Issuu on Google+

ANG MAHIWAGANG DIGMAAN

ni Kim Faith E. dela David


MENSAHE NG MGA DIREKTOR NG DULA

Mabuhay! Pinili nang maayos ang mga gaganap sa mga papel sa mismong pelikula. Ang mga napiling aktor at aktres ay talagang kumakatawan sa papel na ginagampanan nila sapagkat may karanasan na sila sa ganoong uri ng buhay ng tauhang gagampanan nila. Sa ganitong paraan, maipapasok nila ang kanilang mga naging karanasan sa mismong papel nila. Nawa’y magustuhan niyo ang aming inihandang palabas. Salamat, at maligayang panonood! Engel dela Vega at Earl David


MENSAHE NG MGA MANUNULAT NG DULA

Mabuhay! Layon namin bilang mga manunulat ang ibalik ang katutubong tema ng ating bayan. Kaya naman naisipan naming buhayin ito sa pamamagitan ng paggamit ng modernong pamamaraan - isang dula. Pinaghalo-halo namin ang ilan sa mga makabagong pelikula upang magbigay-daan sa layunin kong pagbalik ng katutubong tema sa modernong panahon. Maligayang panonood! Kim Co at Faith Decangchon


BUOD NG DULA


BUOD NG DULA May isang bayan sa Pan-et na masagana sa mga likas na yaman kaya’t madalas sakupin ng mga nais manirahan dito. Pinangalanan ng mga sinaunang katutubo ang bayang ito na Capit-tol, sapagkat dito kumukuha ang mga karatigbayan ng mga kakainin, gayun din ang mga materyales para sa kanilang mga tirahan. Isang araw, sa paglalakbay ni Poseidon, ay natagpuan niya ang Capit-tol at agad siyang namangha dito. Nagpasya siya, kasama ng kanyang mga kapatid na sina Jasper, Emmett, Alice, Rosalie, at Primrose, na manirahan na dito sapagkat di hamak na mas masagana ang Capit-tol kung ihahambing sa pinanggalingan nilang bayan ng District 12 na lugmok sa kahirapan. Doon rin nama’y nakatagpo ni Emmett si Effie Trinket at agad na niyaya itong magpakasal. Pumayag naman si Effie. Dahil sa mapusok na desisyon ni Emmett na pakasalan si Effie, hindi niya napansing ayaw niya ang kilos at pananamit nito kaya’t agad naman niya itong itinaboy. Nang magtatayo na sila ng kabahayan, may dumating pang isang hukbo na pinangunahan ni Cato. Ayon sa mga bagong dating, lulan sila sa District 3 kung saan salat sila sa mga pampalasa, kaya’t nagpunta sila ng Capit-tol kung saan mahahanap ang mga magpapaanghang at magpa-


patamis ng kanilang mga kakanin. Hinamon niya si Poseidon sa isang labanan. Bago pa man magkasagupaan ang dalawa, dumating naman si Rubeus Hagrid, isang dambuhalang ibinukold sa Capit-tol dahil sa kanyang masasamang bisyo noong naninirahan pa siya sa bayang iyon. Ayon sa kanya at sa kanyang dalang hukbo, sila naman talaga ang mga tunay na nagmamay-ari ng bayan kaya’t dapat mapasakanila muli ito. Magsisimula n asana ang labanan, subalit dumating si Lucius Malfoy at ang kanyang anak na si Medusa, parehong galing sa angkan ng mga ahas na tinatawag nilang Slytherin. Gusto ring sakupin ng mag-ama ang Capit-tol sapagkat ayon sa mga sabisabi ay lupain ito ng mga ahas at dahil ahas rin ang kanilang mga nuno, doon raw dapat sila manirahan. Nakisama sila sa labanan. Nakita ng diyos na si Zeus na naninirahan sa pinakataas na palapag ng langit ang komosyon sa pagitan ng mga hukbo. Nagpasya siya na ayusin ang gulo sa pamamagitan ng pagtatakda ng isang maayos na labanan kung saan tunay na makikita kung kaninong hukbo ang pinakamalakas. Idineklara niyang maninirahan sa loob ng Capit-tol ang lahat ng hukbo at hahayaan niya ang mga itong maglaban hanggang sa kamatayan. Ang huling hukbo na mananatiling buhay ang siyang maninirahan sa Capit-tol. Dahil gutom siya noong mga panahong iniisip niya ito, tinawag niyang Hunger Grains ang labanan.


Nang nakapuwesto na ang mga kalahok sa kani-kanilang pedestal, inisip nila kung saan makakakuha ng mga kakanin at sandata para sa kanilang kaligtasan. Nang makita nila ang Corny-copia sa gitna, naisip nilang doon nakalagay ang lahat ng kanilang mga kailangan kaya’t nang mahudyat na ang simula ng labananm agad sumugod ang 50 kalahok sa gitna. Sampu na agad ang namatay bago pa man makarating sa Cornycopia. May namatay sa bawat hukbo kaya naging mahigpit ang labanan. Marami naman sa mga tauhan ni Poseidon ang sugatan, kaya’t inatasan niya ang kanyang anak na si Jacob Black (ang kanyang anak na kakambal ng buwan) na pumunta sa asawa niyang si Sally Jackson at sa kapatid niyang si Primrose upang humingi ng ambrosia na makapagpapagaling sa kaniyang mga tao. Sinunod ito ni Jacob at pagkuwa’y gumaling ang mga tauhan ni Poseidon kaya’t nakatakas sila sa Corny-copia at nanirahan sa liblib na bahagi ng Capit-tol. Habang nangangaso si Poseidon at ang kanyang mga hukbo, naiwan nilang walang depensa ang mga kababaihang natira. Natagpuan nina Cato ang kanilang pinagtataguan kaya’t nilusob niya ito sa kaalamang walang lalaban sa kanila. Hindi pumayag si Katniss Everdeen na sumuko sila ng basta-basta kaya’t sinubukan niyang labanan si Cato. Natanggal ang tirintas ng kanyang buhok kaya’t nahiya siya’t hindi nakita ang paparating na sibat ni Cato. Nakita ito ni Poseidon at naglaban sila ng one-on


on-one. Nasawi naman ang dalawang pinuno matapos ng isang mahigpit na labanan. Samantala, sa unang palapag ng langit, nasaksihan ni Dumbledore ang pagkamatay ng kanyang kadugong si Poseidon kaya’t nagdasal siya sa diwata na buhayin muli ito. Natupad naman ang kanyang hiling at nabuhay muli ang magiting na pinuno. Hindi na naramdaman nina Poseidon na ligtas sila sa kanilang kinatitirhan kaya’t umalis siya kasama ng kanyang mga mandirigma upang maghanap ng payapang lugar sa Capit-tol. Habang naglalakbay sila, nakasalubong niya ang dambuhalang si Hagrid at ang mga alagad nito kaya’t napilitan siyang lumaban. Pinasugod niya ang mga bata sa kanyang hukbo upang makita kung handa na sila, at nagtagumpay naman ang mga kabataan. Ibinunyag ni Hagrid na nuno siya ni Poseidon kaya’t nagkamayan sila at nag-inuman. Habang lumalakbay si Poseidon, mayroon siyang nakitang isang bata na nakamukhaan sa kanya. Ayon pala, ang bata na nakita niya ay si Percy, ang kanyang anak na matagal na matagal na hindi niyang nakita. Sinabi rin ni Percy na hinahanap niya ang ama niya, kasi nag-isip siya kung saan siyang galing at sino ba talaga ang mga magulang niya. Pumayag si Poseidon na sumama siya sa kanyang laban para sa pagpapatanggol ng Capit-tol. Sumang-ayon si Percy.


MGA NAGSIGANAP


AGYU bilang POSEIDON Pansariling Impormasyon Pangalan: Agyu Kasarian: Lalaki Tirahan: Nalandangan Perspektibong Sosyal at Pulitikal Mga Magulang: Hindi ko talaga kilala ang mga magulang ko pero nuno ko si Lagungun Lagubaan Asawa: Tagyakuwa Mga Kapatid: Banlak, Lena,Yambungan, Ikwangan,Yugung, Tabagka Wad Pintu-a Mga Anak: Nememandung, Nebeyew, Inkilas, Minayun Katungkulang Pulitikal: Datu at tagapagtanggol ng mga taga-Yandang


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Bago pa man kami salakayin ng mga taga-Mahindanaw pagkatapos patayin ni Kuyasu ang kanilang datu, inatasan ko ang lahat na lumikas upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa aming lupain sa Ayuman. Noong nakarating na kami sa Nalandangan, siniguro kong magiging payapa ang aming mga buhay doon. Ngunit, hindi mapipigilan ang paglusob ng mga kaaway at ng mga taong may kagustuhang angkinin ang aming lupain. Dahil sa pagtatanggol ko sa aming lupain, ilang beses din akong pumanaw. Ngunit dahil sa kay Lagabaan ko Langit na nakatira sa unang palapag ng langit, nabuhay akong muli sa unang pagkakataon. Binuhay din ako ng anak kong si Minayun pagkatapos niya akong painumin ng mamaen. Napatay ko ang mga naglakas loob na kunin ang aming lupain tulad na lang nina Pinagtibolos Lona, at ang mga mandirigma ng Kabukaan. Muntik na talagang maangkin ni Namanding ang lupain ng Nalandangan kung hindi lang talaga ako tinulungan ng aking anak. Naibalik naman ang kapayapaan ng Nalandangan pagkatapos matalo ang mga taga-Kabukaan. Doon ko napagtanto na kung wala ang mga kababayan ko, hindi matatawag na bayan ang isang lupain. Mga Paniniwala Karapat-dapat akong gumanap bilang si Poseidon dahil pareho kami ng paniniwala. Ayaw namin ng gulo kung alam naman naming maiiwasan ito. Gagawin namin ang lahat upang ipagtanggol ang mga bagay at taong importante sa amin. Hindi man kami magkasindami ng mga anak, pareho naming sinisiguro ang kaligtasan nila kahit alam naming mahirap pagsabayin ang ganoon kadaming anak.


PIGSAYU HA PALANGGA bilang PRIMROSE EVERDEEN

Pansariling Impormasyon Pangalan: Pigsayu ha Palangga Kasarian: Babae Tirahan: Nalandangan Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: Wala Mga Kapatid: Agyu, Banlak, Lono,Yambungan at Ikwangan Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: Tagagawa ako ng mamaen


n

Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Sa unang digmaan, pumunta ang singsing ni Agyu sa mga puno ng mga mamaen at sinabihan ako na kailangan akong gumawa ng maraming mamaen para sa mga yumaong mandirigma. Sinabi ko ito sa mga kaibigan ko na nandoon rin sa gubat at ginawa namin ito. Pagkatapos nito, palagi akong gumagawa ng mamaen para sa mandirigma kasama ni Agyu sa mga susunod na digmaan. Mga Paniniwala Naniniwala ako na karapat-dapat akong gumaganap ng katauhan na si Primrose Everdeen kasi halos pareho ang ginagawa namin sa aming kalagayan. Tumutulong si Primrose sa kanyang ina kung kailangan siya ng gamot para kay Katniss at Gale (noong isang beses), at ganoon rin ako. Lagi kong sumusuporta ang kapatid ko sa paggagawa ko ng mahiwagang mamaen. Kung wala ako o hindi marunong akong gumawa ng mamaen, mawawala akong silbi sa digmaan at sa pagsusuporta ko!


MUNGAN bilang EFFIE TRINKET

Pansariling Impormasyon Pangalan: Mungan Kasarian: Babae Tirahan: Ayuman, sa bahay ng ginto Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: Banlak Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: N/A


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Hindi man ako sumasama sa mga labanan sa aming bayan, may mahalaga naman akong bahaging ginagampanan at iyon ay ang pagpapadala ng mamaen at pinipig sa mga sundalo. Katulad ko si Effie Trinket sa paraang hindi rin siya sumasali sa mga labanan, subalit malaki ang parte na kanyang ginagampanan. Ineensayo niya ang mga kalahok sa Hunger Games upang maging handa sila sa labanan, samantalang ako naman ang gumagawa ng paraan upang gumaling ang mga sundalo sa aming bayan. Magsimbigat ang aming mga tungkulin. Mga Paniniwala Naniniwala akong ako ang pinakaangkop na aktres para gumanap bilang Effie Trinket sapagkat mahusay kong maisasaloob ang kanyang karakter. Dulot ito ng pagkakatulad naming ng karanasan ng pagbubuklod, kung saan itinaboy kami ng nakararami dahil naiiba kami. Kung si Effie ay nabuklod dahil sa kanyang mga kasuotan at labis na pagpuna sa kaasalan, itinaboy naman ako ng aking asawa at ng mga mamamayan sa aming bayan dahil sa sakit ko na ketong. Mayroon akong sakit na ganoon dati subalit gumaling ako dahil binigyan ako ng imortalidad galing sa mga diyos.


PINAGTIBOLOS LONA bilang CATO

Pansariling Impormasyon Pangalan: Pinagtibolos Lona Kasarian: Lalake Tirahan: (Confidential Information) Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: N/A Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: Pinuno ng hukbong pandigma


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Di maipagkakailang mabangis na mandirigma si Cato. Galing siya sa District 2, isang lugar kung saan naninirahan ang mga magigiting at mga matatapang. Nakatira rin naman ako sa isang lugar na pinagpupugaran ng mga malalakas, kaya’t alam ko kung ano ang kinagisnan ni Cato. Nakipagdigma ako kay Agyu nang lusubin ko ang kaniyang bayan, at bagaman nabuhay siyang muli, maaari kong ipagmalaki na napatay ko siya. Mga Paniniwala Dahil nga napatay ko si Agyu nang magsapalaran kami, masasabi kong wala akong inuurungang laban at lumalaban ako hanggang sa huli kong hininga, tulad na lamang ng tauhan na si Cato. Mabangis ako at naiintindihan ko ang mga motibasyon ni Cato. Maisasaloob ko ang kanyang mga aksyon at mabibigyang hustisya ko ang kanyang personalidad, sapagkat pareho kami ng pisikal na anyo at pareho rin ang aming mga kaugalian pagdating sa mga labanan.


BONGKATOLAN HAGLAWAN bilang KATNISS EVERDEEN Pansariling Impormasyon Pangalan: Bongkatolan Haglawan Kasarian: Babae Tirahan: Nalandangan Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: Wala Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: Tagagawa ako ng mamaen, subalit nais kong maging isang sundalo.


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Isang mandirigma si Katniss Everdeen sa pelikulang ito at naranasan ko nang maging isang mandirigma. Kahit na ipinagbawal sa akin na makilahok sa digmaan, sinuway ko ang batas dahil alam kong kaya kong labanan ang mga nagsilusob sa aming mga kabahayan. Naranasan ko na ring ang ganitong diskriminasyon dahil isa lamang akong babae, tulad ng diskriminasyon kay Katniss dahil galing lamang siya sa isang mahirap na probinsya. Mga Paniniwala Naniniwala akong wala na talagang maari pang gumanap bilang Katniss Everdeen dahil parehas na parehas kami ng pag-uugali at mahalaga iyon sa pagganap ng isang aktor. Hindi sumusuko si Katniss sa anumang labanan: gayon rin ako. Nadiscriminate na siya dahil sa kanyang mababang estado: gayon rin naman ako. Babaeng mandirigma si Katniss: ganoong ganoon naman ako! Perpektong modelo ako ng isang Katniss Everdeen kaya’t hindi na dapat magdalawang-isip pa sa pagkuha sa akin.


MINAYUN bilang PERCY JACKSON

Pansariling Impormasyon Pangalan: Minayun Kasarian: Lalaki Tirahan: Malayen ha Inbunsud Perspektibong Sosyal at Pulitikal Mga Magulang: Agyu at aking mahal na ina Asawa: N/A Mga Kapatid: Nememandung, Nebeyew, Inkilas Mga Anak: N/A Katungkulang Pulitikal: N/A


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Noong bata pa lamang ako, alam ko nang gusto kong ipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay dahil nakahiligan ko na ang magtanong tungkol sa mga armas na nasa bahay namin sa Malayen ha Inbunsud. Umiiyak pa nga ako noon dahil ayaw sabihin ng nanay ko kung ano yung mga nakabitin kasi bata pa lamang daw ako. Hindi ako natiis ng aking ina kay ibinunyag niya ang lahat pati na rin kung sino ang aking ama. Hinanap ko ang aking ama at hindi ko inaasahang magkikita kami sa pamamagitan ng pagbuhay sa kanya pagkatapos ko siyang painumin ng mamaen. Noong nalaman ko ang dahilan kung bakit nangyari iyon, ipinaghiganti ko siya at nagpanggap ako bilang isang gesaw at nakapasok ako sa bayan ni Namanding. Ako ang siyang nagbigay kay Pigsayu ha Palangga ng mamaen upang ibigay sa mga nabilanggong taga-Nalandangan. Ako ang siyang pumatay sa halos lahat ng mga mandirigma ng Kabukaan. Ako ang siyang tumulong sa aking ama na ibalik ang dapat sa kanila – ang Nalandangan. Mga Paniniwala Karapat-dapat sa akin ang papel bilang si Percy Jackson kasi pareho kami ng layong ipagtanggol ang mga minamahal namin sa buhay. Kahit alam naming posibleng ikasasawi namin ito, hindi namin alintana ang panganib kasi iyon ang tama. Si Percy Jackson ang isa sa mga anak ni Poseidon kaya mataas ang tingin nila sa kanya. Ganoon din ang nararamdaman ko simula noong nalaman kong anak pala ako ng napakalakas na datu na si Agyu. Pareho kami ni Percy Jackson na hindi masyadong napagtuonan ng pansin ng aming mga ama. Dahil nga anak ako sa labas, hindi niya ako nabigyan ng halaga, pero dahil tinulungan ko siya sa pagbalik muli ng kanyang lupain, saka niya lang ako napansin. Kaya dapat para sa akin ang papel na Percy Jackson.


IMBALANA HU LANGIT bilang ARES

Pansariling Impormasyon Pangalan: Imbalana hu Langit Kasarian: Lalaki Tirahan: Nalandangan Perspektibong Sosyal at Pulitikal Mga Magulang: Banlak at Tagyakuwa’y ta Delag Asawa: N/A


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Bilang anak ni Banlak na kapatid ng datu naming si Agyu, kailangan kong ipakita na kaya kong gawin ang lahat para lamang maipagtanggol ang bayan namin. Kaya noong nilusob kami ng mga kalaban na pinamumunuan ni Gulubatnun Nan Labi, pinigilan ko ang tiyuhin kong si Agyu para ako na ang lalaban sa kanilang puno. Noong kinamayan ako ng tiyuhin ko, doon ko naramdaman ang galit niya dahil minamaliit ko ang kanyang kakayahan. Buti na lang at bumaba mula sa langit si Lagungun Lagubaan at tinigil ang posibleng pag-aaway naming mga magkamag-anak. Doon ko napagtanto na kailangang bigyan ng galang ang mga nakakataas sa akin. Mga Paniniwala Naniniwala akong karapat-dapat akong gumanap bilang si Ares kasi pareho kaming hindi marunong umunawa sa mga nararamdaman ng iba. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa rin kaming paninindigan kahit puro gulo nalang ang gusto naming mangyari.


INAY LEGENG SA KILAY bilang MEDUSA

Pansariling Impormasyon Pangalan: Medusa Kasarian: Babae Tirahan: Kabukaan Perspektibong Sosyal at Pulitikal Mga Magulang: Namanding Asawa: N/A Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Pulitikal: N/A


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Pagkatapos magtagumpay ang aking ama na si Namanding sa pagsakop ng bayan ng Nalandangan, nais kong patunayan sa aking ama at pati na rin sa sarili ko na kaya ko ding maging tulad ng tatay ko. Kaya nilinlang ko si Agyu na inumin ang nakakalason na “mamaen� at pinatay ko siya. Natuwa ang tatay ko dahil doon at naging masaya ang aming bayan. Ngunit noong nakita ko ang gesaw na tinuring kong alaga, akala ko magiging mas masaya pa ako noon. Itong pag-aakala ang siyang naging dahilan ng pagbagsak ng aming bayan dahil anak pala ni Agyu ang gesaw na iyon. Doon ko napagtanto na hinding-hindi magtatagumpay ang kasamaan. Mga Paniniwala Karapat-dapat akong gumanap bilang si Medusa dahil pareho kaming mapanlinlang. Sa simula, magpapanggap bilang isang mahinhin, kagalang-galang at mabait na babae. Kapag nakuha na ang loob, saka namin pinapakita ang totoo naming layon – paggawa ng masama. Pareho din kami ni Medusa na may gustong patunayan. Si Medusa, bago pa siya naging halimaw, ay gustong patunayan sa lahat na siya ang pinakamagaling na manhahabi. Dahil doon, ginawa siyang ganoon ni Athena na siyang diyosa ng sining. Ang galing ko sa paglilinlang ang siyang nagpapabagay sa akin sa papel na ito.


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Sa hindi inaasahang pagkakataon, ako’y napalayo sa Nalandangan. Dahil dito, ako’y napadpad sa maraming lugar ngunit ang mga ito’y hindi sukat maihahambing sa kagandahan ng paraisong Nalandangan. Pinilit kong makabalik sa Nalandangan sa natatanging paraan na alam ko – ang sumalakay. Kasama ang malaki kong hukbo, nagtungo kami sa Nalandangan at nakipaglaban subalit naudlot ang sagupaan nang maipakilala kami sa isa’t isa ni Agyu bilang magkamag-anak. Nagdiwang kami sa Nalandangan pagkatapos nilang malaman kung sino nga ba talaga ako. Sa huli, masasabi na tunay na matagumpay akong nakabalik sa paraisong kinagisnan ko. Mga Paniniwala Malapit ang mga emosyong nakakapit sa mga pinagdaanan ko sa mga pinagdaanan ni Rubeus Hagrid. Si Hagrid ay isang grounds keeper kung kaya’t nananahan siya sa lugar na hindi nalalayo sa labas ng Hogwarts. Nakuha niya ang posisyon na ito hindi lang dahil sa magaling siya magbantay ng Hogwarts kung hindi dahil na rin sa mahilig siya mag-alaga ng mga hayop na maaring magdulot ng kapamahakan. Tulad ni Hagrid, nakaramdam ako ng pagkakalayo sa ninanais kong tahanan at pagdaramdam kung kaya’t pinilit kong makabalik sa Nalandangan.


GULUBATNUN NAN LABI bilang RUBEUS HAGRID Pansariling Impormasyon Pangalan: Gulabatnun nan Labi Kasarian: Lalaki Tirahan: Hindi permanente. Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: N/A Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: Datu ng Sumasalakay na Hukbo


TAGYAKUWA’Y TA DELAG bilang SALLY JACKSON

Pansariling Impormasyon Pangalan: Tagyakuwa’y ta Delag Kasarian: Babae Tirahan: Nalandangan Perspektibong Sosyal at Pulitikal Mga Magulang: N/A Asawa: N/A Mga Kapatid: N/A Mga Anak: Imbalana hu Langit Katungkulang Pulitikal: Pinuno ng mga buyan o yumam-ag (tagagawa ng mga mamaen)


LAGUBAAN KO LANGIT bilang DUMBLEDORE

Pansariling Impormasyon Pangalan: Lagabaan ko Langit Kasarian: Lalaki Tirahan: Unang Palapag ng Kalangitan Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: N/A Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: Tagapagbantay ng Unang Palapag ng Kalangitan


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Noong panahon na sinusubukan kaming sakupin ng mga kalaban, naroon kami palagi upang tulungan ang aming mga mandirigma sa pamamagitan ng paggawa ng mga mamaen upang bigyan sila ng lakas ulit. Hindi kami nag-aalinlangan na tumulong sa aming mga mandirigma kasi sila naman yung magliligtas sa amin sa posibleng kapahamakan. Mga Paniniwala Naniniwala akong para sa akin ang papel na ito bilang si Sally Jackson na ina ni Percy Jackson kasi alam kong gagawin ko ang lahat upang matulungan lang ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ako magrereklamo kahit alam kong mahihirapan ako kasi para sa mga minamahal ko ang ginagawa ko.


NAMANDING bilang LUCIUS MALFOY

Pansariling Impormasyon Pangalan: Padsilung ha Kabatlaw (Namanding) Kasarian: Lalaki Tirahan: Kabukaan/ Lingkaan Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: N/A Mga Kapatid: N/A Mga Anak: Inay Legeng sa Kilay Katungkulang Politikal: Datu ng Bayan ng Lingkaan


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Nadakip si Bongkatolan Haglawan ng hukbo ni Pinagtibolos Lona dahil nasira ang kanyang puso kung kaya’t kinailangan siyang iligtas ni Agyu. Nagapi ni Agyu si Pinagtibolos Lona gamit ang isang punyal ngunit siya rin ay napatay. Idinala ang katawan ni Agyu patungong langit at sa pagakyat nito sa Unang Palapag ng Kalangitan kung saan ako’y nananahan, humiling ako sa kataas-taasan upang maibalik ang buhay ni Agyu. Nadinig naman ang aking hiling at nakapagpatuloy si Agyu sa pakikipaglaban sa mundong ibabaw. Mga Paniniwala Sabihin natin na ang kapanahunan ng tao ay dumadating sa takdang panahon. Kapansin-pansin kung paano ipinakilala si Albus Dumbledore noong pagkakataon kung saan inaakala na si Harry Potter ay namatay na at nagkita sila sa King Cross’s Station. Tulad ko, si Dumbledore ay may kinalaman sa mga sandali kung saan mapagdedesisyunan kung mananatiling yumao ang isang tao o magagawan pa ng paraan. Kung naipanumbalik ni Dumbledore kay Harry ang pag-asa na kinakailangang nasa puso niya, ako naman ay nagbibigay ng isa pang pagkakataon para sa mga taong may hangaring makapagpapaunlad ng sarili at ng bayan.


LAGUNGUN LAGUBAAN bilang SIRIUS BLACK

Pansariling Impormasyon Pangalan: Lagungun Lagubaan Kasarian: Lalaki Tirahan: Mga Palapag ng Kalangitan Perspektibong Sosyal at Politikal Mga Magulang: N/A Asawa: Mayroon akong asawa ngunit walang ngalan. Mga Kapatid: N/A Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: Tagapagbantay ng Kaayusan


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Nang maglalaban na sana si Agyu at si Gulabatnun nan Labi, pinigil ni Imbalana hu Langit si Agyu at ipinilit na siya na lamang ang lalaban. Nang magkamay ang magtiyuhin, nagdulot ito ng napakalakas na lindol dahil sa naguumigting na galit ni Agyu kung kaya’t kinailangan kong mamagitan para hindi mawasak ang palapag na nasa ilalim ng Kalangitan. Ako ang nagpakilala sa dalawa bilang magkamag-anak, kung kaya’t hindi na natuloy pa ang nakalulungkot sanang labanan. Mga Paniniwala Naniniwala ako na ako’y karapat-dapat para gumanap sa katauhan ni Sirius Black. Si Sirius Black ang nagsisilbing guardian o tagapag-alaga ni Harry kung kaya’t maituturing rin siya bilang ninunong nagbabantay sa mga henerasyong kasalukuyan. Ako’y direktang maihahambing kay Sirius dahil ako rin ay tumitingin sa kalagayan ng mga kalahi kong namumuhay sa sandaigdig.


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan Nabalitaan ko na may isang lugar na pumapayagpag sa kagandahan na maituturing na itong isang paraiso. Sinubukan kong puntuhan ito ngunit hindi man lang ako nakalapit dahil madaming mga mahikang panggalang sa sinumang magtatangkang papasok. Matagal-tagal akong nag-isip para lamang makatagpo ng paraan at sa wakas, napagtanto ko na. Humiling akong maging isang sawa at nakapasok nga ako sa Nalandangan. Nilulon ko lahat ng mamamayan nito maliban sa datung si Agyu na napapaligiran ng napakaraming anting-anting. Sa huli’y maghahanap ng kasagutan si Agyu kung nasaan ang kanyang mga mamamayan. Susugod siya rito sa Lingkaan. Mga Paniniwala Hindi malayo sa isa’t isa ang layunin namin ni Lucius Malfoy. Ang tanging gusto naming ay ang mabuting patutunguhan ng aming pamilya o hukbo; hindi kami natatakot na gawin ang kahit anong paraan para lamang sa kapakanang ito. Maraming nagsasabi na kami ay nagiging insensitibo sa mga pangangailangan ng iba ngunit ang masasabi ko lang ay may mga bagay talagang kailangang unahin. Ang kapangyarihan ang magbibigay ng kaginhawaan sa aking mga nasasakupaan tulad na lamang sa kaisipan ni Lucius na ang pagkapit sa malakas ang magliligtas sa kanila sa kapahamakan.


INKILAS bilang JACOB BLACK

Pansariling Impormasyon: Pangalan: Inkilas Kasarian: Lalaki Tirahan: Sa bahay ni Agyu, Nalandangan Perspektibong Sosyal at Politikal: Mga Magulang: Agyu at Takgyugawa Mga Kapatid: Nebeyew at Minayun Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: N/A


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan: Bilang anak ni Agyu, lumaban ako sa lahat ng mga digmaan. Inilagay ako ni tatay sa hukbo para maglaban sa aming bayan. Sinabi rin sa akin na parang kambal ko rin ang kidlat kasi mabilis akong kumilos. Isa ito sa mga kalamangan ko sa paglalaban ng mga mandirigma ng kalaban. Mga Paniniwala: Naniniwala ako na bagay ako para gumaganap ang tauhan na si Jacob Black kasi may marami siyang katangian na halos pareho sa akin. Una, pareho kaming mabilis. Kung puwedeng tumakbo si Jacob nang mabilis kapag “werewolf � na siya, halos pareho ito sa akin kasi kilala ako bilang kambal ng kidlat. Pangalawa, ipinapahalaga niya ang mga taong matalik sa kanya, katulad ng pamilya at ang mga mahal niya. Sa aking kaso, ipinapahalaga ko ang ama ko sa paglalaban sa digmaan at ipinapahalaga ko rin ang bayan ng Nalandangan. Huli, marunong ako mandirigma, at ganoon rin si Jacob Black.


BANLAK bilang EMMETT CULLEN

Pangalan: Banlak Kasarian: Lalaki Tirahan: Sa bahay ni Agyu, Nalandangan Perspektibong Sosyal at Politikal: Mga Magulang: Mayroon akong magulang ngunit walang binanggit na pangalan Asawa: Mungan Mga Kapatid: Agyu, Lono,Yambungan at Ikwangan Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: N/A


BANLAK bilang EMMETT CULLEN

Pangalan: Banlak Kasarian: Lalaki Tirahan: Sa bahay ni Agyu, Nalandangan Perspektibong Sosyal at Politikal: Mga Magulang: Mayroon akong magulang ngunit walang binanggit na pangalan Asawa: Mungan Mga Kapatid: Agyu, Lono,Yambungan at Ikwangan Mga Anak: N/A Katungkulang Politikal: N/A


Mga Nakaraang Gawain na Makatutulong sa Inaasam na Gagampanan: Nag-aalaga ako kay Mungan kahit ketongin siya at iniiwasan siya ng madla. Nababagay ko ang aking sarili sa mga pangyayari tulad na lamang kung paano ko napagdesisyunan na hayaan na lamang si Mungan, upang hindi na mahirapan pa ang aming mga katribo sa pakikisalamuha sa kanya. Ipinaglaban ko nang ilang beses ang mga bagay na mahalaga sa akin, tulad na lamang ng lupa ng Nalandangan! Mga Paniniwala: Naniniwala ako na ako lamang ang pinaka-angkop sa katauhan ni Emmett Cullen dahil bukod sa mga naranasan ko sa matinding pakikidigma at sa pag-aalaga ng isang mapagmahal at mapagbigay na asawa, matingkad sa paniniwala ko ang pagprotekta sa bayan at sa pamilya.Kagaya ni Emmett, ginagamit ko rin ang kalakasan ko sa paglaban sa mga mananakop at minsan rin akong nangangasa para sa kapakanan ng tribo.


NAIS NAMING MAGPASALAMAT SA AMING MGA SPONSORS: HUNGER GRAINS JSEC P&G UNILEVER ADMU FILIPINO DEPARTMENT JOLLIBEE MCDO DISNEY



Agyu social