Page 1


AYALA FOUNDATION , INC .

FILIPINAS ';

LIBRARY


ceomjtie'me1'l11

1

0/ t," NATIONAL HfROfS COMMISSION REPUBLIC OF THE PHILIPPINES !/eclleta1lY ~'andllo

fit.

[llloce6

!?A1<ectOJl It'a1l1o6 P2aeitt'no fl)e,'ec/01l (ยงa/o

fA.

t!Jcamjw

~o/ ~te'an de t!Jcamjw


,

MGA LATHA LAI N ng

PAMBANSANG KOMISYON .NG IKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL -

MGA SINULAT NI RIZAL L

---

<.

MGA ~ANG PAMPULITIKA AT PANGKASAYSA YAN

Tinipon at inihanda ng Lupon ng mga Tagapagsalin sa Wikang Pambansa

AYALA

MU~FU" '- -

tnt A

PANANDAANO TAONG PALIMBAG

MAvmLA PAMDANSANG KOMISVON NG IKASANDAANC TAON NI JOSE RIZAL

1961

.


I

REPUBLIKA NG PILlPINAS TANGGAPAN NG PANGULO

PAMBANSANG KOMISYON NG lKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL

MGA PINUNO AT MGA KAGAWAD DIOSDADO MACAPAGAL Pa11,gulo Republika 11,g Pilipinas TAGAPANGULO ALEJANDRO R. ROCES Kalihim 11,g Pagtuturo MGA PANGALAWANG TAGAPANGULO FERNANDO

E. V.

SISON

SANTIAGO

F.

DE LA CRUZ

Kataas-taasang Puno ng mga M aginoo ni Rizal

Pangsama'ntala11,g KaLihim 11,g Pana.n alapi

MGA KAGAWAD MARIA KALAW KATIGBAK

SAUR UTUTALUM

Tagapangulo, Lupon sa Pagtuturo Sen ado ng Pilipinas

Tagapangulo, Lupon ng Pagtu/uro Kapulungan ng mga Kinalawan

VICENTE

G.

GERONIMA

SINCO

T. PECSO'N

Tagapangulo, Pambansang Komisyon ng UNESCO

Pangulo, Pamantasan ng PIlipinas ERmSTO R. ROI>RlGUEZ, JR. Pangsamantalang Palnugot . ng Kawa路 nihan ng mga Aklalang Boyan

BENIGNO ALDANA

Patnugot. Kawaniban ng Paaralang Boyan

JESUS E. PERPWAN Patnugot, Kawanihan ng mga Paaralang Sarili

Tagapangulo, Lupong Pangkasoysayan ng Pilipinas

EUFRONIO M. ALIP Pangulo, Pambansang Samahang Pang路 kasaysoyan ng Pilipinas

Kasangguning Pangkalinangan sa Sugo ng Republika ng Pilipinas sa Espana

Lms MONTILLA

JOSE

Kasangguning Tagapagtatag ng Pambansang Sanggunian ng Pagsusuring Pangagham EDUARDO

VICENTE

QUISUMBING

Lms MONTILLA,

Pa/nugot ng Tagapagpaganap VEDASTO

G.

SUAREZ

Pangalawang Patnugol at Kalihi10 LUPONG TAGAPAGLATHALA

Kagawad . Kagawad. P. BANTUG, Kagawad

LOPEZ RIZAL,.

MONTILLA, JOSE

VICENTE DEL CARMEN,

006700

OROSA

Naging Kalihim ng mga Pagavraing Bayan at mga Pahatiran

Patnugot, Pambansang Museo

LUIS

BANTUG

(1953-1955)

LEONCIO LoPEZ RIZAL

LEO~CIO

P.

Kalihim


PAUNANG SALITA Hindi lingid sa madIa, kahit sa mga Pilipino man Iamang, na tangi sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at Pilibusterismo na may uring pampolitika at panlipunan, at sa mga talang pangkasaysayan ukol sa "Mga Pangyayari sa Kapuluang Pilipinas" ni Morga, si Rizal ay sumulat ng iba't ibang aklat na may gayunding uri na naiathaia na ang iba't ang iba nama'y hindi, kahit na ang karamiha'y di pa kilala, ni ng kanyang mga kababayan. Kung tunay mang hindi kami nagkapalad na makapagtipon ng lahat ng kasulatang pampolitika't pangkasaysayan ni Rizal, sa kabila ng Iahat ng gina wang pagsisikap, ay ikinasisiya na naming maipalimbag sa ika-VII Tomong ito ang lahat ng aming natagpuan. Ang karamihan sa kanila'y sinulat sa loob ng panahon ng masiglang kilusan ng mga tagapagpalaganap, at ang ibang kakaunti ay nang dakong huH, nang sa pagnanais na mapapanatili ang pagkakaisa, sa papaano mang ~aparaanan, lsi Rizal ay tumiwalag sa kalipunan ng mga tagapagpalaganap-bakit ba di sasabihin ?-dahil sa mga gawang pailalim at pagpapangagawan, at nag-ukol ng panahon sa nag-iisang paggawa na ang layo'y katulad din ng politikang itinataguyod ng lah",. dlang-alang sa kabutihan ng kanyang inang-bayan. Masasabi nating si Rizal, sapul pa sa kanyang kabataa'y nakakilala na ng diwa ng inang-bayan, kaya't di-nawalan ng halaga ang kanyang pagkasagap ng hanging sinagap ng mga Pelaez, Leyva, Gomez, Burgos at Zamora, Pardo de Tavera, Regidor, Ba~a, atbp.; gayunman, ang mga gawaing dahil doo'y naisagawa ay hindi nagkaroon ng pasimula kundi noon lamang na siya'y napasa-Iabas ng kanyang bayan, nang siya'y makasagap na ng hangin ng kalayaan at pagkakapantay-pantay sa mga bansa sa Europa. Ang 路kanyang mga akdang pampolitika ay sumasaklaw ng isang panahong may sampung ta6n mula nang 1882 hanggang 1892, subali't ang yugto ng panahon ng kasagsagan ng kilusan ay nagsapul nang 1888 hanggang 1892, panahong kabilang ang tulong ng masisigasig na makabayan sa dating metr6poli (Madrid). iii


iv

Kaya, sa buong buhay ni Rizal, ang panahong ito ng kanyang mga gawain sa politika ay siyang 1a10ng naging masig1a, panahong sa pagitan ng mga ta6ng 1888 at 1892, si Rizal ay sumulat ng mga akdang hindi lamang kasagutan sa mga tuligsang iniuuko1 sa kanya dahil sa Noli Me Tangere, kundi upang ilahad ang mga kamalian ng pamahalaang sumasakop, at nagtuturo ng mga lunas na tungo sa mabuting pag-uunawaan ng mga namamahala at ng mga pinamamahalaan. Ang kanyang mga akdang pampolitika, sa kalahatan, ay ukol sa pakikibagay at pampabuo, na ang layo'y ang maayos na pakikipag-unawaan. Dahil dito, marami sa panahong iyon, at gayundin sa ngayon ang di nawawalan ng mangisa-ngisang sa paghatol sa Noli Me Tangere at sa iba niyang akdang pampolitika ay nakapagsabing ang nag-udyok sa kanyang p' gsulat ng Noli Me Tange're at iba pang lathalaing politiko ay walang iba kundi ang kanyang mga "sarna ng 100b", ang "kanyarig karangalang nasugatan" , kung hindi man ang paghihiganti. Sa kabutihang palad natin, si Rizal na rin, sa kanyang sulat kay Pastells, buhat sa Dapitan noong ika-11 ng Nobyembre, 1892, ay nag-iwan sa atin ng kanyang pananggo1, sa pagsasabing; "Tungkol sa pinagmu1an ng aking mga akda at mga sinulat, ang Inyong Kagalang-galang ay nagpapagunita sa akin ng i f.~ -~g bagay na hindi man lamang sumagi sa aking isip, nang banggitin ninyo ang ilang sarna ng 100b at karangalang nasugatan. Hindi ko itinatangging ang gayo'y maaaring mangyari tungkol sa aking mga huling sinulat, nguni't tungkol sa mga una . . . . "Taglay ang katapatan at kawa1an ng pagkiling ng isang tao, pagsuri sa kanyang nakaraan, ay inilingap ko ang aking mga mata sa mga sariwang taon ng aking kabataan, at itinanong ko sa sarili kung ang sarna ng 100b ay nakapagpakilos sa panitik na ipinanu1at ko ng Noli Me Tangere, at ang alaala ko'y sumagot sa akin ng "hindi". Kung sa maraming pagkakatao'y pinakitunguhan akong taglay ang maliwanag na kawa1ang matwid; kung ang aking mga akda'y nakaraan sa gitna ng 1ubos na pagpapawalang halaga; kung laban sa lahat ng pagmamatwid ay hindi dininig ang aking mga hinakdal, noo'y napakabata ko pa, lalong madali akong makapagpapatawad noon kaysa ngayon, at gaano man kalalim ng mga naging sugat ay madaling nabahaw; sa wakas, salamat sa mabuting balat na ihinigay sa akin ng


v

kalikasan. Hindi nga nagkaroon ng mga sugat na nagnaknak ni mga tinik na bumaon nang malalim; ang nangyari'y nagkaroon ng isang maliwanag na pangmalas sa tunay na dinaranas ng aking inang-bayan, ang buhay na alaala sa mga nangyayari, at ang sapat na pagturol upang hatulan ang kadahilanan ng mga bagay-bagay, na anupa't hindi lamang nailarawan ko ang mga nangyari, kunru nahulaan ko pa ang darating, sapagka't ngayon pa ma'y nakikita ko nang nangyayari ang tina wag kong nobela na may angking lubos na kaganapang masasabing kaharap ako sa pagtatanghal ng sarili kong akda, at ako'y kasama sa tanghalan." Sa pagtatanggol na ito sa sarili ay idaragdag lamang namin na, upang hatulan ang mga akda ni Rizal ay kinakailangang basahing muli't muli ang mga iyon at pakahuluganan sa paraang taglayin sa isip ang mga pangyayari't kalagayan ng nakaraan, yamang sa kawalang-palad ay di maaaring kabuhayan natin at damdamin ang mga iyon. Sa isang dako'y ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit namin inila athala ang Tomong ito. J

)


I

I}


PANIMULA KASAYSAYANG PARANG NOBELA

*

I

lVIambabasa, matatag ang aking paniniwala sa iyong pi nagaralan, nguni't bayaan mong bago ko ilahad ang mga tunay na pangyayaring laman ng kasaysayang ito na parang nobela, ay ilarawan ko muna sa iyo ang tanghalang gagalawan ng aking mga tauhan-Ang may-akda ng isang opera at gayon din ng isang sarsuwela ay gumagamit ng isang panimula, na mapananalaminan ng kaisipan ng akda, sa isang kaparaanang kung ang isang maselan na pandinig ay di makasagap doon ng anumang karapat-dapat sa kanyang pang-unawa, ay maaari niyang iwan ang kanyang upuan at humanap ng malamig na simoy ng gabi at ng mga kahangahangang pagkakaakma-akma ng katahimikan at ng kapanglawan ng pag-iisa. Ang totoo'y hindi ko rin nais na mawala ka ni isang sandali-pagka't maw walan din aman ako sa pagsusulat ng mga dahong ito.-Kung sa pagbasa ng banghay na ito'y di ka makaaninag ng sukat ikalibang ni aral, ay itiklop mo ang aklat: maaaring nawalan ka ng salapi at ako'y ng isang kaibigan at isang pag-asa. II

Kung hindi ka isinilang sa lupaing ito na siyang tanghalan ng aking dula, ang mga talatang ito'y magsasabi sa iyo ng di naisaad ng mga aklat ni ng mga banyagang manu* Bagaman ang akdang ito'y walang lagda ni petsa, maliban sa tala ng Kawanihan ng Aklatang Bayan, ay di mapag-aalinlanganang isa ito sa makatas, malaman, may sadyang layuning sa pamamagitan n g matalinghaga't mapanudyong pangungusap ay sinulat ng may-akda. Hindi mapagaalinlanganang ang lathalaing ito'y sinulat ni Rizal, at sa di malamang dahilang lingid sa amin, ay hindi natapos 0 binayaang hindi tap os Kung ito'y sinadya ni Rizal 0 kung nawaglit lamang ay hindi namin matiyak. Ang akdang ito'y isang tunay na kathang mapangutya 0 mapanudyo, isang uri ng panitikang ikinatangi ni Rizal at walang sinumang nakahihigit sa kanya nang kapanahunang yaon. vii


viii

nulat, tungkol sa aming mga kaugalian at mga damdamin: sakaling dahil sa iyong mabuti 0 masamang kapalaran, ang mga una mong alaala, ang iyong mga unang pag-ibig, ang mga una mong salitang binigkas nang pautal-utal ay nagkaroon ng mga saksing katulad ng ,m agandang langit ng lupa kong tinubuan, at pinabango ng simoy ng kanyang mga bughaw na lawa at ng halumigmie ng kanyang mga basal na kagubatan, sa gayo'y lingapin mo't malasin kung paano umuunlad ang buhay sa gitna ng mapanglaw na kinahihiligan ng ating pag-iisa. Makailang hagurin ng aming paningin ang isang bagay na hindi namin mapagsiya ang buong sinasangkap! Kailangang tawagan ng iba ang aming kalooban at gisingin ang aming damdamin upang makilala ang kanyang kahalagahan. N apakarangal na kaalamang nakapagpapalimot sa sariling buhay at sa sariling pagkatao.

III Nalalabi pa sa kanya ang mga prusisyon, ang mga misa de grasya, ang mga pagsisiyam, at ang mga sabungang aliw ng kaluluwa at ng katawan: mga libangang humahalina sa damdamin at humuhuthot ng salapi ng mga mag-amag-anak; mga hapunan, mga salu-salo at mga serena tang inihahandog nang halos ubus-kaya at pagmainakisig. Nalalabi pa ang kanyang mga pahayagan, mga dalawa 0 tatlo, mga rebista ng matatamis na dila at kapita-pitagang pulpito, ng mga karumata at mga kalesang gigiray-giray na hila ng mga tam ad na kabayong nangabubuwal, dahil sa pagkahapo, at ang mga salitaang pantindahan hinggil sa kawalang kaya ng mga indiyo at sa katalinuhan ng mga nagsasaysay. Naroon pa ang Dulaan sa Arroceros, Prinsipe Alfonso o Espanyol na dinadaluhan ng mga tanyag na tao; at itinuturing ni Steffani at ng iba pang mga empresaryo, na parang bakang matanda na, na nakapagdudulot ng lahat maliban sa gatas. Naroon pa ang Sirko sa Bilibid at ang Dulaan sa Tundo, na siyang takbuhan ng inuusig na Komedyang Tagalog, na isang gagad 0 gaya sa panitikang pangmaginoo noong danta6ng ika-XVI, at dala marahil ng mga unang guro ng Pilipinas. Ito at marami pang ibang mga bagay ang naiwan ng panahong yaong lumipas.-Ano ang bagong inihahandog? Ang Pilipinas, sapul sa mga huling apat na taon ay pumapasok na sa isang pagbabagung-buhay.


IV Ang Maynila, ang dating Mutya ng Silangan, nang ta6ng 1876, na siyang simula ng ating paglalahad hinggil sa kanyang lumipas na kaugalian at kasaysayan ay isang anino na lamang: isang babaing nakakagunita sa kumusmusan, hindi dahil sa kanyang katamisan ni sa kahinhinan, kundi sa mga kapintasang natamo niya noong mga unang taon ng kanyang gulang. Hindi na siya ang Mutya ng Silangan: ang Singgapur, ang Hongkong, ang Yokohama, na lalong mabubulaklak at mapapalad, ay nangagpakulimlim sa kanyang kahalagahan: Ang Maynila'y lumalakad nang napakabagal kung di man paur6ng, samantalang ang ibang mga baya'y mabilis na sumusulong sa mga industriya at pangangalakal. Gayunma'y nalalabi pa sa kanya, bilang kaaliwan ng lumipas niyang kayamanan, ang di-mabilang na mga kumbento ng mga re~hiyosong babai't lalaki sa loob at labas ng lungsod, naglalakl ang simbahan ng masasaya't mauugong na kampana, na bOQng kaligaya~ang tinitirhan ng kanilang mga babaing nabuH\lhay sa gitna ng pagninilay-nilay, at pinaghahandugan ng buong puso't kataimtiman ng pag samba't pagpupuri sa Relihiyon Katolika; ang Pamantasan ng Sto. Tomas na pinagtuturuan pang katulad ng sa dakong kalahatian ng danta6n ng pagpapalusog ng isip sa mga nagaangkin ng katangian at katalasang pangmag-aaral, na lumikha ng isang suliraning pang-metapfsik6 ukol sa arkeolohiya" at nagdaramdam ng di-kasiyahan sa di matapustapos na pagdalumat sa bagay na nauukol sa mga kakanyahan ng isang tao, nang di kakalagin ang suliranin ng pananalig at ng pagkanilalang. M


I

}


TALATUNTUNAN P a hina

Paunang Salita ........................... . * Pan i m u 1 a-Kasaysayang parang Nobela ... __ .................... . Kulang-palad na Pilipinas ........ Talumpating binigkas sa piging na idinaos sa "Cafe de Madrid" ........................................... Pagdidilidili ng isang Pilipino Talumpati ni Dr. Rizal sa piging na parangal sa mga pintor na pilipino .................................. Talumpating binigkas sa "Cafe .Habanero" .........â&#x20AC;˘...............,...... Paliwanag ni Rizal sa "Mar emagnum" ni P. Jose A. Burgos .................................' ... ,....... Patalastas sa Tagapanga iwa ng Kayamanang bayan ng Laguna tungkol sa asyenda ng mga paring dominiko sa Kalamba ......................................... . Ang Markes ng Malinta, sa biyaya ng Diyos at ng kanyang maybahay; ang Markesa ng mga Loterya at Sultan ng Pilipinas atbp .......................... Ma-Yi ............................................ Pagpuri kay Blumentritt ....... . Tungkol sa Talawisi ni Ybn Batuta ......................._............... . Handog ......................................... . Sa mga kababayang dalaga sa Malolos ...................................... Ang mga Magsasakang Pilipino Sa "La Defensa" ........................ Kung Paano Nililinlang ang Inang-bayan ............................. . Ang Katotohanan para sa lahat-

iii 1872 1883

vii 1

Disyembre 31, 1883 ...........â&#x20AC;˘ 1884 ........................................

5 9

Hunyo 25, 1884 ....................

17

Disyembre 31, 1885 ........... .

24

Hunyo 26, 1887 ........... .........

34

I

Enero, 1888 ............................

35

Nob. 30, 1888 ........................ Dis. 6, 1888 ........................ .. 1889 ...................................... ..

44 46 51

Enero 7, 1889 ......... ............... Walang petsa ....................... .

55 63

Pebrero 22, 1889 ............... . Marso 15, 1889 .................... Abril 30, . 1889 ................... .

64 74 80

Mayo 15, 1889 Mayo 31, 1889

90

84 xi


xii

Liham ni Rizal kay Vicente Ban-antes ukol sa Dulang Tagalog ............................. _.......... . Isang Kalapastanganan ............. . Mga Bagong Katotohanan ..... . Malabis na Kalupitan ............... . Mga Pagkakaiba .......................... Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon ............................. . Sa aking mahal na Inang-Bayan, Espanya! .......................... Sa "La Pah-ia" ............................ Mga Maling Hiuuha ................. . Pagtangis at P agtawa ............... . Mga Kawalang-Turing ............. . Liham ni Rizal kay Vicente Barrantes t ungkol s路a "Noli" Walang Ngalan ............................ Ang Pilipinas sa Kongreso .... Manangan tayo sa Katarungan Mga bagay-bagay sa Pilipinas Ukol pa rin sa usa pin sa N egros Isang Pag-asa .............................. Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino ...................................... Mga Paghihiganting Duwag... . Tugon kay G. Isabelo de los Reyes ................................._...... . Ang mga Paglalaban sa mga Araw natin ni Pi y Margall Kung paano pinamamahalaan ang Pilipinas ........................... . Tungkol sa mga nangyari sa Kalamba ................................... . Ang mga Karampatan ng Tao Ang mga nagsipagpuno sa bayan ng Kalamba ...................... Ang Liga Pilipina ........................ Katarungan sa Pilipinas ........... . Panukala ng paninirahan sa Hilagang Borneo ng mga Pili. pino

P a h in a

Hunyo 15, 1889 ................... . Hulyo 13, 1889 ..................... . Hulyo 31, 1889 .................... Agosto 15, 1889 .................... Setyembre 15, 1889 ........... .

102 121 127 134 139

Oktubre 31, 1889 ............... .

145

Okt. 10, 1889 """""""""'''''' Nobyembre 15, 1889 ........ Nobyembre 30, 1889 ....... . 1890 ....................................... . Enero 15, 1890 ....................

184 185 188 193 197

Enero 15, 1890 ................... . Pebrero 28, 1890 ............... . Marso 31, 1890 ................... . Abril 15, 1890 .................... Abril 30, 1890 ................... . Mayo 15, 1890 ................... . Hulyo 15, 1890 ....................

204 220 224 231 238 247 256

Hulyo 15-Set. 15, 1890 ., .. Agosto 31, 1890 ................... .

261 304

Oktubl'e 31, 1890 ............... .

306

Nobyembre 5, 1890

313

Disyembre 15, 1890

328

1890-1891 1891-1892

339 343

1891-1892 .............................. 1892 ....................................... . Pebrero 1. 1892 ................. .. .

344 351 359

Abril 1892

364


xiii Pahina

Kaawa-awang mga Prayle! ........ Huling-pati ni Rizal tungkol sa Politika ................................ Palatuntunan ng samahan ng mga magsasakang taga-Dapitan .............................................. Pagtatanggol sa sarili ni Dr. Rizal na sinulat sa Fuerza de Santiago __ . _____ _._ .. _.. _............... _... Pamahayag sa ilang Pilipino.... Mga dagdag sa pagtatanggol sa sarili ni Dr. Rizal ................ _... Ang politika sa pananakop sa Pilipinas ___ ._._ .... _.......................... Kasaysayan ng mag-aanak na Rizal ng Kalamba- ................ Ang Maynila nang quwan ng Disyembre, 1872 ................. _... Ang mga bayan ng Kapuluang Indiko ........................... _..... _.... Melanesya, Malasya at Pollnesya

Hunyo 13, 1892 __ _______ __ __ .. ___ ~

368

Hunyo 20, 1892 _...................

370

Enero 1, 1895 ._ .... _.. ____ .__ ........

374

Disyembre 12, 1896 .... _....... Disyembre 15, 1896 ..._. ___ .. _.

378 389

Disyembre 26, 1896 ............

391

Walang petsa .._.....................

396

Walang petsa ._ ..__ .. _._._ ........_..

399

Walang petsa ..................... _..

400

Walang petsa ........................

406

Walang petsa ............ __ _.. __ .....

414

MGA DAHONG DAGDAG

1. Sa Bansang Espanya ...... _..... Disyembre 15, 1890 ............ 2. Ilang balita tungkol sa Bohol at Guam ...._....... _....... _........... Walang petsa ..... ~ .. _._. ___ .... __ ._. 3. Ang pagsusulpeo ng "La Defensa" .__._ .... _.. _._ ..... ___ ............. Walang petsa .... _.. __ ..... _..._...

425 432 436


)


1. KULANG-PALAD NA PILIPINAS *

Pagkatapos ng lindol noong 1880 na walang itinirang isa mang gusaling nakatayo sa Maynila at sa mga lalawigan; pagkatapos ng isang kalagim-lagim na sunog na nagpapaging abo sa daang lalong tanyag, lalong maganda, lalong mayaman at lalong masigla sa siyudad; pagkatapos ng k61era; niyang mapamuksang salot na nagpapaging ulila at balo sa napakaraming tao, nagba6n sa kadalamhatian sa napakaraming kaluluwa at nagbulid sa pag-iisa't pagtangis sa mga magaanak na noong una'y maliligaya; pagkatapos ng lahat nang iya'y tila nararapat nang masiyahan ang Langit sa pagkakahandusay at pagluluksa ng kulang-palad na bayang iyong sakop, na boong lupit na pin,arusahan. Ano pa ang mahihingi sa isang kinariringgan pa ng mga himut6k at pananambitan ng kakaunting nangalabing buhciy, doon sa pati ng mga kampana ay hindi pa nagtitigil ng mapanglaw na agunyas, doon sa ang inang lupa'y sawa na sa mga bangkay niyaong, nang una'y naging mga mapapalad na ama 0 magiliwing anak, at ng~yo'y umaalalay na lamang sa mahihinang nagpapalakas 0 mga namimighating multong nagpapagala-gala sa gitna ng pag-iisa at malabis na karalitaan ? Ang kulang-palad na pilipinong nakakita sa loob ng ilang oras ng sunod-sunod na pagkawala ng mga lalong mahal sa kanyang buhay, nakaJ.'inig ng mga pagtangis at naka"Ang orihinal ng lathalaing ito, na iningatan sa Aklatang Pambansa ay sadyang sulat-kamay ni Rizal. Ito'y hindi pa nalalathala kundi ngayon lamang, sa hangad na maipakilala't maipanamnam sa madla ang lahat ng sinulat ng ating bayani. Hindi mapag-aalinlanganang ang hangad ni Rizal ay ang dumulog sa kagandahang-Ioob ng mga kastila upang makapagtamo ng abuloy para sa mga sinawi't sinalanta ng mga kasakunaang nangyari sa Pilipinas sa loob ng mga taong 1880 at 1882. Ipinalalagay ni Mariano Ponce na ang lathalaing ito'y sinulat sa Madrid, nguni't sa palagay naman ni Retan&. ay sinulat noong taong 1883, at gayundin naman sa talaaklatan ni Elio. Ang sulat-kamay na ito'y binubuo ng anitn na pahina, nguni't minarapat naming alisin ang huling dalawang pahina, na ipinalalagay naming hindi kau~y ng lathalain. 006100

1


malas ng mga nakapanghihilakbot na salot, nang matauhan ay umaasang makakatira sa dating tahanap. ng kanyang mga magulang na yumao, upang maibunto ang buong paggiliw at pagmamahal sa naging pugad na nagkandong sa kanyang mga kaanak sa loob ng mahabang panahon. Ang maputlang pag-asang nalabi sa kanya upang mabuhay ay naparam at pumailanlang sa sandaling panahon. Isang kagulat-gulat na buhawing 1 kailanrna'y hin di pa nakikita sapul n ang ta6ng 31 ay siyang tumangay ng kanyang tahanan, ng kaawaawang bubong na kanyang masisilungan. Nawalan siya ng mga kaanak, walang tahanan, walang nagmamahal! May hihigft pa ba ritong kapahamakan at kar alitaan? Halos hindi mapaniniwalaang sa loob ng maikling panahon ay mangyari ang napakaraming sakunang sabay-sabay na dumating. Ay, nag-iisa! Hindi namin mailarawan nang hubad na hubad ang k akilakilabot na anyong ipinamamalas ng kapuluang iyon. Yaong tinatawag nang nakar aang panahon na Mutya ng Silallgan, yaong sumasalubong sa mga manlalakbay sa pamamagitan ng pagpalakpak ng mga kamay at sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pag-ihig at pagmamabal na gaya llg iniuukol sa isang taong ginigiliw, yaong natatanaw sa malayo na par ang nakangiti't maningning na tulad ng isang pangarap, na nababalot ng balabal na mga bulaklak, yaong bayan ng mga tal6n at bukal ng tubig, ngayo'y isa nang llbingan, isang bunton ng mga guho, isang tunay na karalitaan, isang mapanglaw na pagkagiba. Buhat sa maligayang pook na ito'y hindi natin makuro ang pagkakaroon ng gayong kasakunaang halos masasabing makabibliya lamang; sapagka't ang isip nati'y napakaliit sa harap ng kalakhan ng gayong mga kasakunaang ulit-ulit na nangyayari at sa kanya'y nagpapahirap. Ang mga pahayagang dumarating sa atin ay naghahatid ng mga kalagimlagim na balita, lumuluray sa ating puso at tumatagos hanggang sa mga katulad nating sanay na sa gayong tanawin. Gayunma'y hindi mailalarawan ng tunay na pangyayari. U pang magkaroon tayo ng pahapyaw na pagkaunawa sa mga sinira ng buhawi, ay halawin natin sa isang pahayagan ang mga sumusunod na balita: Labat ng simbahan ay nawalan ng bubong. 1

Ang buhawi'y dumaan sa Maynila nang ika-5 ng Nobyembre, 1882.


3

Sa lahat ng dulaan ay iisa lamang ang naiwanan ng tanghalan at ang iba'y walang anumang tandang natira sa kanilang gusali. Isang buong nayon ang walang nalabing bahay na nakatayo (Buhat sa Dibisoriya hanggang sa Dulumbayan).2 Lahat ng punung-kahoy sa Paseo ni Magallanes ay nangabunot sa kaugat-ugatan; ang mga ilog ay umapaw at bumaha, at ang tubig ay pumuno at umapaw hanggang sa matataas na lansangan ng pangulong-bayan at ang lalim ng tubig sa Escolta ay umabot sa itaas ng bukung-bukong. Bukod sa lahat ng bahay na bato at siim na nawalan ng bubong ay binabanggit pa rin ang isang pangyayari na ang bubungan ng isang bahay ay buong inilipad sa itaas. Ang minutero ng orasan sa kampanaryo ng San Agustin ay lumakad nang paurong sa buong kabilugan dahil sa lakas ng buhawi. Ang malalapad at makakapal na haligi ng tulayna nakabitin (Colgante) 3 ay napilipit. Ang mga palasyo ng Ma1akan~ang, "Segundo Cabo" 4 , ang sa Arsobispo at iba \pang mga gfsali ng pamahalaan, kung hindi man nangabuwkl ay hindi naman matitil¡han at nangalansag. Ang mga plantsa ng siim na nangatanggal sa mga bubungan ay inilipad na parang papel na manipis, at pumatay sa maraming naglalakad. Labingdalawang lantsang may lulang bigas ang nagsilubog. Isinadsad sa baybayin ang mga sumusunod na bapor: dalawang sasakyang Ingles at isang pragata; dalawang sasakyang aleman; isang pragata, isang bapor at isang bangkang ame2 Ang Divisoria ay siya ngayong pamilihang-bayang pinakamalaki sa Maynila. Sumasaklaw ng apat na daan: Marcelino de Santos, Soo. Cristo, Sta Elena at ang Dulumbayan ay pangalan noong araw ng isang makipot na daan na nagmumula sa daang Carriedo hanggang Azcarraga (ngayo'y Claro M. Recto Avenue); Ang Dulumbayan noong araw, kasama ng daang Salcedo, na makipot din, ay siya ngayong Abenida Rizal. Tinatawag ding Dulumbayan noong araw (dulo ng bayan) ang pook na nagmumula sa daang Azcarraga (ngayo'y Abenida Claro M. Recto) hanggang sa Ospital ng San Lazaro. â&#x20AC;˘ Ang Tulay na nakabitin (Puente Colgante) ay siyang tinatawag ngayong Quezon B1'idge, sa ayos na makabago at di gaya noong una. â&#x20AC;˘ Ang pangalang ito'y siyang itinatawag nang panahon ng kastila sa maiaas na pinunong pumapangalawa sa Kapitan Heneral, at siyang nanunungkulan ng tungkulin nitong huH kung ito'y wala.


4

rij{ano; isang berganting nurwego; lsang sasakyang swiso at sa mga kastila ay ang mga sasakyang Teresa at Maria. Sa ilog 6 ay maraming nangyaring pagkakabanggaan, at dahil dito'y marami ang nasira. !sang naninirahan sa Ermita ang pabulalas na nagsabi: ang 'baupres" ng pragatang amerikano ay nagbuwal ng aking bahay sa lupa. Sa harap ng mga kalagim-Iagim na kapahamakang itong dinanas ng ating mga kababayan sa kabila ng mga dagat;6 sa harap ng mga kasakunaang itong nagdaan sa aming magandang kapuluan na para bagang ang mabangis na kapalara'y nalulugod na maghimagsik magpasa-walang hanggan laban sa mga pu16ng ya6n, bagaman sa harap ng malulungkot na pagdidilidili sa mga pagkakalugsong itong kawing-kawing na ginawa ng sunog, lindol, k61era at buhawi sa ihabaw ng matulaing lupaing ya6n; nilisan namin ang pinagkagawiang pagwawalang-bahala at kami'y napagigitna ngayon sa larangan ng pamamahayag upang tawagan ang bayan sa pag-ihig sa kapuwa at nang ang boong Espanya, sa pamamagitan ng kagandahang loob na hindi pa napabubulaanan, ay magmadali sa paglunas sa kakapusang-palad ng kanyang mga anak, ang Kuba at ang Pilipinas. Hinihintay nga namin sa marangal na puso ng bayang kastila na hindi siya magbibingi-bingihan sa tawag ng pagk akawanggawa, na sa pamamagitan ng kusang pag-aabuloy ng bansa at ng mga libangang sadyang ihahanda para sa bagay na iyan, ay dumulog sa pintuan ng bawa't tahanan upang humingi ng tulong, humingi ng limos para sa mga kulang-palad na bayan nina Colon at Magallanes. Tinutukoy ang llog Pasig. â&#x20AC;˘ Dapat alaming ang lathalaing ito'y sinulat sa labas ng Pilipinas.

G

*

*

*


"TALUMPATING BINIGKAS SA PIGfNG NA IDINAOS SA CAFE DE MADRID" * Sasamantalahin ko ang inyong paanyaya upimg makapagtalumpati; ang inyong pagkakalinga, na bihira at mahirap ay hindi inaaksaya, at wala namang gaanong halaga ang sasabihin ko sa inyo. Ang kagandahang lo6b ay siyang tatangkilik sa mabuting kalooban. Ang ta6ng 1883 ay karapat-dapat sa ating 'magiliw na pagpapaalam, sa isang ngiti ng pasasalamat; siya'y isang kaibigang nagpapaalam magpasa-walang hanggan; isang tahimik at payapang araw na tumatakas sa pagtatakip-siHm; isang maganda't mayamang dahon ng magkakaibang aklat ng ating kabuhayan. Yumaong kasama niya ang marami nating mithiin, matatamis na damdami't mga pangarap ng kaluluwa. At sa katunaya'y ib'nigay sa atin ng '83 ang kaibigan nating lahat, si Ventura, 1 na hindi lamang naging kasama natin kundi i~ang tunay na kababayan: ang kanyang ngalan ay nasa-puso at siya'y hindi ko na papupurihan.

"Ito'y isang talumpati brindis na binigkas nang ika-31 ng Disyemm'e sa pamamaalam sa taong 1883 at pagsalubong sa 1884. Gaya nang nalalaman na ng marami, isa sa mga unang sinikap ni Rizal sa ibang lupa ay ang mabigkis at mapagsama-sama ang mga pilipino, at isa sa mga kaparaanang ginamit ay ang pagdiriwang tuwing ika-31 ng Disyembre, bilang pamamaaalam sa ta6ng lilipas, sa pamamagitan ng isang hapunang pangmagkakapatid, Ayon sa pagkaalam namin, ang taong 1883 ay siyang kauna-unahang ipinagdaos ng gayong pagdiriwang sa Madrid. Sa talaarawan ni Rizal nang unang araw ng Enero ng 1884 ay sinasabi ang ganito: "Kagabi ay nagkatipon kami sa restauran de Madrid, ang tatlong Paterno, dalawang Esquivel, sina Figueroa, Villanueva, Jugo, Graciano Lopez Jaena, J. Llorente, Evaristo Aguirre, Laserna, Lete, Ventura, Iriarte, Vidal at ako. Ang lahat ay nagsibigkas ng brindis maliban kay Villanueva, na unang umalis." Ang lalong napatanging mga brindis ay ang kina Laseina, A. Paterno, Graciano Lopez, P. Paterno at Valentin. Napauknl sa akin ang karangalang pagpaalaman ang '83 at salubungin ang '84; hindi ako bumigkas ng brindis, nguni't pagkatapas ay gumawa ako ng isang paglalagom ng mga maniningning na talumpati. Si Laserna ay bumasa ng isang magandang soneto. Naghapunan kami nang ika-12: 15 at nampos kami nang ika-3: 00 ng madaling araw." 1 Si Valentin Ventura ay siyang nagpaluwal ng gugol sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo ni Rizal nang 1891. 5


6

Dinahi sa atin ng 83 ang dalawang Esquivel, kasiglahan at kaligayahan, kataliningang (genio) mapagtaya ang isa, pantas-wika ang ikalawa para sa iba; bukod dito, para sa ati'y mga kaibigan natin sila; si Ginoong Felipe Zamora, kaluwalhatian ng ating mga agham sa panggagamot, na nag-iwan, hindi lamang ng mga kalugod-lugod na alaala sa Madrid, kundi ng isang kakulangang hindi napalitan ninuman; si Ginoong Enrique Rogers, ganap na uliran dahil sa kanyang pag-uugali, talino't damdamin; si Ginoong Evaristo Aguirre, mananalumpating makatang may makinis at mayamang panitik na nagdala sa atin ng mga simoy na galing sa Andalucia sa kabilang ibayo ng mga dagat; si Ginoong Jimenez na ang rnadaling paninirahan ay nagkubli ng mararni sa kanyang mga katangian; si Ginoong Tuason, na ang ala-ala'y lagi nang kalakip ng isang gawaing puspos ng kagandahang lo6b at maaaring kalugdan nang hindi siya kamumuhian; at sa wakas ay ibinalik ng '83 sa Madrid, sa panitikan at sa kanyang mga kasama ang walang pagod na si Ginoong Pedl'o Paterno, sagisag ng pagpupunyagi't kasipagan; isang anak ng inang-bayan at itinatangi ng mga paraluman. Ang mga pag-aaral ay nagluwal ng mabubuting bunga ; ang h inaharap ay naghahanda ng kaningningan at kadakilaan. Ang pag-ibig at ang kasayahan, iyang mga dinidiyos ng kabataan, ay nagsidalaw sa atin at nagpaunlak sa ating mga sayawan, mga paglalakbay sa parang upang magliwaliw, mga pamamasyal, at mga pangingibang-bayan, sa anyong k atulad ng maririlag na dalagang nagsisiyaong kasarna ng mga bulaklak ng tagsibol; mararning puso ang nawalan ng kalayaan, nguni't pinagpapala naman ang kanilang tanikala. Mga tanda ng nagkakaisa't bukal sa loob na pakikisama, mga pagtitipong ang tinig ng pagtatalo'y hindi nakapawi ng tinig ng pag-iibiga't ng kamahalang asal, katinuan at kasipagan sa lahat ng dako; ang mga magdarayang pagliliwaliw ay inilibing sa paglimot-naito ang 1883. Tunay ngang tayo'y nawalan ng "Circulo Hispano-Filipino" pagkatapos ng mahabang pag-aagaw-buhay, nguni't it6'y dinaramdam natin at tinatangisang parang isang da6ng na nilisan upang ipaubaya sa mga alon, parang isang libingang ipinipinid upang makapaglibot sa pangungulila. Masagana ang '83 sa mga kasiyasiycing gunita: ang '84 ay pangangahasan kong sabihing magiging maningning at maluwalhati; ang '83 ay jsang araw ng bagongsibol na


7

kabataan, masaya, malugod at palangiti; ang '84 ay magiging isang araw ng kalakasan; mga gawa't kadakilaan. Binunot na ni Luna 2 ang lihim ng kawalang-kamatayan para sa kanyang maningning na paleta, at sa lo6b ng madaling panaho'y ihahayag niya ito sa daigdig ng sining. Si Resurreecion 3 ay sumugba sa lungsod ng liwanag, datapuwa't lalong mapalad kaysa paruparo ay lalabas siya roong nagniningning at walang-kamatayan. Di malalao't si Laserna, sa pananalumpati'y magiging isang banal na pagtutol sa kawalang-matuwid ng tao. Ang pananabik sa mga pagtitipo'y nagpapagala-gala sa Museo ni Ginoong Pedro Paterno upang pasiglahin ang mga darating na pagtitipong panggabi. Ang makapangyarihang pang-ukit ni Figueroa ay magsasauli ng palagay ng bayan na sa kanya'y inalis ng palagay na iyan; nararamdaman ni Graciano Lopez 4. ang kasiglahang minsa'y nagpasigla sa "foro" at sa "tribuna", at di magtatagal ay isisiwalat niya ito n..a parang daluyong ng mga pangangatwiran at ng kasiglahan. Sa wakas, ang kabataa'y tumutupad ng kanyang tlill1gkulin, at ang pinsel, ang pang-ukit, ang pant4at, ang panistis, ang kumpas, at ang salamin sa mata'y pakikilusin at pagmamadaliin at bawa't isa'y yayari ng isang dahon ng laurel upang magkaroon ng isang walang pagkalantang korona. Kung ang gunita ng ating inang-bayan, hanggang sa hindi pa natatagalang panahon, ay naging isang pagsisi at pagsumbat sa atin, sa mga darating na araw ay itataas natin, sa ngalan niya, ang ating noo, sapagka't tayo'y karapat-dapat na maging anak niya at sapagka't sa katunaya'y karapatdapat tayo sa gayon. Kung sa pagbalik ko sa aking tahanan, sa aking bansang binabansagang timawa, sa aking bansang hindi ipinagbibili ni binibili ang pagpapatuloy sa kapuwa nguni't, 00, iniaalok at tinutupad na parang isang tungkulin; kung ang bansang itong sa gitna ng kanyang karalitaa'y tumutulong sa mga anak niyang nasa malayong lupain, sa kanyang mga amik Z Si Juna Luna ay nagharap ng kanyang kuwadro ng pintura, na pinamagatang "Espoliarium" sa tanghalan sa Madrid, makaraan ang limang buwan, at siya'y nagtamo ng medalyang ginto na pang-unang uri. S Si Felix Resurreccion Hidalgo ay isa ring pint or na pilipino na nagtamo ng mga gantimpala dahll sa kanyang itinanghal na mga kuwadro n~ pmtura. 'Si Graciano Lopez Jeana ay siyang naging unang patnugot ng "La Solidaridad" sa Barselona nang taong 1989.


8

na pinagkakaitan ng isang pamahalaang bihasa ng hamak na upa sa. mga gawain nila; kung'ang bansang ito, inuulit ko ~ , na walang pinag-arala't walang tuto, sa dahilang kakaunti ang mga salarin at bihibihira ang kaguluhan, sa dahilang naggagalangan ang mga magkakapatid, sa dahilang ang mga imi'y hindi nagbibili ng mga anak na babae sa hayag na pamilihan ng laman, sa dahilang hinahagkan araw-araw ng mga anak ang kamay ng kanilang mga magulang, sa dahilang pinakukundanganan ang dayuhan at ang salanta, kung ang bayang ito, kung ang Pilipinas ay magtatanong sa akin kung ano ang ginawa ko sa aking pangingibang-hayan, ang itutugon ko sa kanya'y ang itinutugon ko ngayon sa ikinukubli ninyong kaisipan, na dinaramdam at ikinahahapis ko; sasabihin ko sa kanya: na sa aIring puso'y ininis ko ang lahat ng pag-ihig lib an na sa pag-ihig sa aking inang bayan; sa aking pag-iisip ay kinatkat ko ang lahat ng kaisipang hindi nangangahulugan ng kanyang pagkakasulong, at ang mga labi ko'y nakalimot na sa pangalan ng mga lahi upang huwag makabigkas kundi ng Pilipinas. Ipagpapaumanhin ko ang pagtagay; ang buhay natin ay isang walang katapusang pagtagay, isang walang kasiyahang paglulunggati; nguni't sa halip ng mga tugma ang pinipili, kaipala ay mga sigaw at mga tungayaw, at sa halip , ng alak, ang pumupuno ng mga kopa'y luha 0 dugo! Sa piging ng kalayaan, ang mga pagkain ay idinudulot ng Kamatayan at ng pakikibaka; ang mga nagsisidalo'y kumakain ng mga pasakit; ang hinaharap at ang angkang&Susunod ay siyang lumulusog upang maging sumpa sa atin 0 maging maluwalhati nating wakas. 5 GAng talumpating ito ay siyang kauna-unahang binigkas ng hayagan ni Rizal, at ayon sa malas, siya'y nagsisimula na ng tungkuIing tungo sa pagpapaunlad ng damdaming makabayan. :)I

:/<


PAGDIDILIDILI NG ISANG PILIPINO * Kapag napapanood ko ang kasalukuyang labanan ng mga korporasiy6n ng mga prayle at ng mga tanyag na mamamayan ng aking bansa; kapag nababasa ko ang maraming kathang inilathala ng magkabilang panig sa pagtatanggol ng kani-kanilang mga kaisipa't mga simulain, manakanaka'y sumasagi sa aking isip na itanong sa aking sarili kung ak6, bilang anak ng aking bansa, ay hindi nararapat lumahok at magpahayag na kakampi ng isa sa dalawang panig, sa dahilang hindi ak6 nararapat magwalang-bahala sa anumang bagay na nauukol sa aking inang-bayan, 0 kung, sa udyok ng higit na kahinahunan at sa higit na pagkakjJala, ang nararapat kong gawin ay manatiling walang kinikilingan, manood at sumubaybay sa labanan upang mamalas kung alrng pangkat ang nananalo at nang sa gayo'y makapagpahayag agad na ak6'y kakampi nita, upang sa ganitong p raa'y mapit'as na madali ang bunga ng tagumpay. Ang buhay ko'y naging isang walang-patid na pag-aalinlangan at isang walang tantang pag-uurong-sulong. Alin kayang panig ang kakampihan ko? Siyasatin natin nang buong ingat ang "suliranin, at makikita natin pagkatapos. Anu-anong mga kalamangan ang idinudulot ng pagpapahayag na kalaban ng mga prayle? Sa katotohana'y walai Gaano man ang gawin kong pagsusuri sa bagay na ito'y lalo't lalo kong nasusumpungan na ang pagiging kalaban ng mga prayle'y isang kahangalan -a t kakulangan ng bait. Iyang pakikipagbaka upang ang bansa'y umunlad . . . ang bansa'y uunlad kung maaari, '" Ayon kay Ginoong Mariano Ponce, ang lathalaing ito ni Rizal, na sinulat sa Madrid noong 1884 marahil, ay nanatiling hindi nalathala. At ito'y sapagka't dahil sa mabangis na pagtatapat, bagaman ginamitan ng mga panunuya, ay nagiging mahirap na makakita sa Madrid at Ialo na sa Maynila ng isang pahayagang papayag na maglathala nito. Hindi sasalang kung ilalathala ang artikulong ito ay karaka-rakang sasabog ang buong galit ng makapangyarihang daigdig ng mga prayle. 9


10

at kung hindi naman ay hindi. Isa pa, ana ang kabuluhan sa akin kung ang susunod na salin ng lahi'y magtamasa ng lalong marami 0 lalong kakaunting kalayaan kaysa akin, magkaroon ng lalong mabuti 0 lalong masamang pinag-aralan, magkaroon ng katarungan para sa lahat 0 hindi magkaroon . .. Ang mahalaga para sa akin ay ito: na ak6, ang aking unang bilang, ay huwag mahirapan; ang sulirani'y ang kasalukuyan. Lalo pang mahalaga ang isang ibong nasa kamay kaysa sandaang lumilipad, anang salawikain. Ang mabuting pagkakawanggawa ay nagsisimula sa sarili, ang saad ng ikalawa. Sa bagay na ito'y may dalawang salawikaing kumakatig sa akin at walang nalalaban kahit na kalahating salawikain man lamang. Ang tutoo'y kung ang isang tao'y lalaban sa mga korporasy6n ng mga prayle, siya'y sasapanganib na humantong sa piitan, mabilanggo 0 matapon sa isang pule Abaj, hindi gaanong masama ito, palibhasa'y ibig kong makapaglakbay, makilala ang mga pule, bagay na hindi maaaring gawin nang bubuti pa sa paroong bHang isang tapon. Hindi na mangangailangan ng mga pasaporte at makaparoroon nang walang kapanga-panganib. Pumas ok sa bilangguan! Ba! Lahat ng tao'y tumutungo sa bilangguan; sa ganito'y magkakabahay nang walang bayad, sapagka't kung ak6, ay hindi ak6 magbabayad. Ang pagkakatapon at ang bilangguan, samakat wid, ay hindi dapat alagatain, datapuwa't kung ak6'y . .. kung wakasan ang aking bilang isa, kung kasangkapanin nila ang isang pagbabangon at ak6'y siyang paratangang maykagagawan niyon, magtatag ng isang hukumang pandigma laban sa akin at ak6'y ipadala sa kabilang buhay? 1 . . . Hm! Ito'y isang mabigat na sagwil sa pagiging kalaban ng mga prayle. Ano ang kabuluhan sa akin kung ang mga prayle'y ayaw ng pagkakatuto ng bayan? IVlayroon silang pinanghahawakang matwid. Ak6'y sumasang-ayon sa kanila. Sapul sa pagkabata'y naging mahirap na sa akin ang pagpasok sa paaralan at lalo pang mahirap makalabas sa dahilang ak6:y paminsang-minsang kinukulong ng guro. Ipailalim ang bagay na ito sa botohan at makikitang ang lahat ng bata'y boboto sa mga prayle; at hihingin nilang alisin ang lahat ng uri ng pagtuturo. Na l Lumalabas na parang hula ang mga pangungusap na ito. Sa katotohanan, si Rizal ay pinagbintangang siyang nagtatag ng Katipunan, na siyang nagsimula ng himagsikan. at dahil dito'y pinarusahang patayin si Rizal.


11

ang mga prayle'y tumututol sa pagtuturo ng wikang kastila . . . at ana ang kabuluhan niyan? Sa anong bagay kakailanganin natin ang pagkatuto ng wikang kastila, gayong mayroon naman tayong mayamang wikang tagalog, ng bisaya, ng ilokano, at iba pa? Para sa anong bagay kakailanganin natin ang wikang kastila? Upang matutuhan ba ang maririkit na kuwento at kuru-kurong nauukol sa kalayaan, kaunlaran, at katarungan, at manatili tayo pagkatapos sa pagkadayukdok lamang? Upang maunawaan ba ang mga batas, mabatid ang ating mga karapatan, at matagpuan pagkatapos na ang pinaiiral ay ibang mga batas at mga bagay na totoong naiiba? Ano ang mahihita natin sa pagkaalam ng wikang kastila? Maaari tayong makipag-unawaan sa Diyos sa pamamagitan ng alinmang wika . . . kung naging wikang latin sana, ay manapa: sinasabi ng kura na lalong madaling dinggin ng Diyos ang mga dasal sa latin, ang mga kura ay nabubuhay sa kasaganaan, at tayong mga taga~og ay nasa salat na kalagayan. Nguni't ang wikang kastila? Upang maunawaan ba ang mga paghamak ng mga gUVl{ardiya sibil? Para sa bagay na iya'y hindi na kinakailan~ang matuto ng wikang kastila: sapat nang malaman, maunawaan ang wika ng mga pangungulata, at magkaroon ng isang katawang nakararamdam kahit bahagya. At ana ang mahihita natin, sa ipinagbabawal ang pagsagot, at yamang maaaring isakdal ang isang tao dahil sa paglabag sa maykapangyarihan at sa dahilang ang mga guwardiya sibil din ang hahatol, ay hindi sasala ang bilangguan . .. Ang katotohana'y ak6 rin ang nagnanasang makapaglakbay at makadalaw sa mga pulo, kahit na nakatali nang abut-siko. Tungkol nga sa hindi pagtuturo ng wikang kastila ay kasang-ayon ako ng mga prayle. Tungkol sa sinasabi nilang ang mga prayle ay nabubuhay ng gayon at ganito, na sila'y maraming babae, mga kaagulo, na hindi nila pinakukundanganan kahit na mga babaing may-asawa, mga babaing balo, ni mga dalaga, at iba pa, ako'y kung maaaring magkaroon ng dalawa, tatlo 0 apat na babae ay bakit hindi magkakaroon? Ang mga babai'y siyang may sala. Isa pa'y may mabuting katangian ang kura, hindi niya pinababayaang mamatay sa gutom ang kanyang mga babae, gaya ng ginagawa ng maraming lalaki, bagkus tinutustusan sila, pinararamtan ng maayos, tinatangkilik ang mga kamag-anak nila at nag-iiwan ng saganang pamana


12

sa kanilang mga anak na babae 0 mga pamangking babae. At kung may kasalanan man sa pagiging babae ng kura, ay madaling nakakalagan nito ng kasalanan at hindi pa parurusahan ng mabibigat. Sa tapatang sabi, kung ako'y naging isang babae at kailangan kong magpakasama ay makikipagagulo na muna ako sa isang kura sa dahilang sa gayo'y magiging kaagulo ako ng isang mala-Hesukristo, 0 ng isang kahalili ng Diyos sa lupa. Sa bagay na ito'y inaakala kong ang pagkainggit ay siyang dahilan kung bakit ang mga prayle'y inaalimura ng kanilang mga kaaway. Sinasabing kinakamkam ng mga prayle ang lahat ng mga asyenda, ang lahat ng salapi ng bayan . .. Iya'y ginagawa rin ng mga insik; sa daigdig, ang sinumang maaaring magpayaman ay nagpapayaman, at sa palagay ko, ang isang prayle, kung dahil lamang sa kanyang pagkaprayle, ay hindi nahuhubdan ng kanyang pagkatao. Bakit hindi pag-usigirr, kung gayon, ang mga insik at ang mga mangangalakal? At saka, sino ang nakaaalam? Maraml ay kinukuha nil a ang ating salapi upang tayo'y papaghirapin at nang sa ganito'y ~adali tayong maakyat sa langit. Ang pagsusumakit nilang ito'y dapat pa nga nating pasalamatan. Siya'y pinararatangan ding nagbibili nang mahal ng m ga kalmen, mga sintas, mga kandila, mga kuwintas at iba pa. Ito'y isang pagpaparatang upang magparatang lamang. Bumili ang ibig bumili at ang ayaw ay huwag. Bawa't mangangalakal ay nagtatakda ng halagang ibig niya sa kanyang mga paninda. Nagtitinda ang insik ng tinapa, sa halagang dalawa sangkuwalta, kung minsan, at kung minsan nama'y tatlo sa dalawang kuwalta. Bakit ang pinapayagan natin sa isang insik na nangangalakal ng tinapa ay hindi natin mapayagan sa isang kurang mangangalakal ng mga kalmen? Ang kura ba'y kulang ng pagkatao sa insik? Kaya't sinasabi kong iya'y bunga lamang ng kasamaangloob. Ipagsigawa't ipamarali n.ilang ang prayle, dahil sa kanyang salapi't kapangyarihan ay siyang nag-uutos sa pamahalaan, ana ang kabuluhan niyan sa akin? Ano ang kabuluhan sa akin sakali mang si gayon 0 si ganito ang nag-uutos kung pagkakalupit-Iupit ay kailangan din akong sumunod? Sapagka't kung hindi ang kura ang nag-utos, ay mag-uutos naman ang smumang kabo ng mga karabinero at ang lahat ay iyon din. Sa maikling salita, wala akong


13

nakikitang anumang katwiran upang maging kalaban ng mga kurang prayle. Tingnan natin ngayon kung may mga kalamangan ang pagiging kakampi ng mga prayle laban sa mga pilipinong liberal. Sinasabi ng mga prayle na ang mga it6'y pawang ateo, hindi naniniwalang may Diyos . . . aywan ko kung totoo iyon; iisa lamang ang nakikilala ko na nagngangalang Mateo, datapuwa't hindi kailangan iyan. Sinasabi nila na ang lahat ng mga ya6'y mahuhulog sa impiyerno. Sa tapatang sabi, kahit na hindi tayo nararapat humatol ng masama sa kaninuman, nguni't ang kahalili ng Diyos sa lupa ay hindi nasasaklaw ng pagbabawal na iyan. Siya ang lalong nakaaalam nang higit sa iba kung saan tayo tutungo pagkatapos ng kamatayan, at kung ito'y hindi niya nalalaman ay sinasabi kong walang smumang maaaring makaalam na lalo. Ipinatatapon ng mga prayle ang marami sa kanilang mga kagalit; sa bagay na ito'y hindi ak6 maaari ni nararapat tumutol; nagkaroon ak6 ng isang usapin at it6'y ipinanalo ko sa dahilang ang aking kausaP lay nagkata6ng kalaban ng prayle at natungo siy~ sa tapunan nang ak6'y nawawalan na ng pag-asang manalo at wala na ak6ng salaping maipanunuhol sa mga kinauukulang pinuno, ni wala nang kabayong maihahandog sa hukom at sa gobernador. Ang Diyos ay maawain! Nagharap ng isang sumbong na pampamahalaan laban kay Kapitang Juan, na may isang anak na dalagang napakaganda, na pinagbawalan niyang paroon sa kumbento upang humalik ng kamay ng kura: magaling! Iya'y pagaalinlangan sa kabanalan ng pari, at totoong karapat-dapat sa pagpapatapon. Bukod dito'y ano ang gagawin niya sa kanyang anak na babae? Bakit ito'y aalagaan niya nang buong pag-iingat kung sa wakas ay hindi naman siya magmomongha? At kahit na magmomongha, hindi ba may bulung-bulungang kumakalat na ang mga mongha sa Santa Clara at ang mga prayleng pransiskano'y nagkakaunawaang mabuti? Ano ang masama sa gayon? Hindi ba't ang mga mongha'y mga kaisang-dibdib ni Hesukristo? Hindi ba't ang mga prayle'y mga kahalili ni Hesukristo? Sa ano't magkakaroon ng napakaraming babae para sa kanya lamang na mag-isa? 'iVala, talagang wala; ang mga prayle'y may matwid sa lahat ng bagay ~t ak6'y magpapahayag ng pagkampi sa mga prayle laban sa aking mga kababayan. Ang


14

mga pilipinong liberal ay mga kaaway ng mga kastila, ganyan ang sinasabi ng mga prayle, at ayokong maging kaaway ng mga kastila. Ang katunayang sila'y gayon nga ay . . . sapagka't gayon ang sinasabi ng mga prayle. Datapuwa't kung manalo ang mga liberal? At kung, dahil sa pagkahapo, sa pag-uusig .at kawalang-pag-asa, dahil sa napakaraming pagpapabilanggo at pagpapatapon, ay ipakipagsapalaran nila isang araw ang lahat para sa lahat, gawin dito ang gaya ng ginawa sa Espallya,2 pugutan ng ulo ang kanilang mga kaaway at pagpapatayin ang mga ito bHang paghihiganti sa napakar aming gawaing tinatawag nilang marahas at makahayop, sa napakaraming pagpapabilanggo , pagpapatapon at pagbitay n a ginawa sa udyok nila? At kung mangyari ang lahat ng ito'y magtagumpay sila? K ung gayo'y maaari nilang paabutin sa akin ang kanilang paghihiganti . . . e! e! Bulay-bulayin nating mabuti k ung ito'y maaaring mangyari. Maaari bang mangy ari sa Pilipinas ang paglipol sa mga prayle? Maaari bang mangyari rito ang isang pamumuksang katulad ng nangyari sa buong Espanya noong may anim na pung taon na ngayon, ayon sa sabi-sabi? Hindi; ang pilipino'y hindi sumasalakay kailan man sa isang hindi nasasandatahan, sa isang hindi nagsasanggalang sa sarili. Ito'y nakikita natin -sa mga batang nag-aaway; ang nakalalaki'y nagwawaksi ng kanyang kalamangan at nilalabanan ang lalong maliit sa paggamit ng isang kamay lamang; hindi sumasalakay hanggang hindi nakahanda ang kaaway. Hindi; ang indiyo'y maaaring maging ungas, hangal, panatik6't lahat na ng manais, nguni't lagi nang magsisimpan ng ugaling pagkamaginoo, at kailangang maging lubha, lubhang tinampalasan, kailangang maging nasa sukdulan ng kawalang pag-asa upang makagawa ng pagpatay at paglipol na kahambing niya6n. Datapuwa't kung gawin nila sa mga prayle ang ginawa ng mga ito sa mga erehe sa kaarawan ni San Bartolome sa Pransiya? Sinasabi sa mga kasaysayan na sinamantala ng mga kat6lik6 ang gabl habang â&#x20AC;˘ Ayon kay Retana, ang mga nagsipanggulo sa Espany a ay nagsigawa ng lalong kakilakilabot na pagpaparusa sa mga prayle, gayong walang gaanong dahilan kaysa ginawa ng mga pilipino sa mga pray Ie, na pinakundanganan ang kanilang buhay habang sila'y nangabibilanggo; napakadali sa mga manghihimagsik na pagpapatayin sil a kung di man ang lahat ay halos ang lahat llg mga prayle.


15 nagkakatipon ang mga erehe sa Paris, at ang mga ito'y pinagpupugutan ng ulo at pinagpapatay . .. Kung ang mga pilipinong kalaban ng mga prayle, sa pangambang baka gawin sa kanila ang ginawa ng mga ito sa Pransiya, ay gumaya sa aral at sila'y magpauna? Banal na Diyos! Kung sa dakilang pakikitunggaling ito ng buhay, sa pagkakamalas na lahat sila'y para-parang nasasa panganib hindi lamang sa buhay, kundi sa kanilang pag-aari at sa kalayaan, ay ipakipagsapalaran nila ang lahat para sa lahat at mabuy6 hanggang sa mga pagmamalabis, dahll sa pangingilabot na nililikha ng mga kasalukuyang pangyayari? Kapahamakan ng mga kapahamakan! Ano kung magkagayon ang mangyayari sa akin kung ak6'y magpahayag ngayong kakampi ng mga prayle? Ang lalong mabuti ay huwag magpasiya. Habang hindi pinaglulubag ng pamahalaan ang mga kagalitan, ay masamang makilahok sa mga suliraning ito. Nararapat kayang ipatapon 0 ipabitay ang mga pilipinong liberal upang mapuksa ang binhi . . . nguni't ang mga anak nila, ang kaIl).ag-anak, mga kaibigan . . . ang budhi ng boong bansa? l{indi ba lalo pang maraming kalaban ng mga prayle ngayon kaysa noong 72? Bawa't pilipinong ipinabilanggo 0 ipinatapon ay nagmumulat ng mata ng sandaan at nakaaakit ng gayon din karami para sa kanyang pangkatin. Kung maaari sanang bitayin ang lahat ng pilipino, at matira kami ng mga prayle upang mapagtamasahan ang bansa, ito ang lalo sanang mabuti, nguni't ... kung magkagayon, ak6'y siyang magiging alipin nilang lahat at ak6'y mapipilitang gumawa para sa kanila, at ang kalagayan ko'y lalo pang magiging masama. Ano, kung gayon ang nararapat gawin? Ano ang ginagawa ng pamahalaan? Ang pagka-liberal ay isang halamang hindi namamatay kailan man, anang sinumpang si Rizal. .. Tahasang mananatili ak6ng walang kinikilingan: ang kabaita'y nasakalagitnaan. 00, ak6'y walang kakampihan. Ano ang mahihita ko kung magwagi ang kasamaang-asal 0 ang kabaitan kung ak6'y mapapabilang sa mga talunan? Ang sulirani'y manalo, at ang pananalong lalong tiyak ay ang pananalong natam6 na. Mag-antabay hanggang mahinog ang mga unang bunga at pumitas ng mga ito. Magmatyag kung alfng pangkatin ang magtatagumpay at kapag umaawit na sila ay kakampi ak6 sa kanila, aawit din ak6 nang lalong


16

malakas kaysa iba, lalait ako sa mga talunan, magkukukumpas, magtatalumpati upang ang iba'y maniwala sa lagablab at katapatan ng aking mga pananalig. Ito ang tunay na karunungan! Papatay ang mga ungas at ang mga kihote upang magtagumpay ang kanilang mithiin; ang ibig ko'y magpatayan sila upang magtagumpay ang sa akin. Ang kanilang mithi ay ang katarungan, ang pagkakapantaypantay, ang kalayaan! Ang aking mithi'y mabuhay sa kapayapaa't kasaganaan! Alin ang Ialong maganda at lalong pakikinabangan, ang kalayaan ng palimbagan, halimbawa, 0 ang isimg rilyenadong kap6n? Alin ang lalong dakila, ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan 0 Hang sisidlang puna ng kuwaltang mamiso? Pagkakapantay sa pagkakapantay ay pinipili ko ang pagkakapantay ng mga kuwaltang maaaring isalansan at itago. Na manalo ang mga prayIe, manalo ang mga liberal, ang suliranin ay makipag-unawaan, pagkatapos, sa kung sino man ang nanalo. Ano ang kabuluhan sa akin ng inang-bayan, ng karangalan ng tao, ng pagsulong, ng kagitingan? Ang Iahat nang iya'y walang halaga kapag wala ni isang kuwalta!


TALUMPATI NI DOKTOR RIZAL SA PIGING N~ PARANGAL SA MGA PINTOR NA FILIPINO * Mga Ginoo: Sa pagtatalumpati ko sa inyo ay hindi ko ikinauudlot ang takot na baka ako'y hindi ninyo kalugdan. Dumalo kayo upang ibuklod sa aming sigla ang inyong sigla, na nagbigay-Iakas sa kabatacm, at dahil dito'y hindi maaaring di kayo maging mapagpaumanhin. Kagiliw-giliw '~Ito'y isang talumpatillg-brindis na binigkas ni Dr. Rizal sa piging na inihandog sa karangalan ng mga pintor na pilipinong sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo. Ang piging ay iclinaos sa restaurang ingles sa Madrid noong ika-25 ng Hunyo ng 1884. Ang parangal na ito'y alang-alang sa tagumpay na tinamo nina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo -sa Pamhansang Tanghalan ng Bellas A,"tes sa Madrid. Si Juan Luna ay nagtamo ng unang gantimpalang isang medalyang ginto, dahil sa kanyang kuwacil'o na pinarnagatang Spoli~rium, at si Resurreccion Hidalgo ay nagtamo naman ng ikalawang gantimpala na isang medalyang pilak, dahil sa kanyang kuwadrong pinamagatang Virgenes Cristian as Expuestas at Popolacho. Sa piging na ito ay humigit-kumulang sa anirnnal?u ang rnga dumalo, na binubuo ng rnga pilipino, rnga tanyag na politik6ng kastila, rnaraming pintor, mga manunulat at rnga rnamamahayag. Lubhang kapansin-pansin ang pangyayaring si Rizal ay nagtamo rin nang umaga ng araw na iyon ng unang gantimpala sa isang paligsahan; datapuwa't ang nakalulungkot ay ang pangyayaring si Rizal ay nagtiis ng gutorn sa huong rnaghapon noon, sapagka't wala siyang kuwaltang maiblli ng pagkaln. Nang ika-9 na larnang ng gabi nang siya'y makatikim ng pagkain, salamat sa piging na itong kanyang dinaluhan at kanyang pinagtalumpatian alang-alang sa anyaya sa kanya ng mga nangasiwa ng piging. Nguni't hindi pa ito :mg kapuna-puna sa pagkakatalurnpati ni Rizal. Ang dapat sanang turnalumpati ay si Pedro A. P aterno, nguni't ito'y nagdahilan nang mga huling sandali, kaya't bagaman si Rizal ay kasalukuyang h urnaharap noon sa pagsusulit sa pagkalisensiyado sa medisina ' at kailangan pang hUT,1arap sa dalawang paligsahan sa pakultad n g pilosopiya ay hindi tumanggi upang slyang hurnalili sa pagtatalurnpati, at tinanggap ang gayon ni Rizal upang huwag rnalagay sa alanganin at pangit na katayuan ang rnga pllipino sa Madrid, bukod sa inakala niyang iyo'y isang mabuting pagkalcataon upang maibulalas ang ilang isipan at kuru-kurong matagal nang namurnugad sa kanyang isip. Nalalaman ni Rizal na sa piging ay rnagsisidalo ang maraming tanyag at matataas na pinunong kastila at inakala niyang iyon ang mahuting pagkakataon upang masabi't maipahayag ang kanyang mga natitipong rnga isipan, alang-alang sa kabutihan at kapalcanan ng kanyang bayan.

006700-

!!

17


18

na singaw ang pumupuno sa ating kapaligiran; mga simoy ng pagkakapatiran ang urniihip ~a lahat ng dako; mga kaluluwang puspos ng kagandahang loob ang nakikinig; kaya nga, hindi ko ikinatatakct ang aba kong pagkatao ni hindi ko pinag-aalinlanganan ang inyong kabutihang 106b. Mga taong pusmll palibhasa, ang hinahanap ninyo'y mga puso lamang ext buhat sa kataasang iyang pinamumugaran ng mga dakilang damdamin, ay hindi ninyo pinupuna ang mga maliliit na kakulangan. Nasasaklaw ninyo ang kabuuan, hinahatulan ninyo ang pinakasanhi at iniaabot ninyo ang inyong k3may sa sinumang katulad ko'y nagnanasang makiisa sa inyo sa iisang isipan, sa iisang hangarin, na dili iba kundi ang parangalan ang kataliningan (genio), ang luningning ng inang-bayan. (MagaZing, napakagaZing; mga palakpakan) .

Ito, sa biglong sabi, ang san.hi kung bakit tayo'y nagkakatipon ngayon. Sa kasaysayan ng mga bansa, ay may mga pangalang sa kanilang sa riling bisa'y nangangahulugan ng isang pangyayari) na nagpapaalaala ng mga damdamin at kadakilaan; mga pangalang katulad ng mga katakatakang pagkakayari, ay gumigising ng mga kaisipang nakalulu god at nakagagalak; mga pangalang wari'y naging isang pakikipagsandugo, isang sagisag ng kapayapaan, isang buklod ng pagmamahalan ng mga bansa. Sa gani tong mga pangala'n ay kabilang ang kina Luna at Hidalgo, yamang aug kanilang kaluwalhatian ay tumatanglaw sa magkabilang panig ng daigdig: sa Silangan at sa Kanluran: sa Espanya at sa Pilipinas. Sa pagbanggit ko sa mga pangalang ito, mga ginoo, ay parang nakakakita ako ng dalawang balantok na nagsasabog ng liwanag, na buhat sa dalawang lupain ay nagtatagpo doon sa kaitaasan, at buhat sa kaitaasang ito'y pinag-iisa ang DALAWANG BANSA sa pamamagitan ng mga buklod na walang-hangga; DALAWANG BANSA na hindi mapaglayo ng mga karagatan at ng alangaang; DALAWANG BANSA NA HINDI GINITIAN NG MGA BINHI NG PAGKAKAL.\YO, NA S A KANII.ANG KABULAGAN AY IPINU-

Sina Luna at Hidalgo ay karangala 1 ng Espanya at ng Pilipinas. Kung sila ma'y isinilang sa Pilipinas ay maaari rin namang sila'y isinilang sa Espanya, sapagka't ang kataliningan (genio) ay walang pinipiling bayan; ang kataliningan ay tumutubo sa lahat ng pook; ang kataliningan ay katulad PUNLA NG MGA TAO AT NG

KA.NILANG KARAHASAN.


19

ng liwanag at ng hanging ari ng lahat; ipinalalagay niyang kanyang bayan ang buong daigrlig, katulad ng kalawakan, katulad ng buhay, at katulad ng Diyos. (Palakp~kQ,1~): .. . An~ kapanahunang makapatriyarka sa Pilipinas ay lu,milipas na. Ang mariringal na gawa ng kanyang mga anak ay hindi na magkasiya sa loob ng tahanan; ang silanganmg uod na magiging paruparo ay lumilisan na sa kanyang suput-suputan; ang umagang may nagkikinangang mga kulay at sinagang bukang-liwayway ng isang mahabang araw ay ibinababala na para sa mga lupaing iyon; at ang lahing iyon, na nahimbing sa gabi ng kasaysayan samantalang nililiwanagan ng araw ang ibang lupalop, ay nagigising ria muli ns. parang ginulantang ng koryente ng elektrisidad, na ang naging sanhi'y ang kanyang pagkakadaiti sa mga bayang kanluranin, at HUMIHINGING PILIT NG LIWANAG, NG BUHAY, NG KABIHASNAN NA SA KANYA'y ' IPAMA-

at sa ganito'y napagtitibay ang mga waiang-hanggang batas ng palagiang pagbabago, ng pagiiba-iba, ng pagka~alla.. panahon, at ng pagsulong. Ito'y natatarok niltyong mabu i at ito'y inyong ipinagma"" mapuri; sa inyo ut~ng ang ki ang ng mga brilyanteng inmiyas sa putong ng Pilipinas; ang Pilipinas ang nagbigay ng mga bato, at ang Europa ang kuminis sa mga ito. At tayong lahat ay nagmamalaking magmasid, kayo, sa inyong ginawa, at kami naman, sa ningas, sa pagpapasigla, at sa mga sangkap na ipinagkaloob. (Magaling.) Sinimsim nila r oon ang tula ng kalikasan; isang kalikasang dakila't kasindak-sindak sa kanyang mga sakuna, sa kanyang mga pagbabago, sa kanyang lakas; isang kalikasang kalugud-Iugod, tahimik, at maoanglaw sa !ranyang matyaga't walang pagbabagong pagpapakilala; kaJikasang nagkikintal ng kanyang tatak sa tanang nilikha at niyarl niYa. Dala-dala ng kal1yang mga anak ang tatak na ito saan man sila mapadako. Kung hindi ay suriin ninyo ang kanilang mga katangian, ang kanilang mga katha, at magpakaliit~lilt man ng inyong pagkakilala sa bayang iyon, ay mapipisil ninyo sa lahat nang bagay ang tatak na yaon na wari'y siynng pinakaagham nila, na parang pinakakaluluwang namamatnugot sa lahat, na war i'y siyang nagpapakilos sa makina, na parang .::;iyang pinakabuod na nagbibigay ng tanging kakanyahan sa mga bagay-bagay at sa MANA NG PANAHON,


20

wari'y siyang pangunallg sangkap sa pagyari ng isang bagay. Hindi maaaring hindi maipahlwatig ang sa sarili'y dinaramdam; hindi maaaring maging isang bagay at iba naman kung gawin; ang pagkakasalungatan ay paimbabaw lamang; sila'y mga kabalintunaan lamang. Sa EL SPOLIARIUM, ay nauulinigang tila naglalagos sa kayo nito, na hindi pipi, ang pagkakagulo ng mga tao, ang 9agsisigawan ng mga alipin: ang kalansingan ng metal na baluti ng mga bangkay, ang mga hikbi ng mga naulila, ang alingawngaw ng pagdarasal, -lahat nang ito'y pawang n8l'irinig nang napakalakas at parang tunay na nangyayari, katulad ng pagkarinig sa dagundong ng kulog sa gitna ng lagaslas ng mga talon ng tubig 0 katulad ng pagkarinig sa kahambal-hambal at kasindak-sindak na langitngit ng lindol. Ang kalikBsan na rin, n8. siyang nagluwal sa mga kamangha-manghang pangyayaring ito, ang tumulong sa gayong mga pagsasalal'awan. Sa kabilang dako, sa kuwadl'o ni Hidalgo'y tumitibok ang napakawagas na damdamin, kamithi-mithing pagpapakilala ng kalungkutan, ng kagandahan at ng kahinaan, na nilapastangan ng makahayop na lakas, palibhasa'y isinilang si Hidalgo sa silong ng matingkad na bughaw na langit na iyon, sa paghehele ng mga simoy ng kanyang karagatan, sa gitna ng katahimikan ng kanyang mga lawa, ng tulain ng kanyang mga libis at ng mahal'likang pagkakatugma ng kanyang mga bundok at mga kabundukan. Kaya nga, kay Luna'y masusumpungan ang mga lilim, ang pagkakaiba-iba, ang malalamlam na liwanag, ang hiwaga at ang kahila-hilakbot, bilang alingawngaw ng maulap at madilim na sigwa sa tr6pik6, ng mga kidlat at ng mauugong na '~mtok ng kanyang mga bulkan. Kaya nga, si Hidalg(l'y taganas na liwanag, mga kulay, pagkakatugma, damd~min at kalinisan, tulad ng Pilipinas kung gabing naliliwanagan ng buwan, sa mga araw na tahimik, 00, tulad ng Pilipinas na may mga papawiring nag-aanyaya sa pagninilay-nilay, at sa lahat nang ito'y para-parang nagduruyan ang kawalang-hanggan. At silang dalawa, bagama't lubhang magkaiba ang iso. sa isa, sa anyo man lamang, ay nagk:akatugon sa pinakadiwa, gaya rin ng pagkakatugon ng lahat ng ating mga puso sa likod ng sukat mapansing pagkakaiba-iba natin. Sa pagpapahayag nilang dalawa, sa pamamagitan ng kanilang paleta, ng mga nagniningning na


21

sinag ng araw ng tr6pik6, ang mga sinag na ito'y ginawa nilang mga sinag ng walang maliw na kaluwalhatiang .ibinabalot SA KANILANG INANG-BAYAN; KAPUWA NILA IPINAKIKILALA ANG DIWA NG AMING BUHAY NA PANLIPUNAN, NG KAGANDAHANG-ASAL AT NG POLlTIKA; ANG SANGKATAUHANG NAPAPAILALIM SA MAHIHIGPIT NA PAGSUBOK; ANG SANGKATAUHANG HINDI NATUTUBOS; ANG KATUWIRAN AT ANG MITHIING NAKIKIBAKA NANG LANTARAN SA MGA HINA-IDNALA, SA BULAG NA PANANAMPALATAYA AT SA MGA KABUKTUTAN, SAPAGKA'T

ANG

MGA

DAMDAMIN

AT

ANG

MGA

KURO-KURO

AY LUMULUSOT AT NAGLALAGOS SA MGA LALONG MAKAKA-

sapagka't para sa kanila, lahat ng katawa'y may mga singawan, ang lahat ay naaaninag, at kung wala man silang panulat, kung di man sila tinatangkilik ng palimbagan, ang paleta't mg:~ pinsel naman nila'y hindi lamang makalulugod sa paningin, kWldi magigipg magagaling na mananalumpati. Kung itinuturo ng ina ang ka,nyang wika sa kanyang anak upang mawatasan nito <lng kanyang mga kaligayahan, mga pangangailangan at mga hapis, ay itinuturo rin ng Espanya, katulad, ng isang f1a, ang kanyang wika sa Pilipinas, BAGAMA' T ANG BAGAY NA ITO'Y MINAMASAMA NG PAL NA PADER;

MGA TAONG

ANINAW

AT MGA

HAMAK,

NA

SA

PAGNANASA

NILANG MAPAGTIBAY ANG KASALUKUYAN AY HINDI MAABOT NG TINGIN ANG KINABUKASAN AT HINDI PINAGTITIMBANGTI.l\IIBANG

ANG

nangangalirang;

lVIGA

KAHIHINATNAN.

Sila'y mga yayang

MASAMA NA SILA'y NAGSISIKAP PANG SU-

palibhasa'y tinatangka nilang pawiin ang tanang mabubng damdamin. Ipinanganganyaya nila ang puso ng mga bayan-bayan at PINUPUNLAAN NG MGA BINHI MAMA ANG IBA,

NG PAG-AALITAN UPANG KANILANG MAANI PAGKATAPOS ANG KAUKULANG BUNGA, ang an,a pelo, ang kamatayan ng mga susunod na salin ng lahi. Nguni't lilimutin ko na ang ganyang mga kaabaan! Kapayapaan para sa mga patay na iyan, yamang sila'y talagang mga patay, wala silang hininga, walang kaluluwa, at inuubos sila ng mga uod. Huwag nating gunitain ang kanilang nakahahambal na alaala; huwag nating dalhln sa gitna ng ating kasayahan ang kanilang baho. SA KABUTIHANG-PALAD AY LALONG NAKARARAMI ANG MGA KAPATID; ANG

KAGANDAHANG-LOOB

AT

ANG

KARANGALAN

TUBO SA SILONG NG LANGIT NG ESPANYA;

AY

KATU-

kayong lahat ay


22

IJawang maliwana.g na katunayan nito. Nagkakaisa kay ang nagsitugon; nagsitulong kayo, at higit pa sana ang inyong ginawa kung higit pa sa riyan ang hiningi. Sa pagdulog ninyo upang makibahagi sa aming pagsasalusalo, at sa inyong pagpaparangal sa mga maririlag na anak ng Pilipinas, ay inyo ring pinararangalan ang Espanya, paEbhasa'y nababatid ninyong mabuti, na ang mga hanggahan ng Espanya'y hindi ang Atlantiko, hindi ang Kant2briko, ni hindi ang Mediteraneo-magiging maliit ang Es'p anya kung ang dagat ay magkakaroon ng sagkang makahahadlang sa kanyang isipan. :t-rAROON ANG ESPANYA, DO ON SA NAIPADAHAMA ANG KANYANG MAPAGPALANG LAKAS;

at sukdang mawala man ang kanyang watawat, ay N.ATILI ANG KANYANG ALAALANG WALANG

MANA-

KAMATAYAN

AT

Ano ang ginagawa ng isang putol na kayong pula't dilaw, ano ang ginagawa ng mga baril at mga kanyon doon sa hindi man lamang ginigitian ng isang damdamin ng pagmamahal at paggili w; sa isang pook na walang pagkakaunawaan, pagkakaisa ng mga simulain, at pagkakatugunan ng mga kuro? . . . (Mahabang palakpaW<\LANG HANGGAN.

kan). Sina Luna at Hidalgo ay nauukol na maging inyo at n aging amin; sila'y inyong minamahal at sa kanila'y namamalas naman namm ang magandang pag-asa at mahalagan g halimbawa. Ang lagi nang masigasig na kabataang pilipinong nasa-Europa, at Han pang taong ang mga puso'y nananat J ing laging baHt dahil sa kawalan ng pag-iimbot at kasiglahang ikinatatangi ni.la sa kanilang mga gawain, ay nangag-aalay kay Luna ng isang korona. Ito'y isang munting parangal, maliit, tunay nga, para sa aming kasiglahan, nguni't ang alay na tyan ay siya namang lalong bukal at malaya sa tanang alay na hangga ngayo'y naihandog n a sa kan.ya. Datapuwa't ang utang na loob ng Pilipinas sa kanyang magigiting na anak ay hindi pa nasisiyahan, at sa nasang maibulalas ang ;nga isipang namumutiktik sa pag-iisip, ang mga damdaming nag-uumapaw sa puso, at ang mga salitang nagpupumiglas sa mgCl. labi, kaming lahat ay dumalo sa piging n3. ito upang isanib ang aming taimtim na ha.ngad, upang bigyang-anyo ang pagyayakap ng dalawang laking nagmamahalan at nag-iibigan, NAGKAKAISA sa mga bagay-bagay lla nauukol sa kabutihang-asal, sa pagsasa-


23 mahan sa pamahalaan, sa loob ng apat na dantaon, UPANG SA HINAHARAP, SILANG DALAWA'y BUMUO NG IISANG BANSA LAMANG SA DIWA, sa kanilang mga tungkulin, sa kanilang mga palagay, at sa kanilang mga karapatan, (Palakpa-

kan) , Tumatagay nga ako, alang-alang sa ating mga pintoI' na sina Luna at Hidalgo, mga karangalang tunay at wagas ng DALAWANG BAYAN! Tumat:agay ako alang-alang sa mga taong nagsitulong sa kanila sa mahirap na landas ng sining! Tumatagay ako upang ang kabataang pilipino, BANAL NA PAG-ASA NG AKING INANG-BAYAN, ay tumulad sa gayong napakahalagang halimbawa, at upang ang INANG ESPANYA, na masikap at mapagmatyag sa ikabuhuti ng kanyang mga nasasakupan, ay MAGSAGAWA NANG WALANG ANUMANG PAGPAPALIBAN-LIBAN NG MGA PAGBABAGONG MALA ON NA NIYANG BINABALAK; nalinang na ng araro ang lupa at ito'y hindi haog! Turnatagay ako, sa wakas, sa ikaliligaya hiyaong mga magulang, na, sa pagkawalay nila sa pagmamahal ng kanilang mga anak, ay sumusubaybay sa mga ito, buhat s.a malayong lupaing ya6n. ng kanilang luhaang mat a at sillnisikdong pusong naglalagos sa mga karagatan at sa pagkakalayo. INIAALAY NG MGA MAGULANG NA ITO SA DAMBANA NG lKABUBUTI NG MADLA ANG IV1ATATAMIS N!l. ALIW NA LUBHANG NAGSASALAT SA TAKIPSILIM NG BUHAy-mga aliw na walang iniwan sa mahaha. laga't mangisa-ngisang bulaklak sa taglamig na tumutubo sa mga malalamig na lab! ng libingan. (Masigabong pa,..

lakpakan; mga.

pagbat~

sa pagtalumpati).

*

*

*


TALUMPATING BINIGKAS SA "CAFE HABANERO" ,;: Ang katipunan ng mga pilipinong nakatira sa Madrid, iyang bulaklak na inaasahang makapagpapabago ng punong inaanay, iyang isang dakot na mga binata, na sa kanilang pagkakalayo ng tatlong libong legwa sa kanilang tahanan ay nararapat magsimpan ng iisang kaisipan at iisang hangarin lamang, ay nagdaranas ng isang pagbabagong-anyong paunlad. Bilang patutoo nito, ihaharap ko sa inyo ang Hang panig ng kanyang, nakaraan, upang inyong maihambing sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Noong Setyembre ng taong ,1882, ang mga matatanda't mga bata'y bumuo ng isang katawan lamang; ang mga ito'y. mga dalawa1Jlpu at ang mga yao'y walo 0 siyam, na kinabibilangan ng mga mangangalakal, nagmamay-ari, at * Ang talumpating ito'y inigkas ni Rizal nang ika-31 ng Disyembre n g 1891 sa "Cafe Habanera" sa Madrid. Ang orihinal nito ay naiingatan sa Aklatang Pambayan. Gaya ng mamamalas, ang taJumpating ito 0 sulat ay isang kabuuan ng' mga pangyayaring dinanas ng bayan-bayanan ng mga pilipinong nagtitira sa Madrid buhat ng buwan ng Setyembre ng 1882 hanggang buwan n g Hunyo ng 1885. Kung isasaalang-alang ito at ipagpalagay nang binasa ni Rizal ang talumpati at hindi ipinabasa sa iba ay mahihinuhang hindi ito ginawa kundi bago dumating ang Oktubre ng 1885, sapagka't pagkatapos ng petsang ito ay wala na si Rizal sa Madrid. Kung binasa naman nang ika-31 ng Disyembre, gaya ng palagay ng marami sa isang pagdiriwang bilang pamamaalam sa taong Jilipas ay maaaring nangyari noong ika-31 ng Disyembre ng 1885 at ibang tao ang humasa. Inaakala naming ang talumpati'y ipinadala ni Rizal sa Madrid at iba ang bumasa sa piging. Pinatutunayan ito ng dalawang sulat ni Ceferino de Leon noong ika-19 ng Disyembre, 1885 at ika-2 ng Enero ng 1886. Ang una ay nagsasabi ng ganito: "Malapit na namang matapos ang taon at sigurong magkakaroon kami ng bangkete; ang mga tagalog ay walang kuwalta at sigurong hindi makaaasisteng lahat sa hangkete." Sa ikalawang su1at ay sinahi naman ang ganito: "Tinanggap ka sa kapanahunan ang sulat mo ng ika-27 ng buwang nakaraan na dumating dito nang hu1ing araw ng taon, at binasa nang gabi ng piging: at huong pananabik at kasiglahcing hinaii ka nang gayon na lamang. Aka ang siyang naatasang bumasa ng sulat rno atbp." 24


25

mga militar. Ang tagpuan nllang lahat ay ang "Circulo Hispano-Filipino " , sa daang Salud. Bukod dito, ang mga binata'y may isang entresuwelo sa daang Sauco, na tinitirhan ng dalawang magkapatid na sina Antonio at Maximine Paterno. Ang angkang dinadalaw ay ang kay Ginoong Pablo Ortiga y Rey 1 at sa bahay nito'y nagtitipon kaniing mga pilipino, min san sanlinggo. Noo'y lalo pang nagpapamalas ng kasipaga't pagkukusa ang mga matatanda kaysa mga binata, salamat sa katangian ni Ginoong Juan Atayde, na kung hindi man nagtatangkang maging buong k:3pisanan ay siya namang namamatnugot nito. Ang mga binata, sa dahilang nalilibang sa ibang mga kaisipan, ay nagpapabaya sa kanyang gumawa ng lahat, at masasabi naming ang nauukol sa politika sa Pilipinas ay ginagawa lamang ng mga taong magugulang. Kinukulang kaya ng pag-ihig sa inangbayan ang mga binata at sa kanlla ba'y walang may utak? Sa katotohana'y hindi gayon: si Sancianco'y kapagkakakamit pa lamang pg isang magandang pangalan dahil sa kanyang akdang PrqQreso de Fi ipinas; si Graciano Lopez,:! na kararating laman'g buhat sa Valencia na pinagtamuhan niya ng mga gantim~ala, ay nakikilala sanhi sa kanyang mga lathalaing nauukol sa pamamahala't pangangasiwa sa bayan at sanhi sa kasipagang' hindi humiwalay kailan man sa kanya; si Tomas del Rosa:rio ay siyang mananalumpating hindi nauubusan at manunulat na mabulaklak at kaayaaya; si Julio Llorente, na p;.nasigla ng pagkabantog na makaromano sa lahat ng sukat ikarangal at ikadakila, ay nangangako ng maniningning na araw ng kaluwalhatian para sa kanycmg inang-bayan; ang matalinong si Laserna, ang pinakamasipag sa lahat, ay hayagang nagpapakilala pang siya'y may malayang kuro sa kanyang mga hangari't kaisipan, at kasama ni Eduardo de Lete ay sila lamang dalawa ang noo'y namimintuho sa panunula; datapuwa't ang gayon kc.~raming maniningning na pag-iisip ay nasayang dahll sa kawalan ng pagkakaisa at sa kalabisan ng pagmamakasarili, bawa't isa'y tumutungo sa kanyang ibig tunguhin, at kapag ang pinag-uusapa'y di nauukol sa pag1 Siyang Alkalde ng Maynila nang panahon ng Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre sa loob ng panahon ng mga republikano sa Espanya. 2 Si Graciano Lopez Jaena ay siyang unang naging patnugot ng La Solidaridad.


26

liliwaliw 째 sa paglilimayon ay walang dalawang palagay na nagkakaisa. Sa gitna ng k'tlusan sa lVIadrid at sa harap ng panghihina ng inang-baya;y para kaming mga butil ng buhangin sa gitna ng ipu-ipo sa ilang. Sa kabilang dako, ang mga matatanda, na di-kasindami at di-gaanong masasayang gay-a ng kabataan ay siyang n angingibabaw at umaakay sa Kapisanan sa mga landas na kanilang pinangarap, at sa dahilang hindi naipagpatuloy ay namatay ang Kapisanan. Sa unang pulong na dinaluhcm ko na angkin ang pagkabalisa ng isang baguhang tinawag ng mga guro upang makilahok sa 1sang gawaing dakila't maselan, ang aking pagkamangha'y masasabing kasinlaki ng aking damdamin. Napakalalaki ng gugol ng Knpisanan, nguni't ang mga kasapi, ang mga mayayaman ay halos hindi nagbabayad ng kanilang butaw, kayo't minabuting ito'y alisin. Sa gayon, mga gin00, taglay ang kasiglahan ng baguhan at ang pana.nalig ng kabataan sa kapalaran ng aking inangbayan, ay nagmun'gkahi akong dumulog sa Pilipinas, magbawas ng mga gugol, at palugi!ftn ng mga tatlong buwan pa ang buhay ng Kapisanan. I~o'y sinang-ayunan at aug Kapisanan, ang 'wika nga, ay naghintay ng pangwakas na hato1. Samantala, paano namin ginugugol ang panahon? Liban sa dalawa 0 tatlong pumapasok sa paaralan, ang 1ahat na'y natutulog hanggang tanghali; nagpaparaan ng hapon sa paglalaro, sa pagsusugal ng baraha, at sa gab!, pagkaraan ng mga oras ng pag-inom ng kape, sa pagda1aw sa mga angkang natatangi sa dahilang sa mga ito'y walang kabilang na isa mang lalaki. Ang pagsamba sa diyos Azar o kaya'y sa pakikipagsapalaran, gaya ng sa mga unang kristiyano'y walang templo 0 simbahan; kung saan may dalawang nagkakatagpo, doo'y lumilitaw ang kadiyusan, at sa gayo'y nakikita, sa ibabaw ng mga dambanang yar! sa magaspang na kahoy na pino 0 natatakpan ng isang kayong luntian, ang 1ahat ng uri ng mga handog, buhat sa katawa-tawang kusing hanggang sa mga p>apel de bangko at mga salaping ginto. Kakaunting cras ang ninanakaw sa amin ng pag-ihig: sa bilang naming dalawampu, halos tatlo 0 apat lamang ang may pag-ihig na humigit kumulang ay tanggalin, at madulas at gayong kami, mga ginoo, ay mga binata, tumi-


27

tibok sa aming puso ang lalong maalab na damdamin, dangan na nga lamang at naiinis ito sa ilalim ng mabigat na bate ng kawalang kabuluhan at kahinaan ng loob. Akalain ninyo: noo'y ipinalalagay na parang masamfmg hilig at isang bagay na katawa-tawa ang pagpasok sa klase, parang isang kapangahasan ang pagpapahayag ng damdaming makabayan. Sa masipag mag-aral ay tinitiyak na hindi siya maaaring makapagtap6s ng isang karera; sa makabayan, ay walang kabuluhan ang pagtatangka ng anuman. Pinagtatalunan ang bHang ng mga butones ng isang amerikana, nguni't hindi dng mga karapatan ng mga pilipino: tungkol sa pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes ay wala ni isang kataga. Marahil, umiiwas ang lahat sa pagbanggit ng ganitong mga suliranin upang huwag makasalang ng mga sugat na makikirot; lahat ay nagdudurugo ang kalooban at yamang sila'y nawawalan ng pag-asa sa lunas ay minamabuti nilang hintayin ang kamatayan nang tumatawa at nagJalaro. Nang ta6ng yao'y naglatha~a ang "Circulo" ng dalawang napakamata akuti't naP'1kamahinahong bilang ng kanyang Reb)sta. Laban sa alituntunin, sa mga bilang na ito'y binigyan an aming kapisanan ni Ginoong Atayde ng isang uring makahari. Sa harap ng aking pagtutol sa sumunod na pulong, ay nagkaroon ng pagkakasalungatan at sa gayo'y pumasok ak6, bilang kasangguni. Samantala, dumaan ang mga buwan at ang mga abuloy na galing sa Maynila'y hindl dumarating. Inihalal na kabalitaan si Ginoong Ramirez de Arellano at ito'y sumagot na nagtatanong ng tungkol sa ipasasahod sa kanya, gugugulin sa pagpapadala ng sulat at marami pang iba. Datapuwa't may isang nagpadala ng dalawang piso't isang salapi, sumapi sa Kapisanan at nakiusap na ayusin ang isang bagay na nilalakad niya sa Kagawaran ng mga Bayang Sakop sa Ibayo ng Dagat. Ang Kapisanan, na inilipat sa daang Banyo, sa pagsisikap halos ni Ginoong Atayde, na nakakaramdam ng pagkamatay, ay sumubok ng isar:g kahuli-hulihang pagpipilit at nagdaos ng isang sayawan-sa araw ding ito-sayawang naging napakaringal at maraming dumalo. Ako'y pinagsabihang sumlllat ng isang Lula, at sinulat ko ang "Me Piden Versos" (Pinatutula Ak6); si Laserna'y bumasa ng isang tula sa mga bituin. (Datapuwa't ang pasayaw ay


28

isang (;twit mandin ng sisne,::I yaon ang kahulihulihang lagablab; kinakapos ng langis at ang ilaw ay namamatay). Mga mainitang pagtatalo, mga di-karaniwang pagpupulong, mga walang patid na pagpapalit ng mga manunungkulan, mga pagbubuhat at pagpaparatang hinggil sa mga ginawang gugol, isang tahanang kinakapos ng harina, 4 iyan ang naging katayuan na ng "Circulo". Ang mga matatanda, parang mga dagang nakaamoy ng pagguho ng isang bahay, ay nag-alisan at iniwan ang kanilang mga tungkulin; sa loab ng isang gabi'y nagkaroon kami ng tatlong pangt.!lo, isa sa mga ito'y ang kaibigang Ruiz, at hindi kami nasiyahan sa kanmuman: ang mga binata'y sumisisi kay Ginoong Ataydc, ito naman ay sumisisi sa mahigpit na pangangailangan, hanggang sa wakas, nang di na maaring mabuhay pa ang "Circulo" ay ipinasiya namin ang kanyang kamatayan. Ang Circulong ito'y nabuhay na gaya ni Diogenes, na naghahanap ng isang taong mamamatnugot' sa kanya, at namatay na gaya ni Alejandro, na ang pag-aalita'y nakipaglibing sa kanya. Sa simula, samak tuwid, ng ta6ng 1883 ay namatay ang kapisanang iyon; pillagtangkaan siyang sari linin, gawing kasangkapan ng isang kalooban at ang pagtutol ay nahulL Sa gayon, ang pagpapalagayan ng matatanda't mga binata'y unti-unting naputol, at bagama't ang bilang ng mga pilipino sa Espanya'y dumami dahil kina Ventura, Jose Esquivel, -Rogers, Zamora at ibci pa, ay walang nangyaring anumang mahalagang bagay sa unang anim na buwan liban sa gayon 0 ganitong malaking pagkatalo sa sugaJ, isang sayawan sa daang Sauco, isang paglalakbay upang magliwaliw sa parang, ilang pamamasyal sa Retiro. kasama ng dalawang angkang nakilala ng mga pilipino nang mga unang araw ng tagsibol, at ipinalagay na isang pagsasamantala. Tanging si Graciano ang nag-aabala sa mga pahayagan, sa aming bansa, at siya'y isa pang tinig sa ilang, sa gitna ng karagatang binabagyo. At gayon ma'y natatalos naming lahat ang panlulupaypay na aming kinaroroonan. Sa piging na idinaos upang parangalan si Zamora, na inihandog sa mungkahi ni Maximino Paterno at binasahan ni Lete ng isang tula, ako'y 3 Ang ibig sabihin ay isang pamamaalam. â&#x20AC;˘ Ang katuturan ay walang tinapay.


29

napaiba ng kuro sa dahilang inilarawan kong buhay na buhay ang aming maitim路 na katayua't mabuway na hinaharap. Si Hidalgo, taglay ang kalungkutan sa tinig at ang katamlayan sa tingin, ay tumagay upang "ang mga pilipino, bago bumalik sa kanilang tahanan, ay makapagpagpag ng alikabok ng kanilang mga sapin." Sa palagay ko'y hindi humigit sa apat ang nakapasa sa kanilang mga aralin nang Hunyong iyon. Ang tag-init ay pinaraan ko sa Paris, kaya, sa ganang akin, ang ikalawang tao'y nagsimula nang Setyembre ng 1883. Nagsisimulang magkaroon ng mga pulu-pulutong sa maulap na katipunan ng mga pilipino at buhat sa mga labi ng "Circulo" ay tinangka ang pagtatatag ng mga pangkat na binubuo lamang ng mga binata. Si Llorente, ang kanyang kapatid, si Lete at ako'y nagsama-sama sa isang bahay. Ang bahay na ito, kasama ng kay Ventura sa daang Campomanes at ng nasa-Sauco ay siyang bumuo ng tatlong paa ng bagong kapisanan. Hindi na halos nagsusugal, ni sa aming bahay, ni sa kay Ventura. Sa dahilang ang isang tao sa daang Barkilyo'y pumasok sa isang bagong yugto ng buhay, nilayuang unti-unti ng mga pilipino ang bahay, at palibhasa'y wala nang "Circulo", walang mga pulung-pulong at walang pagsusugal. kaya wala na silang hinarap kundi aug sarisarili, at sa mga kapihan na lamang nagtitipon sila. Sina Evar isto Aguirre, Francisco Esquivel, Rafael del Pan at iba pa ay naragdag sa bilang. Nang taong yao'y hindi na bihira ang pagpasok sa paaralan. Sina Ventura, Laserna, Llorente, Del Pan, Aguirre, Tuason ay pumapasok sa Pamantasan; sina Lete, ang mga Paterno at ako'y pumapasok sa San Carlos. Gayonma'y nagsimulang makapasok ang pagsisiraan at pag-aalitan sa isang bagay na gayong ginugulan ng malaking pag-iingat at pagod ay halos hindi nila ipinagkaisa, at dahil dito'y naisip ko ang pagdaraos ng isang piging sa katapusan ng taon, bilang isang salu-salo sa ipagkakasundo. Ang balak na ito'y sinabi sa akin ni Rogers, nang ito'y magdaan sa Barselona, subali't sa kakulangan ko ng tinig at ng katauha'y hindi ko pinangahasang imungkahi hanggang sa mga araw na iyon. Ito'y sinang-ayunan at ang mga Paterno'y siyang naghanda. Idinaos sa Cafe de Madrid sa ganitong ayos: Nang


30

ikalabindalawang oras ay nagsiupo kami sa hapag, ang isa'y napatatao buhat sa labas at nagsasabing bagong taon na; siya'y pinatuloy, ginawaran ng kahatulan ng taon at ng mga pilipino at ang mga paghula ay ginawa. Pagkatapos ay nagsalita ang bawa't isa, at binuo ng mga "brindis". Nang unang ta6'y sa akin naukol ang pagpapasimula't pagbuo ng mga "brindis". Ang pagkakatipo'y nagkaroon ng anyong lalong porm.H at kagalang-galang kaysa masaya at magiliw. Gayonma'y nagbunga ang piging na ito ng malaking kasiglahan, at tinangkang buhaying muli ang Kapisanan; at para sa bagay na ito'y nagkaroon ng mga pagpupulong sa daang Sauco, na dinaluhan ni Koronel Abreau: dito unang-unang nakih alubilo sa amin si Pedro Gobantes. Hindi nagkaroon ng pagkakaisa ng mga pala-palagay: ang ibig ni Gobantes ay isang pahayagan: sina Esquivel, Lete at iba pa'y isang matikas na Kapisanan at cornrne el jaut, 5 nguni't sa dahilang kapos ng salapi'y hindi nabuhay na muli si Lazaro. 6 Datapuwa't ang pangyayaring pinakadakila nang ta6ng 1884 at sa ami'y nagpakilala ng kapangyariha't pagkamakabayan ng mga pihpinong nasa-Espanya'y ang El Spoliariurn. 7 Sa tatlong paang binanggit ko na sa dakong unahan, ang nasa-daang Sau co'y nanghina nang malaki sa pagbabalik ni Ginoong Pedr o Paterno, at ang nawala sa kanya'y naging pakinabang ng iba: ang mga pala-palagay ng mga nasadaang Campomanes at ng sa amin ay isinasa-alang-alang na sa mga pagpapasiya ng mga pilipinong nakatira sa Espanya. Gayunma'y n agpangagawan ang lahat ng mga pulutong sa pagdiriwang ng tagumpay ni Luna. Sina P edro Paterno, Gobantes at iba pa'y nakaisip ng piging; kami'y sumang-ayon kapagdaka; kami'y nagnais ng isang handog na lalong magtatagal at lahat ay nagsipag-abuloy. Mga girtoo, may mga pilipinong wala kundi limampung piso lamang isang buwan, gaya ni Aguirre, na nagbigay ng sampu para sa pagpaparangal kay Luna ; si Dayot, bagama't :. Sinadyang gawin. " Sa wak as ay n am3tay din ang "Circulo". 7 Ito ang pangalan ng 1 uwadro ni Juan Luna na nagkagantimpala ng isang medalyang ginto sa Tanghalan sa Madrid nang 1884. Ang sipi nitong ipinagkaloob sa Pilipinas ng Pamahalaang Kastila ay nakapalamuti ngayon _a Kagawaran ng mga Suliraning Panlabas sa daang P. Faura, Maynila.


31

hindi n~kadalong kasama nami'y nagpadala ng tatlong piseta; si Valentin, ng dalawampung piso; sa mga matatanda, liban sa isa, ay walang sinumang umabuloy. Idinaos ang piging noong Hunyo, panahon ng mga pagsusulit. Si Pedro Paterno'y siyang naatasang unang magsalita, datapuwa't aywan ko kung bakit, pagkaro.an ng ilang araw, siya'y tumanggi at ako ang ipinalit sa kanya. Hangga noo'y hindi pa 'ak6 nakabibigkas ng anumang talumpati, at kahit na ako'y may siyam na aralin, apat na pakikipagpaligsahan at isa sa pagtatapos, ay tumalima ako sa kalooban ng lahat, sa pag-aakala kong habang lalong mabigat ang pasanin ay lalong hindi nararapat tanggihan. Kung ito'y ipinaaalaala ko sa inyO, mga ginoo, ay hindi upang purihin ko ang sarili, kundi upang patunayan sa inyo na bagama't noo'y walang kaayusan, ay iginagalang na namin, gaya ng paggalang ngayon, ang kalooban ng nakararami. Sa piging na ito, nang tutugin ng mga pambansang awit ng Pilipina,s na itinadhana ni P. Paternong tugtugin sa kapit-bahay ay naghari ang isang malalim na katahimikan, at dinaluyan ng luha ang maraming mata; ang akala nami'y kin~kausap kami ng diwa ng aming inangbayan, sa pamamagitan ng mga gayong malulungkot na himig, n.a tila nagpapala sa kanyang sarili: ang mga panauhing tagaibang-bayan ay nagpakundangan sa aming kahapisan. Sa piging no. ito kauna-unahan kong nakita si Ginoong Morayta, na nakaupo sa piling ng mga pilipino at mahigpit nang nagtatanggol sa mga ito. Lumabas din sa mga pahayagan ang maraming lathalaing may kinalaman sa pakikipagtalo at sa politika, bagama't nilagdaan ng mga sagisag nina Gobantes, Lete, at ng akin. Ang mga pangyayari sa Ilokos at Panggasinan ay lalo pang nakapagbigkis sa amin at laIc nang malimit mapag-usapan ang mga pangangailangan ng inang-bayan: ang pinaglalaruan noon ay ahedres at bate lamang, nguni't walang anumang hangaring manalo at saka pagkatapos ng hapunan ginagawa ang laro. Bilang katutubong bunga, marami ang nakapasa sa pagaara! at marami ang nakatapos ng karera. Ang ikatlong ta6'y hindi sagan a sa mga pangyayari nguni't sa kabuua'y walang iniwang dapat idaing. Nawalang patuluyan ang sugal, at ang mga klase't pagbabalik-aral ay mo.dalas na daluhan ng mga pilipino.


32

Sa plgmg ng kahuli-hulihang araw ng taon (1884) na dinaluhan ng lahat ng matatanda, na pinasigla ng piging ng ta6ng nagdaan, ay napagkilala, bilang dalawang dakilang mananalumpati si Lete, na nagsimula ng mga pagtagay at si Llorente na bumigkas ng pinakamagandang talumpating kailan ma'y hindi ko narinig sa kanya. N agsalita ang lahat, bukod-tangi ang nararapat maglagom 0 bumuo ng lahat ng talumpati: ang kahabag-habag na si Ginoong Jose Canas na siyang nagtakda ng pagwawakas ng pagtitipon, at tumindig nang buong kasiyahan. Noong taong 1885 ay inilathala ang Ninay. Nang buwan ng Hunyo, ang nakasulit sa kanilang mga aralin ay napakarami: isa 0 dalawa lamang ang di-kumuha ng pag susulit, datapuwa't naghanda sila para sa buwan ng Setyembre. Narito, mga ginoo, ang kabuuan ng nakita ko sa tatlong taon sa Korteng ito. Nakita ninyo kung paano unti-unting n~bubuQ 2ng pagka:<:aisa ng kabinataan, salamat sa mga pangyayaring nakintal sa kanilang puso. Sa mga araw na lalong masaklap, hindi kami iniwan kailan man ng dam,daming makainang-bayan; kung ang paghihinalaan at pagpapanibughuan ng isa't isa sa udyok ng sar-iling pagkamaka-sarili at ng katutubong pagmamataas ng bawa't isa'y tila nakapagpaulap doon, ang pagsambit lamang ng ngalan ng Inang-Bayan ay muling nakabuhay sa kanya at ito'y humarap na makapangyarihan at nakatalaga, gaya ng heniyo ng mga kuwentong silanganin. Ang lupa'y hindi naging baog kailan man, at kung sakaling walang tumubo sa kanya kundi masamang damo, ito'y sapagka't wala siyang mabuting binhi; kung ang lupa'y naging lubak-Iubak at ang tubig ay naging putik, ang sanhi nito'y sapagka't nagkulang ng pagkilos. Ang mga kasamaang asal, yaong makapangyarihang anak ng katamaran ay tumakas sa amin karaka-l'akang may pinagkakaabalahan kaming isang mahalagang suliranin, at maaari naming sabihing bagama't manakanaka'y nagdaranas kami ng panlulupaypay at parang kami'y napapaurong, kami'y nakalakad din, sa wakas, at kami'y sumulong. Ang aming puso'y marangal at ang aming layo'y banal. Ito ang pangalan ng isang nobelang kastila ni Pedro A. Paterno. na inilathala sa Madrid nang 1885. K


33

Ngayo'y nauunawa na ng katipunan ng mga pilipinong nasa Espanya ang mga kapakinabangan sa pagkakaisa; ngayo'y nauunawaan na naming lahat na ang bakal ay matigas at ang hangin ay natitipi sa dahilang ang mga molekula ng isa'y may bahagyang pagkakadai-daiti samantalang ang sa ikalawa'y bumubuo ng isang katawang napakasinsin na hindi nag-iiwan halos ng guwang sa kanilang pagitan. Nababatid ko, mga ginoo, na sa katayuang ito'y nagtitiis ang kalayaan ng tao sa kanyang mga karapatan, datapuwa't ganyan ang minamarapat ng tadhana. Ang mga molekula ng mga katawang lalong matigas at masinsin ay siyang lalong natitipi, at ang mga hUkbong lalong makapangyariha'y siyang lalong mahigpit na. pinasusunod sa kautusan; ana ang kabuluhan sa atin, mga ginoo, na ialay ang bahagi ng ating mga kalayaan kung ang mga ito'y inilalagak natin sa dambana ng inang-bayan, kung ang mga maliliit na bahaging iniwawalay natin ay mga butil n amang iniimpok upang maitanim at makakuha pagkatapos n g masaganang ani? Papagtibayin nga ating lalo't 1alo, mga ginoo, ang pagkakaisa at katatagan natin; ang kagalingan ng inang-bayan ay siyang maging tangi nating hangarin, at patutohanan natin sa buong daigdig at ipakilalang kailan ma't ninasa ng pilipino ay kanyang nagagawa at natatamo. 00 6700-

3

*

'"

*


PALIWANAG NI RIZAL SA MARE MAGNUM NI P. JOSE A. BURGOS [Paliwanag sa ibaba ng panig 5] Tiyak na tiyak ko, sa mga saling natipon ko pagkatapos sa Maynila, nang parangalfm ang mga dakilang hakbang ng ating Dakilan~ Martir na ito ng mga kaluwagan ng Bayang Tinubuan, na ang dakila at maringal na pagpapatungkol na ito'y binigkas ng karapat-dapat na doktor, bagaman pinalitan ng ilang salita, sa palasyo ng arsobispado ng Maynila, nang dumating ang dakilang Kapitan Heneral, ang mabunying Ginoong Carlos Maria la Torre. MADRID) ika-26 ng Hunyo ng 1887. (Nilagdaan) 34

*

:;:

JOSE RIZAL


PATALASTAS SA TAGAPANGASIWA NG KAYAMANANG-BAYAN NG LAGUNA TUNGKOL SA ASYENDA NG MGA PARING DOMINIKO SA KALAMBA * (Sinipi sa "Soberania Monacal" ni Marcelo H. del Pilar, Apendise X)

"Ginoong Tagapangasiwa.-Ikinararangal ng Gobernadorsilyo at ng lahat ng mga ginoong nagsilagda rito, bilang pagpapahalaga sa kautusang nauuna, na ipagbigay-alam sa inyo ang mga sumusunod: 1. Ang asyenda ng mga Kagalang-galang na Paring Dominiko ay hindi natatagpuan sa bayang ito, manapa'y * Tungkol sa usaping ito ng asyenda ng Kalamba, at ang tungkuling ginampanan ni Rizal, ay sinabi ni Don Rafael Palma ang ganito: "Nang magtatapos ang ta6ng iyon 1887, ay tinanggap sa tribunal ng bayan ang isang patalastas n g ,amahalaang Pa gkalahatan na binabalak na siyasatin ang kalagayang nauwcol sa pangasiwaan ng asyenda ng Kalamba, upang masingil ang kaukulang buwis. Ang ibig n g mga dominiko ay sagutin ng mga namumuwisan ang gayong pagsisiyasat sang-ayon sa kapakanan at kabutihan ng mga paring dominiko, sapagka't umano'y maliit ang kani lang sinisingil sa mga namumuwisan at kakaunti naman ang pinakikinabang ng asyenda. Si Rizal, na hiningan ng kuro ng kanyang m ga kamag- anak at mga kaibigan tungkol sa bagay na ito ay hindi nagwalang-bahala sa sigalot. Siya ang sumulat ng kasagutan sang-ayon sa mga pangyayaring ipinahayag sa kanya alang-alang lamang sa katotohanan. Ang sagot na ito'y isinalin sa tagalog, binasa sa harap ng bayan at ng mga utusan ng mga prayle upang siyang maghatid ng nilalaman ng nasabing kasagutan sa kanilang panginoon 0 upang salansangin kung hindi nababatay sa katotohanan. Ni isa man ay walang tumutol at ang lahat ay buong pagkukusang-loob na nagsilagda, pati na ng mga makaprayle sa harap ng katotohanang hindi nila maitanggi. Ano ang nangyari? Ang kasulatan ay iniharap, duniaan sa lahat ng dapat pagdaanan at pagkatapos ay itinago lamang. Binalak na maghiganti ng mga prayle at sa gayo'y nagharap ang bayan ng isang bagong kahilingan na hinihingi ang panghihimasok ng pamahalaan, yamang ito ang siyang pinagmulan ng sigalot, nguni't ang pamahalaa'y hindi umimik, hindi nagsabi kung 00 0 hindi, hindi gumawa ng paglilitis at hindi niliwanag ang mga bagay at pangy3yaring isinusumbong; natakot ang pamahalaang makipaglaban alang-alang sa katotohanan at tinalikuran ang kaawa- awang bayan. (Rafael Palma, Talambuhay ni Rizal, Maynila, 1949, pahina 102-103).

35


36

nasasaklaw niyon ang buong bayan, kung paniniwalaan ang mga hangganan ng asyenda na itinakda ng mga Kagalang-galang na pari nang mga huling ta6ng ito: sa Hilaga, ang bahagi ng Look na nasasaklaw hanggang sa pulo ng Kalamba; sa Timog, hanggang sa tulay ng Bigo, Olango, Santol, at ang Bundok Sungay; sa Silanganan, hanggang sa Los Banyos, sa Bakong, at nasasakop ang kalahati halos ng Bundok Makiling ; sa Kanluran, hanggang sa Kabuyaw at Santa Rosa, at ang lapad ay 2,000 kinyon sang-ayon sa mga lalong malapit, na pagtaya, at hindi kukulangin sa 700 k inyon ang lupang nahawan at napatag. 1 2. Na ayon sa mga ulat ng mga namumuwisang kinunan ng tanong, ang mga inaani ng asyenda, kung ang salitang ani ay pakakahuluganan ng lahat ng ibinubunga ng lupa, ay nararagdagan para sa Asyenda at umuunti nang kapansin-pansin par a sa mga namumuwisan, hindi lamang noong mga taong matagal nang nagdaan kundi gayon din nang tatlong kahuli-hulihang taong ito, gaya ng pinatototohanan nitong kalakip na pag-uulat. Ang gayong pagkakasaad ay kinak ailangang ipaliwanag. Ang mga inaani ay nararagdagan para sa pakinabang ng Asyenda: 1. Sapagka't ang mga gubat na masukal na ipinagkakaloob sa mga namumuwisan nang halos wala 0 sa napakaliit na buwis sa simula habang ang mga ito'y nahahawan at napapatag, pinaggugugulan ng malaking puhunan, habang ang kapalaran ng magsasaka ay nasusubo roon, ay binabago ang kasunduan alinsunod sa kalooban ng may-asyenda, malaki ang itinataas ng buwis at nangyayaring sa loob ng ilang taon lamang, ang dating 45 pisong buwis ay nagiging 900 dahil sa sapilitang pagtataas niyon taun-taon. 2. Sapagka't ang ilang lupa'y bumabayad ng makalawa, ang ilang bukid ay dahil sa makalawang mag-ani ng palay, at yaong tinatamnan ng tub6; bumabayad na ang magsasaka sa upa ay bumabayad pa rin sa bawa't tub6, kahit ang mga ito'y hindi pakinabangan 0 mash'a. Sa mga lupang may itinayong kubo upang matirhan ng mga kasama, ay kinakailangang ipagbayad ang lupa at ipagbayad pa rin ang kubo. 3. Sapagka't ang mga bakuran sa bayan, na pinagtatayuan ng mga bahay 0 ng mga kamalig ay路 dinaragdagan ng ]. Al insunod sa dalawang opisyal ng Asyenda, ang m ga 1upang n abungka1 ay umaabot sa 1,200 kinyon.


37

buwis tuwing susukatin ng opisyal 0 utusan ng asyenda, at tHa may isang pangyayaring kabaligtaran ng kalikasan, na lumalaki nang hindi nakikita ang lupa 0 isang likas na pangyayaring umiikli ang panukat ng opisyal, na sa anu't anuman ay hindi naman siya bihasa ni nag-aral ng pagsukat ng lupa, bagaman totoo siyang magdaraya. Kahit na wala ang pang-uulol na ito ay lumalaki rin ang buwis kapag sa bakuran ay may pagpapabuting ginawa ang namUIUuwisan, 0 kapag ang bakod na kawayan ay pinalitan ng bakod na bato, 0 kapag nagtayo ng bahay na tabla, kabagayan itong umiinis sa kaginhawahan at nakasasalabid sa ipagiging maganda ng bayan, sapagka't sa dahilang iyon ay hindi tuloy pinapalitan ng m.arami ang kanilang mga kubo kahit may magugugol sila. Pati mga bakurang pinagtatayuan ng mga gusaling bayan ay hindi nakaliligtas sa karangalang ito; ang buwis ng pinagtatayuan ng sabungan, na pinananagutan ng namumuwisang lalong nakaririwasa, ay itinaas ~uhat sa dating 16 na duro ay ginawang 100, gayong hindi aman lumaki kahit isang dali at wala namang pagbabagong ginawa ro n. 4. Sapagka't ang rv-ga btlkid na ang hasik na binhi'y 3 o 4 na kaban lamang, ay pinabubuwisan ng kasinlaki ng tinatamnan ng 9 0 12 at 14 na kaban, at kung hindi magbabayad ng gayon kalaki, aI\g iparurusa'y ipahayag na walang nangungupahan at ang lupa'y ipagkakaloob sa iba. Ang Asyenda'y walang anumang ginugugol sa ikabubuti ng bayan, hindi umaabuloy ni sa pagpipista, ni sa pagtuturo sa paaralan, ni sa pagpapasigla ng pagsasaka, ni sa pagpapaganda ng bayan at walang ginugugol kundi Hang kabang bigas na ipinamamahagi sa mga manggagawa kung panahon ng balang, ilang libong piso sa pagpapagawa ng padaluyang tubig na masama ang pagkakabalak at pagkakagawa so. ilalim ng pamamatnugot ng isang uldog na asendero, at ilang pagkakapangulugi gaya ng mga utang ng ilang kulang-palad no. hindi makabayad ng napakatataas na buwis. Malaki ang pagliit ng inaani para sa mga namumuwisan, sa kabila ng kanilang walang tigil na paggawa, hindi lamang noong una kuncli nang mga huling ta6ng nagdaan, gay a ng pinatotohanan ng malaking bilang ng mga magsasakang namulubi, nagkautang ng malaki, at sinamsaman ng kanilang mga ari-ari~lll.


38

1. Dahil sa panlulupaypay ng mga magsasaka sa pagkakamalas na ang kanilang mga lupang pinagpagalang patagin at bungkalin ay binabawi sa kanila kung gayon ang makahumalingan, dahil sa walang kabuluhang katuwiran, 0 nang walang anumang kadahilanan, at sa pagkakamalas na hindi sila maaaring magtiwala kahit na sa mga nagmamay-ari na rin ng asyenda. Kung minsan, ang ipinag-uutos ng uldog na asendero, na nagpapabili sa magsasaka ng mga makina, nagpapagawa ng mga pagbabagong makabubuti at dahil dito'y pumipilit sa kanilang gumugol nang malaki, ay ipinasisira ng kahalili ng uldog at ang mags as aka pa ang pinipilit bumayad sa mga gugol sa pagsira. 2. Ang kawalan ng mabuting kaloobang namamatyagan sa kanUa'y nakamamatay ng sigla nang gayon na lamang; ang mga lupa'y pinangangasiwaan at tinataya ng utusan ng asyenda, at ang utusang ito'y kasingmangmang ng lalong mangmang, at walang ibang pinagsasakitan kundi ang makalugdan ng kanyang mga ' panginoon; kung minsa'y nagtatakda siya ng buwis nang hindi man lamang sinusukat ang lupa, at k2.pag hindi na makauurong ang magsasaka sapagka't ibinuhos na roon ang kanyang puhunan, ay nagkukullwaring nagsusukat-sukat, nagtatakda llg mga pasubaling labis nang bigat, na sakaling sang-ayunan, ay muli na namang itataas sa ta6ng sumusunod, at kung hindi sangayunan ay mawawala ang lahat: lupa, pagod at puhunan. Sa kabilang dako, yaong mga nawalan ng pag-asa sapagka't ang lupang sinasaka'y natagpuang baog na, at magiging sanhi lamang ng kanilang paghihirap kaya ninanais na isauli iyon, ay hindi tinatanggap ng asyenda ang pagsasauli 0 kaya'y pinagbabalaang babawiin sa namumuwisan ang lahat ng iba pang lagay ng lupa. Nakapagpapasalagimsim ng hinala ang pangyayaring ayaw nilang itala sa katibayan ang halagang ibinabayad bilang buwis, at ang kawalang lubos ng mga tala, lalung-Ialo na ng mga kahuli-hulihang ta6ng ito. 3. Dahil sa mga sakunang bayan, gaya ng balang at pagkakamura ng halaga ng asukal. Noong marami ang hindi makabayad ng buwis, ay pinangakuan silang bababaan ito nang hindi kukulangin sa 15 bahagdan; ang pangakong ito'y tinupad sa ilan; datapuwa't sa marami ay hindi tinupad; at sa iba pa'y pawang kabaligtaran ang nangyari, sapagka't itinaas nang malaki ang kanilang buwis, 0 kaya'y


39

hiningi ang asukal na ipinagbili nila pagkatapos, at sangayon sa kanila'y sa halaga raw na lalong mababa kaysa kasalukuyang halaga noon. 4. Dahil sa kapanagutan ng mga namumuwisang nakaririwasa na siyang bumabayad ng buwis ng mga bakuran ng mga mahihirap at dahil sa baha: hindi sila pinaninindigan ng mga tubig sa gayong kagipitan. 5. Dahil sa kakulangan araw-araw ng puhunan, sapagka't said na ang bayan, ang mga lupang binubuksan taun-taon ay hindi natatamnang lahat at kung natatamnan man ay hindi naman pinakikinabangan, na anupa't nang mga huling ta6ng ito'y mapapansin ang lalong maliit na kasiglahan, lalong maliit na kasipagan kaysa noong may sampung taon nang lumipas. Sa harap ng lahat nang ito, sa pagsasamantala sa pagkakata6ng ito, ay inilalahad namin sa kaalaman ng pamahalaan ang mga sumusunod: Nakapagbigay ang bayan ng Kalamba ng mga patutoo ng pagiging masipag, at isa sa mga lalong pinakamasipag at mahilig sa pagsasaka sa mga bayan ng lalawigan, at ang patutoo nito'y ang mga gubat na nahawan, nalinis sa kaunting taon ang mga lupa sa libis ng mga bundok, ang mga makina at mga kabyawang pinakikilos ng bisig at ang kanyang mga malalawak na bukirin. Kung sa kabila ng lahat nang ito'y humihina ang pagsasaka, naghihirap at umuurong ang pagpapamulat sa bayan (noong una'y may mahigit na 20 nag-aaral at 3 kolehiyala, ngayo'y tatatlo lamang ang mga nag-aaral at iisa ang kolehiyala); ay hahanapin ba natin ang dahilan sa pagkababa lamang ng halaga ng asukal, gayong ang mga ibang bayang ang ikinabubuhay ay asukal din ay hindi nagdaranas ng kahirapang kinasasadlakan namin? Maraming mga magsasaka ang umaalis sa asyenda at tumutungo sa ibang dako, at kung hindi sila tinutularan ng iba ay sapagka't ang mga ito'y kinakapos ng puhunan 0 kaya'y llClbaba6n sa utang at malaki ang nagugugol na puhunan sa mga lupa ng asyenda. Isang malaking kapahamakang malapit mangyari ang nagbabala sa abang bayang ito, kapag hindi sinikap na pigHin ng pamahalaan ang mga kasamaang ito. Ang bayang naglalagay ng kanyang suliranin sa inyong mga kamay ay umaasa sa alinman sa dalawang ito: na magkaroon ng isang tunay na kasunduang nasa-ayos totohanan at makatuwiran, ang asyenda at ang magsasaka,


40

o ang pagbibili ng mga lupang ito sa mga taong nagsikap upang ang mga iyon ay matamnan sa ilalim ng pagkalinga ng pamahalaan at sang-ayon sa patakarang itatakda, sapagka't ang lahat ng mga hangarin at mga katibayang maaaring ilahad ng asyenda ay hindi magiging higit na mahalaga sa harap ng hukuman ng bayan kaysa mga pagtutol ng isang bayang kung tutoo mang masunurin ay nanghihinawa na naman sa gayong napakaraming pang-aapi.-Kalamba, ika8 ng Enero, 1888. Sapagka't ang patalastas ay ginawa sa Tribunal at tangi sa rito'y nilagdaan ng tatlong opisyal ng asyenda na rin, ay nakarating ito sa pandinig ng uldog na tagapangasiwa ng mga Kagalang-galang na Paring Dominiko. Ito'y ikinagalit niya at pinagbalaan ang maraming namumuwisan na lalo pang tataasan sila ng kanilang buwis, sakaling dahil sa patalastas na ito'y singilin ng Pangasiwaan ng mga Buwis ang ikasampung bahaging ukol sa bukid, alinsunod sa bilang ng mga buwis. Ang iba naman ay pinagbalaang babawian ng kani-kanilang lupa. Ang Gobernadorsilyo'y binalaang papananagutin sa anumang panloloob 0 pagnanakaw na maaaring gawin, sa haharapin, sa asyenda, gayong sa bagay na ito'y wala silang sukat idaing sa bayan; kahit na lmtiting ay hindi sila makadaraing, manapa'y ang bayan ang maraming maidaraing. Ang mga opisyal ng Asyenda ay nagsasabi na sapagka't iniulat ang katotohanan sa patalastas na ito, ay kakaladkad ang bayan ng mga tanikala sapagka't ang korporasyon ay mayaman at binabalak nitong gumugol ng sampung libong piso sa usapin upang maipagtagumpay. Sa wakas ay ipinakita ang isang sipi, umano, ng isang sulat ng tagapaningil na nagbabala sa mga namumuwisang nagsaysay sang-ayon sa tunay na pangyayari at hindi sang-ayon sa mga hangarin ng asyenda. Ang gayong mga pagbabala, hagaman tila walang kadahi-dahilan at tutoong kahina-hinala, ay hindi nakatigatig sa katahimikan ng bayang ito, sapagka't siya'y nananalig sa katarungan ng kanyang usapin at sa katuwiran ng pamahalaan, na siyang nag-udyok ng paglalabang ito noong hingin niyang isiwalat ang katotohanan. Datapuwa't hindi pa nalalaunang tila ibig isagawa ang mga pagbabalang ito, sapagka't tinangkang samsaman ng kani-kanilang lupa ang ilang namumuwisan, pigilin ang kanilang paggawa sa pamamagitan ng lakas, at maraming iba pa.


41

Sa harap ng ganitong mga hangaring sinsay sa matuwid, ay nabagabag silang pasaklolo sa Pamahalaan ng bansa upang humingi ng madalian at tuwirang pamamagitan nito, at nang maagapan ang hindi matatayang mga kasamaan. Ang mga taong bayan ay hindi na mangyayaring makipamuhay nang payapa sa asyenda; nalalagay sila sa isang mahirap na kagipitang pumili ng alin sa dalawa: magsinungaling sa Pamahalaan upang huwag mamatay 0 alisan ng kanilang lupa dahil sa marangal na pagtupad sa kanilang tungkulin; sa kalagayang itong tutoong kakatwa, ay hinihiling ng bayan ang paghihiwalay ng kanyang kapakanan, na anu pa't ipagbili 0 ipagkaloob ang mga lupang ito sa mga taong nagpagod upang ang mga iyon ay matamnan, nagluwal sa mga lupang iyon ng kanilang puhunan, paggawa at mga pagpapagal. Ang kapasyahang ito'y hindi lamang siyang hinihingi ng mabuting ngalan ng Pamahalaan, ng kapurihan at karangalan ng mga namamahala, at ng mabuting pakikipagpalagayan n . mga ito sa kanilang mga nasasakupan, kundi nababatay ri'n naman sa mga sumusunod na pagsasa路 alang-alang: 1. Walang pagsalang masisira ang magandang kaugalian ng bayan, na napapagitna sa mga kapakanang sa wari'y nagkakasalungatan, na dili iba kundi ang mga kqpakanan ng asyenda at ng sa Pangasiwaan ng mga Buwis, kapag sa paglalabang ito, na nagsimula dahil sa paghingi ng Pamahalaan ng katotohanan, ay kanyang namalas na ang naging bunga ng pagsasabi ng katotohanan ay ang pag-ani ng gutom, paggambala at karalitaan. Ito'y makapipinsala hindi lamang sa bayan, kundi sa Pamahalaan din naman, sa pagpapahalaga sa kanya ng mga mamamayan, na sa kanilang kagipitan ay maaaring umisip ng isang libong nakamumuhi't nakalulungkot na mga pala-palagay. 2. Ang mga patakarang pabagu-bago, ang mga kasunduang ang asyenda lamang ang tanging nakikinabang, at ang kawalan ng kapanatagang kinalalagyan ng namumuwisan, ay hindi nagpapahintulot sa kanya ng pagtatanim ng ibang mga halamang lalong pakikinabangan at iba pa, sapagka't bago mamulaklak ang itinanim ay maaaring alisin sa kanya ang lupa at ipagkaloob sa iba. 3. Ang hindi kulang sa lupit na mga pasubaling iniaatang sa mga bakuran ay nakaiinis sa ikagiginhawa ng bayan


42

hinggil sa ipagiging marikit nito at sa mga kaparaanang ikauunlad niya bilang isang bayan. 4. Kung gay a ng sinasabi, at maaaring mapag-ala"m an ng pamahalaan ang katotohanan nito, na ang binayaran lamang ng asyenda na ikasampung bahaging pambukid ay iyon lamang mga lupang may patubig, ay mapaghuhulong ang mga ito lamang ang bumubuo, ayon sa batas, ng kanilang asyenda, at ang mga lupang walang patubig na binubuwisan nang napakataas ng bayan ay hindi nasasakop ng asyenda. Sa katunayan, Si Ginoong Asanza, na sinasabing siyang nagkaloob ng asyendang ito sa korporasyon dahil sa mga utang niya, ay hindi maaaring siyang magmay-ari ng huong bayan sapagka't hindi niya nabili ito kahit kanino, ni hindi nilinis, ni hindi pinatag. 5. Ang mga mamamayan sa Kalamba ay siyang gumawa nang mga huling ta6ng ito, salamat sa kanilang pagsisikap, salapi't pagpapa&al, upang matpmanan at mapag-anihan ang mga lupang ito, at walang anumang itinulong ang asyenda lib an sa pagtupacl 0 pagbabaon sa kahir apan sa gayo't ganitong magsasaka 6. Lubhang malaki ang pagnanais ng bayan na pabutihin at pagandahin ang mga lupang binubungkal nila, kung natitiyak nilang maipamamana sa kanilang mga anak ang bunga ng kanilang pagsusumakit. Ang kasalukuyang kalagayan ay umiinis sa pagnanais na ito at nakamamatay sa pagsasaka sa bayang ito, na isa sa lalong masipag sa lalawigan, sapagka't kumikitil sa sigla, nagpapahirap at naghahadlang ng libu-libong salabid sa mamumuhunan. Napakarami pang ibang pagsasaalang-alang na ipinauubaya ng bayan sa maliwanag na pag-unawa ng mga namamahala na may kaugaliang ilagay ang kanilang mga pangangailangan. Ang bayan ay nagtiis sa mahabang panahoh, nang labis-labis at hindi dumaraing, hindi nagtataas ng kanyang tinig; ngayong siya'y nagdarahop, hapUng-hapo na, nasasadlak sa isang mahaba't kasindak-sindak na panganib ay nakakabalita siyang ang mga Pamahalaan ng ibang bansa ay tumatangkilik sa pagsasaka at sa pangangalakal ng kanikanilang bayan kahit ang gayo'y paggugulan ng malaking pagpapakasakit at ng mga kaparaanang makabayani, at kaya napatatangkilik naman sa kanyang Pamahalaan, na mulat at puna ng pagtinging makaama, sa isang Pamahalaang gaya ng kanyang pinangangarap at ninanais sa kanyang kara-


43

litaan. Bagaman napatatangkilik siya sa kanyang pamahalaan, ay hindi naman siya humihingi ng abuloy 0 ng mga tanging karapatan, ni ng mga pagpapakasakit; ang tanging hinihingi niya'y ang liwanag, katarungan at katuwirang nararapat sa kanya, bilang sangkap ng isang bansang kilala sa kanyang pagkamakatarungan at marangal na katangian. Nilagdaan ng mahigit sa 70 tao.

*

*

*


ANG MARKES NG MALINTA, SA BIYAYA NG DIYOS AT NG KANYANG MAYBAHAY, ANG MARKESA NG MGA LOTERYA AT SULTAN NG PILIPINAS AT MARAMING IBA PA.* Ipinagbibigay-alam ko: na sapagka't sapul nang aking pamahalaan ang kapuluang pilipino noong ika-4 ng Hunyong nakaraan ay matibay ko nang pinaniwalaang lugami ang kanyang kalagayan, at sapagka't kailangang-kailangan, sa anumang paraan, na gamitin ng isang mabisang lunas; KAYA NGA, alang-alang sa mahigpit na pangangailangan anumang paraan, na gamitan ng isang mabisang lunas; upang pabutihin ang pagsasamantala sa kapuluang ito; ay AKING INIAATAS AT IPINAG-UUTOS:

1. Na magtatag:o.g mga bahay ng chapdiki, na bawa't isa'y bubuwis ng maliit na halagang 150 piso araw-araw. 2. Lubos na ipinagbabawal ang magsalita ng anuman tungkol sa kabutihan ng kautusang itong pantas at makaama. 3. Sapagka't ang mga kumbento ng mga prayle ay isang mina para sa isang taong hindi nag-aagam-aga,m at marunong magsamantala, ay ipinagbabawal sa panahong kasalukuyan at habang umaapaw ang kanilang kayamanan na salakayin sa anumang paraan ang mga kumbentong ito na sa ngayon, ay isang bagay na itinatag ng Diyos. Ang tanging ipinahihintulot ay ang pagsasalita ng mga papuri at walang hanggang pagpaparangal sa mga prayle; at sino mang sumuway 0 magtangkang sumuway sa kautusang ito, maging sa gawa, maging sa salita, 째 maging sa pag-iisip ay parurusahan ng mga parusang natatakda sa mga nagtataksil sa inang bayan. '~ Ito'y isang lathalaing mapanudyo't mapangutya ni Dr. Jose Rizal tungkol sa ipinalalagay na Markes ng Malinta at ng kanyang Ginang na Markesa ng mga Loterya. Ang panunuya niya'y maliwanag na iniuukol sa mga prayle, na sinasabing may mina sa kanilang kumbento at itinuturing silang mga maladiyos. Pati ang pangalan ng Agustinong si P. Salvador Font, ay ginawang Salvadorcito Filont, Kalihim ng Markes ng Malinta.

44


45

4. Ang mga bilyete ng loterya ay hindi maaaring ipagbili sa halagang natatakda, at ang pangangasiwa at pagsasamantala ng bagay na ito'y nasa-ilalim ng pagpapasiya at itinatalaga lamang para sa kapakinabangan ng AKING KADAKIDAKILANG MAYBAHAY, GINANG MARKESA NG MGA LOTERYA. 5. Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga tadhanang ito ay aking iniaatang sa tanang MANGINGIKIL' na napapailalim sa aking kapangyarihan, at sa mga iyo'y itinatagubiling pataliming mabuti ang kanilang kikil; at gayon din sa tagasuri ng mga ipinalilimbag, ay itinatagubiling huwag bibitiwan ang pulang lapis na siyang tagapagligtas ng relihiyon at ng lalong matataas na kapakanan ng daigdig na ito. Inilagda sa aking Palasyo ng Malinta at nilagdaan n g aking Reberendong Kalihim, ika-30 ng Nobyembre ng 1888. ANG MARKES NG MALINTA, Sa utos ng Kanyang Kadakilaan, Ang Kalihim

PRAYL *

*

SALVADORF~ONT :j:


MA-YI Upang matiyak kung alin ang pulong ito sa Pilipinas, ay bahagya lamang ang maitutulong ng pinaghanguan ng salita sapagka't mara,m i sa mga ngalan ng mga bayang pilipino ang nabago nang gayon na lamang, na kahit na tanggapin ang lah~t ng pagbabagu-bago ng bigkas na maaaring naipasok ng panahon, ng paggamit at ng masamang pagbigkas ng mga Insik, ay maghihirap pa rin tayo sa pagsasabi nang tiyakan kung alin ang Ma-yi, kung ito'y isang Pulo 0 isang pook lamang. Gayunman, ipalagay nang ang mga may-akda ng mga sulat-kamay, 0 ang mga mangangalakal na nagbigay ng mga balitang ito ay nanunton sa kanilang pagsasaysay sa pagkakasunud-sunod ng mga lupain sang-ayon sa kalayuan ng mga ito sa Tsin~, na siyang bayan nila, gaya ng karaniwang ginagawa ng lahat ng tao, ay makasusumpong tayo ng isang paliwanag sa mga pangungusap na sumusunod: Saka dadalhin ng mga tagapaglakong taong bundok ang mga panindang ito s ibang mga pulo upang ipagpalit at sila'y maaaring tumagal "nang walo 0 siyam na buwan" dahil sa naparoroon sila sa malalayong pulo, marahil, gaya ng Sebu, Panay, at iba pa at hanggang sa Mindanaw. Dahil dito'y inaakala ko, tulad din ni Propesor Blumentritt, na ang Ma-yi ay maaaring siya na ngang Luson, 0 marahil ay isang bahagi nito, na kung hindi man ang Maynila, ay di malayong tinitirhan ng mga Tagalog. Bagaman ang mga pulong Babuyanes (sa tagalog ay Babuyan) ay natatagpuan sa Hilaga ng Luson at lalong malapit sa Tsina, hindi kami naniniwalang ang mga ito'y nauukol sa Pai-pu-yen, sapagka't ang mga pulong ito'y napakaliliit at babahagya ang halaga, at hindi nakagawian ng mga Insik ang tumigil sa mga bayang maliliit kapag may lalong malalaking maaaring pakipagkalakalan. Gayunman, hindi naman masasabing hindi mangyayaring maging iyon nga. Dahil dito'y lalo kaming nahihilig sa pagpapakahulugan na ang Pai-pu-yen ay siyang pulo ng Leyte, sapagka't ang mga baybaying kanluran nito, na siyang lalong madalas paroonan, ay angkop na angkop sa tawag na Baybay, gaya ng napansin ni 46


47路

Propesor Blumentritt, at sapagka't natatagpuan sa timog ng Samal na sa wari'y kasamang bumubuo ng isang pulo lamang, at kapuwa malapit sa Luson. Ang Pu-li-lu ay ipinalalagay naming Bohol, sapagka't aakalain nga ng mga Insik na mga taong may kaugaliang malulupit ang mga mandirigmang taga-Bohol, na hangga ngayo'y nangagpapalagay na sila'y matatapang. Tangi sa rito, ang kinaroroonan .ng pulong ito'y nakapagpapaalinlangan sa manunulat na Insik kung dapat ipasaklaw sa San-hsii 0 sa lip on ng Ma-yi, sapagka't ang Bohol ay nasa pagitan ng Leyte, Sebu, at Mindanaw. Ang Li-yin-tung, Lin-hsin, at Li-han ay Linggayen marahil; Mindoro, sapagka't hindi sinasabi ng manunulat ang mga salitang ang mga kasunod na pulo, kundi mga 'Pook; ang kaugnayan ng mga dakong ito a Ma-yi (na kanilang kinauukulan) ay dapat pakahuluganan marahil, na parang isang bagay na nasasaklaw nito, alang-alang sa pangangalakal, parang mga lupang napapaloob sa isang pur ok na pinangangalakalan, bagaman ang paliwanag sa Pu-li-lu (na sinasabing kanugnog ng San-hsii) ay tila nagpapahiwatig na lalong dapat tawaging kalipunang politiko kaysa taal na prinsipadong nasa ilalim ng Ma-yi, na sa nilakad-Iakad ng panahon ay humiwalay, nang dumating ang malaking pagkakabaha-bahagi ng imperyo ng Ma-yi. N ararapat itanong, upang maturol ang Li-yin-tung, Lin-hsin at Li-han, kung ang mga ngalang ito'y may kahulugan sa wikang insik, at sa kahulugan ay hinuhaing parang paghula lamang ang kanilang kinauukulan sa kalagayan ng kapuluang Pilipinas. Gayunman, nang isa-isahin ang mga bayang nauukol sa Ma-yi ang manunulat ay nagsimula sa San-hsii at nagtapos sa tatlong ito; anong pagkakasunod-sunod ang tinunton dito ng may-akda? Ang mga iyon ba'y inihalayhay niya sangayon sa kanilang kalakhan, 0 sa kalayuan sa M a-yi 0 sa Tsina? 0 sang-ayon kaya sa kanilang kahalagahan sa pangangalakal? Kung sang-ayon sa kalakhan, ang Li-yintung, Lin-hsin, at Li-han ay nararapat na maging maliit na pulo; kung alinsunod naman sa kalayuan, ay nararapat 路silang matagpuan sa dakong kinaroroonan ng Masbate, Burias, 0 sa Sebu, Negros at iba pa. Kung dahil sa mga tunay na perlas na sinasabi ng manunulat, nararapat alaming ang perIas ay nasisisid, hindi lamang sa Holo kundi sa Batangan man (sa San Juan, halimbawa).


48 SAN-HSII

May palagay kaming ang ngalang ito ay hindi nararapat pakahuluganang tatlong pulo, walang labis at walang kulang, manapa'y tatlong lipon ng mga pulo, at bawa't isa sa mga ito'y binubuo ng isang pulong malaki at ibang maliliit, at ang mga ito, marahil, ay ang lip on ng Mindanaw, ang lipon ng Sebu-Negros-Panay, at ang lipon ng Palawan (Paragua) . Sa Silangan ay may isang hilig sa paggawa ng lipon ng tatlo, sa pagbuo ng mga trinidad (katluhan) at iba pa, kahit sa mga bagay na hindi talagang tatlo. (Ang mga Persona ay tatlo, bagaman ang Diyos ay iisa; si Kristo'y muling nabuhay sa ikatlong araw; ang tatlong Haring Mago, at iba pa.) Dahil dito, ang Kamagen ay siyang Mindanaw marahil 0 sa lalong tumpak na sabi'y ang lipong Mindanaw, at kaipala'y tinawag na gayon dahil sa bulkang-pulo ng Kamiging na kanugnog niyoh. Ang bulk an ay siyang lalong nakatatawag ng pansin. Ang Pa-lao-yu ay siyang Palawan marahil, ngalang datirati'y siyang Pa'ragua (Palaoan, ayon kay Pigafetta). Nalalabi pa ang Pa-chi-neng. Nararapat ba nating pakahuluganan ito ng lipon ng HolO 0 lipon ng Sebu-Negros-atPanay? Kung ang nauna, na siyang lalong malapit na pagpapakahulugan sa Sebu, Negros at Panay ay maaari nating ibigay, kung gayon, ang mga ngalan ng Li-yin-tung, Lin-Hsin, at Li-han, mga ngalang tila may pagkakahawig, gaya ng pagkakahawig ng mga wikang sinasalita sa Sebu, Negros, at Panay. Datapuwa't kung gayon ang gagawing pagpapakahulugan, ay mawawalan ng halaga ang lip on ng Hol6 kapag pangangalakal ang pagbabatayan, sapagka't maaalis sa kanya ang pangangalakal ng mga perlas, bagaman sa politika'y may malaking halaga siya; kung ang ikalawang pagpapakahulugan naman ang panghahawakan ay pagwawatak-watakin natin ang lipon ng Pilipinas 0 ang kaharian ng Ma-yi sa paghihiwalay ng Panay-N egros, at Sebu, tila kakatnig ng Luson na bumubuo ng isang Kapuluan. Sa Wakas: May pinagbabatayang matuwid upang akalaing ang Ma-yi ay nararapat maging Luson kaya'y nasa pulo ng Luson, ang dako ng lupaing itong lalong malapit sa Tsina, at ipalagay na lalong malalayo ang San-hsii at Pu-li-Iu. Ang pansin ng may-akda sa hilaga ng Poni (Bruni) ay hindi nararapat pakahuluganang ang mga sa-


49

sakyang dagat na tsampan ay nagbubuhat sa Timog at dumaraan sa Borneo upang rnakarating sa Ma-yi, kundi sa dahilang ang Borneo ay lalong kilala marahil at lalong nauna sa pakikitungo sa Tsina, 0 sanhi marahil sa lalong malaking kahalagahan niya, kaya siyang ginagamit na batayan ng pagtuturo ng dakong kinaroroonan ng mga pulo, (gaya ng ginagawa natin kung ninanais ipaliwanag sa mga kababayan ang mga dakong kinaroroonan ng mga bansa sa Europa, na ang gina gam it na batayan ay ang Espanya) . Walang pag-aalinlangang ang mga paZiguy-ligoy na liko ng isang ilug-ilugang tinitirhan ng libu-libong mag-aanak ay nakapagpapahinala sa ating ang tinutukoy ay ang Maynila 0 ang look nito; marahil ay ang ilog Pasig hanggang sa Lawa ng Bay; ang katamisan ng ugali. ng mga tagalog, na natagpuan ng mga unang Kastila, na malaki ang kaibhan sa mga kaugalian ng ibang lalawigan ng lipi ring iyon at maging sa Luson na rin, ay malamang na bunga ng Budismo (may mga larawan ni Budha na yari :sa tan so ); ang pinagbuhatan ng mga iyon, na hind' ang 'l'sinl1!, ay nakapagpapahinala sa Indiya, sapagka't ang Tagalog ay' siyang wikang nag-ingat ng lalong maraming alitang sansl rito. Ang manunulat na insik ay bumabanggit ng isang pook ng mandarin/ sapagka't marahil ay nakamalas siya ng kaunting pagkakamulat sa mga naninirahan sa M a-yi lna hindi malaki ang kababaan sa Tsina, at ang kalagayang i)to'y maipagtatanggol na mabuti; dahil dito, ang mga tuli.san ay bihirang parito sa lupaing ito. Ang mga mabibigat na pal"USang dati'y iniaatang ng mga Tagalog sa mga magnanakclw at ang mga kaparaanang matatalino't malulupit na tinataglay nila upang matuklas ang .m ga iyon, ay siyang naging sanhi ng puna ng manunulat na "kahit na sa simula'y hindi pa nila nakikilala ang 1nga 1 Ang talang ito sa isang kodigong insik ay sinulat ni Rizal sa tulong ni Dr. A. B. Meyer at ng Propesor Fernando Blumentritt. Ang suI at-

kamay na isinalin sa wikang aleman ni Dr. Hirth at nalathala sa Globus nang Setyembre ng 1889, ay sinulat ni Chao-Ju-Kua, isang heograpong insik nang dantaong XIII. Ang snlat-kamay na insik na ito ay dumating sa kaalaman ni Rizal noon siya'y nakikipag-usap sa isang kasakay sa bapor nang siya'y naglalakbay na buhat sa Hap6n patungong Amerika, at nang sulatin niya ang kanyang lathal ning "Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino" noong 1890, ay ginamit niya ang maraming tala rU Chao-Ju-Kua, sa paniniwala niyang ang kapuluang ito'y tinatawag na Ma-yi ng mga insik. 006700- 4


50

tao .... ay walang mawawala, at yamang nalalaman natin, sang-ayon sa sabi ng mga :Kastila na ang mga tagapaglako sa Luson ay umaabot hanggamg sa Sebu, Panay, at iba pang pulo, ay naniniwala kami, gay-on din si Propesor Blumentritt, na ang M a-yi ay Luson, Pai-pu-yen ay Leyte, Kamagen ay Mindanaw, Pa-Iao-yu ay Palawan, at inaakala naming ang Pu-i\i-lu ay nangangahulugan ng Bohol; nalalabi pa upang lutasin at tiyakin ang Pa-chi-neng, Li-yin-tung, Lin-hsin at Li-hnn. JOSE RIZAL LONDRES,

Disyembre, 1888.


PAGPURI KAY BLUMENTRITT

*

Sa dantaong ito, na tinataguriang dantaon ng positivismo) ay nakamamanghang makatagpo ng isang bihirang pangyayari ng kawalan ng pag-iimhot, ng kusang pagpapakahirap na walang kahalu-halong hangad na makinabang, at kahit isukal ng loob ng mga walang pinahahalagahan kundi ang sariling kapakanan, ng mga taong ang simulaing sinusunod ay do ut des) alalaong baga'y "nagbibigay ako upang ako naman ay bigyan" ay tap at naming sasabihing ang gayong pagkakatuklas ay nakahahalina't nakalulugod sa amino Si Ginoong Blumentritt, bilang mananalaysay ng Pilipinas, ay nabibilang sa mga bihirang nag-aangkin ng katangiang ito. May ilang sumusulat ng kasaysayan na ang layuni'y itaas 0 amu-amuin ang diwa ng kanyang bansa, paliitin 0 pababain ang sa mga kaaway; ang iba naman ay upang panindigan ang mga kuru-kurong nauukol sa politika, pananarnpalataya 0 sa mga haka-hake, sa pamamagitan ng mga pangyayaring hfuahango sa b.akaraan, at ang mga ito'y binihigyan nila ng hugis at pinupungusan sang-ayon sa nahabagay sa kanilang hangarin; at ang iba nama'y . . . a! lalo pang mabuting huwag nang banggitin ang kanilang mga pakay at balak. Ang ating mananalaysay ay taga-ibang lupa, at sumusulat siya tungkol sa isang bansang kailanma'y hindi naghangad na maipailalim sa kanyang korona ang gasgas na Perlas ng Dulong Silangan. Sa pag-aaral niyon ay itinalaga ang kanyang sarili sapul sa pagbibinata, angkin ang katigasan ng ulo ng isang Austriako, walang katulong, walang ibang pampasigla maliban sa kanyang pagmamahal at pagnanasa, walang ibang * lto'y pangalawang lathalaing sinulat ni Rizal tungkol kay BIUlnentritt. Ang una'y pinamagatang "Ang mananalaysay ng Pilipinas na si G. Fernando Blum:entritt", na nalathala sa pahayagang "Espana en Filipinas" noong Hulyo, 1887. Ang ikalawang artikulong ito'y maaaring sinulat ni Rizal sa Lonw'es nang 1889 nang ipinipilit nitong sumulat si BhUnentritt ng isllng Kasaysayan ng Pilipinas.

51


52

inaasahan kundi, marahil, ang walang lakas na pagpapasalamat ng isang bansang binulag at pinipi. At hindi nararapat limuting upang maisagawa ang kanyang mga pagdaral ay kinakailangang mag-aral muna siya ng kastila, tagalog at iba pang wika, gaya ng Ingles at olandes. Ang Praga, ang matanda't maalamat na Praga, ang lunsod ng sandaang matataas na torre, ay siyang sinilangan niya; sa dalampasigan ng Meldan 1 ay doon una-unang napamalas sa kanya marahil, ang Diwata ng Dulong Silangan, na natatalukbungan halos ng balabal na luntian, nagsasabog ng mga perlas at naliligo sa liwanag ng bukang-liwayway. Paano nakapangahas ang mayuming aninong iyon na tumahan sa kanyang dili-dili sa gitna ng kaingayan ng Kneipe,2 at sa gitna ng mga biglang pagbabagu-bago ng Mensur? 3 Paanong nasaklaw ng abang Pilipinas, na siyang ginintuan niyang pangarap na tinataguriang mein galdener Traum, ang tanang kakayahan ng kahangahangang kaloobang iyon, at ang tanang liwanag ng katangitanging pag-iisip niya? Narinig namin sa isang matalik na kaibigan niya, na sapagka't siya'y apo sa tuhod ng isang nunong kastilang amerikano, ang kinawilihan niyang babasahin noong kabataan niya'y ang mga paglalakbay ni Colon; pagkatapos ay kinawilihan niya ang sa kay Magallanes at nag-iwan ng malalim na bakas sa kanyang isip ang Kapuluang Pilipinas. Ipinalalagay ng iba na ang pinagmulan niyon ay ang pagkakapag-aral ng kasaysayan ng Espanya, at iba pa; datapuwa't kahit ana ang naging dahilan, ay sapat nang mabatid natin na ang kanyang hinaharap nang buong pagmamahal at kataimtiman ay isang bayang hindi lamang pinagsasabihan niya ng mapapait na katotohanan, kundi hindi rin naman niya pinaglilingiran ng mga katotohanang nakalulugod, katangian itong dahll sa hihira ay nararapat purihin nang gayon na lamang. Ang pagmamahal na ito sa isang malayong bayan sa Dulong Silangan ay siyang humikayat sa kanyang dumalaw sa araw-araw sa Tanghalan sa Viena, sa mga Insik at mga Hapon, na kinakausap niya sa lahat ng oras, at binubuo sa kanyang dili-dili ang pagmumukha ng mga pilipino. Kung 1 Ito'y isang ilog sa Tsekoeslobakya. "Isang salitang aleman. Pista ng serbesa na idinaraos ng mga unibersidad na aleman. 3 Isang salitang aleman, na ang ibig sabihin ay larangan ng larong aluis o eskrima.


53 ang pagpapalipat-lipat ng mga kaluluwa'y isang katotohanang kinikilala ay masasabi naming ang nagbibigay buhay sa kanyang pagkatao ay ang kaluluwa ng isa sa mga sinaunang pilipino, na tikis na nilimot ng kasaysayan, bagaman ang alaala nila'y buong ingat na pinapananatili ng bayan. Hindi namin hangad na sulatin ang kanyang talambuhay, hindi namin siya tatalakayin bilang isang tao, ni kaibigan, ni propesor, ni mamamayan, ni maligayang ama ng isang angkan; at ni hindi ito ipinahihintulot ng lawig ng isang lathalain, ni hindi ito ang lUlli:lng nararapat pagsaysayan niyon; bukod sa rito'y may mga hiyas na hindi nararapat salangin at mga kabaitang hindi dapat lapastanganin: ang mga ito'y hinahangaan 0 tinutulw'an, kung magagawa. Si Ginoong Blumentritt, marahil, ay siyang kauna-unahang mananalaysay ng Pilipinas ng dantaong ito, na hindi nasisiyahan sa pagsipi lamang sa sinasabi ng iba; tutoo ngang hindi niya nakita kailanman ang bayang iyon, ni hindi siya nakalabas kailanman sa kanyang bayang tinubuan, datapuwa't nabasa niya ang tanang sinulat tungkol sa bayang iyon, napag-aralan Iiliya, nasuri, naipailalim nang gayon na lamang sa panunuring lalong mahigpit at walang kinikilingan, at sa tulong ng pag-aaral at malalim na pagkakaunawa ay masasabi naming napalitaw niya sa kanyang harap ang buhay na larawan ng bayang hindi niya inaakalang masisilayan ng mata balang araw. Ang aklatan niya'y puna ng mga akda tungkol sa Pilipinas; sa hapag niya'y patung-patong ang mga maninipis na aklat at mga alaala; ang mga taguan niya ng mga sulat ay puna ng mga ginupit na bahagi ng mga pahayagan; sa lahat ng sulok ng kanyang tanggapan ay makakatagpo ng mga mapang nakalulon, at pati ng mga anak niya'y pagaril at kakaiba ang ngalan . Isa sa kanyang mga anak, isang babae ay may pangalang kastila (Dolores) . Buong kasipagang nakiltipagsulatan siya sa mga kastila't mga pilipino na buong malasakit na nag-uukol ng panahon sa bayan. Ang maraming maninipis na aklat na sinulat ni Ginoong Blumentritt ay may malaking kapangyarihan sa lahat, sapagka't ang mga iyo'y hindi iniatas ng diwang panglapian, ni hindi sinusulat dahil sa layuning pulitiko. Hindi kailanman magiging kaaway ng Espanya ang Austriya, hindi ito mapanakop ng ibang lupa, ni hindi nagbabalak magsamantala sa kayamanang masasamsam sa Kapuluan.


54

Bagaman ang may-akda ay isang mabuting Kat6lik6 at tumatalima sa Simbahang Romano" ay hindi niya pinagkakamalan ang dapat sampalatayanan sa bulag na pananampalataya, ang tao sa Diyos, ni hindi inaakalang tunay na katotohanang galing sa Diyos ang tanang ipinakikilalang may tatak ng pagawaang pinagbuhatan. Ni ang pag-asa sa mabuting ibubunga, ni ang kawalan ng pag-asa ang sa kanya1y nagpapasigla; hindi niya dinarakila ang ilan upang hamakin ang iba; manapa'y lagi niyang ipinalalagay na ang kabutihan ng Pilipinas ay nasa pakikiisa sa Espanya, at ang kaluwalhatian nito'y nasa marami't matitinong pagbabagong makakalayaan. Hindi siya surnusulat sa paghahangad ng mga gantimpalang krus 0 tungkulin 0 kaya'y upang mahirang na manungkulan sa Sanggunian; nalalaman niyang para sa bagay na ito'y hindi siya nababagay pagka't hindi siya sapat na makakastila, at hindi siya nangangarap ng mga kaluwalhatian, sapagka't nananalig siyang sa mga halamanan ng Pilipinas ay hindi tumutubo para sa ilang tao ni ang mirto ni ang laurel. Mahinahong-mahinahon siya sa kanyang mga pasiya, hindi niya pinalalaganap sa lahat ang mangisa-ngisang pangyayari, ni hindi niya iniuukol sa buong lahi ang dapat iukol sa i::;ang tao, at kapag siya'y pumupuna, ay ginagawa niya ito nang buong pagpipitagan, ginagawa pang banayad ang mga iyon, kung maaari, sa sinumang kinauukulan, sanhi sa mga kadahilanang nap akadaling malaman. Marahil ay napapansin ng ilan na sa mga sinulat niya ay may isang malaking kapintasan at ito'y ang bahagyang pagkamakiling sa mga naninirahan sa bansa, at hindi sila ipinalalagay na parang tao 0 parang hayop, datapuwa't maaaring iyo'y ipagpaumanhin sa kanya alang-alang sa ibang magagandang katangiang tinataglay niya, at ang mga ito'y ang sumusunod: isang matatag na kaalaman l isang mabuting pinag-aralan, bukod pa sa siya'y isang pantas na etnograpo. Marami siyang inilathala at inilalathalang mga akda, mga lathalain sa mga pahayagang makaagham, mga talasalitaan, mga mapa at iba pa. Isinalin sa kastila ang ilan sa mga akdang ito at pinuri ng lahat ng naghahangad ng kabutihan ng bansa.

*

'"

".

.',

JOSE RIZAL


TUNGKOL SA TALAWISI NI YBN BATUTA * Ginoong Doktor A. B. Meyer Pinakadakilang Ginoo: Sa pagsagot sa inyong roagiliw na sulat ng ika-12 ng Disyembre ng taong nagdaan, na naghigay karangalan sa akin sa pagtatanong ninyo ng aking palagay tungkol sa kung ang Talawisi ay maaaring pakahuluganan ng Pilipinas 0 ng isang bahagi ng Pilipinas, matapos na mapag-aralan ko ang paksa, ay ikinararangal kong ipahayag sa inyo ang mga sumusunod: I. Na sa pagkakasalin ng mga ulat na sinulat ni Lee, Yule at Sanguinetti, ay minamabuti kong lalo ang sa nahuhuli: Walang pag-aalinlangang aug kay Lee, na itinaguhilin ninyo sa akin, ay mahutt para sa mga nakaaalam ng wikang arabe, sa dahilang ang m'ga kamalian sa ulat, ayon sa sabi, ay naitumpak ng maramil'\.g paliwanag na nakapagpayaman niyon, datapuwa't sa kasawlang palad, ang kaalaman ko sa wikang arabe ay napakaliit. Tila isang halaw lamang, at nagialaman, sa palagay ko, ng ilang pagkakasalungatan at mga kamaliang napagkikilala kapag itinulad sa mga sinulat ni Yule at Sanguinetti. Sipasabi niya, halimbawa, na ang hari'y nagngangalang Tawalisi (at sa hagay na ito'y sumangayon ang iba), datapuwa't pagkatapos ay tinatawag siyang Wahi Arduja, pangalang siyang iniuukol nina Yule at Sanguinetti sa anak na babae, nguni't hindi sa hari. Tinatawag pagkatapos na Tiatiu ang pook at buhat dito hanggang 1

~:- Ang sulat-karnay na pinagsasaysayan ni Ybn Batuta ng kanyang paglalakbay sa Silanganan sapul ng taong 1325-1354 ay sinulat sa w ikang arabe ng KalUrim Pampanitikan ng Sultan ng Fez, sa utos nito, at inihulag sa ingles, pranses at kastila nang kapanahunan ni Rizal. Sapagka't si Rizal ay bantog na sa Hang pantas sa Europa, lalung-lalo na sa Alemanya, ay hiningan siya ng kuru-kuro tungkol sa pook na ito, na tinawag na Tawalisi ni Ybn Batuta. Ang kuru-kuro ni Rizal ay ipinalagay ni Dr. A. B. Meyer, Patnugot ng Museu Antropologico y Etnografic0 sa DresJen at pangulo ng sarnahang Antropologica at Etnografica sa Berlin, na karapatdapat tanggapin gaya ng nasasaad sa sulat na itong ipinadala kay Dr. Meyer. 55


56 Cantor ay kinakailangan ang pitong araw (after a voyage of seven days) datapuwa't sang-ayon kina Yule at Sanguinetti ay labimpitong araw ang kinakailangan, bagay na siyang lalong malamang mangyari gaya ng mamamalas natin sa dakong huli.-Ang salin ni Yule, bagaman lalong mahaba at lalong maulat kaysa kay Lee, ay hindi naman gaanong gay a ng kay Sanguinetti, at sa ilang bahagi'y parang isang salin nitong huli. Dahil dito, sa kawalan ng pagkakaiba sa salin ni Sanguinetti, ay minamabuti naming lalo itong huH, sapagka't siyang lalong malawak at maulat, bagaman walang paliwanag na gaya ng kay Yule. II. Hindi namin maaaring matanggap ang palagay ni Yule na naghihinalang ang Tawalisi ay maaaring maukol sa heograpiya ni Kapitan Gulliver. Bagaman pinag-aalinlanganan namin ang katumpakan ng ilang ulat ni Ybn Batuta, gayunma'y pinaniniwalaan namin ang paglalakbay sa Tawalisi; may mga ulat na ang katunayan lamang ng mga pangyayari ang siyang tangi g maaaring nakapagbigay, mga ulat na hindi maaaring maging gawa-gawa lamang, gaya ng pagpapalit ng pamahalaan sa Kailucary, na noong una'y pinalalakad ng anak na lalaki ng hari at iba pa. Bukod sa rito, ana ang mahihita ni Ybn Batuta at siya'y magbubulaan? Sa paglalakbay na ito'y wala siyang nakuhang anuman sa kapakanan ng kanyang relihiyon 0 ng kanyang pagkatao, ni magsaysay ng mga bagong kababalaghan, ni ng mga kapanapanabik na pakikipagsapalaran. Ang manlalakbay ay nakadalaw sa napakarami at napakagagandang bayan, na lalo pang kalugud-Iugod kaysa Tawalisi, at hindi siya magpapakasira sa pag-uulat ng isang kasaysayang walang halaga. Maaari .ngang ninais niya, pagkatapos, na pagyamanin ang kanyang paglalakbay sa pagdaragdag ng ilang ulat na masagwa 0 gawa-gawa lamang, maaari nga; ang dili-dill, ang pag-ibig sa kahanga-hangang bagay 0 ang pagkakagusotgusot ng kaisipan dahil sa karamihan ng mga bagay na nakita ay maaaring siyang naging sanhi. III. Kalagan ng Tawalisi. Ang mga pangunahing ulat na inaakala naming nararapat gamitin para sa bagay na ito ay ang mga agwat 0 pagkakalayo, na hindi nagbabago lumipas man ang panahon, pagka't ang mga iyo'y lalong mabuti kaysa mga ulat tungkol sa mga ngalan at mga kaugalian. Buhat sa Kakula, sa Mul Java, hanggang Tawalisi ay karaniwang kinakailangan ang 74 0 84 na araw; si Ybn


57

Batuta ay gumugol ng 71 araw-34 na araw sa paglalayag at 31 araw sa paggaod. Buhat sa Tawalisi hanggang Kanton ay nangangailangan ng 15 araw kapag paalul6s ang ihip ng hangin. (Ang mga ulat na ito'y naaayon sa pagkakasabi ng katotohanan ni Ybn Batuta, sapagka't路 ang mga manlalakbay, kapag nagnanais magbulaan, ay nagsasaysay ng lahat ng maisasaysay nila tungkol sa bayang lalang lamang nila). Sa pamamagitan ng dalawang sulat na ito, at sa pagkakaalam na ang katamtamang tulin ng sasakyang-dagat na sinasakyan ni Ybn Batuta ay buhat sa 8 hanggang 10 milyang heograpiko (15 sa bawa't antas)-buhat sa Maldivas hanggang Bengala ay 43 araw; buhat sa Bengala hanggang Babahnagar (Cap Negrais? Pegu?) ay 15, kung guguhit ng dalawang balantok, na ang isa ay buhat sa Kanton at ang agwat buhat sa gitna hanggang sa gilid ng bilog ay 180 milya 0 legwang heograpiko at kung ipalalagay n~ dahil sa hanging paalul6s ay nakapaglalakbay ng 12 legwa isang araw; at ang ikalawang balantok ay buhat sa Kakula (na nasa pagitan ng Java at Sumatra) at may agwat na 430, at sa pagtayang kung gumagaod ay makatatakbo lamang ng katamtamang tulin, 'ang kalalabasan ng pagkakaugpong ng dalawang balantok a! pumapatak nga sa dakong hilaga ng Pilipinas. Dahil sa mga ulat na ito hinggil sa mga agwat, ang Tawalisi ay hindi maaaring matagpuan ni sa Selebes (Sanguinetti) ni sa Hol6 (Yule) sapagka't buhat sa mga pook na ito ay hindi makararating sa Kanton sa loob ng 15 araw kung ang tulin sa paglalakbay ay ang sa mga kasko nang panahong iyon. Hindi rin naman maaaring matagpuan sa Tongkin (Sanguinetti) ni sa Pormosa, sapagka't kung gayon ay saan natin ilalagay ang dagat na tahimik , walang alon, hangin ni matutuling agos, sa pook na iyong pinaghaharian ng bagyo? Ang dagat na tahimik na binanggit ni Ybn Batuta ay maaari nating pakahuluganan, sang-ayon kay Yule (520-1I) ng dagat ng Selebes, sapagka't bihirangbihira rito ang mga sigwa; ang kanyang teinte rougeatre due a la terre d'un pays qui l'avoisine (Borneo) alalaong baga'y "kulay na mamula-mula dahil sa lupa ng isang bayang kanugnog" ay maaaring maipaliwanag, sapagka't kung siya'y naglalakbay nang malapit sa lupalop (kontinente), ay sinabi disin niyang du pays (ng bayan) at hindi ud'un pays" (ng isang bayan) sapagka't ang lupalop ng Asya ay kilala na.Tungkol sa sinasabi hinggil sa laki ng mga gaod, sa bilang


58

ng mga manggagaod, at sa paraan ng paggaod, ay alin sa dalawa; a nararapat pag-alinlanganan~ a kailangang tang .. gaping ang mga magdaragat na iyon ay maikli ang isip, sapagka't sang-ayon sa kanyang pagkakasaysay, nararapat na sila'y nagkakasikian 0 ang pagkakagamit nila ng gaod ay napakasama, sapagka't sa pamamagitan ng dalawang lubid na binabatak at pinaluluwag ay hindi natatamo ang kinakailangang pagkilos: ang 30 katao sa bawp't gaod, bukod :3a rito, ay humihingi ng isang napakaluwang na kilusan. Sa pagtukoy sa Tawalisi (bayan) ay sinasabi niya: elle est tres vaste~ et son souberain egale celui de la Chine, alalaong baga'y, "iyon ay napakalawak at ang hari niya'y kapant~y ng sa Tsina"; ang paglalarawang ito'y hindi maiuukol sa Holo, at maiuukol lamang sa Luson at sa hari nito, na ang anak na lalaki, noong dantaong XVI, ay siyang heneral ng mga hukbo ng Sultan sa Borneo (Pigafetta), at bukod dito'y mayroon pa siya, nang dumating ang mga K astila (1570), na isang 'pagawaan ng mga kanyong dalawang ibayo ang laki ng nasa M.alaga" (Gaspar de S. Agustin). Il posede de nomb euses jonques: "Siya'y nagmamay-ari ng maraming kasko:" alam na ang malaganap na pangangalakal ng mga naninirahan sa Luson, sa lupa't sa dagat, hanggang sa Sebu, Mindanao, at Holo. A vec lesquelles il fait Ia guerre aux Chinois. "Sa pamamagitan ng mga iyon ay nakikipaglaban sila sa mga Insik." Ang mga naninirahan sa Mindoro ay nakahuli ng isang sasakyang-dagat na Insik nang dumating si Legaspi sa pulo na iyon路 at ito ang nagligtas sa kanila. Les habitants de ce pays sont idolatres: Ang mga naninirahan sa bayang iyon ay nangagsisisamba sa diyus-diyusan: ang islamismo ay nakapasok sa mga maginoo sa Luson nOOll Iamang dantaong XV mar ahil 0 sa mga huling taon nito. Isont le tenit eniose etc. etc. L enrs femmes montent des chevaux. "Ang kanilang mga babae ay sumasakay sa mga kabayo!" Naito ang tanging ulat na matatagpuang nalalaban sa aming palagay. Sa paniwala ng karamihan, ang pagkakapasok ng kabayo sa Pilipinas ay huH sa pagkakarating ng mga Kastila, bagaman walang sinumang nagsaysay tungkol sa tiyak na panahon ng pagkakapasok ng mga ya6n. Si Morga'y tumukoy na hinggil sa mga bagay na ito. Ang ngalang "kabayo" at lahat ng mga kagamitan nito, gaya ng siya silla bukado, at iba pa


59 ay pawang hango sa kastila. Ang ulat kayang ito'y hulaan o gawa-gawa lamang ni Ybn Batuta? Hindi naman masasabing mali ang pagkakasalin sa dahilang ang inilagay ni Lee ay horse-back, (likod ng kabayo) at ni Yule ay 1'ide, (sumakay). Sa anu't anuman, ang mga babae sa Batangan, Laguna at Tayabas sa NGAYON ay pawang sanay sa pangangabayo. Nagkaroon 0 inangkat kaya ang kabayo sa Pilipinas noong dantaong XIV at pagkatapos ay nalipol gaya ng nangyari sa elepante? Cailoueary, une des plus belles .et des plus grandes parmi leur cites: (Ang Cailoueary, isa sa lalong magaganda't, lalong rnalaking lungsod nila:) ito'y lalong nagpapahindi sa pagkamaaaring mangyaring iyo'y maging Hol6 0 isang maIiit na pulo, sa dahilang wala ritong maraming mala laking lungsod. Il portrait avec lui un present pour le fils de roi: (Ang larawang dala niya'y isang handog sa anak na lalaki ng hari:) kaugaliang katulad ng sa Sebu nang dumating ang mga. Kastila (Pigafetta). Son pere lui avait donne a gou-verner une autre province etc. (Ang area niya~y nagbigay sa kanya ng ibang lalawigan upang pamahalaan at iba pa.) Ito'y nagpapahiwatig na isang haring makapangyarihan at may malawak na kaharian upang ito'y maipamahagi sa kanyang mga anak. Des fauteuils en bois de sandal-sandal iviniste de lames d'or vases d'or. Bagaman tila walang sandalo sa hilaga ng Pilipinas, sapagka't hindi kami naniniwalang iyo'y ipinagkamali ni Ybn Batuta sa asawa (Pterocarpus santa linus ) ni sa kamuning (Comanus santaloides), gayunma'y maaaring inangkat, 0 nagkaroon noong isang panahon at wala na ngayon, sapagka't may mga tablang nawawala sa Pilipinas, gaya ng nangyayari sa Betis at sa Ebano. Maraming ginto sa Pilipinas. Elle me dit en langue turque etc. (Sinabi niya sa akin sa wikang turko), at iba pa. Isinasaysay sa atin ni Pigafetta ang karamihan ng mga wikang natutuhan ng mga hariharian sa Pilipinas, bagaman sa bagay na ito'y maaaring isaalang-alang ang bahagyang gawa-gawa ni Ybn Batuta, gaya ng ipinalalagay ni Yule. La dwrge de deux elephante en riz (bigas na mailululan sa dalawang elepante). Hindi niya sinabi ng tiyakan na dalawang elepante at dito'y hindi nararapat hinuhain na


60

sapilitang dapat magkaroon ng mga elepante sa Tawalisi kahit na maaaring ang mga iyon ay binili sa ibang bansa, gaya ng pagkakaroon nga ng mga elepante, pagkatapos, at sa dahilang sa wikang tagalog, ang elepante ay may tanging ngalan, "gaya" (Crawford). Maaaring nangyari na sa dahilang nahirati siya sa pagkakakita sa mga elepante sa mga bansang pinanggalingan niya (Bengala, Sumatra, Kakula) at sa pagtaya ng madadala ng mga iyon, ay nabanggit niya ang mga hayop na ito upang maipakilala ang karamihan ng bigas na tinanggap. Ang mga manlalakbay, kapag nagsasalita tungkol sa ibang lupa at kapag nasa ibang lupa, ay kadalasang gumagamit ng mga bigas at sukat na wala ni hindi ginagamit sa bayang kinaroroonan, gaya ng nangyayari sa mga Ingles na lagi nang tumutukoy sa milya, pulgada, stones, at sa mga Aleman, na tumutukoy sa Zehutnev kahit sila'y nasa Inglatera, at iba pa. Si Ybn Batuta, tangi sa rito, ay hindi nagsalita hinggil sa mga bagay na yari sa marpil. Sa anu't anuman, inuulit namin, ay maaaring nagkaroon nga ng elepante sa pi!i,pinas. Quatre marthaban on gra.nds vases de percelaine, remplis de gingembre, de pei'l9re) citron .e t mangue. Ito ay sang-ayon sa sinabi ni Pigafet~a tungkol sa handog ng isang hariharian sa Samar; tinatawag naming Marthabana sa Pilipinas ang napakalalaking tapayang itim ang kulay na angkop pagsidlan ng tubig, langis) mga binurong bungang-kahoy, gaya ng burong mangga (Ie tout etant sale), ang lahat ay maalat. Des femmes que combattent comme les hommes, (ng mga babaing nakikipaglabang gaya ng mga lalaki.) Sa dulaang pilipino, ang prinsesa'y lagi nang lumalabas na may katangiang mapandigma, lalo na kung siya'y isang Morong babae. Sa tunay na pamumuhay ay nakakilala kami ng mga babaing lubhang malalakas, gaya ng bantog na kontrabandistang si Dagul sa Panggasinan. Hindi namin nalalaman kung ang katangiang mapandigma na tinataglay ng mga prinsesa namin ay nanggaling sa mga ala-alang pangkasaysayan 0 sa mga aklat tungkol sa mga kabalyero na ipinasok ng mga Kastila. Ordoudja revint avec la tete de son ennemi sur une lance. (Si Orduja ay bumalik na dala ang ulo ng kaaway, na nakaduro sa isang sibat). Bagaman ang kaugaliang itong pugutan ng ulo ang kaaway ay natatagpuan, hindi lamang sa mga


61 Ebreo, kundi gayundin sa mga Eskoses (Macbeth), Kastila, at mga Indiyan sa Amerika, dito nama'y maaaring siya ring kaugalian ng mga liping mamumugot ng ulo sa Pilipinas (Kopfjakerstamme) . Les parents de celui-ce recheterent d'01-doudja cette tete au moyen de riches tresor. Ulat itong kasang-ayon sa pagmamahalan ng mga mag-aanak, na kaugalian sa Pilipinas. Lorsque la princesse retourna vers son pere, il lui donna cette ville de Cailoucary. Marahil ang Pilipinas ay tanging bayan sa dulong Silangan na ang babai'y lagi nang ipinalalagay na kapantay halos ng lalaki. Ang anak n a babai'y nagmamana at humahalili sa kapangyarihan ng ama, kapag walang lalaki; at hangga ngayon, kahit nabubuhay pa ang mga magulang, ang dalaga'y nangangalakal at n agpapasiya sa salapi at nagpapasaka sa mga bukir in. J e n' epouserai que celui qui combattra contre m oi et m e vain era. Bagaman wala kaming nalalamang salitang taal na Tagalog na k'a singkahulugan ng torn eo (tournament), gayunman, ang kaisipan ng torneo ay natatagpuan sa rriarami sa mga tulang tagalog, at s katunaya'y sa ilan sa mga ito nakikipaglaban alilg babae. IV. Ngayon, tungkol sa ngalang Tawalisi , ang ngalang ito'y hinango sa Taga-Luson (naninirahan sa Luson). Ang mga paham sa wikang arabe ay makapagpapaliwanag ng pangyayari. Nararapat isagunitang hindi ang mga Kastila ang nagbigay sa pulo ng ngalang Luson; gayon na ang pagkakakilala sa kanya ng mga Insik at mga Hapong sinangguni namin, at sang-ayon kay Pigafetta ay tina wag iyong Loson 0 Lozon. Sa Pilipinas, tangi sa roon, ay may mga bayang tinatawag na Talisay, isa sa Batangan, sa dalampasigan ng Lawa ng Bombon, na inabot ni Salcedo noong u nang parito siya. Sa dahilang naipaliwanag nang hindi maaaring mangyari na ang Tawalisi ay nasa Selebes, Tongkin at Holo; sa paniniwalang hindi maaaring mangyari na siyang pulo ng Tawalisi, malapit sa Bachian, sapagka't kung gayo'y paanong maipaliliwanag natin ang kalayuang may 15 araw sa Kanton, ang kalawakan, ang kapangyari..~an, at iba pa? At sa hindi pagsang-ayong iyon ang bayan ng Ta-wa-li sa baybaying silangan ng Pormosa, sapagka't kung magkakagayo'y hindi maipaliliwanag ang 15 araw na paglalakbay na may hanging paalulos, ang palagay na iyo'y isang bayan sa hilaga ng lupon


62

ng mga pulong buanubuo sa Pilipinas, ay siyang tanging lalong maraming pinagbabatayan. Laban sa tanging uZat tungkol sa mga babaing nangangabayo, ay nagkakatulungtulong ang lahat ng pangyayari sa pagbibigay-matwid sa palagay na ito, laiung-lalo na yaong napakahahalagang mga ulat tungkol sa mga araw ng paglalakbay. Bukod dito'y may hanging paalulos sa mga nagdaragat buhat sa Pilipinas hanggang Tsina at isang agos na patungo sa hilaga. Kung hindi ipalalagay na ang Tawalisi ay Iumubog, ay nararapat na ito'y maging Luson 0 ilan sa mga pulong bumubuo sa Luson, 0 Han sa mga pulong kanugnog nito. Ito ang lahat ng maaari kong sabihin tungkol sa Tawalisi ni Ybn Batuta, kung ipalalagay na ang mga salin at mga sulat-kamay ay pawang tapat at tumpak ang mga ulat tungkol sa mga agwat. lkinararangal kong bumati sa inyo at humandog sa inyo, bHang matapat na lingkod. JOSE RlZAL

*


HANDOG Sa isang bayang inaalipin, ang lalong napipinsala ay ang mga babae, sapagka't dahil sa kanilang likas na kahinaan ay gay a rin sila ng mga lalaki; kapuwa nakasingkaw sa KARO ng PANGINOON, sa halip na maluklok sana sa dambana ng pamimitagan upang tumanggap ng lahat ng paghanga at pagmamahal, gaya ng isang piliikan at masamyong bulaklak. Ito, marahil, ang dahilan kung bakit ang 111ga babaing pilipina ay mukhang hapis at sa wari'y di. makatunghay sa kapuwa nila babaing anak ng isang bayang malaya, at ang diwa ay hubog sa isang pananampalatayang malaya at di mapag-imbot. Subali't ganap ang pag-asa kong kapag ang babaing pilipina'y naging katulong na ng lalaki, sa halip na maging isang mabigat na pataw, ay sapilitang matatapos na itong napakapait at alipustang buhay alipin; sapagka't sa sinapupunan ng ina iniiwi at hinuhubog ang mga mamamayal1. Dahil nga dito kung kaya ang munting pinagpagalang ito'y inihahandog ko sa mga babae ng ak.ing lahi. Giliw na bumabasa; Pagmunimuniin mong maigi at sa wari'y nalalarawan sa munting aklat na itO ang iyong sarili at ang mga minamahal mo sa buhay. Sa lahat ng bayan, ang Pilipinas lamang ang siyang tumanggap at tumatanggap pa ng lalong pinakamalaking parusa at kaapihan sa kamay ng prayle, nguni't walang bayang nagmamahal sa mga prayle na gaya ng Pilipinas. Bakit kay a ? Ang Ingles, ang Pranses, ang Kastila, ang Amerikano, ang Italyano, ang Ruso, ang Insik, ang Hapon, at pati na mga Moro at Igorot ay minamagaling na nila ang mamatay kaysa lumapit sa mga paring HINDI NILA KALAHI; samantalang tayo namang mga pilipino ay masarap pa sa atin ang mamatay kaysa lumapit sa mga parihg kalahi natin. Bakit kaya? Pinili ni Hesukristo ang kanyang Iabindalawang apostoles sa mga kababayan din niya at hindi kumuha ni isa mang dayuhan. Bakit kaya?

* * *

63


SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS * EUROPA

(Febrero) 1889

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, itinanong kong laon kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring ala-ala; matay ko mang pinag-isa-isa ang lahat ng dalagang nalillala sapul pagkabata ay mangisa-ngisa lamang ang sumaging larawang aking ninanasa. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugali, ang binibining anyo, ang mahinhing asal; nguni't ang lahat na ito'y laging nahahaluan ng lubos na pagsuyo at pagsunod sa balang sabi 6 hiling ng nagngangalang amang-kaluluwa (tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Diyos), dala ng malabis na kabaitan, kababaan ng loob 6 kamangmangan kaya: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim: mamulaklak ma'y walang bango, magbunga ma'y walang katas. Nguni at ngayong dumating ang balitang nangyari sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako'y namali, at ang tuwa ko'y labis. Di sukat ako sisihin, di ko kilala ang Malolos ni ang mga dalaga, liban na sa isang Emilia, at ito pa'y sa ngalan lamang. Ngayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ng ikagagaling ng bayan; ngayong nagpakita kayo ng mabuting halimbawa sa kapuwa dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mat a at mahango sa pagkalugami, sumisigla ~' Ang Iiham na ito sa Kadalagahan ng Malolos ay sinulat ni Rizal sa Londres nang ika-22 ng Pebrero, 1889, sa kahilingan 0 mungkahi ni Marcelo H. del Pilar upang pasiglahing lagi ang hindi nagbabago ni nanlalamig na kalooban ng mga kapanalig nina Rizal sa ikagagaling at ikatatamo ng kaginhawahan at kaIayaan ng mga pilipino. Ang mga dalagang taga-Malolos ay masasabing natatangi sa kanilang mga kabaro sa Iayong maimulat ang bayan, sa pamamagitan ng pagbubukas ng paaralan sa gabi, at nang sa ganito'y lumaganap sa mga Ialawigan ang paniniwalang ang pagsunod at pagyuyuko ng ulo sa mga prayle ay nakasisirang puri, hindi lamang sa mga lalaki kundi gayundin sa mga babae. Ang sulat na ito, ang wika nga ni Rizal, ay nag_ lalaman ng higit sa dapat 'Ilw,ging Iaman ng isang ka1'ani'tvang suIat Iamang. 64


65

ang aming pag-asa, inaaglahi ang sakuna, sapagka't kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sa pagtatagumpay. Ang babaing tagalog ay di na payuko at luhod; buhay na ang pag-asa sa panahong sasapit, wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak, na palalakhin sa alipusta at pag-ayop. Di na unang karunungan ang pagtung6 fig ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ngisi sa pagmura, masayang pang-aliw ang mababang luha. Napagkilala din ninyo na ang utos ng Diyos ay iba sa utos ng pari, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuwintas, lib aging kalmen, kundi ang mabuting asal, malinis na loob at matuwid na lSlp. Napagkilala rin ninyo na di kabaitan ang pagkamasunurin sa anomang pita at hiling ng nagdidiyusdiyusan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuwid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ng likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. Di masasabi ng pun6 0 pari na sila lamang ang mananagot ng maling utos; binig~an ng Diyos ang bawa't isa ng sariling isip at sariling loob, upan ding mapagkilala ang liko at tapat; paraparang in' anak fig walang tanikala, kundi malaya, at sa loob at kaluluwa'y walang makasusupil, bakit kaya ipaalipin mo sa iba ang marangal at malayang pag-iisip? Duwag at mali ang akala na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag-isip-isip at magnilaynilay. Ang kamangmanga'y kamangmangan, at di kabaita't purL Di hiling fig Diyos, pun6 ng karunungan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas fig isip, na ipinalamuti sa atin, paningningin at gamitin. Halimbawa baga, ang isang among nagbigay sa bawa't isang anak fig kanikanyang tanglaw sa paglalakad sa dilim. Paningasin nila ang liwanag ng ilaw, alagaang kusa, at huwag patayin, dala ng: pag-asa sa ilaw fig iba, kundi magtulung-tulong, magsanggunian, sa paghanap fig daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapa sa pagsunod sa ilaw fig iba, at masasabi fig ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" Nguni't di lubhang masisisi ang madapa sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim 6 kaya'y totoong masama ang daan. Ugaling panagot Ifg mga ibig mang-ulol, ay: "palalo ang katiwala sa sariling bait"; sa akala ko ay lalong palalo ang ibig sumupil sa bait Il1g iba, at papanatilihin sa lahat ang 006700- 5


66

sarili. Lalong palalo ang nagdidiyusdiyusan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng Diyos: at sakdal kapalaluan o klltaksilan ang walang gawa kundi magbintang sa Diyos ng balang bukang-bibig, at maglapat sa kanya ng bala niyang nasa, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng Diyos. Di dapat naman tayong umasa sa sariH lamang; kundi magtanong, makinig sa iba, at saka gawin ang inaakalang lalong matuwid; ang abito 0 sl1tana'y walang naidaragdag sa dunong ng tao: magsapin-sapin man ang abito ng huli sa bl1ndok, ay bulunbundukin din, at walang nadaraya kundi ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang abito sa S. Francisco at isuot ninyo sa isang kalabaw. Kapalaran na kung pagkapag-abito ay hindi magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salita sa iba. Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumunga'y dapat ang babai'y magtipon tfg yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang magiging supling ng babaing walang kabanalan kundi ang magbubulong ng dasal, walang karununugan kundi awit, nob en at milagrong pang-ulol sa tao, walang libangan o iba sa paghingd. 0 magkumpisal kay a ng malimit ng muli't muHng kasalanan? Ano ang magiging anak kundi sakristan, bataan ng KUra, 0 magsasabong? Gawa ng mga ina ahg kalugamian ngayon ng ating mga kababayan, sa lubos na paniniwala ng kanilang masintahing puso, at sa malaking pagkaibig na ang kanilang anak ay mapakagaling. Ang kagulunga'y bunga ng pagkabata, at ang pagkabata'y nasa-kandungan ng iba. Ang inang walang maituro kundi ang lumuhod at humaHk :rfg katnay, huwag mag-antay ng anak na iba sa dungo 0 alipustang alipin. Kahoy na laki sa burak, daluro 0 pagatpat 0 panggatong lamang; at kung sakali't may batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tago at gagamitin sa sarna, paris ng silaw na kabag-kabag na di makapakita kundi pagtatakipsilim. Karaniwang panagot, ang una'y kabanalan at pagsinta sa Diyos. N guni at ana ahg kabanalang itinuro sa atin? l\IIagdasal at lumuhod nang matagal, humalik ng kamay sa pari, ubusin ang salapi sa simbahan at paniwalaan ang balang masumpungang sabihin sa atin. Tabi! ng bibig, lipak ng tuhod, kiskis ng ilong. Bagay na limos sa simbahang, sangkalan ang Diyos, may bagay baga sa mundong di ari at likha ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin


67

sa isang alilang maglimos sa kanyang panginoon ng lsang basahang hiram sa nasabing mayaman? l Sino ang taong di palalo at ulol, ria maglilimos sa Diyos at mag-aakalang ang salanta hiyang kaya ay makabibihis sa lUrhikha ng lahat ng bagay? Pagpalairt ang maglimos sa kapuwa, tUIl1ulong sa may hirap, magpakain sa gut6m; nguni at mapulaan at stttnpain ang bingi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundi ang sandat, at inubos ang salapi sa mga "fron-' tal" na pilak, limos sa simbahan 6 sa prayleng lumalangoy sa yamah, sa tnisa de grasyang may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ita'y pinipiga sa bum ng mahirap at iniaalay sa pangihoon fig maibili ng tanikalang panggapUs, maibayad ng betdugong parighampas. iO kabulagan at kaikliah ng isip! Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid, anoman ang mangyari. "Gawa at hindi salita ang hiling ko sa inyo," ani Kristo; "hindi anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ng ama ko" ama ko, kundi ang nabubuhay alinsunod sa hiling ng aking nma." Ang kabanala'y wala sa pulpul na ilong, at ang kaharli ni Kristo'y eli kilala sa halikang kamay. 8i Kristo'y di humalik sa mga Pariseo, hindi nflgpahalik kailan pa man; hindi niya pitlataba ang mayayaman at palalong eskribas; wala siyang binanggit na kalmen, walang pinapagkuvtintas, hinifigan ng pamisa, at di napabayad sa kanyang pananalangin. Di napaupa si 8. Juan sa ilog fig J ordan, gayundin si Kristo sa kanyang pangangaral. ~ Bakit ngayon, ang mga pari'y walang bigong kilos na eli may hinging upa? At gutom pa halos; nagbibili ng mga kahnen, kuwintas, korrea at iba't iba pang pandaya ng salapi, pampasama sa kaluluwa; sapagka't kalminin mo man aug lahat ng basahan sa lupa, kuwintasin mo man aug lahat ng kahoy sa bundok, ibilibid mo man sa iyong baiwang ang lahat fig balat ng hayop, at ang lahat nang ito'y pagkapaguran mang pagkurus-kurusin at pagbulongbuhufgan ng lahat rfg pad sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di-mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din, sa kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na nga sa di pagkain ng karne, pag-aasawa sa pinsan, kumpare at iba pa, na ipina~ hihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, lnabibili bag a ang Diyos at nasisilaw sa salaping paris nga rfg mga pari?


68

Ang magnanakaw na tumubos ng "bula de composicion", ay makaaasa ng tahimik, na siya'y pinatawad: samakatuwid ay ibig ng Diyos na makikain ng nakaw? ;, Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya na sa mga "guarda", karabineros 6 "guardia civil?" Kung ito ang Diyos na sinasamba ng prayle, ay tumatalikod ako sa ganyang Diyos. Maghunos-dili nga tayo, at imulat natin ang mata, lalonglaID na kayong mga babae, sapagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin, na ang mabuting ina ay iba sa inang nilalang ng prayle; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Diyos, Diyos na di nasusuhulan, Diyos na di masakim sa salapi, Diyos na ama ng lahat, na walang y,inikilingan, Diyos na di tumataba sa dugo ng mahirap, na di nagsasaya sa daing ng naruruhagi, at nambubulag ng matalinong isip. Gisingin at ihanda ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akala; pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pag-iisip, malipis na asal, maginoong kilos, pag-ibig sa kapuwa, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituro sa anak. At dahil sa ang bu~ay ay puno ng pighati't sakuna, patibayin ang loob sa ano mang hjrap, patapangin ang puso sa ano mang panganib. Huwag mag-antay ang bayan ng puri at ginhawa samantalang liko ang pagpapalaki sa bata, samantalang lugami at mangmang ang babaing magpapalaki ng anak. Walang maiinom sa labo at mapait na bukal; walang matamis na bunga sa punlang maasim. Malaki ngang di bahagya ang katungkulang gaganapin ng babae, sa pagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito'y di hihigit sa lakas at loob ng babaing tagalog. Talastas ng lahat ang kapangyarihan at gaHng ng babae sa Pilipinas, kaya nga kanilang binulag, ginapus, at iniyuko aug loob, panatag sila't habang ang ina'y alipin ay maaalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugami ng Asia; ang babae sa Asia'y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika, dahil sa doon, ang babai'y maaya't marunong, dilat ang isip at malakas ang loob. Alam na kapus kayong totoo ng mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw-araw sa inyong pag-iisip kundi ang sadyang pangbulag sa inyong bukal na liwanag; tanto ang lahat nang ito, kaya pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuwa


69

ninyo babae dito sa Europa; kung hindi kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil, makapal man ang ulap na nakakukubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ng masanting na sikat ng araw, at sisikat kahit banaag man lamang. Di kami manlulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Diyos sa pagpawi ng ulap, palibhasa'y siya ang Diyos fig katotohanan; at isasauli sa dati ang dilag ng babaing tagalog, na walang kakulangan kundi isang ma-ayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis. Ito ang nasang lagi sa panimdim, na napapanaginip, ang karangalan ng babaing kabiyak ng puso, at karamay sa tuwa 6 hirap fig buhay: kung dalaga, ay sintahin ng binata, di lamang dahilan sa ganda 6 tamis ng asal, kundi naman sa tibay ng puso, taas ng loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahina 6 naruruwagang lalaki, 6 makapukaw kaya fig maririlag na pag-iisip; pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ng bayan, pagpitaganan ng iba, sapagka't karaniwang sabi ng mga kastila at pari na nanggagaling diyah ang karupukan at kamangmafigan ng babaing tagalog, na tila baga ang mali ng ilan ay mali na ng lahat, at anaki'y; sa ibang lupa ay wala ng babaing marupok ang loob, at kung sa bagay, maraming maisusurot sa mata ng ibang babae ang babaing tagalog. Gayon ma'y dala marahil fig kagaanan ng labi 0 galaw ng dila, ang mga kastila at pari pagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag, at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipusta at tawa, kundi ang babaing si gayon ay gayon, gayon sa kumbento, gayon sa kastilang pinatuloy, at iba't iba pang nakapagngafigalit; sa tuwing maiisip, na ang karamihan ng mali ay gawa ng kamusmusan , labis na kabaitan, kababaan fig loob 6 kabulagan kayang kalalangan din nila. May isang kastilang ngayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Pilipinas. Pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapampangan, kumai't natulog, at ang maginoong babaing nagpatuloy ay gumayo't gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng babae. Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ngiti at makahulugang kindat. Sa librong ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa iba pang sinulat n g


70

mga pari, ay nalalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng baba,e na di ilinilihim ng mga pari :sa mga dumadalaw na kastila" at kung magka,Plinsan pa'y dinaragdagan fig mga kayabangan at karumihang hindi mapaniwalaan. Di ko maulit dito arig mga di ikinahiyang sinabi ng isang prayle ka,y Mas. na di nito mapaniwalaan. Sa tuwing maririnig 6 mflbabasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria lmya bagang lahat ang babaing kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaing tagalog; nguni kung sakali't magsusumbatan at maglalatlatan fig puri'y marahil . .. Datapuwa't lisanin ko ang bagay na ito sapagka't di aka paring "confesor", 6 manunuluyang kastila, na makapaninira ng puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambi tin ang katungkulan fig babae. Sa mga bayang gumagalang sa babaing para fig Pilipinas, da,pat nilang kilanlin ang tunay na lagay upang maganpan ang sa kanila'y iniaasa. Ugaling d.ati'y kapag nanlilfgaw ang nag-a,'ijral na binata ay ipinqnganganyayang lahat, dunop.g, puri't salapi, na, tHa baga ang dalaga'y wa1ang naisasabog kundi ang k;:lsamaan. Ang katapang-tflpang;:l'y kapag napakasal ay nagiging d"\..lwag, ang duwag na datihan ay na,g-wawalang hiya, :p.a tila walang inaf,lntay kundi ang mag-asawa, para maipahaya,g a,ng sprili:ng karuwagan. Ang a,nak ay wqlang pqntakip sa hina ng 100b kundi ang a1aalq sa ina; at dahHan dito, :palunok ng apdo, nagtitiis ng tampa1, nasunod sa lalong hq.nghang na utos, at tumutulong sa kataksilap fig iba sapa,gka't ~tlIlg wal;:lng natakbo'y wa1ang manghah/3.gad, kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. lBal\it kaya baga di humiling ang dalqga sa iibigin, fig is~ng marafig;:ll at mapuriqg ngal;:ln, isang pusong la1akIng makapag-aampon sa kahinaan pabae, isang mf,lfanga1 11a 100b na di papayag magkaf,lnak ng alipiq? l'ukawin sa 100b ang sigla at sipag, maginqong asa1, m;:lpal :qa pakiramdaII\, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuning P1..lSO. Kung ma,ging asawa na, ay dapat tumulop.g Sq 1apat ng hirap, palakasin ang 100b ng 1alaki, humati Sa pangan,ib, aliwin ang dusa, at ag1ahiin qng hinagpis, at ala,lahaning lagi na wa1ang hirap na di mababata fig hayaning pusO I at walang papait pang pamana sa, pamanang kaalipustaan at kaalipinan. Mu1atin ang mata ng anak sa pag-iingat at pagrp.amaha1 sa puri, pag-ibig sa kapuwa, sa tinubuang-bayan, at sa pagtupad rfg ukol. Ulit-uliting

ng


71 matamisin ang mapuring kamatayan sa alipustang buhay. Ang mga babae sa Esparta'y sukat kunang uliran at dito'y ilalflgda ko ang ilang halimbawa: Nang iniaabot ng isang ina ang kalasag sa papasa-hukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: ''ibalik mo 6 ibalik ka," ito nga, umuwi kang nanalo 6 namatay ka, sapagka't ugaling iwaksi ang kalasag ng talong natakbo 6 iniuwi kaya ang bangkay sa ibabaw ng kalasag. Nab~litaan ng isang ina na namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindi umimik kundi nagpasalamat, dahil at ang kanyang anak ay naligtas sa pula; nguni't ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina nang siya'y makita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing s~ laban, ay ibinalita ng isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatl6 niyang anak.-"~incli iyan ang tan6ng ko, ang sagot ng ina, kundi lnanalo ba 0 natalo tayo?-Nanalo, ang s~got ng bayani.-jKung ganoo'y magpasalamat tayo sa Diyos!-ang wika at napasa-simbahan. Minsa'y nagtago Sfl Simbahan ang isang napatalong hari nila sa takot sa galit ng bayan; pinagkaisahang kulungin siya roon at patayin sa gutum. Nang papadiran ang pinto'y ang ina ang unang naghak6t ng bat6. Ang pfga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kaya nga't iginalang ng buong Gresya ang babaing Esparta.-Sa lahat ng babae, ang pula ng isa, ay kayo lamang na taga-Esparta ang nakflpangyayari sa lalaki.-Mangyari pa, ang sagot ng taga-Esparta, sa lahat ng babae ay kami lamang ang nag-aanak ng lalaki.-Ang tao, ang wika ng mga taga-Esparta, ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kanyang bayan. Habang nananatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babae, ay walang kaaway na nakatuntung ng lUPang Esparta, at walang babaing taga-Esparta na nakatanaw ng hukbo ng kaaway. Di ko inaasahang paniwalaan ako, alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong di matingin sa katuwiran at ito'y siyang tunay, kundi sa abito, sa put! ng buhok, 6 kakulangan kaya ng ngipin. Nguni't kung ang katandaa'y iginagalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaanan kong buhay na inihain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay sa akin ng katandaan kahit na maikli. Malayo ako sa pagpapasampalataya, pagdidiyusdiyusan, paghalili kaya sa Diyos, paghahangad na paniwalaa't pakingr,ang pikit-


72

mata, yuko ang ulo at halukipkip ang kamay; nguni't ang hiling ko'y mag-isip, magmulay-mulay ang lahat, usigin at salain kung sakali sa ngalan ng katuwiran itong pinaninindigang nfga sabi: Una. Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa-karuwagan at kapabayaan ng iba. Ikalawa. Ang iniaalipusta ng isa ay nasa-kakulangan ng pagmamahal sa sarili at nasa-kalabisan ng pagkasilaw sa umaalipusta. !katlo. Ang kamangmanga'y kaalipinan, sapagka't kung ana ang isip ay ganoon din ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunud-sunod sa tali. Ikaapat. Ang ibig magtago ng sarili, ' ay dapat tumulong sa iba upang magtago fig kanila, sapagka't kung pababayaan mo ang iyong kapuwa ay pababayaan ka rin naman: ang isa-isang tinting ay madaling baliin, nguni't mahirap ang isang bigkis na walis. Ikalima. Kung ang babaing tagalog ay di magbabago, ay hindi dapat magpalaki ng anak, kundi gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung hindi'y ipagkakanulong walang malay ang asawa, anak, bayan at lahat. Ikaanim. Ang tao'y inianak na paris-paris, hubad at walang tali. Di nilalang ng Diyos upang maalipin, di binigyan ng isip para pabulag, at di hiniyasan ng katuwiran upang maulol ng iba. Hindi kapalaluan ang di pagsamba sa kapuwa tao, ang pagpapaliwanag ng isip at ang paggamit ng matuwid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang nais papanaigin ay ang kanyang ibig sa matuwid at katampatan. Ikapito. Liningin ninyong magaling kung ana ang relihiyong itinuturo sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Diyos 0 ang pangaral ni Kristo na panlunas sa hirap ng mahirap, pang-aliw sa dusa ng nagdurusa. Alalahanin ninyo ang lahat ng sa inyo'y itinuturo, ang pinatutunguhan ng lahat ng serm6n, ang nasa-ilalim ng lahat ng misa, nobena, kuwintas, kalmen, larawan, milagro, kandila, korrea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, tainga at mata, at hanapin ninyo ang puna at dulo, at saka iparis ninyo ang relihiyong iyan sa malinis na relihiyon ni Kristo; at tingnan


73 ninyo kung hindi ang inyong pagka-kristiyano ay paris ng inaalagaang gatasang hayop, 6 paris ng pinatatabang baboy kaya, na di pinatataba alang-alang sa pagmamahal sa kanya, kundi maipagbili nang lalong mahal upang lalong masaJapian. Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo'y mag-isip-isip kung itong ilang buhaghag na sabi'y makatutulong sa ibinigay sa inyong bait, upang maituloy ang nasimulan ninyong pagiakad. "Tubo ko'y dakila sa puhunang pagod" at mamatamisln ang anumang mangyari, ugaling upa sa sino mang mangahas sa ating bayang magsabi rfg tunay. Matupad nawa ang inyong nasang matuto at harinangang sa halamanan rfg karununga'y huwag makapitas rfg bungang bubot, kundi ang kikitli'y piliin, pag-isipin muna, Iasapin bago lunukin, sapagka't sa balat ng lupa, lahat ay haluan, at di bihirang magtarum ang kaaway rfg damong pansira, kasama sa binhi sa gitna ng linang. Ito ang matinding nasa ng inyong kababayang si JOSE RIZAL

*

*

*


ANG MGA MAGSASAKANG PILIPINO Pinupuri namin ang mga pagsusumakit ng Ministro ng Ultramar long mga Bayang Sakop sa Kahilang Ibayo ng Dagat na paunlarin ang pagsasaka sa Pilipinas; ito'y pinatutunayan ng kasiglahan ng mga kapulungan, mga komisyon at mga lupon, at ng karamihan ng mga panukala. Itinatagubilin namin, gay unman , na dapat sangguniin din ang magsasaka, ang taong tuwirang lumilinang ng lupa, ang taong, sa pamamagitan ng puhunan at pagsusumakit, ay siyang nagpapabunga sa lupa at nagsasagawa ng mga kaparaanang itinuturo ng agham at ng karanasan. At hindi lamang hindi siya nararapat limutin, kundi hindi rin nararapat talian ang mga kamay niya at hub dan ng kakayahan sa paggawa, gaya ng sa kasaliwaang-palad, ay nangyayari. Hindi sapat ang pagtatakda ng mga kautusang hari at ng mga kaparaanang naaangkop; kailangang ang mga iya'y ipatupad at ipatupad sa paraang nararapat. Kinakailangang makibaka ang magsasakang pilipino hindi lamang sa mga salot at sakunang-bayan, kundi gayundin, sa mga mapaghari-harian at mga tulisan: laban sa una'y totoo ngang pinahihintulutan ang pagtatanggol, nguni't laban sa mga huli'y hindi lagi na. Magpapaliwanag kami. Pagkatapos ng mga haha, balang, sunog, masamang ani at iba pa, ay nararapat mag-ingat ang namumuhunang magsasaka, sa alguwasil 2 na kumukuha ng kanyang mga manggagawa upang papaglingkurin sa isang gawaing bayan, pagaayos ng mga lansangan, mga tulay at iba pa, sa guwardiya sibil ns dumarakip sa kanila dahil sa maraming paglabag 1 Ito ang pamagat ng isang mataas na tungkulin sa Espanya, na nakaaalam sa mga kapakanan at mga bagay-bagay ng bayang sakop 0 "colonia" na nasa-kabilang ibayo ng mga dagat, katulad ng Mehik6 at ng Pilipinas nang panahon ng kastila. 2 Ito ay isang galamay 0 kagalawad ng Pamahalaan ng Kastila na tumutupad ng mga utos sa pagpaparakip 0 pagpapahuli sa isang taong nagkasala at sa pagpapatupad ng ano mang atas at tadhana ng batas 0 ng isang pinuno.

74


75

sa kautusan; naroong hindi nila dala ang kaniiang sedula, naroong hindi nagpugay na gaya ng nararapat, naroong sila'y kahina-hinala 0 kaya'y dahil sa walang anumang dahUan; at tinatalian ang kanilang mga kamay upang sila'y paglinisin sa kuwartel at sa ganito'y pilitin ang kanilang tagapamuhunan na mamuhay sa ilalim ng lalong mabuting pakikisama sa puna ng Guwardiya Sibil at kung hindi naman, ay sinasamsam ang mga kalabaw nila, mga baka, kahit na buong higpit silang tumutol, bagaman ang mga iyo'y isinasauli pagkatapos, sa dahilang ang gayo'y isang panggagahasang halos lagi nang walang matuwid, at sapagka't yao'y hindi nasasaklaw ng kapangyarihan ng Guwardiya Sibil. Ang paggawa ay karaniwang nababalam ng tatlo 0 apat na araw lamang, datapuwa't kung minsa'y nababalam ng mga ilang linggo; ang hayop ay nawawala 0 namamatay; at ito'y nangYayari kung ang guwardiya sibil, sa paglagpas sa hanggahan ng kanyang nasasakop 0 lalawigan, ay dumaray at gumagawa ng pangangagaw sa ibang pook, at pagkatapQs ay bumabalik sa kanyang lalawigan. Ito ang pinagbubuliatan ng mgaJ pagtatalo, ng mga pagyayao't dito at maraming iba pa. Kung minsa'y hindI ang alguwasil ni ang guwardiya sibil ang di-tuwirang sumksalansang sa Ministro ng Ultramar. Isang nanunungkulan hukuman 0 sa pamahalaan ng ulumbayan, na hindi nasisiyahan sa isang magsasal{a, ay madaling tumatawag sa manggagawang ito 0 iyon, kundi man sa dalawa 0 tatlo: ang kulang-palad ay naparoroon, gumagawa ng isang paglalakbay na inaabot ng dalawa 0 tatlong araw, nababalisa at nangangamba, gumugugol ng kanyang natipid, dumarating, humaharap, naghihintay, bumabalik, bumabalik kinahukasan at naghihintay, upang sa wakas, ay itanong sa kanya na nangungunot sa gal it ang noo at mukhang hukom, ang mga bagay na hindi nauunawaan at hindi nalalaman; mapalad siya kung makalabas na malaya sa pagtatanong na ito, sapagka't hindi miminsang buhat do on ay inililipat siya sa bilangguan at pagkatapas ay lumalabas na hangal ding gaya noong una, at ang lahat ay kasing-kristiyano ring katulad ng karaniwan. Kung minsan, na, sa kabutihang palad ay bihirang mangyari, ay winawalis ang lalawigan ng isang palibut-libot na pulutong ng mga kawal. Sa aba ng mga may kagalit! Sapat na ang I}1asama sa talaan ng mga kahina-hinala

sa


76

upang siya'y dalhin nang walang anumang paglilitis 0 pagsasakdal, sa ibang pook, at paalam lupang sakahan, paalam sa lahat! Tingnan kung sa gayo'y magkakaroon siya ng siglang magtanim sa ibang pula. Datapuwa't kung ang mamumuhunan ay isa sa marurunong magpadulas at sa bisa ng mga handog, ay marunong magpalubag-loob sa mga diyoses, ay malaki na ang kanilang naisulong, nguni't may nalalabi pang mahigpit na mga panginoon na dili iba kundi ang mga tulisan 0 mga manghaharang. Sa mga may bukiring malayo sa mga kabayanan, ang tulisan ay isang kakila-kilabot na kaaway. Hindi siya maaaring mahulihan ng loob na gaya ng iba, upang bigyan ng handog 0 suhulan kaya, gaya ng palihim na ginagawa ng ilan, sanhi sa ito'y ikabubulid sa kabilang bangin at ikapapasakdal ng sinumang gagawa ng gayon sa kasalanang pagkukupkop 0 pakikipagsabwatan sa masasamang loob, bagay na ang kahahanggaha'y ang pagpapahirap at pagkatapos ay pagpapatapon sa kanya. Ang pinakamabuting lunas sa salot na itong hindi maaaring puksain ng pamahalaan ay ang lumantad sa araw-araw sa mapanganib na pakikipaglaban. Datapuwa't upang makagamit ng isang sandata at makapagsanggalang sa sarili, ang tahimik na mamumuwisan ay na ngangailangan ng mabuting pagkakilala ng bayan, ng guwardiya sibil at ng kura, kailangang gumawa ng isang kahilingan sa Maynila, matutong m!lgtiis, maghintay, sa dahilang hindi naman laging ibinaba6n sa taguan ang kasulatan, kundi tinatapos din naman pagkaraan ng ilang buwan, lalo na kung may lumalakad noon 0 kung may kaibigan ng kawaning pinagtitiwalaang magbigay ng mga kapahin tulutan. Ang lahat ng ito'y napakabuti. Ang hindi mabuti ay kung sa kabila ng lahat ng mabuting pagkakilala, sa kabila ng katahimikan ng lalawigan, ng karamihan ng mga tulisan, ng kabutihang asal ng magsasakang bumubuwis at ng panganib na kinasusuungan niya at ng kanyang mga pananim, ay itinatanggi sa kanya, hindi lamang ang paggamit ng sandata, 0 ang pagbabago ng kapahintulutan, kundi sinasamsam pa iyon sa kanya, na binili niya sa halagang di-mapaniniwalaan, upang pagkatapos ay masayang lamang dahil sa kinakala wang sa isang sulok ng kuwartel 0 hukuman, walang


77

kabuluhan para sa lahat maliban sa mga tulisang siya lamang nakikinabang sa ganitong pangyayari. Ito ang nangyari sa isang mamamayan sa lalawigan ng Laguna, nagmamay-ari ng malalawak na lupaing natatamnan ng tub6, kape at abaka, na nasa-malayo sa kabayanan. Palibhasa'y halos magtatatlong dantaon nang ang lalawigang iyon ay hindi lamang naging matapat sa Espanya, kundi napakatapat pa, at nagkaroon ng isang indiy6ng tagaroon, ang kapitang si Ginoong Francisco de San Juan, na nagpahayag ng pakikidigma, noong 1762, sa ngalan ng Espanya, laban sa mga ingles, gayong ang pamahalaan na rin ay sumuko na sa manlulusob, at naari niyang mailigtas, sa pamamagitan ng kanyang katapangan, ang salaping ibig na ipagkaloob ng mga may kapangyarihan sa mga kaaway, na pagkatapos ay nahadlangan at napipilan niya, bagay na ikinawika ng isang manunulat na kastila na ang indiyong iyon ay nagpauna nang kalahating dantaon sa alkalde ng Mostoles; sa dahilang ang Laguna ay isa sa mga lalong magsasaka at lalong napapailalim sa mga sakuna ng kalikasan at ng tao, ay itinanggi sa mamamayang iyon ang pagbabago ng kapaHintulutan, kahit na mabuti ang lahat ng mga paninindigan, at sinamsam ang kanyang sandata; sa dahilang ito'y napilitan niyang iwan ang kanyang mga bukirin, lubos na nasayang ang abaka, sapagka't hindi siya maaaring makipagsapalaran nang walang sandata, at natitiyak niyang ang nag-iwan sa kanya sa kalagayang iyon ay hindi naman makapagtatanggol sa kanya at hindi rin tutubos sa kanya sa mga tulisan. Naniniwala kaming ang mga bagay na ito'y hindi nalalaman ng Ministerio ng Ultramar at ng mga mabubuting kastilang nagmamahal sa kapurihan ng Espanya, at may pagmamahal sa mga pul6ng iyon. Kami, na maaaring bumanggit ng mga pang alan , mga bayan, mga araw, mga saksi, at makapagpapatotoo sa ibang pangyayari sa sariling karanasan 0 bilang mga saksing nakamalas ay nasisiyahan sa pagbanggit ng pangyayaring ito at sinabi namin; je passe. et des meilleurs, lalaktawan ko na ang ibang lalong mabubuti. Kinakailangang itumpak ang bagay na ito, Ginoong Ministro ng Ultramar; baka may isang masamang loob na magwika na ang pamahalaan doon ay walang kaya at nakikipagsabwatan sa mga tulisan upang ibigay sa kanila nang lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay,


78

walang sandata ang mga mamamayan at ang ibig ay bungkalin ang mga bukid sa pamamagitan ng mga talumpati, mga panukala at mga p111ong, at dahil dito'y tinatalian ang mga kamay ng magsasaka at nilalagyan ito ng libong salabid, upang makapagtanim ayon sa bagong kaparaanan. Ang pagsasaka'y hindi bubuti sa ganyang pamamaraan lamang; kinakailangang tulungan ang gumagawa niyan. Yaong mga taong buhat sa kanilang maginhawang luklukan ay may ibang palagay, at sa pagkakatnalas ng kawalangbisa ng mga kautusang-hari ay sumisisi sa katamaran ng indiyo, ay hindi nangakaalam ng mararI1ing salabid na kailangang Rakahin nito, at hindi nakaaalam na upang ang i..:;ang makina'y tumakbong mabuti ay hindi sapat na ang kayarian nito'y maging kasang-ayon ng mga simulain, kundi kinakailangan ding maging wasto sa mga maliliit na bagay, na ang lahat ay maging magkakatimbang at walang bahaging lumalampas sa tl1mpak na hanggahan. Ang mga pagmamalabis na ito, na, bukod sa hindi matuturingan ay nagiging katawa-tawa, ay nakasisira sa bansa at nakasisirang puri sa pamahalaan. Ang pamamaraang ito ng pag-iingat , ng mga takot na walang pinagbabatayan, uleol sa mga hinalang walang matuwid, ay hindi lamang nakapagngingitngit at nakagagalit, kundi naghahayag din naman ng kahinaan ng pamahalaan, nagsasaysay ng malaking takot, ng malaking kahinaan. Ang bagay na nabanggit, kapag idinagdag sa kawalang kayang sumupil sa panunulisan, ay ikapagsasabi ng isang masamfmg magkuro na ang pamahalaan ay matigas lamang sa mga tahimik at mararangal, samantalang nagpapalayaw 0 nagpapabaya sa mga mapanggulo at mga salarin. Ito ang karaniwang sumbat ng mga nagsasariling mga indiyo sa mga indiyong nagkristiyand. Ang kaasalang ito ng pamahalaan doon ay nakasisira sa tunay n a mga kapakanan ng Espanya, at dahil sa pamamaraang ito~g lumilikha ng mga di-nasisiyahan, ay lumitaw na ang pamahalaan ay siyang kauna-unahang pilibustero. At yattlang naniniwala kami na lalong napaglilingkuran niyang tnabuti ang isang bansa sa pagsisiwalat sa kanya ng katotohanan, ay isinisiwalat namin ang katotohanan sa Espanya, Upang malapatan ng angkop na lunas. Dahil dito'y hinihingi namin ang pagkakaroon ng kinatawan sa Kortes, at ng kalay-aan ng pamamahayag sa Maynila, upang maipagsum-


79

bong ang mga pagmamalabis sa kuru-kurong bayan. Hindi lagi nang nakasusumpong ang mga kawalang-matuwid doon, ng isang panitik na magsasaysay; ni ang bawa't lathalain, ng isang magandang loob na pahayagang tatanggap sa kanyang mga tudling; at kahit na hindi ganito ang nangyayari, sa land as ngayong nilalakaran, ang lunas ay lagi nang dumarating na huli, sakaling ang pagmamalabis ay nilulunasan. Magwawakas kami sa pagmumungkahi sa Ministro, ng isang pagbabagong nauukol sa pagkakaloob ng kapahintulutang makagarhit ng sandata. Sa dahilang hindi ipinagkakaloob iyon nang walang paninindigan ng bayan, ng pinuno ng Guwardiya Sibil at ng kura, sa halip na ang kahilinga'y ipadala at lutasin sa Mayrtila ay nararapat lutasin sa hukuman ng bawa't bayan. Ang pagkakaloob ng pahintulot ay dapat unahan ng pagsangguni 0 pagbotong lihim ng puna ng bayan, ng opisyal ng Guwardiya Sibil (isang kastila) at ng kura (halos lagi nang taga-Europa), at hindi nararapat ipagkaloob kundi sila hangagkakaisa. Sa ganito g paraan ay magiging madali at maikli ang suliranin at alcmg pakikinabangan ang panahon. 'W alang magiging sagwil kundi ang dalawang itong sumusunod: magkakaroon ng Han pang mawawalan ng tungkulin at ang mga lihim na pagkakaalit ay hindi masisiyahan sa pamamagitan ng mga paghihiganti't pabalitang lihim; datapuwa't sa kabilang dako'y makikinabang ang Kabang-bayan at ang sangkatauhan; ang una ay dahil sa mababawasan ang mga kawani, at ang ikalawa ay dahil sa magkakaroon ng lalong maraming matapat at lalong kakaunting taksil


SA "LA DEFENSA" * Gaya ng inihandog namin nang nakaraang bilang, pagbabalikan namin ang aming gawain sa pagsusuri sa lathalain ng La Defensa sa kanyang bilang noong ika-30 ng Marso ; at sisikapin naming maging maikli, sapagka't ang pagtatalo'y dinadala ng lingguhang nasabi sa isang larangang hindi namin masusundan sanhi sa puno ng putik at napakadulas. Sinabi namin sa ba Defensa na hindi namin tinatanggap ang kapangyarihan ni Ginoong Patricio de 1a Escosura sa lahat ng kanyang sinasabi, palibhasa'y sukat nang basahin ang kanyang Memoria upang makila1a na ang Ginoong Komisaryo ng Hari ay sumulat nang may pagkatakot, may pagka-maingat na humahangga sa kawalan ng katapatan dahil sa gipit niyaQg katayuan, gaya ng napapansin kahit na sa mga lalong pangahas na bahagi ng kanyang sinu1at. katulad halimbawa ng mga bahaging nagsasaad na ang mga prayle'y tumututol sa pagtuturo ng kastila upang si1a ang maging tagapamagitang lagi ng bayan at ng pamahalaan na ang Pamantasan ay hindi nakasasapat at nagmumungkahi siya ng paglikha ng "Facultad ng Medicina at Farmacia"; sa mga bahaging pinag1arawanan niya ng sagwil na kinatitisuran ng Kapitan Heneral, at nagmumungkahi siya upang yao'y malunasan, ng paglikha ng isang uri ng mga Ministrong mamamatnugot sa iba't ibang sangay, at marami pang iba. Hindi na namin susuriin dito ang kanyang mga kataga nguni't, ina am in ng kapahayagan namin na si Ginoong Patricio de la Escosura ay nararapat sanang nagpahayag nang may higit na pagtatapat, higit na may kalayaan sa pagkukuro, sa dahilang ang mataas na tungkuling ginagampanan niya ay sadyang nagkakaloob sa kanya ng 2 Kung sa bagay ay hindi kulang ng pinanghahawakang matuwid ang lingguhang La Defensa, sapagka't ang kawalan ng paggiliw sa mga prayle ay isa sa Wong mahigpit na dahilan ng paghihimagsik ng mga pilipino, at siyang naging sanhi ng pagkawala sa Espanya ng Pilipinas pagkatapos ng dalawang taon ng pagsigabo ng himagsikang ito. 80


81 gayong karapatan at katungkulan niyang ipahayag nang buong liwanag ang kanyang mga kaisipan. At kung ninanais ng kapahayagan namin na kami'y bumanggit ng mga patutoo at mga bahagi ng mga katha, ito'y gagawin namin; nguni't ang kasama ang nararapat maglathala ng mga iyon sa kanyang bilang, sa dahilang sa aming bilang ay nararapat naming harapin ang ibang mga bagay na lalong mahahalaga. Tungkol sa sinasabi 0 ipinahihiwatig ng La Defensa hinggil sa aming paraan ng pagpapakahulugan sa mga bagaybagay, ay sisipiin namin dito ang ilang talata ni Hurtado de Corcuera, at siya na lamang ang maglapat ng kahulugan sa mga iyon, alinsunod sa kanyang maibigan, maging ayon ito sa sarili niyang kapakinabangan, at maging sa kapakinabangan ni Sirwela, ay walang kabuluhan sa amino Narito: "At sapagka't ang pagpapalaluan ng ilang tao at ng mga Kapisanang Makasimbahan, na ayaw pakilalang sila'y mga kampon n g Inyong Kamaharlikaan, ay nagharap ng mga sumbong at naglathala ng mga pagkakamali't pagmamalabis . . . at nagsiwalat ng mahahaba't nakatatakot na salaysay laban sa mga lalong tumpak na pamamaraan ng Gobernador; at sa dahilang waLang alinlangang ang mga maykagagawan niyaon ay siya ?路ing sanhi ng mga alingasngas na kanilang kinatha . . ."

Upang magbigay ng isang patotoo tungkol sa kapalaluan ng mga Korporasiyon ng mga prayle at ng paghamak na ginagawa ng mga ito sa mga tagapamahala, ay sinasabi niya hinggil sa isang entreditso na isang parusa ng simbahang nagbabawal ng paggamit ng ilang bagay na nauukol sa kaluluwa, na ipinataw, sanhi sa mga kadahilanang walang kabuluhan, ang ganito: "Sa gayo'y inilagay sa entreditso ang bayan hanggang sa ang mga Paring Rekoleto ni San Agustin, upang maipagdiwang ang kapistahan ni San Nicolas, ay nakapagkamit niyaong hindi nakayang kamtam ng Gobernador ni ng buong bayan upang maipagdiwang ang kapistahan ng Nuestra Senyora." At sa dakong ibaba ay sinasabi niya: "Nagkaroon ng balita ang Gobernador na ang ilang pari'y nagtatangkang magtanan at magsama ng maraming kawal at mga marinong inupahan ng Inyong Kamaharlikaan . . . sa katunaya'y nangyari, na ang dalawang prayle at isang klerigo ay nagtanan at nagsama ng mahigit na tatlumpung kawal at mga 006700- 6


82

marino, na nakatanggap ng mga abuloy na higit sa tatlong libong pisong galing sa kaban ng hari . . ." Tungkol sa prayleng dominikong si Pray Lucas Garcia, ang Gobernador ng Pormosa ay nagsaad sa kanyang sulat nitong sumusunod: siya'y kaibigan ng mga pakikipag-ttsapin at pakikipag-alit hanggang sa ipagbawal na tugtugin kung gabi ang batingaw para sa mga kaluluwa, ni sabihing: Purihin ang Santisimo Sakramento't ang malinis na Paglilihi ng ating Senyora, ang Birhen Maria na naglihi nang walang kasalanang orihinal; ayaw niyang sambitlain ang Birhen upang sabihing walang bahid kasalanan. Sa pagbanggit tungkol sa isang klerigong tinangkang ikulong ng Hang kawal alinsunod sa atas ng Gobernador, ay sinabi ni Hurtado de Corcuera . . . "at agad lumabas ang napakaraming prayle sa Santo Domingo upang sumalubong sa kanya, at gayon na lamang ang ginawa nilang pagdaluhong sa mga kawaI, na sa pamamagitan ng mga suntok ay naigupo nila ang ll).araming bantay at naitago nila ang klerigong yaon sa kanilang kumbent o . . . Sa dako pang ibaba: "Nang mflhirang na piloto ng Kapitana ang isang Juan Rodriguez . . . ay nagkaroon ng balitang siya'y pinamanhikan at hinikayat ng ilang prayle na magtanang kasama nila sa paglalayag na daraan sa Indiya. Siya'y ipinadakip ng Gobernador upang huwag makatanan at nag-utos ang Gobernador sa mga daungang lunsaran na huwag tulutang makaahon ang dalawang prayleng siyang pasimuno ng pagtatanan, at hindi nagkasya ang mga prayle sa malaswang pagpapahayag at dahil doo'y naging ekskomulgado 0 itiniwalag sa Jglesiya ang Gobernador. "Datapuwa't sa ibang daanan ay nakapagtanan ang ibang mga prayleng may kasamang maraming marino at kawal." Subali't bakit pa tayo magpapatuloy kung ang lahat ng ito'y maaaring pakahuluganang isang pagpapatotoo ng panata ng pagsunod ng mga prayle? Hinihingi ba ng La Defensa na kami'y bumanggit ng iba pang talataang sinulat ng ibang manunulat? Ninanasa ba niyang kami'y magsalita hinggil sa mga alingasngas at mga sakunang duma an sa Pilipinas, salamat sa mga pagkakainggitan at mga hangarin ng mga samahan ng mga prayle sa Dulong Silangan, gaya ng Hapon, Kambodya, Tsina, Molukas, Pilipinas at iba pa? Yamang ang lahat ng ito'y bubuo ng isang mahabang kasaysayang ang paglalathala'y


83

magnanakaw sa amin ng panahon at puwang, upang mapagbigyan ang La Defensa ay ilalathala namin yaon nang may kasamang mga tala at kasulatang pangkasaysayan kailanma't bibilhin ng arning kapahayagan ang kalahati ng bilang ng mga siping lilimbagin, at tinitiyak namin sa kanya na ito'y gagawin namin upang siya'y mapagbigyan lamang, sa dahilang hindi namin kinakailangang papaniwalain pa ang sinuman hinggil sa nakasasamang lakas ng prayle sa dq,nta6ng ito. Ang prayle'y itinakwil ng Europa, at kami'y hindi sumusulat para sa mga kampon nilang kulang-palad na nalalabi pa sa ilang sulok ng daigdig. Ang mga yao'y karapat-dapat sa mga prayle. Kalayaan para sa lahat! Sa anu't anuman, kung itatabi ang mga talang ibinibigay ng mga dantaong nagdaan, at ninanasa ng kapahayagan ang ibang mga talang lalong sariwa't makapagpapaniwala, ito'y maibibigay din namin sa kanya nang hindi hahaluan ng mga pangungusap na nababagay lamang sa mga taong hindi mabuti ang pinag-aralan gaya ng ginagarnit ng kapahayagan, palibhasa y maaaring masabi ang katotohanan at pagtibayin ito ng ga matuwitl nang hindi nakagagawa ng kagaspangan. Tungkol sa aming mga taling sa Palaugnayan na lubhang kinawiwilihan ng La Defensa, ay sinasabi namin sa kanya: Maanong wala na tayong ibang pagtalunan kundi ang nauukol sa palaugnayan! Harinawang ang uri ng mga taong ipinagtatanggol ng La Defe.nsa'y hindi magkaroon ng ibang kamalian lib an sa palaugnayan! Kung gayon, ang lahat ay magiging napakadali. Kapag pinagtatalunan ang isang pangyayari, ay hindi nararapat manulay sa mga san ga, at higit sa lahat ay nararapat tingnan kung anong sanga ang hinahawakan, sa dahilang ang pag-iwas na ito'y maaar ing pakahuluganan ng pag-urong 0 pagtakbo. Huwag nating guluhin ang suliranin; panindigan ng La Defensa ang kanyang palagay na ang kawalan ng paggiliw sa mga prayle ay siyang ikapapahamak ng Pilipinas,2 at paninindigan naman ng La Solidaridad ang kabaligtar an nito at higit pa sa rito: paninindigang hindi nararapat at hindi maaaring pagtakpan ng mag an dang watawat ng Espanya ang ilang kahunghangan sa kasiraan at kapinsalaan ng kanyang mga anak na nasa-kabilang ibayo ng dagat.

*


KUNG PAANO NILILINLANG ANG INANG-BAYAN

*

May malaking pagsusumakit, labis-labis na pagpupumilit na maikubli ang katotohanan at mailigaw ang damdamingbayan hinggil sa mga kaparaanang kinakailangang gamitin upang ang Pilipinas ay makalakad nang walang mga kabagabagan at walang mga kaguluhan sa landas ng pagkakaunlad. Matinding sakit ang ibinunga sa amin ng pagkakabasa ng isang pangulong tudling na nalathala sa pahayagang La V oz de Espana, sa Maynila, sa bilang ng ika-27 ng Marsong nagdaan na, sa kabila ng maraming kalabisan, ng kawalang pagdidili-dili at ng babahagyang katinuan, ay isinasaad sa lathalaing pinamagatang "Paanong Hinahamak ang lnangBayan" ang sumb\sunod: "Ang tanging mga 'i<uk10d na sadyang panlipunan na nag-uugnay sa bansang ito at sa Es anya ay ang Relihiyong Kat6lik6 at ang mga nagkasalin-saling paggalang. Ni ang m,ga taling may uring pampangasiwaan, ni ang mga kaunlara sa pamumuhay, ni ang mga bagong pagwawasto alinsunod sa batas, ni kahit na ang pagpapalaganap ng wikang kastila, 1 at lalo na ang kapangyarihan ng mga sandata, ay di masasabing siyang taling makapagpapabunga sa lipunang pilipino at sa mga nasa-kabilang ibayo ng karagatan, ng pagkakaisang kinakailangan upang ang kaluluwa't katawang nakikilala natin sa taguring Inang-Bayan ay maipalagay na nag-ugat nang ganap sa Kapuluang ito. Kinakailangang humanap ng isang bagay na kasangkap ng buhay, sa kaibuturan ng mga lahing ito, na makapagdurugtong nang matibay at mahigpit sa Espanya sa karamihan ng mga mamamayang pilipino; at sa bagay na ito 'y * Ang lathalang ito'y lumabas sa La Solidaridad sa Madrid nang ika-15 ng Mayo, 1889 0 kaya'y may 69 na taon na ngayon ang nakararaan. Hindi matiyak kung ang lathalang ito'y nilagdaan ng pangalan ni Rizal 0 kung S;l pamamagitan lamang ng isa sa kanyang mga sagisag. 1 Ang totoo'y ang mga prayle ang siyang nagsisitutol sa pagpapalaganap ng wikang kastila sa Kapuluan upang huwag marnulat ang mga mata ng mga pilipino, huwag silang makagamit ng kanilang mga karapatan, ni huwag makapaghabol ng kanilang matuwid at makahingi ng katarungan. 84


85 hindi na kailangan ang malalim na pag-iisip upang maunawaan na alinman sa mga bagay na nabanggit ay hindi lamang salM sa bisa upang magsupling ng gayong mahalaga't kapaki-pakinabang na bunga kundi ang marami sa mga iyon, 0 dahil sa sariling katangian nila, 0 sa walang hunusdiling paggamit, ay maaari pang magbunga marahil ng kabaligtaran."

Gaya ng namamalas sa sinipi sa itaas, ay tinatangka ng pahayagan sa Maynila na huwag umunlad ang Kapuluang Pilipinas, sa dahilang hindi kinikilala 째 dili kaya'y ayaw kilalanin ang bisa ng mga kaparaanang ginagamit ng Espanya 째 ng kanyang pamahalaan upang ang mga pul6ng iyon ay makapagtamasa ng kalayaan, ng karapatan, ng makabagong kalinangan. Tunay na ang La V oz de Espana, malayo.ng maging tagapamansag ng Espanya, gaya ng ipinagmamagaling niyang pamagat, ay tinig ng mga prayle ang siyang naririnig at umaalingawngaw sa kanyang mga tudling. Sapagka't sabihing ang tanginq mga buklod na sadyang panlipunan na nag-uugnay sa Pilipinas sa Espanya ay ang relihiy6ng kat6lik6 at ang mgl{ na,gkasalin-saling paggalang ay isang pag-upasala sa dalisay na kagitingan at sa katapatan ng mga pilipino, na buhat pa kay Legaspi ay nakiisa na sa Espanya, hindi dahil sa relihiy6n ni sa napagkaugalian, kundi, una'y dahil sa mataas na kapakanang poHtiko, at pagkatapos ay dahil sa pag-ibig, at sa pagmamahal sa inangbayan. 2 Ibuklod ang kabuuan ng inang-bayan sa mga pul6ng iyon sa pamamagitan ng mga samahan ng mga prayle, gaya ng tinatangka ng tagapamansag na makaprayle ay isang paguugnay, sa bisa ng kahangalan, ng bulag na pananampalataya, ng paniniil at ng paghahari-harian; at tunay din namang hindi itinirik ng Espanya sa mga pul6ng iyon ang di-magagaping watawat ng Kastilya, upang maging pag-aari lamang at maging lupaing "feudal" ng mga prayleng makaluma, kundi upang maiwangis at maipantay sa kanya na rin, na 2 Sa talataang ito at sa buong nilalaman ng lathala ay sapat nang maunawa ng matalino at walang kinikilingang mambabasa, na bagaman humihingi si Rizal ng mga kalayaan, mga karapatan at katarungan para sa mga pilipino ay hindi siya kaaway ng kastila sa papaano mang kaparaanan, g~ya ng sinasabi ng kanyang mga kaaway. Ang totoo'y nagtitiwala pa nga siya sa Espanya sa ibabaw ng mga hirap at kawalang matuwid na rlinaranas ng mga pilipino sa iIalim ng pamahalaang iyon.


86'

anupa't tumatangis kapag siya'y tumatangis, kapus-palad kung siya'y kapus-palad, nagtatamasa ng kaunlaran, ng kalayaan, ng mga karapatan, maging panlipunan 0 maging pampolitiko kapag siya'y nagtatamasa ng ganitong mahahalagang biyaya, ng ganitong di-mahalagahang pamana ng himagsikang pranses, na sa kawalang palad ng mga prayle ay sinusumpa nila nang wala sa matuwid. Sa pagbabalik namin sa lathalaing tinutukoy: ay saan ba kinuha ng pahayagan sa Maynila, na ang pagtuligsa sa prayle ay .pagtuligsa rin sa relihiy6ng umiiral sa mga pul6ng iyon? 3 Isang bagay ang relihiy6n at ibang bagay naman ang prayle: ang prayleng makalumang kakampi ni Carlos, anak ng mga Kumbento, mapanarili, maramot, mapaghari-' harian at mapaniil, kaaway ng lahat ng pagkakasulong at maibigin sa lahat ng uring "feudal", mapanghamig ng kapangyarihan; at ipakatawan sa prayle ang relihiy6n at ang inang Espanya ay isang pagpapakatawan sa masamang hilig: sa kabalighuan, sa bulag na pananampalataya, at ang lalong masama ay sa kawalang pag-ibig na rin sa inang Espanya; palibhasa'y sa isang pulpit6 sa isang bayan sa Pilipinas ay sinabi ng is.ang prayleng hindi karapat-dapat na maging kastila; ang mga salitang ito 0 ang katumbas nito ay katoliko muna bago maging kastila, upang udyukang manghimagsik ang mga mapaniwalaing indiyo laban sa isang kalatas-palibot, na hindi naman nalalaban sa katoliko, na itinakda ng Patnugutang Pangkalahatan ng Pamamahalang Sibil, datapuwa't ang mga tagaroon, sa halip na dumaing sa gayong mapanggulong pag-uudyok ay nagpamalas ng kanilang di-matatawarang pagkamaka-kastila nang higit sa masamEmg makabayang prayle na nagsabi noon buhat sa banal na pangaralan. Ibig ba ng La Voz de Espana ang iba pang maliwanag na pagpapatotoo? Sino ang nagpapanatili ng pagkakahati ng mga Hpi kundi ang mga prayle? Itangging ang pagpapalaganap ng wikang kastila sa mga pul6ng iyon ay hindi nakapagbubuklod ng anuman, hindi nakabibigkis ng anuman, upang ang mga naninirahan doon 3 Ito'y isa sa mga JaJang at paraang ginagamit upang kapootan ng mga kastila si Rizal at upang ito'y mawakawak; alalaong baga'y ang ipakilala siyang kaaway ng relihiy6n kat61ika dahil sa mga pagtuligsa niya sa mga prayle.


87 ay maging totohanang kastila, ay isang tunay na kawalan ng karaniwang pang-unawa 0 magkaroon ng sumpong ng kasupladuhan, na bilang kawanggawa ay siyang nararapat naming iukol sa pahayagang La Voz de Espana na nagpapalagay na kinatawan ad litem, ng mga samahan ng mga prayle. Ang PuM ng Negros ay isang mahalagang katunayang maliwanag na nagpapakilala na upang maging kat6lik6 ay hindi kinakailangan ang mga prayle, at upang manatiling mapagmahal at matapat sa Espanya ay hindi nangangailangan ng mga samahan ng mga prayle; ang pangangaral sa pul6ng iyon ng kabisayaan (pagkatapos na paalisin ang mga hesuwita ng walang kamatayang Konde de Aranda) ay itinagubilin sa mga dukhang paring indiyo at sa loob ng kulang pa sa sandaang taon ay napa paging mayayamang bayang Kastila ang mga basal na kagubatang iyon at ang kanilang mamamayan ay napapaging mataimtim na alagad ng katolisismo. Sa anu't anuman, kung gaya ng pinatutunayan ng La Voz de Espana, ang mga samahan ng mga prayle ay siyang sa katotohana'y tanging buklod na bumibigkis sa mga pula ni Magallanes sa Espafia/ ay ano pa ang kabuluhan ng mga pamahalaan? ano't may mga pangasiwaan pa? ano't mayroon pang mga patnugutan? ano't may Kapitan Heneral pa? ano't mayroon pang hukbo? ano't mayroon pang Patnugot? . .. Ang lahat ng ito'y walang kabuluhan at higit sa walang kabuluhan ay isa pang pampabigat sa mga takdang guguling-pangkalahatan ng Bansa. Lalo pang mabuting ipaubaya na sa mga prayle ang pamamahala sa Kapuluang iyon, pagampanan sa kanila ang tungkulin ng pagkakabisa ng balangay, guwardiya sibil, karabinero, at maraming iba pa. Sapagka't kung may isang nakabubuklod ay kalabisan na ang iba. Alin sa dalawa: 0 ang mga prayle 0 ang pangkat ng mga sibil et tertius non est ultus, at wala nang ikatlo. 'Ang manunulat na kastilang si Wenceslao E. Retana ay nagsabi ng ganito: "Ang laging ipinangangalandakan ng mga prayle ay ito: 'dahilan sa amin, ang mga indiyong ito'y nabubuhay na masunurin sa Espanya.' Ang himagsikan ng taong 1896 ay nagpakilalang sa halip na maging katibayan ang mga prayle ng pagkamasunurin, ay siya pa ngang naging pangunahin, kung di man tanging may kagagawan ng paghihimagsik ng mga pilipino sa panakop ng mga kastila."


88

Bago ang lahat at higit sa lahat, ay tinatawagan namin ng pansin ang aming mga tagapamahala hinggil sa lathalaing iyon ng La V oz de Espana, na higit pa sa pagtatanggol sa mga prayle, ay nakasisirang puri sa karangalan ng bansa, nakasisira sa mga balak ng Ginoong Ministro ng mga Bayang Sakop sa Kabilang Ibayo ng Dagat, at nakasisirang puri sa isang paraang di-tuwiran sa karangalan at kapurihan ng mga kinatawang sibil natin sa malalayong lupaing iyon. Malakas na isinisigaw naming ang mga prayle sa sandaling itong makasaysayan, ay isang kapinsalaan ng kapakanang pambansa sa Pilipinas, sa dahilang sila'y mga salabid upang makapagpasok sa bayang iyon ng lahat ng uri ng mga pagbabagong makapagbibigay-luwag na sadyang madalian at mahigpit na kinakailangan. Ang inang Espanya'y hindi nangangailangan ng mga magagaspang na tagapagsulsi, gaya ng mga prayle, upang mapapagkaisa ang bahaging iyon ng lupaing kastila, upang mabigkis ang mga pusong pilipino, upang mapapagpisan ang mga adhikaing pilipino at ang kapalaran ng inang Espanya. Ang kadiliman at ng bulag a pananampalataya, ni ang paniniil ni ang mga pamahiin ay hindi nakapagbubuklod kailanman, ni nakapagbuklod sa mga bayan-bayan; sa kabilang dako, ang kalayaan, ang karapatan, ang pag-ibig ay nakapagtitipon sa iba't ibang lahi sa paligid ng iisang hangarin, ng iisang kapalaran. Sa wakas ay nagkukulang sa katotohanan ang La Voz de Espana sa pagsasabing ang pagkakaisa p.g mga lupaing sakop sa mga pu16ng iyon ay inaalalayan ng mga kapisanan ng mga monghe; nanlilibak ang nagsasabing minamahal ng mga pilipino ang Espanya sa pamamagitan ng mga prayle; hindi nangangailangan ang pilipino ng mga mapag-imhot na mga sisiwa upang pakandong sa inang-Espanya at i..hinga sa makainang sinapupunan niya ang kanilang mga dalamhati, mga daing at mga pagtitiis; isang hamak at imbi ang magsabing sapagka't ang Pilipino'y kaaway ng prayle ay pilibustero siya. Ano ang tinatangka ng La V oz de Espana sa pagsasabi buhat sa kanyang mga tudling sa isang paraang nagsusuplong na anya'y: "Hindi magiging kapaki-pakinabang sa bayan ang ilang pagpapalaganap, maging ang mga ito'y nagbubuhat sa mga pulutong 0


89 samahang politiko ng Korte, maging sa pamamagitan ng mga kasulatan at talumpati, maging, sa wakas, sa pamamagitan ng mga kapaki-pakinabang na lakas ng mga Paroko sa mga bay an at ang pamimitagang nararap'a t iukol sa lahat ng istitusyong kastila."

Ibig bang kami'y busalan? Hindi pa ipinan ganganak ang isang La V oz de Espana n o. lubhang makaharing-Carlos na gaya niya, na makapag-uutos sa amin n g pagtahimik, u pang makapagsabi ng mga katotohanan at m akapagtanggol ng karangalan namin. Ang panlilinlang sa inang-bayan , gaya ng ginagawa ng La V oz de Espana, ay siyang pinak amabigat na kasalanan sa lahat ng kasalanan.

*

*

)

/


ANG KATOTOHANAN PARA SA LAHAT

*

Dalawang mahalagang lathala na may pamagat na ," Ang Mga Sinulat" at ' ~Ang Mga Maykapangyarihan Sa Pilipinas" ang inilathala noong Marso ng isang pahayagan sa Maynila upang ipabatid na ang mga pangunahing tub6 sa mga bayan sa Pilipinas ay mga walang-dangal, mapanirang-puri, masasamang ugali, palausapin, taksil, masisipag sa kasamaan, mga tamad sa kabutihan, at hindi nakaaalam ng kanilang ginagawa, ni hindi gumagawa ng kanilang nalalaman; na ang lahat ng ito'y pawang kasiraan ng lahi; at kailanma'y hindi nararapat pansinin ang kanilang mga sumbong laban sa mga nagsisiapi sa kanila; na ang mga ito'y nararapat magkamit ng lubos na kaligtasan sa gayong sumbong, at iba pa; at sa wakas, ang kapalaran ng mga bayan ay dapat ihabilin sa mga ka~ay ng tatlo kataong pinili at hinirang ng mga tao ring itong hindi maaaring magkamali, at ang tatlong nabanggit ay walang dapat harapin kundi ang pagpapagawa lamang ng mga lansangan at iba pa. Ito ang masasabing pinakalatak ng maraming balintunang pangungusap, mga mungkahi at mga parungit. Na ang kamalian ng ilan ay iniuukol sa buong lahi ay ' hindi isang bagay na bago sa amino Upang ham akin ang isang bansa, ay walang dapat gawin kundi palaganapin sa kanya ang kasamaan, gaya rin ng kung ibig dakilain ang * Ang lathalang ito'y lumabas sa "La Solidaridad" nang' ika-31 ng Mayo, 1889, at isang marahas , na sagot sa dalawang lathala ng "La Voz de Espaiia" sa Maynila, na lumalait, hindi lamang sa mga pinunong pilipino sa mga bayan-bayan kundi sa buong lahing pilipino. Buong liwanag at isa-isang iniulat ni Rizal ang kalagayan sa lipunan at sa politika ng mga bayan-bayan sa Pilipinas, lalung-lalo na sa pangasiwaan, na dahil sa lakas ng mga prayle ay maaaring maghawak ng matataas na tungkulin ang mga "alila, mga sakristan, mga mapagbigay na naghahatidciumapit sa mga kura." Ang lathalang ita'y masasabing isang matapang at lantarang pagsisiwalat ng buhay na panloob sa polltika ng mga bayan sa Pilipinas upang mapagunawa at malunasan ng Pamahalaan sa Espanya. 90


91

isang bansa ay sapat nang ipagunita ang mga magagandang halimbawa. Ang pamamaraang iyan, gaya ng namamalas, ay mabisa. Hindi rin namin ipinagtatakang dustain at libakin ang karamihan sa mga mamamayang pilipino, yaong walong angaw na mamamayang nagpapakain, sa pamamagitan ng kanilang pawis, sa libu-libong mga kapatid nilang nasa-Espanya, at nagbububo ng dugo dahil sa Espanya, gayong hindi nila sinasalita ang wika nito. Na ang paghamak na ito'y gawin nang walang panganib na maparusahan sa likod ng isang sagisag ay hindi rin namin ipinagtataka. Sa Pilipinas, lahat ng paglibak, na galing sa ita as at ukol sa nasa-ibaba ay pinahihintulutan; ang pagsagot naman ay ipinagbabawal. Tila ang kamahalan at kadakilaang-asal ng kastila ay nasisira sa matagal na paglalayag, sapagka't sa Espanya ay itinuturing na duwag ang sinumang lumibak sa isang lumpo 0 sa isang pipi; datapuwa't sa Pilipinas . . . sa Pilipinas, ay ibang bagay iyan! Iiwan na namin sa isang dako ang mga pag-alipustang ikinakanlong at ang sagisag na A.G.D.G. na inilalagda, at susuriin namin ang buod ng gayong pakubling pagpaparatang. Sang-ayon kami na sa Pilip ina ay maraming kasamaangasal, maraming kagusutan, maraming kabuktutan at maraming hidwang pamamalakad. Datapuwa't huwag nating iparatang sa bayan ang mga ito; huwag nating ipataw na lagi sa bayan ang ating mga kapanagutan at ang kapanagutan ng iba. Kung baga sa isang tahanan, kapag ang ama ng angkan ay nagtataglay ng walang hanggahang kapangyarihan ay siyang nararapat managot sa kalagayan ng mga bagay-bagay. Ang mga kaabaan ng isang bayang walang kalayaan ay hindi nararapat ibuhat sa bayan, kundi sa mga nagsisipamahala sa kanya; sapagka't upang mapanagot ang sinuman ay kinakailangang siya'y maging panginoon ng kanyang mga kilos, at ang bayang pilipino'y hindi panginoon, ni ng kanyang mga kilos, ni ng kanyang mga isipan. Magiging masaklap ang katotohanang ito sa pandinig ng ilan, datapuwa't yamang may ilang nagnanasang humalukay ng mababahong basahan, ay halukayin na ang basahan ng lahat. Suriin natin kung paano pinili at pinipili ang mga sawingpalad na namumuno sa mga bayan-bayan.


92

Liban na sa ilang kapuri-puring kataliwasan, na nangyayari rin naman, ay nababatid naming ang karamihan sa mga tinataguriang makapangyariha'y kung di man mga sawimpalad na nabubukot sa kanilang pasanin, ay mga imbing alipin, mga bulag na kinakasankapan ng ilan, mga duwag na kampon ng iba, mga mabababang-Ioob at mapagbigay sa tanang makahumalingan ng mga nakatataas sa kanila, mga bingi at malulupit sa kanilang mga nasasakupan. at sa kahabag-habag na bayang an.g kapalara'y ipinagkatiwala sa kanilang mga kamay. 00 nga kinikilala naming ang lalong hindi naaalaaia ng maraming namumuno ay ang kanilang bayan, ang kanilang budhi, ang sangkatauhan, at ang Diyos. Natatanto naming ang buong pinagsusumakitan nila ay ang maglingkod upang mak;apag-utos, sumuhol upang makapagsamantala, magpakaaba upang umaba at mabigyang kasiyahan ang kanilang imbing hangarin. Datapuwa't bakit nagkakaganito? Ano ang kanyang pinagmulan? Ilalarawan naming minsan pa ang panloob na kabuhayang pulitiko sa mga bayan-bayan sa Pilipinas, upang malaman ng Pamahala~n sa Madr~d, at malapatan ng lunas, kung inaakala niyang siy-a'y may lakas. Hindi mapag-aalinlanganan na sa bawa't bayan ay may mga binhi ng dalawang pangkatin: ang una'y ang pangkating binubuo ng mga may pinag-aralan,' ang pangkating may kasarinlan, may kayang mabuhay sa ganang sarili at hindi nangangailangan ng mga kakapitan 0 mga taga-tangkilik, ang pangkating nauuhaw sa katarungan at kapayapaan, ang pangkating kinukulapulan ng sisi dahil sa pagmamalab is at pagmamalupit ng ilang uri ng tao; sa wakas, ang pangkating isinasakdal ng mga kaaway at pinararatangang pilibustero, palibhasa ito'y binubuo ng mga taong karapatdapat at tiyak na panggagalingan ng mga tunay na pilibustero kapag ipinagpatuloy ang kasira-sirang pamamalakad na pinaiiral hanggang ngayon. Ang ikalawang pangkatin ay ang pangkatin ng mga hampaslupa, mapaggawa ng usap, ang tinata'Yag, bagama't hindi nababagay, na pangkatin ng mga maka-prayle dahil sa tagasunod at naglilingkod sa mgn ito, sapagka't inaakala nilang ang mga prayle ay isang matibay na sandigan, nguni't ni hindi nila minamahal ni pinagpipitaganan. Sila na rin ang balang araw ay magiging lalong hamak na kaaway ng mga prayle kapag ang mga ito'y


93 wala nang maitutulong sa kanila. Isang maliit na bahagi ng mga mamamayan ang walang kinakatigan at ang mga ito'y siyang bumubuo ng mga hindi nababahala. Gaya ng dapat hintayin, sa dalawang pangkating ito'y ang ikalawa ang siyang mamabutihin ng kura, sapagka't ito'y nagnanais na makapag-utos upang lumakas at makapanaig sa mga tagapamahala, at sapagka't ang pangkating ito'y siyang lalong malambot, pinakamagaang h ikayatin, totoong bulag na tagasunod at pinakamabuting tagapagpaganap ng mga balak ng kura. Bilang pinakabunga nito'y pinupuri ng mga kura sa kanilang mga lihim na ulat ang mga alagad ng pangkating ito, na parang mga lalong tapat ang loob at ang isa namang pangkatin ay inilalarawang siyang lalong mapanganib sa kapanatagan ng bansa. At ito rin ang paniwala ng marami. Ang kinalalabasan nito ay ang u tusan, ang sakristan at ang mapagpaunlak na tagapaghatid-dumapit sa kura ay siyang lalong madalas magkamit ng pangunahing katungkuIan sa bayan, salamat sa m akapangyarih ang lakas n g kanilang panginoon sa karurukan ng pamahalaan . Ang pangyayaring ito'y isang paghamak sa pangkatin n g mga may pinag-aralan, isang paghamak na sinusuklian n g bagong hari-harian ng mga kautusang pampamahalaan, mga ulat at m arami pang iba, sa tulong ng kanyang panginoon, na pinaglilingkurang kasabay ng pagbibigay-lugod sa kanyang sariling kapakanan. Ang paraang sinusunod ng namumun o ay maglingkod sa panginoon upang siya'y kalingain nito kapag siya'y ipinagsusumbong na nagsasamantala sa mga mahihirap 0 n~gkukulang sa kanyang tungkulin ; ang kinakailangan niya'y magkaroon n g isang mabuting inaama. P inakabungang katutubo nito ay ang pagkapoot sa kalabang pangkatin, pagkapoot na siyang nilalayon n g ilang politikong walang ibang karunungan at walang ibang katusuhan maliban sa paghati-hatiin at p ag-alit-alitin ang mga bayan, sa pamamagitan ng pagkampi sa gayon 0 ganitong pangkatin, at sa ganitong paraan ay napanlulupaypay ang isa't isa. Hindi nahihinagap ng mga t aong ito n a balang araw ay maaaring makapinsala rin sa k anila ang gayong sandata. Ang naghahasik ng hangin, anang salawikain, ay bagyo ang aanihin. Sa dahilang ang mga tungkuling ito'y naging hamak at kinasangkapan sa masama, sa mga bayang may nalalabi


94

pang kaunting kahihiyan, sa mga angkang pilipinong hindi pa nahahawa sa kasamaan, ay pinakaiiwas-iwasan hanggang maaari, ang maging kahalili sa tungkulin ng isang namumunong walang dangal, at ng mga taong nagmamahal sa kanilang bansa ay nagkukulong na lamang sa isang mapanglaw na kawalang-imik . . . at naghihinagpis. May nakikilala kaming mga mayayamang nangagkaloob ng kanilang salapi at nagsisuhol sa mga kabisa upang huwag lamang silang hirangin at ihalal. Sinong may kaunti pang hiya ang darampot sa tungkod na iyon, na basa-basa pa ng pawis ng isang hamak at buh6ng na kamay, sa tungkod na iyon na bagama't nang nakaraang panahon ay naging sagisag ng kapangyarihan, nguni't ngayon ay tanda naman ng kadustaan at kaalipnan? Sa mga bayang ito, ang pasanin ay karaniwang bumabagsak sa isang sawimpalad. Gayunma'y mabibilang sa daliri ang mga katulad ng mga ito na tila nasisiyahan sa walang katuturang pagtitiis, at katulad ni Cesa:r~ ay nagbabalot sa kanilang balabal upang ihandog ang sarili sa mga papatay sa kanila. Karamihan sa m?a bayan ay may paglalabanan. Ang ilan, sanhi sa hindi ila nakikita ang kanilang mga kaaway na nagkukubli, at nang huwag malantad sa kanilang pukol, ay nangaglalagay ng mga salabid upang maiwasan ang paghamak sa kanila; ang iba naman, at ang mga ito'y siyang lalong marami, ay napadadala sa masasamang halimbawa at dahil sa wala silang lakas ng loob sa kabutihan, ay nagnanais na makisalo sa piging, at sinasabi nila sa kanilang sarili: "ang makina ng lipunan ay pinagagalaw ng dugo ng sawimpalad; makisama tayo sa laganap na pang-aapi; mangapi tayo upang huwag tayong apihin." Ang ilan naman, na napakabihira, marahil ay ang mga ulol na nakikibaka rin sa udyok ng kanilang pangarap na makagawa ng ikabubuti ng bayan, makapagpasok ng mga pagbabago , ng katarungan at karangalan, datapuwa't ang mga ito, kung magtagumpay man, ay hindi naisasakatuparan ang kanilang pangarap, sapagka't 0 sila'y itinitiwalag sa katungkulan 0 kaya'y nagigising na lamang sa tapunan. Sa hamak na paglalabanang ito, ang lahat ng pamamaraan, maging mabuti 0 masama, ay ginagamit: mga suhol, mga handog, mga paninirang-puri, mga paratang, mga ulat at iba pa. May nakilala kaming mga angkang naghirap nguni't nangakabangon din pagkatapos, salamat sa dala-


95

wang ta6ng panunul1gkulan; sa kabilang dako naman, may mga angkang masasalapi na nangaghirap sa pakikipag-usapin pagkatapos na masuhulan muna ang mga tagahatol. At bagaman karaniwang nangyayari na ang nagkakamit ng pinakamaraming boto ay ang kandidato ng bayan, at ang sumusunod ay ang kandidato ng prayle, nguni't sa lakas at mga pamamaraan ng prayle ay nagwawagi ang kandidato nito. Maituturing na mapalad ang nakalaban kung siya'y hindi ipatapon. Ito ang nangyari kay Manaksa na tagaKabuyaw. Sa ganito'y sumisiklab ang simbuyo ng hinanakit; sa ganito'y ginagatungan ang mga samaan ng loob, at ito'y isa sa mga kadahilanan kung bakit laganap sa Pilipinas ang pagkapoot sa prayle. Ang may lathala sa La V oz de Espana ay tumutukoy sa mga kasulatang nilagdaan ng mga lalong tanyag na tao, nang hindi man lamang nila alam kung ana ang kanilang nilagdaan. Ito'y hindi namin itatanggi, palibhasa'y sa mula't mula pa'y natatalos na naming mabuti na maraming ulo ng balangay (cabeza de bal angay) and nangagsilagda, sa udyok ng kura, a mga ulat at kasulatang nasusulat sa wikang kastila, na ang mga nilalama'y hindi man lamang nabasa nila. Ang idinadahilan nila sa amin ay sapagka't pinagbabantaan sila ng kura. Ni hindi namin pinagtatakpan ang karuwagan ng mga kabisang iyon at hindi rin namin pinup uri ang mga pakana ng mga prayle. At kung may sinumang nag-aalinlangan sa aming pagpapatotoo ay magsabi at ituturo namin sa kanya ang mga bayang pinangyarihan at ang mga taong buhay pa hangga ngayon. Ito ang dahilan kung bakit nagsusumikap ang prayle na ang indiyo'y mabuhay na mangmang at bulag. Sa kasalukuya'y hindi na mahirap mangyari na ang kabulagan at ang kamangmangang ito'y bumalikwas nang laban sa prayle ~t gumamit sa ikapipinsala ng prayle, ng mga kaparaanang itinuro nito. Datapuwa't lahat ng mga kasulatang tumutuligsa sa mga prayle ay nangaiiba sa mga kasulatang ipinanunudla ng mga ito sa kanilang mga kaaway: ang mga nauna ay nangagsisihingi na liwanagin ng Pamahalaan ang mga pangyayari; samantalang itong mga huli'y hindi humihinging papamagitanin ang batas, ni tulutang makapagtanggol ang pinararatangan 0 nasasakdal.


96

Ang sumusulat ng mga talatang ito'y minsang namuno sa isang kilusan laban sa mga prayle. Ang kilusan ay nagbuhat sa isang katanungan ng Pamahalaan. Ang katugunan, kung ito'y dapat maging totoo, ay makapipinsala sa mga kapakanan ng mga prayle. Ang ginawa ng mga prayle'y tinugon ito sang-ayon sa kanilang nasa at kapakanan at hindi sang-ayon sa katotohanan, nguni't dahll sa inaakala ng sumusulat nito na yao'y isang pagkukulang laban sa katotohanan at sa tungkulin ng isang mabuting kampon, ay sumulat siya ng katugunan sang-ayon sa isang maliwanag na ulat, ito'y kanyang isinatagalog at binasa sa harap ng lahat at sa harap ng mga sugo rin ng mga prayle, upang ihatid nila ang nilalaman sa kanilang mga panginoon o kaya'y pasinungalingan kung ang katugunan ay nalalabag sa katotohanan. Wala isa man sa kanilang tumutol, at yaon ay kusang nilagdaan nilang lahat, at nagsilagda pati ng mga maka-prayle na rin yamang hindi nila maitanggi ang mga katunayang binabanggit. At yao'y nilagdaan nila bagaman ipinaalaala sa kanila ng sumulat na kapag yao'y kanilang nilagdaan ay di-malay ng bumagsak sa kanilang ulo ang buong poot g maykapangyarihan. Ano ang nangyari? Iniharap ang kasulatan, nagdaan ito sa lahat ng kaukulang baitang na itinatakda ng batas . . . at itinago pagkatapos. Nagtangkang maghiganti ang mga prayIe, kaya nagharap ang bayan ng isa pang kasulatang humihingi ng panghihimasok ng Pamahalaan sa dahilang ito ang naging sanhi ng gulo . . . nguni't nagsawalang-kibo ang Pamahalaan, hindi sumagot ni "00" ni "hindi", hindi nagpasiyasat, hindi niliwanag ang mga pangyayaring isinumbong . . . natatakot ipaglaban ng Pamahalaan ang katotohanan at pinabayaan ang kawawang bayan. At ang tinatalakay sa buong kasulatang yaon ay nauukol sa pagsasaka, sa pagpapaayos ng mga bayan, ginoong manunulat sa La Voz de Espana! Doo'y hindi pinupulaan ang walang bahid na kalinisan ng mga prayle; doo'y walang isinusumbong na mga kahalayan, palibhasa ang may-akda ng kasulatan ay hindi kailanman nagnais na dungisan ang kanyang panulat ng mga karumhang nakakulapol sa ilang abito! Doo'y walang naIalaman kundi suliraning nauukol sa pagtatanim, lupain, lansangan, paaralan, mga bahay, at iba pa. Ang kasulatang iyon ay nilagdaan ng lahat ng mga maginoo sa bayan, nilagdaan ng sumulat sa buo niyang pangalan, nilag-


91

daan ng mga babae, mga nagmamay-ari, mga insik, mga utusan, at mga manggagawa; iyon ay nilagdaan ng buong sambayanan. Ang kasulatan ay binasa sa lahat, sa mga kaaway at sa mga kaibigan, sa mga maykapangyarihan at maging sa mga kastila, palibhasa'y nagtataglay kami ng tapang sa aIDing mga pananalig at palibhasa'y nagtitiwala kami sa katapatan ng pamahalaan at sa pag-ibig nito sa ikagagaling ng bansa. Datapuwa't wala, walang anumang nangyari. Sa lahat ng itQ'y walang ibinunga kundi ang paghihiganti sa kaawa.. awang bayan na ipinanganyaya ng kanyang katapatan sa pamahalaan at ng kanyang mabuting hangad. Sa mga dahong dagdag ng La Soberania Monacal na sinulat ni Plaridel ay sinisipi ang ilang pangyayaring halos ganito rin ang bimig. Ang gobernador ng lalawigan ay makapagsasabi kung ang lahat ng dito'y aming isinaysay ay hindi wagas na katotohanan. Ang mga sinasaysay dito ay nauukol sa aming sal'iling karanasan lamang; hindi na namin isinaysay ang nangyayari sa ihang bayan. Ibig ng La Voz d Espana na ang sikapin ng mga munisipyo sa bayan..bayan ay ang paghingi ng pagtatayo ng mga gusali, paggawa ng m.ga lansangan at iba pa. Nalalaman ba nang tiyakan ng may-akda ng lathalang iyon kung paano isinasagawa ang ganitong mga gawain? Sa gugol ng sawimpalad na mamamayan, pawang walang bayad at nalalakipan pa ng maraming kahirapan at maraming hagupit. At kung matapos na'y ana ang kapararakan ng mga ginawa? Sa bayan ng Kalamba ay itinayo, sa gugol ng mga mamamayan at ng gobernadorsilyo, ang dalawang paaralan, na yari sa bato at tisa, para sa mga batang lalaki at babae. Gayon pa man, ang kabataan ay walang paaralan, at ang mga nabanggit na gus ali ay ginagamit na kuwartel at tribunal. Sa bayan ng Los Banyos ay itinayo ang isang pagamutan sa pamamagitan ng lakas ng mga bisig na binunot sa lahat ng bayan sa lalawigan. Bawa't manggagawang pinilit ng maykapangyarihan ay inupahan ng walong kuwalta isang araw, bagaman ang karaniwang upang arawan ay dalawang piseta 0 isang salapi at naglagay pa ng mga tindahan at iba't ibang uri ng basar ng kawang-gawa, upang maitus~ tos sa mga gugol ng mga nasabing gusali. Ang arkitekto ay isang pransiskanong uldog. Naitayo ang pagamutan, 006700-

7


98

naitindig pa ang isang maharlikang tahanan para sa kapitan heneral. Ang pagtatayo ng mga gusaling ito'y ikinapinsala nang di-kakaunti, ng pagsasaka at ng mga bayan-bayan, at ngayon, ang mga gusaling iyon ay nabubu10k dahil sa kapabayaan. Yao'y mga gusaling sinumpa ng napakaraming luha, ng daing ng mga abang pinarusahang magbata dahil sa pagtatayo noon. Bakit pipiliting gumawa nang walang upa ang mamamayan, gayong bumabayad naman sila ng kanilang buwis? Sa anong dahilan at sila'y pinagbayad kung sila'y hindi pababayaang mabuhay para sa kanilang angkan? Kaya ba sila pinagbabayad ay upang sila'y busabusin? Gagamitin ba ang salapi ng bumubuwis upang ipasahod sa mga hamak na naghahari-harian, at hindi upang gugulin sa pangangailangan ng bayan? At ano? Ang watawat ba ng Espanya ay watawat ng pangangalakal ng tao? Nil1.anais ba ng sumulat ng nasabing lathala na itikom ng mga mamamayan ang kanilang mga labi sa tanang kahalayan ng mga 'nagsisipagpanggap na kahalili ng Diyos at ng mga namumuno . . .? Inaakala naming ang may-akda ng lathala ay hindi isang pilibustero sa kanyang sariling pagkukusa, nguni't alalahanin niyang kung saan walangimik ang mga labi ay doon gumagawa ang mga kamay. Mag-ingat ang La V oz de Espana sa kanyang hinihingi! Hindi dapat takpan ang mga pasingawan, hindi dapat lunurin ang budhi ng tao at ang sigaw ng mga mamamayan. Ang simoy, bagama't isang bagay na lubhang mahina at naiimpit ay pumuputok at sumasabog kapag ito'y pinakaimpit nang labis. Ang mga batas na umiiral sa daigdig ng mga bagay na nadarama ay siya ring mga batas sa daigdig ng kabutihang asal at sa politika. At tapatan naming sinasabi sa pamahalaang kastila: sasabihin namin ang aming iniisip kahit na ito'y isama ng loob ng marami; ninanais naming maging matapat sa Madrid at sa kanyang matataas na tagapamahala. Maling-mali ang pagkakilala sa bayang pilipino. Ang mga manunulat na nangaglarawan sa kanya ay humamak sa kanya, palibhasa'y sa paglalarawang ginawa nila'y ang mga alila nila ang ginawang uliran, yaong karamihan sa mga abang sawimpalad, na walang inang-bayan, walang pinag-aralan, walang pamamahay, at nangagsisiksik sa rnalalaking pangulong-bayan. lnilarawan nila yaong katawa-


99

tawang mga tanyag na taong nagkakagulo, katulad ng mga dapo, sa paligid-ligid ng mga tanggapan at mga piging. ' Ang mamamayang may pinag-aralan na sa pagkakita sa gayong karaming lusak at kaimbihan, ay nangagkukulong sa malayo-ang mga iya'y hindi nila nakikilala, gaya rin ng hindi pagkakilala sa karamihang hindi pa nahahawa sa mga bayan-bayan ng mga lalawigan, gaya rin ng hindi pagkakilala sa kanyang diwa, ni sa kanyang wika, ni sa kanyang mga paghihirap. Sa walang palad na paglalabang ito ng kapraylihan, na ang nais ay kamangmangan at karimlan, katulad ng tulisang sumasalakay kung gabi, nang patago, at ng mga mamamayang may pinag-aralan at mga dakila sa bayan na nangagnanais ng liwanag, ng pagkakaisa, at ng tuwirang pakikipag-unawaan sa Espanya, ang inaasal ng pamahalaan na nalalaban sa matuwid na pamamahala, at napagagamit na parang isang bisig ng mga sarpahan ng mga prayle, ay umiiwa sa damdamin ng bansa at sa mga tunay na kapakanan ng inangbayan. Nakikilala na ng bayan na siya'y dinaraya; nakikitang siya'y natitiw-alag; na h~di siya ipinagtatanggol ng Pamahalaan sapagka t ito'y natatakot sa kanyang kaaway na pinaninimbangan niya. Ang baya'y nag-aalinlangan, nag-uurung-sulong; ang pagmamahal niya sa Espanya ay tila napapawi; ang pananalig niya sa katarungan ay nanlulupaypay; nangangawit na siya sa pagtataas ng kanyang nagmamakaawang mga kamay. . .. Kaiingat kayo. Binabaka ng bayan ang mga prayle; kapag pumanig ang pamahalaan nang walang pasu-pasubali sa mga prayle, siya'y magiging kaaway ng bayan at umaaming kaaway ng pagsulong ng bayan; at kung magkakagayon, ang pamahalaan na rin ang nagbukas ng isang panahong bago at kapuspalad!l Tangkaing ilugami sa karimlan at hangalin ang mga pilipine ay hindi mangyayari, maging sa mga bagay na nadaram a at maging sa mga bagay na nauukol sa diwa. Ang aming mga kaaway ay makapangangaral buhat sa pulpito ng kanilang mga simbahan; mapasisidhi nila ang lahat mang uri ng mga pamamaraan, mga bilangguan, mga tapunan, ] Ang pahiwatig 0 paunawang huong liwanag na ginawa ni Rizal sa tatlong talatang ito ay hindi clininig 0 di isinaalang-alang sa Madrid. Kaya't pagkatapos ng pitong taon ay sumabog ang himagsikan sa Pilipinas.


100

mga panunuri, mga pagbabawal, mga pagsisiyasat, mga paghalughog, at iba pa, datapuwa't hindi nila matatamo ang kanilang layunin; ito'y ipinangangako sa kanila ng mga pilipinong bihasa at makakalayaan na dumarami roon sa araw-araw, dahil sa mga pag-uusig; ito'y ipinangako rin namin, kaming kabataang pilipinong nasa-Europa, na nangagtatalaga ng aming lakas sa kapakinabangan ng aming inangbayan. Maaaring magkunwari sila ng isa pang pagbabangong katulad ng sa Kabite at dahil doo'y mapugot ang mga liig ng maraming taong marurunong, subali't sa dugong mabububo ay susupling ang mga usbong na lalong sariwa at marami. Bago nangyari ang sakuna noong taong 72 ay lalong kakaunti ang mga palaisip, lalong kakaunti ang mga !calaban ng mga prayle; nguni't sinawi nila ang mga walang-kasalanan , at ngayo'y nariyan at nangagkakabigkis-bigkis sa iisang mithiin pati ng mga batang bagong sibol, ang mga babae, at ang mga dalaga. Ulitin nila ang gayong sakuna at makikita nilang yao'y magiging hatol na kamatayan ng mga berdugo sa kanilang sarili. Hindi; huwag mag~ama1i ang mga nadirimlan pa ng isip. Kailangang lingapin ang mga pangangailangan ng bayan kung ninanais na anatili a;ng kanyang pagmamahal. Hindi maaaring bulagin ni alipinin ang pilipino, kaya kai.. langang pagkalooban siya ng mga kalayaan at mga karapatan. Walang matatagpuang halimbawa sa kasaysayan na napaurong ang isang bayang nasa-landas ng kaliwanagan. Ang panghihina ay hindi dumarating kundi pagkaraan ng kalakasan; ang talon ng tubig ay hindi sumusuba, ang bunga'y hindi nagbabalik sa pagkabulaklak. Minimithi ba ng Pamahalaan na matiyak ang pagmamahal ng Pilipinas? Kung gayon ay pagkalooban siya ng mga kalayaan, pakitunguhan siya nang gaya ng nararapat. Nais ba ng Espanya na mawala sa kanya ang Pilipinas? Kung gayon ay magpatuloy siya sa mga walang-katarungang pang-iinis, magsabingi siya sa hinaing ng bayan, at iparool niya ang Pilipinas sa pagkaalipin. Sa wakas, ay uulitin naming maraming kabuktutan sa Pilipinas; ang mga nangangalandakang kinatawan ng Diyos at tagapagpalaganap ng kaliwanagan (!) ay hindi nangagpunla ni nangagpupunla ng kabai.tang kristiyano; nagbigay sila, hindi ng pananampalataya kundi ng mga a.nito at mga pamahiin. Ang bayan, na ikinalulugod nilang bansagang


101

musmos, ay nagkaroon ng masasamang guro, at natuto ng masasamang halimbawa; kung ano ang guro ay siya ring alagad. May sala ring ganito ang Pamahalaan na nagpapahintulot ng gayon, dahil sa kanyang kahinaan; ang bayang napakakasangkapan dahil sa kamangmangan at ang mabubuting nangaghahalukipkip ng kamay dahil sa pag-ibig sa sarili at nagkakasiya sa walang pag-asang pagwawalangimik. Hindi malulunasan ang kasamaang ito sa pamamagitan ng pagtitikom ng labi ng mga nagsusumoong, gaya ng iminumungkahi ng La V oz de Espana, kundi sa pagsisiyasat ng Pamahalaan kung anu-ano ang mga dahilan nito, sa pag-uusig sa mga nagkakasala, bumagsak ang babagsak. Magkaloob kayo ng 路m ga kalayaan upang huwag magkaroon ng karapatan ang sinuman sa paghihimagsik. Pagkalooban sila ng mga kinatawan upang ang mga hinaing nila't mga bulung-bulungan ay hindi makuyom sa sinapupunan ng mga angkan at buhat doo'y maging sanhi ng mga sakuna sa hinaharap. Pakftunguhan ninyong mabuti ang mga mamamayan, ituro ninyo sa kanil~ ang katamisan ng kapayapaan upang ito'y sarttbahin nila !t ingatan. 2 Kapag ipinagpatuloy ninyo ang dahhang pamamalakad ng pagpapatapon, pagbibilanggo at paggulat nang walang kadahilanan, kapag pinarusahan ninyo sila dahil sa inyong sariling kasalanan ay parang pinatay ninyo ang kanilang pag-asa, pinaram sa kanila ang takot sa paghihimagsik at sa mga kaguluhan, pinatigas ninyo ang kanilang puso at ibinuyo sa pakikibaka. Sa Pilipinas ay waia pang mga pilibustero, datapuwa't walang salang magkakaroon ng mga iyan at magkakaroon ng kakila-kilabot kapag ipinagpatuloy ninyo ang pagmamanman: kung ninanais mQng mauiol ang aso ng iyong kapitbahay, ay ipangalandakan mong siya'y ulol nga. Ano pang pilibusterismo ang hihigit sa pilibusterismo ng kawalangpag-asa? JOSE RrzAL 2 Inaamin. ni Rizal na sa Pilipinas ay mal'aming kasamaang-asal, maraming kamalian, maraming kuskus-balungos at maraming hidwang paruamahala, nguni't idinugtong niya ito: "Ang mga kaabaan ng isang bayallg walang kalayaan ay hindi nararapat ibuhat 0 isisi sa bay an, kundi sa mga namamaha1a sa kanya; upang magkaroon ng pananagutan ang isang tao ay kinakailangang siya'y maging panginoon ng kanyang mga kilos at gawa, at sa katotohanan, ang bayang pilipino'y hindi siyang panginoon ng kanyang mga kilos at gawa, ni ng kanyang mga kaisipan.

*

*

*


LIHAM NI RIZAL KAY VICENTE BARRANTES Tungkol sa "Teatro Tagalo" (Dulaang Tagalog) na sinulat ni Barrantes BARSELONA,

Ika-15 ng Hunyo, 1889 KADAKI-DAKILANG GINOONG VICENTE BARRANTES.l ANG lNYONG KADAKILAAN:

Sinasabing ang taong lalong matino ay makagagawa ng kahit na isang kahangalan samantalang nabubuhay siya sa lupa. Ako po, Kadaki-dakilaang Ginoo, na ni hindi ko hinahalagahan ang aking sarili na matino ni kadaki-dakila, ay makapagpapahintulot sa aking sarili na makagawa ng isa (may mar ami na ako sa aking budhi), sa pagsulat ko sa inyo nitong mga talatang sumusunod: (Ipatawad nawa ito sa akin ng Diyos at ng mga taong mararangal!) Ang Inyong Kadakilaan ay nagpalathala noong ta6ng nagdaan ng apat na lathalain tungkol sa Dulaang Tagalog sa mga bilang 359, 360, 361 at 362 ng La Ilustraci6n Artistica sa Barselona. 2 Bagama't ngayon ko lamang nalaman ang mga bagay na iyon ay tanggapin ninyo ang aking mga pagbati, yamang ang mga palakpakan at mga tambol, katulad ng salapi, mga handog at mga iba pang bagay na pilit na hinihingi, ay hindi huH kailanman, gaya ng alam na mabuti ng Inyong Kadakilaan, at hindi ito ang > Si Vicente Barrantes ay isang kagawad na kastila na naghawak ng mataas na tungkulin sa pamahalaan ng Pilipinas nang panahon ng kastlla. Siya'y napatangi sa pagiging isa sa lalong masusugid na tagatuligsa kay Rizal at sa mga pilipinong lumalakad ng ating usapin sa Espanya. 2 Ito'y isang pahayagang pinaglathalaan ni Barrantes ng apat na artikulo hinggil sa Dulaang Tagalog, at tumuligsa kay Rizal tungkol sa pagsusuring ginawa nito sa Dulaang Tagalog. Lubhang mahaba ang lathalang sinulat ni Barrantes. Pagkaraan ng isang taon ay dumating sa kaalaman ni Rizal ang mga lathalang iyon, at si Rizal ay hindi nagsayang ng panahon sa pagsulat karaka-raka ng lathalaing ito na ganap na nagpapawalang-halaga sa mga sinulat ni Barrantes tungkol sa Dulaang Tagalog.

102


J.03

pagkakataon upang sabihing kung patay na ang kabayo ay aanhin pa ang damo, sapagka't habang nabubuhay ang Inyong Kadakilaan, ni ako, ni sinupaman, ay hindi maaaring makapag-ukol sa inyo ng salawikaing ito at lalong hindi maaaring kayo'y ipalagay na isang kabayong patay. Binasa ko ang mga lathalain mula sa puno hang gang sa buntot (hindi ng kabayong patay) at lubha kong ikinalulugod na masumpungan na ang pagkaalam ng Inyong Kadakilaan sa maraming mga bagay-bagay ay taga sa panahon. Malabis kong ikinasisiya na makita ang mabuting pagpapahalaga ng Inyong Kadakilaan sa inyong sarili, at ang masamang pagpapalagay ninyo sa iba, lalo't higit sa aming mga tagalog na mga walang kaya't mga mangmang,3 sapagka't ang kasiyahan sa sarili ay nagpapatotoo sa isang budhing malinis, at ang paghamak sa iba ay nagpapatotoo sa kapangyarihang ganap ng sariling pagkatao-dalawang bagay na ikinagagalak kong matagpuan sa inyong dakila't matalinong katauhan. Dahil din dito ay hindi ko matutuhang ipaliwanag sa aking sarili ang sukal ng loob niyaong mga ibang tagalog na nakabasa ng inyong mga lathalain. May ilang nagsasabi na halos bahagya na ninyong nabanggit ang dulaang tagalog, na maaari ninyong ilarawang masama 0 mabuti kaya, palibhasa'y mayroon ng mga yaon, nguni't sa halip na ito raw ang inyong gawin, ang pinagngitngitan ninyo ay ang mga indiyo, ang mga kastilang pilipino, ang lipunan sa Pilipinas. Marami kayong pagkakabiso at pinagkamalan ninyong mga bunga ang maraming mga sanhi, at maraming mga sanhi ang pinagkamalan ninyong mga bunga. Sa bagay na ito, ang isinasagot ko sa kanila ay wala silang matuwid (gayong sila'y aking mga kababayan). Sa katotohanan ay hindi nga ang dulaang tagalog 4 ang tinatalakay ng Inyong Kadakilaan kundi ang dulaan at ang mga tagalog. Hindi kinakailangan 8 Madaling mapaghahalata na ito'y isang makinis na panunuya. Sa hinabahaba ng lathalang ito ni Rizal ay kinutya, sa pamamagitan ng mga tunay na pangyayari, ang lubos na kahangalan ni Barrantes sa lahat ng kanyang sinulat. â&#x20AC;˘ Si Barrantes ay inilagay ni Rizal sa ituktok ng katawa-tawang kalagayan sa bahaging ito ng lathala nang sabihing "tungkol sa mga titulo 0 karapatan, ang lahat nang iya'y nakakatulad lamang ng pulbos na pamatay ng pulgas at iba pang kulisap 0 ng mga pampatubo ng buhok: kung nakamamatay 0 hindi ng pulgas 0 ibang kulisap, kung nakapagpapatubo 0 nakalulugas ng buhOk ay walang katuturan, sapagka't ang mahalaga'y ang magkakakuwalta."


104

na ang isang gohernador sibil 0 puno ng pangasiwaang sibil ay buong higpit na gumanap ng kanyang mga tungkulin; sapat na ang siya'y mamahala nang masama 0 mamahala nang masama sa bansa, at' mangasiwa naman nang mabuti sa sariling pag-aari, at pagkatapos, ay maging walang pinagaralan at iba pang bagay. Ang Inyong KadakHaan at ako ay nagkakaisa na ang mga pangalan ay walang kinalaman (sa Pilipinas man lamang), at tungkol dito sa mga titulo, ang lahat ng iya'y nakakatulad lamang ng mga pulbos na pamatay ng pulgas 0 ng mga pampatubo ng buhok; kung nakamamatay 0 hindi nakamamatay ng pulgas, kung nakapagpapatubo 0 nakalulugas ng buhok-ito'y walang katuturan-sapagka't ang mahalaga'y magkakuwalta. Kaya nga't ang hindi pagkakalarawan ng Inyong Kadakilaan sa dulaang tagalog, bagkus pinakaalimura ninyo ang mga tagalog, ay walang katangiang sukat pansinin. Harinawang wala nang iba pang bagay na pinag-ukulan ng pansin ang Inyong Kadakilaan, kahit man lamang samantalang kayo'y gumaganap ng matataas na katungkulan sa Pilipinas. Napapansin nama ng iba na baka ang Inyong Kadakilaan ay tigib ng kapaitan at baka may malaking sagwil sa katawan 0 sa kaluluwa kung kaya nagkaroon ng isang paguugaling totoong maasim, katulad ng inyong sinisitnpan ngayon. Ang itinutugon ko rito'y bawa't tao ay may sariling kanya, at palibhasa'y walang sinumang lumalang sa kanyang sarili, sa ganang nauukol man latnang sa katawan, ay hindi mabuti ang kanilang nagagawa kung dahil doo'y magkaroon sila ng masamang kasalanan at masamang puso. Ang nararapat pula an ay kung ang isang tao'y hindi lamang di-nasisiyahan sa ari niya kundi nag-iimbot pa ng ari ng iba. Tinatawag na iba ang mga bagay-bagay na ari ng iba, kailanma't sa katagang iba ay hindi nasasaklaw ni ang mga indiyo ni ang mga tagalog, ni ang mga naninirahan sa Pilipinas. Ang Inyong Kadakilaan at ako ay nagkakaisa n.1 ang ruga ganyang bagay (?) ay hindi likha ni ng Diyos ni ng tao. Ang iba naman, at ito ay napakabigat, ay nangagsasabi na ang Inyong Kadakilaan ay hindi nakaaalam ng kasaysayan ng Pilipinas, hindi nakakikilala ng mga dulaang insik at hapones, at lalo pang hindi ninyo nakikilala ang dulaang


105 tagalog,S na kunwa'y inyong pinagkakaabalahan, at kaya raw ninyo sinulat ang mga lathalaing ito ay upang maipagmayabang ang ilang nakasisilaw na kaalaman, pakapurihin ang inyo na ring sarih at alipustain at abain ang mga sawimpalad na yaon, patahimikin ang inyong budhi at palubagin ang sigaw ng dam darning bayan na para bagang itinutugon ninyong ang isang halimaw ay hindi napagnanakawan, ang hindi tao ay hindi nararapat pakitunguhang parang tao. Homo homini ignoto lupus est, ang tao ay isang lobo para sa taong hindi niya nakikilala, "ang sabi ng salawikain ng mga latino; datapuwa't ang salawikaing ito ay hindi maiaangkop dito sapagka't ang mga pihpino ay hin di mga ign oti o 'hindi na.1tikilala' para sa Inyong Kadakilaan; ang lrinakailangan ay gawin ninyo silang non homines 0 hindi mga tao" upang kayo'y makapagsa-Inpus 0 makapag-asal lobo. Gaya ng maaasahan ng Inyong Kadakilaa11., ako, na totoong kakampi ninyo, ay 11.ararapat din g magtanggol sa inyo laban sa iba ang mga paratang. Sa madaling turing ay sinasabi nilang apul sa mga unang talata ay 11.aclupilas na ang I11.yong Kadakilaan tungk I sa mga bagay na nauukol sa kasaysayan at bin~banggit nil sa akin itong sumusun od: sa sandaling sina Miguel Legaspi at P. Urdaneta ay nagtatayo sa mga baybayin ng ilog Pasig ng isang pananakop n a masasabing pakitang-tao lamang at hindi matibay. (8aknong 1, kab. 1.) Ang mga hangal 11.a tagalog ay nagtataka kung bakit si P. Urdaneta ay tumigil sa Maynila 6 gayong sinasabi sa mga kasaysayan na buhat sa 8ebu ay ipinadala siya sa Mehiko (na kanyang kinamatayan) , bago pa umaholl si Legaspi sa Luson. Idinurugtong pa nitong mga hayop na tagalog na noong unang dumating si Urdaneta, n a kasama sa pandarayuhan ni Loaysa ay hindi man lamang niya nabanaagan buhat sa malayo ang mga pampang ng Luson, at noon ay hindi pa siya prayle kundi kawaI, na 6 Hindi na biru-biro, bagkus ta1ampakan na't napakatindi ang sinabi ni Rizal kay Barrantes na ito'y "ni hindi nakaaalam ng kasaysayan ng Pilipinas, ni hindi nakauunawa ng dulaang Insik at Hap6n at 1a10 na ng du1aang tagalog, na ibig ipakHa1ang natatalos niya." u Ipinakilala rito ni Rizal na si Barrantes ay napikot niya sa kulungan ng kasinungalingan 0 ng kahangalan nang sabihing gi Urdaneta ay naparito't tumigil sa Maynila, gayong pinatutunayan ng kasaysayan na路 buhat sa Sebu ay ipinadala siya sa Mehiko, na kanyang kinamatayan, bago pa umahon si Legaspi sa pula ng Luson.


106

nagparaan ng halos buong panahon sa Molukas sa pakikibaka laban sa mga Portuges. Ano ang sinasabi ng Inyong Kadakilaan tungkol sa mga kabalbalan ng mga hangal na indiyong ito na nangag-aakalang lalo pang tumpak ang kasaysayan kaysa Inyong Kadakilaan? Kinakailangang maging isang hayop na tagalog, Kadaki-dakilang Ginoo, upang magkaroon ng ganyan kalaking kapangahasan. Sukat nang yao'y wikain ng Inyong Kadakilaan, palibhasa kayo'y kabilang sa lahing lalong nakatataas, upang aking paniwalaan, kahit na yao'y pinasisinungalingan ng mga banggit sa kasaysayan, maging totoo man ang inyong sinabi 0 hindi. Ang mahalaga ay sabihin yaon ng isang kalahi ng mga mala-Diyos. At sukdang ipalagay pa nating sila'y may matuwid, ay ano? Hindi ba kayang sirain ng Inyong Kadakilaan ang panahong nakaraan at sa tulong ng sining ng malikmata 0 pagsasatagabulag ay paraanin ninyo sa Maynila si P. Urdaneta, kung ito ang inyong ninanais? Hindi bfl natin narinig na pinag-uusapan ang pagsasalahat ng dako ni San Alfonso de Ligoryo at ng ibang mga monghe at mga santo? Ang naaring gawin ng Diyos ay hindi ba kayang gawin ng kadiyusan ng Inyong Kadakilaan sa isang lupaing tinitirhan ng ,m ga taong-gubat? Kay raming mga bagay-bagay na nalalaman kong isinagawa ng Inyong Kadakilaan at ang mga bagay na iyon ay tiyak na hindi mapangangahasan 0 maisasagawa ni ng Diyos ni ng sino mang banal! May ilang lalo pang makilitiin, na pumupuna sa pangungusap ng Inyong Kadakilaan na matatagpuan din sa unang saknong ng unang kabanata na nagsasaad ng ganito: Dahil sa ang kasaysayan ng Kapuluan ay talagang nagsimula sa ating pagkakatuklas na nangyari noong mga huling taon ng dantaong ikalabing-anim . . .7 Hindi matanggap ng mga taong itong makilitiin na ang taong 1521, na unang idinating ni Magallanes, ay ipalagay ng Inyong Kadakilaan na mga huling taon, alalaong baga'y hindi nila masang-ayunan na • Isa pa ring maliwanag na tanda ito ng "kahinaan" sa kasaysayan ni Barrantes, sapagka't sinabi niyang "ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagsimula ng ating pagkatuklas sa Kapuluan na nangyari noong mga huling taon ng dantaong ikalabin-anim" •.• gayong ang totoo'y nang umahon sa pam~ ­ pangin ng Pilipinas si Magallanes ay nang taong 1521, at ito'y hindi "mga huling taon", kundi simula ng dantaong ikalabing-anim. Napikot din siya ~ni~ .

' -


107

ang simula ay maging wakas. At sinasabi ng mga mangmang na ito ang sumusunod: "Kahit na walang tutol na tanggapin nating ang kasaysayan ng isang bansa ay nagsisimula para sa iba sapul sa ang bansa'y makilaIa, ay hindi mapag-aalinlanganan na ang kasaysayan ng Pilipinas ay nararapat magsimula para sa Espanya buhat noong taong 1521, nang sulatin ni Pigaffetta ang kanyang Primo viaggio intorno al mondo,-Ang kauna-unahang pagialakbay sa paligid ng daigdig-yamang sa aklat na ito'y isinasaysay niya sampu ng mga maliliit na bagay-bagay tungkol sa iba't ibang kinagawian at kinaugalian sa Pilipinas, at buhat nang sina Elcano ay bumalik sa Espanya at mangagsipagbalita tungkol sa bansa. Nguni't kami'y may mga talfmg lalo pang matatanda hinggil sa Pilipinas, mga sulat-kamay noong danta6ng ikalabing-apat kaya ang kasaysayan ay nararapat na iurong ng ilan pang danta0n. Kung si Ginoong Barrantes ay waia nang nalalamang iba pa kaysa nalalaman niya ay huwag siyang Iubhang pangahas sa pagsusulat ng mga kayabangan. " Ang itinutugon k , sa punang !ito'y katulad ng pagmama.. tuwid ni Akiles: sukat nang yaoJy sabihin ng Inyong Kadakilaan, na kabilang sa lahing I lalong nakatataas, upang aking paniwalaan, sukdang nalalaban pa sa tanang banggit sa kasaysayan at maging totoo 0 hindi man totoo iyon. Ang mga "unggoy" ay walang maisasagot, at hindi narar apat sumagot! Hinggil sa mga unggoy ay inilathala ng "Le Matin" nang ika-26 ng Mayo ng 1889 ang mga kahambugan ng bar6ng si Raymundo de Selyere upang patotohanan na ang taong ito'y baliw: "Kung itutulad sa akin," anya, "ang lahat ng tao'y mga unggoy. Nababatid k o ang lahat kahit walang anum an akong natutuhan." Datapuwa't ang pangungusap na nabanggit ay hindi maiuukol sa Inyong Kadakilaan, sukdang napakamarami nang makikitang pagkakawangki ninyong dalawa! Laban sa maaari pang punahin sa hinaharap ay naisulat na ng Inyong Kadakilaan, bilang isang taong kabilang sa liping lalong dakila, sa dakong huli ng bantog na unang talataan ng unang kabanata ang sumusunod: "Ang ganitong mga pag-aaral ay hindi rin nararapat isagawa nang dahil sa pag-asang mapauunlad ang agham kundi dahil sa pithayang lumiligalig sa mga taong makabago na suriin ang lahat ng


108

bagay, bagama't natitiyak nila na hahantong sila sa pagkawala sa alangaang!" Higit sa lahat ay nararapat ipagdiinan ang inyong sinabi na "mawala sa alangaang," tulad ng nangyari sa Inyong Kadakilaan. Ito'y isang katibayan na ang Inyong Kada kilaan ay halos may pagka-Diyos. Dangan nga lamang at pagkatapos ng ganitong pagtatapat, ayon sa aking abang palagay, ay dapat na sanang itinapon ng Inyong Kadakilaan ang inyong panulat, sapagka't sa ganang atin-atin lamang upang kami'y suyain ay sapat na ang apat na kabanata; datapuwa't ang kayo'y sumulat nang labis pa sa pitumpung talataan na lalo pang mahahaba kaysa kauna-unahan, at nagtataglay ng lalo pang maraming walang laman at mga kakulangan, ay tunay na pang-iinis sa mga mambabasa, lalung-Ialo na sa akin, na inyong pangatawanang tagapagtanggol. Saan ko kirtukuha ang gayon karaming pagmamatuwid? Kung hindi ako sasaklolohan ng inyong kadiyusan ay mapipilitan akong tumalikod sa aking layon. Gayon pa man, tinatanggap ko, na, ~ung tinangka ng Inyong Kadakilaang ihinga ang sukal ng loob at ang inyong sumpong sa inyong mga mambabasa at tagapagtanggol, ay lubhang tumpak ang inyong ginawa sa pagsulat ng gayon karaming mga talataan sapagka't natamo ninyo ang inyong layunin. Sinasabi ko sa inyo nang pabulong; minuhi ninyo kaming lahat! Nguni't ipagpapatuloy ko ang aking gawain. Ukol sa ikalawang talataan sa unang kabanata, ay sinasabi (at ang pagsasabing ito'y ikinagalit ko) na bagama't ang Inyong Kadakilaan ay mahangin at malabis ang sumpong ay mayroon din naman kayong mga sandali ng lubos na pagtatapat. 8 At upang patotohanan ang kanilang sinabi, ay sinisipi nila ang sinulat ng Inyong Kadakilaan sa simula ng ikalawang talataan: "Sa bunton ng mga kasulatan at mga ala-alang iniwan sa atin ng mga manlulupig ay maliwanag na mahuhulo ang kaliitan ng pagpapahalaga, alinsunod sa ilang palagay na kanilang ibinibigay, sa lupain M

8 Sa bahaging ito'y binigyan ng aral ni Rizal si Barrantes sa pagsasabing hindi nito narinig ang mga sinabi ng mga mananalaysay na nagsasabing ang mga pilipino'y lubhang masisipag bago pa dumating ang mga kastila, at ang kasipagang iya'y naparam na unti-unti hanggang sa sakupin ng mga kastila ang Kapuluan, sanhi sa mga kadahilanang malulungkot at nakamumuhing banggitin.


109

at sa mga taong doon ay naninirahan. Ang "Adelantado" na Tin ang nagsabi sa kanyang liham sa Punong Kapitan ng hukbong-dagat na po'rtuges sa Molukas na si Gonzalo Perei~ ra, noong mga unang araw ng kanyang pagpaso1c. sa Sebu, na ang mga yaon ay walang gaanong halaga kaya hindi dapat pag-imbutan ng sinuman." At sinasapantaha nila na ang Inyong Kadakilaan ay lalo pang walang muwang kaysa portuges ne. iyon, palibhasa'y paniwalang-paniwala kayo sa lahat ng tusong pangungusap ng dakilang Legaspi! Gayon na lamang kaliit ng halaga ng mga naninirahan at ng kanilang lupain, na si Legaspi ay nakipagkasun do sa mga nasabing naninirahan sa isang pakikipagtulungan, maging sa paglusob at maging sa pagtatanggoI; at bilang pagtupad sa kasunduan, ang mga kawal na kastila ay nakipagbak a sa ilalim ng pamumuno ng indiyong si Tupas, at nangagsitulong naman ang mga k awal nita sa mga kastila sa paglalakbay na patungong Maynila, at sila'y nakasamsam, sa loob ng isang taolf, sa dalawang lalawigan lamang, ng 109 500 pisong ginto. Ibig kong sabihi'y ang mga ito at ang mga ibang bagay ay hindi narar qpat makaila sa Inyong Kadakilaan, gaya rin ng hindi pagkclkaila sa kapitang por tuges, na dahil sa hamak na lupail1g ito'y nakipaglaban sa mga kawal ni Legaspi, matapos ang mahahabang pagpapanayam ng kani-kanilang mga sugo, datapuwa't ang suliranin ay dapat patunayan na ang lupain at ang mga naninu'ahan doon ay hindi nagkahalaga ni hindi nagkakahalaga ni isang kusing at para sa gayo'y lahat ng pamamaraan ay mabuti pati na ng mga nakakatawang panlilinlang. Sa pagbasa sa nalalabi pa sa nasabing talataan ay hinuhulo nilang ang Inyong Kadakilaan ay hindi nakabasa sa mga mananaysay na nangagsasaad na ang mga pilipino'y maraming hanap-buhay bago dumating ang mga kastila, at ang mga hanap-buhay na iyon ay unti-unting nawala sapul nang sakupin ng mga kastila ang bansa, sanhi sa mga kadahilanang nakalulungkot at nakagagalit na sabihin. At bin a~ banggit nila sina Morga, Colin, Chirino, at pati si Gaspar de San Agustin, na katulad ng Inyong Kadakilaan, ay kalaban ng ruga indiyo. Si Doktor Hans Meyer, na hindi makaindiyo ay may gayon ding palagay nang kanyang mamalas kung gaano kasipag sa paghahanap-buhay hanggang n gayon ang mga pilipinong nagsasarili at hindi pa nagiging kristiyano , at isinasaysay ang kanyang pangamba na sila'y maging ruga


110

sintamad ng iba kapag sila'y naging kristiyano na.Sa tapatang sabi, Kadaki-dakilang Ginoo, ako'y walang maipagmamatwid 0 maisasagot sa mga ito kundi yaon ding dati: "Sapat nang sabihin ng Inyong Kadakilaan, taong kabilang ng liping lalong nakatataas, at iba pa." Tanging ang Diyos ay Diyos, at si Barrantes, na lalong dakila ang lahi, ay siya niyang propeta! Nangangamba ako na baka ako'y kapusin ng mga maitutugon sa animnapu't kung ilan pang talatang maiiwan. Sa mga talatang ito'y nagpawala kayo, sa ipaghihirap ko at ikagagalak ng mga hangal na tagalog, ng napakaraming naglalakihang kamalian, na nagpapakilala ng malaking kamangmangan at pinagkakakilalanan na ang kaalaman ninyo'y napakapangkaraniwan, na kung mababawasan pa rito'y hindi na maaaring hanapin pa sa lalong pinakamangmang sa lipunang kastila sa Maynila, na buong pagkamuhing inyong hinahamak! Sa atin-atin lamang, ang Inyong Kadakilaan ay walang munti mang kaalaman sa katitikang pilipino,9 at ni hindi ninyo pinag-aralan ito. Hindi ninyo alam na sa Pilipinas ay may natagpuang mga sandata at mga bagay-bagay na yarl sa tanso na nauukol sa panahong ito. Ang Inyong Kadakilaan ay walang nalalamang lubos tungkol sa pinagmulan ng mga tagalog at gayon pa ma'y naniniwala kayo na ang kanilang katitikan ay yaon ding katitikan ng mga malayo! Katulad ng mga karaniwang mangmang na hindi nagsusuring mabuti at walang binabasa nang buong ingat, bagkus nasisiyahan na sa apat na salawikaing sinasabi sa kanila, ang Inyong Kadakilaan ay naniniwala na ang mga kabihasnang insik at hapones ay may lakas at bisa sa Pilipinas bago dumating ang mga kastila. N aparito sa Kapuluan ang mga insik upang mangalakal lamang, nguni't kailanma'y hindi nila iniiwan ang kanilang mga daong, hindi nila narating ang dakong loob ng lupain at hindi man lamang nila nakuhang makapamalagi rito gaya ng kanilang ginawa sapul nang dumating ang mga kastila. Wala silang kinalaman sa pamamahala sa bayan. At tung9 Dahil sa sinabi ni Barrantes na ang katitikan ng mga pilipino'y dill iba kundi ang katitikan din ng mga malayo, ay sinabi ni Rizal na si Barrantes ay walang-walang nalalaman sa katitikang pilipino at ito'y hindi man lamang niya napag-aralan; at sinabi pa ring ni hindi natatalos ni Barrantes ang pinagmulan ng mga pilipino, ni hindi rin natatalos na may natagpuang mga sandata at mga kasangkapan tanso sa Pilipinas.


111

kol sa mga hapones, bagama't may ilang tanda at salinsaling sabi na makapagpapaniwala na isang bahagi sa mga naninirahan sa bansang yaon ay nanggaling sa Pilipinas at sa iba pang pulo sa katimugan, gayunman, nang matatag na ang bansa, ay hindi rin sUa nagkaroon ng kapangyarihang polltiko sa Pilipinas bago dumating ang mga kastila. Nguni't bakit kinakausap ko ang Inyong Kadakilaan hinggil sa mga bagay-bagay na ito, kung hindi rin lamang ninyo mawawatasan ni paniniwalaan, palibhasa'y wala kayong kaalamang mapagbabatayan at hindi rin kayo gumawa ng mga paunang pag-aaral? Sinasabi ng Inyong Kadakilaan . .. "Ang mga portuges at mga insik na natagpuan dito ni Legaspi, na ang ilan ay nangakapasok na at ang iba naman ay naninirahan na rito.lO Ito'y pagbasa sa kasaysayan nang ayon sa inyong ninanasa. Ang mga natagpuan ni Legaspi ay ang mga panloloob at pagmamalupit na ginawa sa mga pulo ng Bisaya ng mga portuges, na nangagkunwaring mga kastila at nangagsibalik agad sa Moluko, upang sa ganitong kaparaanan ay mapagngalit ang poot ng mga indiyo laban sa mga kastila. Tungkol naman sa mga insik, isa sa mga dqong ng mga ito, na nadakip ng mga taga-Mindoro dahil sa may sigw'a noon, ay iniligtas ni Legaspi -at sila'y inanyayahan pa nito na dagdagan at lakhan ang pangangalakal nila, sa ilalim ng pangakong sila'y tatangkilikin ni Legaspi. "Tungkol sa seramika at pananamit", ang sabi ninyo'y {(kung may mga natagpuang ilang katangi-tanging bagay , ang mga ito'y nagpapakilalang nanggaling sa mga insik 0 hapones." 11 Ito man ay hindi rin tumpak, sapagka't yaong 10 Pinabulaanan din ni Rizal ang sinabi ni Barrantes na natagpuan ni Legaspi ang mga portuges at mga insik na nangakapasok ang Han at nagsisipanirahan na ang iba sa Pilipinas. Ang natagpuan ni Legaspi ayon sa kasaysayan, ay ang mga katampalasanan, panloloob at pagmamalupit na ginawa sa Kabisayaan ng mga portuges, na nangagkunwang mga kastila at nagsibalik agad sa Molukas, upang sa ganito'y mapapag-ibayo ang poot ng mga indiyo sa mga kastila. Tungkol sa mga insik ay wala kundi isang sasakyangdagat lamang nila ang natagpuang narakip ng mga taga-Mindoro, na dahil sa ipinadpad ng malakas na sigwa noon ay dinakip nga ng mga taga-Mindoro. Ang mga insik ay iniligtas ni Legaspi, at inanyayahan pang pag-ibayuhin ang kanilang pangangalakal dito at sila'y tatangkilikin ni Legaspi. 11 Tungkol sa bahaging ito ay mahigpit ding pinabulaanan ni Rizal si Barrantes, at sinabing hindi ang mga Hap6n ni ang mga Insik ang may gawa, gaya ng pinatutunayan ng mananalaysay na si Jagor.


112

maiinam na basong matatanda, na binanggit na ni Morga, at pinag-ukulan ni Jagor ng isang magandang kabanata, bagama't tunay ngang kinagigiliwan ng mga insik at haw pones, gayunman, ay hindi sila aug may gawa. Kaya nga, tinatalikdan ko na ang pagtatanggol sa Inyong Kadakilaan sa mga nalalabi pa, sapagka't nakikinikinita kong ang gayong pagpipilit ay higit sa aking kakayahan. Tinatalakay ng Inyong Kadakilaan ang dulaang insik at hapanes,12 at nahahalata kong ang mga ita'y ni hindi ninyo pinag-aralan, at ang kaalaman ninyo tungkol sa kanila'y kasimbuti ng pagkaalam ninyo sa dulaang tagalog. Bakit hindi pumaroon sa mga dulaan sa Tsina at Hap6n ang Inyong Kadakilaan, na may kasamang tagapagpakahulugan upang mapag-aralang minsan 0 paulit-ulit ang mga pag.. kakakilalanan sa dula sa mga bansang yaon, katulad ng ginawa ng ilang hangal at tamad na tagalog na kinabibilaIfgan ng unggoy na sumusulat nito? Maitutugon ng Inyong Kadakilaan na ang pagkamaladiyos ng inyong lipi ay hindi nagtutulot sa iny-ong gumawa ng ganyang pag-aaral, at kayo'y nasisiyahan na sa mga ibinabalita sa inyo ng ilang manlalakbay. Sa bagay na ito'y binibigyan ko kayo ng matwid, datapuwa't ipinagugunita ko sa inyo na ang mga diyus,.. diyusan ay hindi nangag-abalang magsaysay sa atin kailanman tungkol sa mga dulaang insik at hapones, at sa bagay na ito'y gumawa ang Inyong Kadakilaan ng isang masamang panuntunan. Datapuwa't sa dahilang ang mga hangal na tagalog ay hindi nagpapakilala, ni wala sila sa kanilang buhay panlipunan, ng anumang nauukol sa dulaang hapones 0 insik (na hindi makarating sa Pilipinas nang una pa sa mga kastila, palibhasa, ang dulaang hapones, ay hindi nakayapak kailanman sa Kapuluan), at sapagka't ang mga tagalog ay walang iniingatang mga bagay na hindi nila nakita, ay hinuhulo ng Inyong Kadakilaan na wala silang diwang makapamaris. Sa tapa tang sabi, ito'y lubha kong ikinalilito. Yaong walang pita gang nangagsisihalakhak sa Inyong Kadakilaan, ay nangagmamatwid ng ganito: Ang lahing kastila baga: y salat sa diwang makapamaris dahil lamang sa pangyayaring walang natatalang anumang labi ng balarilang griyego sa J2 Tungkol sa dulaql1g Hap6n a t Insik ay ipinakilala ni Rizal na si Barrantes ay walang nalalaman sa mga ito, sap agka't hindi lamang di niya napagaralan kundi sadyang wala siyang pagkakilala gaya ng di niya p agkakilala sa dulaang tagalog.


113

kanyang kasaysayang pampanitikan noong mga unang dantaon ng pagkakasakop sa kanya ng mga taga-Kartago ? Ito ba'y sukat nang ikahinuha na ang mga kastila'y walang kaya? Kapos nga ang mga tagalog sa diwang makapamaris sapagka't hindi baga sinasabi ng Inyong Kadakilaan at ng iba pa, na ang mga indiyo ay mga unggoy dahil sa kadalian nilang "manggaya" ng mga bagay-bagay? Hindi ba nila madaling natularan, gaya 路 ng inyong isinaysay pagkatapos, ang dulaang kastila kahit na ito'y bahagya lamang ang pagsisikap na gumawa at hindi mabubuti ang mga lumalabas at 1alo pang masama ang mga dulang inilalabas? Ano ang inyong maisasagot kung itanong namin sa inyo itong sumu路 sunod: Ipagpalagay ng Inyong Kadakilaan, na ang isang prokonsul romano, pagkatapos na kanyang mapagsamantalahan at mapagnakawan ang pangasiwaan at ang mga kastila, na sa panahong yao'y sakop ng Roma, pagbalik niya sa Italya, ay mamarali, upang maipagsanggalang ang kanyang sarili sa mga pula't mga sumbong ng mga pinagsamantalahan, na ang mga kastila'y mga hayop, walang kaya, at hindi man lamang maituturing na mga tao, palibhasa'y ni wala silang katifkan, ni nattitong umangkin sa panitikang griyego, penislYo, at kartago, ni wala silang mga dula ni komedya, ni hindi nakagaya, kahit na sa masamang paraan, sa mga kathang sinulat nina Eunio, Plauto, at Terensiyo? May katuwiran baga ang nasabing prokonsul na humamak, sa ganyan, sa buong sambayanan upang mapagtakpan ang kanyang pagwawaldas ng salapi ng bayan? Sa mga ginoong ito'y isinasagot ko, Kadaki-dakilang Ginoo, na N ego paritatem, "Hindi ko tinatanggap ang paghahalintulad". Walang anumang pagkakawangis ang Inyong Kadakilaan sa prokonsul romano, at kung kami man, tulad ng mga kastila noong panahong yaon, ay hindi nanghuhuwad ng mga dulaang banyaga, sa kabilang dako'y mayroon naman kaming sariling katitikan na humigitkumulang ay may mga kapintasan nga datapuwa't sa dulo't wakas ay katitikan din namang nagagamit namin, bagay na wala nito, ni ang mga selta, ni ang mga galo, ni ang mga ibero at kahit na ang mga seltibero. Iya'y malaking patotoo, na kami'y mga walang kaya at mga hangal at hindi kami maaaring maging bihasa! Ang Inyong Kadakilaan na rin ang nagsasabi na ang kauna-unahang palabas sa OOS700- - 8


.114

dulaang napagkilala sa Espanya, bilang supling ng mga bagong kabihasnan, bagama't yao'y nangyari sa "provenzal") ay noong ikalabindalawang dantaon, alalaong baga'y labing-apat na dantaon makaraan ang dantaong ginto ng komedyang latino, (na dapat dumaan sa Espanya, palibhasa'y taglay ng mga romano ang kanilang mga kaugalian, batas, wika, at kabihasnan sa lahat ng pook, at mga katunayan nito ang mga labi at mga paalaalang natatagpuan sa Espanya), at labing-anim na dantaon makalipas ang kapanahunan nina Euripides at Aristopanes! At may Hang dantaon na baga buhat nang dalhin ng Espanya ang kanyang dulaan sa Pilipinas? Hindi ba sinasabi ng Inyong ~ada足 kilaan, bagama't ito'y mali, na n06ng kapanahunan ni Corcuera nangyari ang unang pagpapalabas, 0 kaya'y nang ika-5 ng Hulyo ng 1637? At ibig ba ng Inyong Kadakilaan na gawin sa isang dantaon ng mga hangal at walang-kayang mga tagalog ang hindi nakayang gawin sa labing-apat na dantaon ng mga nakatataas at matatalinong Europeo? At gayunma'y sinasabi ng Inyong Kadakilaan na noon pang 17~O "ay nagsilabas ha, bilang mga tauhan ng isang komedya ang mga walang-pinag-aralang mga tagalog. Aling bansa sa Europa, ang sa loob ng isang dantaon ng pananakop ng mga romano, hindi na isang dantaon, manapa'y pagkaraan ng labingdalawang dantaon, ang nakapagsalin ng Eneida sa tugmang pambansa, ng alinmang komedya ni Plauto, 0 kahit na alinmang kathang latino 0 griyego, gaya ng sinasabi ninyong naisagawa ng mga tagalog at iba pang Pilipino sa Pasyon at iba't iba pang mga katha at mga komedya? Sinasabi ng Inyong Kadakilaan na ang Pasyon ay isinalin sa ~ga pangunahing wikain sa Pilipinas noong ikalabimpitong dantaon, alalaong baga'y isang dantaon pagkatapos, nguni't hindi ninyo mibasa ang sinasabi ni Collin 13 sa panig 54: "Sila'y totoong mahilig sa kanilang gawi sa pagsulat at pagbasa, na bahagya nang may isang lalaki at lalo na ng isang babae na hindi marunong at hindi gumagamit niyaon, at maging sa mga bagay na nauukol sa mga panalangin, yaong mga K<ristiyano na. Sapagka't sa mga pangaral na naririnig nila at sa mga kasaysayan at buhay ng mga santo, at sa mga panalangin at mga tulang pandiyos 13 Siya ang may-katha ng "Labor Evangelica", isang kasaysayang ukol sa pagpapalaganap ng relihiyon na sinulat ng mga Hesuwitas Sa Pilipinas, at inihayag sa Madrid nang taong 1604.


115

na gawa rin nila (yamang marami rin sa kanilang mga ganap na makata san g-avon sa kanilan g parnamaraan, na nangagsasalin nang may kariktan sa kanilang wika ng ALINMANG KOlVIEDY ANG KASTILA , ay nagsisigamit n g maliliit na aklat at mga dasalan sa k anilang wika at sinulat sa kamay nila na lubhang marami. Ito'y paraparang pinagtitibay ni Pari Pedro Chirino 14 sa kanyang kasaysayang sinulat sa kamay. Si Parl Pedro Chirino ang pinagkatiwalaan noong 1609 ng Probisor at Bikaryo Heneral n itong Arsobispado na siyasatin at suriin ang mga aklat na ito.路" Ito ang sinasabi ng heswitang kastila na si Colin na n anira-han nang maraming taon sa Pilipinas at doon sinulat ang kanyang kasaysayan noong mga taong isang libo anim n a raan at apatnapu at ilan pang taon. Hindi na namin ibig na maglahad ng iba pang mga banggit, sapagka~t m angaaaksaya'y mangasasayang lamang; may mga banggit n a 路dahll sa kanilang halaga ay parang tunay nang mga perlas. Aug lahat nang ito'y nagpapakilala na ang mga pilipinoay mga taong hindi maaring magtamo llg kabihasnan at ang Inyon g Ka.dakilaan ay may lahing lalon~ nakatataas. . ' . Ang lahat ng isin"saysay ng Inyong Kadakilaan ,tungk ol sa mga Korido ay 'maaaring roaging totoo, nguni't ang nangyari ay hindi nababatid ng Inyong Kadakila~n, k ung alin..:alin ang mga kathang tinatawag na korido .ng mga tagalog: Ang mga ito'y iba sa mga tinatawag na awit ng mga tagalog. Ang bagay na ito'y hindi rin kailangang mabatid ng Inyong K adakilaan. Ang inyong layunin ay hamakin ang aming lipi, at upang ito'y magawa ay hindi na kinakailangan ang mga kaalaman. Ang sinasabi ninyo hinggil sa Pasyon 15 ay kapana-panabik, datapuwa't nararapat sana ninyong sinabi sa amin k ung buhat sa anong orihinal isinalin ang siping lalong malaganap sa mga pilipino, at pagkatapos ay patotohanan ninyo iyan. Sapagka't ang pangyayaring may mga kathang nakakahawig 0 nakakatulad niyaon sa mga ibang wika, ay hindi nangangahulugan na ang mga nahuli'y mga salin ng mga "Siya ay isang mananaysay na relihiyoso, at siyang may-akda n g "Relacion de 'las Islas Filipinas" na nilimbag sa Roma nang ta6ng 1604. ]c. Ito'y isang aklat na patula sa wikang tagalog na tumutukoy sa buhay, sakit at kamatayan ni Hesukristo. Ang lalong mga kilalang Pasy6n n a sinulat sa katagalugan ay ang kina P. Mariano Pilapil at Aniceto de la :Merced.


116

nauna. Kung ito'y hindi tama, ang tatlong ebangeliyo ay magiging mga salin ng kay San Mateo, at ganito rin ang mangyayari sa iba't ibang katha. Sinasabi ng Inyong Kadakilaan: "Bagama't sa mga paglalabas sa dulaan buhat sa pabigkas hanggang sa paawit ay wala kundi isang hakbang lamang, sa palagay ko'y hindi naisasagawa ng Pasyon ang hakbanging ito sa mga indiyo ... " at kayo'y naging masalita, pagkatapos, tungkol sa simulaing ito sa mga pagwawari-waring mapandusta sa kagandahangasal ng isang bansa. Sa katunayan ay natipid kaipala ninyo ang mga sumusunod na talataan kung pinag-aralan ninyo nang malalim ang suliranin. Siyang totoo, Kadaki-dakilang Ginoo, may mga pandulaang palabas ang Pasy6n. Ito'y patototohanan sa inyo ng lahat ng mga tagalog. Nakita kong inilalabas, nang ako'y bata pa, ang pagtukso sa bundok at ang paglilibing; at sa katunayan, ang mga ito'y inilabas sa mga tanging bahay.16 Datapuwa't sa bagay na ito'y nangyayari sa Inyong Kadakilaan ang nangyari hinggil sa komedya at dulaang tagalog; yao'y hindi ninyo nakita, samakatuwid, ay wala niyaon; at dahll dito'y nararapat laitin ang mga hangal na tagalog. Tatalakayin namin ang mga paksang ito, na nahihinggil sa sining ng mga tagalog at sa panitikan sa Pilipinas, kung lumiwanag na ang mga lalong tahimik na araw. Kung magkagayon ay sasalaysayin namin kung alin ang mga palabasdulaang wagas at taal na tagalog, kung alin ang hiram na dala ng mga kastila, kung alin ang naging bunga sa paghahalo ng mga ito, kung alin ang mga kathang lalong kilala, at iba pa. Samantala, ipagpatawad ng Inyong Kadakilaan na itong mga kaluwalhatian at mga munting pagpapakilala ng diwa ng aking bayan ay hindi ko isa-isahin ngayon; sa tapatang sabi ay ayokong makitang binabanggit ang pangalan ng Inyong Kadakilaan sa kasaysayan ng mga sining ng aking Inang-bayan. Sukdang maging dukha lJl Sa "Folk-lore Bulaqueno" ni Mariano Ponce na inilathala sa "La Oceania Espallola" sa Maynila ay sinabi ang ganito: "Ginagawa pa hangga ngayon sa bayan ng Baliwag, Bulakan, ang nagkasalin-saling kaugaliang pagpapalabas sa kaarawan ng Pasko ng Pagkabuhay sa liwasang bayan doon, ng dulang nasusulat sa mahusay at magandang tulang tagalog hinggil sa pagpugot sa ulo ni Longinos. Ito'y pinamagatang "Ang Pagpugot kay Longinos". Nagsisipanood sa palabas na ito pati ng mga nagsisipanirahan sa mga bayan at lalawigang karatig."


117

at magaspang ang mga sining na iyan; sukdang ipalagay na kamusmusan, katawa-tawa, at aba, ng Inyong Kadakilaan, sila'y nagsisimpan para sa akin ng maraming tulain at isang sinag ng kalinisang hindi maaaring maunawaan ng Inyong Kadakilaan. Ang mga kauna-unahang awit, ang mga kauna-unahang maiikling dula, ang unang dula na napanood ko noong ako'y bata pa at tumatagal ng tatlong gabi ay nasa-wikang tagalog, at kahit na magaspang at may kahangalan ay nag-iiwan sa aking kaluluwa ng isang alaalang hindi makakatkat. Sila'y walang iniwan, Kadakidakilang Ginoo, sa isang matalik na pista ng angkan, ng isang maralitang angkan: at sila'y maIaIapastangan at maaaIisan ng kaniIang buong pang-akit sa pagbanggit sa pangaIan ng Inyong Kadakilaan, paIibhasa kayo'y may lahing lalong nakatataas. Sisikapin naming magwakas agad. Iiwan ko sa isang tabi ang maraming mga punang pinaabot sa akin hinggil sa inyong mga lathalain. Lalaktawan ko na yaong winika ninyo tungkol sa mga "malayo sa KoIombo at Seilan" sa ikatlong talataan ng ikatlong kabanata. Naniniwala ako a maliban na lamang kung hindi tinatangka ng Inyong Kadakilaan na baguhin ang karunungang ukol sa mga lipi ng tao, ay hindi ninyo tinutukoy doon ang mga indiyong may liping kaukasiko, na nagsisipanirahan sa Seilan, kundi ang mangisa-ngisang malayo na napadako roon nang hindi kinukusa. Nababatid kong mabuti na palibhasa kayo'y may liping lalong dakila ay maisasagawa ninyo ang lahat. Kung gayon ang mangyayari ay masasabi rin ninyo, "ang mga maIayo sa Madrid at sa Espanya, 0 sa Londres at Inglatera, sa Paris at sa Pransiya", sapagka't sa ganang Inyong Kadakilaan, ang pangulong-bayan ng isang bansa ay hindi nauukol sa bansa. Datapuwa't ang Inyong Kadakilaan, palibhasa'y may liping lalong nakatataas, ay makagagawa na maging mga mala yo ang mga singgales, at ang Kolombo na siyang pangulong-bayan ng Seilan, ay maging kung anuman ang inyong maibigan at makahumalingan. Ipapakli ng Inyong KadakiIaan yaong kawikaang, kung gabi, ang lahat ng pusa ay itim: kaya nga, ang lahat ng taong mangitim-ngitim ang kulay ay mga malayo. Gayunman, tinatawag na insik ang mga "chulo" sa Madrid; makipag-intindihan nga ang Inyong Kadakilaan sa mga kababayan ninyong mga "chulo."


118

Lalaktawan na namin ang lahat ng iba; nguni't ang kahuli-hulihang kamalian, na ako mang itong masigasig ninyong tagapagtanggol ay hindi makapagpapatawad, ay yaong isinasaysay ninyo sa wakas: "sapagka't ang karilyo 17 sa daang Magdalena ay nangahas na magpalabas ng Don Juan Tenorio, dulang kinawiwilihan ng mga masasamang tao, sapagka't nakaugalian nang pugutan ng ulo ang isang komedyanteng taal na tagalog sa dulaang pilipino". Sinasabi ko at inuulit kong ito'y hindi ko maipagpapaumanhin sa Inyong Kadakilaan, sukdang ang maging kapalit nito'y kapootan ninyo ako at kabigatan ng inyong loob; sukdang ang maging sukli nito'y masayang ang lahat ng aking mabuting paglilingkod at aking gawa . .. Hindi ko maipatatawad sa inyo, hindi, Kadaki-dakilang Ginoo, hindi ko maipahihintulot na inyong gawing komedyanteng "taal na tagalog sa dulaang pilipino" ang komedyanteng iyon na may lahing lalong nakatataas at kaisanglipi ng Inyong Kadakilaan. BaKit? Pakaabain ba ng Inyong Kadakilaan ang isang mal,?diyos hanggang sa hamak na kalagayan ng isang tube sa Pili inas, dahil sa hindi niya ginampanang mabuti ang kanyang tungkulin sa pagpapalabas? Kaiingat ang. Inyong Kadakilaan, sapagk'a't kung pamamarisan ang ganyang pamamaraan ay lalo pang kakapal ang mga pilipino kaysa mga insik, at aking sinasabing masasakop nila ang daigdig, at kaipala'y magkakaroon ako ng maraming kababayang mga taong Kadaki-dakila at may iba pang taguri, bagay na magiging isang mala king kapahamakan. Ang Inyong Kadakilaan, ang sambayanang taga-Maynila, ang buong lipunang iyan na .ayon sa sinasabi ng Inyong Kadakilaan ay pabaya at walang pagkukusa, ang mga hangal na tagalog sa Luson at ako) na isa ring tagalog at isa ring hangal, ay alam namin kung sino ang komedyanteng iYOll . .. Mag-ingat kayo, Kadaki-dakilang Ginoo, at baka may humingi ng mga bayad-kasiraan at kapinsalaan! ~7 Ito ay isang uri ng dulaan na ang nagsisilabas ay hindi mga tao kundi sadyang ginawang mga tau-tauhan sa pamamagitan ng mga karton, at nagsisigalaw sang-ayon sa mga aparato at Haw na ginagamit. Masasabing ang karilyo ay kahawig ng mga sine ngayon, hagaman kulang ya6n sa kaganapan at kawastuan, hindi nagsasalita at hindi nga larawan ng mga tunay na tao kundi ng mga tau-tauhang karton lamang na sadyang ginawa nang buong ayos at inam.


119

I waksi na ng Inyong Kadakilaan ang inyong binabalak na pag-aaral ng tala-aklatan ng dulaang tagalog, sapagka't batid ko kung sinu-sinong mga guro sa paaralan, kung sinu-sinong mga tagasulat ang nagkaloob sa inyo ng mga salin ng Hang katha. Ika,siya na ng Inyong Kadakilaan ang mga pangkalahatang kaalaman, sapagka't sa ganito'y hindi gaanong marami ang kamaliang inyong mapahuhulagpos. Huwag ninyong pangahasang pag-aralan ang malalalim na bagay, baka mangyari pa sa inyo yaong nangyari sa isang buso ni Schiller na bagaman nasagip noong una~ ay nalunod din noong ikalawang sisid. Sa unang pagkakata6ng ito'y nakasumpong kayo ng isang tagapagtanggol; sino ang makapagsasabi kung sa pag-ulit ay magkaroon kayo ng ganito ring kapalaran. At ngayon, upang ako'y makapagpaalam, ay tungkulin kong ipatanto sa inyo kung bakit naging magaan ang loob ko sa inyo at kung bakit ginampanan ko ang pagiging tagapagtanggol n~nyo. Nang makita kong pagkatapos na kayo'y makatupad'tlang makalawa ng matataas na tungkulin sa aking bansa, at nang malaman ko ang maraming bagay na doo'y inY0ng ginawa at tinangkang gawin ay ipinagkakapuri ko na ang aking inang-bayan, ang aking lahi, ang buong kalipunang pilipino, at ang tanang bagaybagay na minamahal ko't pinagpipitaganan, ay walang ibang bagay na nap ala sa Inyong Kadakilaan kundi paghamak, walang ginising sa inyo liban sa pagkapoot at pagkasuklam. Ngayo'y maliwanag at huong katapatan akong nagsasalita, Kadaki-dakilang Ginoo. Ang pinakamahayap na pagduhagi na galing sa Inyong Kadakilaan ay isang karangalan para sa aking lahi, sapagka't bagama't siya'y aba, mangmang at sawimpalad, ay mayroon pa ring sa wari'y nalalabing mabuting katangian sa kanya. Gantihin nawa ng Diyos ang Inyong Kadakilaan sa mga pagayop at pag-alipustang ipinarararangal ninyo sa Pilipinas. Ipagsumigawan ng Inyong Kadakilaan ang pagmumura, alipustain ninyo kami, ilagay ninyo kami sa kaiba-ibabaang baitang ng hanay ng mga hayop, iya'y walang katuturan sa amino Pasulakin ninyo ang galit ng lahat laban sa mga tagalog na nangagsisitutol sa gangganyang paglait, laban sa mga inapo niyaong mga nagbubo ng dugo para sa Espanya, para sa kanyang watawat, upang mapalawak ang lupaing nasasakop niya sa Silangan, upang mapangalagaan ang ka-


120 pangyarihan ng kanyang mga sakop laban sa mga insik, hapones, moro, olandes, portuges, at ingles, upang tulungan sampu ng mga bansang kaibigan ng Espanya; paratangan ninyo kami, na walang utang na loob at mga pilibustero, dahll lamang sa kami'y may hiya at sapagka't ninanais naming tumutol laban sa mga nagkukubling paghamak; walang kabuluhan iyan! Kami'y magpapatuloy sa aming landas, mananatili kaming tapat sa Espanya~ samantalang ang mga nagsisiugit sa kanyang kapalaran ay nag-iiwi ng isang butil na pagmamahal sa aming inang-bayan, samantalang may mga tagapangasiwang nagtatanim ng mga pagbabagong makakalayaan, samantalang ang walang tugot na pag-alimura sa amin ay hindi nakapaparam sa aming alaala ng mga pangalan nina Legaspi, Salcedo, Carriedo, at sa ibabaw ng lahat, ng mga pangalan ng mga yumaong haring katoliko na tumangkilik buhat sa isang malayong pook, sa mga sawimpalad na malayo sa Pilipinas, (S'nipi sa. The Independent, i ka-10 ng PebTeTO, 1917)

JOSE RIZAL

*


ISANG KALAPASTANGANAN Sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna (Pilipinas), ay namatay sa kolera noong ika-23 ng Mayong nagdaan ang dalawang mamamayan, kapwa maginoo at lubhang kinaaalang-alanganan at mahal ng kanilang mga kababayan. Ang pagkakadapo ng kolera ay totoong napakabagsik na sila'y namatay sa loob ng wala pang dalawampung oras. Ang isa sa mga yao'y bayaw ni Rizal, may-akda ng Noli Me Tangere. Ang ngalan niya'y si Ginoong Mariano Herbosa,l at ang ikalawa'y si Ginoong Isidoro Alcala. 2 Kapuwa sila tininti mayor.!\ Karakarakang nagpahatid-kawad sa Maynila ang Koadhutor na si Pari Domingo Aiionuevo, kaaway ni Rizal at ng bayaw nito. Ang sabi sa pahatid ay ganito: "Mariano Herbosa, bayaw ni Rizal, namatay; buhat nang ikasal, hindi nagkumpisal hanggang oras ng kamatayan."

Ang gobernador e~lisyastiko a~ sumagot sa Kura Paroko ng Kalamba, sa pamamagitan I ng pahatid-kawad bilang 6608, na ang sinasabi ay ganito: "Natanggap ang pahatid-kawad; kung totoo ang ipinahayag, itinatanggi namin ang libing na katoliko." Alinsunod dito, ibinaon si Ginoong Mariano Herbosa sa isang gulod sa labas ng bayan, at ang ikalawang namatay sa gayon ding sakft, nguni't hindi bayaw ni Rizal, ay sa libingang katoliko; at ang ibinayad ng kaanak nito'y limampu't limang piso bagaman ang bangkay ay hindi ipinasok sa simbahan. Walang sinumang may karapatang dumaing dahil sa ang isang bangkay ay ibinaon dito 0 doon kaya. sa lupang ari ng simbahan 0 sa iba kayang nasasakop ng asyenda ng mga Paring Dominiko;4 ang bangkay ay nabubulok kahit saang libingan, walang lupang lalong banal kaysa iba, ang lupa Siya'y bayaw ill Rizal, at asawa ni Lucia Rizal, kapatid nitong huli. Siya'y isa sa mga tanyag na mamamayan sa Kalamba, at kaibigan ni Mariano Herbosa. ~ Ito ang tawag sa ilang may katungkulan 0 kagawad sa Tribunal ng Bayan. â&#x20AC;˘ Sila ang may-ari ng malaking asyenda sa Kalamba, Laguna. 1

Z

121


122

ng sementeryo ay hindi siyang kaisa-isang nilikha ng Diyos, gaya rin ng katotohanang ang lupa sa mga gulod at bundok ay hindi nilamutak ng diyablo. Ang araw ay lumiliwanag sa buong lupa, ang ulan ay dumidilig sa lupa nang walang itinatangi at pinipili sang-ayon sa iba't ibang panahon, ang simoy ng hangin ay nagpapakitang-giliw sa lupa nang walang itinatangi, at ang Kalikasa'y hindi nagpapausbong ng lalong maraming bulaklak sa sementeryo kaysa ibang po ok kahit man lamang dito sa Pilipinas. Sa kabilang dako, nararapat pa ngang magpasalamat ang angkan ng nasira sa paghihiganting ito ng mga pal'l, sapagka't bukod sa hindi sila nagbayad sa paglilibing, ay nailigtas pa nila ang bangkay ng noong nabubuhay pa'y naging isang taong lubhang matalino at matino, sa pagkakadaiti sa mga bangkay ng napakaraming mga hinangal, sa mga kalapastanganan ng tagapaglihing ng mga patay 5 na kung magkaminsa'y humuhukay ng mga labing sariwang-sariwa pa, at sa mga panalanging binabayaran at dinarasal nang walang pananalig ni habag ng paring buong pagmamadaling gumagawa ng panalangin nang may pagkabagot at waring natatamad. Sa ibabaw ng gulod na pinagpapahingalayan 0 kinabubulukan ng bangkay ay umiihip ang simoy na galing sa lawa at dumadalisay sa kapaligiran; doo'y maliwanag ang araw at hindi pinaglulusak ng ulan gaya ng nangyaYaJ:i sa libingan ng bayan ng Kalamba. Doo'y naaaring dumalaw sa puntod ang kaanak at mga kaibigan, at nakatitiyak silang hindi makakakuha ng anumang lagnat, nakatitiyak na hindi makalalanghap ng anumang bagay na makapipinsala sa katawan. Para sa Diyos na lumalang ng lahat ng bagay at ng lahat ng nilikha, pati ng mga pari sa Pilipinas, para sa relihiyong kristiyano na nangar al ng pag-ibig at hindi ng imbing paghihiganti, at tumitingin sa kaluluwa nang higit sa katawan 째 sa bagay na nadarama, ana ang ipagkakaiba ng isang libingan sa ibabaw ng isang gulod', sa isang libingan sa sementeryong naglulu sak? Para sa tao, para sa pilosopo, para sa malayang palaisip, para sa diwang makabago, ana mayroon ang lupa -, Karaniwan n a n:>ong una sa ilalim ng pamahalaang k astila sa P ilipin as ang pangyayaring hinuhu kay ng mga iagapaglibing ang bago p a l am ang ,k ababa6ng ban gk ay n g mga mayayamang n ama matay upang kunin ang m ga pahiyas, ngiping ginto 0 ano mang mahalagang bagay n a k asamang inililibing ng y umao. lto'y hindi lamang isang k alapastanganan kun di tunay 11a pagnan ak aw .


123

ng isang sementeryong sinasamantala ng isang liping makarelihiyon,6 na lalong ikinabubuti nito kaysa lupa ng isang gulod na nagiging pasyalan sa umaga at nagbibigay-Iakas at nagpapatubo ng mga halamang mapapakinabangan at nagbibigay ng pagkain sa ibang nilikha? Wala. Samakatuwid ang pangyayari sa ganang sarili nito, ay walang anumang makasasama 0 makapipinsala, at gayon nga ang pagkaunawa ng lahat ng kaibigan at lahat ng kamag-anak ng yumao . . Datapuwa't ang nararapat mag alit ay ang relihiyon, ang katarungan, at ang pamahalaan, sapagka't ang kanilang tungkulin ay mamahala, at hindi magpahintulot ng mga pagmamalabis ni paghihiganting hangal at walang matuwid. Nararapat ipalagay ng Relihiyong Katoliko na siya'y siniphayo sa dahilang ginawa siyang laruan at kasangkapan ng mga imbing damdamin. Dapat niyang ipalagay na siya'y naaba sa pagkakaroon ng isang kagawad na bulaan at mapanlinlang, gaya ng nagpahatid ng telegramang nagsasabing si Ginoong Marianb Herbosa ay; hindi nagkumpisal buhat nang siya'y ikasal, agay na lulJos na kasinungalingan, at ang nagSabi niyaon ay nagsinungaling na parang isang mangmang at isang dalahira. Una-una, ang paring iyon ay hindi maaaring makaalam kung si Ginoong Herbosa ay nakapangumpisal 0 hindi sa 100b ng labindalawang taon, sa dahilang hindi niya sinusubaybayan ito sa bawa't hakbang, at hindi rin siya ang kaisa-isang paring dapat lamang pagkumpisalan ng lahat ng tao, at kahit na maging gayon, ay maaari ba niyang maitala ang ngalan ng hawa't taong nagkukumpisal? Sa anu't anuman ay nababatid naming ang nasil'a ay nagkukumpisal sa mga pari sa mga kalapit-bayan, gaya ng Kabuyaw 7 at Los Banos,g at maging sa mga kagalang-galang na paring Hesuwita sa Maynila, gaya ng ginawa niya noong taong 1887; ito'y isang kaugaliang laganap sa Pilipinas kapag ang mga mama mayan at ang mga paroko nila ay matalik na magkakilala. â&#x20AC;˘ Ito ay dili iba kundi ang mga prayle at m ga makaprayle. Isang bayan 0 munisipyo sa lalawigan ng Laguna, n a sinusundan ng Kalamba kung nagbubuhat sa Maynila. 8 Isa ring bayan 0 munisipyo ng lalawigan ng Laguna, n a kasunod ng Kalamba kung nagbubuhat sa Maynila. 7


124

Na siya'y hindi nakapagkumpisal sa oras ng kamatayan ay hindi nararapat pagtakhan sapagka't siya'y dinapuan rig kolera at namatay nang kulang pa sa dalawampung oras; at nababatid namin at maaari naming panindigan na ang pari ring iyong umuusig sa kanya ay may malaking sindak sa sakit na ito, kaya nga noong panahon ng salot ng ta6ng 1882, ay lumalakad siyang may takip na lagi ng panyo ang ilong, at ang kinagawiang ito'y pinapanatili niya pagkatapos, maging sa loob ng simbahan at maging sa pagdalaw sa mga sari-sariling bahay. At isa pa, hindi ba't maraming namamatay nang walang kumpisal, at gayon ma'y ipinalilibing ha sila sa ibang po ok ? Ano rin ang katuturan ng pagkakalagay sa pahatid-kawad ng mga salitang bayaw ni Rizal, kung ang nilalayo'y hindi isang paghihiganti, isang kaimbihan at kawalang-dangal? Ano ang kinalaman ng banal na Relihiyon sa pagkakamaganak? 9 Ano ang dahilan ng pahiwatig na ito sa isang bagay na napakabanal, gaya ng mga bagay na may kinalaman sa Relihiyon? Hinamak ang Katarungan sa dahilang huong halay na nilait ang alaala ng isang taong naging butihing anak, butihing asawa, butihing ama, butihing katoliko at butihing kristiyano; ng isang taong kumupkop sa pamamahay niya sa mga abang may sakit na walang kumandili at pinagkaitan ng tulong ng mga pari na rin; ng isang taong nagpakain at nag-alaga ng mga abang inang maysakit na nakapandidiri bagama't hindi kahiya-hiya, at ito'y ginawa niya alang-alang lamang sa pag-ibig sa sangkatauhan at sa makakristiyanong pagkahabag. Ang mga gawaing kristiyanong ginawa ng yumao, gayong wala naman siyang tungkuling gumawa niyaon ay hindi man lamang l1apal1aginip kailal1 man ng mga umuusig sa kanya. Siya'y kabilang sa isang angkan ng mga mapagkalinga sa simbahan ng bayan; 10 ang karamihan sa mga larawan o Sa panahon ng paghahari ng mga prayle sa Pilipinas ay tinatawag na pilibustero, erehe, kalaban ng relihiyon at kaaway ng kastila ang lahat ng hindi nakikipaglapit nakikipagkaibigan sa kura ng bayan. 10 Karaniwan na sa mga bayan-bayan sa Pilipinas na ang mga larawan ng mga santong isinasama sa mga prusisyon kung nagpipista ang baynn o ang mga nayon ay ari at nasa-pag-iingat ng mga mayayamang mamamayan, at sila'y tinatawag na mga recamadero. Ang ibang mayayaman ay nagpapagawa naman at naghahandog ng mga andas na lantay na pllak, na siyang pinaglalagyan ng mga santong isinasama sa pl'usisyon.


125 ng santong palamuti ng mga dambana, na nababalot ng mga ginto't pilak ay pawang kaloob ng angkan niya. Ari ng kanyang angkan ang santo Sepulkro, ang Birhen ng Aransasu, ang Paso ng Tres Caidas, and Santa Maria Magdalena, ang San Juan, ang Jesus Nazareno, at maraming iba pa. Ang mga andas at karong pilak ay pag-aari ng angkan niya; at siya ang nag-iingat sa lahat ng mga larawang iyon at pinaggugugulan ng panahon at salapi. At gayunman, dahil na dahil lamang sa pagiging bayaw ni Rizal, ay ipinagkait sa kanya ang libing sa simbahan! At ang angkan ni Rizal, na naging kahinlog niya'y isa ring tagapagkalinga ng simbahan at nagkaloob ng gayon din karami, halos, na mga santo at karong pilak! Kapag sa lahat ng iyo'y ipagkakait ang libing sa simbahan at sa mga inaakalang hindi nakapagkumpisal buhat nang ikasal, makikita ninyo't lalago ang damo sa mga landas na patungo sa mga libingan. I tanong ninyo sa bawa't taong marangal sa Espanya't sa Pilipinas kung sila'y naging lalong mabuting katoliko kaysa kay G. Mariano Herbosa, kung sila'y gaya nitong nakikinig ng misa tuwing araw ng pista. Isang nakikiagulo ang pumatay sa kanyang kalunya at nagpatiwakal pagkatapos; gayunman, sa dahilang siya'y anak ng mga hari ay ibinaon siya sa isang banal na lugal' at nagpatayo pa ng isang kapilya sa pook na pinagdarausan ng pakikiagulo, ng pagpatay at ng pagpapatiwakal. Isang binata, kamag-aaral ng sumulat nito, ay nagpatiwakal at siya'y inilibing sa libingfm ng Pako sa Maynila. Nguni't namatay ang isang mabuting tao, isang taong kapita-pitagan, ang tagapagmana ng napakaraming tagapagkalinga ng simbahan, ang pamangkin ng isang pari, ang tinuruan ng pari, ang tagaampon ng mga dukha't walang kumandili, at sa dahilang siya'y bayaw ni Rizal, ay inilibing siya sa isang parang! Sa sambayanang kastila, sa lahat ng mga kat6lik6ng marangal, sa Iahat ng mga kastilang dakiIa, sa mga pahayagang malaya't mulat sa Espanya. sa pamahalaang liberal ni Ginoong Besera 11 ay ipinagbibigay-alam namin ang ganitong mga pang-aapi. Natitiyak naming ang mga pangyayaring ito'y hindi nakarating noong una sa kaalaman ng mga maykapangyarihang sibil; ito'y tiyak na hindi nalalaman ni U Manuel Becerra ang tunay na ngalan nito at n aging Ministro de Ultl'a mar. Ito umano'y nakagawa ng mar-aming pagbabagong nakabuti sa Pilipinas.


126

Heneral Weyler.12 Doon sa Pilipinas ay walang pahayagang malaya, datapuwa't dito, na mayroon niyan bilang tagapangalaga ng katinuan, ng katarungan at ng kalayaan, dito kami tumututol laban sa gayong paghamak, na ikinulapol sa sangkatauhan, sa pagkatao ng isa sa kanyang mga kagawad, at sa bansang kastila sa katauhan ng isa sa kanyang kampon! Huwag sabihing sa danta6ng ikalabinsiyam ay mayroon tayong ibang mga kaparaanan upang pagkamalan ang katarungan! Tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay ng kasiyahan sa nasugatang damdamin ng isang bayan, sa hinagpis ng isang balong babae,13 at ang pagbibigay-matuwid sa alaala ng isang amang nararapat igalang at sambahin ng mga ulilang walang malay. Tungkulin ng pamahalaang siyasatin kung napapanahon na ang pag-aalis ng mga libingan, sa kapangyarihan ng simbahan, gaya ng ginawa sa Espanya at sa ibang bansang mulat, upang masansala ang ganitong mga paghihiganting bagay lamang sa mga bata at glnagawa pagkatapos ng kamatayan, upang mapagpit aganan ang mga namatay at yumao. Ang samang ito, sa kakapusang-palad namin ay hindi bago; nagsimula noon pang napakalaon nang panahon: ito'y isiniwalat na ni Rizal buhat pa sa mga unang dahon ng Noli Me Tangere. Ang mga kaaway niya'y walang ginagawa kundi bigyan siya ng matuwid.

.

.

lZ Valeriano Weyler, markes n g Tenerife, ang pangalan ng n aging Gobernador Heneral ng Pilipinas nang taong 1889. l.'lIto'y tumutukoy kay Lucia Rizal, asawa ni Mariano Herbosa at kapatid ni Rizal.


MGA BAGONG KATOTOHANAN * (Inilathala sa La, Solioorida,d noong ika-31 ng Hulio n g 1889)

Sa ilalim ng pamagat na Asuntos de Filipinas ay inilathala sa La ' Patria, bilang ika-4 ng Hulyo ng 1889, Madrid ang isang liham ni Ginoong Vicente Belloc y Sanchez, na tumutuligsa sa hilig sa pagbabago ng isang mamamahayag sa Pilipinas na lumalagda ng sagisag na Abenhumeya. Hindi namin naging karangalang makilala ang kabalitaang ito ng El Globo: hindi namin nabasa ang lathalaing pinupuna ni Ginoong Belloc; datapuwa't ang ilang bagay na ipinahayag ng ginoong ito ay pumipilit sa amin na humawak ng panulat upang kumatlo sa pagtatalo, hindi dahil sa nangangailangan ng tagapagtariggol si Ginoong Abenhumeya (sapagka 't sa pagtatanggol niya sa isang paraang napakagaling at nap akadali ang mga simulaing kanyang ' pinaninindigan ) , 'kundi dahil sa ang pinagtatalunan ay isang bagay na may kinalaman sa' lahat, at sapagka't nagsisiwalat at nagpapatibay ng mga kaisipang higit pa sa, maaaring pakipagtalunan ay naghihiwatig na mali. Thig niyang itakda ang mga sumusunod: una, na ang pagpapasok ng mga pagbabago sa Kapuluang Pihpinas ay makapaglulugso sa ating payapa't makaamang panarwkop;, at dahil dito'y nararapat panatilihin ang buong kapangyarihan at huwag bawasan ang kasalukuyang larangang kinikilusan ng mga korporasiyon ng mga prayle; ikalawa, na ang mga prayle roon ay uhran ng mga banal na tagapamahala, ng mga tagapayo, magigiliw sa kanilang mga nasasakupan (!) makapag-ampon at maraming iba pa, samantalang may mga kastllang walang-hiya, walang utang na loob at higH ,> Lumabas ang lathalang ito sa "La Solidaridad" nang ika-31 ng Huly o ng 1889, nang ang lingguhang nasabi'y nasa-Barselona pa. Si Rizal, gaya ng kanyang sabi, ay nakikatlo sa pagtatalo nina Benoe at ng manunulat na si Jose Antonio Guillen, na may sagisag na Abenhumeya, sapagka't ang kanilang pinagtatalunan ay nauukol sa Kapuluang Pilipinas at sa pamahalaan at pananakop dito ng mga kastila. Si Guillen 0 Abenhumeya ay patnugot noon ng "Anales de Agrieultura". Gaya ng mamamalas, ang kasagutan ni Rizal kay Belloe ay puno ng maliliwan9g at di sukat masalag na pangangatuwiran. l27


128

pa sa rito'y mga magnanakaw ng mga kabayo at karwahe; ikatlo, na dati-rati, kaming mga Indiyo sa Pilipinas ay mga tunay na taong-gubat at kami'y binihasa ng mga prayle sa loob ng dalawampu't limang taon, binigyan ng mga batas, at maraming iba pa. Totoo nga po na bago isinaysay ni Ginoong Belloe ang lahat ng mga bagay na ito ay ipinakilala muna niya ang kanyang mga katibayan; labindalawang taon siyang nanirahan sa Pilipinas, nalibot niyang halos dangkal-dangkal ang mga lalawigan, pinag-aralan ang bansa buhat sa paninging 1~auukol sa 'relihiyon, sa kasanlingan, sa pananalapi, sa pamahalaan at sinikap niyang maarok ang mga kakayahan at pagkatao ng Indiyo, at iba pa. Ito't marami pang bagay ang pinanghahawakan ni Ginoong Belloe upang makapagtanong kay Ginoong Abenhumeya kung anong mga karapatan mayroon ito, upang malutas ang mga suliraning lubhang mahahalaga sa pamamagitan ng ganap na pagkukuro at pagpapasiya. Sa kaukulang panahon ay ipakikilala kay Ginoong Belloe ni Ginoong Abenhumeya ang kanyang mga kasulatan na nanungkulan sa mga tanggapang tagahatol at tagausig, upang kilalanin ang mga karapatan ni Ginoong Abenhumeya na makapagsalita hinggil sa mga bagay-bagay na nauukol sa bansa. Kami naman, sa pagtalima sa ganitong bagong patakaran, ay maglalahad din ng aming mga karapatan bago kami mangahas na tumalakay sa mga kuru-kurong ipinagtatanggol ni Ginoong Belloe. Dalawampu't isang taon kaming tumira sa Pilipinas at nagbalik kami roon makaraan ang anim na taong p~gkaka足 walay, at kung hindi man namin nagaygay nang dangkaldangkal ang lahat ng mga lalawigan, gaya ng ginawa ni Ginoong Belloe, ay sapagka't kaming mga Indiyo, nang panahon namin, ay nangangailangan pa ng mga tanging pahintulot upang kami'y makapaglakbay sa isa't isang lala\.vigan at kahit na may pahintulot ay dapat kaming pasalamat kung ito'y pahahalagahan ng mga guwardiya sibil; sa kabilang dako naman, ang kaunting lalawigang nadalaw namin ay nilakbay nang halos lakad at marahan; pinagaralan namin ang lupain sa iba't ibang kaparaanang aming nakakaya, at hanggang sa pamamagitan ng mga masasaklap na karanasan namin; hindi namin pinagmalasakitang matalos ang tanging kakanyahan ng Indiyo, sapagka't nous


129 memes, kami man ay Indiyo rin, at sapagka't kami'y nag-

aral noong unang,:,una pa na kasama ng mga taal na Indiyo, sa mga bayan ng mga Indiyo, at saka sa mga dalubhasaan na kasama rin ng mga Indiyo, mga kastila at rmga mestiso; at nang malaunan pa, ay kasama ng mga taal na kastila; at pagkatapos pa'y kasama ng mga dayuhan, bagama't ang aming paningin ay lagi nang nakapako sa aming bansa. Kung sapat na ang mga katibayang ito upang kami'y makakatlo sa inyong pagtatalo hinggil sa mga bagay-bagay sa aming inang-bayan, ay magpapatuloy kami at tatalakayin namin ang unang suliranin. "Ang pagpapasok ng mga pagbabago ay makapaglulugso sa ating payapa't makaamang pananakop, at dahil dito'y hindi nararapat gambalain ang mga prayle sa kanilang kaaya-ayang pagkapanginoon."

Kung ang sumulat ng mga talatang ito'y tunay na pilibustero, gaya ng pagkalarawan sa kanya ng kanyang mga kalway, ay magsisikap na mapagtibay niya ang kuru-kurong Ito ni Ginoong Belloe. IpinagQ'igiitan tuwina ang kurukurong ito sapul pa oong una s tuwing ang pinag-uusapan ay ang bahagyang pagpigil ng pagmamalabis ng mga prayle; nanaisin ko sanang ang pamahalaan ay makatulog at magpabaya nang siya'y lalo't lalo nang masiraan ng puri; na siya'y magpatuloy sa pagkakalinga ng rmga prayleng katulad ng isang tulala, upang sa ganito'y ang bayang pilipino, na ang mga kaisipan ay natatalos ng sumulat nito, palibhasa'y kabilang siya sa bayang iyon, ay magbangon balang ara\7, sa dahilang puno na siya ng gayon karaming kalupitan at gayon karaming kahangalan, at kuyumin nang kanycmg kamay na sa mahabang panaho'y nakalahad, upang simulang walisin, hindi lamang ang pamahalaang mahina, kundi pati ng mga mapanlinlang at mapakialamin. Nguni't hindi; hindi nakapagpapasya ang aming mga kalaban sa aming mga pananalig hinggil sa pamamahala sa bayan, at dahil dito'y itatanong namin kay Ginoong Belloe ang ganito: Sa ana nababatay iyang payapa't makaamang pananakop upang gumuhong tulad ng isang gusaling yari sa baraha; dahil lamang sa pagpapasok ng mga pagbabago sa pamahalaan? Dahil ba sa ang pamahalaang kastila sa Pilipinas ay walang sandigan doon maliban sa kamangmangan, panlulupig, lahat ng maiisip na pag-antala, at lahat ng pagmamalabis sa lahat ng sangay ng kabuhayan? Ito ba'y dahil 006700-9


130

sa ang pananakop na iyan ay walang iniwan sa mga kalansay na natatagpuan sa ilang libingan, na sa bahagyang hihip ng hangin ay nagiging alabok? Ito kayang payapang pananakop na pinatototohanan at tinitiyak ng mga prayle ay katulad ng isang bula ng sabon, katulad ng isang noli me tangere (huwag mo akong salangin)? Magaling na pananakop iyan, kung gayon! At wala bang ginawang ana man sa tatlong danta6n ang pamahalaang kastila upang pagtibayin niya ang pagmamahal ng mga Pilipino; wala bang ginawa ang mga prayle upang mamahal ng Pilipinas ang Espanya, yamang sa pagpapasok ng mga pagbabago ay maguguho ang lahat? Kung ang lahat ng sinasabi ni Ginoong Belloe ay maaaring mangyari, nararapat kilalaning ang lahat ng ipinagmamagaling at ang pakunwaring kapangyarihang iyang itinayo ng mga prayle sa Pilipinas ay wala kundi mga anino, mga ulap, mga malikmatang napaparam sa bahagyang liwanag, maliban na lamang kung aaminin ng mga prayle na kanilang isinagawa ang pananakop na iyan para sa kanilang kapakinabangan, para sa kanila ring kagamitan, at sa gayon, ay huwag silang maghintay na pasalamatan ng sinuman, at huwag din silang magkunwang makabayan at nagbibinhi ng kabihasnan. Datapuwa't iwan na natin ang bagay na iyan. Maaari bang sabihin sa am in ni Ginoong Belloe, maaari bang sabihin sa amin ng lahat ng makaprayle at mga nagbabala sa pamahalaan, kung bakit sa pagpapasok ng isang pagbabago, kung bakit sa mahigpit na pag-uutos na ang mga samahan ng mga prayle ay magsitupad sa kanilang mga tungkulin at bawa't isa sa kanila'y kumilos sa kani-kanyang saklaw lamang, ay mawawasak at maguguho ang buong gusaling iyon? Ang bagay na ito'y lagi nang inuulitulit, bilang isang pagbabala, nguni't kailanman ay hindi ipinaliwanag kung bakit magkakagayon. Marami nang napapaniwala sa bagay na iyan. Pinababayaan naman ng pamahalaan na ang gayo'y sabihin at ipagsigawan, na anupa't ang pagtitiis ng pamahalaan sa bagay na ito ay higit pa sa pagtitiis ni Hob, at ni hindi naaabot ang kahulugan ng nasabing pagtitiis. Yao'y nangangahulugan na doon sa Pilipinas, ang pamamahala ay ang kawalan ng pamamahaIa, na ang lahat ng kasangkapang ginagamit ay buIok, na ang kaguIuhan ay siyang maayos na kalagayan at siyang parang pangalawang kalikasan niya, na anupa't ang kalagayang ito,


131

ang kaayusan, ay isang kahidwaan doon, at magiging isang sangkap lamang na mapanggulo, katulad ng nangyari sa isang mabait na propesor, na, palibhasa'y nahirati na siyang magkaroon ng mga tinuturuang bulastog at magugulo, isang araw ay pinagsakluban siya ng galit nang makitang ang kanyang mga tinuturuan ay nakaaalam ng kanilang aralin at nangakaupo nang mahusay sa kanilang mga luklukan. Iyan ay katumbas din ng pagtuturing na ang pamahalaan ay isang mangmang, isang walang-kaya, isang imbi, at ang ikinabubuhay lamang ay mga panapal, pagtangkilik ng Hang tao, mga panlilinlang, mga suhay, at iba pa. Kahit na ang kanyang mga kalabang lalong mahigpit ay hindi makapagsasabi ng anumang sasama pa sa bagay na ito upang siya'y masiraan. Nguni't, ipagpalagay na nating ang lahat nang iya'y totoo, na ang pamahalaan doon ay nakapamamahala dahil lamang sa tinatangkilik ng mga prayle; ipagpalagay na nating ang bayang pilipino ~ kaaway ng pamahalaan at kaya lamang nakikitungo rito nang payapa ay sapagka't pinanatili siya ng prayle sa pags;;'1tod katulad ng paniniwala ni Ginoong Belloe; sang-ayunan na nating gfnagalit ang indiyo ng mga kastila dahil sa labis ang kanilang ipinapapasan sa mga ito at ang pray Ie ang nagpapaZubag ng galit ng mga pilipino, galit na madalas na tumutubo sa kanila dahil sa mga kamalian ng mga tagapamahala) tanggapin na natin ang lahat ng iyan, at kahit na higit pa sa riyan, gayunma'y itinatanong namin: Ito ba'y sapat na kadahilanan upang pamalagiin nang walang-katapusan ang status quo, 0 ang pinagkahiratihang kalagayan, upang huwag magmalasakit ang pamahalaan sa pagtutuwid ng kanyang mga kamalian at makapaghanda ng isang kinabukasang lalong maayos? Bakit hindi makahulagpos ang pamahalaan sa pangangasiwa ng mga prayle? Ninanais ba niyang maranasan ang nangyari sa bunying Heneral Salamangka 1 na bagama't may pangalan at may tabak ay nagkubli, samantalang nagpupulong ang buong Senado, sa likod ng mga prayle at nanginginig na nagmamakaawa sa mga ito na siya'y tangkilikin kung napapangarap niya ang mga kaguluhang maaaring mang1 Dahil sa isang pamahayag na idinaos sa Maynila noong unang araw ng Marso laban sa mga prayle at sa arsobispo Payo, si Heneral Jose de Salamanca ay nanguna sa isang pakikipagtalo sa Senadong Kastila hinggil sa naturang pamahayag. Sang-ayon kay Retana, si Heneral Salamanca ay walang naIalaman sa mga bagay-bagay na nauukol sa mga pilipino.


,132

yari sa Pilipinas; banal at napakabait, sapagka't hindi ang katapangan ang unang katangian ng isang heneral, kundi ang kahinahunan. Lahat ng iyan ay mabuti, datapuwa't ang pamahalaan ay dapat nang tumahak sa ibang Iandas, dapat matutong magpigil na lalo ng kanyang mga ikinatatakot, magpamalas ng Ialong pagtitiwaIa, ng Ialong kamahaIan, at higit sa Iahat ay dapat mag-isip hinggil sa hinaharap. Ano ang kahihinatnan niya kung siya'y masiyahan sa walang katapusang pagkakalinga ng mga prayle ? Ang bayang pinagsasamantalahan ay natututo't naliliwanagan na kahit na pinipigil ito ng mga samahan ng mga prayle at kapag iminulat ng bayan ang kanyang mga mata at nasumpungari ang isang pamahalaang salat sa bait, nagtatago sa mga lupi ng mga sotana; ay ana ang mangyayari kung magkagayon? Hindi ba Ialong mabuting sikapin na niyang malunasan ngayon pa ang mga katamar an sa tatlong dantaong pagpapabaya, sikaping maakit ang kagaanan ng dugo, katulad ng isang inang nagsusumikap na mapanumbalik ang pagmamahal ng isang anak, na ipinaubaya ang pagtuturo at an g kamusmusan sa mga upahang k amay ? Isa pa'y, alin sa daJawa: 0 ang mga pagbabago'y makabubuti sa bayang pilipililo 0 makasasama ; kung makabubuti ay hindi namin maubos-isipin k ung bakit ang kapakinabangang ito'y higit pang ikapanganganib ng m akaamang pananakop kaysa mga kalabisang itinutumpak ; kung makasasama naman, yao'y ikapagiging-dapat ng pamahalaan sa pagkamuhi ng bayan, at kung magkaganito'y magbabalik ang bayan sa mga prayle at kikilala sa napakagaling na kabutihan ng Imga ito, dill kaya nama'y lulurayin ang pamahalaan at pati ng mga prayIe. Datapuwa't hindi kami naniniwala, at hindi namin ibig na papaniwalain ang bayang pilipino, na ang pamahalaan sa l\.1:adrid ay nagpapatiwakal at ang aming mga pangunahing tagapamahala ay mga tunggak. Sa wakas: sa pamamagitan ng patakarang sinusunod ng mga kapanalig ng status quo 0 pagpapanatili ng pinagkahiratihang kalagayan, ay naaalipusta ang bayan sa mga mata ng pamahalaan, yamang ang baya'y k anilang inilalarawang par ang kaaway ng pamahalaan at sumusunod dahillamang sa magagandang pangungusap ng mga prayle. Iya'y ikinasisirang-puri ng Espanya, sapagka't ang pamahalaan ay Iumalabas na isang pamaha]aang manikin, isang pamahalaang kapos sa bait at walang kayang mag-alaga sa sarili, isang


133

pamahalaang gumagamit ng panlilinlang at mga pagdaraya, na nasa-kapangyarihan ng ilang samahan, at nangangaila~ ngang manlinlang sa bayan upang makunan ito ng salapi; sa wakas, isang pamahalaang walang iniwan sa isang sama~ han ng mga mabubunganga na nagbabalatkayong berdugo. Tungkol sa kung ang prayle roon ay mga anghel, mga uliran, mga banal, at maraming kastila ang magnanakaw ng mga sasakyan, mga kabayo at iba pang bagay, ay wala kaming masasabi; maaaring maging totoo. Ang mga prayle'y napakabait at napakabubuti na hindi sila naiibigan ng tampalasang Espanya at maging ng lalong tampalasan at mangmang na Europa. Kami ang bibihasa, balang araw, sa Matandang Daigdig, sa pamamagitan ng aming mga samahan ng mga prayle. Hindi rin namin nais na magsalita ngayon ng hinggil sa mga ginawa ng mga prayle sa Pilipinas, ni ng tungkol sa aming pagkasalbahe bago sila dumating sa amino Ito'y isang paksang tatalakayin namin nang lalong mahaba sa mga araw na darating. Sapat nang sabihin, na alinsunod sa tatlong prayle, noong dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang lahat ng mga ~ndiyo ay marunong nang bumasa at sumulat sa ka..'Ylilang sariling katitikan, mayroon na sila noong mga sali't saling sabi at mga alamat, at ngayon ay may pitwnpu lamang sa bawa't sandaan ang marunong bumasa't sumulat; walang natatandaan ang bayan sa kanyang nakaraan, lahat ay pawang nalimot niya. Ang mga prayleng ito ay sina P. Chirino, P. Colin, at P. Font. 2 JOSE RIZAL â&#x20AC;˘ Si P. Chirino ay isang heswita na naglathala sa Roma nang taong 1604 ng aklat na pinamagatang "Relacion de las Islas Filipinas". Sa ika-XVII kabanata ng aklat na ito ay tumukoy sa katitikan ng mga pilipino, at doo'y sinipi ang isang katangi-tanging abakadang tagalog. Siya'y namatay sa Maynila nang ilta-16 ng Setyembre ng 1635. Si P. Francisco Colin ay isa ring heswita na naglathala ng aklat na pinamagatang "Labor Evangelica, cronica de los Jesuitas en Filipinas" na nilimbag sa Madrid ng 1663. Naparito siya sa Pilipinas nang ika-28 ng Hunyo ng 1626 at naging rektor ng Kolehiyo ng mga Heswita. Si P. Salvador Font ay isang agustinong nakasapatos at naging kura sa Tundo. Nag1athala siya ng isang munting aklat na walang lagda na pinamagatang "Filipinas: Problema Fundamental" (Ang Pilipinas: Isang pangunahing suliranin) Sa aklat na ito'y tinawag si Rizal na isang pang. karaniwang mestisilyo (ayon sa "Vida y Escritos ni Dr. Riza1, na sinulat ni Retana, dahong 124). Si Colin ang siyang katiwala ng "Comision Permanente de Censura" upang sulatin ang pasiyang nagpapawalang-halaga sa UN ali Me Tangere" ni Rizal.

â&#x20AC;˘

*

*


MALABIS NA KALUPITAN

*

Gawaing hindi nakalulugod ang pagkatlo sa isang pagtatalo at ang pagtatanggol sa mga taong hindi komang ni lumpo, na may panulat na hindi napipigilan 0 kaya'y hindi nangangailangan ng mga tagapagtanggol; dahil dito'y naguurong sulong kaming sumagot sa mapanudyong pahayagang Manililla, sa Maynila, noong unang araw ng Hunyo ng 1889. Tangi sa rito'y may iba pang mga dahilan. Ang sariling uri ng Manililla (pahayagang lingguhan, may mga larawan, mapagpatawa at mapagbiro) ay nakapagpapaliwanag ng hugis ng pagtuligsa at nakaiiwas sa lahat ng maayos na pagsagot. Ang may lathala, sa kabila ng halataing masamang hangad ng malabis na kalupitan at magaspang na pagbibiro, ay lalong nakagagawa ng sira sa kanyang sarili kaysa pantas na propes or na si Ginoong Fernando Blumentritt, at ang mga panunuligsa niya'y lalo't higit na tumutukoy sa pagkatao kaysa mga pangangatwiran at mga pagmamatuwid. Datapuwa't may Hang pagsasaalang-alang na pumipilit sa amin upang siya'y ipagtanggol 0 magkunwang siya'y ipinagtatanggol sakaling maaaring mangailangan ng pagtatanggol yaong hindi nag-aakalang siya'y talagang tinuligsa. Si Ginoong Blumentritt, dahll sa pag-ibig niya sa Espanya at sa Pilipinas, ay tumatanggap ngayon sa Hang kastila ng parang sa lIllusmos at magaspang na paglait, at tila isang tungkulin ng mga kastila't mga pilipino ang ipagtanggol siya kahlt man lamang upang tutulan ang gayong pagtuligsa at upang patotohanang nakikilala pa nila kung ana ang katarungan at kung ano ang pagkilala ng utang na loob. Sapagka't â&#x20AC;˘ Ito'y lumabas sa "La Solidaridad" nang ika-15 ng Agosto ng 1889. Gaya ang lathalang ito'y isang pagtatanggol na ginawa ni Rizal sa pantas na propesor na austriyako na si G. Fernando Blumentritt, laban sa magaspang na tuligsang lumabas sa mapanudyong pahayagan sa Maynila, ang "Manililla", na sinulat sa ilalim ng sagisag na Bachiller Manuel de Veras, ni Manuel Maria Rincon, isang kastilang nanirahan sa Maynila. llg mamamalas,

134


135

kung hindi, ay baka sumpain ng karapat-dapat na propesor na austriyako ang oras na ipinagsimula niyang ipagtanggoI ang mga karapatan ng Espanya, x x x pag-aralan ang wika nito, pag-aralan ang kanyang kasaysayan, naisin ang kabuti.. han ng mga bayang sakop niya 1 at italaga sa bansang nasabi ang kanyang kasipagan at ang kanyang buhay, upang pagkatapos ay makamit ang paghamak sa halip ng pagpapakundangan, at matagpuan ang mga taong walang utang na loob sa halip ng mga marunong kumilala. Hindi; kahit na tawanan ni Bachiller Manuel de Veras na rin ang aming katapatan dahil sa diniribdib namin ang mga palabas niya laban sa paham na propes or austriyako, ay gagawa kami ng isang pagtatanggol na nababagay sa pagkakatuligsa, sapagka't minamabuti naming kami'y ipalagay na mapaniwalain kaysa walang turing at walang pinag-aralan. May ilang napopoot kay Blumentritt sa dahilang siya'y tumatalakay sa mga suliraning kastila. Isang manunulat sa Maynila ang nagtanong na sa kanya kung sino ang nagbigay sa kanya ng mga kanp,ila sa paglilibing. Samantalang ipinagla:laban IDrya ang mga karapatan ng Espanya laban sa xhga bansanlg dayuhan, laban sa mga aleman na rin, laban kay Bismarck na rin; samantalang sa kanyang mga sinulat ay ipinagtatanggol ang mga kaluwalhatian ng Espanya at ipinagpapaumanhin 0 ipinaliliwanag ang mga kapintasan at mga kakulangan ng mga tagapamahala at ng ibang mga korporasyon, ang lahat ay naging pawang bulaklak, siya'y pinuri at pinarangalan, siya'y inaring paham ng lahat, walang sinumang nag-alinlangan sa kanyang mga kaalaman, walang sinumang nag-usisa sa kanya kung bakit siya'y may hawak na kandila para sa libing, kahit na si Bismarck na rin, bagaman ito'y may kabantugan sa paghahari-harian at sa paggamit ng ganap na kapangyarihan. Ah! mapalad na mga panahong iyon ... 1 Tinutukoy dito ang mahigpit na pagtatanggol na ginawa ni Blumen~ tritt sa mga kapakanan at karapatan ng Espanya hinggil sa Hilaga ng Borneo, na sa loob ng Hang panahon ay sumailalim ng kapangyariban ng Espanya, sa bisa ng karapatan sa pagtuklas. Pagkatapos, ang Hilagang Borneo ay nalipat sa kapangyarihan ng mga Ingles. Dahil dito'y nagkaroon ng pags asang~ usapan at mga paghahabol sa larangang diplomatiko ang Madrid, Londres at La Haya. Sa pagsasang- usapang ito ginawa ni Blumentritt ang mahigpit na pagtatanggol sa mga kapakanan at karapatan ng Espanya.


136

Ah! mapapalad na mga panahong iyon Noon, ni ang napupulaan sa kanyang mga akda (dahil sa pagkakalarawan sa kanilang ginawa ng mga tinataguriang maminsanminsan na kanilang sariling ama 0 mga kapatid), ay hindi nagsisitutol, ni hindi naghihinanakit, manapa'y nangagmamal as sa kanya nang may pagkalugod dahil sa kawalang pag-iimbot at karunungan niya, at nangagpapaumanhin sa kanya sa ilang pagpapalagay 0 pasyang iniaambil ng mga aklat na napag-aralan. Datapuwa't habang pinag-aaralan ng propesor ang suliranin at sumasapiling ng Iahing inaapi at inuupasala, ay nagbabago naman ang kanyang mga pagpapalagay. Upang makapagpasya sa isang usapin, ay hindi Iagi nang mabuti ang pagdinig sa isang panig dahil doo'y naunawa niyang hindi lahat ng kamalia'y nasa-panig ng mga indiyo, gaya rin naman ng pangyayaring hindi masasabing napakyaw ng mga kastila ang Iahat ng kabaitan, katuwiran at katarungan. Kaya't pinakilos siya ng pag-ibig sa Espanya't sa Pilipinas upang sabihin sa mga ito ang katotohanan, upang gisingin ang Espanya, upan~ maipaunawa rito ang kanyang mga kapakanan at ang oanging nabubuksan sa kanyang nga kapakanan at sa kalfyang paanan; at dito nagbuhat ang pagngangalit ng mga diyoses! Ah! Gil BIas de Santillana! 2 Bakit hindi siya pakipagtalunan ng kanyang mga kaaway, at bakit sa kanyang mga pagmamatuwid at mga talang inihayag, ang itinutugon nila'y putik at kasalaulaan? . At ang salitang ito'y hindi isang patalinhagang pananalita lamang kundi siyang Iaman ng lathalaing itinutuligsa kay Biumentritt ni Ginoong Bachiller! Ganito ang sinasabi sa dakong wakas: "Sapagka't si Blumentritt ay isang sero na naghahagilap ng isang numerong sa kanya'y makapagbibigay ng halaga, palibhasa sa kanyang sarili'y wala siyang halaga." "Sa gayon naipaliliwanag ang pakikipagkaibigan niya sa ibang sero." "At dahil dito, sa dalawang serong iyan, kapag inilagay ang kaisahan ng pilipino, ay magkakaroon ng tunay na halaga." 2 Ito ang pangunahing tauhan sa nobelang pinanlagatang "Aventuras de Gil BIas de Santillana" na akda ng nobelista at mandudulang pranses na si Alain Rene Lesage.


137 Ang pangwakas na ito ng lathalain ay magiging pilit at walang sukat ipaging katawa-tawa, kundi salaula, at talagang salaula nga, lalo na para sa mga nangakapaglakbay sa Espanya at nakaaalam kung ano ang kalagayan ng mga "numero ciento" * (panabihan) nila. Ang may lathala'y nagkaroon ng hiyang huwag angkinin ang katawa-tawang birong ito at ipinaangkin sa isang taong may kilalang-kilalang katangian, na naninirahan sa Pilipinas, at iba pa. Ang gayo'y dinar am dam namin dahil sa katangian, dahil sa Pilipinas, at dahil sa pahayagang Manililla. Maaaring maging isang taong may maraming pamagat at iba pa nang hindi magiging salaula, at ang isang pahayagan ay maaaring makapagpatawa nang hindi magiging salaula. Bukod dito'y may isa pang bagay. Kapag ang isa'y dumarampot ng dumi upang ipukol sa isang tao, ay di maaring di siya muna ang unang marwnhan, bukod sa hindi nalalaman kung ang pukol ay tatama sa pinatatamaan. At ito ang nangyari kay Bachiller Manuel de Veras. Hinggil sa ipinipi~tas niya sa ~alaaklatan ni Blumentritt, sa dahilang isinama mito bilang mga Akda ang isang bunton ng mga lathalain sa mga pahayagan, yao'y nagpapakilalang hindi niya nalalaman kung ano ang kahulugan ng isang talaaklatan, hindi nakakikita ng mga talaan ng mga aklat, na hindi lamang kinatatalaan ng mga lathalain sa mga pahayagan na tumatalakay sa isang paksa, kundi pati ng mga ibang lathalaing bumabanggit lamang niyon, at nag-aakala na ang kabutihan ng isang akda ay nababatay sa dami, sa laki 0 liit ng mga dahon, 0 sa ayos ng pagkakatala ng mga akda. May mga lathalain sa mga pahayagan na higit pang mahalaga kaysa mga aklat, bagaman iba ang paniniwala ng may lathala. Bukod dito, sa paglalagay ni Blumentritt sa kanyang talaaklatan ng mga lathalaing pampahayagan, ang gayo'y itinala pa niya, binanggit ang pahayagan, ang tomo, at iba pa. Ngayon, kung sasabihing ang marami sa mga aklat at mga lathalaing binabanggit niya, lalo na ang mga inilathala sa Maynila, ay walang halaga, ay maaari kaming sumang-ayon. Datapuwa't ang isang "bibliografo" ay hindi nararapat Imaging manunuri. Nararapat siyang <,: Ang "numero ciento" ay isang tawag sa panabi han del T)

0

palikuran.

(N


138 hangaan, at kami, higit sa kaninuman, ay humahanga sa kanyp, sa dahilang kailanma'y hindi namin makakayang gawin ang ginawa niya, sa kabila ng lahat ng pagkakautang namin sa Pilipinas. Ngayon, ang sabihin: "na siya'y ginantimpalaan sa Tanghalan! Ano ang kabuluhan niyan. Ang tunay na katangian, kung aalagatain ang kagaanang matamo ang mga gantimpala, ay ang hindi siya ginantimpalaan," bagay na hindi nauukol kay Ginoong Blumentritt. Kaipala'y hindi nabigyan ng gantimpala si Ginoong Bachiller, sakaling siya'y nagharap ng anumang bagay, nguni't ito'y hindi kasalanan ng propes or na austriyako. Siya'y pinagkalooban ng gantimpala, at yamang noon ay hindi pa napagkakayarian na ang isang gantimpala'y pakakahuluganan ng pabaligtad ay hindi kataka-takang hindi siya nakatutol laban sa pagtatanging ipinarangal sa kanya. Ang maysala'y ang Pamahalaan sa Madrid 0 si Bachiller de Veras, sa dahilang hindi niya ipinaunawa ang gayon noong una. Sila ang mag-ayo sa kanilang sarili!

*

'"


MGA PAGKAKAIBA * (Inilathala ng La PatTia sa bilang na ika-4 ng Agosto ang isang lathalaing inuluhan ng "Verdades Viejas" 0 "Mga Lumang Katotohanan" bilang tugon sa "Verdades Nuevas" 0 "Mga Bagong Katotohanan" na inilathala namin sa La SoZidaTidad.)

Kaakibat ng mainam na pagsiphayo'y tinuligsa ang aming pagkatao at iniwan sa isang tabi ang lahat ng pagmamatuwid at mga tanong namin upang manangan sa aming pariralang partidarios del status quo a "mga kapanalig ng pagpapanatill ng kasalukuyang kalagayan" na kanyang tinatawanan at sinasabing kami raw ay hihdi marunong ng wikang latin "p~r la falta de concordancia del estatu quo" (walang pagkakaakma ang dalawang salitang estatus quo) gaya ng sinasabi niya. Hindi mabuti ang inyong pinanghahawakan Ginang La Patria "Ciruelas" 1 ipagpatawad ninyo. Sino ang nagturo sa inyong Jng pangalang binabanggit ay nararapat makaisa sa kaukulan ng panghalip na pamanggit? Sino ang sa inyo'y nagturo ng latin upang ang statu ay isulat ng estatu? Totoong pinag-aksaya lamang kayo ng panahon, at kung kayo'y isang prayleng nagmimisa ay * Lumabas ang Iathalang ito sa "La Solidaridad" nang ika-15 ng Setyembre ng 1889. Ayon kay Retana, sa kanyang "Vida y Escritos del Dr. Rizal", ito'y nakipagsagutan sa pahayagang pang-araw-araw na "La Patria" na inilalathala sa Madrid. Ang nasabing pahayaga'y siyang tagapagtanggol 0 tagapamansag ng mga prayleng pilipino, at sandaling panahon lamang ang ikinabuhay. Nang mga araw na iyon, si Rizal ay nasa-Viaritz 0 Paris, marahil. 1 Ang salitang Ciruelas ay tumutukoy kay "Maestro Ciruelas", isang katagang mapanuya na sadyang ginagamit upang libakin ang isang nagkukunwang pantas 0 may malaking kaalaman, bago'y hindi naman. â&#x20AC;˘ lto'y isa sa mga lalang at paraang ginagamit upang kapootan ng mga Kastila nang taong 1888. Sa Pilipinas ay nagkaroon ng isang pansamantalang Gubernador (1633-1635) na nangangalang Juan Cerezo Salamanca; nguni't ito'y iba at walang kinalaman sa kagawad ng Senadong Kastila na si Heneral Salamanca. 139


140

dapat ninyong amining hindi ninyo nauunawaan ang maraming sinasabi ng misal. Sinabi naming "partidarios del status quo," (mga kapanalig ng status quo a katayuang kinaroroonan), "para que se eternize el status quo" (upang panatilihin sa habang panahon ang status quo, 0 kasalukuyang kinaroroonan) at hindi namin sinulat na statu quo ni estatu quo gaya ng inyong ninanais, at ito'y walang ibang dahilan kundi kami'y nag-aral ng kaunting latin at ipinagtataka namin ang paggamit ng kaukulang tinatawag sa latin ng ablativo (palayon) kapag ang nararapat na gamiti'y kaukulang paari 0 palagyo, at minamabuti na naming sumukal ang loob ng La Patria kaysa sirain ang diwang pambalarila. Inaamin naming hindi ito ang gamit sa Espanya, nguni't 00, ito ang gamit sa ibang bansa, gaya sa Alemanya, na pinag-aaralang mabuti ang latin. Dahil sa pagpapakundangan sa aming mambabasa ay hindi namin pag-uukul-ukulin ang salitang status, status; datapuwa't kung ang salitang status ay ginagamit bilang "ablativo" sa isang pangungusap, yao'y nararap at sabihing statu at hindi estatu gaya ng inyong ninanasa; halimbawa: ang La \fatria tungkol sa kaalaman sa latin ay nananatili sa statu quo ante lectionem, (sa dating kalagayang bago tinuruan) . Talakayin natin ang isa pang kata-kata 0 pinanghahawakan. Ang wika: "Sa kabilang dako, ang pagpuri sa Gubernador Heneral, na ayon sa pagkalarawan ng tagapagtanggol ni Abenhumeya, ay nagkukubli sa likod ng mga prayle, hinggil sa kahinahunang pinupulaan sa isang pamahalaan, ay siyang lalong kagilagilalas sa lahat ng kawalangmatuwid." Datapuwa't saan ninyo nabasa ito? Kailangang iukol ko sa inyo itong sumusunod: Kawawang Heronsyo, sa aking pangmalas, sa kaululan mo'y tangi ka sa lahat; Sino ang nagturo sa iyong mamintas sa bagay na di mo alam ni kapatak?

Aminin ninyong ito'y isa sa dalawa; 0 panlilinlang sa mga mambabasa, sa pamamagitan ng walang patumanggang paninirang-puri sa inyong kalaban, 0 kaya'y hindi pagkaunawa sa binabasa. Kailan naging Gubernador Heneral ng Pilipinas si Heneral Salamangka? 2 Kailan pinapag-isa ang


141

kapusukan ng damdamin, ang mga pangamba, at ang mga kabaitang asal ng isang tao at ang batas ng kasalanang pangkalahatan na nararapat panuntunan ng isang pamahalaan sa politika nito? Kami'y nag-aangkin ng lalong mabuti't mataas na palagay tungkol sa pamahalaan ng Inang-bayan, at ang mga kakulangang ginagawa 路0 maaring gawin ng bawa't isa'y hindi pa namin ibinibintang sa pinagmulan, habang hindi naipakikilala sa amin ng La Patria na yao'y hindi tama. Maliwanag, samakatuwid, na walang anumang kamalian kaming nagawa, nguni't 00, isang kabiglaana't kapabayaan ninyo sa pagbasa ng mga lathalaing tinutuligsa. Ang lahat ay nananatili sa statu quo at hindi estatu quo. Namamalagi rin sa katayuang kinalalagyan 0 statu quo (hindi estatu quo), ang mga katanungang bumubuo sa paksa ng aming lathalain, alalaong baga'y: "Sa ana nababatay iyang payapa't makaamang pananakop upang ito'y maguho, tulad ng isang gusaling yari sa baraha, sa pagpapasok lamang ng mga pagbabago sa pamahalaan? . . . "Bakit, sa pagpapasok sa isang pagbabago, sa pag-uutos na (Lng mga samahan ng ~a prayle'y agsitupad nang buong higpit sa kanilang mga tungkulin at bawa't isa'y kumilos sa kani-kanyang saklaw, ang buang gusaUng yaa'y mawawasak at maguguho?

Kami'y humihingi ng kaayusan, kami'y naghahangad na ang pamahalaa'y siyang mamahaIa, na ang prayle 0 ang monghe'y dumoon sa kanilang kumbento at tUJInupad sa mga alituntunin niIa, at hindi sa ang monghe'y siyang mamahala at ang pamahalaa'y urnamen na Iamang sa kanya Kay Cesar ang nauukol kay Cesar. Inaakala kong hindi na makahihingi ng lalo pang malaking pagmamahal sa pamahalaan. Sa mga pilipinong humihingi ng isang pamahalaang namaJIIlahala, at sa mga prayleng nagnanasa ng isang pamahalaang pinamamahalaan, ang bansa'y makapipili. Sa tapatang sabi, ikinaaaba namin, kahit na kami'y napakaIgorote 0 napaka-indiyo man, na kami'y pamahalaan ng mga taong itinakwil ng Europa bilang mga kinatawan ng karimlan. Sa pagiging buntot ng leon 0 ulo ng isang daga ay maaari pang makapili, datapuwa't sa pagiging buntot ng leon at buntot ng daga, ay mamili ang isang pamahalaang makaprayle; kami'y hindi makapamimiB.. Sa anu't anuma'y hindi namin hinihingi na palayasin ang mga prayle; malayo naming gawin sa kanila ang ginawa ng


142

bihasang Europa at ng Espanya na rin, na nagpabubo ng kanilang dugo't sumunog sa kanilang mga kumbento. Ang bansa nami'y lalong mapagkupkop at mapagpatuloy sa kapwa, at sukdang sikapin man ng mga prayle na sa aming alaala'y pawiin, sa pamamagitan ng kanilang politikang nababatay sa poot at paniniil, ang mga kabutihang ginawa nila sa amin nang unang panahon, ang mga ito'y hindi namin malilimot; at lagi naming magugunita na noong maselan ang kalagayan ng bayang pilipino, noong panahong kinailangan nilang magpalit ng mga pananalig, pangalan, panginoo't pamahalaan, ang mga prayle'y siyang mahigpit na namagitan sa mga sawimpalad na mga indiyo't mga Enkomendero.3 Ito'y hindi namin nalilimot at hindi na namin sisiyasatin kung ang kanilang pagmamalasakit ay udyok ng sariling pag-iimbot 0 hindi; lagi naming kikilalanin ito at ang tanging ipaghihinagpis lamang ay ang mamalas ngayon na sila'y siyang naging kahalili ng mga berdugong iyon. Nguni't sa pagkilalang ito ng utang na loob at sa kami'y sumang-ayong iparool nila sa walang hang gang kamangmangan ay may malalim na banging namamagitan. Tangkain lamang ito, sa ngalan ng mga biyayang tinanggap, ay isa nang kabalighuan, isang pagpapawalang-halaga sa buong nakaraan, at isang pagguguho ng boong gawaing itinayo. Katumbas ng pagkahulog sa Charybdis sa pag-iwas sa Scylla. 4 Kung iyan ang hinahangad ng mga prayle, ang aming pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay mapapalitan ng poot. . Hinggil sa kurong ipinahayag ng La Patria na anya'y ang katuturan ng mga prayle sa Pilipinas ay nararapat maging mapakalaki, yamang sila ang pinaka-eheng iniikutan ng pagtatalo, ay sasabihin naming siya'y may katuwiran. Ang halaga'y totoong napakalaki, na, sa piling nila, ang lahat â&#x20AC;˘ Ang "Encomendero" ay siyang pamagat na ibinigay sa mga unang kastilang nanakop sa Kapuluan Pilipinas, tungkuling sa kanila'y iginantimpala dahil sa paglilingkod sa Hari. Ang mga gantimpalang ito'y tinatawag na encomienda. Ang mga unang "encomienda" ay pinairal sa Sebu nang taong 1876, sa utos ng Haring Felipe II. ~ Ang Scylla ay isang malaking talampas na batong-buhay sa baybayin ng ltalya, kaibayo ng uli-uli ng tubig sa Charibdis (ngayo'y pinamamagatang Gal Malo) sa tap at ng Sicilia. Sa alamat ng griyego ay itinatanghal ang Scylla at Charibdis na parang mga halimaw na babae, na nagiging kapanga-panganib na nagsisipaglayag.


143 ay napipipis at lumiliit, ang pamahalaan, bayan, relihiyon, lahat. Upang makapagsalita hinggil sa Pilipinas, ang prayle'y siyang kauna-unahang dapat talakayin sa dahilang ang prayle'y natatagpuan sa lahat ng dako, buhat sa tanggapan ng pamahalaan hang gang sa tampipi ng dukhang nakatago sa sulok ng kanyang dampa. Kaya't paniwalaang ang mga prayle'y tinutuligsa sa dahilang inaakalang sila'y mga salabid sa pagkakamit ng mga hamak na h angarin, ay alin sa dalawa: 0 Iabis na "makiyabelismo" 0 labis na kaululan. At sapagka't may mga taong nagkukuro ng gayon, at marahil ay nagtatanggol sa kanila nang dahillamang sa pangyayaring iyon, kami'y nag-uurong sulong kung sa haharapin ay ipagtatanggol din sila 0 tutuligsain nang boong higpit. Marahil, ang lalong mabuti'y ipaubaya sa pamahalaan ang pakikipag-ayos sa kanila, at bahala na ang panahon sa. pagbibigay ng katuwiran sa k::minumang nagtataglay nito. Kung tutuligsain namin sila, kami'y tatawaging pilibustero; kung sila'y ipagtatanggol namin, kami'y ma~iging taksil naman sa aming mga pananalig, at inaakala naming sasa-panganib ang kapayapaan sa Pilipinas. iSua:nika~ ang araw kung saan makasisikat! Kung gayo'y sasaMhin namid na sa pinakabuod (kung aalisin ang nauukol 's a estatu at yaong pagkakatawag ng Gubernador HeneraI kay Ginoong Salamanca), ay kasangayon din kami ng La Patria sa paghingi ng mga pagbabago. Mabubuting pagbabago ang kailangang itakda, upang ang Pilipinas ay makalakad sa isang tahimik at paunlad na daan at makapagtamo ng kalagayang nararapat sa kanya nang walang kaguluhan ni mga karahasan. Isa nang batas na hindi mababago at hindi mapawawalang halaga na sa daigdig ay walang anumang bagay na nabibimbin, bagkus ang Iahat ng bagay ay nagiging ganap na maayos at sumusulong, at ang mga bayang sakop ay napapailalim din sa batas na iyan. Ang pagsisikap 0 pagnanasang sila'y pamaIagiin sa isang kalagayang nabibimbin ay lalo pang masama kaysa pagtatangkang pigilin ang pag-agos ng isang ilog, sa dahilang hindi maaaring maging mahina sa lakas ng mga alon ang lakas ng angaw-angaw na taong umiisip at dumaramdam. Sa pagpapasalamat namin sa pangwakas na tagubilin ng La Patria upang huwag mahulog sa mga pagmamalabis ng mga manunulat na amerikano, ay sasabihin namin sa kanya


144

na sa mga suliraning pangkasaysayan, kami'y lagi nang nanghahawak sa mga manunulat na prayle't mga kastila, bagaman sa aming pagpapahalaga'y sinusunod namin ang kaunting ipinakikilala ng aming budhi. Sa wakas, dapat malaman ng La Patria na hindi isinama kahit bahagya ng aming loob ang pagsiphayong ipinamalas niya sa aming pahayagan, na tinurol niya nang hindi binanggit ang ngalan. Kami'y lagi nang bumabanggit ng pangalan ng arming mga kalaban 0 kaaway, sa dahilang hindi kami natatakot na baka ang aming mga mambabasa'y magsiyasat kung tutoo 0 hindi ang sinasabi namin at ihambing ang aming mga simulain sa mga simulain ng aming mga kaaway. Nakikilaban kami nang lantaran. Sans rancuneo Walang samaan ng loob. JOSE RIZAIL

)


ANG PILIP IN AS SA LOOB NG SANDAANG TAON * I

Sa pagsubaybay sa napagkaugalian naming harapang pagtalakay sa mga mahihirap at maseselang bagay na may kinalaman sa Pilipinas, nang hindi alumana ang anumang kahihinatnang sa ami'y maidudulot ng aming pagtatapat, sa pamamagitan ng lathalang ito ay tutukuyin namin ang natutungkol sa kanyang kinabukasan. 1 Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan, ay kailangang buklatin ang aklat n g kanyang kahapon. Ang nagdaang panahon ng Pilipinas ay nauuwi lamang, sa biglang turing, sa mga pangyayaring gaya ng sumusunod: Babahagya pa lamang na naisasailalim ang Pilipinas sa Korona ng Espanya, ay kinailangan nang alalayan ng dugo at ng mga pagsusumakit ng mga anak nito ang mga digmaan at hangaring mapanuklas ng sambayanang kastila, at sa mga paghahamok na ito, sa pagkasmdak at kagulumihanang iyan ng mga bayan, sa panahon ng pagpapalit ng pamahalaan, ng mga batas, ng mga kaugalian, gawl, relihiyon at pananalig, ang Pilipinas ay halos nawalan ng mga mamamayang naghirap at nahuH sa pagkakasulong, at dahil sa pagkabigla sa kanyang pag-iiba ng anyo, ay nawalan ng tiwala sa kanyang nakaraan, nawalan ng pananalig pati sa kanyang kasalukuyan at ni walang anumang nakaiigayang pag-asa sa darating na mga araw. Ang dating mga panginoon, na walang-wala namang hinangad kundi ang katakutan at sundin ng kanilang mga nasasakupan, na pinapamihasa nila sa pagkaalipin, ay nangalagas na parang mga dahon ng isang kahoy na natuyo, at ang bayan, na walang pag-ibig sa kanila at ni hindi nakakilala kung ana ang tinatawag na kalayaan, ay madaling nagpalit ng panginoon, sa * Inilathala ito sa La Solidaridad sa Espanya nang buwan ng Setyembre ng 1889 hanggang 1890. 1 Lahat ng hula-hula at kuro-kuro ni Rizal sa lathalang ito tungkol sa politika at sa pagsasamahan ng Espanya at Pillpinas, ay ganap na napatotobanan at nangyari. 006100--10

145


146

pag-asa marahil na magtamo ng kaunting tubo sa mga bagong pangyayari. Sa gayo'y nagsimula na ang bagong panahon 2 sa mga Pilipino. Unti-unting nawala ang dati nilang kaugaliang minana, ang mga alaala; nalimot ang kaparaanan ng dati nilang panunulat, ang mga awit, mga tulain, mga batas, upang pag-arala't isaulo ang ibang mga aral na hindi naman nila nawawatasan, mga ibang tuntunin ng budhi, ibang pagpapahalaga sa kagandahan, na ibang-iba sa mga inihasik sa kanilang lipi ng singaw ng kanilang lupa at ng kanilang sariling pandamdam. Nang magkagayo'y nababa sila, naaba ang kanilang anyo sa malas ng kanilang sariling mga mata, ipinagmakahiya ang talagang kanila at sariling pambansa, upang hangaan at papurihan ang lahat ng nagbubuhat sa dayuhan at hindi nawawatasan; nanlumo ang kanilang diwa at sa huli'y sumuko. Lumipas sa gayon ang mga taon at mga dantaon. Ang karangyaan ng relihiyon, ang mga parangal na nangungusap sa mga mata, ang mga awit, ang mga ilaw, ang mga larawang nararamtan ng ginto, ang pagsarnba sa pamamagitan ng isang wikang mahiwaga, ang mga kuwento, mga hinala at ang mga pangangaral mula sa pulpito, ay nakabalani sa diwa ng bayan na sadyang maparnahiin na, nguni't hindi rin naman naiwasak nang lubusan, sa kabila ng lahat ng mga kaparaanang pinairal pagkatapos, at ipinagpatuloy ng walang taros na pagpipilit. Nang dumating sa ganitong kalagayan ang kaabaan ng budhi ng mga mamarnayan, ang panlulupaypay, ang sarna ng loob sa sarili, ay saka ibinigay ang panghuling dagok na makamamatay, upang mawalang kabuluhan ang gayon karaming naiidlip na mga kalooban at mga katalinuhan, upang ang mga tao'y gawing parang mga bisig na lamang, at mga hayop na panghila, alalaon baga'y isang katauhang walang utak at walang puso. Sa gayo'y nasabi't ipinalagay na sinang-ayunan ang adhikain, nilait ang lahi ng mga pilipino, tinangkang ikait sa kanila ang lahat ng kabutihang asal, ang lahat ng katangiang sarili ng tao, at hanggang sa nagkaroon pa ng mga manunulat at mga pari, na sa pagnanais na maipagpatuloy ang dagok ay nagtangkang ikait 2 Ang tinutukoy nita ay ang panahon ng pamamahala sa Pilipinas ng mga kastila.


147 sa mga anak ng 1upaing ito, hindi 1amang ang kakayahan sa kabutihang asa1, kundi pati na ng hilig sa kasamaan. Nang magkagayon, ang pinaniwa1aan nilang magiging kamatayan, ay siyang naging kaligtasan. May mga naghihingalo nang nabubuhay uIi, salamat sa ilang kagamutang malakas at mabisa. Maraming tiisin ang umapaw sa pamamagitan ng mga paglait, at ang nagugulantang na diwa'y pinanaulian ng buhay. Ang pagkamaramdamin, na siyang katangiang pinaka.. tampok ng Indiyo, ay nasugatan, at kung nagkaroon man siya ng pagpaparaya upang magtiis at mamatay sa paanan ng watawat ng tagaibang-Iupa, ay hindi nagkaroon niyaon nang ang pagpapakasakit niya'y bayaran ng naging sanhi ng kanyang pagkamatay ng mga paglait at pag-alipusta. Sa gayo'y sinuring unti-unti ang kanyang sarili, at nakilala ang kanyang kapahamakan. Iyong mga hindi nag-aantay ng ganitong wa~as, katulad ng mga mapang-aping panginoon, ay nagpalagay na parang isang paglait ang Iahat ng hinaing, ang Iahat ng pagtutol, at sa mga ito'y kamatayan ang ginawang paruscy tinangkan lunurin sa dugo ang 1ahat ng sigaw ng paghihirap, na anupa't ang ginawa'y mga pagkukulang sa kabila ng mga pagkuku1ang. Hindi dahil dito'y naaring takutin ang diwa ng bayan, at kung bagaman ang gayo'y nakagising sa ilang puso, gayunman buong bagsik at nakatutupok na kumalat ang Iagablab niya, salamat sa mga pagpapakalabis at mga tiwaling pamamalakad ng ilang uri ng tao upang mapatay ang marangal at dakilang damdamin. Ito rin ang nangyayari kapag ang Iagablab ng apoy ay dumidila sa isang damit, ang takot at ang pagkaligalig ay siyang Ialong nagpapa1a1a at ang bawa't pagaspas, bawa't hampas ay nagiging isang hihip na nagpapaningas na laIo't 1a10. Hindi mapag-aalinlanganang sa buong panahong ito'y hindi rin naman nagku1ang ng mga pusong mahabagin at mga diwang marangal sa liping nakapangyayari, na nagtangkang ipaglaban ang katarungan at ang sangkatauhan; hindi rin naman kinu1ang ng mga kaluluwang dahop at duwag sa liping nasasakupan na tumulong sa ikaruruhagi ng sariling bayan. Nguni't sinuman sa mga nabanggit ay napapaloob sa mga kataliwasan, at ang sinasabi nami'y nauuko1 sa pangka1ahatan.

r


148 Ito ang pahapyaw na salaysay ng kanyang nakaraan. Kilala namin ang kanyang kasalukuyan. At ngayo'y ana kaya ang magiging kinabukasan niya? Magpatuloy kaya ang Kapuluang Pilipinas sa pagiging sakop ng Espanya, at sa ganitong pangyayari'y anong uri ng pagkabayang-sakop? Magiging lalawigang kastila kaya, na may kalayaan 0 wala sa pamamahala? At upang dumating sa ganitong katayuan, ay ana pang uri ng pagpapakasakit ang kinakailangang gawin? Hihiwalay kaya sa Inang Espanya upang mamuhay na nagsasarili, mahulog sa mga kamay ng ibang bansa 0 upang maging kakampi ng mga bansang kalapit? Hindi maaaring masagot nang tiyakan ang mga tanong na ito, sapagka't ang lahat ay masasagot ng isang "00" at isang "hindi", sang-ayon sa panahong nais itakda. Kung walang isang katayuang walang hanggan sa katalagahan lalo nang hindi dapat magkaroon ng gayon sa buhay ng mga bayan, mga nilikhang may kakayahang kumilos at may pagkilos! Kaya nga upang makasagot sa mga tanong na ito, ay kailallgang magta~da ng isang hanggahang panahon, at sang-ayon dito'y agawing mahulaan ang mga pangyayaring daratfng.

n Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas sa loob ng sandaang ta6n? Magpapatuloy kaya sa pagiging sakop ng Espanya? Kung ang katanungang ito'y ginawa noong nakaraang tatlong danta6n, na nang mamatay si Legazpi, ang mga malayong pilipino ay unti-unting nagsimula na ng kawalan ng pagtitiwala, at nang makitang mabigat ang pamatok, ay nagtangka, bagama't walang nangyari, na iwaksi ito, ay walang alinlangang naging magaan sana ang sagot.3 Para sa isang diwang masigla sa mga kalayaan ng Inang Bayan, para sa isa sa mga di-mapasukong taga-Kagayan, na sa kanilang sarili'y bumubuhay ng diwa ng mga Magalat, para sa SAng sagot na ibig sabihin ni Rizal sa tanong na "Ano ang mangyayari sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon?", kung ang katanungang ito'y ginawa noong nakaraang tatlong dantaon nang mamatay na si Legaspi, ay dill iba kundi ang paghiwalay sa Espanya at pagsasarili ng Pilipinas.


149 mga angkang puno ng kabayanihan ng mga Gat Pulintan at Gat Salakab ng lalawigan ng 'Batangan, ang pagsasarili ay tiyak na matatamo at ang kinakailangan lamang ay ang pagkakaunawaan upang makapagbunsod ng isang di mapipipHang lakas. Gayunma'y para sa isang nabigo na dahil sa malulungkot na karanasan, na nakikita sa lahat ng dako, ng hindi pagkakaayus-ayos at ng kaguluhan, pagkawalang malasakit at katigasan ng katawan ng mga taong mabababa ang uri, ng panlupaypay at kakulangan ng pagkakaisa ng mga nakatataas, tanging iisa lamang ang gumigitaw na kasagutan at ito'y dill iba kundi iabot ang kamay upang matanikalaan, iyuko ang liig upang maatangan ng pamatok at tanggapin ang panahong darating taglay ang pakikiayon ng isang may sakit na nakamamalas ng pagkalagas ng mga dahon, at nakaguguniguni ng isang mahabang taglamig, samantalang nasisinag sa bunton ng ulap ang mga gilid ng kanyang hukay. Samakatuwid ang kawalang-ayos ay siyang dahilan ng kawalan ng pag-asa: nakaraan ang tatlong danta6n, ang liig a~ namihasa na sa pamatok at ang bawa't bagong salin ng taong isinilang ma natatanikalaan, ay nahirati nang lalo at la10 sa bagong kalagayan ng mga bagaybagay. At ngayon, ang Pilipinas ba'y nasa-katayuan pa ring katulad noong nakaraang tatlong dantaon? Sa ganang mga "liberal" na kastila, ang kalagayan ng bayan ay patuloy pa ring gaya ng dati, ang ibig sabihi'y hindi nagkakaroon ng pagkakasulong ang mga Indiyong pillpino; sa ganang mga pari at ng kanilang mga galamay, ang bayan ay natubos na sa buhay na malahayop, 0 kaya'y umunlad; sa ganang karamihan ng mga pilipino, ang budhi, ang diwa at kabutihang-asal ay nangahandusay, gaya ng pagkahandusay ng mabubuting katangian ng isang bayang nahulog sa kaalipnan, sa biglang sabi'y umurong. Bayaan natin sa isang dako ang ganitong mga pag-uuri-uri upang huwag tayong mttlayo sa ating pakay: at gumawa tayo ng isang maikling paghahambing ng katayuan sa poHtika nang panahong iyon at nitong sa kasalukuyan, upang mapagkilala kung ang hindi naisagawa noong mga panahong iyon, ay maisasagawa ngayon, 0 dill kaya'y ang naisagawa noon ay hindi maisasagawa ngayon. Huwag nating ibilang ang pagkatig na maaaring taglayin ng mga pilipino sa Espanya; ipalagay natin sandaH, gaya ng


150

palagay ng mga manunulat na kastila, na walang naghahari sa dalawang lahing iyan kundi ang poot at pagpapanibughuan; tanggapin natin ang mga palagay na ipinangangalandakan ng marami, na ang tatlong danta6ng pananakop ay hindi nagpausbong sa maramdaming puso ng indiyo ng kahit isang binhi ng pagmamahal 0 ng pagkilala ng utang na loob, at tingnan natin kung ang layunin ng Espanya ay nagtamong pala 0 hindi sa Kapuluan. Noong araw, ang sumusuhay sa watawat ng kastila sa harap ng mga pilipino ay isang pulutong ng mga kawaI, tatatlong-daan 0 limang-daan ang pinakamarami, na ang karamihan ay nagsisipangalakal at nakakalat, hindi lamang sa Kapuluan, kundi sa mga bansang kalapit, at nalululong sa walang tigil na pakikidigma laban sa mga mahometano sa Timog, laban sa mga ingles at mga olandes, at hindi naman pinatatahimik ng mga hap6n, insik at ng mangilanngilang mga lalawigan 0 liping nasa-dakong loob. Noon, ang pakikipagtalastasan sa Mehik6 at sa Espanya ay mabagaI, bihira at mahirap; madalas at marahas ang mga kaguluhang umiiral sa mga maykapangyarihang namamahala sa Pilipinas; ang kaban ay U.agi nang walang laman, at ang kabuhayan ng mga manlulupig ay nabibitin sa isang marupok na sasakyang pandagat, na nagdadala ng mga kalakal na mula sa Tsina; noon ang mga karagatan ng mga danay na iyon ay sinasalot ng mga tulisang-dagat na pawang kaaway na lahat ng pangalang kastila, ang hukbong-dagat na pananggulan nito ay isang hukbong-dagat na hindi mabuti ang pagkakahanda, at kadalasan ay binubuo lamang ang mga tauhan ng mga baguhang nakikipagsapalaran lamang, kung di man ng mga banyaga at mga kagalit pa, gaya ng nangyari sa hukbong-dagat ni Gomez Perez Dasmarifias, na hinigo at pinigil ng panghihimagsik ng mga tauhang insik, na siyang pumatay sa kanya at sumira sa kanyang mga panukala at mga layunin. At gayunman, sa kabila ng gayong malulungkot na mga pangyayari, ang watawat ng kastila~y nakapamalagi pa rin, nang higit sa tatlong danta6n, at ang kanyang kapangyarihan, bagama't nabawasan ng kaunti, ay nagpatuloy pa rin ng pag-ugit sa kapalaran ng mga pul6ng iyon ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ang kasalukuyang katayuan ay parang nasasabugan ng ginto at rosas, parang isang magandang umaga, kung itutula.d sa sinisigwa't maligalig na gabi ng


151

panahong nakaraan. Ngayon, ay nagtatlo ang lakas ng mga sangkap na ginagamit ng nakapangyayaring mga kastila: ang hukbong-dagat, kung itutulad sa nakaraan, ay masasabing higit na bumuti; may lalong kaayusan ang tungkol sa pamahalaang sibil gayundin ang sa hukbo; ang pakikipagtalastasan sa Espanya ay lalong mabilis at panatag; ito'y wala nang mga kaaway sa labas; ang kanyang katayuan ay matatag na, at ang bayang nasasakupan ay tila nabawasan na ng sigla, ng pagmimithi sa pagsasarili, pangalang halos hindi niya nawawatasan; ang lahat nga ay nagbababala, sa biglang tingin ng tatlong danta6n pa, kung sakali, ng mapayapang pananakop at mapanatag na paghahari. Gayunman, at sa ibabaw ng ganitong mga pagpapalagay sa mga bagay-bagay na nadarama, ay lingid na namamaiba路 haw ang ibang mga pagpapalagay na may kinalaman sa diwa't kaasalan na lalo pang mahplaga at makapangyarihan. Ang kalahatan ng mga bayan sa Silangan, at lalo na ang mga Malayo, ay mga bayang maramdamin; ang namamaibabaw sa kanila ay ang kaselanan ng damdamin. Kahit ngayon, sa kabila ng pakikisalimuha sa mga bayang Kanluranin, na may mga mithiing Hindi katulad ng sa kanila, ay nakikita nating itiJ:ilataya ng malayong pilipino ang 'lahat: ang kalayaan, ang sarlling kapakanan, ang kabutihan, pati ng ngalan, sa dambana ng isang hangarin, 0 kaya'y ng isang karangyaan, maging nauukol sa relihiyon, sa karunungan 0 sa anumang ibang uri, nguni't sa munting salitang makasusugat sa kanyang pag-ibig sa sarili, ay nalilimot na lahat ang mga pagpapakasakit, ang pinag-ukulan ng pagal, at itinatago sa alaala at hindi nalilimot kailanman ang paghamak na inaakalang tinanggap niya. Kaya ang mga bayan-bayan sa Pilipinas ay namalaging matapat sa loob ng tatlong danta6n, at ihinigay ang kanilang kalayaan at kasarinlan, sanhi sa kung minsa'y parang namalikmata, dahil sa pag-asa sa ipinangakong Langit, kung minsa'y dahil sa katuwaang ibinunga ng pakikipagkaihigang inihandog ng isang bayang marangal at malaki na gaya ng Espanya, 0 kung minsa'y napilitan dahil sa kahigtan ng mga sandatang hindi nila nakikilala, na para sa mga diwang kimi ay nagkakaroon ng mahiwagang uri, 0 kaya'y dahil sa kanilang mga alitang panloob, ang manlulusob na banyaga'y kumakatlo sa alitan upang pagkatapos ay sakupin ang isa't isa at maipailalim sa kanilang kapangyarihan.


152 Nang makapasok na sa Kapuluan ang kapangyarihang kastila, ay naging matatag sila, salamat sa pagkatig ng mga bayan-bayan, dahil din sa pagkakaalit-alit ng mga ito at dahil sa hanggang sa mga araw na iyon, ang maramdaming pag-ibig sa sarili ng pilipino ay hindi pa ~inusugatan. Nakikita pa noon ng bayan na ang kanyang mga anak ay nasamatataas na tungkulin sa hukbo, ang kanilang mga puna sa bukirin ay nakikidigma sa piling ng mga bayani ng Espanya, nakikihati sa kanilang tagumpay, na hindi sila pinagdamutan ng karangalan, ni mga pap uri at mga katangian; noon, ang katapatan at pagkatig sa Espanya, ang pag-ibig sa lnang bayan ay ipinagiging "encomendero" 0 k atiwala at hanggang ipinagiging Heneral ng indiyo, gaya noong lumusob ang mga ingles; noon ay hindi pa nalalalang ang mga pangalang nakaaaba at nakahihiya, na ginamit pagkatapos upang siraang-puri ang lalong magawain at mahihirap na tungkulin ng mga pinunong tagarito; noon ay hindi pa nagiging kaugalian aug pagmura at paglait sa pamamagitan ng malalaking titik ng mga pahayagan, ng mga aklat na may kapahintulutan ng \ mga maykqpangyarihan sa simbaha.n, sa bayang bumubuwjs, nakikidigma at nagbububo ng dugo alang-alang sa Espanya, ni hindi itinuturing na karangalan ni isang bagay na nakatutuwa ang pag-aba sa isang buong lipi, na pinagbabawalang sumagot 0 magtanggol sa sarili; at kung sa mga klaustro man ay may mga prayleng nagkaroon ng ilang himatayin, na sa kawalan ng magagawa ay nangahas na sumulat laban sa bayan, gaya ng agustinong si Gaspar de San Agustin at ng heswitang si Velarde, ang kanilang mapanghamak na sinulat ay hindi inihahayag kailanman, ni hindi sila binibigyan, dahil doon, ng mga "mitra" o itinataas sa katungkulan. Tutoo ngang ang mga indiyo noon ay hindi katulad natin ngayon; ang tatlong danta6ng pakikitungo sa ating parang hayop at nasa-karimlan, kahit bahassya'y nararapat mag-iwan ng bakas sa mga pilipino: ang lalong magandang likha ng Diyos, kapag sumakamay ng ilang manggagawa, ay maaaring maging isang tau-tauhan o katatawanan. Ang mga prayle noon, dahil sa nais na matatag ang kanilang kapangyarihan sa bayan, ay lumalapit dito at kasamang bumubuo ng isang kilusan laban sa mga katiwalang mapangapi. Mangyari pa, nakikita ng bayan na ang mga prayle ay may higit na pinag-aralan at karangalan, kaya sila ang pi-


1153

naglalagakan ng pagtitiwala, ang kanilang payo ay sinusunod at pinakikinggan kahit na sa mga lalong mapapait na araw. Kung sila'y sumusulat ay ipinaglalaban ang mga karapatan ng mga indiyo at pinaaabot ang sigaw ng kanilang mga pagdaralita hanggang sa lalong malayong baitang ng Trono. At hindi kakaunting mga prayle, mga uldog at mga militar ang nangagsigawa ng mapanganib na paglalayag, bUang mga kinatawan ng bayan, at ang ganito, kalakip ng mahihigpit na pagsisiyasat na ginawa noon sa harap ng mga mamamayan sa Kapuluan, sa lahat ng mga nagsisipamahala, mula sa Kapitan Heneral hanggang sa kahuli-hulihang nanunungkulan, ay nakaaaliw nang di kakaunti at nakapagpapanatag ng kalooban ng mga nasaktan, na anupa't nakasisiya, kahit sa turing man lamang, sa lahat ng hindi nasisiyahan. Ang lahat ng ito ay nawala. Ang mga mapanudyong halakhak ay nananaos na parang isang lasong makamamatay sa puso ng indiyong bumubuwis at nagtitiis. Ang mga halakhak na yaon ay laID pang nakagagalit habang ikinukubli. Ang dating pagkakaalitan ng iba't ibang lalawigan ay pinaram ng iisang sugat na d'li iba kundi ang pangkalahatang pag-ayop na ikinulapol sa buong lipi. Ang bayan ay wala nang tiwala a mga taong noong una'y siya niyang tagapagtangg61, datapuwa't ngayo'y siyang humuhughog at pumapatay sa kanya. Ang mga balatkayo ay nangawala na. Nakita ng bayan na ang pag-ibig at pagkaawang iyon noong nakaraang panahon aynakakawangis lamang ng pagmamahal ng isang sisiwa, na sapagka't hindi maaaring mabuhay sa ibang dako, ay walang ninanais kundi maging musmos sa habang panahon ang alaga, maging mahina habang panahon ang bata, upang magpatuloy siya sa pagsahod ng kanyang upa at makakain sa gugol ng inaalagaan; namalas na hindi lamang hindi niya pinakakaing mabuti upang lumusog ang bata, kundi ito'y nilalason pa, upang mabansot ang kanyang paglaki, at sa anumang bahagyang pagtutol ng bata ay napopoot sa kanya ang sisiwa! Ang dating pagkukunwang maibigin sa katarungan, ang banal na "residencia" o hayagang pagsisisiyasat sa mga ginawa at inasal ng mga nanunungkulan ay inalis. N agsimula na ang kabagabagan ng budhi: ang pagmamahal na ipinamalas sa isang Gobernador Heneral na gaya ni La Torre, ay naging isang krimen sa Pamahalaan ng kanyang kahalili at naging sapat na kadahilanan upang ang isang mamamayan ay mawalan ng


154 kalayaan at ng sariling tahanan; at kung sinusunod ang ipinag-uutos ng isang pinuno, gaya ng kararaan pa lamang na pangyayari tungkol sa pagpapasok ng mga bangkay sa mga simbahan, iya'y sukat na upang ang masunuring nasasakupan ay hamakin at pag-usigin sa pamamagitan ng lahat ng kaparaanang maaaring gawin. Ang mga tungkulin, ang mga buwis at ang mga abuloy ay nararagdagan, at hindi dahil doon ay nararagdagan din ang mga karapatan, ang mga katangian at ang mga kaluwagan, napamamalagi ang mangilan-ngilang naipagkaloob na. Isang pamamahala ng walang patlang na pagkasindak at pag-aagamagam ang bumabalisa sa mga kalooban, isang pamahalaang higit pang masama kaysa isang panahon ng tunay na mga kaguluhan, sa dahilang ang mga pangambang nililikha ng guni-guni ay higit na mahayap kaysa mga totohanang kasamaan. Ang bayan ay naghihirap; malaki ang dinaranas na pananalat sa salapi, dinadaliri ng lahat ang mga salaring may kagagawan -ng kasamaan, at gayunma'y walang sinumang makapangallas na sila'y pag-usiginl Tunay ngang ang Kodigo Penal ay lumabas na parang isang patak na lunas sa madlang kapaitan, nguni't ana ang katuturan ng lahat ng kodigo sa daigdig, kung dahil Iamang sa isang lihim na suplong, mga kadahilanang walang kabuluhan, mga taksil at walang lagdang sumbong ay pinangingibang-bayan, ipinatatapon nang walang anumang pagsisiyasat, nang walang anumang paglilitis ang sinumang marangal na mamamayan? Ano ang kabuluhan ng Kodigo Penal na iyan, ana ang kapararakan ng buhay kung walang kapanatagan sa loob ng tahanan, walang pananalig sa katarungan, ni tiwala sa katahimikan ng budhi? Ano ang katuturan ng lahat ng tulayang iyan ng mga pangalan, ng lahat ng buntong iyan ng mga tuntunin ng batas kung ang duwag na sakdal ng isang taksil ay lalo pang makapananaig sa matatakuting pandinig ng kataas-taasang makapangyarihan kaysa lahat ng sigaw ng katarungan? Kung magpapatuloy ang ganitong ayos ng mga bagaybagay ay ana kaya ang mangyayari sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon? Ang lalagyan ay napupunong unti-unti, at kung hindi palalabasin ng kahinahunan ng Pamahalaan ang mga karaingang naiipon, maaaring balang araw ay tumilamsik ang titis. Hindi ito ang pagkakataon upang magsalita tungkol sa


155 maaaring ibunga ng isang siga16t na napakasawi: ito'y nababatay sa kapalaran, sa mga sandata at sa angaw-angaw na pangyayaring hindi mapangangalagaan ng tao; nguni't kahit na nasa-Pamahalaan man ang lahat ng kalamangan, at dahil dito'y maaari niyang ipagtagumpay, ang lalabas ay gaya lamang ng pananagumpay ni Pierro, at ang gayon ay hindi dapat nasain ng isang Pamahalaan. Kung ang mga umuugit sa kapalaran ng Pilipinas ay magmamatigas, at sa halip na magkaloob ng mga pagbabago ay magtatangka pang paurungin ang katayuan ng bayan, pagibayuhin ang mga kahigpitan at ang mga pang-aamis sa mga nagsisipagtiis at nag-iisip, ang mapapala nila ay ang ilagay sa pakikipagsapalaran ang mga iyon at ang pagtatalag a sa kanila sa mga karalitaan ng isang buhay na maligalig, puno ng mga kagahulan at mga kapaitan, sa pagasang makapagtatamo ng isang bagay na hindi natitiyak. Ano ang mawawala sa kanila sa pakikipag-tunggali? Halos wala: ang buhay\,tlg napakaraming uri ng mga taong hindi nasisiyahan, ay walang gaanong pampasiglang inihahandog upang hangarin ang .sang maluwalhating kamatayan. Maaaring tangkain nila ~ng isang Poagpapatiwakal, datapuwa't pagkatapos? Hindi kaya maiwan ang isang batis ng dugo sa pagitan ng mga nagtagumpay at ng mga natalo, at ang mga ito naman kaya'y hindi maaaring maipantay, sa hinabahaba ng panahon at sa kanilang pinagdanasan, ang kanilang lakas sa kalaban, yamang sila'y nakararami, sa bilang, sa kanilang mga manlu1upig? Sino ang rnagsasabing hindi? Ang 1ahat ng maliliit na panghihimagsik na nangyari sa Pilipinas ay isinagawa 1amang ng ilang taong panatiko 0 may bulag na pananampalataya, mga hindi nasisiyahan, rnga militar, na, upang rnakatamo ng kanilang pakay ay nangailangang manlinlang at dumaya 0 kumasangkapan sa pagsunod ng kanilang nasasakupan. Sa gayo'y 1umagpak ang 1ahat. Walang panghihimagsik na nagkaroon ng katangiang panghihimagsik ng bayan, walang ibinatay sa pangangailangan ng buong lahi, wa1ang nakipaghamok a1ang-alang sa karapatan ng sangkatauhan ni alang-alang sa katarungan; dahil dito'y hindi nakapag-iwan ng alaalang hindi makatkat sa bayan, at ang nangyari pa nga'y nang makita ng mga taong sila'y dinaya 1amang matapos maghi10m ang mga sugat nila, ay pina1akpakan pa nga ang paglagpak ng mga bumulahaw ng kapayapaan nila! Nguni't


156 kung ang kilusan ay magmumula sa bayan na rin at ang kilalaning dahilan ay ang mga kaabaan nila? . Kaya nga, kung ang maingat at paham na mga pagbabago ng ating mga ministro ay hindi makakasumpong ng mga bihasa at bU~ ang loob na tagapagpakahulugan sa mga tagapamahala sa kabilang ibayo ng dagat at ng mga tapat na tagapagpatuloy na, dahil sa madalas na pagbabagu-bago ng lakad ng politika, ay naaatangang maghawak ng maselang tungkuling yaon; kung sa mga hinaing at mga pangangailangan ng bayang pilipino'y walang laging magiging kasagutan kundi ang walang katapusang "hindi maaari" 0 "hindi mangyayari," kasagutang siyang iminumungkahi niyaong mga nabubuhay sa pagkapahuli ng mga nasasakupan; kung hindi lilingunin ang mga makatwirang karaingan, at ipalalagay na ang mga yao'y gawa lamang ng hilig sa paghihimagsik, kung ikakait sa bayan ang pagkakaroon ng kinatawan sa mga batasan ng Espanya at ang tinig na may kapangyarihan u'!<ang makatutol sa lahat ng uri l1g pagmamalabis na nakalu usot dahil sa kagusutan ng mqa batas; kung ipagpapatuloy sa katapusan, ang pamamalakad na puspos ng mga pan~fayaring nakapagpapailap sa kalooban ng mga tubo sa Piliplnas, at gigisingin ang kanilang mapagwalang bahalang diwa, sa pamamagitan ng mga paglait at pagkawalang-turing, ay matitiyak naming sa loob ng ilang taon, ang kasalukuyang katayuan ng mga bagay-bagay ay maiiba na nang lubusan; 4 nguni't ito'y hindi maiiwasan. Ngayon ay may isang sangkap na wala noong araw; nagising na ang diwang pagkabansa, at iisang kasawian at iisang pagkaduhagi ang nakapagbuklod sa mga mamamayan sa Kapuluan. Marami nang kabilang sa uri ng mga taong tinatawag na mulat at bihasa sa 100b at labas ng Kapuluan, uring nilikha at nararagdagan nang lalo at lalo sa lahat ng pagkakataon, gawa ng kahangalan ng ilang namamahala na siyang nakapipilit sa mga mamamayan na nandayuhan sa ibang lupain, na mag-aral sa ibang bansa, at nabubuhay at lumalaban, salamat sa maraming kaligaligan at sa para an ng pagmamanmang ginagawa. Ang uring ito ng mga tao, na ang bilang ay parami nang parami, ay laging nakikipagunawaan sa ibang mamamayan sa Kapuluan, at kung ngayo'y binubuo la路mang ng pinakautak ng bayan, sa loob pa ng 4 Nakikinikinita na ni Rizal noon pa ang paghihimagsik ng huong samhayanan, sanhi sa karalitaan at mga paghihirap na tinatawid.


157 ilang taon ay siya nang makabubuo ng kanyang buong katawan at pandamdam at ipahahayag ang kanyang pagsilang sa maliwanag sa lahat ng kanyang kilos at gawain. . Ngayon, upang hadlangan ang daan sa pagkakasulong ng isang bayan, ang pulitika ay may iba't ibang kaparaanan: ang pagpapaging makahayop ng mga tao sa pamamagitan ng isang tanging liping kakampi ng Pamahalaan, liping malamaharlikang katulad ng sa mga nasasakop ng Olanda, 0 liping makaparing gaya ng sa Pilipinas; ang ipagdaralita ng bayan; ang pagpatay na unti-unti sa mga mamamayan at ang pagpapalago ng mga alitan ng isa't isang lahi. Ang pagpapaging makahayop ng mga malayong pilipino ay naipakilala nang hindi maaari. Sa kabila ng maitim na salot na mga prayle na siyang humahawak ng pagtutuTo sa kabataang pinag-aaksaya nila nang walang kapararakan, ng maraming taon sa mga paaralan, at lumalabas ditong nanghihimagal, nahahapo at nawawalan ng pag-ibig sa mga aklat; sa kabila ng mga pagsusuring (censura) ang tinatangka ay ang pagpipinid ng lahat ng daang patungo sa pagkakasulong; sa kabila ng lahat ng mga pulpitong pangaralan ng mga pare, pangumpisalan, mga aklat, mga pagsisiyam na nagtuturo ng pagkapoot sa lahat ng kaala'm an, hindi lamang tungkol sa agham, kundi pati na sa wikang kastila; sa kabila ng lahat ng kaparaanang iyang isinaayos, pinapagbuti at isinagawa nang buong tiyaga niyaong mga nagnanais na ang Kapuluan ay mamalagi sa isang "banal na kahangalan", ay lumilitaw rin ang mga manunuIat, ang mga may malayang pagkukuro, ang mga sumusulat ng kasaysayan, mga pilosopo, kimiko, mga manggagamot, mga artista, mga manananggol at iba pa. Ang pagkakamulat ay lumalaganap, at ang pag-uusig na tinitiis ay siyang lalong nakapagpapaalab sa kanilang Ioob. Hindi; ang makadiyos na lagablab ng pag-iisip ay hindi mapaparam sa bayang pilipino, at sa anumang paraa'y talagang magniningning at pakikilala. Hindi maaaring gawing parang hayop ang mga mamamayan sa Pilipinas. 5 Maaari kayang pigilin ng karalitaan ang kanyang pagunlad? Baka sakali, nguni't iya'y isang kaparaanang lubhang mapanganib. Ang karanasan ang nagpapakilala sa atin G Maliwanag na si Rizal ay nag-aangkin ng lubos na pananalig sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ng kanyang lahi at mga kababayan.


158

na sa lahat ng dako, at lalo na sa Pilipinas, ang mga taong nakaririwasa ay siyang kailanma'y kaibigan ng kapanatagan at ng kaayusan, sapagka't sila ang nabubuhay nang lalong mabuti kung ihahalintulad sa iba, at sila ang maaaring mangawalan sa mga kaligaligan sa bayan. Taglay ng kayamanan ang kabinian, ang diwa ng pagkamaingat; samantalang ang karalitaan ay nakapag-uudyok ng mga isipang tungo sa pakikipagsapalaran, ng mga hangaring mapalitan ang mga bagay-bagay na hindi gaanong nabubuhos ang loob sa buhay, at iba pa. Si Machiavelo 6 na rin ay may palagay na mapanganib 路a ng ganitong kaparaanan ng pagsiil sa isang bayan, sapagka't ang pagkawala, anya, ng mabuting kalagayan ay nakapagpaparami ng lalong masusugid na mga kaalit kaysa pagkawala ng sariling buhay. Tangi sa rito, kapag may kayamanan at kasaganaan ay kakaunti ang hindi nasisiyahan, umuunti ang mga daing, at ang Pamahalaan naman, na lalong mayaman, ay nakakatagpo ng lalong maraming kaparaanan upang maging matatag. Sa kabilang dako, sa isang bayang maralita, ang nangyayari'y katulad din ng nangyayari sa isang bahay na walang harinang magagawan~ tinapay; at saka, ano ang magiging katuturan para sa Espanya, ng isang bayang sakop na nanlulupaypay at maralita? Hindi rin naman maaaring lipuling unti-unti ang mga mamamayan. Ang mga lahing pilipino, gaya ng lahat ng mga malayo, ay hindi sumusuko sa harap ng banyaga, na gaya ng mga taga-Australiya, ng mga taga-Polinesiya at ng mga lahing indiyo ng Bagong Kontinente. Sa kabila ng napakaraming digmaang pinakiharapan nila, sa kabila ng mga salot na sa pana-panahon ay dumadalaw sa kanila, ang bilang nila ay nagtatlong ibayo na sa dami, katulad ng mga malayo sa Haba at sa Molukas. Tinatanggap ng pilipino ang kabihasnan at namumuhay at nagpapatuloy sa pakikisalamuha sa lahat ng bayan at sa kapaligiran ng anumang singaw ng panahon. Ang "aguardiente", ang lasong iyang siyang pumupuksa sa mga taong tubo sa mga pulupulO ng Pasipiko, ay walang kapangyarihan sa Pilipinas; ang nangyayari pa nga ay tila ang mga pilipino'y naging malayo sa 8 Si Machiavelo ay isang manunulat na italyano nang dantaong XVI, na nangangaral ng katalinuhan sa pagpapakunwari, sa pagdaraya't panlilinlang upang maipagsanggalang ang politika ng isang Bayan. Si Machiavelo ang pinagkakautangan ng kasabihang: "Hatiin mo't ikaw ay magtatagumpay".


159 paglalasing, kung itutulad ang kanilang katayuan sa kasalukuyan, sa katayuang inilarawan sa atin ng mga unang mananaysay. Ang maliliit na digmaan laban sa mga namamayan sa dakong Timog, ay walang pinupuksa kundi ang mga kawaI, mga taong dahil sa kanilang katapatan sa watawat ng kastila, mga taong sa halip na maging isang panganib, ay siya pa ngang nagiging isa sa kanilang matitibay na tagapagtanggol. Nalalabi ang tungkol sa paglala ng mga alitan ng mga lalawigan. Ito'y maaari noong araw, nang ang mga paraan ng pakikipagtalastasan ng mga pulO sa kapuwa pulo ay mahirap at bihira, noong wala pang mga bapor ni pahatirang-kawad, nang ang mga pangkat ng mga hukbo ay binubuo sang-ayon sa iba't ibang lalawigan, inaamu-amo ang ilan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga biyaya at mga karangalan at ipinagmamasakit ang ilan laban sa ibang malalakas. Nguni't ngayon, na nawala na ang mga pagtatangi-tangi, na dahil sa kawalan ng tiwala ay pinag-isa na ang mga pangkat ng hukbo, na ang mga mamamayan ay nakapaglalakbay na sa iba't ibang pulo, alalaong baga'y ang mga paraan ng pakikipagtalastasan at ang pagpapalitan ng mga palapalagay ay nadaragdagan, at dahil sa pagkakamalas ng lahat na sila'y nasusubo sa iisang uri ng panganib at nasusugatan sa iisang damdamin, sila'y nagkakamay at nagkakaisa. Totoo ngang ang pagkakaisa'y hindi pa ganap, nguni't iyan ang tinutungo ng mga kaparaanan ng mabuting pamamahala, ng pagtatapon sa ibang lupain, ng pagduhaging tinitiis ng mga mamamayan sa kanilang sariling bayan, ng pagpapalipat-lipat ng mga kawani, ng kakulangan ng mga bahay-paaralan na siyang nagiging sanhi upang ang mga kabataan sa lahat ng pulo ay magtipun-tipon at matutong magkakilalanan. Ang mga paglalayag na patungong Europa ay nakatutulong din naman nang di kakaunti sa ipagiging matalik ng pagkikilalang ito, yamang sa ibang lupa, ay pinagtitibay ang damdaming makabayan ng mga mamamayan sa lalawigang lalong malalayo, mula sa mga marino hanggang sa lalong mayayamang mangangalakal at sa pagkakamalas sa mga makabagong kalayaan at pagkakagunita sa mga kasawian ng sariling tahanan, ay nagyayakap-yakap sila at nagtatawagang magkakapatid. Sa kabuuan nga, ang pagkakasulong at pag-unlad ng damdamin ng Pilipinas ay hindi maiiwasan, iya'y hindi mahahadlangan.


160

Ang Kapuluan ay hindi makapagpapatuloy sa ganyang katayuan, nang hindi nakapagtatamo sa Espanya ng lalo't higit na mga kaluwagan. Mutatis, mutandis, baguhin ang nararapat baguhin. Sa mga taong bago ay bagong kaayusan naman ng lipunan. Ibiging ang mga pilipino'y magpatuloy na nakalampin, ay isang tunay na pag-uudyok na ang ipinalalagay na sanggol ay lumaban sa kanyang sisiwa at tumakas na pagpunitpunitin ang mga lumang basahang sa kanya'y ibinabalot. Ang Pilipinas, samakatuwid, ay alin sa dalawa: 0 magpapatuloy na sakop ng Espanya, nguni't may higit na mga karapatan at mga kaluwagan, 0 kaya'y magpapahayag ng kanilang kasarinlan, pagkatapos na magbubo ng dugo at maduguan naman ang Espanya. 7 Sapagk,a't hindi dapat nasain ni hintayin ninuman ang ganitong masaklap na paghihiwalay na magiging masama para sa lahat, ay siyang tanging nararapat ituring na huling matuwid sa kalagayang lalong walang pag-asa, ay suriin natin kung sa paanong paraan ng mapayapang pagbabagunganyo maaaring makapagpatuloy ang Kapuluan sa ilalim ng watawat ng Espanya, nang hindi masasaktan bahagya man ang mga karapatan, ni ang mga kapakanan, ni ang karangaIan ng isa't isa. 8

III Ang Pilipinas, kung magpapatuloy sa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya, ay sapilitang mangangailangan ng pagbabago hinggil sa politika, sapagka't ito ang hinihingi ng lakad ng kanyang kasaysayan, gayundin ng mga pangangailangan ng kanyang mga mamamayan. Ito'y napatotohan an na namin sa nakaraang lathala. ' Sinabi na rin namin na ang pagbabagong ito'y sapilitang magiging marahas at kahambal-hambal, kung magmumula sa lipunan ng mga mamamayan; nguni't mapayapa at mapakinabang ang kalalabasan kung magmumula sa mga uring nakatataas. 7 Ang Unang Sigaw ng Paghihimagsik ng bayang pilipino ay ginawa sa Balintawak ni Andres Bonifacio nang ika-26 ng Agosto ng 1896, pagkaraan ng aniIn na taong gawin ni Rizal ang huling ito. 8 Dito'y ipinakilala ni Rizal na hanggang sa mga araw na iyo'y hindi pa siya nawawalan ng pag-asa sa mga pagbabago sa politika ng Espanya sa pamamahala sa Kapuluan.


161

Nahulaan ng ilan sa mga namamahala ang katotohanang ito, at dala ng kanilang pagkamakabayan, ay nagtatangkang magpairal ng mga pagbabagong kinakailangan namin upang mapangalagaan ang mga pangyayari. Hanggang ngayon, bagama't may ilan nang pagbabagong ipinasiya, ang naging bunga'y kakaunti, maging sa kapakinabangan ng pamahalaan at maging ng bayan, at hanggang nakapinsala pa sa ilang pagkakataon pati ng mga pagbabagong walang 'ipinangangako kundi maluwalhating tagumpay. Ang dahilan nito'y siksik kundi buhaghag. Sinabi na namin at uulitin minsan pa at uulitin kailanman. Lahat ng pagbabagong may uring pampalubag-loob ay hindi lamang walang kabuluhan kundi nakasasama pa, kapag ang Pamahalaan ay nahaharap sa mga kasamaang kailangang lunasan hanggang kaugat-ugatan. At kung hindi kami nananalig sa karangalan at pagkamakatuwiran ng ilang tagapamahala ay matutukso kaming magsabi na ang Jahat ng mga pagbabagong- iyang pasapyaw-sapyaw ay parang mga emplasto 0 potmadang panapal lamang ng isang manggagamot, na sapagka't ~indi nakaaa]am kung paano magagamot ang kanser 0 kaya'y nindi makapjhngahas na tumistis niyaon ay nagkakasiya sa paglibang sat mga tiisin ng maysakit 0 makibagay sa kawalang-loob ng mga matatakutin at mga mangmang. Lahat ng mga pagbabago ng ating mga ministrong maibigin sa kalayaan ay naging, nagiging at magiging rrnabuti ... kung maisasakatuparan sana. Kung madili-dili namin ang gayon, ay bumubunggo sa aming alaala ang tungkol sa pamamalakad sa pagkain ni Sancho Panza sa Kapuluan ng Baratarya. 9 Nunupo sa harap ng isang mesang marangal at masagana na "puna ng mga bungang-kahoy at ng iba't ibang lutong tilam"; nguni't sa pinggan ng pagkain ay humahadlang ang maliit na ungkod ng manggagamot na si Pedro Rezio, na nagsasabi: absit! Huwag iyan!, at iniuurong ang pinggan ng pagkain, kaya't si Sancho'y naiiwang lalo pang gl,ltom. Tunay nga na ang mapagharihariang si Pedro Rezio ay may ibinibigay na matuwid sa kanyang ginagawa, na para bagang sinulat ni Cervantes ang rrnga iyon upang ipatungkol sa mga Pamah-a9 Ito'y isang pul6ng isip-isip lamang at doo'y nahirang na gubemador si Sancho Panza sa nobelang Don Quijote de la Mancha ni Cervantes.

006700-

11


162

laan sa Ibayong-dagat (Ultramar). "Hindi po makakain, ginoong Gobernador, kundi sang-ayon sa kagamitan at kaugalian sa ibang mga kapuluang mayroong gobernador", at iba pa-at nakakikita ng maraming kapintasan sa lahat ng pagkain, ang ilan ay sapagka't mainit, ang iba ay sapagka't mamasa-masa, at iba pa, na kung tutuusin ay lubos na katulad ng mga Pedro Rezio sa kabilang-ibayo ng dagat at sa dako rito ng mga karagatan. iSumpain ang kabutihang nagagawa kay Sancho ng sining sa pagluluto ng kanyang tagapagluto! Hinggil sa aming bayan, ang mga pagbabago'y maihahalintulad sa mga pagkaing nabanggit; ang Pilipinas ang siyang pinaka-Sancho, at ang matabil na manggagamot ay katulad, sa ginaganap, ng maraming taong ang hangad ay huwag ipasalang ang mga pinggang may pagkain, upang sila marahil ang makinabang. Ang nangyayari'y ang mapagparayang si Sancho, 0 kaya'y ang Pilipinas, ay lIumahanap tuloy ng dati niyang kalayaan, nagtatakwil sa lah:~.t ng pamahalaan, at sa katapusa'y naghihimagsik tuloy laban sa kanyang nagkukunwang manggagamot. Gayundin naman, hanggang ang Pilipinas ay walang malayang pahayagan,10 walang tinig sa mga Kapulungan Bayan upang ipagbigay-alam sa Pamahalaan at sa buong Bansa kung nangatupad 0 hindi ng kanyang mga pasiya, kung napakikinabangan 0 hindi ng sangkapuluan, ang lahat ng mga kakayaha't kasanayan ni Ministrong pang-ibayongdagat ay matutulad lamang sa naging kapalaran ng mga pinggan ng pagkain sa Kapuluan ng Baratariya. Kaya nga ang Ministrong magnais na ang kanyang mga pagbabago'y maging tunay na pagbabago, ay dapat magpasimula sa pagpapahayag ng malayang pahayagan sa Pilipinas, gayundin sa paglalagay ng mga Kinatawang Pilipino. Dapat ilagda ang malayang Pahayagan sa Pilipinas, sapagka't ang mga karaingan doon ay bihirang makarating sa Espanya, sa katunaya'y napakabihirang makarating, at kung dumating ma'y lubha nang natatakpan at balot na balot na ng hiwaga, na walang pahayagang makapangahas na sumipi niyaon, at sakaling ilathala uli, ito'y tutoong nababalam, huli na at masama pa. 10 Isang pahayagang walang busal 0 hindi dumaraan sa pagsusuri, sa pagpansin 0 pagbabawal ng mga may kapangyarihan.


163 Ang isang Pamahalaang nangangasiwa sa isang bansa mula sa napakalayong pook ay siyang lalong nangangailangan ng isang pahayagang malaya, pangangailangang lalo't higit kaysa pangangailangan ng isang namamahala sa Espanya, kung ang ninanais ay magampanan yaon sa lalong matuwid at matinong kaparaanan. Ang Pamahalaang namamatnugot sa sariling bansa ay maaari pang hindi umalumana sa pahayagan (kung ang gayo'y magagawa niya) , sapagka't nasaloob ng lupain, sapagka't may mga mata at tainga, at sapagka't namamasdan niya sa malapit ang kanyang pinamamahalaan at pinangangasiwaan. Nguni't ang Pamaha~ laang namamahala mula sa malayo, ay mahigpit na nangangailangan na ang katotohanan at ang mga pangyayari ay umabot sa kanyang kaalaman sa pamamagitan ng lahat ng kaparaanang maaaring gawin, upang masuri at mabigyan ng nararapat na pagpapahalaga, at ang pangangailangang ito ay nagiging lalong mahigpit, kung ang pinaguusapan ay isan~ bayang katulad ng Pilipinas, na ang mga mamamayan ay nagsasalita at dumaraing sa pamamagitan ng isang wikang hinCli nauunawabn ng mga may kapangyarihan. Ang pamamah'ala sa ibang kaparaanan ay matatawag din namang pamahalaan, yayamang kailangang mangalanan ng kahit paano, nguni't ito ang tinatawag na masamang pamamahala. Ito'y katulad ng paghatol na walang dininig kundi ang isa sa mga nag-uusap; iya'y isang pamamatnubay sa isang sasakyang pandagat, nang hindi isinasaalang-alang ang katayuan ng sasakyan, ang kalagayan ng dagat, ang mga nangakalubog na batong maaaring kabangaan, ang mga dakong mababaw, ang takbo ng hangin, ang mga agos, at iba pa. Iya'y isang pangangasiwa ang isang pamamahay nang walang iniisip kundi pagmamakisig at pagmamagandang bikas, nang hindi inaalam kung ana ang nasa -taguan ng kuwalta, hindi isinasaalang-alang ang mga tagapaglingkod at ang mga kaanak. Nguni't ang kinagawian ay isang lib is 0 dahilig na siyang nilalakaran ng maraming Pamahalaan, at ang kinagawian ay nagsasabing ang kalayaan ng pahayagan ay isang panganib. Tingnan natin kung ana ang sinasabi ng Kasaysayan. Ang mga pagbabangon at ang mga paghihimagsik ay karaniwang nangyayari sa mga bayang sinisiil, do on sa ang pag-iisip at ang puso ng tao ay pinipilit na inisin.


164 Kung hindi lamang siniil ng dakilang Napoleon ang pahayagan, marahil ay naibabala nito sa kanya ang kapanganiba.ng kanyang kinasusuungan, at marahil ay naipaunawa sa kanya na ang mga bayan ay pagod na at ang lupain ay nangangailangan ng kapayapaan; marahil, sa halip na gugulin ang kanyang talino sa panglabas na pagpapadakilang tinipon sa kanyang sarili, ay nasikap sana niyang mapapagtibay ang kanyang lakas at sana'y tumibay nga. Maging sa kasaysayan ay lalong maraming paghihimagsik na pangyayari nang ang pahayagan ay lagyan ng busal. Aling bayang sakop, na may pahayagang malaya, at nagtatamasa ng mga kalayaan ang nakapagsarili? Alin ang dapat mabutihin, ang mamahala nang nag-aapuhap 0 mamahala nang may wastong kaalaman sa mga nangyayari? May sasagot sa amin at ikak;atwirang sa mga bayang nasasakupan na may mala yang pahayagan, ay manganganib nang malaki ang kapurihan ng mga namamahala, ang haliging iyan ng mga duping pamahalaan. Sasagutin namin na lalo't higit na dapat piliin ang kapurihan ng bansa kaysa kapurihan ng Hang tao. Ang lisang bansa'y iginagalang sa hindi pagsang-ayo ni pagtatakip sa mga pagmamalabis, kundi sa pagpaparusa't hindi pagsang-ayon sa mga iyon. At saka, ang nangyayari sa kapurihang iyan ay yaong sinabi ni Napoleon tungkol sa mga dakilang tao at sa kanilang mga kawaksi sa silid. Kami, na nangagtitiis at nakaaalam ng lahat ng mga kagagawan at mga pagduhagi ng mga nagkukunwang diyos na iyan, ay hindi kami nangangailangan ng malayang pahayagan upang makilala ang mga iyon; maluwat nang panahong sila'y nawalan ng purL Ang Pamahalaan ay siyang nangangailangan ng malayang pahayagan, ang Pamahalaang patuloy pa sa pa.."1anaginip sa itinatayo sa isang lupang nag-aapoy. Ito rin ang aming sinasabi tungkol sa mga kinatawang PilipinoY Anong mga kapanganiban ang nakikita sa kanila ng Pamahalaan? Isa sa tatlong bagay: 0 sila'y lalabas na mapanggulo 0 mapaglangis 0 kaya'y lalabas na gaya ng nararapat. Ipagpalagay nang kami'y nahulog sa lalong balighong pagkamapag-walang pag-asa at tanggapin namin ang paglait 11 Tumutukoy ito sa mga kinatawang pilipino sa mga Batasang-bansa sa Espanya.


165 na malaki man para sa Pilipinas ay lalo namang malaki para sa Espanya, na ang lahat ng mga Kinatawan ay maging mahilig sa paghiwalay ng Pilipinas sa Espanya at sa lahat ng kanilang mga panukala'y pinagtitibay ang mga kaisipang pilibustero, ay wala ba roon ang nakararaming mga kastila at mga makabayan, upang makasalungat sa kanilang layon at malabanan iyon? At ito'y hindi ba magkakahalaga nang higit sa sama ng loob na bumabalisa at lumalaganap sa sinapupunan ng tahanan sa mga dampa at so. mga bukirin? Tunay ngang hindi pinanghihinayangan ng mga kastila ang karulang dugo kung ang pinag-uusapa'y ang pagkamakabaya.,n nguni't hindi ba lalong mabuti ang paglalaban ng mga simulain sa Kapulungang-bayan kaysa pagpapalitan ng punlo sa mga lupaing malusak, na ang layo ay may 3,000 legwa buhat sa Espanya sa pagitan ng mga kagubatang di mapasok, sa ilalim ng isang araw na naglalagablab 0 sa bayo ng malakas na unos ng ulan? Iyang payapang paglalaban ng isip at ng talino, tangi sa nagiging sukatan para sa Pamahalaan, ay nagtataglay ng kalamangang lalong mura at maluwalhati, sapagka't ang Kapulungang Bayan ng Espanya ay sadyang masagana sa mga dalubhasa sa pananalita, na di maaaring magapi sa larangan ng talumpatian. Bukod dito'y sinasabing ang mga Pilipino ay mapagwalang-bahala at matahimik; kung gayo'y ana nga ang sukat ikatakot ng Pamahalaan? Hindi ba siya may lakas sa paghahalal ng mga kinatawan? Sa katotohana'y ang ganyan ay isang pagbibigay ng malaking dangal sa mga "pilibustero" kung sila'y katatakutan sa gitna ng mga Kapulungan ng Espanya. Kung ang mga kinatawa'y lumabas na mga mapaglangis, na gaya ng inaasahan, at hindi malayong man gaging gayon nga, ay lalong mabuti para sa Pamahalaan at lalo namang masama para sa mga nangaghalal sa kanila. Sila'y magiging ilang boto pang kasang-ayon ng Pamahalaan at lubos na matatawanan nito ang mga "pilibustero", kung mayroon man. Kung ang mga kinatawan nama'y maging gaya ng nararapat, mararangal at tapat sa kanilang tungkulin, ay di malayong makayamot, dahil sa kanilang pagtatanong sa Ministrong mangmang at walang kakayahan, nguni't sila'y makatutulong naman sa kanya sa pamamahala at sila'y magiging ilan pa sa mga taong mararangal sa piling ng mga kinatawan ng bansa.


166

Ngayon, kung ang tunay na sagwH ng mga kinatawang pilipino ay nababatay sa sinasabing pagkaamoy igurot nila, na di magpatahimik sa gitna ng Senado, sa magilas na heneral na si G. Salamanca, at sa G. Sinibaldon de Mas, na nakakita nang malapitan sa mga igurot at nagnais na mabuhay na kasama nila, ay siyang makapagpapatunay na ang maaaring maging pinakamasama nilang arno ay hindi na babaho pa sa pulbura at hindi mapag-aalinlanganang si Ginoong Salamanca ay hindi natatakot sa gayong amoy. At kung wala namang ibang dahilan kundi ito lamang, ang mga pilipino, na sa kanHang bayan ay may ugaling maligo araw-araw, kung maging mga Kinatawan na ay maaaring magbago ng gayong napakaruming kaugalian sa panahon man lamang ng pagbabatas, upang huwag makagambala dahH sa amoy ng pagkakapaligo sa maselang pang-amoy ng mga Salamanca. Sayang lamang na sagutin pa ang Hang salabid na dinadaliri ng Hang m'akisig na manunulat tungkol sa balat, na ang kulay, humigit\kumulang, ay kayumanggi, at mga muk路 hang, humigit kumuLang, ay may matulis na ilong. Tungkol sa mga suliranin ng kagandahan, bawa't lahi ay may kanikanyang sariling sukatan; and Kainsikan, halimbawa, na may 414 na angaw na mamamayan, at may kabihasnang napakatanda, ay may palagay na pawang pangit ang lahat ng taga-Europa, na kung tawagin nila'y Fan-Kuai, 0 kaya'y "mga dimonyong pula". Mahigit na 100 angaw ang mga kasang-ayon ng kanHang panuntunan tungkol sa kagandahan kaysa panuntunan ng mga taga-Europa. At saka, kung ito ang pag-uusapan, ay kailangan nating tanggapin ang kababaan ng uri ng mga "latino", laIo pa ng mga kastHa, kung itutulad sa m ga "sahon", na siyang lalong mapuputi. At habang hindi sinasabing ang Kapulungang Bayan ng mga kastila ay binubuo ng mga Adonis, Antonio, may kawili-wiling mukha ng mga bata at iba pang mukhang anghel na katulad nila; samantalang doo'y napatutungo upang gumawa ng batas at hindi upang magsapilosopong katulad ni Socrates 0 magpalikwad-likwad sa daigdig ng guniguni lamang, inaakala naming ang Pamahalaan ay hindi dapat mag-urong-sulong sa harap ng mga pasubaling ganyan. Ang Karapatan ay walang balat at ang Katuwiran ay walang ilong.


167 Hindi nga kami makakita ng anumang mabigat na dahilan upang ang Pilipinas ay hindi magkaroon ng mga kinatawan. Kung magkakaroon ay matatahimik na ang maraming hindi pasisiyahan, at sa halip na ibuhat ng bayan ang mga kasamaan niya sa Pamahalaan, gaya ng nangyayari ngayon, ay titiisin niyang mabuti, sapagka't sa paanu't paano ma'y maaari siyang makaraing, at sapagka't kung may mga anak siyang kasama ng mga mambabatas, pati naman siya, kahit paano, ay magkakapanagutan sa kanilang mga gawain. Hindi namin malaman kung nakapaglilingkod kaming mabuti sa tunay na kapakanan ng aming bayan sa paghingi ng mga kinatawan. Nalalaman naming kakulangan ng kabihasnan, ang pagkakimi, ang tanging pagtingin sa sarili ng maraming kababayan namin, at ang kapangahasan, ang katusuhan at ang mga kaparaanang makapangyarihan ng mga nagnanais na mamalagi roon ang karimlan, ang pagbabagong ito ay maaari nilang gawing isang makamandag na kasangkapan. Nguni't ibig naming maging tapat sa Pamahalaan at itinuturo namin sa kanya ang daang sa palagay namin ay siyang pinalfamabuti, upang ang mga pagsisikap niya'y huwag mawalangsaysay, at upang mawala ang mga hindi nasisiyahan. Kung matapos maitatag ang ganitong lubos na makatarungan at kailangang kaparaanan, ang bayang Pilipino'y maging isang hangal at duwag na magtataksil sa kanya na ring sariling kapakanan, kung magkagayon, ay lumagpak sa kanya ang lahat ng kapanagutan at magtiis ng lahat ng kahihinatnan. Ang bawa't bayan ay may kapalarang sa kanya'y nararapat, at masasabi ng Pamahalaang siya'y nakatupad na sa kanyang tungkulin. Ang mga ito ang dalawang pagbabagong lalong mahalaga, na kung mapakakahuluganang mabuti at magagamit ay maaaring makapawi ng mga ulap, makapagpatibay ng pagmamahal sa Espanya, at makapagpapabunga sa iba pang nahuhuli. Ito ang mga pagbabagong kung tawagin ay sine quibus non-na di maaaring ibahin. Isang kamusmusan ang pagkatakot, na, dahil sa ganyang mga pagbabago ay dumating ang pagsasarili. Ang malayang pahayagan ay siyang magpapakilala sa Pamahalaan, ng mga tibok ng dam darning bayan, at ang mga Kinatawan, kung siyang pinakamabubuti sa mga anak ng Pilipinas, bagay na siyang nararapat mangyari, ay siya na ring magiging pinaka-


168 sanla. Kung walang dahilan ng pagkawalang kasiyahan, ay ana ang gagamiting pampagalit sa mga mamamayan? Hindi rin matatanggap ang di-kabagayang sinasabi ng ilan, tungkol sa kakulangan ng pagkamulat ng karamihan sa mga mamamayan. Tangi sa hindi naman tutoong kulang, gaya ng ipinalalagay, ay walang katuwirang kapuri-puri, upang ang isang mangmang at walang magkandili (dahil sa kasalanang sarili 0 ng iba) , ay pagkaitan ng Kinatawang makapagmamalasakit sa kanya upang huwag siyang lapastanganin. Siya pa naman ang lalong nangangailangan niyaon. Vvalang sinumang mahuhubdan ng pagkatao; walang sinumang mawalalan ng karapatan sa kabihasnan, dahil lamang sa humigit-kumulang ay hindi siya nag-aral, at yamang ipinalaIagay na ang pilipino ay isang mamamayang may kakayahan kapag siya'y hinihingan ng buwis at ng dugo upang ipagtanggol ang inang bayan, ano't ikakait sa kanya ang kakayahang iyan kapag ang pag-uusapan na'y ang pagkakaloob sa kanya ng isang karapatan? At saka, ano't siya'y papananagutin dahil sa kanyang kamangmangan, gayong inaamin ng ~ahat, kaibigan at kaalit man, na ang kanyang pagsusumakit na makapag-aral ay totoong malaki, na bago dumating ang mga Kastila silang lahat ay marunong nang bumasa at sumulat at gaya ng nakikita natin ngayon, ay sumusuong sa maraming pagpapakasakit ang angkang pinakasahol sa kabuhayan upang ang kanilang anak ay makapagaral nang kaunti, hang gang sa sila'y napaaalila upang matuto kahit man lamang ng wikang Kastila? Paanong mahihintay na matuto ang bayan sa kasalukuyang katayuan, gayong nakikita nating anumang atas ng Pamahalaan upang paunlarin ang pagtuturo, ay natitisod sa mga Pari Reziong pumipigil sa ikatutupad ng gayon, sapagka't nasa-kanilang kamay ang tinatawag na pagtuturo? Kung ang Pilipino nga ay sapat na matalino upang makapagbayad ng buwis, ay dapat na maging matalino rin naman upang maghalal at magkaroon ng isang magmamalasakit sa kanya at sa kanyang mga kapakanan, na ang mga bunga ng mga ito ay ipinaglilingkod niya sa pamahalaan ng kanyang bansa. Kung mangangatuwiran nang maiiba pa sa rito, ay mapaparis sa tinatawag na pangangatuwirang pabalisunsong. Kung tatanuran ang mga batas at ang mga gawain ng mga may kapangyarihan, ang salitang katarungan ay maaaring magsimula sa di na pagiging isang pang-uyam sa mga


169

bayang nasasakupan. Ang lalong Ipmaglgmg kagalanggalang ng mga ingles sa mga bayang nasasakupan nila ay ang mahigpit at madaling paggagawad ng katarungan, at dahil dito'y inilalagak ng mga mamamayan ang buong pagtitiwala nila sa mga hukom. Ang pagkamaka-katarungan ang siyang dapat maging unang katangian ng mga lahing naghaha's ik ng kabihasnan. Nadaraig ng katarungan' ang mga bansang lalong malulupit; and katarungan ay nakapagpapahimagsik sa lalong mahihina. Ang pagkakaloob ng mga katungkulan at mga gawain ay dapat idaan sa pagsusulit at ang mga gawang isinali at ang mga pasiya ay nararapat ilathala nang magkaroon ng pampasigla at huwag mamaibabaw ang hindi kasiyahan. Kung ganito ang gagawin at ang indiyo'y hindi magwawaksi ng kanyang pagwawalang-bahala at katamaran ay hindi siya mCL"kakikibo kahit na makitang aug lahat ng mga tungkulin ay ginagampanan ng mga kastila. Ipinalalagay na~ing hindi ang mga kastila ang matatakot na sumuong sa g~nitong labanan; sa gayong paraan ay mapatutunayan ang higit nilang kataasan sa pamamagitan ng higit na kataasan ng kanilang talino. At bagaman ito'y hindi pinagkaugalian ' sa Espanya, ay dapat isagawa sa mga bayang nasasakupan, yamang kinakailangang hanapin ang tunay na kapurihan sa pamamagitan ng mga katangian ng budhi, sapagka't ang mga mananakop ay dapat na maging mga taong makakatarungan, matalino at matapat o kaya'y magkunwa man lamang na gayon nga, gaya ng pangyayaring ang isang tao ay nagpapamalas ng kabaitan kapag nakikitungo sa mga hindi kakilala. Ang mga gawain at tungkuling natamo sa gayong paraan ay hindi maaaring bawiin at sukat sa isang tao, bukod sa makalilikha ng mga kawani at mga tagapamahalang may sadyang kakayahan at nakakikilala ng kanilang hinahawakang tungkulin. Ang mga tungkuling ginagampanan ng mga Indiyo sa halip na ikapanganib ng kapangyarihan ng Espanya, ay siya pa ngang magiging suhay niyaon, sapagka't ana ang magiging dahilan ng paghahangad nilang mapalitan ang isang bagay na tiyak at palagian, laban sa hindi tiyak at masuliranin? Tangi sa rito, ang Indiyo ay maibigin sa kapanatagan, at minamabuti na ang isang kasalukuyang walang dingal kaysa isang maningning na kinabukasan. Magsalita yaong maraming kawaning Pilipino na hanggang ngayo'y nasa-kanila pang


170 pinapasukan: sila ang pinakatahimik na tagapagpamalagi ng mga bagay na natatatag na. May ibang mga pagbabagong maidaragdag kami tungkol sa pangangalakal, pagsasaka, kapanatagan ng tao, ng mga ariarian, pampaaralan at iba pa; nguni't ang mga ito'y mga suliraning nunuynuyin namin nang bukod sa ibang lathalain. N gayon, ay masisiyahan na kami sa mga pinakabalangkas, at baka pa masabi ng sinuman na malabis naman ang aming hinihingi. Hindi mawawalan ng ilang taong magpapalagay na kami'y mga utopico 0 mapangarapin: nguni't ana ba ang utopia? Ang Utopia ay isang bayang pinangarap lamang ni Thomas More, isang bayang lahat ng mamamayan ay may karapatang makapaghalal, may paggagalangan sa iba't ibang relihiyon, halos walang parusang kamatayan at iba pa. Nang ilathala ang maigsing kasaysayang ito, ay ipinalagay na ang mga bagay na nasabi'y parang bungang-tulog lamang na hindi mangyayari, alalaong baga'y nauukol sa utopia. Gayunman, ang bayan ng Utopia ay iniwan nang napakalaki ng kabihasnan; ang kalooban at ang budhi ng tao ay nakagawa ng lalong malalaking himala, inalis ang pang-aalipin at ang hatol na kamatayan laban sa pakikiagulo, jmga bagay itong hindi mangyayari kahit na sa Utopia na rin! Ang mga bayang sakop ng Pransiya ay may kanilang mga kinatawan. Sa mga kapulungang batasan ng Inglatera ay binabalak na pagkalooban din ng mga kinatawan ang mga bayang sakop na nasa-ilalim ng Korona, yamang ang mga ibang bayang sakop nila ay nagtatamasa na ng bahagyang pagsasarili; ang pahayagan do on ay malaya rin. Tanging sa Espanya lamang, na noong dantaong XVI ay siyang bansang uliran tungkol sa pananakop, ay may pagkakahuli. Ang Kuba at ang Puerto Rico, na ang bilang ng mga mamamayan ay hindi man lamang umaabot sa ikatlong bahagi ng sa Pilipinas, at hindi nakagawa alang-alang 'sa Espanya ng mga pagpapakasakit na ginawa ng Pilipinas, ay maraming kinatawan. Ang Pilipinas ay nagkaroon din naman noong mga unang araw, ng kanyang mga kinatawan, na siyang nakikipag-alam sa mga hari at sa Papa hinggil sa mga pangangailangan ng bansa; nagkaroon nga ng mga kinatawan noong mga sandaling mapanganib para sa Espanya, noong ito'y humihibik sa ilalim ng pamatok ni Napoleon, at hindi sinasamantala ng mga kinatawang yaon ang kasawian ng


171 Espanyang nakasasakop sa kanila, na gaya ng ginawa ng iba:ng bayang sakop, bagkus pa nga'y laIc nang pinakahigpit ang buklod na sa kanila'y nag-uugnay sa Espanya, at sa ganito'y nakapagpamalas ng katunayan ng kanilang katapatan; nagpatuloy sila sa gayong kalagayan sa loob ng marami pang taon. Anong mahigat na pagkakasala ang nagawa ng Kapuluan upang sa gayo'y alisan siya ng mga karapatan? Sa kabuuan: ang Kapuluang Pilipinas ay magpapatuloy na sakop ng mga Kastila, kung siya'y mapa pas ok sa daan ng kabuhayang napapaloob sa mga batas at may kabihasnan, kung igagalang ang mga karapatan ng kanyang mga mamamayan, kung sa kanila'y igagawad ang iba pang karapatang nararapat sa kanila, kung ang malayang pamamalakad ng pamahalaan ay magaganap nang walang salabid at mga kahidhiran, walang mga pailalim na kagagawan at wala ring paimhahaw at hidwang pagpa,pakahulugan. Sa kahilang dako, kung ang ibig makita sa Kapuluang Pilipinas ay isang kayamanang mapagsasamantalahan, isang路 dagisunan upang ll(abigyang kiasiyahan ang mga mapagimbot, upang mailigt<;ls sa mga bl11wis ang Espanya, mapapagdumali ang "inahing manok na nangingitlog ng ginto," at ipinid ang pandinig sa lahat ng sigaw ng katwiran; kung magkakagayon, magpakalaki-laki man ng katapatan ng mga pilipino, ay hindi mapipigil ang pagkatupad ng mga makapangyarihang hatas ng Kasaysayan. Ang mga bayang sinasakop upang kasangkapanin sa layuning pulitiko 0 sa pangangalakal ng bansang nakasasakop, ay pawang nagtatapos sa pagsasarili, ang sabi ni Bachelet, at bago pa sinabi ni Bachelet ang ganito ay nasabi na ng lahat ng bayang sinakop ng mga penisiyo, kartago, griyego, romano, ingles, portuges at kastila. Walang alinlangang mahigpit ang ating pagkakabuklod sa Espanya; hindi mabubuhay na laging magkasama ang dalawang bayan sa looh ng tatlong dantaon, magkapisan sa iisang kapalaran, naghububo ng dugo sa iisang larangan, nananalig sa iisang pananampalataya, sumasamba sa iisang Diyos, nagtatalastasan sa iisang kaisipan, nang hindi man Iamang tutubo sa kanila ang buklod na lalo pang mahigpit kaysa ipinipilit ng mga sandata 0 ng pagkatakot; ang pagpapakasakit at pakikinabang ng isa't isa ay siyang nakagagawa ng pagmamahalan. Si Machiavelo, ang dakilang


172 nakakikilala ng puso ng tao ay nagsabing: "Ia natura degli huomini, e cosi obligarsie per li beneficii che essi janno, come per quelli che essi recevono" (kaugalian na ng tao ang magbuklud-buklod, maging dahil sa mga pakinabang na ginagawa, at maging sa mga pakinabang na tinatanggap); ang lahat nang ito at higit pa sa rito ay tutoo; nguni't ito'y bunga lamang ng taal na pagkamaramdamin sapagka't sa mapait na larangan ng politika, ang mahigpit na pangangailangan at ang mga kapakanan ang siyang nakapangyayari. Gaano man kalaki ng utang ng mga Pilipino sa Espanya, ay hindi mahihingi sa kanilang itakwil ang kanilang katubusan, na ang mga makakalayaan at mga mulat ay magpagala-galang parang itinapon sa kanilang sariling bayan, na bayaang malunod sa kanilang sariling kapaligiran ng lalong magagaspang na hangar in na ang mapayapang mamamayan ay mabuhay sa laging pangangamba, at ang kapalaran ng mga bayan ay mabitin sa anumang makahumalingan ng iisang tao; hindi maaaring tangkain ng Espanya, ni sa ngalan man ng Diyos, na ang anim na a gaw na mga tao'y mamuhay na parang hayop, na sila'y pagsamantalahan at api-apihin, pagkaitan ng liwanag at ng mga karapatang katutubo sa isang tao, at pagkaraan ay kulapulan sila ng pag-alipusta at paglait; hindi, walang pagkilala ng utang na loob na masasangkalan, walang sapat na pulbura sa daigdig na makapagbibigay matuwid sa mga pagtatangka laban sa kalayaan ng tao, laban sa kabanalan ng tahanan, . laban sa batas, laban sa kapayapaan at sa karangalan, mga pagtatangka itong ginawa roon araw-araw; walang Kadiyusang makapamamahayag ng pagpapakasakit ng lalong mahal nating damdamin, ng pagpapakasakit ng ating angkan, ng mga kalapastanganan at mga panggagahasang ginagawa niyaong mga lagi nang namimilaylay sa labi ang ngalan ng Diyos; walang sinumang makahihingi sa bayang pilipino ng isang bagay na di-mangyayari; ang marangal na bayang kastila, na tutoong mairugin sa kanyang mga kalayaan at mga karapatan ay hindi makapagsasabi sa kanyang talikdan na ang ganang sariling kalayaan at karapatan; ang bayang nalulugod sa mga kalwalhatian ng kanyang kahapon ay hindi makahihingi sa ibang hinubog niya na tanggapin nito ang kaalipustaan at kasiraang-puri ng kanyang pangalan! Kaming nakikipaglaban ngayon sa larangang napapaloob sa batas at mapayapang pakikipagtalo, ay nakatatatap ng


173 gayon, at angkin ang kurong nakapako sa aming mga mithiin, ay hindi tutugot sa pagtatanggol sa aming usapin, nang di kailangang lumabas sa hanggahang itinatakda ng batas; nguni't kung bago ito mangyari ay patahimikin kami ng lakas 路0 sa kasamaang-palad ay rnalugmok (bagay na maaaring mangyari, sapagka't kami'y may kamatayan), kung magkagayon ay hindi namin alam kung anong landasin and tutuntunin ng maraming supling na susunod sa am in na may katas na lalong mabuti, at magsisisugod upang mag~ sihalili sa katayuang iniwan namin. Kung ang ninanasa nami'y hindi mangyari . . . Sa harap ng kasamaang-palad na maaaring mangyari, ang kailanga'y huwag tayong umurong dahil sa takot at sa halip na magpikit ng mata, ay pamukhaang harapin natin ang maaaring idulot ng darating na panahon. At sa ganitong layon, matapos maipukol ang isang dakot na buhanging inihahandog sa mga Cancerbero .12 ay manaog tayong palagay ang loob sa bangin, upang arukin ang kanyang kakila-kilabot na mga hi waga.

IV Walang natatala sa kasaysayan na anumang nagluwat na pananakop ng isang bayan sa kapwa bayang di kalahi, may mga gawi't kaugaliang magkaiba, at may mga mithiing magkasalungat 0 hindi magkatugon. Isa sa dalawa'y hindi maaaring di sumuko 0 mahandusay, dayuha'y naitaboy, gaya ng nangyari sa mga Kartago, mga Arabe, at mga Pranses sa Espanya, 0 kaya'y ang mga mamamayang katutubo noon ay napilitang sumuko, 0 mangagsiurong na gaya ng nangyari sa mga mamamayan sa bagong lupalop ng Australya, Nuweba Selanda at iba pa. Isa sa lalong mahabang pananakop ay ang ginawa ng mga Arabe sa Espanya, na tumagal nang may pitong dantaon. Nguni't bagaman namuhay ang mga manunuklas na dayuhan sa sinapupunan ng bayang nasakop; bagaman nagkahati-hati ang Espanya sa maliliit na kaharian at nagsisipot nang unti-unti, katulad ng maliliit na pule sa gitna ng gayong kalaking baha ng mga saraseno; sa kabila ng diwang makamaginoo, ng kagilasan at ng hindi pagkamainuhin sa ibang relihiyon ng mga kalipa, ay naitaboy rin sila sa huli, pagAlinsunod sa alamat ng mga griyego, ang "cancerbero" ay isang asong may tatlong ulo na nagbabantay sa mga pinto ng impiyerno. l!l


174 katapos ng mga madugo at walang tantang paghahamok, na siyang ikinabuo ng Bayang Kastila, at siyang lumikha sa Espanya noong mga dantaong XV at XVI. Nalalaban sa lahat ng batas ng katalagahan at ng budhi ang pagkakaroon ng naiibang katawan sa loob ng isang katawang may sariling lakas at buhay. Ang agham ang siyang nagtuturo sa atin na ang naiibang katawang iyon ay maaaring mahigop 0 pumatay sa katawang pinasok 0 kaya'y mawaksi nang unti-unti 0 mapapagbalantukan. Ang pagiging balantukan ng isang bayang mangangamkam sa katawan ng ibang bayan ay hindi mangyayari, kailanma't nangangahulugan ng ganap na pagkakatiwalag, lubos na kawalang galaw, panlulupaypay ng bayang nanalo. Ang pagbabalantukan, sa bagay na ito ay nangangahulugan ng libingan para sa dayuhang manlulusob. Kung gayon nga: kapag inilapat ang mga kuru-kurong ito sa Pilipinas ~ ay sapilitang mahihinuha natin, bilang katapusang buho'i ng lahat ng aming sinabi, na kung hindi makakawangki ang kanyang mga mamamayan ng mga mamamayang kastila, kung hindi maaangkin ng mga mananakop ang diwa ng mga mamamayan, kung ang mga batas na naaayon sa matuwid at ang mga pagbabagong matapat at makakalayaan ay hindi makapagpapalimot sa isa't isa ng pagkakaiba ng kanilang mga lipi, 0 kung ang dalawang bayang iya'y hindi magkakapisan upang bumuo ng isang katawang panlipunan at pampulitika, na may iisang uri, na hindi nililigalig ng magkakasalungat na mga layunin at magkakalabang mga palagay at kapakanan, ay ipahahayag ng Pilipinas, balang araw, na hindi mapipigilan, at hindi magkakabula, ang kanyang pagsasarili. Laban sa batas na ito ng tadhana ay hindi makahahadlang, ni ang pagkamakabayan ng mga kastila, ni ang maugong na pagsisigawan ng lahat ng mga naghahari-harian sa kabilang ibayo ng dagat, ni ang pagmamahal sa Espanya ng lahat ngPilipino, ni ang malabong kinabukasan ng pagkakahiwalay ni ang mga paglalabanang panloob ng mga pula. Ang pangangailangan ay siyang pinakamakapangyarihang Diyos na nakikilala ng daigdig, at ang pangangailangan ay siyang bunga ng mga batas ng lakas na pinagagalaw ng mga lakas ng budhi. Sinabi namin, at ang mga talaan ang nagpapatutoo, na hindi maaaring lipulin ang liping pilipino. At sakali mang ito'y maaaring magawa, ano ang mapapala ng Espanya sa


175 paglipol sa mga mamamayan ng isang lupaing hindi naman niya mapamamayanan, ni hindi mabubungkal at ang singaw ng panahon ay makasasama pa sa kanya? Ano ang magiging katuturan sa kanya ng Pilipinas na walang mga pilipino? At, dahilan nga sa kanyang kaparaanan ng pananakop at sa uring pansamantala lamang ng mga kastilang pumaparoon sa kabilang ibayo ng dagat, ang isang bayang nasasakop ay lalong dumarami ang bilang ng mga mamamayan at lumalaki ang kanilang kayamanan. At saka, upang mapuksa ang anim na angaw na malayo, kahit ipagpalagay mang ang mga ito'y nasa-kamusmusan pa, at hindi pa marunong lumaban upang magtanggol sa sarili, ay kinakailangang isubo ng Espanya sa pagpapakasakit ang hindi kukulangin sa ikaapat na bahagi ng kanyang mga mamamayan. Ito'y ipinaaalaaia namin sa mga kasang-ayon sa pagsasamantala't' paninipsip sa mga bayang nasasakupan . Nguni't walang naunang mangyayaring gaya nito. Ang lalong malapit na mangyari'y 'kapag ang pagtuturo't ang mga kaluwagang kinakailangan sa buhay ng tao ay ipinagkait ng Espanya sa mga pilipino, ang mga ito'y hahanap ng kanilang katutut han sa ibang lupain, nang lingid sa lnang Espanya, at ma:g sisikap silang magkaroon, sa anumang paraan, ng ilang kaginhawahan para sa kanilang bayan. Ang kalalabasan ay ito: na ang pagsalansang ng mga pulitikong aninaw at yayat ang pagkukuro, ay hindi lamang wa1ang kabu1uhan, kundi makasisira pa, sa dahilang yaong maaari sanang maging dahil ng pagkilala ng utang na 100b at ng pag-ibig, ay mahahalinhan ng pagdaramdam at pagkapoot. Pagkapoot at sam a ng 100b, sa isang dako, paghihinala at ga1it sa kabila, ay magtatapos, sa wakas, sa isang makagigimbal at makakikilabot na banggaan; lalo na sa dahilang may mga taong naghahangad na mabulahaw ang kaayusan, upang makapangisda kahit bahagya, sa malabong tubig, upang makapagpakilala ng kanilang kapangyarihan, upang makapagpahayag ng mga hinaing, manisi 째 kaya'y maging sanhi ng mararahas na kaparaanan, at iba pa. Maaaring maasahan ang pagtatagumpay ng Pamahalaan, at karaniwan nang (ito ang kinaugalian) siya'y magpakalabis sa pagpaparusa, upang sa ganito'y makapagbigay ng kakila-kilabot na pampadala at nang maipagparangalan ang kanyang ka1upitan, 0 kaya nama'y maipaghiganti sa ta1unan ang mga


176 sandali ng pagkatakot at pagkabakla na ipinaranas sa kanya ng panganib. Hindi maiiwasang kaugnay ng mga walang sala at mapayapang mamamayan. Ang mga sari-sariling paghihiganti, ang mga pagsusuplong, ang mga imbing pagsasakdal, ang mga pagtatanim, ang pag-iimbot ng ari ng iba, ang sandaling nababagay sa paninirang puri, ang pagmamadali at mga kaparaanang pang-agaran ng mga hukumang militar, ang pagdadahilang ukol sa kabuuan ng Bayan at ng pangangailangan ng Bansa, na nakasasaklaw at nakapagpapataba sa lahat, maging sa mga may budhing mapaghinala, na ngayon sa kasaliwaang-palad ay bihi-bihil'a na, at higit sa lahat ang labis na pagkatakot, ang karuwagang nagpapaali-aligid sa natalo, ang lahat nang ito'y mga bagay na nakararagdag ng kalupitan at ng bilang ng mga sinasawi. Ang nangyayari'y may isang sapa na ng dugong namamagitan ngayon sa dalawang bayan; na ang mga nasugatan at ang mga nagdaramdam, sa halip na umunti ay lalong dumarami sapagka't sa mga angkan at kaibigan ng mga nagkasala, na kailanma'y magpapalagay na labis ang parusa at hindi makatarungan ang hukom, ay kailangang idagdag ang mga kaanak at mga kaibigan ng mga walang kasalanan, na hindi nakakikita ng anumang kabutihan sa buhay at sa masunurin at payapang paggawa. At saka, nararapat dilidilihin na kung ang mga kaparaanang malulupit ay mapanganib sa gitna ng isang bansang binubuo ng mga taong magkakaisang-puri, ang panganib ay nagkakapatung-patong nang makasandaan kapag ang Pamahalaan ay binubuo ng mga taong iba ang lahi kaysa pinamamahalaan. Sa nauna, ang isang pagkukulang sa katarungan ay maaari pang maibuhat sa iisang tao lamang, alalaong baga'y sa namamahalang ibinunsod lamang ng sariling simbuyo ng kalooban, at kung mamatay na ang naghahari-harian, ang nagalit ay nakikipagkasundo na sa Pamahalaan ng kanyang bansa, nguni't sa mga bayang nalulukuban ng isang lahing banyaga, ang kabagsikang lalong wasto ay pinakakahuluganang isang kawalang-matwid at paniniil, dahil sa ang nag-uutos ay isang taong dayuhan, na walang paggiliw sa bayan 0 kaya'y sapagka't kaaway ng bayan, ang paghamak ay hindi lamang paghamak sa hinahamak kundi sa buong lahi niya, sapagka't yao'y hindi karaniwang ipinalalagay na ukol sa sariling pagkatao, lamang; kaya't ang pagdaramdam, gaya ng nararapat hintayin, ay umaabot sa buong lahi ng namamahala at hindi namamatay na kasama ng nagkasala.


3.77

Dahil dito'y kinakailangan ang walang sukat na kabaitan at maselan.g pakiramdam na dapat maging hiyas ng mga bayang sakop, at lalo na ang Kagawaran ng mga bayang sakop sa kabilang ibayo ng dagat, na, parang paaralang sanayan ay nakatutulong nang malaki sa ikatutupad ng dakilang batas na ang mga bayang nasasakop ay magpahayag, malao't madali, ng kanilang pagsasarili. Kaya sa ganyang bangin nangahuhulog ang mga bayan; samantalang naliligo sa dugo at natitigmak ng kapaitan at ng luha, ang bayang sakop kung may sigla at lakas ay natututong lumaban at magpakasanay sa pakikihamok, samantalang ang lnang Bayang sumasakop, na ang pagkabuhay sa bayang nasasakupan ay nasasandig lamang sa kapayapaan at sa pagkamasunurin ng kanyang mga nasasakupan, ay nanghihina sa bawa't pagkakataon, at gumawa man sa wakas ng malabayaning pagpupunyagi, sa dahilang ang kanyang tauhan ay kakaunti, at ang kanyang buhay ay paimbabaw lamang, ay natatapos sa pagkamatay. Ang nakakatulad niya'y'isang mayamang mapagpasasa na namihasang paglingkuran ng maraming utusang nagsisigawa at nagtatanim para sa kanya; sa araw na ang kanyang mga alipin ay tumanggi sa pagsunod, palibhasa'y hindi siya nabubuhay sa sariling lakas, ay walang salang siya'y rnamamatay. Ang mga paghihiganti, ang pagkawalang-katarungan at mga paghihinala sa isang dako, at sa kabilang dako nama'y ang damdaming makabayan at ang pag-ibig sa kalayaang magigising sa ganyang walang tugot na paglalaban, mga paghihimagsik at pagbabangon ay magtatapos sa pagpapaging pangkalahatan ng kilusan at ang isa sa dalawang bayan ay sa pilitang magugupo. Ang pagwawalang-bahala ay hindi magluluwat, sapagka't ang gayo'y makakatumbas ng pagkaaliping lalo pang malupit kaysa kamatayan na rin para sa bayan, at isang kahiya-hiyang kawalang-puri naman para sa nakapangyayari. Ang isa sa dalawang bayan ay sapilitang malulu,gmok. Ang Espanya, dahil sa bilang ng kanyang mga mamamayan, dahil sa katayuan ng kanyang mga kawal na panlupa at pandagat, dahil sa kalayuan ng kinaroroonan ng kapuluan, dahil sa kakauntian ng pagkakilala sa mga iyon, at dahil sa pakikibaka sa sambayanang nawalan na ng pag-ihig at kagandahang-loob sa kanya, ay mapipilitang pahinuhod, kung di rin lamang ibig niyang isapanganib, hindi lamang 006700-12


178

ang iba niyang nasasakupan at ang kanyang kinabukasall sa Aprika, kundi pati na rin ng kanyang kasarinlan sa Europa. Ang lahat ng ito'y magkakahalaga ng maraming dugo, maraming krimen, pagkaraan ng makalagot-buhay na paghahamok, mga pagpatay, panununog, pamamaril, gutom, paghihikahos at iba pa. Ang kastila ay matapang at makabayan, at ang lahat ay ipinagpapakasakit sa mabuting pagkakataon, alang-alang sa lnang Bayan: siya'y nagtataglay ng kapusukan at paninibasib ng kanyang , toro; hindi rin kakaunti ang pag-ibig ng Pilipino sa kanyang bayan, at bagaman siya'y lalong matahimik, mapayapa at mahirap pagalitin, kailanma't nasuong na, ay hindi umuurong, at sa ganang kanya'y lahat ng paghahamok ay nangangahulugan ng kamatayan ng isa sa dalawang magkalaban; sinisimpan niya ang lahat ng kaamuan at lahat ng kasugiran at katapangan ng kanyang kalaban. Ang singaw ng panahon ay nananaig din na may bisa sa mga hayop na dalawa ang paa at sa apat ang paa. Ang mga kakila-kilabot na aral at malulupit na kaalamang naidulot sa mga pilipino ng ganitong mga paglalaban ay nagkal'oon ng katuturan, marahil, upang gisingin ang kanyang damdamin at bigyan ng lakas. Ang Espanya, nang dantaong XV ay hindi na ang Espanya noong dantaong VIII. Dahil sa naging matinding karanasan niya, sa halip na ang iba't ibang pulo ay maglalaban-Iaban, gaya ng karaniwang pinangangambahan ay nag-abut-abutan sila ng kanilang kamay katulad ng mga nalulunod kapag dumarating na sa isang pulo, pagkaraan ng isang kakila-kilabot na gabi ng sigwa. Huwag sabihing baka mangyari sa amin ang nangyayari sa Hang maliliit na republika sa Amerika. Madaling naagaw ng mga ito ang kanilang kasarinlan at ang kanilang mga mamamayan ay pinasisigla ng isang diwang kaiba ng sa mga ,pilipino. At saka ang panganib na baka sila'y mahulog na muli sa ibang kamay: ng mga ingles 0 ng mga aleman, halimbawa, ang siyang pipilit sa kanilang magpakatino at mag-ingat. Sa kanila'y walang isang lahi,n g higit na nakapananaig sa iba, at ito'y siyang maglalayo sa kanilang isipan ng lahat ng baliw na paghahangad na maging panginoon ng iba; at sapagka't ang hilig ng mga bayang sinisiil, kailanma't maibsan na ng pamatok, ay ang pagtatatag ng pamahalaang lalong malaya, katulad ng isang batang bagong kalalabas sa kolehiyo, gaya rin ng pagpapakiling-kiling ng pabitin ng relos (pendulo), dahil sa batas ng pagbaba-


179

gong kilos ay di sasalang mamabutihin ng Kapuluan ang pagiging isang republikang pederal . . . Kung matatamo ng Pilipinas ang kanyang pagsasarili pagkatapos, na puna ng kabayanihan at mahigpit na pakikihamok, ay matitiyak niyang ni ang Inglatera, ni ang Alemanya, ni ang Pransiya, lalo na ang Olanda, ay hindi mangangahas na dumampot sa hindi nakuhang mapanatili ng EspanyaY Ang Aprika sa loob ng Hang taqn, ay siyang makaaakit sa kalooban ng mga taga-Europa, at walarig bansang matino, na, upang makuha ang isang dakot lamang na pulong sanay sa pakikidigma at mahihirap ang buhay ay magpapabaya sa napakalalawak na mga lupaing inihahandog ng lupalop ng mga Negro, na hindi pa nabubungkal, hindi pa pinakikinabangan at halos hindi ipinagtatanggol. Ang Inglatera ay marami nang nasasakop sa dakong Silangan, at hindi itatayang mawala ang wastong pakikipanimbang; hindi niya babayaang mapanganyaya ang kanyang kaharian sa Indiya dahil sa maralitang Kapuluang Pilipinas; kung siya'y nagsisimpan ng ganitong hangarin, .ay hindi sana niya isinauli ang Maynila noong 1763; sana'y nagtira ng alinmang bahagi ng Pilipinas, upang mula roo'y makagapang nang unti-unti. Tangi sa rito, ana ang kailangang sumugba sa kamatayan ng mangangalakal na si John Bull dahil sa Pilipinas, sa ito'y hindi na naman siyang pinipintuhong Ginang sa Silangan, sapagka't naririyan naman ang Singgapur, Hong-kong, Shanghay at iba pa? Marahil ay ikagagalak pa nga ng Inglatera ang pagsasarili ng Pilipinas, sa dahilang mabubuksan nito sa kanya ang mga sariling daungan at mabibigyan siya ng higit na kaIuwagan sa pangangalakal. Tangi sa rito, sa Inglatera ay may mga hllig at mga palagay na labis-Iabis na ang bilang ng mga bayang nasasakupan niya, at ang mga ito'y nakapipinsala at nakapagpapahina nang di gayon lamang sa bansang Ingles. DahlI din sa gayong mga kadahilanan ay hindi nanaisin ng Alemanya na makipagsapalaran, sapagka't ang munting di-pagkakatimbang ng kanyang mga lakas at ang digmaan sa malalayong Iupain ay ikapapanganib ng kanyang buhay sa Iupaing sarili; dahil dito'y nakikita natin na ang kanyang ginagawi maging sa Pasipik6 at maging sa Aprika, ay magkasya na Iamang sa magaang pagtuklas ng mga lupaing 1ll

Sa nilakad-la,kad ng panahon, ang hulang ito ni Rizal ay natupad:


180

hindi inaari ninuman. Iniiwasan ng Alemanya ang anumang pakikipagsigalot sa labas. Ang Pransiya naman ay marami pang gawain at nakatatatanaw siya ng lalong magandang kinabukasan sa Tongkin at sa Tsina, tangi sa ang diwa ng pranses ay hindi nagniningning sa hangad na magkaroon ng mga lupaing sakop. Iniibig ng Pransiya ang kalwalhatian, nguni't ito'y ang kalwalhatia't ang mga laurel na tumutubo sa larangan ng digmaan sa Europa; ang alingawngaw ng larangan ng digmaan sa Dulong Silangan ay hindi nakasisiya sa kanyang uhaw sa kabantugan, sapagka't kung dumating ay bawas na at mahina ang dagundong. Saka, tangi sa rito, ay mayroon pa siyang ibang tungkulin sa loob ng sariling bayan at gayundin sa ibang lupain sa Europa. Ang Olanda ay matino at masisiyahan na sa pagpapanatiling kanya, ng Molukas at ng Haba; ang Sumatra ay naghahandog sa kanya ng lalong magandang kinabukasan kaysa Pilipinas na ang mga karagatan at baybayin ay may masamang palatandaan para sa pandarayuhan ng mga tagaOlanda. . Ang Olanda ay nagmamaingat sa Sumatra at Borneo, sa takot na baka mawala ang lahat. Maituturing na ang Tsina'y maligaya kung siya'y makapagpapatuloy nang buo at nagkakaisa at hindi magkakahatihati, sapagka't kung hindi gayo'y paghahati-hatiin siya ng malalaking bansa sa Europa, na siyang nagsisisakop sa mga lupaing nasa-Lupalop ng Asya. 14 Ganito rin ang nangyayari sa Hapon. 15 Nasa-dakong Hilaga niya ang Rusya, na nagnanais kumamkam, at tumitiktik sa kanya; sa dakong Timog ay ang Inglatera, na sa kanya'y nakapapasok na hanggang sa wikang pampamahalaan. Tangi sa rito'y nasa-ilalim siya ng isang diplomasiyang europeo, na gayon na lamang kahigpit na h.indi niya makukuhang makapag-isip pa ng tungkol sa labas hanggang sa ang gayon ay kanyang maligtasan, bagay na hindi madaling ipahintulot sa kanya. Kung sa bagay ay totoo ngang labis-labis ang dami ng kanyang mga mamamayan, nguni't ang Korea 14 Sa kasamaang palad, ang Tsina ngayon ay nahahati sa Makabansang Tsina at Tsinang Komunista. Simula na kaya ito ng hula ni Rizal na ang paghahati-hatiin ng malalaking bans a sa Europa, yamang ngayo'y hindi na siya nabubuklod ng pagkakaisa? lGNang nakaraang digmaan ay namalas na tinangka ng Hapon na kamkamin at paghaharian ang Silanganang Asya, nguni't siya'y nagtamo ng malaking pagkabigo.


181

ay higit na nakaaakit sa kanya kaysa Pilipinas, at saka, tangi sa rito'y lalung madaling makuha. Marahil ang malaking republika ng Amerika,16 na may mga kapakanan sa Pasipiko, at hindi kahati sa ginawang pagbabaha-bahagi sa Aprika, ay siyang, balan g araw ay makaisip na rnagkaroon ng rnga sakop sa kabiLan g ibayo ng dagat. Hindi rnalayong m an gyaTi an g gayon, yamang ang halimbawa'y nakahahawa, ang pangan gamkam at ang pagiimbot ay siyang masasamang hilig ng mga malalakas, at ito na rin ang ipinahiwatig n ang bahagya ni Harrison nang mapag-usapan ang tungkol sa Samoa; nguni't n i ang Kanol ng Panama ay h indi pa nabubuksan n i h indi umaapaw sa darni ng mga mamamayan, ang lupang sarili ng Estados Unidos at kung sakaling hayagang magtangka siyang rnagkaroon ng mga sakop ay hindi siya bibigyan ng malayan g pagdaraanan ng mga bansa sa Europa, na nakaaalam na mabuti na ang kahayukan sa gutom ay pinatitindi ng mga unang suba. Ang Hilagang Amerika ay maaaring maging isang kaagaw na totoong kamuhi-muhi, kapag isinagawa ang gayon. Tangi sa rito, ang pananakop ay nalalaban sa kanyang matatandang alamat. Kaipala'y ipagsasanggalang ng Pilipinas, na tag lay ang di-maiulat na katapangan, ang kanyang kalayaang binili ng ma'raming dugo at mga pagpapakasakit. Sa pamarnagitan ng mga taong bagong sibol na magsisilitaw sa kanyang kandungan at kalakip ang alaala ng kanyang nagdaan , siya'y magsisikap, rnarahil na makapasok nang hayagan sa maluwang na landas ng pagkakasulong, at lahat ay rnagsisigawang sarna-sarna upang bigyan ng lakas ang lnang Bayan, maging sa loob at maging sa labas, taglay ang kasiglahan ng isang binatang muling mag-aararo sa mga lupain ng kanyang mga nuno na malaon ding nasira at natiwangwang dahil sa kapabayaan ng sa kanya'y nagsiagaw. Sa gayo'y muling huhukayin sa mga mina ang gin to upang lunasan ang karukhaan, ang bak:al upang magkaroon ng sandata, ang tanso, ang tingga, ang uling na bato at iba pa. Marahil , ang bayan ay manumbalik sa pamumuhay sa karagatan at sa pangangalakal, na siyang nananawagan sa rnga tuba sa 10 Ang hulang itong pinangangambahang mangyari ni Rizal ay natupad nang parito't digmain ng Estados Unidos ang mga kastila, sa tulong llg mga manghihimagsik na pilipino; nguni't matapos na mapipilan ang mga kastila ang mga amerikano'y nakadigma naman ng dating kakamping mga pilipin~ hanggang sa masakop niIa ang Pilipinas, pagsakop na nagkaroon n g maluwalhating putong ng' ganap na kalayaa't pagsasarili n g Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo ng Taong 1946.


182 kapuluan dahil na rin sa Kalikasan, sa kanilang mga kakayahan at sa kanilang mga hilig, at sa pagiging malaya uli, katulad ng ibong nakaalpas na sa kanyang kulungan, katulad ng bulaklak na bumubuka sa malayang hangin, at muling mabqbawi niya ang mga dating mabubuting katangian niya na unti-unting nawawala, at muling magiging maibigin sa kapayapaan, masaya, maligaya, nakangiti, bukas ang mga bisig sa nanunuluyan at matapang. Ito at ibang mga bagay pa ang maaaring mangyari sa loob ng sandaang taon humigit-kumulang. Nguni't ang lalong makatuwirang babala, ang hulang nababatay na pin akamabuting maaring mangyari ay maaaring sumala, sanhl sa mga kadahilanang walang kabuluhan at malayo. Dahll sa isang malaking salabay na kumapit sa sasakyang dagat ni Marco Antonio ay nagbago ang mukha ng daigdig; isang Kurus sa Kalbaryo at isang Makatwirang Taong ipinako sa kanya, ang nakapagpaiba ng kalooban ng kalahati ng sangkatauhan, at gayon man, bago dumating si Kristo, ay gaanong makakatarungang tao ang nagtiis ng kadustadustang kamatayan at ilang kurus ang hindi naitirik sa gulod na iyon! Ang kamatayan ng Makakatarungang Tao ay nagpabanal sa mga ginawa niya at pinapaging di-mapupuwing ang kanyang mga aral. Isang talabisbis sa digmaan sa Waterloo ang kinabaunan ng lahat ng kaluwalhatian ng may dalawampung ta6ng puspos ng kaningningan ng buong daigdig ni Napole6n, at nagpalaya sa Europa. Sa anong di-inaakalang mga pagkakataon maaring mabatay ang kapalaran ng Pilipinas? Gayunman, ay hindi mabuting magtiwala sa pagkakataon; may isang makatwirang pagkakaugnay-ugnay na hindi n araramdaman at hindi nawawatasan, kung minsan, sa mga pangyayaring nasa-Kasaysayan. Ang lalong mabuti'y makibagay sa kanya, maging ang mga bayan at muging ang mga pamahalaan. At dahil diya'y inuulit namin at uulitin kailanman, na, samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una'y umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay umaakit ng pagpapawalang halaga at ng poot. Yayamang kailangang ibigay sa may anim na angaw na pilipino 17 ang kanilang mga karapatan, upang maging parang tunay .na 17路Ngayo'y may dalawampu't 路isang angaw nang kaluluwa ang mga mamamayang pilipino.


183 kastila ay dapat iyong ibigay sa kanila ng Pamahalaan nang buong laya, at pagkukusang-loob, walang nakasusugat na mga pasubali, at walang nakapagngingitngit na paghihinala. Hindi kami mapapagod nang pag-ulit nito, samantalang may nalalabi sa aming isang kislap ng pag-asa: minamabuti na namin ang ganitong gawaing nakasusukal ng loob kaysa mapilitan, balang araw, na magsabi sa lnang Bayan ng ganito: "Espanya, ginugol namin ang aming kabataan sa paglilingkod sa iyong mga kapakanan nang higit sa kapakanan ng aming bayan; dumulog kami sa iyo, ginugol namin ang buong liwanag ng aming isip, ang buong lagablab at sigla ng aming puso upang makagawa ng ikabubuti ng sarili mo ring ari, upang matamo sa iyo ang isang sulyap ng pag-ibig, ang isang maluwag na pamamalakad na makapagbihigay ng kapayapaan sa aming inang-bayan at ng iyong kapangyarihan sa mga kakampi mo nguni't kulangpalad na mga pulo! Espanya, ikaw ay nagpakabingi, at balot ng iyong sariling pagmamalaki ay nagpatuloy ka sa iyong napakasamang landasin at pinaratangan mo pa kaming mga taksil, dahil lamang sa iniibig namin ang aming bayan, dahil sa sinasabi nami'n sa iyo ang katotohanan, at kinapootan nrunin ang lahat ng kawalang matuwid. 18 Ano ang ibig mong sabihin namin sa aming nagdaralitang bayan, kung itanong sa amin ang kinahanggahan ng aming mga pagpupunyagi? Sasabihin ba namin sa kanya, na yamang dahil sa kanya'y nawala na sa amm ang lahat, kabataan, kinabukasan, magagandang hagap, katahimikan, kaanak; yamang dahil sa paglilingkod sa kanya ay inubos na namin ang lahat ng lakas ng pag-asa, ang lahat ng pagkabigo ng aming adhikain, ay tanggapin naman niya ang labing sa ami'y wala nang kabuluhan, ang dugo sa aming mga ugat, ang lakas pang natitira sa aming mga bisig? Espanya! Sasabihin ba namin, balang araw, sa Pilipinas na ikaw ay walang pandinig sa kanyang mga paghihirap at kung ninanais niyang makaligtas ay kailangang siya na rin ang tumubos sa kanyang sarili?" 19 . 18 Gayunman, si Rizal, na sumulat ng mga katagang ito ay pinaratangang taksil sa Espanya, at siya'y binaril sa Bagumbayan nang ika-30 ng Disyembre ng 1896. 19 Isa ring hula at babala ni Rizal na nagkatutoo, gaya ng pinatutunayan ng paghihimagsik ng taong 1896, na siyang naging simula ng pagtubos ng bayang Pilipinas sa pagkaalipin ng kanya ring sarili.


SA AKING MAHAL NA INANG-BAYAN i i ESPANYA!! (Pahayag) *

Kapag ang isang baya'y hinubusalan, kapag niyuyurakan ang kanyang kamahalan, karangalan at lahat ng kanyang mga kaluwagan; kapag wala nang nalalabing kaparaanang naaalinsunod sa kautusan laban sa kalupitan ng mga umaapi sa kanya; kapag nagbibingi-bingihan sa kanyang mga daing, mga pagsamo at mga hibik, kapag pati pagtangis ay ipinagbabawal na sa kanya, kapag pinaknit na sa kanyang puso pati ng kahuli-hulihang pag-asa, . . . . . . kapag nagkagayon . . . . . . kapag nagkagayon! . . . . . . kapag nagkagayon! . . . . . . wala nang ibang lunas kundi ang labnutin ng nahihibang na kamay sa mga dambana ng panghihimagsik!

---------------------------------------------------------i----------------------. ----------------------~

- - - - - - --_ ............ -- .. -- ---- ...... _...... - .. ........ --- --- .................. ---r .. ...... --- .... -- .................. --- .. -_ .. -- .... _.. -_ ..... --- .......... ..

Cesar, kaming mamamatay ay nagpupugay sa iyo! "PARIS,

ika-10 ng Oktubre 1889.

ANG MGA PILIPINO ,;, Ang pahayag na ito'y sagot sa ibang pahayag na nilagdaan ni F. Buencamino sa ngalan ng mga pilipino, na ang petsa ay sa Kapuluang Pilipinas, ika-24 ng Agosto, 1889. Ang pahayag na ito'y lumabas sa Paris, sinipi sa unahan ang pahayag ni Bue~camino na sinundan ng "Ang kasaysayan ni Buencamino", at pagkatapos ng "mga maiikling pagsasaalang-alang" na may himig na panlilibak (sang-ayon kay Retana, p. 182) at nagtapos sa ganitong mga pangungusap. (Dia Pilipino, ika-30 ng Disyembre ng 1815) .

.

~

' ,'

184


SA "LA P A TRIA" * Maikli ang isasagot namin sa lathala ng La Pat1'ia noong ika-26 ng Setyembre, na may pagkaantalang sumakaalaman namin. Sa tapatang sabi ay minamabuti na sana naming magsawalang-kibo sa dahilang ang ginang na yaon (ang La Patria) ay nag-ukol sa amin ng napakaraming palipadhangin, na inakala naming magiging mahal na kasalanan ang di-pagtugon at di-pagpansin sa kanyang panunudyo; datapuwa't sa pangangambang baka ariing kawalang-pitagan kung hindi kami tumugon sa mga tanong niya, ay susulat kami ng ilang talata sa pagnanais naming wakasan ang pagtatalong ito na nanunulay sa mga sanga 1 at umiiwas sa pinakabuod ng suliranin. Sinasabi ng La Patria ang sumusunod: "At sa ganang nauukol sa tuntunin ng pag-aakma-akma ng pamanggit at binabanggit, ay kalabisan na ang pagsasabi ng anum an sapul sa sandaling sabihin ng gun;) 2 na ang kinalalagyan nati'y ang statu quo ante Ie tion em, (dating kalagayan bago mag-aral) , na sa pariralang ito'y siya na rin ang nag-akma ng salitang qtto sa salitang statu sa kasarian, bilang, at kaukulan." "Kung ang pamanggit sa "quo" ay hindi 1ta1'aTapat iakrna sa kaukulan ng saLitang ÂŤstatru:', sa aLing saLitct dapat iyon iakma?"

Tingnan natin. Sabihin ninyong tapatan sa amin na kayo'y nagbibiro lamang, sa dahilang hindi kami makapaniwalang kayo'y napakahangal ni napakatigas ng 'ulo sa mga suliraning pambalarila, na nalalaman ng lahat ng mga batang nakapasok nang ilang araw sa silid-aralan. Pagkabasa ninyo ng aming lathalain, ay dapat sanang sumangguni kayo sa alin mang balarila upang makita kung sino ang tam a 0 mali, at nang sa gayo'y naliwanagan' kayo. Kung tutularan ko kayo sa pagbibiro, at ako'y magsasa-gurong may pamalo * !sang lathalang lumabas sa La SoHclaridad nang ika-15 ng Nobyembre ng 1889 (Torno I, BIg. 19). 1 Ang ninagtatalunan ay tungkol sa suliranin ng mga pagbabago sa P amahalaan sa Pilipinas. 2 Tumutukoy kay Rizal. 180


186

sa kamay, ay sasabihin ko sa inyong kung ang salitang quo ay nasa-kaukulang ablativo, ang dahilan nito'y hindi sapagka't naakma sa kaukulan ng salitang statu, kundi dahil sa ang anyong iyon ang hinihingi ng pandiwa, na sapagka't nauunawaan na ay hindi na kailangang ihayag pa sa pangungusap, alalaong baga'y ang pandiwang est, sunt, erat, (ay) at iba pa, sang-ayon sa kahingian ng simuno. Datapuwa't ang mga ito'y mga kaalamang totoong palasak at pangmusmos lamang at kalabisan na sa isang pagtatalong nauukol sa politika, yamang ang pinag-uusapa'y ang mga pagbabago sa Pilipinas. Ang suliranin ay ito: bakit mapapariwara ang Pilipinas sa pagpapasok lamang doon ng mabubuting pagbabago? Ano ang ginawa roon ng mga prayle na ipagiging masama at ikapipinsala pagkatapos ng lahat ng hakbang na tungo sa ikabubuti ng pamahalaan? Ano ang ipinangangalandakang kapangyarihang iyan ng mga prayle kung sa isang hihip lamang ng hangin ay maguguho na? 3 Malugod kaming makikipagtalo sa La Patria kahit sa maliliit na bagay kailanma't may kaugnayan sa kalagayang panlipunan ng Pilipipas, sapagka't para sa bagay na ito nalalaan ang mga tudling ng aming pahayagan, datapuwa't dapat itulot sa aming sabihin na kami'y walang tungkulin ni kautangang magturo sa kanya sa mga tudling na nasabi ng mga tuntuning nauukol sa .m ga pangungusap na pamanggit. Non est hic locus. (Hindi ito ang lugal). Tungkol sa latin, malaya ang kapahayagan namin na maniwala kung anuman ang ibig niyang paniwalaan. Sa dahilan ding iyan at palibhasa'y hindi namin ninanais harapin ng aming pahayagan ang mga bagay mi nauukol sa pagkatao, ay hindi namin sasagutin ang maraming matatamis na pangungusap 4 na iniuukol sa amin ng La Patria, bukod pa sa hindi inilagda ng aming kalaban ang kanyang ngalan, bagkus pa ngang ito'y buong ingat na inililingid. Dinaramdam lamang namin na hindi kami makapagbitiw para sa di-kilalang manunulat ng gayon din karaming maiin am na panunuya kahit na sa biro lamang, sapagka't sa tapatang sabi, ang pag-aakma-akma ng pamanggit at ng a Ang mga pagbabagong binanggit ay hindl naisagawa dahil sa pagtutol ng Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. 4 Ang binabanggit na lathalang walang lagda ay puno ng mga panunuya at masasakit na pasaring.


187

binabanggit 5 na tinatangka niyang baguhin ay ikinamamangba namin at hindi nagpapahintulot ng gayon. Kung ninanais ng La Patria na maging isang pabayagang pormal, at handang makipagtalo, ay tunguhin niya ang butil at huwag manulay sa mga sanga, pagka't 路 f,a ganito'y nagaaksaya lamang siya ng panahon at ng tint[l. Lis jacet in statu quo erato Ang suliranin ay nananatiling gaya r in ng dati. JOSE RIZAL 6

Isang tandisang tuntunin ng balarila.

)

I


MGA MALING ,HINUHA * [Inilathala sa The Ind ependent, ika-3 ng Marso, 1917]

Lubha kaming pinapagtaka ng pahayagang El Pueblo Soberano 1 sa kanyang bilang noong ika-9 ng Nobyembre, dahil sa isang lathalang nagngangalit, upang huwag nang magsabi ng ibang bagay, na pinakapulaan ang pagkatao ng pintor na si Luna, sa dahi1ang ito'y pinagkamalang siyang .may-akda ng is'ang lathalaing isinukal ng loob ng nasabing kapahayagan. Palibhasa ang pintor na si Luna'y hindi siyang Taga-Ilog 2 na may-akda ng lathalaing naging sanhi ng poot ng El Pueblo Sobe'tano, at yamang ang nasabing ginoo ay maaaring ma1dpagtalastasan nang tuwiran sa taong sa kanya'y humamak at umupasala nang walang anumang katuwiran, at para sa bagay na ito'y makapipi1i siya ng paraang lalo niyang minamarapat, ay lalaktawan namin ang mga suliraning itong panarili at tatalakayin ang ilang pahayag ng maramdaming kapahayagan 0 ng "f.a1ang taros na manunulat na napakadaling maniwala sa kanyang mga pala-palagay, na pinaghahanguan ng mga hinuhang di-napapanahon. Mabuti ang ginawa ng kapahayagan sa pagsasabing iisang katauhan lamang ang kanyang tinutukoy; naging kalungkotlungkot sana kung pinaratangan niya ang buong lahi ng mga katampalasanan 0 kasalanang kinatha ng kanyang isip. Kami, sa kabilang dako, sa pagsagot sa kanyang lathala, ni hindi namin tinatangkang tumukoy sa mga katauhang sarili, ni hindi namin tinatangkang tiyakin ang mga bagaybagay, at lalong hindi ang pagpapamukha sa buong lahi o sa isang lapiang nangangalandakan ng pagkamaka-republi':' Ang lathalang ito'y lumabas sa "La Solida1'idad" nang ika-30 ng Nobyem_ bre ng 1889. Tinuligsa ni Rizal ang mga pangangatuwiran ng sumulat sa El Pueblo Soberano ng isang lathalang lubhang mapanira sa mga pilipino. 1 Ito'y isang pahayagang inilalathala sa Madrid, " Ang Taga-nog ay siyang sagisag na ginamit ni Heneral Antonio Luna nang siya'y nasa-Espanya at nagsusul at sa La Solidaridad at iba pang pahayagan,

188


189 ka at nag-aangkin ng mga sagisag at palatandaan ng pagkakapantay-pantay at katarungan, ng mga adhikaing malulupit at mapaghari-hariang katutubo sa mga pangkating karaniwang binabaka ng El Pueblo Soberano. Hindi, hindi rin namin nais isumbat sa sumulat ng lathala ang mga salitang di-marapat na sa kanyang kagalita'y itinitik sa pahayagan; ang mga iya'y hindi karapat-dapat sa kalinangan ng pamamahayag at inaari naming mga anak lamang ng lubos na pagdadalusdalos na nagpapalagay ng isang bagay at ito'y inaari nang isang katotohanan. Ang ninanasa naming pakipagtalunan sa kapahayagan. kung ninanasa niyang makipagtalo, at kung dahil sa kanyang pagkamaramdamin ay hindi siya nawawalan ng hinaho't pagmamatuwid, ay kung ang isang taong taga-ibang bansa'y mayroon 0 walang karapatang magpahayag ng kanyang mga palagay hinggil sa ibang bansang ang kanyang mga anak, sa mula-mula pa. ay nangagsisulat na ng anumang nakahumalingan nil a hinggil sa bansa llg mga nauna; 0 sa lalong maliwanag na sabi, kung ang isang pilipino'y maaaring sumulat ng kanyang mga palagay tungkol sa Espanya, sa isang paraang kaisa 0 kaw ngis ng pagsulat ng mga kastila hinggil sa Pilipinas. Kapag ang El Pueblo Soberano) na nanghahawak kina Rousseau, Mirabeau, Lamartine at Zorrilla, ay sumagot ng "hindi," maliwanag na binibigyang sala niya si Taga-Ilog; datapuwa't binibigyan din niya ng sala ang kanyang sarili, sa dahilang itinatakwil din ang kanyang sarili at ang kanyang mga simulain sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at katarungan. Kapag siya'y sumagot ng "00," ay wala siyang nararapat sabihing anuman laban kay Taga-Ilog) kundi nararapat pa ngang parusahan ang karahasan ng kanyang lathala. Ang katunayang walang ginawa si Taga-Ilog kundi tumulad nang bahagya sa kanyang mga guI'o, ay ang pangyayaring ang kapahayagan ding iyan ay nagsimula sa kanyang lathala sa pagsipi ng mga panla]ait ni Cafiamaque. At bago pa s} Cafiamaque ay nagkaroon ng isang Gaspar de San Agustin, isang Mas at isang Barrantes at iba pa, at pagkatapos ay isang QUioq'l.iiap at mga kasama, na nagsaysay ng lahat ng kabalighuang maaaring mangyari tungkol sa mga pilipino. At hindi dahil diya'y nagpahayag kami ng mga paghamak sa mga lumait sa amin, ni hindi namin tinuligsa ang kanilang


190

pagkatao, ni hindi namin ibinintang na sa ilalim ng ngalan ni Quioquiap ay nakukubli ang mga taong mararangal at kapitapitagan at lalong hindi kami nagsaboy sa kanila ng mga pagmura't paglait, ni tinawag silang mga walang utang na loob sa aming bansa. Datapuwa't kahit na wala nito, kahit na alisin pa ang masasamang halimbawa at lalong masasamang kagagawan noong una, kahit na ipalagay na sinuma'y karapatdapat gumanti ng ipinukol din sa kanila at kahit na aminin pa (kung ito'y hindi makasusugat sa karangalan ng kapahayagan) na kaming mga pilipino'y ipinanganak upang magtiis ng mga paghamak, at ang mga kastila nama'y ipinanganak upang humamak sa amin, ang suliraning dapat suriin ay kung si Taga-Ilog ay nagbulaan, upang ipakilala ang kanyang mga kabalighuan, upang magkakarapatang magsabing: "Wala nang iba pa kundi kaming mga kastila upang maging matapat sa pag-uulat ng mga paglalakbay." Datapuwa't sa halip na ito'y siyang gawin, ang manunulat ay nagbigay ng rnatwid kay Taga-Ilog, na anupa't pinuri, sa is<LTlg kaparaanan, ang kaasalan ng mga "chulo," at hanggang sa nakiparis pa sa mga ito ; lubusang tinanggap niya ang sinasabi ni Taga-Ilog tungkol sa kamangmangang umiiral sa Espanya hinggil sa heograpiya ng Pilipinas, at ipinamukha lamang kay Taga-Ilog ang kamangmangang naghahari sa Pilipinas hinggil sa bansa, bagay na tutoo rin naman; datapuwa't sa bagay na ito'y hindi nararapat pigyang sala ang mga naninirahan doon, palibhasa'y hindi sila ang mga may dalubhasaan, ni hindi sila ang mga propesor, ni hindi siyang nagtatakda ng balangkas ng pagtuturo, ni hindi maaring makapaglakbay ni makagawa ng mga mapang naglalarawan ng lupain 0 ng mga bahagi nito at marami pang iba. Sa mga paarala'y salamat kung itinuturo sa mga bata kung ana ang isang mapa. Kung aalisin ang rosaryo, ang palmeta (pamalo sa palad), ang mga aklat ng mga himala, ang mga pagsisiyam, ang yantok na pamalo, ang pagsulat at pagbasa ng wikang kastila, bagama't ito'y hindi natutuhan 0 naunawaan ng mga mag-aaral, ang buong heograpiyang itinuturo ay nauuwi sa makitid na bahagi ng lupang kanilang niluluhuran 0 dinarapaan upang tumanggap ng mga palo. Tingnan, hindi lamang ng sumulat ng lathala kundi ng lahat niyang mga kapanalig, kung sa pamamagitan ng ganitong mga sangkap, ay maaaring makilala ang kalagayan ng lupa ng isang kapuluang ang mga


191

paglalakbay sa kanyang mga pulo't mga lalawiga'y nagdudulot ng mapakaraming balakid at kahirapan. Tungkol sa sinasabi ng kapahayagan sa aming "mga inang may mga anak," ang isinasagot namin sa kanya'y ito: na ang aming mga ina, na hindi nangangailangan ng mga pag-uudyok ng sumulat ng lathala, ay lumuluha, tumatangis nang makalilibong ulit, sa dahilang hindi sila nakapagkaloob sa alnin ng ibang bagay liban sa sawimpalad na bansang pinagsilangan sa amin; kung maaari lamang nilang magawa, kami sana'y isinilang nila sa ibang bansang ang mga salitang sangkatauhan, katarunga't pagkakapantaypantay ay hindi mga salitang walang laman; sa ibang bansang ang mga karapata't tungkulin ay laganap sa lahat; sa ibang bansang ang batas ay hindi gumagamit ng dalawang timbangan; ang aming mga ina'y nararapat umalis na lahat sa aming bansa, tumawid ng mga karagatan, at kung hindi nama'y magpakalunod at lunurin ang kanilang bungang nasa-sinapupunan. Tungkol sa ami'l1g "mga inang walang anak," katulad ng mga tinatawag na t\Madres de Caridad," ang "Santa Madre Iglesia" at iba pang ngalang patalinghaga, ang mga iya'y kaparis din ng aming ga Kagalang-galang na Pari na wala ring mga anak. Isa't lisa sa kanila'y walang dahilang sukat itangis, sukdang kaming lahat ay mapabantog dahil sa kasawian. Tungkol sa sinasabi ng kapahayagan na "dinungisan namin ang aming mga pahina ng nakasusuklam na sinulat ng isang masamang pilipino at isang masamang kastila," patatahi .. mikin namin ang kanyang kalooban sa pagsasabing hindi naman gayon kalubha ang nangyari. Habang may mga manunulat na nagbibigay ng halimbawa sa iba tungkol sa paraan ng pagkutya sa ibang bansa, at habang hindi napatutunayang nagbulaan si Taga-Ilog, ay ipalalagay na malinis ang mga dahon ng La Solidaridad, palibhasa hanggang ngayo'y wala pang nakapagsasabi na ang katotohana'y maaaring makadungis. Kung sakaling mapatotohanang nagbulaan si Taga-Ilog, babawiin nito ang kanyang mga sinabi. Gayunma'y pinasasalamatan namin ang kapahayagang nasabi sa damdaming ipinahayag sanhi sa itinuturing niyang dungis na ito, at bilang pagkilala ng utang na loob ay sasabihin namin sa kanya na dinaramdam din namin ( at higit pa sa maaaring maakala ng kapahayagan) na ang isang pahayagang ari ng isang lapiang may matataas


192

na layunin, na nangangarap ng ipagtatagumpay ng mga dakilang mithiin, na nagiging sagisag ng pagkakapantaypantay sa pamahalaan at sa pagbabatas sa ganang mga pilipino, ay lubusang tumalikod sa lahat ng kanyang mga paniniwala upang gumamit ng wika ng paghahari-hariang lalong lihis sa matuwid at napakalupit, na nababatay sa kamalian, na tila ba ang layo'y upang mawalan ng pag-asa ang mga tapat na naninirahan sa Kapuluan, at para bagang sinasabi sa mga ito na: "Ba! huwag kayong umasa sa katarungan, huwag kayong umasang kikilalanin ang inyong mga karapatan, huwag kayong umasang kayo'y kahahabagan; kami'y hindi magiging mga kapatid ninyo kailanman. Tunay ngang ninanasa namin ang kalayaan, ang katarungan, ang pagkakapantay-pantay, nguni't ninanasa namin ang mga ito para sa amin lamang; kami'y nakikibaka upang makapagtamo ng mga karapatan para sa mga taga-Europa; ang aming tingin ay hindi umaabot sa dakio pa roon, sa inyo, na may lahing dilaw at kayumanggi; bahala kayo sa inyong sarili. Lahat ng lapian, pati na ang mga lalong makakalayaan, ay pawang l'I\alulupit sa mga bayang sakop. Kung ninanais ninyo ang katarungan, kayo na rin ang tumuklas sa kanya." JOSE RIZAL MADRID,

Ika-30 ng Nobyemb're, 1889, .'. ",


PAGTANGIS AT PAGTAWA Hindi ko pinanghihinayangan ang aking kamusmusan, ni ang aking kabataan, na ayon sa saM-sab!, ay batbat ng mga ginintuang pangarap. Hindi ako naghihinagpis dahil sa aking inang-bayan, kahanga-hangang halamanan ng mga sirena sa Silanganan. Musmos at nagbibinata nang ako'y nasa-kanyang sinapupunan, at gayunman, ang kanyang araw ay hindi ko nasilayan kundi sa pagitan ng mga patak ng aking luha, at ang kanyang simoy ay hindi ko nalanghap nang walang kalakip na buntung-hininga. May isang taong inihalintulad ang kanyang kamusmusan sa isang tangkay na hitik ng mga rosas at mga buko; ako man naman ay inihalintulad ko rin ang aking kamusmusan sa isang tangkay nguni't sa isang tangkay na hitik ng mga tinik. At gayunma'y nagtitira ako sa aking inangbayan, sa aking pamamahay at Isa sinapupunan ng aking angkan. Bahagya ko pa lamang nakikilala ang aking pagkatao ay tinuruan na ako ng mga guro. Marami sa kanila ang nagturo sa akin ng lahat ng kanilang nalalaman. Ang kanilang karunungan ay napapaloob sa ilang magagarang aral na gaya nitong mga sumusunod: Ang titik ay pumapasok sa isip sa pamamagitan ng dugo; ang sinumang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa kanyang anak; ang mga sanggol ay ipinanganganak na masasama, at iba pa. Sa lakas ng palo ay pinilit kaming magsaulo ng mga aklat na nasusulat sa isang wikang hindi namin nawawatasan. Sa wika ring ito tinuruan kami ng mga dasal at kahit na kami'y patay na halos sa antok ay pinipilit pa rin karning magdasal nang mahahabang oras sa harapan ng mga larawang nangayayamot sa pagkakita sa aming luhaang mukha. Pagkatapos ay nag-aral kami sa kolehiyo. Madalas na ang propesor, kapag nakalimot sa kanyang pagpapaliwanag, ay tumutukoy hinggil sa aming lahi at sa aming bansa, at kami naman, na nagsisipanginig sa harap ng kanyang 006700-J :3

193


194

kapangyarihan, sa aming karuwaga'y iniipit na lamang ang aming luha at kami'y hindi umiimik. Sa Pamantasan, pagkatapos, bagama't ang mga propesor na rin ay hindi nangagkakawatasan, ay lalo kong nabatid ang daigdig na aking kinalalagyan. Ito'y isang daigdig na nagkakaloob ng mga tanging karapatan para sa ilan, at nagtatakda naman ng mga tuntunin at pagbabawal para sa iba, at ang pagtatangi-tanging ito'y tiyak na hindi nababatay sa kakayahan. Sa pamamagitan ng lakas na sinisimpan sa sarili at sa udyok ng pagkauhaw sa buhay, ay kinakailangang kaladkarin ng isang tao ang kanyang sarHi sa isang makipot na bilangguan, kung makatanaw siya ng isang parang na tiwangwang, ng isang malawak na kapaligiran doon sa malayo, kung makarinig siya ng pagaspas ng mga pakpak ng mga ibong lumilipad doon sa itaas, kung makaramdam siyang tumitibok ang kanyang puso at siya'y nag-aakalang may karapatang mag-iwi ng tnga nakalulugod na mithiin. Sa ilalim ng isang sagisag ay lumahok ako sa isang timpalak pampanitikan. Sa kasawiang-palad ay nanalo ako. Narinig kong umaliItgawngaw ang masigabo at masiglang palakpakan. Datapuwa't nang maalis ang aming sagisag at malantad ang tunay na pangalan, ang palakpakan ay napalitan ng katamlayan, ng pag-aglahi at ng paglait; at ang talunan ay siyang ipinagdiwang at pinarangalan! Sa paniniwalang ako'y sinawi ng isang walang habag na katampalasanan, at sa pananalig sa katarungan ay humingi ako nito. BHang katugunan ay pinagbantaan pa ako ... datapuwa't sa pagkakataong ito'y hindi ginantimpalaan ang maysala at hindi rin naman siya itinaas sa tungkulin! Kaya nga, hindi ko pinanghihinayangan ang aking kamusmusan, ni ang aking pagbibinata! Minamahal ko ang aking bayang-tinubuan, g yon ma'y nilisan siya. Sa daigdig ay walang nakaugnay sa akin maliban sa Hang tao at isang tahanan, at gayon ma'y nilisan ko silang lahat nang walang kapaapaalam. Iniingatan ng simoy ng hangin sa aking inang-bayan ang tubig na bumabalong sa kanyang mga bukal. Sa mga dahon ng kanyang mga kawayan, mga palmera, at mga punung-kahoy ay itinitlk ko ang aking mga hinaing at mga alaala. Hinahandugan niya ako ng isang matamis na kamatayan at gayon man. malayo sa tanang minamahal ko, nangingibang lupain at tumitira sa piling ng mga taong walang pagtingin sa akin at


195 hindi ko nakikilala, ay hindi ko siya tinatangisan at ikinasisindak ko pa nga ang kanyang mga unat na bisig na inihahandog sa akin. Tuyo ang aking mga mata, at ako'y tumatawa. Ako'y tumatawa lamang kapag nagugunita ko ang kanyang mga kaabaan, kapag nauulinigan ko ang mga daing ng aking mga kapatid, kapag nakikita ko ang madilim na ulap na bumabalot sa kanyang langit! Ako'y tumatawa lamang kapag nakikita kong itinuturing na hayop ang aking bayan at nililinlang sa pamamagitan ng matatayog na haka at ng nakalilitong mga pangungusap, kapag naririnig kong inihihingi ng kalayaan at matuwid ang ilan, nguni't mga sagabal at pagpapatayung-tayong naman para sa aking mga kababayan; mga makataong batas, pagkakapatiran at mga karapatan para sa mga yaon, datapuwa't mga kataliwasan naman para sa aking mga kababayan. Sa halip na ako'y magngitngit, sa halip na ako'y mapoot, ay itinataas ko sa Langit ang aking tingin at ako'y nanalangin. Pakapurihin ka nawa, 0 Diyos ng mga taong malalaya, Diyos ni Clemente VII, ni Torquemada, ng Ingla,tera, ng Rusia, ni Bismarck, 'at ng mga pahayagang La Epoca at La Uni6n! 0 Diyos ni Krup, ikaw ay kaibigan ng mga nag-aati ng maraming kanyon, baril, torpedo, at salapi. Ikaw ay lagi nang tumutulong sa lalong malakas, upang huwag rno siyang makagaHt at hinibigyan mo ng matuwid yaong mga may kukong matutulis. Ikaw ang lumikha sa le6n, sa tigre, sa sora, at kay Sagasta, na siyang nagpapabuwis sa walong angaw na nilikha at tumatangging magkaroon ang mga ito ng kinatawan sa "Cortes", na batasan ng Espanya. Pinasasalamatan kita dahil sa napakaraming mabubutillg bagay na iyong nilikha, dahil sa kabutihang tanging ipinagkaloob mo lamang sa akin. Pinasasalamatan kita, sapagka't nilolo6b mo ang napakaraming kapahamakan upang ako'y patawanin. Pinasasalamatan din kita dahil sa paglikha mo ng naglalakiha't napakaraming mga bituin upang ang lupa'y makatanaw ng maliliit na tanglaw kapag hindi maulap ang langit, at upang ang mga kawal namin ay magkaroon ng maikakabit sa kanilang mga manggas, pagkatapos na patayin nila ang aming mga kapatid! Ikaw, na nakaaalam ng lahat ng bagay-bagay, ikaw., na pinatutulong rno sa iba ang iyong mga lindol, bagyo, at


196.

balang upang kami'y papaghirapin, ipahintulot mong iukol ko sa iyo ang aking mga daing. Ikaw, na nagwika na upang makapasok sa kaharian ng langit ay kinakailangang maging dukha, Ikaw, na nangakong hindi rno ipagkakait ang iyong pagtingin sa mga taong nauuhaw sa katarungan, ingatan mo, sa ikaLubuti namin, si Sagasta at ang taong mga konserbador. Ingatan mo rin, sa ikabubuti narnin, yaong rnga nagkakait sa amin ng Kodigo Penal; ingatan rno yaong kalahat~lahatang raga prayle na kasapi sa apat na korporasyou, at yaong lahat, na sa panahong darating ay paroroon sa aming bayan, ang mga guwardiya-sibil, ang mga karabinero, at ang mga kawani. At sa ibabaw ng lahat ay huwag rno rin namang lilimuting ipadala sa amin tuwing 路kalahating buwan ang lahat ng pinakamasama at kalabisan na sa Espanya, gaya ng rnga ungas, ng mga hindi na maitutuwid pa ng landas, ng mga mapagbalatkayo,' ng mga tamad, mga hangal at mga dayukdok; magbukas ka ng isang tanggapan para sa kanilang lahat. Patungan rno ng buwis kahit na anumang bagay, maglagay ka sa bawa't panulukan ng tagasuri at dalawampung tiktik; ipagbawal mo sa amin ang bumasa, sumulat at magsalita. Bulagin mo kami, bingihin, at pipihin;路 at bigyan mo kami ng lakas upang makapalakpak at rriakagawa lamang. At kung sakaling hindi mo pa inaakalang kami'y napakamal"alita at napakauhaw sa katarungan, upang mapasalangit, ay gawin mo na kaming lahat na ministro ng hari 0 mga pangulo ng Sanggunian upang kaming lahat ay minsanan nang maparusahan magpakailan man. Siya nawa.

*

*

*


MGA KAWALANG TURING Ang pahayagang El Dia 1 sa bilang ng ika-29 ng Disyembre ng ta6ng nagdaan, ay naglathala sa panig ng mga balitang buhat sa Pilipinas nitong sumusunod: Kasama ng maraming prayleng dominiko, na ang ilan ay mga guro ng kanyang mga anak at ang iba naman ay mga kura sa Hang bayan ng lalawigan ng Laguna, ang Gobernador Heneral Weyler 2 ay napasa-lalawigang nasabi. <lSang-ayon sa isang mahabang latha1a ng mga pahayagan, ang Kanyang Kadakilaan ay tinanggap nang buong k agalakan. Din alaw niya ang mga paaralan at mga tribunal." "Sa tugon ng Gobernador Henera1 sa talumpati ng pagbating isinalubong sa kanya ay sinabi, bukod sa iba't ibang bagay, na ang mga bayan-bayan a'i '1Jammpat magpakaingat nang huwag m alinlang 11g mga pangaJ.co ng mga anak ~~a walang tU1'ing.

"Upang ang sinasa ing ito'y matplawaang mabuti, kailal1ga,ng idagdag na tube sa 1a1a igang iyon Ginoong Rizal, m aykatha ng nobelang Noli me Tangere , na panlaban sa mga prayle at sa masamang pangangasiwa, at isa pa'y sinasabing sa Maynila'y may malalaking samaan ng loob ang rnga prayle't mga indiyong n angagbabayad ng buwis sa malawak at matabang asyendang ari ng mga dominiko roon, Ialo't higit ang mga kamag-anak ni Ginoong R iza1. "

si

Pinasasalamatan namin ang kabalitaan ng El Dia dahil sa pagkakapaliwanag at sa pagkakahatol nang walang kinikilingan sa aming akda. Ang Kanyang Kadakilaan, ang Kadaki-dakilaang Ginoong Gobernador at Kapitan Heneral ay amin ding pinasasalamatan dahil sa malaking karangalan iniukol sa amin nang kami'y tukuyin sa kanyang pagsasalita sa harap ng aming mga kababayan. 1 Ito ay isang pahayagang may ganitong pangalan na lnilaJathaJa sa Espanya. " Siya ay naging Kapitan at Gobernador Heneral sa Pillpinas buhat n g taong 1888 hanggang 1891. Siya ang nagbalak ng paglalagay ng teIepono sa Kapuluan nang 1890. Anak siya ng isang aleman at nang dakong huWy naging Ministro de Guerra ng Espanya, 197


198

At ngayo'y pahintulutan kami ng mga mambabasa kung tukuyin namin ang aming sarili. Hindi na iba kundi ang isang Kapitan Heneral ng Pilipinas ang tumawag sa aming mga anak na walang turing; at ang hindi pag-ino sa paratang na iyang nagbuhat sa gayon kadakilang pinuno, higit sa isang kawalang galang ay halos magiging isang pagka-pilibustero, isang pagtatangka laban sa karangalan ng bansa. Nararapat tantuin na ang sinasagot namin ay hindi si Ginoong Weyler kundi ang Kanyang Kadakilaan, ang nakapangyayaring Tagapamahala sa Pilipinas sa ngalan ng Hari. Kaiba kay Venillot, na nagpakundangan sa pagka-obispo, nguni't tumuligsa sa pagkatao, kami nama'y hindi pumupu¡ wing sa' pagkatao at nagpupugay at yumuyuko sa harap ng obispo, alalaong baga'y sa harap ng Kapitan Heneral. Binansagan kaming mga anak na walang turing ng Kanyang Kadakilaan. Ang Kanyang Kadakilaan ay siyang nagsabi niyan at bagama't ang di-pagkakamali ay isang katangiang kamakailan lamang natuklasan sa mga Papa: ay kinakailangang iukol din namin ang katangiang iyon sa Kanyang Kadakilaan, sa dahilang para sa aming mga mamamayan sa Pilipinas, siya'y higit pa sa limang Papa. , Ninanais naming malaman kung kani-kaninong mga ama 0 mga ina nagkasala kami ng pangit na ugaling pagkawalang turing. Sa dahilang ang mga ama 0 ang mga ina'y maaaring maging gayon sa totohanan 0 sa patalinghaga, kaya kami'y napipilitang sumuri sa aming budhi at sa aming mga gawang may kaugnayan sa Inang-Espanya, sa aming Inang-Bayan, sa lahat ng mga amang prayle na tinatawag na Padre at hindi man prayle sa Pilipinas, sa lahat ng mga ina, maging tinatawag na Madre 0 hindi man at maraming iba pa, at sa wakas, sa Iahat ng nilikha, na dito'y kasali at nakikinabang sa pamamahalang maka-ama, walang iniwan, humigit kumulang, sa mga amang binabanggit sa isang kuwento ni Perrault. 3 At sa dahilang napakarami ang mga ama't inang iyon (kasindami 0 kaya'y marami pa kaysa mga santo sa Kalendaryo), ay hindi namin sinisimulan and dasal ng pangungumpisal "Ako'y makasalanan" dahil sa pangambang baka kailanman ay hindi kami makatapos at kailanganin pang â&#x20AC;˘ Ang tunay na pangalan niya ay Carlos Perrault, isang kuwentistang pranses buhat nang taong 1628 hanggang 1703.


199

ipagpatuloy ng mga inapo ng aming mga apo, kung sakaling kami'y pahintulutang magkaroon ng mga ito ng pamamahalang makaina. Kung kami'y tinatawag na mga anak na walang turing, ng K. K., hinggil sa lalawigang kinakitaan namin ng mga kauna-unahang prayle at mga kauna-unahang guwardiya sibil, ay may matuwid ang Kanyang Kadakilaan; waZang turing, napakawalang turing kami, mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa, "ako'y nagkasala, nagkasala ako, nagkasala nga akong lubha!" Sa ibabaw ng pinong buhangin sa baybayin ng Lawa ng Bay,4 ay nagparaan kami ng mahahabang oras ng aming kabataan sa pagdidili-dili't paggugunam-gunam ng kung ano mayroon sa dako pa roon, sa kabilang ibayo ng mga alon. Sa aming bayan ay nakita namin sa araw-araw halos, ang tinyente ng Guwardiya Sibil, ang Alkalde kapag ito'y dumadalaw roon, na nanghahambalos at nananakit sa mga walang sandata't tahimi~ na mamamayang hindi nakapagpugay at nakabati sa malay. Sa bayan namin ay aming nasaksihan ang di-mapigilang lakas, ang ' mga pandarahas at ibang pagmamalabis na gi agawa ng rAga may tungkuling mal1galaga sa kapayapaan l)g bayan; at sa labas naman ng bayan ay nasasaksihan ang panghaharang, ang mga tulisang hindi kayang gapiin ng aming mga namumuno. Sa loob ay mayroon kaming paghahari-harian, at sa labas naman r ay ang pamimihag. At itinatanong ko noon sa sarili, kung sa mga bansang nasa-dako pa roon ng kabilang ibayo ng lawa, ay nabubuhay din nang gaya namin, kung doon ay pinasasakitan din ng matindi't malupit na palo ang magbubukid na napaghihinalaan lamang; kung doo'y hindi rin pinagpipltaganan ang pamamahay at kung upang mabuhay nang tahimik ay kinakailangan ding sapilitan ang pagsuhol sa lahat ng mga naghahari-harian na nagbubuhat , hindi lamang sa Maynila kundi sa pangulong bayan, sa Santa Cruz, ngalang nakapanghihilakbot sa aking buong pagkatao, at nakilala ko sapagka't nalalaman kong doo'y may isang malaking bilanguang tinatawag na Bilibid. Nalalaman ko, sa lahat ng aking nakita't narinig, na kapag ang isang tagaroon sa amin ay tumungo sa pangulong bayan, yao'y walang ibang kinahahanggahan kundi ang mapasok sa 4 Ito'y wang munisipyo ng lalawigan ng Laguna na nasa-baybayin ng lawang pinagkunan ng kanyang pangalan.


200

Bilibid, kung siya'y walang dalang salapi upang palubagin ang katarungan. Ang lahat nang ito at marami pang ibang bagay ay natutuhan ko sa aming bayan, at ako'y naging walang-turing sa kanya sa dahilang wala akong nagawang anumang ikabubuti ng kalagayan niya! Binanggit ng Kan路路 yang Kadakilaan ang mga pangako ng mga anak na walang turing. Marahil ay hindi nababatid ng Kanyang Kadakilaan kung anu-ano't kung alin-alin ang mga pangak<mg iyon. Nang mga huling araw ng taong 1887, nang kami'y nasa aming bayan sa lalawigan ng Laguna, ay may natanggap na isang patalastas na galing sa PangasiwClan ng mga Ariariang Bayan, (Administracion de la Hacienda Publica) , lla nagtatanong sa bayan tungkol sa mga ani ng Asyenda. Ibig ng mga Paring Dominiko, na siyang nagmamay-ari niyaon . na ang tanong ay tugunin, hindi sang-ayon sa katotohanan . kundi ayon sa kanilang sariling kapakanan, at tinangka nilang sa isang kaparaanan ay ilingid sa Pamahalaan ang matatabang buwis na nasisingil nila taun-taon sa mga lupain. buwis na itinataas nang walang anumang dahilan at alinsunod sa kanilang masumpungan lamang . Kami'y tumutol sa ganitong pakana at kasama naming tumutol ang lahat ng mga tao sa bayan. Ang naging buntot nito'y tinugon nang buong-buo ang katanungan at pati ng mga maliliit na bagay ay inisa-isa; inilahad ang mga tala, binanggit ang mga bilang, isiniwalat ang lahat ng mga pangyayari at hiniling ng bayan na mamagitan ang Pamahalaan upang magkaroon ng lalong katiyakan ang mga kasunduan sa Asyenda at nang ang mga namumuwi an ay hindi mapai1alim sa bawa't makahumalingan 0 sa bawa't masumpungan ng uldog na asendero. Mangyari pang ang mga paring dominiko , na may sariling dahilan upang matakot sa paldkialam ng Pamaha1aan, ay nangagba1a muna sa lahat ng nangagsisilagda, at pagkatapos. nang makitang walang napa1<1 ang kanilang pagbabala, ay nangakong babawasan ang mga buwis na wala sa matuwid at labis-labis na itinaas, kung babawiin ng mga nagsilagda ang mga lagda nila. Sa gayo'y sinabi naming ang aming nais ay isang kasunduang pormal. na pinagtitibay at pinahihintulutan ng Pamahalaa:n, upang sa ganitong paraan, ang baya'y huwag mapaglaruan at madaya ng mga asendero matapos na makaraan ang panganib . Nang makita ng mga prayle ang katibayan ng loob at ang pananalig ng mga mamarnayan sa katapatan ng Pamahalaan. ang ginawa nila'y pinagpag-ibayo ang kanilang mga bali!


201

I

at sinabi pang sakaling magkausapin ay tiyak na mananalo sila sa dahilang lalong marami silang salaping magugugol, at sapagka't ang bayan ay dukha. Muli naming pinarating sa Pamahalaan ang aming tinig at hiningi naming manghimasok sila at huwag pabayaan ang bayan sa isang pakikilabang ang Pamahalaan din ang siyang umungkat at nararapat na magpadala ng isang lupong magsisiyasat sa katayuan ng mga bagay-bagay at makapagbibigay ng matuwid sa nararapat magtaglay nito. Ang pamanhik na ito'y pinaraan namin sa kamay ng gobel'nadol' ng lalawigan, si Ginoong Ordax, at sinikap naming pahupain ang pagngingitngit ng damdamin ng mga mamamayan at sila'y papagtiwalain sa karangalan ng mga namumuno. Gayunma'y walang ibinunga yaon; nagsawalang-ltibo ang pamahalaan, hindi nakapangahas makialam, hindi man lamang kumilos upang siyasatin ang katotohanan ; hindi tumugon ni sa pamanhik ng mga mamamayan, ni sa kanilang matuwid na karaingan . .. Ipinangako namin sa bayan na diringgin ng Pamahalaan -ang mga hinakdal niya at sinabi naming magtiwala sa Pam~halaan , datapuwa't sa aming mga ipinangako'y wala isa m~ng nat upad;) kaya't may pinanghahawakan ang Kanyang Kadakilaan sa pagsasabi sa lalawigan ng Laguna na huwap magtiwala sa mga pangako ng mga a.nak na walang turmg! Nguni't masama ang ginawa ng Kanyang Kadakilaan nang biguin ang bayan! Inaamin kong ako'y naging walang turing sa pangangako ng isang bagay na ako man ay hindi dapat maniwala; datapuwa't noon, ang namamahala sa Pilipinas ay si Ginoong Terrero,a at si Ginoong Terrero ay hindi dumadalaw sa mga bayan n a kasa-kasamq ng mga prayle! Ito ang mga pangako ng n~ga anak na walang turing! Hinahamon namin ang lahat ng Kadakilaan sa sandaigdig na magpamukha sa amin kung mayl'oon pa kaming ipinangakong ibang bagay. IV1ga lalawigan sa Pilipinas, ngayon ay hindi na iba kundi ang Kanyang Kadakilaan na l'in ang nagsasabi sa inyong huwag kayong maniwala sa gangganyang mga pangako! Hindi namin inaakala na ang ninanais tukuyin ng Kanyang Kadakilaan, nang kami'y bansagang mga anak net walang :; Emilio Terrero y Ferinat aug tunay at buong pangalan niya. Naging Gobernador at Kapitan Heneral ng Pilipinas sapul nang ika- 4 nl,i! Abril ng 1885 hanggang 1888.


202

turing, ay ang aming mga tunay na magulang. Sa bagay na ito'y inaamin din namin, sa kasawiang palad, na kami'y mga anak na walang turing, sapagka't kung pangahasan naming sabihin ang katotohanan sa mga makapangyayari, at sa pagsusumakit naming ipaglaban ang mga kapakanan ng katarungan, ay nalilimot naming kami'y nasa-Pilipinas, at hindi lamang ipinapataw sa mga anak ang kasalanan ng kanilang mga magulang kundi ang kasalanan ng mga anak ay iniaatang din sa kanilang mga magulang. Ang mga kaaway namin, na walang pag-aalinlangang walang mga magulang, dahil sa hindi makapangahas na sa amin ibunto ang- kanilang poot, ay nangaghihiganti sa mga bumubuo ng aming angkan. Sa tapatang sabi, lalo pang marangal ang aming pagkakapalagay sa kanila; ang akala nami'y nasa piling kami ng mga tao, at nabubuhay sa siglong ikalubingsiyam. Kami'y mga anak na walang turing sa aming inang-bayan sapagka't hindi namin nagawa, alang-alang sa kanya, ang lahat ng aming .rn,aaaring gawin. Tungkol naman 'Sa lnang Espanya, tinatanggap din namin ang bansag na walal1g turing kaiJanma't ang inaaring kawalang turing ay ang pagsasabi sa kanya ng katotohanan, upang maiwasto niya ang pagmamalabis ng mga ibang anak niya, upang makapaghanda para sa hinaharap, at huwag maging kasabwat ng maraming pagmamalabis at pagkakasalang ginagawa ng iba sa ngalan niya. Inakala naming ang ginawa namin ay mabuti; nagsasalita kami nang tapatan; nananalig kaming ang aming lnang Espanya ay isang bansang nagmamahal sa katotohanan at hind~ isang hari-hariang napopoot sa katotohanan. Sa ganyang katuturan lamang tinatanggap namin ang bansag na walang turing. Sa ibang paraan ay hindi. Ngayon nga; kung kami'y inaaring mga walang turing ng mga Kagalang-galang na Paring Dominiko, na, sa Pamantasan niya'y pinag-aralan namin nang isang taon ang Metapisika, sa dahilang naglakas-loob kaming magsabi nang mukhaan sa kanila ng katotohanan, ang isinasagot namin ay ito: Kung bilang kapalit ng pagtuturong ibinigay sa amin ay ibig nilang hingin sa amin ang pagtatakwil sa katotohanan, sa tining ng aming budhi, ang pagpapatahimik sa sigaw niyaong isang bagay na ibinigay sa amin ng Diy.os at tinatawag naming damdamin ng katarungan, upang ipara


203

sa mga kapakanan ng kanilang mayamang Orden ang !ffiga kapakanan ng aming inang-bayan, ng aming kapuwa at ng ~ming mga kapatid; kung gayo'y sinusumpa at itinatakwil namin ang kanilang aral at huwag silang maghintay sa amin ng kahit na katiting na pagtanaw ng utang na Ioob. Ang pagtuturong may gayong napakahamak na pakay ay hindi pagtuturo; iya'y isang pag-uudyok sa kasamaan, isang pagtampalasan sa Ialong pinakamaringal na bagay na inaangkin namin, at sa katotohana'y walang sinumang maaaring huminging pasalamatan pa namin ang paghamak sa aming karangalan. Isasagot namin sa kanila na ang mga gurong nagtuturo sa kabataang pilipino ay dapat magpalagay sa sarili na parang mga yaya 0 tagapag-iwing inuupahan ng isang ina upang mag-alaga ng anak niya. Habang ang mga kapakanan nila'y hindi nalalaban sa katotohanan at sa mga kapakanan ng angkan, ang anak ay may kautangang magmahal at kumampi sa kamla. Kung ang pagpipillan ay ang mga kapakanan ng mga .p rayle at ng aming Inang-bayan, kami'y lumalagay sa piling nitong hull; land isang kaasalang naiiba rito ay magiging ~uhungan 0 kawalang-puri, at ang pagtatangkang pagtatangka lamang nila ng aming kawalangpuri ay dapat na upang ikawala ng halaga at ikauwi sa wala ng tanang pagpapakasakit na nagawa alang-alang sa amin ' niyaong mga tumatawag sa kanilang sarili na mga tagapagturo namin. Sa mga bagay na nauukol lamang sa aming sarili at sa mga bagay na alanganin, ay hindi namin lilimutin kailanman ang kabutihang tinanggap namin. Sila'y pinakakain at pinayayaman ng aming bayan upang kami'y turuan; samakatuwid, sila at kami'y nararapat munang magsikap sa ikabubuti ng aming bayan. Ang pagnanais ng naiiba rito ay isang kataksilan. Hanggang dito na muna sa ngayon. JOSE RrzAL

*


LIHAM NI RIZAL KAY BARRANTES (Tugon ni Rizal sa puna ni Barrantes 1 laban sa Noli) SA KADAKI-DAKILAANG GINOONG VICENTE BARRANTES KADAKI-DAKILAANG GINOO:

1

Ang karangalang sa akin ay ipinagkaloob ng Inyong Kadakilaan nang inyong pag-ukulan ng panahon ang aking pagkatao at ang aking Noli Me Tangere 2 sa: Secci6n Hispano Ultrama'tina (La Espana Moderna, Enero 1890, tomo XIII), gaya rin ng mga ilang parunggit at puna na tumutuligsa kung minsan sa akin at kung minsan nama'y sa mga isipang nasasaad sa aking akIat, ay nagbibigay sa akin ng karapatang tumugon sa inyo upang maipagtanggol ko man lamang ang aking sarili at ilagay ang mga bagay-bagay sa dapat kalagyan. Malayong isama ng loob ko ang himig ng inyong sinulat, kung minsa'y mapait, nguni't lagi nang mapagtangkilik, kahit na ang inyong pananalita'y parang sa isang nakatataas, ay ipinalalagay ko na sa paano't paano man ay dapat kong kilalanin sapagka't sa tapatang sabi'y naghihintay ako ng isang tuligsang lalong malupit at mabagsik (bagama't marahil ay hindi naman napakasama) na galing sa inyo, dahil sa lumipas na pagtatagisan nating dalawa sa panitikan, at dahil sa ako'y nahirati nang makabasa ng mga pasingaw ng mga mamamahayag sa aking bansa. Ang inyong hawig na mapangaral at ang inyong mga payo ay nakabagbag sa aking puso, at yao'y inaakala kong siyang dapat hintin sa isang tao, na gaya ng Inyong Kadakilaan, na kagawad ng Real Academia Espanola atng Histo'ria.. An g dalawang Suriang ito'y walang iniwan sa dalawang napaka taas na taluktok, na kung buhat do on ay tatanawin ang mga abang manunulat na gaya ko, na upang makasulat ay 1 Vicente Barrantes ang tunay na ngalan nito. !sang kastilang n aghawa.<;: ng matataas na tungkulin sa Pilipinas. 2 Ang Noli Me Tangere ay ipinalalagay na siyang nobelang walang kama tayan na akda ni Rizal. ltinuturing ng madla na isang ebanghelyo ng lahing pilipino, palibhasa'y siyang gumising sa karumal-dumal na pagkakahimbing ng diwang pilipino sa loob ng apat na dantaon.

204


205

kailangan pang gumamit ng isang wikang hiram, ay totoong magiging maliliit at galanggam lamang kami sa inyong tingin. Ang huong paksang pinaninindigan ninyo at ang lagom ng lahat ng sinasabi ninyo sa mga panig 177, 178, 179, 180 at 181 ay nauuwi sa sumusunod na pangungusap: na salusalungat ang aking ginawa at ako'y isang pintungan ng mga pagkakasalu-salungatan, sapagka't sa isang bahagi ng aking Noli Me Tangere, and kapitang heneral ay nagwika sa aking pangunahing tauhan na siya ang kauna-unahang taong nakausap ko sa bayang yaon at sapagka't pagkatapos, ako, si Rizal, sa La Solidaridad 3 ay humihingi ng mga pagbabago para sa aking mga kababayan. At dahil dito, ako'y binabansagan ng Inyong Kadakilaan na nobelista ng inyong mga kasalanan, isang pintungan, at iba pa. Sinabi ng Inyong Kadakilaan na ang aking hugis sa pagsulat ay pagkasamasama. Nararapat mapag-alaman na ang mga bansag na ito'y hindi ko gawagawa lamang. Iadya nawa ako ng Diyos sa pagiging nobelista ng mga k~alanan ng Inyong Kadakilaan! Sa mga i to'y bahala na ang inyorig paring pinagkukumpisalan. Ipinamumukha sa akinng Inyong Kadakilaan na wala akong binanggit kun i iisang pangalan, nang ako'y tumukoy sa mga kagagawan ng mga prayle. Kung wala na kayong natagpuan sa aking l'nga sinulat na mga pagkakasalungatan Jibal'1 ria sa kaisa-isang iyan, ay totohanang nararapat kong Ipalagay na ako'y mapalad hindi lamang minsan kundi makalawang ulit. Ang una'y sapagka't higit kong napagakma-akma ang aking mga isinasaysay kaysa Bibliya, mga Ebangheliyo, mga Papa, at sa lahat ng tao. Ang ikalawa'y sa dahilang nakita kong naitumpak at naragdagan ang himala ng pagpaparami ng mga路tinapay at mga isda dahil sa; bagaman iisa lamang ang sa inyong haka ang nagawa kong kasalungatan, ay sinabi ng Inyong Kadakilaan na ako'y isang pintungan ng pagkakasalungatan. Kung sa halip na kayo'y magsusulat ay kayo'y naghalaman 0 nagtayo ng isang pagawaan, Diyos na banal! gaano kaya kasagana ang mga aanihin. ~ Ang La Solidaridad ay isang pahayagang nasusulat sa wikang kastila na pinalabas ng mga pilipinong nasa-Espanya. Unang inilathala sa Barcelona nang ika-15 ng Pebrero, 1889, at inilipat sa Madrid nang Nobyembre ng 1889 at doo'y pinalabas hanggang ika-15 ng Nobyembre ng 1895. Ang pahayagang ito'y inilalathala nang makalawa sambuwan. Sa Espanya ay bunting bHang lamang ang lumalabas, at sa路 Pilipinas naman ay sinasamsam ng mga maykapangyarihan ang bawa't bHang na mahulog sa kanilang kamay.


206

Datapuwa't suriin natin ang kakila-kilabot na pagkakasalungatang ito. Sinulat ng Inyong Kadakilaan (panig 177) "Maging si Quioquiap 4 man ay hindi nag-angkill ng napakahamak na pagkakapalagay sa mga pilipino na gaya ng inyong pagkapalagay; hindi niya pangangahasang isabibig ng kapitan heneral ang mga duguang katagang sinabi niya sa pangunahing tauhan ng Noli Me Tange"e;-'Ginoong Ibarra,5 kayo ang kauna-unahang taong nakausap ko sa bayang ito. Ni hindi ninyo inaaring tao ang inyong mga kababayan, Ginoong Rizal! Inuulit kong ito'y kakilakilabot na katampalasanang hindi magagawa ng isang kastila, ni ng isang kristiyano,' at iba pa. (Tila ang pinakamabait na kristiyano ay mababa pa kaysa kahuli-hulihang kastila, hindi ba, Ginoong Barrantes?) At ang sinasabi ko naman ay ito: ang ganyang kakilakilabot na hinuha ay hindi mahahango ng isang indiyo, kahit n a ng isang tagalog lamang! Sapagka't baligho ang ginawa ninyong pangangatwiran, palibhasa upang kayo'y makahango ng isang hinuhang panlahat, kung ang inyong pinaghanguang mga simulain ay mga pambahagi larnang, ay kinakailangan na ang inyong ginawang pangangatwiran. kung may anyong silohisrno, ay nagkaroon ng apat n <t paa, gaya ng sinasabi ng mga dominiko. Sa katunayan ay kinailangan ninyong ipalagay itong apat na simulaing sumusunod: 1. na ang kapitan heneral at ako ay pareho (hind1 ko pabubuwisan sa Inyong KadakHaan ang aking mga tutubuin); 2. na nakausap na ng kapitan heneral ang lahat ng pilipino bago siya nakipag-usap kay Ginoong Ibarra; 3. na sa bawa't pag-usapan ay natatarok ng Inyong Kadakilaan hanggang kaibuturan ng taong kausap; 4. na kailanma'y hindi nagpapakalabis sa bawa't pag-uusap ang Inyong K a dakilaan. Hindi ko nababatid, Kadaki-dakilaang Ginoo, kung ang mga akademik6 ng ambarum domorum 0 ng dalawang tahanan ay nakapagtakda ng isang tuntunin na ang mga kaisi'Ang Quioquiap ay siyang sagisag sa pagsulat ni Pablo Feced, isang manunulat na kastila sa pahayagang El Liberal sa Madrid. â&#x20AC;˘ ~ abantog siya ~a lagi nang pagtuligsa sa mga pilipino, na pinag-ukulan niya ng labis-Iabis na paninira, paghamak at paglait. 5 Si Ibarra ay siyang pangunahing tauhan sa Noli ni Rizal. Ipinalalagay ng madIa, pati na ng mga kastila't mga prayle, na si Ibarra ay siya ring S 1 Riz~l, sa diwa, puso, isipan at damdamin.


207

pang inihahayag ng mga tauhan sa isang nobela ay dap-at na maging iyung-iyon ding mga kaisipan ng may-akda at hindi ang mga kaisipang nababagay sa mga tauhan sang-ayon sa kani-kanilang kabagayan, paniniwala, ugali, pinag-aralan, at damdamin. Ang pinagpalang si Pray Jose Rodriguez 6 ay kasang-ayon ng mga kuru-kurong ipinahahayag n inyo ; o kung ito'y babaligtarin, kayo'y kasang-ayon ng mga kurukuro ni Pray Jose Rodriguez (ang pagkakasunod-sunod n g mga sangkap ay hindi nakababago sa kalalabasan); nguni't hanggang ngayon, ang nabanggit na prayle ay hindi pa isang akademik6 (ayon sa aking pagkaalam), at kahit siya'y gawing gayon, ang dalawa katao lamang ay hindi masasabing nakararami sa mga samahan ng mga pantas, at sukdang silang dalawa'y ipalagay na nakararami, ang mga tuntunin nilang itatakda ay hindi magkakabisa sa nakaraan. Maaaring mangyari na ang mga paniniwala ng Inyong Kadakilaan hinggil sa panitikan ay inyong nakuha sa madalas na pakikitungo sa mga prayle. Ang bagay na ito'y pinatotohanan ng ilan ninyQng pamamaraan, ng ilan ninyong mga pariraIa, katulad baga ng itunton, ako sa katuwiran, nobelista ng aking mga kasatq,nan, at iba pa. Ang mga pariralang ito'y amoy kumbent0 at kawangis ng kay Pray Rodriguez. Hanggang ngayon, yamang hindi ako makapagkaloob ng mga kalayaan sa akilng bansa, ay pinagkakalooban k o ng kalayaan ang aking mga tauhan, kaya pinahihintulutan ko ang 8.king kapitan heneral na magsabi ng hawa't maibigan niya at hindi ko pinag-abalahan na siya at ako ay magkaroon ng isang kaisipan lamang. Bukod sa rito ay natutuhan ko sa mga nagsisulat tungkol sa mga sining n g wasto't maayos na pagsasalita at ng panunuIa, na may isang pamamaraang tinatawag nilang uring haluan. Dito'y namamagitan ang iba-ibang uri ng mga tauhan at pati ng may-katha. Nararapat na ipasarili sa mga tauhan ang kani-kanilang sinasabi at sa akin naman ay nararapat ipasarili ang aking sinasabi sa aking pagsasalaysay. Kay Cesar iukol ang talagang kay Cesar! Datapuwa't mar ahil ay napakabigat na bagay ang hinihiling kong ito. Masisiyahan na ako kung sabihin sa aking ang mga tauhan ko'y walang o Si P. Jose Rodriguez ay isang prayleng k abilang sa K orporasyon ng mga agustino, na sumulat ng mga aklat na mapanir a sa mga pilipino lalo na kay Rizal. Itin uring, dahil dito, ng marami, na siya'y masintu-sinto o m~y sakit sa utak.


208

kani-kanilang buhay at katangian, kung sila'y nangagsisikilos at nangagsasalita ng nababagay sa kani-kanilang kalagayan at sa iba't ibang paraan ng pag-iisip. Hindi nila kailangang isama pa ang mga sarili kong paniniwala. Gayon man ay transeat, pararaanin na namin ang bagay na iyan, at gagamitin naming sandali ang tuntuning RodriguezBarrantes, na nagsasaad na ako ang diwa, na ang kapitan heneral ay hindi iba kundi ako, at ako ang siyang nakakausap sa lahat ng pilipino; palibhasa, ayon sa kanila, ako ang may likha ng mga tauhang nabanggit at ako ang nakapananaig sa kanila, at ako rin ang kumausap sa kahuli-hulihang Ibarra at ako ang nagsabing wala akong nasumpungan kahi'b na isang tao. Maging gayunman ay sa aling tuntuning pampanitikan manghahawak kayo ngayon upang pawalang-bisa ang mga pagtutumpak na. itinugon ni Ibarra sa aking mga hindi mapupuwing na salita? Sapagka't kung binasa ng Inyong Kadakilaan ang mga talatang sumusunod doon, ay hindi sana ninyo nagawa ang mala king katampalasanang ito, na hindi kayang magawa ng isang kastila at kahit na ng isang kristiyano lamang, ni hindi na sana ninyo sinulat ang gayon karaming pahinang k:atulad ng pagpapaliguy-ligoy ng mga taong nagsisisulat tungkol sa mga bagay na talagang wala. Sa katunayan, si Ibarra ay sumagot sa kasunod na talata, ng ganito: -"Walang nakita ang Inyong KadakUaan kundi i.y on lamang mga nagsisiusad sa mga lunsod; hindi ninyo nadalaw ang mga inuupasalang dampa sa aming mga bayan-bayan; sa'na'y 11akatagpo ang Inyong Kadakilaan ng mga tunay na tao, kung upang maging isang tao'y sapat na ang pagkakaroon ng isang magandang puso at ng matimtimang kaugalian."

Sino ngayon ang nagsasalita sa bibig ni Ibarra, Kadakidakilaang Ginoo? Kayo po ba? Kung gayo'y bakit pagkatapos ay sinasabi ng Inyong Kadakilaan na si Ibarra at si Rizal ay pareho? Alin sa dalawa: kami ay pareho 0 kami ay hindi pareho? Hindi ko nais sabihing bunga ng masamang kalooban ang paraang itong ginagamit ng Inyong Kadakilaan sa gayong pagbanggit. Ako'y pinaratangan ninyong nakagawa ng isang kabuktutan, datapuwa't kusa ninyong kinaligtaang banggitin ang katugunang matatagpuan sa susunod lamang na talata. Ang ginawa ninyong iyan ay tahasang tinatawag na panlilinlang sa madIa, Kadaki-dakilaang Ginoo. Ang Inyong Kadakilaan ay naging Gobernador Sibil at pat-


209 nugot ng Pangasiwaan sa aking bansa sa loob ng maraming taon; ang Inyong Kadakilaan ay isang batikang manunulat, mayro9n kayong napakagaling na paraan sa pagsulat at isang panulat na hindi mapipintasan; ang Inyong Kadakilaan ay kagawad ng mga maharlika't makapantas na surian at kailanma'y hindi kayo nakagawa ng pagkakasalungatan; marami nang taon ang nilakaran ng Inyong Kadakilaan, sagana ,sa karanasan at karangalan, at kayo'y kabilang sa lahing lalong nakatataas at may mga tanging karapatan; saman4Uang ako'y isang hamak, isang kawawang itinapon, isang masamang manunulat at may nakapasamfmg paraan sa pagsulat; isang pintungan ng pagkakasalu-salungatan, isang binatang salat sa karanasan at may lahing alipin. Sukdang ako man ang lahat ng iyan, ay maglalakas-Ioob akong magbigay sa inyo ng isang payo, bilang kapalit ng maraming pangaral-ama na ibinigay ninyo sa akin: kapag ang isang tao'y nagtataglay ng mga katibayan at mga hangaring katulad ng sa Inyong Kadakilaan, ay marapat magsimpan sa pagsulat ng higit n~ kalinisan ng loob at higit na katapatan; hipdi nararapat kumapit sa mga pakanang ginagamlt ng mga n~kikipagtalo sa mga kapihan, sapagka't gaya ng sinabi ng rnyong Kadakilaan na rin: hindi ang kaalaman ang siyang pinakamabuting tanda ni ang kaisai.sang katangian ng tao, kundi ang mga kabutihang-asal at q,ng kayamanan ng kaluluwa.' Ang sinasabi ng Inyong Kadakilaan tungkol sa tao ay maikakapit sa manunuri at sa mananaysay. Sa dahilan ding iyan, napagkikilala kong totoong kapunapuna ang inyong isinaad na ipinatutungkol sa akin sa panig 179. Dito'y sinasabi ninyong tinatawag kong mga karpintero ang mga mabababang-Ioob. na manlililok sa Santa Krus at sa Paete. Saan ninyo kinuha ito, Kadaka-dakilang Ginoo? Paanong natuklasan ninyo sa parilalang mga karpinteriya sa Paete sa parug 27 ng aking Noli Me Tangere, ang mga talyer ng eskultura sa Santa Krus? May palagay ba ang Inyong Kadakilaan na ang purok ng Santa Krus ay nasaloob ng mga karpinterya ng bayang Paete na nasa-aking lalawigan? Sa ibang lathala ay tila inilagay ng Inyong Kadaldlaan ang Kolombo sa labas ng Seilan, at ngayo'y pabaligtad n aman ang inyong pagkakamali: inilalagay ninyo ang mga bayan sa loob ng iba, katulad ng mga kahon ng mga salamangkero. Anong tuntunin ang inyong pinaninindigan sa bagay na ito? Hala, magsalita .nga 006700- 1 4


210

kayo! Ito ba'y ginawa ng Inyong Kadakilaan upang ako'y hamakin sa mata ng aking mga kababayan 0 dahll sa hindi kayo :rnarunong bumasa, at nananais ninyo ngayon na magkunwang tagapagtanggol ng mga indiyo na maraming bagay-bagay ang naalaala tungkol sa Inyong Kadakilaan '? Ganito rin ang paraan ng pagbanggit ni Pray Rodriguez, at kung susundin ang pamamaraang ito maaari nang bumaba ang Espiritu Santo upang sumulat, at tinitiyak ko sa inyong siya'y mahihitnulmulan bago siya yumao. Dahil diyan kung kaya pinag-aalinlanganan ng Inyong Kadakilaan ang aking pagmamahal sa katotohanan, sa dahilang hindi ko sinasang-ayunan ang Inyong Kadakilaan sa ilang bagay! Sa aming pagkakamalas, napagbabali-baligtad ninyo ang katotohanan, sang-ayon sa inyong makahumalingan, at tanging kayo lamang ang nakaaalam! ' Subali't pagbalikan natin ang mga duguang pangtmgusap ng aIring kapitan heneral. Tinatanggap kong duguan nga, ang mga pangungusap na yaon, lubhang duguan, opo, datapuwa't ang mga nasabing pangungusap ay hindi kasinungalingan, kung isasaalang-alang ang pagkatao ng nagsasalita. Lalo pang malupit ang pangungusap ng Inyong Kadakilaan sa pahina 180, gayong kayo'y kastila at kristiyano, at gayong nasa-harap ng inyong mga mata ang panunuya ng aking heneral. Sinasabi ng Inyong Kadakilaan itong sumusunod: "Sa ilalim ng aking karangalan ay pinagtitibay kong walang pagod na hinanap kong taglay pa ang parol ni Diogenes sa boong kapuluan at hindi mapag-aalinlanganang ang aking pangamoy ay lalong matalas, sanhi sa aking karanasan, kaysa pang-amoy ng nasabing heneral na nakasumpong ng iisang tao lamang, at ang taong iyan ay kayo, sapagka't si Ibarra at si Rizal ay pareko, 2Jareho rin."

Magtapos tayo: Nakatagpo ba ang Inyong Kadakilaan? Nakatagpo ba ang Inyong Kadakilaan ng lalong maraming tao? Kung nakasumpong ang Inyong Kadakilaan ng inyong pinakahahanap, ano ang katuturan ng pagsasabi ninyo sa amin na kawalang-pagod sa paghanap at ng gina mit ni!lyong "tunay ding pal'ol ni Diogenes" (na sa karaniwang sabi'y nangangahulugan ng parol ng Guwardiya Sibil)? 7 At kung hindi naman ninyo nasumpungan ang inyong pinakahahanap, 1 Ang Guwardiya Sibil ay katulad ng Kostabularya ngayon sa Pilipinas: may uring militar nguni't tumutupad ng tungkuling pagka-pulis na nangangalaga sa katahimikan at kapanatagan ng bayan.


211

ano ang dahilan ng isinaad ninyo tungkol sa inyong pangamoy na lalo pang matalas kaysa pang-amoy ng aking heneral, na hindi naman naghanap nang walang tugot, ni hindi gumaygay sa huong kapuluan sa paghanap sa kanyang tao at hindi man lamang gumamit ng isang parol kahit na yaong sa Edad Medya? Ninanais ba ng Inyong Kadakilaan 11a kayo sana ang ginawa kong huwaran ng aking kapitan heneral? Ano't nagsasalita kayo sa amin ng tungkol sa mga salitang duguan? Sa tanang sinulat ninyo, Kadald-dakilaang Ginoo, ay wala kayong inihihinga kundi pagkapait-pait na poot sa aking lahl at sa aking bayan at lagi nang nagagalak ang Inyong Kadakilaang makita kaming nagdaralita, ngayon ba'y magkukunwang tagapagtanggol ng mga indiyo ang Inyong Kadakilaan? Hanggang saan hahantong ang aming kasaliwaang-palad kung kami'y ipinagtatanggol ng mga tao ring sa ami'y lumalait? Sino, samakatuwid, ang sumasalungat sa sarili? Kaya ba binabansagan ako ng Inyong Kadakilaan ng pintungan ng pagkakasalu.-salung(Ltan ay sapagka't napipintong sa aking alaala ang marami J.l.inyong pagkakasalu-salungatan? Ano ang sukat ipagtaka sa isang kapitan heneral na nasanay nang namuqay nang t tlong taon sa isang kapaligirang puno ng usok at kamanyang, naliligid ng mga prayle at mga taong mapag-imbot kung hindi niya nakilala ang mga mamamayan sa bansa, gayong ang Inyong KaClakilaan na rin, bagama't maratni kayol1g ipinagpaparangalang mga katangian ay hindi ninyo nakikilala ang mga mamamayankayong hindi sinusuyo ng mga prayle kundi siyang nanunuyo sa kanila? At sabihin nga ninyo sa akin: sinong taong may bait ang magnanasang malagay sa maaaring maabot ng isang kapitan heneral sa Pilipinas, at makitalamitam sa kanya nang malaya at tapatan, gayong nababatid niyang maaaring makaligalig sa kapanatagan ng kanyang tahanan ang isang iti 0 hindi pagkatunaw ng kina in ng Kanyang Kadakilaan? At alamin ninyo na sa Pilipinas, ang iti at ang hindi pagkatunaw ng kinain ay pang-araw-araw路 na pangyayari sa Hang uri ng tao. May isang bayaw 8 ako na ngayo'y makalawa nang itapon kahit na hindi sila nagkaharap kailanman ng Kapitan Heneral, kahit na walang anumang suplong laban sa kanya, kahit na hindi man lamang 8 Ang timltukoy ditong bayaw ni Rizal ay si Manuel Hidalgo, asawa ng kapatid niyang si Saturnina Rizal.


212

niya nababatid kung anong pagkakasala ang ibinibintang sa kanya, maliban sa siya'y aking bayaw. Ako mang ito, ang tao, ang Ibarra ng Inyong Kadakilaan (hindi ko mawatasan kung bakit, gayong hindi naman ako mayaman, hindi mestiso, hindi ulila, at ang aking mga kaisipa~ ay hindi naman kaisa ng kay Ibarra) , ay makalawa na akong makaharap, bagaman laban sa aking kalooban, sa palasyo ng Malakanyang. Ang una'y noon 1880, sapagka't ako'y ginulpi't sinaktan, isang gabing madilim, ng isang guwardiya sibil, sa dahilang ako'y dumaan sa harap ng tila isang bulto dahil sa kadiliman ng gabi at ang bulto ay hindi ko napagpugayan. Ang bultong iyan ay ang tenyente palang namumuno sa pangkat ng hukbo. Ako'y sinugata't ginulpi sa likod nang walang anumang sabi-sabi. Humarap ako kay Ginoong Primo de Rivera, 9 nguni't hindi ko nakita ang Kanyang Kadakilaan at 路 hindi rin ako nagkamit ng katarung an . .. At ang ikalawa ay noong 1887, sapagka't ipinatawag ako ni Ginoong Terrero 10 upang sagutin ang mga ipinal'atang at mga isinumbong laban sa akin dahil sa aking katha. Kung gayon, ilang libu-libong tao na laiD pang marapat at mal'angal kay lbarra at sa akin ang hindi man lamang nakasilay ng dulo ng buhok 0 ng upaw ng Kanyang Kadakilaan? At ang Inyong Kadakilaan, na namararaling inyong nakikilala ang Sangkapuluan, ilang tao ang nakausap ninyo? lIang tao aug inyong nakapalagayang loob ? Nakikilala ba ninyo ang diwa ng bansa? Kung ito'y inyong nakikilala, marahil ay hindi ninyo sasabihing ako'y isang diwang binaluktot ng pagtuttL'rong aleman, sapagka't ang diwang sa aki'y nagpapasigla ay sinimpan ko na sapul pa nang aking kamusmusan, bago ko pa nilisan ang Pilipinas, bago ko pa natutuhan ang isang katagang aleman. Nabaluktot ang aking diwa sapagka't ako'y .nasanay sa pagmamalas sa mga kabuktutan at mga pagmamalabis sa lahat ng dako, sapagka't sapul sa aking kabataan ay llakita ko na ang maraming nagtitiis nang walang anumang dahilan, at sapagka't ako rin ay nagtiis. Ang aking baluktot na diwa ay siyang bunga ng walang tantang pangitaing iyan , 9 Si Primo de Rivera ay siya ring Fernando de Rivera, Marques de Estrella, at naging Gobernador Heneral n g Pilipmas buhat ng 1880 hanggang

1883. 10 Ito'y si Emilio Terrero y Perinat, tenyente heneral ng Pamahalaan sa Espanya, at naging Gobernador Heneral ng Pilipinas sapul ng 1885 hanggang 1888.


213

ng mithiin ng kaluluwa na sumusuko sa harap ng .maka~ pangyarihang katunayan ng mga pagmamalabis, kawalangkatuwiran, pagbabalatkayo, panlilinlang, pandarahas. paglililo at iba pang imbing damdamin. At baluktot ding katulad ng aking diwa ang diwa ng mga yuta-yutang pilipino, na hindi pa umaalis sa kanilang kapus-palad na tahanan, na walang sinasalita maliban sa kanilang satiling wika, at kung sila'y mangagsisisulat mangagpapahayag ng kanilang mga kaisipan, disi'y magiging gabutil lamang ang aking Noli Me Tangere, at ang karamihan ng mga aklat na kanilang maisusulat ay sapat na maipagtayo ng mga piramide para sa mga bangkay ng mga malulupit at mapang-api. Siya nga, may katwiran ang Inyong Kadakilaan; ang Noli Me Tangere ay isang panunuya ab hindi isang paghingi ng pagpapaumanhin. Siya nga, inilarawan ko ang mga panlipunang sugat ng aking inang-bayan. Sa aking aklat ay may maiitim na guni-guni at malttlungkot na tanawin at ang dahilan nito'y rna-rami akong nakikitang mga kabuhungan sa aking bansa; doon, ang mga kulang-palad ay kasindami ng bilang ng mga hangal. Inaamin kong nagkamit ako ng masaklap na pagka1ugod sa pagbubunyag sa liwanag ng gayon karaming bagay-bagay na sukat ikahiya at ikapamula ng mukha, datapuwa't sa aking paglalarawan ng mga iyon ay ginamit ko ang dugo niyaring puso, at tinangka kong sila'y maituwid at mailigtas naman ang iba. Ako'y ipinaris ng Inyong Kadakilaan kay Quoquiap upang ako'y hamakin lamang at maging kamuhi-muhi sa mata ng aking mga kababayan. Datapuwa't inilarawan ni Quioquiap ang kaugalian ng mga indiyo upang hamakin at abain ang buong lahi at tawanan ang kasaliwaang-palad nila. Iniukol sa lahat~ nang walang itinatangi, ang kasamaan at karimariman, a~ humango siya, gaya ng ginawa ng Inyong Kadakilaan, ng mga hinuhang panlahat sa mga palagay na pambahagi lamang at malayung-malayo sa paksa. Datapuwa't sa ganang akin ay inilarawan ko, sa piling ng kasamaan ang kabutihan. Ang kabutihan ay inilarawan ko sa katauhan ng isang Elias 11 at ng isang Tasyo,12 sapagka't sa katunayan ay may mga Elias at mga Tasyo 1'oon; mayroon at tunay na mayrooD, kahit na ang bagay na ito'y isakit ng loob ng Inyong Kada ..路

Ang Elias na tinutukoy rito ay isang tauhan ng Noli Me Tangere. 12 !sa ring tauhan ng Noli eng binaoanggit ditong si Tasio 0 Pilosoponp;.

11

Tasio.


214

kilaan; dangan nga lamang, at ang Inyong Kadakilaan at ang mga kapanalig ninyo'y nangangambang baka ang kaunting kabutihang inilarawan ko'y magsilbing halimbawa sa 'mga masasama at makatubos sa mga ito, kaya pinagsisigawan ninyong yao'y hindi totoo, matulaing katha, masagwa, kamithi-mithi, hindi sukat mangyari, malayo sa katotohanan at aywan ko kung ana pa? Ang tinatanggap lamang ninyo ay ang kasamaan upang abain at hamakin ang bayan, at kaya ganito ang inyong ginagawa ay sapagka't sa dahilang hindi ninyo kayang pumaitaas, ay ibig ninyong ibaba ang lahat ng sa inyo'y nakaliligid upang sa ganito'y umungos kayo 路 at lumitaw na dakila at marangal. Tunay ngang maraming kabulukan doon, marahil ay higit sa alin mang pook, datapuwa't ang sanhi nito'y sapagka't sa yagit na sarili ng lupa'y naragdag pa ang dumi ng mga ibong nagdaraan at ang mga bangkay na ipinapadpad ng dagat sa kanyang mga baybayin. At palibhasa nga'y isang katotohanan ang kabulukang ito kaya ko sinulat ang aking Noli .il1e Tangere; humihingi ako ng mga pagbabago upang ang kakaunting kabutihang natitira ay mailigtas at ang kasamaan ay matubos. Kung ang aking bayan ay isang Republikang katulad ng kay Platon, ay hindi ko kaipala sinulat ang Noli Me Tangere at hindi sana nagtagumpay itong katulad llg mga tagumpay na tinamo, ni hindi na kakailanganin pa, marahil, ang mga pagbabago, sapagka't aanhin ang lunas ng jsang taong wala namang sakit? Nguni't ibig ng Inyong Kadakilaan na ako'y hulihin sa pamamagitan ng inyong natuklasan sa pahina 179. Sinasabi ninyong wala sa aking Noli Me Tangere ang mga taong nangangailangan ng mga pagbabagong makakalayaan, na hinihingi ko sa akillg Ang Pilipinas sa loob ng isang daang taonY Dito'y napagkilala kong hindi binasa ng Inyong Kadakilaan ang aking buong akda, at ito'y hindi ko dinaramdam, palibhasa'y hindi ko sinulat iyon para sa Inyong Kadakilaan; subali't yamang hangad din lamang ninyong magsa-manunuri, at sa magsa-manunuring hindi nagkakamali ay nararapat sanang binasa ninyong mabuti upang di na kayo nag-aksaya ng panahon sa pagtatanong ng mga kahangalan. Nagpapatwnpik-tumpik pa ang Inyong Kada.. 18 Ito'y isang akdang sinulat ni Rizal na parang hula sa sasapitin ng .Pilipinas sa loob ng sandaang taon, at nagpapakilala ng mga isipan at layuning makabayan.


215 kilaan sa pagsasabing: "Bakit ito'y ipinagwalang-kibo ninyo sa loob 路 ng mahabang panahon? Mayroon pa bang lalong mabuting pagkakataon 'maliban sa nobela upang ipahayag sa sandaigdig ang myong mga kababalaghan?" Ang pinakamalaking kababalaghan sa bagay ito ay ang kapalagayang-loob ng Inyong Kadakilaan. Ginuguni-g1;Uli ninyo ang isang bagay, at ito'y ipinalalagay nang isang katotohanan, at kinukunan ninyo ng lahat ng hinuhang inyong man-ais. Kung gayo'y opo, Kadaki-dakilaang Ginoo; ang mga taong yaong tinutukoy ko sa aking Ang Pilipinas sa loob ng isang daang taon, ay makikita sa mga pahina 290 at 291, at hindi ko na sisipiin dito sapagka't ito'y pag-aaksaya lamang ng panahon at papel. Ang mga pahinang iyon ay maaaring mabasa ng lahat. Ang kilusang iyan ay lumipana hanggang sa iba't-ibang sulak ng mga la1awigan, 'kaya pati si pilosopo Tasyo ay nakapansin niyaon nang mayroon nang sampung araw 0 labindalawang taan, na siyang kapanahunan 'ng aking nobela. Ang kilusang nasabi ay siyang pinag:mulan ng mga tao s,a ngayon, nguni't ang pangyayaring ito, ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay tinatawag na pagkakasalu-salungatan ng Inyong Kadakilaan. Tinawag din ng Inyong Kadakil~n na mga malayo ang mga taong tu~o sa Ceilan; inilagay ninyo ang Santa Cruz ,14 sa Paete. at ang Ko10mbo ay hindi ko alam kung saan. Paldnabangan nawa ninyo ang kaparaanang iyan! Binahanggit na ng InY<i>Ug Kadakilaan ang mga pangalan nina Anacleto del Rosario,15 Isabelo de los Rey:es 16 at Arellano. 17 Lalo sanang maraming nga1an ang inyong mababanggit kung nakilala ninyong mabuti ang bansa at ang mga mamamayan doon, at kung hindi ninyo gaanong tinawanan ang maliliit na kaluwalhatian ng aming hansa. Bukod diyan ay mababanggit ko sa inyo ang isang Leon [Ma.]

na

14 A.ng tinutukoy ritong Santa Cruz ay ang purok ng siyudad n g Maynila at hindi ang alinman. lL.Si Anae1eto del Rosario ay isang bantog at I?antas na kimiko na naging kamag-aral ni Rizal. Ipinanganak nang taong 1861, nang t aonding ipanganak si RizaL 1B Si Isabelo de los Reyes ay isang kilalang manunulat na ilokano. Nabantog siya sa kanyang sinulat na Sensacional Memoria sa Madrid nang taong 1899. 11 Si Don Cayetano Arellano ay siyang naging kaunaunahang Pangulo ng Kataastaasang Hukwnan sa Pilipinas /Sa loob ng panahon ng mga amerik~o. Isa siyang bantog at kilalang abogado at taga-Ialawigan ng Bataan.


216

Guerrero,18 isang Zamora/9 isang Joaquin Garrido,20 isang Jose Luna,21 isang Regino Garcia,22 Pardo de Tavera,23 Benedicto Luna,24 Vicente Garcia,25 Del Pilar,26 Mariano Sevilla,?7 Pedro Serrano,28 at marami pang iba; nguni't hindi kailangang dito'y isa-isahin ang talaan ng mga taong mahalaga; mayroon nang mga iyan at ito'y sapat na. ltinatanong ng Inyong Kadakilaan kung sinu-sino ang mga mananalaysay, 18 Si Leon [Ma.] Guerrero ay isang bantog na botanikong pillpino, sumulat ng aklat na nauukol sa iba't ibang halaman sa Pilipinas, na ang karamiha'y pmagkukunan ng gamot sa iba't ibang sakit. Siya'y isa sa mga naging kagawad ng unang Asamblea Pilip ina sa ilalim ng Batas ng Pilipinas ng 1902. J~ Si Felipe Zamora ay isang kilalang doktor sa medisina. Siya ang laging binabanggit ni Rizal, nang ito'y nasa-Espanya, na tawagin upang gumamot sa sino mang kaibigang nagkakasakit, pati na si Leonor Rivera na kanyang kasintahan. :!O Si Joaquin Garrido ay isang magiting na pilipino. O"L Si Jose Luna ay i.,ang tanyag ding mediko, is~ sa mga kapatid ni Heneral Antonio Luna at ng bantog na pintor na si Juan Luna, na gumuhit ng hinangaang "Spoliarium". :!!! Si Regino Garcia y isa ring tanyag na ' botanikong pilipino. . "" Trinidad H. Pardo de Tavera ang tunay niyang pangalan. Kilalang mananalaysay at manunulat na pilipino. Siya ang may akda ng "Resciia Historica de Filipinas" na inilathala sa Maynila at nilimbag sa Kawanihan ng Palimbagan ng Pamahalan. Si Tavera ay naging kagawad ng Komisyon Sibil sa panahon ng mga amerikano. U Si Benedicto Luna ay isa ring tanyag na abogado at kilalang pilosopo. Itinuturing din siyang makabayang pilipino. ""' Ito'y ang paring si Vicente Garcia, na may malawak na kaalaman at pinag-aralan. :lG Si Del Pilar ay siyang Marcelo H. del Pilar na kapanahon ni Rizal sa Espanya. Isa siyang magaling na abogado, tanyag na manunulat, hindi lamang sa kastila kundi gayon din sa tagalog, at naging Patnugot ng La Solidaridad. Lalo siyang nabantog sa pagiging manunulat na mapanudyo at mapangutya sa mga prayle at mga kastila. Kilala siya sa larangan ng panunulat sa mga pamagat na Pl aridel, Dolores Manapat at iba pa. Siya ang sumulat llg "Dasalan at Toksohan", "Kaiigat Kayo", "Aba Ginoong Baria",. "Pasyong Dapat Ipag-alab ng Puso ng Taollg Babasa", "Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas", "Amain Namin" at iba pang napakarami, na sa pamamagitan ng makinis at matalinong panunudyo 0 panunuya ay nailarawan niya ang kasamaan ng mga prayle sa Pilipinas. 27 Si Mariano Sevilla ay isang pantas na paring tagalog, na maraming sinulat tungkol sa kagandahang asal, kilalang mananagalog at magiting na pilipino. :!S Si Pedro Serrano Laktaw ay kilalang magaling na guro; "maestro supe. l'iOl'" sa Paaralang Normal sa Madrid, may-akda ng Talatinigang TagalogKastila at Kastila-Tagalog, at siyang unang gumamit ng palatitikang tagalog na ~ihi ni Rizal. Kinikilala siyang iss sa mga tanyag na manunulat sa wikang tagalog.


217 ang mga may malayang pagkukuro at ang mga pilosopo? Sa mga nauna, bagama't ang mga ito'y hindi kasapi sa "Real Academia de la Historia" mayroong gaya ni Isabelo de los Reyes, na, kahit hindi siyang sumulat ng Guerras Piraticas} ay marami naman siyang katangian dahil sa lubhang maingat sa kanyang mga sinulat. Ringgit .sa pag路路 tuturing sa Inyong Kadakilaan llg pangalan ng mga taong may malayang pagkukuro at ng mga pilosopo, iadya nawa ako ng Diyos na huwag mahulog sa inyong patibong! Rathe't', gay a ng sabi ng mga ingles, ni ang pangalan man ng kanilang lalawigan ay hindi ko sasabihin sa inyo. Maliwanag pa naming nagugunita ang mga pagkakausig at pagkutyang binata ni Ginoong Francisco Rodriguez, noong siya'y nabubuhay pa, at maging noong siya'y patay na, dahil sa siya'y nagkaroon ng kabantugan sa pag-aangkin ng malayang pagkukuro. Ibig ng Inyong Kadakilaang magkunwang walang-muwang sa pagtatanong sa akin kung alin-alin ang mga katha ng mga pilosopo. Ano naman ang gagawin ng maagap na pagsusuri? Lakari.l1 ng Inyong Kadakilaang ito'y ipagbawal at ipinangangako ko sa inyong ang mga ang sipi ll!g kanilang mga katha ay ihahandog sa inyo. Alamin c1iin ninyo kung gaano ang bilang ng mga ipinagbibiling sipi ng mga sinulat nina Voltaire, Rousseau, Victor Hugo, Cantu, Sue, Dumas, Lamartine, Thiers, Aiguals de Izco at iba pa, at kung gaano ang bilang ng mga siping nahill na, at matataya ninyo ang bHang ng mga mambabasa. . Narito ang kinauuwian ng inyong paksa: ako'y isang pintungan ng mga pagkakasalungatan, sapagka't iyan ang naging sumpong ninyo, at sapagka't sa lahat ng bagay ay nakakakita kayo ng pagkakasalungatan. Gumagamit ba ang Inyong Kadakilaan ng mga salamin sa mata na may katangiang makakita ng pagkakasalungatan? 0 baka naman nagtataglay kayo ng gayon sa inyo na ring katauhan? Nagpupumillt pa ba kayo sa inyong palagay na ang lahat ng mga tauhan sa isang nobela ay nararapat na maging kaayon ng mga paniniwala ng may-akda? Kung gayon, opo, tinatanggap ko ang pagkapintungan ng mga pagkakasalungatan at higit pa sa riyan. Nguni't dapat sanang naihayag muna yaong kinathang "Poetica" ni Prayle Rodriguez, Kadaki-dakilang Ginoo! Ikinagagalak kong si "Quioquiap" ay itinaas ng Inyong Kadakilaan nang ilang siko sa akin; ilagay ninyo siya sa


218

buwan kung ninanais ninyo at kahit na sa langit pa. Kailanman ay hindi ko pagsusumakitang magkaroon ng katulad ng pamamaraan niya sa pagsulat; nasisiyahan na ako sa aking paraan kahit na ito'y napakasama, gaya ng sinasabi ng Inyong Kadakilaan: Academicus Vincentius Barrantes dixit, ergo ita est (Ang akademikong si Vicente Barrantes ang nagsabi; dahil dito'y gayon nga). Nguni't maging masama man ang ayos ng aking pagsnlat ay hindi naman magiging kasinsama ng mga pagmamalabis ng kanyang binabaka, at nawiwika ko, gaya ng sinabi ni Lista, na: "Di pinahihintulutan ng diwata kong malay a Na mahimlay nang panatag ang mapang-aping kuhila: Labi niyang sakdal yumi, kataga ma'y di nagwika Ng imbi't hibong papuri sa manlulupig sa madla."

Ang panulat ko kailpnma'y hindi nagbuyo sa kaninumang tagapanga,siwa sa kabuktutan ni kinasangkapan sa pagtatakip sa mga panlilinlang, ni sa pag-api at pagmamalabis sa isang lahing lubhang mapagtiwala. Napakasama man ng aking paraan sa pagsulat, ito naman ay nakapaglingkod sa binalak ko, at k\mg bagaman iyon ay hindi punlong hubog balisunsong, niyari sa nikel at pinakintab, na maipanunudla ng isang akademiko, kundi isa lamang magaspang na batong napulot sa isang batisan, ay tumama naman sa airing pinatatamaan, tumama sa ulo ng Goliat na iyang may dalawang mukha, na sa Pilipinas ay tinatawag na praylismo at masamang pamamahala. May matuwid kayong dumal'ag.darag, hindi ko itinatanggi sa inyo ang karapatang iyan. Nariyan na ang sugat, nariyan na ang kamatayan, bakit papansinin ko pa ang punlo? Palibhasa'y hindi ninyo mapasinungalingan ang mga pangyayari, ay nagkukunyapit kayo sa pamamaraan sa pagsulat at sa balcH: kinakagat ng aso ang batong sumugat sa kanya. Sa anu't anuman, kung may mga nagsisipula sa akin, ay mayroon namang l1agsisipuri; ang una'y nababayaran ng ikalawa. Kabaliwang maituturing ang paghingi sa nakapangyayaring nasaktan na gantimpalaan ang nagsabi sa kanya ng mapapait na katotohanan; sa katunayan, maituturing kong mapalad aug aking sarili sapagka't ako'y nabubuhay pa. Ang mga mala-Diyos lamang ang nag-uutos na hagkan ang kamay .nilang ginagamit sa pananampal. Ang tunay na daramdamin ko ay kung ang aking narinig ay mga papuri't pagbati


219

sa halip ng mga pag-angal at pagmura buhat sa panig ng mga kalaban, sapagka't ang gayo'y magiging katunayal1g sa puwit lumabas ang aking bala. At yamang hindi ako sumulat para sa aking sariling kapakanan ni upang kumatok sa pintuan ng Akademya, kundi upang maipakilala lamang ang mga pagmamalabis at alisin ang mga maskara ng mga nagbabalatkayo, matapos matamo ko ang aking hangarin, ay ano pa ang kabuluhan sa akin ng nalalabi? Bukod sa rito, ang aking aklat ay hindi pa nahahatulan at hindi maaaring hatulan, sapagka't hanggang ngayon ay patuloy pa ang kanyang pagtalab. Kapag ang mga taong binabatikos ng aking aklat at ang mga pagmamalabis na binabaka .ay nangaparam na sa politika sa aking .inang-bayan; kapag may humalili nang bagong salin ng lahi na hindi kasabwat sa mga katampalasanan ni sa mga kasalukuyang kahalayan; kapag tinakdaan na ng wakas ng Espanya ang mga paglalabang ito, sa pamamagitan ng tapat at makakalayaang pagbabago; sa biglang turing! kapag tayong lahat ay nal1gapawi na at kasam'a nating nawala ang ating pag-ibig sa sarili, ang ating kapalaluan at mga simbuyo, pag nagkagayon na, ang aking aklat ay mahah~tulan na ng mga kastila at ng mga pilipino nang tahimik at walang kinikilingan ni walang pag-iimbot at pagtatanim sa loob. JOSE RIZAL

*


W ALANG NGALAN [Inilathala sa La Solidaridad, nang ika-28 ng Peb1'e1'o ng 1890]

(SIP! SA "LA DEMOCRACIA") Villalobos, Maynila, 1899

Hindi namin malaman kung ano ang nararapat itawag sa pangyayaring ipagbibigay-alam namin sa mga kastilang may dangal at lalo na sa Pamahalaan ng Mga Bayang Sakop sa kabilartg Ibayo ng Dagat, Nang magtatapos ang taong 1887, dahil sa isang pagtatanong ng Pamahalaan, ay gumitaw ang isang pag-aalitan ng mga namumuwisan sa Asyenda ng Kalamba 1 at ng mga nagmamay-ari nito, ang mga Kagalang-galang na Paring Dominiko. Dahil sa pagbabala ng mga ito, ang mga namumuwisan ay dumulog na lI).uli, sa pamamagitan ng isa pang kasulatan, sa Pamahalaan, at hiniling na ito'y mamagitan at magpadala ng isang sugo upang siyasatin ang katoto" ha~an ng mga pangyayaring isinusumbong nila. Hindi mabilang -ang mga sumbong, ang mga gawa..'1g ipinararatal1g at ang mga kawalang-matuwid na ginawa; at ang kasulata'y nilagdaan ng lahat halos ng mga naninirahan sa bayan. Nasa-aming harap ang mga sipi ng dalawang dokumento. Ngayon (kung ang mga kasulatang nasa-aming kamay ay hindi nagbubulaan), ang sulat ay tila itinago upang ito'y huwag makarating sa kaalaman ni Heneral Terrero,2 na noo'y puno na sa maraming pang-aapi, at nang sa gayo'y huwag makita ng Heneral at makagawa ng hakbang na nararapat. Al1.g nangyari'y hindi binigyan ang kasulatan ng kaukulang pagsisiyasat hang gang sa, pagkaraan ng limang ~ Ang Kalamba ay isang bayan ng lalawigang Laguna, at siyang kinakitaan ng unang liwanag ni Jose Rizal. 2 Ang tunay at buong pangalan nito'y Emilio Ten'ero y Perinat, naging Kapitan at Gobernador Heneral ng Pilipinas buhat ng ika-4 ng Abril, 1885 hanggang 1888.

220


221 buwan, ay hinalinhan siyang pansamantala ng heneral "segundo kabo." 3 Ang pansamantcilang Heneral, sa halip na mag-utos ng sugo sa bayan ng Kalamba, sang-ayon sa kahilingan ng mamamayan upang maliwanagan ang mga pangyayari, ay nagsugo ng isang lihim na utusan 4 sa probinsiyal 5 ng mga Dominiko alalaong baga'y sa panig na ipinagsusumbong, upang ito'y hingan ng ulat tungkol sa katotohanan ng usapin. May sipi kami ng di-karaniwang kasulatang ito na may petsang ika-8 ng Mayo ng 1888. Gaya ng nararapat hintayin, palibhasa ang Heneral ay hindi naman kumpesor ng Kagalang-galang na Probinsiyal, ito'y walang kautangang magtapat at umamin ng peccavi, (nagkasala ako); ang isiniwalat niya ay yaon lamang nababagay sa: kanya, at gaya rin ng mga nararapat hintayin, ay pinawalang halaga ng pinunong iyon ang kahilingan, at sin asabing kabulaanC,ln ang mga pangyayaring ipinagbigay-alam sa Pamahalaan ng mga namumuwisan sa Kalamba, at hinihinging liwanagin at patunayan ang mga nasabing pangyayari. - May sipi rin kami ng dil-karaniwang pasiyang ito, na may petsang ika-30 ng May ng 1888 at ipinadala rill sa Kanyang Kagalang-galal1g na Paring Probinsiyal ng mga Dominiko, na tumugon karakaraka at nagpasalamat sa pasiyang lubos na kasiya-siya, gaya ng itinawag ng Kanyang Kagalang-galang na Probinsiyal. Sa tapatang sabi, hindi namin alam kung ang ¡ ganitong pamamaraan ng pangangasiwa sa katarungan, na ang hukom ay humihingi ng payo sa panig na pinararatangan at hindi dumirinig sa tinig ng humihingi ng pagsisiyasat ng katotohanan, hindi namin alam, inuulit namin, kung ang nasa:bing pamamaraan ay ginagawa sa alinmang bansang salbahe; yao'y dili ang hindi mangyayari pagka't namamalas nating ginagawa ng isang Heneral ng isang bansang lubhang mapagmahal sa kaunlaran at katarungan, gaya ng Espanya. Ang aming masasabi'y bago dumating ang mga kastila sa 3 Ang "segundo cabo" ay isa sa 111ga may mataas na tungkulin sa Pamahalaang Kastila, at siyang pinaka-pangalawang Gobernador Heneral sa loob ng pangasiwaan. â&#x20AC;˘ Ang lihim na utusang sinasabi rito ay dili iba kundi isang t agapaglingkod na dahil sa katagalan na ng panunungkulan ay wala nang gawaing tinutupad sa Pamahalaan. ng isang samahang relihiyoso sa loob ng isang lalawigan. e Ang tinatawag na Probinsiyal ay elili iba kundi ang punong eklesyastik6


222

Pilipinas, hago pa nakaisip magpabinyag at magpakabihasa ang sinuman, hago pa sumikat ang liwanag ng katotohanan sa bansang iyon, dati-rati, nang ang mga prayle ay wala pa kahit isang dangkal na lupa roon, nang ang lupang binubungkal at nililinang ay pag-aari pa ng nagpapagod upang pag-anihan sa pamamagitan ng pawis )lg kanyang noo, datirati ang paggagawad ng katarungan ay ginagawa sa ibang paraan. Ang "oidorH at Tenyente ng Gobernador ng Pilipinas, si Ginoong Antonio de Morga, ay sumulat noong 1609 sa Sucesos de las Islas Filipi.nas, (kabanatang VIII) ng ganito: "Kapag ang ilang taong tubo sa Kapuluan ay may usapil1. o pakikipagtalo sa iba, tungkol sa lupain 0 ari-arian, () tungkol sa pagkakalait 0 pagkakapinsala sa: pagkatao, ay puroipili ng mga matatanda sa nayon ding iyon ( alalaong baga'y sa balangay ding iyon) upang siyang magsiyasat sa usapin. Ang mga panig 1'1a nag-uusapin ay nakaharap, at sa dahilang nal'arapat magkaroon ng mga patotoo, ay dinadala nila roon ang mga saksi; at alinsunod sa kanilang napatotohanan ay hinahatulan ng mga matatanda ang usaptn, sang . . ayon sa napagkaugaJiang pagkakahatol ng kanilang , mga nuno sa mga pangyayaring kahawig niyaon, at ang hatol ay sinusunod at tinutupad nang walang tutol-tutol ni pagkabalam." Ganyan ang pamama:raan ng mg-a pilipi>. nong salat sa kabihasnan. Walang pag-aalinlangang ang nangyari'y mapait, Ginoong IVHnistro de Ultramar; dumaing at magpakadaing-daing arawaraw sa harap ng isang pamahalaang liberal nang hindi man lamang dinggin; ito'y napakapait para sa taong may hinakdal, datapuwa't lalo pang mapait, hindi lamang para sa Pilipinas kundi para sa Espanya rin naman, na dilidilihing pagkaraan ng tatlong dantaon at kalahati ng pagkakawagayway roon ng watawat ng Espanya; pagkaraan ng nakaparaming pagpapakasakit, ng napakaraming dugong ibinubo at napakaraming gintong ginugol, ang mga pilipino'y makapagtamo ng gayong pagkakaurong sa pangang'asiwa sa katarttngan, na siyang saligan ng pagsasamahan at ng mga Pamahalaan, at tanging ang Espanya, ang mapanakop na Espanya, ang kaisa-isang nakapagkaloob niyacn, sa ibabaw ng pagkakaroon niya ng Kodigo Sibil. Kung mabubuhay lamang na muli ang aming mga ninunol Tutoo bang napakawalang lakas na ang Pamahalaan ng Pilipinas sa harap ng ilang korporasiyon ng mga prayle, na


223

hindi lamang siya nagkakasiya sa pagpipikit ng mga mata sa maraming pagmamalabis, kundi nanghahawak pa sa paghingi ng liwanag at payo ng mga isinasakdal? Hanggang diyan na ba umaabot ang hukom? Kung niwalang halaga ang kahilingan ng mga namumuwisan sa dahilang sinabi ng pinararatangan na yao'y isang kabulaanan, bakit hindi inusig ang mga maninirang-puri? Bakit hindi sila isinakdal? Bakit ang isinakdal na hukom ay hindi naging hukom na nagsasakdal? Ito'y lalong mad(ili at lalo pang kapitapitagan kaysa nauna. Kinatatakutan kayang dinggin ang tinig ng mga kulang-palad na namumuwisan? Tapatang hindi namin malaman kung ano ang ipangangaIan sa pamamaraang ito: hindi namin nararapat tawaging kastilang-pilipino, bagaman ang kadalasan ng gayong pangyayari ay nagbibigay halos ng matuwid na tawagin ng gayon; datapuwa't hindi nararapat na ang dungis ay ikulapol ni sa Espanya ni sa Pilipinas. Ni ang una, ni ang ikalawa, hagaman kapuwa sila may kinalama'n, ay hindi dapat papanagutin sa pamamaraang ito. Ipinagbibigay-alam namin angj gayon sa Ministro de UItr'amar, sa mga kastilang marara:hgal at sa mga naninirahan sa Kalamba. Sila na ang tumawag kung ano ang ibig nilang itawag sa gayong pamamaraan: kami'y walang mahagilap na ngalan.


ANG PILIPINAS SA KONGRESSO Ailg pulong nang ika-6 ng Marso I ay maaaring tandaan ng isang brilyante sa kasaysayang poHtiko ng Pilipinas. Isang diputadong nagngangalang Ginoong Francisco Calvo Munoz, sa paggagawad ng katarungan sa bayang iyon 2 at sa pagpaparangal sa ngalan ng diputadong kastila ay buong pananalig at puspo"s ng damdaming nagmungkahing pagka.. looban sa "Cortes" 3 ang Kapuluan. Hindi namin ibig ba.. wasan ang karapatan niya sa pamamagitan ng pagpuri; wala kaming sasabihin kundi sa gayo'y tumupad siya sa kanyang tungkulin at sa kanyang budhi. Ganap na sinang-ayunan ng Kongreso ang mga sinabi ng nasabing kinatawan; napag-unawa ang katwiran ng kahi.. lingan, at ang pagkakapagpatibay niyon ay nangangahulu. gang ang inang Espanya ay may tungkuling magbigay ng kasiyahan sa PilipiI\as. Sumagot ang Ginobng Ministro ng mga Bayang Sakop sa Kabilang Ibayo ng D,agat 4 at siya'y sumang-ayon sa gayon ding mga isipan at pinapagtibay ang maalab na nasang dalhin sa Parlamento ang kinatawan ng bayang iyon. Higit pa rito'y pinuna ang kakulangan ng kaluwagan ng panukala ni Ginoong Calvo Munoz 5 sa dahilang humihingi siya ng tatlong kinatawan lamang sa mga sandaling hinihingi para sa Espanya ang karapatang makaboto ang lahat. Maaaring makapanalig ang bayang pilipino sa katapatan ng mga salita ng Ministro, sa dahilang bagaman marami sa mga pagbabago at panukala niya'y hindi naisasakatuparan, at yaong mga isinasagawa ay hindi nagkaroon ng kasiyasiyang katuparan, ang sanhi nito'y nararapat magbuhat sa > Ang pulong na ito'y tumutukoy sa isang ginanap ng Kapulungang Tagapagbatas ng Espanya (Cortes Espafiolas). " Tinutukoy ang Pilipinas. :l Mga Kapulungang Tagapagbatas ng Espanya. â&#x20AC;˘ Ang Ministro de illtramar noon ay si Manuel Becerra, kasapi sa Lapiang Liberal sa Espanya. ' Kinatawang liberal na kastila. 224


225

malabis na pagsalungat na natatagpuan sa pamamalakad niya. Mag-antay tayo ng kaunti pang panahon, yamang natuto na rin lamang tayong mag-antay. Ang mga hindi mapaniwalain doon 6 ay hindi nararapat makamalas sa pagdadahilan. ni Ginoong Becerra, nang banggitin nito ang pagkakaakma sa panahon, ni sa mga paggigiit niya tungkol sa pagkakawangis, ng alinman sa mga imbing pag-iwas na doo'y nakahiratihan namin kapag humihingi kami ng anu~ mang bagay, gaya halimbawa ng sa suliranin ng Paaralan ng mga Sining at mga Hanapbuhay, na ipinagtagubilin sa mga paring Agustino . .. Upang huwag maisakatuparan; yao'y hindi rin nagdadahilan ng isang matatakutin na sa gayong paraan ay nagtatangkang magbigay matuwid sa kanyang kamangmangan, sa kanyang pag-aalinlangan 0 sa kanyang kawalang-kaya. Ang isang taong gaya ni Ginoong Becerra ay nararapat magkaroon ng isang salita lamang, ang pagpapahayag ng kanyang iniisip, at ng isang kalooban, n a dili iba't ang kanyang pananalig. Nagsalita ang Ministro tungkol sa kapanahunan at sin abing hindi iyon ang sandaling dapat ipagharap ng suliranin. Bagaman may katanungang na~ukol sa kung kaming mga indiYQ ay mayroon 0 walang katalinuhan; bagaman inamin niyang isang bagay na tiyak na kami'y mayroon niyan sa paningin at sa mga kamay; bagaman ikinahapis niyang lubha ang karalitaan at kamangmangang doon ay naghahari, at sinabing "iyon ay tiyak na hindi dahil sa kasalanan niya, ni hindi kinukulang doon ng mga taong sadyang mulat", kaming mga indiyo, gayunman, ay nagpapasalamat sa kanya dahil sa mga kadahilanang nag-udyok sa kanya upang ipalagay na napakaaga pa ang panahon ng pagbabagong iniharap ni Ginoong Calvo Muiioz. At siya'y pinasasalamatan namin, sapagka't bagaman sa ilang bahagi ay nagpahayag sila nang may pag-uurong-sulong at malabis na kalabuan, ay hinihinagap naming ang pumatnubay sa kanya'y hindi isang kaisipang walang matuwid ni makasusugat ng kalooban kundi ang kahinahunan lamang ng mambabatas na hindi nagnanais na makakitang naunsyami ang bunga ng kanyang mga kapagalan dahil sa nahasik sa isang lupang hindi nakahanda. Maaaring maniwala kami na Si Ginoong Becerra'y natatakot na baka sa kasalukuyang kalagayan sa G Tumutukoy sa mga pilipinong naninirahan sa Pilipinas Kapuluan.

006700--1 5

0

nangarito sa


226 Pilipinas ay wala pang tnga munisipyo, ni nakikilala ang pamumuhay ng isang mamamayan, ang pagkakaroon ng kinatawan na sa batasan ay maaaring makasama, dahil sa ito'y maaaring maagaw ng ilang tao at gamitin laban sa mga layuning ikinalikha sa kanya. Dahil sa mabuting layuning ito, ipinagpapaumanhin naming mga indiyo ang mga pagdidili-dili niya tungkol sa aming katalinuhang nasa-kamay at nasa-paningin at siya'y pinasasalamatan buhat sa kaibuturan ng aming puso. Gayunma'y hindi kami lubos na sumang-ayon sa mga ikinatatakot ng Ministro. Totoo at napakatutoo, na sinabi na naming minsang may malaking kamangmangan sa bayan at ang mga kabig ng pag-urong ay maraming salapi't malaking kapangyarihan. Datapuwa't ito'y hindi makasasalabid sa pagsasabi naming kinakailangang iligtas ang bayan sa karalitaan at kamangmangan "hindi siya ang mays ala" , samantalang hindi pa lubos ang kanyang kahangalan. Sinabi ni Ginoong Becerra na "maka-Kristiyano ang pagtatanggol sa mga aha at dukha" sa dahilang ang mga masasalapi't nakapangyayari ay makapagtatanggol sa sarili at hindi nangangailangan ng ibang tagapagtanggol"; kung gayon, ang kaisa-isang lunas ay pagkalooban siya ng kinatawan sa mga Kortes, kaakibat ng ilang kahigpitan sa paghahalal sa kanila; hindi gaanong gaya ng imim-l.ngkahi ni Ginoong Calvo Munoz, ni napakalawa~ na gaya ng pagboto ng kalahatan. Tunay na sa isang lupaing ang kaisa-isang hukumang pina.hihintulutan ay ang kumpisalan, ang pagkakaloob ng boto sa kalahatan ay isang pagbibigay ng tagumpay sa mga mapanggulo; datapuwa't kung sa kabilang dako'y higpitan ang pagboto (ang pinag-uusapan ay ang mga indiyo) , at ipagkaloob ito, hindi lamang sa mga gobernadorsilyo, kundi sa mga naging gobernadorsilyo, mga tininti at kabisa ng balangay, inaakala naming hindi mabibigo ang pagbabago. Ang kamangmangan ay hindi laganap kundi sa ilang uri lamang ng tao, na dahil sa kanilang kakapusang-palad ay sumasakamay ng balana, at siyang nagiging tudlaan ng lahat ng paniniil. Ang mga kulang-palad na ito, sa dahilang walang ikinabubuhay liban sa kita lamang nila sa araw-araw, ay napipilitang mangunyapit sa lalong mabuting punung-kahoy na makapagtatangkakal sa kanila laban sa lahat ng mga sakuna at nang makapagpatuloy na may makakain, at ang punung-kahoy na ito'y naparirito sa Pilipinas sa ilalim ng


227

anyo ng prayle. Nakikilala ng bayan, sa kasaliwaang-palad nito, na ang prayle'y siyang tunay na hari doon, siyang naguutos sa pamahalaan 'at sa mga tagapamahala, at bilang bunga nito, ang prayle'y lalo pang kinatatakutan kaysa sinumang ibang tao. Datapuwa't ang di pa nalalaunang mga karanasan ay nagpapakilala ng kanyang pagkakamali, at sa loob ng madaling panahon, kapag hindi nilunasan ang mga kasamaan niya, mapipilitan siyang humanap ng tangkilik sa kanyang sarili na rin; ang tinig ng mga batas ay hindi umaabot doon ni sa mga hangganan ng mga bayan. Ito ang kadahilanan kung bakit humihingi kami ng kalayaan sa pamamahayag 7 upang sa pamamagitan nito'y mamulatang kaisapan ng bayan at makapag-ingat ito laban sa mga patibong na iniuumang. Hindi kami naniniwalang iya'y ikinatatakot ng Ministro. Ang Kuba, buhat nang magkaroon niyon ay hindi naghimagsik; ang mga lupaing sakop ng mga ingles ay mayroon din niyon, gaya rin ng mga lupaing sakop ng mga pranses. Ang malayang pamamahayag ay siyang pakikihamok na hindi maihihiwalay, sa biglang turing ay siyang nagbubukas ng daan sa pagkakaroon ng kina tawan sa batasan. Ang dalawang bagay na iyan ay nagkakatulungan at nagkakaganapan sa isa't isa. May mga taong kagalang-galang at napakamulat sa mga indiyo, at ito'y sinasabi namin kahit na isinasakit ng aming kalooban ang pagsasabi ng gayon. Kaya lamang, ang indiyo sa kalahatan, at lalo na ang indiyo sa mga lalawigan, ay nakikimi sa harap ng dayuhan at kahit na sa harap ng kastila, sa isang paraang bihirang maunawaan ng mga diwang pabigla-bigla. Kami'y dinusta nang gayon na lamang, mga manlalakbay na nagdaramdam ng pagkamuhi at sana ng loob dahll sa nakatagpo ng isang bayang masama ang tingin sa kanilang mga hangarin at mga gawaing mapanlupig, mga manunulat na nagnanais magpasikat sa kanilang mga aklat ng mga pagpapatawa at katalasan ng isip, at upang ang mga ito'y mangibabaw ay pinadidilim nila ang kapaligiran at inilalarawan nang napakaitim at katawa-tawa ang indiyo; 7 Nang panahong iyon, ang mga lathalaing pinalalabas sa mga pahayagan ay dumararaan muna sa pagsusuri ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Lupong tagasuri, bago ilathala. Kung walang pagpapatibay ang Lupong ito ay hindi maaaring palabasin sa pahayagan, katulad din naman ng mga aklat na ipinalilimbag. Ito ang dahilan kung bakit hinihingi ng mga pilipino, unang-una na si Rizal, na tulutan dito ng ' Pamahalaang kastila na maging malaya ang mga pahayagan at mga limbagan.


228"

mga prayleng nagsusumakit na sabihin at paniwalaang do on ay wala kundi mga bata lamang na nangangailangan ng kanilang pag-iiwi; mga kawaning nagnanasang pagpapaumanhinan ang mga kahangalan 0 pagmamalabis nila, mga tupa sa Panurgo 8 na nangagsasabi at naniniwala sa sinasabi ng iba nang hindi nag-aabala sa pagsisiyasat kung anD ang tutoong nangyayari, ang lahat ng mga tauhang ito'y pawang nagsihamak sa lupaing iyon at sa dahilang inilalahad nila tuwina ang pagmamatuwid "na sila'y nakagaling doon", ay wala nang maaaring maisagot. Ang karamihan sa kanila ay walang nakilala kundi ang kanilang utusan; at gayunman, salamat kung sila'y nagkaunawaan. Ang sumulat ng mga talatang ito, na kaipala'y hindi alanga~g lumagay sa tabi ng isang manggagawa ng sapatos, na may boto at humihirang ng kinatawan niya, ay nakakita sa Pilipinas, hindi lamang sa Maynila, kundi sa mga lalawigan man, ng mga taong may maialawak na kaalaman at ng isang katinuang hindi niya nahinagap. Tumpak na tumpak ang pagkakasabi ng Ministro ng Ultramar na doo'y hindi kinukulang ng "mga taong napakamulat"; na lalo pang marami, marahil, kaysa hinihinagap niya, nguni't h.indi lamang sila nagpapakilala, ni maaaring magpakilala. Ang onak'Jisip gumawa ng ganitong pagpapakilala ay isang baliw, sa dahilang sa isang bayan, ang paghininala't kawalang matwid ay makiling sa pagkakaurong, ang pagpapakilala ng mga tanda ng pagkalinang 0 pagkamulat ay parang pagpapakalansing ng ginto sa bulsa kung nasa-yungib ng mga tulisan. Bawa't isa'y nagtatago sa kanyang sarili ng kanyang nalalaman at ngumunguya ng hitso. Ang lalong tulala 0 hangal ay siyang may higit na pag-asang mabuhay nang tahimik. 9 Naniniwala kami, samakatuwid, na napapanahon na ang pagkakaloob sa Pilipinas ng kinatawan sa mga Kortes at ng kalayaan sa pamamahayag. Sa pamamagitan ng dalawang pagbabagong ito, na boong kapantasang isasagawa ng isang Ministro at ng isang Gobernador, na hindi napahihimok kaninuman, ang lahat ng pagbabagong itatag, pagkatapos, ay onagkaroon ng mabuting tagumpay; sa lilim ng mga iyo'y 6

Ang ibig sabihi'y mga taong sunud-sunuran; walang sariling kalooban

ni sariling pasiya.

" â&#x20AC;˘ Ganito ang palagay ni Rizal, sapagka't nang panahong iyon, ang mga mayayaman at marurunong ay siyang nabibingit na palagi sa pagiging pili-" bustero 0 mapanggulo. :


229

yayabong ang mga ito. Samantalang ngayon, na ang lupain ay walang tinig ni sa pagpapahayag ng damdamin, ni sa batasan,' ay nagtatakda ng isang pagbabagong hindi nalalaman dito kung tinutupad 0 hindi, kung ang Gobernador Heneral, upang makapagpairog kay kayon 0 kay ganito, ay pumipigil niyon, sumisira 0 nagpapakahulugan ng ayon sa kanyang maibigan. Ang isang malayang pahayagan ay siyang makapagtatanod sa pagsasakatuparan niyon, at yao'y maaaring tangkilikin ng mga kintawan sa Kortes. Sa pamamagitan ng dalawang pagbabagong ito ay matibay ang pananalig naming ang mga di-mapag-asa at ang mga dinasisiyahan ay mawawala sa sandaling ipagkaloob sa kanila ang mga kaparaanang maipahayag ang mga daing nila. Malaki nang bagay ang pagkaaring makadaing kapag inaakalang siya'y niyuyurakan.10 Naniniwala kaming si Ginoong Becerra ay naiinip nang gayon na lamang, gaya ng pagkainip ng mga pilipino, upang tupdin ang kanyan~ pangako. Iyan ang aming inaasahan , sapagka't ninanais naming makitang sumilang na muli ang pagtitiwala sa kaloob"an ng aming mga kababayan, na matagal nang panahong tinitigatig ng' kalagayan ng mga bagaybagay -na naghahari. Sila'y nahaharap sa isang makapangyarihang kaaway, malayo sa tulong ng mga batas, at wala silang tinig na makapagtatanggol sa kanila. Nalalaman nilang sa alinmang sandali'y maaaring pumutok doon ang isang "gawa-gawa 째 binayarang paghihimagsik" na walang salang lulunurin sa dugo ng mga walang sala 0 ng mga kaaway ng mga nakapangyayari, at nalalaman nilang sa gayo'y walang makatatangkilik sa kanila. Hindi magiging isang kababalaghan, kung sa pagkakahandusay nila sa kawalang-pag-asa, ay maisipang ipagbili nang mahal ang kanilang buhay. At nalalaman ng lahat ang kadalian ng paggawa ng isang kunwa'y paghihimagsik; ang ilan nito'y namalas na namin, at hanggang sa Barselona'y tinangkang gawin sa pamamagitan ng paghalughog sa bahay-bahay, hindi nga lamang nabuo, sapagka't tila kinakailangan ang binili" sa mga sandaling ito, ay makapag-uudyok ng

10 Ang mga mahihirap at mga mangmang, nang kapanahunan ni Rizal, ay hindi maaaring makatutol, nakapagsumbong 0 makahingi ng tangkilik sa mga maykapangyarihan, kaya langit na nila ang makadaing man lamang kung sila'y inaapi.


230

ilang pagbabago, at yamang sa ganitong mga sandali ay bahagya nang nakapag-iisip nang may kalamigan ang dugo; ang takot ay siyang nakapagpapaurong at nakapagpapabalik sa buong nalakaran na. Ipinagugunita namin kay Ginoong Becerra ang kanyang sagisag na "Huwag ipagpabukas ang nararapat gawin ngayon. " JOSE RIZAL MADRID,

ika-31 ng Marso, 1890.

*

*

) J


MANANGAN TAYO SA KATARUNGAN (Inilathala sa La Solida1-idad noong ika-15 ng Abril ng 1890)

Sinipi ng La Solidaridad sa kanyang nakaraang bUang ang isang liham na ipinadala sa La Opinion 1 ng maraming pilipinong naninirahan sa Maynila. Ang naging sanhi ng sulat na ito ay ang pagpatay sa isang tao sa pulo ng N egros 2. Tila hinihingi ng pahayagang nasabi, sa pamamagitan ng isang lathalang inuluhan ng "Justicia Seca", na pairalin sa Negros ang batas ng hukbo. Ang sulat ng maraming pilipino, na tumututol laban sa balighong kahilingang iyon, ay ginawa na taglay ang malaking pangingimi at malaking pagpapakundangan, na, sa malabis at di wastong pagmamahal sa bayan . . . sa masagwang pagmamalasakit at sa sandali ng kahinaan, ay hindi sinipi ng nasabing 'Rahayagan. Ang pumatay 0 akapatay ay tila isang magbubukid, isang ama ng angkan, at walang masamang kasaysayan nang mga nakaraang araw. Hindi siya pumatay sa udyok ng anumang imbing kadahilanan, bagkus pagkatapos ng kanyang ginawa ay kusang humarap sa mga hukuman upang ipagbigay-alam kung paano niya pinatay ang kanyang panginoon na isang asendero.3 Sa harap ng ganitong pangyayari at sa harap ng inasal ng taong ito, dalawang pahayagan ang humihinging pairalin ang batas ng hukbo. Ang iba namang pahayagan, na tinatawag na maka-kalayaan at maka-katarungan ay nagsisitutol sa pamamaraang panghukbo at ipinagsisigawang ibagsak ang buong bigat ng batas sa salarin at ilapat ang mabagsik na parusa sa nagkasala at iba pa. 4 Ang "La Opinion" ay isang pahayagang kastila. Ang pulo ng Negros ay nasa-Kabisayaan; ngayo'y nahahati sa NegrO! Occidental at Negros Oriental. â&#x20AC;˘ Ipinalalagay na ang nakamatay ay malabis na inapi at pinagmalupitan ng kanyang pangmoon, gaya ng pinagkaugalian nang panahong iyon. ;. Ang mga batas, nang panahong iyon, ay buong bagsik na inilalapat kapag ang nagkasala'y isang tuba rita sa Pilipinas. 1

2

231


232

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinapagngalit ang buong kabagsikan ng batas upang ilapat sa mga sawimpalad na magbubukid sa Pilipinas, kapag sa kasamaang palad ay may lahing europeo ang sinawi! May ilang buwan na ang nakalilipas, na nahuli ng isang lalaki ang isang prayle sa pagdungis sa kanyang purL Sa galit ng asawang lalaki, as pinagbuhatan ng kamay at sinug~tan ang prayle, at noon din ang mga pahayagan ay huminging parusahan nang buong bagsik ang mamamatay, na iatang ang buong bigat ng batas at iba pa. Nakalulungkot ang paglalathaia ng mga kahilingang ito para sa kasanlingan ng mga budhing iyon! Nakalulungkot na palatandaan ang ganyang hangad para sa ikawawangis sa Espanya ng Pilipinas! Ano ang mahihinuha ng diwang nagkukuro at nagpapasiya sa pagmamalas sa ganitong mga karamdaman ng kaIuluwa? Kaiba kaya ang aasalin ng mga taong nagsisihingi ng paghihiganti kung ang kanilang karangalan ang siyang nilalapastangan 0 kung ang kanilang puri ang dinurungisan? Paanong matatabunan ang mga bangin, paano magkakaroon ng pagkakauna~aan kung 'p1amamalas na ginagawang patakaran ang gayong mga kabalighuan; kung ang katarungan ay gumagamit ng dalawang magkaibang timbangan, kung ang batas ay may pagpapatawad sa ilan, nguni't sa iba'y wala na liban sa pagkapoot? Lahat ng magandang simulain sa daigdig, lahat ng nakahahalinang mithiin ng mga kaluluwang dakiia na nangagnanais na ang bayang iyon ay maging isang bayang kastila, kung nakakatagpo ng gangganyang mga balakid-silang lahat ay mapapawing walang iniwan sa usok! Ay! Ang maagap na panunuri sa Mayniia ay di malayong maging mapanggulo 0 kaya'y maging aninaw upang huwag makita ang naaabot ng gayong mga sigaw! At bakit? Ano ba ang tinutungo, kung hinihingi ang huong kabagsikan ng batas laban sa nakapatay sa isang asendero 0 sa isang prayle kung ang pagpatay ay isinagawa ng isang taong nag-aakalang siya'y pinakaaapi? Hindi ba ito'y nagsasaad sa buong sambayanan na huwag silang maniwala sa katarungan? Hindi ba ito'y nagsasabing para sa kanya'y hindi nararapat magkaroon ng habag ni pagpapakundangan? Ito ba ang kauna-unahang pagpatay sa kapuwa? Hindi ba't sa lahat ng bansa sa daigdig ay libu-libong tao ang araw-ataw ay nangamamatay sa kalagayang libu-libo pang


233

higit ang kasamaan, at may mga pangyayaring lalong ikinabibigat ng pagkakasala kaysa mga pangyayaring aming tinutukoy ngayon? Sino ang makapagpapaniwala sa amin na ang asenderong iyon ay hindi nanakit 0 nagkasala nang mabigat sa tumampalasan sa kanya? Bakit sa halip na sabihing magsiyasat na mabuti ang katarungan, at pagtimbang-timbangin mabuti ang mga layon at mga kadahilanang nangagkatulong-tulong sa pagbubuyo sa kasalanan, ay nangagsisigawan ang lahat ng: Mabagsik na katarungan! Batas ng hukbo.1> Kung sa Europa, sa sinapupunan ng mga bayang mayroon ng lahat ng kaparaanang ikatututo't ikabubuti ng kaasalan, sa sinapupunan ng isang lipunang madaling makapagsuplong ng mga pagmamalabis at pang-aapi sa ilang uri ng tao, at kinatatagpuan ng dukha, ng pagkukupkop; kung sa Europa, na lahat ng yao'y pantay-pantay sa harap ng batas, na ang salarin ay lalong may kapanagutan sapagka't ang UJIlliiral na mga batas ay kanyang nababatid palibhasa'y sinangayunan niya bago inilagda; kung sa Europa, inuulit namin, ang mga bumubuo ng "Jurado" \ ay nagpapakaingat at madalas na nagpapawalang-sala 6 sa mga kakila-kilabot at malulupit na pagpatay, sapagka't sa tuwi-tuwina'y humahanap sila sa kaabaan ng mga tao ng isang bagay na makapagpapagaan sa kasalanan at makapagliligtas sa kanya, kapag ang agham ay wala nang mahagilap na anumang kadahilanan upang pawalang-sala ang salarin; bakit sa Pilipinas, na sumasampalataya sa relihiyon katolika, sa bansang ito na ipinagpalit ang kanyang kahapon at kalayaan sa batas ni Kristo, sa relihiyong ito ng pag-ihig at pagkakawanggawa sa taong nababalutian ng lahat ng paghihiganti, ay nakikita nating ipinapataw ang lahat ng sumpa sa isang kulang-palad, na kaipala, kung susuriing mahinahon ay walang ibang sala maliban sa siya'y hindi isang Diyos 0 kaya'y walang katapusan sa kanyang ruga pagtitiis! At sa Pilipinas, anong kasanlingan ang itinuro sa bayan niyaong mga taong ngayo'y nagpapakilalang malulupit at di mababali; anong mga halimbawa ang naibigay nila sa bayan; ano ang kanilang nagawa upang liwanagan ang mga budhi, upang masugpo ang mga pagmamalabis, at mapapagtiwala 6 Nang panahong iyon ay walang katarungan sa mga dukha't mga kulangpalad. Nanghahawak ang mga kagawad ng "Jurado" sa Europa sa simulaing kapootan ang kasalanan at patawarin ang nagkasaJa.


234

ang dukha sa batas at sa katarungan ng katarungan?7 Wala, wala, lubusang walang-wala! Sa ngalan ng sangkatauhan, ay tumututol kami sa gayong pamamaraan. Mabagsik na katarungan kapag ang nagkasala ay isang kulang-palad; datapuwa't hiwaga naman, maliligoy na mga kasulatan at mga pag-aayos at pagpapakasundo kapag ang nagkasala'y isang makapangyarihan! Hindi ba ito'y isang pagnanais' na papaghimagsikin ang bayang lalong mapayapa sa daigdig? Ano ang isang asenderong nagmamalabis sa pagpaparusa sa kanyang manggagawa? Ano ang isang prayleng nasubukan ng isang asawa? 8 Sila ba'y kumakatawan sa tanang kabutihang-asal sa balat ng lupa, upang ang kanilang kamatayan ay ipagkamit ng kaparusahan sa pamamagitan ng pagpapairal ng batas ng hukbo at ng makahayop na batas ni Drako? Magsalita yaong mga nagsisimpan pa ng pagmamahal 'Sa karangalan ng kanilang pamamahay at angkan; magsalita ÂĽaong mga nakararamdam pa sa loob ng kanilang dibdib ng kaunting pag awalang-kinikilingan. Kung aming lilini gin ang mga mapagpahamak na bungang nililikha sa PlllSO ng mga kaawa-awang pilipino ng gayon kabaliw na mga pahayag ay nararapat naming hinuhaing doon ay may layuIljng pawalan ng bisa ang pagmamalasakit ng lahat ng nagnanasang kastilain ang bansang iyon. Habang sinusugatan at pinupukaw, sa ganitong para an, ang pagkamaramdamin ng bayan; habang sinisilaban ang pag-aalitang nababatay sa lipi, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng poot at paghihiganti, ay gugugulin ang buhay sa paghabi ng kayo ni Penelope 9 niyaong mga taong may diwang naliliwanagan, yaong mga nagsisipangarap sa pagpapaging lupaing makakastila ng Kapuluang iyon, na balang araw ay maaaring siyang maging kabuhayan ng Espanya, katulad ng isang anak na babaing malingapin sa katandaan ng kanyang ina. â&#x20AC;˘ Ang batayan noon ay ito: ang kakaunti 0 salat sa kabuhayan ay dapat pagkalooban ng kaunti ring tangkilik ng mga batas. 8 Sa harap ng budhi at mabuting kaugalian, ang mga nakikiapid sa asawa ng may asawa ay lalong makasalanan kaysa kanilang dinungisan ng puri, kahit sila pinatay nito. 9 Ang tinatawag na "kayo ni Penelope" ay isang pariralang patalinghaga na nangangahulugan ng paghabi ng kayong hindi matatapos habihin.


235

At nakamamanghang pagwariin kung paano nakapamamalagi sa mga budhi ang kamangmangan at ang pinagkamihasnan, na kumakaladkad s~ pamamagitan ng kanilang kapahamakan sa mga bansang nagkakatiwala ng kanilang sariling kapalaran. Hindi mapag-aalinlanganan na ang mga sigaw na yaong humihingi ng batas ng hukbo at ng mabagsik na katarungan ay inaakala roong siyang lalong makabayan . . . gayong ang mahinahong pamamahala sa bayan, ang pamamalakad na nakah ahalin a , matalino at maingat para sa kinabukasan ay nagpapayo ng isang pamamalakad na kahit na ang pagbanggit lamang ay ipinagbabawal, marahil, ng maagap na panunuri roon: Quos Jupiter vult perdere ... (yaong mga ninanais ipanganyaya ni Hupiter). .. Sa wakas, gaya ng tumpak na sabi ni Propesor Blumentritt, habent sua fata non solum libelli, sed etiam regna, (may kani-kanilang tadhana, hindi lamang ang mga aklat kundi pati ng mga kaharian). Sa wakas ay bibitayin din ang kulang-palad na iyon kahit na siya na rin ang kusang humarap sa mga hukuman, matapos gawin ang pagpatay. tKaipala'y paiiralin din ang batas ng hukbo at pasusukuin pa marahil ng bagsik nito. Marahil ay bibitayin din ang asawang lalaking ating binanggit, upang ang kabagsikan ng batas, ang paghihiganti ng bayan, ang bigat ng katarungan at maraming iba't iba pa ay bigyang kasiyahan. Datapuwa't mag-ingat sanang mabuti ang berdugo sa pagtupad sa kanyang malungkot na tungkulin; at baka mabitay din niya ang batas, ang katarungan, ang pagmamahal ng Pilipinas sa Espanya, sapagka't ang mga ito'y mamamatay sa budhi ng bayan. Ngayo'y nagsisitutol ang maraming Pilipino kahit na siki ang kanilang katayuan; bukas ang buong sambayanan na ang tututol at sino ang makapagsasabi kung bukas ay huling-huli na? Kaiingat ang mga kawal sa kanilang mga batas ng hukbo; kung magkaminsan ay sila na rin ang humahatol sa kanilang sarili; sapagka't hindi lamang iisa ang kamatayan . . . ang lumilikha ng pagtigil ng mga sangkap ng katawan, kundi mayroon pang ibang kamatayan, na dili iba kundi ang kamatayan sa harap ng damdaming-bayan, sa harap ng mga budhi, sa harap ng mga ipanganganak pa. lO Kung hindi dahil sa mga kautusan sa pananampalataya, llg 10 Gaya ng pagkakapatay kay Rizal, na naging sanhi ng pagbagsak ng pamahalaang kastila.


236

Ingkisisyon ay hindi sana namatay para sa Europa ang mga korporasyon ng mga prayle; ang mga pagpapahirap at ang mga sigang yaon ay siyang sumira at tumupok sa lahat ng bagay-bagay na marikit, dakila at kalugod-Iugod na naisagawa ng mga kumbento nang mga nagdaang panahon. Ang pag-iimbot ng Hang Papa ay pumatay sa Kadakilaan ng pagka-Papa, at si Luis XV, noong iutos na pagputulputulin ang sarili ng sumugat sa kanya nang bahagya, ay naghanda ng bibitayan ni Luis XVI. jMag-ingat nga ang mga maykapangyarihan, na sa paniniwalang nalulunasan nila ang isang kasamaan ngayon, ay nagkakasala naman sa katarungan at sa sangkatauhan! May isang Diyos sa kasaysayan! Kung ang mga bansa, na ang kapangyariha'y nababatay sa lakas, ay hindi nakapagmalabis dito at sa kahinaan ng mga nilupig 0 ng kanilang sakop nang hindi pinarusahan, bagkus sa dahilang hinamak nila ang mga kautusang walang hanggan, ay napilitang mangagupo sa pamamagitan ng gayon ding kaparaanan, ay ano ang masasaBi natin tungkol sa mga kapangyarihang nababatay sa pagmamahal, sa paggalang at sa kabantugan? Ang kalamangan~ nababatay sa lakas ay walang halaga kung ipaparis sa kalamangang nababatay sa kagandahangasal; itong huli'y iginagalang at sinusukuan, hindi lamang ng tao kundi ng lahat ng hayop. Ang mga bansang nananakop, lalo na yaong walang mga hukbo at sasakyang pandigma na makapagbabantay sa bawa't punong-kahoy 0 makapagpapatigil sa salpok ng mga alon, ay nararapat magwagayway, higit sa lahat, ng kahigtang ito ng kagandahang-asal sa harap ng mga bayang nasasakupan, at kung hindi ganito ang gagawin ay matitiyak nating nalalapit na ang kanilang wakas.ll At walang anumang bagay na lalong nakapagpapasuko sa tao na gaya ng diwa ng katarungang tiwasay, walang poot ni galit, gaya rin naman ng kawalang-matuwid upang pasulakin ng poot ang iyong kalooban. Nagpapatiwakal ang isang Pamahalaan at sinisiraan niya ng puri ang kanyang sarili, kapag sa pangangayupapa niya sa panandaliang takot na naaaninag niya sa mga pagkakalisyang ito, ay pinasasakitan niya ang mga kulang-palad, at ipinipikit ang kanyang mga mata sa ginawa ng mga nakapangyayari. Isasagot marahil sa amin na ang hinihingi nila'y ang parusang tinatawag na ngipin sa ngipin, alalaong baga'y 11 Ito'y pinatutunayang ng paglagpak at pagkadurog ng Espanyang imperiyalista.


237

kung ana ang kasalanan ay siyang parusa, sapagka't kung ito'y pinaiiraI para sa lahat na nasa-lupaing yaon, maging isang kalupitan at kahangalan ang bagay na ito, ay magkakaroon ng bahagyang aliw ang mga naaapi. Nguni't doon, ang parusa ng ngipin sa ngipin na pasigaw na hinihingi ay para sa mga maralita lamang, sapagka't ang mga maralita ay walang pahayagan 0 mga tagatangkilik; datapuwa't kung ang nasabing parusa ay bU~ at bulag na ilalapat sa kahangalan, ang kalahati ng sangkatauhan ay mapapasok sa bilangguan . at ang kalahating natitira ay sa bibitayin naman.12 Huwag ganyan; pakilusin ang katarungan datapuwa't walang kaakibat na pagbubuyo sa kalupitan, walang kaakibat ua mga batas ng hukbo, walang kaakibat na dahas, ni patawad. Tupdin niya ang kanyang tungkulin nang tahimik, mapagmatyag at tiwasay, katulad ng isang taong nakakikilala sa kanyang kapangyarihan at sa kanyang dakilang tungkulin. Huwag siyang magpakababang kapantay ng paghihiganti. Suriing walang kinikilingan aug mga pangyayari at kapag kailangang magp,arusa, ay mag-in gat na mahuti at kumiling na la[o sa pagkahabag, palibhasa'y bukod sa ang tao'y marupok, ay mayroon ding mataas na pagpapakundangang iniaatas ng pakikitungo sa bayan, at huwag magpahalata ng anumang pagkapoot dahil sa lahi, sapagka't ang hahatol sa salarin ay kakulay rin ng pinatay. At higit sa ibang pook, nararapat isaalang-alang ng mga hukom na sa Pllipinas, ang singaw ng lupa ng nagpapasulak ng damdamin, ua ang kakulangan ng dugo, dahilan sa init, ay nagiging sanhi ng kakulangan ng katiwasayan, na nauuwi sa pagkamagagalitin, na ang "hamok" 0 pagkabulag ng isip ay isang pangyayariug uamamalas sa lahing malayo, sa UdY9k, kung minsan, ng gutom,. ng init, at iba pa. Idagdag pa rito ang isinasaysay ng maraming pilipinong doo'y nagsitutol, na ang indiyo, na siyang buhay na halimbawa ng pagbabata ay walang ibang nalalaman maliban sa pumatay, kapag naubos na ang iniingatang pagtitiis at wala nang nalalabi pa kundi aug kawalang pag-asa. At may nakikilala kaming mga kastila na pumupula sa labis na pagtitiis at pagbabatang ito, na pinakakahulugan nilang kakulangan ng karangalan .' Kaya nga, mag-ingat kayong mabuti! 12

Ito ang tunay na larawan ng kalupitan ng pamahalaang kastila.


MGA BAGAY-BAGAY SA PILIPINAS (Inilathala sa La Solida1'idad, ika -15 ng Hulyo ng 1890)

Nakabasa kami sa mga pahayagan sa Pilipinas ng mga ligaw na kaisipan na sa maraming pagkakataon ay inaakala naming may lasang .panunuya 0 mapait na pag-aglahi, at nakaraan sa maingat at mapaghinalang panunuri (previa censura). Noong 1888, ang pahayagang iyon ay nagkaroon ng kakatwang palagay hinggil sa pagpapatawad sa isang naparusahan ng bitay. Ang pagpapatawad na nabanggit, anya, ay isang biyayang dapat pasalamatan ng bayan sa habang panahon, na para bagang ang buhay ng buong sambayanang iyon ay nakabitin sa liig ng isang salaring naligtas sa bibitayan, o para bagang isang tanging biyaya para sa bayan ang pagpapamalagi sa lipunan ng isang masamang sangkap. Tiniis na ng' salaring iyon ang kaparusahang sukat makapagpasakit sa kaluluwa, yamang noong nasa-bibitayan na siya, at isang saglit na lamang bago s~ya bitayin, ay noon lamang nanaog ang kautusang parang dula 0 sainete, na ang parusang bitay ay pinapalitan ng pagkabilanggo habang buhay. Kaya nga, ang salarin, bukod sa nagdusa na sa kanyang kaluluwa ng pagkabitay ay ibinilanggo pa nang habang buhay. Dahil din dito ay hindi dapat pagtakhan na siya'y masiraan ng bait; yao'y napakalaking kapalaran par a sa isang tao. Noon nga, ang mga pahayagan sa Maynila, taglay ang kasindak-sindak na panunuya at malupit na pag-uyam, ay l1angagsiawit ng labis-labis na papuri at walang hanggang pasasalamat ng bayang pilipino, ng salarin, at ng iba pa. Ito'y pinaraan ng maagap na panunuri. Dahil sa pangyayaring ito, na para bagang nakapagpagana sa pagkain, ay ibinalita ng pahayagan na ang mga bilanggo ay maghahandog ng isang piging sa mga maykapangyarihan, na waring ang pangyayaril1g nabanggit ay isang bagay na pagkabanal-banal at kalugod-Iugod. Ang maagap na panunuri ay tila nalingat. Aliquando bona dormitat censura (Ang maagap na panunuri, manakanaka'y inaalihan din ng antok).' 1 Ang bagay na itong mahigit pa sa katawa-tawa ay walang anurnan kung ihahambing sa ibang mga bagay na kataka-takang nangyari sa Pilipinas.

238


239 Marami pang pangyayari ang maaari naming banggitin na ang kakinisan ng panlilibak ay nangingibabaw sa anumang pag-iingat. Ang pagbasa lamang niyaon ay sapat nang makapukaw sa atin ng mga sumusunod na kuru-kuro: na ang sinumang nagmamalabis sa panunuri, ay walang masusuri. Sa kasalanan ay naroon ang kaparusahan. N aSanay na nga kami sa mga nakahiratihang katabilan ng mga mamamahayag sa kabilang ibayo ng dagat, kaya iniuukol namin sa kanila ang nihil admirare (huwag magtaka) sa anumang bagay na kanilang ipinahahayag; kaya't kung magkataong makadampot kami ng pahayagan upang makalanghap ng amoy ng Pasig 2 at makaalam ng rmga bagaybagay doon, kami'y nagpapakatining muna ng loob at nagkikindatang para bagang nagsasabing: "Makikita rno kung gaano kahusay paglaruan ang maagap na panunuri!" At tunay ngang pinaglaruan. Katulad ng kung ibig paldlusin ang pag-iisip ay walang mabisang paraan kundi ito'y impitin; ganoon din, habang iniimpit ay lalo namang malakas ang pagputok! Datapuwa't narito ang kuro-kuro ng nihil admira-re bagama't nababalutian karni ng aming mga kuro.,.kurong nababatay sa malinaw na pangangatuwiran, at bagama't kami'y nahil'ati na sa rnga pakana ng pahayagan sa aming bansa ay natigagal kami nang aming mabasa ang pangyayaring sumusunod:

I

"Pinatay ng isang magsasaka ang asenderong nagmamay-ari ng lupang kanyang binubungkal at pagkatapos ay humarap agad sa mga hukom, at ipinagbigay-alam ang salang kanyang nagawa. Sapagka't ang patayan ay nangyari sa Log 3 ay inihabilin sa mgH guwardiya sibil ang paghahatid sa salarin sa Bakolod,4 pangulong bayan ng pula ng Negros. Sa daan ay pinaputukan siya nang makalawa, sapagka't sanhi umano sa isang kabiglaanan ng pagkabaliw ay nagtangkang tumakas-tumakas, gayong kusang sumuko nang nag-iisa lamang sa mga hukom. 2 Tinutukoy rito al1g ilog Pasig na dumaraan sa gitna halos ng siyudad ng Maynila. "Sa Munisipyong kilala sa pangalang Ilog, sa lalawigan ng Negros Occidental. â&#x20AC;˘ Ang Bacolod ay siyang pangulong bayan ngayon ng lalawigan ng Negros Occidental.


240

Nakita na ninyo, kay linaw na kahidwaan! Magtangkang tumakas, matapos na sumuko nang kusang-Ioob. Sa katotohanan ay dapat nga siyang barilin, pagka't hindi kayang bathin ng mga guwardiya sibil ang mga gumaga wa ng kahidwaan! Datapuwa't heto ang kuro-kuro ng El Porvenir de Visayas tungkol sa nangyari: ((Pinagtibay!-Noon~

ika-23 ay tumanggap kami ng kalatas buhal sa Negros na nagpapatibay sa balita na ang Guwardiya Sibil ay napilitang bumaril at pumatay kay Ginoong Felipe Vidaurrazaga, upang maiw1asan ang kanyang pagtakas. "Inuulit namin ang runing sinabi kahapon: may mga pagkakataong hulog ng langit na nagbibigay matwid na ang ilang kaparusahan ay kailangang ganapin agad, hindi lamang sapagka't ang kaparusahan ay nararapat, kundi dahll sa ang gayon ay nagbubunga ng mabuting halimbawa . .

Ang Guwardiya Sibil ay minsan pang tumupad sa kanyang tungkulin! Ang La Oceania at ang La Opinion ay tutoong nagkulang ng kamahalang-asal at nagnanasang isubo, kundi man sa harap ng maagap na panunuri, ay sa harap man lamang ng mga tuntunin ng kabutihang-asal, ang kanyang kapahayagang El Porvenir de Visayas, sa pagsipi ng balitang amin ding sinisipi: Ang EI Porvenir de Visayas ay isang malupit na pahayagan at kung hindi lamang namin nababatid na doo'y walang mga tunay na pilibustero, ay sasabihin sana naming ang patnugot ng pahayagang nabanggit ay isang pilibusteromaging ito'y kinukusa 0 hindi man kinukusa. Laking paglibak sa karapat..dapat na guwardiya sibil, ang sabihing tinupad nito ang kanyang tungkulin noong agawin sa kapangyarihan ng hukuman ang isang salaring inihabilin sa kanya upang ihatid at iharap sa hukuman! Kahit na si Voltaire ay hindi makapagsasabi ng higit sa paglibak na yaon kung may Guwardiya Sibil sa kapanahunan niya. Thabilin ninyo sa isang tagabuhat sa Europa 0 sa isang insik na mamamasan (kung kayo'y nasa-Pilipinas) ang isang baso o isang salamin, 0 anO mang bagay na makasining; upahan ninyo siya nang malaki upang dalhin iyon sa inyong bahay, at kung ito'y mabasag niya sa daan, ay sabihin ninyo sa


241

kanyang pinalalaki ang inyong tinig: Napakagaling ng pagkakatupad ninyo sa inyong tungkulin! Kung ang nagpapaupang mamamasan ay may ga-patak na hiya ay walang salang babasagin niya ang inyong ulo 0 kaya'y babasagin ang ulo niya; kung siya naman ay hangal, ay buong lugod siyang ngingiti. Sa bagay na ito'y hinamak ng El Porvenir de Visayas ang buong pangkat ng karapat-dapat na Guwardiya Sibil. Kahit na ang kahuli-hulihang hampas-lupa sa kahulu-hulihang bansa sa daigdig, ang kahuli-hulihang agwasil 0 kuwadrilyero at ang kahuli-hulihang pulis na kakalahating dali ang noo, ay nakababatid na mabuti kung paano niya mapangangalagaan ang sarili laban sa isang salarin. Ito ang dahilan kung bakit ang mga bulsa ng mga kawal ng Guwardiya Sibil ay pur;lO ng lubid na kanilang ipinanggagapos nang abutsiko, hindi lamang sa mga salarin kundi gayundin sa mga walang ibang kasalanan maliban sa sila'y matatabang inahin 0 kinapong manok; para sa bagay na iyan, ang mga guwardiya sibil ay mayroon ding mga pamangaw na bakal para sa mga kamay at mga paa at iba pa. Ang pagdadahilan na ang saZann ay navtangkang tumakas sa isang sandali ng kabiglaanan ng pagkabaliw ay isang pagkabaliw na higit pa sa pagkabaliw ng salaring iyon, at ang magmatuwid ng ganyan ay nararapat na tumanggap ng isa pang kagagawang maka-Guwardiya Sibil. Sapagka't kung ang inupahan kong tagapagpasan ay magwika sa akin ng "Ginoo, ang salaming inyong ipinadadala sa akin ay inilapag ko sa isang sum pong ng pagkabaliw, at upang maiwasan kong makatanan sa aking mga kamay ay pinagbasag-basag ko!"-ay sasabihin ko sa kanya-"Magaling, magaling na tao kayo; minsan pa kayong nakatupad sa inyong t'ungkulin!" Sapagka't sa isang salarin, ang pagtatangkang tumakas ay likas na walang pinag-ibhan sa pakabig na pahigop ng kalagitnaan ng lupa sa tanang bagay-bagay; at kung di lamang dahil do on ay bakit pa babantayan ang salarin at bakit pa uupa sa isang lalaking tagapagpasan! Sana'y sinabi na lamang sa pumatay: Tanggapin mo itong dalawampung piso at paroon ka sa Bakolod upang mabatid kung ikaw ay bibitayin doon. At sino ang makapagsasabi! marahif ay nakarating siya roon nang lalong may katiyakan, sapagka't gaya ng ating nakita na, siya'y sumukong nagiisa sa mga hukom. OQ6700-16


242

Walang anuman ang nangyari. Minsan pang tumupad ang guwardiya sibil ng kanyang tungkulin. Dinaramdam namin ang mga pala-palagay, sapagka't sa mga guwardiya sibil ay may nakikilala kaming mga taong may kahihiyan. Tawagin nating hulog ng langit ang pangyayaring iyon ay hindi na isang paglait sa inupahang tagapagpasan, 0 sa lalong tumpak na sabi, sa guwardiya sibil, kundi, sa mga batas at sa mga hukuman. Ang mga ito ang may kapangyarihan sa salarin, riguni't ang salarin ay nakatakas sa kanila; mabuti! ikaw ay aking napaglaruan! Iyan ay hulog ng kalangitan . .. Kung ipagpapatuloy natin ang halimbawa niyaong inupahang tagapasan ng salamin, kung ito'y itinatalaga kong han dog sa isang kaibigan 0 kamag-anak, at pagkabalita kong ito'y binasag ng aking guwardiya sibil, ay halos ikinasigaw kong pumapalakpak ng: Hulog ng kalangitan! May mga pangyayaring hulog ng langit na nagbibigay matuwid nq. ang ilang regalo ay dapat na basagin, at maraming iba pa . .. Tiyak na ipalalagay ng aking kamaganak 0 ng aking kaibigan na ako'y siyang El Porvenir de Visayas. Nguni't kung ang salamin ay nauukol sa ating kamaganak 0 kaibigan at ito'y pag-aari niya, ang salarin ay ari naman ng katarungan; sa gayon ay may karapatan siyang dalhin kayo sa harap ng mga hukuman sa dahilang kayo'y nanghamak 0 nanlait sapagka't ang sabihing ang pagkabasag ay talaga ng Diyos ay katimbang sa kanya (sa salarin), sa malinaw at makinis na paraan, na isang magnanakaw 0 ibang bagay na may ganyang katuturan. Sa bagay na ito'y hinamak din ng El Porvenir de Visayas ang mga batas, ang paggagawad ng katarungan, ang mga hukom at ang mga hukuman sa Pilipinas. Tunay nga; ang maagap na panunuri ay nagbibigay-pahintulot na sabihin ang mga bagay na ito, na tawaging hulog ng langit ang isang gawaing nakababawas sa kapangyarihan ng batas; pinahihintulutang tawagin na ang mga hukuman ay baril na ang punlo'y sa kulata lumalabas, alalaang baga'y walang kasaysayan, at pinahihintulutang ang Guwardiya Sibil ay aglahiin at uyamin dahil sa ita'y nagkulang sa pagtupad sa kanyang tungkulin, sanhi sa kawalang-kaya a dahil sa hindi tumupad sa gawaing ipinagkatiwala sa kanya. Pinahihintulutang ito'y tawaging nakapagbibigay-lunas


243

bagama't ito'y lubhang nakasasama; sapagka't kung ang mga salarin ay pakikitunguhan nang ganyan, sa panahong hinaharap ay wala nang salaring magkukusang sumuko 0 kaya'y pahuhuling katulad ng aming napalunging magbubukid. Yamang ang batas ay walang lakas at hindi naman kinikilala, yamang ang mga hukuman ay hindi na napagkakatiwalaan ng sinuman, yamang ang Guwardiya Sibil na rin ay hindi marunong magtanod sa mga salarin at kapag ang isang salarin ay nakagawa ng isang pagkukulang ay ipalalagay nang nagpapatiwakal, at parang isang mabangis na hayop, at upang mabuhay ay mapipilitang dagdagan ang paggawa ng masama, Lasciati ogni speranza. s At yamang lagi nang magkakaroon ng mga salarin, sapagka't lagi nang magkakaroon ng kawalang matuwid, kapusukan ng loob, mga mapang-api, mga inaapi, mga mandarahas at mga kahabag-habag, ang kalalabasan ng halimbawang nakagagaZing ay lubhang makagagaling nga upang paramihin ang uri at bilang ng mga salarin. Gayunman, sa kabuuan ng malungkot na pangyayaring ito'y tila sumisigaw, katulad ng bahong umaalingasaw sa isang tambak na basura, ang hangad, hindi upang maigawad ang kataTungan, kundi upang patayin ang salarin. Ito'y isang kauhawan sa dugo, hindi makatao, imbi at tmabangis . .. Nguni't natitiyak naming gayon nga ang pagkasalaysay ng mga pahayagang iyon dahil sa hangad na mangutya. Siyang totoo, may mga panunuyang malulupit; may mgCt pangungutya sa Pilipinas na hindi man lamang mahihinala sa Europa. Doo'y marami kahit na hindi sinasadya, ang mga Tasito, Voltaire, Bryon at Heine. At sinasabi namin sa guwardiya sibil; kung an{;t t::long iyong dapat ninyong ibigay na ligtas at malakas sa kamay ng katarungan, datapuwa't inyong binaril sa daan, ay isang baliw, nasisiraan ng bait, katulad ng marammg nakikita sa Europa, na nagsisiharap na parang siyang mga tunav na salarin sa mga bantog na pagkakasala anong laki ng kapanagutan ninyo sa harap ng Diyos, bagama't wala kayong sukat panagutan sa harap naming mga tao? Sa Londres ay nakita namin na sa kasalanang ginawa ng isang taong nagngangalang Jack, ang kilalang mapagpaluwa ng bituka, ay higit sa sampu katao ang nagsisisuko at bawa't isa sa kanila'y 6Nawalan ng buong pag-asa.


244

umaming siya ang bantog na mamamatay. Kung ang niga pulis na pinaghabilinang magtanod sa kanila ay nagsitupad sa kanilang tungkulin, katulad ng pagkatupad ninyo sa inyong tungkulin . . . datapuwa't hindi, dito sa Europa, ay hindi nagsisitupad kailan man ng kanilang tungkulin ang mga pulis, dito'y walang pagkakataong hulog ng langit. Ang mga salarin ay dumarating nang buo't walang kulang; sila'y ipinagtatanggol ng mga pulis sa paghihiganti ng maraming taong nagngangalit at napopoot, kahlt na sa pagtatanggol na ito, kung minsan, ay nabibingit sa malaking panganib ang kanilang buhay. Hindi; dito sa Europa na lalo pang maraming salarin, na pinangyayarihan ng mga katampalasanang kakilakilabot, pagpatay sa kahinlog, makahayop na pagpatay sa kapuwa, na sadyang malulupit at talagang inihahanda; dito, na lalo pang maraming kaparaanang ikapagtatanan ng salarin dahil sa labis-labis na dami ng mga mamamayan, dahll sa kawalan ng pagsisiyasat sa bahaybahay, dahil sa ayos ng pagkakayari ng mga bahay na kanugnog na maaaring pagtaguan, sa kagaanan ng mga kaparaanan sa pagpapadalahan, dahil sa kalawakan ng lupalop, dito nga'y hindi napag-alaman kailanman na ang isang salarin ay pinatay dahll ~a tinangka niyang tumakas sa isang kabiglaanan ng pagklJLbaliw. Ay! Hindi namin nalalaman kung ang Pilipinas ay may kapantay sa daigdig na hindi bihasa, hindi namin masabi nang tiyakan; datapuwa't, 00, pinaninindigan namin na ang paghamak ng kanyang mga mamamahayag ay walang makakaagaw. At magwawakas kami sa isang paalaala. Tinatawag na Kapuri-puring Pang kat ang Guwardiya Sibil sa Pilipinas, sapagka't sa Espanya, ang pangkat na ito'y tunay ngang kapul'i-puri. Totoo rin na ang kaayusan ng Guwardiya Sibil sa Espanya'y naiiba kay sa kaayusan nito sa Pilipinas at ang mga bumubuo niyaon ay lalong pili. Maging ang Inkisisyon 6 ay bininyagan ding Banal at ang 8 Ang Inkisisyon ay siyang pamagat sa walang taros na pag-uusig ng simbahang katoliko sa hindi sumasamba sa mga aral nito. Ang hukuman" pangkalahatan sa pag-uusig na ito ay itinatag at umunlad sa ilalim ng mga Papang sina Inocente ill (1198-1216) at Gregorio IX (1227-J.241). Ang Inkisisyong kastila, alinsunod sa pagbabagong tatag at pagkakalagay sa ilalim ng Pamahalaan, ay nagsagawa ng kanyang mga pamamalakad at pamamaraang walang kasing lupit buhat sa simula at sa hinaba-haba ng dantaong XVI. Ang Ingkisisyong kastila ay nabuwag at bumagsak nang taong 1834.


245

mga bumubuo nito ay nag-akalang sa balabal ng pangalang iyon ay maaari na nilang pangahasan ang tanang bagaybagay at maaari na nilang pagmalabisan ang lahat. Datapuwa't hindi gayon sapagka't ang Santa Inkisisyon ay hinatulan ng mga taong sumunod at siya'y sinumpa; hindi niya pinakinabangan ang binyag na banal at ang kanyang pangalan ay nangangahulugan ngayon ng mga kapoot-poot, malupit, makahayop, kakilakilabot; siya'y isinumpa ng Diyos at ng mga tao. Ang inyong ngalang kapuri-puri ay hindi rin pakikinabangan kapag ipinagpatuloy ninyo ang pagmamalabis, sa dahilang hindi kayo pinarurusahan sa inyong gawa; kung dahil sa kayo'y nababalabalan ng mga tanging karapatan ay inyong inaapi ang mga walang palad, binabalian ninyo sila ng buto sa pamamagitan ng kulata ng inyong baril, 0 binabaril ninyo sila katulad ng isang laruan, dahll sa pagpapaunlak ninyo sa mga simbuyo ng loob at sa paghihiganti. Darating ang ara,w, malao't madali, na ang mga bayanbayang lalong mulat, lalong may pinag-aralan ay magigising sa kanilang kamangmangan at matutuklasan nila ang mahabang landasing natigmak ng dugo at luha na inyong nilakaran nang panahong nagdaan. Kung magkagayon, dahll sa kanilang pangingilabot at sa pagbabagong loob, kayo'y pakakasumpain nila, katulad din ng pagkakasumpa ng mga bayan-bayan sa Europa sa kanilang mga berdugo ng mga nagdaang dantaon. Kaipala'y ibababa kayo ng kanilang poot sa lalong hamak na baitang ng lipunan, at ibibilang kayo, katulad ng mga kasangkapan pambahay na kailangang linisin sa karumhan, sa lalong nakapandidiri't nakaduduwal na kalagayan. At sa inyong kahihiyan, kayo'y maglalagalag, lalayo kayo sa mga maliliwanag na pook. Palibhasa'y itatakwil kayo sa sinapupunan ng mga mararangal na tao sa mga lipunan, ang masasapit ninyo'y hindi maiiba sa sinapit niyaong mga taong napapatawan ng sumpa ng napakaraming sinawing ipinasunog, pinahirapan at inilibing noong mga dantaon na ang umiiral ay ang kawalang-Iaya sa pananampalataya ang Ingkisisyon, at ang mapag-imbot na paghahari sa ngalan ng Diyos. Kayo nga ang siyang magiging sawiImpalad na tagapagmana ng paghamak at pagalipusta. Mapipilitan kayong magbalatkayo at tumakas nang walang nakaaalam upang huwag ninyong mapukaw ang paghihiganti dahil sa alingasaw ng mga bangkay ng


246

inyong tinampalasan. Sa gayon, ang bayang nakalimot sa mga dakllang pantas, lumayo sa piling ng mga monghe at mga taong tunay na masigasig sa kabutihan, upang wala silang magunita kundi ang mga Torquemada at mga Alejandro VI lamang, ay makalilimot din sa lahat ng mabubuting paglilingkod na nagawa ng kapuripuring pangkat, at ang tanging maaalaala ay ang pang-aapi't pagmamalupit lamang, at marahil ay mapagkamalan pa niyang ibilang sa mga mapaghari-harian ang ibang taong naging karapat-dapat sa inang bayan. 7 Datapuwa't samantala'y tumupad kayo sa inyong tungkulin! 7 Sa katotohanan, bagaman ayon kay Rizal ay may mga taong mabubuti't mararangal sa Guwardiya Sibil, ay walang nalabi sa alaala ng mga pilipino maliban sa pagsumpa at pangririmarim sa kanila dahil sa kanilang kalupitan at paghahari-harian.

,'. ,,'


UKOL PA RIN SA USAPIN SA NEGROS Sa pag-uukol namin ng kuru-kuro sa sinundang bilang nit6 sa maikling balita ng El Porvenir de Visayas 1 hinggil sa isang bilanggong binaril ng mga guwardiya sibil samantalang inihahatid iyon, ay sinabi naming ang pagkakabaril ay isang pagkutya sa Pangkat ng Guwardiya Sibil at sa Pangasiwaan ng Katarungan, at maaari pa ring idagdag na isang pag-aglahi rin sa Diyos, na itinulad ng sumulat ng balita sa mga baril na Remington, nang sabihin niyang ang nasabing pangyayari'y tunay na hulog ng langit. May isang taong umano'y nakakikilala sa mga manunulat sa nasabing pahayagan, ang ibig tumiyak sa aming doo'y walang gayong pagkutya, kundi hubad na pagpapahayag nang buong katapatan at kaliwanagan ng pananalig at kaisipang tinataglay ng mga naturang manunulat: 2 . ~UilD.ututol kami 'sa parat~1gfna ito~g .naglalarawan, sa llalim fig napakalanUam na liw nag, hindl lamang ng pagkaunawa ng kabutihang asal g mga mamamahayag sa lupaing iyon kundi gayundin ng karaniwang pang-unawa at ng pangkaraniwang kuru-kuro tungkol sa pagmamatuwid. 3 Sa katunaya'y paano mapaninindigan nang walang pangungutya 0 pag-aglahi, kahit na ng lalong pinakahangal sa lalong mga hangal (at hindi na namin tinutukoy ang El Porvenir de Visayas) , na ang guwardiya sibil ay tumupad ng kanyang tungkulin, gayong ang ginawa niya'y ang lubos na kabaligtaran nito. Ang El Porvenir de Visayas ay nararapat makaalam, makabasa, at walang pagsalang nakabasa nga ng lahat ng nilalaman ng Cartilla del Guardia Civil, na ang ikasiyam na Kabanata (unang bahagi), panig 34, 35, 36, at 37, mi tumatalakay sa paghahatid ng rmga bilanggo, ay nagsasaad ng ganito: Ito'y isang pahayagang inilalathala sa Iloilo nang panallon ng kastila. Ang tinutukoy ritong pananalig at kaisipan ng mga mamamahayag 0 manunulat sa "El Porvenir de Visayas" ay tunay na laban sa mga pilipino. 3 Dito'y napagkikilalang si Rizal ay isang taong mapanghawak sa katuwiran at kumikilala sa katumpakan ng isipan ng kanyang kapuwa, kahit na ito'y kalaban niya sa damdamin at pananalig. 247 1.

2


248 "Unang Pangkat. Kung ang mga tungkuling sarili ng Guwardiya Sibil na naiulat, na, hanggang ngayo'y nararapat pumilit sa kanyang mabuhay na taglay ang sukdulan at patuloy na pag-iingat, ay walang tung kuling humiMngi sa kanya ng higit na kabaita't pag-iingat na gaya ng paghahatid ng mg,a bilanggo; palibhasa sa tungkuling ito'y dapat ilakip nang buong higpit ANG BANAL NA PAGTUPAD SA KANYANG MGA TUNGKULIN, ANG KALIGTASAN SA PANGANIB NG MGA BILANGGO AT ANG PAGPAPAKUNDANGAN AT MA!KA-TAONG ASAL NA NARARAPAT IPAKITUNGO SA KANILA.4

"Ikalawa. Ang lahat ng bilanggong malagay sa kapangyarihan ng Guwardiya Sibil ay nararapat ipalagay na sapat na ligtas sa panganib, at TATANURAN NANG BUONG INGAT HANGGANG SA MAKARATING SA POOK NA PAGHAHATlRAN SA KANYA ALINSUNOD SA MGA

gaya ng sila rin ay nararapat maniwalang sila'y ligtas sa pag-alipusta't pananakit ng sinumang tao, anum an ang kalagayan nito, at sa mga pagmamalabis na kung minsa'y karaniwang ginagawa sa kanila. "Ikatlo. Ang guwardiy,a sibil ay siyang katLna-unahang galamay ng katarungan at bpgo niya pahintulutan ang paggawa ng pinakamaliit na pagmamalabis pag-alipusta sa mga bilanggong inihahatid niya, ay kailangan MUNA SIYANG MAMATAY, at kailanma'y hindi niya pahihintulutang sila'y duhagihin ninuman, maging bago matapos na mapagdusahan, alinsunod sa batas, ang parusa sa kanilang mga kasalanan. "Ikaapat. Magiging napakabigat na pananagutan ng isang guwardiya sibil ang pagtakas ng isang bilanggo, at kautangan niyang tandaan na. ito'y hindi lamang hinihingi ng kabutihan ng paglilingkod, kundi ng lubos na kaligtasan sa panganib niyaong mga ipinagkatiwala sa kanyang ihatid, at dahil sa pagkukulang na ito'y maari siyang mahulog sa parusang katulad ng nararapat ipataw sa nakatakas, sang-ayon sa bigat ng kasalanang ikinapagsakdal sa kanya. "Ikalima. Hindi siya nararapat pumasok sa anumang uri 0 layon ng pakikipag-usap sa bilanggo, lalaki 0 babae, na kanyang inihahatid, ni magpahintulot na makipagpalagayang loob sa kanila. "Ikaanim. Kung kinakailangang dumaan sa mga gubat, bangin, at lupang lubak-lubak 0 singkul-singkul, ay dapat pag-ibayuhin

BATAS;

.. Ang gawa at gawi ng mga guwardiya sibil nang panahong iyon ay kabaligtaran ng iniuutos sa kanila ng "Cartilla del Guardia Civil", sapagka't ang tutoo'y hindi ang kaligtasan sa panganib at pagparpakundanga't makataong-asal sa isang bilanpgo, kundi ang masamang pagpapalagay, ang kalupitan, pagmamalabis, paghamak, pananakit at pagpatay ang kanilang ginagawa sa mga bilanggong inihahatid nila.


249 nila ang panga:ngalaga at gapusin ang mga bilanggo, KUNG KINAKAILANGAN, upang maiwasan ang pagtakas NA MADALAS TANGKAIN bilang pagsasamantala sa mga pook na ganitong uri. "Ikapito. Yaong nangaghahatid ng mga bilanggong may sakit ay nararapat magbantay sa mga ito nang hindi nagtitiwala kailanman sa pangyayaring ang mga ito'y may karamdaman; lagi nang sisikaping ang lahat ay lumakad nang sama-sama at magkakasabay. "Ikawalo. Iiwasang sa pamamagitan ng pagdadahilang sumasakit ang tiyan, kapinsalaan 0 iba pang kadahilanan ay magkalayulayo ang mga bilanggong inihahatid, sa dahilang maaring maisipan nilang subukin, kung sa pamamaraang ito ng isang gawa-gawang pagdadahilan, ay mapaglalangan nila at madaya ang pagtatanod ng kanilang mga tagapaghatid at sa gayo'y makatakas. "Ikasiyam. Kailanma't ang isang bilanggo, dahil sa kanyang kalagayan, katungkulang ginampanan 0 anumang ibang katangian ay dapat pakundanganan, ang guwardiya sibil ay tutupad ng kanyang tungkulin sa pagbibigay sa kanya ng karampatang pagpapakundangan at Sq bagay na ito'y dapat ding tupdin niya ang mga batas. "Ikasampu. Kapag ang isa sa mga preso'y humingi ng pahintulot upang maiayos aDg isang pangangailangan ng katawan, siya'y sasaTI:lahan ng isang guwardiya, at patitigilin ang paglakad ng mga kasama hanggang hindi siya nakababalik. "Ikalabing-isa. Ang nag-uutos sa mga kawal na naghahatid, sa uri ng mga bilanggo: ilan sa mga militar ay magsisikap na sa unang , araw ng bawa't buwan ay gumawa ng mga katibayan ng pagsusuri ng Dlga taong nasa-kanyang kapangyarihan, na pagtitibayin ng kaukulang pinuno, at magsisikap ding maipadala ang mga nasabing kasulatan sa mga pinuno ng pangkat ng mga kawal na kanilang kinabibilangan, upang sa ganitong paraa'y maiukol ang kani-kanyang sahod. "Ikalabindalawa. Sa mga bayang kailangang pagparaanan ng gabi, ay nararapat ihabilin ng guwardiya sibil sa gobernadorsilyo ang bilanggo 0 mga bilanggong inihahatid, hihingi siya ng kaukulang katibayan, at sa kinabukasan ay isasauli ang kasulatang ito kapag ibinalik sa kanya ang mga bilanggo; ang bagay na ito'y gagawin kapag lalakad na. Ikalabintatlo. Sa anumang paraa'y hindi kakain 0 iinom kailanman ang guwardiya sibil na kasama ng mga bilanggong inihahatid, ni bibili ng anumang ipinakikibili nila. "Ikalabing-apat. Ang paglilingkod na ukol sa paghahatid ng mga bilanggo'y sisikaping ibagay sa katakdaang ang mga paglalakbay ay dapat na mabagay sa kalagayan ng mga salaring i'hahatid


250 at ang mga paglalakbay ay mamadaliin lamang kung may takdang kautusang gayon ang itinatadhana. "Ikalabinlima. Pagdating ng mga bilanggo sa pagdadalhan sa kanila, sila'y ibibigay sa mga kinauukulang may kapangyarihan at hihingin ang karampatang kasulatan."

Gaya ng mapapansin ng mga mambabasa, wala sa buong kabanatang itong sinulat na may tunay na diwa ng pagkamakatao at kagandahang-asal, kahit na kalahating pangungusap na nagpapahintulot sa guwardiya sibil na bumaril sa isang naparusahan, na sa isang sumpong ng pagkabaliw/ ay magtangkang tumakas. Samakatuwid, ang pagpapalagay na ang El Porvenir de Visayas ay nagsalita nang tuwiran, nang sabihing ang guwardiya sibil ay tumupad ng tungkulin, gayong walang gihawa kundi ang paglabag nga sa tungkuling iyon ay walang ibang kahulugan kundi ang siya'y ituring na isang tulala na ang ginagamit na pangangatwiran ay kinukuha sa talampakan. Ito'y isang pagpapalagay na maIayong iukol namin sa El Porvenir de Visayas, bagaman ang "porvenir" 0 kinab~kasan ng mga pulong iyon ay tila napakasawimpalad. Nguni't talikdan n tin sa isang tabi ang crnga pag-aglahi o panunuya ng naturang pahayagan, at suriin natin ang pangyayari sa kanyang sariling kahalagahan. Maaari bang mangyari na ang isang bilanggong nakagapos ang mga kamay at tinatanuran ng isang kawaI, ay makatakas sa isang paraang hindi siya maaaring masukol nagtatanod sa kanya? . Lahat ng taong may dalawang daling noD ay sasagot nang walang anumang pasubali na "hindi". Ang bilanggong Ialong matapang, ang Ialong may matipunong katawan, ang Ialong maliksi, kapag nagapos ang mga kamay (at sa paraang Iubos na nalalaman ng mga guwardiya sibil, na sa anumang kadahilanan ay iginagapos nang abut-siko ang Ialong crnabait at mahina ay hindi makatatakas sa kanyang bantay, kahit na ang bantay na ito'y maging pabaya at walang isip. Palibhasa'y ginagawa kung araw ang paghahatid ng mga bilanggo ay maaaring mamatyagan ng guwardiya sibil ang mga balak ng bilanggo upang kalagin 0 paluwagin ang mga tali; bukod dito, isang pangyayaring napagkilala na, na kung hindi malaya ang mga

ng

6 Maliwanag na labag sa mga tadhana ng Kartilya ng mga guwardiya sibil ang pagpatay sa nasabing bilanggo.


251

kamay, ang paglakad at pagtakbo ay naglgmg nap akabagal, at ang lalong matuling tumakbo kapag walang panimbang na mga bisig, ay nawawalan ng ikatlong bahagi ng kanyang tulin. Nakakita kami ng mga tanikala 0 kuwintas ng mga bilanggong inihahatid ng mga guwardiya sibil, tatlumpu 0 dalawampu, may iba't ibang gulang at pangangatawan, na bumabagtas ng mga bayan at lansangang ilang; nakita namin silang pinapalo ng mga tungkod, at hinahataw ng kulata upang pagmadaliin sa paglakad, at dahll sa kawalan ng laya ng kanilang mga bisig, sa nais na matulin ang paghakbang, ay nangabubulagta sa lupa, at naghihirap nang gayon na lamang sa pagtindig kahit na nil alantakan sila ng maraming hagupit at palo. 6 Ngayon, kung sa tatlumpu katao ay wala isa mang nakatakas, gayong dadalawa lamang ang nagbabantay sa kanila, paanong ang isang bilanggo, na kinakailangang bantay~ ng di-karaniwang pag-iingat, ay magtatangkang tumakas, na siyang ikinapilit sa guwardiya sibil na bumaril sa kanya? Sapagka't nararapat hinalain na ang kawal na maghahatid sa kanya (kung siya'y nag-lisa, at hindi dalawa), ay hindi isang pilay, at kung siya man ay pilay ay hindi niya pahihintulutang ang bilanggo'y rnaw~lay sa kanyang tingin, at hahawakan niya ang dulo ng lub~d na nakagapos sa bilanggo; ang mga tuntunin ng Patakaran sa Paghahatid ng mga Bilanggo, ay buong liwanag na nagtatadhana ng lahat ng pangyayari at lahat ng maaaring mangyari, gaya ng sukat makita ng aming mga mambabasa, na ang isang napakalabis na kapabayaan lamang, isang lubos, bagama't maaaring mangyaring pagkalimot niyaon, ang makapupukaw sa bilanggo ng tangkang pagtakas. At sa bagay na ito'y hindi nararapat managot ang bilanggo, ni ang katarungang makatao, kundi ang tanod na nakalimot ng kanyang tungkulin. Datapuwa't ipalagay nang ang guwardiya sibil ay nakagawa ng isang kapabayaan, at sandaling nawalay sa kanyang paningin ang salarin, sukat na ang kilos nito upang makatawag ng kanyang pans in at matutop ang twmatakas sa ilang hakbang lamang; at kung hindi man magkagayon, ang kahinahunan at pagka-makatao'y maaaring makapukaw sa kanyang magpaputok sa itaas upang yao'y matakot. Nguni't sa kasawiang palad, ang mga bagay na ito'y hindi ginagawa e Ang mga pangyayaring ito'y lubhang karaniwan at madalas masaksihan nang kapanahunan ni Rizal.


252

sa mga ganitong pangyayari bagkus ang ilang guwardiya ay para-parang nagbibigay ng pagkakataon sa bilanggo upang ito'y magtangkang tumakas at pababayaang makatakbo ng sampu 0 labindalawang hakbang at saka papuputukan ng baril 0 rebolber.7 Ito'y tahasang makahayop at higit sa tanang maaaring maisip na sa ami'y nagpapagunita, hindi lamang ng mga kaugaliang aprikano, kundi lalo at higit na isang kabaligtaran. Walang sinumang magbibigay ng matuwid sa isang magkakabayo kung patayin nito ang kabayong tumatakas, at ang buhay ng isang kabayo'y hindi maaaring maging lalo pang mahalaga kaysa buhay ng isang tao, kahit na ang taong ito'y maging isang indiyong napapailalim sa kapangyarihang kastila. 8 Tungkulin ng guwardiya sibil ang pagbabantay sa salarin, at, gaya ng tiyakang sinasabi ng alituntunin, bantayan siya NANG WALANG ANUMANG PAGKUKULANG HANGGANG MAKARATING SA PAGHAHATIRAN SA KANYA ALINSUNOD SA MGA BATAS: ang guwardiya'y may mga kaparaanan at pagkaunawa upang ang bilanggo'y huwag makatalilis. Sa mulcH na Euro~a, na ang karangalan ng tao'y lalong iginagalang, at hindi pinagmamalabisan ang mga panggapos, ang mga pulis ay nakatuklas ng mga kaparaanan upang huwag makatakas ang mga salarin, maging sa pag-aalis sa mga bilanggo ng isang sapatos, maging sa pagtanggal ng mga but ones ng pantalon nito. Sa Pilipinas, ang panggapos 9 ay siyang laging ipinapatid sa katalinuhan, ng mga guwardiya sibil, at ngayo'y ninanasa na naman nilang halin}lan ng tingga. 10 Kung ito'y pagtitibayin, tunay na lalo pang mabuting mamuhay tayo sa piling ng mga salbahe, umakyat sa tinitirhan ng mga ita, at itakwil ang lahat ng may amoy kristiyano at kabihasnan.l1 Sa ano't anum an ay wala sa buong Cartilla de la Guardia Civil, kahit isang tuntunin man lamang na nagpapahintulot sa guwardiya sibil ng paggamit ng kanyang sandata, at 7 Ang karaniwang ginagawang ito ng mga guwardiya sibil ay laging isinasandig sa pagdadahilang ang bilanggo'y ibig tumakas 0 tumatakas, kaya nita 8 Ito'y isang makinis na panunuya ni Rizal. 9 Karaniwang ginegapos nang abot-siko ang mga bilanggo nang panahon ng kastila upang huwag makatakas. 1D Tinutukoy dito ang punglo ng baril 0 rebolber. n Isa pa ring napakakinis na panunuya ni Rizal.


253

lalong wala ng pagpatay sa mga salarin: ang tuntuning aming binabanggit, na nagtataglay ng petsang 1879, ay nagtatakda ng dalawang pagkakataon lamang na maaaring gamitan niyon; at ang mga ito'y ang mga sumusunod: pangkat ika-7 ng unang kabanata, unang bahagi, at pangkat ika-26 ng ikalawang kabanata, ikatlong bahagi, na nangagsasaad ng ganito: "Ika-7. Ang mga pangunahin niyang sandata'y ang paghikayat at ang lakas ng kagandahang-Ioob; at gagamit lamang ng mga sandatang dala-dala niya KAPAG NAKIKITA NIYANG SIYA' y TlNATAMPALAS AN NG IBA, 0 kapag hindi nakasasapat ang kanyang mga salitaP "Pangkat ika-26. Ipinagbabawal sa lahat ng kawal ang pagpapaputok ng kanilang sandata nang hindi iniuutos ng pinuno, maliban sa mga pangyayaring itatakda para sa bantay."

Ang mga pangyayaring ito'y dili iba kundi kapag hindi tumugon sa qien vive, na inulit nang makaitlo, kapag tumakas 0 hindi sumunod sa utos at iba pa. Ang pangungusap na nakabukod 0 kapag hindi nakasasapat ang kanyang mga salita, ay tumutukoy sa mga kaguluhan sa mga lansangang bayan, mga ligalig, at iba pa, sa dahilang kakatwang ikapit iyon sa paghahatid ng mga bilanggo: sapagka't bihira ang bilanggong inihahatid nang masaya ang loob at nahikayat lamang na pabilanggo; sa katunayan, ang ating bilanggo ay isang rara avis, (ibong napakabihira) sa dahilang siya'y kusang sumuko at humarap sa may kapangyarihan, bagama't nalalaman niya, marahil, kung ana ang sa kanya'y mangyayari, at sa dahilang iyon marahil, at sapagka't siya'y isang kataliwasan, siya'y binaril, bagama't ang pagbaril na may ganitong uri'y hindi bihira roon. 13 Ang maykatha ng alituntunin, bagama't nakapag-aral ng lahat ng mga pagkakataon, napangalagaan ang lahat ng maaaring mangyari at nakapagpahayag ng kabigatan ng pagtakas ng isang bilanggo (pangkat ika-4), kailanman hindi gumawa ng pahiwatig kahit na napakalayo sa paggamit ng paraang itong makahayop upang mapigil ang isang pagtakas. '" Datapuwa't ang pakahulugang ibinigay dito ng mga guwardiya sibil ay pabaligtad, gaya ng karaniwang namamalas sa kanilang pagtupad ng tung-

kulin. 18 Tunay na hindi bihira bagkus karaniwa't pang-araw-araw halos ang pagbaril sa mga walang kasalanan nang panahon ng kastila.


254

Ang pagtukoy sa mga sumpong ng pagkabaliw ay isang kahangalan, palibhasa'y hindi sinabi kailananan na ang pagkabaliw ay parurusahan ng isang madalia't walang paglilitis na pagpatay.14 Ang katarunga'y dapat humingi ng mahigpit na pagtutuos sa mga nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan at nagsisilabag sa kanilang banal na tungkulin. Ang pangkat ng Guwardiya Sibil, kung ninanasa niyang maligtas sa kapanagutan sa kasalanang ito at tumupad nang may kadahilanan sa tungkuling ikinalikha sa kanya, ay nararapat magparusa sa mga kawal na dahil sa paglabag sa kanilang tungkulin, ay nakasasagabal, dala ng kanilang hindi mangangalanan bagama~t ulit-ulit na pagmamalabis, upang matuklas ang katotohanan. Sino ang nakatitiyak na ang pumatay ay hindi isang kinasangkapan lamang? Sino ang nakaaalam kung ang kamay niya'y hindi pinakilos ng ibang kalooban? Hindi ba nangyari sa Maynila, may ilang taon na ngayon ang nakararaan, na ang isang magbubukid ay pumatay sa ilang kastilang nakatira sa paligid-ligid at lumabas pagkatapos na siya'y isang mamamatay-taong inupahan lamang? Kung sa pagkakataong yaon, ang mahigpit na katarungan ay pinairal, ito'y walang pag-aalinlangang nakapagbigay sana ng dakilang tulong sa nagbuyo sa gayong mga pagpatay; nguni't nakatulong din naman sa kasamaang-asal, sa dahilang hindi maparurusahan ang tunay na salarin. Bukod dito, kung tatanggapin natin a.l1g ganitong mga pagmamalabis at ipipikit ang mga mata sa kanila; kung ihahalili natin sa mga hukuman ng katarungan ang militarismong walang sariling mga sangguniang digma at ng mga pamamaraan sa paglilitis; kung kikilalanin nating ang bawa't kawal ay may karapatang bumaril sa kaninuman dahil sa ganito 0 gayong sanhi na humigit kumulang ay isang kamusmusan at kahangalan, kung gayo'y ipinid na ang mga hulruman, alisin na ang mga Hukom, patahimikin na ang mga manananggol, at sunugin na ang mga Kodigo! Pasalamat tayo! Sa gayo'y makapagtitipid pa ng malaki, at hindi tayo maaaring bansagang mapagkunwari 0 magdaraya; na samantalang nagsasalita tayo ng tungkol sa mga batas, sa kataU Hindi mapag-aalinlanganang walang ibang butas na malusutan ang mga guwardiya sibil sa "malupit at walang dahilang" pagpatay sa bilanggong ito, kung kaya ang "sumpong ng pagkabaliw" ang siyang sinangkalang na lamang,


255 rungan, sa kabutihang-asal kung tayo'y nagsasalita sa mga nakikinig, sa likod naman, sa pagitan ng mga bastagan, ay tinataglay natin ang lahat ng karuwagan at lahat ng pakikibagay. Sa gayon kahit paano'y mababatid ng bayan kung ana ang kanyang panuntunan; nalalaman niya kung ana ang naghihintay sa kanya, at hindi mananalig, dala ng kanyang kawalang muwang, sa mga pangungusap at mga pala-palagay na walang kabuluhan! At ang panahon ang magsasabi kung sino ang magtatagumpay. Datapuwa't, samantala'y umaasa kaming si Ginoong Becerra, na nagsimulang mamatnugot sa rrnga suliranin ng mga bayang sakop nang may kasiglahan at mabuting kalooban, ay magsisimpan ng sapat na lakas upang ang mga batas ay ipagalang; nababatid na mabuti ni Ginoong Becerra ang kapalarang naghihintay sa mga nagsisimula sa ulong-tao at nagwawakas sa anyong isda, dessinant in piscem, na sinasabi ni Horacio; umaasa kaming patototohanan niya na hindi siya naluglI!ok sa malalim na pagkagupiling pagkatapos na makaani ng napakadakilang kabantugan.

â&#x20AC;˘

. ) *


ISANG PAG-ASA (Inilathala sa La Solidaridad, ika-15 ng Hulyo ng 1890)

Ang pangasiwaan at ang lapiang kinauukulan ni Ginoong Becerra 1 ay bumagsak, at tangay sa likod niya ang maraming pag-asa. Kasama nito'y naglaho rin ang sa maraming pilipinong sa pandinig nila'y nakarating ang mga pangungusap ni Ginoong Becerra, na binigkas sa Kongreso noong ika-6 ng Marso ng taong kasalukuyan, dahil sa pagkakaroon ng Pilipin as ng mga kinatawan sa kapulungan. Sinabi ni Ginoong Becerra na siya'y kasang-ayon ng pagbabagong ito; na ang mga pilipino'y nararapat magkaroon ng kanilang kinatawan; na tumpak sa matuwid na ang bumubuwis ay makaboto, at gawang makakristiyano ang pagtatanggol sa mga salanta at hindi makapagsanggalang; na hindi sapat at hindi isang kaluwagan ang paghingi ng tatlo lamang na kinatawan gayong ang Espanya'y humihinging makaboto ang lahat, at sa wakas, ay hindi nararapat ipagpabukas ang maaring gawin ngayon. Kung yaong ngayon ni Ginoong Becerra'y hindi nangangahulugan ng tiyak na ika-6 ng Marso, na siyang araw ng kanyang pagkatalumpati, ang bukas ay hindi rin nararapat pakahuluganan ng calendas griegas. 2 Ang bayang pilipino na nananalig sa marangal na pangako ng isang Ministrong kastila,3 ay umasa't nag-akalang ang katahimikang sumunod sa kasipagan ni Ginoong Becerra'y nangangahulugang sinusundan ng isang dakilang araw. Nakaraan ang apat na buwan, at sa hinaba-haba ng buong panahong ito ay hindi na muling napag-usapan ang 1 Manuel Becerra ang buong pangalan nito, at naging Ministro de Ultra.mar. Sa loob ng panahon ng kanyang panunungkulan ay nagpasok ng ilang pagbabagong kapakipakinabang sa Pilipinas. 2 Ang kahulugan ng pariralang ito ay isang panahong hindi darating. 3 Ang tinutukoy ditong Ministrong kastila ay si Praxedes Mateo Sagasta, Pangulo ng Partido Liberal sa Espanya. Si Sagasta ay isa sa mga nagiDg bantog na pinuno ng Espanya. 256


257 ipinangako ng Ministro, ni ang katarungang kautangan sa walong angaw na sakop. 0, Ikaw, na siyang may tadhana, upang ang puso ng tao'y manalig sa mga pangako ng kapuwa tao, bakit hindi mo siya binahaginan ng Iyong hindi mababaling kalooban at ng isang sinag ng iyong alaala upang matandaan niya ang kanyang mga pangungusap? Datapuwa't, sukat na! Si Ginoong Becerra'y bumagsak at hindi namin ibig idaing ngayon sa kanya ang kapaitan ng aming puso magpakalaki-Iaki man ng aming pagdaramdam. Umasa kami sa isang tao! Kami'y mga tao, at walang anumang nauukol sa taong makapagpapataka sa amin; ito ang sinabi namin bilang salin ng kay Terencio. Minamabuti naming gunitain ang mga pagbabagong 4 narinig ng Pilipinas sa panahon ng pamamahala ni Ginoong Becerra. Ang mga pagbabagong ito, kahit kakaunti, ay hindi masasabing walang halaga. Pipiliin sana namin ang pagtalakay sa Kodigo Sibil,5 kung ang isang kawalang matuwid ni Heneral Weyler 6 at ang isang pagpapaunlak, upang huwag sabihing kahinaan, ni Ginoong Becerra'y hindi naging dahilan ng pagkahilaw ng gayong pagbabago, na lalong nagpakilala ng kapangyarihan ng mga korporasiyon 7 ng mga prayle, at ng kawalang-kaya ng mga Ministrong higit na tinataguriang mga demokrata't mga liberal. â&#x20AC;˘ Ang sinasabing ito'y tumutukoy sa mga umano'y pagbabagong ginawa ni Becerra sa Pilipinas, nguni't kailanma'y hindi naranasan sa kapuluang ito. ~ Ang Kodigo Sibil ng Espanya ay nagsimulang magkabisa sa Pilipinas nang ika-31 ng Hulyo ng 1889. Natigil ang pag-iral nito sa Kapuluan sapul ng ika-30 ng Agosto, ng 1949, sa bisa ng Batas BIg. 387 ng Republika ng Pilipinas, na nagsimulang umiral ng ika-18 ng Hunyo ng 1949. "Heneral Valeriano Weyler, Markes ng Tenerife ang tunay at buong pangalan nito. Siya'y naging Gobernador Heneral ng Pilipinas ng 1889-1891. Siya ang noong mga huling araw ng kanyang pamamahala ay nag-utos, sang-ayon sa atas naman sa kanya ng mga maykapangyarihang lalong nakatataas, na pasa-Kalamba ang mga "limanlpung kawal ng artilyerong kastil a", sa ilalim ng pamumuno ng koronel ng Guwardiya Sibil na si Francisco Olive y Garcia, upang palayasin ang mga namumuwisan sa Kalamba, kasama na rito ang mga kaanak ni Rizal. 7 Ang mga samahang relihiyoso sa Pilipinas noong panahon ng Kastila ay ang mga Dominiko, Agustino, Franciscano at Recoleto. 006700-17


258

Si Ginoong Balaguer,8 na siyang nagbigay ng halimbawa sa pagpapasok ng Kodigo Penal,9 ay hindi pumayag sa anumang pagwawastong tinangka ng Kapitan Heneral Terreros 10 at ang pagbabagong ginawa niya'y ganap na pinairal sa kabila ng lahat ng pagtutol. Isang magandang panuntunan yaong kay Ginoong Balaguer. Katiningan ng loob at katibayan ng pananalig: Ang mga ulo ng balangay 11 ay may isang malaking utang na loob kay Ginoong Becerra: ang pagtatakda ng kabayaran sa mga kura. 12 Huwag nating limutin: totoong kakaunti ang mga pagbabagong naisakatuparan! Pagkatapos? Hindi kami nakakaalaala ng ibang may pagmamalasakit sa lahat, nguni't gayunman, nararapat naming kilalaning si Ginoong Becerra'y nagkaroon ng napakabubuti't napakadakilang mga balak, at ito'y hindi maliit na bagay, kapag isinaalang-alang na ng Ministeriyo ng mga lupaing sakop sa kabilang ibayo ng dagat 13 ay isang Ministeriyong pangunang hakbang la'mang. Sisihin natin sa pagkabigo, hindi ang tao kundi ang mga pangyayari at ang mga tao. Ba! hindi lagi nang maaaring 8 Si Victor Balaguer, bukod sa kanyang pagiging Ministro de Ultramar nang panahon ni Sagasta, ay isa pa ring bantog na makatang kastila. U Ang Kodigo Penal ng mga Kastila ay nagsimulang pairalin sa Pilipinas noong ika-4 ng Setyembre ng 1884. Ang Kodigong ito, ayon kay Rizal, ay walang katuturan at maraming kasiraan; sa halip na tumangkilik sa mga mamamayan ay siya pang pinagmwnulan ng di-matuwid na pag-uusig. Ang bagong Kodigo Penal sa Pilipinas na umiiral ngayon ay pinagtibay ng Lehislatura Pilipina noong ika-8 ng Disyembre ng 1930 at nakikilala sa Batas bIg. 3815 ng Lehislatura Pilipina. 10 Emilio Terrero ang tunay na pangalan nito. Naging Gobernador Heneral ng Pilipinas. Nang taong 1886-1887, ang gobemador na ito'y nabigo sa ginawa niyang paglusob sa Kotabato laban sa mga moro. 11 Bawa't isa sa mga Ulo ng Balangay 0 Cabezas de Barangay ay siyang nakapapamahala sa isang pangkat 0 pulutong na binubuo ng apatnapu 0 limampung mag-aanak 0 mga taong nagsisipagbayad ng buwis sa pamahalaan. U1 Nang panahon ng kastila sa Pilipinas, ang mga kura sa bayan-bayan, bukod sa sumisingil sa mga mamamayan ng malaking halaga sa binyag, kasal, llbing, pamisa, pista 0 ano mang pagdiriwang na idinaraos ng simbahan at iba pang napakahabang salaysayin, ay nagsisitanggap pa sUa ng abuloy ng pamahalaang pangkalahatan. 18 Ang Ministerio de Ultramar ay isang sangay ng pamahalaan sa Madrid na siyang nakaaalam ng pamamahala't pangangasiwa sa mga bayang sakop sa kabila ng mga dagat, gaya ng Pilipinas at iba pa.


makipaglaban; mayroong ikapat na bahagi ng oras nl Rebelais. 14 Tingnan natin kung ano ang ' dala sa atin ng mga konserbador. Hanggang ngayon, ang mga mini strong konserbador na nanungkulan sa pagkaministro ng mga lupaing sakop sa ibayo ng dagat ay hindi naging mabuti ni masama para sa Pilipinas; alalaong baga'y hindi nila pinagkaabalahan halos ang bansang iyon; ang matanda nilang sagisag ay tila: lalong masamang galawin iyon. Si Ayala'y 15 nag-iwan ng ilang dula at napakabubuting tuHt lnilabas ba ang mga dula sa Maynila? Aywan namin. Ang mga tula'y binasa at kinalugdan ng marami. Ang iba'y walang naiwan kahit na isang tugma. '. N agkaroon, kung hindi lisya ang aming pagkaalaala, ng isang Konde Tejada de 'Valdesora,16 nguni't tapatang hindi namin nagugunita kung siya'y konserbador 0 liberal; wala kaming mahagilap na anuman sa alaala kung ano ang ginawa para sa Pilipinas, ng Ministrong ito.. Mayroon kaming isang malahong pagka,k'lala, gaya ng isang anyong maipagkakamali sa ibang nakalagay sa huling-huling katayuan sa isang kuwadro ng larawan, at hindi namin siya makalimutan dahi! sa isang ngalan at isang titul6. Para sa amin, siya'y nabibilang sa pinagpalang ngalan ng mga Ministro. Sumakanila nawa ang kapayapaan! .Gayunma'y inaamin namin, na sa mga Ministrong konserbador ay nagkaroon kami ng mga Gobernador Heneral na kasimbubuti't kasinsasama ng sa mga liberal. Ang mga konserbador kailanman ay hindi nakapagbigay sa amin ng isang Weyler, nguni't nakapagbigay ng isang Jovellar; ng isang Terreros na maaaring paratangan ng lahat ng maibigan maliban sa pagpapaunlak . . . Tila si Heneral J ovellar at si Heneral Terreros ay hindi bumalik buhat sa Pilipinas na lalong mayaman kaysa nang 1< Si Rebelais ay isang bantog na pil6sop6ng pranses at tanyag na manunudyo 0 manunuya. 111 Si Fernando de Ayala ay hindi naging Gobernador sa Pillpinas. Ang tanging nalalaman sa kanya ay siyang nangulo sa mga matatapang na pillpino, na nang taong 1609 ay siyang tumalo at nagpasuko sa hukbong olandes ng Almirante Francois de Villert, na bumumbardeo sa noilo. lAI Ang binabanggit ditong Konde Tejada de Valdesora ay hindi nakikila1a sa Kasaysayan ng Pilipinas.


260

sila'y tumungo roon; hindi rin naman sila naligid ng mga prayle at hindi nayag na sila'y napamahalaan ng mga ito. Gamitin natin ang katarungan sa isa't isa. Ngayon, ang bayang pilipino, bagaman hindi nawawalan ng pananalig sa mga tao, ay nagtitiwqla't nananalig sa isang bagay na lalong mataas, sa isang nakakaalaalang lalo, sa isang lalong nakaaalam ng kahalagahan ng katarungan at ng halaga ng banal na pangako. Ang tao'y nilikhang malaya ng Diyos, at pinangakuan ng tagumpay ang nagtitiyaga, ang nakikipagbaka, ang gumagawa ng kabutihan. Ang Diyos ay nangako sa tao ng katubusan pagkatapos ng pagpapakasakit. Tupdin ng tao ang kanyang tungkulin, at ang Diyos ay tutupad naman ng tungkulin Niya!

â&#x20AC;˘


TUNGKOL SA KATAMARAN NG MGA PILIPINO Tinalakay ni Doktor Sancianco, sa kanyang akdang Progreso de Filipinas (Pagkakasulong ng Pilipinas) ang suliraning itong ipinamumutak, gaya ng tawag niya, at ang mga pinanghawakan niya'y ang mga pangyayari't mga ulat na ring ipinadala ng mga tagapamahalang kastilang namamahala sa Pilipinas, upang patotohanang wala ng gayong katamaran, at lahat ng sinasabi tungkol sa bagay na iyon ay hindi nararapat sagutin ni pag-ukulan ng kahit bahagyang pansin. Gayunman, sa dahilang ipinagpapatuloy pa ang paguusap tungkol sa bagay na iyon, hindi lamang ng mga kawani na siyang pinapananagot noon dahil sa sariling kahangalan nila, hindi lamang ng mga prayleng nagpapalagay na iyon ay isang kailangan upang sa ganito'y akalaing wala silang makakapalit, kundi rin naman ng mga taong pormal at walang pag-iimbot; sa dahilinr laban sa mga patotoong binabanggit ni Doktor Sancianco, ay maaaring makabanggit ng ibang may lalong malaki 0 maliit na kapangyarihan, ay inaakala naming nararapat pag-aralan nang masinsinan ang suliraning ito, nang walang mga pag-iring ni kanipisan ng damdamin, walang kaabalahan ng isip, at walang karimIan ng pag-asa. At yamang kami'y makapaglilingkod lamang sa aming inang-bayan kung sasabihin sa kanya ang katotohanan, magpakapait-pait man ito; yamang ang isang pagtangging tahasan at gawa-gawa lamang ay hindi makasisira sa isang tunay at hindi mapag-aalinlanganang pangyayari kahit na ito'y ikapalungi ng kaningningan ng mga pagmamatwid; yamang ang isa lamang na pagpapatotoo ay hindi sapat na makalikha ng isang bagay na di-mangyayari, ay mahinahong susuriin namin ang pangyayaring ito, at gagamitin namin, sa ganang amin, ng lubos na kawalangkinikilingang magagawa ng isang taong nananalig na walang katubusan kapag walang matitibay na batayan ng kagandahang-asal Pinagmalabisan ang salitang katamaran, sa pagpapakahulugan dito na parang kauntian ng pag-ibig sa paggawa,' 261


262 kakulangan ng sipag, at iba pa: ang paglibak ay tumakip sa pagmamalabis. Sa karaniwang paksang ito ay nangyari yaong nangyari sa ilang gamot na lumulunas sa maraming sakit at sa mga gamot na niyari ng mga matatabil, na sa pagpupumilit na iukol sa kanila ang mga bisang hindi inaangkin ay ipinalagay tuloy na walang kabuluhan. Noong Edad Media, at kahit na sa maraming bayang kat6lik6 ngayon, ay ibinubuhat sa diyablo ang lahat ng bagay na hindi maunawaan ng bayang mapamahiin 0 ayaw ipagtapat ang kasamaan ng mga tao; sa Pilipinas, ay ibinubuhat sa katamaran ang mga sariling kakulangan 0 kakulangan ng iba, ang mga kahangalan ng Han at ang kasalanan ng iba. At katulad noong Edad Media na pinag-uusig ang sinumang magtangkang humanap ng paliwanag sa mga bagay-bagay maliban sa lakas na nagbubuhat sa impiyerno, sa Pilipinas ay lalong masama ang nangyayari sa humahanap ng pinagmumulan ng kaguluhan nang labas sa mga kapaniwalaang tinatanggap. Naging bunga ng pagmamalabis na ito ang malaking pagsusumakit ng Hang tao na yao'y ipahayag na isang dogma o aral na dapat s ampalatayan an , at ang pagsisikap naman ng iba na iyon ay tuligsain bHang isang kakatwang pamahiin kung di man isang pandarayang dapat parusahap. Gayunman, sa pagmamalabis sa isang bagay ay hindi dapat hinuhain na wala ng bagay na iyon. Inaakala naming nararapat magkaroon ng isang bagay sa likod ng gayon karaming sigaw, sa dahilang hindi maaaring magkasundo sa pagsisinungaling ang gayong karaming tao, na kinabibilangan, gaya ng sinabi na namin, ng ilang napakapormal at walang pag-iimbot. Ang Han, marahH, ay gagawa sa udyok ng masamang kalooban, sa kabiglaanan, sa kawalan ng panuntunan, sa kaiklian ng pagmamatuwid, sa kamangmangan tungkol sa nakaraan, at iba pa; ang iba'y uulit lamang marahil, sa narinig nila, nang hindi na susuriin 0 wawariin ito; ang ilan pa'y magsasalita, marahil, sanhi sa karupukan ng pag-asa 0 sa udyok niyaong katangiang tao na ilarawang ganap 0 halos ganap ang lahat ng sariling kanya at may kapintasan ang lahat ng sa iba; datapuwa't hindi maitatangging may ilang sumasamba sa katotohanan, at kung hindi man lagi nang sa tunay na katotohanan, ay kahit man lamang sa may anyong kato-


tohanan, na siyang talagang katotohanan sa pang-unawa ng karamihan. Kung susuriin ngang mabuti ang lahat ng mga pangyayari at lahat ng mga taong nakilala namin buhat sa aming kabataan, at ang pamumuhay sa bayan namin, naniniwala kaming doo'y may katamaran nga. Walang pag-aalinlangang hindi mamasamain ang pag-aming ito, ng mga pilipino na maiaagapay sa mga taong lalong masisipag sa daigdig; totoo ngang doo'y gumagawa at labis na nakikipagbaka laban sa singaw ng lupa, laban sa kalikasan at laban sa mga tao; datapuwa't hindi natin dapat ipalagay na tuntuning pangkalahatan ang isang pangkatangian, at hinahangad namin ang kabutihan ng aming bayan sa pagsasabi ng inaakala naming siyang katotohanan; kailangang aminin naming doon ay tunay at tiyak na may katamaran; nguni't sa halip na iyo'y ariing siyang san hi ng pagkakaurong at ng kaguluhan, ay inaakala naming siyang bunga ng kaguluhan at ng pagkakaurong, na tumutulong sa pag-unlad ng isang kasira-sirang hilig. Ang mga nag-uko\ ng panaho hanggang ngayon sa katamarang nabanggit, maliban kay Ginoong Sancianco, ay nangagkasiya lamang Sa pagtanggi 0 sa pagsang-ayon; wala kaming nakikilalang sinumang nag-aral niyon sa pinakasanhi. Gayunman, yaong mga nagsasabing mayroon ngang katamaran at ito'y pinalalaki" humigit kumulang, ay hindi nakaligta dahil doon na magmungkahi ng mga lunas na pinulot dito't doon, sa Haba, sa ibang lupaing sakop ng mga ingles at olandes, gaya ng manggagamot na ang pinanghahawakan ay ang karanasan, na dahil sa nakamalas na ang isang lagnat ay napagaling ng pagkain ng isang dosenang tamban, ay ito ang kanyang inihahatol pagkatapos sa lahat ng pagtaas ng init ng katawang natutuklas sa kanyang mga maysakit. Gagawin namin ang kabaligtaran niyaon; bago kami magmungkahi ng lunas, ay susuriin muna naming ang mga kadahilanan, at bagaman ang isang hilig, sa tahasang salita, ay hindi isang dahilan, ay pag-aaralan namin sa kanyang tunay na halaga ang pagkakahilig na nagmula sa kalikasan. May gayon ngang hilig. Paanong hindi magkakaroon niyaon? Ang mainit na singaw ng lupa'y nag-uudyok sa tao na manahimik at magpahinga, gaya rin ng ang lamig ay


264

nag-uudyok ng paggawa at ng pagkilos. Dahil dito, ang kastila'y lalong tamad kaysa prances, at ang pranses ay lalong tamad kaysa aleman. Ang mga taga-Europa na rin na madalas nagpaparatang ng pagkatamad ng mga tao sa mga bayang sakop, (at hindi ko na tinutukoy ang mga kastila, kundi ang mga aleman at ingles na rin) paano sila namumuhay sa mga lupaing maiinit? Naliligid sila ng maraming utusan, hindi naglalakad kailanman kundi nasasasakyan, at kinakailangan nila ang mga utusan, hindi lamang upang alisin ang kanilang mga bota 0 sapatos kundi hanggang sa pagpapaypay! At gayunman'y nabubuhay at kumakain sila nang lalong sagana, gumagawa para sa kanilang sarili, upang magpayaman, taglay ang pag-asa sa isang kinabukasan, malalaya't iginagalang, samantalang ang abang nasasakop, ang tamad na sakop, ay hindi mabuti ang kinakain, walang inaasahan, gumagawa para sa iba, at gumagawang napipilita't ginagahasa! Ano? Isasagot kaipala na ang mga puti ay hindi nilikha upang magtiis ng mga karahasan ng singaw ng lupa. Kamalian! Ang tao'y maaaring mabuhay sa ilalim ng lahat ng singaw ng lupa, kung siya'y makikiayon lamang sa mga kahingian at mga pasubali nito; ang pumapatay sa mga taga-Europa sa mga lupaing maiinit ay ang pagmamalabis sa alak, ang pagnanasang mamuhay sang-ayon sa kalakaran sa kanyang bayan sa ilalim ng ibang langit at ibang araw. Kaming mga mamamayan sa mga bayang maiinit ay nabubuhay na mabuti sa Hilaga ng Europa, kailanma't gagamit kami ng mga pag-iingat na ginagamit ng bayan; ang mga tag a Europa'y maaari ring masanay sa mga dakong mainit ang singaw kung sila lamang ay magwawaksi ng mga kinaaabalahan ng kanilang isip. Ang nangyayari'y ang mahigpit na paggawa sa mga bayang maiinit ay hindi mabuting gaya ng sa mga bayang malalamig; doon, ang malabis na paggawa'y siyang lumilipol, siyang pumapatay, siyang nagwawasak. Ang kalikasan na nakaaalam nito, bHang isang makakatarungang ina, ay siyang, nagtakda dahil dito, na ang lupa'y maging lalong mataba, lalong masaganang mamunga; ito'y isang pagbabay~d-utang. Ang isang oras na paggawa sa ilalim ng araw na iyong nakapapaso at sa gitna ng mga nakasisirang lakas na nanggagaling sa kalikasan ay katumbas ng isang araw na paggawa sa katamtamang singaw ng lupa; kaya't


265

nararapat namang ang lupa'y pag-anihan ng sandaan sa bawa't isa! Tangi sa rito, hindi ba't namamalas natin ang masipag na taga-Europa, ang taong nakapagpalakas sa panahon ng taglamig, ang taong nakararamdam sa kanyang mga ugat ng pagsulak ng dugong sariwa sa panahon ng tagsibol, hindi ba namamalas nating iniiwan niya ang kanyang mga gawain sa loob ng kakaunting araw ng kanilang pagbagu-bagong tag-init; ipinipinid ang mga tanggapan nila gayong ang gawain dito'y hindi napakahigpit at para sa marami'y nauuwi lamang sa pakikipag-usap at pagkumpas ng kamay sa lilim at sa tabi ng isang hapag ng mga inumin, tumakbo sa mga pook na paliguan umupo sa mga palamigan, magpasyal, at iba pa? Ano ang nararapat pagtakhan, kung gayon, kung ang mamaIllayan sa mga lupaing maiinit, na pinapanghina at ang dugo'y tinutuyo ng init na walang tantan at labis-Iabis ay maging maibigin sa di-pagkilos? Sino ba ang tamad sa mga tanggapan sa Maynila? Ang abang tagasulat hang pumapasok ng ikawalo ng umaga at lumalabas ng unang oras ng hapon, nakapayong lamang, at sumisipi at sumusul~.t at gumagawa para sa sarili at para sa puno 路 niya, 0 ang pinuno niyang dumarating na nakakotse ng ika sampung or as ng umaga, umaalis bago magikalabingdalawa, nagbabasa ng pahayagan, humihitit, nakataas ang mga paa sa upuan 0 sa hapag 0 nagtutungayaw at nagmumura sa lahat sa harap ng mga kaibigan niya? Sino ba ang tamad, ang koadhutor bang indiyo na kung bayaran ay kapos na kapos, pinakikitunguhan nang masama, at siyang nararapat sumaklolo sa lahat ng may sakit na maralita na naninirahan sa mga kabukiran 0 ang kurang prayle na nagpapayaman nang di-mapaniwalaan, nagpapasyal nang nakakaruwahe, masarap ang kinakain at umiinom ng mabuting alak at hindi natitigatig maliban na kung hindi sumisingil nang labis na kabayaran? Huwag nang pag-usapan pa ang mga taga-Europa; ang insik, ang masipag na insik na lumayo sa kanyang bansa, itinaboy ng gutom at ng karalitaan at ibinubunton ang buo niyang kabutihan sa pagkakamal ng kaunting puhunan: sa anong mga gawaing mabibigat nanigtas siya sa mga lupaing maiinit? Maliban sa ilang mga tagapasan, gawaing ginagampanan din ng mga tubo roon, halos lahat sila'y walang hinaharap kundi ang pagIalako, ang pangangalakal; bihirang-bihira . at wala kaming nakikilalang sinuman na


266

ang inaatupag ay ang pagsasaka. Ang mga insik, na sa ibang mga bayang sakop ay nangagbubungkal ng bukid, ay nangagsasaka ng ilang taon lamang, at pagkatapos ay nagpapahinga na. Natatagpuan natin, samakatuwid, na ang hilig sa katamaran ay sadyang katutubo, at ito'y nararapat nating aminin at tanggapin, sa dahilang hindi natin mababago ang mga batas ng kalikasan, at sa dahilang kung wala niyaon, ay nalipol na sana ang lahi. Ang tao'y hindi isang hayop na walang pag-iisip, hindi isang makina; ang layon niya'y hindi lamang yumari 0 gumawa, kahit na ito'y isama ng loob ng mga kristiyanong puti ang balat, na ang ibig ay gawin ang kristiyanong may kulay ang balat na isang lakas na tulad ng makina, isang bagay V-a lalong matalino at digasinong magugol kaysa bapor, ang layon ng tao'y hindi ang magbigay ng kasiyahan sa mga simbuyo 0 naglalatang na damdamin ng ibang tao; ang layon niya'y humanap ng kaligayahan ng sarili at ng kapwa, sa pamamagitan ng paglakad sa land as ng pagkakasulong at ng ganap na kabutihan. Ang kasamaan ay; wala sa pagkakaroon ng katamarang humigit kumulang ay buhay, kundi nasa-pagpapaunlad at pagpapasagwa nito. Sa mga tao, gayundin sa mga bansa, ay hindi lamang umiiral ang kakayahan, kundi ang hilig din , naman sa mabuti at masama; paunlarin ang mabuti at tulungan ito, gaya rin ng iwasto ang masama at pigilin ito, ay siyang katungkulan ng lipunan at ng mga pamahalaan, kung ang mga kaisipang kulang sa karangalan ay hindi mang-aabala sa kanyang pang-unawa. Ang kasamaan ay nasa-pangyayaring ang katamaran sa Pilipinas ay isang katamarang pinasagwa, isang katamarang parang bola ng yelo, kung ang pariralang ito'y ipahihintulot sa amin, isang kasamaang-asal na lalong lumalala habang tumatagal ang panahon, isang bunga ng masamang pamamahala at ng pagkakahuli, gaya ng aming sinabi na, at hindi siyang sanhi ng mga yaon. Ang kasalungat nito ang ipalalagay ng iba, lalo na yaong ang isip ay mapapako sa kasamaan ng pamamahala, datapuwa't ito'y walang kabuluhan; pinaninindigan namin ang isang bagay, at ito'y aming patototohanan. II Kapag dahil sa isang mahabang pagkakasakit na pinagkatandaan ay sinusuri ang kalagayan ng maysakit, maaaring


267

itanong sa sarili kung ang karukhaan ng mga himaymay at panghihina ng mga sangkap ng katawan ay siyang mga dahilan kung bakit nananatili ang sakit, 0 kung ang mga yao'y siyang pinakabunga ng masamang panggagamot na nagpapatagal sa karamdaman. Isinisisi ng manggagamot ang buong pagkabigo ng kanyang karunungan sa mahinang pangangatawan ng maysakit, sa singaw ng lupa, sa kapaligiran, at iba pa; sa kabilang dako'y ibinubuhat naman ng maysakit ang paglala ng kanyang karamdaman sa pamamaraang sinusunod sa panggagamot; ang karaniwang tao lamang, ang karamihang mapag-usisa ang nag-iiling ng ulo at hindi nakaaalam ng ipasisiya. May pagkakahawig dito ang nangyayari sa suliranin sa Pilipinas. Sa halip ng salitang manggagamot ay basahing Pamahalaan, alalaong bagay ang mga prayle, mga kawani at iba pa; sa halip ng maysakit ay Pilipinas; sa halip ng sakit ay katamaran. At, gaya ng nangyayari sa mga bagay na katulad nito, kapag lumulubha ang maysakit, ay nalilito ang lahat; bawa't isa'y umiiwas sa sa~tin upang ipasagot sa iba, at sa halip na isipin ang mga sanhi, upang mabaka ang kasamaan, ang hinaharap ay bakahin ang mga tanda ng sakit: Dito'y isang tabad, isang buwis; doo'y isang panapal, isang sapilitang paggawa; sa dako pa roo'y isang pampahulaw pg sakit, isang maliit na pagbabago, at iba pa. Bawa't bagong dating ay nagmumungkahi ng isang bagong lunas, may nagmumungkahi ng mga pagsisiyam, ng relikya ng isang santo, ng biyatiko, ng mga prayle; may nagmumungkahi ng pagpapaligo; mayroong sa pagkukunwang makabago, ay naghahatol ng pagsasalin ng dugo. "Walang anuman, ang maysakit ay mayroon lamang walong angaw na "globulong" pulang natatamad; Hang "globulong" puti, sa ayos na bayan-bayanang magsasaka, ay makakapagligtas sa atin sa kagipitan."

At sa lahat ng dako'y mga pananaghoy, mga pangangagatlabi, mga kamay na nakasuntok maraming salitang walang katuturan, malaking kamangmangan, maraming pagbubunganga, malaking, takot. Ang maysakit ay malapit nang mamatay! 00 nga, pagsasalin ng dugo, pagsasalin ng dugo! Bagong buhay, bagong sigla! 00 nga, ang mga bagong "globulong"


268 puti na pararaanin ninyo sa kanyang mga ugat, ang mga bagong "globulong" puti na naging isang kanser sa ibang dako ng katawan, ay makapananaig sa lahat ng kasamaan ng katawan, makapananaig sa maraming tabad na tinitiis araw-araw, magkakaroon ng lalong higit na panglaban kaysa walong angaw na "globulong" pula, makapagpapabuti sa lahat ng kaguluhan, sa lahat ng kasiraan, sa lahat ng pagkakagulo ng mga pangunahing sangkap ng katawan; magpasalamat kayo kung ang mga iyo'y hindi maging pamuno na makahahadlang sa pagtakbo ng dugo at magbubunga ng pagkabulok, magpasalamat kayo kung hindi sila muling maging kanser! Habang humihinga ang maysakit ay di tayo nararapat panawan ng pag-asa, at maging huli man ang ating pagdating ay hindi kailanman magiging kalabisan ang isang makatwirang pagsusuri; ang pinakamaliit na mahihita dito'y ang mamatay siyang nakikilala ang kadahilanan. Hindi namin tinatangkang ibagsak ang lahat ng kasalanan sa manggagamot, at lalong hindi sa maysakit; nagsalita na kami ng tungkol sa isang hilig na buhat sa singaw ng lupa; isang hilig na makatwiran at katutubo, at kung wala hiyaon, ang lahi'y malilipol sa lab is na paggawa sa isang lupaing tuwirang tinatamaan ng sikat ng araw. Ang katamaran sa Pilipinas ay isang sakit na pinagkatandaan, datapuwa't hindi minamana. Ang mga pilipino'y hindi lagi nang naging katulad ng kalagayan nila ngayon at maituturong mga saksi nito ang lahat ng mga mananaysay ng mga kauna-unahang taon ng pagkakatuklas sa Pilipinas. Bago dumating ang mga taga-Europa, ang mga malayong pilipino'y mayroon nang isang pangangalakal na masigla, hindi lamang sa kani-kanila, kundi sa ibang mga bansang kanugnog. Isang sulat-kamay sa wikang insik ng dantaong ikalabingtatlo, na isinalin ni Doktor Hirth 1 (globus, Setyembre, 1889), at tatalakayin namin sa ibang pagkakataon, ang tumutukoy sa pakikitungo ng Tsina sa ibang PulO, mga pakikitungong payak na pangkalakallamang, at doo'y nababanggit ang kasipagan at karangalan ng mga tagapaglako sa Luson, na nagsisiangkat ng mga panindang insik, ~ Ito'y isang manunulat na aleman na nagsalin ng isang kodigong irusik nang "Edad Media".


269 nangaglalako ang mga ito sa mga Pul6ng nilalakbay nila nang siyam na buwan, at nagsisibalik pagkatapos, upang magbayad hanggang sa huling kusing ng halaga ng kahit na mga panindang hindi inaakala ng mga insik na kanilang ibinigay. Ang mga kalakal na sa kabilang dako'y kanilang iniluluwas ay taal na pagkit, bulak, perlas, pawikan, bunga, mga kayo, at iba pa. Ang kauna-unahang bagay na napansin ni Pigafetta na pumaritong kasama ni Magallanes noong 1521 nang dumating sila sa unang pulo ng Pilipinas: sa Samar, ay ang pagpipitagan at kabutihan (cortesi ebuoni) ng mga naninirahan at ang pangangalakal ng mga ito! "upang parangalan ang aming kapitan", anya, "ay isinakay siya sa kanilang mga bangkang kinalalagyan ng mga paninda nila, na binubuo ng mga "clavo de comer" , kanela, paminta, nuwes moskada, matia (?), ginto, at iba pang bagay, at ipinaunawa sa amin, sa pamamagitan ng mga kumpas at kilos nila, na ang mga panindang iyon ay nasusumpungan sa mga pu16ng tinutungo namin . . ." Sa dakong huli ay tumukoy siya hinggil sa mga lalagyan at kasangkapang yari sa gintong lantay natagpuan niya sa Butuan,2 na may mga mamamayang ang hinaharap ay ang pagmimina; inilarawan niya ang mga kasuutang yari sa sutla, ang mga sandatang may mahahabang puluhang ginto at kaluban 0 suksukang yari sa kahoy na inukitan, ang mga ngiping ginto at iba pa. Sa mga butil at mga bungang kahoy ay binabanggit niya ang bigas, dawa, mga lukban 0 suha, mga dayap, ang mais at iba pa. Na ang mga pul6'y nakikipagtungo sa mga bayang kanugnog at hanggang sa mga lupaing malalayo ay pinatototohanan ng mga sasakyang-dagat na galing sa Siam na. may lulang ginto't mga alipin, na natagpuan ni Magallanes sa Sebu. Ang mga sasakyang-dagat na ito'y nagbabayad ng buwis sa Hari ng pulO. Nang taon ding 1521, ay natagpuan ng nalabing mga sasakyang-dagat ni Magallanes ang anak ng Raha ng Luson, na sumakop bilang Kapitan Heneral ng Sultan ng Borneo 3 at Almirante ng hukbong dagat nito 2 !sang bayan sa lalawigan ng Agusan, Mindanaw. Ngayo'y siyang ulumbayan ng lalawigang ito. a Isa itong malaking pula sa katimugan ng Mindanaw, at nasa-Hilaga ng Java, na ang dako ring hilaga ay bahagi ng lupain ng Sultan ng Sulu, Mindanaw; at sa pamamagitan ng isang kasunduan ay ipinagkaloob sa mga ingles.


270

para sa sultang nasabi sa malaking lunsod ng Lave (Sarawak?) 4 Ang Kapitan kayang ito, na lubhang kinatatakutan ng lahat ng mga kalaban (temuto sommamente de gentili) ay siyang Rahang Matanda na natagpuan, pagkatapos, ng mga kastila sa Tundo, nang taong 1570? Nang taong 1539, ang mga mandirigma ng Luson ay nakilahok sa mga kakila-kilabot na labanan sa Sumatra,5 at sa ilalim ng pamumuno ni Angi Siry _Timor, Raha ng Batta, ay nangagwagi at tumalo sa kasindak-sindak na si Alzadin, Sultan sa Atchin, bantog sa kasaysayan ng Dulong Silangan. (Marsdeu, Rist. de Sumatra, Kab. XX) Nang panahoij.g iyon, ang karagatang yaon na nilulutangan ng mga pul6ng katulad ng isang dakot na esmeraldang nasa-isang bandehang kristal, ang karagatang yaong pinamangkaan sa pagparoo't parito ng maliliit na sasakyang-dagat (junco)6 ng mga paraw, ng mga balangay 7 ng mga vinta 8 ng matutuling sasakyang parang mga lansadera na napakalalaki at nalululanan ng sandaang manggagaod (Morga) ,9 ang karagatang iyon ay naghahatid sa lahat ng dako ng mga kalakal, ng mga gawang-kamay at ng mga ani, sa pamamagitan ng lakas ng hangin, ng lakas ng mga gaod na pinakikilos sa saliw ng mga pandigmang awit ng mga kaangkanan, at ng kabayanihan ng mga kadiyusang pilipino. (Colin, unang aklat, kabanatang XV). ~ Ito'y isang lupaing sakop ng mga ingles sapul ng 1946 at nasa-dakong hilagang pakanluran ng Borneo. Nasa-ilalim ito ng pagtatangkilik ng Inglatera. 5 Ito'y naging kolonya 0 lupang sakop ng Olanda sapul ng taong 1824. Ang Sumatra ay napapaloob sa mga pula ng Malaya, at ngayo'y nasasaklaw ng republika ng Indonesia. o Ang sasakyang ito'y siyang karaniwang ginagamit ng mga insik at pinalalakad sa pamamagitan ng layag. Mabagal, nguni't naglululan ng marami. â&#x20AC;˘ Siyang itinatawag sa mga sasakyang-dagat ng mga malayo. Sa pamamagitan ng mga sasakyang ito'y nakarating sa Pilipinas ang mga unang malayong nanirahan dito, na nagsipanggaling sa Malaya. 8 Pinalalakad ito sa pamamagitan ng mga layag. Siyang sasakyan ng mga moro sa Mindanaw, matutulin at mabibilis kung pinapatnubayan ng malakas na hangin, at may mga katig. 'Ang tunay na pangalan nito'y Antonio de Morga; naging kagawad (tagadinig) ng Real Audiencia ng Maynila at naging pansamantalang Kapitan at Gobemador Heneral ng Pilipinas buhat ng taong 1595 hanggang 1605. Siya ang gumapi at nagpalubog sa hukbong-dagat ng mga olandes sa ilalim ng pamumuno ni Van Noort.


271

Masagana ang kayamanan sa mga pulo. Isinasaysay sa atin ni Pigafetta ang kasaganaan ng makakain sa Paragua (Palawan) at ng mga naninirahan doon, na halos lahat ay bumubungkal ng sariling bukirin (quasi tutti lavorano y propy campi). Sa pul6ng ito tinanggap na mabuti at tininggalan ng maraming pagkain ang mga nalabi sa pandarayuhan ni Magallanes. Hindi natagalan, pagkatapos, ito ring mga nandarayuhang ito'y nakarakip ng isang sasakyangdagat na nagsihingi sa kanya ng dalawampu't limang "tala chaccheggiammo) at binihag nila roon ang pinuno ng pulo rin ng Paragua (!) (Palawan) pati ng kanyang anak at kapatid na lalaki. Sa sasakyan ding ito'y nakasamsam sila ng mga kanyong yari sa tanso, at ito ang unang pagkakataong ikinapagsalita tungkol sa mga kasangkapang pandigma ng mga Pilipino, sapagka't ang mga kanyong ito 0 lantaka ay ginagamit ng pinuno ng Paragua (Palawan) laban sa mga taong-gubat na naninirahan sa loob. Ipinatubos ang mga iyon sa loob ng pitong araw at ang halagang hiningi ay 400 sukat (kaban?) ng bigas, 20 baboy, 20 kambing, 450 man ok. Ito ang unang panunulisangdagat na natatala sa kasaysayan ng Pilipinas. Binayaran ng pinun6 ng Paragua ang lahat at kusang-loob na nagdagdag pa siya ng mga niyog, saging, tub6 at mga sisidlang puno ng tuba. Nang si Cesar ay mabihag ng mga tulisangdagat na nagsihingi sa kanya ng dalawampu't limang "talento" bilang pantubos, ay sumagot siya: Bibigyan ko kayo ng limampu, datapuwa't pagkatapos ay ipapapako ko kayo sa Krus! Lalo pang naging maganda ang loob ng pinuno ng Paragua: lumimot siyang lubos. Ang inasal niya, kung nagpapatutoo mang may kahinaan, ay nagpapatotoo rin namang ang mga pul6'y may labis-labis na pagkaing natitinggal. Ang pinunong ito'y nagngangalang Tuan Mahamud; ang kapatid niyang lalaki, ay si Guantail; at ang anak niyang lalaki, Tuan Mahamed (Martin Mendez, tagabilang ng daong Victoria, Archivo de Indias.) Isang bagay na kataka-taka at nagpapatotoo ng kadaliang matutuhan rig mga indiyo ang wikang kastila, ay ang pang- _ yayaring limampung taon bago lumunsad ang mga kastila, sa Luson, nang taon ding 1521 na kauna-unahang idinating nila sa Kapuluan, ay mayroon nang mga indiyo sa Luson,


272

na nakauunawa ng wikang kastila. Sa mga pagsasangusapan hinggil sa kapayapaang ginanap ng mga nalabi sa pandarayuhan ni Magallanes at ng mga puno ng Paragua (Palawan) pagkamatay ng utusang tagapagsalin sa ibang wika na nagngangalang Jorge, ay nakipag-unawaan, sa pamamagitan ng isang morong kinuha sa pula ng Hari ng Luson na nakauunawa ng kaunti ng wikang kastila. (Martin Mendez, dec. cit.). Saan natuto ng kastila ang dinampot at sukat at hindi tinuruang tagapagsaling ito?, Sa Molukas ba? Sa Malaka, at sa mga portugues? Sa Sebu ba, sa loob ng ilang araw na itinigil ng pandarayuhan ni Magallanes? Sa Luson ay wala pang nakararating na kastil~ bago dumating ang taong 1571. Ang mga kasama sa pandarayuhan ni Legaspi ay nakasumpong sa Butuan ng ilang mangangalakal na galing sa Luson pati ng mga paraw nilang tigib ng bakal, pagkit, mga kumot, porselana, at iba pa (Gaspar de San Agustin), masaganang pagkain, kasiglahan, pangangalakal, pagkilos sa lahat ng mga pulo sa Timog. Ang mga unang balita nila ay nagsasaad ~a ang Lus0n, 0 ang ulumbayan nito, ang Maynila, ay siy;ang pook na pinaroroonan ng lalong malaking sasakyang-dagat na nagbubuhat sa Tsina, at doo 'y tumutungo pati ng mga_mangangalakal na rin na galing sa Borneo upang mamili ng iba't-ibang bagay. (G. de S. A.). Dumating sila sa pulo ng Sehu, na "masagana sa nakalaang pagkain, may mga mina, mga hugasan ng ginto, at tinitirhan ng mga taga roon," ayon sa sabi ni Morga, at "napakaraming tao at may isang daungang madalas sadyain ng maraming sasakyang-dagat na nanggagaling sa mga pulo't mga kahariang malapit sa Indiya," gaya ng sinabi ni Colin, at bagaman payapa silang tinanggap, ay di nagtagal at sumibol ang mga kagalitan; ang lunsod ay binihag, sa pamamagitan ng lakas, at sinunog: ang apoy ay tumupok ng mga pagkain, at gaya ng maaasahan, ay naghari ang pagkakagutom sa bayang iyon ng sanyutang kaluluwa, gaya ng sinasabi ng mga mananaysay, at sa gitna ng mga dayuhan; datapuwa't ang pangangailangan ay nilunasan agad ng mga pu16ng kalapit, salamat sa kasaganaan ng kanilang buhay. Sa wakas, lahat ng mga kasaysayan ng 路 mga unang ta6ng iyon, ay puno ng mahahabang salaysay tungkol sa kapamuhayan . at pagsasaka ng mga tagaroon, mga mina, mga hugasan ng ginto, mga habihan, hayupan (mga bukid


273

na binungkal), pagtubos (pangangalakal), paggawa ng mga sasakyang-dagat, pag-aalaga ng mga ibon at mga baka, mga kayong yari sa seda, sa bulak, mga alakan, mga pagawaan ng mga sandata, pagsisid ng mga perlas, ang hanapbuhay na tungkol sa musang, ang sa mga sungay at mga katad ng hayop' at iba pa, ay mga bagay na natatagpuan sa bawa't hakbang at, kung aalagatain ang panahon at mga bagaybagay sa mga pu16ng iyon, ay mapapatunayang nang panahong iyon ay may buhay, kasipagan at pagkilos. At kung ito na isang paghihinuha ay hindi nakapagpapaniwala sa diwang inaalihan ng mga walang matuwid na kamalian, ay kailangang pahalagahan ang pagpapatutoo ng madalas banggiting si Doktor Morga, naging Tinyente ng Gobernador ng Pilipinas at Tagahatol ng Hukuman ng Maynila sa loob ng pitong taon, na matapos makapaghandog ng dakilang paglilingkod sa Kapuluan, ay ginawang Alkalde ng mga pagkakasala sa Audiyensiya ng Mehiko at Tagapayo ng Inkisisyon. Sinabi naming ang kanyang pagpapatutoo'y karapat-dapat sa mataas na pagpapahalaga, hindi lamang sapagka't ang lahat ng kapanahon niya'y nagpahayag ng mga pangungusap na may himig paggalang halos sa kanya, kundi dahil din naman sa dahilang ang akda niyang pinaghanguan namin ng mga banggit na ito, ay sinulat nang boong pag-iingat at malaking pagpapahalaga, maging hinggil sa mga maykapangyarihan sa Pilipinas, gayon din sa mga kakulangang nagagawa ng mga ito. "Ang mga tuba sa Pilipinas,-ani Morga sa Kabanatang VIII, sa pagtalakay niya sa mga gawain ng mga insik-ay malayong gumamit ng ganitong mga tungkulin, at totoo pang nakalilimot sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga ibon at baka, bulak at paghabi ng mga kumot, gaya ng ginawa nila nang hindi pa sila binyagan at sa loob ng mahabang panahon pagkatapos na makuha nila ang lupain." Ang buong kabanatang ikawalo ng akda ni Morga ay tumatalakay sa kasipagang itong naghihingalo at sa kapamuhayang itong totoong nalimot, at gayunman kay haba ng kanyang kabanatang ikawalo! At hindi lamang si Morga, hindi lamang si Chirino, Colin, Argensola, Gaspar de San Agustin at iba pa ang nangagkakaisa sa bagay na ito; ang mga makabagong manlalakbay pagkatapos ng dalawang daan at limampung taon ay nangagpapatotoo ng gayon din sa pag-aaral nila ng mga guho 006700-18


274

at ng karalitaan. Si Doktor Hanz Meyer, sa pagkakamalas niya na ang liping hindi nasasakop ay nangagbubungkal ng magagandang kaparangan at buong kasipagang gumagawa, ay nagtanong sa sarili kung ang mga iyo'y hindi magiging tamad kapag sila'y napahinuhod na maging kristiyano at pailalim sa makaamang pamamahala. Samakatuwid, ang mga Pilipino, sa kabila ng singaw ng kanilang lupa, sa kabila ng kakaunti nilang mga pangangailangan (noon ay kakaunti kaysa ngayon), ay hindi siyang mga tamad sa kapanahunan natin, at gaya ng mamamalas pagkatapos, ng panun tun an nil a sa kabutihang asal at ang kanilang pagkatao ay hindi rin gaya ng sa ngayo'y ikinalulugod na iukol sa kanila. Papaano nga, kung gayon, at sa anong paraan na ang masipag at masikap na indiyong iyon na di-kristiyano nang unang panahon ay naging kristiyanong batugan at tamad, gaya ng sinasabi ng ating mga manunulat sa panahong ito? Naisaysay na namin na sa Pilipinas ay may pagkakahilig humigit-kum1,llang ay nalilingid ukol sa katamaran, at nararapat magkaroon sa lahat ng dako, sa buong daigdig, sa lahat ng tao, sa dahilang tayong ~ahat ay napopoot, humigit kumulang, sa paggawa, alinsunod sa kung ito, humigit kumulang ay mahirap, humigit kumulang ay walang ibinubunga. Ang dolce far niente, ng italyano; ang pagkamot sa tiyan, ng kastila; ang kataas-taasang adhikain ng bourgeois, na mabuhay nang payapa at tahimik sa kanyang mga nasis in gil na upa ay nagpapatutoo niyaon. Alin-aling mga kadahilanan ang nakatulong sa paggising sa malalim na pagkakahimbing ng katakut-takot na pag.. kakahilig na ito? Paanong ang sambayanang Pilipino, na totoong mapagmahal sa kanyang mga kaugalian hanggang sa ang mga ito'y pagkagawian, ay nakatalikod sa matatanda niyang kinagisnang gawain, sa pangangalakal, sa pagdarag at at 'iba pa, hanggang ganap halos na makalimot sa kanyang nakaraan?

III Isang nakamamatay na pagkakawing-kawing ng mga pangyayari, na ang ilan ay hindi sinasadya sa kabila ng pagpupumilit ng mga tao, ang iba'y anak ng kahangalan at ng kamangmangan, ang iba'y supling na di maiwasan, ng mga hidwaang simulain, at ang iba pa'y bunga ng mga dam-


275 daming humigit kumulang ay hamak, ang gumising sa sakit ng paggawa, sakit na sa halip na malunasan ng kahinahunan, ng mahigpit na pagwawari-wari at ng pagkilala sa mga kamaliang nagawa dahil sa isang kalunos-Iunos na politika, dahil sa isang kulang-palad na kabulagan at kati-, gasan ng ulo, ay lumala nang lumala hanggang sa humantong sa kalagayang namamalas natin ngayon. Kauna-unaha'y dumating ang mga digmaan, ang mga kaguluhang panloob na sadyang naaakit ng bagong pagpapalit ng mga bagay-bagay. Kinakailangang pasukuin ang mga bayan, sa kaibigan nila, 0 sa lakas; nagkaroon ng mga pagbabaka, nagkaroon ng mga patay; yaong mga payapang nagsisuko ay parang nangagsisi; naghinala ng mga paghihimagsik, ang ilan sa mga ito'y nangyal'i; gaya ng nararapat asahan ay nagkal'oon ng mga pagbitay) maraming sanay na bisig ang nangawala. Sa kalagayang ito ng mga kaguluhan ay idagdag pa ninyo ang pagsalakay ni Limahong, idagdag ninyo ang walang tugot na pakikidigmang pinagkaladkaran sa mga naninirahan sa Pilipinas upang ipagtanggol ang karangalan ng Espanya, upang paabutin ang kapangyarihan ng watawat niya sa Borneo, sa mga Molukas at sa Indotsina; upang mapaurong ang kaaway na olandes, mga magugugol na digmaan, mga pandarayuhang walang napala, na sa bawa't isa nito'y napag-aalamang inilululan ang libo-libong mga mamamana't manggagaod na indiyo, datapwa't sa mga ito'y hindi sinabi kailanman kung sila'y mangakababalik sa kanilang tahanan. Gaya ng buwis na minsa'y ipinadadala ng Gresiya sa Minotauro ng Creta, ang kabataang Pilipino'y sumasakay na tun go sa pandarayuhan at nagpapaalam nang wala nang balik sa kanyang bayan; sa abot ng tanaw ay naroroon ang masigwang dagat, ang mga walang katapusang pakikidigma, ang mga pakikipagsapalarang pandarayuhan. Dahil dito'y sinasabi ni Gaspar de San Agustin: "Bagaman no~ng una'y maraming tao rito sa bayan ng Dumangas, sa nilakad-lakad ng araw ay totoong umunti dahil sa ang mga tagarito ay nabibilang sa lalong magagaling na mandaragat at sanay na manggagaod sa buong baybayin, kaya ang mga alkalde mayor sa daungan ng Iloilo ay kumukuha sa bayang ito ng pinakamaraming tauhan para sa mga sasakyang-dagat na ipinadadala sa labas . . . " "Nang dumating ang mga kastila sa pulong ito (Panay), sinasabing mayroon ditong


276

mahigit sa limampung libong mag-aanak; datapuwa't nabawasan na ng marami . . . at ngayo'y magkakaroon na lamang ng mga labing-apat na libong mamumuwisan". Buhat sa limampung libong mag-aanak hanggang sa labingapat na libong mamumuwisan sa loob lamang ng mahigit ng kaunti sa kalahating dantaon! Hindi kami makatatapos kung pipilitin naming banggitin ang lahat ng mga patutoo ng mga may-akda tungkol sa kahambal-hambal na pagkakabawas ng mga mamamayan sa Pilipinas sa mga unang taon ng pagkakatuklas dito. Sa panahon ng unang obispo doon, alalaong baga'y sampung taon pagkatapos ni Legaspi, sinabi ni Felipe II na umunti na iyon sa kulang na dalawang ikatlong bahagi. Idagdag ninyo sa mga nakamamatay na pandarayuhang ito, na umuubos sa lahat ng lakas ng kaluluwa't ng katawan ng bayan, ang mga pagsalakay na kagulat-gulat ng mga kakilakilabot na tulisang-dagat na galing sa Timog, na inudyukan at tinangkilik ng Pamahalaan, una'y upang humanap ng maipagsasakdal laban sa kanila, at ikalawa'y upang maalisan ng sandata ang mga pulong napapailalim sa kanya. Ang mga pagsalakay na ito'y umaabot hanggang sa mga dalampasigan ng Maynila, hanggang sa Maalat na rin, at samantalang isinasagawa ang nasabing mga pagsalakay, ay namamalas, sa nakalalagim na lagablab ng mga bayang sinisilaban, ang kawing-kawing na mga sawimpalad na nangabihag at tungo sa pagkaalipin, na hindi naaring makapagtanggol sa kanilang sarili, at iniwan sa likod nila ang mga abo ng kanilang mga tahanan at mga bangkay ng kanilang mga magulang at mga anak. Si Morga, na nagsaad ng kauna-unahang pagsalakay ng mga tulisang-dagat, ay nagsasabing "napakalaki ng nagawang kasfraan ng kapangahasang ito ng mga taga-Mindanaw sa mga pulo ng mga N akukuhryan (Pint ados) , hindi lamang dahil sa kasiraang ginawa kTmdi dahil sa sindak at takot na natamo sa kanila ng mga tagaroon, sapagka't sila'y nasa-kapangyarihan ng mga kastilang kanilang pinapanginoon, sa kanila'y nagpapabuwis at sumasamsam ng mga sandata, at dahil dito'y hindi na sila kinukupkop laban sa mga kaaway nila ay hindi pa sila iniiwang may lakas upang makapagtanggol sa kanila ng sarili. GAYA NG GINAGAWA NILA NOONG WALA PANG MGA KASTILA SA LUPA . . . " Pinauunti ng mga panunulisang dagat na ito ang bilang ng mga naninirahan sa Pilipinas,


277

sa dahilang ang mga malayong malalaya ay natatangi, lalo na sa kanilang mga kalupitan at pagpatay sa kapuwa, 0 dahil sa inaakala nilang upang mapanatili ang kalayaan nila ay kinakailangang pahinain ang mga kastila, sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang mga sakop, 0 sapagka't ang isang pagkapoot na lalong malaki at isang pagtatanim na lalong masidhi ay nag-uudyok sa kal1ila laban sa mga kristiyanong Pilipino, na gayong kalahi rin nila'y naglilingkod sa dayuhan upang alisan sila ng kanilang mahalagang kalayaan. At ang mga paglusob na ito'y tumagal ng tatlong dantaon halos, na inuulit nang makalima 0 makasampu isang taon, at bawa't pagsalakay ay nagkakahalaga sa mga pula ng mahigit sa walong daang bihag. "Dahil sa mga pananalakay ng mga tulisang-dagat, mga taga-Ho16 at taga-Mindanaw,-ani Pad G. de S. Agustin(ang pula ng Bantayan na malapit sa Sebu) ay Iumiit nang gayon na lamang sa dahilang sila'y madaling nabibihag sa kawalan ng mapagkukutaan, at malayo pa sa tulong ng Sebu. Malaking kasiraan ang ginawa sa pu16ng ito ng kaaway na Hol6, nang ta6ng 1688, at siya'y naiwan nang walang tao halos." (p .. 80 ) Ang mga mababag ik na pagsalakay na itong nagbubuhat sa labas, ay nagbubunga ng isang ganting-salakay sa loob, na sang-ayon sa ating paghahawig sa maysakit, at nakakatulad ng ibinubunga ng isang purga 0 pagpigil ng pagkain sa isang taong di pa nalalaunang nabawasan ng maraming dugo. Upang makaharap sa gayon karaming kasakunaan, upang mapagtibay ang pagkapanginoon at makapanguna sa pagsalakay sa mapangwasak na paglalabang ito, upang maihiwalay ang mapandigmang taga-Holo sa mga kalapit nila sa Timog, upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng malaking kaharian ng Indiya (dahil sa isa sa mga sanhi kung bakit pinapamalagi ang Pilip in as ay ang kaangkupan ng kinaroroonan nito sa pagitan ng Bagong Espanya at ng mga Indiya, gaya ng pinatutunayan ng mga kasulatan nang panahong iyon); upang maagaw sa mga olandes ang mga bagong bayang sakop nito sa Molukas at mailigtas ang sarili sa mga kalapit na mapagpakialam; upang maalalayan, sa wakas, ang pangangalakal ng Tsina at ng Bagong Espanya, ay kinakailangang gumawa ng mga bago't malalaking sasakyang dagat na, kung gaya ng ating namalas, ay naging mahal para sa bayan dahil sa mga kasangkapan at mga


278 manggagaod na hinihingi, ay hindi naman mura ang halaga sa ayos ng ·pagkakagawa sa kanila. Si Fernando de los Rios Coronel, na nakipaglaban sa mga digmaang ito at pagkatapos ay nagpari, sa pakikipag-usap niya sa Hari tungkol sa mga pandigmang sasakyang ito, ay nagsabing "Dahil sa ang mga iyo'y napakalalaki, ay hindi maikita halos sa mga hundok (ng Pilipinas!) ng kahoy na kinakailangan, kaya ito'y sapilitang hinahanap sa pamamagitan ng maraming pagpapakasakit sa kaloob-looban ng mga bundok, at kung matagpuan na'y hinihila't dinadala sa pagawaan ng mga sasakyan, sa paraang kinakailangang paalisin ang mga tao sa mga kanugnog na bayan ng mga indiyo upang madala iyon sa pamamagitan ng di-gagaanong pagsisikap at pagpapagod, kapinsalaan at gugol din nila. Ang mga albor 0 tagdan ng isang galeon ay nagkahalaga sa mga indiyo, sangayon sa pinatotohanan ng mga prayleng Franciscano, at narinig kong sinabi ng Alkalde Mayor sa lalawigang pinagputulan n g mga iyon, na dili iba't ang Laguna de Bay, na upang mahila ang mga iyon ng pitong leguwa sa mga sapinsaping bundok, ay 6,000 indiyo ang nagsigawa sa loob ng tatlong buwan at sila'y binabayaran ng mga bayan sa bawa't buwan na 40 real bawa't isa, nang hindi binibigyan ng pagkaing nararapcLt ganapin at ihanda ng abang indiyo . . ." . At sinasabi ni Gaspar de San Agustin: "Sa mga panahong ito (1690), ang Bakolor ay walang tao na gaya ng mga panahong nakaraan dahil sa paghihimagsik ng lalawigang iyon noong Gobernador ng Kapuluan si Ginoong Sabiniano Manrique de Lara, at dahil sa walang pahingang gawain sa pagputol ng mga kahoy para sa paggawa ng mga daong ng KANYANG KAMAHARLIKAAN, NA NAKASASAGABAL SA PAGLINANG NG NAPAKATABANG KAPATAGAN NG KANILANG LUPAIN • • • at iba pa.

At kung ito'y hindi pa sapat upang ipaliwanag ang pagkawala ng tao sa mga pulo, at ang pagkakapabaya sa kapamuhayan, sa pagsasaka't pangangalakal, ay idagdag ninyo "ang mga indiyong binitay, ang mga nag-iwan sa kanilang asawa at mga anak at napopoot na namundok, ang mga ipinagbili ang sarili bilang alipin upang makabayad ng matataas ·na buwis na sinisingil sa kanila," na binabanggit ni Fernando de los Rios. Pagsama-samahin ninyo ang mga ito, idagdag sa sinasabi ni Felipe II nang sinisi nito ang Obispo Salazar, tungkol sa "mga indiyong ipinagbili ng


279 ilan~ enkomendero sa iba, sa mga pinatay sa palo, sa mga bab~ing namatay at nakunan dahil sa mabibigat nilang dina:da1a, sa mga babaing natutulog sa mga parang at doo'y nanganganak at nagpapasuso at namamatay na natutuka ng mga makamandag na ahas, sa maraming nangagbibigti at nagpapakamatay sa di-pagkain at sa mga kumakain ng mga damong may lason . . . at sa mga inang pumapatay sa kanilang anak pagsilang na ng mga ito," at inyong mauunawaan kung paanong sa kulang pang tatlumpong taon ay umunti sa ikatlong bahagi ang mamamayan sa Pilipinas. Hindi kami ang nagsasabi nito; ang nagsasabi niya'y si Gaspar de S. Agustin, ang prayleng Agustinong wala nang pangalawa sa pagiging kalabang-kalaban ng Pilipino, at iyo'y pinagtibay sa buong hinaba-haba ng kanyang akda sa pagsasaysay sa bawa't sand ali ng kapabayaan sa mga bukid at sa mga kaparangang noong unang panaho'y napakamabulaklak at nilinang na mabuti; ng mga bayang umunti ang mga tao at datirati'y tinitirhan ng maraming mag-anak ng mga kaginoohan! Ano ang dapat ipagtaka, samakatuwid, kung nagising ang kahinaan ng loob sa \{liwa ng mga mamamayan sa Pilipinas, kung s~ gitna ng . gayon karaming sakuna ay hindi nila malaman kung makikita nilang tutubo ang itinanim, kung ang bukid nila'y siya nilang magiging libingan, 0 kung ang ani nila'y siyang ikabubuhay ng papatay sa kanila? Ano ang dapat pagtakhan kung namamalas natin ang mga maawain, nguni't walang kayang mga prayle nang panahong iyon, na nangagpapayo sa kanilang mga sakop na upang maligtas sa paghahari-harian ng mga enkomendero, ay magsitigil sa paggawa sa mga mina, pabayaan ang kanilang kabuhayan, iwasak ang kanilang habihan, at itinuturo sa kanila ang langit bilang tanging pag-asa at ipinaghahanda sila ng kamatayan bilang lubos na kaaliwan? Ang tao'y gumagawa dahil sa isang layon; alisin ninyo aug layon, at ang kahihinatnan niya'y ang hindi pagkilos. Ang pinakamasipag na tao sa daigdig ay hahalukipkip buhat sa sandaling mapagkilala niyang isang kahangalan ang pagsisikap, na ang kanyang paggawa ay siyang magiging sanhi ng kanyang kasamaan, at dahil dito'y magiging pakay siya ng mga panliligalig sa loob at ng kasakiman ng tulisangdagat sa labas. Ang mga kaisipang ito'y parang hindi sumurot kailanman sa isip ng mga nangagsisisigaw laban sa katamaran ng mga Pilipino.


280 At kahit na ang indiyong Pilipino'y hindi taong gay a ng iba; kahit na nalalaman nating sa kanya'y lubhang kailangan ang pagsusumakit sa paggawa, gaya ng pagkilos ng isang gulong na naiipit sa mga ngipin ng ibang gulong na gumagalaw; kahit itanggi natin sa. kanya ang pagninilaynilay tungkol sa kinabukasan at ang mga pagdidili-diling isinusurot sa alaala ng kasalukuyan at ng nakaraan, ay may nalalabi pa sa ating ibang kadahilanan upang maipaliwanag ang pagsalakay ng kasamaan. Ang kapabayaan sa mga bukid ng mga magsasakang inaagaw sa kanilang tahanan ng mga digmaa't panunulisang-dagat, ay sapat na upang mauwi sa wala ang mabigat na paggawa ng maraming salin ng lahi; sa Pilipinas, kapag pinabayaan sa loob ng isang taon ang lupaing lalong mainam ang pagkakalinang, ay mamamalas ninyo, pagkatapos, na kakailanganing magsimula nang panibago; sisirain ng ulan ang mga tudling, lulunurin ng mga baha ang mga pananim, gigitaw sa lahat ng dako ang mga damo't mga kahuy-kahuyan, at pagkamalas sa gayon kalaking nasayang na paggawa ay mabibitiwan ng kamay ang asarol, at iiwan ng manggagawa ang araro niya. Wala ba riyan ang kaakit-akit na pamumuhay ng isang tulisang dagat? Sa gayo'y mauunawaan ang malungkot na panlulupaypay na natatagpuan namin sa mga manunulat na prayle ng ikalabimpitong dantaon, na tumutukoy sa mga kapatagang inaapawan ng tubig, na nang una'y napakatataba, ng mga lalawiga't mga bayang nawalan ng mga tao, ng mga aning nawala sa pangangalakal, ng mga angkan ng mga maginoong nangalipol; ang mga dahong iyon ng aklat ay til a isang tagpong malungkot at nakababagot sa gabi pagkaraan ng isang maghapong masigla. Tungkol sa Kagayan ay sinabi ni Pari San Agustin sa malungkot na pananalita: "Maraming bulak na noong una'y ginagawa nilang maririkit na tela na binibili at dinadala taun-taon ng mga taga-Tsina at Hap6n." Sa kapanahunan ng mananaysay, ang industriya at pangangalakal ay dumating na sa kanilang wakas! Tila ang mga bagay na ito'y labis-Iabis na kadahilanan upang isilang ang katamaran kahit na sa sinapupunan ng isang republika ng mga pukyutan. Sa ganito'y naipaliliwanag na sa tatlumpu't dalawang taong pamamahala, ang mabait at mahinahong si Morga ay nakapagsabi na ang mga indiyo'y "lubhang nakalimot sa pagtatanim ng bulak at


281 pag-aalaga ng mga ibon, mga tupa at sa paghabi ng mga kv.mot, gaya ng kanilang nakagawiang gawin nang sila'y di pa mga binyagan at MAHABANG PANAHON PAGKATAPOS NA MAKAMIT ANG LUPA."

jNakipagbaka pa sila nang mahabang panahon laban sa katamaran, 00 nga, datapuwa't ang mga kaaway ay napakarami at sa wakas ay sumuko rin sila!

IV Nakikilala natin ang mga kadahilanang naghanda at nagudyok ~a kasamaan: tingnan natin ngaYOl1 kung alin-alin ang mga kadahilanang nagpapaalaala at nagpapanatili sa kanya. Sa bah aging ito, ang Pamahalaan at pinamamahalaan, tayong lahat ay nararapat magtung6 ng ulo at magsabi: "Karapat-dapat kami sa kapalarang kin asasadlakan . " namln. Totoo ngang sinabi naming minsan na kapag ang isang bahay ay magulo at walang ayos ay hindi nararapat isisi sa anak na bata ni sa mga utusan, kundi sa pinakaulo ng sambahayan, lalo na't kung ang kapangyarihan nito'y walang hanggahan. Ang walang kalayaan sa paggawa ay hindi nararapat managot sa kanyang ginagawa; at ang bayang Pilipino, palibhasa'y hindi panginoon ng k anyang kalayaan, ay hindi nararapat papanagutin nl sa mga kasaliwaang palad niya, ni sa mga kaabaan niya. Tutoo ngang ito'y sinabi namin; datapuwa't dahil sa mamamalas pagkatapos, kami ma'y may malaking bahagi ng sagutin sa pagpapatuloy ng ganjtong kagusutan. Nakatulong sa pagpapasidhi ng kasamaan at sa pagpapalubha nito, tangi sa ibang mga kadahilanan, ang mga sumusunod: ang sa bawa't sandali'y paliit nang paliit na pagpapasiglang natatagpuan ng paggawa sa Pilipinas. Sa pagkatakot ng Pamahalaan sa madalas na pakiki tun go ng mga Pilipino sa ibang mga taong kalahi nila na nagsasarili't malalaya, gaya ng mga taga-Borneo, mga taga-Siam, tagaCambodia, mga Hapones, mga taong, dahil sa kanilang paguugali't damdamin, ay malaki ang pagkakaiba sa mga insik, ay nagsimpan sa kanila ng malaking kawalang-tiwala at malaking paghihigpit, gaya ng pinatototohanan ni Morga sa mga huling panig ng kanyang aklat, hanggang sa ang mga iyon ay hindi na tuloy pumarito sa ating lupain. Sa katunaya'y tila minsang inisip ang isang paghihimagsjk na inihanda


282

ng mga taga-Borneo; sinabi naming mlStp路 sa dahilang hindi nagkaroon ni kahit pagtatangka man lamang, baga,. man ang tutoo'y nagkaroon ng maraming pagbitay. At sapagka't ang mga bansang nasasabi'y siyang tanging namimili ng mga ani at gawang Pilipino; nang putlin ang pakikitungo sa kanila, ay naputol din ang pamimili ng mga ani at gawa rito. Aug dalawang tanging bayang natirang nakikitungo sa Pilipinas ay ang Tsina at ang Mehiko 0 Bagong Espanya, at sa pakikitungong ito, ang Tsina lamang at ilang tao sa Maynila ang nakikinabang. Sa katunayan, ang Tsina ay nagpapadala ng mga daong niyang tigib ng mga paninda, ng mga panindang yaong pumatay sa mga pagawaan sa Sevilla at nakapagpabagsak sa kapamuhayang kastila, at sa kabilang dako'y nagsisibalik na tigib ng pilak na tauntaon ay ipinadadala buhat sa Mehiko. Walang galing sa Pilipinas na dinadala sa Tsina nang panahong iyon, ni kahit na ginto, sapagka't nang mga ta6ng iyon, ang mga mangangalakal na insik ay ayaw tumanggap ng kabayaran kundi mga salaping pilak. Sa Mehiko ay mar ami nang kaunti ang ipinadadala: ilang kumot at mga telang inagaw ng mga enkomendero sa pamamagitan ng lakas 0 binili sa mga indiyo sa napakababang halaga; inilalabas ang pagkit, ambar, ginto, musang, at iba pa, datapuwa't wala nang iba, ni hindi naman marami, gaya ng pinatototohanan ng almiranteng Si Ginoong Jeronimo de Banuelos at Carrillo, noong hilingin sa Hari na pahintulutan (1) ang mga naninirahan sa Maynila na lulanan (mg lahat ng sasakyang-dagat ng lahat ng malululan sa kanila ng mga bagay-bagay na inaani ng bayan: gaya ng pagkit, ginto, mga pabango, marpil, mga kayong yari sa bulak na nara'rapat bilhin sa mga taong tubo sa l.upaing ito . . . sa ganitong paraan, ang mga bayang iyo'y magiging mga bayang kaibigan, maiimbakan ang Bagong Espanya ng mga paninda nila at ang salaping ipinadada.la sa Maynila ay hindi lalabas sa pamilihang ito. Ang pagyayao't dito sa malalapit na baybayin, na lubhang masigla noong ibang panahon, ay namatay, dahil sa mga panunulisang-dagat ng mga malayong galing sa Timog ; at ang pangangalakal sa loob ng mga pulo ay halos lubusan nang nawala, sanhi sa mga pagbabawal, sa mga pasaporte at iba pang mga kahingian ng pangasiwaan. Malaki rin ang kinalaman ng mga paghihigpit at mga salabid na sa simu-simula pa'y iniatang na ng mga taga-


283

pamahaia sa mga magsasaka, sa udyok ng isang hangal na pagkatakot at sa pagkamalas sa Iahat ng dako ng anino ng paghihimagsik at mga pagbabangon. Hindi pinahihintulutan ang mga taong tuba roon na tumungo sa kanilang bukid 0 "granja" gaya ng tawag nang panahong iyon, kung walang kapahintulutan ng Gobernador, 0 ng kanilang mga alkalde mayor at mga kagawad ng katarungan 0 kahit na ng mga prayle, gaya ng sinasabi ni Morga. Ang mga nakakikiiaia ng kabagalan at kagusutan ng pangasiwaan sa isang bayan, na ang mga maykapangyarihan ay nagsisigawa nang halos wala pang dalawang oras araw-araw; ang mga nakaaalam kung gaano ang nawawala sa pagyayao't dito sa pangulung-bayan upang humingi ng isang kapahintulutan; yaong mga nakatatalos sa maliliit na paghihiganti ng mga naghahari-harian, ay makauunawa kung sa pamamagitan ng walang tutong tadhanang ito ay maaaring magkaroon ng kahit na isang katawa-tawang pagsasaka. TutoQ ngang matagal nang nawala ang kabalighuang ito, na naging katawa-tawa dis in kung hindi lamang naging totoong kaswa-sira; datapuwa't kung ang mga salita'y nangawala, ay hinalinhan nama ng ibang mga pangyayari at ibang mga tadhana. N awala ang mga tulisang-dagat na moro" datapuwa't nanatili ang tulisang sumisira sa mga bukid at humaharang sa magsasaka upang ito'y ipatubos; ngayon, ang Pamahalaan na nag-aaangkin ng laging pagkatakot sa bayan, ay tumatanggi sa lahat ng magsasaka kahit na sa paggamit ng isang eskopeta, 0 kung ito 'man ay pahintulutan, ay Iubhang pinakahihigpitan at binabawi kung kailan makahumalingang bawiin. Ang kinalalabasan nito'y ang manggagawa, na salamat sa mga kasangkapang magagamit sa pagtatanggol, ay nakapagtatanim at nakapagbibitiw ng maliit na puhunan sa mga tudling na binuksan, sa pamamagitan ng napakalaking paghihirap, kapag gumugulang na ang palay, ang Pamahalaan, na walang kayang sumugpo sa panunulisan, ay walang naiisip kundi alisan siya ng sandata; sa gayon, sa kawalan ng maipagtatanggol at sa kawalan ng kapanatagan ay nauuwi siya sa hindi paggawa at iniiwan ang bukid, ang pagsasaka, at hinaharap ang pagsusugal na siyang pinakamabuting kaparaanan upang kumita ng ikabubuhay. Ang mga sugalan ay nasa-ilalim ng pagtangkilik ng Pamahalaan at iyo'y lalong walang panganib! Malungkot na tagapayo


284 ang pagkatakot, na hindi lamang nakapagpapahina, kundi sa pag-aalis ng sandata ay lumalakas naman ang kaaway! Ang hamak na upang tinatanggap sa paggawa ng indiyo ay sapilitang makapagpapalupaypay sa kanya, sa wakas. Nalalaman natin, sa pamamagitan ng mga mananaysay, na ang mga enkomendero, matapos na alipinin ang maraming tao at sila'y piliting gumawa sa sariling kapakinabangan nila ay pumipilit naman sa iba na ipagbili sa kanila ang mga paninda sa maliit na halaga 0 sa wala 0 kaya'y dinaraya ang mga iyon sa pamamagitan ng masasamang takalan. Sa pagsasaysay tungkol sa Ipion, sa Panay, ay sinasabi ni Pari G. de San Agustin: "Noong malaon nang panahon ay naging napakayaman sa ginto . . . datapuwa't sa dahilang ibinuyo sila sa mga pagduhaging ti:o.atanggap sa ilang Alkalde Mayor, ay tumigil sila ng paghukay ng ginto, at minabuti pa nilang mamuhay sa karalitaan kaysa magtiis ng gayong mga gawain." (panig 378). Sa dakong huli, sa pagsasaysay tungkol sa ibang mga bayan, ay sinabi niya: "Dahil sa masamapg pasunod ng mga enkomendero, na nag-aakalang ipinag~aloob sa kanila ang mga indiyo upang maging alipin at di 'upang ituring na mga anak, ay wala silang sinisikap kundi ang sariling kapakanan nila sa gugol ng maliliit na ari-arian at ng buhay ng mga taong ipinagkatiwala sa kanila. (Panig 422) . Sa dakong huli pa ay sinabi: "Sa Leyte, na tinangkang patayin ang isang enkomendero sa bayan ng Dagami, dahil sa malalaking pagduhaging ginagawa sa kanila at sa pagsingil ng buwis ukol sa pagkit na tinitimbang sa isang timbangang ginawa niya at ang timbang ay ibayo ng sa ibang timbangan . . . " At ang kalagayang ito ng mga bagay ay tumagal nang mahabang panahon at tumagal pa hanggang ngayon, bagaman nalipol na ang lipi ng mga enkomendero. Lumilipas ang isang pamagat, datapuwa't ang kasamaang asal at ang pag-iinit ng damdamin ay hindi lumilipas, samantalang ang mga pagbabago'y nGluukollamang sa pagpapalit ng mga ngalan. Ang pakikidigma sa mga olandes, ang mga panlulusob at panunulisang-dagat ng mga taga-Hol6 at taga-Mindanao ay nawala, ang bayan ay nagbagong anyo; sumilang ang mga bagong bayan samantalang ang iba'y nagdahop; datapuwa't ang mga pagduhagi at ang panlilinlang ay nananatili na gayundin 째 masahol pa kaysa mga unang ta6ng iyon. Hindi


285

kami babanggit ng mga karanasang sarili, sa dahilang buked pa sa hindi namin nalalaman kung alin-alin ang pipiliin ay maaaring kami'y pintasang may kinikilingan; hindi rin namin babangitin ang mga karanasan ng ibang Pilipinong nangagsisulat sa mga pahayagan, hindi; magkakasya na lamang kami sa pagsasalin ng mga kataga ng isang manlalakbay na pranses, na nanirahan nang mahabang panahon sa Pilipinas. " . . . Ang butihing kura," anyang tinutukoy ang pagkakalarawang kulay rosas ng Pilipinas na ginagawa sa kanya ng isang prayle, "ay hindi nagsalita sa akin tungkol sa Alkalde, ang pangunahing pinuno sa purok, na dahil sa malabis na pag-iisip sa kanyang ikayayaman ay walang panahon upang sumiil sa mga masunuring sakop niya; ang Alkaldeng may tung kuling m an gasiwa sa bayan at tumanggap ng iba't ibang buwis sa ngalan ng Pam ahalaan, ay walang hinaharap halos kund'i ang pangangalakal: sa mga kamay niya, ang matataas at dakilang tun gkuling ginagampanan, ay pawang kasangkapan lamang upang m akapagpayaman. Nilalagom niya ang lahat ng pangangalak al, at sa halip na paunlari sa paligid vniya ang hilig sa paggawa, sa halip na pasiglahin ang katamarang sadyang likas sa mga taong tubo roon ay nagpapakalabis sa kanyang kapan gyarihan at wala siyang iniisip kundi ang ilugso ang buong pakikipagpangagawang maaaring makahilahil 0 makahati sa mga pakinabang niya. Walang gaanong kabuluhang magdalita ang bayan, maw alan ng kalinangan, mawalan ng kalakal, walang kapamuhayan, yumaman lamang agad an g Alkalde." Gayunman, ang manlalakbay ay suminsay sa matuwid, nang turulin lamang niya ang Alkalde; bakit ang Alkalde Iamang? At hindi na kami babanggit ng mga ipinahayag ng mga manlalakbay, sa dahilang ang mga akda nila'y wala sa aming harap at sa dahilang ayaw kaming bumanggit n g sinaulo lamang. Nakatulong din naman nang di-kakaunti sa pagk amatay ng lahat ng kilos sa pangangalakal 0 sa industriya, ang malaking kahirapang natatagpuan ng lahat ng hanap-buhay, sa Pangasiwaan. Nalalaman ng lahat ng mga pilipino at ng Iahat ng nagnasang maghanap-buhay sa Pilipinas, kung gaano karaming mga kasulatan, kung gaano karaming pag-


286

yayao't dito, kung gaano karaming mga papel na may tatak, kung gaano kalaking pagtitiis ang kinakailangan upang makakuha sa Pamahalaan ng isang kapahintulutan pakikipag-kaibigan kay gayon 0 ganito, ang lakas niyaon ang malaking suhol sa taong iyon upang hu\vag itago ang kasulatan, isang kaloob pa sa taong nasa-dako pa roon upang iabot iyon sa pinuno; nararapat idalangin sa Diyos na pagkalooban ang isang tao ng lamig ng ulo at ng panahon upang basahin at suriin ang kasulatan; sa iba naman ay sapat na katalasan ng isip upang makita ang pagkamarapat niyaon; sa iba pang tao sa dako roon, ay sapat na kahangalan upang huwag maamoy sa likod ng balak na pangangalakal ng isang layuning pilibustero; at nang huwag paraanin ang panahon sa mga paliligo sa pangangaso, 0 sa pakikipaglaro ng tresilyo sa mga Kagalanggalang na prayle sa mga kumbento 0 mga bahay-liwaliwan~ At higit sa lahat, ay kailangang magkaroon ng kalamigan ng loob, malaking kaalaman sa pamumuhay, maraming salapi, maraming politika, maraming pagpupugay at pagyul5:od, maraming lakas, maraming handog at malaking pagtitiis. Ano ang dapat pagtakhan kung ang Pilipinas ay manatiling maralita sa kabila ng kanyang napakayamang lupain kung ang kasaysayan ay nagsasabi sa atin na ang mga bansang lalong masagana ngayon ay nagsimula sa kanilang pamumukadkad at mabuting kalagayan sa mga kalayaan at mga karapatang sibil? Ang mga bayang lalong maunlad ang pangangalakal at lalong masipag ay ang mga bayang lalong malalaya: ang Pransiya, Inglatera, at Estados Unidos ay nangagpapatotoo niyan; ang Hongkong, na hindi maipaparis sa pinakamaliit na pula sa Pilipinas ay lalong may malaking pangangalakal kaysa lahat ng mga pula sa Pilipinas pagsamasamahin man ang mga ito, sa dahilang siya'y malaya at pinangangasiwaang mabuti. Ang pakikipagkalakalan sa Tsina, na siyang hinarap na lubos ng mga mananakop sa Pilipinas, ay hindi lamang nakapinsala sa Espanya, kundi sa buong pamumuhay ng mga bayang sakop niya; sa katotohanan, nang makatagpo ang mga maykapangyarihan at ilang tao sa Maynila ng isang madaling kaparaanan upang yumaman, ay pinabayaan nila ang lahat, hindi nila sinikap na ipabungkal ang mga lupa, ni paunlarin ang industriya. Ano nga naman ang kapararakan niyaon? Ibinibigay iyon ng Tsina, at wala na silang


â&#x20AC;˘

287 kailangan pang gawin kundi samantalahin at pulutin ang gintong nahuhulog sa kanilang dinaraanan, buhat sa Mehiko hanggang sa loob ng Tsina, banging hindi na naaahunan. Ang kasira-sirang halimbawa ng mga mananakop, yaong magkaroon sa kanilang paligid ng mga utusan at humamak o magpawalang-halaga sa gawaing kamay, bilang isang bagay na hindi karapat-dapat sa karangalan at kadakilaan ng dugong mahal ng mga bayani ng napakaraming danta6n, yaong mga kilos ng panginoon, na pinakahuluganan ng indiyo na tila ka kastila, at ang pagnanasa ng mga nasasakop na mapantay 0 pumaris sa mga nakasasakop, kung di man sa pinakabuod ay sa kilos man lamang; and lahat ng ito'y talagang magbubunga ng isang panghihinawa sa kasipagan, at pagkapoot 0 pagkatakot sa paggawa. At tangi sa rito'y bakit pa gagawa? ang itinatanong sa sarili ng maraming indiyo. Sinasabi ng Kura na ang mayaman ay hindi naaakyat sa langit; ang mayaman sa lupa'y nalalantad sa lahat ng kaalipustaan, sa lahat ng kaligaligan, sa pagkakahirang na Kabisa ng Balangay, sa pagkakapatapon kung sumiklab ang isang paghihimagsik, sa pagiging sapilitang tagapagpa tang sa pinuno ng hukbo sa isang bayan, na, upang makabayad sa kanya ng mga kagandahang-loob, na tinanggap, ay dumarakip ng mga manggagawa at ng mga hayop niya, at nang siya'y mapilitang humingi ng awa, at nang sa ganito'y madaling makabayad ng utang. Ano ang kabuluhan ng maging mayaman? Upang ang lahat ba ng mga kinatawan ng Katarungan ay ma.gkaroon ng matalas na mata sa pagmamanman sa mga kilos niya, upang ang pinakamaliit bang pagkakatisod ay ipagkaroon niya ng maraming kaaway, upang ipagsakdal siya, ipagtahi-tahi ng isang masalimuot at magusot na kasaysayan, na maaari lamang niyang labasan, hindi sa pamamagitan ng sinulid ni Ariadna, kundi sa pamamagitan ng pagpapaulan ng ginto ni Danae, at gayon pa ma'y salamat kung siya'y hindi masubo sa isang gipit na pangyayari. Ang indiyo, na ipinalalagay nilang hangal ay hindi naman napaka-hangal na hindi nakauunawang katawa-tawa aug gumawa at magpakamatay sa paggawa upang lalong sumama ang kanyang kalagayan; isang salawikain niya ang nagsasaad na "ang baboy ay ginigisa sa sarili niyang mantika", at sa dahilang isa sa masasamang katangian niya'y may isang mabuti, na dili iba't ang iukol sa kanyang sal'ili


288

ang lahat ng pagwawasto't mga kapintasang naririnig niya, ay minamabuti pa niyang mabuhay na maralita't tamad: kaysa gumanap ng tungkulin ng isang elepanteng sawimpalad. Idagdag pa rito ang pagpapasok ng mga sugalan. Hindi namin ibig sabihing bago dumating ang mga kastila'y hindi nagsusugal ang mga indiyo; ang malabis na pagkakahilig sa sugal ay katutubo sa mga lahing mapagsapalaran at madaling hikayatin, at ang lahing malayo ay isa sa mga iyan. Si Pigafieta ay nagsasabi sa atin tungkol sa sabong at mga pustahan sa pula ng Paragua (Palawan); nararapat ding magkaroon ng sabong sa Luson at sa lahat ng mga pulo, palibhasa'y sa sariling katuturan ng larong ito ay may dalawang salitang Tagalog: ang sabong at ang tari (ang paglalabanan at ang sandata). Datapuwa't hindi mapag-aalinlanganan kahit bahagya na ang pag-unlad ng sugal na ito'y utang sa Pamahalaan, gaya rin ng pagpapabuti sa kanya. Bagaman tumukoy si Pigaffeta ng hinggil dito ay binabanggit lamang niya ito sa Paragua (Palawan) at hindi niya binanggit na mayroon din sa Sebu, ni sa alinmang ibang pula sa Timog, na kinatirhan nila nang mahabang panahon; si Morga'y hindi tumutukoy sa bagay na iyon, bagaman nagtira siya ng sampung ta6n sa IVlaynila, at gayong inilarawan niya ang uri ng mga ibon, ng mga manok at mga labuyo; si Morga'y hindi rin nagsalita tungkol sa sugal na iyon, nang tumukoy siya tungkol sa mga bisyo at iba pang mga kapintasan, na humigit kumulang ay nakukubli, humigit kumulang ay walang halaga. Bukod sa rito, tangi sa dalawang salitang Tagalog na sabong at tari, ang iba'y mga salitang hinango sa wikang kastila, gaya ng soltada (ang pagbibitiw ng manok upang makipaglaban, pagkatapos ay ang paglalaban na rin), pusta (galing sa salitang apuesta) , logro, pago, sentenciador, case, at iba pa. Itong-ito rin ang sinasabi namin tungkol sa sugal; ang salitang sugaZ (na hinango sa salitang jugar), gaya ng k1.Lmpisal na galing sa salitang confesar, ay nagpapakilala na ang pagsusugal ay hindi nakikilala sa Pilipinas bago dumating ang mga kastila, ang salitang balasa (galing sa baraha) ay nagpapatutoo, na ang pagkakapasok ng mga baraha ay hindi utang sa mga insik, na mayroon din ng isang uri ng baraha, dahil sa kung nagkaganito ay isinunod sana ang tawag sa salitang insik. Ano pa? Ang mga salitang


289 taya (tallar) , pari-paris, politana (na hango sa napolita1U1), sapote, kapote, monte, at iba pa, ay pawang nagpapatutoo na dayuhan ang pinagmulan ng kakila-kilabot na halamang ito, na walang ibinubunga kundi kasamaang asal, at nakatagpo, sa kaugalian ng indiyo, ng isang lupang nababagay at pinataba ng mga pangyayari. Kasama ng pagsusugal, na ikinapopoot sa mabagal at mahlrap na paggawa dahil sa pangako ng isang madaling pagyaman at dahll sa pang-akit ng pananabik, kasama ng mga ripa 0 loteriya, kasama ng pag-aaksaya ng kayamanan at ng kagandaha..l.g-loob sa pagtanggap sa panauhin ng mga Pilipino, ay kasama rin, upang paramihin ang mga kaakbay na ito ng mga kasawiang palad, ang mga pagdiriwang dahil sa relihiyon, ang maraming pista, ang mahahabang misang inilalagi sa buong umaga ng mga babae, gaya rin ng mga pagsisiyam upang gugulin ang buong hapon, at ang gabi naman para sa mga prusisiyon at mga pagrorosaryo. Sabihin ninyong ang kakulangan ng puhunan, ang kakapusan ng mga kaparaana~ ay nakapagpapatigil sa lahat ng kilos, at makikita ninyo kung paanong ang indiyo'y magiging sapilitang tamad, sa dahilang kung may matira man sa kanya.llg kaunting salapi sa mga paglilitis, mga utang sa buwis, at iba pa, yao'y kailangang ibigay niya sa kura dahll sa mga hula, mga kalmen, mga kandila, mga pagsisiyam at iba pa. At kung ito'y hindi pa nakasisiya sa inyo upang makabuo ng isang kaasalang tam ad , kung ang singaw ng lupa at ang kalikasan, sa ganang sarili nila'y hindi pa nakasasapat upang sila'y tuligin at ali san ng buong kasiglahan ay ilagay ninyo, kung gayon, ang aral ng relihiyong nagtuturong patubigan at diligin ang mga bukid sa panahon ng pagkatuyot, hindi sa pamamagitan ng mga tudling kundi sa pamamagitan ng mga misa't panalangin; na alagaan ang kanyang mga hayop sa panahon ng salot sa pamamagitan ng "agua bendita," mga panalanging pambugaw ng masamang espiritu, at mga pagbasbas na nagkakahalaga ng limang piso bawa't hayop; na itaboy ang mga balang sa pamamagitan ng isang pagpuprusisiyong sinasamahan ng larawan ni San Agustin, at iba pa. Walang pag-aalinlangang mabuti nga ang umasa sa Diyos; datapuwa't lalong mabuting bawa't isa'y gumagawa ng makakaya at huwag abalahin ang Lumikha sa bawa't sandali, bagaman ang mga pang-aabalang ito'y pinakikinabangan ng mga kinatawan 006700-19


290

niya. N amalas nating ang mga bayang lalong nananalig sa mga himala ay siyang lalong tamad, gaya ng mga anak na pinalalayaw ay siyang lalong walang tuto. Kung sila'y naniniwala sa mga himala upang patulugin ang kanilang katamaran 0 kung sila'y mga tamad sa dahilang nananalig sila sa mga himala, ay hindi namin masabi, datapuwa't ang totoo'y hindi gaanong tamad ang mga Pilipino noong ang salitang milagro 0 himala ay hindi pa naipapasok sa kanilang wika. Ang kadalian din ng pagparam sa kalayaan ng isang tao, iyang walang tugot na pangambang hindi magpatahimik sa lahat sa pagkakaalam na ang kapalaran nila'y nasasandig sa isang lihim na ulat, sa isang kasulatang pampamahalaan, sa isang sumbong ng pagka-pilibustero 0 pagkakahinahinala, sumbong na upang magkabisa ay hindi na kailangang patotohanan ni humarap nang mukhaan ang nagsumbong; iyang kawalan ng pagtitiwala sa kinabukasan, iyang kawalang katiyakan na mapipitas ang bunga ng kanyang paggawa, gaya ng sa isang lunsod na nilusob ng salot, na bawa't tao\ napatatangay sa pakikipagsapalaran ng kanyang sarili, nagkukulong sa bahay 0 kaya'y nagaaliw sapagka't sinisikap na mapaliit hanggang maaari ang mga kasamaang daranasin sa kakaunting araw na nalalabi sa kanyang buhay. Ang kapabayaan ng Pamahalaan na rin sa lahat ng nauuukol sa pangangalakal 0 pagsasaka, ay nakatutulong nang di-kakaunti sa pagpapalubha ng katamaran. Walang pampasiglang anuman para sa may pagawaan ni para sa mag. sasaka; ang Pamahalaan ay hindi tumutulong kapag dumarating ang masamang ani, kapag inuubos ng mga balang ang mga tanim, 0 kapag sinisira ng buhawi sa kanyang pagdaraan ang kayamanan ng lupain; hindi man lamang nababahala sa paghanap ng isang pamilihan ng mga inaani ng mga bayang sakop niya. At bakit nga ba siya maghahanap sa ang mga ani ring ito'y napapatawan ng maraming buwis na sinisingil, at hindi makapasok nang malaya sa mga daungan ng Espanya, ni pinasisigla rito ang paggamit 0 pagbili ng mga aning iyon? Samantalang namamalas nating lahat ng pader 0 bakod sa Londres ay nadidiktan ng mga babala ng mga gawa at ani sa mga bayang sakop nila; samantalang ang mga ingles ay gumagawa ng mahigpit na pagpupumilit upang mapalitan ng tsa ng Ceylon ang tsang


291

galing sa Tsina, at sila rin ang nagpapasimuno sa pagpapasakit sa kanilang panlasa at sa kanilang tiyan; sa Espanya naman, tangi sa tabako, ay walang nakikilalang bagay na yari sa Pilipinas: ni ang asukal, ni ang kape, ni ang abaka, ni ang mga kayong pino, ni ang mga kumot sa Iloko; ang ngalan ng Maynila ay nakikilala lamang dahil sa mga panyong yari sa Tsina 0 sa Indochina na may isang panahong dumarating sa Espanya at nagdaraan sa Maynila, mga malalaking panyong seda, na makikisig ang pagkakaburda bagaman magaspang na sinuma'y hindi nakaisip na paris an sa Maynila, gayong ang gawaing iyo'y napakadali; datapuwa't ang Pamahalaan ay may ibang mga kaabalahan, at hindi nalalaman ng mga Pilipino na ang gayong mga bagay ay lalo pang pinahahalagahan sa Espanya kaysa mga binurdahang kayong yari sa pinya 0 ang napakapipinong kayong husi. Gayon kung paano namatay ang pangangalakal natin ng "amI", dahil sa panlilinlang ng insik, na hindi naaring bantayan ng PamClhalaan sanhi sa ibang mga kaisipan ang hinaharap; sa gayon din, namatay ang ibang industriya: aug mga kayo sa Bisaya na makinis ang pagkakaburda ay unti-unting nawawala sa pangangalakal at hanggang sa paggamit; ang bayang lalo't lalong nagdarahop ay hindi makabili ng mga kayong mahal, at napipilitang masiyahan na lamang sa perkal 0 sa rnga huwad na gawa ng mga aleman, na upang kami'y tularan ay tinutularan pati ng mga gawa ng aming mga platero. Ang pan~Jayaring ang pinakamabubuting asyenda, ang pinakamabubuting lupain sa ilang lalawigan, yaong dahil sa kadalian ng pagpapahatiran ng balita ay lalong kapaki-pakinabang kaysa iba, ay nasa-kamay ng mga samahan ng mga prayleng walang hinahangad kundi ang kamangmangan at ang pagdarahop ng indiyo, upang sila'y makapagpatuloy ng pamamahala sa mga ito at ariing sila'y sadyang kailangan sa sawing pamumuhay ng indiyo, iya'y isa sa mga dahilan kung bakit maraming bayan ang hindi umuunlad sa kabila ng mga pagpupunyagi ng mga mamamayan. Itututol sa amin na ang mga bayang ari ng mga prayle ay para-parang higit sa mayayaman kaysa mga bayang hindi nila ari; iya'y pinaniniwalaan namin! Gaya ng mga kapatid nila sa Europa, upang maitayo ang kanilang mga kumbento, ay natutong pumili ng pinakamabubuting kapatagan, ng pinakamabubuting pook na kataasan upang mapagtamnan


292

ng ubas, 0 mapagtayuan ng pagawaan ng serbesa, gayundin naman ang mga monghe sa Pilipinas na natutong pumili ng pinakamabubuting bayan, ng pinakamaririkit na kapatagan, ng mga bukiring maypatubig upang ang mga ito'y gawing pinakamayayamang asyenda. Matagal na nalinlang ng mga prayle ang maraming tao, sa pagpapaniwala sa kanila na kung ang mga asyendang iyon ay nangagsisiunlad, ay sa dahilan umanong nasa-pag-iingat nila at ang katamaran ng indiyo'y nasusundot nila; datapuwa't nalilimot nilang sa ilang lalawigan, na ang pinakamabubuting lupain ay hindi nila nakuhang makamkam dahil sa gayon 0 ganitong pangyayari, ang mga asyenda, gaya ng Bawang at Liang, ay huli sa Taal, Balayan at Lipa, mga bayang binungkal lamang ng mga indiyo nang walang anumang pakikialam ang prayle. Idagdag ninyo sa kawalan ng pampasiglang nadarama ang kawalan ng pampasigla ng kalooban at mamamalas ninyo kung paanong ang hindi maging tamad sa lupaing iyon, ay sapilitang kailangang maging isang baliw, 0 kung di man ay isang hangal man lamang. Anong kinabukasan ang naghihintay sa isang natatangi, sa isang nag-aral, sa isang naaangat sa ibabaw ng mga pangkaraniwang tao? Ang isang binata, sa pagpupumilit sa pag-aaral at sa pagpapakasakit ay naging isang dakilang kimiko, pagkatapos ng isang mahabang pag-aaral nang hindi siya pinagkalooban ng kahit na kaunting tulong ni ng Pamahalaan ni ng sinuman; natapos ang maraming taon niya sa Pamantasan, sa pamamagitan ng pagsisikap; may binuksang isang paligsahan upang pumili ng gaganap ng isang tungkulin; nanalo ang binata dahil sa kanyang karunungan at pagtitiis, at pagkatapos na manalo ay inalis ang tungkulin sapagka't . . . ang dahilan ay ayaw naming sabihin; datapuwa't sa pag-aalis ng laboratoriyong pangmunisipiyo upang alisin ang katungkulan ng Patnugot, na pinanalunan ng binata sa isang paligsahan sa katungkulang iyon at sa pagpapanatili ng ibang tungkulin, gaya ng tagasuri ng palimbagan, ay sapagka't ipinalalagay na ang bayan ay lalong mapipinsala sa liwanag ng kaunlaran kaysa lahat ng mga pagkaing hindi mabuti. Sa gayunding paraan, ang isang binata'y TI<,lgtamo ng gantimpala sa isang paligsahang pampanitikan, at habang hindi napagkikilala ang may-akda ay pinag-uusapan ang mga gawa niya, pinupuri siya ng mga pahayagan, at ang akda


293

niya'y ipinalalagay na isang gawang-guro (obra maestra); binuksan ang mga lagda; ang nagtamo ng gantimpala ay isang indiyo, at sa mga natalo ay may mga kastila; sa gayon, ang lahat ng pahayagan ay pumuri sa mga natalo. Ni isang katagang galing sa Pamahalaan, ni sa kanino man, upang pasiglahin ang tagaroong bumubungkal nang buong pag-ibig ng karunungan sa wika't sa panitikan ng inang Espanya! Sa wakas, matapos na laktawan ang iba't ibang dahilan, na humigit kumulang ay maliliit at kung iisa-isahin ay hindi matatapos, ay wawakasan namin ang maitim na paghahalayhay na ito ng pinaka-pangunahin at lalong kakila-kilabot sa lahat: ang pagtuturo sa indiyo. Ang pagtuturo sa indiyo, buhat nang siya'y ipanganak hanggang siya'y bumaba sa libingan, ay ipinagiging hayop, na kaaba aba, nalalaban sa pagkatao (ang salitang hindi-makatao ay hindi nakapagpapaliwanag nang sapat; tanggapin 0 hindi man ng Akademya ay naiyan na ang salita). Walang pag-aalinlangang ang Pamahalaan, ang ilang mga prayleng katulad ni Pari Ben~videz, ay nakagawa ng malaki sa pagtatatag ng mga kolehiyo, mga mababang paaralan, at iba pa. Datapuwa't ang mga ito'y hindi sapat; ang ibinubunga nila'y -nawawalan ng kabuluhan. Sa loob ng lima 0 sampung taon, (ta6ng may sandaan at limampung araw ang pinakamahaba) ang binata'y nakadikit sa mga aklat, na pinili ng mga prayle na ring huong kapangahasang nagsasabing hindi mabuting ang indiyo'y matuto ng wikang kastila, na ang indiyo'y hindi nararapat humiwalay sa kanyang kalabaw, na hindi nararapat magkaroon ng iba pang mga adhikain, at iba pa; lima 0 sampung taong ang karamihan ng mga mag-aaral ay hindi nakauunawa ng ibang bagay maliban sa hindi pagkatalos ng sinabi ng mga aklat, ni kahit na ang mga propesor nila, marahil; at sa lima 0 sampung taong ito, ay kailangan nilang makibaka sa arawaraw na pangangaral sa kanila sa buong buhay, yaong pangangaral na ikinadudusta ng karangalan ng tao, na pumapawi sa kanya nang unti-unti 0 biglaan ng damdaming ukol sa pagpapahalaga sa sarili, ang gawaing yaong walang katapusan, mahigpit, walang tantan, na baluktutin ang liig ng indiyong tagaroon, ipatanggap sa kanya ang pamatok, ipantay siya sa hayop, gawaing pinangangalawahan ng ilang tao, manunulat man 0 hindi, na kung nagbubunga man ng


294

ninanais sa ilan ay kasalungat naman ang ibinubunga sa iba, gaya ng pagkalago't ng pisi kung lumalabis ang pagbatak. Sa ganito'y ipinalalagay ang indiyo na isang uri ng hayop; nguni't sa kabilang dako'y hinahanapan siya ng mga gawaing makadiyos. Sinasabi naming gawaing makadiyos, sa dahilang nararapat na maging Diyos ang sinumang hindi magiging tamad sa ilalim ng gayong singaw ng lupa at naliligid ng nasasabing kalagayan. Alisan nga ninyo ng karangalan ang tao, at hindi lamang inalisan ninyo siya ng lakas ng kalooban, kundi ginawa rin ninyo siyang walang kabuluhan maging sa mga taong ibig gumamit sa kanya. Bawa't bagay sa ibabaw ng lupa ay may panundot na nagpapakilos, may kani-kaniyang kaparaanan; ang sa tao'y ang pagpapahalaga sa sarili; alisan ninyo siya nito, at siya'y matutulad sa isang bangkay; at ang humahanap ng pagkilos ng isang bangkay ay walang matatagpuan kundi mga uod. Sa ganito'y naipaliliwanag na ang mga indiyo sa kasalukuyan ay hindi ~a ang mga indiyo nang panahon ng pagkakatuklas sa kanila, ni sa diwa ni sa katawan. Ang mga matatandang manqnulat, gaya nina Chir ino, Morga, at Colin, a nasisiyahan sa paglalarawan sa mga indiyo na mga taong may mabubuting pagmumukha, mat atalino sa anumang bagay na pinagdoroonan sa kanila, matatalas at magagalitin at may mabubuting kapasiyahan, napakalilinis at maayos sa kanilang pagkatao at pananamit at makikisig at kalugud-lugod," at iba pa. (Morga) Ang iba'y nangatutuwa sa pagsasaysay ng mga bagay na nauukol sa kanilang katalinuhan at mga panghalina, ng kakayahan nila sa musika, sa dula, sayaw at awit; ng kadalian nilang matuto, hindi lamang ng kastila, kundi ng latin na natutuhan nila sa sariling sikap halos (Colin); ang iba'y tungkol sa kanilang kabutihang-asal sa pakikipagkapuwa at sa buhay na panlipunan; ang iba pa, gaya ng mga unang Agustino, na ang mga salaysay ay sinipi ni Gaspar de San Agustin, ay nakamalas na lalo silang makikisig at magigilas kaysa mga naninirahan sa Molukas, at iba pa. "Ang lahat ay nabubuhay sa ani ng mga bukirin nila-ang dugtong ni Morga-sa paggawa, palaisdaan at mga pakikipagkasundo, at naglalakbay sa dagat na palipat-lipat sa isa't isang pulo at sa lupa nama'y nagyayao't dito sa isa't isang lalawigan." Sa kabilang dako, ang mga manunulat natin ngayon, na hindi man lumalalo sa kabutihan kaysa matatandang manu-


295 nulat, ni sa pagkatao ni sa pagkamananaysay, ni hindi kasing tapang nina Hernan Cortes at Salcedo, ni lalong mahihinahon kaysa kay Legaspi, ni lalong mababait kaysa kay Morga, ni lalong mga palaaral kaysa kina Colin at Gaspar de San Agustin, ang mga manunulat natin ngayon, inuulit namin, ay nagpapalagay na ang indiyo ay isang nilikhang nakahihigit nang kaunti sa matsing, datapuwa't malaki ang kababaan kaysa tao, isang matsing na kamukha ng tao, makupad umunawa, tulalq" napakapangit, marumi, masunurin, palangiti, masamang magbihis, tamad, mahiligin sa bisyo, batugan, walang utak, walang kagandahang asal, at rna'rami pang iba. Sa ana utang ang pagkakaurong na ito? Sa mapalad bang kabihasnan, sa nakapagliligtas na relihiyon ng mga prayle, na tinatawag na relihiyon ni Hesukristo upang mabigyan ng marikit na ngalan ang masasamang kaisipan ang siyang nakagawa ng ganitong himala, ang nakasira ng utak, nakapagpatlgil ng tibok ng puso at nakagawa ng uring iyan ng hayop na rnasama ang mga gawi, gaya ng inilalarawan ng mga manunnlat? Ay! Ang buong ~asawian ng mga Pilipino ngayon ay dahil sa kanilang di-Iubos na pagiging hayop. Ang Pilipino'y l'..indi naniniwalang upang maging maligaya'y kinakailangang talikdan niya ang karangalan ng pagiging isang nilikhang umiisip, nakikinig ng misa, nagkukumpisal, sumusunod sa balang iutos ng kura, sumampalataya sa ana mang sabihin sa kanya, magbayad ng lahat ng sinisingil sa kanya, magbayad at lagi nang magbayad; gumawa, magtiis, huwag umimik, huwag maghangad na matpto, ni makaunawa kahit na ng wikang kastila lamang, huwag humiwalay sa kanyang kalabaw, gaya nang walang hunus-diling sinasabi ng mga prayle, huwag tumutollaban sa isang pangaapi, laban sa isang kawalang matuwid, laban sa isang pagmamalabis, laban sa pandarahas, laban sa isang paghamak, alalaong baga'y huwag magkaroon ng puso, ni utak, ni apdo; isang nilikhang may mga bisig at may bulsang puno ng ginto , nariyan ang indiyong uliran! Sa kasawiang palad, sanhi sa ang pagpapaging hayop ay hindi pa nagiging ganap na lubos, 0 sapagka't ang katangian ng tao ay kakambal ng kanyang pagkatao sa ibabaw ng kanyang katayuan, ang indiyo'y tumututol, naghahangad pa, nagdidilidili, at nagtataas ng ulo at iyan ang masama!


296

V Sa nakaraang kabanata ay tinutukoy namin ang mga kadahilanang nagbubuhat sa Pamahalaan na nagpapalala at nagpapanatili ng masamang kaugaliang tinatalakay namin. Ngayo'y tutukuyin namin ang pagsisiyasat sa mga kadahilanang nagbubuhat sa bayan. Ang mga bayan at mga Pamahalaan na nagkakaunawaan at nagkakatulungan; ang isang Pamahalaang hangal ay isang kahidwaan sa isang mabait na bayan, gaya rin ng hindi maaaring magkaroon ng isang bayang rnasama ang ugali sa ilalim ng mga tagaparnahalang makakatarungan at mga batas na paham. Kung ano ang bayan ay gayundin ang Pamahalaan, ang masasabi namin, bilang paggaya sa isang karaniwang salawikain. Sa dalawang uri maaaring pagbukurin ang mga kadahilanang ito: sa kasamaan ng pagtuturo at sa kawalan ng dam darning parnbansa. Tungkol sa bisa ng singaw ng lupa ay nakatukoy na kami sa unang dako; dahil dito'y hindi na narnin tatalakayin ang mga bungaDf ibinibigay niyaon. Ang napakasikil n;,:t pagtuturo sa tahanan, ang rnapaniil at baog na pagtuturo sa rnangilan-ngilang paaralan, ang bulag na pagpapailalim ng bata sa nakatatanda sa kanya, ay nakapangyayari sa diwa upang ang tao'y hindi rnaghangad na makahigit sa mga nangauna sa kanya, kundi manapa'y upang rnasiyahan sa pagsunod sa kanila 0 lurnakad sa likuran nila. Dito'y sapilitang rnagbubuhat ang pagkabimbin, at sa dahilang ang walang ginagawa kundi rnanipi lamang ay nawawalan ng ibang katangian ng talinong katutubo sa kanya, ang nagiging karaniwang bunga nito'y ang pagka-baog; dito nanggagaling ang pag-urong. Ang katamaran ay isang buntot na nagbubuhat sa kawalan ng pampasigla at ng kabuhayan. Ang katimpiang iyang pinanalaytay sa pananalig ng bawa't isa, 0 sa lalong maliwanag, ang inuraling kababaan o pagpapakababa, isang uri ng parating pangungulag sa araw-araw ng kaluluwa upang huwag makapailanlang hanggang sa mga dakong kinadoroonan ng liwanag ay nakamamatay sa sigla, nakapagpapatigil sa lahat ng darndamin sa pag-unlad, at sa munting pakikibaka ay sumusuko nang hindi lumalaban. Kung dahil sa isa sa mga bihirang pagkakataon, ang isang diwang baliw, alalaong baga'y rna-


297

sipag, ay nakauungos, sa halip na makaganyak ang halimbawa niya ay lalo pang nakapagpapanatili sa iba sa hindi pagkilos. Hayan ang gagawa para sa atin, kaya matulog na tayo!-ang wika ng mga kamag-anak at mga kaibigan. Totoo ngang paminsan-minsan ay nagigising ang diwa ng pakikipag-pangagawan, nguni't nagigising Iamang nang mainit ang ulo at mukhang naiinggit, at sa halip na maging isang katagang makatutulong ay nagiging isang salabid na nakapagpapahina ng loob. Palibhasa'y pinalaki sa mga halimbawa ng mga ermitanyo na ang buhay ay pinararaan sa katamaran, ay pinararaan ng mga indiyo ang buhay nila sa pagbibigay sa Simbahan ng kanilang ginto, sa paghihintay ng mga himala at iba pang bagay na kahanga-hanga. Ang kalooban niya'y pinatulog; sapul sa pagkabata'y natutong gumawa nang di nag-iisip, katulad ng isang makina, at walang kaalaman sa magiging hangga, salamat sa pagsasanay na ginawa sa kanila buhat sa lalong murang gulang, sa pagdarasal sa loob ng buobuong oras sa isan~ wikang di-nauunawaan sa pagsamba sa mga gawang hindi 't;l.auunawaan, sa pagtanggap ng mga paniniwalang eli ipinali'liwanag, sa pag-aatang sa sarili ng mga kabalighuan samantalang iniini8 ang mga panghihimagsik ng katuwiran. lVIalaking bagay ba na sa pamamagitan nitong dressage o paghutok na nakasisira ng pang-unawa at ng kalooban ng indiyo, na noong una'y mapagmatuwid at maayos magkuro, gaya ng pinatutunayan ng pagsusuri sa kanyang nakaraan at sa kanyang wika, ay maging isang bagay na unslyami ng nakasisirang pagkakasalu-salungatan ngayon. Iyang walang tantang paglaban ng katwiran at ng tungkulin, ng kanilang kabuhayan at ng mga bagong mithiin, ang digmaang panloob na sa buong buhay nila'y nakagugulo sa kapayapaan ng budhi, ay nararapat magpahina, sa wakas sa buong lakas nila, at sa tulong ng kalupitan ng singaw ng lupa, ay siyang pagmulan ng walang hanggang paguurong-sulong na iyon, ng pag-aalinlangan ng kanyang utak, at siyang pagbuhatan ng kanyang katamaran. -"Hindi ka maaaring matuto nang higit sa mat an dang si kuwan!-Huwag mong nasaing higtan ang kura!-Ikaw ay galing sa isang lahing mababa!-Wala kang kasipagan." -Ito ang siyang sinasabi sa bata; at sa dahilang napakadalas na ulit-ulitin, kaya sapilitang nauukit sa utak niya


298

at buhat doo'y nagtatatak at nagkakaanyo sa lahat ng kanyang kilos. Aug bata, ang binata na naghahangad na maiha ay tinatawag na pangahas at palalo; inaalipusta siya ng kura sa pamamagitan ng malulupit na pagkutya, tinitingnan siya ng kanyang mga kamag-anak nang may pagkatakot; at siya'y minamalas ng iba na puna ng pagkahabag. Wala nang pagkakaunlad sa sarili! Kailangang pumasok sa hariay, sumunod sa agos ng karamihan! At sa dahilang ang diwa'y nahubog sa gayong paraan, tinutunton ng indiyo ang lalong nakasisirang kinagawian: ang kinagawiang hindi pinangangatwiranan, manapa'y iniuutos at ipinipilit. At nararapat tandaan na ang indiyo, sa ganang kanyang kinagisnan, ay hindi mahilig sa pagsunod sa kinamihasnan sa dahilang ang utak niya'y nahahandang tumanggap ng lahat ng katotohanan, gaya rin ng pangyayaring ang kanyang tahana'y bukas sa lahat ng taga-ibang bayan. Ang kabutihan at ang kagandahan ay humahalina sa kanya, gumaganyak at bumibihag sa kanya, hagaman, gaya ng Hapon, madalas na ipinapalit ang kahutihan sa kasamaan kapag ito'y ipinakikitang nagagayakan at nagnmmgning. Ang kulang sa kanya ay, una, ang kalayaan upang mabigyan ng pakpak ang kanyang diwang mapagsapalaran, at mabubuting halimbawa at maririkit na tanawin. Kinakailangang ang diwa niya, kapag nanliliit at naduruwag sa harap ng mga dakilang lakas ng kalikasan at sa nakasisindak na pagpapakilala ng malaking lakas na ito ay magtipon ng tapang, umadhika ng matataas na layunin, upang makalaban sa mga salabid sa gitna ng isang kalikasang kasalungat. Upang siya'y umunlad, kinakailangang sumulak sa mga ugat niya ang isang diwang mapanghimagsik, sabihin nating gayon, sapagka't ang pag-unlad ay sadyang humihingi ng pagbabago, nangangailangan ng pagkatalo ng nakaraan na parang Diyos na itinayo doon sa kasalukuyan: ang pananagumpay ng mga bagong isipan sa mga matatanda't tinatanggap na isipan. Hindi makasasapat ang kausapin ninyo siya sa pamamagitan ng kanyang wari-wari, ang siya'y handugan ng mga kagalingan, ni ang siya'y silawin ng liwanag, gaya niyaong mga hangal na apoy na nagliligaw kung gabi sa mga manlalakbay; hindi makasasapat ang lahat ng nakahahalinang mga pangako ng mga pag-asal1g kulay rosas, habang ang diwa niya'y hindi malaya, at ang kaisipan niya'y hindi dinarakila. "


299

Ang mga kadahilanang nagbubuhat sa kawalan ng damdarning pambansa ay laiD pang nakasisira at lalo pang mahalaga. Palibhasa'y nananalig, sa udyok ng kanyang kababaan, nalilito ang diwa dahil sa pagkakaturo sa kanya, kung matatawag na pagkakaturo ang pagpapaging hayop niya na tinalakay na namin sa dakong unahan, sa pagbabagong iyon ng mga pinagkagawian at ng mga damdamin sa gitna ng iba't ibang bansa, ang Pilipino, na walang tin ataglay kundi ang pagkamaramdamin sa pagkalahi at ang kaisipang makata, ay napa-aakay sa kanyang guniguni at sa pag-ibig sa sarili. Sukat ang purihin ng taga-ibang-lupa ang k alakal na inaangkat sa ibang bayan at pintasan ang likha 0 yari sa sariling lupa, upang siya'y magdumali ng pagbabago nang hindi dinidili-diling ang lahat ng bagay ay may kani-kanyang dakong mahina at ang paggamit na lalong matino ay katawa-tawa sa mga mata ng mga hindi gumagawa niyaon. Siya'y sinilaw sa pamamagitan ng palarang ginto, ng mga rosariyong yari sa bubog na may iba't ibang kulay, ng mga bembeng maiingay, mga salaming nagniningning, at iba pang bagay na mura, at ib~igay niya, pilang kapalit, ang kanyang ginto, ang kanyang budhi at pati ng kalayaan niya; ipinagpalit ahg kanyang relihiyon sa mga gawaing panlabas ng ibang panai'1ampalataya; ang mga pananalig at mga k augaliang isinilang ng singaw ng kanyang lupa at ng mga pangangailangan niya, ay ipinagpalit sa ibang kaugalian at ibang pananalig na sumibol sa ilalim ng ibang langit at ibang damdamin. Ang diwa niyang nahahanda sa lahat ng inaakala niyang mabuti, ay nagbagong anyo, sang-ayon sa ninanais ng bansang naggiit sa kanya ng kanilang Diyos at ng kanilang mga batas, at sa dahilang ang mga mangangalakal na pinakikitungu,han niya'y hindi nagdala ng mga kasangkapang kapaki-pakinabang na yari sa asero, ng mga asarol upang ipambungkal sa mga parang, kundi mga papel na tinatakan, mga kurus mga bula at mga dasalan; sa dahilang hindi ibinigay sa kanyang uliran 0 paris an ang sunog na balat at butuhang manggagawa, kundi ang maginoong may dugong mahal na dinadala sa isang malambot na luklukan, ang kinalabasa'y ang bayang manggagaya ay naging makapapel, manong, madasalin, nag-aangkin ng mga kaisipang mapagparangya, mapagmakisig nang hindi naman pinabuting lalo, dahil doon, ang mga kaparaanan sa kanyang ikabubuhay sa isang timbang na pagkakaayaw-ayaw.


300

Ang kawalan ng damdaming pambansa ay nagtataglay ng iba pang kasamaan, na dill iba kundi ang kawalan ng pagtutol sa mga pamalakad na makasisira sa bayan, at ang kawaIan ng pagkukusa sa anumang bagay na maaaring ikabuti ng bayan. Ang tao sa Pilipinas ay isa lamang katauhang hiwalay, at hindi kakatnig ng isang bansa. Inalisan siya at binawian ng karapatan sa pakikisama at dahil dito'y naging mahina at batugan. Ang Pilipinas ay isang katawan na ang mga laman ay hindi nararapat magkaroon ng ugat na dadaluyan ng dugong magpapasariwa sa kanya, ni ng mga litid na pananalaytayan ng mga damdamin; ang mga lamang ito, gayunman, ay nararapat magbigay ng kanyang nagawa, kunin ito kung saan man niya makukuha; kung sila'y mamamatay ay mamatay sila. Ito, ang sa akala ng ilang tao'y siyang nababagay upang ang isang bayang sakop ay maging maunlad. Ang ibinubunga nito'y kung may ilagdang isang kautusang nakasasama ay walang sinumang tumututol, sa malas, ang lahat ay nagpapatuloy na mabuti, hanggang sa dakong huli'y mapagkilala ang kasamaan. Ito'y isa pang tabad at sa dahilang ang katawan ay walang mga litid at hindi rin pina-kikinggan ang manggagamot, sa paniniwalang ang paggamot ay hindi makasasama, ay ipinagpapatuloy ito. Nangangailangan ng isang pagwawasto, datapuwa't sa dahilang hindi siya nararapat mags alit a , ay hindi siya kumibo, at naiiwan siyang angkin sa sarili ang pangangailangan. Ni.. nanasang kumain ng maysakit, ninanasang lumanghap ng malayang hangin; datapuwa't sa dahilang ang ganyang mga nasa'y maaaring makasugat sa damdamin ng manggagamot na nag-aakalang naiutos na niya ang lahat ng kinakailangan, siya'y nagtitiis at nanghihina, sa takot na mabulyawan, magtiis na tumanggap ng isang panapal at isang bagong tabad. At gayon nga ang walang katapusang nangyayari. Tangi sa rito, ang pag-ibig sa kapayapaan at ang pangingilabot ng marami sa pagtanggap ng iilang katungkulan sa pangasiwaan, na nauukol sa mga Pilipino, dahil sa mga sukalng loob at mga kabalisahang idinudulot ng mga yaon ay naglalagay sa pamunuan ng mga bayan, ng mga lalong hangal at walang kakayahan, ng mga yumuyukod sa lahat ng bagay, ng mga maaaring magtiis ng lahat ng humaling at kahilingan ng kura at ng mga may kapangyarihan. Kasama ng ganitong kahangalan sa mababang baitang ng kapangyarihan, at ng kamangmangan at kabalbalan sa


301

dakong itaas, sa madalas na pagpapalit at walang-hanggang pag-aaral, kasama ng malaking takot at maraming salabid na pampangasiwaan, kasama ng isang bayang walang tinig, walang pagkukusa, kasama ng mga kawaning walang inaatupag kundi magkamal ng puhunan at makauwi sa kanilang bayan, kasama ng mga naninirahang boong pagtitiis na namumuhay sa sandaling sila'y makahinga-hinga, ay itatag ninyo ang kasaganaan, ang pagsasaka, ang industriya, magtatag kayo ng mga hanap-buhay, mga samahan, mga bagay na mahirap umunlad maging sa mga bayang malalaya't matibay ang pagkakatatag. 00 nga! Walang mapapala ang lahat ng pagsubok na hindi nagbubuhat sa malalim na pag-aaral ng kasamaang aming idinaraing. Ang ilan, upang malabanan ang katamaran, ay minarapat na dagdagan ang mga pangangailangan ng indiyo, taasan ang mga bu~ris, at iba pa. Ano ang nangyari? Naragdagan ang mga salarin, nag-ulol ang karalitaan. Bakit? Sa dahilang ang indiyo'y mar ami nang pangangailangang hinaharap sa simbahan, sa mga pagdiriwang nito, sa mga pamunuan ng balangay, mga paglalangis at mga suhol na kinakailangang gawin upang dumulas ang abang pamumuhay niya. Ang lubid ay labis-Iabis nang napipiting. Nakarinig kami ng maraming karaingan, at nababasa namin araw-araw sa mga pahayagan ang mga pagpipilit na ginagawa ng Pamahalaan upang mahango ang bansa sa katamarang kinadoroonan. Kung hahatulan natin ang kanyang mga balak, mga pagkabigo at mga kagipitan, ay sumasagi sa isip namin ang ala ala niyaong naghahalamang nagnanais na mapalaki nang mabulas at malago ang isang punung-kahoy na itinanim niya sa isang maliit na paso. Ginugugol ng naghahalaman ang mga araw niya sa pagpapataba at pagdidilig sa sandakot na lupa, madalas na pinupulak ang halaman, binabatak upang pahabain at madaliin ang paglaki, dinurugtungan niya iyon ng mga sanga ng sedro at ensina, hanggang sa isang araw ay namatay ang maliit na punungkahoy, at naiwan ang taong naniniwalang siya'y kabilang sa isang uring mababa, at ibinubuhat sa lahat ng bagay ang pagkabigo ng ginawa niyang pagsubok, maliban sa kakulangan ng lupa at sa kanyang walang ngalang kabaliwan. Kapag walang pagtuturo at walang kalayaan, iyang lupa't iyang araw ng tao, ay walang pagbabagong maga-


302

gawa, walang kaparaanang makapagbibigay ng bungang ninanasa. Ito'y hindi nangangahulugang hinihingi namin, unang-una, para sa indiyo ang pagtuturo ng isang pantas at ang lahat ng mga kalayaang pinangangarap upang pagkatapos ay pahawakin siya ng isang asarol 0 ilagay siya sa isang talyer; ang gayong pagtatangka ay magiging isang kabalighuan at isang walang katuturang kabalbalan. Ang ninanasa nami'y huwag siyang hadlangan ng mga sagabal, huwag nang dagdagan pa ang maraming sagwil na idinudulot ng singaw ng lupa't ng kinaroroonan ng mga pulo, huwag siyang kulangan ng pagtuturo sa takot lamang na baka kung siya'y makaunawa na, ay humiwalay sa bansang nakasasakop 0 humingi kaya ng mga karapatang magiging karapat-dapat sa kailya. Sa dahilang malao't madali ay magiging mulat siya, naisin 0 hindi man naisin ng Pamahalaan, ang pagkakamulat na iya'y maging parang isang handog sanang tinanggap at hindi isang naagaw sa pinanalunan. Ninasa naming ang politika'y paminsanang maging matapat at makatwiran sana 0 kaya'y maghasik ng kabihasnan at walang imbing paglilihim, walang pagkukulang.tiwala, walang pagkatakot ni pagtatanim, na nagnanasa ng kabutihan dahll sa kabutihan, ng kabihasnan dahil sa kabihasnan at walang kinikimkim na kaisipan sa pagkilala ng utang na loob 0 ng kawalang turing, 0 kundi kaya'y matapang na mapagsamantala, mapaniil at masakim, nang walang pagbabalat-kayo't panlilinlang, sa pamamagitan ng isang pamamalakad na inisip na mabuti at pinag-aralan upang makapangyari at nang siya'y sundin; upang makapagutos nang makapagpayaman at makapagpayaman upang guminhawa. Kung ang pipiliin ay ang una makatitiyak ang Pamahalaan na balang araw ay mag-aani siya ng bunga at matatausan niya ang isang bayang kanyang-kanya sa puso't mga kapakanan; walang makakatulad ang isang pagmamagandang-Ioob upang mabihag ang pakikipagkaibigan 0 ang pakikipag-alit ng mga tao, kung pinamumuhunanan ng kabutihang loob 0 kung ipinamumukha't ipinipilit kahit ayaw. Kung pipiliin naman ang kaparaanan ng pagsasamantala, na agpang at maayos, at lulunurin sa taginting ng ginto at sa kinang ng kariwasaan ang damdamin sa pagsasarili ng mga taong nasasakop, na sinusuklian ng kayamanan ang kawalan ng kalayaan, gaya ng ginagawa ng mga ingles sa Indiya, na bukod sa rito'y inihahabilin nila sa ilalim ng pamamahala


303

ng mga pinunong tubo roon, kung gayo'y magbukas ng mga daan, mag-ayos ng mga 1ansangan, mag1atag ng mga daangbaka1, pasig1ahin ang ka1ayaan sa panganga1aka1; na anupa't haraping 1a10 ng Pamaha1aan ang mga kapakanang pakiki- . nabangan kaysa mga kapakanan ng apat na kumbento; magpada1a ng mga kawaning matatalino na magpapasig1a't magpapaun1ad sa industriya; ng mga hukom na mapanghawak sa matuwid, na pawang mabuti ang bayad, na hindi nangungumit 0 nagpapasuhol, at nagwawaksi ng 1ahat ng pagsangka1an sa relihiyon. Ang politikang ito'y may ka1amangan sa dahilang kung hindi magugupiling nang 1ubusan ang mga hilig sa ka1ayaan, sa araw man lamang na ang inang Espanya ay mawa1an ng mga bayang sakop ay maitatago naman niya ang gintong nalikom at hindi siya magdaramdam sa pag-aalaga't pagpapalaki sa mga anak na wa1ang turing 0 walang utang na 100b. JosE

*

*

}

RIZAL


MGA PAGHIHIGANTING DUWAG Nakatanggap kami ng isang pahatid-kawad buhat sa Hongkong, na may petsa ika-14 ng Agosto, na ibinabalita sa amin ang pagkakapaghanda ng isang kasulatang Pampamahalaan laban kina G. Paciano Mercado, Silvestre Ubaldo, Antonio at Leandro Lopez Mateo Elejorde at iba pa, kapatid, bayaw at mga kaibigan ni G. Jose Riza1. 1 Si G. Manuel T. Hidalgo, bayaw rin ni Rizal, ay makalawa nang ipatapon sa Bohol nang hindi man lamang nilitis, hindi man lamang pinahintulutang makapagtanggol sa sarili, hindi ipinaalam sa kanya kung ano ang kanyang kasalanan, liban na sa pagiging bayaw ng may-akda ng Noli Me Tangere/ isang kathang inaakala ng mga prayle na nakapipinsala sa mga kapakanan nila. Si G. Mariano Herbosa, bayaw rin ni Rizal, at namatay sa sakit na kolera, ay inilibing sa labas ng libingan. Ipinagkait sa kanya ang lahat ng pagpaparangal ng relihiyon gayong siya'y nagbuhat sa isang angkang pinagkakautangan ng simbahan ng bayan, ng lahat ng larawan ng mga santong sinasamba sa mga dambana nito; gayong ang kalahati, kundi man tatlong ikapat na bahagi ng lahat niyang kayamanan ay ginugol sa mga damit ng mga santo, sa mga karo, sa mga limos, at sa mga banal na kaloob. Ang simbahan ng Kalamba,3 0 sa lalong tumpak na sabi, ang namamatnugot niyaon, ay di nakaaalaalang lubos ng mga kabutihang ginagawa sa kanya. Totoo rin naman na ang tagapamatnugot na iyon ay isang batang hindi namin nalalamang may pangalaala para sa anumang bagay, maliban sa kanyang mga hindi matunaw at katawa-tawang mga pangaral. 1. Si Paciano Mercado ay pangalawang kapatid ni Rizal, at siyang tanging kapatid na lalaki nito. Si Silvestre Ubaldo ay asawa ng kapatid ni Rizal na si Olimpia Rizal. Si Antonino Lopez ay bayaw din ni Rizal, asawa ng kapatid nitong si Narcisa Rizal. Si Leandro Lopez ay kapatid ni Antonino Lopez. Si Mateo Elejorde ay isang kilalang pannaseutiko at may botika nang panahong iyon sa Kalamba, at kaibigan ni Jose Rizal. 2 Ito ang kauna-unahang nobelang sinulat sa wikang Kastila ni Rizal at itinuturing na ebanghelyo ng lahing Pilipino. Ang Noli Me Tangere ay isinalin sa mga wikang ingles, aleman, pranses at iba pang wikang dayuhan, bukod pa sa pagkakasalin sa iba't ibang wikain sa Pilipinas, gaya ng Tagalog, Bisaya, nokano, Kapampangan, Bikol at iba pa. . 3 Ang Kalamba ay siyang bayang kinakitaan ng unang liwanag oi Jose Rizal, sakop ng lalawigang Laguna, pulo ng Luson, Pilipinas.

304


305 N ababatid namin kung paano nabuo ang mga kasulatang pampamahalaan 4 at marapatin nawa ng Dios na yao'y hindi pagsisihan pagkatapos ng mga may kinalaman sa pagkagawa. Ang mga sinawi ay pawang mga mamamayang tahimik at marangal, at ang pinakamalaking sala nil a sa mga mata ng mga nagsisiusig sa kanila ay ang magandang halimbawang ipinakita nila, at ang paghanap, sa isang paraang karapatdapat at marangal, ng kanilang ikabubuhay. Ang kalupitan sa Pransiya'y nagkaroon ng Bastilya; ang kalupitan ng Ingkisisiyon, ay ipiqagkaroon ng kanyang mga hatol at mga pagpapahirap; ang Pilipinas ay may mga pagkalimot at pagpapatapong walang matuwid. 5 Tila may ilang may matibay na pagtitikang ipakilala sa mga pilipino, sa pamamagitan ng gawa, na doo'y isang kahangalan ang mabuhay nang marangal dahil sa pagtitiwala sa bisa ng mga batas; at sa isang bansang magusot ay isang malaking kasalanan ang pag-iisip ng katahimikan at paggawa nang walang ibang hinihingi kailanman sa Pamahalaan maliban sa pahintulutan silang makapagbungkal nang payapa ng mga bukid ng mga ninuno nila. Tingnan natin kUlllg sino ang unang mags asawa, kung ang mga mapaghamon 0 kung ang roga mamamayang tahimik sa Pilipinas. 6 Katungkulan ng Pamahalaan ang paglalapat ng lunas sa ganitong mga kaimbihan, sa dahilang maminsan-minsan, ang Pamahalaan ay siyang nagbabayad ng mga salaming. basag. 7 â&#x20AC;˘ Ang tinatawag nil kasulatang pampamahalaan ay ginagawa laban sa lahat ng pilipinong sa anumang kadahilanang walang katuturan ay minamasama ng kurang prayle ng isang bayan 0 kaya'y ng mga may kapangyariban sa simbahan. Karaniwan itong ginagawa nang di binibigyang pagkakataon ang isang pinararatangan upang makapagtanggol sa kanyang sarili; at ang karaniwan ding maging kaparusahan ay ang pagpapatapon sa ibang bayan 0 pul6ng malayo kung di man ang pagpalo 0 malupit na kaparusahan sa isang pinaguusig. & Ito'y nauukol sa mga pagpapatapong ginagawa nang walang matuwid ni kadahilanan sa mga pilipinong hindi kadamdamin 0 kaisipan ng mga may kapangyarihan sa simbahan. Ang matandang ina ni Rizal ay isa sa mga nagdanas ng ganitong pamamaraan dahil lamang sa siya ang ina ni Dr. Rizal. Iyan ding kaparaanang iyan ang ginawa kina pari Burgos, Gomez at Zamora nang sila'y ipapatay sa Bagumbayan, at nang kahulihulihan ay si Rizal, nang ito'y ipatapon sa Dapitan, na nagwakas sa pagkakabaril sa kanya sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896. "Ito'y isang maliwanag na pagbabala sa mga maykapangyarihang kastila hinggil sa kilusang mapanghimagsik na pinangunahan ni Andres Bonifacio, at humangga sa pagbagsak ng kapangyarihan at pananakop sa Pilipinas ng mga kastila. 7 Ang ibig sabihin nito'y "sa kasalanan ng iba ay siya ang magdusa".

* 006700- ' 20

I/<

*


TUGON KAY GINOONG ISABELO DE LOS REYES (Inilathala sa La Solidaridad nang ika-31 ng Oktubre ng 1890.)

Ang bantog na mananalaysay na Pilipino na si G. Isabelo de los Reyes, ay may sinulat sa kanyan.g Historia de Iloeos (Kasaysayan ng Iloko) (i~alawang pagkalimbag, panig 104) na isang pansin, at dito, pagkatapos na ako'y paunlakan ng isang mabuting kuro dahll sa aking pagkamakabayan (sic) (ganito ang kanyang sabi) at sa aking mga paliwanag sa akda ni Morga, hinggil sa mga kuru-kurong makaagham a.t makakasaysayang nasasaad sa naturang aklat, ay idinugtong niya: "Nguni't inaakala kong iyon ding kapuri-puring pagkamakabayan niya'y bumubulag na manakanaka sa kanya, at ang isang mananaysay ay nararapat na maging mahigpit na walang kinikilingan; hindi ko sinasab~g ang mga pilipinong nakatira noon sa baybayin ng dagat ay ganap na kaisa sa kabihasnan ng ating mga kapanahong tagabundok; datapuwa't gayunman, ang pagkapalaasa ng nasabing mangangatha ay nagiging masimbuyo sa Hang dako, na anupa't ang mga kat ali was an ay siyang ipinalalagay na tuntuning panlahat, at patumbalik; nararapat isaalang-alang ang pagkakaisa ng mga mangangathang walang anumang dahilan upang magbulaan tungkol sa mga pangyayaring ito: ang tunay na uri ng kabihasnang iyon, at ang hanggan ngayo'y naiingatan pa sa nasabing kabihasnan sa mga kasalukuyang kaugalian ng bansa. Ito'y sinasabi ko upang maipaZiwanag ang ilang pagkakaiba ng palapalagay niya sa akin sa kabanatang ito't sa sumusunod."

Aywan ko kung hanggang saan magiging matino para sa isang tao na ang sarili'y gawing hukom ng ibang kapantay niya, dahillamang sa pangyayaring ang kanyang mga kurukuro'y naiiba sa kuru-kuro ng iba, lalo na kung ang pinaguusapan ay mga suliraning hindi pinanghimasukan ng isa't isa sa kanila bilang mga saksing kaharap 0 kaya'y mga tauhang may katuturan sa mga iyon. Datapuwa't ito, na kung sa iba nangyari'y maaaring punahing isang walang kabuluhang kapangahasan, ay hindi maaaring bansagang gayon sa panitik ni Ginoong Isabelo na napakagaling na magpa306


307

kahulugan sa mga mananaysay ng Pilipinas. 1 Dinaramdam ko lamang na hindi tiniyak na laIo ni Ginoong Isabelo ang aking mga pagka-palaasa, sa dahilang gaya ng napakadakilang magsabi ng mga bagay na panglahat hinggil sa isang kathang may labis na kahabaan, napakadali ring sahihin sa isang taong siya'y isang hangal 0 isang mangmang, sapagka't, sino ba ang hindi nakagawa kahit minsan ng mga kahangalan 0 kaya'y hindi nakaalam ng isa sa napakaraming bagay na kinakailangang malaman ng isang tao? Gayunman, sa pagbasa ng dalawang kabanatang tinutukoy ni Ginoong Isabelo ay inaakala kong natagpuan ang mga pagkakaibang aming kinahulugan, at kung mga pagkakaiba nga 0 hindi ay naito: Sa panig 102 ng kathang nabanggit ay sinasabi ni Ginoong Isabelo: "Si Morga at ang iba pang mangangatha ay nagpapatotoo na ang tungkulin ng Agturay (ang namamahala) . . .

Binasa ko si Morga 2 nang may makapitong ulit at hindi ko natatandaang siya'y nagsalita kailanman tungkol sa anumang agturay; ayw,n kung si Ginoong Isabelo, sa udyok ng kapuri-puri niyang hangarin na ilukanuhin ang Pilipinas, ay naniniwalang nababagay pagsalitain ng ilukano si Morga. Totoo ngang sinabi ng mangangathang ito, nang ilarawan ang mga kaugalian ng mga tagalog, na yaon ang mga karaniwang laganap sa lahat ng mga pula; nguni't ihig sabihin nitong ang mga kaugaliang ilukano ay siyang umiiral. Isa pang pagkakaiba, na sa anu't anum an ay maliit, ang tungkol sa ngalan ng hari sa Sebu. Alinsunod kay Ginoong Isabelo ang ngalan niya ay Hamabao; sa tunay na sinulat ni Pigafetta sa Aklatang Ambrosiyana, ang ngalan niya ay Hamabon, at marahil ay maaaring Humabong. Nguni't napakaliit ang bagay na ito, sa dahilang may mga mananaysay na tumatawag sa kanyang Hamabar, gaya ng si LapuZapu ay tinatawag na Calipulako at iba pa. Datapuwa't ang malaking kaibhan ni Ginoong Isabelo sa aha kong pagkatao, 0 sa lalong tumpak na sabi, ng dakilang mananaysay na Ilukano at si Morga (sa dahilang wala !sang paraan ng panunuya ni Rizal. 2 Tinutukoy ang "Suce~os de las Islas Filipinas" na nilagyan ng mga tala ni Rizal nang ito'y nasa ..Paris noong 1890, at sinulat ni Antonio de Morga, naging pansamantalang Gobernador Heneral ng Pilipinas. 1


308

akong ibang ginawa kundi bumanggit ng mga sinulat ng mga mangangathang kapanahon ng mga pangyayaring iyon 3 ay nas3ÂŁalig sa paghahangad ni Ginoong Isabelo na palabasing mga angkan ng mga tulisan ang ating mga angkang mararangal nang unang panahon, na ang mga anak ay kaaway ng kanila ring mga magulang; at ang pinanghahawakan niya ay ang pagpapatotoo ni P. Rada, na pinagtibay ni pari S. Antonio, isang tagapag-ipon ng mga ulat na napakahuli, nguni't huling-huli. Ito'y palagay ko, ang suliraning ipinagbigay-dangal sa akin ni Ginoong Isabelo, ng aming pagkakaiba, sapagka't sa hulihan ng talatang bumabanggit niyaon, ay itinitik niya ang pagpuri sa aking kagitingan at iba pa. Hindi ko maipangangalandakan ngayon ang pagiging tagapalakpak ng kagitingan, kahit na sa kaibuturan ng aking puso'y iginagalang at hinahangaan ko ang pananalig sa paggawa ng tanyag na mananaysay upang itampok ang kanyang bayang tinubuan sa kabila ng di-kakaunting sarna ng loob na ibinibigay sa kanya ng gawain. Nab ab atid kong mabuti na si Ginoong Isabelo ay isang makabayang katulad ng lalong makabayan, at dahll lamang sa pangyayaring pinuri niya ang aking mga damdamin, ay hindi nagpapatunay na hindi lamang hindi naiiba ang damdarnin niya sa akin, kundi siya'y mayroon pang ikinahihigit. N guni't pagbalikan natin ang ating pagkakaiba. Nabasa ko rin ang salin sa wikang Pranses ng sulat-kamay ni P. Rada, 4 na dinala ng makasilanganing si Jacquet sa Nouveau Journal Asiatique, na binabanggit ni Ginoong Isabelo, na umano'y kasang-ayon niya. Palibhasa'y nabasa ko iyon pagkatapos na mabatid ang lahat ng sinasabi ni Pigafetta, Chirino, Morga, Argensola, Colin, San Agustin, Aduarte 5 at iba pa, ako'y nagtaka nang gayon na lamang nang makita kong si P. Rada ay hindi lamang hayag na kasalungat ng mga iyon, kundi isa pa'y napakalabis sa di-pagkamapag-asa, na napilit tuloy akong magtapat ng aking pagtataka sa kaibigang Blumentritt. Sa katunayan: â&#x20AC;˘ Ang mga kuru-kurong ito ay batay sa mga patotoo nina Pigafetta, Chirino, Morga, Argensola, Colin, San Agustin, Aduarte at iba pa. A Ang mga kuro't palagay na ito ni G. Isabelo de los Reyes ay batay sa sinulat ni P. Rada, na isa lamang sulat-kamay. 1\ Ito ang mga mangangatha ng kasaysayan ng Pilipinas na binabanggit sa Big. 3 ng paliwanag na ito.


309

kung paniniwalaan si P. Rada (ang sulat kamay niya'y sinulat sa Kalumpit), ang mga bayan-bayan sa Pilipinas ay pawang mga bayan ng mga mamamatay-tao, magnanakaw, manghilharang, at mga duwag; ang mga ina'y mga halimaw, na pumapatay ng mga anak nila kapag mar ami na ang mga ito, at ang mga anak naman ay pumapatay ng kanilang mga magulang, at iba pa. Pagkabasa ko ng pagkakalarawan ni P. Rada ay itinanong ko sa sarili kung yao'y sinulai ni P. Rada pagkatapos na siya'y walang-habag na paluin ng mga insik, 0 kaya'y sa hangad na mapanaig lamang ang pangangailangan at kahalagahan ng mga misyon ng mga kat6lik6, katulad ng nakaugaliang gawin hanggang ngayon. Nasasalungat kay P. Rada si Pigafieta, nang sabihin nitong : Questi popoli vivono con guistizia avendo pesi e misure; ang buong pagkakasalaysay niya ay nagpapatotoo sa mga kaugaliang tahimik, mahal at mapitagan sa mga bayang yaon. Tungkol kay MQrga, ay hindi na ako kailangang magsalita pa. Si P. Chirin'Q'y totoong namangha sa harap ng pamimitagang ipinakikita ng mga anak sa kanilang mga magulang, na hindi niya maubos isipin kung bakit ang mga anak ay hindi makapangahas bumigk as kailanman ng ngalan ng mga magulang. Tungkol kina Argensola, Colin at San Agustin, ay hindi na rin ako magsasabi ng anuman. Pinatutunayan ni Aduarte na bagama't madali para sa mga pilipino ang pagdidiborsiyo ay hindi na sila naghihiwalay kapag nagkaroon ng anak dahil sa pagmamahal sa mga ito. Aywan ko kung sa bagay na ito, akong nanghahawak sa pitong pagpapatotoo ng mga mananaysay na kapanahon ng pangyayaring iyon, ay siya pang kataliwasan, at si Ginoong Isabelong nanghahawak lamang sa iisang kasulatang-salin at sulat-kamay, ay siyang nagsasabi ng tuntuning pangkalahatan; nababatid kong ang kapangyarihan ni Ginoong Isabelo ay makapitong higit kaysa akin; datapuwa't akong kasama ng aking pitong mangangatha, at siyang kasama ni P. Rada niya, ay maaari na kaming magkasintimbang, kung ito'y, hindi niya isinusukal ng loob6 Totoo ngang sinabi ni Pigafetta na: quando i genitori eran vecchi piu non sen facea conto ma passava il comando ai figliouli (kapag tumanda ang mga magulang, ay hindi na 째!sa pa sa matulis at maki.rus na pangungutya ni Rizal.


310 sila pinagsasanggunian bagkus ang pag-uutos ay nasasalin sa mga anak); nguni't sa pangungusap na ito'y hindi maaaring hinuhain na "lahat halos ng mga hari-harian (caciques) ay malulupit at nakapagtamo ng kanilang katungkulau sa pamamagitan ng pangungulimbat at kabuhungan," na gaya ng sinasabi ni Ginoong Isabelo at pinangalawahan ni P. Rada. Kung ang mga anak ay nagmamana sa bisa ng isang kaugalian, samakatuwid ay hindi sa pamamagitan ng pangungulimbat at kabuhungan. 7 Ang pangyayaring ipinagkakaloob ng mga magulang, kapag sila'y matatanda na, ang kapangyarihan sa mga anak, ay walang katuturan: 8 sa EurOPa ay nangyayari pa hang gang ngayon na ang pakikidigma'y naging isang agham, na ang matatandang kawal ay nagkakaloob ng kanilang tungkulin sa mga bata; isinalin ni Carlos V ang kaharian kay Felipe II; ang Hari sa Olanda, ay ipinahayag ngayon na walang kakayahan sa pamamahala, at iba pa. Sa dahilang ang mga pinuno na rin ay siyang nangangailangang mangulo sa mga pandarayuhan; ano ang dapat ipagtaka kung laging pinipili ang mga bata? At isa pa, ang pangyayaring si Humabon 9 ay hindi pa hinahalinhan ng kanyang tagapagmana, ay hindi ba nagl>apatotoo na ang mga .paghahaliling ito'y ginagawa lamang sa katandaan? At ang pagkakaroon ng Rahang Matanda sa Maynila, bagama't mayroong ding Rahang Mura o Bata,10 ay hindi ba nagpapakilala kay Ginoong Isabelo na ang paggalang ay lagi nang iniuukol sa mga matatanda sa Pilipinas? At ang mga kasalukuyang kaugalian ng mga pilipino, ang pagmamahal at pagsunod nila sa mga magulang, ang paggalang na nasumpungan nina Colin at Chirino na parang isang pagdidiyos ay hindi ba maliwanag na katotohanan ng kabutihan n gangkang Pilipino? May natatala bang mga pagpatay sa kamag-anak 0 pagpatay sa mga sanggol sa Pilipinas, gaya ng sa maraming bansang kat67 Ipinakikilalang ang bayang pilipino, kahit na nabubuhay sa karalitaan ay mapanghawak na lagi sa matuwid at sa katarungan. 8 Isang kaugaliang pinagmanamanahan ng mga pilipino, kahit na noong panahon ng kasalatan sa kabihasnan ng ating mga ninuno, at nagpapakilalang tayo'y hindi naiiba sa kaugalian ng mga bansang bihasa sa Europa at Amerika. v Ang pangalang Humabong ay kilala sa Maragtas. 10 Ang pamagat na Raha ay siyang itinatawag sa makapangyarihang pinuno ng isang pula 0 lalawigan bago dumating dito ang mga Kastila.


311

lik6 sa Europa?l1 Kung wala sana kaming mga tiyak na katibayan ng pag-ibig ni Ginoong Isabelo sa bayang tinubuan, disi'y makapaghihinala kaming ang sanhi ng kanyang labis na paniniwala kay P. Rada ay ang tangkang siraang puri at ibaon sa karimlan ang kanyang mga kababayall upang makalikha ng isang tabing na panlikod na maka.. pagpapatingkad sa sariling katauhan niya. Pinaghahati.. hati ba ng mga anak ang ari-arian ng mga magulang habang ang mga ito'y nabubuhay pa, gaya ng ginagawa sa maraming bansa sa Europa? Ito ba'y nangyayari sa Ilokos ?12 Bakit kapag ang pinag-uusapa'y tungkol sa Pilipinas ay binibigyan ni Ginoong Isabelo ng higit na kapangyarih an ang k allinaan ng pag-asa ni Pari Rada, isa pang naghahangad ng sariling pagkakatanyag, kaysa kapangyarihan ng pitong man anaysay, at ng mga kaugaliang nakikita natin hanggang ngayon. Hindi namin inaakalang ang kadahilanan nito'y upang makamtam niya ang kagaanang-loob ng mga paring Agustino sa dahilang ito'y ~ang gawaing walang magiging kabuluhan, matapos na gumawa si Ginoong Isabelo ng kanyang ginawa. Mayroon pa akolllg mga kaibhan kay Ginoong Isabelo, laiD na tungkol sa s~liranin ng pananagalog. Yaong sabihing ang salitang catapusan sa tagalog ay nangangahulugan ng fiesta (pista), at ang salitang kabarkada ay (kapanahon) contemporaneo ayon sa kanya, at iba pa, ay mga bagay na ayokong ipakipagtalo ngayon sa kanya sapagka't ayokong gugulin ang panahon sa pagtuligsa sa mga walang kak abukabuluhang bagay sa kakaunting kaluwalhatian ng aking bansa. Baka sabihin sa aking ak o'y naiinggit, at bukod sa kami'y kakaunti ay hindi pa nagkakasundo. Dapat malamang si Ginoong Isabelo ang nagpasimuno n g suliraning ito; na hanggan ngayon ay wala akong sinabi tungkol sa kanya kundi may kalakip na paghanga't pe,gpipitagan, kahit na ako'y hindi kasang-ayon ng marami niyang palagay, palibhasa'y lagi nang naniwala akong hindi U Ktmg hindi man mga bihasa at salat sa pinag- aralan ang ating mga ninuno bago umahon sa dalampasigan n atin ang mga Kastila, ay hindi maitatangging angkin na n atin ang magandang kaugalian at nakauunawa n a tayo n g m ga tuntunin ng matuwid at mabu ting kaasalan sa pamumuhay at sa pagsasamahan. 12 Maging sa Kailok ohan , ay k augaliang sinusunod na papanatilihing bu o at di nasisira ang kayam anang iniwan ng mga magulang sa kanilan g mga tagapagmana.


312

ako maaaring maging hukom niya, at sa dahilang kapag ang tinatalakay ay mga pangyayaring pangkasaysayan, ang pagpapatotoo ng mga kapanahon lamang ng mga pangyayaring tinutukoy ang maaring manaig, bagama't ang nasabing patotoo ay kailangan ding ipailalim sa pagsusuri't pagpuna. Kung ako'y binubulag 0 hindi ng aking pag-ibig sa inang bayan, ay maaaring makasagot ang pumintas sa akin dahil sa hindi ko tinutulan ang mga sinabi ni Morga tungkol sa babaing Pilipina; hindi ko minabuting pabulaanan ang isang bagay na natagpuan ko sa lahat ng mangangatha, gay a rin ng hindi ko matatanggap ang bagay na sinabi ng isang tao laban sa lahat ng matuwid. Tungkol sa suliranin ng kasaysayan ng kabihasnan ng mga Pilipino noong unang panahon, inaakala kong nabasa ko buhat sa pun6 hang gang dulo ang lahat ng mga mangangathang kapanahon noon liban kay P. Plasencia, at isa pang ang kinatha ay nawala. Kailanman ay wala akong pinatototohanan sa ganang sarili ko, bumabanggit ako ng mga sinulat, at kapag ako'y bumabanggit, ay nasa-harap ko ang aking binabanggit. 13 18 Kailanma'y hindi pinaninindigan at pinatutunayan ni Rizal ang isang bagay nang hindi sa pamamagitan ng mga tunay na pangyayari at ng mga sinulat ng mga kilalang mangangatha.

*

*

*


ANG MGA PAGLALABAN SA MGA ARAVv NATIN (lnilathala sa La Solidaridad ng ika-5 ng Nobyembre ng 1890)

Hindi namin susuriin sa lahat ng nilalaman ang akda ng kagalang-galang na republikano, na ang ngalang-ngalan lamang buhat pa noong una'y naging kasingkahulugan na ng agham, katumpakan ng pagmamatuwid at ng karangalan. Hindi maaring talikdan ng LA SOLIDARIDAD, na nagmamasakit sa mga kapakanan ng Pilipinas, ang larangang kanyang kinatayuan upang sumama kay Ginoong Pi na pumailanlang sa kaitaasang pinagtatalunan ng mga simulain, na bagaman nakapagliligtas nga, ay malayo namang maibagay sa kalagayan ng Pilipinas, alang-alang sa mga kasalukuyang pangyayari; ang lupa niya'y natatakpan pa ng makapal na sukal na hindi nagpapahintulot na tubuan ng anumang mabuting binhing maaaring mabuhay. Bukod dito, ang pagsaklaw sa buong akda at ang paghatol dito ay magiging isang kapangahasang di-maipatatawad sa amin, at sakaling ito'y tangkain ay makasusulat kami ng isang aklat na lalo pang makapal, bagaman labis-labis ang kawalan ng kabuluhan. Ipinauubaya nga namin sa iba ang pagsuri sa Ang mga paglalaban sa mga araw natin sa ilalim ng batayang pampanitikan 0 pampolitiko; pag-aaralan namin iyong hinggil sa nauukol sa pamumuhay ng mga bayan at ng mga tao sa kalahatan, lalo na ng mga bayang sakop, at pag-uukulan namin ng pansin ang mga kuru-kurong naaayon 0 nalalaban sa mga adhikain ng Pilipinas. 1 Anim ang salitaang nilalaman ng akda; ang unang tatlo ay kilala na ng madla buhat noong 1884, salamat sa dalawang pagkakalimbag na naubos sa napakadaling panahon; ang huling tatlong salitaan ay mga bago. Gayunman, sa dahi~ Ito'y minsan pang nagpapakilala kung gaano ang pagsisikap at pagmamalasakit ni Rizal sa kapakanan ng kanyang hayan. Hindi siya nagsasayang ng panahon upang huong tiyaga at sikap na maparangalan, maitampok at mapaunlad ang hayang pilipino, maging sa diwa, pagsasamahan, sa pamumuhay at sa politika.

313


3.14

Jang lahat ng iyon kaipala'y hindi nakikilala ng maraming pilipino, na makakapulot ng mahahalagang aral sa pagbabasa niyaon, ay pag-aaralan naming lahat, at bawa't isa'y masusing susuriin, maging sa pagmamatuwid at maging sa mga isipan. Sa unang salitaan ay isinasalaysay ang mga katangian ng dalawang pangunahing tauhan: si Don Rodrigo at si Don Leoncio. Ang nauna'y naging maka-Voltaire 0 walang pananampalataya noong kabataan niya, 0 kung di man, akala niya'y gayon siya. Mayaman, maligaya, mapalad, may mga dakilang katangian upang sumikat sa daigdig, ay natampok sa bayang natatangay niya sa kanyang mainit na kasiglahan, at nang mabatbat siya ng ningning ng mga kaisipang mapagpalaya, ay naging kinatawan, senador, ministro, pangulo, lahat ng maaaring matamo at manais. Buhat sa kataasang iyon, ay nahulog ang piring ng kanyang mga mata, gaya ng kanyang sabi; sa ~ga bagay na kinakikitaan niya noong una ng kasiglahan, ay w~la siyang nasusumpungan ngayon kundi mga simbuyong naR:aliligalig; sa rnga datirati'y kinasusunduan niya ng mga makatuwirang pagtutol, ngayo'y kinatitisuran niya ng nakabubugnot na kahilingan. Kaya, inaakala niyang isang tungkulin ang pumanig sa kaayusan, gayong marahil ay gumagawa siya nang dahil lamang sa sariling kapakanan, at pinagkakamalang mga kapakanan ng sangkatauhan ang sarili niyang mga kapakanan. Sa katunayan, sa dahilang wala na siyang iba pang mananais, si Don Rodrigo ay naging konserbador; nang siya'y maging pinuno ay ikinabubugnot niya ang mga kahilingan ng bayan at nagdalang-takot siya sa mga kaguluhan; nang masiyahan na't maisakatuparan ang kanyang minimithi, inaakala niyang ang sa iba'y nararapat na maging gayundin naman, at dahil dito'y hindi niya maunawaan ang lakad ng mga kuro-kuro, at sa halip na hanapin ang sanhi ng mga kaguluhan sa mga hangaring nabigo, iyo'y hinanap niya sa pinagmulan ng mga naturang pala-palagay at siya'y naging reaksiyonariyo at nagmamatuwid na gaya ng ama na sa halip na magbigay ng katutubo't masaganang kasiyahan sa lantay at makapangyarihang simbuyo ng kaluluwa'y nagnanais na paurungin ang binata at parusahan ito ng walang katapusang . kamusmusan. Sa kabilang dako, si Don Leoncio ay siyang kabaligtaran ni Don Rodrigo. Siya'y tinuruan sapul sa kamusmusan, ng


315

pananampalatayang kat6lik6 ng amain niyang isang paring mapag-alaala; pinaraan niya ang pagbibinata sa isang klaustro, sa pagsimsim ng pananampalataya sa mga aklat na mahihiwaga't kaayon ng pananampalatayang kat6lik6. Walang anumang kuru-kurong maka-agham, walang mga mithiing makabago, walang mga agham ng kalikasan. Sa mga pag-aalinlangan ng kanyang diwa, ang isinagot niya'y ang mga patibay ng pananampalataya; sa paghihimagsik ng kanyang katuwiran, ang isinasagot ay ang mga pahayag ng Diyos, at ang mga aral na ipinag-uutos na sampalatayanan; at sa malalakas na pagtutol ng kanyang budhi sa harap ng pagbabasa ng mga nasasaad sa Bibliya, na kinikilalang mga salitang galing sa Diyos, ang itinutugon ng amain niya'y ang mga parusa ng langit at ang ganap na pagbabawal. Datapuwa't namatay ang amain, pumutok ang digmaang pangloob (guerra civil), at walang masandalan; siya'y pumasok na kawal sa ilalim ng watawat ng naghahangad na maging puna, at ipagtatanggol, sa pamamagitan ng sandata, ang mga kaisipan at mga pananalig na natutuhan niya sa mga klaustro. Pagkata!"os ng digmaan, nangibangbayan siyang kasaIl\a ni Don Carlos 2 sa Pransiya, at sa Bretanya'y kinupkop siya ng isang angkang makahari. Sa pook na ito ay may nakilala siyang isang manggagamot na ang hinaharap ay ang astronomiya 0 ang pag-aaral ng mga tanglaw sa langit, at doon, sa pag-aaral ng mga langit, at sa harap ng dakilang aklat ng kalikasan, ay bumagsak na unti-unti parang mga punong inubos ng anay, ang mga walang kabuluhang kaalamang iniaral ng mga aklat sa klaustro. Doo'y nagsimula siyang mangatwiran; ang pagkamalas sa mga walang bilang na daigdig na umiikot sa paligid ng araw at nananalima sa mga batas na natatakda, ay nagpayanig sa paslit niyang paniniwala sa pamamaraang aral ni Ptolomeo;3 sa gayon ang Diyos niya'y unti-unting 2 Tinutukoy dito si Carlos de Barbon, na naghangad na maakyat sa trono ng Espanya. 8 Ito'y si Claudio Ptolomeo, taga-Alehandriya, Ehipto, bantog sa karunungan sa heograpiya at sa astronomiya, na siyang nagbunyag ng simu laing ang lupa ay nasa-kalagitnaan ng daigdig, at sa kanyang paligid ay umiikit ang araw at mga tala't bituin. Siya'y nabuhay hanggang taong 130 bago isinilang si Kristo. Ang kanyang pamaraan at simulain ay siyang nakapangyari't sinunod sa loob ng mahabarig panahon, hanggang sa pawalang-halaga ng pamamaraan ni Copernico, na naninindigang ang araw ang hindi kumikilos sa kalagitnaang kinaroroonan at ang lupa't iba pang mga tala at planeta ay nagsisiikit sa paligid noon.


316

nagpakilalang lalong dakila at kamangha-mangha, ang pangangatwiran ng tao'y inakala niyang siyang titis na ipinagkaloob sa tao ng kadiyusan upang siyang maging tanglaw sa buhay, at ang pananampalataya naman ay ipinalagay niyang tabing na pumapatay sa mga sinag niyaon. Itinakwil niya ang kanyang nakaraan, at pinapagbago siya ng matiyagang pag-aaral. Datapuwa't sipiin natin ang kanyang mga pangungusap: "Sa pagkagunita noon ng mga himala at ng pagkakatawangtao ng Diyos sa sinapupunan ni Maria, ay sumusungaw ang ngiti sa aking mga labi. Sa dahilang ang Iupa'y isa Iamang sa napakaraming planetang Iumiligid sa araw at tiyak na hindi naman siyang pinakamalaki ni pinakatangi; sa dahilang ang Iupa'y isa lamang sa hindi mabilang na bilog na naglilibot sa kalawakang walang hanggan, ay hindi maaaring ipalagay na tanging sa kanya lamang may nabubuhay na mga nilikhang may isip at wala ng mga ito sa ibang daigdig, na mayroong Ialong malaki 0 maliit na pang-unawa at lalong marami 0 kaunting sulak ng damdamin kaysa atin. Inaakala ko pa ring katawa-tawang amining ang Diyos, palibhasa'y nabubuhay siya't napakalaki ng naabot, ay makapapayag na bumaba sa bahay-bata ng isang babae upang tayo'y tubusin, at guluhin, alang-alang sa atin, na napakaliit na bahagi ng kalikasan, ang walang pagbabagong mga batas ng sandaigdigan."

Gayunman, sa land as na itong patungo sa kalayaan ng pag-iisip, hindi mamakailang humarap sa kanya ang mga pag-aalinlangan at ang mga dating pananalig upang hadlangan ang kanyang paglakad. Sa katanungang sumurot sa kanyang diwa hinggil sa kung maaaring magkaroon ng kabutihang-asal na hiwalay sa kaisipan ng Diyos, ay mataginting na tumugon ang kanyang budhi: "Upang pigHin ka sa kasamaan, sa ano kinakailangan mong malarnang ikaw ay tinitingnan ng mata ng Diyos, gayong sa akin ay rnayroon kang isang hukom na walang likat na nagsisiyasat, hurnahatol sa iyong mga hangaring lalong nakukubli, at lalo't higit sa iyong mga gawa; gayong ginagawa kong ikahiya rno ang sarili mong mga kaisipan, kahit na hindi rno sinasabi sa iba? Ang rnga masasamang hindi mapigil ng aking tinig, ay hindi rin mapipigil kailanman ng tingin ni Hehova ni ng kay Brahma."

At tumutugon ang kanyang nakaraan: "Ang kabutihangasal ay nangangailangan ng isang parusang igagawad kung labagin, sino ang makapagpaparusa kung walang Diyos?"


317

Ang pakli ng budhi ay: "Ako, na pumupuri sa iyo dahil sa kabutihang ginagawa mo, at umaaliw sa iyo, kapag dahil sa maling pagkakahatol sa iyo ay sinisiphayo't hinahamak ka; ako, na siya mong ipinagngingitngit at ipinagsisisi kapag masama ang iyong ginagawa, at nilalabo ko ang iyong mga layaw at kasayahan, kung dahil sa pag-aakalang ikaw ay nakagawa ng mabuti, ay pinuputungan ka't ibinubunyi.-At kung ikaw ay sumama? Hindi ako maaaring sumama nang hindi rin sasama ang iyong pangangatuwiran; kapag sumama ang dalawang ito, ang isipan sa kabutihan ay kasamang mawawala ng isipan tungkol sa Diyos, sakaling ikaw ay mananatiling sumasampalataya sa Dios." At idinugtong ni Don Leoncio: "N06'y naaalaaia ko ang maraming taong hindi napipigilan ng Diyos, at ang maraming kasalanang ginagawa sa ngalan ng Diyos; at palibhasa'y nararamdaman kong ako'y natalo . . . -At kung bukas ay maramdaman kong ako'y hinihila upang humanap ng kamatayan, maging sa udyok ng karangaIan, maging sa pagkapagod sa pagtitiis, maging sa udyok ng isang hangal na kabayanihan, ikaya mo ba akong pigilin?" Walang atubiling tumugon ang budhi: "00, kapag hindi mo wawaJing halaga ang aking tinig at diringgin ang tinig ng budhi ng madIa." At nagtapos ang tinig sa loob sa pagsasabi nang may malaking katotohanan: "Hindi ko mapipigil na lagi ang kasamaan; nguni't hindi rin laging napigil ito ng pananampalataya sa Diyos ni ng alinmang relihiyon." Sinimulan sa salitaang ito, na parang sa maliliit na paglalabu-labong ginamitan ng mga kakiia-kilabot na sandata, ang mga paksa ng mga hinaharap na salitaan. Pagkaraan ng salitang ito tungkol sa malayang isipan, ay sumunod ang katuwiran ng sariling pagtutoI, ang tagalikha ng lahat ng pagsulong, 0 kaya'y ang gawain ng pangangatwirang pansarili sa ibabaw ng sama-sama 0 pambayang pangangatwiran, ang hitik sa bungang pagtatagisan ng mga kuro at ISlpan. Kapag tinanggap ang kaIayaan ng pag-iisip at ang kabutihang-asal ng budhi, ay kailangang tanggapin din ang kaIayaan ng pagsamba; kailangang kilalaning ang tao Iamang ang maaaring pamahalaan ng kalooban niyang sarili, at ito ang pinagbuhatan ng simulain ng paghahalal.


318

Nang si Don Leoncio'y tanungin ni Don Rodrigo tungkol sa kanyang mga kaisipang pangkabuhayan, ang isinagot ay itong magagandang pangungusap na sumusumpa nang walang hanggan sa mga walang matuwid na pamamalakad na pinaiiral sa mga bayang sakop: -Kilanlin sa bawa't tao ang isang kataas-taasang katuwiran at tanggapin sa mga mamamayan ang isang walang katapusang di-pagkakapantay ng katayuan, ay inaakala kong isang kabalighuan. Tayong mga ta<;>'y hindi nagaangkin ng magkakaisang kakayahan ni magkaparis na lakas; nguni't kasang-ayon ng inyong ama at ng kanyang mga anak na ito'y hindi nagbibigay matuwid sa di-pagkakapantay ng mga karapatan. 4 Ang kaibahan ng lakas at ng kakayahan, tandaan ninyong mabuti, ay nauukol sa pagkakaiba-iba ng mga gawaing hindi maaaring di natin isagawa, upang matamo ang libu-libong layunin ng ating buhay. Samakatuwid, kung ang di-pagkakapantay-pantay sa mga karapatan ng mga tao'y nagiging kamuhi-muhi, gaano pa kaya kung ang piI).ag-uusapa'y mga bayan at buu-huong lahing kinaroroonan ng mga taong may iba't ihang lakas at kakayahan? Anong kapanagutan sa harap ng Diyos at ng mga inapo ng mga bayang, dahil sa lahis na pagkamakakanya 0 sa kasakiman, ay nag-alis sa iba ng kalayaang kinakailangan sa kanilang ipagiging mahuting-mabuti at ikauunlad? Sa pagtalakay sa lunas sa kaabaan ng napakaraming sawimpalad, ay sinabi ni Don Leoncio: "Ang lupa'y hindi maaaring di maging manang panlahat ng sangkatauhan, gaya rin ng hangin at ng tubig. Hangin, tubig at lupa ang bumubuo sa ating planet a at kinapapalooban ng tanang pagkukunan ng ikabubuhay at ng mga kakasangkapanin sa paggawa ng makatutulong sa pagbibigay kasiyahan sa ating mga pangangailangan. Kaululan ng mga kaululan ang lubusamg pagkakaloob ng mga iyon, at sa ilalim ng katibayang hindi mwbabawi, sa mga samahan at mga tao."

Ang buong tala tang ito sa panig 42, ay huong hapding aalingawngaw sa mga bayan-bayan sa Pilipinas. Doon, ang 'Sa Pilipinas ay halatang-halata ang di-pagkakapantay ng karapatan, 0 kaya'y ang halos kawalan ng karapatang iyan ng mga pilipino, bagkus pawang tungkulin lamang, madalas na pagkakabilanggo, pagkakatapon at mga pag-uusig.


319

mga lupa sa mga bayan-bayan, ang mga lupaing nagpapakain sa libu-libong mga tagaroon, ay ibinigay sa maliliit na korporasiyon ng mga tao, at ang mga taong ito'y ipinalalagay na wala nang kabuluhan at hindi na napapanahon. Ang mga prayle, na mga taong may panata ng pagpapakarukha, ay nagtatangkang kumamkam ng mga lupain sa mga bayang binungkal at dinilig ng pawis ng maralita upang sila'y makapamuhay sa kasaganaan at sa pagpapalalo, at sakaling may isang taong pangahas na humingi sa kanila ng mga katibayang pinanghahawakan nila sa pagmamay-ari, dahil sa wala stla ng mga ito at ng mga karapatang salig sa katwiran, ay ipinagtatanggol ang kanilang sinamsam na pag-aari sa pamamagitan ng lakas, lakas na itinutulong sa kanila ng isang Pamahalaang lab is na mapagparaya. Inuulit naming lahat ng pagtatalong nasasaad sa mga panig 42, 43 , at 44, na kinababanaagan ng mga pagsisikap ng mga Pamahalaan sa Europa upang malunasan ang kasamaang dinaralita ng maramin'g kulang-palad, ay susugat sa puso ng mga anak ng Pilipinas, na, sa kasaliwaang-palad, ang buong pagmamalasakit ng P~ahalaan ay nauuwi sa pagpiga at paghubog sa kapakanan ng napakaliit na kakaunti. Ang pagkakasalungatan ay hindi maaaring maging lalo pang kasaki t-sakit. 5 Sa paniniwala ng dalawang nag-uusap sa kahirapan ng suliranin, na di maaaring malutas sa ganang reaksiyonaryo o mapanghimagsik at maaaring malutas sa hinaharap sa ganang malayang palaisip, ay pinanghinayangan ng una ang matatandang panahon ng kamangmangan at ng relihiyon at binanggit ang kaligayahan ng mga taong-bukid, na iminungkahi niyang maging huwaran. -"Ang mithiin ba ng tao-ang putol ni Don Leoncio-sa ganang inyo, ay mabuhay na gaya ng pamumuhay ng mga magbubukid sa mga bundok na ito?-Sila ang pinakamaliligaya.-Datapuwa't sino ba ang nakatutupad nang lalong mabuti sa mithiin ng tao, sila ba 0 ang mga lumilinang sa kanilang isip at sa kanilang budhi; sila ba 0 yaong mga nakikipagbaka upang palawakin ang hanggahan ng ating kapangyarihan at ng ating mga kaalaman; sila ba 0 yaong 6 Sa talataang ito'y binuo ni Rizal, sa biglang turing, ang sanhi ng mga karaingan at hinakdal ng mga pilipino laban sa mga korporasyon ng mga prayle.


320 mga nagmamalasakit at nagbubub8 pa ng dugo upang matamo ang katarungan?" 6

At pagkatapos ay isinunod ang isang marikit na awit sa mga dakilang taong nagpaunlad sa sangkatauhan: kay Colon, kay Franklin, kay Fulton, Daguerre, Newton, at iba pa. Yao'y isang dakilang awit na kinatatalaan, sa malalaking titik, ng mga tagumpay ng katuwiran at ng katalinuhan ng tao, ng mabuting gawang ibinubunga, na sumibol sa gayong napakabanal na mga simulain, kahit na ang naging dulo noo'y mga pagpapakasakit at mga taong nasawi. Sa pagpuri ni Don Leoncio sa digmaan dahil sa kalayaa't katarungan, ay inakala ni Don Rodrigong naihapay na niya iyon sa pamamagitan ng ganitong bulalas: Banal na pakikidigma ang ginagawa laban sa Diyos na walang watawat maliban sa mga karapatan ng tao! Sumagot si Don Leoncio: Kung 1Jl,ay Diyos, hindi ba ito'y siyang katarungan? Ang pagtatatag nita ay pagtatatag ding lagi sa Diyos sa lupa! Sa pagtatangka 'ni Don Rodrigong masuhayan ang mga mapanghimagsik na kaisipan niya, ng ngalan ng Diyos, ay binanggit ni Don Leoncio ang komunismo ni Kristo, ang sa kauna-unahang Iglesia at ang sa mga sali't saling sabi sa mga ebangheliyo. Ang buong karugtong ng salitaan ay kapana-panabik, at sa panig 55 ay ipinahahayag na ang pag-aalinlangan ay siyang kasamaan ng panahon, ang pag-aalinlangan ay siyang kabutihan ng panahon, sa paggalang sa lahat ng naiibang pala-palagay. Ang pag-aalinlangan ay siyang unang pampasigla ng pagkakasulong; kung ang mga tao'y hindi nagalinlangan, maraming katotohanan ang malilingid pa sa atin hangga ngayon at mananatili pa sana tayo sa mga kaisipan ng matandang panahon: ang mga patutoo't mga pagtangging lubus-lubusan ay nanggagaling lamang sa mangmang na paghihinala 0 sa kataas-taasang karunungan; ang pagaalinlangan ay siyang ipinagiging mapagparaya ng tao sa mga kaisipang naiiba, ipinagiging mapagsiyasat at ipinagiging mapagmatyag sa lahat ng aral 0 karanasan. Sa susunod na bilang ay ipagpapatuloy namin, kung aming magagawa, ang pag-aaral sa ibang mga salitaan. o Ito'y isang matinding paglalahad ng dalawang kaisipan, na ang pagpili'y hindi sukat pag-alinlanganan.


321 II Ang ikalawang salitaan ay buong tapang na sinimulan sa suliranin ng pagkamayroong kaluluwa. Ang unang tauhan ni Pi y Margal, si Don Leoncio, ay hindi tiyakang nagsabing may diwa, datapuwa't naniniwala siyang may isang-bagay sa tao, na dapat mangusap nang naiiba kaysa katawan. At ang pananalig na ito'y isinasalaysay niya, hindi sa mga kawikaan 0 sa mga simulain ng pilosopiyang eskolastik6, kundi sa main gat na pagmamatyag sa ilang mga pangyayari, gaya ng hindi pagkakita, hindi pagkarinig at hindi pagkaramdam kung ang kalooban ay nabubuhos sa ibang bagay, ang kakayahan ng taong huminuha ng mga pasyang panlahat sa mga bagay-bagay, magudyok at huminuha ng pasiyang nauukol sa isang bagay buhat sa mga simulaing panlahat, humulo ng mga kahangganan ng isang simulain, tumuklas, lumikha ng mga bagay, maghambing, humulo ng mga kahihinatnan, at ang mahalagang pangyaya:Hng manak anaka'y nasisiyah;:m siya sa gitna ng lalong malalaking paghihirap ng katawan 0 kaya'y nagtitiis sa kaibuturan ng budhi sa kabila ng mga kagalakan ng katawan. A 19 kahirapan ay nasa-pagtiyak k ung ana ang isang bagay na iyan-ang tapos ni Don Leoncio. Ang bagay na itong di mati yak ay tinangkang suriin, ilarawan at iwasto ng mapangahas na pilosopiyang eskolastik6: pinangahasang sabihin kung paano dumoroon sa katawan ng tao at sa pagnanasang malaman ang lahat, ay di naiwasan ang pagkahulog sa mga kabalighuang katawa-tawa, na saclyang hindi mangyayari, gay a baga ng sabihing: ang tatlo ay isa, at ang isa ay tatlo: itinuturo ng pilosopiyang eskolastik6 na ang kaluluwa ay ganap na nasa-buong katawan at buo rin naman sa bawa't bahagi ng katawan, na hindi maaaring pagbaha-bahaginin, at maraming iba pa. Ang mga "materiyalista" sa kabilang dako, ay lubusang tu路路 matanggi na may kaluluwa at sila'y walang ibang tinatanggap kundi ang materya 0 bagay na nadarama, isang "fiuido" na madaling pukawin gaya ng nasa mga litid, mainit, elektrisidad, at iba pa. Minamabuti naming sabihin, gaya ni Don Leoncio: "Maaari nating makilala ang mga sangkap ng bagay na iyan sa anyo ng kanyang gawa at pagpapakilala, datapuwa't hindi natin nakikilala kung sino iyon ni kung ana iyon. Gayunman, palibhasa ang ating pang-unawa ay walang anumang nahuhulo 0 nawawatasan, kundi sa pamama006700--21


322

gitan ng isang anyong materyal 0 nadarama, kahit man lamang sa anyo ng isang malamlam na gas at manipis na gaya ng hangin 0 wagas na eter; palibhasa'y pati ng kaisipan ng kalawakan at ng kawalan ay napagkukuro lamang sa ilalim ng anyong di-kaayon ng isang bagay; sapagka't lahat ng bagay sa atin ay nabibihisan ng anyong materyal, na para bagang ang isang bagay na iyong nasa-kaisipan lamang ay hindi maaaring tumanggap ng anumang hindi maaaring madama, makita 0 maramdaman; ano pa ang kabuluhan ng karunungan? Hindi kaya maaaring hiyasan ng Makapangyarihan ng pang-unawa, pagkilos at pangangatwiran ang nadaramang bagay na angkop ang pagkakaayos? Wala ba ang bato-balani ng hindi nakikita't hindi nadaramang lakas ng panghalina? Wala bang katangian ang ilang gamot upang bumago ng kilos ng bagay na iyan? Hindi ba't sa mga nillkhang maramdamin ay napakalaki ang nagagawa ng musika gayong ito'y bunga lamang ng mga tunog na umaaliwiw? May ibang bagay bang lalo pang mahiwaga sa liwanag, na nakapaglalagos sa mga katawan nang hindi naman nababago 0 nagugulo ang mga ito, lumalaganap sa walang hang gang mga alon, 0 naiipon sa isang pook lamang, at naglalagusan nang hindi nagkakapinsalaan ni nagkakahalo ang kanilang mga sinag? Gayunman, ang bato-balani, ang kulay, ang tunog, ang liwanag ay pawang bunga ng bagay nt< nadarama. Kung ang nagkasalin-saling mga lahi ng tao ay lumaganap nang hindi nakakita kailanman ng isang bato-balani, ni hindi nakakilala ng mga batas ng paghigop, at sa di sinasadya'y nakamalas ng isang putol ng bato-balani at humihigop sa lahat ng kasangkapang bakal na naaabot niya, walang pagsalang sa una pang sandali ay pinag-ukulan disin iyon ng mga katangiang lalo pang makadiwa at lalo pang makakaluluwa kaysa iniuukol sa kaluluwa, na sa dulo't wakas at sa kabila ng lahat ng pagsusumakit niya, ay hindi maaaring . makapagpagalaw ng isang bagay na nag-iisa nang hindi gagamit ng mga lakas ng kalikasan. Bakit hahagapin natin ngayon ang isang bagay na walang katawan 0 di-nadarama (sakaling ito'y maaari nating hagapin) upang maipaliwanag ang mga pangyayari sa ating pagkatao? N akikilala ba natin ang lahat ng sangkap at ang lakas ng materya at ang iba't ibang kaanyuan nito? N asukat na ba natin ang kapangyarihan ng nagtakda sa kanya ng mga batas, upang itanggi na ang kakayahang umisip ay maaaring dumoon sa ilang "atomo" na angkop ang pagkakabuo at pagkakasama-


323

sarna? At kung tutukuyin natin ang suliranin ng pagkawalang-kamatayan, isa pang kaisipang nawawatasan natin sa pamamagitan ng pagtanggi-ay ano ang magiging sagwil, gayong sang-ayon sa lahat ng maaaring mangyar i, ang materya ay walang hanggan? Hindi namin itinatanggipaano ba naming maitatanggi-ang pagka-espiritung iniuukol sa kaluluwa, sa dahilan ding ang kaluluwa ay hindi namin nakikilala; ang inaaakala lam~ng namin ay hindi maaring di-magagawa ng Diyos, ni kasalungat ng materya, na ito'y magkaroon ng mga katangiang iniuukol sa isang espiritu. Sa ganang kay Ginoong Pi. 0 sa lalong tumpak na sabi'y sa ganang kay Don Leoncio, bagaman sinabing hindi niya nakikilala kung sino ang isang bagay na iyon g di-matiyak ay kumikiling siya sa pagka-espiritu ng kaluluwa, at sa pagsusuri sa mga katangian nito sa paglikha at pag-unawa sa buong kalikasan, ay tinutuligsa niya ang kuru-kurong ang kaluluwa'y maaaring maging isang "atomo" sa pamamagitan ng katanungang ito: "Maaari kayang magtaglay ng napakalaking kapangyarihan ang isang "atomo" ng kalikasan sa buong kalikasan? " At bakit hindi ?-ang itutugon namin, kung kami'y mga materyalista, nang buong pagpipitagang nararapat sa pilosopong katalan. Hindi ba't dumaraan ang isang napakalawak na tanawing ang nalalatagan ay napakaraming legwa kasama ng bulubundukin at mga lawa, sa maliit na durungawan ng balintataw ng mata upang masiping bU~ sa isang maliit na puwang na ang laki ay wala pang isang daling parisukat? At bukod dito'y hindi ang kaluluwa ang gumagawa sa kalikasan, manapa'y ang kalikasan ang gumagawa sa kaluluwa. Walang ginagawa ang kaluluwa kundi hindi tumanggap ng lakas ng kalikasan, unawain ito, pakahuluganan, at kapag tila may lakas iyon sa anumang bagay, sa katotohana'y pinababayaan lamang na ang kalikasan ay gumawa sa kalikasan din. Buhat sa pagkakaroon ng kaluluwa'y lumipat sila sa pagaaral ng pagkakapahayag ng Diyos. Sa bagay na ito'y napagkilalang si Ginoong Pi'y isang higante, gaya ng sinabi ng isa sa kanyang mga tag~puna. Pinaninindigan ni Ginoong Pi, at may matuwid naman siya, na ang lahat ng ipinalalagay na mga pagpapahayag ng Diyos ay naglalaman ng mga kamalian, mga kaisipan, mga kaalaman, at mga kaabalahan ng isip ng mga panahon,g inilitaw nila.


324 "Nagsalita ang Diyos ni Moises sa Genesis; at ano ang sinabi niyang wala sa karunungan ng mga hudiyo? Nagsalita si Hesus sa bibig ng mga Ebanghelista; at ano ang sinabi niya na hindi napapaloob sa Lumang Tipan at sa Pilosopiyang griyego?"

Sa pagsasabi ni Don Rodrigo, tungkol sa malalabong bahagi ng Bibliya, na "ang salita ng Diyos ay napakalalim na sa pamamagitan lamang ng paglilimi maaaring mahukay ang lihim na katuturan at kahulugan niya" ay masiglang sumagot si Don Leoncio. "Ano, kung gayon, ang kabuluhan ng pagkakapahayag kung ito'y nangangailangang pakahuluganan pa ng tao, kung nagbabago lamang ng kahulugan kapag ito'y siyang hinihingi ng pagkakasulong ng agham?"

-Ibig ba ninyong manaog ang Diyos upang tayo'y turuan ng Heograpiya at Astronomiya? -At wala ba tayong karapatang humiling man lamang sa kanya na, sa pagsasalita niya tungkol sa mga langit at lupa, ay huwag 'ni'ya tayong papagtibayin, sa pamamagitan ng kapangyarihan g kanyang salita, sa mga kamaliang babalam sa ganap na pananagano sa lupa, na pinaninindigan niyang ipinagkaloob sa atin? . . . " Ang lahat ng mga sumusunod ay pawang pagsusuring may kahanga-hangang Hwanag at matatatag na pagmamatwid ukol sa mga alalahaning pangrelihiyon. Ipinakikilala ang pagkatao ng Hehoba na binabanggit sa Bibliya, pati ng mga kalupitan at mga simbuyo ng kalooban noong kapanahunan niya; at sa pag-uukol ng pakakataas na pagpuri sa kadakilaan ng aral ni Kristo at sa kahigitan nito kay Moises, ay hindi maaaring di niya makilala sa gayon ang mga simulain ng sekta ng mga eseniyo,7 at bagaman ang paghanga at pagsasaalang-alang niya sa taong nagpakamatay upang . palaganapin ang katotohanan ay nagiging isang pamimintuho, ay namalas niyang si Kristo'y walang sinabing isa mang kataga laban sa pang-aaFpin, ni kahit laban sa mapaghari-hariang paniniil ng mga Cesar; at si Kristo'y naniwala rin sa mga hidwang alalahanin ng kanyang danta6n tungkol sa mga sakit na ipinalalagay no6ng gawa ng masasamang espiritu. Hindi maitatanggi ang katarungan ng mahigpit na pagpunang ginawa ni Don Leoncio sa aral ni Kristo "( !sang uri ng pananampalataya ng mga hudiyong nagsisitirang sa..rnasarna sa isang pook na malapit sa Dagat na Patay (Mar Muerto).


325

sa mga pahina 77, 78, at 79; tumutukoy ang mga ito sa tao sa dako ng damdamin, at hindi kailanman sa dako ng isipan; sa pagtatagubilin sa atin na dapat rnagtiwala sa kinabukasan nang di man lamang tinangkang pasiglahin kailanman ang ating lakas; sa pagtatagubilin ng pagsunod at pangangayupapa; sa pagkukupkop sa mga salat sa diwa, nang wala isa mang kataga ng pag-ibig sa mga taong itinatalnga ang sarili sa paglinang ng kanilang isip upang maging kapaki-pakinabang sa kanilang mga kapatid, nariyan ang ilang butas sa relihiyon ng Nasareno. "Huwag kayong mabalisa sa kung ano ang inyong k~kanin 0 isusuot bukas; hLl1di naghahasik, ni nagtatanim, ni nagbabangan a:!.1g mga ibon sa langit, gayunman sila'y kumakain; hindi gumagawa ni humahabi ang mga liryo sa parang, nguni't sila'y nagbibihis ng hindi naisuot ni Solomon sa kaningningan ng kanyang kaluwalhatian." Dahil dito marahil, sapagka't kaipala'y pinahihintulutan ang katamaran sa lahat ng mga bayang kat61ik6 at lalo't higit sa Rilipinas, na Sa kabagsikan ng pana.non ay idinagdag pa ang karamihan ng mga pistang 8 nagbabawal sa paggawa, ang pa~ampalataya sa mgrt himala na nagiging dahilan upang ang lahat ay iasa ng tao sa langit, nang walang ibang pinupuhunan kundi kamangmangan at pagkamapaniwalain; dahil sa aral na ito, marahil, kaya inusig at isinakdal ang mga unang paham sa agham ng kalikasan, ang mga unang tuklas sa pisika ay inaring mga gawa ng diyablo, at dahil din diyan kung kaya ang Iglesiya katolika ay lagi nang nakikitang walang likat na nakikipaglaban sa pag-unlad. Ang sumusunod ay isang mas using pag-aaral ng kasaysayan ng Kristiyanismo at ng mga aral nito. Pinatotohanang sa pamamagitan ng mga aklat at mga pagmamatuwid na hindi gaanong kahima-himala ang pagkakalaganap ng aral ng Diyos, na nagkaroon ng pamimilit sa pamamagitan ng lakas, ng mga pag-uusig, ng mga erehiya, at dala-dala pang "natatago sa kanyang pagsamba, na parang isang ulupong, ang dating paganismo". "Sa mga bagay na may kinalaman sa pananampalataya ay wala nang makapangyarihan liban sa Iglesia"-ani Don Rodrigo.-"Ang kapangyarihang ito'y hindi rin ba totoong nanggaling sa Diyos ?"-ang tugon ng s Sa loob ng mga huling panahon, ay tumanggap sa Malakanyang ang mga pinunong kastila ng maraming kahilingan upang bawasan ang napakaraming pista, na nagpapahirap nang gayon na lamang sa bayang Pilipino.


326 may malayang isipan. Sapagka't kung ang kapangyarihang isinilang ng pagkakapahayag ng Diyos ay hindi nakapagtamo, ni sa pamamagitan ng tabak, na makapangyari sa lahat ng budhi, maaari bang sabihin ninyo sa akin kung sa ana naiiba iyon sa kapangyarihan ng mga tao? " Tungkol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Bagong Daigdig, napilitang aminin ni Don Rodrigo na kinasangkapan ang sibat at ang pangangaral: ang nauna'y para sa mga katawan, at ang ikalawa'y para sa mga kaluluwa. -Kakatwang pagbubukud-bukod! ang pakli ni Don Leoncio-At pagdadala ba sa mga amerikano, sa pamamagitan ng kapayapaan, sa sinapupunan ng Iglesiya, ang ipamahagi sila, bilang mga alipin, sa mga manlulupig, tampalasanin ang mga templo nila, durugin. ang kanilang mga larawang sinasamba, at pugutan ng ulo ang libo-libong mga kawaI, dahil lamang sa ang "inca" sa Atahualpa 9 ay hindi gumalang sa isang Bibliyang hindi niya nakikilala ni maaaring makilala, sapagka't hindi niya nalalaman kahit na ang pagkakaroon ng wikang nasusulat?" At idinugt<!mg sana niya sa pagsasalita hlnggil sa pagpapaging kristiyano ng Pilipinas: "Pagdadala ba sa mga pilipino, sa pamamagitan ng kapayapaan, sa sinapupunan ng Iglesiya, ang paghati-hatiin sila, bilang mga alipin, sa mga enkomendero, ipagbili sila, bilang alipin, agawin ang kanilang mga pag-aari at iparuol sila sa kamangmangang walang hanggan? Iyan ba ang kaparaanan upang mapaibig sila sa Diyos na iyan, mapapaniwalang sila'y nilalang na mabababa kaysa iba, upang maging mga alipin at laruan, gayong sa kanilang loob ay pasigaw na tumututol ang kanilang budhi? Hindi maaaring sundan si Ginoong Pi sa kanyang napakaraming pag-aaral ng mga relihiyon at sa pagpaparis-paris ng mga ito. Umuusbong sa bawa't parirala ang mga pagdidili":dili at mga aral, na kung ang lahat na iyo'y isusulat, ay hindi magkakasiya sa mga dahon ng aming walang kisig na REVISTA, at dahll dito'y minamabuti naming huminto dito, sa ilalim ng tagubilin sa mambabasa na basahin ang salitaang 10 ito, na siyang pinakamarikit, sa aming palagay, at siya ring pinakamahaba, yamang may walumpung panig. o Si Atahualpa ay siyang kahuli-hulihang Haring "inca" sa Peru, Timog ng Amerika. 10 Tinutukoy ang ikalawang salitaan.


327

Katulad ng mga tauhan sa mga kuwentong silanganin, na nang makamalas ng mga kayamanang napapaloob sa isang yungib, ay nag-akala, sa simula, na nararapat niyang kuning lahat, at sa hindi niya pagkaalam kung alin ang pipiliin sa gayon karaming mga sapiro at batong mahahalaga, ay napili tang talikdan ang gayong balak at nasiyahan na lamang sa balang madampot niya; ganyan din ang nangyayari sa amin; nap aka rami at hindi mauubos na kayamanan ang nasa akdang ANG MGA PAGLALABAN SA MGA ARAW NATIN, na minamabuti naming sabihin sa mga mambabasa: "Pumaroon kayo't payamanin ang inyong sarili, pagka't ang ipinakita namin dito sa inyo, bilang parisan, ay mga kaunaunahang batong hindi pinakinis na aming natagpuan sa pintuan. Pumaroon kayo, humatol at pumili ng mga muhalagang perlas na nagkalat doon; marahil, ang inyong pagkukuro na naakit at nasilaw sa pagkakamangha at paghanga ay lalong pakikinabangan ninyo kaysa aking pagkukuro."

*

:I<

)


KUNG PAANO PINAMAMAHALAAN ANG PILIPINAS 1 May Hang ta6n na ngayon na ang hinaharap ng Pilip in as ay kinaaabalahan, hindi lamang ng mga naninirahan doon, na siyang lalong kinauukulan nito, kundi gayundin ng maraming kastilang narito sa Espanya, na hindi pa nalalaunang hindi nakaaalam marahil kung saang panig ng daigdig naroroon ang Pilipinas at kung anong lahi ang naninirahan doon. Nakikita ng lahat, ikinukutob ng loob ng lahat, naniniwala ang lahat, na ang Pilipinas ay nasa masamang kalagayan, na doo'y may ~ga bagay na malayong makasiya. Ang kalagayang ito'y ibinubuhat ng ilan sa isang bagay, samantalang ang iba'y sa ibang bagay naman. Yaon na ring mga kakampi ng pamamahalang umiiral doon ay nangagkakaisa na may samang kinakailangan, at hindi man lamang sila naghihinala na sa ganito'y nahuhulog sila sa isang palagay na lubhang katawa-tawa 0 sa isang kalungkut-lungkot na pagkakcihuli ng isipan. Sabihin sa isang maysakit na ang karamdaman niya'y kailangan, at hindi nararapat sikaping malunasan, ay isang pagbabalik sa kauna-unahang panahon ng panggagamot, isang pagtatapat ng kawalang-kaya. Ang isang manggagamot na magsabi ng ganyang bagay sa kanyang ginagamot ay nararapat pagpayuhang sumangguni sa ibang manggagamot na lalong nakaaalam. Yaon na ring mga prayle na siyang nakikinabang at nagsisipamahala sa bansa, ang mga lalong nagsisikap na papaniwalain ang balana, na doo'y lubhang kahanga-hanga ang lakad ng mga bagay-bagay; ang mga taong nararapat manindigan na ang lahat doon ay ganap na maayos, walang kasimbuti, at makalangit, upang sila'y huwag gambalain ng sinuman sa kanilang kapaki-pakinabang at tahimik na kalangitang sila rin ang nagtatag; ito ring mga prayleng ito ang nagkakaisang doo'y may mga kakulangan, mga kapintasan at mga pagmamalabis at dahil dito ay kinakailangan 1

Inilathala ito sa La Solidaridad nang ika-15 ng

328

Disyemr~o

ng 1890.


329

at nararapat ang mga pagbabago,2 dang an na nga lamang

at ang ninanais nila'y isang napakabagal na panggagamot na tinatawag na "homeopatico." Katulad sila ng mga manggagamot na sapagka't kinukulang ng magagamot, ay nagnanais na aluin at ' panatilihin ang pangmatagalang sakit, upang sa ganitong paraan ay makapagpatuloy sila sa paniningil at makakain sa gugol ng maysakit at ng paghihirap nito. Ito'y kanilang pinatunayan at ipinakilala sa kanilang mga sinulat. Sa kabuuan, lahat ay nagkakaisa na ang makina ay hindi lumalakad gaya ng nararapat. Ang mga dahilang hinihinagap na pinagbubuhatan ng masamang pamamahala at ng mabagal na pagpanaw ng buhay sa bansang yaon ay nagkakaiba-iba, alinsunod sa mga taong nag-ukol ng pag-aaral. Ang malaking bahagi sa mga naging kawani 0 naging tagapamahala doon, yaong mga taong marahil ay naliligalig ang budhi, dahil sa hindi sila nagsitupad sa mga tungkuling hinihingi ng sahod na kanilang tinatanggap, ang mga taong yaon ay nangagsisigawan at sa lahat ay sinisisi ang indiyo, ang katamaran ng indiyo. Ito'y kanila g ginagaw upang mailigaw, marahil, ang pansin ng madla sa ibang pagay, at nang sa ganitong para an ay huwag matuklas ang kanilang sariling pagkukulang, at marahil, upang mapahinuhod at mapaniwala ang kanilang budhi sa mga bagay na hindi sukat mapaniwalaan nito, katulad ng maraming duwag, na pinatatapang ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga salitang nakapagpapasigla, at katulad ng maraming magdaraya na, dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling, ay naniwala tuloy sa kanila ring mga kasinungalingan. Sa kabilang dako naman, at ito'y isang "bagay na balintuna," yaong mga nagsitupad nang buong higpit sa kanilang mga tungkuHn at nagsigawa ng lahat ng kanilang magagawa at makakayang isagawa sa loob ng magusot na kaguluhan ng pangasiwaan sa bansang iyon, yaong mga nadurungo at pinagbabalaan ng mga naghahari-harian, na sa pamamagitan ng padalahan ng sulat ay maaaring magmungkahing sila'y alisin sa tungkulin 0 atasang umuwi, ay siyang sumisisi sa kagusutan sa pamamaraan ng pagkakatatag ng pamahalaan, 2 Natatalastas ng mga prayle na rin na maraming kasamaang nararapat baguhin at itumpak at ang mga pagbabagong hinihingi ni Rizal ay lubhang kailangan.


330

sa mga tauhan, sa kawalan ng katatagan sa mga tungkulin, sa mga pailalim na pakana, at sa iba pang sanhi. 3 May ibang kuru-kuro ang mga prayle. Lahat na ng kasamaan sa bansa'y isinisisi nila sa mga tagapangasiwang mahilig sa kalayaan, sapagka't sa dahilang sila'y makakalayaan ay hindi maaaring hindi sila maging mga mangmang. Sa kabila nito, ang bahagyang kabutihan ay iniuukol naman sa kanilang sarili. Sang-ayon sa mga prayle, ang mga ministrong makaluma 0 kinakatigan ng kanilang mga kumbento, na dahil lamang sa kinakatigan nila, ay hindi maaring di maging marurunong, ay hindi nakagagawa ni ng mabuti ni ng masama sa ganang sarili nila. Ang buo nilang kagalingan ay nababatay sa paghingi ng payo at sa pagsunod sa mga prayIe. Ito ang ipinamamarali ng maraming pahatid-kawad na sinisipi sa malalaking titik ng mga pahayagan sa Maynila na nanunuyo sa mga prayle. Sa ganang kanila naman, ay binibigyang-sala ng mga kastilang nasa Pilipinas ang mga prayle sa pagkapahuH sa kanilang kinalalagyan,4 at sa bagay na ito'y lalo silang may matwid, sapagka't ~inamamahalaan ng mga prayle ang Pilipinas nang gaya ng pamamahala sa kanilang sariling kumbento, kaya't ang kasalanan sa kagusutan ay dapat na ipasagot sa kanila. Datapuwa't nalilimutan ng mga makakalayaang ito na sila man ay may kapanagutan din sa kagusutan. 6 Kung hindi ]amang sila nagpahintulot na sila'y pamahalaan at maging kasangkapan ng mga prayle gaya ng madalas na mangyari; kung hindi sila nagpapaunlak sa mga bagay-bagay na nalalabag sa kanilang paniniwala, dahil sa takot na baka mawaIan ng tungkuling itinalaga sa kanila; kung nagkaroon sana sila ng higit na katiningan ng loob, higit na pananalig sa kanilang mithiin; kung pinag-aralan sana nilang laIu't laID ang lupaing ito at naghangad nang buong pagmamalasakit na makaaalpas sa kapangyarihan ng mga prayleng kanilang kinabubuhayan, disi'y hindi nangakapamahala ang mga prayle sa Pilipinas at hindi rin naman sana nangainis ang 8 Ang mga ito'y kasang-ayon ng pagkakaroon ng mga kinatawang pilipino -sa "Cortes'l 0 kapulungang tagapagbatas ng Espanya. 'Isinisisi ng mga liberal na kastila sa mga kurang prayle ang pagkaantala at kawalang ayos ng pamahalaan sa Pilipinas. 6 Binibigyang sala ni Rizal ang mga liberal na kastila, sapagka't ang mga ito'y napakasangkapan sa mga kura.


331

mga makabagong isipan pagtuntong ng mga ito sa mga baybayin ng Maynila. Ipinararatang naman ng karamihang pilipino ang kasamaan at karalitaan ng kanilang inang-bayan sa lahat ng nasa itaas, sa mga prayle, at sa lahat ng hindi prayleng hindi nangatangi sa pag-aangkin ng dakilang pag-uugali, dahil sa kanilang hayag na pagmamahal sa bansa at sa mga naninirahan dito, at dahil sa masigasig na pagtataguyod ng mga pagbabago. 6 Ang mga pilipino, gayundin, ang mga katulad nilang mga makakalayaan na nabanggit na sa unahan ay nakalilimot din sa kanilang sariling kapanagutan sa kasalukuyang katayuan, sapagka't kung totoo man ang kasabihang kung saan nag-uutos ang kapitan ay hindi nakapag-uutos ang isang karaniwang magdaragat, ay totoo rin yaong isa pang kasabihan na ang bawa't baya'y may pamahalaang nababagay sa kanya. Ang diwang makabansa ay nagsimula nang magparinig ng kauna-unahang uha. N oong nakaraang panah'0n, ay may damdaming makaangkan 0 makalipi lamang at halos wala ng damdaming makapook, at ito ang naging sanhi kung bak1t walang pamamalakad na labag sa katwiran na nakagising ng matitinding pagtutol sa damdaming-bayan; ang mga ito'y tinutulan lamang ng mga taong may mga kamag-anak na humigit-kumulang ay tuwirang mapipinsala ng nasabing pamamalakad. Sa mga bagay-bagay na natutungod sa inang-bayan ay bahala nang umisip ang bawa't pilipino; bahala siya sa kanyang sarili; bahala siyang magligtas sa kanyang sarili; bahala siyang tumutol; bahala siyang makipagbaka; hindi ako nararapat kumilos, hindi ako ang dapat mag-ayos sa mga bagay-bagay; marami na ang aking mga kapakanang kinaaabalahan, mga simbuyo at mga sumpong. 7 Iba na ang humango ng kastanyas na iniihaw sa baga, at pagkatapos ay saka na namin kanin. Tila nalilimutan ng mga pilipino, na ang tagumpay ay anak ng pakikibaka, na ang kaligayahan ay siyang pinakabulaklak ng maraming pagpapakasakit at ng kawalan, at ang lahat ng katubusan ay nangangahulugan ng pagbabata at pagpapakasakit. Inaakala nilang sapat na upang sila'y managhoy, maghalukipkip at bayaang magpatuloy sa o Bunga ito ng pagwawalang-bahala ng mga pinuno ng pamahalaan, ng rnga kura at mga kakampi ng rnga prayle. 7 Nang panahong iyon, ang kaisipang mahilig sa pagkatalo 0 pagkapab;lmak ay siyang lalong nakapanyayarL


332 kanilang takbo ang mga bagay-bagay, upang makatupad sa kanilang tungkulin. Totoo ngang mayroon namang nagpapalagay na nakagagawa ng higit sa roon. Nangagbibigay ng mga payo na kapanga-pangamba at nakalulungkot, ipinapayo nilang huwag gumawa ng anumang bagay. Nguni't mayroon namang nagsisimulang makakita ng liwanag at gumagawa sa ganang kanila ng huong makakaya. Ang mga dayuhan, at sa mga ito'y ilalagay natin sa unang hanay ang mga insik, ay humahalakhak sa buong nangyayari, at nagsasamantala sa mga kamalia't kakulangan, hindi lamang ng mga pinamamahalaan kundi ng mga nagsisipamahala, upqng ang lahat nang ito'y mapakinabangan nila. Sila ang pinakamapapalad sa lahat; dumarating sila kung kailan ni1a manais, namamalagi sila sa buong panahong minamabuti nila, at umaalis sila kung kailan nila ibig. 8 Walang anumang tungkuling nakabubuklod sa kani1a sa bansa, at walang kabu1uhan para sa kanila kung ang pamaha1aan ay maging matino, humigit kumulang, ni kung ang m ga mamamayan ay maging busabos, humigit kumulang; w ala .silang pagka aiba sa mga balang na umuupod sa pananim sa parang nang wa1ang anumang pag-aalaala ni sa nagtanim ni sa 1upang natatamnan. Ang lalong kahapishapis ay may mga kastila at mga pilipinong n akakahalintulad ng mga balang na ito sa kanilang pag-iisip at paggawa. 9 Naniniwa1a k ami na silang lahat ay may kani-kanyang matuwid. Maaaring magsisihan ang mga pangkatin, ang mga kastila sa mga prayle at ang mga prayle sa mga makakalayaan at ang mga makakalayaan sa mga prayle. Naniniwa1a kami na pati ng mga insik ay may matwid na tumawa sa P amahalaan at sa bansa, ang bagay na ito, sa wakas, ay isang katarungang ipinaging dapat naming lahat. Datapuwa't sa ibabaw ng 1ahat n g kasawiang-palad na ito, sa ibabaw ng katakut-takot na kagusutang ito'y naroroon ang simulaing ang Pamaha1aan, sapu1 sa kanyang pinagbuhatan ay masama, kasira-sira, baligho, at lisya sa katwiran. Siyang tunay. Kung ating nunuynuyin ang ba1angkas ng pamaha1aan ay mapagkikilala natin, sapul sa simula, ang isang malaking kamalian, ang isang 路 walang tutong pagkakatatag na dili iba kundi ang "Ministerio ng Ultra8

Noo'y wala pang batas na umiiral tungkol sa pandarayuhan. paraan ng 路panunuya ni Riza1.

o Isang


333

mar" 10 0 ang kagawaran ng mga lupaing sakop sa kabilang ibayo ng dagat. Ito ang kataas-taasang tanggapan na may kapangyarihang mamahala sa mga lupaing nangalalagay, kung minsan, sa layong higit pa sa tatlong libong legwa, at may mga mamamayan, singaw ng lupa, at kaugaliang naiiba sa pook na kinalalagyan ng nasabing tanggapan. Ang tanggapang ito'y pinangunguluhan at pinakikilos ng isang taong ganap na baguhan 11 sa sining ng pag-akay sa mga bayan-bayan, isang 路taong kaipala'y yaon lamang ang unang pagkakataong makapagpasiya tungkol sa kapalaran ng kanyang kapuwa. Isipin ninyo ang isang taong hanggang noon ay naging isang sawimpalad lamang, na pinakitunguhan sa pamamagitan ng mga kahina-hinalang kindatan at ngitian, at buhat sa gabi hanggang umaga'y nagkapalad na siyang magpasiya sa kapalaran ng siyam na angaw 12 na tao, nagkaroon ng kapangyarihang hindi tinataglay ng ibang mga kasama niya na lalo pang magugulang at lalo p~mg may katanyagan, at saka sabihin ninyo sa akin kung ang gayong napakabilis na pagkakataas ay hindi mf.kagugu!o sa kanyang isip hanggang sa wala tuloy siyang maisagawa kundi mga kahangalan. Dito'y idagdag ninyo ang kasakit-sakit na kaisipan na ang mga taong nagtatamasa ng gayon kahalagang kapangyarihan ay karaniwan nang hindi man lamang nangakatapak sa mga lupaing kanilang pamamahalaan, ni hindi nangakaaalam marahil kung saang lupalop nangalalagay ang mga iyon, at kailanma'y hindi nangag-abala tungkol sa mga lupaing nabanggit, at sabihin ninyo sa akin kung anong kapalaran ang tatamuhin ng mga pinamamahalaang iyon. Sabihin ninyo sa isang tao: maging 'ministro kayo ng kagawaran ng mga lupaing sakop sa kabilang ibayo ng dagat, at iya'y nakakatumbas nito: pamahalaan ninyo ang buwan 0 ang mga naninirahan sa Saturno, at may tangi pang kaalaman ang matanaw buhat sa tanggapan ng kagawaran ang mga planetang ito sa langit, nguni't hindi ang Pilipinas. 13 Kung minsa'y nakakasumpong tayo ng isang baguhang ginawang Ministro, isang taong may budhi at may bait, at dahil dito'y nagnanais mag-aral ng tungkuling sumas akaIto'y katumbas ng ating Kagawaran ng Suliraning Panlabas ngayon. Tinutuko'y si Antonio Maura, na noo'y Ministro de Ultramar. 12 Ngayo'y umaabot na ang bilang ng mga mamamayan sa Pilipinas sa 21 angaw. 18 Isa pa rin sa masakit na panunuya ni Rizal. 10

11


334

may niya, kung .sakaling siya'y tinutulutan ' ng takot na matahimik sa kagipitan ng kanyang katayuan sa malalayang sandaling hindi niya ginugugol sa paglagda ng mga pagtitiwalag at hindi paghirang ng mga nasasakupan. Datapuwa't nangangailangan ng mga buwan ang pag-aaral at pagsasanay, at sa loob ng mga buwang ito, ay kinaiinggitan ng walo 0 siyam na angaw na mamamayan ang maligayang kapalarang tinatamasa ng mga kuneho sa mga laboratoryo ng mga dakilang manggagamot: palibhasa, yaong walo 0 siyam na angaw na mamamayan ay nararapat dumanas, ' sicut in anima vili, (tulad sa kaluluwa ng isang masamang tao) ng lahat ng dinaranas ng ministrong mag-aaral; at. makapagpapasalamat sila sa Diyos kung sa loob ng panahong iyon ang nag-aara1 na tumistis, dahil sa hindi makatiyak ng kanyang gagawin at nakaririnig pa ng mga salu-salungat na payo, ay bumubuo 0 sumisira, pumuputol 0 tumatahi, mag-iinyeksiyon 0 hagpapadugo. Dahil dito, ang kaawaawang maysakit ay napipilitang mag-alinlangan kung kailan nararapat siyang lagnatin, mangiki, ginawin at marami pang iba. Datapuwa't ang mraniwang nangyayari'y nakakatagpo kami ng isang minisrtrong mag-aara1 na may nabuo nang panuntunan-ang panuntunang huwag mag-aral ng anumang bagay ni gumawa ng anumang nababago.-Lalo pang masamang gala win ito, ang nawiwika nila sa kanilang sarili; hanggang ngayon ay hindi pa sumasabog ang makina, kaya hindi dapat tayong magsatagapag-ayos at baka masira pa natin ang lahat. N aaring nakapagpatuloy siya hanggang ngayon, bakit hindi siya makapagpapatuloy hanggang dumating ang kagipitan at ang mapanganib na sandali? Hindi na ako babalik sa pagkaministro ng kagawaran ng mga lupaing sakop sa kabilang ibayo ng dagat. Nararapat kila1anin na ang ganyang mga tao ay 1ubhang mararangal at gumagawa alinsunod sa kanilang sariling kalooban; ang kasa1anan ay hindi kanila kung hindi sa nag1agay sa kanila sa gayong kagipitan. Sa katotohanan, ang buong kabutihang kanilang magagawa ay huwag gumawa ng anumang bagay. Kapag iniwan nila ang mataas na tungkulin, ay magkakaroon sila ng isang malinis na budhi at titibok nang maayos ang kanilang puso. Nakatupad sila sa kanilang tungkulin: sapagka't nemo dat quod non habet,. (walang sinumang makapagkakaloob ng wala sa kanya.)


335 May iba naman (at ang mga ito'y totoong katakut-takot) nagayong hindi nag-aangkin ng magandang kalooban ng mga nauna, ni ng kahinhinan ng mga ikalawa, datapuwa't nagtataglay naman ng kamangmangang sinisimpan ng mga nauna at ng mga ikalawa, ay ibig gugulin ang mga buwan ng kanilang pag-aaral sa paggawa ng maraming bagay at sapul sa unang sandali ay gumagawa na sila ng buong kahinahunang tunay na kahanga-hanga. Ang mga ginoong ito'y karaniwang humihiram ng sigla sa mga kapakanan ng isang pangkatin; 14 sila'y napaaakay, napauutos, napakakasangkapan, at nag-aakalang marami silang nagagawa dahil sa pagtitiwalag sa ilan, sa paghirang sa iba at pagpapawalang bisa sa mga kautusan ng hari; gaya din naman ng pagpapawalang bisa sa mga kautusan ng mga nauna sa kanila. Nag-aakalang sila'y may kabuluhan, bagaman sa katotohanan ay mga utusan 'lamang sila at mga masunuring tagapaglingkod. Nililisan ang kapangyarihai1 ng mga mapapalad na taong ito nang maligaya, at nasisiyahan sa paniniwalang sila'y naging mga dakilang tagapamahala. Datapuwa't nagkaroon ng mga ministro, na bagama't kulang sa kaalamang itinuturo ng kasanayan, ay pinunan ang pagkukulang na iyon ng kanilang katalasan ng isip, at naisaayos nila ang mga lihim na pakana sa pamamagitan ng pagka-matuwid ng kanilang asal, nahulaan nila ang kasamaan at inisip na bakahin ito. Naaalaaia pa ang pangalan ng dalawa 0 tatlo sa mga ito/ 5 at pinanghihinayangan ng Pilipinas na ang karamihan sa mga binabalak nilang pagbabago ay nanatiling panukala lamang. . Sa napakaraming mga naging ministro, kung hindi kami namamali, ay tila iisa lamang ang nakapaglakbay sa mga lupaing nasa kabilang ibayo ng dagat. Wala karning nakikilalang sinuman na bago manungkulan ng pagkaministro ay nakababatid na ng mga bagay-bagay na nauukol sa mga lupaing sakop. Nagkaroon ng pagkakataon na ang tungkuling nasabi'y inihandog sa isang tanyag na ginoo, datapuwa't tinanggihan nito at buong karangalang na2:sabi na wala siyang nalalaman tungkol sa mga lupaing sakop. At dapat mapansin na isang kahuli-hulihang kawaning nakarating sa kabilang ibayo ng dagat ay nagkukunwang nakababatid ng lahat, nalalaman ang lahat, at makapagha1<

!S

Mga kasangkapan ng mga prayle. Ang mga ministrong sina Sagasta, BecelTa at Maura.


336

harap' hindi lamang i~a kung hindi apat 0 limang palatuntunan! Ang ginoong nabanggit ay nagkaroon ng lakas ng loob, lakas ng loob na kinakailangan upang makapagtapat na siya'y walang nalalaman sa isang bansang ang kahulihulihang manggugupit ng buhok ay marunong gumawa ng pagsusuri sa isang katayuan-at ang lakas ng loob na ito'y ikinatatanyag ng karangalan ng maharlikang taong iyon, nguni't nagkaroon ba ng ganitong lakas ng loob yaong ibang inalok ng kanais-nais na katungkulang ito? Sumusunod sa Ministro ng mga lupaing sakop sa kabilang ibayo ng dagat ang Kapitan Heneral sa Pilipinas. Siya ang may lubos na kapangyarihan, ang tagapamahala sa ngalan at kapangyarihan ng Hari, ng kaisa-isang kastilang naghahawak ng pinakamalaking kapangyarihan sa lupa, isang kapangyarihang higit pa sa kapangyarihan ng hari na rin, at may pinakamaliit namang kapanagutan sa lahat. Magutos sa walong angaw na sakop, na pawang mapagpakumbaba, masunurin, at madaling matuto; maging panginoon ng buhay, ng puri at ng malalawak na lupain; magkaroon ng ginto, maraming ginto, mga taong itinatangi, mga tagapuri; magkaroon ng kapangyarihang makagawa nang walang anuman ng lalong pinakamalalaking pagkakamali at pangaapi, huwag lunas an kung hindi pamalagiin upang huwag mapinsala ang katanyagan, pagtakpan ang mga iyon, palamutihan, at pawalang sala sa pamamagitan ng mga pariralang kapaki-pakinabang na umano'y siyang hinihingi ng kaayusan ng bayan at ng pangangailangan ng bansa, para sa ikagagaling ng pamamahala at ng maraming iba pa, ana pa ang iyong mananais? Hindi ba ito isang mainam na gantimpala na gaya ng binubunot tuwing ikatlong taon sa ripang kastila at pinananalunan ng hindi bumibili kahit na isang ikasampung bahagi ng tiket? Ano, samakatwid, ang kinakailangan upang panalunan iyon? Kinakailang an bang maging pinakamagaling na kastila sa Espanya, o mahalal na gaya ng pangulo ng Estados Unidos sa pamamagitan ng boto ng lahat, 0 maging isang taong ipinalalagay na pinakamarunong, pinakamahinahon, pinakamabait, pinakamarangal sa lahat? Sapagka't ang pagkakaloob ng gayon kalaking kapangyarihan at gayon kalaking kapalaran sa iisang tao lamang, ay nararapat ibatay sa mga katangiang halos makadiyos at sa mga karapatang may ganito ring uri. Ang isang taong pinagkalooban ng kapangyarihang maka-


337

pagpasiya sa kapalaran ng kanyang kapuwa ay nararapat na maging makakatarungan gaya ng Diyos; at gaya ng Diyos ay nararapat na maging mapanghawak sa matuwid at hindi nagkakamali. U pang makapamahala sa mga bayang hindi man lamang nakikilala ni nawawatasan ay nararapat na magkaroon ng matalas na katalinuhan at ng kaalamapg higit sa karaniwan; upang makapamahala sa mga bayang nangagkakaiba-iba, upang makapagtakda ng hangguhan ng mga kapakanang nagkakasalu-salungatan at makalunas sa tanang kasamaan sa isang bayan; upang makapamahala nang alinsunod, hindi lamang sa mga batas kundi sa mga kaugalian ng isang bansa; upang humarap sa ngalan ng isang bansang naghahangad na manakop, at nagnanais na magpalimot sa mga bayan, sa pamamagitan ng kabihasnan, ng pagkawala ng kanilang kalayaan at pagsasarili; ay kinakailangang magkaroon ng kabantugan, ng malalalim na pananalig sa kagandahang asal, ng isang malaking pagmamahal sa sangkatauhan, ng isang main am na pakiramdam, at ng isang maingat na kabaitan. Kung gayon, ang ahat ng ito'y pangitain, tugtuging langit. Ang tungkuling iyon, na siyang pinakamataas na maaaring matamo ng isang tao, palibhasa'y siya lamang nagtataglay ng mga karapatang makahari nguni't wala namang mga kapanagutan, upang makamit ang tungkuling iyon ay sapat na ang maging isang heneral ng hukbo at lalo na, kung isang kapitan heneral. Walang ibang kaalamang hinihingi liban na sa kaalamang nauukol sa hukbo. Ba! kung magkaminsan, ang tungkuling iyon ay ipinagka路路 kaloob, sanhi sa mga kapakanan ng mataas na pulitika, sa mga taong kung mapabilang sa mga abay ng hari ay maaaring maging sagwil sa layon ng ilang taong may kapangyarihan 0 kay a nama'y ibinibigay sa mga taong nararapat gantimpalaan sapagka't nakatulong sa ilang adhikain 0 sa . isang pangkatin. Kung minsan, ito'y hindi na rin kinakailangan; sukat nang mangako sa gayon 0 ganitong korporasyong makapangyarihan na tatangkilikin ang mga kapakanan nito upang ang nabanggit na korporasyon ay kumilos at siya'y hirangin. Palibhasa'y nagbubuhat ang kasamaan sa gayong mga malalaki't pangunahing ugat, ay ano ang ating mahihintay liban na sa ang dagta ay maging masama, ang puno'y maging payat: at ang bunga'y maging mapait? Ano ang mang006700-22


338

yayari sa isang katawan kung ang ulo ay pinapalitan tuwing dalawang buwan, at kung ang kalooban ay hindi nauukol sa kaniyang katawan? At magpapatuloy ang gayong pamamalakad, sapagka't sapat nang pintasan namin upang huwag baguhin, sa dahilang kinakailangang pangalagaan diumano ang mabuting pang alan at ang kalakaran, at sa dahilang lalo pang pinahahalagahan ang mga panlabas na anyo ng karunungan kaysa tunay na karunungan. Tse! gumawa ng pagtutuwid ay katumbas ng pagkilala sa sariling pagkakamali, at bago kilalanin ito'y mahanga pa ang mamatay. Katulad ng isang nasisiraan ng bait, na kailangang maniwala muna na ang lahat nang tao'y namamali kaysa kilalanin ang palagay na siya'y may karamdaman, at siya'y mamamatay sa sakit na ito, na isinisisi ang lahat-Iahat maliban sa kanyang sarili, ay ganyang-ganyan din naman ang ilang pamahalaang sadyang itinalaga sa isang tadhana. Iligtas ang pinagkamihasnan at mawala na ang mga lupaing sakop! 16 JOSE RIZAL 18 Nawala sa Espanya ang kanyang mga lupang sakop sanhi sa hindi pagtanggap ng mga pagbabagong hlnihingi ng mga tubo roon.

:I<

*


TUNGKOL SA fv1GA NANGYARI SA KALAMBA * Wawakasan namin dito ang pagtalakay sa mga nangyari sa Kalamba. Hindi kami umimik nang maraming buwan sapagka't hindi namin ibig na gatungan ang mga kaloobang noo'y labis nang nagngingitngit. Hindi namin sinamantala ang pagkakataon at minabuti naming lumamig muna ang bakal, sapagka't nananalig kami sa aming lakas sa katuwirang sa ami'y tumatangkilik, at nababatid naming ang aming kara:patan, gaya ng lahat ng bagay na sa kanyang sarili'y talagang mabuti, ay hindi lamang hindi magbabawa ang pagiging karapat-dapat sa hinaba-haba ng araw, kundi lalo pang lalakas at magkakaroon ng higit na kadahilanan at higit na katuwiran. Ang suliranin ng Kalamba ay hindi isang suliraning madaling malimot na pinagsasamantalahan ng politikang mapaggawang-usap; iyo'y isa sa mga suliraning may mahabang buntot na hi nihil, sa lipunan at samantalang dumaraan ang pan~on ay lalong dumarami ang ibinubunga; ang suliraning iyo'y isang kung baga sa sugat ay nagnanaknak, at sa sarili'y hindi naghihilom kundi lumiIikha ng kamatayan ng tao. Ang mga ugat niyon ay malalalim, mga suliraning nauukol sa buhay, mga kapakanan ng bayan, mga batas, mga pananalig na niyurakan. Hinintay naming bumalik ang katarungan sa sariling pagkukusa niya, alang-alang sa kanyang kapangyarihan at sa kanyang tungkulin; ninais naming pagkalooban ang pamahalaan ng isang maningning na pagkakataon upang makapagbangong-puri sa harap ng damdaming bayan; binigyan namin ng panahon ang nalugaming samahan ng mga prayleng Dominiko upang maiwasto ang mga kama liang nagawa at matubos ang kanyang mga kasalanan, sapagka't isinasaalang-alang namin na kung ang tao ma'y walang kaalaman '" Ito'y isang suI at-kamay na nasa Aklatang Pambansa. Isa lamang itong sulat na banghay 0 "borrador", na maituturing na isang lathalaing hindi tapos, at hindi nakahanda upang ilathala. Wala itong petsa ni hindi malaman kung saan sinulat. Gayunma'y mahihinalang sinulat ni Rizal sa Europa sa pagitan ng mga taong 1890 at 1891. 339


340

upang makaiwas sa pagkakasala, ay mayroon naman siyang budhing ipinagkaloob sa kanya upang makapagdili-dili at makapag-isip-isip tungkol sa kanyang mga ginawa. Kung ang tao ma'y hindi ganap ang pagkatao, nguni't hindi naman matutulusan ang kanyang ipagiging ganap . ., Datapuwa't walang nangyari. Ang budhing bayan, bagaman nagngingitngit dahil sa mga kasalanang ginawa noong Oktubre, ay hindi binibigyan ng kasiyaltan palibhasa iyon ay mahina ang loob at walang sigabo. Walang sinumang pumawi ng marugong dungis sa dahon ng kabihasnang Kastila-Pilipino. At sa bagay na iyon ay walang nagawa ang kat~ungang nagdarahop, walang pagkukusa at salelt sa pananalig; ang lahat ay kinakailallgang manggaling sa kataas-taasang kalooban ng Kapitan Heneral, datapuwa't si Heneral Despujol na nangakong gagawa ng mahahalagang bagay noong sa pagpapasinaya niya sa kanyang pamamahala .ay ginanap niya ang isang gawang matapang ng pagkamakatarungan at napagkikilalanan ng halagang pansarili na walang kaparis sa kasaysayan ng Pilipinas, at tila siyang tan,ging makapapawi ng gayon karaming kahihiyan, ay pinanawan din ng unang tapang, gaya ng isa sa mga nauna sa kanya, at ang lahat ng kanyang sigla'y naubos sa kaunaunahang lagablab. Nang siya'y dumating sa Pilipinas, siya ay may tapang na karapat-dapat sa isang higante, niligalig at . niyanig niya ang mga matatandang bundok; sa mga kauna-unahang pagyugyog ay isinungaw ang ulo ng mga dambuhala, isa sa maliliit na dambuhala'y lumuridag at tumakas na parang nabigla, datapuwa't humina nang hu:mina ang mga pagyugyog at ang mga dambuhala'y bumalik sa kanilang mga lungga, sa mahirap na pagtunaw ng kanilang kinain sa pamamagitan ng napakatagal na pagtulog. Inalihan ba ng takot si Heneral Despujol nang mamalas niya ang gayon karaming kabalbalan, inakala ba niyang isang gawaing nauukol sa isang Herkules ang gayon kalaking gawain, gaya ng paglilinis at pagpapayamungmong sa kapaligirang Pilipino, at hindi abot ng kanyang mga kakayahan na ang mga kauna-unahang sigabo ay mga bubot na bunga ng mga hangin sa Madrid, na sa dakong ito ang . . . . Datapuwa't walang napala ang aming pag-aantay. Ang damdaming bayan ay tumutol sa Espanya, sa Pilipinas, sa Europa at saan mang pook umabot ang balita ng mga paggahasang ginawa sa Kalamba; at ang damdaming bayan ay hindi hinigyan ng kasiyahan. Walang sinumang


341 humugas 0 pumawi ng dungis na tigmak ng dugo sa dahon ng kasaysayan ng kabihasnang Kastila-Pilipino. Ang d~op na katarungan ng Sangkapuluan, na kailanma'y hindi nagtaglay ng sariling pagkukusa ni pananalig, ay tila tumatalikod sa kanyang mga kapangyarihan at ipinauubaya ang mga iyon sa Kataas-taasang kalooban ng Kapitan Henel,'al, at si Heneral Despujol, na nangako ng napakaraming bagay noong pasinayaan ang kanyang pamahalaan, sa pamamagitan ng isang matapang na pasiyang makakatarungan 路 at ng katapangang sarili na wala pang nakakaparis sa kasaysayan ng Pilipinas, at tila siyang tanging makakakatkat ng mga kahihiyan ng hinalinhan niya, ay waring pinanawan na rin ng kanyang unang sigla, til a iniubos ang buong kaya ng kanyang kasiglahan sa pagsisikap sa unang pagdaluhong na ginawa. Dumating siya sa Pilipinas, at taglay ang lakas ng isang higante ay niyugyog ang matatandang bundok at binulabog ang mga dambuhalang natutulog sa kani-kanilang lungga. Isa sa mga datnbuhalang maliliit ay lumundag at tumakas na gulil<垄t, ang iba'y lumipat ng pook na pagtataguan, datapuwa't ~umina nang humina ang mga pagyugyog at muling ipinagpatuloy ng mga dambuhala ang mahirap na pagtunaw ng kinain sa mahabang pagkakahimbing sa kani-kanilang lungga. J N atibos ba nang gayon kadali ang lakas na Europeo na ipinangangalandakan nang gayon na lamang 0 nagugupiling iyon pagkatapos na makapagtamo ng kabantugan. Ano? Inalihan ba ng takot sa pagkakamalas sa gayon karaming supling, napagwari-wru'i bang upang malinis at mapabuti ang hangin ng Pilipinas, mga napakatatandang silungan ng hayop ni Augias, ay kinakailangan ang maraming Herkules, at dahil dito'y ang gayong gawaing napakalaki'y lampas sa kanyang kakayahan, kaya lalo pang magiging mabuting pabayaang mahimbing ang mga dambuhala, at baka kung tangkain niyang bulabugin ay silain pa siya? Maaaring gayon nga ang nangyari, maaari namang siya'y nagpapahinga lamang upang magpanibagong lakas at maipagpatuloy pagkatapos ang gawain; ang hinaharap ang magsasabi kung ang lungga ng dambuhalang napalayas ay hindi titirhan ng isang maliit na daga. Ang aming masasabi hangga ngayon tungkol sa suliranin ng Kalamba ay ang tanging ipinamalas ni Heneral Despujol ay isang mabuting kalooban, bagaman, ikinalulungkot kong ipagtapat, hindi siya nagpamalas ng pangatawanang sigasig. Siya, na hindi nakibagay


342

sa ina sal ng isang tao, na isang kawani, at ito'y buong tapang na itiniwalag agad, kapag pala nauukol sa isang samahang makapangkarihan ay lumalakad nang marahangmarahan na tila nag\-uurong-sulong. Hindi nararapat pagtakhan iyon: hindi siya ang kauna-unahang tao, ni hindi rin siya ang kauna-unahang Heneral na gumawa ng gayon. S~ anu't anuman, siya'y nakagawa ng hindi napangahasan ng . mga nauna sa kanya. Nagawa niyang makapagsimula. Matututuhang tapusin iyon ng iba.

*

:

,

;'

,

!

.'

"

"

*

*


ANG MGA KARAMPATAN NG TAO * I.-Ang tao'y malayang ipinanganak; nananatiling malaya at sa karampata'y paris-paris. n.-Ang mga karampatang ito'y: ang kalayaan; ang sariling pag-aa7'i; ang katiwasayan; at ang pagsuay sa umaapi. III.-Ang punong kapangyariha'y nagbubuhat lamang sa kalooban ng bayan; liban dito'y walang katipunan, walang taong makapaghahawak ng gayong lakas. IV.-Kalayaan ay ang makagawa ng balang di makasasarna sa iba. V.-Walang maipagbabawal ang kautusan kundi ang masasama sa katipunan. VI.-Ang kautusa'y kalooban ng karamihan. Sinuma'y makasasapi sa paglalagda niya 0 sa pamagitan kaya ng sinugo. Dapat maging isa ang kautusan sa lahat, mag-ampon man 0 magparusa: 4t yamang paris-paris sa mata niya ang lahat ng tao, matatanggap din naman ang lahat sa balang kaginoohan, kalagayan at hayag na katungkulan, ayon sa kanikanilang kaya, bait at katalinuhan. VII.-Walang mapararatangan, mahuhuli 0 mabibilanggo kaya na di tumutuntong sa guhit ng kautusan at alinsunod sa mga paraang iniatas. VIII.-Ang kautusa'y walang maipaparusa kundi ang totoong kailangan lamang at batid na makagagaling. Walang maikakapit na parusa kundi alang-alang lamang sa ngalan ng isang kautusang tapat na ginamit, at naipapayag muna bago nangyari ang sala. IX.-Sakali't dapat piitin ang isang nagkasalang di pa napatutunayan, ay parurusahang mahigpit ang balang malabis na pasakit na gamitin sa pagbibilanggo. * Ito'y salin sa tagalog ni Dr. Jose Rizal sa Mga Kjampatan ng Tao (Derechos del Hombre), na ipinahayag ng Himagsikang Pranses (Revolucion Fransesa) nang ta6ng 1789. Ipinalimbag ito't ipinamahagi sa buong Kapuluan sa wikang Kastila at Tagalog, ayon kay G. Mariano Ponce. Ang orihinal na Derechos ay tinagalog ni Rizal ng Karampatan. Sa ganang amin, ito'y dapat gawing Karapatan gaya ng pakahulugan ng madla. 343


344

X.-Di madadahilang ikibo sa kanginoman ang mga isipan o pananampalatayang sarili, samantalang di nakagugulo sa kapayapaang atas ng kautusan. XI.-Isa sa mga mahalagang karampatan ng tao'y ang malayang pagpapahayag ng sariling isip 0 munakala, sa makatuwid baga'y masasabi, masusuIat, maipalilimbag na paanyo ang anoman, pananagutan Iamang ang mapakalabis sa mga tinadhanaan ng kautusan. XIL-Upamg mapagtibay ang mga karampatang ito'y kinakailangan. ang isang hayag na lakas, 0 tanggulan ng bayan. XIII.-Nang manatili ang Iakas na ito at matakpan ang mga kailangan sa pangangasiwa sa bayan ay dapat umambag ang lahat, hati-hati, at ayon sa kay a ng isa't isa. XIV.-Mapag-uusing ng sinuman 0 ng mga sinugo kaya ang katwiran ng ambagang ito; makasusunod na maIuwag, mababantayan ang paggamit, malilining ang laId, ang pagkukunan, ang pagsingil, at ang itatagal. XV.-Masusulit ng katipunan ang balang pinagkatiwaIaan ukol sa pangangasiwa niya. XVI.-Kapag ang katibayan ng mga karampatan ng isa't isa at ang mahinusay na pagbubukud-bukod ng mga kapang.. yarihan ay di mapaninindigan ng isang katipunan, ang katipunang ito'y walang kabuluhan at di dapat kilanlin. XVII.-Yamang ang sariling pag-aari'y isa sa mga dakila at di magagahis na karampatan, sinuman nga'y di maaagawan ng kanyang pag-aari, liban na lamang sa isang malaki at hayag na kagipitan ng katipunan, at kung may pangakong maaasahan ng tapat na pagbabayad. Ito ang mga wastong ibinigay ng Asemblea Constituyente: o katipunang nagbuo sa mga punong-isip ng ta6ng 1789. ANG NAGSIPAGPUNo SA BAYAN NG KALAMBA

*

KASAYSAYAN NG MGA NAGSIPAGPUNO SA KALAMBA BUHAT NANG ITATAG ANG BAYAN NOONG ntA-28 NG AGOSTO, 1742, NA ANG IPINANGALAN SA PUNO A Y "TENYENTE," AT PINALITAN NG

* Ang orihinal nito ay nasa-wikang Tagalog at tinipo't inihanda ni Dr. Rizal. Hindi namin binag6 ang pagkakasulat. Inaakalang ito'y inihanda niya sa . Hongkong nang taong 1891, sa lulong marahil ng kanyang kapatid na si Paciano. Gaya ng mamamalas, ang kasaysaya'y nagsimula nang Agosto, 1742, na ipinaging bayan ng Kalamba, bagaman may nagsisipanirahan na roon, bago pa maging bayan, nang taong 1630, nang doo'y magtatag ng isang asyenda si G. Luis Arias de Mora. Ang kasaysayang ito'y nagtapos ng Hunyo, 1891 nang kapanahunang kapitan si G. Lucas Quintero.


345 "KAPITAN" NOONG TAoNG 1779, SAMANTALANG ANG PINUNO NG BAYAN AY SI DON APOLONIO DE RIBERA, AT NAGTAPOS ANG KASAYSAYAN NANG HUNYO, 1891, NOONG ANG KAPITAN AY SI DON LUCAS QUINTERO, SANG-AYON SA MGA SULAT NA ININGATAN NINA DON VICENTE LLAMAS, DON MARIANO ALCASID AT DON GERVASIO ALVI,AR.

Ang nangagsipagpuno sa bayan rfg Calamba sapol ng maging bayan ito hanggang sa hinaharap na panahon. Alinsunod sa mga suI at na iningatan ni D. Vicente Llamas, ni D. Mariano Alca.sid, ni D. Gervasio Alviar. .

Nang ika dalawangpu at walo ng Agosto rfg ta6ng isang libo, pitong daan apatnapu't tatlo (Alcasid) at dalawang (Alviar) glnawang bayan ang Calamba. Ang mga naunang nagsipagpuno't pinafiganlan fig teniente lamang; naging capitan ng ta6ng isang libo pitong daan at walongpu, sa kay D: Apolinario de Ribera.

Alvia,

1742 1743 1744 1745 1746 1747 1748 1749 1750 1751 1752 1753 1754 1755 17 56 1757 1758 1759

}

Aka"'d

Juan de la Cruz I __:_. ______ ______ ________________ _____.. __-'________________.___ . Juan Macasadia __ .. ___ .. ___.. ___________ ____.. ___________ _______ ___ .. ___ _____________ Marcos de los Santos __________ .. __ .... ________ .. __ .. ______ .. _______________ . Santiago de Leon __ _____________ ._._. _________ __ _.. _.. _____________________________ . Baltazar Hocson .________ _____ ____ ____ ________ ____ .. ____ .. ________ ..____________ .... Ygnacio Hilario ___________________ .. _.... _____ _______ .. ________ .. __________ .. _______ . Andres de Ocampo ....___________ ._______ .. __ .__ .. ______ .. ______________ ___ ._ .. __ . Domingo de los Santos .. _.. __________________________________________ .. ____ ... Melchor de los Reyes .......... ____ .. ______________________________________ .. Juan de la Cruz Punga-LL. Alv. II ... ____ .__________________ .. Cristobal de Leon ___ .. ____ ____ _____ .. __ ...... __ ...... _........... ________________ Francisco Kalafigitan ________ .. _______ .. _.. __________ .. __ .. ______________________ _ P edr o BIas .... _______.. _.. __ ___________ __ .. _...... _______ .. ___ .. ___ ........ ___ __ .. ____ __ Francisco Alipio (Ll. AI. EIeÂŁafio (Ale.) .... ____________ ........ Juan Arellano --.. --.. -------.----------------.. --.. -------------.--------------.. --.. Martin de los Santos ---.. ----.. ____ .. __ .... _.. _.... ___________________________ __ Fernando de los Santos ------..... _.. _________ __ _____________________ .______ .. _ Apolinario de Ribera I ------- __________________ .______________________ ._ ... ___

1760 Jose Aca~ada --.. ---.----... ------.... -- -- ------... -----------------.. --- ----. ____ .. ___ 1761 Luis Ruflno --....... -----------.--------............ --................... -.... _____ .. ..

1743 1744 1745 1746 1747 1748 1749 1750 1751 1752


346

1762 1763 1764 1765 1766 1767 1768 1769 1770

Antonio Matangihan ............................................................ Luis Rufino- (Alv.) ...............:............................................ .. Mariano Alcantara ................................................................ Pedro Atansio Bance ...................... ...................................... Apolinario de Ribera- Salakay ng mga Yngles ... ..... Tomas de la Cruz ................................................................ Manuel de la Cruz .......................................................... .. Jose del Espiritu Santo .................................................... Mateo (LIs.) Melchor (Alv.) Alejo (Ale.) de Torres Domingo Feliciano (Ale. Ll.) ..........................................

1771 1772 1773 1774 1775 1776

Baltazar Pasco (Pacio) .................................................... Jose de Sta. Ana (Alv.) de Sta. Maria (Ale.) ................ Pablo de S. Jose .................................................................... Pedro Claudio ...................... ................................................. Juan Mariano Rufino .......................................................... Salvador Jose Montero (Ale.) Monteroy (Alv.) Alontoreyes (Ll.) ................................................................ 1777 Mateo Marcos ........................................................................ 1778 Y gnaeio de los Santos ......... _................_...........................

1762 1763 1764 1765 1767

1771 1772 1773 1774 1775 1776 1777 1778 1779

Ang mga sumunod na nangagsipagpuno ay pinanganlan na ng Capitan. AlvUtr

1779 1780 1781 1782 1783

Alca.sid

D. D. D. D. D.

Apolinario de Ribera III ........................... _............... Antonio Matangihan ...................................................... Mateo Marcos .................................................................. Santiago Rufino .............................................................. Juan Francisco ................................................................

1780 1781 1782 1783 1784

P inafiganlan'lang Alcalde ang nangagsisunod 1784 D. Jose Diego ........................................................................ 1785 D. Pedro Pablo de San J ose ............................................ D. (Antonio Villanueva) Jose Bame Casadia (Ale.} 1786 D. Antonio Villanueva ........................................................ 1787 D. Baltazar Paseo ................................................................ 1788 D. Jose de los Reyes ......................... ...............................

1785 1786 17'87 1788 1789 1790


347 Nang mag castila at juez de cuchillo A.lviar

Alcasid

1789 D. Vicente Peliz Cocson .................................................... 1791 1790 D. Agustin Tolentino ............................................................ 1792

Nauli ang capitan at namatay ang unang Cura. 1791 1792 1793 1794 1795 1796 1797 1798 1799 1800 1801 1802 1803 1804

D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D.

Manuel de Santo Tomas ............................................ Manuel de Sto. Tomas (Alv.) .................................... Agustin de la Cruz .................................................... Felix de la Cruz ............................................................ Feliciano Celisuerte ........................................................ Ventura del Espiritu Santo ........................................ Manuel Tauregui ...................................................... ".'.' Alejandro Gatsalian ........................................................ Eugenio de San Gabriel ................................................ Esteban de los Santos .................................................... Romualdo Roberto ...................................................... '." Leonardo :meliciano ........................................................ Juan Rufino Manuel .................................................... Agustin Alejandro ...........,............................................

1793 1794 1795 1796 1797 1798 1799 1800 1801 1802 1803 1804 1805

Siyang pagkabili nang Hacienda ni Azanza (Ale. y Alv.) (Ypinagbili 0 binili ni Azanza?) 1805 D. Juan Aragon .................................................................... 1806

Namahal ang palay, limang piso ang isang cavan, 1806 1807 1808 1809 1810 1811 1812 1813 1814 1815 1816 1817 1818 1819 1820

D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D. D.

Vicente Pabalan ................................................................ Bernardino Antonio ......................................:................. Eugenio de San Gabriel .............................................. Romualdo Roberto ....................................... ................. Juan Manuel Rufino ..................................................... Policarpo Cuevas .... __ ...................................................... Adriano Felix ........................._.......................................... Zacarias Sarmiento ........................................................ Carlos de Leon ................................................................ Leonardo Feliciano ........................................................ Gaspar de los Reyes .................................................... Pedro Francisco ................................................................ Francisco Eugenio ............................................................ Ysidro de la Cruz ........................................................ Adriano Felix ........................................ _........................

1807 1808 1809 1810 1811 1812 1813 1814 1815 1816 1817 1818 1819 1820 1821


348 Alvia.r

Alca.sid

1821 D. Juan Ygnacio .................................................................... 1822

Dito gumawa ang Constitucion nang dalawang Alcalde, anim na Regidor at isang Procurador Sindico. 1822 D. Mariano Quintero y D. Juan Aragon ........................ 1823 1823 D. Santiago Eulalio 1111 Florentino Ustaris I ................ 1824 D. Atanacio Tauregui II /I Pedro Eugenio .................... 1825

N asauli ang mga Capitan 1825 1826 1827 1828 18.29 1830 1831 1832 1833 1834 1835 1836 1837 1838 1839 1840 1841 1842 1843

D. Joseph Salgado .............................................................,.. D. Mariano Quintero ............................................................ D. Atanacio Tauregui .......................................................... D. Pedro Francisco ...................................:............................ D. Santiago Eulalio .............................................................. D. Elias Ustaris .................................................................... D. Juan de Villanueva (Alv.) ........................................ D. Atanasio Tauregui .......................................................... D. Francisco de San Diego ................................................ D. Florentino Ustaris (Alv.) II ...................................... .. D. Juan Villanueva de Aragon (Alv.) ...................... .. D. Juan de los Angeles I ...................... :.......................... D. Ysidoro Villanueva ........................................................ D. Mariano Quintero .......................................................... D. Aniceto Julian ................................................................. . D. Domingo Feliciano ......................................................... . D. Juan de los Angeles (Butas. II) ............................... . D. Florentino Ustaris III .................................................. .. D. Crispin Gabino ............................................................... . D. Juan 'de los Angeles (Butas) III............................

Hinarang ang dalawang ingles sa Biga. 1844 1845 1846 1847 1848 1849 1850 1851 1852 1853

D. D. D. D. D. D. D. D. D. D.

Ambrosio Pabalan I ...................................................... .. Elias Ustaris .................................................................. .. Juan de Villanueva ....................................................... . Paulino Quintero I ....................................................... . Bruno de San Gabriel .................................................. .. Juan Bernaldo (Balag.) .............................................. .. Yd. Yd. (pinagpatuloy) .................................. Tranquilino Gonzales Hervosa I ............................... . Paulino Quintero II ........................................................ Gisberto Tauregui ......................................................... .

1826 1827 1828 1829 1830 1831 1832 1833 1834

1835 1836 1837

1834


349 1854 1855 1856 1857 1858 1859 1860 1861 1862 1863 1864 1865 1866 1867 1868 1869 1870 1871 1872 1873 1874 1875 1876 1877 1878 1879 1880 1881 1882 1883 1884

1885

D. D. D. D.

Juan Salgado (Agon) I ............................................... . Juan de los Angeles IV .....................................-.......... Tranquilino Gonzales Hervosa II ............................... . Juan Salgado II ...................... .......................................... D. Ambrosio Pabalan II .................................................... D. Francisco Elefaiio I ....................................................... . D. Estanislao Hervosa ......................................................... . D. Francisco Elefaiio' II ................................................... . D. Juan Banatin I-Nasunog ang simbahan ................ D. Juan Salgado-Lindol na ma~akas III .................... D. Juan Salgado ................................................................... . D. Francisco Elefaiio III ................................................... . D. Francisco Elefafio III .................................................... D. Juan Banatin II ........................................................... . D. Juan Banatin II ............................................................... . D. Gervacio Alviar I ........................................................... . D. Gervacio Alviar I ....... :................................................... . D. (Jul. D. Calixto Llamas ............................................... . D. Andres Salgado-Nagpahuli ng mga hindi casal ... . D. Lucas Quintero-Binitay si Martin ng Octubre ng 1874, arao ng Sabado; sa ............................................... . D. Lucas Quintero-sadong sumunod ay bumaguio ng malakas ........... _.................................................................... . (Jul. D. Franclsco Elefafio IV) ........................................ D. Francisco Elefafio ........................................................... . (Jul. D. Francisco Salgado ..................................... _........ _. (Jul. D. Francisco Salgado-Nang Junio ay nagkagu16 sa plaza ang Civil at ang mga comediantes ....... . (Jul. D. Luis Elasequi-Lindol ng 14 at 16 ng Julio ng 1880-bumaguio ng 16 ng ................................ (Jul. D. Luis Elasequi Octubre ng 1879) ................... . (Jul. D. Matias Belarmino ................................................ (Jul. D. Matias Belarmino-c6lera ng buan ng Septiembre ................................................................._......... . (Jul. D. Gervasio Alviar II-Namatay ng Enero 23 nang 1884. .................................................................... (Jul. D. Lucas Quintero-Humingi ng informe ang Amon Tungkol sa Hacienda, ay si Cpn. Lucas ay napaloc6 ...................................................... ' .." ..'.'.'" (Jul. D. Luis Habafia-Napalaban ang teniente mayor Nicolas Llamas sa mga Civil sa Real-Umiral ang tenienteng si ........................................................


350

1886

1887 1888 1889 1891

(Jul. D. Luis Habafia--Merino sa bait at si Cabrera 路 sa calupitan __ ____________.___. _____.. ___ ..______.___ __ ______ __ ___ .___ ____.___ Balang-Civil at mur a ang asucal ______ ____ ___ ______ .___ _ (Jul. D. Nicolas-Nakalaban ng bayan ang Hacienda sa buan ng Enero 1888 ._____________.__ _______.___________.__ ._.__ D. Francisco Elefafio (pansamantala) Mayo-Junio ._._ D. Eusebio Elefafio (Julio-D. III Lucas Quintero (Julio--

*

*

*

/


ANG LIGA PILIP INA Mga Layon: 1. Papag-isahin ang buong sangkapuluan sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri. 2. Pagtatangkilikan ng isa't isa sa lahat ng kagipitan at pangangailangan. 3. Pagtatanggol laban sa lahat ng pandarahas at kawalang matuwid. 4. Pagpapaunlad ng pagtuturo, pagsasaka't pangangalakal. 5. Pcig-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago. Sagisag: "Unus instar omnium" (VIO) "Bawa't isa'y katulad ng lahat." Pagkakabalangkas: 1. Upang mai akatuparan ang mga layuning ito ay lilikha ng Sangguniang (C) Pambayan (p), Panlalawigan (CP) at isang Kataas-taasang Sanggunian (CS). 2. Bawa't Sanggunian (C) ay bubuuin ng isang Puno (G) Tagapag-usig (ÂŁ), Ingat-yaman (T), Kalihim (S), at mga kagawad. 3. Ang Sangguniang Kataas-taasan (CS) ay bubuuin ng mga Sangguniang Panlalawigan (CP) xxx gaya rin ng Sangguniang Panlalawigan (CP) ay bubuuin lamang ng mga Sangguniang Pambayan (Cp) xxx. 4. Ang Sangguniang Kataas-taasan ay siyang nag-uutos sa bu6ng Liga (LF) at tuwirang nakikipag-unawaan sa mga Sangguniang Panlalawigan (CP)XXXX at Sangguniang Pambayan (Cp) xxx . 5. Ang Sangguniang Panlalawigan (CP) ay nag-uutos sa Sangguniang Pambayan (Cp) XXY. 6. Ang Sangguniang Pambayan (Cp) ay nag-uutos lamang sa mga kasapi (A). 7. Bawa't Sangguniang Panlalawigan (CP) at Sangguniang Pambayan (Cp ) ay gagamit ng isang pangalang naiiba sa pangalan ng bayan 0 pook. 351


352

Mga TungkulinNg mga Kasapi (A):

1. Magbabayad ng buwanang butaw na halagang sampung sentimos. 2. Pikit-mata't walang libang susunod sa bawa't pasiyang nagbubuhat sa isang Sanggunian (C) 0 sa isang Puna (G). 3. Ipagbibigay-alam sa Tagapag-usig (F) ng kanyang Sanggunian (C) ang anumang napapansin 0 naririnig niya na may kinalaman sa Liga Pilipina (LF). 4. lingatan niya nang bu6ng higpit ang lihim tungkol sa mga kapasiyahan ng Sanggunian (C). 5. Sa lahat ng kilos sa buhay ay ipagkakaloob niya ang pagtatangi sa mga ibang kasapl (A), hindi siya bibili kundi sa tindahan ng isang kasapi (A), at siya'y bababaan nito ng halaga. Sa mga pangyayaring magkakaparis, ay lagi niyang tatangkilikin ang kasapi (A). Ang bawa't pagsuway sa pangkat na ito'y parurusahan nang mabigat. 6. Ang kasapl (A) na gayong maaari naman ay hindi sumaklolo sa ibang kasaping nasa-kagipitan 0 panganib ay parurusahan at ang pinakamagaan na iparurusa sa kanya ay iyon ding kapinsalaang dinanas ng kasaping hindi sinaklolohan. 7. Bawa't kasapl (A) , sa sand ali ng kanyang pagsapi, ay gagamit ng isang bagong pangalan na siya ang pipili, at hindi maaari niyang palitan hanggang hindi siya Sangguniang Panlalawigan (CP). 8. Magdadala siya sa bawa't Sanggunian (C) ng isang gawa, isang pagmamatyag, isang pag-aaral 0 isang bagong ibig sumapi. 9. Hindi siya paiilalim sa anumang paghamak, ni hindi makikitungo sa kaninuman nang may pagmamataas. Ng Puno (G): 1. Maingat niyang pagmamalasakitan ang buhay ng Sanggunian (C); isasaulo niya ang mga bagong pangalan at tunay ng mga Sanggunian (CC) kung siya'y Sangguniang Kataas-taasan (CS), at kung siya'y Sangguniang Pambayan (Cp) lamang, ay


353'

2.

3.

4. 5. 6. 7. 8.

ang mga pangalan ng lahat ng kanyang mga kasapl (A). Lagi niyang pag-aaralan ang mga kaparaanan upang papag-isahin ang kanyang mga sakop at sisikapin niyang ang mga ito'y makapagbalitaan nang mabilis. ' Pag-aaralan at lulunasan niya ang mga pangangailangan ng Liga Pilipina (LF) , ng Sangguniang Panlalawigan (CP), 0 ng Sangguniang pambayan (Cp) alinsunod sa kung siya'y Sangguniang Kataas-taasan (CS), Sangguniang Panlalawigan (CP), 0 Sangguniang pambayan (Cp). Haharapin niya ang tanang puna, patalastas, at kahilingang ipadadala sa kanya at kapagdaka'y ipagbibigay-alam ito sa sinumang kinauukulan. Sa mga panganib ay siya ang mangunguna, at siya ang unang may pananagutan sa anumang mangyayari sa loob ng kanyang Sanggunian (C). Magbibigay siya ng halimbawa ng pagtalima sa mga Sanggunian (C) nakatataas upang siya naman ay talimahin diJ:,l. Kikilalanin niya sa kahuH-hulihang kasapl (A) ang katauhan ng bu6ng Liga Pilipina (LF). Ang mga pagkukulang ng mga namumuno ay parurusahan nang Ialong mabigat kaysa pagkukulang ng mga karaniwang kasapl (A).

Ng Tagapag-usig (F):

1. Sisikapin ng Tagapag-usig (F) na lahat ay tumupad sa kani-kanyang tungkulin. 2. Isasakdal sa harap ng Sanggunian (C) ang tanang paglabag 0 hindi pagtupad na napansin niya sa sinumang kaanib sa Sanggunian (C). 3. Ipagbibigay-alam niya sa Sanggunian (C) ang lahat ng panganib 0 pag-uusig. 4. Sisiyasatin niya ang kalagayan ng pananalapi ng Sanggunian (C). Ng Ingat-Yaman (T):

1. Itatala niya sa isang talaan ang mga bagong pangaIan ng mga Kasapl (A) na bumubuo ng kanyang Sanggunian (C). 666700- 2 3


354

2. Mag-uulat siya nang mahigpit na katuusan buwanbuwan, hinggil sa mga butaw na kanyang tinanggap, na itinaIa. ng mga kasapi (A) na rin 'sampu ng kanilang tanging sagisag. 3. Magbibigay siya ng isang katibayan, at ipatatala niya sa talaan, sa sariling sulat at titik ng nagkaloob, para sa bawa't kaloob na lumalampas sa piso at hindi humihigit sa limampung piso. 4. Iingatan ng Ingat-yamang pambayan (Tp) sa kaban ng Sangguniang Pambayan (Cp ) ang ikatlong bahagi .ng mga butaw na nailak niya para sa mga pangangailangan ng kanyang Sanggunian. Ang . labis, kung umaabot sa sampung piso ay ibibigay sa Ingat-yamang Panlalawigan (TP). Ipakikita niya sa Ingat-yamang Panlalawigan ang kanyang t<ilaan at ang Ingat-yamang Pambayan din ang magtatala sa talaan ng Ingat-yamang Panlalawigan (TP) ng ~alagang ibinibigay. Ang Ingat-yamang Panlalawigan (TP) ay magkakaloob pagkatapos ng isang ka ibayan, at kpng ito'y naaayon sa mga ulat, ay isusulat sa tala an ng Ingat-yamang Pambayan ang kianyang pagpapatibay. Katulad din ng kaparaanang ito ang susundin kapag ang Ingatyamang Panlalawigan (TP) ay nagbibigay sa Ingat-Yamang Kataas-taasan (TS) ng salaping higit sa sampung piso. 5. Iingatan ng Ingat-Y amang Panlalawigan (TP) ang ikasampung bahagi ng mga halagang ibinibigay sa kanya ng mga Ingat-Y amang Pambayan (Tp) para sa mga gugulin ng Sangguniang Panlalawigan (CP). 6. Kapag ang isang kasapi (A) ay nagnanais na magbigay sa Liga Pilipina (LF) ng halagang higit so. limampung piso, ito'y ilalagak sa isang bangkong matatag, sa ilalim ng kanyang karaniwang pangalan, at ibibigay niya pagkatapos ang katibayan sa Ingat-Yamang (T) kanyang minamabuti. Ng Kalihim (S): 1. Magbibigay-ulat siya sa bawa't pagtitipon ng mga bagay-bagay na napagkayarian, at ipahahayag ang mga binabalak na isagawa.


355

2. Siya ang susulat ng mga kalatas ng Sanggunian (C). Kapag siya'y wala 0 hindi siya makagaganap ng kanyang mga tungkulin, siya'y may lubos na kapangyarihang pumili ng isang kahalili, hanggang ang Sanggunian (C) ay makapaglagay ng ibang papalit sa kanya. Mga Ka'tapatanNg ,mga Kasapi (A): 1. Ang bawa't kasapi (A) ay may karapatang tumanggap ng saklolong "moral", "material", 0 salapi ng kanyang Sanggunian (C) at ng Liga Pilipina (LF). 2. Maaari niyang hingin sa lahat ng mga kasapi (A) na tangkilikin ang kanyang kalakal 0 hanapbuhay kailanma't nagbibigay siya ng pananagot na gaya ng iba. Upang siya'y matangkilik, ay ipahahatid niya sa Punong-panbayan (Gp) ang kanyang tunay na pangalan at ang kanyang kalagayan, upang maipahatid naman ito sa Punong Kalihim (GS) na si~ang magpapatalastas niyaon, sa pamamagitan ng mga angkop na kaparaanan, sa lahat ng mgCl. kasapi (A) sa Liga Pilipina (LF). 3. Sa anumang kagipitan, pagkaapi 0 kawalang-matuwid, ang kasapi (A) ay makahihingi ng bu6ng pagsaklolo sa Liga Pilip ina (LF). 4. Maaari siyang humingi ng mapupuhunan para sa anumang hanapbuhay kailanma't may salapi sa kaban. 5. Sa lahat ng bahay-kalakal 0 mga kaanib na tuwirang tinutulungan ng Liga Pilipina (LF) ay makahihingi siya ng pagpapababa ng halaga ng mga paninda 0 ng paglilingkod na gagawin para sa kanya. 6. Sinumang kasapi (A) ay hindi hahatulan nang di muna siya tutulutang makapagsanggalang. Ng Puna: 1. Hindi maaaring pakipagtalunan hanggang walang paunang sumbong ng Tagapag-usig (F). 2. Kung nagigipit sa panahon at pagkakata.on, ay maaari siyang kumilos sa sa riling kalooban at sa sariling pasiya, datapuwa't mananagot siya sa mga sumbong na maaaring ibuhat sa kanya.


356

3. Sa loob ng Sanggunian (C), siya ang hukom sa lahat ng suliranin 0 usapin. 4. Siya ang tanging may kapangyarihang kumilala sa mga tunay na pangalan ng kanyang mga kasapl (A) 0 ng mga nasasakop. 5. May malawak na kapangyarihan siya upang bumalangkas ng maliit na bagay na nauukol sa mga pagtitipon, mga pakikipagtalastasan, at mga gawain upang ang mga ito'y maging mabisa, matatag, at mabilis. 6. Kapag ang isang Sangguniang pambayan (Cp) ay napakarami, ang Punong pambayan (Gp) ay maaaring magtatag ng ibang pangalawang Sanggunian (Sub C) at humirang muna ng mga magsisipamuno. Kapag natatag na ang mga ito, sila'y pababayaang maghalal ng mga mamumuno sangayon sa mga alituntunin. 7. Ang bawa't Puno ay may kapahintulutang magtatag ng isang Sangganian (C) sa kanyang bayan kung wala pa nito, at ang bagay na ito'y ipagbibigayalam niya, pagkatapos, sa Kataas-taasang Sanggunian (CS) 0 sa Stmgganiang Panlalawigan (CP). Ang Puno (G) ay siyang pumipili sa Kalihim (S).

Ng Tagapag-usig (F): 1. Maaaring palabasin niya 0 paharapin ang sinumang nasasakdal samantalang inihahayag ang pangyayari sa Sanggunian (C). 2. Maaari niyang suriin sa anumang pagkakataon ang mga talaan. Ng Ingat-Yaman (T): Siyang nagpasiya sa pananalapi sa isang madalian at mahigpit na pangangailangan ng isang kasapi (A) o ng Sanggunian (C), datapuwa't tungkulin niyang gumawa ng pagtutuos at managot sa harap ng hukuman ng Liga Pilipina (LF). Ng Kalihim (S): Bukod pa sa buwanang pulong 0 pagtitipon ay maaari siyang tumawag ng pulong 0 pagtitipong hindi pangkaraniwan.


357

Paggugol ng SalapÂŁ:

°

1. Tutustusan ang kasapi ang anak nito, kung dahil sa kakapusan ay magpakilala namang may pagsisikap at may malaking kakayahan. 2. Tutulungan ang dukhang kasapi (A) sa kanyang karapatan laban sa isang makapangyarihan. 3. Sasaklolohan ang kasaping (A) naghihirap. 4. Pauutangin ng puhunan ang kasaping (A) nangangailangan nito para sa isang industriya pagsasaka. 5. Tutulong sa pagpapasok sa Pilipinas ng mga makina at mga bago't kinakailangang industriya. 6. Magbubukas ng mga tindahan, pamilihan, at mga bahay-kalakal na maaaring bilhan ng mga kasapl sa halagang lalong mura kaysa ibang dako. Ang Punong Kalihim (GS) ay may malawak na kapangyarihan upang makagamit ng salapi sa mga pangangailangang pangmadalian, datapuwa't nararapat siyang gumawa ng pagtutuos sa harap ng Kataas-taasang Sanggunian (CS).

°

Mga Tadhanang Panlahat: 1. Sinuma'y hindi maaaring tanggapin kung hindi pagbobotohan muna nang bu6ng pagkakaisa ng Sanggunian (C) sa kanyang bayan, at kung hindi siya makaraan sa mga pagsubok na nararapat niyang pagdaanan. 2. Natatapos ang mga panunungkulan tuwing dalawang taon maliban sa kung may sakdal ang Tagapagusig (F). 3. Upang makamit ang alin mang katungkulan ay kinakailangan ang tatIong ikaapat na bahagi ng mga boto ng mga kaharap. 4. Ang mga kasapi (A) ay siyang naghahalal sa Ka~ lihim Pambayan (Sp), Tagapag-usig Pambayan (Fp), at Ingat-Y amang Pambayan (Tp); ang mga maykapangyarihang pambayan (p) ay siyang nangaghahalal sa mga Panlalawigan (P), at ang mga Panlalawigan (P) ay siyang nangaghahalal sa mga Kataas-taasan (S). 5. Tuwing tumatanggap ng isang kasapi (A), ito'y ipinagbibigay-alam ng Punong pambayan (Gp)


358

sa Punong Kalihim (SG), sampu ng mga pangalang bago at dati; gayon din ang gagawin kung nagtatatag ng bagong Sanggunian (C). 6. Ang mga patalastas, kung panahong karaniwan ay dapat magtaglay ng mga pangalang-sagisag lamang, maging ng lumalagda at maging ng pinadadalhan, at ang pinagdaraanan ay buhat sa kasapi (A) patungong Punong pambayan (Gp), buhat dito, patungo sa Punong Panlalawigan (GP) 0 Punong Kalihim (GS) 0 pabalik. Sa mga pangyayaring hindi karaniwan lamang maaaring laktawan ang ganitong mga kaayusan. Gayunman, sa lahat ng panahori at pook, ay maaaring pakitunguhan nang tuwiran ng Punong Kalihim (GS) ang sinuman. 7. Hindi kinakailangang nakaharap ang lahat ng mga kaanib sa isang Sanggunian (C) upang ang mga kapasiyahan ay magkabisa. Sapat na kung nakaharap ang kalahati at isa sa mga namumuno. 8. Sa mga sandali'ng mapanganib, nararapat ipalagay ng bawa't Sanggunian (C) na siya ang tagapagsanggalang ng Liga Pilipina (LF), at kung dahil sa isa 0 ibang sanhi ay magkawatak-watak ang mga iba 0 kaya'y mawala, bawa't Sanggunian (C), bawa't Puno (G), bawa't kasapl (A) ay kusang magsasabalikat ng pagsusumakit na ang mga yao'y muling mabuo 0 matatag.


KATARUNGAN SA PILIPINAS * SA PATNUGOT NG "Hongkong MAHAL NA GINOO:

Telegraph"

Dahil sa kahirapang magkaroon ng sipi ng inyong pahayagang ipinagbabawal ng mga maykapangyarihang bulag ang pananampalataya sa Maynila, ay hindi ko napag-alaman sa kaukulang panahon ang isang sulat na nilagdaan ng "Isang Kastila". Isinasaad doon na hindi raw totoo ang mga pangyayaring sinabi ninyong naganap noong isang taon sa Kalamba nang makipaglaban ang mga taong nayon sa mayamang kapisanan ng mga prayleng Dominiko. Isang malungkot na katotohanan ang pangyayaring ang mga maalingasngas na usapin dito ay nanatiling lingid sa kaalaman ng ibang bansa, at ito'y bunga ng isang malupit na paniniil na ginagawa sa lahat ng pahayagan sa Maynila, at ito ang tanging dahilang maaaring nakapagpatapang sa "Isang Kastila" na nagbulaan at nagsabing hindi totoo, sa pahayagang "The Telegraph", ang mga pCl-ngyayaring alam na alam ng lahat ng mga naninirahan dito. Ang mga may kagagawan na Jrin ng mga gayong kaguluharr, bagaman sila'y malalakas at nakapangyayari sa mga pahayagan, ay hindi nakapangahas na sumalansang sa damdarning bayan dito, at sila'y nanatiling walang kibo noong ang "The Telegraph" ay makiisa sa mga pahayagan sa Maynila sa pagtatapon ng liwanag tungkol sa nasabing pangyayari. * Ang lathalang ito na ginawa sa ayos na parang isang sulat ay iniakda ni Rizal sa wikang ingles noong unang araw ng Pebrero ng 1892 at ipinadala sa patnugot ng pahayagang Hongkony Telegraph. Ang layon ng sulat na ito'y itumpak ang mga balitang inilathala sa naturang pahayagan ng isang nagkukubli sa sagisag na Isang Kastila. Ang mga kasinungalingan at kamaliang binanggit sa naturang lathala ng Isang Kastila ay hindi naaring paraanin ni Rizal, kaya't sa tulong ng kanyang kapatid na si Paciano at ng kanyang mga magulang, bukod sa ilang kababayang taga-Kalambang noo'y para-parang kasama niya sa Hongkong, ay sinulat nga ang lathalang ito na maliwanag na nagtutuwid at nagwawasto ng mga kasinungalingan at karumhang-budhi ng lumagda sa sagisag na Isang Kastila sa ginawa niyang paglalagay sa di mabuting katayuan sa mga taga Kalamba. 359


360 Bakit? Sinusumbatan ba sila ng sariling budhi? Natatakot ba silang baka ang karimarimarim na kailaliman ng madidilim na gawang ito ay mahalukay 0 natatakot ba silang baka sumabog ang galit ng bayang malaon nang nagbabata? Si "Kastila" ay bumanggit ng mga ari-ariang "ang mga Dominiko ang siyang nagmamay-ari." Kung sa salitang "ari-arian", ang ibig niyang sabihin ay isang bahagi ng lupang kinalalagyan ng Kalamba, ay maaaring tama ang sinabi niya datapuwa't kung sa salitang iyon, ang ibig niyang sabihi'y ang buang nayan gaya ng tinatangka ng mga dominiko, nguni't hindi naman nila mapatotohanan-at talaga namang hindi nila mapatototohanan-kung gayo'y ipinakikilala ni "Kastila" ang tunay na kulay niya. Ito ang pinanggalingan ng lahat ng gulo. Sapagka't nasa kamay ng mga Dominiko ang pamahalaan ay naging madali para sa kanila ang pagtatamo ng hatol na kumakandong sa kanila nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga katuwiran ng usapin sa lahat ng hukumang pambayan at panlalawigan. Sinumang nakaaalam kung ana ang kalagayan ng mga bagay-bagay sa Maynila ay hindi itatanggi ang bagay na iyon. Walang-walang patotoo, walang-walang pagpapatunay, walang-wahlng katibayan kahit na anong uri ang naipakita; wala silang ginawa kundi nags alit a lamang at napasuko nila agad ang mga abang taga nayong gumawa't nagbungkal ng mga lagay na iyon ng lupa, na ngayo'y inagaw sa kanila. Tangi sa rito, ang mga pasubaling iniaatang ng mga Dominiko ay napakahigpit at nakaaaba nang gayon na lamang na walang taong nag-aangkin ng kahit isang titis ng paggalang sa sarili at may kaunting pagkaunawa sa mabuti't masama, na makakasang-ayon sa mga pasubaling iyon kung hindi niya nais maging isang hamak na alipin. Alinsunod sa mga pasubaling iniaatas, ang magsasaka'y hindi makapagtatanim 0 makapagpapatubo ng isang punong kahoy, hindi makapagpapatuloy sa kanyang bahay sa kaninuman kahit ito'y ama't ina 0 kaibigan niya, nang hindi muna hihingi ng pahintulot sa paring tagapangasiwa. Bukod sa rito'y nararapat niyang igalang at pintuhuin, hindi lamang ang mga dominiko, kundi pati kanilang mga utusan, at sampu ng kanilang mga alipin, bilang mga kinatawan ng mga prayleng makapangyarihan.


361 Datapuwa't sukat na ang aking sinabi. Ang pagpapalawig ng pagmumuni.-muni sa kanilang mga imbing gawa ay makapagpapalungkot sa masasayang mambabasa ng inyong mulcH na pahayagan. Hindi totoong ang mga kaibigan ng mga pinaalis ay madalas na nagtangkang sumunog sa buong nayon; ito'y isang napakalupit at napakaimbing paninirang puri. Marami sa mga taga-nayon ang ipinatapon na at ang natira'y nagkakalayu-layo at inuusig sa buong kapuluan bago nagsimula ang sunog. Kung tinangka nila ang pagsunog, walang salang iyon ay nagawa sana nila, at kung nagkagayo'y sino ang makatutulong sa "limampung tauhan" ng pamahalaan, sakaling sinunog ng mga maralita't walang pag-:asang mga taong ito ang apat na panulukan ng nayon? At kung sila nga ang may kagagawan niyon, bakit hindi sila isinakdal, sang-ayon sa batas, ng mga pari at bakit hindi sila dinala sa harap ng mga hukuman upang maparusahan nang nararapat? Ang totoo, at walang sinu:mang makapagpapasinungaling nito, ay ang prayleng tagapangasiwa ng mga dominiko, na kinatulong ang mga kawal at mga taong inupahan (20 sentimos isang araw) ay giniba sa loob ng sanlinggo ang mga bahay-walo, 0 mahigit pa 's a rito, ang mga bago at magagandcing bahay na yari sa tabla, at higit sa isang daang kubo ang kanilang ibinuwal. Kabilang sa mga ito ay maaari naming banggitin ang mga bahay na ari ni Ginoong Luis Elazegui (naging alkalde), Ginoong Matias Belarmino (isa pang naging alkalde), Angelo Alkayaga, Petrona Belarmino, Isaac Alviar, Aquilino Gecolea, Leandro Lopez, at iba pa. Lahat ng mga taong ito ay kabilang sa lalong pinakamababait at pinagpipitaganang naninirahan sa nayon. Si "Kastila" ani Heneral Weyler, ay walang kinalaman sa pangyayaring ito. Ito'y isang pangungusap na hindi paniniwalaan ng sinumang may bahagyang ,p agkakaalam tungkol sa pangyayari. May mga sipi kami ng mga iba't ibang pahatid-kawad na ipinadala ni Weyler sa pagkakataong ito, at ang Han sa mga iyon ay inilathala ng mga pahayagan sa Madrid. Si Weyler ay siyang nagpadala ng mga kawaI, siyang nag-utos na sunugin ang mga bahay at siyang nagpatapon sa mga lalaki at babae sa Sulu pagkatapos na samsamin ang kanilang mga ari-arin.


362

"Dadalawa 0 tatatlong babae lamang at isang matandang lalaki," ang sabi ni "Isang Kastila"; siyanga ba? Tatlong naging alkalde, maraming babae at higit sa tatlumpung lalaki ang hangga ngayon ay nasa Sulu pa. Si Kapitang Luis Elazegui, na may sakit at nararatay sa hihigan, ay pinilit na pumanaog ng bahay na nababalot ng isang kumot. Isang matandang babae ang ayaw umalis sa kanyang matandang bahay at minabuti pang siya'y maba6n sa ilalim ng mga labi nito. Isang panooring nakawiwindang ng puso ang pagmamasid sa mga maralitang taong iyong nanonood, sakbibi ng labislabis na sindak, ng pagkasira ng kanilang bahay na itinayo sa pamamagitan ng paghihirap at pagsusumakit sa buong buhay. At sila'y ayaw patuluyin saan mang dako, sapagka't ipinagbawal ng mga pari na sila'y patuluyin 0 tulungan ng iba. Madali, napakadali ang pagtanggi ngayon sa mga pangyayaring nararapat itakwil at sumpain. Pakitunguhan pang gay on ang mga maralitang nagpakahirap sa paggawa, 0, iyo'y malupit, napa alupit, sa isang taong hayagang itinalaga ang sarili, sa patnamagitan ng mga panatang makarelihiyon sa pag-ibig sa kapuwa at pagkamaralita, sa isang namumuhay ng isang masaganang pamumuhay na tinamo sa pagtitiis ng mga dukha! Datapuwa't ang lahat ng ito'y kinakailangang ipatawad sapagka't balisa ang kanilang damdamin at ang pagmamataas ng mayamang kapisanan ng mga prayleng Dominiko ay nasasa panganib. Ang pagmamataas at ang kayamanan ay nakabubulag sa isang tao, kahit na sa marunong, at ang mga Dominiko'y hindi naman siyang pinakamarurunong sa mga tao. Saksi nito ang Inkisisyon. Nguni't ang hindi maaaring ipatawad ninuman ay ang walang pinanghahawakang pagduhagi at pagpaparatang na ang mga maralitang taganayon ding iyon ay mga manununog, pagkatapos na sila'y agawan ng pag-aaring talagang kanila. Niwawakasan ng "Isang Espanyol" na bago pa ako ay sumagot kay "Isang Kastila" ang kanyang tugon sa pagtatanong ng: Hanggang kailan babathin ng mga tao ang gayong kalagayan ng mga bagay-bagay at saan hahangga ang lahat nang ito?"


363

Inuulit ko rito ang tanong na iyon at humihingi ako sa inyong pahayagang di-mapipipilan at sa inyong mga mararangal na mambabasa na magbigay ng isang sagot 0 dumaliri ng isang lunas. Tapat na sumasainyo,

PHILIPINO MAYNILA,

Unang araw ng Pebrero, 1892

*

*

*


PANUKALA NG PANINIRAHAN SA HILAGANG BORNEO NG MGA PILIPINO * (Mga Batayan) Alang-alang sa ang Hilagang Borneo na sakop ng mga Ingles (British North Borneo) ay napapabuwis at nagbibili ng mga lupa sang-ayon sa mga kapasubaliang babanggitin sa dakong ibaba, at ang mga Pilipino'y nagnanasang pumasok sa pakikipagkasundo sa Pamahalaan upang mamuwisan 0 bumili ng mga naturang lupa; Alang-alang sa ang kolonyang ninanasang itatag ng mga Piliplno'y bmdi lamang magiging isang kolonyang mags asaka, na lilisanin pagkatapos ng isang takdang taning, kundi isang kolonyang palagifm na darami ang tao at madaragdagan sa hinaba-haba ng panahon, magtatatag ng mga bayan at magpapa-unlad sa lahat ng kaparaanan, sa labas at sa loob, para sa kanyang mga pangangailangang politiko at pangkalakal; Alang-alang sa upang magkaroon ng maayos na kaunlaran, ang isang bayan ay hindi lamang nangangailangan ng mga lupain kundi gayundin ng kalayaan, na ang mga landasi'y kinakailangang makikinikinita na sa mula't mula pa at nasa kapanatagan, upang sa paglakad na tungo sa pagkakasulong ay hindi pagbuhatan ng mga paglalaban at kaguluhang magbubunga ng kasiraan para sa lahat; ;' Ang panukalang ito ay walang petsa, nguni't napag-alamang sinulat ni Rizal ng buwan ng Marso 0 Abril ng taong 1892, na ayon kay Retana ay ipinaglakbay ni Rizal sa Borneo. Nang buwan ng Enero, ng 1891 ay ipinasiya ng mga prayleng Dominiko na hingin sa hukuman ang pagpapatupad ng hatol na pagpapalayas sa maraming namumuwisan sa Kalamba. Dahil sa kilos na ipinamalas ng mga ito, na nangagmamatuwid na hindi nararapat ipatupad ang nasabing hatol sapagka't ang usapin ay nasa ilalim pa ng paglilitis ng hukuman, ang Gobernador Heneral Weyler ay nagpadala ng hukbong kabayuhan at artnyerya sa Kalamba upang tangkilikin ang mga maykapangyarihan sa hukuman at maiwasan ang pag-agos ng dugo. Sinunog at pinugnaw ng mga pinuno ng hukuman ang maraming bahay, mga kamalig at iba pang gusali. Daandaang mag-aanak ang nangawalan ng tahanan at ari-arian. Maraming kamag- anak at mga kaibigan ni Rizal ang ipinatapon sa Holo.

3G4


365

Alang-alang sa maging ang Hilagang Borneong sakop ng mga Ingles at maging ang katipunan ng mga maninirahang Pilipino'y dalawang bagay na hangga ngayo'y malalaya't nagsasarili ang isa sa isa, at may matibay na pagnanasang mamuhay magpakailanman sa ilalim ng pakikipagkapuwang lalong tapat upang makarating sa magka-isang hangganang ninanasa nilang dalawa, na dili iba kundi ang pagbubungkal ng mga lupain ng Estado at ang pagtatatag ng isang bayang malaya, nagsasarili at maligaya; Dahil sa malubhang pangyayaring ito, si Rizal, na noon ay nasa Gante, Belhika, ay lumipat sa Hongkong at doo'y dumating ng ika-19 ng Nobyembre ng 1891. Dahang-dahang sinundan niya ang daan ng kapaitang tinahak ng kanyang mga magulang, mga kapatid at mga kababayang taga-Kalamba. Hindi isang kapangahasang ipalagay na ang balak na pagtatatag ng isang bayan-bayanan ng mga pilipinong magsasaka sa dakong hilaga ng Borneo, na nasa ilalim ng pamahalaang ingles, ay sumaisip ni Rizal nang siya'y nasa Europa pa. Kaya't nang nasa Hongkong na siya ay sinimulan ang pagkilos. Nakipagsulatan kay Mr. W. B. Pryer, katiwala ng "BNB Dunlop Corp, Limited" na na~amay-ari ng malaking kalawakan ng Borneo Britaniko, at bukod sa rito'y nakipagsulatan din si Rizal sa mga maykapangyarihang ingles. Tangi sa rito, ay inisip din niyang itatag ang kanyang balak na bayan-bayanan ng mga pilipinong magsasaka sa Selebes 0 sa Nueva Guinea. Nang dakong buwan ng Marso ng 1892, si Rizal ay nagsadya sa Sandakan, Borneo upang gawin ang pangatawanang paglakad na ito. Ang balak ni Rizal ay lubos na sinang-ayunan ni Mr. Pryer, at sa pamamagitan nita ay naaring makapanayam ni Rizal ang gobernador na ingles. Ito naman ay lubos na sumang-ayon; at tungkol sa panukala ni Rizal na pagtatatag ng isang palagiang bayan-bayanan 0 kolonya sa hilagang Borneo ay walang gaanong balakid na sumang-ayon ang Pansamantalang Kalihim ng pamahalaan, na si Mr. Alex C. Cook, sang-ayon sa sulat nito noong ika-4 ng Abril ng 1892, na ipinadala kay Mr. Pryer. Sa gay on, angkin ng di maulatang kasiyahang loob ay sinulat nga ni Rizal ang mga batayan ng balak na pagtatatag ng bayan-bayanan ng mga magsasakang pilipino. Ito'y iniharap sa pamahalaan ng Borneo Britciniko, na ipinadala pagkatapos sa Londres upang mapagtibay. Nang bumalik sa Hongkong si Rizal noong Mayo ng 1892 ay sun1ulat siya sa Gobernador Heneral Despujol upang ipagbigay-alam dito ang balak na pagtatatag ng isang bayan-bayanan ng mga magsasakang pilipino sa Borneo, as ilalim ng pagkukupkop ng mga ingles. Datapwa't ang balak na ito'y nabigo, sapagka't siya'y sinagot ni Heneral Despujol, sa pamamagitan ng konsul ng kastila sa Hongkong, na sanhi sa pangyayaring kapus na kapos ng bisig ang lupaing pilipino ay ipinalalagay niyang isang gawaing hindi makabayan ang kunan ng mga bisig na iyan upang pasaganain 0 patabain ang isang lupang banyaga; at dahil dito'y hindi maaaring katigan ng pamahalaan ang kanyang balak, at idinugtong pang lahat ng pilipino ay maaaring makatulong ng buong laya sa alin mang dako ng kapuluan, at sa loob ng mga itinatadhana ng batas, upang mapaunlad ang bayan". (Vida y ESCTitos del Dr. Jose Rizal ni W. E. Retana pahina 232).


366 Ang mga kinatawan ng British North Borneo Company at ang katipunan ng mga maninirahang Pilipino'y nagkakasundong lumagda sa sumusunod na mga batayan at tadhana na siyang panununtunan ng mga pakikitungo ng kolonya sa Estado, mga batayan at mga tadhanang pinagtibay ng Pamahalaan ng Inglatera, bilang tagatangkilik ng naturang Estado, na tinanggap at kinilala ng magkabilang panig, at susundin at kikilalanin ng lahat ng kanilang mga inapo at mga tagapagmana 0 kahalili. 1. Alin mang tadhana ng kasunduang ito ay hindi maaaring pawalang-bisa, ni baguhin nang walang malaya't kusang pagsang-ayon ng magkabilang panig, sa pamamagitan ng pagsangguni sa kalooban ng pangkalahatan. II. Hindi maaaring magpasok ng anumang bagong tadhana, nang walang malaya't kusang pagsang-ayon ng magkabilang panig, sa pamamagitan ng pagsangguni sa kalooban ng pangkalahatan. III. Bawa't paglabag sa alinman sa mga tadhana ay pasisiyahan ng isang lupong hihirangin ng dalawang panig 0 isasailalim sa kapasiyahan ng pamahalaan ng Inglatera. IV. Ang mga IUPflin ng Kol nya ay sasaklaw sa lahat ng mabibili nila, 0 iiatalaga sa paglinang, gaya rin ng mga lupang kinaroroonan ng mga bayan at pastulan ng mga hayop, at saklaw rin ang mga ilog na umaagos sa gitna ng mga lupang iyon, at pati ng mga baybayin kung nasa dalampasigan ng dagat. V. Ang mga bayang itatatag ng Kolonya ay pamamatnugutan at pamamahalaan sang-ayon sa sariling mga kaugalian at mga batas nila; sila ang mangangasiwa at magtatanggol sa kanilang sarili, sa ilalim ng pagkukupkop ng British North Borneo sa gayon ding mga kalagayang kinaroroonan ng Estadong ito hinggil sa pagkupkop ng Hari ng Inglatera, sang-ayon sa kasunduan nang ika-12 ng Mayo ng taong 1882. VI. Bilang pinakatulong sa mga guguling pangkalahatan ng Estado, ang mga tauhan sa Kolonya ay magbabayad ng mga buwis sa alkohol at apiyan, gaya ng napagkaugalian sa lahat ng Estado, at sakaling magkaroon ng mga ibang pangangailangan, ang mga tauhan sa Kolonya ay hindi maaaring atangan ng mga tungkuling higit sa mga tungkuling nararapat tupdin ng mga sakop na Ingles ng Estado, na makakaparis na mga kaparaanan at mga kalagayan.


367

VII. Ang mga kasalanan 0 pagkukulang na magagawa sa loob ng Kolonya ay hahatulan ng mga hukom 0 ng lupong hihirangin ng Kolonya. VIII. Walang sinumang tao sa Kolonya na maaaring piliting maglingkod sa hukbo 0 gumawa ng walang upa, lib an na sa mga pagkakataong ang pagsasarili ng lupain ay nasa panganib. IX. Ang Estado ng British North Borneo ay magpapabuwis ng mga lupaing malilinis at linang, maghahanda ng mga tirahan at maglalaan ng pagkain para sa tatlong buwan, sa pasubaling sa ikalawang taon at sa mga susunod na taon ay bibigyan siya ng kalahating pikong abaka, sa bawa't akre (sukat ng lupang may 4,840 barang parisukat) ng lupa 0 ng kasing halaga niyaon sa asukal, tabako at iba pa~ X. Ang mga bahay na itatayo ng Kumpaniya para sa mga bagong maninirahan ay babayaran sa kanya pagkatapos ng isang taon. XL Sakaling l,).inanasa ng mga maninirahan na bumili ng lupa, sila'y pagbibilhan ng Estado sa loob ng 999 taon at pagkalipas nito, ang pag-aa1!'i ay masasauli sa kapangyarihan ng Kumpa .ya. XII. Kung sa haharapin ay ninanais bilhin sa Kumpaniya ng isang naninirahan ang lupang nililinang niya, ito'y ipagbibili sa kanya ng Kumpaniya, sa halaga ng lupa na aawasin ang mga pagpapabuting maaaring naipasok ng naninirahan. XIII. Ang mga tao sa kolonya ay may lubos na kalayaan upang magbukas ng mga sangka, bambang, magtaas ng mga pilapil at ibang mga gawaing may kinalaman sa pagsasaka kahit na sa loob ng mga lupaing pinabubuwisan lamang sa kanila ng Kumpaniya. XIV. Lahat ng pagbabago 0 pagpapabuti sa haharapin ng kasunduang ito'y nangangailangan ng pagpapatibay ng mga maykapangyarihan sa Kolonya at ng mga tagapatnugot ng Kumpaniya. Nilagdaan ng mga saksi't mga kinatawan ng magkabilang panig ang kasulatang itong may dalawang sipi, at pinagtibay ng Pamahalaan sa Londres.

*


KAAWA-AWANG MGA PRAYLE! * Ika-13 ng Hunyo, 1892 Kapipigil pa lamang ng isang Bangko ng kanyang mga pagbabayad, kapangungulugi't kababagsak pa lamang ng bangkong New Oriental. Malaking pangungulugi sa Indiya, sa pule) ng Mauricio sa timog ng Aprika, mga buhawi't mga sigwa ang tumapos sa kanyang kapangyarihan at sumakmal ng higit sa tatlumpung angaw na piso (P30,OOO,OOO). Ang tatlumpung angaw na ito'y kumakatawan sa mga pag-asa, pagtitipid, kariwasaan at kinabukasan ng maraming tao at mga kaanak. Sa mga lalong napinsala ay maibibilang namin ang kagalang-galang na Korporasiyon ng mga Paring Dominiko na nawal~n sa pagkakabagsak na ito, ng daan-daang libong piso. Hindi napag-aalaman ang tiyak na halaga sa dahilang napakaraming salapi ang sa kanila'y ipinadadalang galing dito at napakaraming paglalagak ang kanilang ginagawa na kinakailangan ang maraming tagabilang upang tayahin ang napakalaking kayamanang nasa kanilang kamay. Datapuwa't huwag maghinagpis ang mga kaibigan at huwag ding magdiwang ang mga kaaway ng mga banal na mongheng may panata ng pagpapakarukha. Sa isa't isa'y sasabihin naming maaari silang pumanatag. Ang korporasiyon ay mayroon pang maraming angaw-angaw na nakalagak sa mga Bangko sa Hongkong, at kahit na bumagsak ang lahat nang ito, at magibfl ang libu-libong bahay * Ang lagdang Fr. Jacinto ng artikulong ito, ay di mapag-aalinlanganang kay Rizal, sapagka't ito ' rin ang sagisag na ginamit niya sa pagsulat ng kanyang "Mga Alaala ng isang Estudyante sa Maynila". At bagaman sinasabing nilimbag sa Limbagan ng "Amigos del Pais" sa Maynila, ang totoo'y nilimbag sa Hongkong upang iligaw, marahil, ang paniniwala ng mga kaaway niya, lalo na ng mga prayle. nang sipi ng lathalafng itong nakuha ng isang kapatid na babae ni Rizal sa bahay ni G. Jose Ma. Basa sa Hongkong na binilot sa balumbon ng kanyang banig, ang natuklasan ng mga maykapangyarihan sa Maynila nang siya'y umuwi rito. Ang pagkakatuklas na ito ang isa sa ginamit na dahilan upang dakpin at ipatapon si Rizal sa Dapitan. 368


369

nilang paupahan, ay lagi nang maiiwan ang mga parok:iya at asyenda nila, maiiwan pa ang mga pilipinong lagi nang nakahandang mangilin sa pagkain upang makapagkaloob lamang ng abuloy sa kanila. Ano ba ang apatnaraan 0 limandaang libo? Mag-abala lamang sila sa paglilibot sa mga bayan-bayan at humingi ng abuloy ay mababawi na nila la ng nawala sa kanila. May isang taon nang dahil sa masamang pamamahala ng mga kardinal, ay nangulugi ang Papa ng labing-apat na angaw (14,000,000) na salapi ni San Pedro; ang Papa, upang matakpan ang kakulangan ay dumulog sa atin, at sinimot naman natin sa ating mga tampipi hanggang kahuli-hulihang sitapat, sapagka't alam nating ang Papa'y maraming pingkakagastahan: may limang taon na ngayong ipinakasal ang isang pamangkin niyang babae at ang ipinagkaloob na bigay-kaya ay isang palasyo bukod pa sa tatlondaang libong (300,000) prangko. Gumawa nga kayo ng isang pagpupumilit, mga pilipinong magaganda ang lob, at tulungan din naman ninyo ang mga dominiko! Tangi sa rito, yao g daan-daang libong pisong nawala ay hindi raw naman kanila, sang-ayon sa sabi: paano nga bang magiging kanila iyon ay sa may panata sila ng pagpapakarukha? Nararapat nga silang paniwalaan, kapag sa hangad- na mapagtakpan ang kanilang sarili, ay sinasabing yao'y pag--~ari ng mga ulila't mga balong babae. Walang kasala-salang ang isang bahagi ng kayamanang iyon ay nauukol sa mga balong babae at mga ulila sa Kalamba, at sino ang nakaaalam kung yao'y sa mga ipinatapong asawa 1 at pinangangasiwaan ng mga mababait na prayle bilang mga tagapag-ingat lamang upang isauli pagkatapos nang huongbuo pati ng mga tuba pagdating ng araw ng paghihigay-ulat! Sino ang nakaaalam? May bub uti pa ha sa kanilang paghahilinan ng nasinop na kaunting ari-arian samantalang nag-aalab ang mga bahay, tumatakas ang mga halo at mga ulila, na hindi makakita ng matutuluyan sapagka't ipinagbawal na sila'y patuluyin, samantalang ang mga lalaki'y ibinibilango 0 inuusig? IVlay hihigit pa ba sa mga dominiko sa pagkakaroon ng gayong katapangan, ng gayong kapangahasan, ng gayong pagmamakatao? 1 Tinutukoy ang mga angkang pinaalis sa Asyenda ng mga paring dominiko sa Kalamba noong Enero at Pebrero ng 1891, at ang mga bahay nila'y sinunog ng mga kawal.

006700-24


370

Nguni't ngayo'y inagaw ng diyablo ang salaping iyon ng mga ulila't mga balong babae, at nararapat ikatakot na baka agawin pa rin ang nalalabi, sa dahilang kapag nagsimula ang diyablo ay sapilitang tatapusin niya. Masaya kaya ang pinanggalingan ng salaping iyon? Kapag gayon ang nangyari, itatagubilin namin sa mga dominiko na sabihin nila ang gaya ng sinabi ni Job: Hubad akong lumabas sa tiyan ng aking ina (Espanya) at hubad din akong babalik doon; ang diyablo ang nagbigay, ang diyablo rin ang kumuha, pagpalain nawa ang pangalan ng Panginoon! PRAY JACINTO MA"(NILA,

Limbagan ng Amigos del Pais :;:

*

.', '.'

HULING-PATI NI RIZAL TUNGKOL SA PULITIKA * Sa aking minamahaL\ na mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan: Ang pagmamahal ria lagi nang sinimpan at iniukol ko sa inyo ay siyang nag-atas sa aking gawin ang hakbang na ito, na tanging ang hinaharap lamang na panahon ang makapagpapasiya kung matuwid 0 hindi. Ang tagumpay ay siyang humahatol sa mga bagay-bagay, ayon sa kinalala,. Ang lathalang ito ni Rizal ay kilalang-kilaIa ngayon sa pamagat na "Huling-Pati" tungkol sa Politika, pamagat na siyang ibinigay sapul nang unang ilathala ito ni Apolinario Mabini. Ang "Huling-Pati" ay nauna sa sulat na ipinadala ni Rizal sa Gobernador Heneral ng Pilipinas, na ipinagbibigay-alam ang kanyang pag-alis sa Hongkong at pag-uwi sa Pilipinas upang pumailalini sa kapangyarihan ng nasabing gobernador. Ang sulat na ito, at ang isa pang ipinadala sa kanyang mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan ay pawang inilagay sa kanikanyang sobreng nakalapat at iniwan sa isa niyang kaibagang portuges, na nagngangalang Dr. Lorenzo Perreira Marquez, na nang panahong iyon ay nakatira sa Hongkong at lumipat pagkatapos sa Makaw. Sa mga naturang sobre ay nakatitik ang paunawa na huwag buksan ang mga iyon kundi pagkamatay niya. Dahil dito, ang naturang "Huling-Pati" ay nalagak kay Dr. Marquez at dinala lamang dito sa Maynila pagkamatay ni Rizal, sa pamamag-itan ni G. Marciano Rivera. Matapos na ilathala ni Apolinario Mabini ay sinipi naman ang "HulingPating" ito sa Torno III ng Epistola1'io Rizalino.


371 basan; nguni't maging sang-ayon 0 salungat man ang 路pasiya ay lagi nang masasabing ang nag-utos sa akin ay ang aking tungkulin, at hindi kailangang ikamatay ko ang pagtupad ko sa kanya. Nababatid kong pinapagtiis ko kayo ng labis-labis, nguni't hindi ko pinagsisisihan ang aking ginawa, at kung ako 1amang ay magsisimula uli ngayon ay gagawin ko rin ang gaya ng aking ginawa, sapagka't iyon ang aking tungkulin. Malugod akong yayao upang isuong sa panganib ang aking sarili; hindi bilang pagsisisi sa aking mga kamalian (na sa bagay na ito'y hindi ako naniniwalang nakagawa ng anuman), kundi upang bigyang wakas ang aking ginawa, at papagtibayin ng aking halimbawa ang lagi nang ipinangangaral ko. Ang tao'y nararapat mamatay alang-alang sa kanyang mga tungkulin at mga pananalig. Pinaninindigan ko ang lahat ng mga kaisipang ipinahayag ko hinggil sa kalagayan at sa hinaharap ng aking bayan, at dahil sa kanya'y natatalaga akong mama,tay, at higit sa rito'y upang maikita ko kayo ng katarungan at katahim' .. an. Malugod kong isiI\asapanganib ang aking buhay upang mailigtas ang napakaraming mga walang-sala, ang napakaraming mga pamangkin, ang napakaraming mga anak ng mga kaibigan at hindi kaibigan, na pawang naghihirap nang dahil sa akin. Sino ako? Isang tao lamang, halos walang kaanak at maraming kabiguan sa buhay. Nagkaroon ako ng maraming pagkabigo at madilim ang hinaharap na sa aki'y inihahandog, at lalo pang magiging madilim kung hindi tatanglawan ng liwanag, ng bukang-liwayway ng aking inang-bayan. Samantalang maraming taong puna ng pagasa't mga pangarap ang magiging mapalad at magagalak, marahil, sa aking pagkamatay, palibhasa'y umaasa akong masisiyahan na ang aking mga kaaway, at hindi na nila uusigin pa ang napakaraming walang-kasalanan. Sa kabilang dako, ang poot nila'y makatuwiran kung tungkol sa akin, nguni't hindi, kung tungkol sa aking mga magulang at kamag-anak. Kung magkakait sa akin ang kapalaran, ay ala min ng lahat na maligaya akong mamamatay, sa pag-aakalang dahil sa pagkamatay ko'y mabibigyan ko ng wakas ang lahat ng mga ipinaghihirap nila. Magsibalik sila sa ating lupang tinubuan at doo'y lumigaya nawa sila.


372

Hanggang sa huling sandali ng aking buhay ay isasaisip ko kayo at sa inyo'y nanasain ko ang lahat ng uri ng kaligayahan. JOSE RrZAL HONGKONG,

ika-20 ng Hunyo ng 1892

Sa Mga Pilipino;

*

Hindi mapag-aalinlanganang ang hakbang na aking ginawa o gagawin ay lubhang mapanganib, at hindi ko na kailangang sabihing yao'y inisip kong mabuti. Nababatid kong ito'y tinututulan ng lahat halos; datapuwa't nababatid ko rin naman, na halos walang sinumang nakaaalan ng dinaramdam ng aking puso. Hindi ako maaaring mabuhay nang nalalaman kong maraming nagtitiis ng walang matuwid na mga pag-uusig dahil sa akin; hindi ako maaaring mabuhay kung nakikita kong nagdaralita ang aking mga magulang sa pinagtapunan sa kanila nang salat sa mga kaginhawahan sa kanilang tahanan, malayo sa kanilang inang-bayan at sa :Kanilang mga kaibigan; hindi ako maaaring mabuhay kung namamalas kong pinag-uusig na parang mga salarin ang aking mga kapatid at ang marami nilang mga kaanak; minamagaling ko pang sagasain ang kamatayan, at malugod na iaalay ang aking buhay mailigtas lamang ang napakaraming walang-sala sa gayong buktot na pag-uusig. Natatanto kong sa ngayon, ang bahagi ng kapalaran sa hinaharap ng aking inang-bayan ay naaatang sa akin; na kung ako'y patay na, ay maraming magtatagumpay, at dahil dito'y marami ang nagmimithi ng aking pagkapanganyaya. Nguni't ano ang gagawin? Higit sa lahat ay may mga tungkulin akong ini-aatas ng aking budhi; may mga kautangan akong dapat gampanan para sa mga angkang nangagtitiis, para sa aking mga matatandang magulang na ang mga buntunghininga'y naglalagos sa aking puso; nababatid kong ako lamang, kahit sa pamamagitan ng aking kamatayan, ang makapagpaligaya sa kanila at makapagpapabalik sa kanilang inang-bayan at, sa katahimikan ng kanilang tahancm. Maliban sa aking mga magulang ay wala na akong iba pa; datapuwa't ang aking inangbayan ay mar ami pang mga anak na maaaring humalili sa akin, at humahalili na nga nang may kalamangan sa akin.


373 Bukod sa riyan ay ninanais ko rin namang ipamalas sa mga ayaw kumilala sa ating kagitingan na tayo'y marunong mamatay alang-alang sa ating tungkulin at sa ating pananalig. Ano ang kailangang mamatay, kung mamamatay naman nang dahil sa iniibig, dahil sa inang-bayan, at dahil sa mga taong pinakamamahal? Kung nababatid ko lamang na ako ang tanging kinas asandigan ng poHtika sa Pilipinas, at kung nananalig lamang ako na gagamitin ng mga kababayan ko ang aking mga paglilingkod, marahil ay magaatubili ako sa paggawa ng hakbang na ito; datapuwa't mayroon pang ibang makahahalili sa akin, na humahalili sa akin nang may kalamangan; at higit pa sa rito'y may mga nag-aakalang ako'y kalabisan na marahil at ang mga paglilingkod ko'y hindi na kakailanganin, sapagka't ako'y ayaw na nilang pakiJusin. Inibig kong lagi apg aking abang inang-bayan, at natitiyak kong siya'y iibigin ko hanggang sa huling sandali, sakaling ang mga tao'y magk拢\,it sa akin ng katarungan; at maligaya kong igagawad ang huling tibok ng buhay, at nasisiyahan sa pagdidili-diling lahat ng aking tiniis, ang aking kahapon, ang aking kasalukuyan at ang aking kinabukasan, ang aking buhay, ang aking pag-ibig, ang aking mga kaligayahan, ay pawimg ipinara kong lahat alang-alang sa pag-ibig ko路 sa kanya. Anuman ang aking maging kapalaran ay mamamatay akong nagpapala sa kanya at nagmimithi ng bukangliwayway ng kanyang katubusan. Ilathala ang mga sulat na ito pag ako'y patay na. JOSE RIZAL HONGKONG,

ika-20 ng Hunyo ng 1892.

*

*


PALATUNTUNAN NG SAMAHAN NG MGA MAGSASAKANG TAGA-DAPITAN PANGKAT 1. Ang mga layuning tinutungo ng Samahan ng mga Magsasakang Taga-Dapitan ay ang mga sumusunod: Pabutihin ang mga ani sa pagsasaka, sikaping maipagbili sa lalong mabuting halaga, magtipon ng puhunan upang maibili ng mga iyon at tumulong sa buong magagawa sa mga nag-a ani at manggagawa sa pamamagitan ng isang tindahang mabibilhan sa katamtamang halaga ng mga bagaybagay na lalong kinakailangan. PANGKAT 2. Ang tatak na gagamitin ng Samahan ay A. D. para sa mga kasangkapan at mga paninda. MGA KASAPI PANGKAT 3. Upang matamo ang mga layong ito, ang Samahan ng mga Magsasakang Taga-Dapitan ay tatanggap ng mga kasaping industriyal at mamumuhunan. (a) Tutungkulin ng mga kasaping industriyal ang pagbili, pagbibili, paglululan, pag-aahon, pag-iimbak at iba pa, ng mga bagay-bagay na aariin 0 mabibili ng Samahan. (b) Ang mga kasaping mamumuhunan ay maglalagak sa kapangyarihan ng Samahan ng isang halagang hindi kukulangin sa limampung piso. PAMAMATNUGOT PANGKAT 4. Ang Samahan ay kakatawanin 0 pamamatnugutan ng isang Kasaping nakatira sa Dapitan at hihirangin sa lihim na pagbobotohan ng mga ibang kasapi. PANGKAT 5. Ang tungkulin ng Patnugot ay magtatapos tuwing ika-31 ng Disyembre ng bawa't taon, datapuwa't siya'y maaaring ihalal na muli kung gayon ang napagkakasunduan. PANGKAT 6. Gayunman, kung sa kadahilanang dapat pahalagahan ay akalain ng mga kasaping kinakailangan ang isang bagong patnugutan bago dumating ang takdang panahon, ay hihirang sila niyon sa isang pulong na pangkalahatan, na sadyang ipag-aanyaya sa lahat. 374


375

PANGKAT 7. Ang Patnugot 'ay tatanggap, bilang sahod ng kanyang tungkulin, ng 5 bahagdan ng tube matapos na maawas ang lahat ng gugol, at sa gayunding paraa'y magbabayad siya ng 5 bahagdan ng mga panguluging maaaring danasin ng Samahan. PANGKAT 8. Ang Patnugot ay may kapangyarihang maguri-uri ng mga bagay-bagay na ihinibigay ng mga kasaping industriyal, tumaya at tumanggi sa inaakala niyang hindi maaaring tanggapin; siya ang tutungkol at manana got ng mga pagawa at mga pananagutan ng Samahan, tatanggap ng mga aksiyon, lalagda sa mga resibo, tatawag ng mga pulong at mag-uutos sa mga kasaping industriyal ng mga pamimiling dapat gawin ng mga ito. ANG KAHERONG TAGAPAGTUOS PANGKAT 9. Ang mga tungkulin ng kahero at tagapagtuos ay gagampanang pansamantala ng isang kasapi lamang na ihahalal sa botoH~ng katulad ng paghahalal na ginagawa sa Patnugot. PANGKAT 10. Ang Kaherong Tagapagtuos ay tatanggap ng buwanang sahod na labindalawang piso. PANGKAT 11. Siya ang manunungkol sa mga tuusin ng Samahan, maghahanda ng buwanang ulat ng ari-arian, gugol at pagkakautang at haharap sa paglululan, pag-aahon 0 paghango, pagtimbang, pagbibigay, at iba pa ng mga kasangkapan at panindang ka1akal. PANGKAT 12. Hindi siya magbabayad ng anumang ha1aga hanggang hindi muna ipinaaalam sa Patnugot 0 kaya'y iniuutos nito. P ANGKAT 13. Kung ang Patnugot ay may utos na inaakala niyang nala1abag sa Palatuntunan ng Kapisanan, ang Kaherong Tagapagtuos ay maaaring humingi ng paliwanag sa Patnugot at sakaling hindi siya masiyahan ay ihaharap niya ang kanyang tutol. Kung ang tuto1 ay hindi marapating tanggapin ng Patnugot, ang Kaherong Tagapagtuos ay may kapangyarihang tumanggi sa pagbibigay ng ha1agang hinihingi. PANGKAT 14. Ang panunungkol ng Kaherong Tagapagtuos ay tumatagal, nababago at maaaring baguhin sa mga kaparaanang katulad din ng mga tadhana sa panunungkol ng Patnugot.


376 P ANGKAT 15. Maging ang Patnugot at maging ang Kaherong Tagapagtuos ay mananagot sa lahat ng halagang nawala o nalustay nang walang sapat na kadahilanan 0 labag sa palatuntunan ng Samahan. MGA TUNGKULIN NG MGA KASAPING INDUSTRIYAL PANGKAT 16. Ang mga Kasaping Industriyal ay nararapat sumunod sa mga madaliang utos ng Patnugot sa lahat ng may kinalaman sa hanap-buhay ng Samahan. PANGKAT 17. Ang lahat ng Kasaping Industriyal, upang magawa ang kanyang pamimili, ay may karapatang gumamit ng bahaging nauukol sa kanya sa halagang nasa kaha, sakaling ito'y pagbaha-bahaginin ng patas-patas sa lahat ng mga kasaping industriyal. PANGKAT 18. Ang nagkaroon ng kapanagutan 0 pagkakautang sa Samahan ay papananagutin ng ha]agang ipinagkakautang niya upang maawas sa pagbabaha-bahagi ng puhunan. PANGKAT 19. Sa buwang sumusunod sa hindi pagkabayad ng kasaping industrifal ng kanyang pagkakautang, ay magbabayad siya ng tubong 3 bahagdan isang buwan. PANGKAT 20. Ang bawa't kasaping industriyal na magkautang ng isang daang piso sa loob ng mahigit sa apat na buwan, ay pipiliting magbigay sa Samahan ng sariling pag-aari niyang ang halaga'y katumbas ng kanyang pagkakautang. PANGKAT 21. Ang bawa't kasaping industriyal na hindi dumalo 0 walang kinatawan sa mga pulong ng Samahan sa takdang oras, maging anuman ang kadahilanan, ay magmumulta ng apat na piseta, at ang multa'y gagamitin sa mga gugol ng Samahan. PANGKAT 22. Hindi maaaring tumanggap ng sinumang kasapi, maging industriyal 0 maging mamumuhunan, nang walang pauna at sang-ayong botohan. PANGKAT 23. Ang kasaping industriyal na kinakailangang sumama sa inilululang kalakal sa Sebu 0 sa Maynila ay may karapatan sa pasaheng balikan na babayaran ng Samahan at tangi sa rito'y tatanggap siya ng 1 bahagdan ng pagbibilhan ng kalakal. PANGKAT 24. Ang mga kasaping industriyal ay maghahali-h2Jili sa gawaing ito.


377 PAGHAHATI NG MGA PAKINABANG PANGKAT 25. Buwan-buwan ay gagawa ng isang pagtutuos tungkol sa lahat ng pangangalakal ng Samahan sa loob ng apat na araw matapos dumating ang bawa't K oreong opisyal. PANGKAT 26. Pagkaawas ng lahat ng gugol ng Samahan, ang tubong natitira ay hahatiin sa dalawang bahagi: ang kalahati'y sa mga kasaping aksiyonista at ang isa pa'y sa mga kasaping industriyal. (a) Ang kalahating nauukol sa mga kasaping industriyal ay paghahati-hatiin sa mga ito nang ayaw-ayaw sa mga panindang binili 0 tinamo ng bawa't isa. (b) Gayundin, aug mga aksiYQnista ay magbabaha-bahagi sa kalahating nauukol sa kanila nang ayaw-ayaw sa bilang ng aksiyon ng bawa't isa. PAMAMAHAGI NG MGA PANGULUGI PANGKAT 27. Ka'pag ang Samahan ay dumanas ng anumang kalugihan, ito tang mga karaniwang gugol sa buwanbuwan ng Samahun ay babahugiil.1in sa Patnugot at sa mga Kasapi sa gayunding ruga tadhana ng pamamahagi ng mga tuba. PANGKAT 28. Ipalalagay na karaniwang gugol ng Samahan ang sahod ng Kaherong Tagapagtuos, ang sa Tanod ng kamalig, ang bayad ng lisensiya at tatlong piso para sa paglululan at pag-aahon. (Nilagdaan) (DAPITAN, unang m-aw ng Enero ng 1895 ,) ,',

','

JOSE

RIZAL


PAGTATANGGOL SA SARILI NA SINULAT NI RIZAL SA KUTA NG SANTIAGO (Mga Tala para sa Aking Pagtatanggol)

*

Tungkol sa Paghihimagsik Noon lamang unang araw 0 ika-2 ng Hulyo ng 1896 nagkaroon ako ng balitang may binabalak na paghihimagsik, nang makipagkita sa akin si Pio Valenzuela at ibalitang may binabalak na pagbabangon. Sinabi ko sa kanya na yao'y baligho, at marami pang iba. Datapuwa't sinagot niya akong hindi na sila makapagtitiis pa. Ipinayo ko sa kanyang kinakailangang dagdagan ang kanilang pagtitiis at iba pa. Sa gayo'y idinugtong niyang siya'y sinugo sa akin sa dahilang pinanghihinayangan nila ang aking buhay sapagka't ako raw marahil ang siyang pararatangan ng paghihimagsik. Sinago kong ako'y makapagtitiis at kung ako'y gagawan ng anumang bagay ay mapatutunayan ko ang aking kawalang-slala. Sa anu't anuman, ang idinugtong ko, ay huwag ninyo akong alalahanin, kundi ang bayan, na * Si G. Rafael Dominguez, na hinirang na maging tanging hukom sa usaping pina-uusig kay Rizal ay nagsimula ng panunungkulan noong ika-3 ng Disyembre, 189ÂŁ. 8i Heneral Blanco na noon ay hil'ldi pa hinahalw.han ni Heneral Polavieja ay nagpasiyang ang usapL.. ay ilipat sa "Auditor General de Guerra", na si G. Nicolas de la Peria, na sapagka't kararating lamang sa Pilipinas ay ipinalalagay ni Heneral Blanco na hindi pa nahahawa ng mga isipang tinataglay ng mga kastilang naninirahan sa Pilipinas. Ang mga kastilang ito, karaka-rakang matatag ang katipunan, ay hindi katarungan ang hinihingi kundi ang dugo ng mga manghihimagsik na pilipino at lalunglalo na ng tanyag na pilipino. Nang ika-9 ng Disyembre ay ipinadala ang mga kasulatan ng usapin sa "Jues Instructor" at kinabukasan lamang, ang hukom na ito, taglay ang isang tala an ng mga tagapagtanggol ay nakipagkita kay Rizal upang papiliin ito ng ibig niyang tagapagtanggol. Pinili ni Rizal si G. Luis Taviel de Andrade noong ika-10 ng Disyembre at nang ika-12 ng nasabi ring buwan ay inihanda ni Rizal ang mga talang ito para sa kanyang pagtatanggol, na siyang naging mga batayan ng pagsasanggalang na inihanda ng kanyang tagapagtanggol, at binasa nang ika-2ÂŁ ng Disyembre sa harap ng hukumang digma. Ang nasa bing tala ng pagtatanggol ay nilagdaan ng buong pang alan ni Jose Rizal bago ibigay sa kanyang tagapagtanggol. 378


379 ,

siyang mahihirapan.-At muli kong ipinaliwanag sa kanya ang kabalighuan ng kilusan.-Ito'y pinatotohanan pagkatapos ni Pio Valenzuela.-Hindi niya sinabi sa aking ang pangalan ko'y gagamitin, ni hindi man lamang ipinahiwatig na ako'y gagawing pinuno 0 anumang bagay na kauri nito. 1 Ang mga nagsasabing ako'y siyang pinuno, na hindi ko nakikilala, ni hindi ko naaalaalang pinakitunguhan man lamang sila, ay nararapat magharap ng anumang katunayang sumang-ayon akong maging pinuno 0 kaya'y nakitungo ako sa kanila 0 sa kanilang kapisanan! Ginamit nila ang aking ngalan sa ikatatamo ng kanilang layon, 0 kaya nama'y nalinlang sila marahil ng mga ito; mayroon bang pinunong hindi man lamang naglalagda ng anumang bagay tungkol sa isang napakahalagang kilusan, kundi sa kahuli-hulihang sandali, at kung magbigay ng kanyang palagay na kasalungat ay hindi naman siya sinusunod? Buhat noong ika-7 ng Hulyo ng 1892, ay tandisang hindi na ako nakialam sa politika. 2 Maliwanag na kinasangkapan nila ang aking ngalan upang maisagawa ang ninanasa nilang gawin. Bukod sa rito; na~g pumutokl ang paghihimagsik, ako'y nakasakay nang hindi maaar~ng pnakipag-usap ni makausap sa sasakyang-dagat na Castilla, at ako'y humandog nang walang anumang pasubali (bagay na hindi ko ginawa kailan man) sa Kanyang Kadakilaan upang sugpuin ang hi magsikan. Nguni't ito'y natititik sa isang suI at na sarilinan, at saksi nito si Koronel Santalo. Hindi maaaring gamitin ito nang walang kapahintulutan ng Kanyang Kadakilaan. Kailan ma'y naging kalaban ako ng paghihimagsik hindi lamang sa dahilang umaasa akong ang Espanya'y magkakaloob agad sa amin ng mga kalayaan; at ito'y sinahi ko kay Pio Valenzuela, sapagka't nakikita kong upang mapangalagaan ng mga pangyayari sa hinaharap ay lubhang kina1 Si Dr. Pia Valen-zuela ay nagpahayag sa harap ng "Jues Instructor" na si Rizal ay tumutol sa balak na paghihL.'1lagsik na iminumungkahi ni Andres Bonifacio. Sinabi rin ni Pio Valenzuela na nang matalos ni Bonifacio ang kasagutan ni Rizal ay tina wag itong duwag at ipinagbawal kay Valenzuela na sabihin kahit kanino ang hindi mabuting bunga ng pagsangguni niya kay Rizal. Ang mga pangyayari at mga pahayag nang dakong huH ay nagpatotoo sa mga sinabi ni Valenzuela sa harap ng hukuman. 9Nang ika-7 ng Hunyo ng 1892 ay iniutos ang pagpapatapon kay Rizal, na buhat pa nang araw na sinundan ay ipiniit na sa Fuerza de Santiago upang kinabukasan ay dalhin sa Dapitan, na siyang pinagtapunan sa kanya.


380 kailangan ang isang napakahigpit na pagkakabigkis ng Espanya't ng bayang Pilipino. Hindi totoong ako'y nakipagsulatan sa kanila: nasaan ang isa man lamang na sulat ko? Ang lahat ng mga sulat ko'y nagdaraan sa mga kamay ng komandanteng P. M.; at kung sila'y sumulat sa akin, madaling mangyaring ang mahulog ang sulat sa mga kamay ng Pamahalaan, gaya ng nangyari sa diumano'y sinulat ni Deodato Arellano na matatagpuan sa mga ulat ng usapin. Sinasabi ni D. Arellano na hindi magaan 0 madali ang pagpapadala ng mga sulat sa akin. Ang pagpapadala sa akin ng suI at, gaya ng sinabi ng isa, na napapaloob sa mga tapayan ng biskotso, ay kakatuwa; sa Dapitan, ang mga biskotsong ito'y ipinanrigaIo't ipinamigay ko sa mga tao. Kung minsa'y dumarating na bukas ang mga tapayan, at kung minsa'y nababasag sa bapor sa pagiululan at pagbababa. Totoo ngang may nagsadya sa aking isang taong humihingi ng mga sulat, nguni't siya'y ipinabahaia ko sa Gobernador na nagpabalik sa kanya sa Maynila.

Tungkol sa Liga Totoo ngang ako'y siyang gutnawa ng mga alituntunin, sa kahiling an ni G. Baza, at ang rnga layon ay ang pagkakaisa, ang pagpapaunlad ng pangangalakal, ng industriya, at iba pa, sapagka't naunawaan at nauunawaan kong ang isang baya'y hindi maaaring magkaroon ng mga kaIayaan kapag walang kasaganaan sa kabuhayan; na ang pagkakaroon ng mga kalayaan nang waia namang makakain ay katumbas ng pakikinig ng mga talumpati at pag-aayuno. Nguni't marami ang nagpakahulugan sa aking pariralang pagkakaToon ng mga kalayaan ng pagkakaroon ng pagsasa1"ili: Ito'y dalawang bagay na magkaiba. Ang isang baya'y maaaring m alaya nang hindi nagsasarili, at ang isang baya'y maaaring nagsasarili nang hindi naman malaya . . Ako'y lagi nang naghangad ng mga kalayaan para sa Pilipinas at sa tuwi路路tuwina'y ito ang pinakadiwa ng lahat ng oking sinabi. Ang ibang nagtuturing na ang sinabi ko raw ay kasarinlan ay alin sa dalawa: 0 pinagkamalan nilang ang buwan ay keso 0 kaya'y nagsisinungaling siIa.Ngayon, na ako'y naniwala ring unti-unti'y darating ang malayang pamamahala at pagkatapos ay ang kasarinlan pagkaraan ng mga taon, ay inaamin ko. Ang Pilipinas ay iiwan ng Espanya kapag ito'y napapaniwalang ang kinabu-


381 kasan niya ay nasa-Marruecos at ang Pilipinas ay nagkakahalaga ng lalong maraming pagpapakasakit kaysa ibang bagay, at ang Pilipinas ay iiwan ng Espanya sukdang ito'y nasaing pigilin ng mga 路pilipino, gay a ng madalas nilang tangkaing gawin nang mga nakaraang danta6n. Naniwala rin akong kapag walang taros na itinanggi ng Espanya ang mga kalayaan sa Pilipinas ay magkakaroon ng mga paghihimagsik, at gayon nga ang sinulat ko, na anupa't lubos kong daramdaming dumating ang pangyayaring ito, nguni't hindi ko inaasahan. Ito ang katuturan ng sinabi kong kailangang maging karapat-dapat, kailangang magkaisa, upang kung dumating na ang mga pangyayari'y hindi kami mahulog sa kamay ng Hap6n, ni ng Inglatera, ni ng Alemanya. 3 Ang Liga, na sa ginawang pagtatatag ay inihalal na pangulo si Ginoong Ambrosio Salvador, ay hindi naaring mabuhay sapagka't namatay pagkaraan ng ilang araw dahil sa pagkakapatapon so. akin sa Dapitan. Gayon ang ipinahayag nila; at ito"y nabatid ko, pagkatapos, bagaman gayon nga ang aking palagay. Ngayon, kung yab'y muling binuhay 0 muling it ina tag ng iba, ay hindi ko nfllalaman, ri hindi ko kailangang pagkaabalahan; ni hindi ko nakiki'l ala ang mga nagtatag na muli niyaon, ni hindi ko nalalaman kung anong mga pagbabago ang ginawa nila. Sa paglilitis ay nabatid kong yao'y Inuling itinatag siyam 0 sampung buwan pagkatapos na mamatay. Ang Katipunan ay hindi ko rin nakikilala, ni hindi ko pinakitunguhan ni pinakipagsulatan. Pagharapin sila ng dalawang titik ko bilang katunayan ng kanilang sinabi. Hindi ko maunawaan kung paano ko naanyayahan ang mga taong nagtipon sa bahay ni Ongjunco, gayong hindi ko nakikilala si Ginoong Ongjunco. Mag-anyaya sa mga taong hindi ko nakikilala upang dumalo sa bahay ng isang taong hindi ko rin nakikilala? Bihirang mangyari ito. Sina Pedro Serrano at Timoteo Paez ay naparoon sa Bulakan (Malolos) upang ako'y hanapin gayong hindi ko naman sila inanyayahan, noong ako'y maglakbay sa tren. 8 Ang mga pangungusap na ito na nauukol sa kasal'inlan, na malao't mad ali ay darating, ay nagpapakilala ng matalas na kaisipan ng estadista, na sa kanyang pag-aaral na ginawa sa panahong nakaraan at sa kasalukuyan ay huong katiyakang naka-aninag ng hinaharap ng kanyang hayan.


382 Masoneriya Hindi totoong ako ang nag-atas kay Pedro Serrano upang ipasok ang Masoneriya sa Pilipinas. Ang grade ni Serrano sa Masoneriya'y mataas kaysa akin ; hindi ako nakalampas sa ikatlong grado, samantalang si Serrano'y may 30 0 33 grado, at ito'y napatotohanan sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya sa akin noong ako'y nasa-Hongkong, Ang sulat na ito'y nakasama sa usapin, at doo'y hinirang niya akong Kagalang-galang (Venerable) na para bagang ito'y isang dakilang bagay. Kung ako ang pinun,o, paanong ang isang opisyal ay makapagtataas sa tungkulin ng Kapitan HenE'Ta1? Ang sulat na iyon ay siyang magpapatotoo sa kabulaanan nang kanilang sinabi.-Isa pa, kami ni Serrano'y n agkakagalit nang magkahiwalay sa Europa. lVilisan ko ang Nf ad7'id nang Enero 0 Pebrero ng 1891 at buhat noon ay tumigil na ako ng pagsulat at paglahok sa politika ng Solidaridad at ako'y humiwalay na sa Masoneriya. Kabulaanan din na ako'y siyang nagiatag ng Kapisanang Hispano-Filipino: 'to'y matagal nang natatatag bago pa ako magtungo sa Madrid. Gayon din tungkol sa La Solidaridad; ito'y itinatag ni Marcelo H . del Pilar, at lagi nang siya ang namatnugot nito.-Ang itinatag ko sa Madrid ay walang ibang 1ayo11 kundi ang pabutihin ang kasa1an ng mga pilipino, pilitin silang pumasok sa paaraUm, huwag mangutang, at iba pa. At nang tangkain kong pakia1aman ang mga gawain ng La Solidaridad, ay tumuto1 si Marcelo H. del Pilar, at ito'y mapatutunayan ng isa sa mga sulat niyang nakasama sa mga ulat ng usapin. Ito'y nagpapatotoong hindi napailalim kailan man sa aking pamamatnugot ang bahaging may kinalaman sa politika. Ngayong gamitin nila ang aking nga1an para sa kanilang mga layunin at upang linlangin ang mga mapaniwalain, ito'y hindi ko maaaring pigilin. Sa mga pahayag na ginawa ay may ilang hamak na kabu1aanan, gaya ng sa isang bumabanggit ng lahat ng pangalan ng mga nagsidalo sa bahay ni Ongj unco; tumutukoy ng pcmgalan ng mga taong sa buong katotohana'y hindi nagsidalo. Ang pahayag ni Pedro Serrano'y kabulaanan din, ang kay Moises Salvador, ang kay Timoteo Paez sa ilang bahagi, at ang sa mga iba pa; magiging napakadali ang pagpapakilala ng kabulaanan ng mga iyon.


383

Ang tulang "Inme sa Talisay" ay akin. Ako'y may mga batang lalaking lalabindalawahin 0 lalabing-apating ta6n na tinuturuan ng kastila, pagbilang, ingles, paghahalaman, pag-aanluwagi, pagkakantero at iba pa. Sa mga oras ng paglalaro, sila'y tinuturuan ko ng pagpapalakas, arnis at ang mga may sapat nang gulang ay tinuturuan ko ng pangangaso sa pamamagitan ng baril. Ang tugmang Que sa bran sus familias guardar (matututuhang ingatan ng kanilang mga angkan), ay tumutukoy sa napakaraming panloloob at pamimihag ng mga moro. Ang Talisay ay siyang pook na tinitirhan kong kasama ng mga batang ito. Hang panahong pinakain ko ang balong babae at mga anak ng isang sawimpalad na napatay ng mga moro, sa dahilang hindi siya marunong gumamit ng kanyang baril. Ito'y nasasaad sa isang kasulatang opisyal. Ano ang kasalanal1. ko kung gamitin man nila ang akil1.g ngalan gayong hindi ko nalalaman ni hindi ko mas3sansala? 4 Marami rin ang ~umagamit ng ngalan ng Diyos para sa kanilang layon 0 simbuyo ng kanilang kalooban. Iharap nila ang It{ga alituntunin ng Liga, at m ak:ikitang ang hinangad ko'y ang pagkakaisa't pagpapaunlad ng pangangalakal at industriya at iba pa. Na ang mga bagay na ito (pagkakaisa't salapi) ay maaaring gamitin sa paghahanda, pagkaraan ng maraming taon, ng panghihimagsik ay hindi ko itinatanggi; datapuwa't maaari ring ang mga iyan ang makapigil sa lahat ng panghihimagsik, sa dahilang ang mga taong nabubuhay nang maginhawa at may salapi ay hindi lumalantad sa pakikipagsapalaran, bukod dito'y nananalig akong ang Espanya'y magbihigay pagkatapos ng mga kaluwagang nababagay sa kalagayan ng Bansa. Gayon ang sinabi ko sa aking mga sinulat. 1\1ahabang panahon nang sa Pilipinas ay may mga kaisipang natutungod sa paghiwa]ay sa Espanya. Sa danta6ng ito lam&ng nagkaroon ng maraming paghihimagsik: ang â&#x20AC;˘ Dumatlng si Rizal sa Maynila ng ika-6 ng Agosto ng 1896, at hindi man lamang nab:\tuntong sa lupa ay inilipat siya sa sasakyang pancligmang Castilla, at doo'y hindi siya naaaring kausapin ng kahit sino maliban sa kanyang mga kaanak. Samantalang siya'y nasa-sasakyang pandigma at lingid sa kanyang kaalaman ay sUlnabog ang himagsikang hinalak ng Katipunan sa pangunsuna ni Andres Bonifacio, mga katipunang sa pagkakaalam 0 pagkakilala ng malaking kabantugan ni Rizal sa buong sambayanang pilipino ay lihim na nagpakalat ng balitang ang himagsikan ay may lubos na pagpapatibay ni Rizal.


384 paghihimagsik ni Novales, ang kay Cuesta, ang kay Apolinario, ang mga paghihimagsik sa Ilokos, ang sa Panggasinan, ang sa relimiyento ng mga kawal na Kapampangan, ang sa Kabite, at aug sa Panggasinan uli noong 1884. Ang pilibusterismo'y inilarawan ko sa isang pahayagan sa Madrid (El Progreso) noong Hulyo ng 1884, at dito'y tinawagan ko ng pansin ang pamahalaan tungkol sa mga sanhi't hinaharap niyaon. Hiningi kong paulit-ulit ang kalayaan ng Pahayagan at ng mga kinatawan, sa dahilang ito'y mga kaparaanang makapipigil ng mga pagbabangon palibhasa'y magiging mga balbulang ikawawala ng panganib 0 pasingawan. Ako'y napatangi sa iba sa dahilang sa kapanahunang iniharap ko sa politika, ay tinupad ko ang gawain ng Malayang Pamamahayag at pagka-Kinatawan ng Pilipinas, at masasabi kong buhat noong 1884 hanggang 1891 nang tumigil ako ng pagsulat, ay hindi nagkaroon, ni ng kaguluhan, ni ng mapangahas na baIak, ni ng pagtatapon dahil sa poHtika. Sa Pilipinas ay walang ginagawang anumang bagay na hindi ako ang siyang pinararatl1ngan. Nang ako'y nakasakay sa sasakyang-dagat na Castilla ay may nagsabing ako raw ay nakita sa Kabite, may hawak na isang bomba ng dinamita, at ito'y pinaniwalaan ng marami. Ito'y sinabi sa akin ng Ginooong Komandante ng Castilla) nguni't ito'y hindi maaaring gamitin nang hindi muna isasangguni kay Ginoong Santalo, palibhasa ito'y sinabi niya sa dahilang ako'y siyang nagpahayag nang higit kaninuman, ako'y siyang Ialong naging tapat sa pagsasabi ng iniisip at kailan ma'y hindi ako nagkunwari ni naglilo. Nang tuligsain ko ang Pamahalaan dahil sa mga pagpapatapon sa aking kapatid at mga bayaw, ito'y ginawa ko nang hayagan, hagaman, marahil, ay may kasaklapan, datapuwa't yao'y ginawa ko nang walang takip ang mukha. Pagkatapos, nang ipangako kong ang politika'y hindi ko na pag-aabalahan ay tinupad ko ang aking salita at tuluyang pinutol ko ang pakikipagpalagayang may uring politiko. Ako'y pinararatangan ng Iahat sa dahilang ako'y siyang Ialong naging buka ang bibig, datapuwa't ang mga kaisipang nauukol sa paghiwalay ng Pilipinas sa Espanya ay hindi ko kagagawan; mahanga pa'y bung a aka ng mga kaisipang iyon. Buhat noong 1884 ay ipinagbigay-alam ko na sa Pamahalaan ang lakad ng mga pala-palagay, madalian kong hiningi ang Hang mga k aIuwagan, gay a ng pagkakaroon ng mga Kinatawan;


385 isiniwalat ko ang mga pagmamalabis na ginagawa, ako'y siyang balbulang pasingawan. Pinaram ako noong 1892 sa pamamagitan ng pagkakapatapon, at nasarhan ang balbula. Ang nangyayari sa aki'y gaya ng sa ilang karamdaman, katulad ng bulutong. Ako ang plnakalangib na kinakikilanlan ng karamdaman ng dugo; alisin ninyo ang langib, at gaya ng sinasabi ng karaniwang tao, ang bulutong ay lulubog at papatay sa maysakit. Ngayon, ang mga mangmang at ang mga manggagamot na hangal ay nag-aakalang ang langib ay siyang bulutong 0 siyang sakit; gayong sa katunayan, iya'y siyang kinakikilanlan lamang 0 kaya'y siyang labasan ng karamdaman. Ito'y siyang nangyari. Katulad ng kasabihang ang isang langay-Iangayan ay hindi nakagagawa ng tag-araw, gayon din naman, ang isang tao'y hindi nakagagawa ng isang paghihimagsik. Lahat ng pangangaral ni Pi y Margall, ni Zorilla at ni Zalmeron ay hindi nakagagawa ng isang paghihimagsik, gayong ang bayang kastila'y lalong paladigma, lalong mahirap supilin, lalong magagalitin. Ako'y hindi nakahihigit sa kaninuman sa mga dakilang reRublikanong ito, ni hindi ako nakaaabot sa kanilang bukong-hukong. Kung si Hesukristo na, bagaman nangaral na angkin ang kataas-taasang kapangyarihang tinambalan pa ng :kanyang mga kagila-gilalas na mga himala laban sa mga pari ng kanyang kapanahunan, ay hindi nakagawa ng isang paghihimagsik kundi pagkaraan ng apatnapung taon buhat ng kanyang kamatayan, at ang gayo'y sa dahilang ang kanyang kamataya'y nakapagbigay ng maningning na putong sa kanyang mga aral. Sa kabilang dako, ako'y tinutuligsa ng aking mga kasama at mga kababayan, gaya ng makikita sa mga ulat ng usapin, sa dahilang inaari nila akong kulang sa gawa at isang mapangarapin. Hinahangad ko muna ang pagkakaisa, ang pagtatatag ng mga pagawaan, ng mga industriya, ng mga bangko at iba pa. Dahil dito'y tumulong ako sa pagpapasigla at sa magugugol ng mga nag-aaral ng mga hanap-buhay at mga industriya sa Europa; nag-ukol din ako ng mahabang panahon sa pag-aaral ng seramika, pagkukulti ng balat ng hayop, paggawa ng semento at iba pa. Ang naging pangarap ko'y ang pagkakaunlad ng aking bansa. Nababatid kong sa pamamagitan ng mga sandata'y hindi maaaring makamit ang mga kalayaa't lalong hindi ang pagsasarili, sa dahilang ito'y hindi pahihintulutan ng mga ibang bansang mapanlupig, gaya ng Inglatera, Alemanya at iba pa. 006700- 2 5


Sasakmalin kami pagkatapos ng Hap6n. Datapuwa't kapag ang isang baya'y maunlad at mulat ay hindi na pahihintay ang mga kalayaan.-Ninasa kong ang bayang Pilipino'y makaharap nang karapat-dapat, marangal, at mahal, yamang ang bayang dahil sa kanyang karuwagan at kasamaang-asal ay nagiging kasipha-siphayo ay natataya sa mga pagmamalabis at pagkaduhagi. Karaniwan nang ang tao'y umaapi sa hinahamak niya, at ito'y siyang nakaugalian kong sabihin sa mga nagsisidaing sa akin: "Kung tayo lamang ay lalong karapat-dapat ay hindi gagawin iyan sa atin."-At ito'y siyang isinasakit ngayon ng aking loob, sa pagkakamalas kung gaano kaimbi yaong, sa hangad na ako'y isakdal ay hindi nagbabantulot na magbulaan nang walang patumangga. Kailan ma'y hindi ko inakala ni maaaring akalain na ang mga adhikain kong ito'y maging makasalanan sa mga mata ng Pamahalaan; ito'y mga adhikaing pinapag-ugat sa akin ng aking pi~ag-aralang ganap na makakastila, at dahil din dito'y, makabayan. Sapul sa pagkabata, ako'y tinuruang kasakasama ng mga kastila; binusog ako ng mga dakilang halimbawang matatagpuan sa Kasaysayan ng Espanya, ng Gresiya't ng Roma; pagkatapos, sa Espanya, ang mga naging propes or ko'y pawang mga dakilang palaisip, mga dakilang makabayan. Ang mga aklat, ang mga pahayagan, ang mga halimbawa, ang pangangatwiran, lahat ay nagtaboy sa akin upang ibigin ang kabutihan ng aking tinubuang lupa, gaya ng pag-ibig ng Katalan sa kabutihan ng Katalunya, ng Baskongado ng Galyego, ng Andalus, ng Biskaya, Galisya, Andalusiya at iba pa. Gayon na lamang kalayo sa akin ng pag-aakalang masama ang aking gina路 gawa, na kailanma'y hindi ko ninasang tanggapin ang pagtangkilik ng ibang bansa: makalawang inihandog sa akin ang pagka-mamamayang aleman at minsa'y ang pagkamamamayang ingles, datapuwa't kailan ma'y hindi ko tinanggap. Gayon na lamang kalaki ng aking pananalig sa karapatang maghangad ng inaakala kong matuwid, na tuwing may pagkakataon ay umuuwi ako sa Pilipinas. Jpinahayag sa akin ni Ginoong Jose Taviel de Andrade ang kanyang pagtataka nang ako'y makita niya sa Pilipinas, gayon din ang Gobernador na si Ginoong Ordas y Avecilla, at ang isinagot ko'y wala akong nakikitang kadahilanan ng pagtatakang iyon. Sa loob ng pitong buwang ipinaging malaya ko sa Pilipinas (1887-1888) ay hindi ako nagbigay


387

ng dahilan sa ipagkakaroon ng anumang kaguluhan, at ang tanging suliraning nangyari ay ang katanungan ng Pangasiwaan ng Pananalapi, na tinugon ng sang-ayon sa tunay ng mga pangyayari at laban sa ninanais ng ilang tao. Matagal nang panahon, noong Hulyo ng 1887, na Hang maginoong hap ones ang nagtanong sa akin kung bakit hindi kami naghihimagsik, at nagsabi pang sila'y tutulong sa amin, at iba't iba pa. Sinagot ko silang mabuti ang aming pakikisarna sa Espanya, at hindi namin ibig na magpalipat-lipat sa iba't ibang kamay; na sa kabila ng lahat ay tatlong danta6ng nabubuklod kami sa Espanya sa iisang relihiyon at natatali kami ng pagmamahal at pagkilala ng utang na loob, mga bagay na hindi namin tinataglay sa ibang bansa. ltinugon nila na ang Hap6n ay walang anumang pag-iimbot sa Pilipinas, at sila'y tutulong dahil lamang sa suliranin ng lahi; ako'y napangiti at pinatotohanan ko sa kanila na sangayon sa kasaysayan, ang kanilang mga ninuno'y hindi nagisip ng gaya nila. Ito'y lubos na katotohanan. Ganito ang aking mga kuro; hindi ko itinatangging manaka-naka'y sumasagi sa aking isip ang mga kurong mapanghimagsik at dapat parusahan, lalo na kapag pinag-uusig ang aking angkan, datapuwa't pagkatapos, ang pagdidilidili, ang katunayan ng mga pangyayari) ang kabalighuan ng kaisipa'y nagpapabalik sa akin sa aking sariling kaisipan palibhasa'y hindi ko ipinalalagay na ako'y isang hangal 0 ungas upang magtangka ng isang bagay na hindi mangyayari at isang kabaliwan. Ngayon, kung ako'y parurusahan 0 bibigyang-sala dahil sa ninanais ko ang pagkakaisa ng aking mga kababayan, ang kabutihan ng aking bayan, ang pag-unlad ng kabuhayan nito, ang ikapapantay niya hanggang maaari sa mga lalawigan ng Espanya upang huwag magtaglay ng pamagat na bayang nasasakop, kung ito'y karapat-dapat parusahan, ay parusahan ako. Sanhi sa paghihimagsik 0 sa pagiging kasabuwat sa bagay na ito, 0 sa pagkakapaniwalang ito'y maaaring mangyari o magawa, hindi kailanman: kahit na isang araw na pagkabilanggo sa dahilang ito; ito'y magiging isang pagkabilanggong labag sa matuwid. Isinasamo ko sa Ginoong Tagapagtanggol na siya'y magmaginoo sa paniniwalang hindi ko tinatangkang dayain siya o linlangin sapagka't magiging isang kaimbihan ang dayain ang isang taong naghandog ng kanyang kakayahan upang


388 ipagtanggol ang nanlilinlang na rin. Ipinakikiusap ko rin sa kanyang marapatin sana niyang makipagkita sa akin kailanma't may pagkakataong maparaan siya rito sa Kuta, o kaya'y hindi niya aariing malaking abala ang pagparito at tuwing siya'y may sandaling walang gagawin, sapagka't marami pang bagay ang ipababatid ko sa kanya. Pinaaabot ko sa inyo ang paunang pasasalamat at inihahandog ko ang aking abang paglilingkod. Ang inyong magalang at magiliw na lingkod, na humahalik ng inyong kamay JOSE RIZAL KUTA NG SANTIAGO,

ika-12 ng Disyembre) 1896.

)


PAMAHAYAG SA ILANG PILIPINO

*

MGA KABABA YAN:

"Sa pagbabalik ko buhat sa Espanya ay natalos ko na ang aking pang alan ay ginamit ng ilang taong nasasandatahan bilang sigaw sa pakikidigma. Dinaramdam ko nang gayon na lamang ang balita; nguni't sa paniniwala kong natapos na ang lahat ay nagwalang-kibo ako sa harap ng isang pangyayaring inaakala kong hindi na malulunasan. Ngayo'y nakaririnig ako ng mga bulung-bulungan na patuloy ang mga kaguluhan, at sakaling may ilan pang taong sa mabuti 0 sa masamang hang ad ay nagpapatuloy sa pagsangkalan sa aking pangalan, at nang masugpo ang ganitong pagmamalabis a.,t mapagkilanlan ng pagkakamali ang mga nalinlang ay niadalian kong ipinahahatid sa inyo ang mga' talatang ito upang matalos ang katotohanan. Sa mula't mula pa, nang mabalitaan ko ang binabalak na iyon ay tinutulan ko na, kin~laban ko at' ipinakilalang hinding-hindi * Ang pamahayag na ito ay inihinging pahintulot ni Rizal sa kanyang mga hukom upang sulatin para sa mga pilipinong nasa-Iarangan ng digmaan, at ang layon &y upang akitin silang bitiwan ang sandata at sila'y himuking magsipanahirnik sapagka't isang kabalighuan at kasira-sira ang paggamit ng lakas. Ang kahilingang ito'y itinulot kay Rizal, kaya't sinulat niya't nilagdaan ang llamahayag ng kanyang buong pangalan noong ika15 ng Disyembre ng 1896. Nguni't ang pamahayag na ito, na ayon kay Retana ay isang mainam na kasulatang kinalalarawanan ng buong liwanag ng katangi-tanging katauhan sa politika at kabutihang loob ng may-akda ay hindi pinayagang malathala, gaya ng sadyang nais ni Rizal, sanhi sa pasiyang ibinigay ng "Auditor General" na si G. Nicolas de la Pena, na bukod sa iba't ibang bagay ay nagsabing "ang pamahayag na nasabi'y bukod sa hindi makatutulong sa ipagkakaroon ng kapayapaan ay maaari pang makapagpaalala sa hina": harap ng diwa ng himagsikan, at dahil dito'y hindi nararapat ang paglalathala niyaon". Dahil dito'y mahihinuha ayon sa kuro ng "Auditor General", na si G. Nicolas de la Pena na ang pangangarap sa kasarinlan ay isang kasalanang napakalaki. Ang pamahayag na ito'y kasama ng mga kasulatan sa paglilitis kay Rizal at wala rito sa Pilipinas. Kauna-unahan itong nalathala sa Vida y Escritos del D1路. Jose Rizal ni Retana. At muling nalathala sa Dia fiUpi7W noong ilca-19 ng Hunyo ng 1917, na siyang sinipi namin at tinagalog. 389


390

maisasagawa. Ito ang katotohanan, at nangabubuhay pa ang mga saksi ng aking mga sinabi. Nananalig ako na ang balak ay napakabaligho at ang lalo pang masama'y sadyang kasira-sira. Higit pa rito ang aking ginawa. Nang malaunan at laban sa aking mga payo'y lumaganap ang kilusan, kusang-Ioob kong inihandog) hindi lamang ang aking paglilingkod, kundi ang aking buhay, at pati ng aking pangaIan, upang gamitin nila sa anumang paraang minamarapat upang sugpuin ang paghihimagsik; sapagka't sa paniniwala ko sa mga kapinsalaang lilikhain nito, ay itinuturing kong isa nang kaligayahan ko kung sa pamamagitan na anumang pagpapakasakit ay mahahadlangan ko ang gayon karaming walang katuturang kapahamakan. Ito'y mapatutunayan din. Mga kababayan: Nakapagbigay ako ng mga patotoo gaya ng nakapagbigay ng lalong marami, na ninanais ko ang mga kalayaan ng ating bayan at patuloy ang pagnanasa ko ng mga ito. Datapuwa't inilalagay kong batayan ang pagkakatuto ng bayan, upang sa pamamagitan ng pag-aaral at ng paggawa ay magkaroon siya ng sariling katauhan at maging dapat siya sa mga iyon. Ipinayo ko sa aking mga sinulat ang pag-aaral, ang mga katangiang pambayan sapagka't kung wala ng mga ito ay wala namang katubusan. Isinulat ko rin (at ang aking mga pangungusap ay inuulitulit) na ang mga pagbabago, upang maging mabunga, ay dapat magmula sa itaas, sapagka't ang mga nagbubuhat sa ibaba ay walang katiyakan at mabuway. Inandukha ako palibhasa sa ganyang mga kaisipan kung kaya hindi maaaring di ko sumpain at akin ngang sinusumpa ang pagbabangong iyong tiwali, malupit, binalangkas sa aking likuran, na nakasisirang-puri sa ating mga pilipino, at nakapagpapawalang halaga sa sinumang makapagtatanggol sa atin. Kinasusuklaman ko ang kanyang mga pamamaraan at itinatakwil ko ang anumang uri ng pakikibahagi sa kanya, at pinanghihinayangan ko nang buong pamimighati ng aking puso ang mga walang ingat na napadaya. Kaya nga, nararapat silang mangagsiuwi sa kani-kanilang tahanan, at patawarin nawa ng Diyos yaong mga gumawa sa pamamagitan ng masamang hangad. JOSE RIZAL

REAL FUERZA DE SANTIAGO,

â&#x20AC;˘

ika-15 ng Disyembre ng 1896 .

â&#x20AC;˘

â&#x20AC;˘


MGA DAGDAG SA PAGTATANGGOL SA SARILI NI RIZAL * Si Ginoong Jose Rizal at Alonzo ay mapitagang namamanhik sa Hukuman na marapating isaalang-alang ang mga pangyayaring sumusunod: Tungkol sa panghihimagsik: Una.-Buhat nang ika-6 ng Hulyo ng 1892 ay lubusang hindi ako nakialam sa politika hanggang unang araw ng taong ito, na, nang ipahayag sa akin ni Ginoong Pio Valenzuela na tinatangka ang isang paghihimagsik ay pinagpayuhan kong huwag gawin ang gayon, at sinikap kong siya'y papaniwalain sa pamamagitan ng mga katuwiran. Si Ginoong Pio Valenzuela ay humiwalay sa aking tila napapaniwala ko, kaya't sa halip na siya'y makisama pagkatapos sa paghihimagsik ay humarap siya upang humingi ng kapatawaran sa mga maykapangyarihan. .. Ang dagdag na ito sa pagtatanggol sa sarili ni Rizal ay sinulat niya sa Fuerza de Santiago nang ika-28 ng Disyembre, 1896, at nang umaga rin ng pagharap ni Rizal sa Hukumang Pandigma ay kanyang binasa sa nasabing hukuman. Hindi malayong bago iniharap sa Hukumang Pandigma ay isinangguni muna ni Rizal ang nasabing kasulatan sa kanyang tagapagtanggol, na si G. Taviel de Andrade, lalo na kung iisiping sa sulat ni Rizal noong ika-25 ng Disyembre ay pinakahingi-hingi sa nasabing tagapagtanggol na huwag di makipagkita sa kanya bago humarap sa Hukumang Pandigma. Matapos na bumigkas si G. Taviel de Andrade ng kanyang inihandang pagtatanggol kay Rizal ay binasa naman nito ang mga dagdag na pagtatanggol sa kanyang sarili sa harap ng Hukumang Pandigma. Ayon sa sinulat ng nasabing tagapagtanggol na pinamagatang "Isang ala ala sa nakaraan ng isang nakasamang aktor sa drama ni Rizal", ang karamihan sa mga talatang iniharap ni Rizal ay nagbunga ng di-gagaanong panghihilakbot at pagdidilidili sa mga. nakikinig, bagaman sa ibabaw ng lahat ng iyon ay hindi naging kapani-paniwala sa kanila; ang damdamin ng mga sandaling iyon ng mga kastila ay hindi siyang nababagay upang ipagdilidili: "si Rizal ay kailangang igupo sapagka't dahil sa siya'y ipinalalagay na lalung litaw at tanyag sa lahing naghihimagsik, kaya't sa kanya dapat ibunton ang paghihiganti sa lahat ng samang gawa ng himagsikan". Ang sulat-kamay na itong pinamagatang "Mga dagdag sa pagtatanggol sa sarili ni Rizal", ay kasama rin ng ibang mga kasulatang hindi nalalathala tungkol sa paglilitis kay Rizal at ngayo'y iniingatan sa Espanya.

391


392 Ikalawa.-Bilang patotoong wala akong pakikitungong politiko kahit kanino, at kabulaanan ang sinabi ng isang taong ako'y pinadadalhan ng mga sulat sa pamamagitan ng aking mga kaanak ay ito: na kinailangan nilang suguin si Ginoong Pio Valenzuela sa ilalim ng isang ngalang di tunay, at paggugulan ng malaki, gayong sa sasakyang-dagat na iyon ay nakalulan ang limang kaanak ko at tangi sa rito'y dalawa pang utusan. Kung totoo ang sinabi nila, bakit kinailangan ni Don Pio na makatawag ng pans in ng sinuman at gumugol ng malaki? Tangi sa rito, ang pangyayaring-pangyayari lamang na pumaroon si Ginoong Valenzuela upang ako'y balitaan, ay nagpapatotoong ako'y hindi nakikipagsulatan ay nalaman ko na sana iyon, sapagka't isang bagay na totoong malubha ang gumawa ng isang paghihimagsik nang ito'y inililingid sa akin. Nang gawin nila ang hakbang na suguin sa akin si Ginoong Valenzuela, ay nagpapatunay na sadyang talos nilang wala akong kamalay-malay niyaon, alalaong baga'y hindi ako nakikipagsulatan sa kanila. Isa pang bagay na nagpapakilalang wala akong kinalaman ay ang pangyayaring wala silang naiharap kahi na isang sulat ko man lamang. Ikatlo.-Pinagmalabisan nang buong lupit ang aking ngalan, at sa huling sandali'y tinangka nilang ako'y biglain. Bakit hindi muna sila nakipag-unawaan sa akin? Narinig sana nilang kung hindi man ako nasisiyahan, ay sumasangayon naman sa aking tinitirhan, sapagka't tinanggihan ko ang iba't ibang mungkahing ginawa ng marami upang ako'y kunin sa pook na iyon. Sa mga huling buwang ito na lamang, bilang bunga ng ilang pangyayari sa pamamahay na ipinagkaroon ko ng kaunting pakikipagsalungatan sa isang Paring Misyonero, ay hiniling kong ako'y tulutang makatungo sa Kuba bilang isang kusang-Ioob. Si Pio Valenzuela'y dumating upang ipagbigay-alam sa akin na ako'y nararapat sumapatag sa dahilang, sang-ayon sa kanya, ay maaaring ako'y isangkot. Sa dahilang inaakala kong ako'y walang-walang kasalanan at hindi ko nalalaman kung paano at kailan ang kilusan (bukod sa inakala kong napapahinuhod ko si Ginoong Valenzuela) ay hindi ako gumawa ng mga pag-iingat, manapa'y noong ang kadaki-dakilang Ginoong Gobernador ay sumulat sa akin upang ibabala ang aking pagtungo sa Kuba, ay 路 sumakay ako agad at iniwan kong lubos at pinabayaan ang lahat ng kabuhayan ko. At gayong


393

maaari akong tumungo sa ibang pook, 0 magpaiwan kaya sa Dapitan, sa dahilang ang sulat ng Kanyang Kadakilaan ay may pasubaling ganito ang isinasaad: "Kung hindi pa nagbabago ang inyong kaisipan sa pagtungo sa Kuba, ang Com. (ganito ang pagkakasulat) at iba pa.-Nang sumabog ang paghihimagsik, ako'y naroroong nakalulan sa sasakyangdagat na Castilla, at walang pasubaling humandog ako sa Kanyang Kadakilaan. Labindalawa 0 labing-apat na araw pagkatapos ay. umalis akong patungo sa Europa, at kung ako'y nagkaroon ng isang budhing bagabag ay tinangka ko sanang tumanan sa alinmang daungang hinintuan, lalunglalo na sa Singgapur, na aking inahunan at doo'y nagpaiwan ang ibang mga sakay na may pasaporte para sa Espanya. Tahimik ang aking budhi at natatalaga akong tumungo sa Kuba. Ikapat.-Sa Dapitan ay mayroon akong mga sasakyan sa tubig at pinahihintulutan akong gumawa ng mga paglalakbay sa baybayin ft mga kaparangan, mga paglalakbay na tumatagal sa loob ~.ng panahong minamarapat ko, kung minsa'y mga isang linggo. Kung may hangad pa ako noon na makialam sa poHtika, disi'y tumakas ako kahit na sa pamamagitan ng mga binta 0 bangka ng mga morong nakikilala ko sa mga bukirin. Hindi ko sana itinayo ang maliit na pagamutan ko, ni namili ng mga lupain, ni kinaon ang kaanak upang makasama ko sa pagtira roon. Ikalima.-May nagsabing ako ang siyang pinuno. Anong uri ng pinuno iyan na hindi man lamang sinasangguni sa mga balak, 路 at pinagsasabihan lamang upang tumanan? Anong pinuno iyan na kung magsabi ng hindi, ay sinasagot naman nila ng oo? Tungkol sa Liga: Ikaanim.-Totoo nga na ako ang siyang gumawa ng palatuntunan ng Liga, at ang mga layon niyon ay pasiglahin ang pangangalakal, ang kapamuhayan, ang mga sining, at iba pa, sa pamamagitan ng pagkakaisa; gayon ang pagpatutoo ng mga saksing hindi naman kakampi ko manapa'y mga kaalit ko. Ikapito.-Ang Liga'y hindi nakuhang mabuhay ni matatag, sa dahilang pagkatapos ng unang pulong ay hindi na muling nap,ag-usapan iyon, at namatay sapagka't ako'y itinapon pagkatapos ng ilang araw.


394

Ikawalo.-Kung ang Liga'y muling itinatag ng ibang mga tao siyam na buwan pagkatapos, gaya ng sinasabi ngayon, yao'y lingid sa aking kaalaman. Ikasiyam.-Ang Liga ay hindi isang samahang may kasira-sirang mga layunin at ang patotoo nito'y ang pangyayaring iyo'y tinalikdan at itinatag ang Katipunan, na marahil ay siyang tumutugon sa mga adhikain nila. Magpakaliitliit man ng naging tulong ng Liga sa paghihimagsik, ay hindi sana nila tinalikdan, manapa'y binago lamang sana nila; sapagka't, kung ako, gaya ng sinasabi ng isa, ang siyang pinuno, dahil man lamang sa pagtingin sa akin at dahil sa kabantugan ng aking pangalan, ay dapat sanang pinapanatili ang pang alan ng Liga. Ang pagkakatakwil sa Liga, sa ngalan at sa lahat, at ang pagkakatatag ng Katipunan, ay maliwanag na nagpapatutoong ako'y hindi nila ibinibilang, ni nagagamit ang Liga para sa mga adhikain nila, sa dahilang hindi itinatatag ang isang samahan kung may isa nang nakatatag. Ikasampu.-Tungkol sa mga sulat ko, ipinamamanhik ko sa Hukuman na kun~ sa mga iyon ay may ilang mahahayap na puna, ay isaalang-alang sana ang panahong sinulat ko ang mga iyon; sa panahong iyon ay sinamsaman kami ng dalawang bahay, mga kamalig, mga lupain at iba pa, at bilang karagdagan ng mga iyo'y ipinatapon pa ang lahat ng mga bayaw ko at ang kapatid kong lalaki, bilang pinakabunga ng isang usaping inungkat ng Pangasiwaan ng Kayamanang Bayan; sa usaping ito, sang-ayon sa aming manananggol na si Ginoong Linares Rivas, ay nasa-panig namin ang katuwiran. Ikalabing-isa.-Na tiniis ko ang pagkakatapon sa aking taglay ang pakikiayon ay hindi sa kadahilanang sinasabi, na hindi totoo, kundi sanhi sa naisulat ko. At sa loob ng apat na taon ng pagkakatapon ko ay tanungin ang mga Ginoong Komandanteng P.P.M.M. ng purok tungkol sa aking kaasalan, ang bayan at ang mga Paring Misyonero na rin, sa kabila ng mga sariling pakikipag-alit ko sa isa sa kanila. Ikalabindalawa.-Lahat ng mga pangyayari't pagpapalagay na ito'y sumisira sa walang pinagbabatayang mga paratang niyaong mga nagpatutoo laban sa akin, at ipinamamanhik ko sa Hukom na lumilitis na ako'y iharap nang mukhaan sa mga saksing iyon. Maaari bang paniwalaang sa loob ng isang gabi lamang ay naari kong dalhin ang


395

lahat ng pagkapilibustero sa isang pagtitipong ang pinagusapan ay ang pangangalakal, at iba pa., pagtitipong di na nakalampas pa roon sa dahilang namatay na pagkatapos? Kung tinutoo ng kaunting taong nagsidalo ang aking mga salita, hindi dis in nila pinabayaang mamatay ang Liga. Dahil ba sa yaong mga nangagsibuo ng Liga nang gabing iyon ay siyang nagtatag ng Katipunan? Naniniwala akong hindi. Sinu-sino ang nangagsadya sa Dapitan upang kumausap sa akin? Mga taong lubos na hindi ko kilala. Bakit hindi sinugo ang isang taong kilala ko upang ako'y magkaroon ng lalong pagtitiwala? Sapagka't yaong mga nakakikilala sa akin ay labis na nakaaalam na tinalikdan ko na ang politika, 0 kaya'y sa dahilang nababatid nila ang takbo ng aking pag-iisip tungkol sa paghihimagsik, ay nagsitangging gumawa ng anumang hakbang na walang mapapala at mahirap ipagtagumpay. Inaasahan kong napatototohanan ko, sa pamamagitan ng mga pag-uulat na ito, na ni hindi ako nagtatag ng isang Samahang may layuning mapaghimagsik, ni hindi ako nakisapi sa mga iba, nakibahagi ~a paghihimagsik, bagkus pa ngang ako'y naging kalaban niyaon gaya ng pinatunayan ng pagkakalathala ng isang sariling pakikipag-usap. JOSE RIZAL REAL FUERZA DE SANTIAGO,

*

ika-26 ng Disyembre ng 1896.

*

*


ANG POLITIKA SA P ANANAKOP SA PILIPINAS * . . . Magkakahalaga ng mga kulay 0 higit pa kaysa pagsasar iling lalOng pinangangarap na ginugul0, marahil, ng mga kagusutang panloob, at mamamalas ang kalagayang kmadoroonan ng IVietropoli. At huwag sabihin ng ilan na, dahil sa sila'y napopoot sa lupain at sa mga nananahan doon, ay ipalalagay na an g mga ito, gaya ng nauuna, ay nagbabayad nang Iba-ibayo at sa gayon ding salapi sa mga panialrut at mga pagkaaping tinanggap, na ang damdammg ito ng pagmamahal ay patay na. Totoo ngang nararapat na sanang namatay kung ang bayang Pilipino ay hindi isang bayang bata na nakalillmot sa lalong mabigat na pagkakasala kung namamalas na hindi nagkaroon ng masa~ang hangad at kung hindi tunay ang mabuting pansin ni lVlachiavelo na: la natura degli huomine e cosi obL1,garsi per li beneficii che essi fanno com~e per queUi che essi ncevono: (katutubo sa mga tao ang magkaroon ng pagmamahal maging sa mga kabutihang gmagawa nila at maging sa mga kabutihang tinatanggap mla). Kaya't sinasabi naming hindi ang ill malsasagawa ang pagwawasto ng politikang kolonyal sa Pilipinas, na maaaring magpatuloy na isang bayang sakop at kailangang magpatuloy nang gayon. Kulang na lamang saliksikin natin ngayon kung sa paanong paraan nararapat manatili. Para sa bagay na ito'y kinakailangang gumawa tayo ng isang magaang na pag-uuri-uri na iba't ibang bayang sakop. Ang mga bayang sakop ay laganap sa daigdig at kung tatanggapin natin ang paniwala sa bibliya na iisang magasawa lamang ang pinagmulan ng lahat ng tao, nararapat nating huluin na lahat ng bansa'y nagdaan sa kalagayan ng bayang sakop. Sa katunayan, ang mga bayang sakop ay nagsisimula, 0 sa labis na bilang ng mamamayan sa isang tanging pur6k na anupa't buhat dito'y umaalis ang isang bahagi upang humanap ng ikabubuhay sa ibang pur6k: ang mga kolonyang nagsialis sa tore ni Babel ay utang din marahil dito, gaya ng malaking bahagi ng mga bayang sakop ng Gresiya. * Bahagi n g sulat-kamay na nasa Aklatang Pambansa. 396


397 N agpadala ang Gresiya ng kanyang mga sasakyang dagat sa ilalim ng pagtangkilik at pagpapasigla ni Apolo upang palaganapin ang ngalang griyego, ang kabantugan niya, at mabigyan ng wakas ang kabangisan 0 kaya'y upang maligpit ang Hang kilalang politiko, ang isang lapian at iba pa. Ang pangangalakal ay isa rin sa mga dahilan ng pananakop ng mga bayang Venecia noong edad medya; na sandall lamang na tumagal sanhi sa walang habas na adhika at pagmamataan ng Metropoli, at sanhi sa pagkakatuklas ng isang bagong daraanan ng pangangalakal. Sa ating kapanahunan, tayo'y may mga Portuges, Olandes, at mga Aleman, at lalung-lalo na ang mga Ingles, na matapos ipisan sa kanikanilang sarili ang talino ng mga Romano sa kapangahasan sa pagdaragat at pangangalakal ng mga Penisyo ay nagsipanirahan at sumupil sa ikaanim na bahagi ng daigdig, at nagdala ng buhay sa mga pook na ilang, nagtatag ng mga bayang bago at ll\alalakas na magbibigay ng patutoo t'ungkol sa matandang Inglatera kapag ito'y napawi na balang araw sa kasaysayan, pagkatapos na maganap ang kanyang banal na gawain. Ang pagkapanatiko sa relihiyon ay lumillkha rin ng mga bayang sakop, 0 kaya'y nagagamit na dahHan man lamang; ang mga bayang sakop ng mga mahometano na itinatag sa sandaling ipangaral ang relihiyong ito; ang mga bayang sakop ng Espanya sa Bagong Lupalop, na pinangunahan ng mga monghe at sinundan ng isang hukbong uhaw sa ginto; ang mga kolonya ng Jndiya sa Kapuluang Malayo upang palaganapin ang pananampalatayang Brahmaniko; ang mga budista na umabot hanggang sa Hap6n, at iba pa. Ang mga hinihingi ng pamamaraan at ng pagdaragat ay nakapag-udyok din sa pagtatatag ng mga bayang sakop, na bagaman maliliit ay napakahalaga naman, gaya ng Hibraltar, Malta, Aden, Ang Kabo, at iba pa, at dito, ang bilang ng mga bahay ay kasindami ng bHang ng mga muog, at ang bilang ng mga naninirahan ay kasindami ng bHang ng mga kanyon. Sa wakas, sa kasalukuyang panahon ay may itinatatag na mga ~olonya sa mga lupang ipinalalagay na malaya 0 hindi pag-aari ng sinumang panginoon, gaya ng itinatatag sa pusod at sa mga baybaying silangan at kanluran ng Aprika, na


398

angkin ang lalong malaking kahinhinan at lalong maliit na pagkukunwari, upang pagsamantalahan ang mga kayamanang napapaloob sa mga basal na lupaing iyon. Nawala ang dating pagdadahilan sa pagpapaging kris-

â&#x20AC;˘

â&#x20AC;˘

â&#x20AC;˘

)


KASAYSAYAN NG MAG-AANAK NA RIZAL (Hango sa Dia Filipino, Torno V, ika-30 ng Disyernbre, 1920, p. 44).

PALIWANAG--Sang-ayon kay Propesor Austin Craig, na siyang pinagkakautangan ng siping ito ang sumusunod na kasaysayan ay isang sulat-kamay na hindi inilathala at ipinatungkol ni Rizal sa kanyang kaanak. Ito'y sinulat sa Dapitan para sa kanyang mga pamangkin.-(Patnugot). Pagkakasunud-sunod ng mga angkang pinanggalingan.Nang ika-28 ng Hunyo ng 1848 ay ikinasal si Ginoong Francisco Mercado (na may gulang na 30 taon at dalawang buwan) kay Gng. Teodora Alonso (na may 20 taon at pitong buwang gulang). Ang ginoong Francisco Mercadong ito ay ipinanganak sa Binyang; siya ang pinakabunso sa labintatlong magkakapatid (pitong lalaki at anim na babaeng saHt-saHt, na ang pagkakasunud-sUI,lod ay ito: Petrona, Gabino, Potenciana, Leoncio, Tomasa, Casimiro, Basilisa, Gabriel, Fausta, Julian, Cornelio, Gregorio at Francisco). Ang mga magulang ng labintatlong magkaRapatid na ito'y sina Kapitang Juan Mercado at Cirila Alejandra. Si Juan Mercado ay siyang nakatatanda sa kanilang dawalang magkapatid na lalaki (sina Juan at Clemente) na mga anak nina Francisco Mercado at Bernarda Monicha. Ang ama ng mga Rizal ay nginalanang Francisco, bilang paggunita sa kanyang ingkong. Si Cirila Alejandra ay anak ni Maria Guifio. Si Gng. Teodora Alonso, ina ng mga Rizal, ay siyang ikalawang anak na babae ni Ginang Brigida de Quintos (Narcisa, Teodora, Gregorio, Manuel at Jose), n a anak na babae ni Don Manuel de Quintos, tanyag na angkan sa Pangasinan, at ni Regina Ursua ng angkan ng mga Ursua. Ang mga kapatid ni Brigida de Quintos ay sina: Joaquina (Brigida), Jose Soler, at Maria Victoria. Si Regina Ursua ay anak na babae ni Don Eugenio Ursua (na may lahing Hap6n), at ni Benigna . . . ang kanyang mga kapatid na lalaki ay sin a Pari Alejandro, Jose Ursua, Benito Ursua at Pio Ursua.

*

399


ANG MAYNILA NANG BUWAN NG DISYEMBRE NG 1872 Sa isang manlalakbay, ang Maynila noong buwan ng Disyembre ng 1872, ay siya ring dati; sa isang taga-Maynila ay nagdudulot ng mar ami at napakabagong mga kulay. Ang bayan, ang lalong kat6liko ayon sa mga Kgg. na prayle, na siyang una't huling nagsipamayan sa ' Pilipinas, ay tunay ngang patuloy sa pagiging kat6liko, nguni't dumanas sa kanyang kaasalan ng mga kapuna-punang pagbabago. Tinatawag pa rin siya't tatawag-tawagin sa loob ng mahabang panahon na kaawa-awang masunurin sa Simbahan, ang lalong angkop na katawagan na nagpapagunitang lagi na sa matulaing anyo ng mga kambing na babae't kambing na lalaki, at ng mga tupang nanginginain ng damo, samantalang ang mga pastor ay nakahilig sa damuhan na umiihip ng bansi (Bauta) sa lilim ng mayabong na mga punong-kahoy . .. Tila iyan din ang dating bayang may mga misa ng aginaldo, mga musika at mga orkestra, mga hapunan at piging: nguni't para sa nakakilalang mabuti sa kanya bago nagsimula ang nagdaang dalawang taon, ay walang salang hindi siya ang dati. Mangyayari sa kanya ang nangyari sa isang magdaramit na insik na nagpapakita't nagbibili sa paniwalaing probinsiyano ng isang piyesa ng mabuting kayo, at pagkatapos ay ibinibigay ang ibang kamukhangkamukha, nguni't di-katulad dahil sa kababaan ng uri. Sa katotohanan, ang mga misa ng aginaldo ay hindi na gaanong masaya, ni dinadaluhang gaano; hindi na marami ang mga musika at kung tumutugtog ma'y dahil lamang sa upa 0 tungkulin, at ang mga hapuna'y buong kalamigang inihahandog at bahagya nang maging masaya. Ang mga taga-Maynila, na parang inilugami ng isang malungkot na alalahanin, ng isang luksang damdamin, ay nakangiti ngang tumatanggap sa kanilang mga panauhin, subali't! anong ngiti! katulad ng pagtanggap sa mga manlalakbay ng isang babaing main am na tumanggap, na ang mga anak ay nangamatay sa isang salot na sakit: malungkot, walang tiwala, nguni't matiisin. N ahuhulaan ang mga ka400


401 isipan, nakukubli ang mga- damdamin at ang mga dinding ng pakumpisalan ay di nababasa ng pawis at ng mga luha: ang mga alaala ng Enero at Pebrero 1 ay naglalayo hanggang sa nagbabanal-banalan sa mga tribunal na yaon . . . . ng pagpapakasakit. At gayunman, ang 1872 ay naging dakilang taon para sa Pilipinas! Sa malabong ilog ay nakikinabang ang mga mangingisda: 2 hindi alumana ng mangingisda ang ilog ni ang mga isda, na siyang tangi lamang na nawawalan, kahit man lamang ng mga sandaling iyori. Ang mga taong makapangyarihan, ang mga may halaga at katangian, sa isang sabi'y ang mga prayIe, ang mga militar, ang Gobernador Heneral ay nagsibatak ang isa't isa sa kani-kanilang lamb at sa ilog, at ang lahat ay nasiyahan: ang mga una ay nagtamo ng mga kaluluwa para sa langit, ang mga iba ay mga krus, at ang huH ay walang hanggang kabantugan bilang tagapagligtas ng pagkaganap at kabuuan ng Inang-bayan. Talastas naming lubos na ang lahat ay nagpamalas ng kakisigan sa pagka-makatuwiran, makakatarungan at kad~kilaan ng puso. Ang Gobernador Heneral, ay isang dakila't mapakumbabang politiko noong na. Sa di pagkakilala sa mga laurel na maaaring iputong sa kanya sa Europa, ay ninais niyang handugan din siya sa Pilipinas ng mga putong; isang gawaing lubhang mahirap matamo doon sa kakaunti ang encina at ang laurel} kaya nasiyahan na lamang sa mga <lahon ng saging, bagay na di makapipigil sa ikalalaki ng pagiging karapat-dapat at ikalalawak ng gawain. May isang koronel, na nang lumaki ang ulo sa paggunita sa matatayog na gawain, at sa pagkatakot na mahuH 0 mamatay sa karimlan nang hindi nagiging bantog, ay nanalasa ng taga ng kanyang espada sa kaliwa't kanan sa karamihan ng mga dumalo sa isang panooring lalong nagtuturo ng magandang kaasalan, do on pa naman sa buong pusong pinagtitipunan ng mga marurunong na relihiyoso upang gumanap ng kanilang misyong kristiyano-lagi nang kanais-nais ang gumanap ng tungkulin-sa paghahangad na ang kanilang 1 Sumasaisip ni Rizal ang kaguluhang nangyari sa Kabite noong ika-20 ng EneI'o, at ang pagkakabitay kina pari Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora noong ika-17 ng Pebrero sa Bagumbayan, na kilalci ngayon sa tawag na Luneta, sa Maynila. â&#x20AC;˘ Mangisda sa rnalabong Hog- ay katumbas, sa patalinghagang pakahulugan, ng magsamantala sa kaguluhan 0 kawalang ayos sa kapakinabangang sarili.

006700-

26


402

kapuwa'y magkaroon ng isang banal at magandang kamatayang lagi nang itinutulot ng Langit sa mga kaaway ng relihiyon! Kawanggawang walang kahambing ang magnais ng kabutihan kahit sa mga gumagawa sa atin ng masama.! Kasama nilang nakalikom din ng di-kakaunting kabantugan si Adobo, ang loro sa pananamit at maka-Diyos sa mga gawa, ministro ng mga tao at ng diyos ng paghihiganti, bagaman dapat siyang tumanggap ng lalong maraming kuwalta kaysa pagpapala ng bayan, iyang bayang lagi nang may pagluha sa isang sawimpalad, isang pagpapala ukol sa mga gawang banal at mahabang buhay ukol sa mapagimbot na hangarin ng mga makapangyarihan. Pabulong na lumalaganap sa gitna ng karamihan ang mga katakataka't kapanapanabik na mga anekdota. Ibinibilang ang sa isang abang mat an dang lalaking bingi na katulad ng isang Paring erehe na niyuyukuran at di-pinagmamanuhan, at kinagabiha'y umuwi sa kanyang tahanan. Noon ay sadyang mapanganib ang maglakad sa daan, at lalo na sa mga hayag na pook ay hindi itinutulot ang paglakad ng higit sa isa, ni ang mga Barehang higit din sa isa. Isang kawal ang naKftanaw ng lsang bagay na gumagalaw, papalapit na anino sa mahinay at maingat na paglakad. Ito'y kanyang kinumbibe sa tinig na nanginginig at nababahala; ang piping anino'y patuloy sa paglakad. Sumaging parang isang hinga sa paningin ng kawal ang larawan ng gantimpala, ang mga galon, isang pensiyong tatlong piso; itinuon ang sandata at namaril. !Naligtas ang Inang-bayan! Mabuhay ang Inang-bayan! Maingat na nagsilapit upang suriin ang kilabot na manliligalig at nakita nila ang isang abang matandang lalaki, kikisay-kisay sa lupa, at sa bibig ay nilalabasan ng dugo. Dito'y nahihinuha ko na sa mga bansang katulad ng Pilipinas, ang kabingihan, dahil sa bisa ng singaw ng panahon, ay isang sanhing nakatalaga na ng biglang pagkamatay. Sa gayon, ang taong ito, sa dahilang nagsimulang mabuti ay dapat ding matapos sa gayong kalagayan. Ang Hari ng Kambodje, GhraNorodon 1. 0 3 ay dumalaw sa Pilipinas 3 Ang hari ng Cambodje (0 Cambodja) ay gumawa ng mga paglalakbay sa labas ng Maynila: sa lalawigan ng Laguna ay dinalaw niya ang Sta. Rosa at Binyang; sa Bataan ay dinalaw niya ang Balanga at sa Bulakan ay dinalaw niya ang ~alumpit. Dito sa huli'y naakit siya ng isa sa mga angkan ni Roxas.


403

na may kaalakbay na iba't ibang prinsipeng dugong..:hari. Dumalaw dahil sa nasang makilala ang mga bayaning nangawala sa mga Hang na iyon: nagkaroon ng mga rebista, mga parada, mga pamamasyal, mga piyesta at iba pa. Inilagay ng marilag na Gobernador sa kaliwa niya ang Haring panauhin, sa pagbibigay ng isang maliwanag na patutoo, hukod sa magandang pagtanggap din naman, ng kataasan, pagiging karapat-dapat at paggalang. Nang mga sumunod na panahon, isa pang Gobernador na lasing sa kaluwalhatian ang nagpasayaw ng sayaw ng mandirigma, na kung tawagi'y moro-moro, sa kanyang palasiyo, sa mga embahador ng Hol6. Ang katahimikan ng bayan ay manaka-nakang nililigalig ng masagwa at di-naiibang balita, na hinahalughog sa mga kalalimang oras ng gabi, ang bahay ni gayon 0 ni ganito, na pawang suskritor ng mga. pahayagang europeo, at dahil doo'y masasama at hindi mga relihiYoso. Natatandaan kong makalipas ang tatlong taon, bata pa ako noon, ay natira ako sa bahay ng isang mabuting tao na tinatawag sa Pam antasang "Doctor en Moral", lubhang relihiyoso, na di makapagpapagalit sa sin~mang pray'le. Ang ginoong ito ay nasindak nang gayon na lamang nang makakita so. kamay ko ng isang pirasong pahayagan, na sa wari'y europeo. Nag-antanda siya't lumukso, bagaman dati-rati'y parang pag6i1g kung lumakad, at inagaw sa kamay ko ang papel, at sa maghapong iyo'y hindi nakakaing mabuti. May mga apat 0 limang pangalang hindi maaaring bigkasin sa harap ng madla at isang larawang hindi maaaring ipakita sa sinuman nang walang kaparusahan, gayunma'y nasa-ulo at puso ang lahat ng mga pangalang iyon, at ang larawa'y iniingatan sa pinakadambana ng tahanan. Minamalas ng bayan nang taglay ang pagtatanim sa loob ang mga gayon at ganitong taong ipinalalagay na siyang may kagagawan ng di-mabilang na sarna at nagtatanungan kung may katarungan. Ang buong bayan ay inalisan ng sandata: walang naiiwan sa bahay kahit isang masamang eskopeta upang maipag~ tanggol ang kanilang mga ari-arian laban sa mga magnana.. kaw at mga tulisang naglagusaw sa mga kaparangan. Tinatakot ang maliliit na nayon ng isang tulisang balbasin, na tumutugon sa tawag na kastila) mamamatay at malupit, kalabang walang hanggan ng Pamahalaan, higit na disapala sa mga mamamayan. Tila ito'y nakatakas sa larangan ng mga pangyayaring naganap noong Enero.


404 .Ang mga balitang dumarating buhat sa malalayo at maruruming pula ng mga ipinatapon, ay lalong nakapanglulumo at nakalulungkot. Ang mga kaanak na may lakas ng loob at pagtitiis, ay walang imik at napipipi sa gitna ng mal'ami, at sa pag-iisa sa tahana'y dinadaluyan ng masaganang luha; ang lalong duwag at mahihina ang loob ay nagsasadya sa mga palasyo at nagdadala ng mga regalo at salapi upang matamo ang kalayaan ng kanilang mga magulang at mga kapatid. Hindi rin naman nawawalan ng isang magiliwing ~aybahay na sa pagkakaibig na mamuhay nang malinis at tahimik ay isinusumbong ang asawa sa pagka-pilibustero; ito, kung mayaman ay karaka-rakang hinuhuli, at ang babai'y iniiwang malaya at nag-iisa; kung maralita, ay hindi pinag-uukulan ng pansin, at ang pinakamalaking ginagawa ay ipatapon nang walang anumang paglilitis. Kung mins a'y isang ama, na may isang magandang anak na babae: ang kura ng bayan, kabataang may kainitan ang dugo, ay nakikita sa ama ang isang sagwil para. sa kaligayahan ng anak na babaing pinagbabawalang lumagi sa mga sakramento, laic na sa pinakamabisa sa lahat, ang pangungumpisal; at sa gayon ay ipinatatapon ng mabuting pastor ang tupang iyon, na di na maaaring makabalik pa. Ganyan ang pamamahala sa Pilipinas. Ang nais namin sa ngayon ay maitaas ang lambong na nakatakip sa bangkay na itong ang hug is ay nasinag naming nababakas nang malabo sa hinaba-haba ng mga pangungusap na ito, upang sa kanyang anyo'y mamalas natin ang kawalan ng mga kapalaluang pangtao at ng mga maling paratang. Kung may pilosopo sa aking mga mambabasa at nagnanais na makatanto sa hiwagang natatago sa loob ng bangkay, ay gagawin namin ang autopsiya at itatanong natin sa bagay na ating bubuksan ang lahat ng pinagdaanan niya. Ang may lakas ng loob 0 may nais na makakilala sa katotohanan ng mga bagay-bagay ay sumunod sa aming pagsusuri: ang may nais na mamuhay ng tahimik, sa ilalim ng pagkawala ng kanyang pagkakataong makaunawa ng kung ana ang kapaligirang kanyang pinamumuhayan, ay magtiklop ng aklat at masiyahan na lamang sa pagbaluktot ng katawan, pagyuyuko ng ulo at paglakad nang ngangapangapa. Kung pagkatapos ng mahahabang araw ng tag-init, ang hanging nasa paligid ng lupa ay matigib ng dagitab (electricidad) at ang mga ulap ay magbantang


405

magsabog ng mga makagigimbal na putok, ay kapangapanganib ang di-pagkakilala sa mga batas ng meteorolohiya at ang paglagay sa mga pook na matataas na humihigop sa mga kidlat: ang kamatayan ay masasabing tiyak at walang kasalasala.

*

*


ANG MGA BAYAN NG KAPULUANG INDIKO (Hindi nalathala)

Sa maraming kadahilanan ay lubhang mahirap na saklawin sa isang tingin ang etnograpiya 0 kasaysayan ng mga lahi ng mga bayang malayo. Babahagya pa ang nasasaliksik hangga ngayon, nang tamang-tama, tungkol sa pagkamaganak ng mga bayan-bayan sa Kapuluang Indiko. Halos hindi natin nakikilala, kahit sa ngalan, ang maraming mamamayan doon, alalaong baga'y ang mga naninirahan sa dakong loob ng mga pu16ng lalong malalaki at lalong maliliit na bihirang madalaw ng mga europeo; sa wakas, maging ang matatanda at maging ang bagong pagyayao't dito ng mga mamamayan sa baybay-dagat ay naging sanhi ng iba't ibang pagkakahalu-halo na madaling nakalito sa paghatol sa kaugnayan nila sa etnograpiya, hindi lamang sa nauukol sa katawan kundi sa nauukol din sa wika, lalung-lalo na kung namamalas na may malaking pagkakaiba sa kalinangan sa loob ng iisang lipi, at ang pakikisama sa maraming dayuhan ay nakapagpabago nang gayon na lamang sa maraming dako sa mga bayang ito, hindi lamang sa labas kundi sa loob din naman, at sa kahuli-hulihang panahong ito na lamang napagkilala, nang may bahagyang katiyakan, ang kauna-unahang malayismo at naitala ang mga karagdagang nababago. U pang padaliin ang pagsasalaysay ay hindi natin tatalakayin ngayon ang nagawa ng mga kapangyarihang dayuhan, na sa dakong huli'y tatalakayin natin, at magkakasiya na lamang tayo sa pagsuri, sa kabuuan, sa mga bayang malayo. Babanggitin natin nang pahapyaw ang mga pangyayaring makasaysayan kailan ma't makapagdudulot sa atin ng liwanag upang maunawaan ang mga kaugnayan sa lahi ng isa't isa. Ang mga pagbubukud-bukod ng mga bayang mala yo na sinusubok hangga ngayon, ay maaaring ipalagay na mabuway .a ng pinagbabatayan, kung hindi man isang kabiguan. Ibinukod ni Junghuhn sa lahing malayo sa mahigpit na katuturan ng salitang ito, ang lahi ng mga Batta na kinabibilangan, bukod pa sa bayang may gayong ngalan, ng mga 406


407

Passumha at sa wari'y ng mga Lampong, ng mga Orang abung at Orang Rubu ng Sumatra, pagkatapos ay ang mga naninirahan sa Kanluran ng Sumatra ang mga taga-Sumba, Timor at mga pul6ng kanugnog sa paligid, ng mga Alfur ng Celebes, Banda, Ternate, mga pula ng Aru at Sangir, mga Makasar at Bugis, ang mga Dajak at mga Balines ng Bali at Lombak. Gayunman, kahit sa pangangatawan ay hindi lumilitaw na malaki ang pagkakaiba ng mga bayang ito sa mga malayo upang ang mga iyo'y makabua ng isang lahing bukod, at ang mga pagkakaiba naman ng mga iyon ay hindi panlahat at sariling-sarili, na maaaring maging sapat na kadahilanan sa pagbuo ng isang lahing bukod. Lalong madaling naipaliwanag ni Jan ang mga pagkakaiba sa pangangatawan na matatagpuan sa mga malayo at sa mga batta, lalung-Ialo na sa sari-saring pagkakahalo nila sa iba't ibang lahing dayuhan sapul ng kauna-unahang panahon. Gayon din ang nangyari sa mga "Negrong-Malayo" na ibig ilagay ni Crawfurd (a 17, 296) sa piling ng mga malayo, bilang isang lahing bukod, bagaman lalong mabuway ang pinanghahawakan mg kurong ito. Sa mga ito nararapat iukol ang mga m~amayan sa Silangan ng 路 Celebes at Sumbawa, lalo na ang mga mamamayan sa Flores, Timor, Om bay at Wetter (a 307, 447), Gilolo, at Ceram; sa kabilang dako ay makatatagpo ng mga malayo sa Sumba (Pula ng Sandalo) at Rotti at sa Molucas ay malamang na nagkaroon ng iba't ibang pagkakahalu-halo ng dalawang lahing ito. Ang mukha ng mga naninirahan sa Flores ay nagpapakilala ng anyo ng mga malayong nahaluan ng sa mga naninirahan sa Papua ng Nuweba Ginea (iyon din 138), na noong mga panahong hindi na magunita ngayon ay til a dinala, bilang mga alipin, sa mga dakong ito, datapuwa't sa Crawfurd ay may palagay din na ang hugis ng mukhang iyon ay hindi maipaliliwanag sa pamamagitan lamang ng tunay na pagkakahalu-halo. Ang dalawang pangkat na inilahad dito ay nagkakasalungatan at tiyak na hindi magkakaroon ng isang matatag na kuru-kuro sa suliraning ito hanggang hindi napag-aaralang mabuti ang mga kaugnayan ng mga wikang sinasalita n g mga malayo. Pinagbukud-bukod ni W. V. Humboldt (II. 288) ang mga wika nila sa tatlong uri: ang una'y sumasaklaw sa mga wikang polinesiko, ang ikalawa'y sa mga tagalog at madekase at ang ikatlo, sa mga malayong talaga. Si Crawfurd Ca. 208) sa wakas ay bumuo sa mga


408

wikang ito ng limang pangkat, ang una sa mga ito'y umaabot buhat sa Sumatra hanggang sa Borneo at Lombok, ang ikalawa ay lumaganap buhat sa Selebes hanggang sa Molukas, samantalang ang mga nalalabi ay nauukol sa Pilipinas, sa Polinesia at Madagascar, gayunma'y madaling napagkikilalang ang pagkabaha-bahaging ito'y may katangiang higit na pangheograpiya kaysa pangwika. Ang ipinasok ni Leyden (Asian Researches X. 158) ay tila utang din sa kaisipang iyon, at palibhasa'y tinanggap na pansamantala ni Lassen (1.465) at yamang hangga ngayon ay walang ibang lalong mabuting pinagbabatayan, ay hindi kami mag-aatubiling gawin iyon na batayan ng aming pagsasalaysay. 1 Ang mga mamamayan sa Malaka ay tinatawag na Malayu o Malayo, Orang malay'U) at ang lupa nila ay J ana rnalayu. 1 Sa dakong huli ay babanggit kami ng ibang kahulugan na para sa amin ay tila lalong akma.-sang-a yon kay Barros. Si Magallanes ay may kasamang isan g aliping taga-Malaka, hindi taga-Molukas gaya ng maling say say nl Oviedo, at ang aliping iyon ay naging tagapagsaling-wika pa niya sa Pilipinas. (Navarette IV. p. LXXXV u 57). Gayon din ang pinatotohanan pagkatapos ni Forrest (168, 210) j naari r ing maunawaan , sa pagsasalita ng wikang malayo, n g mga taong tuba sa mga baybayin ng Indostan sa dagat ng Tsina gaya ng sa ilang dako ng mga pula ng Aru. May malaking pagkakawangis ang mga wikang malayo, sa tangway ng Malaka at sa mga pula ng Kapuluan. (Marsden, Malayan Diet~ Paunang Sallta p . VI) . Alinsunod kay Crawfurd, (11. 5) sa Quedah sinasalita nang mabuti at lalong dalisay ang wikang ito. Si Valentin (II, 244) ay nagtangi-tangi ng dalawang diyalekto sa wikang iyon: ang diyalekto ng korte at ng pagsamba, ang mataas na malayo, ayon sa tawag niya, kahit walang pinanghahawakan, "bahasa" Djawie, ang kauna-unahang diyalekto gaya ng sinabi ni Hollander (a. 138) at ang diyalekto panlahat na may lalong maraming salitang dayuhan sa iba't ibang lupainj gayunman, ang dugtong niya, k ahit sa korte na rin, ang una ang tanging ginagamit sa mga k asulatang may kinalaman sa estado. Nang malaunan pa'y nakapagbukudbukod si Marsden ng wika ng Korte, ang sa mga taong nag-aral, ang sa mga mangangalakal, at ang sa bay an, at sa mga ito, ang dalawang nauna ay nagkakaiba sa Hang kataga lamang, kapuwa gamitin sa pagsulat, datapuwa't ang kahuli-hulihan ay naragdagan n g maraming sa Ii tang dayuhan. Itinatangi lamang ni Dulaurier ang uring iyo'y ang wika ng korte. Malaki ang katuwiran ni De Hollander (a, 141) nang sabihin nitong lubhang pinagsumakitan ang pagbabaha bahagi ng Malayo sa maraming wika sanhi sa pagkakahawig niyon sa "javanes", at tila kapalagay niya si Van der Funk (in Bijdragen, N.V.!. 172), nang ipapansin niya ang kagusutan tungkol sa tlnatawag na mataas at mababang malayo, at ang tanging tangka niya'y talakayin ang malayo bilang "wikang tapat" (lingua franca) ng Kapuluan, ang wika ng mga taong nag-aral sa Tangway ng Malaka na hindi iba sa wikang sinusulat, at mga diyalektong nabubukod, at ang mga pangunahin sa mga ito'y ang sa Menang Kabas at ang: sa Malaka, na iba-iba alinsunod sa lupain .

â&#x20AC;˘


409

Gayon lamang at walang dagdag ang tawag sa kanila at hindi binabanggit ang kanilang bayang-tinubuan "sapagka't sila ang ipinalalagay na tunay at kauna-unahang Malayo", hindi kaparis ng ibang malayo na ang ngalan ay nararapat dugtungan, lalo na ng kanilang lupain (Patani, Padang, Djohor at iba pa). (Valentyn VII, 316). Walang anumang pag-aalinlangan tungkol sa matandang kahulugan ng salitang "Malayo" sa mga wika ng Java at Bali (sang-ayon kay Frederich Sq Ztsch. d.d. morgandl. Ges IX 259): ang kahuluga'y "tumakas" kung ginagamit na pangngalan, "bagamundo" (hampaslupa) na noong una'y isang palayaw 1 na ang kahulugang panghamok ay nauunawaan pa hanggang sa dakong loob ng dalawang pu16ng iyon, gayunman ang salita'y may mabuting kahulugan din kung isasaalang-alang ang pangahas na diwang mapagsapalaran at marahil ang kasanayan ng bayang iyon sa pagdaragat. Nang dantaong XV at XVI ang wika nila'y laganap sa pangangalakal sa huong Kapuluan at siyang kaisa-isang paraan ng pagkakaunawaan buhat sa Malaka at Sumatra hanggang sa Molucas (Crawfurd a, 213 .... __ . _____ ) palibhasa ang ngalang "Malayo" ay madalas gamitin i'amang na tawag sa mga mamamayang mahometano ng Sangkapuluan nang hindi isinasaalangalang ang wika nila (Marsden 3d. ed. p. 42), tinatawag na kristiyano at di nananalig, datapuwa't hindi "malayo" kahit sinasalita nila ang wika (v.d. Funk a a 00), at yamang ang mga tunay na malayo, na nagsitira sa baybayin ng maraming pulo ng Silanganang India at nakalupig sa mga tacil na tagaroon ay iba-iba ang pinanggalingan nila, ay hindi natin nararapat waling halaga ang tumpak na pagsasaysay tungkol sa pagkakapalaganap niyon. Ang mga kasaysayan ng mga malayo (sejara Malayu) ay walang iniuulat tungkol sa bagay na iyon, gaya ng tinangka nang walang pinanghahawakan ni J. Low (Journal V. 524), na nagsabing ang mga ito raw, nang mangibang bayan sa tangway ng Malaka (na tatalakayin natin pagkatapos) ay nakatagpo sa mga taga-Siam na siyang nagmamay-ari sa lupain hanggang sa katimug-timugan. Tila walang lumahan sa kanila saan mang dako, bagaman sa dakong kalooblooban ay may humarang sa kanilang mga taong magagaspang ang gawi. Ang napasok nilang lupain sa kahilagaan ay Ligor nguni't ang mga pangunahing mamamayan ay taga-Siam. (Crawfurd a 217). Ang kapangyarihan ng


410

mga taga-Siam ay nararapat umabot hang gang doon sa paralelo 7, latitud Hilaga hanggang sa Timog (Newbold 1, 420) . Hindi nila nasasakop ang kapuluang Mergui, na tinitirhan ng mga maralitang mangingisdang taga-Silang, na ang wika'y tila kahinlog ng siames, (o'Kiley sa Journal IV, 411), bagaman sila'y natatagpuan sa dako pa roon ng Kanluran nguni't hindi marami, at ilang kalat-kalat sa Seilan, datapuwa't hindi sila ang bumubuo ng mga naninirahan sa mga baybayin (Schmarda 1, 480). Malamang na ang laot ng Martaban ang pinakamalayong dako sa Hilaga na naabot nila sa kanilang mga paglalakbay (Crawfurd a, 271), at sila ang mga naninirahan sa isang bahagi ng lunsod ng Juthia (Siam) (iyon din, 385), at higit sa lahat, ay marami sa kanila ang natatagpuang parang alipin sa Siam (W. Rarl a, 170) at siyang tanging sa dakong Timog ng Malaka ay nagtatag ng mga estadong sarili at malaya. Ang mga ito'y ang sumusunod: Ang Quedah (Eeddah) sa Hilagang Kanluran ay malamang na tinitirhan buhat ng kalahatictn ng danta6ng XIII ng mga Malayo ng Malaka ha!)ggang dumating ang mga Portuges (XV) at nanatili sa ilalim ng kapangyarihan ng mga ito (Newbold II 6). Hindi maliwanag na mahihinuha sa kasaysayan ng kahariang ito, na inilathala ni J. Low (Journal III), kung buhat pa nang unang panahon ay napailalim na sa Siam gaya ng ipinalalagay ni Low (doon din, 486) at nagtangkang magsarili sapul ng itatag ang Islamismo (1501) 0 kung hindi napailalim kailanman sa kahariang iyon, gaya ng tinangkang patotohanan ni Anderson (Journal VIII, 149) . Malamang na totoo ang nauna, sapagkat sinabi ni Barbosa (1516) na ang lupain ay pag-aari ng Siam, at sapagka't sa wika ay napagkikilala ang isang matandang pagkakahalo ng mga malayong tagaroon sa mga siames (Crawfurd a, 362). Isang bahagi ng mga siames sa Quedah ay sumampalataya sa Islamismo at tinatawag na Samsams (Moor 242). Sa mga sangkap na ito ng mamamayan ay naragdag noong 1619 ang mga Atjinese na nakalupig sa lupain at nakapagpasuko sa Perak sa dakong timog, na sapul pa nang 1867 ay parang sakop na ng Atjin, sapagka'i ang kanilang Sultan Mansur Schah ay lumipat sa Atjin upang manlupig (Anderson a, a. 0). Nang malaunan, totoo ngang natamo uli ng Quedah ang kanyang kalayaan, datapuwa't pagkatapos ay nagtiis siyang kasama ng Perak


411

ng paulit-ulit na paglusob ng mga siames (ito'y noong 1818, 1821), na nakapasok hanggang sa Parani, bahaging lalong nagagawi sa Silangan, at sa ibabaw ng tungkuling iniatang sa kanila ng mga Ingles na ariing malalaya ang dalawang lupaing iyon, gayunma'y ipinalalagay at pinakikitunguhang parang bayang nalupig nila. (Newbold, Moor a.a. 0.0. uud ber Moor apend 72, 90). Sa dakong laiD pang malayo sa Katimugan ay sumusunod pagkatapos sa baybaying kanluran ng Tangway ang mga estado ng Salangor at Malaka. Sinasabing nang mga unang araw ng danta6ng XyIII, sa Salangor at sa Lingin ay nagsipanirahan ang mga taong galing sa ibang bayan, lalung-lalo na sa Bugis at sila'y lumakas hanggang makapanlupig (Newbold); naging pag-aari din nila ang Galang na dati'y napapailalim sa J oho?' (dersel bei Moor 259). Gayunman, ang paninirahan nila sa mga lupaing ito ay malamang na noon pang una, sapagka't ang Seya?'a Malayu ay bumabanggit sa i:;;ang hari ng Makasa, na noong mga taong 1420 ay nandayuhan, may 200 pandigmang sasakyang dagat upang salakayin ang Malaka. (Brandel, sa Journal V, 646, Budding sa Tydschrift Vi I, 425). Sakali mang ang Malaka ay hindi naging sakop kailanman ng mga Siames (Anderson a. a. O. 156), gayunman, ang estadong ito, na siyang lalong bantog sa mga estadong malayo sa Tangway (1340 sang-ayon kay Valenty,n VII, 319) ay nagtiis ng paulit-ulit at mahihigpit na pagsalakay ng mga Siames (compar Tydschrift VI, 3,256) . Sa kasalukuyang namamayan doon ay may kabilang na mga Telinga ng Caromandel at mga mestisong anak ng mga europeo at mga insik sa mga taal na tagaroon-(Moor 244). Sang-ayon sa sariling palagay ng mga Malayo, ang una at la10ng kilala sa mga est ado nila sa Tangway ay ang Su'rgie Ujong, ang pangalawa'y Rumbowe, at sumusunod , pagkatapos ang Johole (Djohor) at Soimenante (Newbold bei Moor Apperd, 77). Sang-ayon sa nagkasalin-saling paniniwala, ang mga tao sa apat na estadong ito, gaya rin ng sa Naning ay tuwirang nanggaling sa Menangkabao, ang pangunahing pur6k ng mga malayo sa Sumatra at di-ma1ayong ito'y nangyari noong danta6ng XIII, a1alaong baga'y isang dantaon halos pagkatapos ng kauna-unahang pagkadating ng mga mandarayuhang malayo sa Tangway (Newbold 11 74, 73 at sa Moor 255). Isang mahala.gang


412 pagpapatibay ng paniwalang ito ay ibinibigay ng pangyayaring ang ilang lipi ng Rumbowe ay nagtataglay ng ngalan ng mga pook sa Menangkabao (Newbold bei Moor append 64) at ang mga mamamayan doon ay ganap na kasang-ayon ng mga malayo sa Sumatra sa wika, ugali at anyo ng pamahalaan (Logan sa Journal III 40): samakatuwid ay natatagpuan dito sa Malaka ang lalong dalisay na malayismo Johor, isa sa lalong makapangyarihang estado, at itinatag noong 1512 (1526 sang-ayon kay Braude] sa Journal IX, 68); pagkatapos na iwasak ng mga Portugues (1608) ay nalupig ng mga. atjinese (1613, Anderson a.a. O. 154); nang taong 1719 ay nanganib na lumagpak sa dahas ng paglusob ng mga malayo ng Menangkabao na dumating na nagdaan sa Siak, gayunma'y napaurong ang kaaway sa tulong, lalung-Ialo na ng mga Bugis na naninirahan do on (Newbold 11, 47, Braddelas 0). Ang mga mamamayan sa kipot ng Malaka ay kabilang sa mga taong lalong nagkahalo-halo sa daigdig: binubuo, tangi ng mga mala yo at insik, ng siames at birmanes, mga cafre na nanggaling sa Arabia bilang mga alipin, mga taga-Haba, Bugis at Balines, at sa mga ito'y naragdag ang ilang arabe, hudiyo at armenio, at sa wakas, ilang Chulias at Kling (Zelingas) ng India Cisgangetica. Sa dakong katimugtimugan ng Tangway ang pagkakahalo ng mga malayo sa mga taga-Haba 路ay naganap noon pang unang panahon: sinasabing ang lupain daw ay sakop noong danta6ng XV ng Madjapahit, kaharian ng Haba (Dulau. rier) at ang mga pagsalakay nitong huli sa Singgapura, na itinatag ng mga Malayo noong 1252, ayon kay Valentyn (VII, 318) ay nakapilit dito sa huH na tumungo sa kanluran at magtatag ng Malaka. May dalawang nagkasalin-saling paniwala tungkol sa bagay na ito: ang isa'y nag-uukol ng pagsalakay na iyon sa isang prinsipe ng Madjapahit, samantalang ang ikalawa'y nagsasabing nanggaling daw sa ibang prinsipeng taga-Haba na nagngangalang Ardhi Vidjojo (Muller, a. p. 27 not). Sa baybaying silang an ng Tangway, ang mga Siames ay nakapasok ng higit sa dakong Timog kaysa Kanluran. Gaya rin ng Patani, ang mga iyo'y siniil din nila. Ang Kalantan at Tringano ay tila napailalim sa Siam buhat pa noong una (Anderson a. a. O. 151). Nang mga kalagitnaan ng dantaong XIV, bilang bunga ng isang digmaang ginawa nila


413 sa Malaka, ay nakapasok sa Muay at nanirahan doon (Newbold bei Moor Appen 74) ; nang mga unang taon ng dantaong XVI, ang Sejaya Malayu ay nagsaysay rin ng isang paglusob sa Pahang na ginawa ng mga Siames ng Ligor sa mga nasa dakong labas. (Journal VI, 40).2 ~ Mga tumpak na ulat sa kalagayan , hangganan at mamamayan ng nabaggit na mga "estadong malayo, ay tunghayan ang bei Newbold 11 at bei Moor

Appnd" 78.

" The Independent . pp. 20-21, ika-4 ng Mayo, 1918.

*

*

*


MELANESYA, MALASYA AT POLINESYA (Hindi nalathala)

Ang malaking kalawakang sumasaklaw buhat sa Malaka at mga Pul& ng Andaman sa Kanluran hanggang sa Pul& ng Paskuwa, at buhat sa mga Pul& ng Sandwich sa Hilaga hang gang Nuweba Selandiya at PuM ng Tasmanya, ay pinagbukud-bukod, alinsunod sa mga mamamayan, sa dalawang pangunahing pangkat. Ang isa sa mga ito, na tinatawag na "Melanesya" sapagka't ang mga naninirahan ay mga negro o madilim ang kulay, may buhok na kulot 0 parang balahibo ng tupa, ay sumasaklaw sa lupalop ng Australya pati ng Tasmanya at sa maraming sunud-sunod na mga pul6ng umaabot hanggang sa hilaga ng lupalop na ito, na parang isang balantok na baluktot sa dakong Timog buhat sa Nuweba Ginea hanggang Nuweba Kaledonya; ang ikalawang pangkat, na ang mga mamamayan ay may kulay na lalong malinaw at un at ang huhok, ay hinuhuo sa isang panig ng mga pula ng Kapuluan ng India Oriental 0 sa lalong tumpak na sahi ng "Malasya", at sa kabilang panig ng "Polinesya" na ang pinakamalalayong lupang sakop ay ang mga Marianas, ang mga Pulo ng Sandwich, ang Pulo ng Paskuwa at ang Nuweba Selandiya. Ang mga mamamayan sa dalawang purok na huling hinanggit, ng Kapuluang indio oriental 0 Malasya at Polinesya ay tinatawag sa wikang karaniwan na "Lahing Malayo" , hagaman ang ngalang "Malayo", sa kauna-unahan at tumpak na kahulugan nito ay tumutugon lamang sa mga mamamayang natagpuan ng mga Europeo sa Tangway ng Malaka at sa malaking bahagi ng Sumatra, bilang mga taal na tubo roon, noong unang dalawin nila ang mga purok na ito, mga mamamayang nakapagtatag ng mga kolonya sa malaking bahagi ng lalong malalaking pula ng Malasya, at sanhi sa kasipagan sa pangangalakal ang kanilang wika, ay maging isang wika ng pahatirang pangkalahatan sa mga dagat na ito, at gayong di pa nalalaunang napasampalataya sa Islamismo ay nangibabaw noon 0 nakapagparamdam man la414


415 mang ng kanilang nakahihigit na lakas' sa lahat ng mga liping di-binyagan na may pakikitungo sa kanila. Ang mga lalong ganap na pag-aaral ay nakapagpapakilala, pagkatapos, na ang mga taong ito, hagaman lalong bihasa kaysa karamihan ng kanilang mga kalapit-bayan at ibang-iba sa kanila sa anyong panlabas, ay isang sanga lamang ng isang malaking puno na ang mga sanga'y sumasaklaw sa buong Kapuluang Silanganan; buhat noon ay nagkaroon ng matuwid na ngalan ang kapuluang ito na lupain ng mga malayo, bagaman hindi mga malayo ang lahat ng mamamayan doon, at pagkatapos na mapatotohanan nina Guillermo de Humboldt at Guzman na ang mga pangunahing wika sa Polinesya ay may pagkakamag-anak sa pinagmulan ng mga malayo, at maaaring ibilang na sa mga ito ang mga pula ng Pasipiko. Kung ang ginawang pagpapalaganap ng ngalang ito ay utang sa di sinasadyang pagkakataon na siyang naging una at lalong bihasang bayan ng buong angkang nakilala ng mga Europeo, sukat di..l1.g asahang kasabay noon ay nahulog sila sa kamaliang ipalagay na ang bayang iyon ng mga malayo ay siyang tunay na ~ri at siyang matandang punong pinang-路 galingan ng mga ibang bayang kahinlog. Ang mga pagaaral na makawika ay sumasalansang sa palagay na ito: Ang mga wika ng mga pula sa Pasipiko ay nagtataglay ng isang huwarang lalong una at nag-iing'a t ng isang pagkakabuong lalong matanda, hindi totoong nanggaling sa mga wikang malayong nilinang, na mayaman sa ponetika at balarila, bagaman sa bagay na ito'y hindi nararap at hinuhain na ang mga mamamayan sa Kapuluang indiko ay nanggaling sa Pasipiko, manapa'y ang kabaligtaran ang siyang lalong malapit marahil sa katotohanan, ang mga polinesyo ay mahabang panahong nanatili sa baitang ng kanilang pamumukadkad sanhi sa kanilang pagkakahiwalay, at ang karamihan sa mga ibang bayan sa kanluran, na kanilang kapurok 1 ay higit na umunlad kaysa kanila. 1 Hindi natin nararapat laktawan dito na si Buschmann (36 f) kahit siya'y nahihilig sa pagpapalagay na isang pagsama, isang pagkakaurong ng dating lakas ng buhay ang karalitaang panetiko at pampararila ng mga wikang Polinesiko, yamang nagdudulot lamang dito't doon ng mga bakas ng isang kabihasnang lalong matanda at ganap, na hangga ngayon ay namamalas pa sa mga malayo; gayon man ay ipinalalagay niyang ang ganitong mga pagpapakilala ay totoong bihira upang mahinuhang may katiyakan kung ang mga anyong lalong ganap ay lalong matatanda kaysa hiniram 0 nananatili.


416 Ang tanging katunggaling kilala ng mga palagay na ito ay si Crawfurd. Ipinalalagay niya na nang mga unang panahon ay lumaganap sa magagaspang at mga unang mamamayan sa Pasipiko ang wika ng isang bayang bihasa na maaaring ang naging inang-bayan ay ang Raba: sa hinakang wikang itong naparam pagkatapos, ang itinawag niya'y polinesiko, at inakala niyang maaaring ipalagay na mga labi niyon ang mga sangkap na karaniwang gamitin sa mga wika sa Pasipiko, samantalang tinatangka niyang pauntiin at iukol ang mga kaibhan niyon sa matandang wikang sarili ng mga unang mamamayan. Sa marikit na palagay na ito ay nagharap si Marsden ng ibang lalong payak at madaling paniwalaan, at sinabi niyang ang panlahat na mga sangkap na iyon ay lalong nauukol sa unang panlahat na wika ng mga polinesyo na hindi napawi, kundi nabagong lubha sa iba't ibang paraan sa hinabahaba ng panahon at sa iba't ibang pook, palibhasa'y tila sa anumang paraan tingnan ay hindi mapaniniwalang noong mga panahong una ay nagsalita ang mga polinesyo ng lalong maraming wikang iba-iba kaysa nang mga huling panahon. Ang palagay na huH ni Crawfurd (Journal 11, 191, 212 a) ay maliwanag na kabaligtaran ng nauna-bagay itong sa ganang sarili at sa bisa niya ay hindi maaaring makapukaw ng anumang' pagtitiwala. Inaakala niyang nararapat talikdang lubos ang pagkamagkakahinlog sa lahi na tinatanggap hangga ngayon, hindi lamang ng mga pangunahing mamamayan ng kapuluang indiko kundi ng mga mamamayang polinesiko, at kinakailangang ipahayag na dayuhan ang mga salitang malayo na natataasan sa mga w.ika nila, at isarig kabutihang hiram lamang na nanggaling sa labas. Ito'y totoo, aniya, sa mga wika ng mga Bugis at Selebes at ng mga Tagalog sa Luson, at ang wika ng Madagaskar, na inaring isang wikang malayo, ay isang wika lamang ng mga negro, at ito'y mapatotohanan sa pangyayaring samantalang lumalayo sa kalagitnaan ng buhay malayo, sa Malaka at Raba, ay paunti nang paunti naman, sang-ayon sa pagkakaayawayaw, ang bilang ng mga salitang malayong nalipat sa mga ibang wika; hindi rin maaaring akalaing ang mga wikang ito ay may mga salitang magkakaisa para mga bagay na lalong karaniwan at kinakailangan, manapa'y may ilang kaisipang nakapagpapaniwala sa isang tanging kabihasnan. Ang huling palagay ay magkakaroon sana ng lalong bigat, kung si Crawfurd ay hindi napilitang kumilala sa "mga


417 Kaisipang nagpapakilala ng isang tanging kabihasnan" sa mga kaisipang natatagpuan sa lahat ng bayan sa lupa, tangi na lamang sa ilang liping sukdol sa kamang-mangan. Sa mga wikang polinesiko, halimbawa, (sang-ayon kay Crawfurd a, 358) ay mga salitang malayo ang itinatawag hindi lamang sa ilang hayop na maamo na pag-aari ng mga tagaKatimugan ng pulo, kundi ang tugi, niyog, tubo pagkatapos ang mga bilang, pagkatapos ang mga salita para sa tabla, bubong, suklay, palakul, lambat, mga iisahing-pantig na wika ng Indo-Tsina, at ang mga iyon ay dayuhan sa mga wika ng Lupalop ng Asya. Totoo ngang madalas at dili ang hindi walang katuwirang napapansin ang pagkakahawig sa pangangatawan ng mga malayo sa Indo-Tsina, sa Siam, Burma, at Kontsin-Tsina; gayunman, sakaling ayaw magpakalayulayo kay Pichering (Ang mga lahi ng tao lOSs. 134) , na nagtatangi sa mga naninirahan sa Maldibas 2 na nasa paguuri-uri ng mga lahi ay nauukol sa Indostan, at nagsasama sa mga malayo, ÂŁlanhi sa pagkakahawig na ito lamang, sa mga Hapon. taga-Kaliporniya, Mehikano at iba pang mga mamamayan sa Amerika, ay nap'ipilitan tayong kumilala na ang hangganan ng lahi ay ang h ngganan ng wikang ikinabubukod sa Lupalop ng Kapuluabg indiko. Hindi rin makapagpapabago, sa aming akala, tungkol sa bagay na ito ang isinasaysay ng mga Habanes na mga Siyames daw ang mga nagsitira sa pulo nila (de Barros sa Raffles 1 p XXL). Dito'y napagkikilala lamang ang hangad na panggalingin ang sariling pinagmulan sa isang dakila at makapangyarihang bayan, gaya ng mad alas na natatagpuan natin dito. At tumatanggi ang mga Habanes na ipalagay, gaya ng isinasaysay ng isa pang nagkasalin-saling paniwala, na sila'y nanggaling na sakay ng mga sasakyang dagat, sa Dagat na Pula na hinaba-haba ng baybayin ng Indostan, na noon ay kasudlong pa ng mga pulO (Raffles LL. 65). Ang huling katha-katha na ang Sumatra at Haba at lalo na ang mga pula ng Kapuluan, ay bumuong lahat ng isang lupalop noong isang panahong hindi pa gaanong napakatagal-si Hageman (I.II) ay nag-aakalang iyon ay nangyari nang dantaong ika13, sang-ayon sa nagkasalin-saling paniwala (katha-katha)nagkahiwa-hiwalay, at natatagpuang madalas sa nagkasalin" Gayunclin ang maaaring sabihin sa mga Lakediba: nagsasalita n g isang \vikang malabay na mayhalo (Wood sa Y.R.G. SV 11291). OQ6701J---27


418 saling paniwala sa Raba, datapuwa't ang mga pangyayaring nauukol sa ayos ng lupain ng dalawang malalaking pulong ito at ang pagkakaiba ng kanilang mga hayupan ay nagbibigay dito ng isang katangiang kahanga-hanga (Zollinger sa Tydsehrift 1847, I, 33) . . Maliwanag na mahihinuha natin dito kung gaano kaliit ng pagtitiwalang maibibigay sa mga nagkasalin-saling paniwala ng mga tubo roon kahit na ng mga lalong bihasang bayan ng Kapuluang ito kung ang pinag-uusapan ay ang mga napakatagal nang panahon. Sakaling sang-ayon dito'y panghahawakan natin ang bilog na iginuhit noong una sa lahing malayo, sa sumasaklaw sa mga pula ng Kapuluang Indiko at sa Polinesya datapuwa't hindi umaabot sa dako pa roon ng lupaing ito, lilitaw, kung gayon, na tumpak ang pagkakalagay ng dalawang pangunahing pangkat ng lahi, na bagaman nagdudulot sa mga katangian ng pangangatawan ng maraming mahahalagang pagkakaiba (Ampliaciones en Latham, Nat. hist. of the van of men 1850 p. 183, 191), gayunma'y nagdudulot ng malaking pagkakahawigsa uri ng pamumuhay (tunghayan si Tiombrow sa Urbille V. 408 s). Kung itatanong ngayon kung paano at kailan nanirahan a mga lupaing ito ang mga malayo) ay dapat malamang walang nalalamang pangyayaring paghinuhaan, na sila'y nagibang bayan dito buhat sa lupalop 0 kontinente. Hangga ngayon ay walang nakikilalang bayan sa Asya na may pagkakamag-anak sa kanila sa pinagmulan. Sa dahilang buhat sa mga panahong napakatagal na, ang lupalop ng Australya at ang mga kalapit sa paligid-ligid ay tinitirhan ng ibang lahi, ay hindi maaaring papanggalingin doon ang mga malayo-polinesyo. Samakatuwid ay walang nalalabi sa atin kundi ipalagay na ang Asya ay siyang unang bayang tinubuan nila, sakaling tayo'y kumikiling sa palagay na sila'y nanggaling sa malayo. Kung gayon) ang panahon ng kanilang pangingibang bayan sa Malasya ay nararapat na maging isang panahong ang mga baybayin sa Katimugan ay wala pa sa kapangyarihan ng mga kasalukuyang mamamayan, gayundin ang balantok, taon, pangulo . . . .. At dito'y hinihinuha ni Crawfurd sa isang katakatakang paraan na ang mga polinesyo ay tumanggap ng kaunting kabihasnan lamang sa mga malayo. Wala rin kahit anino ng patutoo na ang mga malayong ito, na sa kasalukuyan ay walang anumang balita na may mga ibang bayan sa Pasipiko, ay gumawa rito nang mga panahong una pa sa kasaysayan, ng mga


419

panlulupig sa maraming dako, nagtatag ng mga kolonya at nagpaunlad ng isang masiglang pangangalakal, bagay na sa tapatang sabi ay dapat tanggihan ni Crawfurd. Halos hindi maunawaan kung ano ang dahilang nakapag-udyok sa mga malayo na lisanin ang kanilang lupang pinagpala at manakop ng isang bunton ng maliliit at mararalitang pulo 0 dalhin ang mga ito ng mga panindang kalakal, at tila lalong kahanga-hangang mapaabot ang kanilang lakas hanggang sa mga Pulo ng Sandwich, sa isang dako, at hanggang Nuweba Selanda, sa kabilang dako, at kahit hanggang sa pulo ng Paskuwa. Isang pangyayaring masasaksihan sa lahat ng dako, na ang bilang ng mga katagang palasak ay lalong marami sa mga bayang namumuhay nang magkakalapit kaysa mga nagkakalayu-layo, kahit magkakahinlog ang mga bayang ito o kaya'y nagkaroon ng iba't ibang pakikipagpalagayan lamang; sa anu't anuman ito'y hindi nararapat hinuhaan ng anumang katuwiran laban sa pagkakamag-anak sa iisang pinanggalingan. Datapuwa't laban sa paraan ng pagtingin ni Crawfurd, ang lalong nakapagpa~aalinlangan ay wala siyang pinanghahawakan m'aliban sa mga matuwid na nababatay sa wika, gayong siya'y ll"ndi naman, dalub-wika. Isang katotohanang tinatanggap ng lahat at madalas isiwalat ng mga dalub-wika sa Alemanya man lamang, na hindi sapat upang makabuo ng isang hatol tungkol sa pagkakamag-anak ng mga wika ang madaling pag-uulat ng mga salitang magkakaisang tUl10g 0 magkakawangis sa isang paraan, gaya niyon, kasama ng bahagyang kaalaman ng kabalangkasang pambalarila ng mga wikang iyon; bagkus kinakailangan din, para sa ,bagay na ito, ang isang tumpak na pagsusuri ng ponetika at ng lahat ng sangkap na bumubuo ng wika sa iilalim ng paningning pambalarila at ng pinagmulan ng salita. Ang tanging makapangangahas sa isang gawaing gaya niyan ay ang nag-aral ng mga tanging aralin tungkol sa bagay na iyan at nagkaroon ng kakayahan sa pamamagitan ng mga sangkap na pag-aaral ng paghahanda; ang kaalaman lamang ng mga wika ay hindi sapat sa anumang kaparaanan; dahil dito'y inaakala naming nararapat bigyan ng lalong malaking tiwala ang mga kinalabasang natamo sa bagay na ito nina G. de Humboldt at Buschmann kaysa mga pananaliksik ni Crawfurd, na walang pag-aalinlangang at sa kanyang uri ay isinagawang taglay ang lalong malaking pagiingat at lubhang karapat-dapat sa papuri.


420

Ang rnatuwid ding iyan ang tumatangkilik sa atin upang huwag pag-ukulan ng anumang pagpapahalaga ang paguuri-uri ng mga wikang ginawa ni Logan (Journal V. 226 s) alinsunod sa paninindigan niyang sinusuhayan ng mga katuwirang pangwika na tinitirhan umano buhat pa ng katandatandaang panahon ang lupain ng Ganges at ang malaking bahagi ng India sa dako pa roon ng Ganges ng mga mamamayang kahinlog ng mga malayong polinesiko, bagaman may natatagpuang mga Buhis na mulat na nag-aakalang maraming pulo sa Kapuluang Indiko ang tumanggap ng mga unang mamamayan nila sa Siam at Kambodya at ang wika ng Kontsin-Tsina ay isang diyalekto lamang ng kanilang wikang sarili. (Dalton sa Moor). Hangga ngayon ay pangatawang tinatangkilik ng pananaliksik ukol sa wika ang paninindigang walang pagkakamag-anakan ang mga wikang malayo at mga wikang di-silanganin ng Asya, panahong para sa ati'y ganap na madilim. Maiisip na sila'y itinaboy buhat doon ng mga mamamayang dumagsa buhat sa dakong loob patungo sa mga baybaydagat, datapuwa't kahit animo'y walang patutoong pangkasaysayan na kumakatig sa palagay na ito. Ang tanging nagbibigay ng bahagyang tanda ng katotohanan sa palagay na iyon ay ang pagkakahawig sa pangangatawang tinataglay ng lahing malayo sa mga naninirahan sa Timog ng Asya; tunay ngang ang mga mamamayan sa mga pulo ay tumatanggap sa mga lupaing iyon nang madalas at pana-panahong pagdagsa ng mga dayuhan. Ang nag-aakalang sapat na matitibay ang mga katuwirang ito upang panindigan na ang mga malayo'y nagbuhat sa lupalop, ay dapat ding kumiling sa palagay na ang Malasya ay siyang purok ng mga pulong kauna-unahang tinitirhan, sanhi sa malaking kalapitan nito sa Asya at nararapat ding hulaang dito'y nagkaroon ng sunud-sunod na pagsulong patungong Polinesya, na nagdaan sa Karolinas, sapagka't kung hindi gayon, "ang paglaganap ng lahing ito sa malaking daigdig ng mga pulo ay hindi makapipilit na gumawa ng isang kuru-kuro" na buhat pa ng unang panahon ay mahusay nang maglayag ang mga bayang ito; ang naniniwala roon ay maaaring makaunawa sa mga pagkakaiba-iba ng mga malayo at mga polinesyo, tangi pa sa pagkakaiba ng kaparaanang likas ng lalong malaking pagdami, sa isang dako, kaysa tinanggap ng mga pulo sa karagatan ng Timog sa mga bansa ng Asya na nalalagay sa


421 dakong Hilaga (Tsina, Hapon), at sa isang dako; dahil sa lakas ng walang tigil na pakikipagkalakalan na namagitan sa mga pulo ng Malasya at Indostan at sa Indo-Tsina; higit sa lahat, ang palagay na ito ay magbubunga ng sumusunod na hinuha, na ang mga menanesyo ay dapat ipalagay na siyang lalong pinakamasiglang mamamayan kung hindi man ng mga lupain ng mga malayo, ng Australya at ng mga Pulong nakaliligid man lamang, hindi lamang sapagka't ang lupain nila ay bumubuo hangga ngayon ng isang kabuuang sa ganang sarili ay hiwalay at tila sila ay hindi kailanman nakapatas sa kakayahang mangibang bay an, sa pamamagitan ng paglalayag sa dagat, gaya ng mga tao ng lahing malayo, kundi sapagka't itong mga huH ay tila hindi bumagtas saan mang dako ng lupain ng Melanesya buhat sa isang dulo nito at manapa'y nagdaan lamang nang mala pit sa dakong hilaga nito. Ang hindi maitatatuwang ang mga Malayong Polinesyo ay gumawa ng marami at iba't ibang pangingibang bayan sa mga lu..paing melanesyo ay hindi lamang hindi mapatotohanan kundi tila malayo ring mangyari. Dahil dito ay hindi maaaring tapggapin na itong mga huH ay nanggaling sa Asya; sa anumang paraan ay hindi maaaring tanggaping mala pit sa katotohanan na ang :tnga iyon ay lubos na nakabagtas sa lupa ng mga Malayo, na sa lahat ng paraan ay llakahihigit sa kanila, lalo na sa ibabaw ng dagat; samakatuwid walang nalalabi kundi sila'y ihawig sa mga ito, 0 sila'y ipalagay na isang bayang lalong matanda 0 sa anu't anuma'y hindi mga nangingibang bayan na dumating nang lalong hulL Sina Dumontd Urville (a Philol, 301) at Moerenhout (11, 250) ay nagsiwalat ng palagay na malamang umanong . ang mga polinesyo ay hindi tumanggap ng mga mamamayan buhat sa Kanluran ng lupain ng mga malayo, manapa'y baligtad, ang mga malayo ang tumanggap ng mga mamamayan buhat sa lupa ng mga polinesyo. Pinaninindigan nila ang kurong ito, kahit itinatakwil ni W. B. Humboldt ang gayong hinuha, sanhi sa mga ulat nito na ang mga wikang polinesiko, kung ihahawig sa mga wikang malayo, ay nakapag-ingat ng anyong lalong matanda at sanhi sa pangyayaring katugon nito na ang mga polinesyo ay nagaangkin din sa pangangatawan nila ng mga anyong lalong sa una. Laktawan man ang nasabing pag-aalinlangan tungkol sa kaugnayan ng mga wika, ay maaaring maipaliwanag


422

na mabuti ang dalawang dahilang inilahad, sanhi sa malaking pagkakahiwalay ng mga polinesiko na hindi lumabas nang mahabang panahon sa kanilang mga pul6ng kalat-kalat, at salamat dito'y napapamalagi nila "nang lalong mahabang panahon ang kanilang mga katangiang pagiging kaunaunahang tao" kaysa mga malayo, na gaya ng nalalaman na, ay pumasok buhat sa matandang panahon, sa marami at sari-saring pakikipagpalagayan sa isa't isa, at sa mga bayang dayuhan din, at nakatanggap ng lalong maraming bilang ng mga sangkap ng dayuhan. Ang ikalawang katuwirang naninindigan sa pangingibang bayan buhat sa Kanluran patungong Silanganan ay matatagpuan sa mga agos ng dagat.na ang takbo ay gayon sa mga purok na ito na sampung grado sa Hilaga at Timog ng Ekwador at sa mga hanging "alisyo" na umiihip sa loob ng sampung buwan. Samantala'y napansin na ni S. Perouse na sa dako ng Pasipiko, na nasa 6-7 grado Hilaga at gayundin sa Silangan an~ layo sa Ekwador, ang mga hangin ng Kanluran ay kapa'l:is ng mga hangin ng Silangan. N atuklasan pagkatapos ni Kapitan Fitzroy, may sumasalungat sa pagmamasid na ito, at may idinagdag pa si Beechoy na iba pang pagmamatyag, gaya ng mga pulo ng Silangan ng Polinesya. Sa dakong huli ay mag-uulat kami ng ilang halimbawa ng mga paglalakbay na itong hindi kinukusa sa Polinesya, at ang mga ito'y magpapakilala (bagay na napatotohanan na ng mga dalubhasa) na ang mga hangin ay lubhang pabagu-bago sa mga purok na ito na nakapagpapahirap halos sa isang paraan ng paglalakbay na patumpa sa isang dako, gaya ng patumpa sa kabilang dako. Kung idurugtong pa na ang "Alisiong" Timog Kanluran ay umaabot hanggang sa Hilaga ng Ekwador sa 145 0 longhitud Silangan ng Greenwich at hanggang sa Marianas at ang "Alisiong" Hilaga-Kanluran ay umaabot sa Timog Ekwador hanggang sa Nuweba Ginea, at sa dakong kanluran nito ang lalong mga karaniwang hangin ay ang galing sa Kanluran (Hersburgh, East India directory), samakatuwid ay matatanggap na sa ganitong pangyayaring ang paglalayag at pangingibang bayan buhat sa Kapuluang indiko hanggang sa Polinesya ay hindi nagdudulot, sa anumang kaparaanan, ng mga sagwil na di-maiigpawan ng mga taong sanay sa pagdaragat (comp Humbron, Zool, 1326 sa b'Urtrille 6). Mga palagay na kawangis nito ang ipinahayag din ni Bernes


423

(a 11. 106) na tangi sa rito'y nagpapamatyag sa mga dahilang di mumunti ang halaga upang maipaliwanag ang suliraning tinataglay, alalaong baga'y ang mga halaman at mga hayop ng Polinesya ay lalong kahawig ng sa Asya, at nagpapakilalang ito ang malamang na pinanggalingan. At sa katunaya'y tila napatotohanan nang may katiyakang ang paglaganap ng mga halaman ay buhat sa Asya patungong Polinesya at hindi buhat sa Polinesya patungong Asya. Sa wakas ay may palagay rin na ang mga Polinesya ay nandayuhan sa mga pulo ng Kapuluang indiko dahil sa pangyayaring sa dakong Silangan ng Melanesya, alalaong baga'y sa Nitendi, Nuweba Ebridas at mga Pulo ng Solomon, ay napatotohanan ang lalong tiyak na pagkakahalo ng mga lahing negro at polinesyo kaysa sa dakong Kanluran, gaya ng natagpuan din daw, bagaman di gaano, sa Nuweba Irlanda at Nuweba Ginea ang gayong pangyayari. Gayunman, palibhasa ang pagdating ng mga Polinesyo buhat sa Kanluran nang mga unang panahon ay hindi sagwil sa matalik na pakikitungo pagkatapos ng mga iyon sa mga Melanesyo ng Silangan; samakatuwid ay hindi maaaring bigyan ang sanhing iyon ng ma aking halaga sa pakahulugang ninais. Ang kuro ni d'Urville (a. 11. 626) na ang mga wika ng mga Alfures sa Selebes, ng mga Bajak, Bata at Lampong ay lalong may malaking pagkakahawig sa mga wikang polinesyo kaysa mga wikang malayo ay isang kuru-kuro lamang hangga ngayon, na kahit na mapatotohanan, ay makapagdudulot ng iba't ibang hinuha. 路 Ngayon nga, kung ipalagay na ang mga lupaing malayo ay siyang lalong malamang na bayang tinubuan ng mga polinesyo, ay matatagpuang wala tayong mapanghahawakan tungkol sa panahong inalis ng mga iyon. Tungkol din sa bagay na ito, ang tanging makapagbibigay ng kalutasan ay ang pag-aaral ng mga wika. Si W. Humboldt (11, 228) ay nagsaysay, tungkol sa bagay na ito, at sinabi niyang hindi pa sapat na nasasaliksik ang dami ng mga salitang sanskrito na nahahalo sa mga wikang malayo, bagaman labas sa anumang pag-aalinlangan na ang mga wikang malayo ay may mga katagang sanskrito, at ilan sa mga salitang sanskrito ay matatagpuan sa maraming wika, ang ilan, sa kaHbang dako, ay natatagpuan sa malayo lamang (sa pakahulugang mahigpit sa salitang ito) at napalipat sa isang panahon lamang na di-nalalaunan, pagkatapos ng pagkaka-


424 hati-hati ng puno. Nang malaunan pa ay lalong malayo ang narating ni Bopp. (Abhh. der preuss. Akad. 1840) hanggang sa isiwalat niyang ang mga wikang polinesyo na rin ay isang sangay ng sanskrito; datapuwa't ang palagay na ito'y tila hindi naging marapat sa pagsang-ayon ng ibang dalubwika sapagka't napansin ni Buschmann na ang isang malaking pagkakaiba ng mga wikang malayo sa mga wil\:ang polinesiko ay ang ganap na kawalan ng mga salitang sanskrito sa mga wikang polinesiko, samantalang ang gayong mga salita ay natatagpuan kahit sa wika ng mga Tagalog at ng mga Madekases bagaman kakaunti lamang. Sakaling ipalalagay na totoo ang pangyayaring ito ay mahihinuhang ang sangang polinesiko ay mahiwalay sa punong panlahat nang panahong ang sanskrito ay hindi pa nagkakaroon ng anumang lakas sa wikang ito, alalaong baga'y-gaya ng patotohanan pagkatapos-bago nagsimula ang panahong kristiyano. Gayunman ay hindi dapat limuting ang tayang ito ay nananatiling tumpak sa tutol na ang pagkakahiwalay ay naaaring mangyari n.ang mga huling panahon; sakaling ang sanskrito halimbawa ay nagkaroon ng lakas sa isang bahagi lamang ng mga lupain ng mga malayo, at ang pandarayuhang huli ng mga polinesyo ay nanggaling, hindi sa iba kundi sa mga pulo ng Kapuluang indiko na hindi nagdanas o nagdanas man ay anupa, ng .lakas ng sanskrito. (The Independent, pp. 19-21, ika-27 ng Abl'il, 1918).

*

-.'.,.

*


M ga Dahong Dagdag

1.-SA BANSANG ESPANA Naghihingalo ang Pilipinas sa kanyang panghihina upang mabaon sa ganap na pagkaguho, sapagka't ang mga pamahalaan, sa halip na mapukaw ang damdamin sa mga pangangailangan niya upang ang mga ito:y lapatan ng lunas, ay napakakaladkad sa likod ng mga prayle, at sa pagtalikod sa lahat ng pagpapakundangan sa katauhan ay pinapagiging isang minang walang pagkaubos ang mga pu16ng ito ng kanilang panghuhuthot. Ang mga prayle'y isang palagiang hampas ng langit sa sangkapuluan. Sila'y walang tantang idinaraing ng bayang Pilipino sa harap ng pamahalaan ng Madrid at ng l\1aynila; kailanma'y hindi dininig ang kanilang mga sumbong; manapa'y ang kanilang mga hibik, ang kanilang mga buntonghininga'y iniinis ng mga kakilakilabot na bala; hinahamak ang kanilang pagh'ipgi ng katarungan; ang kanilang mabubuting hangad sa pa '-unlad ay pi atatapang ng malulupit na pag-uusig. !Ang Bilibid, ang Marianas, ang Bagumbayan ay siyang mgi:l panakot, ang impiyernong pinagpaparusahan ng mga pamahalaan sa pilipinong mangahas na humingi ng katarungan laban sa mga prayle na siyang makapangyarihang Diyos Pluton ng kapuluang Pilipinas! Sa paggunita sa mga sangkap na ito ng pagpapahirap, walang tumatangkilik, walang katiwasayan sa sarili, walang malayang pahayagang magagamit, walang kaanu-anumang itinatadhana ng batas upang maibunyag ang masasamang gawa ng mga prayle at ng mga tagapamahala, ay kumakasangkapan sila ng mga kaparaanang sa wari'y di-karaniwan, upang alisan ang mga iyon ng pagbabalat-kayo sa harap ng bayan, na siyang laging pinaghahabulan ng usa pin ng bayan sapagka't siya lamang ang tanging hukumang walangwalang kinikilingan, na makapaggagawad ng tunay na katarungan. Hindi na kailangang ulitin pa rito ang talaan ng mga kasamaang ginawa ng mga prayle at ng mga tagapamahala; iyon ay naisaysay na sa ibang pagkakataon, sa iba't ibang dahon, maninipis na aklat, at sa kasaysayan; ang tanging babanggitin na lamang dito ay ang mga kasamaang may 425


426

isang taon pa lamang na ginawa at sa kasalukuya'y ginagawa pa. Si Weyler, sa pagsaid sa mga kahuli-hulihang sandali ng kanyang pamamahala, ay gumagawa ng .malalaking panghuhuthot. Sa mga ito'y binabanggit ng tinig ng bayan ang kanyang kahiya-hiyang paghingi ng salapi sa samahan (na dayuhan pa naman) ng perokaril buhat sa Maynila hanggang Dagupan, upang tingnan klmg ito'y magbibigay alang-alang sa pagpapasinaya niyon. Nang ipagbigay-alam ng kabalitaan ng The Hongkong Telegraph ang pagpapasinaya, ay hindi ipinaliwanag ang mga bagay-bagay na itong naging bukang bibig, bagaman ibinunyag ang mga malalaking salabid, ang mga labis na pagdadahilang inihahadlang ng Pamahalaan ni Weyler upang papaghirapin at ipagpalibanliban ang pagbubukas ng palingkurang bayan, ng daangbakal na ito. Ang pakikipaghamok sa Mindanaw ay isang pakana upang tumagal ang kanyang panunungkulan sa pamahalaan, at iyo'y isa pang dahi-dahilan upang makapangulimbat ng anumang bagay sa guguling bayan, sapagka't sa po ok na iyon ay wala ni morong anlalaban, ni pagdusta sa watawat na nararapat ipaghiganti; sa pandarayuhang militar na ito ni Weyler ay maaaring ikapit ang kasabihang: sa isang morong patay, dakilang pagdaluhong. Samantala naman, ang Markesa ng Tenerife, ang kadakidakilang Ginang, Gobernadora Heneral ng kapuluan, mapanuyo sa mga prayle, mapanghuthot na walang kapantay, buhat sa Malinta 0 Malakanyang ay tumutuklas ng mga dikaraniwang kapangahasan upang mapiga ang mga bulsa ng mga insik at mga taal na tubo roon: naroong kasangkapanin ang kapangyarihan ng kanyang asawa, nang makasingil ng buwis sa mga paripa; naroong nagkakaloob ng pahintulot na binabayaran sa lahat ng pasugalan at sa iba't ibang pagkakataon ay sinasanay ang kanyang mga bataan sa paghingi ng pamaskong salapi sa mga insik, sa bawa't tindahan, sa bawa't bahay kalak aI, at sa panghihiram, na hindi na tinatangkang bayaran, sa mga gobernadorsilyo sa mga araw ng pagtanggap sa mga ito at paglutas ng mga suliraning pampamahalaan; ngayo'y inaangkin ang mga mahahalagang kurtina ng palasyo ng Malakanyang upang gawing kasuutan, mamaya'y nagtatatag ng mga Ahensiya sa pagpapasok ng mga kawani, pagtatamo ng mga kaloob, mga biyaya, mga


427

katibayan sa pamahalaan ng kanyang asawang hindi naman mahuhuli sa kanya sa panghuhuthot. Ang mga guwardiya sibil ay gumagawa ng mga dakilang pananampalasan sa udyok ng mga prayle upang maparami ang mga taong nakalulukob sa kanila. Ang Bulakan, Pulo ng Negros, Laguna, Kapampangan ay mga patotoong hindi mapabubulaan ng kanilang mga pagmamalabis. Ang Pamahalaan ng Madrid, na ang Kagawad-Bansa ng mga Lupaing Sakop sa Kabilang Ibayo ng Dagat ay si Fabie, sapagka't nahubulag sa pananalig sa ipinangangalandakang pamamayani ng mga prayle sa kapuluan, ay walang ginagawang anumang bagay, walang ipinagaganap na anuman hanggang hindi muna naisasangguni sa mga Prokurador ng mga samahan ng mga prayle, at sa katunaya'y pinawalan ng bisa ang mga pagbabagong makaka1ayaan ni Becerra, at pinapanumbalik ang mga bagay-bagay sa dating ka1agayan; at bilang putong ng mga kasaliwaang pa1ad na ito, bilang sukdu1an ng kamangmangan tungko1 sa katayuang pangkabuhayan at pampulitiko Ing bansa, ay nagtadhana, sa masamang oras, ng pagbabago ng buwis at pinata wan ng buwis ang pangangalakal sa mala1apit na pulo, kautusan itong makamamatay sa Pilipinas, sapagka't pumatay sa kanyang pangangalakal, pumawi ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa, na siyang ikinabubuhay niya at sa 100b ng mahabang panahon ay siyang naging suhay, at ngayo'y siya pa ring suhay, ng kanyang pag-un1ad sa panganga1akal. Ang katayuang nakalu1upad sa mga lalawigang ito ay dahil sa kamalian ng da1awang pamaha1aan, ng sa kapuluan at ng sa Madrid, na kapuwa sumusunod, sa ikapagtatamo ng sariling kapakanan, sa mga iniuudyok ng mga prayle. Hindi mapag-aalinlanganan; ang mga pamahalaan ay tumatangkilik sa mga prayle at ang mga prayle'y tumutulong sa mga pamahalaan at silang dalawa, sa isang pagsasabuwatang karima-rimarim, ay kapuwa sumisipsip nang labis-labis sa bansa. Ang mga obispo, sa halip na mamatnubay at mamahala sa isang paraang makabubuti sa mga kaluluwa ng kanilang mga tupa at kawan, ay walang hinaharap kundi magsabuwatan laban sa mga kapakanan ng Sangkapuluan. Si Hevia Campomanes, buhat sa kanyang karurukang pagka-


428 obispo sa Vigan, ay nag-iisip nang malalim upang makapagbangon ng isang kaguluhan, ng isang bagong paglalabanang katulad ng malaon nang nangyari sa Binundok, at ang hinahangad niya'y baka sa ganitong paraan ay gawin siyang arsobispo. Ang arsobispo, si Bernardino Nozaleda, sa pagsunod sa halimbawa ng kanyang hinalinhang si Payo, na ang alaala ay nakahahapis, ay lagi nang kinakapulong ang kaniyang mga kapatid, na dili iba kundi ang mga prayle. Wala siya!lg panahon upang magkumpil sa mga bata, datapuwa't siya'y may labis na panahon upang gumawa ng mga pagdalaw. Ang Malinta, Imus, Navotas ay siyang mga po ok na kanyang dinarayo. Doon niya ginaganap ang pakikipulong, kasama ang mga prayleng rekoleto, pransiskano, agustino at dominiko; iyon ang kanilang klub at doon nila binubuko ang mga paghi~magsik laban sa ikauunlad ng Pilipinas, laban sa mga anak ng Pilipinas. Ano kaya ang lalabas? Ano kaya ang tinig na manggagaling sa gayong mga napakalilihim na pagpupulong? Mabubuksan kaya ang isang bagong panahon ng mga pag-uusig sa Pilipinas? Tantuing mabuti: Ang Malinta ay siyang pook na kina wiwilihang paroonan ni Weyler at ng kaniyang maybahay, at dito lumitaw ang mga pagtatangka, ang mga simula ng mga paghihimagsik ng mga tulisang inupahan, na ang mga prayle ang siyang nag-udyok upang ligaligin ang katahimikan ng bayan, mga balak iyon na sa kabutihang palad ay nabigo. Si Nozaleda ay may binabalak na kakila-kilabot; ang bagay na ito'y inihayag ng kanyang mga pagyayao't dito at ng kanyang pagkabalisa. Siya'y may pagka-Mazarini 0 Maquiavelo. Ang mga prayleng-kura ay nananampalasan ng mga babae, balo, may-asawa at mga dalaga sa mga bayan-bayan; nagmumura laban sa mga mason; nangangaral buhat sa pulpito laban sa mga mulcH na anak ng bayan, at humihingi ng dugo sa pag-aglahi sa Inang-bayan sa pagsasabi nila ng: Mga katoliko muna bago mga Kastila. Sa pagtupad sa utos ng kanilang mga obispo, mga punong pari at mga probinsiyal ay pinananatili nila sa walang tugot na pagkabagabag ang mga bayan-bayan.


429

Sila ang itinuturo ng tinig ng bayan na may kagagawan ng mga sunog na madalas mangyari sa Maynila at sa mga Bayan-bayan; at kinakasangkapan nila ang mga kamay na imbi't nagpapaupa upang maghasik ng sindak, takot at kapariwaraan sa mga mag-aanak at sa lipunan! Hindi sila nag-aatubiling maging manununog matamo lamang ang kanilang mga imbing hangarin! Nakapagtatakang totoo na ang isang taong nangumit ng orasan, ang kulang-palad na nagnakaw ng isang tinapay, ay madallng nararakip; may matalas na mata ang guwardiya sibil para sa mga taong ito; nguni't sa kabilang dako, kai]anma'y hindi nahuhuli ang imbing manununog; ang mitsa, ang katunayan ng kasalanan ay halos lagi nang natatagpuan sa dulaan ng kasalanan; datapuwa't ang mays ala ay hindi nahuhuli at ang sanhi nito'y dili iba kundi sapagka't makapangyarihang ani no ang kumakanlong sa salarin. Sa wakas: gayon na lamang ang kanilang kapalaran sa paggawa ng lahatmg uri ng kasamaan at kasalanan, na isang pahayagang Ingles, nang ito'y gumawa ng pagsusuri sa akdang Ang Pilipinas na sinulat ~i J. Foreman, ay nakapagsabi ng: "Ang sina amantalan~ bayang sakop sa ilalim ng makamandag na lakps ng mga mapagkunwaring samahan ng mga prayle, ay dill iba kundi isang pastulan lamang ng mga masasamang hilig at ng panunuhol". "Rapacious orders under whose baneful influence that distressful colony is a hot-bed of vice and venality". N akahihiya para sa mga pamahalaang Kastila na ang mga tagaibang-lupa ang nakapupuna pa ng kagusutan, ng mga kasamaang nakaliligalig sa kanyang mga bayang sakop at sila ang naghihimutok sa gayon kalaking kapabayaan! Umuurong ang Pilipinas sa paghanap ng k awalang anuman! Yamang naubos na ang lahat ng kaparaanan, nagamit na ang lahat ng pamamalakad, ng pagsusuplong, pamamanhik, paghingi ng katarungan sa harap ng mga pamahalaan at mga hukuman ng karapatan laban sa mga pagmamalabis ng mga samahan ng mga prayle, at sa halip ng katarungan, ang natatamo'y bilangguan, pag-uusig at pagpapatapon; yamang ang pagpapalayas sa mga prayle ay hiningi na ni Simon de Anda at Salazar, na ang gunita ay di mapaparam, at hangga ngayon ay hinihingi ng aming matatapang


430

na gubernadorsilyo ng Tundo, Binundok, at Santa Krus at ng mga bayang kala pit at ang kahilinga'y pinangangalawahan ng napakaraming taong gumawa ng mga hayagang patalastas, at ang kanilang makabayang pagsisikap ay pinarurusahan ng pagkakabilanggo at pagkakapatapon; ang kawalang kabuluhan ng mga prayle'y isinisigaw ng damdaming bayan, na ang mga daing ay hindi dinirinig at hindi inaalintana: Sa Bansang ito; sa Espanya, na sa loob ng mahabang panaho'y sinawi rin ng pamamayani ng mga samahan ding ito ng mga prayle, na ang makapangyarihang lakas ay naging dahilan ng malalaking kasiraan, naging dahilan ng pagkawala ng dalawang Amerika, nag-udyok at nagpaalab ng malaking pagkatakot sa dalawang digmaang panloob n a dinanas ng bansa; sa Espanya na nagdanas ng mga nakapangingilabot na pagkayanig ng makahayop na Inkisisyon na binalangkas ng mga prayleng ito, datapuwa't sa wakas, sa lakas ng kaloobang lalaki ay natuto ring magwaksi ng pam atok na mapang-api, tigmak sa dugo at bulag na pananampalataya: sa Espanya, na sa ibabaw ng kanyang kagandahang loob at ng mahabaging damdamin, ay nagpako ng tin gin sa kabutihan ng kanyang mga anak at natuto, noong taong 35, na pagpugutan ng ulo ang mga prayle sa mga lansangan ng Barselona at sunugin ang kanilang mga kumbento; sa Espanya, na sa maluwalhating paghihimagsik ng 68 ay natutong magpalayas sa mga iyon sa kanyang mga lupain at sumamsam ng kanilang mga kayamanan; ay ISINASAMO at HINIHINGI ang gayon ding pagpapalayas sa mga samahang ito ng mga prayle sa lupang pilipino, sa dahilang ang mga iyo'y n akapipinsala, sa dahilang ang mga iyo'y kaaway ng bansa. Kung hindi magkakagayon, kapag nawala ang kapanatagan ng loob, kapag nasaid ang napakahabang pagtitiis ng bayang Pilipino, ay tutularan nito ang maluwalhating kasaysayan ng Inang-Espanya, at sa sariling kalooban at sariling kapanagutan ay maggawad siya ng katarungan. Upang malunasan ang kanyang nakalulunos na kalagayan. kapag hindi siya dininig ng Espanya, sa araw na hindi inaasahan ay magbubukang-liwayway sa bayang Pilipino ang pag-iral ng batas ni Lynch, nakabitin ang mga ulo ng mga prayle sa mga durungawan ng kanilang kumbento at mga parokya, upang maging tudlaan ng paglibak, ng pagdusta ng mga tao.


431 Sa kabuuan: Sa gitna ng pagpapabaya sa kanya at pagdadalarnhati ay ibinabaling ng Pilipinas ang kanyang huH at hapis na tingin sa Bansang Espanya, upang dahil sa paniniwala niya sa masasamang gawa ng mga prayle at ng kanyang mga pamahalaan, ay walang habag na pabagsakin sa dalawang ito ang bigat ng kanyang makapangyarihang katarungan. !Iadya nawa ng Diyos ang inang-bayan, iligtas nawa ng Diyos ang Pilipinas! HERNANDO

DE

MAGALLANE S

RUIZ LOPEZ DE VILLALOBOS MIGUEL

LOPEZ

SThiON DE ANDA Y SALAZAR FERNANDO DE BUSTILLOS

DE

LEGAZPI


2. ILANG BALITA TUNGKOL SA BOHOL AT GUAM* BOHOL 1

Itinanong namin sa mga indiyong lsmama namin buhat sa Kabalian kung saang dako naroroon ang pula ng Kanela at itinuro nila sa dakong timog-kanluran buhat dito sa Masagua at tinatawag na Kamiging. Sa daungang ito (sa Bohol) ay maraming baklad na nakatulos sa dagat, isa 0 dalawang dipa ang laId ng mga maliliit, at lahat ay yari sa kawayang tinilad at itinirik sa lupa. Kapag ang isda'y napasok sa loob ng baklad ay hindi 11a makalalabas kundi sa isang dulong makipot, na sadyang ginawa, at doo'y may isang malaking pabahay na sapilitang papasukan ng isda paglabas nito sa kulungan ng baklad. Nang kami'y pumas ok sa bayang ito ay nakita namin ang isang larawan ng sanggol na si Hesus. Ito'y natagpuan ng isang magdaragat na nagngangalang Aterniko sa isang dukhang dampa, natatakpan ng isang kayong puti sa isang maliit na kahon, nakagora at ang tungki ng Hong ay pulpol na nang bahagya, at ang mukha'y gas gas na. Kinuha iyon ng mga prayle at ipinagprusisyon, isang araw ng pista, buhat sa bahay na kinatagpuan hanggang sa simbahang itinayo nila. Dinakip ang mahigit sa dalawampung indiyo, lalaki at babae: kabilang sa mga babaing dinakip ang isang pamangkin ni Tupas, anak ng kapatid nito. Dito'y nakasumpong ang mga kawal ng ginto't damit. Nang dalhin ang babaing dinakip, ang sisiwa nitong isang matandang babaing indiyo ':' Maipalalagay na ang sulat na ito'y hindi kay Rizal. Sa sulat-kamay 11a pillagsalinan nito at nasa pag-iingat ng Aklatang Pambansa ay mapapansing mga tala lamang ang ginawa ni Rizal, at hinango sa isang aklat, gayun din naman ang talasalitaang ginagamit na wikain sa Guam. 1 Ito'y isang ulat ng paglalakbay na m,atapos ipahayag ang pagkakatuklas sa pulo ng Kanela, sa dakong Timog Pakanluran ng Masagua at ayon sa mga tagaroon ay I;inatawag na CCLnl-egl1in (Ka,mig1ng?) , ay inilalarawan ang daungan ng Bohol, na maraming mga baklad na yari sa pinagtilad. tilad na kawayan at nangakatulos sa dagat. Sa bayang ito nakatagpo ang isang marinero, na nagngangalang Aternico, ng isang larawan ng Batang si Hesus. Iniuulat din ang pagkakabihag sa pamangking babae ni Tupas. 432


433

na sa kanya'y nag-alaga, ay pinawalan ng Ginoong Heneral at pinaparoon kay Tupas upang ipagbigay-alam dito na ang kanyang pamangkin ay nasa kapangyarihan ng Heneral at hindi pinagtatangkaan ng masama, at maaaring ipasundo ni Tupas kung kailan minamabuti nito, gayon din ang iba pang taong dinakip. Nang makarating doon ang sisiwa, ay sinabi ang ipinagbilin sa kanyang sabihin; dumating pagkatapos, ang kapatid ni Tupas upang kunin ang kanyang anak at siya'y pumasok sa himpilan ng hukbo sa gawa ng anim na indiyo. GUAM

2

Ang sasakyang dagat ay tinatawag na San Lucas, na makapaglululan ng apatnapung tonelada. Ang piloto'y si Lope Martin, taga-Ayamonte. Ang Maestre'y si Nicolas Griego. Ang Contramaestre'y si Moreto. May dalang alak ng niyog at tamales na yari sa bigas. . . . Ang mga sandata nila'y mga sumpit at palaso. Sa pamamagitan ng sumpit ay naitutudla nila ang ilang palasong sa dulo ng sumpit ay may matutulis, maliliit at\planinipis, nakasuksok na mahabang sibat na bakal na kanilang ipinanunulag kapag naubos na ang kanilang mga palaso. May dala silang mga sib at, baga, at dalawang maliit na sakbat na yari sa tanso. May dala silang isang maliit na sasakyang may lulang ginto, mga basta ng kayong puti, mga balabal na may pinta, mga batingaw na yari sa tanso, mga porselana, ayon sa kanilang pagyari, mga baso, tanso, bakal, tinggang puti, tansong dilaw at marami pang bagay na pantubos.

at

MGA WIKA SA

Kaibigan-chamor tnauri ........................... . bakimaki ...................... mani ............................... .

au AM

mabuti bigyan dito masarap, malinamnam heto, kunin mo

2Iniuulat naman dito ang pagda,ting ng P(Ltax, isang sasakyang-dagat na noong araw ay pandigma, katulad ng mga bantay-baybayin ngayon. Ang Patax na may pamagat na San Lucas ay may 40 tonelada ang kayang bigat at pinamamahalaan ni Lope Martin, taga Ayamonte; ang "maestre" ay si Nicolas Griego at ang "contra-maestre" ay is Moreto. Ang mga taglay ns sandata ay salbatana at palaso. 006700-28


434 .

jo .................................... lang is rana ................................ bigas juay ................................ lupa tana ................................ niyog na tuyo, kopra micha ............................ panginoon churu ............................ sariwang niyog m.ana .............................. bakal yriso .............................. sisildang lupa o ...................................... kalabasa coca ................................ sasakyang dagat botus .............................. pako ruro ................................ asin azibi .............................. tubo tugo tip or .................... isda bian ................................ hindi eri .................................. daing azurban ........................ kamote nica ........ ....................... maliit segu ...........'-.................... tabla tagayaya ........... ,............ saging na hilaw regue ........... ................ tubig ami tamales enft ................................ saging j eta ................................ belyota puga .............................. pula ragua .............................. papel na may pinta tri acabo-tali .............. mata macha ............................ bato tapia ..................... :........ tainga penuha .......................... papel afui puri ...................... ngipin nifi .................................. banig guajal ............................ buhok chuzo .............................. luya asinor ............................ kamay catecha .......................... siya (babae) reben ..... .- :.................. ~ .... paa ugmicha . ........................ buslong 'nito pian ........... ,.................... ... baba .. ' ." . mimi .. ,".~.~.:.: .. :..:..........;.. ; .- paniradol~ .. na bato' atripe ............ "..:.:~U. _4 . . __ ... ~ . bintio',; .. achumpa ................... ..... alimango


435

achulu ........................... . achi ............................ _... agu .____.. _...... _._ ........... _.... . burgay ...... __ .................. hembean ....... _._ ........... . vitan ............ _................ . uran ......... _..... _................ ataon .............................. mana ...................... ______ __ acha .. _____ ._______________________ _ gua ._____ .__ ._. ____ ____ .___ . ______ . tero .____________________ ____ __ .___ . farfur __.___ ______ .__ .__ .___ .____ .

manete

*

,'. .,.

ito kalupi banga halika bituin buwan araw kumain malaki, mayaman isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam sampu


3. ANG PAGSUSULPEO NG "LA DEFENSA" * Masama, napakasama ang pagsusulpeo ng La Defensa, nang gawin ang pagtatanggol sa lathalaing "Las Filipinas se Pierden" (Napapalungi ang Pilipinas) na lumabas sa El Eco Franciscano. Ang tugon niya sa lathalain namin, bagaman napakatapat, ay nagbubunyag na hindi siya umiinom sa mabubuting bukal sa bagay na itong nauukol sa lakas ng mga samahan ng mga prayle hinggil sa pagmumulat ng isip sa mga bayanbayang pilipino. Ang apat na bagay na pangkaraniwan, gaya ng sinasabi niya, na ipinaloob namin sa tatlong banghay na maliliit ang titik ay apat na napakalalaking katotohanang minarapat naming ilahad sa damdaming bayan, upang dito'y mapagkilala kung ana ang mga prayle 0 mga misyonero sa Pilipinas, upang ang paniniwala ng madla'y hindi na manatiling nalilinlang sa mahabang panahon. Sa lathalain namiB ay walang mga kababalaghan ng hakahaka; ang lahat ng nilalaman ay pawang mapusyaw na paglalarawan lamang ng malalaking kasamaang ginagawa ng mga samahan ng mga prayle sa mga bayang yaong nasa Oceania, at dahil dito'y sa Espanya na rin. Nagsabi ba kami ng mga bagay na hindi namin pinatotohanan? Kung gayon, kung hindi pa ikinasisiya ng La Defensa ang sinulat namin sa nakaraang lathalain, ay bibigyan namin siya ng ibang mga bagong patutoo bHang pagpapatibay sa sinabi na namin. >1< Ang lathalang ito'y lumabas sa "La Solidaridad" nang ika-15 ng Marso, 1889. Ayon kay G. Mariano Ponce, ito'y walang lagda. Gaya ng mamamalas, ito'y isang kasagutan ni Rizal, na naglagay sa alanganin sa lingguhang "La Defensa". Isang kasagutan ni Rizal, na unang nalathala at siyang tinuligsa ng "La Defensa", ang nagbunyag ng malalaking kasamaang ginagawa ng mga prayle sa Pilipinas, sa kasiraang puri ng Espanya. Ang hangad ni Rizal sa una niyang lathalang iyo'y malunasan sana ang tinukoy niyang kasamaan. Si Rizal ay bumanggit ng mga katunayan ng kanyang ipinahayag. At ang lathalang ito ang siyang sinagot at tinuligsa ng pahayagang "La Defensa". Ang sabi ng iba'y ito daw ay sinulat ni Lopez Jaena. 436


437

Naito ang mga iyon: Ang pailalim at pataksil na pagdakip, ang masakit na pagpapahirap sa marilag na gobernador heneral ng Kapuluan na si Salcedo, l na namatay sa laot ng dagat, inihatid sa Mehikong nagagapos ng mga tanikala; ang karumal~ dumal na pagkamatay ng gobernador kapitan heneral din, na dili iba't ang dakilang Bustamante 2 at ang anak niya, ay mga patutoong hindi mapupuwing ng di-lubhang malinis na kasaysayan ng mga samahan ng mga prayle sa Pilipinas. Bilang pagpapatutoong maka-Akiles ng La Defensa, ay itinatagubilin sa amin ang pagbasa ng Memoria Sobre Filipinas ni Ginoong Patricio de la Escosura. Pahintulutan kaming pahapyaw na magsabi sa La Defensa na si Don Patricio ay hindi kailanman naging gobernador ng ating mga pag-aari sa Oceania, manapa'y naparoon siya sa mga pu16ng iyon bilang komisaryo 0 isang sugo ng hari, bago naghimagsik noong panahon ni Isabel II. Matapos na masabi namin ito, ay ikinararangal naming ipaalam sa La Defensa na nakikilala namin ang Memoriang binabanggit niya, at ito'y ipinalaJagay naming nag-aangkin ng maliit na kapangyarihan tungkol sa tangi't tiyak na bagay na ito, hindi sa dahilang masama ang pagkakasulat ng akda ng naging marilag pa namang akademiko, kundi sa dahilang sinulat iyon sa ilalim ng mga damdaming mapanghibo ng magdarayang pangitain. Hindi nakilala ni Escosura ang Kapuluang Pilipinas, sa dahilang bHang komisaryo ng hari sa mga pagdalaw niya sa mga pul6ng iyon, ay natambad sa kanyang mga mata ang Kapuluan sa ilalim ng isang anyong nakasisilaw, sa pagitan ng mga kariktan at mga pagdiriwang, at ng mga prayle, na parang mga batang mababait, gaya ng kung sabihi'y hindi makabasag-pinggan. Datapuwa't malasin sila sa kanilang karaniwang pamumuhay at 1 Si Diego de Salcedo ay naging Gobernador ng Pilipinas buhat nang ika-8 ng Setyembre ng 1663 hanggang ika-28 ng Setyembre ng 1668. Dahil sa kanyang pakikipagkasira sa arsobispo at iba pang mga pari ay dinakip siya sa utos ng hukuman ng Ingkisisyon at siya'y inihatid sa Mehiko nang 1669 upang doon litisin, nguni't siya'y namatay habang naglalakbay. Pinawalang sala siya ng hukuman ng Ingkisisyon sa Mehiko, nguni't ang hatol na ito'y nawalang katuturan pagka't siya'y patay na nga. " Ang Gobernador at Kapitan Heneral na si Manuel Bustamante y Bustillo ay pinatay sa kanyang tahanan sa Intramuros noong ika-ll ng Oktubre ng 1719, ng isang pulutong ng mga manggugulo na umano'y pinangungunahan ng prayleng si Sebastian O. de Totanes.


438

sa kanilang panghihimasok sa pulitika't pangangasiwa: gaanong kaimbihan, gaanong kasamaan! Bilang kapalit ay minamarapat naming itagubilin sa La Defensa ang pagbasa ng mga kasulatan at mga patalastas hinggil sa mga samahan ng mga prayle, na sinulat ng walang kamatayang Simon de ' Anda y Salazar,3 ng eli kularig sa dingal na si Hurtado de Corcuera, 4 at ang mga "pastoral" at iba pang akda ng Arsobispo ng Maynila na si Ginoong Basilio Sancho de Santa Justa y Rufina; sa mga kasulatang iyan ay makatatagpo ang La Defensa ng isang ganap na pagkakapag-aral tungkol sa kasaysayan ng mga kasamaang ginawa ng mga samahan ng mga prayle sa mga bayang iyon. Malasin ninyo, samakatuwid, kung papaanong hindi lahat ng mga kapitan heneral, ni arsobispo ay umaawit ng mga papuri sa mga samahan ng mga prayle sa Pilipinas, gay a ng sinasabi, ni hindi kami naniniwalang si Terrero,5 ni si Quiroga Ballesteros,6 ay nasa-panig ng La Defensa. Sa wakas ay tatalakayin namin ang sinasabing ang mga prayle naminsa mga dakong iyon ay nakaparam umano ng mga hanggahan at nakapagwasak ng lahat ng pag-aalitan ng mga lahi. Ang kabaligtaran nito'y siyang nauunawa namin sa pinatototohanan ng El Semanario Catolico ni Villanueva at Geltru; ang mga samahan ng mga prayle ay nagpapaalab nang .higit kailanman ng pagkakahati-hati ng mga lahi; sa kanilang mga hangaring mapag-imbot ay lalong lumalaki ang 3 Pansamantalang naging Gobernador ng Pilipinas, buhat ng buwan ng Oktubre, 1762 hanggang buwan ng Marso, 1764; at naging palagian nang gobernador sapul ng Hulyo, 1770 hanggang Oktubre, 1776. Nang siya'y nasa-Espanya ng 1768 ay sumulat sa Hari at dito'y ipinahayag ang kanyang mga sumbong laban sa ilang pangyayari sa Pilipinas at laban sa mga prayle. â&#x20AC;˘ Naging Gobernador ng Pilipinas buhat ng ika-25 ng Hunyo, 1635 hanggang ika-ll ng Agosto 1644; dinakip siya ng kanyang nakahalili at ibinilanggo sa 100b ng limang taon; pinalaya siya sa utos ng Hari at hinirang na Gobernador ng pula ng Canarias. Sa loob ng panahon ng kanyang pamumuno sa Pilipinas ay nagkaroon ng maraming pakikipagsigalutan sa arsobispo at sa mga prayle. r. Si Emilio Terrero y Perin at ay naging Gobernador Heneral ng Pilipinas ng taong 1887, nang unang bumalik sa Maynila si Rizal. â&#x20AC;˘ Si Benigno Quiroga y Lopez-Ballesteros ay naging pangkalahatang patnugot ng Pangasiwaang Sibil ng Pilipinas ng taong 1887. Siya'y kaanib sa Partido Liberal sa Espanya.


439

pag-aaHtang ito; pinatototohanan ang gayon ng maalingasngas na pag-uusapin ng mga insik, indiyo at mga mestisong insik sa mayamang purok ng Binundok. Sa anu't anum an ay hindi namin ninanais sagutin ang mga karnaHan sa palaugnayang dinadaliri ng La Defensa, sapagka't hindi namin layunin ang pakikipagtalo tungkol sa mga bagay na nauukol sa balarila, kundi ang makakita ng kaparaanan ng paglunas sa napakaraming kasamaan sa Pilipinas na nagbubuhat sa mga pari 0 mga prayle. Sa harap ng mga pagkukurong ito, at ng iba pang nilalaktawan na namin ngayon, maaari bang sabihin na ang kawalan ng pagmamahal sa mga prayle ay siyang magiging dahilan ng pagkawala ng mga pu16ng iyon? Ito ang aming itinatanong.

)