Page 1

TRIBUTE JUNE 2013

• WE WILL MISS YOU APONG

ABRA Malesuada quis, egestas quis, wisi. Donec ac sapien. Ut orci. Duis ultricies, metus a feugiat porttitor, dolor mauris convallis est, quis mattis lacus ligula eu augue. Sed facilisis. Morbi lorem mi, tristique vitae. Si apong ang tawag namin sa nanay ng lola namin, Tubong Abra, purong ilokana, Mahilig din sumayaw Kumanta at kumain ng Nganga. Iniisip ko, kung di mo niluwal ang lola ko, nasaan na kaya ako? Siguro katulad ng kuwento nila Nasa hangin pa din ako, O kaya uod, putik o ibon na naglipana. Mapalad ako nakita ko ang nanay ng lola ko, Nakita ko ang angkan ko. Siguro ganyan din ang itsura ko Pag tumanda ako.

Mahigit 100 taon ka na, siguro kung nandito ka sa inglatera Meron ka na din telegrama Mula sa reyna ng bansang aking nakita at nakasalamuha Ang kuwento nila nanay, Nung kapanahunan pa ng giyera Nandun ka sa bundok nagtatago, Ang lupet nasaksihan mo yung bagsik ng kasaysayan na mula ngayun sa bukang bibig na lang namin malalaman at nababasa. Malungkot kasi, di kita nakita,

[1]

Adiam condimentum Purus in consectetuer Proin in sapien. Fusce urna magna,neque eget lacus. Maecenas felis nunc aliquam ac consequat vitae.


Hanggang kompyuter lang para marinig at makita Ang boses ng iba mo pang kapamilya Gusto ko pa naman isa ka sa mga modelo ko para lang meron akong Alaala mula sa aking angkan At maging koleksyon ng aking potograpiya. Ang tabako mong malupet Baliktad kung hithitin Ibang iba, walastek! para kang Yamang tao na kailangan itago Sa pambangsang museo ng Pilipinas Minsan iniisip ko na lang Mga kuwento nila nanay pag ikaw ay inaalagaan, Parang ikaw at si tatay yung Inaalagaan kong matatanda dito sa inglatera Kung saan ako kumikita.

may tiyaga, may giginhawa. Alam ko naman kasama ng ating Pamilya na di muna tayu magkikita Pero darating ang panahon na Magkikita din tayo. Doon sa langit na wala ng problema At puro ngiti na lang ang makikita. Hayaan mo pag uwi ko, Kasama sa puntod ni tatay kayo Agad pupuntahan ko. Hanggang sa muli apong. Salamat sa magagandang ala-ala. Ipagdadasal kita habang nasa malayo pa ako. Salamat sa lahat.

Kaya naman pala nitong kama kailan, nagtataka ako Ibang iba pakiramdam ko, Sabi ko may nararamdaman ako Halos pareho ng pakiramdam ko Nung araw na si tatay ay pumanaw Ayun pala ikaw na yun, Ipagdadasal kita, alam kong masaya ka na kung saan ka man naroroon ngayun Masaya ako na naabutan mo ang henerasyon ko, Masaya ako nakita mo ang mga Kompyuter at mga cellphone. Ang mga bibo mong mga apo Ang mga balita na kakaiba nung Kapanahunan mo at ngayun. Higit sa lahat nakita mo ang mga pamilya mo na kahit anung hirap basta

[2]

Apong  
Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you