Page 1

DS

675.8

R5 A2197

v.3

bk.1

MGA TULA NI

o

TAONO PALiMBAO


AYALA F OUNDA TI ON , I NC .

FILIPINAS HERITAGE LIBRARY


I'

MGA LATHALAfN ng

~MBANSANG

::,/

,

~

KOMISYON NG IKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL ,

I'

MGA AKDANG PAMPANITIKAN A

MGA TULA NI I'

JOSE RIZAL n;~

1rlli

~@

r.rr

jD.fl@

Unang Aklat

Tinipon at inihCll11d.a ng Lupon ng mga Tagapagsalin sa Wikang Pambansa

PANANDAANO TAONO PALIMBAC

MAYNILA PAMBANSANG KOMISy6N NG hCASANDAANG TA6N HI JOSE RIZAL

1961 006701


J

.3

b )

I


PAMBUNGAD BOONG puso naming inihahandog sa bayang mambabasa ang katipunang ito ng mga Tula ni Dr. Jose Rizal. Ngayon pa Iamang matutunghayan sa sariling wika ang kabuuan ng mga tulang sinulat ng dakilang Bayaning taga-Kalamba, na pinagsama-sama't pinag-ayus-ayos sa isang aklat. At ang layon namin sa ganito'y maipalasap at maipanamnam sa tanang kababayan ang tamis, ang linamnam, ang indayog, ang damdamin at ang diwang makata ng Martir ng Bagumbayan. Marami ang nagpapatutoo na ang pagka-Makata ni Rizal ay di pahuhuH at sadyang kapantay sa kahalagahan ng iba pa niyang katangia't kabantugan. Ang wika nga ni Dnamuno, paham na Rektor ng Dnibersidad ng Salamanca: "Si Rizal na Makata ay kasingtingkad at kasingdakila ni Rizal na Magiting, na anupa't higit sa pagka-mediko, sa pagkamaka-agham, s~ pagka-mananalaysay, sa pagka-mamamahayag, at hanggang sa pagka-nobelista; sa ganang palagay namin, sa kabila ng kanyang pagka-magiting at pagkapantas sa iba't ibang wika-mga pamagat na inilalagay namin sa ibabaw ng Iahat-si Rizal na Makata ay siyang lahat at nasa ibabaw ng iba't iba pang katangia't kadakilaan niya." Hindi kaila sa madIa, na sa mga tula ni Dr. Rizal ay walang nakikiIala't binibigkas-bigkas ang marami kundi ang kanyang HULING PAALAM, bagaman may mangilanngilang nakatatalos ng SA KABATAANG PILIPINO, ANG KINALIGPITAN KO, AWIT NI MARIA CLARA at SA MGA BULAKLAK NG HEIDELBERG. Ang paglalathala ng aklat na ito ng MGA TULA NI RIZAL ay magiging mabisang lunas sa kauhawan ng bayan na masimsim ang matamis na katas ng lahat ng tula ng dakilang bayani, na hanggang sa mga araw na ito'y hindi pa nabubunyag. Sa mga tulang nalilingid pa sa kaalaman ng madla ay mababanggit namin ang kanyang SA AKING • • • , AWIT NG MANLALAKBAY, PINATUTULA AKO

at ilan pang puna ng damdamin, ng salamisim, ng diwa, ng pag-ibig, hinanakit, pag-asa at dalamhati iii


iv Kung ipipiling si Rizal sa ibang mga makata, lalo na sa mga tagaibang-lupa, ay kakaunti ang kanyang nasulat na tula. Nguni't ito'y hindi nangangahulugang siya'y hindi makata 0 nababawasa't lumalamlam ang kanyang pagkamakata. Kung bagaman, ang kauntian ng nasulat na tula ni Rizal sa piling ng ibang mga makata sa daigdig ay sanhi sa pangyayaring siya'y hindi sumusulat ng tula sapagka't ibig lamang na makatula, hindi tumutula upang ito'y maging libangan 0 pamparaang panahon. .. Ang karamihan, kung di man ang lahat ng tula ni Dr. Rizal ay sinulat nang may "dahilan", kung minsa'y sa kahilingan ng tao 0 mga taong iginagalang niya't minamahal 0 kaya'y bunga ng kanyang kalagayan 0 katayuang nararapat awitin sa pamamagitan ng tula. Ang Pinatutula Ako, halimbawa, ay sinulat niya sa kahilingan lamang ng isang pinakukundanganan-na maaaring ang kanyang ina-ang kanyang A ng Kinaligpitan Ko (Mi Retiro) na sinulat sa kahilingan ng kanyang minamahal na ina: ang Kay Bb. C. O. R., isang dalagang nagkapita.,k sa ubod ng kanyang puso; ang Sa mga Bulaklak ng Heidelberg, na likha ng pagkapukaw sa kanyang damdamin ng matulaing baybayin ng ilog Neckar; ang Bati sa Kaarawan ni P . Ramon at ni Komandante Carnicero sa Dapitan; ang Imno sa Paggawa at sa Talisay na siyang pook na kanyang tinitirhan sa Dapitan; ang Awit ni Maria Clara na sadyang patungkol sa kanyang kasiritahang si Leonor Rivera; ang Awit ng Manlalakbay , na siyang bunga ng walang kapalagayang damdamin niya, pagkamahiligin sa mga paglilibot sa daigdig, pagkapalaisip at pananabik sa mga pagyayao't dito. Wala ngang sinulat na tula si Rizal na di may mahalagang "sanhi", may pinaiirugan, may binabagayan, may pinag-uukulan, at higit sa lahat ay ang pag-awit sa kapalarang duhagi, alipusta, siil at pinagmamalupitan ng kanyang lupang tinubuan. Iyan si Rizal, ang Makata, ang bayani at paham na gayong marami nang nagsisulat ng kanyang talambuhay, pilipino't hindi pilipino, kababaya't banyagang nagsipag-abuloy ng kani-kanilang kaalama't katalinuhan sa pag-uulat at pagsasalaysay ng "buhay at mga sinulat" ni Rizal, ay kung ano't walang sinumang nakapag-ukol nang lubos, ganap at puspusan sa pagkamakata ni Rizal at sa mga sinulat niyang tula. Mayroon, tunay nga, na mangilan-ngilang nakabanggit at nakasipi sa kanilang mga sinulat na akda ng mangisa-


v

ngisa ring tula ng Bayani, lalung-Ialo na sa kanyang Ruling Paalam, tulang kilalang-kilala at naisalin sa lahat halos ng wikain sa Pilipinas, datapuwa't hang gang diyan na lamang, ang ibang mga tula niyang parang maniningning ding brilyanteng nakasisilaw sa karimlan ng panitikang pilipino, ay hindi nababanggit, hindi natutuklas, hindi nasasama . . . At iyan ang isa sa mahahalagang dahilan kung bakit minarapat naming tipuni't pagsama-samahin sa isang aklat ang salin sa Tagalog ng mga naturang tula ni Dr. Rizal. Pinagkakautangan ng pagkakasaling ito sa Wikang Pambans a, si Vicente de Jesus, makata sa wikang kastila at gayundin sa Tagalog at isa sa mga kagawad ng Lupon ng Wikang Pambansa ng Komisy6n ng Ikasandaang Taon ni Dr. Jose Rizal, at sa pagsasaayos nama'y si Leonardo A. Dianzon, kilalang manunulat sa Tagalog, editor at isa rin sa mga kagawad ng naturang Lupon ng Wikang Pambansa.

Nobyembre, 1960

}


TALATUNTUNAN (UNANG AKLAT) Pahina

PAMBUNGAD

iii

MGA PAKSA NG TULA:

Sa Aking mga Kabata ............................ _............................... Sa Batang Si Hesus .................................................................. Ang Pagsakay (Irono sa hukbo ng mga pandigmangdagat ni Magallanes) ............................................................ Ang Paghahamok (Si Urbiztondo, ang kilabot ng Ho16) At Kastila si Elcano, ang unang nakaligid sa daigdig Maligayang Bati ...................................................................... Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon Dahil sa Karununga'y Nagkakaroon ng Kinang ang Bayan .................. :..................................................................... Isang Alaala sa king Bayan (Kalamba, Laguna) .,._... San Eustaquio Martin (dula) ..............................................~ Ang Pagkakabihag at ang Tagurpay ................................ Matagumpay na P~i?asok ng mga Haring Kat6lik6 sa Granada .................................................................................... Si Col6n at si Juan II ............................................................ Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian Aug Kabayanihan .................................................................... Sa Kabataang Pilipino .............................................................. Si Abd-el-Azis at si Mahoma ............................................ Sa Pilipinas (Sa album ng mga artistang pilipino) .... Kay Birhen Maria .................. .................................................. Sa Tabi ng Pasig ........................................................................ Sa Kapita-pitagang si P. Pablo Ramon, S. J. .................... Pinatutula Ak6 .......................................................................... Kay Binibining C. O. at R. .................................................... Ang Awit ni Maria Clara .................................................... Sa mga Bulaklak ng Heidelberg ............................................ Irnno sa Paggaw.a .................................................................... Sa Aking . . . ............................................................................ Ang Tubig at ang Apoy ........................................................ Kay Don Ricardo Carnicero .................................................... Bagong Ta6n ................................... _.......................... _.......... _. Ang Aking Kinaligpitan ........................................................ vii

1 2 3 5 7 9 11

13 16 18 91 93 99 100 106 108 111 114 115 116 133 134 136 137 138 140 142 146 147 150 151


viii Pahina

Kay J osefina ................................................................................ lmno sa Talisay ........................................................................ Awit ng Manlalakbay ............................................................ Huling Paalam .......................................................................... Bulaklak sa mga Bulaklak .................................................... Kundiman .................................................................................... Noong si Cervantes ay nasa-Argamasilla de Alba .... Sa Lumalang sa Akin ............................................................ Alin Mang Lahi ........................................................................

157 158 160 162 164 165 166 174 175

MGA DAHONG DAGDAG:

Paalam kay Leonor ................................................................ Kundiman (ni P. Paterno: Sa dakong Silangan) ............ Ang Una kong SaIamisim ....................................................

)

177 178 180


" NI RIZAL MGA TULA

006701

ix


" SA AKING MGA KABATA Kapagka ang baya'y sadyang umiibig sa kanyang salitang kaloob fig lafigit, sanlang kalayaan nasa ring masapit katulad fig ibong nasa-himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan sa bayan, sa nayo't mga kaharian, at ang isang tao'y katulad, kabagay ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit sa hayop at malansang isda, kaya ang marapat pagyamaning kusa na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikkg tagalog tulad din sa latin, sa ingles, Kastila at sa1itang anghel, sapagka't ang Poong maalam tumingin ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y huwad din sa iba na may alfabeto at sariling letra, na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa ang lunday sa lawa noong dakong una. -Calamba, 1869 • Ang tulang ito ay sinipi sa "Ku.ng sino ang Kumatha. ng Florante/' ni Hermenegildo Cruz. Sa malas, ang orihinal ng tulang ito ay sinulat ni Rizal sa wikang tagalog at isinakastila ni G. Epifanio de los Santos. 1 006701


SA BATANG KAY HESUS

*

Bakit, Batang-Diyos, Ikaw ay bumaba sa ganitong mundong ang banig mo'y dukha? Nilalait ka na ng Palad na hidwa'y kasisilang mo lang sa balat ng lupa? Anong pagkalungkot! Hari ka ng langit! nguni't parang tao na hamak at amis! Ayaw kang maghari't ang tangi mong nais ay pangalagaan ang tanan mong kabig. • Nangangahulugang ang tulang ito ay hindi pa nailalathala, at may

tatak sa Maynila noong ika-14 ng Nobyembre, bagama't hindi nasasabi ang taon, sang-ayon kay D. Mariano Ponce. Sa kabilang dako nama'y naniniwala si G. Wep.ceslao E. Retana, na ang nabanggit pa tula ay sinulat ni Rizal noong siya1y nag-aaral pa ng kung baga sa ngayo'y haiskul. At isinususog ang paninlwalang, kung gayon, ay noong mga taong 1874-1875 sinulat. 2

)


ANG PAGSAKAY * (hnno sa hukbo ng mga pandigmang-dagat ni Magallanes)

Maganda ang araw Noong kurnikinang Nang sa Silanganan Si Febo'y sumungawj At buong kasyahang Ang kilos at galaw Saanma'y tinanghal Barramedang bay an. Sapagka't sa pampang Ang mga sasakyang May Iayag na taglay Ay magsisilisanj Isang daigdigang Hindi nalalaman ~g patutunguhang Patalim ang tangan. Lahat ay katwaan, Ligaya ang tanan, At ang gilas nama'y Nasa-buong bayan. Umaalingawngaw Ang ingay saan man Ng tambol na mahal Na nakagigimbal.

• Parang isang paliwanag ang panawag-pansing ito: Ang PAGSAKAY ay isang imno na handog ni Rizal sa mga kawal-pandagat ni Magallanes. Sa palagay ni G. Ramon S. Guerrero, sang-ayon kay D. Wenceslao E. Retana. at sang-ayon din naman sa munting paliwanag na pinaabot sa kanya ni Padre Francisco de Paula Sanchez, na naging guro ni Rizal sa Ateneo de Manila, ang tuIang ito tungkol sa PAGSAKAY ay sinulat ni Rizal noong ika-5 ng Disyembre ng taong 1875, datapwa't ayon kina Gg. Vicente Elio, naging kamag-aaral ng Bayani, at Mariano Ponce, matalik na kaibigan noon, ay sinulat ni Rizal ang nabanggit na tul1i noong ta6ng 1874. Unang-unang nalathala sa La Patria, Maynila, noong ika-30 ng Disyembre ng ta6ng 1899.


4

Libu-libong bilang Ng mga putukan Ang gawad na alay Sa mga sasakyan. At ang mga kawaI N g kakastilaan Ay nangagpupugay Nang may pagmamahal. Paalam, ang sigaw Sa magsisilisang KawaI na matapang Ng mahaI na Bayan; Bigyan ng tagumpay Ang Espanyang mahaI Sa di-natuklasang Mga karagatan. lIabang sila nama'y Palayo sa pampang Na a hangi'y tangay, Sila'y sinusunda't Pinapupurihan N g mga sigawang Ipinagdiriwang Ang kanilang pakay. Pinagpupugayang Kahuli-hulihan Ang bandilang taglay Niyong si Magalyan; Ang patutunguha'y Yaong karagatan N a inaangilan Ng kapahamakan.


ANG PAGHAHAMOK

*

.¡

(Si Urbiztondo, ang kilabot ng Ho16)

Sandaang mga sasakyan na sa hanging tangay-tangay, ang sa Maynila'y lumisang maglalayag sa dagatan. Sasandali lamang nama't mga moro ay natanaw, na palalo't buong tapang na watawat ang wagayway. Pagkatapos matuntungan ng mandirigma ang pampang, at . sa kanyo'y patamaan ang muog ng karigmaan, isang tinig ng Heneral ang nanrug: "Mga kawal, n\sa-inyong katapangan ang ating pagtatagumpay. "Ibi$ ko pa an~ mamatay sa iurbng ang sal~ay; masdan ninyo itong Bayang kayo ang pinaglagakan ng lahat ng karangalan." Ang sabing galit na galit, tulad ng Notong 1 paligid ng buhawi't mga lintik, at unos na nagngangalit, dusa't luha ang panghasik ni Urbiztondong mabangis kasama ng kanyang kabig, kamataya'y pinanglupig ng patalim niyang kipkip. • 0 kaya'y ang tinatawag na "Si Urbiztondo, ang kilabot ng HolD." Parang "romance" ang pagkakasulat ni Rizal, at sinasabi ni G. R. R. Guerrero, ang tulang ito ay nalathala noong ika-5 ng Disyembre ng ta6ng 1875, sang-ayon kay Padre Francisco de Pawa Sanchez, naging guro ni Rizal sa Ateneo de Manila, na noong unang dako ay tinatawag na Ateneo Municipal de Manila. INo~gat


6 At gaya ng le6ng-gubat na nagsasabog ng sindak, pagkatanaw sa may gulat na hayop na mangangatngat, sinisilang walang likatj buong galit, buong galak na sa muog ay umakyat, nilusob na walang habag. Pinangalisag ang kiling ng Le6ng sumisingasing, at ang kukong sakdal talim, inihanda sa pagkitil. Walong kutang nasa-Hol6 ang sumuko at tinalo ng kay Marteng ipu-ipong katulad ni Urbiztondo. Sila na rin oh, Espanya! sa Lepanto nakibaka't ila pa rin sa Pabiya'y 2 naging lintik na pumaka. Nilalamon na ng sunog ang palasyo't mga muog, at ang lahat ng nilusob sa lupang Ho16ng kinubkob. Tumakas na si Mahumat, Sultang imbi't walang habag, kawal nati'y buong galak na sa Ho16'y lumaganap.

Ika-5 ng Disyembre, 1875. 8

Pavia; Espanya


AT KASTILA SI ELCANO, ANG UNANG NAKALIGID SA DAIGDIG

*

Pasasaan ang sasakyan sa tnalaytmg karagata't mapalalong nctglalakbay sa di pa kilalang bayari? Sino iyang walang gulat na sa mundo'y sumusukat, mula sa Kanlutang ¡ dagat hanggang Silanganang rosas? Siya'y bayaning kastila, isang Titang i sakdal gara, sa sigwa'y sumasagasa kung siya'y sinasansala. Sl Elcano ang may gawa, ng s1\ mundo'y magpahanga tatapO,sin ko ang sumpamalaki man itong lupa, At agila ang katulad na sa hangi'y lumilipad, lipad na walang kahuwad, sa bills at liksing ganap. Na sa ugong ng habagat ay hindi man nagugulat, binibiro't nakalantad sa lintik at mga kidlat: • Sinulat ni Rizal, na ayos "redondilla" sa wikang kastUa, na ang ibig sabihi'y magkatugma ang una at pang-apat na taludtod 0 tudling, at ang nasa-pangalawa at pangatlo ay magkatugma rin. Sinulat ito, sang-ayon kay G. R. R. Guerrero, noong ika-5 ng Disyembre ng taong 1875, salamat sa isang paliwanag ni P. Francisco de Paula Sanchez. 1 !sang pangalang diyus-diyusan ng mga taga-Pirene. 1


8 Parang isang kabatuhang di tak6t sa karagatang nagngangalit, nagwiwindang, ni sa bagyong kabangisan; Si Elcano'y ganyang tahas kung sa alo'y bumabagtas, nasusupil niyang lahat pati sigwang nanggugulat. Binagtas niyang tuluyan ang sa rnundong kabilugan, saka buong katapangang Daigdig ay sinukatan. Libu-libo ang naputong sa noo rno, tanging kampon, sa noo rno ay nabunton ang hiyas na kurnpul-kumpol.

Ika-5 ng Disyem Te, 1876. }


, MALIGAYANG BAT! '" (Kay Antoruno Lopez) Ang mga kapatid na babae ng iyong maybahay ay nangaghahandog sa iyo ng maUgayang bati, dahil sa iyong kaarawan. I

Kung si Filomelang lsa dila'y may tamis ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip, sa may kabukira't bundok na masungit, ang may dalang awit.

n Kaya naman kaming nangasisiyahan, sa iyo't sa iyong Santo'y nagpupugay, sa himig ng awit na makamagulang, Antoninong mahal. ill

mga kaanak, tanggapin rno gayon ang awit na tapat, na sa rnahinahong pag-ibig ay buhat, na puno ng galak. IV

Sa maybahay mo man at sa kay Emilyo, rnatamis na batl ang matatanggap rno; at nawa'y sa dusang iyong rnatatamo, ngiti'y makabago. * Sa tulang ito ay si Rizal na ang nagsasabi sa kanyang bayaw na si D. Antonino Lopez, ng pagbibigay ng "MaUgayang Bati" na nais ihandog ng kanyang asawa (Dna. Narcisa Rizal) at mga anak, dahil sa ipinagdiriwang na araw ng kapanganakan, kay Don Antoruno. Ang tula ay sinulat noong ta6ng 1875, nang panahong si Rizal ay lalabing-apat na ta6n lamang ang gulang at noo'y nag-aaral pa sa Ateneo Municipal de Manila. Hindi lamang malaman ang tiyak na petsa nang sulatin ang tula. Sa tul:ing ito ay makikilala na rin ang maramdamin at mapagmahal na puso ni Rizal, gayong batang-bata pa. 1. Ito ay isang ibong kilala sa Olimpo, na totoong magaling kumanta, nakaiigaya, nakababalani. 9


10

v Gaya ng pilotong lumaban sa unos, sa aililn ng gabi na nakalulunos, ngayo'y minamasdang bangka mo'y maglagos, sa pasiga'y abot. VI

Gayon mo iiwan ang pangmundong dampa, na taas sa langit ang matang may tuwa, sa langit na aliw ng tauhang madla, Amang pinagpala.

VII At saka sa aming may lambing sa tinig pagpupugay nama'y iyong maririnig; ingay ng Mabuhay! na buhat sa dibdib, tanggapi't pag-ihig.


MATALIK NA PAGTUTULUNGAN NG RELIHIYON AT NG EDUKASYo N * Katulad ng dapong sanay na umakyat nang paliku-liko sa pu nong mataas, yamang sila kapwa'y magandang pamalas niyong kabukiran at lupaing patag, saka lumalakirtg laging magkayakap; kung ang puna nama'y kulangin ng habag, at ang dapong iyo'y mawalan ng liyag, ay makikita nang dahb'y nalalagas; ang Edukasy6n ma'y katulong na tapat niyong Relihiy6ng kanyang kaakibat: nang dahil sa kan)Ta, Edukasy6'y bansag at jay! niyong taong magtakwil na bulag sa "relihiy6ng" banal na may aral-pantas, sa linis ng daloy, lumalayo't sukat.

.

t

Saka kung ang puna ng bas na mahal, ay nagpapatuloy sa paglaliling tunay, gayundin ang kumpol ng bungang pang-alay, na lubhang matamis na matuturingan, at sampu ng tinik niyang matuturan ginagawaran din ng pagkaing bagay: gayon din ang agos na lubhang malinaw, na may makalangit na handog sa buhay niyong Edukasy6ng ganap at matibay, na akay ng kanyang maningning na ilaw; nang dahil sa kanya'y mabango ang singaw, at ang mga bunga'y masarap sa namnam.

* Ang ayos ng tulang ito ay parang "gubat" na may mataas at may mababang mga puno ng kahoy, kaya "selva" ang tawag sa wikang kastila. o kaya'y "gubat" sa tagalog. At ito ay sinulat ni Rizal, sang-ayon sa balita ni P. Sanchez kay G. R. R. Guerrero, noong ika-l ng Abril ng ta6ng 1876. Sa ano pa man, ay masasabing ito'y isa sa mga tula ni Rizal na makatas at malaman; masarap na 1a10 sa panlasa ng mairugin sa mga tuIaing pangkabuhayan. 11


12 Kung walang "relihiy6n", edukasy6ng iya'y parang isang bangkang hangin ang kalaban, na walang pang-ugit na sa digma'y taglay, sa gayong kaugong na simbuyo't tampal ng galit na hanging boreas ang ngalang siyang bumabakang boong kabangisan hanggang mailubog ng kapalaluan sa pusod ng galit na sangkaragatan. Kung hamog ng langit ang sa kapataga'y nagbibigay-buhay, Tagsibol na dahil sa kanya'y mainam, ang mga bulaklak ay naglilitawan, at pinaririlag ang gilid ng daanj iyang edukasy6n ay gayon di naman, na pinalulusog sa mabuting aral ng isang "Religion" na Eumusubaybay, na ang tinrttungo'y madlang kabutihan sa kanyang paglakad na lubhang marangal; at dahll sa buti'y bulaklak ang bigay ~a may halimuyak ng bang saan man.


DAHIL SA KARUNUNGA'Y NAGKAKAROON NG KINANG ANG BAYAN * Karunungang pantas ay sigIa ng buhay, na sa ati'y galing ang ibinibigay, siyang naggagawad sa sariling Bayan ng walang paglipas na mga tagumpay, at katulad pa rin ng hanging mahinay, nagpapasariwa sa kabulaklakan, gayon din ang dulot niyong karunungan na nagpapayabong sa sangkatauhan. Dahilan sa kanya'y nagpapakasakit ang tao pati na ng pananahimik, dahilan s,a kanya'y nanasnaw na pilit ang sining at agham na kaakit-akit, na siyang s tao'y nagbibigay-dikit, bukal sa bundukin na lubhang malinis, gayon din ang dunong: Janunuyong tikis sa bayang payapa't ligtas sa ligalig. Doon sa ang trono'y ginawa ng dunong, bagong kabataa'y sadyang umuusbong, mga kamalia'y kanyang natutunton, at dangal ng diwa ang pinayayabong; ang liig ng bisyo'y kanyang napuputol; sala'y namumutla kung nasasalubong: sinusupil niya ang bansang ulupong, at han gal mang tao'y kanyang inaampon. • Ang orihinal na kastila ng tulang ito ni Rizal ay binubuo ng mga bersong walu-walo ang bilang na ang bawa't sampu nama'y bumubuo ng isang saknong. Sa kastila ang tawag sa ganitong uri ng paghahanay ng tula ay "octavas reales". Tinitiyak na nang sulatin ito ni Rizal ay noong unang araw ng Abril ng 1876, kaya nagugunita pa ng maraming tao, na nang malathala ang tulang ito ay noong ika-2 ng Enero ng 1906, sa EZ Renaclmiento, pahayagang nasusulat sa wikang kastila, dito sa Maynila, na kasama ng bantog na Muting Pagsilang. 13


14 At gaya ng bukal, na kung dumidilig sa mga halama't bukid sa paligid, ay inihahandog nang buong pag-ibig sa lahat ang kanyang malamig na tubig, sa mga pasiga't kanugnog na bukid, sa kalikasan ma'y hindi nagkakait: gayon din ang taong sa dunong mahilig, sa lalong mataas na dan gal nananhik.

Sa kaniyang labi'y daloy na malinis ng bait at dunong ang namamalisbis, ang aral ng kanyang buong pananalig ay nagpapalayo sa masamang hilig, na nangababasag sa pampang pagsapit, katulad ng alon pag humahagupit, at ito'y ullian ng taong may isip, na ang tinutungo'y landasin ng langit.

Sa dibdib ng taong kapus-kapalara'y siyang nagbibigay ng kaliwanagan; siyang gumagapos sa salarin nama't sa iba ay aliw ang iniaalay, kung ang buti niya'y siyang pinapakay at sa kanyang dibdib ang buti'y may t anglaw; at ang karunungan ay lubhang marangal, na siyang pabangong tiyak na sa buhay.

Katulad ng isang kabatuhang lantad, sa gitna ng alon na lubhang marahas, pag-angil ng bagyo na napakalakas, ay dinudusta lang kung pinagmamalas, na kapag napagod sa unang paghampas, ay umuurong na't tak6t na qalpas; gayundin ang dunong na siyang may hawak ng sa bayan nati'y pamitik sa lakad.


15

Sa batong sapiro niyayaring sadya, pinapupurihan ang lupaing mutya; sapagka't sa dibdib ng anak napunla ang halamang iyong bulaklak ay diwa; at sa pag-ibig ding laging nasisira'y mamamasdan niyong nangamamahala sa bayang marangal na tapat sa tuwa, kabihasna'y siyang inaalagata. Tulad sa umagang waring ginintuang ginto rin ang buhos ng bukang liwayway, tulad ng umagang ginto't pulang kulay ang isinasabog na lubhang makinang; ganyan din ang handog niyang karunungang may hiyas na ham sa nangabubuhay, at siyan~ sa ating bayang minamahal ay nagbihigay ng pagka-walang hanggan.

}


ISANG ALAALA SA AKING BAYAN * (Kalam ba, Laguna )

Kung magun ita ko yaong mga araw na unang namas id niring kabata an, sa tabi ng pampa ng na kulay luntia n, ng isang dagata ng may bu16ng na taglay ; kung magun ita ko ang hingan g mabjn bjn niyong si Favon yong sa noo ko'y hain ang mabin ing simoy na tangi kong aliw, may lamig na dulot na kagiliw -giliw; Kung minam asdan ko ang liryon g maput ing pinam umuka dkad ng sa hangin g bati, saka, pagka raan ng kanya ng lungg ati'y natutu log naman sa buhan ging tipi; kung sinasa gap ko sa mga bulak lak ang kanila ng bango ng makal ango't sukat, na inihih inga kapag ang liwana g ng bukan g-liwa yway pangit ing ninika t; Nagug unita kong may kahalo ng lungk ot ikaw, kabata ang sakbib i ng lugod, na ang isang inang magili wing lubos ay siyang nagbig ay ng iyong alindog. Nagug unita ko yaong isang bayan g naging ligaya ko't aking sinilan gan, sa tabi ng lawan g may lamig na alay, pugad ng lahat kong pag-ib ig sa buhay . • Ang tulang itong punung -puno ng damdam in ay inihara p ni Rizal sa isa sa mga pagpup ulong ng Akadem ya ng Panitik an ng Ateneo Munici pal de Manila . Tungko l sa tulang ito ay dapat basahln ang sinasab i ni G. Ramon R. Guerre ro: Sa isa sa mga unang sipi kinuha ang akdang ito, sapagk a't ako man naman noo'y kasapi rin sa Akadem ya ng Literat ura ng Ateneo . Sa pahaya gang La PatTia, sa Maynil a, ay inilatha la ang tulang ito noong ika-30 ng Disiyem bre ng taong 1899. Ang sabi ni G. Marian o Ponce, sinulat ang tulang ito noong 1876, bagay na hindi ipinagt atalo, datapw a't tinitiya k kong hangga ng noong taong 1879 ay saka lamang inihaya g ni Rizal sa nasabin g Akadem ya. Inilatha la rin ng La DemocT acia. sa Maynila, sa bilang niya noong ika-10 ng Hunyo ng 1901, ayon kay D. Vicent e Elio. Inilatha la rin sa El Pueblo, ng Sebu, noong ika-19 ng Hunyo ng 1900, ayon kay G. R. R. Guerre ro. Mayroo n akong isang siping padala ni D. Vicente Elio: R. R. G.

16


17 Ang mga paa kong kulang pa sa tatag, sa mga gubat mo'y mayroon ding bakas, sa mga baybayin ng llog mong lahat nakatamo ako ng aliw at galak; nagdasal din ako sa iyong dambana nang buong taimtim noong ako'y bata, at sa iyong simoy na dungis ma'y wala, yaring aking puso'y natigib ng tuwa. Kita ko ang Diyos sa angking kalakhan ng mga gubat mong nangagtatandaan; kailanma'y di ko natikman minsan man ang pait ng palad sa iyong kandungan; samantala, iyang bughaw na langit mong aking minamalas, minsan ma'y di ako kinulang ng lingap na galing sa iyo't sa katalagaha'y nukal ang aliw ko. Kamusn;msan.g mura, bayan kong maganda, bukal ng ~a ligaya, at mga aliv\-iw ng kun~ang tila nakapaglalay,o ng sariling dusa! Mangagbalik kayo sa aba kong puso, magsibalik kayd oras kong maamo, -magsibalik kayong parang ibong dapo sa mga bulaklak kapag sumasamyo. masaganan~

Nguni't lay! !Paalam! Nawa ay ingatan ang kaaliwan mo't ang kapayapaan, Wani ka ng galing, na sa kabutiha'y siyang naggagawad ng pala sa tanan; dahilan sa iyo, ang aking panata, dahilan sa iyo, ang aking pag-asa na may matutuha't ang langit man sana'y mayag na kupkupin ang yumi mo't ganda. OQ6701


SAN EUSTAQUIO. MARTIR (20 ng Setyembre)

MALAGIM NA DULANG ISINATULANG KASTlLA (Abril at Mayo ng 1876) Ni

JOSE RIZAL (Akdang sinulat sa wikang italyano 'taong 1869' ng Paring si Enrique S. Valle)

MGA TAUHAN

Adriano __.. _.............. _..... Emperador. Eustaquio .__ ..................... ~neral na rom o. Tito ....................................... Ailak na bata ! l [ Eustaquio. Flavio _. ___ ....._................. Matandang anak ni Eustaquio. Claudio ... _......................... Kaibigan ni Flavio. Cornelio .............................. Palayaw ng Emperador at kaagaw ni Eustaquio. Metelo ................................ Kaibigan ni Eustaquio.

SA MAMBABASA MINAMAHAL KONG MAMBABASA:

Hindi ang karangyaan ang siyang nag-udyok sa akin upang isatula ang maka-relihiyon at kapaki-pakinabang at malagim na dulang ito, na pinamagatang SAN ESTAQUIO; ang tanging naging nais ko'y matutong tumula, subukin kung maaaring maging isang anak ng mga Paraluman at magkaroon ng katuturan para sa aking kapuwa. Sa Dulang ito at sa bawa't hakbang ay makakikita ka, minamahal kong mambabasa, ng isang di was tong salitang dapat tulig18


19

sain, isang tulang matigas at masama ang pagkakayari, na dapat ayusin, madidilim na bigkas ng damdamin na dapat bigyang liwanag, at iba pa; mga kapintasang sarili ng isang baguhan at walang karanasang manunulat. Tangi sa rito, ana ang dapat gawin? Ang maigsi kong talino at kutad na diwa, at ang maliit na kaalaman ko sa wikang kastila (sapagka't hindi sa sinapupunan niya ako isinilang) ay hindi makapagbigay sa akin ng masaganang daloy ng pangungusap na matulain, ni ng mayayamang pagsasaad; sapagka't tangi sa wala akong buhay na tali no , ay sah6l ako sa magandang kaisipan at bata pa ang aking gulang (labing-apat na ta6ng ganap at malapit na sa labinlimang ta6ng gulang). Punahin at suriin mo ang aking nagawa, maawain at mapagpatawad na mambabasa, nguni't huwag ang kaparaanan. Tunay ngang ang tula ay akin, ang mga tugma ay akin, nguni't ang kaparaanan ay hindi akin. Kung ang mayakda sa kanya, na ang pangalan ay hindi ko nalalaman, ay makaalam, sa isang pagkakataonl, na ang kanyang malagim na dula ay isinatula kong may pantig pa naman, at dahil doo'y hindi karapat-dapat sa maganda at napapanahong kaparaanang siyang napill, pagindapatin mo nawa akong patawarin; sapagka't kung pagpaparisin ang kagandaha't ang kapangitan, ay magkakaroon ng isang pagkakasalungatang lalong magpapatingkad sa nauna, samantalang maaaring ipagkamali sa nahuhuli. Dito'y wala akong inilagay na sariling diwa ko, ni balangkas na sarili1 matangi sa tagpong ikanim ng ikalimang yugto, na kung maiibigan ay maaari mong panatilihin, at kung sa kabilang dako'y di mo naman maibigan, ikaw ang panginoon ng iyong sarili at maaari mong pawalangsaysay. (Ibinigay ni Pari Sanchez sa batang si Rizal ang pagkakasalin ng pinagmulang italyano sa tuluyang sulatkastila) . Magparaya ka na, mambabasa, at ako'y isang bata lamang, at ang 'yari ng isang bata, sa pangkaraniwan, ay pambata lamang, at walang mabuting maihahandog; tangi sa miminsan Clkong nakapanood ng malagim na dula,


20 at ang tanging naaalaala kong nabasa ay ang kay PROMETEO, na sinulat ni Esquilong griyego. Ipagpatawad ang aking kapangahasan, kung sa gulang na labing-apat na ta6n ay nangahas ak6ng sumulat at makialam sa malinis at maselang na dulaan ng mga makata, mananalumpati, mananalaysay at mga nakaaalam sa patakaran ng panunula: at kung hindi babawahan ang iyong poot na makatuwiran, ay alamin mong labis-Iabis na ang natanggap kong kaparusahan dahil sa aking kamangmangan. Hindi ko ginawa upang ibunyag sa tao, at upang ako'y huwag matuligsa, hindi; sa kabila nito'y sinulat ko nga upang itago nang maraming taon at upanding ako'y maiwas to ng lahat ng dito'y mangahas, yamang ako'y sumasangayon kay Horacio, na ang sabi: "Si quid tamen olim scripseris, in metti descendat judicis aures, et patris, et nostras; nonumque prematur in annum, membranis intu positis. Delere licebit quod non edideris; nescit vox missa reverti." "Kung noong ib g panahon y may sinulat kang anuman, bayaang yaon ay sumapandinig ng hukom, ng ama at ng aming sarili, at bayaang rnakintal nang rnaraming taon sa larnad na nasa-Iooh. Maaaring mapawi ang hindi rno inilalathala: ang tinig na pinawalan ay hindi rnarunong bumalik." PAG-UUXOL NG XUMATHA

Aba! oh, Lumalang ng LANGIT at LUPA, kayo, mga minamahal kong tagapagtaguyod, matamis na mga kaibigan ng nawalang kamusmusan, kaibigan ng kasalukuyan kong kabataan, mahal na mga kapalautangang-Ioob: kapayapaan, kabutihan at kalusugan. Sa inyo ko iniaalay ang walang kabuluhan kong nagawa; tanggapin ninyo bilang katunayan ng aking tapat at masunuring pag-ibig; panghinayangan ninyong kasama ko ang aking kamangmangan, kaawaan ninyo ang kakaunti kong kakayahan. Ito ang una kong ginawang natapos, bagama't marahil ay hjndi ganap; ito'y inihahandog ko sa inyo,


21

yamang ako'y wala nang ibang maibibigay sa inyo, maliban sa aking pagmamahal at sa aking puso. Inaasahan kong hindi ninyo lilibakin: ang pansinin na lamang ninyo ay siyang nais ng sa inyo'y nag-aalay, hindi ang kanyang halaga. At ikaw po, minarnahal kong guro, Pari Francisco de P. Sanchez, S. J., tanggapin rno po ang ganap kong pagkilala, na, sa katotohanan ay hindi sukat upang magantirnpalaan ang inyong pagsusurnakit. At Ikaw po Martir sa Kalbariyo, rnatamis kong Manunubos, tanggapin Mo po ang ' buhay ng isang martir, na sinulat ng iyong alipin, upang rnaging lalo't lalo ang iyong tagurnpay. JOSE RIZAL

Kalamba, ika-2 ng Hunyo, 1876.


SAN EUSTAQUIO MARTIR (20 ng Setyembre) Makikita sa loob ng dulaan ang lsang maaliwalas na bulwagan ng Palasyo ni Adriano. Sa isang panig ng bulwagan ay makikita naman ang sunud-sunod na pinto ng iba't ibang silid UNANG YUGTO TAGPONG I

(Si Cornelio at Metelo)

, CORNELIO-

METELO-

CORNELIO-

22

Dumating ang araw na sawi't malungkot sa malulupit kong kaaway na buktot; araw nila itong dapat ikatakot sa akin, kung tunay ang panghihimasok nila sa buhay ko. Dumating ang araw ng paghihiganti, Oh, Metelo, ikaw! sino ang sa kanya'y maglalayo ngayon sa pqot ng aking brasong nag-aapoy? Ang kanyang katwaan sa pagtatamasa'y magig' g luha rin sa kaniyang mata. Matagumpay siyang palapit sa moog: mabangis na lubhang dito ay pasugod si Eustaquiong kaagaw sa lugod; lubhang mamamahal ang kanyang tagumpay, at igaganti ko yaring kaapihan! Nguni't bakit naman poot at alit an ang palagi mo nang kinasusuungan? Kung siya'y dumating ditong nagtagumpay sa pakikihamok; ang Senado naman, sa taglay na lakas sa kaniyang tapang ay nasisiyahan. Ang dapat mong gawin, mahal na Cornelio'y makisama ka rin sa ganyang parangal. Dapat mong purihin, mahal na katoto, ang kanyang maningning na pananagumpay, yamang iya'y galing at bigay sa kanya ng bathala natin. Ang mga tagumpay na dapat kong kamti'y siya ang numakaw; sa laurel na akin ay sa kanyang noong palalo, dumating.


23

CORNELIO-

Sa katapangan ko'y hindi naging tapat si Trahanong walang katarungang tiyak. At sa aking tutol ay binging may libak sa palad ko sampung langit na mataas. Pati na ng aking mga dating kawal na sunud-sunuran sa lakas ko't tapang, ay si Eustaquio ang nakasasaklaw. Binigo ang aking pag-asang datihan, at ngayon papasok ditong matagumpay. lniisip mo bang dapat pang ayunan niring pagkaaping walang kagantihan ang kabantugan kong kanyang dinungisan? Ako ay kasama sa mga labanang palagi ni Tito at ni Trahano man, ang paglilingkod ko'y buong katapatan na sa kanya'y naging katamis-tamisan. Sa pakikihamok ay kanyang nama's dan ang katapangan ko. Nguni't ngayon lamang, na si Eustaquio'y pinagtiwalaan ng pa!tikihamok sa naghimagsikang mga D syo't Partos sa gitna ng parang: Sa mga ~ampangin ng Danubyo'y ako ang marapat sanang doon ay mangulo, upang ipamalas sa lahat ng tao't mga taga-Roma ang katapangan ko, gayon din ang aking likas na talino, na kilala nilang hindi nagbabago. Sa kayamanan mo'y dapat kang masyahan; ang sandata nila at ang katapangan, 0, bunying Cornelio, ang siyang nag-alay ng inihahandog na mga parangal. Nagtatamasa ka sa kapayapaan dahil sa lagay mong sagana sa yamang sa paglilingkod mo'y hari ang nagbigay. Kaya di mo dapat siyang kainggitan, yamang kayo kapwa'y romano kung turan, at kayong dalawa'y kapwa nababagay namang magtamasa ng kalwalhatian. Ang ibig mo baga'y huwag kainggitan ang ganyang panalong sa akin inagaw? Kung marangal siya'y lalo ako naman, at ako'y romanong dito ay sumilang;


24 tunay na damdaming di ko mapagtakpan ang nawala't sukat na kapanalunan; ang hinahangad ko na pagpaparangal, gayon din ang putong ng pagtatagumpay, kaya ako'y dapat humanap na mull ng mga: papuring siyang minimithi, sa paggugupo ko't pakikitunggall diyan kay Eustaquio, sa lalong madall, upang ako'y maging Heneral na mull ng mga kawal ko na nananaghili. Iyan ay hindi mo agad magagawa, pagka't siya nama'y naglingkod na lubha, Sa: bayan din natin, naragdagan pa nga ang kanyang tagumpay, mga gantimpala ng sariling galing niyang darakila, ngayon, sa pagbalik, na ibinandila ang katahimikan ng sa Romang lupa, Iyo ngang sabihin, magamit mo kaya ang-.laka:s upanding siya'y maidapa? Mga panlilinlang at ang upasala, ay hiri~ sukat na (Pap~tdin alilg sa '/ta)-Iyang paninira ay hindi ko ngayon nai's isagawa; sa lupit ng samang ginawa sa akin ng aking kagalit, ay iyong isiping kanya rin ang salang siyang magdiriin sa kanyang kalakhan, siya ring sistil at pati tagumpay ay mapagdirilim. At kung magkagayon, saka tatanghaling gabing sakdal sungit ang iwing luningning ng kanyang tagumpay, Tatanawin pa ring lahat ay wala na, walang kabuluhan ang lahat ng kanyang mga panalunan. At ano? Nais mo bagang mabahiran ng dungis ang kanyang iwing karangalan, sa mga paggamit ng kaparaanang nakapandidiri, nang matupad lamang ang iyong adhikang siya'y mapagapang? (Kung ang kasalanan niyong si Esipyon ay pinatawad din nang panahong iyon ng mga romanong malulupit noon, pagka't nagunita ang kanyang tagumpay, ay hindi nallgtas sa kamatayan lang,

.1..

CoRNELIO-


25

CORNELIO-

kundi pati kanyang imbing kasalanan, sa hull, ay naging kanyang kapurihan). Aking magagawang mapait na luha ang kanyang tagumpay na dinarakila, nguni't alamin mo, mga kabataang romano ang dito'y nangag-uunahan. Hintay ka, Metelo, sa ngalan ni Jove, kangino man sana'y huwag mong masabi ang pinag-usapan natin ngayon lamang, at saka kung ako'y iyong tutulungan, maaasahan mo magpakailan mang ang tulong mo'y aking gagantimpalaan. TAGPONG II

(Sina Claudio't Flavio at ang mga dating tauhan) CLAUDIO-

METELoCLAUDIO-

CORNELIO-

CLAUDIO-

FLAVIo-

Makihati kayo sa kalwalhatian, itinatangi ko,ng mga kaibigan, yayamang sa ating pakikipaglaban, tayo ang nanalo . . . Dumating ka na ba, kaib'igang Claudio? Ang i ig ko sana'y pagpa hlano.atan ang Diyos na Ama, pagka'll kayo ngayo'y mull kong nakita, at ang kapalara'y tanging nagbabadya, siyang nagpatunay na ,a tin din siya, kaya't nilukuban ang romanong sigla laban sa lahat nang kanyang nakabaka. Marangal na Claudio! Isa nang katwaan na ating tinalo ang Dasyong kalaban sapagka't ang ating Romang minamahal ay nagtagumpay nga sa pangalan lamang ng kanyang agila at mga watawat, na kung makita na ng Partos na duwag ay nangatatakot at nagsisilayas. Ano ang sabi mo? Alinlangan ka ba sa tapang ng ating Kapitang bata pa? o kaya'y sa tapang ng kawal ng Roma ipagtanong mo nga kung ang nakabaka'y (Itinuro si Flavio) sadyang nangatakot sa Romang pangalan o sa napagmalas nilang katapangan? Kay Jove natakot, saka sa sandata ng ating Heneral, na nang mamuksa na'y


26 kidlat ang kawangis, at sila'y lumayas sa takot din naman sa ating watawat. Cornelio- masid ko ang pait ng laban ng mga romanong pinag-alinlangan, na nagsipamutlang walang kahihiyan sa harap ng ating datihang kalaban. Talinong panghukbo, katapanga't lakas ay siyang sa ati'y nagbigay ng dahas. At wala sinumang taong nabubuhay na makaiisip ng gayong labanan, at lalung-lalo pa kung nasanay lamang mabuhay sa lalong malalaking bahay. CORNELIODiyan si Adriano sadyang humahanga, kaya naman ngayo'y malaki ang handa sa pagpaparangal na lubhang dakila, upang matumbasang lahat ang dalita, panganib at sa kit na magugunita ng nangagsilabang hindi nanghinawa. FLAVIO.-.e..ng lahat ay utang sa katalinuhan, di rnatalong bisig ng bunying Heneral, na si ang sa kanyang matapang na kawal ay nakaJ;lag-utos, 4ugit sa laban, at siyang nagbigay l].iyong katapangang natutong pumuksa sa mga kaaway. Ang sibat na hawak ng kamay na kanan ang nagpapabulwak ng dugo saanman! Sa lahat ng dako'y nagkalat ang patay! Kung siyay'y kaharap ng mga kalaban, ni si Marte'y hindi yata mapapantay, sa gayong karahas sa lupang ibabaw, na walang katulad sa talinong taglay. Ang Dasyos at Partos na naging talunan, sa kanya'y humanga at sunud-sunuran. CORNELIOHuwag kang matakot na baka gantihin 路a ng kanyang tagumpay ng lalong maningning. CLAUDIODamdamin mo kayang bigyan si Eustaquio ng mga papuri nitong si Adriano? Ikaw man- Cornelio, ay pararangalan, kung ikaw ang siyang naging matagumpay. CORNELIODi ko dinaramdam, Claudio, sa digma, kung di itinulot ng ating Bathalang ako'y panalunin sa aking adhika; nguni't sa nangyaring si Eustaquio ngayon ang pinapurihan saanman paroon,


27 ay di ko matiis nang walang linggatong. Aking sisikapin na sa kapistaha't mga paghahandog kay J ove'y makita ni Eustaquio na rin at ng buong Roma na ang gantimpalang handa nang talaga ay matamo na rin at kanyang-kanya na. Si Adriano'y aking dadalawin naman, upang makamana ng katalinuhan, sa kanya'y matuto . . . Iyong malalaman. Ibig mo ba ngayong ako ay samahan? (Kay Metelo) TAGPONG III

(Si Claudio at si Flavio: CLAUDIO-

FLAVIo-

sarilinan)

N arito na tayo sa sariling lupa, Flavio, pagkatapos ng mga dalita na ating tiniis sa nagdaang digma, at ngayon, sa wakas, tayo na'y payapa. Doon sa pasigan ng Danubyong bughaw, samantalang tayo'y nakikipaglaban sa lupit ng Dasyo sa gitna ng parang, ang mg'a mata ko'y sa sariling bayan laging n~kapako na puna ng lumbay. Nakita rih kita, lupang minamahal! Sa huli'y tapak na ng paa ko ikaw! Tinitingnan mo ba ang taas ng moog, niyang Roma nating nasa-dakong loob? (Kay Flavio) Mamamasdan mo rin ang palalong yaman na itinatanghal sa mga simbahan, at ikaw'y dadalo sa pistang pang-alay sa naging maugong na pananagumpay, na dadaluhan din ng lahat mong kawal, nang iyong makita ang kapalaluan. Ikaw ay romano't may masayang buhay sa himpilang Roma ng iyong magulang; dito'y mayroon kang minumutyang bayan, kasama, alila't mga kaibigan, na buong puso kang pinakamamahal. Ako'y hindi, Claudio, isang kapalarang sawi ang naglayo sa aking magulang at isang malupit na higa:hti bilang ang nasa-dibdib kong pinakasugatan. Sa lahat ng oras, dapat mong malaman, sadyang ang puso ko'y buong kasabikan na ang hinihiling sa Diyos na tunay,


28

CLAUDIO-

FLAVIo-

ibalik sa akin ang ama kong hirang. Kaya tinunton kong maging sandatahan; ginala ko;ng tikis ang lahat ng bayang nasa.- Europa na matuturingan; pagka't noong ako'y musmos pa at bat a, sa kanya'y narinig ang mga balita tungkol sa labanan, kaaway, pamuksa at ang di masabing mga pagkaaba. Kay-lambot ng iyong puso, Flaviong mahal, sa sariling dibdib, at napakarangal ang kaluluwa mong magpakailanma'y di nakalilimot sa amang nagbigay ng mga araw mo at mahabang buhay! Kung nabubuhay pa ang ama mong hirang, siya, kaipala, ay masisiyarran sa maraming anak na nangagmamahal, saka, sa matamis, tanging kapalaran. Kawawa kong Flavio, marahil sa lahat ng mga labanan ay di naglilikat sa ama mong mahal ang iyong paghanap, pagka't tila ikaw'y nilimot, kay-saklap! pati panfalan mo, an iyong pagliyag; gayon dih, ang mga iunitang mapalad. Pal along panaho'y siyang pumapawi sa dibdib ninuman ng pagsintang tangi, katulad ng bukang-liwayway, pagngiti, lahat ng karimla'y biglang pinapawi! Ikaw'y namamali, mandin, Claudiong mahal. !tong aking puso, sa takbo ng araw, malilimot kaya ang amang nagbigay nitong katawan ko, buhay, karangalan? Aug mukha man niya, sampung mga galaw, ay baka sakaling aking malimutan, datapwa't ang kanyang mga pagmamahal, sa kaluluwa ko'y sadyang nakakintal! At tingnan mo, Claudio, ang bagay ring iyan ang bagay ring iyan ang siyang sa aki'y laging nag-u~dyok na aking hanapin ang kapayapaan sa mga paggiliw ng mahal kong ama't kung ako'y titigil sa paghahanap ko ay baka sabihing; "Ikaw'y wahmg turing, anak na hilahil, ang m~al mong ama'y dapat mong hanapin, pusok ng loob mo'y dapat pag-alabin!"


29 CLAUDIO-

FLAVIo-

CLAUDIO-

Ang likas na tamis ng iyong ugali, Flaviong minamahal, ang siyang nagtali sa akin sa iyo. Akin ding Iunggating sana'y makita mo, matagpuang mull' ang mahal mong ama. Ako'y may palagay na kasindangal din ng iyong pandamdam. ang kanya, sakaling di mo matagpuan, nahahanda ka bang hanapin saanman? Palagay ko, ikaw'y nabubusog naman sa mga pasunod sa iyo I'lg kawaI, ng paIad, gayon din ang kapayapaan. Sa kapalaran ko, ang ibig mo tila, ako'y masiyahan, gayong nagdurusa yaring aking puso sa di pagkakita sa kinaroonan ng ama kong sinta! Hindi ko rin alam kung saan humangga. Marahil ay dukhang nasa-pagtitiis, at lipus ng hirap na lubhang mapait ay nabubuhay pang sa paggawa'y amis! Gaano ang tuwa, sakaling makita ang mahal na anak ng ubaning ama!; anumang saklolo'y maaabot niya sa gitna ng kanyang katandaa't dusa, salamat sa Iakas ng bunsong nininta路 na siya ring suhay ng pangungulila. At dahil sa kanya, ako'y nahahanda, katotong Claudio, lisanin ang lupang tinatapakan ta't ulila nang sadya, sa pagmamasid kong hindi nagsasawa; mga karagata'y lalayagin ko rin, at darating ako saanmang pampangin, sa paghahanap lang sa mahal sa aking nagbigay ng buhay, dangal at paggiliw. Natitiyak mo bang siya'y makikita? At mayayakap mo nang buong pag-asa? Ang minamahal mong Claudio'y iiwan sa laot ng hirap, na walang karamay, ay gayong kapatid ka niya kung turan? Baka ang ama mo'y inagaw ni Jove, nang tayong dalawa'y mamalaging tabi sa isang tahanang ang tuwa'y sarili. Sa katapatan mo aking hinihintay na maipakita sa magarang lunan


30

FLAVIo-

ang katuwaan ko sa ganitong araw; nguni't walang turing! Ako ay iiwang nag-iisa't wala ni kapanatagan? Ito bang Claudiong iyong minamahal, ay walang saklolong iyong babayaan? Saan naroroon yaong inasahang pakikisama mo magpakailanman? Kung tayahin ko ba, sa pagmamahal rno sa bunyi mong ama'y ang pagmamahal ko sa iyo'y malaking di hamak, totoo!; ang pagmamahal kong di mo mabubuko. Nguni't Flavio, ako'y iyong dapat dinggin: sa kahahanap mo, ipalagay natin, na makita mo na ang ama mong giliw, at ikaw'y makita, nguni't di malining ng iyong matanda kung saan ka galing, kung anong lipi mo ang dapat tuntunin, ana ang tanda mong dapat na kilanlin? Hinahanap mo lang na masawi ka rin! An~ mga bathala, baka balang araw, sa kata awag ko'y IDFabag ding tunay, at ako'y; patikmin ng kalwalhatian sa pagk~katagpo sa ama kong hirang. Di gaya ng iyong di tamang palagay, siya ay rnuli kong makikitang buhay. At ang tanda nito'y akin nang naturan, na ako, sa kanya'y pilit iniwalay, noong ako'y bam, sa dalampasigan na sa akin noon ay pinag-iwanan, sa hangad din niyang ang ilug-ilugan ay kanyang malangoy at matawid lamang. Nang siya'y dumating sa kabilang pampang. di ko na nakita sa mga halaman, sa lahat ng dako niyong kabundukan, tubig na sagana ay biglang umapaw na siyang sa dating ilog ay naglubog. Di ko na nakita ang ama kong irog, kaya naisip ko, na tigib ng lungkot, na baka si ama ay naghihimutok sa pagpapalagay na ako'y nalunod, o kaya'y namatay sa gutom na lubos. Datapwa't ang langit naman ay naawa, na may isang pastol na nagkawanggawa


31

CLAUDIO-

sa akin at ako'y kinuha sa lawa, at ako'y din ala sa kaniyang dampa. Ako ay binuhay sa pag-aalaga't sa pamamagitan ng mabuting nasa. Ako ay gumaling. Nang ako'y lumakas, sa mga sandata, ako ay nagsikap mag-aral, magsanay. May nasang maalab, ako ay sumunod sa mga watawat at mga agila ng Romang magilas. Laban sa Istriyo't maging sa Danubyo'y matagumpay akong bumabalik dito. N ariyan ang aking inaaring tanda na kakikilanlang walang pagdaraya sa lahat ng bayan, sa lahat ng digma Magdaraan dito si Adriano yata, tumigil ka muna, kaibigang mutya. TAGPONG IV

(Si Adriano at an'g mga dinatnan. May mga kagawad ng hukuman) ADRIANO-

FLAVIoADRIANO-

FLAVIoADRIANO-

CLAUDIO-

Saan naroroon ang Heneral natin? Sa digmaan siya, palagay ko, galing. (Kay Claudio) -Bagay ay sa unang silid mo hanapin. Sabihin mong siya'y aking hihintayin. Ginoo, siya po ay kusang darating nang makapagpugay at kayo'y purihin. Mapalad ka, Claudio, mayro'n kang huwaran sa kay Eustaquiong diwa't katapangan! Mga halimbawang di pa nakikita, Ginoo, ang laging tinataglay niya. Nang dumating po ba, si Tito'y kasama? TAGPONG V

(Eustaquio, Tito, Metelo at ang mga dating tauhan) Pagkasabi oi Adriano og "Adios, Eustaquio", ay aalis ang lahat at mangaiiwan lamang sina Eustaquio at Tito ADRIANO-

Tumalong marangal sa nangaghimagsik. Upang makita ka, ako ay bumalik. Iyang mga Dasyo na nagpupumilit na ang nilagdaang papel ay mapunit, tungkol sa adhikang mapangyaring pilit, na ang taga-Roma'y huwag matahimik路 ang nakamtan nila'y parusang mahigpit!


32 Si Adriano'y tap at, kaya nga marunong maggawad sa tao ng dangal na putong, sa bayaning bantog na sa digma'y suong dahilan sa kanyang imperyong nalulong; sa Herusalem pa'y iyong nakilala ako, noong ako ay isang bata pa. Sa iyong sariling mga pagsasakit, ay aking inantay ang bungang matamis, datapwa't sa huli'y dangal pang malabis ang siyang kinamtan nitong pagnanais. Ang lahat ng dito'y puna ang pangalan at mga sundalo'y aking uutusang sumam'a sa iyo sa ating simbahan, upang ikaw na rin ang siyang mag-alay sa lahat ng dioses ng ating parangal. Saka kung sa Roma 'a t ang kaharian, ay magpapakitang marunong tumanaw ng u.tang na loob, Eustaquiong hirang, sa tapang mo't lakas, at gayon din naman kay J ove'y dapat mong buong ipamalay na ikaw marunong magbayad ng utang nang daHil sa lahat ng iyong tagumpay. Sa iyong narinig na aking sinabi'y lalo pang malaki ang ipaaani niyong Kapitolyo, sa iyong papuri sa harap ng ating imperyong sarili saka ng Senado na mapagkandili sa harap ko na ring dito'y nagsasabi. EUSTAQUIo-

Ginoo, di ko po ibig na hintayin ang gantimpala mo na sa aki'y hain, dahil sa panalong natamo sa Dasyo: Ang tangi po lamang na hinihiling ko'y ang iyong kasyahan sa walang halagang ipinaglingkod ko sa bayan ng Roma. Ang pasunod mo po'y malaki sa akin. Tungkol po sa aking nasasabing tapang, kalakip ang lakas> sa akin po'y sukat at baka labis pa ang pagkapanalo nang laban sa Partos na lubhang marahas. Ako po'y natutong humawak ng "armas" salamat kay Tito at sa kay Trahano; kaya naman ngayo'y bumabalik ako


33

ADRIANO-

Trro-

ADRIANO-

sa harap ng iyong upuang marangal, at iyan ang turo ng aking tagumpay. Ang napakaraming parangal sa akin, mga pagpapanggap na ibig ituring, ang palagay ko po'y kalabisan na rin. Kung pakikidigma ang inyong tuturan, tinatanggap ko po ang Iahat ng parang na sa aki'y ibig iturong Iabanan, upang makaharap ang mga kalaban na ituturing kong isang karangalan. Kailanman ako ay sunud-sunuran sa mga hari kong pinaglilingkuran; yamang ako'y isang matapat na kawaI, pagsunod ang siyang tungkulin ko naman. Eustaquio'y tingni at aking nalaman sa mga pinunong iyong kasamahan, na sa pagdirigma, ikaw ay sinundan; ang mga papuri ng Iahat mong kawaI, sa kagitingan mo a sa katapangan; sa dibdib mo'y waia ang kapaIaIuan, ni ang paghahangad, na kailan pa man ay hindi nangyaring ikaw'y mahibuan: Datapwa' dapat mong tanggaping mahusay ang mga papuring talagang pang-alay ng Roma sa kanyang mandirigmang tanghal. Nakikita mo ba kung pano ang isang (Kay Tito) Jupiter, sa iyo'y nagbigay ng amang dapat mong tularan路 sa pagkabihasa niyong halimbawang dapat matamasa ng isang romanong tapat na talaga? Ako po, sa ngayo'y walang magagawa maliban sa siya'y mahalin kong sadya, yamang ako ngayo'y isa Iamang bata! Ilan pa pong taon, pag ako'y tumanda, tutularan ko na ang kanyang adhika; samantalang ngayo'y dapat kong isumpang ako'y magtatapat sa tronong dakila. Sabihin, MeteIo, ngayon din sa Pari, (kay Metelo) na 'a ng aking utos ay tupding madali, at kanyang ihanda, kung ano ang gawing gamitin sa banal na pag-uugali. Binibigyan kita ng luhos na laya, MeteIo, kahit na magpahingang kusa

006701-3


34 sa gitna ng daan, kung siya mong nasa. Adiyos, Eustaquio, Adlyos路 din, Tito, ako'y aalis na't iiwan ko kayo. TAGPONG (Si

TITO-

EUSTAQUIO

VI

at si Trro ay nag-lisa na. Nangakaupo sila)

Oh, hindi masabing mga kasayahan ang dini sa puso ay nangingibabaw! Dahilan sa iyo'y kay laking kasyahan ang naramdaman ko na nag-uumapaw sa kaluluwa ko! EUSTAQUIOAt ako man nama'y nasisiyahan din, kung di lamang dahil, Tito, sa iyo rin! TrroAno, aking ama, ang iyong palagay sa isinagot ko sa hari tang mahal, na gaya ng iyong nais ay magalang? EuSTAQUIoHindi, ligaya ko, pagka't ang sagot mo'y sagot nga ng batao May mataas, Tito, na dinadalumat ang pag-iisip ko. TIToAng takot ko, ama'y baka ka nagalit! Parusa an ako路 kung gayon, ng langit, pagka't'tuwa mo lang ang siya kong nais. EUSTAQUIOMakinig ka, Tito. Limutin mong tanan ang mga taguring walang kahulugan; mga gantimpala, kaalit at kawal ng haring Adriano't ng Roma rin naman. Si Kristo ang siyang dapat mong tawagan, at dapat mong sundin ang kanyang pangaral. Pinangakuan mo ng panunuparan at mga pagsunod ang Adrianong iyan, gayong dapat sanang ang iyong sumpaa'y ang Diyos mo namang ating minamahal; kung mayrqn kang isang batayang marangal, walang iba kundi ang kristyanong ngalan. Dahilan sa kanyang madlang kaharian, makailang ako'y nasubong mamatay sa maraming digmang aking nilabasan laban sa kaalit nitong Romang bayan. Ikaw man sakali, Tito, balang araw, mga ginawa ko'y gagawin mo naman. Ngayon ay Diyos na ang nananawagan upang ako'y muling makipagdigmaan dahilan sa kanyang banal na pangalan.


35

TITo-

EUSTAQUIoTITa-

EUSTAQUIo-

Trro-

EUSTAQUIO-

Trro-

Di ko magagawang si Jove'y handugan ng kahit na ana upang paunlakan, sapagka't alam kong siya'y hindi tunay. Ipinagbabawal sa atin ni Kristo ang ganyang pagsamba't kung tututol ako at sasabihiri kong ako ay kristyano, na parang pagdusta kay J oveng alam mo, ay maaasahan ang kamatayan ko, na siya kong nais, sa kabilang dako . . . Nais ko'y sa Diyos tanging rnaging tapat! Walang katapusang tagumpay ang kanyang "ipinamamalas nang buong ligaya't parang sinasabing naririnig ko pang ako'y tinatawag sa langit na sinta. Nguni't ikaw kaya'y sa akin sasama? Oh, mahal kong ama! kasama ka lamang ay tinatanggap -ko pati kamatayan; sa iyo nais kong sumama saanman. Ibi~ rno bang ako1y rnanatiling buhay, kun~ ikaw ay wala sa tinatangisang lupalop na ito? Klfllg wala na ikaw't di tapat sa Diyos, ay walang karamay: Huwag kang matakot maging sa anuman, sa mga pahirap 0 sa kamatayan. Sakaling itanong kung si Joveng paham ay sinasamba rna? Ang tugon ko naman ay ako'y Kristyano't di ko kailangan iyang si Jupiter na kasuklam-suklam. 00, nguni't ikaw'y kanilang bibigyan ng lubhang maraming mga kayamanan. At si Adriano'y magbibigay naman ng mga pabuya, pumayag ka lam'a ng sambahin si Jove, kahit paimbabaw . Isinusumpa ko, ama kong marangal na malalaman mo kung anu't anuman. Marahil-dahil nga'y matatanggihan mo sakaling bigyan ka ng anumang "premyo"j Nguni't kung magalit na tuloy sa iyo, at ipapatay ka " .. Kahit ikaputol nitong aking liig, ay walang anum an kung siya kong ibig, ako ay kristyano't hindi mapipilit;


36

EUSTAQUIO-

Trro-

EuSTAQUIo-

Trro-

EUSTAQUIo-

kaya nga sa Diyos, ang aking pamanhik, ay ako'y payagan, sakaling maamis, na hanggang sa kanya, ako'y makasapit, na kasama ikaw, sakaling magkamit niyong karangalang maakyat sa langit. Malayo pa siya huwag kang matakot! Dapwa't kung sa iyo malapit ang buktot, ang berdugong kawal na siyang uulos, ay hindi sasalang ikaw'y manghilakbot at iisipin mong ikaw'y makahagpos at makapagtanan saanman umabot. Malaman mo amang sa isip ko'y wala ang gawang magtanan. Ang aking adhika ay kusang lumuhod, upang itong dilang biyaya ng Diyos sa aki'y magwika: "Amang minamahal, tanggapin mo sana kung ako'y mamatay, yaring kaluluwa." Ang kalinisan mo, Titong ginigiliw ang siyang sa iyo'y magliligtas na rin! Di ba ang sabi mo'y si Kristo na rin nga ang siyang sa aki'y magbibigay-awa upang magkaroon ng lakas at diwa, na sa mga imbi'y matutong dumigma? Tunay, Tito, tunay, na dapat maghintay sa Diyos ng lakas at banal na tapang, ng pagkamatyagang pagkatibay-tibay. Siya ang nangakong di pababayaang ang alipin niya'y hindi matulungan sa mga tiising may kalwalhatian. Nangakilala ko yaong mahihinang, bata at babae, binata't matanda na walang sandata maliban sa awa ng Diyos na siyang nagbigay ng pala, at sila'y nanalo laban sa adhikang sila'y mangamatay sa balat ng lupa, kalakip ng linis ng paniniwalang singkinang ng lalong makinang na tala, ang mga berdugo'y natakot na pawa, at sila ay ligid ng mga palabang lumipad sa langit na nangatutuwa. Nguni't ikaw, Tito, sa aki'y makinig, diyos nila'y hindi natin maiibig, Kaya ang mabuti, tayo ay tumakas,


37

TITo-

EUSTAQUIO-

Trro-

eli bawal ng Diyos na tayo'y lumigtas. Tayo'y pumaroon sa pook na liblib, bago ka masubo sa mga panganib. Nguni't ama, bakit lagi ka nang takot na sa katapangan ako'y maghikahos? Oh, Diyos! ang aking tapat na pag-ibig sa iyo'y sukat na, upang matahimik itong aking ama sa pagkaligalig. Amang minamahal, di ko na maisip kung ana ang aking dapat na masambit: ako'y lumuluha, ako'y tumatangis, na yaring buhay ko, kahit na maamis, mapahandog lamang sa hari ng langit, Anak ko! (sa langit) ang buhay nami'y tanggapin mo't mulang pagkabata'y handog na sa iyo. Pinaluwalhati mo ako, anak ko (Kay Tito), at ikaw'y tatanggap sa Diyos ng mundo ng tapat na paUL Ang aking pag-asa ay ti itigip mo't ikaw ay sasama sa akm sa langit, doo'y aakyat ka! Gaano alaki ang II\agiging saya ng laha ng banal sa iyong pag-asang matutupad mo rin ang iyong panata, na iibigin mong ikaw'y mamatay na bago sa kay Jove ikaw ay sumamba. At walang gasinong pumasok sa Roma, na mga alipin ang siyang kasama, di gay a ng lugod na ako'y mapanhik na kasama kita sa masay-ang langit, doo'y isang Kristo ang siyang nanawag upang malwalhating kita'y makaakyat! Pag-asa ko'y iyan, amang minamahal, madali na sana ang 'a ting tagumpay. IKALAWANG YUGTO

(Ang ginamit ding palamuti sa unang yugto) TAGPONG I

(Si CORNELIO-

CORNELIO

at si

METELO)

Tingnan mo, Metelo, kung p~nong tagumpay niyang . si Eustaquio'y naging katalunan! Siya ay kristyano't ipinapapatay


38

METELOCORNELIO-

METELO-

CoRNELIO-

niyang Emperador. Ang panalo, tapang at lahat ng kanyang mga kagalingan ay walang-wala na. Akong kaibigan ay nagpakalalo sa lahat ng bagay. sa nasang ang kanyang mga pagdiriwang sa lunan ng Roma ay lubhang hanga'a n, at inihanda ko pati pag-aalay ng ano mang bagay na sakdal ng inam sa lahat ng diyos ng ating simbahan. N guni't alam mo ba kung ang iyong buhay ay di nanganganib sa ganyang paraan? Bakit naman kaya? Sa anong dahilan? Maaaring siya'y mag-iba ng haka, at kanyang ihandog sa ating bathala ang lahat ng kanyang natitipong mutya. At marahil, ikaw, anong malay natin, ay gantihan niya, sa mga darating. Sa paniniwala, siya'y magpapalit kahit hindi tunay, sa atin papanig, pati ~ay Jupiter ay sasambang pilit, masunod lang niya ang lahat ng nais. Huwa? kang mataKot na siya'y sumamba't sa ati'y pumanig, hindi man talaga! Matibay na sadya ang kanyang kalulwa; pananalig, lakas, tapang at iba pa路 subok na ng lahat na nasasa-kanya, na ganyan ang lahat ng kapanig niya. Matangi sa rito, ay iyong alaming mahal kay Eustaquio't sa kanyang damdarnin ang pagka-kristyano, ito'y alam natin. At kaya huwag mong minsan ma'y isipin, na siya'y sasamba nang buong taimtim, sa mga diyoses ng ating paggiliw, dahil sa pagsunod kay Adrianong hiling; ang paniniwala at ang kanyang Diyos ang nangagbabawal sa kanya nang lubos. Sa akala mo ba, 'Siya'y hahatulang mamatay, sakaling kanilang malaman na siya'y kristyano? Maging kamatayan kaya'y pahirap, ay pamimiliin siya ni Adriano, pagka't alam natin, na isang bayaning ganyan ang luningning ay hindi marapat na siya'y subukin


39

CORNELIO-

sa mga pahirap; hindi maiiring ang isang Eustaquio saanman dumating. SakaliI!g sa kanya'y wala mang halaga ang ganyang gawai't ang ganyang pagsamba, dapat mong malaman na dito sa Roma'y bawal ang mag-angkin ng pagsambang iba At saka ang bayan ay naghihintay na, sa parurusahan na nagkakasala. Kaya kailangang gawin ni Adrianong matupad ang batas niyong si Trahano: At kailangan ding siya ay piliting tupdin na ang batas anumang sapitin. Hayan si Adriano't diyan nanggagalingj magtigiJ ka muna't kung kanyang hilingin, na ako'y mangusap, ay aking gagawin. TAGPONG II

(Si Adriano at ang mga dati)

ADRIANO-

CORNELIO-

ADRIANO-

CORNELIO-

Tingnan mo, Metelo, si Tito sa silid, at paparituhin nang walang kakabit. ~alis si Metelo) Ngayon ko natalos ang lihim ng lahat, kung bakit si TakY(i) ay ayaw pumayag mag-ala~ kay Jove ng karapat-dapat; ayaw ng parangal; at kahit di sapat ako'y may hinala at may alapaap na baka . . . ikaw nga, ang nakatatatap Cornelio, ano ba ang talagang tapat na kaniyang Diyos at ana ang hagap? Totoo nga bagang dito'y ibinawal ni Trahanong lahat ang ibang simbahan, lalo pa ang bagong relihiyong iyan? Wala akong pansin, ni pag-aalala, na siya'y may ganyan na pagkakasala. Siya'y paririto't tanungin mo siya. Si Tito ang aking ipinatatawag路 sa aking pag-asang siya'y magtatapat. Kahimanawaring siya'y makaligtas, pagka't walang malay, at ito ang tapat, ang ganyan, sa akin, ay walang patawad! Paanong ang ganya'y mapatatawad mo, sa yaong si Neron ay nagbubo rito ng maraming dugo ng gangganyang taong sumunod sa aral nitong sektang ito.


40 ADRIANO-

CORNELIO-

AnRIANO-

CORNELIO-

AnRIANOCORNELIO-

Nguni't ibig mo bang aking gunitain ang kanyang ginawang nakaririmarim? Pinatay ang ina, at pinatay pa rin pati kanyang gurong Seneka ang turing? Kung yaong si Ner6ng halimaw ang tawag, ay napakasama, nariyan ang tanyag na si Vespasiano, na siyang pumayag na ang isang Papa ay putlan at sukat ng ulo, dahilan sa siya ang hayag na puna ng isang simbahang tiwalag. Si Saturnino lang ang siyang may ibig sa gayong nangyaring nakaliligalig; at si Vespasiano'y sumunod sa lupit ng gayong pithaya. Lalo pang mabait na maituturing si Tito, na sam bit ng tao ang kanyang awa at pag-ibig: siya ang pumayag nC). sa pananalig, ay dapat masunod ang sa isang nais. Kung pumapayag kang ako'y magsalita nang lalong tahasa't ayon sa adhika, dapat kong sabihin路 ginoo . . . (Hahadlangan si Cornelio) -kung ano ang iyong loobin ay masasabi mo. Alam kong si Tito'y lubhang maawain. Sila'y nagkasundong maluwat-Iuwat din. N alalaman mo ba ang mga nangyari? Ang nangagsisunod ay lubhang marami sa paniniwalang nakaduruhagi, kaya dahil naman sa buting sarili ay si Domiciano ang naging haligi, na nagpakatigas, hanggang sa masabing siya ay malupit. Si Tito'y mabuti, nguni't di nag-angkin ng pusong lalaki, ni ng katarungan na kapuri-puri. Ang lahat ng hari'y ibig na masabing sila'y maawain sa bayang kakampi. Ang magpaumanhin sa pagkakasala't ang may kasalanan ay walang parusa, ay di pagkaawa do on sa may pita ng tunay na batas na siyang pag-asa. Ang lahat ng ba-tas ay tumututol na't matigas na siya ang tinutuligsa: ang sigaw sa langit ay hindi na awa


41

ADRIANO-

CORNELIOADRIANOCORNELIO-

ang dapat itawag, sa harap ng madla! ang ganyang pagsunod, kalupitan pa nga. Kung si Eustaquio ay makasalanan, batas ni Trahano ang sa kanya'y laban; ikaw ang marapat niyang pamanahan ng ngalang kasunod sa kapangyarihan. Nang dahil sa iyo, si Jupiter naman ang kilanling hari sa buong libutan, at ikaw kay Jove ang siyang may utang ng paghahari mo sa lupang tuntungan! Pati na ng mundo'y may kapanatagan, kung iisang batas ang pananaligan at iisang diwa ang magiging gabay. Iyo ngang sabihin, Cornelio, kung tunay na tayo'y palaging siyang tinitingnan ni Jupiter mula sa kanyang sambahan? Bagay na mabuting mapaniwalaang si Jove sa ati'y may pagtinging taglay. Nguni't si Eustaquio'y malaki ang tulong sa imperyong ito magpahangga ngayon! Kung siya'y kalaban ng bathalang lahat, sa Roma'y wala rin ang kaniyang armas! Kung sa halimbawa niya makukuha'y darami ang kanyang kristyanong kasamo.; kung ang paniwala niya ay kakalat, sa bay an ng Roma'y masisirang lahat. Saka kung ang batas sana ni Trahano, kasapi ang lakas ng mga bisig mo'y siyang magtatakdang siya ay patayin, huwag kang mangamba na dito sa atin ay may lalaki pa na magmamagaling lumabag sa diyos nitong bayan natin: Ikaw'y igagalang, makikita mo rin. TAGPONG III

(Si ADRIANO-

Trro-

METELO,

si

CORNELIO

at ang mga datihan)

Doon ka maghintay sa katabing silid (kay Cornelio) saka pagkaraa'y dito ka bumalik. (aalis si Cornelio) Diyos ko! Diyos ko! Bigyan mo po sana ng tatag ang aking sinabi kanina! Sa sinumpaan ko'y ikaw ang mag-adya!


42 ADRIANO-

TrroADRIANO-

f TITo-

ADRIANO-

TITo-

ADRIANO-

TrroADRIANO-

TITo-

ADRIANO-

At iyang ama mo'y rninarnahal rno ba? Ginoo, akin pong minamahal siya. N alarnan rno na ba, na siya'y aayaw turn,anggap ng pala, ayaw ring rnag-alay kay Jove ng kahit anong rnababagay. At saoihin rno nga, bakit tinanggihan ang inihandog kong rnga karangalan? Hindi turnatanggi sa gantimpala rno, ang aayaw siya, sa nalalaman ko, ay ang paghahandog 's a diyos rno rito na siyang sa kanya'y nakababalino. Ano ang sabi rno? Ano ang sabi rno? Ako po ay hindi rnaniwala tila na utang kay Jove ang tagurnpay niya. Iyang J oveng iya'y wala namang kayang rnagbigay ng tulong rnunti man sa kanya. Kung gayo'y kangino niya naging utang? Hindi po sa iba't sa Diyos na tunay. Si Jove ba'y hindi, sa iyong palagay? Hindi rno ba pansin? Ibig rno bang masdan ang dami na niyang rnga kasangkapang sa kruaban galing, na nagbuntong tanan sa loo\P ng ating banal na simbahan, at iyan ay isang katunayan larnang ng kaniyang lakas na pinagsanlaan? Ikaw ay bata pa't rnaigsi ang isip, kaya nga't hindi rno pa rin nalilirip ang pinanggalingan na napakaliit nitong ating Rornang pinakaiibig. Ang rnga rornano'y hindi rno rin alam na sa walang tigil na pagdirigmaan, nasupil ang Asya, Aprika man naman, pati ang Europa at lahat ng baya'y kanilang nakuha sa sariling tapang, na ang mga diyos ang siyang umabay, kaya ngayon sila'y nangagsisigalang. Ang pinanggalingan nitong Romang ito, at ang pandirigma ng tauhan dito, ay hindi kaila at nalalaman ko. Kung gayon, oh, Titong aking minamahal! ay di rin kaila't iyong nalalaman, kung sino nga yaong ating nginalanan na mga Esipyon na pawang matapang,


43 at mga Metelong kinagugulatan, , ang mga Emilio na iginagalang, yaong mga Cesar, mga Pabyong paham, Sila't Kalpurniyo, mga Pompeyo mang nagpahangang lahat sa pananagumpay. TIToAlam na alam ko, ginoo, ang lahat. Kung gayo'y di lingid, iyo ring talastas, ADRIANObakit kinilalang diyos na mataas iyang si Jupiter, na siyang nagbigay ng di maiulat na mga tagumpay. Isang kabulagan ng isip na sawi! Bakit sampung mga bayani'y namali? Ako ay bata pa't walang dilidili, TITonguni't ang ama ko, kapag pumarini, at iibigin mo'y siyang magsasabi, upang sa mall mo'y di ka manatill. Ama mo't ikaw ma'y di ko kailangan ADRIANOkung ang pananalig ang pag-uusapan. Ang I\ais ko, Tito路 ay pagsunod lamang. Kung sa pagsunod po sa trono'y asahan, nguni't ill sa lahat ng sa ami'y bawal. Alin-alin iyon? ADRIANOAng S1 J ove'y sundin. TIToNag-iinggitan ba ang bathala natin? ADRIANOMay Diyos pong isang walang kamatayan, TIToat siya sa gayo'y nag-iisa lamang. Iyan pong si Jove, sakaling nabuhay. ay mamamatay rin pagdating ng araw. Tunay, nguni't siya'y wala na ring hanggan, ADRIANOkaya nga't mataas sa boong nilalang. Sino ang gumawa? Makapangyarihan? TIToKausap mo ako'y di ka natatakot ADRIANOsa paghihiganti kung ako'y mapoot? Ang ulo mo'y aking maipapupugot, iniisip mo bang hindi mapuputol iyang iyong liig nang wala kang habol? At ako, Adriano, dito'y nakahanda! TIToAko sa galit mo'y hindi magwawala" magagawa ko ma'y di ko ninanasa. Inihahandog ko yaring aking ulo, kung maiibigan, sa mga kawal mo; at ikaw mang iyan, mahal na Adriano, gahakin mo na rin ngayon ang puso ko.


44 Buksan mo ang aking murang mga ugat, dugo ko'y ibuhos kung siyang marapat, sa lupaing 路itong nasa-iyong yapak! Nguni at hindi mo dapat na isiping itong aking noo'y iyuyuko ko rin sa h<:\,rap ng iyong sinasambang haling. Ikaw nga po lamang, mahal na Ginoo, ang sadyang matapat na iniibig ko, (Ti tingin sa langit}

ADRIANO-

dahilan sa iyo'y mamamatay ako. Pansinin mo ngayon ang aking totoong (Kay Adriano)panalig sa Diyos ng mabuting tao: Kahit sa dantaon na darating dito. Nang dahil sa iyong dalang kabataan, ikaw ngayo'y aking pagpaparayaan sa nagagawa mong mga kasalanan. Mabulfay ka Tito't roaaari naman; at baka sakaling dumating ang araw na ikaw, sa Kode'y akapangyarihan! Si Jove ary iyong dapat panaligan, mga gantimpala, mga kayamanan ay bibigyan kita, dapat mong asahan. Ginoo, mara:ming mar ami po iyan. Ang akin pong nais na sana'y makamtan ay ang gantimpala niyong kalangitan, yamang ang sa' lupa'y di ko kailangan. Aking sinasamba ang Diyos na tunay, na siyang sa aki'y makapagbibigay ng yaman, ng lahat na kalwalhatian, kaya hinding-hindi kit a tatanggapan ng kahit na ana sa kay Joveng ngalan: siya ay hindi ko mabibigyang-galang. Nguni't nangako kang magtapat sa trono. Inuulit ko pong ipinangako ko; Narito si Tito na ang ninanais ay -sundin ang lahat ng kaibig-ibig na . ipinamalas sa buong daigdig ng kaniyang amang tapat at masugid. Narito po akong nakahanda pa ring sundin ang lahat ng iyong iibigin. Kahimanawari ay maipakita ' I

TITo-

ADRIANO-

TITo-


45

.ADRIANO-

TIToADRIANO-

TITo-

ADRIANO-

'TITo-

ang mga nalabi sa aking sandatang dugo ng kalaban sa pakikibaka! At gaya ng aking amang sinisinta' dito sa dibdib ko, pilat ay makita . At bakit hindi ka manumpa sa akin? Ayaw mong ang diyos namin ay sambahin? Pagka't ayaw mayag ang Bathala namin. Ikaw ay kawal ko, dapat mong alamin, gaya ko rin naman sa aming Jupiter; kaya dahil dito'y dapat mong tanggapin na kung ako'y kanya, ikaw ma'y gayon din. Ginoo, iyan po'y di ko maaamin, at ikaw man nama'y hindi mo gagawin. Si Jupiter mo po'y huwag nang sabihin, sapagka't hindi ko siya sasambahin. Ako po ay handang ulo ko'y pugutin kung siyang ibig mo at mamabutihin. M,abuti kung gayon. Buong paghihirap ang amatayan mong ngayo'y matatanggap, yayamang sa iyo'y siyang nararapat. At ang'ruga diyos nama'y di maglikat sa kanilang poot, at nang ikasindak ng baliw mong amang may pusong matigas. Sa madaling sabi, ikaw ay magsaysay: mga gantimpala 0 ang kamatayan ang siya mong ibig na ngayo'y makamtan? AIin sa puso mo ang sadyang magaan? Ang iniibig ko'y ang Diyos na tunay, at di ako dapat na mahintakutan, o kaya'y umibig 's a ano mang bagay maliban sa Diyos, sa Diyos nga lamang. Datapwa't sa iyo'y mahal ang ama mo? Minamahal ko nga't iyan po'y totoo, kaya kung sakaling mamamatay ako'y tapat na mamatay dahil sa Diyos ko, kasama ang aking amang masaklolo. At doon sa langit ng kapayapaa'y magsasama kami magpakailan man. Naito ang aking tanging kasagutan; si J ove'y diyos mong walang kabuluhan, kaya siya'y di ko mapauunlakan: ang tunay na Diyos ay iisa lamang.


46 ADRIANO-

Halika, Cornelio't siya'y iyong dalhin sa kaniyang ama; nguni't kausapin na munang mahuti saka ulinigin. Tungkol sa kanilang buhay, suliranin, walang-wala ako ni munting pag-asa, ni kaparaanang sukat iligaya, kung ang ama niya'y di mo makukuha; at pagkatapos mo'y hihintayin kita, sa aking tanggapan tayo magkikita. TAGPONG

IV

(Si Cornelio at si Tito lamang)

CORNELIOTIToCORNELIO-

Iligtas ka sana oh, Tito, ni Jove! Ang aking pag-asa'y Diyos na sarili. Ang diyos na lalong maiibigan mo ay siyang magaling, mabuti kong Tito, nguni't ba~it tila nababalisa ka a:Ko'y kaibigan ng mahal mong ama. Ay, Tito, ang iyong panganib ay aking kin at takutan. At isang damdamin kung ikaw'y mamatay.

TITD-

Ikaw'y natatakot sa kamatayan ko, na siya kong lugod. Ang sa ganang aki'y pag-asang matamis, ay hindi mo dapat na ipaghinagpis. Linawan' mo sana itong pag-uusap, pagka't yaring puso'y lubhang nagagalak sa pagmamahal ko sa iyo nang tapat. Palagi na akong nais mapagbigyan niyang si Adriano ng kahit anum an. Ililigtas kit a kung ibig rno naman. Cornelio, di mo na dapat gawin iyan, kung dahil sa akin, at ang kalangita'y rnagpala sa iyo sana hanggang buhay, dahil sa pag-ibig na sa ami'y laan.

CORNELIO-

TITo-

CORNELIOTITD-

Hindi ka ba tak6t sa galit na taglay, niyang si Adrianong ating parnunuan? Hindi't si Adriano'y kamatayan lamang ang siyang sa akin ay maibibigay, nguni't ang hangad ko'y 's adyang kamatayan. Paanong ibig rnong siya'y katakutan?


47 CORNELIO-

TITo-

CORNELIO-

Karapat-dapat kang nagbuhat sa angkan ng mga ninunong bayani't matapang! At sa iyong puso'y aking namamasdan ang tigas ng iyong mga pinagmulang mga mandirigma, na pawang marangal; aking pinupuri iyang katiningan ng puso mong bata, at ang katibayan sa dinidiyos mong pin'a g-uukulan; at dapat na kamtin ang kalwalhatian ng taong malakas, pangahas, matapang, Ang payo mo'y aking pinapupurihan, nguni't hindi wasto ang iyong katwiran; ako ay susunod, nguni't sumisinsay sa mga kuro mo. Sa ama kong mahal ako ay babalik, baM naghihintay. Naito na siya't kita ay iiwan. TAG~ONG

v

Si Eustaquio at si Tito, nagsasarili)

TlToEUSTAQUIo-

Trro-

EUSTAQUIO-

TITo-

EUSTAQUIO-

TITO-

EUSTAQUIO-

TITo-

Amang minamahal! Anak ko, ay ano? Bakit mo kasama iyang si Cornelio? Saka, bakit ikaw'y naglalakad dito? Ama- ang lahat na ay sasabihin ko. Ako ay tinawag ni Metelo rito, saka binayaan kami ni Adriano. Kayo ni Adriano, nag-iisa ka ba? Hindi, at si Kristo ay aking kasama: Ang pangalan niyang kamahal-mahalan ay aking tinawag nang pakiharapan iyong emperador. Mahal na lumalang, ang puso po niya'y iyong subaybayan sa sungit ng landas na nilalakaran! Ako ay tinanong kung bakit daw ikaw ay ayaw pumayag na makipag-alay sa kanilang Joveng makapangyarihan; at aking sinagot: ang iyong tagumpay ay utang sa Diyos ng kakristyanuhan. At ana ang kanyang naging kasagutan? Sinikap na ako'y sumamba't gumalang sa kanilang J oveng walang katuturan,


48

EUSTAQUIO-

TITO-

EUSTAQUIO-

TITo-

EUSTAQUIO-

iyang tila haring pinangingilagan, at saka sinabi ang mga pangalan ng kanilang diyos na matatawagan. Ako'y di pumayag, kay a binantaang kung magkakagayon ay ipapapatay. At ako'y masayang aking hinihintay, bagama't ang tanging naging kalungkutan ay di ka maya'k ap bago man mamatay, upang ang huli kong hininga'y ibigay. Ngayon sana'y di na kulang-palad ako't sa pamamagitan ng pagdalangin mo, ay ang Diyos natin ang siyang saklolo. Huwag nawang mayag si Hesus na mahal, na di ka mayakap bago maghiwalay. Wala na ba siyang ibig na malaman? Sa huli, anak ko, ikaw'y binayaang ligtas sa panganib ng Adrianong iyan? T,ingnan mo ama kong pinakaiibig may palagay akong ikaw'y nag-iisip at mayroon ka ring ikinagagalit. Natatakot akong ang sala ko'y pilit na siyang humadla g sa aking pagpanhik sa banal na lugar, sa masayang langit, na siyang tahanan ng ligayang nais, at walang anumang masasabing sakit â&#x20AC;˘.â&#x20AC;˘ Huwag kang matakot, kay Hesus ihandog ang bU~ mong buhay, ang tapat mong loob, dahil sa' ama mong nagsisising lubos. Marapatin nawa ng Diyos ang aking murang pag-aalay. Aking napapansin amang tila ikaw ngayo'y naninimdim, sa mga pisngi mo'y luhang walang tigil ang namamalisbis na puna ng lagim? Saksi ko ang langit na kagalang-galang, na ako'y humarap nang lubos na tapang sa haring Adriano. Ang aking pandamdam, ang aking gun ita ang bumabalisa dini 's a puso ko sa pag-aalala niyong mga taon na nakalipas na, nang ako'y naaring mapasamba nila sa kanilang maling pagsampalataya.


49 Gabing sakdal dilim, gabing sakdal sungit, na siyang sa Roma'y malaong tumakip. At ako man naman, ako ay sumunod, at pati ulo ko'y kusang iniyukod. Oh, Diyos na banal, ako'y patawarin sa di ko malamang naging pagtatakwil, samantala'y iyong maamong tanggapin yaring aking puso na nagbago na rin. Patawarin, Diyos, akong walang malay na sa aking ama'y kusang nakibagay, yamang ako noo'y nasa-kadiliman. Ikaw rin ang siyang sa ami'y nangaral, at 's inabi mo pang may kapatawaran ang nangagkasalang nagsisisi naman, ang isang paglimot na wala nang hanggan ang ipapahid mo sa matang luhaan. TITOHinihintay ko rin, amang minamahal, na yaong si Kristong lubos-kabutiha'y tatanggap sa akin sa kalwalhatian yam a g siya na rin ang sadyang nagbigay ng isattg pag-asang ahimik at tunay sa pusong kristyano't walang-walang malay. I EUSTAQUIOKabanal-banalan niyang kalooban nawa ang maghari sa kanitang buhay. Baka si Adriano'y walang hinihintay kundi isuko ko yaring katapatan . . Datapwa't sa Diyos at sa pananalig, itong si Eustaquio'y di matitigatig. IKATLONG YUGTO TAGPONG I (Si Flavio at si Claudio)

FLAVIO-

006701- 4

Ay, Claudio, di mo lamang nalalaman ang tinik na itong sa dibdib ko'y subyang! Isinusuyo kong ako'y pagpayuhan upang sa dibdib ko'y malay6ng tahasan ang kasindak-stndak na mga labanang tila nagbabala sa ama kong hirang. Dapat mong matalos na ama: ko'y buhay, at nasasa-Roma; imbing kamatayan ang laging sa kanya'y waring naghihintay. Oh, mga diyos ko! Siya'y saklolohan!


50 CLAUDIO-

FLAVIO-

Ano angsabi mo? Salamat na lamang at iyong nakita ang ama mong mahal na hanap saan mang mga karagatan! Langit! Saan ngayon dapat kong mamasdan? Kaipala'y di mo mapananaligan, siya'y si Eustaquio, ang ama kong tunay, at ako ang kanyang anak na minahal. Ano ang payo mo? Sabihin ko kaya na ako ang kanyang c:nak na nawala, o kaya'y iwasa't ilihim ko na nga? Alam na ng lahat na siya'y kristyano, at ito man nama'y alam ni Adriano. Mamamatay siyang natatalastas ko. Oh, kawawang ama, nangangamba ako! Ako'y maligaya, sapagka't magiting, mandirigmang tunay ang ama kong giliw. Nguni't ako nama'y kulang-palad pa rin dahil sa panganib na siya ang dahil. Pati buhay niya'y nasusubo mandin: kasawiang tanging kalupit-lupitan bakit ko'y iyong l?inahihirapan? Di ko atitiis ang bigat ng kamay? Nguni't ay! kung siya'y sakaling mamatay; si Adriano nawa'y huwag mapilitan! Saka, mabuti bang siyang matagumpay sa pakikidigma, ngayo'y mahatulan, ay gayong ang kanyang dugo'y ibinigay upang ipagtanggol itong kaharian? At mabuti kayang isang haring mahal pati kay Eustaquio'y gumanti nang ganyan? Hindi. At si Tito'y kapatid kong tunay! Umaangil ngayon sa dibdib kong tapat ang unos na tila sa ami'y uutas! Sa halip na maging isang katuwaan ay dusang mapa it ang nararamdaman na sa aking puso'y tila sumasagpang. Bakit kaya ama, mahel! kong magulang ~anito ang hirap na sa aki'y bigay? Hindi baga kita sadyang minamahal? Ikaw baga kaya'y ginalit ko naman? At sabihin mo nga, oh, Titong mabagsik, kung ikaw ay aking munti ma'y ginalit upang magkristyano, ikaw na mabait?


51

CLAUDIO-

FLAVIO-

CLAUDIO-

Asahan ko kayang sakaling malaman ni Eustaquiong ako'y anak niyang hirang路 si Jove ay kanyang paniniwalaan? Siya sana'y aking mailigtas ngayon, nguni't di makita kung saan naroon. Claudio, oh, diyos naming mapag-ampon, kayo lang ang aking dapat makatulong; kaibigan, ana ang payo mong tugon dini sa puso kong tigib ng linggatong? Ana ang nais mong sa iyo'y turingan? Natitiyak mo ba yaong katunayan na ikaw ay hindi naman nalilinlang kung alalahanin ang tanang nagdaan? Pakinggan mo, Claudio, ikaw na nga mandin ang makatataya kung aking sabihin sa iyo kung siya'y kilala ko pa r in. Magugunita rna kung alalahaning sa tabi ng isang ilog na madilim, nang ang isang gubat ay lampasan namin, ako'y ahiwalay sa ama kong giliw? Naaaiaia mong ang gulang ko noon ay di pa hihigit sa lilimang taon? Kung gayon, Claudio, dapat mong malamang ito rin ang sabi ni Eustaquiong minsan kay Fausto, tungkol sa anak na hirang; sa aki'y sinabi ito ni Fausto't ako'y naniwala sa bagay na ito: ang kanilang tap at na pagsasamahan, mga pangyayari at mga talaan tungkol sa ama ko'y walang alinlangan. Sa pag-aalala sa- nagdaang buhay, pati na kay Tito'y nasabi rin niya. Ako naman kaya'y mag-alinlangan pa tungkol sa ganitong malaking pag-asa, na siyang ninila sa dibdib ko twina? Kung tunay ang sabi ni Faustong laha-t, at gayon din siya, ikaw nga ay anak na walang pagsala. Datapwa't si Tito ngayo'y inaagaw ang kaligtasan mo. Natatalastas kong ang mga pag-ibig ay nangagigising sa tapat mong dibdib upang bakahin ka; ikaw ay makinig:


52

FLAVIo--

CLAUDIO-

Ang nais ko sana, ikaw'y magtagumpay sa iyong sarili upang matuluyan ang pagtatago mo. Dito lamang, Flavio nababatay路 ngayon ang kaligtasan mo. Inaasahan kong pati si Eustaquio, kung kanyang malamang ikaw'y naririto, ay nanaisin ding tapata't totoo na siya'y mabuhay nang dahil sa iyo. Dapat mong sikapin na kanyang malaman na ang kanyang hirang na anak ay buhay, at dito sa Roma nakikipamayan: kay a nga ang dapat ay kanyang igalang ang kay Adrianong mga kautusan; sa gayong paraa'y matutupad naman ang pagkakakita sa anak na mahal; siya'y kukulangin, marahil, ng lakas upanding mapasan ang gayong kabigat ng. mga pagsu bok dahilan sa anak. Sa路 kanya'y gagapi ang lahat nang iyan, upang magmalambo , at sa katapusa'y suma ba na tuloy a sinasambahang diyos ni Adriano; sa gayong paraa'y maliligtas siya at ikaw man naman. Ang kaluluwa ko, ang payo ay iyan. Claudio! Ang bigat ng payo mo naman, bato at patalim ay ganyan na lamang! Pano ang ibig mong aking maitagong ako'y kanyang anak? Di mo nahuhulong akong kanyang anak, wala namang lalong kakayahan upang aking maigupo ang paniniwalang mahal akong bunso, sa gayong alam kong siya'y sumusuyo lamang upang ako'y kanyang makatagpo? At hindi na ako, ang pag-ibig niya'y hindi na papayag, bilang aking ama, na ako'y hindi na muli pang makita, sa kabila niyang panganib na dala? Ang kapanganiban niya kahit ano'y dapat na harapin ng pagmamahal mo upang mailigtas ang ama mo rito. Ako'y kasama mo sa ganitong laban na dapat harapin ng nagmamahalan.


53

FLAVIO-

CLAUDIO-

Ang pag-ibig lamang ang siyang tatalo sa pusong marangal niyong si Eustaquio, iyan ang pag-asa ng abang puso ko. Ako'y maghahanda't akin nang susundin ang pagpapayo mo, Claudio, sa akin, kahit anong hirap ang aking abutin, maging malupit ma'y aking titiisin, kung siya mong ibig. Kung ayaw sumunod at magpapakita ng tigas ng loob, sabihin mo, Claudio, sabihin mo sana ang hangga ng aking hapis na pag-asa Hindi ako tak6t. At ito ay tiyak; buhayin ang loob. Tipunin ang lakas. Haya't paparito ang ama mong mahal, at sa gawing ito pilit na daratal. TAGPONG II

(Si Eustaquio at ang mga dinatnan) EUSTAQUIO-

FLAVIOCLAUDIO-

EUSTAQUIO-

FLAVIO-

Ito na marahil a g panghuling araw Lama g ang nais ko路 kayo ay mamasdan. Ano po ba ngayo ang sabi mo naman? Iyan ay hindi ko kinatatakutan, sa lunsod na ito'y nariritong tanan ang lahat ng dating iyong kasamahan, ang mga alipin, ang lahat, nariyan. Ano ang nais mong dapat magampanan, bakit ang ibig mo'y mahirapang tunay? Ano ang sa iyo'y tila pumipilit na huwag sumunod sa utos at nais ni Adriano ngayon? N akilala kita na lubhang maingat, nguni't bakit tila ikaw'y may gagawing di ko makilala? Claudio, kung ako'y may sariling isip, di ko dapat sundin ang kanyang maibig, ikamatay ko man sa gitna ng sakit. At mabuti baga ang ikaw'y lumaban kay Cesar, sa Roma, sa "dioses" na tanang umaampong lagi sa sangkatauhan? Hindi mo ba ibig ang magpakasakit, at di natatakot kay Adrianong galit? Patawarin ako, mahal kong Heneral .


54

EUSTAQUlO-

Ang palamuti rno'y rnga karunungan, rnasasabi nating hindi karangyaan, at ibig rno bagang ikaw ay tanawing parang isang anak na wala rnang turing pati kay Jupiter na bathala natin, isang rnapanlabag, na ayaw rnong sundin utos ni Adriano't laban sa iyo rin? At ibig rno bagang sabihin sa iyo, yaong kasaysayang pati kay Fausto ay buong pighating ipinagtapat rno? At hindi rno kay a naman dinaramdam ang rnga nangyaring iyong kasawian dahil sa pagsarnba sa diyos na iyan, n a hindi kilala sa Rorna't saanrnan? N ailigtas ka ba sa par usang bigay niyong si Jupiter n a turnutugaygay? Pati rninana rnong rnga kayamana'y nawala at sukat, at pinarusahang ikaw ay lumayas sa sariling bay an; at ikaw'y naggala sa bukid, sa parang, na ang t nging dala ay araro larnang; nagbungkal ng lupa't ang ani'y handog lang sa lahat ng taong nagsisipagdaan, sarnantalang iyong araro rnong bakal, hinihila-hila ng baka rnong taglay. At saka, sa aki'y hindi rin kailang may rnahal kang anak na biglang nawala Sukat na, oh, Flavio! Sukat na, sukat na! Ano't pati gayo'y binabanggit rno pa, sa hirap at lungkot niring sawing am a, na higit sa lahat ng ibang parusa? Iniibig rno bang sa aki'y rnaglupit, akong isang arnang sa iyo'y ninibig, na para kang anak at tapat na kabig? Datapwa't ang ngalan rno lamang sa路 aki'y isa nang alala ng anak kong giliw. Nguni't alamin rno na hindi parusa niyang rnga diyos na iyong kilala iyang kasawiang ip in <1gdurusa. Ikaw, oh, Diyos ko, Hesukristong rnahal, (sa langit) ito'y parusa rno sa mga nagdaang pagkakasala ko, noong ako'y hibang


55

FLAVIO-

na hindi ki1a1a ang iyong ka1akhan; bagama't sa iyong mga kagalita'y naging mabuti ka magpakai1anman sa kaliitan ko't aking kamangmangan. Ako nga'y namali't nakisamba naman sa di wastong diyos nang nagdaang araw. Di ko ikukubli yaong kamalian, na sadyang yumakap sa kanyang tuntunin, banging punung-puno ng u1ap at dilim. Sa gayo'y naawa ang Diyos sa akin, at ipinakita sa akin ang ningning ng kanyang liwanag; at ako'y taimtim na sadyang yumakap sa kanyang tuntunin, matapos na kanyang pagpunit-punitin ang 1ambong na iyong wa1ang kasing-itim. At Siya, sa huli'y nakilala ko rin, kay a binago ko ang uga1ing linsil, ang 1ahat at bawa't angking kayamanan hayupan, bukirin at matabang parang, mga minana kong pinag-aaniha'y ina1is na 1ahat ng Diyos na maha1. Ako'y l1lag1agalag ng mahabang araw, ma1ayo sa Romang aking pinagmulan. Saka isang anak, na siya kong ilaw, aanim na taon ang tag1ay na gulang, doon sa kabi1ang malayong pasigan, -masaklap isipin-doon ko iniwan, sa nasang 1anguyin ang i1ug-ilugan, at sa mga agos, ako ay natangay, at iyong anak ko'y di masak1010han. Ano nga at aking gugunitain pa ang anak na iyong pinakasisinta, kung ang Diyos nama'y nagdudumali na upang Siya'y aking sa 1angit makita, yamang ako'y do on kukupkupin Niya? Ang anak na iyang ang isip mo'y patay, ay sasabihin kong hindi, pagka't buhay at nasasa-Roma. Siya ang nagsaysay sa amin ng iyong dito'y inuusa1; na siya'y anak mo, wa1ang alin1angan; nagligtas sa kanya'y isang pastol naman, sa1amat sa 100b ng Diyos na tunay.


56 Flavio rin ang kanyang sa riling pangalan, at siya'y kilala naming kasamahan; kung siya'y nais mong makita pang minsan, ikaw ay maghandog sa "dioses" na tanan ng mga dalanging batbat ng paggalang. EUSTAQUIONagsasabi ka ba ng katotohanan? Buhay ang anak kong pinakamamahal? Kilala mo siya? Ikaw kaya naman ay maaari kong mapaniwalaan? CLAUDIONagsasabi siya sa iyo ng tunay, na siya'y anak mo, kung nagsabi lamang ng tapat si Fausto ng iyong salaysay. EUSTAQUIOMaawaing Diyos! Narinig ko'y ano? Kalangitan, ako'y saklolohan ninyo! Buhay palยง, siya, ang anak ko'y buhay; saan naroroon, mga minamahal? AJing dako kay a ang kanyang hantungan, diyat~'t narito ang anak kong hirang? FLAVIoMagpakasakit ka 't kay Jove ialay, hahan pin namin s iya kahit saan; sakaling Il').alinsil ail1g kaparusahang sa iyo ay sadyang ibig na ipataw. Pano ang ibig mong muling masilayan ang nawalang anak na pinakamahal? EUSTAQUIOAng nais ko sana'y magkasama kami, sa kamatayan man, 0 sa pagkaapi, kung siya'y nahubog sa kristyanong buti Marahil, wika ko'y sumasamba na rin siya kay Jupiter, na isang salarin, at nakalimutan sampung diw a naming patungkol sa Diyos ng aming paggiliw. F'LAVIOSiya ay sumumpa't nangako sa akin, na magpapatuloy, at kanyang susundin ang diyos na pawang minamahal namin , yamang itong Roma'y nagpaparangal din sa kanilang lahat, saanman dumating. At alang-alang din sa aming pagsinta, kami ay nangakong di ipakikita sa iyo, Eustaquio, ang anak mong isa, kung ikaw, sakali, ay hindi sasamba sa aming diyoses upang maligtas ka, at siya man naman, nang walang balisa.


57 EUSTAQUIO-

Ay! mga katoto't aking kaibigan, kung talos lang ninyo itong pagdaramdam ng aba kong puso路 kahit na kayo man ay maaawa rin sa aba kong buhay . . . Kayo ay maawa kahit na miminsan .. FLAVIOKami'y nahahabag sa iyo, kaya nga ngayo'y nagtatago ang anak mong mutya, na pati sa ami'y ayaw pahalata. EUSTAQUIOMga kaibigan, iya'y hindi awa sa isang magulang na nagdaralita. FLAVIoWala ka ring habag sa anak mong mutya. EUSTAQUIoSa inyong pag-ibig ay hihigit ako, kung tungkol sa kanya, sapagka't anak ko. Inaasahan kong gaya rin ng dati'y mabuting ugali, magandang lalaki, gaya nang bata pang nasa-aking tabi. Hangga ngayon nama'y gay a rin ng dati, FLAVIong ni't iligtas mo ang iyong sarili't siya'y ligtas na ring aking masasabi, gayon din si Tito, na sadyang mabuti. EUSTAQUIOKailanman kami'y walang kaligtasan pag hin,di lumayo sa ganitong lagay, at di ihahandog sa Diyos na tunay ang aming pagsamba, pati aming buhay Nguni't, ano ito? CLAUDIOPakiusap, ginoo. FLAVIOTAGPONG III (Si

ADRIANO-

ADRIANO,

si

CORNELIO

at iba pa)

Kayo'y umalis na't si Eustaquio'y iwan! (Kay Flavio at Claudio) Cornelio, tingnan mo iring kalagayan, na dito sa Roma, ang mapagtagumpay, ayaw kay Jupiter ng anumang alay. CORNELIOAwa mo, Ginoo'y aking nalalaman, gayon din ang kanyang naging kasalanan. EUSTAQUIOWala akong sala't walang kamalian sa ibig magkait ng kapatawaran. Tupdin roo ang utos, si J ove'y alayan ADRlANOng mabangong usok ng mga kamanyang. EUSTAQUIOKung kasalanan ko ang tanggihan iyan, sang-ayon sa batas ninyo'y ipapatay. Inaakala kong mahaba nang buhay


58 ang dinaanan ko, ang nais ko naman, sa kabila niyang mga kahirapan, sana'y matahimik, at magpahingalay. Kaya tanging-tanging patalim mo lamang aug siyang sa aki'y makapagbibigay. Sa boong buhay ko, sa tronong marangal, pagsuong sa digma'y aking nagampanan; sa lahat ng digma't sa kapayapaan, sa patalim ako'y humandang mamatay na hindi natakot, walang kapaguran. Kaya kung sa lahat ng mga digmaan, si Trahano't Tito ang naging dahilan ng pagsusubo ko ng sariling buhay, sa pakikihamok sa mga larangang pinagbuwalan ko sa mga kalaban; kung pati ng aking naging mga sugat ay dugong malinis ang ipinagdanak, sa labanang iyon na aking hinarap, at pinanalunan nang lubusa't ganap, ay isinumpa ko sa Diyos na tapat, walang h nggang Diyos, na higit sa lahat, na gagamitin ko ang lahat ng lakas, pati ang dugo ko'y ibububong wagas, nang dahil sa kanya, ako ma'y mautas. Ginoo, nasaan si Titong marahas na pinaglingkuran ng aking matalas na mga patalim sa pakikilamas, noong mga ta6ng k:Wdaling lumipas? Emperador, hari-Augustong marangal, si Trahano kaya, ngayon ay nasaan, kastilang ako pa, sa kinatapunan, ang siyang pinili upang mapipilan yaong mga Partos na naging kalaban, upang makalabas sa may Lasyong bayan, na taglay ang dating mga kagilasan, upang mairaos pati paglalakbay sa lalong mahirap na pinagdaanan, tahakin ang init sa kabuhanginan, at sa mga lupang di-matatahanan. Aking isinubo ang sariling buhay sa lalong malupit na mga digmaan, at ngayon, Ginoo, ang lahat, nasaan?


59 Ako kay a ngayo'y makapaghihintay ng kahit na anong gantimpala't suhay o isang saklolo sa panghihimagal? At ikaw, Ginoong aking natagpuang narito sa Roma't tagamanang tunay niyong si Trahano sa kanyang kalakhan, si Trahanong siyang aking dinadalhan niyong mga haring mangmang at talunan, na balot ng bakal ang buong katawan; pati na ng lahat niyong mga bayan na hindi kilala itong kaharian ng agilang-Roma, at namumuwisan nang mapakumbaba, sapagka't talunan at nangapipiit ng kapangyarihan, ano naman kaya ang maibibigay sa- akin mo ngayon, sa daratning buhay, isang pangangakong aking mahihintay? buhay ko'y maigsi, at kapanatagan ang siya kong hanap na inaasahan. Mabibigyan mo ba kaya a 0 naman niyong gant" palang lubos na kabagay ng paglilingkod. ko sa trono mong iyan? Pagpapakasakit at mga kamanyang, na siyang sa aki'y parang lait naman, ang nais mo baga na aking ialay sa iyong Jupiter? Ayaw ako niyan. Diyos ang sa aki'y siyang maglalaan niyong gantimpalang walang katapusan, sa wala ring hanggang kanyang kataasan. Panong sasambitin sa iyong simbahan ng mga labi ko, sa pananawagan, sa iyang diyos mo'y walang katuturan sa laot ng aking pakikipaglaban at minsan ma'y hindi niya nasuhayan? Ang Diyos ko'y siyang aking tinawagan, nang sandaling iyon ng pagdirigmaan, at ako, noon din, ay sinaklolohan, kasama sa- digmang Partos ang kalaban; saanman dumating, ako'y nagtagumpay, saanman paroo'y namamaibabaw ang pananalo kong hindi nababalam, at sila'y natalo sa kanyang pangalan!


60 Sa kanya nga lamang dapat kong ialay ang lahat ng aking mabangong kamanyang, maging saang dako, sa Kapitolyo man, kung hindi rin Siya't si Jupiter lamang ay dudustain ko't pawawalang-saysay. AnRIANOAt sino bang diyos ang iniisip mo? Talastas mo naman na ang gayong tao'y siyang hinatulan niyong mga hudyo't tinanghal na patay doon sa Kalbaryo! EUSTAQUIODi mo matatalos ang ganitong bagay, na Siya ay tila taong karaniwan, kung sa iyong dibdib na nadidiliman, ay di naglalagos ang magandang ilaw. Nguni't hindi mo ba kay a nalalamang ipinaghiganti ang Kanyang pangalan noong Diyos naming walang katapusan, sa mga ebreong kahirap-hirapan, aya nga't sa gayon, itong sanlibuta'y umapaw sa sindak na di magkamayaw. At saka, Ginoo, kung di mo talastas, ay s abihin ko sa iyo nang tapat, na kawal din natin, kaming lahat-lahat, sa gayong higanti na naglalagablab sa sukdulang ngitngit, ang siyang gumanap. Alalahanin mo, Ginoong marangal, ang nangyari noon sa pagdirigmaan, na siyang nagbunga ng kahambal-hambal na pagkakaubos niyong kaharian . . . Mga hudyo-isang yuta't isang angaw ang mga nasawing doon ay namatay; sa gutom ang iba't marami'y sa sundang, at yao'y sinila ng mga halimaw. Sa ngitngit na yaon ng banal na langit, maraming namatay ang nagsipanalig; ang tao ring iyan, si Kristo nga nami'y siyang nagbabala niyong aabutin. Ikaw at si Tito路 ako'y kasama na, nang di malilimot na pakikibaka . Hindi isang lupit ng rornanong bayan, kundi halimbawa noong katarungan. ADRIANOYaon ay nangyari nang isang panahon na hindi na natin dapat ipagtanong,


61

EUSTAQUIOAnRIANO-

EUSTAQUIOADRIANO-

EUSTAQUIOADRIANo-

EUSTAQUIO-

ni alalahaning pamuli sa ngayon; isang pandirigmang, sa aking palagay ay makarurungis sa kay Titong ngalan. Ikaw ay romano, at sa Romang hangad na paunlakan mo ang diyoses na lahat. Ako ay Kristyano, at ito ang tapat. Kung gayo'y dapat mong lubos na malamang sang-ayon sa batas ni Trahanong paham, parusa sa iyo'y sadyang kamatayan! Sa hatol na iya'y kasang-ayon ako, kung mamamatay rin pati ang anak ko. Ikaw'y mandirigma, kaya iyong alam, kung panong ang iba'y lalaking namatay, na hindi nasahol sa sariling tapang, at titiisin mo ang gayon ding bagay, na walang tigatig kahit kaunti man. nguni't sa anak mo, ang dugo'y sisigaw, at paghihiganti ang hihingin naman . Iyah ay hm,di ko kinatatakutan, at sa aking anak ako'y mapagmaha1. Ang aking palasyo'~ di mo malilisan, sa nalalabi mong mga ilang araw, maliban kung 'Sadyang ikaw ay mag-alay ng mabangong usok ng piling kamanyang o kung ikaw kaya'y talagang mamatay. Sa mga kawal mo't sa iyo rin naman (kay Cornelio) ihahabilin ko, siya'y pag-ingatan, huwag mo, Corneliong makakaligtaan. Datapwa at ikaw, (kay Eustaquio) dapat kang magnilay at ikaw'y pumili ng payong mahirang sang-ayon sa iyong sariling kalakhan. Ikaw'y yumaon na, at nawa'y magpaHt ng niloloob mo't mga iniisip, sang-ayon sa aking mga ninanais, na dapat matupad nang walang salabid. Kung inaantay mong ako ay mag-iba ng isip sa ngayon, Adriano'y hindi na, lain sa paraang pagahasa tila. Akong si Eustaquio'y di mo makikitang magtatalo-sira sa Bathalang sinta, na siyang tumalo sa tanang kabaka;


62 saka ako nama'y di mo makikita sa mga dambanang inyong sinasamba, maruming dambanang pinagsusuuban dahilan kay Jove ng mga kamanyang. ADRIANOLumigpit ka ngayon at ikaw'y mag-isip, na ang pagsunod mo'y utang mong mahigpit sa akin, Eustaquio, huwag mong ipilit ang mga baliw mong nasa't kaisipan, na laban sa "dioses" at pati kay Sesar dahil 'Sa tapa'llg mo ay mapagbibigyan: Datapwa't kung ikaw'y masugid na tunay ay iyong alaming yaring kabutihan ay kasinlaki rin niring kapoota'll. EUSTAQUIOryan ay hindi ko kinatatakutan, na ikaw'y magalit 0 maging anuman, hindi ko hihinging ako'y kaawaan. ADRIANOMga kawaI, siya ngayon di'y tanuran. EUSTAQUIOH wag kang matakot, di ako tatakas higit s kawal mo, at higit sa lahat, ang tanod ko'y Diyos na lalong mataas. (aalis) TAGPONG

IV

(Si Adriano at si Cornelio)

ADRIANO-

CORNELIO-

ADRIANO-

CORNELIOADRIANO-

(Patangi) Akong si Adriano'y puna ng tagumpay, bulaklak ang putong, trono ang upua'll; nguni't tila ako ay nag-aalangan dahil din sa aking mandirigmang mahal, dapat kay a siyang hatulang mamatay o pawalang-salang aking kahinaan? Hindi ko malaman, mahal na ginoo, kung ana pa kaya ang hinihintay mo, 路n a itong maysala'y hindi ipapatay. Ang kanyang sinabi't mga kasagutan na nag-uumapaw sa kapalaluan, hindi pa ba sapat na makapootan ng isang lalaking gaya mo karangal? Sa lunsod na ito kaya nama'y ilan ang nakatatatap 'Sa diyus-diyusang sinasamba niya't pinakamamahal? Alam na ng lahat ng tao sa lunan. Ang nais ko sana'y huwag mabintangang ako'y walang turing sa kaniyang tapang


63 at pagkamatapat, na siyang dahilan ng paghahari ko sa hirang na bayan. CORNELIO(Galit) Katapatan niya't tapang na di tunay ay nangapapawi sa kapalaluan! Ang mga utos mo'y hindi sinusunod, at patuloy siyang sa Roma'y talikod. Ang mga magulang ng imperyo natin, ang mga romano'y nagtuturing pa rin na dahil kay Jove, siya ay magiting, at kailan pa ma'y di ka tatawaging isang taong hindi marunong magtanim sapagka't ang lahat ay nananalig din sa mabisang diwang lubusan ang ningning ng mga "numenes" na dapat sambahin, at hindi kay Kristong pinakagigiliw niyang si Eustaquiong aayaw kang dinggin Tingnan mo at habang binabalaan mo'y lalo namang hindi matakot sa iyo, samantalang itong Roma'y naghihintay na ipagtanggol mo ang utos na banal ni Trahanong pantas, sa dibdib mo nama'y may alang-alang ka sa "dioses" na tanan. Itong Roma nati'y may pagpapalagay na utang kay Jove ang katiwasayan, siyang nagtatanggol nitong kaharian; kaya buong puso na sunud-sunuran sa "dioses" na ating pinananaligan . . ADRIANOKaya si Eustaquio'y aking binawalang dito sa palasyo'y lumabas minsan man, gayong sa kay Jove sadya niyang utang ay ayaw kilanlin ang kanyang tagumpay. CORNELIOIya'y di gagawin. Nguni't aking alam kung pa'no susundin ang utos mong bigay. AnRIANOPaano? CORNELIODapat mong hatulang mamatay si Tito, sa gayo'y mahihintakutan, yamang tila siya'y ibig mabulagan, at ikaw ay parang tinutuya lamang, sa kanyang pag-asang di mo hahatulan; kaya matatakot kung kanyang mamasdan ang bunga ng iyong mga kapootan. AnRIANOIpapatay ko ba? Gawin mo, kung gayon, ang mga payo mo't ngayon di'y mamatay. (aalis)


64 CORNELIO-

Ang mga payo ko'y di mo nawatasan; nguni't samantala'y aking gagampanan at isasagawa. Kung kanyang mamasdan ang magiging dulo'y mag-uulol naman ang kay Eustaquiong datihang palagay. IKAAPAT NA YUGTO TAGPONG I (Si Cornelio at si Metelo)

CORNELIO-

METELO-

CORNELIO-

METELO-

Wala, wala na ngang dapat maurungan itong si Eustaquiong aking nalalaman, samantalang siya ay binabalaan ni Adriano'y tila nag-uulol naman ang dating matigas niyang kalooban, at tayo ay lalong pinakikitaan sa pananalita, ng kapalaluan at ang diyos natin ay pinupulaan, kay a sinasabing maging kamatayan ni'y'a'y nagluIuwat, pagka't ang dahilan ay 'ang mga taong siyang bumabalam. Da apwa't kUng kanyang sa huli'y malaman na yaong kay Cesar na babala'y tunay, ay h路 di sasalang yaong kamatayang kanyang ninanasa ay katatakutan na masaksihan pa sa katotohanan. K ay Adriano'y aking sinabing tahasang si Tito ay dapat niyang ipapatay; marahil ay iba ang kalalabasan: sasabihin ko rin ang aking palagay sa iyo, ang tunay sa ganitong bagay, kung ako'y magkar'on ng kapanahunan. Hindi ako ngayon dapat na mabaIam: Si Tito ay aking agad ibibigay sa nangagngangalit na mga halimaw, panooring ito ang ibig ng bayan, at maaari pang ang taong lumalang ng ganito'y siyang sa huli'y putungan ng lalong maraming mga karangalan. Pag-asa ng ama, kung wala na't patay ~ hahanaping lalo yaong kamatayan, at magagalit pa kung ipagpaliban . . . N alalaman na ba kaya ni Eustaquio ang nalalapit nang pagpatay kay Tito7'


65 CORNELIO-

Darndarn ko'y hindi pa. Iyang kamatayan, ay nalalarnan kong hindi iiwasan. siya'y kukunin ko sa kanyang piitan, Metelo, at aking paghihigantihan ang kaniyang arna, sa ganyang paraan; ang kanyang rnasugid ngayong pagbabantay, pilit rnabibigo, kung hindi rnaliban. TAGPONG II

(Si

FLAVIo-

CORNELIO-

FLAVIO

at mga datihan)

Cornelio, para rnong awa na sa akin, ay bayaan sanang aking kausapin si Eustaquio ngayon路 sa nakalalagim niyang bilangguan. Di ako tanggapin ng rnga sundalong doo'y nakahimpil. Ang rnapakumbabang iyong hinihiling ay buong lugod kong ngayon ay susundin. An'ta'yin rno lamang na siya ay kunin yamang sa palasyo siya ay dadalhin. Halika. Metelo't samahan rno ako sa pag u'pad nitong utos ni Adriano. TAGPONG III

(Si

FLAVIO-

FiLAVIO

ay nag - iisa)

Lupit ng tadhana, Rornang walang turing! Pinaghihirap rno ang lalong rnagiting na rnandirigma rno sa pagkagupiling, gayong ang buti rno'y siyang naging dahil ng kanyang paglaban saanman dumating. Bakit ang poot rno'y nabuhos sa akin? Bayang walang turing! Bansa ng hilahil . Kung ang mga diyos na huwad, sa turing ay siyang mayhawak nitong palad nating pawang mga taong hahantong sa libing, bakit ang palad ko'y ganito kadilim, lipos ng parusang hindi ko malining? Ibang gantimpala ang dapat kong kamtin! Amang walang palad ng kapatid ko rin! . . Mga luhang tapat, inyong palambutin ang marmol na puso ni Eustaquio namin! Naito na siya: langit na maningning, ikaw ay maawa sa bayaning laing!

00670- 5


66 TAGPONG IV

(Si EUSTAQUIO-

FLAVIG-

EUSTAQUID-

FLAVID-

EUSTAQUIO-

F'LAVIO-

EUSTAQUlO

at si

F'LAVIO)

Narito na ako, Flaviong minamahal Ano ang nais mo't di ka masiyahan? Ang ibig mo yata'y mamatay na tangay pati na si Tito! Saka ngayon nama'y itinatanong mo kung anong dahilan nitong masidhi kong mga kalungkutan? Wala kang tigatig sa iyong isipan! Pati na si Tito'y ibig mong mamatay; gayon din ang lahat ng mga tagumpay na iyong natamo sa mga digrnaan, sa pananalo mo sa mga kalaban! Ang luha'y di dapat sa pusong matapang, datapwa't ang luha'y tum at along tunay sa pusong sintigas ng lantay na bakal. Kung ako'y mahal mo, ay huwag nasaing mag).-lirap ang puso ng amang magiliw! Sa pananahimik ng tagumpay ko rin, baya~g kumita n sariling aliw. Ang iblg ko sana i aw'y makapiling, sumunod sa hakbang na aking gagawin, gaya noong unang sarna mo sa aking iniwawagayway ang bandila natin, kasaliw ng ingay saanman dumating! Kung ikaw'y sumamang humanap ng lunan, dapat kang surnama sa akin saanman . . . Ngayong ang tungo ko'y sa wala nang hanggan. Pag-ibig sa iyo'y pag-ibig ng anak, na sa aking puso'y lubos at matapat. Ibig mo bang ako'y kasarnang rnautas? Huwag mong sabihing ako'y minamahal, pagka't ang sakit ko'y lalong surnasasal, samantalang ikaw'y aking minamasdan na wala pang isang kabutihang tunay Huwag mong ilingid at balatkayuan ang isang pag-ibig na di dinaramdam. Di ako, ginoo, nagbabalatkayo, si Jupiter na rin ang saksi ng puso, na naglalagablab sa wag as na suyo. Nguni't kung kayo ma'y di na naaawa sa inyong sarili'y walang magagawaj lamang ay si Tito, na bata pang bata,


67

EUSTAQUIO-

FLAVIO-

EUSTAQUIO-

ay mamamatay rin na hindi kaila. dahilan sa inyong malupit na nasa. At mamamatay rin ang inyong panganay, na kung ibig ninyo'y aking ililitaw. Datapwa't nang huwag na ninyong matanaw, ay itatago ko. Hindi pagmamahal, oh! hindi, sapagka't pahirap ang ganyan, pahirap na kayo, kayo ang lumalang, upang ang puso ko'y inyong parushan. Di lihim sa akin ang katapangan mo, ikaw'y maawai't kinikilala ko. Hindi panlilinlang, di mo pa kUala ang pagmamahal ko sa iyong talaga. Nguni't sabihin mo, ang nais mo baga'y mamatay na di man lang nakikita siyang iyohg anak, na sadyang mahal ka, upang magpaalam man lamang sa kanya ? Kung kaming dalawa'y iyong minamahal, ay ip malas mo't iyong mamamasdan ngayon din ang aking mga kaisipan . . . Lurnul ,ha ka ba? . .. Ano't tila ikaw ay nagtatalikod ng rnukha kung saan? . Amang minamahal, dini sa dibdib ko, ikaw'y namumugad. Ako ay si Flavio! Akong nagtitiis ng madlang ligamgarn! Bayaan kung ibig na ako'y rnamatay, o mabuhay kay a kung ibig rno narnan, Eustaquio huwag rno akong bayaan! . . . Kung ibig mong ako'y maligtas, mabuhay aalis na ako na nasisiyahan . . . Si Tito ay aking kapatid na tunay, hayo na't sa kanya ako ay samahan~ siya ay akin ding kinasasabikang mayakap, yayarnang aking namarnalas na iyang puso mo'y sukdulan ng tigas Sino kaya, Diyos, ang makaaalam ng kalooban mong hindi mahulaan? Narito't nabalik ang anak kong mahal, salamat sa iyong awang walang hanggan, nguni't Panginoon, siya, nabalik man, ihatid mo sana sa mabuting hakbang upang magtamasa niyong kalangitan.


68

FLAVIa-

E U STA QU IO-

FLAVIOEUSTAQUIO-

Palitan mo sana ang kanyang damdamin nang siya ay iyong maging anak na rin. Pati na mukha mo'y nagpapaalala sa lahat ng aking mga sinisinta. Oh, ama ko, ngayong makita na kita'y saka mawawaglit 'Sa titig ng mata . . . Maaatim mo ba? Hindi nalalaman ni Faustong tayo ay kanyang ginawan ng para-an upang muling magkapisan. At saka ngayon ba'y ibig mong mamatay? At sa akin ikaw ay muling mawalay? Diyos ang sa ati'y muling nagpapiling, Flaviong aking mahal, sa huH pa manding sandaling nais kong ating tamasahin; nguni't siya't ikaw, saka ako pa rin ay magkakasama sa langit na natin. Sa buhay na itong agad tumatakas, nalimot na baga ng puso mong wagas itong relihiyong kristyano ang tawag, na noong bata ka'y siya mong nilingap at pin짜-aralan ng damdaming tapat. Mga unang diwang 's a iyo'y nalagak, at sa iyong isip na siyang nasulat, ay galing sa- Amang ating nililiyag. Manalig ka, Flavio, sa ama mong tunay, at mabubuhay ka sa kalwalhatian, lalo pa kung iyong mapanununtunan ang aral ng ating banal na sambahan. Nagtatapat akong sa ganiiong bagay ay iniwan ko na ang diyus-diyusan, at ako'y pumanig sa walang hanggahang t unay nating Diyos. At ang ina mo man, ay isang kristyanong kamahal-mahalan . Nahan ang ina ko? Ibig kong makita. Siya'y malwalhating nananahimik na, bilang patotoo sa Diyos na Ama. Siya'y nasa-Iangit :It nag-aanyayang sa kalwalhatian, tayo'y makasama. Natatandaan mong ikaw'y mahal niya? Makikita ko rin na walang pagsala sa pinto ng Iangit, tahanang maaya, maganda sa araw, sa buwa'y lalo pa, nakabukang bisig at puspos ng saya.


69

FlAVIo-

yayakapin ako nang buong ligaya, hahagkan si Titong parang may balisa't ako'y tatanunging may lungkot na dala: "Asawa ko, nahan si Flavio't wala pa?" Datapwa't, anak ko, sabihin mo lamang, kung ana ang dapat isagot ko naman? N a ang Diyos natin, siya ay kaaway, siya'y sumasamba at naglilingkuran sa lahat ng diyos niyong kataksilan; na dahil sa lupit ng kabulaanan, siya'y nasasahol sa kaliwanagan, kaya di sasalang siya'y aapuyan ng maghihiganting pagsamba ngang tunay. Sa Diyos na noong ikaw ay bata pa, ay inihandog ko ang iyong pagsamba (kay Flavio) at sa gantimpala ako'y umaasa. Sa kanya ay aking sasabihing tapat, na nang lisanin ko ang mundong masaklap, sa iyo y sinabi ang mabuting landas; nguni't Thaw'y naging sukdulan ng tigas. Kaya ng hiwalay sa [Diyos na tunay, at sa iyong ina't Titohg minamahal, pagka't sa impyerno pilit kang daratal. Kung gayon, si Flavio, yaong kanyang anak, di makakikita ng langit ng galak; yaong Flaviong unang pag-ibig 'Sa lahat. Siya ay mahal mo't ikaw'y umiiyak, kaya hanapin mo ang kanyang paglingap, yamang siya'y sadyang pumapayag agad, kapag anak niya ang nakikiusap. Hintay ka sa langit ng ina mong liyag. Ikaw ay mahal ko't di mo ako dapat lisaning sa dusa't sa luha'y malagak. Di dapat mamatay, si Flavio ay masdang malungkot at walang aliw na anuman. TAGPONG

(Si CLAUDIO-

CLAUDIO

v

at ang mga datihan)

Si Tito, nasaan? Nasaan, ginoo? Sa kamatayan lang makikita ninyong ihahatid siyang parang isang lilo, at sa mga leong nagbabantay rito'y


70 ibibigay siya't ipagkakanulo! Di rno ba bibigyang-kupkop ang anak rno? EUSTAQUIOAno ang sabi rno? Nanganganib siya? Nguni't kami nama'y wala pang parusa .. Siya'y nakita rno? Pano rnong nalarnan? Pano, sabihin rno, Claudio kong rnahal! Siya'y inihatid ng rnga sundalo, CLAUDIOng mga sundalong walang kasinlilo, na pagawi roon sa datihang Sirko, kay a masasabing siya'y nakita ko; ang maraming tao'y nangagtatakbuhan, upang yaong bata'y kanilang rnamasdan, at sumisigaw pang hindi magkamayaw. na ipapatay na dahil sa kristyano, sa mga halimaw, iyan ay si Tito! Tingna't iya'y anak niyong si Eustaquio路 EUSTAQUIOMaawaing Diyos, rnakapangyarihan! (titingin sa langit) Aliwin ang pusong bata't kamuraan. Ika ang sa kanya'y pinagtiwalaan, rnagin& rnabuti ka't siya'y kaawaan sa oras ng kanyang imbing k amatayan! Ikaw, aking Diyos, sa rnga kalaban dito sa daigdig dapat rnagtagumpay. Ipakataas rno yaong kalangitang utang din sa iyong banal na pangalan nang ikaw, Diyos ko'y laging katakutan. Dapat ding rnakita nitong Romang bayan, na siya ay iyong nais rnatulungan. Ang kalulwa niya'y tanggapin rno narnan Datapwa't si Tito, ang anak kong rnahal, ay buong ligayang dugo'y ibibigay, dahil din sa kanyang kapatid na tunay, anak ng puso kong sa mata ko'y ilaw. F'LAVIOAno ang sabi mo, arnang sinisinta? Pati ng dibdib ko'y parang pinapaka! CLAUDIOMayroong dahilang iluha ng rnata ang sakit ng iyong mukhang may balisa EUSTAQUIOPalagay mo'y ano , Claudio kong rnahal? CLAUDIOMasaya't para nang ninikat na araw, nang ako'y rnakita: "Claudio"-ang sigaw: "Paalam, at iyong kay ama'y sabihing


71 daliin ang araw na ligaya namin, kung siya'y rnasarna't sa aki'y rnapiling" FLAVlQKapatid kong sahol sa kaligayahan! CLAUDIODi lingid sa iyong siya'y anak rno rin, sa ganyan bang dusa'y di rno hahanguin? EUSTAQUIOAy! nais ko sanang siya'y rnailigtas, nguni't ana iyang aking narnarnalas? TAGPO::-.lG (Si

CLAUDIOTITOEUSTAQUIOTITQEUSTAQUIOTITOEUSTAQUIO-

'rITO

VI

at ang iba pa)

Nakaligtas ka ba? Di ko rnawatasan. (kay Tito) Ay, arna kong giliw . .. Mga kaibigan . . . Minurnutyang anak, bunsong rninamahal, naging tapat ka ba sa Diyos hanggang huli? 00 po, ama ko't siyang rnasasabi. Yaong gantimpala'y pano rno naiwan? Huwag rnong isiping ako ay nagtanan. O~

Diyos ko! Ako'y nahihintakutang baka iya'y bunga nq kaalibughaan. Huw 路 g k,ang rnaidkot, ako'y nakalaang TITOgaya rin nang dati'y kristyanong rnarnatay. Kung gayon nga'y ano ang nangyari naman? EUSTAQUIOSabihin rno agad nang walang paliban. Di pa nagluluwat. nang ikaw'y lurnisan, TITQsi Corneliong imbi ay biglang durnatal, at sa aking silid ako ay dinatnan; sa kasamang ilang sundalo'y biglaang ako'y ibinigay, upanding rnatupad ang karnatayan kong iniutos agad niyong si Adriano sa kanyang alagad. Mula roon ako'y kanilang dinala sa rnalaking sirkong handa nang talaga. At sa buhanginan ako pinag-isang may saklaw na rnoog at rnga tauhan. Ang angil ng hayop na nasa-kulungan, at ng rnga leong hindi ko mabilang, ay naririnig kong hindi nagtatantan. at ako'y lumuhod sa may buhanginan, may luha sa daing ng pagsambang tunay at ang Diyos nati'y aking tinawagang ..


72

EUSTAQUIo-

ang pananalig ko'y lalong pinag-alab, yamang talos ko na yaring aking palad, na makikita kong di na rnagluluwat ang himpilan niyong katarungang ganap. "Ang alipin rno po'y kunin rno na ngayon," -ito ang sabi kong wala ni linggatong.at ang paghahandog ng buhay ko naman ay iyong tanggaping walang alinlangan, saka ang ama kong pinakamamahal ay huwag rno sana namang pabayaan, at ang hininga kong panghuli ay alay tanggapin rno sanang buong kaawaan." Ito ang sabi kong hindi naluwatan; at binuksan agad niyong rnga kawal ang sa rnga leong bakal na kulungan, at ako'y sinugod na nag-uunahan; galit na ang kiling nila'y gumagalaw, pati na ng buntot na inihahataw; nangagsisiangil, kulog ang kabagay. gut6m na sa gitna niyong kaparangan ay doon huminto at ipinatanaw ang ka~lang ngipin a naglalakihan; dapwa't bang durnating sa aking harapan, ay big1attg nagbago ang rnga halimaw, ang kanilang bagsik ay parang naparam at ako'y masuyo na pinaglambingan, pati bangis nila'y nangawalang tunay, maamong-maamong ako'y nilapitan at makaitlo pang ako'y sinagian ng pabalik-balik sa may dakong kanan; pagkaraan noon ay nagpahingalay at nangagsihiga sa kabuhanginan . . . Oh, payo ng Diyos na di maturingan! Pati mga leo'y nangag-aamuan; ang kanilang puso'y lumambot na tunay, Ialong tumitigas ang puso ng hunghang! Sa ganyang natangi na kababalaghan (kay Tito) ang Diyos ay dapat na pasalamatan ikaw'y iniligtas sa kapahamakan. Oh, bulag na Roma, ang mata mo'y buksan, Diyos ng kristyano'y dapat mong igalang. Nguni't pa'no ka bang dito ay dumatal?


73 'TITo-

CLAUDIO-

EUSTAQUIO-

CLAUDIOEUSTAQUIO-

TrroEUSTAQUIO-

TITo-

EUSTAQUIO-

Ang lahat ng tao, buong sambayanan, sa gayong nangyari'y nagtaka nang tunay, at nangagsitindig, kaya ako naman ay tumindig na rin, tinungo ang bantay na nangagtatanod sa mga pintuan, na dahil sa iyo, ama, sa palagay, ako ay kanUang kusang binayaan, At ako sa iyo'y madaling duma tal. Diyos ko! gawin mo yaong maibigan, (titingin sa langit) sa iyo'y handog ko yaring angking buhay, N ais ng Diyos mo'y iyong kalusugan nang upang kay J ove'y tumalima ikaw, Kung dahil sa gayon siya ay aayaw maligtas sapagka't hindi niya mahal. At bakit ba hindi; ano ang dahUan ? Pagka't hindi ibig na sa kanyang batas, kami ay maglilo't maging mga uslak; oh 'to, tingnan mo, kapatid na liyag si Fla iong sa iyo'y aking inihayag. Pinakamamahal, kapatid na hirang! (yayakapin sana, nguni't pinigil ni Eustaquio) Huwag mong yakapin! Hindi atin iyan! Giliw kong kapatid! Kapatid kong mahal! Kaysawi ng iyong naging kapalaran . . . Diyos. nananaig, puso niyang bakal. Tingnan kung gaanong kalupit ang iyong (kay Flavio) ipinamamalas pati na kay Tito, na ang dapat sana ay makapagbago man lamang sa tigas ng kalooban mo, yaong halimbawang ikinabalino ng mga halimaw sa malas ng tao. Tingnan mo't ang Diyos ang siyang umiba ng bagsik ng le6ng nasupil pagdaka, upang siya'y iyong makilala sanang kataas-taasan sa Diyos ng Roma. Ikaw'y buong tapang na aking kasama, na sumunud-sunod sa romanong "armas", sa utos ng aking tinig ay hinarap ang sa mga busog na masinsing patak niyong mga Partos, at hindi nagbawas ang tapang ng iyong pusong mapangahas.


74

TIToEUSTAQUIO-

FLAVIo-

EUSTAQUIO-

F'LAVIO-EUSTAQUIO-

At ngayon, Flavio ko'y kailangan kita, ang tapang mong dati'y katapatang dala, dahilan sa Diyos naming sinasamba. At ngayon, na ako'y kilanlin mong ama, ngayon pa ba, Flavio, ikaw'y mag-iiba? Ngunit bakit kaya hahangarin ko pang mahutok ang iyong sariling kalulwa, na sa aking payo'y bingi nang talaga? Bunsong kulang-palad, ikaw ay umalis sa harap ko ngayon, nang di mo marinig ang huli kong hatol na makaaamis; ang daing ng iyong amang nahahapis na nakasusugat sa pusong ninibig. Umalis ka, Flavio, lumayo sa akin yamang ang daing ko'y ayaw mo ring dinggin. Sabihin rna man lang nang buong pag-ibig, "paalam, arne. K,O, at aking kapatid " Ay, Flavio: Ikl\.w ba'y may pusong matining upancling anE. ganyan ay iyong sabihin? Ang damdam ko nam n kung pagliliningin, ay di rna asabing ikaw y isang suwail. Sumagot a sana, ika ay magturing, sawing kapalaran; oh, anak kong giliw. Nanalo ka n'l rin, amang minamahal, sa yapak mo ako ay iyong pagmasdan! (luluhod) Ako'y sumasamba do on sa Lumalang sa iyo't sa aking sadyang pinagmulan. Nakikilala ko ang Kagalang-galang na Diyos, buh&t pa niring kamusmusan. Kung ako ay kanyang tatanggaping tunay, siya'y mamahaling higit kailanman. Ako kaya nga yo'y makapaghihintay na tanggapin n iya, may kasalanan man? Flavio' umas3. ka, ako ang may sabing ikaw'y tatanggapin sa kanyang sari ling langit na tahanan nang buong pagkasi, kung ikaw sa kanya'y magpapakabuting parang isang anak na kinakandili. Sampung taon akong nabuhay na bulag! Ang pagtataksil mo at mga p..1glabag, kung nagtitika ka nang lubos at ganap, ay mangapapawi at mapatatawad.


75 FLAVIO-

Kasarna rnong aking aantabayanan ang papalang ganting inaasarn-asarn; Yakapin rno ako, oh, Tito, halika, at tayo'y rnarnatay na rnagkakasarna! IKALIMANG YUGTO TAGPONG I

(Si CLAUDIO-

FLAVIo-

CLAUDIO-

FLAVIo-

CLAUDIO--

FLAVIO-

CLAUDIO

at si

FLAVIa)

At sa huli, Flavio, sa iyo bang buhay kaya ay rnayron pang dapat maasahan? Ang naiisip ko, rnutyang kaibigan, ay doon sa langit ako hinihintay ng kanais-nais na isang luklukan, at ikaw ay wala, di ka ba darata1? Ang nakikita ko'y iyang karunungang sarili ng iyong arnang rninarnahal, ang siyang nagdala sa iyong isipan sa '{Ilga 1andasing pagkaraan narnan ay h" di sasalang di-kasusuklarnan. Ang dahil ay di na sa isang pag-ibig kung arnatayan rn 'y aking ninanais; katwiran ang siyang sa aki'y urnakit. Saka ang ama ko路 sakaling rnapilit ni Adriano't siya'y surnunod sa nais, ay iyong a1amin at dapat rnabatid, ako'y parang batong di rnatitigatig, at sila, sa aking dusa't rnga sakit, dahil sa nabigong pag-asang rnahigpit ay matatawag ko nang paulit-ulit: "rnga wa1ang-turing" na ang puso'y said sa gawang rnarangal at sa pananalig. At ako, sa Diyos ng diwa ko't isip ay rnagpapatu10y saanman surnapit, na sunod sa aral niyang rnakalangit. Pananalig rno ba'y dugo ang kapa1it? Hinihingi ngayon, Claudio, tingnan rno: kung iibigin ko ang pakikibaka dahilan sa haring ibig na rnanggaga o kaya'y sa handog nitong ating Rorna, anong gantirnpa1a ang tatanggapin ko? Kung 1a10 pang dapat na rnarnatay ako, sa rnagiging utang sa kuhilang tao.


76

CLAUDIO-

F LAVIo-

CLAUDIO-

FLAVIo-

Dahilan sa Diyos na tapat umibig, na siyang sa aki'y sadyang umaakit, ako ay sa kanya may utang nang higit, sa kanyang may-ari ng lupa at langit. Saka ang isa pa'y di maititindig niyang si Adriano路 sakaling mahilig ako sa libingan, ni upang maidlip sa kaitaasan nang walang ligalig, at laan ng Diyos na hindi malirip. Bayaan mo munang ako'y makaalis upang pumaroon sa sariling silid, at mapag-usapang walang pagkaumid itong relihiyong dakila't malinis . . . Ang huling sandali nitong aking buhay (Sasabad na saglit) Bakit katapusan ng buhay mo, Flavio, ang ibig mong turan? Mag-isip-isip ka, bago mo pasyahan. Iniisip ko nga't aking dinaramdam na di ka masama sa paroroonan, upang matamasa ang biyayang banal. Ang hanapin nati'y ang kapayapaan na dulot ng langit, at kalwalhatian. Ayoko ng langit . .. aking nalalamang lalong mahal kita'y di mo alam lamang, Flavio, oh! kay hapding mga kabiguan! Pagka't mahal kita'y nahihibik ako. Malupit at walang turing ang puso mo. Di ganong matigas upang di damdamin ang pait na itong aking lalagukin, balisang nagdaan ang unos sa akin. Ay, dahil sa iyong katigasang angkin. mamamatay akong balisa'y dadalhin! Ang ayaw mo ngayo'y gagawin, marahil, kay a anong saya yaong tatamuhin, kung ikaw'y magbago sa iyong sambahin. At kung ako'y sadyang sa puso mo'y mahal, sakit ng dibdib ko'y dapat mong lunasan. TAGPONG IT

(Si Meteb , si Cornelio at ang mga datihan)

CORNELIO-

Kayo ay lumayo, at ikaw'y tingnan mo kung saan naroon yaong si Adriano: (kay Flavio) Ngayon di'y sundin mo't ito ang utos ko . . .


77 FLAVIoCORNELIO-

Bakit? Ako kaya ay tinatawag na ng ating pinuno. Mukhang may bala ka! At nagtatanong ka? Nalalaman mo bang ang romano'y hindi dapat umabala sa isang pinunong mataas sa kanya? Yao ka na, Flavio, at ngayon-ngayon din ay malalaman mo. At ikaw'y (kay_Claudio) taimtim na dapat din namang sumunod sa akin. (magsisialis) TAGPONG

III

(Si Metelo at si Cornelio lamang)

CORNELIO-

CORNELIO-

METELOCORNELIO-

N alalaman mo bang si Flavio man naman ay sumasamba na sa Diyos na iyan ng mga kristyano, at anak na tunay niyan ding kriminal? Kaaalam ko lang; nguni't ano 路 kaya . ang kahahantungan, at maglging hangga ng binatang iyan? Kung \nailalayo sa kanyang magulang ay mabu~uhay pa, lalo na't mabigyang payo ni Adriano, upanding mag-alay ng handog sa diyos ng ating simbahan; saka si Adriano'y mayrong kasamahan na taga-Atenas, na totoong paham, at may pambihirang mga kaalaman; matamis ang dila, taong makatwiran, na lubhang mahirap na hindi pagbigyan; siya'y kakayagin sa pamamagitan ng mga salitang di matatanggihan. at siya'y papayag na may kasiyahan Saka, kung sa kanyang ama'y mawawalay, hindi maaaring payo'y di pakinggan, at hanapin kaya yaong kamatayan, matangi kung baliw, kung sa gayong pakay. Si Flavio nga kaya'y bayaang mabuhay? Kung iyan, sa aki'y walang kailangan! pagka't ang pasya ko'y di tinututulan. si Eustaquio'y 00, ipinatatanaw na siya ay aking kagalit na tunay, kaya nga't si Tito at siyang magulang ay di malalao't kapwa mamamatay,


78

METELO-

CORNELIOMETELOCORNELIOMETELO-

CORNELIO-

METELOCORNELIO-

METELOCORNELIO-

METELQ-

sa lalong madali, kung maglgmg tunay ang kay Adrianong mga kapasyahan. Ang totoo niyan ako'y naaawa! Ano't ang ibig mo'y mamatay na kapwa ang dalawang iyang nangagdaralita? Kung sila'y salarin, ay ana pa kaya at pagluluwatin ang hanggang tadhana? Ang mga kristyano ay pinagpapala ng kanilang Langit na mapagbiyaya! Ng kanilang langit! Iya'y walang bisa! Di mo ba nakita si Titong lumaya? Maaari'y sino ang pipigil kaya sa mga halimaw na ibig manila, kundi ang may lakas na kahanga-hanga? Bakit tila mo pa ipinagtatanggol ang kanilang sala sa pagkaparool, sa ang salang iyan ang siyang humatol? Pananggol mong iyan ay isang pagtutol at ~ang hinakdal na walang katugon. A di mo talastas ang sining na iyan na si ang palagi nilang kagamitan upang: ang lahat na'y kanilang malinlang? At makikita mo ang di karaniwang ginagamit niya na mga paraan? . . . At bukod sa rito 'y ibig ni Adriano na kung mabagal man, ay nahikayat kong bayaan 's a akin ang bagay na ito . . . Ikaw ba'y tiwalang sila'y nagkasala? Sila ang may ibig: at nalalaman ko ang ginagawa ko. Sila'y paririto't may hilang kadena, naroon, masdan mo. Ay! Ibububo mo ang dugong malinis! Ang batas na iyan ng Roma'y pang-amis! TAGPONG IV

(Si Eustaquio, si Tito at ang mga ibang nasabi na)

CORNELIO-

Ipinag-uutos ng Haring sabihin sa iyo ang kanyang hindi mapupuwing na panghuling-loob na dapat tuparin. Ibig mong maghandog ng pagsambang hiling, o kaya'y mamatay ang mamabutihin?


79 METELO-

EUSTAQUIO-

CORNELIOEUSTAQUIO-

METELO-

EUSTAQUIO~ METELOEUSTAQUIo-

CORNELIO-

TITo-

Dapat mong isiping ngayo'y mamamatay na iyong kasama ang mga tagumpay, at pati si Tito, batang walang malay! Salamat sa iyong pag-ibig na alay. (kay Metelo) At dinaramdam ko, tanging kaibigan ang lahat ng iyong mga kasawian! Tupdin rno ang iyong piling katungkulan, huwag nang magsabi ng ana rnang bagay na sa kalulwa mo'y hindi dinaramdam. Ikaw'y kilala ko, Cornelio't ang tunay sa iyo'y patawad ang aking iiwan. Minamabuti ko iyang kamatayang sa akin ng trono ay ibinibigay. Metelo, nasaan, si Flavio'y nasaan? (kay Metelo) Si Flavio'y naroon kay Adrianong harap. A hindi palaging mall ang kayakap, di a malalao't iyong mamamalas ya6ng pasya niya, na karapat-dapat sa is~g binatang paharn at rnatapat. Iiwan na niya ang maling ugali sa tanglaw ng atipg relihiyong pili. At ikaw'y mabuhay nang dahil sa Roma, dahilan sa inyo at taong iba pa na sa iyo'y tunaynamang sumisinta. Kaya hayo ka na sa Templo't sumamba sa diyos Jupiter, saka mag-iwan ka noong halimbawang magpapakilala ng iyong dakila't tapat na kalulwa. Ako, kaibigan ay magkakasala sa tunay na Diyos kung 's usundin kita. Hindi ba nais mong si Flavio'y rnakita? Dapat rnong malamang ibig ko nga sanang bago mangapikit yaring aming mata, si Tito at ako'y sumilay sa kanya. Cornelio- mahabag! Magpakatao ka sa iyong damdamin, asahan ba kita? Sayang, Eustaquio, ang nais mo'y sayang, talastas mong ako'y sunud-sunuran lang sa Koronang utos rnagpakailanman. Oh, Ama ko, tayo'y iniwan na ni Flavio't nagbalik kay Jupiter siya.


80 EUSTAQUID-

Ay, gaanong bangis, lupit na tungayaw! Ang nais ko sana'y makasamang tanan (titingala sa langit) ang mga anak ko't sa iyong paanan kami'y manikluhod na magkakasabay. Maharap sa iyong mahal na luklukan, iyan na a~g aking kaluwalhatian! Sinira mo, Flavio, yaring kaluguran, ang lahat ng tuwang aking inasahan! At kung sa puso ko'y nais mong patikman ang katarungan mo't kaluluwa'y iwac;m. Ikaw lang sa akin ang makasusuhay laban din sa bagsik niring kasawian . Patawarin ako sa sakit kong taglay, sa pagtitiwala ako'y alinlangan sa kawawang Flavio; tiwala ko'y ikaw. Anong lakas kaya ang maaasahang babago sa kanya sa lungkot na taglay sa puso,kung ikaw ang siyang aabay? Mama atay akong ikaw ang dahilan, kilya rounting aliw ~aring inaantay pagkikita namin sa sangkalangitan. Dahil sa sala ko'y iyong pinayagang ang rnahal kong Flavio sa aki'y maagaw. Hindi ko ba siya makausap larnang? (kay Cornelio) CORNELIOSayang ang hiling rno! EUSTAQUIOMapagtitiisan ang lahat ng pait ng sakit at lurnbay. Tanggapin ang aking pagsunod na tunay. Tupdin nating lahat ang kanyang pasiya, at tayo na Tito, sundin natin siya. Saklutin man tayo niyong kamatayan, ay aakyat tayo sa sangkalangitan; ang banal mong puso'y sa Diyos ialay; tiisin kung sadyang dapat na marnatay. Sakaling ang taong mayrong kasalanan ay iyan ang sadyang kinatatakutan. TITDTayo na, oh! ama't m.a sayang marnatay Tanggapin rno ako!; si Flaviong dahilan ng pag-aalay ko niring aking buhay; at dahil kay Flavio'y handog ko ring tunay sa Diyos ang buhay at ang kaapihan.


81 EUSTAQUI0-

Kung ikaw'y may pusong mabuti't malakas (kay Metelo) kay Flavio'y sabihi't nang kanyang matatap, na sa pagpanaw kong totoong masaklap, dinamdam kong siya'y di nakaakibat. Samantalang siya, sa Diyos na habag ay idalangin niya't ihingi ng tawad ang kaluluwa kong maysala ring hayag. Si Kristo ay kanyang gunitaing ganap, gayundin ang isang inang lumiliyag, saka路 isang ama't kapatid na tapat, na doon sa langit nais siyang mayakap. Pasiglahin mo na ang paa mo, anak, at kita'y aalis ngayong naglalakad. (kasama si Tito, lalakad) TAGPONG

v

(Si Flavio at ang mga dinatnan) FLAVIO-

EUSTAQUIO-

FLAVI0EUSTAQUI0FLAVI0-

EUSTAQUI0-

CORNELI0FLAVI0-

Oh, ama ko, hintay ! . . . May tanikala kang parang natutuwa? Saan ka pupuYlta? Sa langit, at ikaw, pasasaan ka ba, anak, na sa puso'y tamis at ligaya? Ako'y mamamatay na inyong kasama. Mahal, tunay kaya? Dakilang anyaya ang alok sa akin at gantimpala pa, at mga pangako, katwira't halina, tinging nanlilisik, kilos ng poot na, sa isip marahil na ako'y makuha, upang talikuran ang aking pag-asa! Nguni't ang Diyos din ang siyang nanalo, ako'y mamamatay na kasama ninyo; mamatay sa tuwa't sa katahimikan, may papuring awit sa Diyos na tunay. Tigib ang dibdib ko, Flaviong minamahal, takot lamang ako't ikaw ang dahilan. Ngayo'y tumatahip ang dibdib ko naman, dahil sa ligayang halos umaapaw sa pagkakakitang handa kang mamatay. Ang mga "diyos" ba sambahin mo'y ayaw? Aling mga "diyos"? Ang sa Romang bayan? Ang sinasamba ko'y yaong walang-hanggan na lumalang nitong buong daigdigan. Diyos din ng digma't ng kapayapaan; 00 6701 -

6


82

CORNELIO-

FLAVIo-

EUSTAQUIO-

TITOFLAVIo-

CORNELIOEUSTAQUIo-

at dahil ~a kanya'y nais kong matibay na mamatay ako't siya'y paglingkuran, Mga kawaI, siya ay tanikalaan, halikayong lahat, aking mga kawal. (magsisirating na) Anong tamis nitong aking dinaramdam, anong gaan nitong tanikalang taglay! Naalis sa wakas itong aking lumbaYi ngayon, sa dibdib ko'y tamis ang umapaw. Makikita ka rin, Diyos, na maalam ng mga anak kong pinakamamahal . . Magagawa mo ring yaring mga luha ay mapag-anihan ng ligaya't tuwa ng puso kong itong iyong pinagpala. Masaya na tayo! Tayo'y mapalad nat Mga kawaI, inyong patayin na sila. Magtiis na tayo't dibdibin ang lahat, yamang Diyos nati'y siyang tumatawag, tayo'y hinihintay sa tahanang liyag. TAGPONG VI

(Cornelio at Metelo) METELO-

CORNELIO-

METELO-

CORNELIO-

Katiningang ganyan ay hindi kilala, sa buong palibot nitong ating Roma, at saka, tingnan mo, sila ay masayang lilisan sa lupang sinilangan nila . . . Buong pagtalima na tinititigan nila ang sand ali ng kanilang hanggan, kaya maaaring sila'y may patnubay na isang Mataas na Kapangyarihan. Ikaw'y binubulag ng kristyanong iyang kunwa'y nag-aangkin ng bukal na tapang pagka't ang kanilang nais kailanma'y magpanggap na sila'y pangahas, matapang. Kung sila'y marunong na magpakamatay, ako ay marunong na maghari naman . . . Nanalo rin ako sa isang halimaw, nang ang korona ko'y nasaing maagaw. "Madaling mahulog, ang dagling maakyat", Palad: salawahan. Mula sa ita as ang tao'y sa balon bigla kung ibagsak. Sunod kay Adriano, ako na ang una, ako ang uugit sa digmaang iba.


83 METELo-

CORNELIO-

METELO-

CORNELIO-

METELo-

CORNELIOMETELo-

CORNELIO-

METELOCORNELIO-

Kung ang kalaban mo'y lumagpak at sukat, isipin mo naman ang iyong pagbagsak. Dahilan 's a ako'y walang ganong yaman, ay hinding-hindi ko kinatatakutang kung itapon ako'y sa lakas idaan. Ganyan kung umisip ang sangkatauhang sa kanyang sarili ay nabubulagan. Sa palad ng iba, tayo'y mga paham, nguni't tayo'y bulag sa sarili naman. Alam mo, Cornelio, ako ma'y salarin sa kaniyang dugo, at di ko maaming ako'y mabahiran ng kanyang dugo rin. Gayon ang isip mo, at ang kamatayan nila ang siya mong kinahahabagan. At ako man ngayo'y parang nagdaramdam at nagsisisi rin. Ang may kasalanan niya'y si Adrianong iyong nalalaman. Datapwa't kung sadyang iyong nalalamang may kasalanan ka't di ka takot naman, wala ka ring takot kay Adrianong iyan? Oh, nguni't ang iyong haka'y bakit ganyan? Iyang Emperador, ibig kong sabihi'y di ka inutusang sila ay patayin nang wala pa siyang pag-ayon, marahil. Siya'y nagsalita, kay a ako nama'y hindi natatakot; parang alinlangan na aking napansing sila ay bayaang malaya 0 kaya'y kanyang parusahan; datapwa't nang siya'y parang napipila't natalo ng aking mga kinatwiran, siya ay nagsabi: "Aking ibibigay sa iyo, Cornelio, ang kapangyarihan" At ngayon ay ano yaong katugunan? Sandali nga lamang, maghintay kang saglit, at tila mayroong dito'y lumalapit. Tingnan mo't kaydali niyang mga "dioses" â&#x20AC;˘â&#x20AC;˘â&#x20AC;˘ Ay! gaanong hirap, gaano ang sakit nitong aking pusong wala nang mahagip ni isang pag-asang ikatatahimik! At pagkabalisang sukdulan ng lupit ang sa kalulwa ko ay pumipigipitj mga diwang imbi na nangagngangalit ang mapaghiganting puso ko ay ligid. Waring nakikitang sila'y lumilitaw


84

METELOCORNELIO-

at pagala-galang ako'y hinihingang magbayad ng aking mga kasamaan. Wala na! wala na: Huli na ang lahat. Walang nalalabi't di na maliligtas! Narito na ngayon si Adriano't tila pati kanyang mukha may dalang balisa. Natatakot akong baka si Claudio . . . ang pasiyang iyan ay dinaramdam ko! TAGPONG VII

(Si Adriano at ang mga kagawad ng Katarungan, ang mga datihang kasama at ang mga saserdotes)

CORNELIO-

ADRIANO-

COl\NELIo-

ADRIANO-

Oh, nakaligtas din ang batas na banal ni Trahanong pantas, kasama ang dangal ng lahat ng diyos na tinatawagan. Datapuwa't hindi kasama ang wika niyong si Cornelio, hindi rin ang diwa noong katapatang dapat isagawa. Lahat ng pulutong ng agilang ating tin at wag ditong "romanang" magiting, ay nangagsasabing ikaw'y sinungaling; kaya ang lahat ng mga Puno nating nakauun,awa'y nangako sa aking iyang si Eustaquio'y dapat hikayating magbago ng loob, sumaating piling. Aming Emperador, sa kay J oveng ngala'y isinusumpa kong sila'y may paratang na ikaw, umano, ay lubhang mabagal sa iyong paghatol kay Eustaquiong buhay; at kung makikitang siya'y mamamatay, sila'y matutuwa sa kalwalhatian . . . Dinali-dali mo, taksil at kuhila ang hatol na- iyong sabi mo ay diwa ng batas Trahano, kaya mo ginawa na nagdudumali, taong alibugha, ang mga kamay mo'y sa- dugo natina; nguni't gayon pa man, ako'y may hinuha Ngayon ay nais kong lahat ay malaman, kung totoong ako'y iyong pinagbigyan; nang yaong si Tito'y sa iyo ibigay upang ihatid mo sa amang marangal, ako ba ay iyong sinunod na tunay? Ah! kalupit-lupitang sinungaling ikaw, nagugunita mo ang iyong tinuran?


85

CORNELIO-

AnRIANO-

Sinunod mo kaya nang tapat-tapatan ang mga utos ko, 0 sinalungat lang? Ginoo, kayo ba'y nag-aalinlangan? Ang ganyan po'y di ko yata mawatasan Dapwa't paano kong iisipin iyan? Kung sa gunita mo'y hindi nauukit, alalahanin mo ang krimeng malupit na iyong ginawa kay Titong mabait, na inudyukan mong siya ay magsakit laban kay Jupiter, saka maghimagsik ng laban sa Roma, at iyong inisip na ang gayong gawa'y di ko masisilip! Natuklasan ko na ang ginawang krimen, at tangi sa rito, di mo man aminin ang pamumutla mo'y siyang umaamin. Dapat na ngayon di'y iyong maramdaman na bumibigat na sa taglay mong laman ang kasalanan mong di mangangalanan. Sa akin, si Tito ay walang sinabi, isang kai igan, isang kio.akasing mapagpahalaga't totoong mabuti ang siyang nagtapat ng buhay na iyang lubhang naging api, kulang kapalaran, na iyong pinuti ngayon-ngayon lamang nang wala mang habag, buong kalupitan, sa ngalan ng isang diwa ng halimaw. Nagkunwari ka pang sa aki'y matapat, 's amantalang siya'y iyong tulak-tulak, up an ding itakwil ang diyos na lahat. Samantalang yaong ibang mga puno'y walang masulingan sa pamimintuho, upang makamtan lang ang habag ng puso't sa pagpapatawad ako'y marahuyo, ikaw namang iya'y nagkakanggagahol sa pagpapatupad ng buktot na hatol . . . Ito'y siyang bunga ng nakasusuklam . na panibugho mong sahol sa katwiran, na sa Emperador ay bumubulahaw; may pananalig kang ikaw'y pagbibigyan ng aking tiwala't aking papayagang siyang makaugit sa pamahalaan, at ikaw na iya'y aking ilalagay sa piling kong . . . lubos ang kapangyarihan .â&#x20AC;˘â&#x20AC;˘ Nguni't ikaw'y aking tutulutan lamang


86

CORNELIO-

ADRIANOMETELo-

ADRIANO-

METELo-

dahilan sa iyong imbing kaasalan, na makapaglayag ngayong madalian na tungo sa Ostia, kasama ang tanang pagkakamali mo't mga kasamaan, upang ikaw doo'y matapong lubusan. At nang doo'y di na magpakailanman, makaalis ka pa, taong walang utang na loob sa taong sa iyo'y bumuhay; doon ay hindi mo maa2:ring kamtan ang ana mang aliw, kundi kahirapan, di ka na tutuntong sa romanong bayan, mabuting pagkai'y di mo matitikman, dahil sa utos ko na iyong sinuway. Ginoo, patawad . .. at ang awa mo po . . . Mainggitin, ikaw sa aki'y lumayo. Ikaw po, ginoo, ay makatarungan, ang ginagawa mo'y tumpak at marangal. At ikaw, Metelo, huwag kang paakit sa maling adhika't mga pagkainggit. Hayan si Corneliong nayag na pumatay ng swiling kamay, sa taong marangal. Tumakas sa Templo na pinagt aksilan. Pag-aaralan ko at susundin naman ang halimbawa mong dapat na igalang. PANGHULING TAGPO

(Si ADRIANO-

CLAUDIO-

CLAUDIO

at ang iba pa)

Saan ka ba galing, Claudio, at ano ang mga balita na masasabi mo? Si Eustaquio, ngayon, Adriano'y namatay matapos ang kanyang mga katiisan. Sa iyo ay di ko kayang isalaysay. N angagsisiiyak ang tao sa bayan dahil sa masidhing mga pagdaramdam, nang makita nilang yaong kabataa'y masayang-masayang nangagtatawanan, tahimik ang mukhang sila'y nagsipanaw. D ibdib ko'y niyanig ng damdaming taglay. Nagdarasal silang sa berdugo'y alay ang kanilang liig na nagpuputian. Ang batang si Tito'y natatawa naman Ang kaniyang ulong tayo kung mamasdan, ay biglang tumapon sa taga ng sun dang, na pigil ng isang malupit na kamay.


87

ADRIANO-

CLAUDIO-

Noon di'y dinampot ng ama't hina~kan, hatik na sa mukha ng bata'y nakintal. samantalang siya'y piping nagdarasal. At tungkol kay Flaviong aking kaibigan, may magandang ulong biglaan na lamang tinigpas ng taong "berdugo" ang ngalan, sa pagtingin doo'y di ko napigilan ang mga luha ko na nag-uunahan. Pagkaraan nito'y buong kasiyahang sumunod na kusa si Eustaquiong banal, na siyang naghandog ng kaniyang buhay sa sundang at apoy, sa pag-asang tunay na makikita nang walang pagkaliban yaong mga bun song nasa-kalangitan. Kay-yuming pagsunod, magandang larawan! Si Tito't si Phakwit ay aking naringgang "Idadalangin ka, oh Claudiong mahal." Busog na puso ko'y siyang sinugatan. Bata ni Trahano't ang pagka"llalupit niyong si Corneliong walang kasim bangis ang siyang sa Romang bayan ay nag-alis ng isang lalaking matapang, mabait. Siya ay kristyanong sa batas ay galit, kung hindi sa kanyang Diyos ng pag-ibig. Dinaramdam ko ring siya ay mapilit manalig sa diwang sa lakas ay higit; pagnanais itong sa aki'y nagbulid tuloy sa pagpayag na dito'y maalis ang isang Pinunong matapang . . . mallnis hanggang sa sumabog ang kawal at kabig. N guni't sila'y hindi dapat kaawaan, Tayo ang kawawa .. , May isang Maykapal silang umuugit sa kanilang buhay, at namamahalang maawain naman . . . pati ng daratnin nilang kapalaran, ay alam din nilang nasa-"Walang-Hanggan". Pati lakas nilang sa kristyano lamang, ay nakita nati't napatutunayan. Tinitiis nila maging kamatayan; sapagka't sa gayon nila nalalaman, na ang Diyos nila'y napauunlakan, Diyos ng kristyanong Langit ang tahanan! KATAPUSAN


SAN EUSTAQUIO MARtIR Ang nakahahambal na dul~ng ito, na isinatula ni Rizal noong lalabing-apat na taon pa lamang, ang kanyang gulang, ay nasusulat sa wikang italyano, nguni't isinatuluyang kastila ni Padre Francisco de Paula Sanchez, naging mairuging guro ni Rizal, na siyang nagbigay sa kanya upang pag-inutang isqtulang kastila, habang nasa pamamahinga ang mga paaralan,. sa loob ng tatlong buwang pagliliwaliw at walang magagawa ang batang si Rizal na noo'y nag-aaral sa A teneo de Manila. At ang sabi sa kanya ni P . Sanchez: "Nang huwag maaksaya ang panahon sa loob ng tatlong buwang pagbabakasyon, ay dalhin mo sa inyo ang malungkot na dulang iyan ng buhay ni San Eustaquio Martir, at iyong isatulang kastila." -Opo, pag-iinutan ko po,-sagot ng batang-batang makata ng Ateneo de Manila. Tinanggap sa kamay ng kariyang minamahal na guro ang aklat, at nagpaalam na. Nang bumalik si Rizal, pagkaraan ng halos tatlong buwang pagliliwaliw, bagay na sa kanya'y naging tatlong buwan ng pagkatas ng utak-ay hinanap agad sa loob ng kolehiyo si P. Sanchez at ibinigay ang kanyang nayaring dula sa wikang kastila, at sa tula pa. Ang tuwa ni P. Sanchez ay gayon na lamang, at noon pa ma'y napansin na niyang ang batang iyon,-si Rizal-ay natatangi sa m araming hindi mapagkakatiwalaan. Si Rizal, bata pa, ay marunong nang pagbilinan at maalam namang tumupad. Samantalang binabasa ni P. Sanchez ang mga tulang iyon ni Rizal, ay lalong nag-aalab sa kanyang kalooban ang pagmamahal dito. Sa kabila ng lahat, ay masasabi naman na, sa lahat ng paraan, ay inalagata naming ang anumang sinulat sa kastila ni Rizal sa dulang ito, pati na isang kudlit, ay huwag baguhin kung may kaunti mang pagkakamali, alang-alang 88


89

sa pangyayaring "bata" ang maygawa. Sa lahat ng sinulat na tula ni Rizal ay ito ang pinakamahaba, 'ayon sa nalalaman namin; binubuo ng may 2,414 na berso, gayon ma'y hindi namin pinagsawaang basahin, samantalang pinagninilaynilay ang tiyaga at talino ng "binatilyong" iyon na noo'y lalabing-apat na taon lamang ang gulang. At sapagka't sa isang rebistang nagngangalang CULTURA FILIPINA unang nalathala itong San Eustaquio Martir, ay lalong mabuti, bilang munting paliwanag, na isalin natin dito ang sinasabi sa nabanggit na rebista: "Si Padre Francisco de Paula Sanchez, na naging guro ni Rizal sa pag-aaral ng literatura a,t retorica, sa Ateneo de Manila, at siya ring naghulog sa wikang kastila (tuluyan) ng dulang ito na nasa-wikang italyano, ang siyang nagsabi ng lahat ng mga pangyayari kaya isinatula ni Rizal sa wikang kastila. At ang bagay na ito ay n~banggit na sa mga unang taludtod ng pansing ito. Tangi sa rito, a matitiyak nating tungkol sa pagkakasunudsunod ng mga sinulat i Rizal sang-ayon sa panahon, taon, buwan at araw, ang San Eustaquiong ito ay nakakaalinsabay ng "DAHIL SA EDUKASYON, NAGKAKAROON NG NINGRING- ANG INANG BAYAN, ANG MATAGUMPAY NA PAGPASOK NG MGA HARING KATOLIKO SA GRANADA,

na sinulat noong 1876, na ang batang-batang manunula ay lalabing". limang taon pa lamang ang gulang. Isang batang kataka-taka ang talino, gayundin ang PAGKAMAlKATANG LIKAS.

Ang mga tauhan ng madugong dulang ito ay ang mga sumusunod: ADRIANO, Emperador; EUSTAQUIO, Heneral romano; TITO, batang anak ni Eustaquio; FLA VIO, panganay na anak n i Eustaquio; CLAUDIO, kaibigan ni Flavio; CORNELIO, mahal na kabig ng Emperador at kagalit ni Eustaquio ; METELO, kaibigan ni Eustaquio. At si Rizal na rin, sa pag-aalaala sa ilang mapagdunungdunungang pilipino at hindi man pilipino, ay napilitan tuloy na mag-iwan ng isang mapakumbaba at maliwanag na pakiusap: "Magparaya ka na, mambabasa, sapagka't ako nama'y isang bata pa lamang, at ang akda ng isang bata, ang


90

karaniwa'y pawang pambata, walang anumang magaling na maihahandog; tangi sa rito, ay miminsan akong nakapanood ng tinatawag na "tragedia", madugong dula, at ang naaalaaia kong nabasa ay iyong kay PROMETEO, na sinulat ni Esquilo, bantog na mandudulang griyego. Ipagpatawad mo ang aking kapangahasan, kung sa gulang na lalabing-apat na taon ay nangahas akong sumulat at manghimasok sa katangitangi at maselang na dula ng mga makata, mananalumpati, mananalaysay at matipunong mga "retoriko"; at kung hindi ninyo babawahan ang inyong makatuwirang pagkapoot, ay dapat ninyong alaming malabis na ang aking parusang natanggap dahil din sa aking kamangmangan." At saka, matapos mabasa ito, ay sadyang hindi na namin dapat bigyan pa ng puwang ang aming kapangahasan sa pagtuligsa kay Rizal. Ang magiging katawa-tawa ayang manunuligsa at hindi ang tinutuligsa! Hindi dapat kaligtaan ang mga sumusunod na tala: Natitiyak na nang sulatin at tapusin ni Rizal ang San Eustaquio, ay sa loob ng mga buwan ng Abril at Mayo ng taong 1876, kaya Hunyo na nang kanyang ihandog ang mga unang salita sa panginoong Diyos, pangalawang araw 째 ika- 2 ng Hunyo, 1876. Panahon na uli ng pag-aaral 째 pagbalik sa Ateneo.


ANG PAGKAKABIHAG AT ANG TAGUMPAY * (Ang paghahamok sa Lusena at pagkakapiit kay Boabdil)

Nang mahawan na ang lahat sa Montilyang mga nay on, palalong Abenseraje ay matigas na humamon sa lahat ng matatapang sa Kastilyang nangaroon. na isuko ang kanilang kabagsikang nag-uulol. ,

Ang Kondeng si "De la Cabra", na pagdaka ay dumating, na kipkip sa kanyang bisig ang matalas na patalim, katulad ng kamatayang inilahad sa paningin ang maitim niyang pakpak na pamuksa at pangitil. Lumalakad na katulad ng Leon na nagugutom, na ang tungo'y mga kawal ng lipi ng mga buhong, si Don Diego ang kasamang loob nila'y magkatugoll; na katulad ng liwayway na umaga ang karugtong. At kaparis ng pag akas ng usang nakakawala, umiilag sa mabilis na palasong itin dla, na tumatakot sa puso g mapalalo't mapanira ay gayon ding tumatakas ang hukbo ng Manghuhula. Nguni't hindi naman gayon ang sa kabayo ay sakay, lalo pa ngang sumusubong ang dibdib ang pananggalang, hinihintay ang labanang akibat ang katapangan upang sila'y makihamok na may imbing kapootan. Pinasigla ni Boabdil ang lahat ng kanyang kabig na nag-aalab sa poot na tulad ng isang ganid, sa mukha ay nababadha ang bagyong humahaginit at hinarap ang nanakas na ang puso'y nagngangalit. "Saan kayo dinadala, mga morong kulang-palad, ng karwagan ninyong tulig, na sa inyo'y bumubulag? Bakit kayo lumalayo? Bakit kayo tumatakas, at ang bakal ninyong puso'y aayaw nang makitalad? "

* Inaawit 0 ninunuynoy sa tulang ito ni Rizal ang paghahamok sa Lusena at ang pagkakapiit kay Boabdil. Ito'y isang tulang binubuo ng mga saknong na tig-apat na taludtod, na sinulat niya noong ika-3 ng Disiyembre ng taong 1876. Ito ay sang-ayon kay G. R. R. Guerrero, na pinatibayan naman ni P. Francisco de Paula Sanchez. 91


92 Pagkasabi, ang tambuli ay matunog na nagbala; at ang ati'y nagsirating at sa laba'y napagitna; ang banggaan ng patalim ay kidlat na ang kamukha, at sa lahat na ng panig ay siyang dinig ng madla. Si Don Alfonso Aguilar ang siya nang lumulusob sa kanilang tagilirang ang hangad ay makakubkob; sumusugat, tumitigpas, lumilipol, at mapusok na katulad niyong lobo sa matatakuting hayop. Ay, wala nang kabuluhan 2ng hinaing sa Propeta ng masugid at malupit na alagad ni Mahoma, samantalang hinihigpit ang sib at saka ang renda laban sa mga kristyanong malakas at may awa pa. Sa labanan ay nasawi ang pamunuang matapang, sa mabangis at magulong pagpipingki ng digmaan; mga kabayo at sibat, mga salakot na bakal, buong lungkot na sa lupa ay nakitang naghambalang. Nagsitakas na sa harap ng nagwaging kristiyano ang nangatakot at pagod na kaniyang mga tao, gay a ng natatakot nang mga usang tumatakbo sa angil ng isang 路leong ang tapang ay di magbago. At ang Hari, samantala'y nag-iisang binayaan; nang mamalas na huli na ang gagawing pagtatanan, ay umibis sa kabayong ang puso ay may ligamgam, at sa gubat ay nagtagong punting-puna ng karwagan. Nguni't dal~wang kristyano ang sa kanya'y nakakita; dahilan sa kanyang tanda, ay madaling nakifala; noon din ay kay Don Diego, siya'y biglaang dinala, parang isang maharlikang nabihag sa pagbabaka. Ang Diyos ng kristiyari~, sa Lusena, ang naggupo sa kapangyarihang imbing nabuhay na mapala-lo, at nagtangkang ang kastila'y matalia't mapasuko, upar"g gawing isang bihag na lagi nang nakayuko.

Ika-3 ng Disyembre, 1876.


MATAGUMPAY NA PAGPASOK NG MGA HARING KATOLIKO SA GRANADA * Noon mandi'y isang gabing matahimik at malungkot, na may isang gunitaing sa puso ay lumulunod, huHng gabi ng pagyapak ng haring morong balakyot sa lupaing sakdal ganda ng Alhambrang sinasakop. Maputla ang kanyang mukha, ang buhok ay nakasabog, malamig na pati tingin ng matang paglid na pag6d, nakayuko na ang ulo, at ang mukha ay yukayok ng morong pasulyap-sulyap sa palasyong naging lugod. Ang lahat ay minamasdan na ang mata'y napipigta ng mga luhang nanagos sa malungkot niyang mukha, sa bubong na ginintuan na lubhang kahanga-hanga ay pamuling ipinako ang titig niyang may luha. Sa ganoo'y tumatangis na binasa ang nagdaang mga araw ng ligaya't matagumpay na labanan; na kung ngayo'y itutulad ang maraming kasawian sa lahat ng paghahamok nang nagdaang mga araw, "Paalam na, oh Alhambra; ako sa iyo'y Paalam, tahanan ng mga tu a at ligayang umaapaw. Paalam na, palasyo KO, na tigib ng kasayahan bukal na hindi matuyo ng ligaya't kasiyahan. Iiwan kitang malungkot at ngayon ay patutungo sa malupit na tapunang pagod ko'y di-mamagkano upang huwag nang mak5.ta ang mataas na moog mo't ang malilinaw mong bukal, tahanang pangmaginoo." Ito ang sabi't nanaghoy; at ang palamuting tanan ay inalis sa tahanang ginintua't pinagyaman, at nang mahubdan nang lahat ng hiyas na makikinang ang bulwagang malalaki, ay malungkot na lumisan sa gitna ng matahimik na gabi ng pagkahimlay ng mga kaawa-awang "arabeng" mangaiiwan, nang wala na kundi simoy ng hangin ang nagdaraan, na sa lunsod na tahimik ay siyang napapakinggan:

* Noong una ay kilala ang tulang ito sa pamagat na

" ANG

PAGSAKOP

kaya'y nang buksan ang mga pintuan ng lunsod upang masok ang mga Haring Kat6lik6 na siyang nanalo sa paghahamok. Jto'y isang kasa. sayang isinatula n i Rizal noong Ika-13 ng Disyembre ng ta6ng 1876, sang- ayon kay G. R. R. Guerrero, na pinatunayan naman ni Padre Francisco de Paula Sanchez. At ang simula ay ganito: "Noo'y isang gabing matahimik at malungkot" ... 93 SA

GRANADA",

0


94

At sa -pagbagtas sa daan ng naglahong kaharian, namumutla at matamlay sa pawis na makamatay at buntong-hininga lamang ang naririnig saanman, at kung minsa'y daing namang hiwatig ng pagdaramdam.

Napahinto't pinagmasdan ang sa muog na kalakhan; ginunita ang laban an ng malwalhating nagdaan; nguni't hindi nakatagal at sa ibaba'y tumunghay, bong lungkot na nagsaysay na ang ulo'y inilungay.

"Ay bapano ka, Granada? at nasaan ' naman silang mga ginoong kilala, sa an ngayon namahinga't ang sakit mo'y di makita? Oo~ akong iyong hari'y sa buhanginan uuwi niyong Libia't natatali sa palad kong sawing-sawi."

"Ngayo'y wala na ang lahat, kaharian, bayan, pilak, at tangi lang na paglibak ang sa aki'y nakagayak; nagkaroon ng panahon na ang kuta mo'y pinoon; sa harap ng mga kawaI, kilabot kang tinuringan."


95 Sabi'y iyan at minasdan ang kawal na dumaratal ni Talaverang wagayway ang bandila ng binyaganj na ang sinusunod nama'y ang utos !1g kaharian na ang buong kakutaan ng Alhambra ay masamsarn pati mga kasangkapan.

Kay Fernando Talavera't mga ginoong kasama, ay lumapit kapagdaka si Boabdil na may dusa, saka kinausap silang may lunggati at balisa, ang tinig ay baklang-bakla't sumisikdo ang alala.

"Hayo kayo nang daglian, at kunin ang mga bahay na Diyos na ang naglaan sa inyong haring matapang; pagka't pinarurusahan ni Alah ang kamorohan, sa yaman ay hinubaran, pinalayas din sa Bayan pagka't batas niya'y sinway."

At wala nang sinabi pa, tinunton ang daan niya, na ang kabig ay kasamang matahimik at may dusa; hindi lumilingon sila sa lupaing inu1ila, pagka't lalong aantak pa ang sugat ng kaluluwa.


96 Sa malayo'y namamasdan ang sa kristyanong himpilan, na pawang nagkakatwaang ang kurus ay tinitingnan sa Alham brang minamahal, nang ang lunsod ay makamtan; pagka't sa liping talunan, ang unang palatandaan.

N aririnig ng Monarka, sigawang "Viva Castilla! nakikita pa rin niyang lumuluhod na lahat na mga kawal ng Espanya na pawang nananainga sa babala ng korneta't sa ka bayong mga paa.

Nang magkagayo'y sinundan si Fernandong haring mahal, na ang hukbo'y inunahang itaguyod, patnubayan at nang siya'y malapitan, sa m onarka'y ibinigay ng moro ang susing tangan, tanging sanla't kayamanan ng sa morong kabunyian.

"Tingnan ninyo at pansmmsabi ni Boabdil na rinang sa inyo'y aking hain, sa arabeng labi namin: mga tao't kaharian, tahanan, lupa't tagumpay, mga to~e't halamanan, ang lahat na'y inyong tunay."

.- .,


97 Sabi'y gayon ni Boabdil, at matapos itong gawin ay lumayong naninimdim sa lupaing sakdal lagim; sa lakad na di-matulin, kawal niya'y nalungkot di't nalulunod ang damdaming nilisan ang sintang GeniI. Samantala ang kornetang pandigmaa'y pinasigla't si Fernando'y nakikitang pumapasok sa Granada, na ngayo'y kristiyano na; ang sa morong dala-dalang mga bihag noong una, ngayong talunan na sila'y nagsiharap sa, Reinang si Isabel na maganda. Sa 'fllandirigman nagtiis, ang Monarka ay mapit, na may awa't nah!ahapis) at ang kasiyaha'y labis pagka't sila'y di nalingkis ng kasamang pumiyapis; Reina ay buong pag-ibig na nag-alay ng matamis na pakirokim sa naamis na sundalong nangagahis; oh! reinang sakdal ng dikit, ang korona mo'y panlangit. Nang sa moro'y mapakinggan ang masayang alingawngaw, na may tambol na kasabay, ang masasayang awitan, itinangis nilang tanan ang mahapding kapalaran, ang purnanaw na katwaan ang bayang walang kapantay. 006701-

7


98 Ang malungkot nilang daing, maingat na inilihim, ang himutok ay gayundin at ang sigaw nilang haling; pagka't sila ay taksil ding kung ang gayo'y malilining ay baka pa maituring ang tagumpay nilang kimkim ay ibayo sa paningin.

Ang bandila ng Espanya'y iniladlad nang masaya sa lahat ng mga muog na hindi na malulusob!

Sa matikas na Granada na ang mga hari'y sila, -itatakda kapagdaka ang batas ng dal bhasa, mula sa upuan nilang masa:nghaya at maganda sa mga anak ng Genil, na hindi na magtataksil.

Ang Alhambrang sakdal ganda'y kanila na ngang talaga, sa kristiyanong taha..1'1an, pagka't ari na ng bayan.

Tinitingnan na ng Diyos. magmula sa kalangitang sa ligaya'y napupuspos, ang naggagaraang muog, na tigib na hanggang loob ng ligayang walang tuos.

Ika-3 ng Disyem.bre, 1876.


SI COLON AT SI JUAN II * Sa iyo, Cristobal, langit At walang hanggang tagumpay at pangalang pandaigdig Ang alay ng kasaysayan! Umabot ang iyong ngalan Sa darating na panahon at nang ikaw ay hangaan. Papurihan ka ng lupa Sa kantahin ng pagsinta't kasiyahang darakila, At lahat ng angking-kaya, Ngayon din, ng Lusitania'y Ipahayag ang marangal na alab ng paniwala. Sinong gaya mong mahinhin, MarUItong na tumalima, matiyaga't maawain? Tinalo mong walang gulat Pati bagsik niyong dagat Sampu pa ng karuwagan ng kuhilang manglalayag. "Mabuhay ka, Almirante, Na may matibCj.y na dibdib at sa digmaa'y bayani; Sa walang kupa mong tapang, Ang may-awang aking alay Ay palasyo na ka~a ang lahat ng karangalan." "Ako na ang mappapanggap At saanma'y magbabantog, na kaharap ang watawat, Na ikaw'y Virrey na ngayo't Sa moog ma'y ipapatong Ang ngalan rno na dadalhin ng watawat nitong nasyon." Ito ang sabi ng hari N g Portugal, si Don J uang sa lahat ay natatangi. Iniuna ang tagumpay Na handog sa kanyang mahal, At pati na sa palasyo'y pambihirang matitirhan. Nguni't madaling lumayo Si Colon sa gayong imbi't pataksil na pagrahuyo Ng palasyong rnaimbutin; At patakbong purnaroon Kay Isabel na kristyanang sa kanya ay umaampon. â&#x20AC;˘ "Lira", isang uri ng tulang kastila. Ang tulang ito ay sinulat ni Rizal noong siya'y Prefect~ pa sa Akademya ng Literatura sa Ateneo de Manila. sang-ayon kay D. Mariano Ponce, hindi taglay ang tala ng araw, buwan o taon nang sulatin. Ipinalalagay na sLl'lulat ito ni Rizal noong taong 1877 o 1876.

99


MALAKING KAALIW AN SA GITNA NG MALAKING KASAWIAN * ALAMAT Bahagya pa lamang na nakukulayan ni Febo ang tanang ulap sa silangan, nang kanyang idungaw ang magandang araw, na lamig ang taglay.

Nang iniwagayway sa tuwid na tagdan ang bandilang taglay ng Kastilyang bayang may dalawang kulay. Nang si Colon naman, Almiranteng tunay -ng kastilang bay an, siyang magwagayway ng bandilang tangan sa dinaraanang dagat na maluwang. Ang kanyang sasakyan ay nagdudulas lang sa dagat na kristal; ang madlang tauha'y nagnanais naman na agad dumatal sa gin tong daungan. ~' Alamat. Ang tulang ito ay sinulat ni Rizal no6ng siya'y prefecto ng Akademya ng PanItikang Kastila sa Ateneo de Manila. Ang tulang ito ay nakuha na kasama ng maraming kasulatang mula kay D. Mariano Ponce, isang matalik na kaibigan ni Rizal, nang mabili na ng Pamahalaan sa Pilipinas. Natitiyak na ang tulang ito ay sinulat ni Rizal, upang subukin kung kanyang magagamit nang walang gatol ang lahat ng mga sukat na ginagamit sa tulang kastila, sa iba't ibang paraan at ayos. Ang ilang kilala at matatandang manunulang kastila man, ay nagsigamit din ng ganitong mga kaparaanan upang mal am an ang tatag ng kanilang pagka-manunula sa lahat ng hug is, ayos at hubog ng panunula. (Kantahing-bayan #)

100


101 Nang siya'y madaan, siya ay dinalaw ng punu-punuang Cortes na magalang; kaya siya n.arp';l.:l1K . Almiranteng mahal ang siyang umagaw . na iyo'y gantihan nang may pagmamahal: At yaong mayabang na punu-punuan, siya'y hinandugan . ng di karaniwang bahaging kinam al na gintong makapal.

Noon.ay gabi na't lahat ay payapa na nililim t na, ang pagal na pala, niyong mga: kawal na pawang naghiga: ang nagpup yat lang ay isang binata.

Makaitlong yaong kakila-kilabot na katahimika'y mag-anyayang antokj at makaitlo ring wala man ni pagod na inuugitan ang lunday sa agos

Sa huli'y nahapo . . . at kanyang illlwan, iay! ang pagpatnugot! isawirig kapalaran! sa hindi bihasang ibang mga kamay, sampung sa Kastilyang dangal at pangalan.

At sa gay on yaong along umuungol ay tumunog, At ang daong sa mababaw na dagatan ay sumugod.


102 Nagising si Colon sa paulit-ulit na hampas ng alon at siya'y nagtindig sakuna'y nakita't sumigaw na pilit . . . Mga tao niya'y kumaba ang dibdib: anong kaguluhan! . . . ang ingay! . . . ang tinig! saanman madako'y pilit naririnig, patuloy ang da6ng sa mababang tubig, lahat ay kalabang parang panaginip.

Tangi lang si Colong kulog ang kawangis sa gitna ng gayong gabing nagsusungit at siya'y sumigaw, ibaba sa tubigang sabing ang boses ay di man nanginig-

iyang "bote" nating matunog ang tinig. Nag-utos . . . madaling napuno ang lunday ng taong nawala pati kahihiyan, sa nasang tumakas, at siya na lamang ang nagpapasigla, siya'y nag-aantay, at lumalaban pa sa kamatayan man.

Wala nang mangyari sa punyagi't agham nang laban sa ngitngit ng dagat na hibang, wala ring mangyari sa mahinang laban sa lakas ng bayo na makamamatay, kilala ni Colon ang di kakayahan . . . Naririto kami! narinig noon din ang tunog ng sigaw na tagumpay mandin, at ang sa tambuling may palalong higing.

Ito'y si Vicente Yanez, ang pangalan, na siyang dumusta sa mga karwagan ng ibang kasama't kanyang inutusan ang kanyang kakamping si Colo'y tulungan nang lubos na kaya't buong katapangan. Samantalang noo'y nangagpapasukan ang ham pas ng alon sa kanyang sasakyan, na lubhang mahina't lulubog na lamang . Kamatayan pati'y parang nagbabala sa da6ng na noo'y waring ginigiba.


103 lligtas ang kasamahan ang kay Colong inaagaw, malungkot na tinitingnan ang palubog na sasakyan; ayaw niyang yao'y iwan, at buntong-hininga lamang ang kanyang nabibitiwan, katulad ng tupang mahal kung siya nang nawawalan. Malungkot na minamasdan ang wala nang taong lulan . nag-lisa't walang abay si Cristobal na naiwan! Ang tinging may kalumbayan, sa mata ay nalarawan, may kahapisa't luhaang sa sakit ay sumusungaw, "Paalam na oh, sasakyan, paalam na minam~al, na naglayag sa dagatan, mula sa Iberiang banal, sa lahat ng naligtasang maraming kapahamakan, na buo mong katapangang sa utos ko'y sinubuan, ay! tighawin mo man lamang ang sakit kong dinaramdam!" "Hapis kitang tinitingnan, at ang labi mong naiwan, ngayon, kung aking pagmasdan, nabubuntong-hininga lang ang puso kong nagdaramdam! Para ng may lasong hinga'y nilanta ang iyong ganda Ikaw kay a nang yumaong mga araw ko ang daong, na nagpamalas ng tapang, at sapagka't inaampon ng dakilang Panginoon, sa masungl째t na panah"" on o


104 "Pan~ akong babalik pa sa lupa ko kung di dala ang bapor kong Santa Maria? Tapat at may-awang langit! Paano kong isusulit ang lupain . kong nasapit kung sa clon na naligpit ang daong kong iniibig?"

Ganyan nga ang sabi ni Colo't iniwan na nagmamadali ang kanyang sasakyan, buntong-hininga lang ang piping pahayag na daing na tunay, samantalang pawang mapa it na luha ang sa mga mata'y naging bukal yata . Sawing palad, nang lumipas, ay pahatid na magilas ang malungkot na pahay g kay Guacana aring pantas; at ang kanyapg pagkaharap, ay nagtamo ng palakpak at iyong punu-punuan, ay iba't ibang laruan na pawang nakalilibang ang nilalang; kaya si Cristobal naman, nang marinig ang hiyawa:t kasayahan ay tapos nang matuturan:

At sa kanyang kawal noon di'y nag-utos na iparinig lang ang sa kanyang putok. Ang punu-punuan, lahat na'y natakot nang marinig nila ang lakas ng tunog. At tinungo nila yaong kagubatang di pa napapasok ninumang nilalang, samantalang tulig nilang minamasdan, ang napakaraming mga kagamitan.


105 Sa tunog ng kanyon na kinagulatan, ang lahat ay parang nawalan ng malay sa takot na silang lahat ay mamatay; nang di makatakas, nasubsob na -lamang at ang ibang indyo nama'y nagtakbuhan. Ang mga kastila'y itinudla naman ang kanilang panang gayon din ang inam; nagtanim sa dibdib ng gayong tauhan ng piping paghanga, takot at ligamgam. Makaraan iyon, naman ay patalil'n, ang siyang ginamit sa kunwa'y taimtim na pakikihamok, na hinangaan din, samantalang yaong indyong nangahaling na pumapalakpak ay di nagmamaliw. Pagkaraan niyong madlang kaguluhan, inihanda naman niyong Almirante ) ang kanyang pa q lisan; at sa pulong iyan ay kanyang iniwan ang maraming bilang ng nasasakupan. Muog ang nahirang na pangkaligtasan sa parang bakuran ng kanyang tahanan, at iniwagayway sa gayong kanlungan ang bandilang hirang ng kakastilaan. Sa pamunuan ng Akademya ng Panitikang Kastila.

J.

RIZAL


ANG KABAY ANIHAN AWIT NA EPIKO

*

Paralumang tagalangit, sino kaya ang sa diwa ni Colon nati'y nagbigay ng siglang kahanga-hanga, upang ang dagat Kanluran ay matawid nang payapa, na batbat ng pananalig at tapang na walang sawa? Sino kaya ang sa kanya'y nagbigay ng katapangan, nang pagalitin ang dagat ng hangin na umaangal, sa anyaya niyong anghel ng kasamang tinataglay laban sa lahat ng anak ng Espanyang tapat naman? Sa gitna ng isang gabing mapanatag at tahimik, na ang lupa'y nalalagak sa matimyas na pag-idlip, at ang buwang kabilugang wari mandi'y nanginginig, ay malayang naglalayag sa kalinisan ng langit, isang tao ang sa dagat ay matamang nagmamasid . . sa may ngiting mukha niya'y makikitang nakaguhit sa kapangyarihang taglay ng pagkaawa't pag-ibig, kabutihang nagsasabi ng talinong walang dungis. Ang magulong Iffiga alon ng dagat na namumuti, na siyang nagpap ligo sa pampangin ng lwalhati; ang maningning na liwanag, nanganganinag na tangi sa mahinhin at mabangong hihip-hanging bumabati; samantalang ang aninong p andayuha't may lunggati'y nagsasayaw sa paligid ng may pakpak na taguri ang mabangis na matandang magaliti't di mangiti, lumitaw sa kalaliman ng karagatang nahawi. * Basahin ang sinabi ni D. Jaime de Veyra tungkol sa tuh~ng ito ni Rizal, pagkaraang tanggapin na marahil nga ay sinulat ito ni Rizal noon pang 1877, nang siya'y nag-aaral pa sa Ateneo de Manila. Nakaayos na ang mga tWa sa letrang tingga, sang-ayon kay D. Jaime de Veyra, no6ng magtatap:Js ang Disy~mbre ng ta6ng 1946. Ganito ang nasasabi sa mga panawag-pansin nang nakahanda na ang ipalilimbag. "Katutuklas pa lamang ng nawaglit na bahagi ng Aklatang Pambansa, niyong kilala sa tawag na katipunan ng mga kasulatang ukol kay Rizal, na ipinalalagay nang nawaglit. Kasama ng nasabing katipunan ang tulang ito, na nasa-talaan sana namin noon pang una, nguni't sa lahat man ng kaparaanan ay hindi kami nakakuha ni isang sipi. Dahil sa ganitong pangyayari, ang tula ay hindi tapos at hiwahiwalay, kaya dapat na tayong masiyahan sa ating nakuha 0 natuklasan. ryan lamang an~ labat ng sinasabi ni D. Jaime de Veyra tungkol sa tulang ito. 106


107 Pigil na walang tigatig ng kanyang kamay na kanan ang mabigat at may tatlong ngiping kanyang pananggalang . ClAng pangahas mo bang puso'y nag-aantay na manalo diyan sa katakut-takot na galit ng dagat dito, na kung umuungol na nga ang habagat at parito, ay tumitindig nang buo't hinahambal kahit sino? Oh! sino ang matahimik na mamasdan ang ganitong uhaw sa dugong panigpas niyong kamatayang lilo, na pag-ungol na ng hanging sa lahat ay lumilito, siya nama'y nagbubukas ng libingan sa dagat ko?" UNa mayron pang dako roon? Tangi lang sa kamatayan, ang nakapangingilabot, malupit na karagatan, na naghahasik ng sindak sa puso man ng matapang, doon sa bawa't -sandaling sawi'y pinagbubuhatan ng unos, na mandaragat ay sadyang di rin malaman kung paano ililigtas sa panganib ang sasakyan, at ang tubig ay sa p~sod ibig siyang matabunan, doon sa katakut-takoi na halimaw ang nag-abang." "Nguni't ikaw ay kawawa! Ang Espanya'y kawawa rin, kung ang iyong hinahanap ay malalayong lupain! Kalupitan ni Aquil6n ay aking pag-aalabin at ang lahat na ng bangis na sa dagat nabibinbin . At bago mo matuntungan iyong danay na mithiin, sa bapor mo'y kagalitan ang siya kong itatanim; at hanggang ikaw'y maghirap ay hindi ako titigil, kung hindi ka ililigtas ng banal na maampunin." "Halimaw, magtahan ka na, ang sa tinig na malinaw ay naisagot ni Colon, ang kamangmangan nga naman .


SA KABATAANG PILIPINO Sagisag:

*

"Lumusog ka, oh, mahinhing bulaklak"

Itaas ang iyong Malinis na noo, Sa araw na ito, Kabataang pilipino! Igilas mo na rin ang kuinikinang mong Mayamang sanghaya, Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya! Makapanyarihang wani'y 1 lumilipad, At binibigyan ka ng muning mataas, Na maitutudla ng ganap na lakas, Mabilis sa hangin, sa kanyang paglipad, Malinis na diwa, sa likmuang hangad. Ikaw ay bumaba Na taglay ang ilaw N g sinin~ 2 at aglilarn 3 Sa paglalabanan, Bunying Kabataan, At iyong kalagin ang gapos mong iyang Tanikalang bakal na kinatalian Ng matulain mong waning kinagisnan. * Ito'y isang Awit na nagtamo ng g-antimpala sa isang timpalak na pangkalahatan. Sinulat ni Rizal noong 1879, at ang unang pagkakalathala ay sa isang rebista 0 pahayagan sa Maynila nang taon ding iyon. Inilathala uli ng iba't ibang pahayagan na gaya ng La Independencia, Republica Filipina, nang ika-30 ng Disyembre ng taong 1898; Homenaje a Rizal at NuestTO Tiempo noong Disyembre ng taong 1904, gayon din sa Aparato Bibliografico de la Histor-ia de FiLipinas ni G. Wenceslao E. Retana, 1906. Ang saknong na masasabing natatangi sa lahat, ay iyong nangunguna, na sa huling berso ay kinababasahan ng ganito: "Magandang pag-asa ng Ina kong Bayan". Ang katagang ito, hangga ngayo'y hindi pinagsasawaang banggitin ng mga pilipino sa mg-a lamayan, mga paaralan, sa politika man at sa lahat ng kilusang pambansa, mga pagkakataong sinasamantala ng mga pilipino, upang ipaalaala sa kabataang pilipino na magpakabuti upang tumugon nang ganap sa kahuli-hulihang pag-asa ng Bayani ng Lahi. 1 Wani-henyo 2 Sining-arte S Agham-siyensiya 108


109 Tingnan mo't sa danay 4 Na lubhang mainit na pinamahayan Ng mga anino ng kakastilaan, Ay isang marilag na putong aug alay Ng kamay ng awa't may dunong na taglay, Sa iyong sumilang Sa lupaing ito ng kasilanganan.

Ikaw na lagi nang pataas ang lipad, Sa pakpak ng iyong mayamang pangarap, Na iyong makita sa Olimpong ulap Ang lalong matamis N a mga tulaing pinakananais, Na higit ang sarap Kaysa "ambrosia" at "nectar" na wagas N g mga bulaklak.

Ikaw na may tinig na buhat s langit, Kaagaw sa tamis N g kay Fil<pmelang malin is na himig, Sa gabing tahimik Ay pinaparam mo ang sa taong saklt, Ikaw, na a:ng batong sukdulan ng tigas Sa lakas ng iyong diwa'y naggagawad Ng buhay at gilas, At ang alaalang malinis at wagas N g waning makislap Ay nabibigyan ng kamay mong masikap Ng buhay na walang masasabing wakas.

At ikaw, na siyang Sa may iba't ibang Balani ni Febong kay Apeles mahal, Gayundin sa lambong ng katalagahan, N a siyang sa guhit ng pinsel mong tanga'y Nakapaglilipat sa kayong alinman; â&#x20AC;˘ Danay-isang pook

0

lugarin


110 Hayo na't tumakbo! Sapagka't ang banal Na ningas ng wani'y nais maputungan Kayong naglalamay, At maipamansag ng tambuling tangan, Saanman humanggan, Ang ngalan ng tao, sa di matuIusang Lawak ng palibot na llakasasaklaw. Malwalhating araw, Ito, Pilipinas, sa Iupang tuntungan! Ang Lumikha'y dapat na pasalamatan DahiIan sa kanyang nasang mapagmahal, Na ikaw'y pahatdan

)


SI ABD-EL-AZfS AT SI MAHOMA At noon ay gabi: hangi'y humihibik, sa Ialong matayog na tore, paghalik, at sanlibong ingay na sa pakpak bitbit, na ipinapagpag sa may himpapawid. Pinapagluluksa ng maraming ulap ang katahimikan ng magandang ilaw ng gabing mapanglaw, at isang dinampol na parang balabal ang nakatatakip sa lupaing iyon na niyayapakan ng mga kastila't doon sa mataas na tore ng moro'y nagbabala naman doon sa ituktok ang isang kuwago ng maxaming sama't marugong digmaan, na parang babala ng kaniyang boses na nakahahambal. Samantalang noo'y pinakahahanap sa kanyang higaang malambot na yari ng moro sa garing na tinatabasan, ginhawang masarap nang nagdaang araw. ni Abd-EI-Azls na sa tapang ay puna; Sa tungkuang pilak nama'y nakasalang ang isang panuob na ilhlnakatas ng ilang halamang galing sa Arabya, na sa pagniningas nama'y nagkakalat ng nakalalangong pabangong ang amoy ay lubhang masarap, sa loob ng gayong magarang tulugang sukdulan ng yaman, lahat ay tahimik at tulog ang Iahat; ang moro na lamang ang napag-iisang doo'y nagpupuyat, samantalang kanyang tinitingnan iyong malungkot na Haw na naglalagos pa sa patalu-habang kanyang pahingahan. Walang anu-ano'y kanyang namataang parang may aninong noo'y lumilitaw sa liwanag niyong ilaw na malamlam, na siya ay parang idinuduyan pa't kahit isang dali ay kanyang nakitang naghubog-lalaking ang mukha'y maputi't waring mabalasik sa kilos at gawi. *.Pagbatayan natin ang mga tuIยง. ni D. Jaime de Veyra, tungkol sa makasaysayang tulang ito ni Rizal, na sang-ayon sa nasabing ginoo, ay binigkas ni D. Manuel Fernandez Kaniwang, na ang pamagat noon ay KINILABUTAN 51 MAHOMA, noong ika-8 ng Disyembre ng taong 1879, sa Ateneo de Manila, nang ipagdiwang ang Patrona ng Paaralang nabanggit.Ito ang paliwanag ni D. Vicente Elio, na naging kamag-aaral din ni Rizal.

111


112 May pugong na put! sa kaniyang ulo, mahaba ang balbas, masaya ang noo, liyad na sandata ang nasasa-baywang at doo'y may dugong dumadaloy naman. Katulad ng ugong ng guwang na tanso, na nagbabalita ng naghihingalo, tinig niya'y gayong sa katahimika'y nakabubulahaw, gayon din sa morong noo'y tumatanaw sa kataka-takang anyo niyong litaw. Ay! Ay!-ang sabi pang boses ay umugong na may alingawngaw na nangunguloong, isang alingawngaw na nakayayanig, alala ng isang kaibigang tinigAy, naku! Kawawa ang bansang matapang na nakita yaong Libyang mabuhangin! Kay sayang ng Koran, kayamanang mahal, na ipinamana ni Alahng giniliw! nawalan ng say say nang kanyang talunin ang kristyanong i ong nakapangunguling sa may Guadaleten~ luntiang baybaying naagaw din niya sampu ng watawat, pagka't mapalalong m ling iniunat yaong kanyang liig sa pagkakabihag. Pagka't si Pelayo, ang godong marangal, anak ng bayaning Favila ang tawag, na sa Kobadonggang mga kabatuha'y doon hinahamon ang mga musulman. Ang kurus, ang kurus, tandang sinasamba'y siyang sinusundan ng sundalo niyang nais na manalo saanman humangga: pati si Maria'y kanilang kasama't ang baluti nila'y ang balabal niya. Nguni't ikaw sana'y huwag matatakot, pagka't ang muslime'y di malalamukot, mananalo siya saanman maghamok. At mawawalan din ng saysay ang kanyang tapat na pagtulong sapagka't ang Diyos, sa tapat na loob lamang umaampon. Datapwa't sayang lang kung matutulog ka sa pagpapasasa at ang habilin kong sa langit nagmula'y ipauubaya, babagsak ang tronong nagbigay kay Tarif ng kapanalunan sa bagsik ng taga ng sandatang imbi ng mga kalaban; katulad ng ilog ay ang inyong dugo na nag-uumapaw


113 ang magpapabaha sa mga palanas at sa kabukiran, saka ang Iberyang ngayo'y bulaklakan, ang siyang sa inyong arabe'y magiging tunay na libingan; at sa walang bilang na mga labanang walang katapusan, doon ibabaon sa dibdib din ninyo ang hawak na sundang ng mga kastila, at sampung buhanging kanilang tuntunga'y inyong gagapangang katulad ng sawang sinumpa na lamang; saka dangkal-dangkal na ang lupang ito ay inyong iiwan na pinatabaan ng inyo ring dugong may basbas na banal; pati mahihinang babae at bata'y magiging alipin ng dusa't dalita; at kayo na nama'y itatapong mull sa may buhanginan, at lubhang mapait na luha ang sukli sa kapayapaang nawala at sukat, at mga pahirap na makahihiya sa inyong pagbali~ ang sa araw-araw'y bibilanging sadya. At buong kalakhang pagtatamasahan ang iyong nasapit ng mga sasakyang pandigma na siyang sa inyo'y gigipit, pati ng lupaing tinut lugan ko'y sasakuping pilit, ikaw'y manandata, tumakbong madall, lumipad ka agad! Ipagtabuyan mo sa pakikilaban ang iyong alagad, at iyang tambuli'y bayaang tangayin ng hanging may pakpak ang kaniyang tunog na sa panaluna'y siyang nag-aakyat. Magimbal ang lupa sa ilalim niyang matigas na bakal ng kabayong iyang tuba sa Arabya't doon iningatan, at sa nagniningas na pula ng batong 'lntlrice ang tawag ng kuhilang dugo'y doon na matina ang sandatang hawak. Sa harap ng Buwang taglay kong sagisag, gawin mong ang Kurus na iya'y magsuko ng kaniyang lakas, at kailan pa ma'y dapat na magningning sa pananagumpay ang aral ng Koran na sa kanyang daho'y tagumpay ang bigay." Ang sabi't katulad ng maputing as6ng napaiilanlang, na isang malakas na hangin ang siyang pumapawi lamang, sa gayon naparam ang nakasisindak na napanagimpang nagbigay sa moro niyong pangitaing kay Bathalang lalang.

Ika-8 ng Disyembre, 1879. 0 06701 -

-8


SA PILIPIN AS

*

(Sa album ng mga manlililok na pilipino)

Maganda't maalab na tulad ng hiyas na sa langit buhat, Kahika-hikayat, malinis na gay a ng talang ninikat, Kung ang mga ulap ay kinukulayan ng bughaw na wagas, Natutulog naman ang isang diyosang Kayumangging balat. Ang bakas ng yapak ay buong pagsintang hinahagkan-hagkan ng buUmg manipis na dala ng alon niyong karagatan; Ang Kanlurang pantas, pati kanyang ngiti'y sinasamba naman, gayon din ang Du'lo ng ubaning lupa'y binubulaklakan. Ang Paraluman ko'y pautal sa kanyang umaawit-awit, Kasaliw ng mga "On ina't N ayad s" na nakaliligid; ang han dog ko naman sa kanya'y ang aking ligaya't pag-ibig. Niluntiang mirto't mga masanghayang bulaklak ng "rosas", saka asusena ang sa kanyang noo'y ikapit na hiyas, oh, mga "artista", purihin ang ating Mutyang Pilipinas! " Ito'y isang tula na binubuo ng labing-apat na taludtod, na inihandog ni Rizal sa Samahan ng mga Manlililok (Sociedad de Escultores), upang ilagay sa isang album. Alalaong baga'y isang "soneto" na sinuJat niya noong Pebrero ng ta6ng 1880. Ang unang-unang pagkakalathala nito ay sa La IndependencicL no6ng ika-29 ng Disyembre ng 1898. Tinitiyak n g ilan na ang bantog na manlililok na pilipinong si G. Romualdo de Jesus ang nakapagtago ng orihinal ng tulimg ito, nguni't hangga ngayo'y hindi pa ito nakikita ng mga nalabing kamag-anak ng nasabing eskultor. 114


KAY BIRHENG NT-ARIA * Maria, rnatimyas na Kapayapaan, Kaaliwang mahal ng tao sa sakit! Ikaw rin ang daloy na pinagmumulan ng mabisang agos ng rnga saklolong pinakaaantay, na walang pahingang itong lupa narnin ay pinagyayaman. Magmula sa iyong luklukang mataas sa rurok ng langit, boong pagkahabag na dinggin rno sana ang daing ng sakit! at lukuban sana ng iyong balabal na kaakit-akit yaring aking tinig na nagrnamadali sa kanyang pagpanhik. Ang Ina ko'y ikaw, mapagbigay-awa, Maryang mairugin. Ikaw ang magiging quhay ko at siyang kanlungan sa lagim, Sa dagat na itong sa dal kalupita'yi aakay sa akin. Kung sa bo6ng bangis ay usigin ako ng masamang asal, Kung ang Kamatayan sa pagbihingalo'y maglulupit narnan, Saklolohan ako't pawiin rno Sc}fia yaring kalungkutan. ':' Ito ay isang "sonetong" hindi gaanong kilala ng unahang nalathala sa La Alborada sa Maynila, noong bre ng taong 1901. Inaakala ni D. Vicente Elio, na na ang tulang nasabi ay sinulat nito noong 1880. Gaya ng mapapansin ang tul4ng ito ay kahugis ng mga eskuItor na pilipino.

mailla, na kaunaika-30 ng Disyemkababata ni Rizal, kanyang inialay sa 115


SA TAB I NG PASIG * (Sarsuwelang patuia na may isang yugto) MGA TAUHAN

LEONIDO, CANDIDO, PASCUAL (pawang mga bata); koro ng mga bata at ng mga demonyo, tbp. (Ang pangyayaring ito'y tinanghal sa dalampasigan ng ilog Pasig, sa bayang kapangalan din nito; sa palamuti ay makikita ang ilog, at sa kabilang ibayo mula sa kinaialagyan ng mga nanonood, makikita ang simbahan ng bayar:, ang mga bahay, mga kakawayanan at maraming bandila at palamuting karaniwang ilagay ng mga bayan sa Kapuluan kung may pagdiriwang. Mag-uumaga, at dahil dito'y ang kabuuan ng tanawing makikita ay malamlam at kaakit-akit sa mata, sa pamamagitan ng mga telang nakukulayan.) UNANG TAGPO

Si CAM>lDO, si PASCUAL at ang ibang mga batao (Ang isa sa mga nasabing bata ay may dalang mga buJakJak at ang iba naman ay mga bandila at laruang bagay sa kabataan) KORO

Mga rosas, klabel masayang Pasig na iginigilas ang kanilang dikit; n~

Ang magandang langit ay dinaramitan ng kinang at kisig ng bukang-liwayway . .. Ang dulang ito ;1a may ilang bah aging may tugtugin, ay tinula ni Rizal sa maiigsing sukat, na kauna-unahang nalathala sa LA PATRIA, ng Maynila, noong ika-30 ng Disyembre ng ta6ng 1902. Basahin natin ang sinasabi ni G. R. R. Guerrero tungkol sa nasabing dulang may kasaliw na tugtugin: "Noong ika-27 ng Nobyembr'e ng ta6ng 1904, na ipinagdiwang nang boong dingal ang pagkakadala ng Mahal na Birhen sa Antipolo, sa Maynila, ay inawit ng mga "congreganteng" labas-masok sa Ateneo de Manila at ng Normal ng San Javier, sa dalampasigan ng bayan ng San Pedro Makati, samantalang nagdaraan ang prusisyon sa ilog Pasig, ang isang bahagi ng unang yugto ng dulang SA TAB! NG PASIG, na nilapatan naman ng tugtugin ng Maestrong kastila na si D. BIas de Echegoyen." Sa ibang dako ay tinitiyak din namang ang "melodramang" ito ay sinulat ni Rizal noong 1880, nang siya'y may gulang na 19 na taon Iamang. Sa isang salita, ay masasabing ang dulang ito'y hinangaan nang lubos ng mga kastila at pilipino. 116


117 Ang kaniyang mata'y masasabing banal, at ang kanyang noo ay mistulang araw; Mapupulang labi na nagpapaningas sa payapang dibdib. Sa iyong matimyas, pambihirang ganda, ang isip ay tiyak na lumiligaya; Sa iyo ay walang kaparang ligaya ang tatamasahing puspos ng pag-asa ng diwa ng tao. (Bibigkasin) CANDIDO-

Anol).g ganda ng umaga, sa liwaj(way na kasama, ang ham pas ng kanyang sinag, ay siya ring kalambingan ng lahat ng bulaklakang nagbigay , ganda't hiyas sa luwang ng kapatagan. Ang Pasig! Dinig ba ninyo ang lagitik ng kawayan sa kanyang dalampasigan? N aririnig baga ninyo ang sa ibong mga awit na mahinhi't iba-iba? Sabihin nga ninyong tapat kung ang ganyang kagandahan, palamuti't kainama'y ari ng katalagahan; at ang agos na payapang landasin ng mga bangka, di ba kayo inaakit? Di ba kayo binibihag, sa pamamagitan lamang ng wika niyang matatas?

'1


1]8 Hindi baga sinasabing ang kanilang kasiyahan ay dahll sa Inang Birhen? Kaya sila'y nabubuhay sa ganitong mga araw na puspos ng karangyaan? LA HATDi sasala! Ang ligaya PASCUALng bayan ay nadarama ang lahat ay nagsasayaw sa laki ng katuwaan. N apapansin ko rin naman ang tanawing sakdal gara ng lansangan, maging bata, at lahat ng matatanda'y lumalabas, humahanga. BATANG 1Tunay, Pascual, ang sabi mq. N ananalig naman akong ang lahat ng mga tao'y madaliang nagsasabit ng abiting maririkit at bandilang mapang-akit. BATANG 2Narito ang isang pangnang may bulaklak na pang-alay sa Birhen ng ating bayan . . BATANG 1Inaku! Tingnan nga natin! Panghandog na di magaling (May paghamak na tumitingin)

BATANG 3-

Sa bahay ko'y may kulungan ng ibong sakdal inam, kung humuni't mag-awitan ay kay tamis na pakinggan, at siya kong ibibigay sa Birhen kung magdaraan. Mga ibon! Kaululan! Ako ay may sususuhang mga putok, at pailaw . (nagmamayabang)

BATANG 1-

Lumayo ka! Walang saysay, pagka't iyan ay laruang nagbibigay-takot lamang.


119 BATANG

3-

BATANG

1-

PASCUAL-

LAHATPASCUAL-

BATANG

2-

PASCUAL--

BATANG

1-

BATANG

3-

BATANG

1-

BATANG

3-

BATANG

1-

BATANG

3-

BATANG

1-

CANDIDO-

Aba! Tak6t lamang ikaw. Ako? Hindi tunay iyan. Ako ay may pito naman na niyari sa kawayan. (Ang lahat ay nagtawanan) Ha! Ha! Ha! Haaa! Kayo baga'y nagtataka? Kayo ngayo'y manainga't tutugtugin ko ang "flawta". At gaya ng inyong alam, ako'y sadyang tinuruan ng tatay ko ng di ilang mga tugtog na mainam, naito na at pakinggan . Bulaklak ko'y higit diyan! Kaysa aking pitong alay? Kaululan! Kabaliwan! Mainam pa ang kulungan ng ibon kong nakalaan. Pseh! Ang paputok ay higit. Magmoong nagpipilit iya'y walang masasapit. Maginoo, tila kayo'y namumwisit Ke gago mo! Walang isip! Ang hola mo'y isang tulig Wala namang masasapit ang putok mong pambuwisit. Kaibigang mababait, huwag kayong magkagalit; ang anumang iaalay ay may kanyang kagandahan. Ako'y mayrong pakiusap, at ito ay di mahirap, makinig kayo nang tapat. Isang bangka ang marapat nating kuni't maigayak, at lululan tayong lahat at sa ilog ay babagtas. Bandila't mga bituing makulay na nagniningning ang bihis ng bangka natin.


120 Yamang ikaw'y may bulaklak, ay dalhin mong lahat-Iahat; ang "hola" mong isinaad, dalhin mo rin nang malantad; ang paputok na malakas, ay dalhin mong tangkas-tangkas; Ang pito mong mataginting ay dalhin mo't dinggin natin, samantala'y patuloy rin . ang pag-aalay sa Birhen, anong inyong sasabihin? ANG LAHAT- Mabuti nga! Mabuti nga! Hindi karaniwang diwa! BATANG 3Hanapin natin ang bangka BATANG 1CANDIDOGanyan din ang aking banta (waring aalis) Si Leonido, nahan kaya? Sa an naro't nawawala? PASCUALBATANG 2BATANG 3PASCUAL-

A.b,

totoo! Naghimala! Nguni't saan naparoon? Ewan bar Kung saan naron! Gayon din lang ay hanapin saanman siya dumating, ang bangka ay iwan natin na panghuli, gayon na rin . Ang higit na mahalaga'y ang pinunong wala palft. BATANG 1Siya'y ating hanapin na. CANDIDONgayon na rin, tumalaga, pagka't kung mawala siya'y wala tayong makakaya. BATANG 3Maging pusod man ng dagat, saliksikin nating lahat. KORO

Tayo na't lumakad lumakad ang lahat, huwag nang magluwat at ang ating galak kay Maria'y ilagak.


121 PANGALAWANG TAGPO

Lalabas si Satan-ang dimonyo-na nakasuot ng kulay ng kanyang mukha ay maputla.

itim at pula. Ang

Totoo nga ba? Tiyak na nga kay a na ang bayang iyang ako ang bathala, ay kararating lang sa daungang nasa ng kanyang sariling kaligtasa't tuwa? Kung siyang wala pang ganong karanasang maglayag sa dagat, kahit mabangis man, nitong nagsusungit nating kabuhayan, ano kayang lakas ang siyang umabay sa kanya, at siya'y hindi nasungabang sa inihanay kong mga kabatuhan? Sino ang sa kanyang kinababaunang taguang masungit ,mg siyang nagbigay ng kapangyarihan upang magtagumpay nang laban sa akin sa harap ng araw? Sa. kasawian ko, ay! ikaw Babai'y siyang nagkalakas na parang buhawi, upang ako'y alsan ng tahanang da ti, ikaw na himala sa pagka-mabuti! Kailan pa kaya kita tatalunin? Kahit ang impyernong talaga nang akin , na ang tanang dusa'y sa kanya nanggaling, parusang malupit na nakababaliw ay hindi aabot sa aking damdamin. Bakit kaya ako'y binawala't sukat sa pagtatamasa ng hidwa kong palad? Ano at nagkait ang lalong malakas, na sa gitna nitong palad kong masaklap ay matagpuan ko ang ginhawang hangad sa bisig ng isang kamatayang ganap? Ako'y espiritu! Dakilang nilalang. Nilalang na dukha na sa buti'y kulang, sa madlang pahirap ako'y inilaan ng kamay na sadyang sa aki'y nanatay! Ang tao sa lupa'y kung sa hirap bagay, sa kanya'y abala pati kabuhayan, sa mga tiisi'y ninita ng layaw kung makita niyang m adaling papanaw. Samantala, pati ng sugo'y aayaw mag-antay ng kanyang kusang kamatayan!


]22 Dapwa't jay! aking imbing kapalara'y dapat kong tanggapin, yamang sa labanan, ang pa)ad na dusta'y naging akin lamang: Nguni't, kahit ako ay naging talunan, ay patuloy pa rin sa aking kasarnan: iniibig niya yaong kabutihan, samantalang ako'y kasamaan narnan . jPalalo! Gawin rno ang rnaiibigan at ikaw ay aking laging hahadlangan, ikaw'y kaalit kong walang katapusan. jPasimulan natin itong paghaharnok! lsipin din nating rnabawi nang lubos ang kaharian kong walang pagkatapos sa pamarnagitan ng inggit at imbot. Ang lupang sa aki'y inggit pa ang alok! jAy! Ikaw ay 3king rnuling makukuha, ako'y nakatagong hihintayin kita. (magkukubli sa likod ng isang punong kahoy) At i'sang kristyano ang dito'y daraan: nais kong sa aking kamay rnagulantang iyang l-Wing labis na kinapootan! PANGATLONG TAGPO

(Lalabas si Leonido) LEONlDO-

Napag-iisa na ang dalarnpasigan at walang rnarinig na mga sigawan; ang kataka-taka'y sikat na ang araw, ni isa mang tao'y walang natatanaw. At dapat na sila dito'y nagdatingan, ayon sa pangakong sa aki'y iniwan . . U malis na sila sa aking pcHagay . . . Sino naman kay a ang nakaaalam kung naligaw ako? Ito nga ang daan, na siyang patungo sa may kabayanan; ito rin ang ilog na lubhang makinang ang kaniyang agos na walang kapantay Simbaha'y naroon pati aking bahay . ang mga bandila, walang salang iyan! Ito nama'y pook ng mga laruan, na siyang sinabi sa akin ni Pascual! At mula nga rito kami'y maghihintay na ang lnang Birhen ay dito magdaan.


123 Nguni't sino kaya ang magpap:1tunay na hindi nga nila kaaalis lamang? Ang mabuti'y akin silang salungahan. Ako'y patutungo sa kaibabaan . . . Hindi, paitaas aug dapat paronan . . Ang pulutong nila, sa aking palagay ay di magluluwat, dito ay daratal. (Aalis na sana, nguni't darating si Satan na bihis-Diwata) PANG-APAT NA TAGPO

(Si Leonido at si Satan) SATAN-

LEONIDoSATAN-

LEONIDo-

SATAN-

LEONIDoSATAN-

LEONID 0 -

Tumigil kat Saan ka ba paroroon? Sino baga kayo? Ako'y magtatanong, di mo na ba ako makilala ngayon? Di ko magunita kung anong panahon nakita ko kayo, mndi ko manuynoy kung ang mukha ninyo'y saan ko natunton. Kayo ay tumabi at ako'y tutuloy! HiI\di maaa~i . Ako'y inyong masdan. I sang akiusap. Ang inyong pangalan? Ako aong isang makapangyarihang nagbibig y-batas maging saan pa man; sa unos, sa bagyo at sa karagatan; ako'y kumikislap at kasamang tunay ng apoy, ng lintik at ng umaangal na talon ng tubig sa kaitaasan: Ako yaong lubos ang kapangyarihang naghari nang isang panahong nagdaan, na pinipintuho't kinatatakutan, nag-iisang diyos nitong Silanganan. Sinungaling kayo! Sa aking magulang iyan ay wala na't kusang nalimutan; at saka ang kanyang dambana't simbahang nagtago sa dating mga alingawngaw ng sigaw at awit ng mga tauhang nagsisipaghandog ng maraming alay, ay nangag-iba na't nawalan ng kinang; saka sa kaniyang lakas na gumiwang, ang panudla'y pawang mga pang-uuyam, ang kanyang tuntuni'y wala na't nilisan: Kayo'y hindi Diyos; kayo'y sinungaling: iisa ang Diyos na kilala namin,


]24

SATAN-

ang mundo't ang tao'y sa kanya nanggaling: sa kanya ang tungo ng aming dalangin. Walang hunos-dili! Iyan ay isipin, hindi ka ba tak6t na ako'y galitin? Batang talipandas, na dila'y matabil, hindi mo ba alam na talagang akin ang sinasagap mong malamig na hangin, araw at bulaklak, at ang ilog pa rin? Saka sa tinig kong makapangyarihan, pati mga tubig ay nangagsibukal, at itong lahat na ng sangkapuluan ay nangagsilantad sa halik ng araw; itong mga pulong nangaggagandahan, samantalang tapat sa aral kong banal, at ako'y kanilang pinagdarasalan, sila'y binigyan ko niyong kaligtasan sa gutom, sa takot at sa kamatayan. Ang mga bukiri'y umunlad na tanan, nab~tbat ng tanging mga halamanan, na hindi man gawi't hindi alagaan, ay nagsisilabas na puno ng gulay; at nagsisitubo hindi; man sa linang ang uhay na dilaw ng gin in tong palay. Ang lahat, sa boong mga kapatagan, pati mga kambing ay nagtatakbuhang mayrong iba't ibang magagandang kulay, matutuling usa'y nangaghahabulan at ang mga baka'y nangagtatabaan; Ang napakasipag na mga pukyutang nangagsisigawa ng kanilang bahay na puno ng pulot, katamis-tamisang pang-alay sa tao ang kanyang linamnam; saka kung ang kwago 'y magpapahingalay, walang balang sama kahit humuni man. Kaya ang lupaing ito ay mayaman at nagtatamasa ng kalwalhatian, nang panahong yaong laon nang nagdaa'y siya sa ligaya'y waring kalangitan. At ngayon ay wala ni munti mang saya, laging humihibik sa kamay ng iba, saka dahan-dahang namamatay siya sa kamay ng walang habag na Espanya!


125 Gayon man ay aking maililigtas pa kung luluhod siya't 'Sa aki'y sasamba sang-ayon sa aking tun tuning mag-isa.

LEONIDa-

SATAN-

Ako ay talagang makapangyarihan, at ngayun-ngayon di'y iyong malalaman! ang lahat sa iyo'y aking ibibigay, kung ako ay iyong sasambahing tunay; nguni't ay! kung ikaw'y mag-aalinlangan, bangi'y bubuksan ko sa iyong paanan! Kung lahat-lahat na'y nasa-inyong kamay gayon din ang galak ng sangkatauhan路 bakit kaya kayo'y nagiging talunan ng mga kristyanong kinapopootan? At kung tunay na ngang kayo'y sinusunod pati na ng dagat na nanggigipuspos, gayundin, ang bagsik ng palalong unos madinig lang kayo ay nangingilabot, baki{ hindi ninyo ngayon maibuhos sa kanyang sasakyan ang matinding dagok ng inyQng higanti? iJ3akit di ilubog, sa kayo ay tila tinu luyang lubos? At baIfit ang inyong maraming bitui'y naging pangunahing tanglaw sa landasin? Ang kanilang layag ay taboy ng hangin, bakit hiNdi ninyo tahasang sirain? Dahil kaya rito, kayo'y matatawag na kapangyarihang walang makatulad? Saka ang lalo pang kasaman ng palad, ang ngalan ni Mariang, mayumi't marilag, ngalang may balani sa diwang may hirap, na pal'ang sa inyo'y paglait na tiyak ang bakas ng inyong tuntuni'y winasak! Ang bakas ng aking batas! Ikaw'y haling! Hindi rno ba alam !l3. nakaluhod din ngayon itong bayan sa aking paningin? Ay! talastasin mong panaho'y darating na Iahat ng sama'y aking sisinuping itudla sa inyong liping walang turing, . . na slyang sa 1'b aug "ku It0 ' y " masunurm. Sari-saring sarna, salot at digmaan, ang dito'y dadalhin ng rnananalakay


126

LEONIDo-

na mga banyaga, tagaibang bayang sa ibang panahon dito ay daratal: Didiligin ang bay an mo ng dugo at mga luha, ang lahat ng mga parang, ang sarili ninyong lupa, at sa patag na tahimik, maligaya't pinagpala, ay hindi na aawit pa yaong ibong darakila, na sa digma'y sinugatan ng dayuhang dambuhala; ni ang inyong mga gubat na sa dawag ay sagana ni ang ilog at ang parang, ni ang bukal na payapa, ay hindi ko daramdamin kung sa laba'y masalasa at mawasak ang lahat mong kabutihang ninanasa. Samantala, ako naman, sa hangad kong makaganti, pawawalan ko ang hanging di-mapigil sa pag-ali upang sa paglipad niya na may ngitngit na kasali'y bulabugin ang lahat ng "elementong" panduhagi, at pati na ang marupok na sasakyang nasa tabi ay malubog sa tubiga't ang tiisin ay dumami, at ang lahat ay magupo sa galit kong kasakbibi, pati ga kabuki rang masagana noong dati. Kaya ula sa ituktok ng bunduking parang pipi'y huhulugan ko ang ilog ng apoy na mapang-api upang lal\at ay mawa ak at mapugnaw na mabuti, na katulad ng daluyong na ngitngit ang iniiwi, at kapagka lumaganap ang damo ma'y bunot pati; at ang lupang nanlalamig, sa tinig kong ubos laki'y manginginig, mangangatal na animo'y nginingiki at sa bawa't yanig niya, ang buhay ma'y mapuputi. Ay! Ay! Gaanong sakuna't kapaitang mangyayari, pagdaing na walang saysay! Pagtangis at pagsisisi ang kung gayo'y maririnig nang sa puso't dili-dill ay hindi ko daramdamin kung sa laba'y maruhagi, pag nagsaya't nagkatwaang tila man din nagpupuri : ang dugo ko'y sumusulak. ang puso ko'y di-makali. Kasinungalingang lahat! Ikaw'y walang magagawa! Sa ngalan ng Panginoon na siya kong minumutya, ikaw'y aking hinahamon, sino ka bang mapangutya? Kung ikaw ma'y isang anghel, isang marungis na diwa na ang nais mo'y mang-akit at ako ang iyong sadya, mag-alis ka ng maskara, ilantad ang iyong mukha't nang makitang sa impyernong nagniningas ka nagmula!


127 SATAN-

LEONIDOSATAN-

Kung gayon nga! ay mabuti! Naririto aka ngayon. Alamin ma at pansining walang takot sa linggatong, na aka ang si Satanas, yaang anghel na kahapon (nakadamit demonyo) ay nunupa pa sa trona nang matagal nang panahon at sa noa'y mayron akong liwanag na tumatapon. Aka yaong sa mapusok na kasaman ay nagham6n, lumaban sa maniniil na dati mong pinopoon. At ang aming paglalaba'y labanan pa hangga ngayon. Aka'y kaniyang tinalo at sa aking pagkasahal, pati inyong pinagmulang magulang ay naparool at binatak ng poot ko't sa libingan inihantang. Ngayan, kung sa pananalig ng kristyano'y tala aka, ang nilikha'y kapootan sa gayon kong pagkatala, sa aking pagkasiphayo ang ganti ko'y siyang dula. na sa iyo'y ibubunto; aka lamang ang may lakas: at kundi mo ninanasang pati ikaw ay mautas lumuh..od ka't iyang hagkan itong aking mga bakas. Iya'y hindi mangyayari, hinding-hindi kailanman! Kita mo ba ang lakas o't ang aking kapangyarihan? Ang lahat g diwang nakapaghahari sa sangdaigdigan ay nagsisisunod sa mga i\ltos ko nang walang pagliban, ang aking bandilang hindi matatala'y sinusubaybayan. Kaya makinig ka, kung yuko ang ulong iyong tatalikdan ang bago mong sektang niyakap at sukat at pinanaligan, buong pagsisising sa aking dambana'y luluhad ka naman, ikaw'y bibigyan ko ng lahat ng iyong kaluwalhatian, at magiging iyo anuman ang nais na iyong makamtan: ang Hog na iyang sa mga paa mo'y kusang nagdaraang may dalang brilyante't saka mga perlas na nagkikinangan ang buong paligid, na ang sinasagap ay hanging dalisay, na may libu-libong magagandang ibong nangagliliparan; ang lahat nang iyan: ang mga bulaklak at mga halaman, ang iniingatang magagandang hardi't iyang mga bahay, ang lahat nang iyan ay magiging iyang walang alinlangan


]28

LEONIDo-

SATAN-

kung ang iyong bagong pinananaliga'y dagli mong iiwan; kung dudustain mo ang pangalan Niyang ipinagdiriwang, na siyang dahilan ng lahat ng dito'y mga kasayahan. Nguni't ay! kung ikaw sa aking pangako'y magbingibingihan at nanaisin mong ako ay suwayin, iyong mamamasdang ngayon di 'y bubukang kakila-kilabot sa iyong paanan ang maruming lupang tinutuntungan mo nang buong kasyahan at ikaw sa kanya'y malilibing na rin magpakailanman. Katulad din naman ng patak ng tubig sa kabuhanginan, na dahil sa init ay di makabuhay sa mga halaman. Sayang ang nais mo na ako'y takutin sa pananalita; sayang ang hangad mong sa iyong tuntunin ako'y kumabila: kailanma}y hindi, hind' mangyayaring ang kristyanong bata'y matakot sa iyong pangaral na lason, patakarang hidwa, kaya nga't sa harap ng Anak ni Mariang aming minumutya, pati ang impyerno'y' nanginginig na ring kdsama ng lupa , Diwang sinungaling! Lumayas ka rito't sa kadusta-dustang karimlan ng ulap, ikaw ay magtago. Doon ka sa lungga ng mga hinaing, at ng kahihiyang hindi masasapa. Kung gayon , at yamang iyan ay kusa rno at siyang inibig, kailangang ikaw'y mamatay ngayon din, rnamatay sa sakit, mabilang sa huling in abo sa alab nitong aking galit, at ikaw'y masunog sa aking dambana, ikaw'y magbabayad sa ngalan ng ibang iyong mga kabig, ng mga pasakit; sa iyo ko na rin ipaghihiganti itong pagkalait.


129 Mga diwa! Kayong tapat na kasama sa mga panganib, na sa kasamaan ay nakakikita ng tuwa't pagibig, at sa buong lupit kayo ay binuhay sa masamang hilig! Halikayong lahat! Simulan na natin ang digma't ligalig! lKALIMANG TAGPO

(Pabugsu-bugsong lalabas ang mga demonyo) KORO NG MGA DEMONYO

SATAN-

Sino ang sa ami'y galit na tumawag? Sino ang may ibig nitong aming dahas? Mabuhay ang bayang nasasa-impyerno, bayang kumikita sa sama ng tuwa' Mamatay! Mamatay ang taong nagtaksil, na siyang sa ati'y gaHt na humamon! Kayo ay masayang ngayon ay makinig niring aking tinig na kayo ang tawag! sa araw na ito, ang ating pag-asang makapaghiganti ay matutupad na. (KORO NG MGA DEMONYO)

MGA DEMON YO-

006701-9

Mahal sa demonyo ang kaniyang Harl; ang kaniyang utos sa amin ay batas: Buong pagtalima na magsisisunod kaya sama-samang makikipaghamok.


130 SATAN- (kay

Leonido) _ I

LEoNIDO-

Tigil ang pagiait; ikaw ay bumalik sa pananalig kOJ batang kulang-palad, na puna ng hagap: halika:'t luhuran ang aking lara wan; magbago kang buhay nang di ka tawanan. Dinudusta kita, ikaw na nagtaksil; ako'y sa Diyos lang sumisintang tunay: habang ako'y buhay ay di maglililo't nais kong mamatay nang dahil sa: Kanya.

(KORO

MGA

DEMONYO-

NG MGA DEMONYO)

Mabuhay! Mabuhay! itong Hari namin! Mamatay! Mamatay! ang sa batas niya'y hindi gumagalang, bagkus lapastanga't sa buhay na tangan ay di nasusuklam! IKAANIM N A TAGPO

(Ang mga dating tauhan at isang Anghel)

Magsiurong kayong lahat mga Anghel na sinumpa ng napoot na Bathala! At sa pook ng dalita'y madaliang magsibaba! Magsilayo kung may-sindak sa: lintik na kumikintab! Lumayo ka, diwang uslak! (Magsisialis ang mga demoI).yo) gumising ka, batang tapat, (Magigising) at sa akin ay humarap, ako'y sa langit nagbuhat.


131 na sa iyo ay nagligtas sa kuhilang si Satanas: Ang Birhen sa Antipolo'y nasa-ilog, paririto; Siya'y iyong pagpugayan, papurihan at awitan, pagka't ikaw, kailanman ay anak na niyang mahal. Ikaw'y kanyang iniligtas sa impyernong nagniningas; at ikaw ay naging anak na sa kanya ay matapat, yamang iyo na ang ga1ak Mga kasama mong tap at, ngayon ikaw'y hinahanap; diyan ka na't ako'y dapat na sa 1angit ay 1umipad; paalam na batang liyag! Paalam na kagandahang sa akin ay dumaramay sa 1ahat kong kahirapan; at sana'y inyong ingatan, kung maidlip, sakali man, itong batang walang malay.

LEONID 0 -

PANGWAKAS NA TAGPO

(Si Leonido at ang mga batao Ang mahal na Birhen ay magdaraan sa ilog, bago matapos ang pagbigkas na ito) CANDIDO-

LEONIDO-

Naku, Leonido! Hinanap ka namin; at naririto na ang Mahal na Birhen: naririnig mo ba ang tamis ng higing na napapatangi sa libong awitin? 00, Kaibigan, at naririnig ko, nakikita ko ring siya'y paririto . O! lihim na tuwa ang tuwa kong ito, na nararamdamang sagad hanggang buto. Mga tinig nati'y ating pag-isahin, sa araw na ito ng ligaya natin; ating pagpugayan ang Maha1 na Birhen Anong ibig ninyong sabihin sa akin?

ANG LAHAT-

Siya'y 's alubunginl


132 PANGHULING KORO

(Lflitaw ang mahal na BiFheng naliliwanagan ng mga ilaw

ng magnesio at ng elektrika)

Mabuhay ka! Rosang Kalinis-linisan, Reynang sakdal dilag nitong karagatan; Mabuhay! Bituing kaputi-putian, Bahagharing tapat ng kapayapaan . . . Antipolo'y dahil sa iyo nga lamang kaya naging bantog at nagkapangalan, sa maraming sarna, ang nangabubuhay ay naililigtas ng iyong larawan; Ang pagmamahal mong sa bata ay bigay, siyang nagliligtas sa madlang kasaman, sa araw at gabi'y iyong inaakay sa tuwid na landas sa lupang ibabaw. WAKAs

J


SA KAPITA-PITAGANG 81 P. PABLO RAMON, S.

1. *

(Rektor ng Ateneo, sa kanyang kaarawan)

1. Matimyas ang simoy ng bukangliwayway, kung iniuugoy ang mga bulaklak, mahinhin ang samyo ng pabangong taglay sa lupang malawak; 2. Maraha't matamis 'a ng kanyang aliw-iw ng maamong batis, pilak na mabula ang ikinakalat sa gintong buhangin na parang himala; 3. Matamis ang huni ng sa ibong awit, mahinhin ang bango ng bulaklak-parang, gayundin 'a ng tingkad ng araw sa langit sa pagliliwayway. 4. Nguni't ang ngalan mo, Paring sinisinta matamis na wagas ang biyaya niya, na dito sa dibdib nami'y nagdadala ng kanyang liwanag. 5. Ang kamay ng Diyos, isang Amang tunay, Ikaw't dill iba, ang sa arni'y bigay, na buong pagsintang kami'y inaakay sa landas ng buhay. 6. Ay! sapagka't ano kaya ang daratnin ng pagpupunyagi nitong dibdib namin kung kami'y hindi na sadyang aampunin ng iyong pag-ibig? 7. Kami ay anak mong pinapatnugutang ang tungo'y sa isang tuwang walang hanggan; ang isipin nami'y walang katakutan kung ikaw ang gabay. 8. Ngalan ng Apostol ang ngalan mong dala, sa kanya ring yabag nagsusumigla ka, tigibin ka nawa ng biyaya niyang banal na talaga.

lka-25 ng Enero, 1881 . â&#x20AC;˘ Ito ay isang tulling sinulat ni Rizal no6ng ika-25 ng Enero ng ta6ng 188L Ayon kay G. Vicente Elio, na naging kamag-aarcil ni Rizal, ang tu1ang ito'y isa sa mga unang siping nagpalipat-lipat sa kamay ng mga nagsisipagaral sa Ateneo, na kasapi sa Akademya ng Literaturang Kastila. Ang tulling ito'y nalathala sa iba't ibang pahayagan sa Pilipinas. 133


PINATUTULA AKO! * Hinihiling nilang ang lira'y kalbitin na laon nang sira't napipi sa lagirn: di ko na makunan ni isang taginting, at ang aking "musa'y" walang salamisip1! Malamig umanas, nahihibang mandin, kung pinagdurusa ng isip kong angkin, kung tumawa'y parang nagsisinungaling, na gaya rin naman ng kanyang hinaing, sapagka't sa lungkot niring pagkabinbin, kalulwa'y wala nang tuwa ni damdamin. May isang panahon, iat ito ay tapat! nguni't ang panahong yaon ay lumipas; makata kun~ ako'y tawagin ng habag, o ng kaibigan; ang tanging nalagak sa panahong ya6ng lumipas at sukat, ay ang karaniwang malabi sa galak: mahiwaga g himig na siyang naggawad sa mga pandinig na nangag-iingat ng mga tagmting ng ga ong lumipas na mga tugtJuging sa orkesta buhat.

* Isa sa mga katangi-tanging tula ni Rizal, na nilagyan niya ng tatak na taong 1882 sa Madrid, bagama't walang nasasabing araw at buwan. Unang-unang nalathala sa LA SOLIDARIDAD, BIg. 4, Barselona, noong ika-31 ng Marso ng 1889. Nalathala rin sa LA INDEPENDENCrA, sa hindi pangkaraniwang bilang noong ika-25 ng Setyembre ng taong 1898; sa REPUBLICA FUJPINA, noong ika-30 ng Disyembre ng 1898 at gayon din sa ibang mga pahayagan sa Pilipinas, at sa NUESTRO TIEMPO sa Madrid, noong Enero ng 1905 at sa "HOMENAJE A RIZAL" at ibp. Ang inilagda ng Dakilang Martir sa tulang ito ay ang kanyang sagisag na LAONG -LAAN. Sa ganang kanya, ay sinabi ni D. Mariano Ponce na siya'y may isang sipi ng tulang ito, na sulat-kamay ni Rizal, tangi sa ilang pagbabagong ginawa niya Cni Rizal) na lalo pang nakapagpaganda sa tula. Hindi malaman k1.mg sino ang tiyak na HUMILING kay Rizal na tumula, bagama't ipinalalagay ng marami na ang kanya na ring mahal na INA ang nakahiling, kaya nga't noong mga huling araw ng matanda ay palagi niyang binibigkas ang PINATUTULA AKO, pabulong, halos paanas, na kung minsa'y nasasamahan pa ng malungkot na pagluha. Gaya rin naman ng HULING PAALAM, ay marami, kundi man ang lahat ng pilipino ang nakapagsaulo, at ngayo'y palaging binibigkas sa lahat halos ng pagkakataon, maging sa lipunan, sa mga paaralan 0 sa sariling tahanan. 134


135 Ako'y isang punong katutubo lamang na biglang binunot sa lupang Silangan, doo'y may pabango ang hinihingahan, ang buhay man doo'y isang panagimpan: jBayan ng pagsintang di malilimutan! Pati sa pag-awit ako'y tinuruan niyong mga ibon sa paghuhunihan, sa talon ng tubig ay ang ugong naman, gayundin, ang angil ng sangkaragatan sa kanyang malawak na dalampasigan. Samantalang no6ng ako'y isang bata, ay nangitian ko ang maagang tala, dini sa dibdib ko'y kumukulo yatang bulkang nag-aapoy sa sariling diwa; pagka't ang nais ko ay maging makata, nang upang masabi sa sariling tuHl, sa bunton~-hiningang hindi maapula, sa hanging mabilis na itinutudla: "Ikaw ay lumipad, sa langit at lupa'y ikalat ang ka yang pangalang dakila!" jNilisan ko a nga! . .. Ang irog kong Bayan, !Punong walang dahon, natuyo sa ilang! Di na inuulit yaong alingawngaw ng mga awit ko nang nagdaang araw . At aking binagtas ang sangkaragatan, sa nasang magpalit niring kapalaran; datapwa't ang aking imbing kabaliwa'y di nakapapansing ang matatagpuan ay di ang hanap ko, ang aking kasabay sa paglalayag ko'y yaong kamatayan. Ang lahat ng aking magandang hinagap, pag-ibig at sigla, adhikaing tap at, doon ko iniwa't aking inilagak sa lilim ng langit niyang mabulaklak, huwag ninyong hingan ang pusong nawasak ng mga kantahing ukol sa pagliyag, sapagka't sa gitna ng ganitong lawak na ang aking muni'y hindi mapanatag, nararamdaman kong diwa'y nagwawakas at ang aking isip, patay nang maluwat!


KAY BINIBINING C. O. AT R. * Ano't ang hihingi'y tulang walang lirip, na minsan sa dusa'y baliw na inawit? Upang ipamukha lamang kayang tikis ang kawalang-turing at kahapong pait? Ano't nunuynuyin ngayong nag-aantay tawagin ang gabi sa nang di nalalamang

ang sawing alala, ang pusong suminta; pag-uumaga, may ibang araw pa?

!big baga ninyong malaman ang dahil nitong pagkahibang sa mga hilahil? !big bag a ninyong sanhi ay alamin, kung bakit ayokong pagsinta'y awitin?

' F

Limutin na ninyo. Pagka't ang dahilang nagbibigay-lungkot ay bak.& tawanan; bangkay ko ang dala sa luksang libingan sa aki'y nalibing ang iba pang bangkay.

Hindi mangyayari. Baliw na hangarin, panaginip laclang ng kalulwang haling; inumin ang nektar ng buhay na hain, bayaang ang apdo'y payapang tumining. Nararamdaman kong ang anino'y muting sa kaluluwa ko'y ibig bumaluti; buko 0 higit man, bulaklak ay hindi, ang kulang sa kanya'y Haw ang ngumiti. Kawawang tul& ko, sUa ay bayaan, sila'y pinalaki ng kapighatian, buhay nila'y talos kung kanino utang, sa inyo, marahil, ay isasalaysay.

Ika-22 ng Agosto, 1883. â&#x20AC;˘ lto'y isang tulang inihandog ni Rizal kay Bb. Consuelo Ortiga y Perez, sinulat sa Madrid, ayon kay D. Mariano Ponce, noong ika-22 ng Agosto ng ta6ng 1883. Dalawang koleksiyonista ang nagpaigsi ng pangalan ng nasabing binibini at "A C." na lamang ang inilagay. Unang nalathala sa El Ren4cimiento, sa Maynila, noong ika-29 ng Disyembre ng ta6ng 1904. Sa Katipunan ng mga tula ni Rizal sa wikang kastila na inilathala ni G . Jaime C. de Veyra, ang pamagat ng tulang ito ay "A la Srita. c. o. y 8." Ang R ay Rey, gayong dapat maging P. (Perez) na siyang tunay na apelyido sa ina ni Bb. Consuelo Ortiga. 136


ANG AWIT NI MARIA CLARA * (Buhat sa "Noli Me Tangere")

Kay tamis ng oras sa sariling bayan, kaibigang lahat ang abot ng araw, at sampu ng simoy sa parang ay buhay, aliw ng panimdim pati kamatayan. Maalab na halik ang nagsaliw-saliw sa labi ng inang mahal, pagkagising; ang pita ng bisig ay siya'y yapusin, pati mga mata'y ngumingiti mandin. Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay, doon sa kasuyo ang abot ng araw; kamatayan pati ng simoy sa parang, sa walang pag-ibig, ni ina, ni Bayan. â&#x20AC;˘ Ang awit na ito ni Maria Clara ay binubuo ng tatlong saknong na tigapat na taludtod. Ang l~at ng nakabasa ng NOLI ME TANGERE, ay hindi maaaring hindi nakabasa t in nito, sa kapanatang pinamagatang LA PESCA 0 kaya'y AND PANGINGISDA. Sa halip na magsaya ang mga nasabing magsisipangisda, ay anyong nalulungkot na labat, sapagka't pinagbukod-bukod ni "Tia Isabel", matandang ali ni Maria Clara, na totoong maselan, ang upuan ng mga dalaga't binata. Upang ang gayong pangyayari ay mapasaya nang kaunti, ay hiniling ng mga kaibigan ni Maria Clarang siya'y umawit naman ng isa. -Malulungkot ang mga kanta ko-tugon ni Maria Clara, na waring umiiwas sa pagkanta. -Sige na, Maria Clara, sige na!-sigawang masaya ng karamihan pati ng mga lalaki. Inihilig ng maganda at mabining si Maria Clara sa kanyang kandungan ang alpa at kumanta naman. At ang kanyang inawit ay ang tulang ito na nakapagpaluha sa labat at nakapagdulot ng malalalim na isipan kay Crisostomo Ibarra na kanyang katipan. "Matarnis ang oras sa sariling Bayan . .." Ito ang simula ng kantahing iyon na puno n g pag-ibig sa bayang tinubuan.

13'1


SA MGA BULAKLAK NG HEIDELBERG

*

Hayo kayo sa Bayan ko, bulaklak ng ibang lupa, na tanim ng naglalakbay sa lupaing mapayapa, at sa lilim niyong langit na sa bughaw ay sagana't nagtatago rin ng lahat ng pag-ibig ko at haka, hayo kayo at sabihing akong dito ay banyaga pananalig ay kimkim pa sa Bayan kong minumutya. Hayo kayo at sabihin, na pagbubukang-liwayway, na una~unang nagbukas ng talulot ninyong mahal sa tabi ng Dog Neckar 1 na labis sa kalamigan, ay nakita ninyo akong tahimik na nagninilay sa piling ng inyong punong sa tagsibol nabubuhay. Ibalita ninyo tuloy na paghihip ng ami hang nagnanakaw ng pabango ng inyo ring kagandahan, at awit ng pagmamahal ang sa inyo ay pang-alay, ako naman ay inyo ring pabulong na kinaringgan ng awit ko sa pag-ibig sa sariling wika naman. Na kapag ang haring Araw, ang tugatog ng bundukin i ng Koenigsthu1 2 ay matyagang giniginto sa paningin, at ang kanyang malahingang liwanag ay nagniningning, pinasisigla ang nayon, ang gubat at ang kaingin, ako nama'y nagpupugay sa araw na bagong dating, sa ngalan ng araw roong sa Bayan ko'y maningning din. â&#x20AC;˘ Ang Heidelberg ay isang lunsod na nasa-kalagitnaan halos ng Alemanya, pagawing Timog. Isang lunsod na puna ng tulain, sa dakong Timog na pakanan ng Manheim, at sa dakong Timog din, na pakaliwa naman ng Nuremberg, mga bayang-siyudad na puna ng magagandang tulain at alamat. Sa dakong Timog naman ng Heidelberg ay naroon ang mga bayan ng Stuttgart at Ulm. Ang tulang iniukol "Sa Mga Bulaklak Sa Heidelberg" ay sinulat ni Rizal noong ika-22 ng Abril ng taong 1886. Siya noon ay may dalawanpu't limang taong gulang. 1 Ito ay isang ilog sa Heidelberg na totoong malamig ang tubig. 2 Ito ay isang bundok na tanaw mula sa lunsod ng Heidelberg, na parang ginintuang pusong nakataob na pinagkukulay-ginto ng araw na sumisikat. Sa ibang tala ay nasasabing nang sulatin ni Rizal ang "Sa Mga Bulaklak Sa Heidelberg" ay noong ika-15 ng Disyembre ng taong 1889. Nguni't ang dapat panuntunan ay ang inilagda ni Rizal: Heidelberg, Abril 22, 1886. Noon ay naroon siya 138


139 Iulat din naman ninyong kayo ay aking pinupol sa tabi ng mga land as ng kastilyong naparool, sa pasigan niyong Neckar 0 sa gubat na naroon, at isulit pa rin ninyo yaong aking ibinulong sa inyo nang buong ingat, nang sa lumang mga dahon ng aklat ko, kayo'y c:tking magiliw na kinukuyom. Dalhin ninyo, dalhin ninyo, mayuming mga bulaklak, pag-ibig sa pag-ibig kong sa inyo ay nagtatapat; kapayapaan sa Bayan at sa lupaing mabulas, pananalig sa lalaki't sa babai'y pagkawagas, kalusugan sa lahat nang sa tahana'y nalalagak, na tinipo't pinagyaman ng magulang, sa pagliyag. Kung kayo ay dumating ang halik kong nasa-inyo'y sa mga pakpak ng hangin, upang siya ang, humalik sa

na sa aming dalampasigan, doon naman ninyo iwan na kanilang kasuyuan, lahat kong minamahal.

Datapwa't jay! lahat kayo'y sabay-sabay na darating, at ang inyong mga kulay ay tag~ay pa't inyong kimkim, nguni't kapag nala 0 na sa lupain ninyong giliw na pinagkakautangan ng buhay na inyong angkin, lahat ninyong kabanguha'y pilit na mawawala rin; pagka't iya'y kaluluwang langit ay di lilisanin, na ang ilaw ay nakita noong siya ay isupling -a t hindi na malilimot ang akibat na luningning.

Heidelberg, April 22, 1886.


IMNO SA PAGGAWA * KORO

Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan, dahll sa Bayan din sa kapayapaan, itong pilipino ay maaasahang marunong mabuhay 0 kaya'y mamatay. (Mga Lalald)

Nakukulayan na ang dakong Silangan, tayo na sa bukid, paggawa'y simulan, pagka't ang paggawa'y siyang sumusuhay sa bayan, sa angkan, sa ating tahanan. Lupa'y maaaring magmatigas naman, at magwalang-awa ang sikat ng araw Kung dahil sa anak, asawa at Bayan, ang lahat sa ating pagsinta'y gagaan. KORO

(Mga babaing may asawa)

Magmasigla kayong yao sa gawain, pagka't ang babai'y nasa-bahay natin, at itinuturo sa batang mahalin ang Bayan, ang dunong at gawang magaling. Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga, kayo'y inaantay ng tuwa't ligaya. at kung magkataong sama ang manguna, ang magpapatuloy ng gawa'y ang sinta. KORO

(Mga Dalaga)

Mabuhay! Mabuhay! Paggawa'y purihin na siyang sa Baya'y nagbibigay-ningning! at dahil sa kanya'y taas ang paningin, yamang siya'y dugo at buhay na angkin. â&#x20AC;˘ Gaya ng pamagat na taglay, ang tulang ito ay patungkol sa paggawa, kaya tinawag na "Imno sa Paggawa". Hindi malaman kung may naglapat ng tugtugin. Ang naturang tula ay sinulat ni Rizal bago siya magtungo sa Hongkong noong mga unang araw ng Pebrero, 1888.

140


,.

141 At kung may binatang nais na lumigaw, ang paggawa'y siyang ipaninindigan; sapagka't ang taong may sipag na taglay, sa iaanak n'ya'y magbibigay-buhay. KORO

(Mga Bata)

Kami ay turuan ninyo ng gawain; at ang bakas ninyo'y aming tutuntunin; bukas, kung tumawag ang bayan sa arnin, ang inyong ginawa'y aIDing tatapusin. Kasabihan niyong mga matatanda: "Kung ano ang ama'y gayon din ang bata," sapagka't sa patay ang papuri'y wala, maliban sa isang anak na dakila.

)


SA AKING * â&#x20AC;˘.â&#x20AC;˘ Di na tinatawag yaong paraluman; lipas na sa "moda" ang kudyaping hirang; wala nang makatang siya ang kadluan, pati mapangarap na kabinataa'y sa ibang bagay na nunuha ng buhay. Ngayon, kung ang diwa'y siyang pinipilit na makapagbigay ng tulang matamis, HeLico'y hindi na siyang binabanggit, walang hinihingi sa utusang paslit kundi isang tasa ng kapeng mainit. Sa halip na isang kudyaping matapat, na sadyang sa puso'y nakababagabag, ang tulain ngayon ay isinusulat ng dulo ng isang talim na mahayap, upang magpatawa 0 kaya'y manlibak. ... Ito ay isang tulang binubuo ng mga taludtod na iba't iba ang sukat, bagama't ang lahat n g nasabing taludtod, kung "nones", ay hindi hinahaIuan kailanman ng "pares". Ang tulang ito na sinulat ni Rizal, sang-ayon sa ilang mga pangyayari, noong 1890, ay nalathala muna sa La SolidaTidad, sa Madrid, noong ika-15 ng Disyembre ng nasabing taong 1890, at inilathala pa rin ng Republica Filipina noong ika-30 ng Disyembre ng 1898, dalawang taon nang patay siRizal, gayon din naman sa Homenaje a Rizal, sa Maynila. Ang katangian ng tulang ito, ay ang init, ang sigabo ng nagbabagang kalooban, ang sakit sa nagngingitngit na puso ng maysakit na Makata, kaya nasabi niy-a sa isa sa mga saknong: Nguni't ikaw ay darating, oh, banal na salamisirn, upang muling pag-initin ang diwa ko; pag nalaing ang panalig at nakuping ang sundang ko, wala na rin', buhay: di maihahain sa bayan kong ginigiliw. Alam ng lahat na hindi ugali ni Rizal ang mangbilakbot, nguni't sa tulang ito ay nagniningning ang kanyang ulirang pagkalalaki at pagka-makahayan.

142


143 Paralumang noong panahong nagdaa'y pinasigla akong puspos pagmamahal dahil sa pag-ibig, ngayon ay humimlay. Sandata ang ngayo'y aking kailangan, at ilog na ginto, sulat na tuluyan. Ang kailangan ko'y mangatwiran ngayon, magnilay, lumaban kahit maparool; kung minsa'y lumuhang parang may linggatong, sapagka't ang taong pag-ibig ang layen ay lubhang maraming dapat na ilungoy. Tumakas ang araw na walang ligalig, masasayang araw ng mga pag-ibig, na bulaklak lamang ay labis at labis upang makaaliw sa pusong may hapis ng taglay na dusa at mga pasakit. Nagsisilayo na nang paunti-unti ang lahat ng aking in~big na tangi; iyon ay nam tay, ito'y nap tali, sapagka't ang lahat ng aki g mapili'y may tat ak ng h apis ng masamang budhi. Lumayo ka na rin, aking Paraluman! humanap ng ibang m apalad na danay, pagka't ang bayan ko'y walan g ibibigay na ligaya kundi panggapos na bakal, piitang madilim ang siyang simbahan. Na kung mahalay ma't kawalan ng awang ang katotohana'y siili't igiba, di kaya sa aki'y pagkabaliw yatang ikaw ay pigilin sa piling ko, muty:'!, at bawian pa rin ng lubos na laya? Ano't aawit pa, kung tinatawagan ang kapalaran ko na ako'y mag-aral, kung pati daluyong ngayo'y umaangal, kung sa mga anak ay nananawagang malat na ang ating pilipinong bayan?


144 Ano't aawit pa kung ang aking awit, sa patak ng luha lamang mapaparis, na walang 'sino mang sukat matigatig? Kung sa ibang dusa't masasal na hapis, ay waring pagod na ang buong daigdig? Ano pa, sakaling sa maraming taong nanaslang sa aki't sa aki'y nunudyo'y tuyo ang kalulwa't ang labi ay yelo, walang isang pusong sukat mabalino't tumib'ok 路nang gaya ng puso kong ito? Baya~g '~ahimlay sa banig ng .u.rr;.ot ang lahat ng aking ikinalulungkot. Mabuti na roon! Upang ang himutok ay huwag mahalo't sa tugtna'y malahok sa pagpailanlang sa hanging maharot.

Gaya ng pagtulog sa kailaliman ng buwa~'t pating ng sangkaragatan, b ayaang matulog ang 's akit ko naman, pati mga hilig at awit ng buhay, bayaang malibing sa aking katawan. N,a lalaman ko ring ang pagbibigay mo'y ginagawa lamang sa mahal sa iyo sa gulang na iyang bulak1ak na buko, sa unang pag-ibig sa buhay ng tao, na wala pang ulap ni sakit at tukso. Marami nang ta6n ang nangakalipas, mula no6ng isang halik na maalab ay iyong ikintal sa n06 kong hamak . Ang halik na iyo'y lumamig at sukat, at nalimot ko na ang lahat at lahat. Datapwa't bago ka tuluyang umalis, sabihin sa iyong tinig na matamis ang laging panagot sa puso kong amis: awit na malambing sa isang ninibik, at isang paghamon sa nagmamalupit.


145 Nguni't ikaw ay daratal, oh, banal kong salamisim, at muling pag-iinitin ang pangarap ng damdamin, kung lanta na ang panalig, at bingaw na ang patalim, at di maaring mamatay nang sa bayan ko ang dahil . . Luksang iyong ibibigay ang kudyaping dating akin, na ang himig ay malungkot kung ang bagting ay kalbitin, upang kanyang mapatamis ang hirap ng bansang giliw, at ang tunog ng kadena'y mapahina't mapagmaliw. At sakaling ang panalo'y may laurel na ibigay sa aming pagpupunyagi, at ang nagkaisang baya'y lumitaw na parang reyna sa mainit nating danay, mutyang puting natubos na sa lusak .ng kaapihan, sa gayon ay magbalik ka, at sa buong kasiglaha'y awitin mo ang kantahin nitong bagong kabuhayan, na amin ding aawiting sama-sama't pisan-pisan kahit kami'y mamayapa sa malarnig na. libingan.

1890. 006701

- 10

)


ANG TUBIG AT ANG APOY

*

(Sipi sa "El FiHbusterismo")

Kami'y tubig, sabi ninyo, kayoDg iya'y apoy npman; kung ano ang inyong ibig, ay mangyari na ngang tunay! mangabuhay tayong lahat sa buong kapayapaan, at sa sunog, huwag tayong pakikitang naglalaban kundi bagkus magkasamang pinag-isa na路 ng agham sa 100b ng nag-aalab na bakal na pakuluan, na wala IIfang pagngingitngit, ni anumang kagalitan, upang maging singaw tayo, ikalimang kagamitan, kabuhayan at pag-unlad, kilos at kaliwanagan!

* Sa kabanatang may pamagat na " Bajo Cubierta" ng El Filibusterismo ni Rizal mai:>abasa ang maikling tulang ito na binanggit ni Isagani, isa sa mga tauhan ng "Fiji", nang siya'y abutin ng kaunting pagkamuhi kay Simoun, noong sila'y magkatagpo sa bapor na patungo sa Laguna de Bay. Ito'y isang tulang may taglay na apoy, nguni't may malumanay at magandang katapusan. 146


KAY DON RICARDO CARNICERO * (Papuring tula na iniukol sa kaarawan ng tanod sa kanya)

Ngayon po, ginoo'y isang ta6ng ganap, kauna-unahang kayo ay tumapak sa pampang na ito ng mga liwanag upang maging aming patnugot na tapat; magmula na noon, may sintang maalah, ma-gahi, ma-araw, inyong sinisikap ang ikagagaling namIng lahat-Iahat; walang nililimot ang sikap na inga.t, kayo ay may dulot na buhay at palad sa tanan: sa hayan, sa gubat, sa dagat. Nang kayo'y dumatal ~a aming pampanii'y, iginala :o.inyo ang inyong paningin, at inyong namasdan itong lupang giliw na ulila't ],igid ng lawa't huhangin; pinapalihhasa ang mga tiisin, at sa buong akas na hindi malining sa ibahaw niyong Hog ng hilahil at ng mga agos na hindi masupil, inyong itinayo'y tulay na magaling, na unang nakita nitong purok namin.

" Tulang nagbibigay-puri na inihahandog sa tanod sa kanya, noong ipagdiwang ang kaarawan ng pagsilang niyon. !sang tula itong sinulat ni Rizal noong ika-26 ng Agosto ng ta6ng 1892, panahong siya'y naliligpit sa Dapitan, at ang pinakatanod sa kanya ay si Kapitan Ricardo Carnicero, isang kastilang noong unang makilala ni Rizal ay naging napakahigpit sa kanya, at ang ibig ay palagi siyang makikita, nguni't nang makilala ang karunungan at pagkamaginoo ni Rizal sa lahat ng bagay 0 gawain, ay kinaibigan at nilubos ang pagkakatiwala, hanggang sa dumating sa pagsusuplong sa Gubemador Heneral ng pari rooD na si Fr. Oback, na hindi nagtugot hanggang sa mapalitan si D. Ricardo CanllCerO, na naging kaibigan at tagahanga ni Rizal, ng isang nagngangalang Sitges, na sa wakas ay nagiliw rin kay Rizal, dahil sa nakitang karangalan at karunungan nito. Ang tulaug handog ni Rizal kay Kapitan Camicero ay may siping sulatkamay na dala-dala niya saanman. 147


148 Pagkaraan nito'y maluwang na daang patungo sa gubat ang inyong binuksan na walang panganib na madaraanan sa lilim ng gayong mga kagubatan; sumigla ang libay at pati ang araw'y napakita noo't tumubo saan man ang palay- at mais na lubhang malabay, kay a nagkaroon ng maraming bahay, pati na ang dating kakahuyan lamang na tinatahanan ng mga halimaw. Ang mga lansangan sa Dapitang paok, na noong nagdaa'y madilim na lubos, nakapagbibigay sa lahat ng takot, ngayon ay nagngiti't may ilaw ng lugod; saanman ay balak na nais matapos, saan ma'y gawaing walang patlang halos: dito'y pam路alan, doo'y daang lagos at doon sa isip nama'y hinihinog kung pano dadalhi't nang dito'y umagos ang tubig ng Linaw sa kasuyong bundok. Isang taon lamang ang nakararaa'y nangagsikilos na ang tao sa bayan, nagigising na nga ang buong Dapitan sa kanyang maluwat na pagkakahimlay; walang atubili't walang agam-agam, yaong nagsimula ay inaasahang hindi na aalis kung di tapas naman ang kanyang gawain na pinasimulan, sapagka't kung siya'y walang katakutan, sa Dapita'y labis ang tiwalang taglay. Sa bukang-liwayway na lubhang masigla, tagapagbalita ng gawang maganda, dumarating ngayong paggalang ang dala ng Taga~Dapitang kasariwaan pa. Lalaki nang ganap bukas ng umaga't sila ang babagbag sa lupain nila at kailan pa man ay hindi hahangga sa gawang paglimot-ito'y isang salaang utang na loob ng bayang masaya sa inyong hangarin sa tuwi-tuwina.


149 Higit pa sa isang punong nag-uutos, na sa paghahari'y matigas ang loob, kayo ay patuloy, kastilang mairog, na siya nang ama nitong aming purok; at 'Sapagka't ngayon, mahal na patnugot, kayo'y unang punong aming sinusunod, ang bayang sa inyo'y matapat na lingkod, dahll sa Espanyang watawat sumukob, ituring na ninyong ,a nak ninyong, kupkop, at kayo'y magulang na pag-asang lubos. Kahima't sa inyong mga pagbibigay, ay inyong makitang pipi't paran.!$ patay, na hindi inarunong magbayad ilK ,\ltang, pagganti sa inyong :mga kabutihan, _ huwag sana ninyong sila'y pagkaitan' . ng inyo g pagtingin at kawawa naman, na di makatagpo ng tinig na sanay upang ipagtapat na kayo ay mahal, kaya nga't a lungkot na kanilang -taglay; ay hindi masambit pati dinaramdam. Pinakamalaki naming ninanasa, na sa lupang itong hindi ninyo lupa'y makita rin ninyo ang !nang dakila gayon din ang araw at langit na' sutla; nawa'y maging inyo itong aming mutya, na parang dito na kayo naging bata; siya ay turuan ninyo ng adhikang . mahalin ang Batas, saka ang Paggawa't, kung ang bansang ito'y di Galisy~g tuwa, ang pag-ibig nami'y sagot . . . nasasanla.

Ika-26 ng Agosto, 1892.


ANG BAGONG TAON

*

(Bahagi ng tula.)

Sa tabangaw ng panaho~ mula sa walang-hanggan,~ Nipot akong Bagong Taon, Na arito't papatnubay.

Na

* lto'y bahagi ng isang tula ni Rizal sa katipunan ni Dr, Lebncio Lopez Rizal. 150


ANG AKING KINALIGPITAN

*

(Sa Aking Ina)

Sa tabi ng isang pasigang maluwang na may mala-gabok na kabuhanginan, sa paa ng bundok na nababalutan ng isang talukbong na kulay-Iuntian, doon itinayo ang kubo kong hirang, sa lilim ng madlang mga kakah1.!yan, nang upapg sa gubat sana'y matagpuan ang bWnahanap ko na kapayapaan nfring aking diwa't nang mapipi naman ang mga sakit kong walling katapusan. Pawid na marupok ang kaniyang atip, yari sa kawayang mahina ang sahig, ang mga tahila't haliging ginamit ay kahoy na pawang bWndi nakikinis, kaya ng ba't walang halagang masambit yaong aking kubong ' bagay lang sa bukid; nguni't sa kandungan na walang ligalig ng gayong bundukin siya naiidlip, ) saka araw-gabi'y sa kanya ang awit ng sangkaragatang doon ay malapit .

.. Isa ito sa m agagandang tulii ni Rizal, na sinulat niya sa Dapitan noong ta6ng 1895, isang taon na lamang bago siya patayin ng mga Kastila. Ang tulang ito'y masasabing isa na sa pinakamagandang tulang natunghayan ng mga mata ng sangkatauhan, at ang kanyang katangian, ang katapatan at kalinisan ng damdaming siyang nagbigay ng wastong salamiSil'.l sa puso ng ating Bayani. Sa Dapitan, na noong mga panahong iyon ay masasabing isang hamak na bayan-bayanan sa paanan ng bundok, doon sa tigib ng kalungkutang bayang iyon, na ang pinakatiyak at tapat na kaibigan ni Rizal ay wala kundi rnga ibon, ay doon siya binabaan ng rnakapangyarihang Musa upang maawit nang makagimbal-kaluluwa ang kanyang buhay roon, ang kanyang mga alalahanin at rnga hagap, na di maaaring di siya ring damdarnin np; sinumang babasa. At sapagka't talastas ng rnga paham sa panunula at sa panunuligsa na ang pakay ng tuUi ay hindi ang puso lamang kundi ang kaluluwa, na dapat matigatig sa kataimtiman ng mga damdaming sinasambit ng isang Makata, at Makatang inianak at sumilang na Makatang talaga, gaya ni Rizal, ang 151


152 Isang munting daloy na mula sa gubat at sa kabatuhan, agos ay banayad, ang siyang sa kanya ay buong pagliyag na nagpapaligong hindi naglilikat; saka isang talon ng tubig na wagas, ng isapg alulod na kawayang biyak, ang kung gumabi na't tahimik ang lahat, ay himig-kundiman ang kanyang lagaslas, gayundin, kung araw na sagad ang taas, nag-aanyong nektar na lubhang makislap. At kung payapa na ang anyo ng langit, ang daloy man nama'y banayad ang tangis sa kanyang kudyaping sa tanaw ay lingid; datapwa't pagdating ng ulang haginit, ang agos ng bukal ay humahagibis; kabatuha't bangin, kapataga't libis ay niluluksuhang parang nagngangalit, saka umaangil, malat at mainit, na pagulung-gulong sa pamimiyapis, at ang tung 'y dagat sa baliw na nais.

tulang ito na pinamagatang "Ang Aking Kinaligpitan", samantalang ninunuynoy, ay parang isang makapangyarihang kamay na hawak ang puso ng sinuman at pinipiga hanggang huling patak ng dugo sa sarong ginto ng tuIaingtugatog, na Diyos lamang ang tanging makapagbibigay 0 makapaggagawad sa taong kanyang itinatangi sa ibang nilalang ng kanyang kapangyarihan. Sa mga tuIa ni Rizal, ay isa na nga ito, na kailanma't mabasa ay hindi maaaring hindi tumimo sa puso ninuman, katulad ng isang buog na gintong itinudla ng araw sa puso ng 路 sangkatauhan upang manalig ang Iahat na hindi nangingilala ng kulay ng balat ang tunay na kapahaman sa anumang kaalaman ng tao sa balat ng Iupa. Nguni't sa kabila ng lahat, sa anumang laki ng damdaming nagpapaawit sa isang Makata, sa kay Rizal na mga akda ay nangingibabaw, kailanman, ang damdamin ng Bayani at ng Makabayang likas, hindi maaaring hindi magdulot ng liwanag at pag-ibig sa puso ninuman, lalo pa sa mga taong hindi man lamang makapansin ng mga hirap at kaapihang dinaranas ng sariling Bayan. Kaya kailangang tanggapin natin, sa kabila ng iba't ibang karunungang iginawad ng Diyos kay Rizal, na ang nangunguna sa lahat ay ang kanyang hindi masusukat na pagka-makata, pagka- makatang hindi bigay sa kanya ng alinmang pamantasan 0 unibersidad, sapagka't ang kanyang pagkamakata ay sinuso sa puso ng kanyang ina, mistulang dugong nanalaytay sa kanyang ugat, mula sa u gat ng kanyang mga magulang.


153 Ang kahol ng aso at huni ng ibon, ang bahaw na tinig ng kalaw sa kanlong siyang tangi lamang naririnig doon; kaya walang taong palalo at buhong, walang kapit-bahay na abalang-pulong sa aking isipan; ang landas ko'y tuloy, at walang abalang dapat ikauntol ang takbo ng isip saan man paroon; gubat lang ang aking palaging katukol, at saka ang dagat doong umuugong. Ang dagat ay lahat! Ang kanyang kalakha'y siyang naghahatid sa akin ng taglay na mumunting butil ng malayong bayan; ang kaniyang ngiti'y nagbibigay naman sa akin ng sigla't pagbabagong-buhay; pagdarapit-hapong tila alinlangan ang pananalig kong wari'y kabiguan, sa kanya'y ninita ng kaligayahan, at pati ng kanyang mga kalungkutan, sa puso ko'y mayrong isang alibgawngaw. Kung gabi ay isang hiwagang malalim! Ang kanyang malinaw na anyo sa tingin, ay nalulukuban ng libong luningning; malamig ang simoy ng pagalang hangin at ang kalangitan nama'y nagniningning, pati mga alon ay may mga lihim na buntung-hiningang sa hanging mahinhi'y isinisiwalat ang mga saysaying dagling napaparam sa puso't damdamin ng mga路 panahong sinakmal ng dilim. Mayrong nagsasabing ang unang liwanag, halik ng umagang lupa ang tumanggap noong libu-libong nalalang at sukat, na mula sa wala't di abot ng hagap ay nagsipamayan sa bangin at gubat, pati sa tugatog na sakdal ng taas ng mga bunduki'y doon nagsiakyat, at kahit na saang malayang kumalat ay doon humalik, na ang kaakibat ay kapangyarihan sa pagpapaUl)1ad.


154 Nguni't kung ang gabi ay lubhang masungit, at ang hangin nama'y parang nagngangalit, at ang mga alo'y lalong bumabagsik, ay maraming tinig ang nangaririnig, tinig na may dasal, may da路i ng at sakit, pinagbuhol manding tinig ng hinagpis, ang .mula sa dagat ay inihahagis ng mga nalunod at doo'y na~mis, nang isang panahon na kahapis-hapis, ng mga nabagbag na di na babalik. Pag nagkagayon n a, mula sa itaas ng mga bunduki'y magulo nang lahat: mga punong-kahoy ay mamamagaspas,.. mangagsisiungol ang hayop sa gubat, may mga halinghing na nakagugulat, ang kanilang diwa'y parang nagsasaad, at ang sinasabi, sila'y tumatakas na ang tungo nila'y ~a may dakong labas, sa tawag n g mga ban gkay na natuklas,' na pagsasaluhan bago mangaagnas.

Sumisipol, sumisipol ang gabing nakatatakot, may luntian at may bughaw na lagablab na nunulpot sa 1aot ng karagatan, nguni't dagling natatapos pagngiti ng bagong araw, samantalang naglalagos ang lunday sa mga along tila pag6d na ring pag6d. Sa ganito'y lumilipas ang marammg mga araw sa gaya kong itinapon sa hindi ko sadyang bayan, gayon pa ma'y hanga ako sa ganitong kapalaran; munting batong binayaang lumot lang ang hinihintay, upang ilihim sa madla ang sariling katangian. Nabubuhay ako ngayon sa gunita ng inibig at ang ngalan nila'y aking minsan-minsang naririnig; may patay na at mayroong luminot sa aking tikis; nguni't hindi kailangan, buhay akong umiisip sa nagdaa't ang nagdaa' y di sa akin mapapaknit.


155 Siya'y aking kaibigang kailanma'y naging tapat, siya ang sa kalulwa ko'y nagbibigay-sigla't ningas kung makitang nalulungkot; kasama kong nagpupuyat, sa ganitong pagkatapon, sa kubo ko ay kayakap; pinapananalig ako kung alinlcfugan ang lahat. At ako'y may pananalig, kaya hintay ko ang araw na .ang Diwa'y mananalo sa bangis ng kalakasan; na pagkaraan ng digma't ng hingalong dahan-dahan, ay may tinig na higit pa sa tinig kong tinataglay, na siya na ring aawit ng awitin ng tagumpay! Namamalas ko ang langit na maningning at malinis, na gaya ng aking ynang magagandang panaginip, ang init ng dating bu16ng sa noo ko'y humahalik, ang dating nagpapaningas sa sigla kong nag-~init, at siyang nagpapakulo sa dugo ng pusong paslit. N asasagap ko ang simoy na marahil ay nagmula sa bukirin at sa ilog ng bayan kdng 路 minumutya, i baka naman ibalik qm ang lihim kong isinanla; buntong-hininga at halik ng minahal kong diwata, ang matimyas na tapatan ng pag-ibig namin kapwa. Kung mamasdaJ?- ko ang buwang kasing-ningning din nang una, ang dati kong kalungkuta'y nagbabalik naman fila, ginigising ang pag-ibig ng libu-libong alala, ang pampangin, ang kahuyan, ang bakura't asotea, mga biglang di-pagkibo, agaw-hiya ng pag;inta. - . ,_ Paruparong nauuhaw sa liwanag at sa kulay, na ang ibang mga langit ang palaging panagimpan, ako noon ay bata p~ nang lisanin ko ang bayan, at saanma'y palagalang walang munting alinlangan, nagugol sa ibang lupa ang buo kong kabataan. Nang nasain kong bumalik, langaylangayang pagod na, sa pugad ng magulang ko't ng iniwan kong pagsinta ay biglaang hinabagat ang puso ko't kaluluwa: mga pakpak ko'y nabali, ang tahana'y nagiba pa, paniwala'y napalungi, mga guho ang natira.


156 Natapon sa kabatuhan ng Bayan kong minumutya, wasak na ang hinaharap .at tahanan man ay wala, kayo ngayo'y bumabalik, ginto't rosas na adhika, na siya kong tanging-tanging yamang hindi nasasanla, dalisay na pananalig ng tapat at murang diwa. Di na kayo yaong unang nag-aalab at may buhay, na sa aki'y nag-aalok ng hiyayang walang hanggan, may kaselanan na kayo, nguni't kayong aking mahal, kung hindi man ngumingiti't maputla ang inyong kulay, dala-dala naman ninyo ang tatak ng katapatan. Inaalok ninyo ako ng saro ng bagong aliw, at ang aking kabataa'y路 nais ninyong pabalikin; salamat sa iyo, sigwa, tagalangit manding hangin, at pinutol sa panahon ang lipad kong parang baliw, upang ako ay ilagpak sa lupa kong ginigiliw. Sa tabi ng isang pasigang m~uwang na may mala-gabo~ na kabuhanginan, sa paa ng bundok na nababalutan ng isang talukbong na kulay-luntian, himpilang sarili'yaking natagpuan doan sa mayabong niyang kakahuyan; sa kanyang malilim namang kagubata'y ang lubhang panatag na katahimikan, pahingahan na rin ng aking isipan, at pananahimik ng sakit kong taglay.


KAY JOSEF INA * J osefina, J osefina, Dito sa dalampasigan, ikaw ngayon ay dumating, na ang hanap mo'y tahanan, isang pugad na malilim, tulad ng langaylangayang palagala't walang tigil, kung ikaw ay inaakay ng palad na di mapigil, sa Shanghay man 0 sa Tsina, 0 sa Hap6ng pulu-pulo huwag mo sanang limuting sa baybaying nalalayo, dahil sa iyo'y ninibok ang hapis na isang puso. "Ito'y isang maikling tul§. na sinulat ni Rizal nang madalian, sa Dapitan, noong taong 1895, pagkatapos na siya'y dalawin ni J osefina Bracken, ang kanyang "matamis na tagaibang-lupa, aking kaibigan at aking katuwaan", na gaya ng nabanggit sa "illtimo Adios" niya. Dahil dito'y pinagtatakhan ng rnarami ang hindi pagtawag ni Rizal kay J osefina ng "kasuyo ko," "kabyak ng puso" ko kung totoo ngang siya'y ikinasal sa babaing nasabi, pagkaraan, diurnano, na kanyang talikuran at pagsisihang lahat ang kanyang mga ginawa at sinulat dahll sa kanyang panunurnbalik sa relihiyong kat61ika. Tinit iyak na si J osefina, pagkaraan ng kanilang pagsasama ni Rizal sa Dapitan, ay napasa-MayniJa, nguni't hindi naman nagluwat at dumalaw upang rnamaalam sa Bayani. Hindi natiis ni Rizal na hindi siya pabaunan ng isang tulang gaya na nga nito. Gaya ng rnapapansin ng rnambabasa, ay tiglalabing-anirn na pantig rnayroon ang bawa't taludtod, rnaikli ang sukat, "arte menor" kung tawagin sa panulaang kastila, nguni't puna ng tamis at malinis na alaala. 157

°


IMNO SA TALISAY * Koro Mabuhay, Talisay! Matiyaga't matibay, Laging sa unahan Maglalakad ikaw. Ikaw'y matagumpay Sa lahat ng bagay Lupa't karagatan, Talo mo, hangin man. Mula sa Dapitan, ang baybaying lahat, ay may- kabatuha't bundok na mataas, iyon ang trono mong tahanang matatag! Ang kabataan ko'y doon lumilipas. Sa mga parang mong puno ng bulaklak, at mga halamal1g sa bunga'y .lugayak, itong diwa nam ~y doon itinabas, kalulwa'i katawa'y magkasamang ganap.-KoRO Kami'i mga batang tanghaling sumilang, nguni't may kalulwang sariwa rin naman, lalaking malakas kaming mamamasdan, bukas ng umaga pagsikat ng araw, ang kaanak nami'y maaalagaan. Kami'y mga batang walang katakutan, sa sigwa, sa kulog, maging sa ulan man; bisig nami't mukha'y panatag at laan, nakahandang lagi sa pakikilaban.-Koro '-' Ito'y isa sa magagandang imno na sinulat ni Rizal. Sa mga tala ni D. Wenceslao E. Retana at sa kay D. Jaime de Veyra man ay walang tiyak na petsang nasasabi tungkol sa pagkakasulat nito. Nguni't ang Talisay, tangi sa ngalan ng isang punung-kahoy, ay ngalan din ng isang bayan sa Dapitan, kaya ipinalalagay na nang ito'y sulatin ni Rizal ay sa loob ng panahong siya'y napatapon doon, sa kagagawan ng pamahalaang kastila: 1892-1896. Kaya ang imnong ito'y mainam awitin ng mga bata, sapagka't si Rizal noo'y nagtayo ng paaralan at marami ang mga batang nag-aaral sa kanya. Hangga ngayong 1959 ay may dalawa 0 tatlo pang naging magkamag-aaral sa pamamatnubay ni Rizal 158


159 Nahahalo namin pati ang buhangin; ang kabatuhan ma'y nalilibot namin; ang tahanan nami'y sa bato natanim saan man ay abot ang sandatang kimkim. Walang paglalaho, ni gabing madilim kahit na lumitaw sa amin si Luzbel, sa bagyo man nama'y di nangungulutding, patay man 0 buhay, aming huhulihin.-Koro Ang tawag sa ami'y mga "Talisaynon", kalulwa'y dakila, katawan ma'y sahol, dito sa Dapita't sa iba mang nayon, Talisay ay walang pinapanginoon. Lawa namin dito'y wala pang katukol, ang talon ng tubig, banging di manuynoy, at kung sa pagsagwan sa bangka tutukoy, di malalampasan kung kami aug habol.-Koro Mga suliranin ng agham na ganap, pinag-aaralan naming lahat-Iahat. apat na wika ma'y arhing mabibigkas kaugnay ng puso't ng isip na tapat, mga bisig nami'y sabay sa paghawak ng kampit, araro't ng aming panuJat, ng pi kong pambato, ng baril at itak kasama ng mga lalaking malakas.-Koro Mabuhay, Mabuhay, mala gong Talisay! Ikaw'y pinupuri naming sabay-sabay, magandang bituin, piling kayamanan na siyang tuntunin niring kamusmusan. Sa maraming digmang tao'y inaantay, taong nasusupil ng mga ligamgam, ang alaala mo'y kanyang dupil naman , ngalan mo sa llbing, ang kapayapaan .-Koro


AWIT NG MANLALAKBAY * Natuyo nang dahong walang wastong lipad, na tangay ng hangin saan man mapadpad, gayon din ang buhay niyong naglalayag, walang tungo't sigla ni baya't pagliyag. Ligaya ang hanap na lagi saan man, nguni't ang ligaya'y lumalayo naman, animo'y palaging binibiro lamang ang dahil sa kanya'y sumakaragatan. Sa tulak ng kamay na di nakikita, siya'y maggagala saan man humangga, maraming gunita ang kanyang kasama, niyong mga taong minamahal niya. Marahil a isang libingan sa ilang ang kakikitaan ng kapanatagan; Bayan at daigdig siya'y nalimutan magpahingalay ka matapos ang lumbay. " Ang tulang ito, sang-ayon kay D. Mariano Ponce, kaibigang rnatalik at parang kapatid ni Rizai, ay sinulat nito sa Dapitan, at unang-unang inilathala narnan ni D. Mariano sa "El Renacimiento" noong ika-29 ng Disyembre ng taong 1903. Kung pag-iisiping mabuti, ay masasabing ang tulang ito, bilang tuia ng pag-aalaala sa nagdaang panahon, ay isa na sa mga natatangi sa linis. tamis at :~bay. Alam na ng madla na si Rizal ay hindi mahilig sa pagbanggit sa kanyang sariling katauhan sa kanyang mga sinulat, lalo pa sa twa, kaya naman dito lalong lumulutang ang kanyang pagka-manunula, pagka-"liriko" at pagka-mairugin sa sariling Bayan. Ang simula ng Makata ay ganito: " Natuyo nang dahong walang wastong lipad .. ." At gaya ng rnapapansin, ang dahong tuyong binabanggit ay hindi iba kundi siya na rin, siyang hindi na natigil sa paglalakbay at sa paglalayag. Hindi rin dapat kaligtaang sa wikang tagalog ay iba ang maglakbtty lÂŤLysa maglayag. Kaya sa tulang ito ay maaaring itaguri 0 ingalan ang paglalakbay 0 ang paglalayag. sapagka't para sa tagalog, ang paglalttkbay ay kung sa kalupaan nagda:raan at ang paglalayag ay kung sa karagatan. Nariyan nga ang layag na karaniwang ginagamit sa pagbagtas sa karagatan . 160


161 At ang naglalayag, kinaiinggitan sa bills ng lipad kapag nagdaraan, hindi nila tan tong sa kaibuturan ng kalulwa'y walang pag-ibig na tunay. Sa sariling bayan, tao ay pipihit, sa sariling lupa, marahil babalik, at ang makikita'y ang naguhong dikit, yumaong pagsinta, libingang mapait. Hayo, manlalakbay, ituloy ang hakbang, banyaga ka pati sa sariling bayan; bayaang ang iba'y sinta ang awitan, sila'y magtamasa . . . maglayag ka naman. Hayo路 manlalakbay, huwag kang lilingon, pagka't walang luhang sa iyo'y tutugon; hayo, manlal kbay, dusa mo'y itapon pagka't sa hir p mo ay walang papatol. 0067 01-

11


HULING PAALAM Paalam na Bayang pinipintuho ko, na mahal sa araw, sa dagat Silanga'y Mutya kang sa ami'y lwalhating pumanaWj sa iyo'y masayang handog ang malungkot at laing na buhay, na kung may ningning man, sariwa at hitik sa kabulaklaka'y ihahandog ko rin dahilan sa iyong mga kabutihan. Sa parang ng digma, na taboy ng hibang na pakikibaka, ang handog ng iba ay buhay nang walang alinlanga't dusa, walang kailangan kahit saang pook, lungkot 0 ligaya, bibitaya't parang, digmaa't pahirap, lahat ay iisa, kung gayon ang nais ng Baya't tahanang pinakasisinta. Mamamatay akong tanaw nang may kulay iyang langit nati't ibinababala, sa wakas, ang araw sa likod ng dilim; kung pula ang iyong kinakailangan upang pakinangin ang iyong liwayway, dugo ko'y ibubo, at gintuan na rin ang taglay na sinag ng sumisikat mong araw na maningning. Ang aking pangara noong ako'y batang halos kamusmusan, ang mga pangarap nan magbin ta nang puspos kasiglahan, ay makita kitang isang araw'y hiyas ng dagat Silangan, ang itim mong mata ay wala nang luha't ang noo mo naman ay wala nang kunot, ni gatla 0 bahid niyong kahihiyan. Ang mga pangarap nitong aking buhay, maalab na hangad, Mabuhay!-ang sigaw niring kaluluwang yayao na agad, Mabuhay!-kay gandang malugami ako't ikaw'y makalipad, mamatay nang ikaw'y mabuhay, yumao sa langit mong tapat at sa mabalaning lupa mo'y maidlip nang wala nang wakas. Kung sa libingan ko, minsan isang araw'y makita mong nasnaw ang isang bulaklak sa masinsing damo na nayayapakan, sa mga labi mo'y ilapit at yaring kalulwa ko'y hagkan, upang sa noo ko'y aking maramdaman sa lamig ng hukay ang bulong ng iyong lambing at ang init ng hiningang taglay. Bayaang itunghay sa akin ng buwan ang kanyang liwanag, bayaang sinagan ako ng liwayway na dagling lumipas, bayaang humibik ang hangin sa kanyang banayad na lipad, at kung sa kurus ko ay may isang ibong dumapo paglapag, nayaang ihuni ng ibon ang awit ng pamamanatag. 162


163 Bayaang ang tubig ng ulan sa init ng araw'y sumingaw, ibalik sa langit na kasunod itong aking panambitan; bayaang iluha ng katoto yaring maagang pagpanaw, at sa dapit-hapon kapag may nag-ukol sa akin ng dasal dumalangin ka rin sa Diyos, Bayan kong ako'y matiwasay. Idalangin mo rin ang rnga namatay na kinulang-palad, ang nagsipagtiis ng rnga pahirap na walang katulad; mga ina namin na inihihibik ang kanilang saklap, ang rnga kapatid, balo't napipiit sa rnadlang pahirap at ang sarili rnong nawa'y rnakakita ng paglayang ganap. Kung ang libingan ko'y rnabalot nang ganap ng gabing madilim, at doo'y wala na kundi pawang patay ang nagtatanod din, ang katahimika't pati ang hiwaga'y huwag bulahawin; kaipala'y tunog ng isang kudyapi ang iyong rnapansin, ako yaon, Bayap., inaawitan ka nang boong paggiliw. At kung ang libip.gang kinabaunan ko'y limot na ng madla, wala na ni kurus, nt .kahit na batong maaaring tanda, bayaan sa taong yao\y araruhi't isabog ang lupa ng kanyang asarol, bago ang abo ko'y rnauwi sa wala ay makahalo na ng iyong tuntungang lupang pinagpala. Kung magkagayon na'y hindi na mahapding ako ay limutin; aking lilibutin ang iyong paligid, lambak, papawirin; malalaman rno ri't iyong rnaririnig na ako'y taginting, halimuyak, ilaw, mga kulay, ugong, awit at hina路i ng, na ang kalinisan ng pananalig ko'y uulit-ulitin. Bayang sinasamba, na sakit ng lahat niring rnga sakit, sintang Pilipinas, pakinggan rno ngayon ang huli kong sulit; diya'y iiwan ko ang aking rnagulang at rnga pag-ibig, at ako'y yayao sa walang alipi't mga rnanlulupig; Diyos lang ang hari't hindi pumapatay ni ang pananalig. Paalam rnagulang, rnga kapatid kong kapilas ng buhay, mga kaibigan ng kabataan ko sa sawing tahanan; pasalamat kayo't rnapapahinga na sa hirap na araw; paalam, banyagang aking kaibiga't aking katuwaan; paalam, sa lahat, rnamatay ay siyang pagpapahingalay. JuSE RIZAL


BULAKLAK SA MGA BULAKLAK * Bulaklak sa bulaklakan-Buko pa lang ng bulaklak, Dinuduyan na ng hanging-may awit na mapamihag, Aliwat na makalangit-Aliwat ng lumiliyag; Ikaw na laging katwaan,-Ang saanma'y iyong hanap; Ikaw na laging may ngiti-At walang buntong-hininga, Lahat sa iyo'y pabango,-Buong ikaw ay pagsinta; Ikaw na dito sa lupa-Marahil ay nakarating Upang yaong nalulungkot-Ay dulutan mo ng aliw, At mabigyan ng ligaya-Yaong pusong naninimdim; Sinasabing ikaw'y mayron-Sa iyong pagliliwayway Na dalisay na kalulwa-Na napipiit din naman Sa panaling mga sutla-Ng likas na pagmamahal? Sabi'y ikinakalat mo-Ang kabutihan saan man Gaya' na rin ng Tagsibol-Kung siya ay nag-aalay Ng bulaklak at igaya-Sa Abril na kagandahan. Sinasabing ang kalulwa'y-Binibigyan mo ng ilaw Kung siya ay nagdidilim-Walang tinik sa pagpasnaw Ang bulaklak ng rosas mo-Sa sariling halamanan Yamang sila'y malwalhating-Ginawa sa habang buhay, At sila'y nagtatamasa-Pati sa tingin mong iyan May balaning pambihira-Na Diyos lang ang nagbigay, Ah! Ako sana'y bigyan mo-Kahit isang oras lamang Ng ligaya mo at buhay-Kahit na iisang araw, Na ang dibdib ko ay siyang-Nagtamasang matuturan. â&#x20AC;˘ Sang-ayon sa mga tulang pinagbatayan namin, ay isang tunay na " ensayo" (pagsasanay) lamang ang tulang ito, na nakuhang kasama noong mga n awaglit na "coleccion rizalina", pagkaraan ng huling digmaan. Ang mga katipunan ng lahat ng mga aklat at kasulatang nasa-Aklatang Pambansa ng Pamahalaan ay nagkagulu-gulo noong ilikas ng mga kagawad sa nasabing opisina ng pamahalaan. Ang ori hinal sa kastila ng tulang ito ay binubuo ng mga taludtod na tiglilimang pantig na pinaghil.iwalay ng isang guhit ang bawa't isang buong taludtod, kaya malaya ang maykatha upang pagbagubaguhin ang himig ng musika.

164


KUNDIMAN (Sipi sa "El Dia Filipino" noong Dis. 30, 1921, pahina 15)

Tunay ngayong umid yaring dila't puso Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo, Bayan palibhasa'y lupig at sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno. Datapuwa't muling sisikat ang araw. Pilit maliligtas ang inaping bay an, Magbabalik mandin at muling iiral Ang ngalang tagalog sa sangdaigdigan. Ibubuhos namin ang dugo't babaha Matubos nga lamang ang sa amang lupa Habang di ninilang panahong tadhana, Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa. JOSE RIZAL

165

)


NOONG SI CERVANTES AY NASAARGAMASILLA DE ALBA Panatag ang gabi noo't matahimik, Naglalayag naman ang buwan sa langit, At sa Manchang tuyo't sa bunduki'y tigib, Sa mga bukiri'y liwanag ang hagis; Piping naggagala ang ?imoy ng hangin Sa mga bulaklak na dulot ng Abril, Galing manding mahal, Parang gating, kaya't sa ganitong lagim, Ruisefior ay pipi't may ginaw na kimkim. May tamasa noon na panggabing antok Ang mundong sa tanang nilalang ay irog, Parang nakainom niyong pampatulog, Sa ligaya niya ang lahat ay limot ; Ay! isang tao lang iyong nagpipilit Pagmasdan ang putla ng gandang masungit, Sa tabi ng rehas na nakaliligid, Na, sa kalu bayang malUpit napiit Ang noong malinis na pinahahatdan ng Haw ni Diana'y taas ang kalakhan, at sa kanyang mata'y ninibok ang ilaw ng dakilang diwang may taglay na buhay; at gaya ng dating pag-uumaga na'y pinapagdidilim ng aninong dala ang kanyang liwanag, gayon din ang dusa na nagpapaluksa sa mukhang maganda. Minamasdan kay:i ang ngayong malumbay, malumbay nang higit kaysa nakaraang nagpapaalala ng isang larawang pinaging malupit niyong kamatayan? Pabuntong-hiningang alaalang ganap ang inang patay na kung siya'y umiyak, ang tamis ng awit sa sanggol pang anak, sa pampang ng ilog na lumalagaslas. 166


167 Marahil ang diwa'y sugatan sa hirap, panagimpang rosas na kahapo'y ingat, di masyahang uhaw sa katwaang ganap na buong kalulwang inantay at sukat. Sino ang may alam kung siya'y sawa nang gunitaing sayang sampung dugo niya, na ang mundong sakim ay ginaganti pa niyong bilangguang kuhilang talaga. Dangal niya'y tutol sa gayong paglait, kay a parang bulkan nil nanghihimagsik, at pinag-aalab sa kanya "ang galit na angil ng bulkan sa kariiyang dibdib. Pagka't makatao ang kanyang bituin, ay may pakumbabang iyon ay susundin, ibubulong niya'y maganda't maningning na dasal-kristyanong sa lungkot nangg~ling. Ang kaniyang mga tingin ay sa langit ipinako, para bagang isang aliw ang hanap ng kanyang puso . Kaawa-awang talinong sa ana ma'y inaagaw maikita kahit pa'no ng aliw ang kalungkutan. Inilalagak sa limot sampu nitong mundong imbi, ng kanyang mga himutok, sigaw niyang masasabi, nguni't siya'y nagtitiis ng maraming kahirapang magahasa at malupit, nguni't buong katapangan. Katulad din ng aliw-iw na sakdal ng katamisa't linaw na kagiliw-giliw ng batisang bumu bukal, gayon din ang sinasabi ng kanyang sariling himig na may tumal na sakbi?i . ang sakit ng kanyang dlbdlb.


168 Malwalhati ya6ng baya'y nililisang hindi nakilala ang buhay na buktot, napaiilanlang sa may kalangitang singbilis ng isang paruparong bundok! Ay! napakatumal ng aking hingaIo't ako'y mabubuhay na lubog sa hirap, ikaw'y magtigil na, buhay na palalo, puso ko'y ihimpil ang tibok mong ganap! Sapagka't mahigit ang lungkot ng buhay, na wala mang aliw ni magandang palad, laIo pa kung sadyang kinalilimutan ang nagtitiwala sa kaniyang askad! Ay! tunay na aba ang buntong-hininga, kaya't sa labi ko'y doon napaparam, at saka kung ako'y nahihibang tila mayron ka,ya akong pusong susugatan? Ang magaganda kong hangaring malinis, isa-isa namang nawala sa akin, ang masasaya kong noon ay kantahin ay! ngayo'y sa hibik nangauwing tambing. Sinong katulad mo'y maaari kayang, palipad, maglambing sa mga bulaklak, kalulwang malinis, mabilis at sadyang, sakit sa kanila'y sabihing may liyag! Kung ako'y magiging mahiwagang himig niyong kagubatan na nakasisindak, ma-gabi ma-araw'y aawit nang liblib sa ta bi ng ilog, taI6ng malagaslas. Gamugamong paslit na may pakpak na rin, buong kaIayaang parang ay tamasa, saka ang hubero't makulay na kambing sa Iuntiang damo'y nagpapasasa pa. Ay! sila'y lalo pang higit na mapalad sa aking may dangal na pinagtaksilan, oh! itong sa taong pag-iimbot agad, mga pagkagalit niya't kataksilan!


169 Sa an man ay tugis, sa palad ay kapos, saan man ay walang kaluwalhatian, ana ang sa lupa'y aking maaabot liban na sa isang payapang libingan? Ang pagpapahirap kaya'y magbibigay sa bulag na mundo ng ikasisiya? Naririnig kaya iyang karaingan ng naaaliping sa limot nag-isa? At higit sa lahat ay ikaw, mala king bansa, Espanya kong makapangyarihan, pagka ang sakit ko'y tugis ang sarili, ayaw mong dinggin ay! yaring karaingan! Ang sabi't tumahan, at buntong-hininga ng kalulwang hapis iyong itinudla, at saka dalawang pumatak na luba ang sa pi ngi niya'y unahang bumaba. Oh, ikaw nga gabing lubhang mahiwaga, kaibigang pi . niyong kula g-pala, ikaw ang may, tago ng sakit na madla sa liwanag niyang araw ng himala. Sabihin mo, saan kaya dinala ang mga luhang pinaglambingan ng pakpak na sa lamig natitigmak? Marahil ang sugong-aliw, sa bulaklak ibinilin, nang ang araw, pagniningning, ay pabango namang gawin. Marahil ay uma bot na sa Diyos nating talaga, na parang dasal ng isang naaalipin ng dusa. Ang lipad na maharlika ang sa hangi'y nababadha, na may tugtuging bahagya ng tanawing mahiwaga.


170 Nakadamit ng mainam na puna ng kakisigan, at may bigkis sa bayawang na hindi pangkaraniwan. Sa noo'y mayrong laurel, na ang araw ang kahambing; may kudyaping mataginting na ginto ang mga bagting. J,

-

Maningning ang kanyang matang punung-puna ng pagsinta, na sa: liwanag din niya'y sa puso ay ninihag pa. Bigay ng Diyos ay bughaw sa mata niyang makinang, at ang kanyang buhok namang maganda ay ginintuan. Lab niya'y kainggitan ng kay Venus ay na sa pag-ibig

puUmg payak bulaklak, nakahayag ay pugad.

Dumarating sa ang sawi'y sa luha't sakit lugami dahil sa tanawing tanging sa mukha ay may balani. Iyo'y kanyang minamasda't sakit niya'y napaparam, lahat ng nalilimuta'y bumabalik na tiwasay. Malambing na parang hibik ng kudyaping mapang-akit, ng kasuyong humihibik sa libingan ng pag-ibig. Ang tinig ng paralumang tigib niyong katamisan, naririnig ng may damdam na may alok ng ligamgam.


171 Miguel . . . Miguel, bakit kaya ang angkin mong katapangaJy tinatalo na ng bagsik at lupit ng kapalaran? Kung ang kahoy na lpatigas sa Libano'y lumalaban sa bagsik ng mga bagyong umaangil pagdaraan, kung ang matigas na batong binabayo ng dagatan, ay galit na lumalaban sa angil ng mga sigaw ng magagaliting "triton" tayo pa ang kabangisan, bakit ang iyong talino'y wari manding lumalamlam? "Ah! sino ba kaya ikaw, kagandahang mabalani, sa tinig mo'y lalu't lalong pananalig ko'y sumidhi," ang naisigaw ni Miguel, at tulad sa talang ngiti, ang mundo ay sumasaya kapag ikaw'y gumigiti? Ikaw kaya ang mithiing sinasamba niring budhi magandang tulad sa "Silfang" dinuduyan ng l'walhati sa bughaw na papawirin 0 panggaga lang sakaling ako'y binibigyang hapis sa hangaring patiwali? Ako ang anak na tunay ng lumalang sa bulaklak, mga bukal, kapatagan at mga hasming busilak, ako nama'y isinilang na ilaw ang kaakibat sa halamanan ng Ede" lumaki ako'y umunlad, binibigyan ko ng tuw ang sa aki'y nakasadlak kasama kong nabubuhay mga anghel na may pakpak at sa pagbibigay-ayos ng karilagan at gilas, ay napagaganda ko rin ang katalagahang ganap. Katulad din ay bulaklak, nagkaroon ng panahong ako'y nagbibigay tuwa at aliw sa may linggatong, sa magkasuyong dalawang taong kapwa inaampon, sila'y hari't panginoon ng nilalang na nagbunton; Nguni't ay! isang umaga, dahil sa kawalang tunton ni Edeng maluwalhati kaysa ibang tao noon, dahil sa mapag-usisa'y imbing lason ang nainom, kaya't ako'y nagbalik na sa langit ng amang bugtong. Binigyan kong salamisim ng aawiting pandigma, dakilang mga papuri't makalangit na kataga ni Anram sa kanyang anak nang ang mga walang awa'y idapa na si "Jehova" sa tagumpay na napala; binigyan ko si Jeremias ng tinig na lumuluha. Sa kanyang Siyong naukol sa alaala't gunita, tumaginting ang kay David na kudyapi ng makata, nang awitin na ang banal na kantahing pandambana.


172 Narinig kong sa daing mo sa masibang kapalaran ay nabuklat yaong aklat ng banal na katakutan at do on ay nasusulat ang lubos mong kasawian na pawang makasisindak ang kulay na mamamasdan. Mga tinik pa ang iyong tatapakan sa Iansangan, na tanim para sa iyo niyong kasinungalingan, lalabanan mo ang iyong palad na may kabiguan na gaya ng maysugat nang "gladiador" sa kamatayan. Mga diwang darakila't sa kamataya'y malayo ang ibubulong ko mula sa trono kong natatayo, at ikaw ay matatangi sa nilalang na dalura, na gaya nang pagkatangi ng ipil sa damong tuyo; itatago ng istorya sa sariling mga dahon ang banal mong kaningningan; papawiring nakayungyong ay magiging maliit pa sa ngalan mong madagundong, na mahigpit pa ang kinang sa araw na tinutunton. Kaya, Miguel, sumigla ka at ang isip mong makinang, na tampulan ng liwanag, na tatanglaw sa 'yong bayan, ang siya na ring tutubos sa mga taong namasdang sa pagpunit ng rna ayap na lambong ng kadiliman at gaya ng isang lagim ay lintik: ang tangay-tangay, na itinutudla niya paglipad sa karurukan, na ana pa't naigupo ang diyos ng kabaliwa't napagyaman ang pagbuka~ ng magandang kapalaran. Ito ang sabi't lumipad na tulad sa isang diosang taga Chipre, na nang iwan ang bayaning taga-Troya, ay nagsabog ng liwanag at ng bangong kanyang dala, doon sa mga lupain ng mainit na Aprika; sa bakas na maliwanag, daan niya'y nakikita, isang liksi't isang tapang na pambihirang talaga ang tumubo sa kay Miguel na ang dibdib ay nagsaya, ang nabakas na pighatfy hinawl sa mukha niya. Namumula ang silangan sa ngumingiting liwayway, maningning na pangunahin ng mabanal na pagsilang ng mapang-akit na araw.


173 Ubod ng bulaklak nama'y bukas na sa kalamigan, na han dog ng kalikasan, na sa araw na pananglaw ang ganda'y nadaragdagan. Ang ibon sa kanyang kanta, magmula sa mga sanga'y nagpupugay sa umagang ang hamog ay kinukuha sa damuhan kapagdaka. ISqng maugong na bukal, sa umaga ng awitan, na matimyas kung pakingga'y naghahandog ng mayamang pahingahan sa isipan. Naglalaro na ang hangi't tangay ng gabing madilim, mga hapo at panimdim, kapal't ng ngiting galing sa liwanag na mahinhin. Si Miguel nama'y natuwa nang mamasdan ang himala, na sa bagong araw mula, kung kaniyang magunita ang magandang gabing luksa. At sa kanyang pag-iisip ay may Haw na gumuhit, na ang dugo'y pinag-init; sa dibdib niya'y naghasik ng liwanag na marikit. Maladiyos ang katulad na ang tingin ay matingkad, init-langit na banayad ng araw na bagung-sikat; siya'y buong umaalab. Mabuhay ka taong paham, talino mo ay mabuhay! Nasa-imbi kang kulungan ay! ikaw pa'y nl?kalalang ng akdang pangdaigdigan.


SA LUMALANG SA AKIN

1r

(Bahagi ng isang tula ni Rizal)

Inaawitan ko ang Poong lurnalang, Ang Panginoon kong rnakapangyarihang Lumunas ng aking buong kalurnbayan, Yaong rnaawaing sa aki'y nagbigay Ng pamarnahinga sa hap is kong taglay. Ikaw, sa iyong kalakha'y Sinabi rno: Mabuhay ka!, aka narnan ay nabuhay; At ako ay binigyan rna ng sariling kapasyahan, At ang aking kaluluwa'y patuloy rnong inugitan, Na katulad ng "bruhulang" ang turo'ysa Hilagaan. Ikaw, ang siyang nagtakda upang ako'y rnarnuhatan Sa ama't ~ang rnarangal at rnarangal na tahanan, At ako ay binigyan rna ng sariling Inang-Bayang Maganda't di r,natmgkala ang sariling kayarnanan, Kung bagaman t sa palad ail pag-iingat ay kulang.

* Galing 174

I

sa mga "Documentos Rizalinos"

.


ALIN MANG LAHI Alin mang lahi, isinasanggalang sa lupit ang kanyang lupang tinubuan, tuloy pinaghahandugan ng buhay at dugo kung kinakailangan. Ang kamatayan man kung saka-sakali't ikagiginhawa ng mga kalahi tatanggaping nangingiti, kaaliwa't tuwang di mumunti. Nguni't pagkasawing-palad ng katagalugang napapanganyaya, Bukod pa sa ibang urhaaba lalong nagbibigay-hapis ang kanyang kapwa. Sa bagay di kulang sa pupuhunanin, lakas, dunong, tapang, yaman ay gayundin, aywan kung bakit at inaalipin ng alin mang lahing makasuno natin . .. Tula at tugtugin ni Dr. Jose Rizal. Salin ng Gurong A. J. Molina. Maraming awit ang kinilalang sariling akda ni Dr. Jose Rizal, nguni't malao't madali ay napag-alamang ang marami sa mga iyo'y pawang akda ng iba. Isang tunay na kapalaran na ang akdang ito'y nabigyan ng buong pagpapatunay na sarili ngang tugtugin ng bayani, sa pamamagitan ng isang karapat-dapat na maka-Rizal at mananaliksik, sa katauhan ng yumaong si G. Epifanio de los Santos Cristobal. Ang sulat-kamay na orihinal ng awiting ito, bagama't napagpasyahang hindi akda ni Dr. Rizal, ay isa sa mahahalagang akdang natitipon ni Don Panyong. Ang yumaong Gurong si Pedro Eloriaga, isang kahanga-hanga sa piyano at isang guro ng Konserbatoryo ng Musika sa Pamantasan ng Pilipinas, ay sumulat ng isang salin ng awiting ito at ipinagkaloob kay G. Molina, isang mag-aaraJ noong nakapagtapos na sa nasabing konserbatoryo. Ang

175


176 Gurong Molina ay sur.lUlat ng dalawang saling magkaiba ng awiting ito, at nang taon ding iyon, ang awiting nabanggit ay iniharap k ay Don Panyong, upang dito'y ipasuri, at ito (si Don Panyong) ay nagbigay ng pagpapatibay na ang nasabing awitin ay tiyak na saling-akda ni Dr. Jose Rizal, at idinugtong pang si Dr. Jose Rizal ay di malayong huminging tulong sa isang musikong marunong sumulat ng mga nota ng musika. Halos mahihinuhang ang awiting ito'y iniakda ni Dr Rizal, sa pamamagitan ng paghiging-higing lamang 0 pag-ihip ng bansi (plauta), subali't ang mga nota'y sinulat ng kinatulong na musiko. Ang unang salin ay ginawang parang isang pagsasanay lamang, at si G . .Molina ay hindi nasiyahan, kaya't nang makalipas ang Hang taon ay sinulat niya ang ikalawang salin na nalathala ngayon sa magasing ito: sa magasing " The March of Time". Ang akdang-awit na ito'y siyang laging inaawit ni Gng. Consuelo Salazar Perez, sa iba't ibang mga pagdiriwang sa Kaarawan ni Rizal, sa saliw ng orkesta, na ang musika'y isinaayos din ng ginoong nagsalin.


MGA DAHONG DAGDAG.

PAALAM KAY LEONOR * Dumating na rin nga ya6ng malinggatong na sandall, ng malungkot na daratnin ng palad kong sawing-sawi, sa hull nga'y dumating din ang sandall ng pighati na ako ay aalls na't mawawalay sa minithi. Paalam na, Leonor ko, ako ngayon ay paalam, ang puso kong umiibig ay sa iY0 ko iiwan; paalam na, Leonor ko, dito ako'y mawawalay oh, malungkot na paglayong ang sakit ko'y walang hanggan.

* Isang maikling tulang inihandog ni Rizal sa kanyang "minamahal na katipan na kanyang kaibigan at kasayahan". Binubuo ang tulang ito ng dalawang saknong na tig-apat na taludtod, na inaakalang sinulat ni Rizal noong bago patungo sa Europa. Gaya ng mapapansin ay lumulutang dito ang malaking pagmamahal ng ating Bayani kay Leonor Rivera, iyong Leonor na iyon, na napilit din ng mga magulang na pumayag na mapangasawa ng isang ingles sa Manila Railroad, na nag-aapelyidong Kipping. 006701-

12

177


KUNDIMAN

*

1. Sa gawing Silangang Sikatan ng araw, Ay may isang bayang Puspos ng kariktang Tinanikalaa't Api ng dayuhan Ay! Bayan ko'y iyan, Bayang minamahal! 2. Kay lungkot ng buhay Kung sa kanya'y walay! Wala kahit ilaw Sa labas ng parang! Ilaw ay malamlam, Langit ay malumbay, Ay! kung mamamatay Nang eli mamamasdan! 3. Sa pasig na baybay Ang mangga'y malabay Ang puno'y matibay, Lilim ay mainam, Sa dahong luntian Kalarua'y ilaw, Sa diwa ang alay, Pawang katamisan. ,. Ang tulang ito'y nagbunga ng di-kakaunting pagtatalo ng ilang kilalang manunulat at manunula. May mga nagsasabi, isa na rito si G. Epifanio de los Santos Cristobal, na ang tulang iyang pinamagatang Kundiman ay sinulat ni G. Pedro A. Paterno, nguni't sang-ayon naman sa ibang mapanuri't mapag-aral ay walang alinlangang kay Rizal, at ibinabatay nila ang gayon sa nakitang sipi ng nasabing Kundiman na kasama ng mga kasulatang iniingatan ni Bb. Boustead, isang magandang inglesa na naging matalik na kaibigan ni Rizal. Anupa't sa isang masusi, malinis at walang kinikilingang pagpapasiya at dahil man lamang sa kabuhayan at mga sinulat ni Rizal, gayundin sa pagtula, at la1ung-la1o na sa pagkamairuging maghandog ng mga tulain sa kanyang bayang sinilangan-ang Pilipinas-sa ayos ng pagkakatula, sa himig, sa diwa at damdamin ay tiyakang masasabing ang Kundimang ito ay sadyang sinulat ni Rizal. 178


179 4. Sa gawing Silangang Sikatan ng araw, Ang mahal kong bayang Puspos ng kariktan Ay aliping tunay, Ngayong namamatay. Mapalad sinumang Laya'y maibigay!


ANG UNA KONG SALAMISIM * Bakit kaya sumisingaw sa bulaklak na sisidlan ang lahat ng kabanguhan, ngayong mayrong pagdiriwang? At bakit sa kagubata'y may matimyas na awitang kawangis ng katamisang kay Filomena lang utang? Bakit kaya sa damuhan, ay kasabay ng amihang tila mandin may lambingang sa sanga'y nagluluksuhan? At {ffig batis na PIalinaw, ay may dalang aI.iligawngaw, na sa hangi'y sumasabay, sa bulaklakan ang daan? Ano't ngayon sa silanga'y tanaw ko ang kagandahan, lalo na ang bagong araw, na ang noo'y kumikinang?

* Ito'y isang tulang hangga ngayo'y pinagtatalunan pa, sapagka't hindi matiyak nang lubos kung totoo ngang si Rizal ang sumulat. Sa ganang kay Dr. Leoncio Lopez Rizal, pamangking buo ng pinakadakilang bayani ng lahi, ay hindi kay Rizal ang nasabing tWa, samantalang sa palagay naman ng ilan ay si Rizal ang may-akda. Ang kahirapan ay hindi malaman ng kahit sino kung saan at kung kailan sinulat ni Rizal 0 ng sinuman. Sa kabila ng lahat ay waring nagkakahimig ng ilang gawi sa pananalita ni Rizal, sa wikang kastila, 0 may kaunting pagkakahawig sa kanyang karaniwang pagsulat ng tula. Kaya upang mapasyahan ng mambabasa ang tuhing ito, kung tunay mang kay Rizal 0 hindi, ay pinag-inutang isatagalog din, na gaya ng mababasa sa itaas. 180


181 Pagka't ngayo'y kaarawan ng ina kong mapagmahal, kaya naman mayrong alay ang ibon at bulaklakan. At ang batis na maingay, sa araw mong matagumpay, ay para ring nagdarasal na masaya kang mabuhay. At sa ingay ng batisan ang awit ko ay pakinggan, na "laud 1" ko ang kabagay, simbuyo ng pagmamahal. 1 Ito ay isang istrumento ng musika, na katulad din ng kudyapi 0 "lira," nguni't maikli at kulang sa taginting ang tunog. Iba rin ang hubog.

o


I

Mga Akdang pampanitikan  
Mga Akdang pampanitikan