano para makuha ang tamang nota. May kaunting ngiting sumungaw sa labi niya ng mapunang malapit na nakatunghay ang dalaga. Kung may boses lamang sanang lumalabas sa lalamunan niya baka sakaling matunaw ang yelong

130


Giovanni Alarcon namamagitan sa kanila. Aawitan niya ito hanggang makalimutan nito ang sama ng loob. Lumapit si Amber at itinuon ang siko sa piano. “Hindi ko alam marunong ka palang tumugtog. Ang akala ko noon dekorasyon niyo lang ito sa bahay.� Tumigil si Giovanni at inayang tabihan siya ni Amber sa piano bench. Hindi naman humindi ang dalaga at tinanggap ang paanyayang iyon ng binata. Hindi rin niya alam na kusa na pala siyang nagpapaturo sa binata na tumugtog. Nakadantay ang dalawang kamay nito sa kanyang kamay at itinuturo sa kanya ang musikang gusto niya. Nang hindi niya makuha ay napapatawa siya at gayun din naman ito hanggang sa naramdaman ni Amber ang biglaang pagka-concious. Bigla kasing naging close ulit sila ni Giovanni. Pero mas naaalarma siya na nakapalibot ang braso nito sa kanya na kung titingnan naman ay walang malisya para dito. Lumakas ang tibok ng kanyang puso at nasasamyo niya ang mainit na hininga ng binata sa kanyang leeg. Dahan-dahan din nitong hinaplos ang balikat niya. Napalingat siya at kusang nagtama ang paningin nilang dalawa. Seryoso ang mukha nito na di tulad kanina ay parang bata na nakikipagharutan sa kanya. Tatayo na sana siya para umiwas sa nakakapasong kaganapang iyon ngunit 131


Filipino Romance Novel frn dahil sa posisyon nilang dalawa ay hindi niya iyon magawa. Nalunok niya ang sariling laway nang slow motion na nagkakalapit na ang kanilang mukha. Parang tila may paru-parong limilipad sa kanyang tiyan at hindi niya mapigilan—ang mapautot. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Gio. Pinamulahan siya ng mukha at sa pagkapahiya ay gusto niyang kumaripas ng takbo sa kuwarto. Nakita niya sa mukha nito ang nakakalokong ngiti. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya dito at agad itong nagpigil na muling bumunghalit ng tawa.Nagulat na lang siya nang yakapin siya nito at hinaplos ang kanyang ulo. Hindi niya makuhang gumanti ng yakap. Walang katuturan ang inihahain nitong pagibig dahil kayang itapon ni Giovanni ang lahat ng iyon dahil hindi nito kayang tumira at makisama kasama niya. Iba siya at iba ito. Lahat ng bagay sa paligid at nakapaligid sa binata ay hindi kayang tumbasan ng pagmamahal. Dala-dala pa rin nito ang kapritso nito sa kanilang tahanan. Di nga bat panay ang bili nito ng masasarap na pagkain at lahat ng gusto ng kapatid niya ay bigay ito ng bigay. Pagkatapos nitong turuan silang mahalin ito at yakapin ng buong puso na sa isang iglap ay para itong lobo na tinusukan ng pardible at pumutok at 132


Giovanni Alarcon sabay na naglaho. Ganoon ang pakiramdam ng puso niya. Gusto niya itong yakapin at sabihing, ‘Okay na bati na tayo. Hindi na ako galit sayo.’ Ngunit ayaw gumalaw ng mga kamay niya. Hindi pa siya handang patawarin ito. Inilayo siya nito sa pagkakayakap. Walang boses na lumalabas sa bibig ni Giovanni ngunit panay ang bukas at sarado niyon. Hindi niya maunawaan. “I was wrong to leave you. Forgive me if I did, because if I don’t I will lose you forever and I can’t let that happen. I love y—” “Matulog na tayo.” The confession was not in the right time. He felt as if he failed to have her heart, soul and especially to be with her tonight. He was already planning those things. Damn that human nature! Why does she have to fart? Naisuklay na lamang niya ang mga daliri sa sariling buhok. Maybe next time… And he continually play and sang the song without a voice.

133


Filipino Romance Novel frn

Chapter Ten SINIPAT ni Amber ang relong pambisig. Nagtatakang hindi pa dumarating ang kakatagpuing kababata. Umaasa siyang sanay walang masamang nangyari dito. Kahit papaano ay minahal niya ito bilang kapatid. Tumawag ito sa kanya at nakiusap na makipagkita sa simbahan. Noong una’y ayaw niya itong makita o makausap man lamang. Ngunit nang sabihin nito sa kanya na may kinalaman ang pagtawag nito kay Giovanni ay hinayaan niya itong magsalita sa kabilang linya. “Amber.” Napalingat siya at nakita niya ang malaking pagbabago sa hitsura ni Damian. Tila ang laki ng ibinagsak ng pangangatawan nito. Kababasakan pa rin ito ng kagandahang lalaki kahit na ba hindi ito ang kanyang tipo at pinangarap. “K-Kamusta ka na?” tipid ang ngiting ibinigay nito at gayon rin naman siya dito. “Mabuti naman.”

134


Giovanni Alarcon Pareho silang pumasok sa loob at naupo sa harap ng simbahan. Naaalala niya ng mga bata pa sila ni Damian parati siyang inaaya nito doon maupo. Bibiruin siya nito na balang araw ay silang dalawa ang magkakatuluyan. Tiningnan ni Amber ang altar na tila ba hindi nabago ang ayos noon. Biglang hinawakan ni Damian ang kanyang kamay kaya ikinagulat niya iyon. Babawiin niya sana ang sariling kamay ngunit lumuluha ito. Kita niya ang paghihinagpis ng binata. “Patawarin mo ako. Hindi ko alam na naging sakim ako. Masyado akong nabulag at hindi ko nakita na iba pala ang mahal mo.” “Damian kung matuturuan ko lang sana ang puso ko na ikaw ang ibigin.” Bahagya nitong pinunasan ang mga luha sabay kumuha ng hangin sa kawalan. “Nakipagkita ako sayo dahil gusto kong malaman mo na si Valerie ang lahat ng may pakana ng nangyari sa pamilya Alarcon. Sayo ko sinabi sapagkat hindi ko kayang harapin si Giovanni. May masamang binabalak ang dating kasintahan niya. Alam ni Valerie na may 135


Filipino Romance Novel frn pagtingin sayo si Giovanni at kasama ka at ina niya na ipapadukot ni Valerie kapag hindi natuloy ang kasal nilang dalawa.” “Pano mong nalaman ang lahat ng ito Damian?” Mahigpit na hinawakan ng binata ang kanyang mga kamay. Napuna niya ang pangangatal nito. Kinakabahan siya sa mga susunod pa nitong sasabihin. “Naaalala mo pa ba nung nasa hardin ka at umuulan ng bala habang tumatakbo kayo ni Giovanni?” Nanlaki ang kanyang mata. Kumpirmado ang hinala niyang kasangkot ang binata sa naganap. Hindi siya makapaniwalang makagagawa ito ng isang krimen. “Nagpaputok ako dahil hindi ko akalaing ikaw pala ang ipinapapatay ni Valerie. Nagbigay lamang ako ng dahilan upang makatakbo ka at si Giovanni.” Humagulhol ito kaya lalong hindi niya naintindihan ang iba pa nitong isinisiwalat. Malaki ang katanungan niya ngayon kung bakit ito nasangkot sa ganoong bagay. Sana ay hindi 136


Giovanni Alarcon pera ang dahilan. Di naman lingid sa kaalaman niyang pareho lamang sila ng estado sa buhay. Napaiyak siya sa kaalamang iniligtas siya nito sa kabila ng mga nangyari. “Ako rin ang nagsabi kay Valerie na nasa bahay mo si Giovanni. Ng mga panahong iyon ay gulong-gulo ako at galit ako sayo. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Natatakot akong baka may masamang mangyari sayo kaya nakipagtagpo ako sayo. Patawarin ako ng diyos sa pagkakasalang nagawa ko. Patawarin mo rin sana ako.” Bahagya ang katahimikan sa pagitan nila. Tila ba nagpapakiramdaman kung sino ang unang maglalakas loob na magsalita. Hanggang biglang may isang malaking bulto na nakalapit at nakatayo sa kanilang harapan. Nang lingatin nila ito para mapagsino ay pareho silang nagulat ni Damian. “G-Giovanni…” Biglang dinakma nito ang kuwelyo ni Damian. Nagtatagis ang bagang nito at tila wala ito sa sarili. Kita ni Amber ang mga mata ni

137


Filipino Romance Novel frn Giovanni na buo ang kumpiyansa nitong saktan ang isa. “Parang awa mo na Giovanni bitiwan mo siya.” “Pare wala akong masamang balak. Gusto ko sanang makapagpaliwanag at humingi ng paumanhin sa mga kasalanang nagawa ko. Tila bingi ang binata sa lahat ng sinasabi ni Damian. Pilit niyang kinakalas ang mga kamay nito upang bitiwan ang isa. Pinagtitinginan na rin sila ng mga tao sa loob ng simbahan. Paano niya mapipigilan ang isang napakalaking taong tulad ni Giovanni? “Giovanni, nasa harap tayo ng simbahan. Maraming tao. Parang awa mo na.” Binitawan nito si Damian na tila nahimasmasan. Walang ano’y mabilis nitong nahawakan ang braso niya at hinila siya palabas, hanggang makarating sila sa minamaneho nitong sasakyan. Nakakabinging katahimikan ang lumukob sa loob ng SUV. Halos apat na oras na silang nasa kalsada. Gusto man niyang kibuin si Giovanni ay parang walang boses na gustong lumabas sa 138


Giovanni Alarcon kanyang lalamunan. Ang isip niya’y lango sa mga sinabi ni Damian. Hindi man buo ang mga nakuha niyang impormasyon ay sapat na iyon upang mabuksan ang kanyang isipan. Ang tanong ay kung papaano niya iyon iapapalam sa katabi. Galit ito sapagkat ang iniisip nito ay nakipagkita siya kay Damian pagkatapos ng ginawa nitong kapahangasan sa kanya. Humimpil ang sasakyan sa isang parking lot. Hindi namalayan ni Amber na nakatulog siya sa pag-iisip. Unang bumaba si Giovanni at nang natanggal na niya ang buckle ay nabuksan na nito ang pinto at marahas siya nitong hinila palabas. Nasasaktan man ay hindi siya kumibo. Alam niyang iba ang iniisip nito sa kanya. Nang makapasok sa condo ay pabalabag nitong isinara ang pinto. Pinaupo siya nito sa sofa. Tingin ni Amber ay nasa isang pad sila na pag-aari ni Giovanni. Tumuloy ang binata sa kusina at binuksan nito ang cabinet na naglalaman ng wine. Hindi na ito nagsalin pa sa baso. Kusa nitong nilagok iyon at doon siya parang natauhan sa ikinikilos ni Giovanni kaya nilapitan niya ito kaagad at inabutan ng papel at lapis. 139


Filipino Romance Novel frn “Kausapin mo ko, please.” Tumikhim lamang ito sa iniaabot niya. Ipinatong nito sa lamesa ang wine na halos nangangalahati na. “Sabihin mo sa akin ang ipinagkakaganyan mo. Tigilan mo ang pag-inom dahil lalo lang tayong hindi magkakaintindihan.” May kung anong pait ang lumatay sa mga mata nito na tila ba nanunumbat. Tumayo ito at hindi nito kinuha ang papel at lapis. Tumuloy ito sa sofa at sinundan niya ito upang siya na ang makapagpaliwanag. “Nakipagkita ako hindi dahil sa mga ginawa niya sa akin. Nakipag kita ako dahil—” Itinaas nito ang magkabilang kamay at tumigil siya sa pagpapaliwanag. Nag sign language na ito gayong alam naman nito na hindi niya iyon maiintindihan. Freaking damn it! Yan ang problema sayo ayaw mo akong intindihin. Bakit gusto mo ba si Damian kaya ka nakipagtagpo? Napatawad mo na siya,

140


Giovanni Alarcon ganoon ba? Bakit ako ang tagal na kitang sinusuyo hindi mo ko mapatawad. Nanlulumo na si Amber. Taimtim niyang naipikit ang mga mata na kahit sa ganooong bagay ay maibsan ang pananakit ng kanyang lalamunan. Hindi niya malaman kung paano matatapos ang pagtatalo nila. Ayaw niyang makita itong ganito na tila naghihirap ang kalooban. Nasasaktan siya dahil mahal niya ang binata. I can provide you anything you want. Why Damian? Why him? Paano ba niya uunawain ang mga sinasabi nito sa kanya. I hate myself because I want you just for myself. “Isulat mo. Hindi kita maintindihan.� Bigla itong tumayo sa pagkakaupo at iniwan siyang nakikiusap pa rin. Tila wala itong balak pakinggan ang pag papaliwanag niya. Nagtungo si Giovanni sa kuwarto at nagtuloy sa banyo. Full-length glass window ang banyo pero hindi siya nabahala dahil iniwan niya 141


Filipino Romance Novel frn ang dalaga sa sala ng hindi sinasagot ang mga pakiusap nito. Baka kasi sa sobrang gigil niya’y hindi niya matantiya ang sarili, magwala siya sa sobrang frustation. Kailangang maibsan ang init ng kanyang ulo at mawala ang hilo niya sa pagkakainom ng wine. Hindi siya makapag-isip ng tama lalo pa’t hindi matanggap ng ego niya na makukuha pa ng dalagang makipagkita sa lumapastangan dito. Pano kaya kung may nangyari ditong masa nang lapastanganin ito ni Damian? Pakikitunguhan pa kaya nito ng ganoon ang binata? Hinubad niya ang lahat ng kanyang saplot. Binuksan ang shower at bahagyang itinapat ang kanyang mukha roon. Itinuon niya ang magkabilang palad sa pader at yumuko upang mas lalong dumaloy ang tubig sa kanyang buong katawan. Ang isa pang lalong ikinaiinis niya’y walang nagagawa ang pagpapa-therapy niya upang makapagsalita na. Kung minsa’y nawawalan na rin siya ng pag-asa na muli pa siyang makakapagsalita. Bigla niyang naihampas ang kamay sa pader. Imbis na magsintimiyento ay umikot siya upang mahugasan rin ang kanyang likuran. 142


Giovanni Alarcon Sukat doon ay anong gulat niya nang mamataan niya si Amber, nakatayo sa harap ng full mirror glass bathroom sa kuwarto niya. Tila natuklaw ito ng ahas, tulala sa kahubdan niya. Nakatakip ang mga kamay nito sa sariling bibig at nanlalaki ang mga mata. Kitang-kita nito ang di dapat nitong makita. Alam niyang pahiyang-pahiya ito at tumakbo ito palabas ng kuwarto. Akalain ba niyang sumunod ito gayong sa isip niya’y wala itong balak na sundan pa siya roon. Napatungo siya sa sarili. Nakita niya ang patutoy niyang parang sumigla. Mukhang galit din at uminit ang ulo. Tumawa siya ng tumawa. Nawala bigla ang pagkainis niya sa dalaga. Tiyak niyang matatameme ito at hindi na siya nito kukulitin. Na-virginize niya ng di oras ang mga mata nito ng hindi sinasadya.

ITUTULOY

143


GIOVANNI ALARCON