Page 1

CENTRAL LUZON

COUN. ANN BELMONTE on page. 7

February 28-March 6, 2013

Volume xiv, No.7

GOV VIC YAP NANGUNA SA SURVEY... p.10

AGUAS AT TA単EDO NAGKASUNDONG IPA-RAFFLE ANG MGA STALLS SA p.3 UPTOWN MARKET

BM. BABY LUGAY on page.6

COUN. TYRONE AGANON

20M BAKAL NA NAWAWALA MULING INIMBESTIGAHAN... P.4

on page. 6

COUN. JELO HONRADO on page. 5

MANALANG, TA単EDO ATBP, SINAMPAHAN NG KASONG KATIWALIAN KAUGNAY NG MAANOMALYANG 328M LOAN... P.3

A.S. OCAMPO

COUN. ERNIE GALANG on page. 5

JUNKSHOP

BUMIBILI NG: BAKAL, BOTE, LATA, YERO, PLASTIC AT MGA SIRANG GAMIT TULAD NG: TV, ELECTRIC FAN, WASHING MACHINE, REFRIGERATOR AT AIRCON

ROMULO HIGHWAY BRGY. TIBAG, TARLAC CITY SA TABI NG LOTTO OUTLET TEL. # (045) 491-3122 / CP # 0999-990-9877

Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09473120452 or email @ diyaryobanat@yahoo.com / jessmalvar@gmail.com.


EDITORYAL PANAHON NG MGA PRAYLE Ang hayagang paglahok ng anumang simbahan sa halalan ay nagbabadya ng isang lubusang pakikialam ng mga relihiyosong grupo sa partisan election at sa gobyerno. Kung ang INC ay may pasya, ang ibang paring katoliko naman ay hayagang nangangampanya sa mga pulitikong gusto nilang maupo sa tungkulin. Ito’y ipinapakita nila sa pamamagitan ng paglagay ng mga malalaking tarpaulin at pagtakbo sa halalan. Ang ibang protestant group naman ay hayagang nakikilahok sa halalan. Marahil ito na ang simula ng pagkakawatak-watak ng mga pilipino. Hindi lamang hangaring pulitika ang isinusulong ng mga ito kundi ang interes ng bawat relihiyon. Walang katapusang debate kung pakikinggan mo ang bawat isa, dahil may kanyakanyang prinsipyong pinaniniwalaan sa relihiyon, kung ito’y hahalo sa gobyerno, tingin ko’y labu-labo. Kaya sa saligang batas ay inihihiwalay ang relihiyon at ang gobyerno, dahil kung ang mga nasa relihiyon ang manggogobyerno ay walang ipinagka-iba ito noong panahon ng kastila na mga pareng prayle ang makapangyarihan. Di ba sila rin ang unang nangamkam ng mga lupain noong mga panahong iyon? Na siyang naging simula ng matagal na kaguluhan sa Mindanao at iba pang lugar, hindi lamang sa ating bansa kundi pati sa ibayong dagat. Kung ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan ang paiiralin, walang relihiyong maaaring sumali sa halalan, maliban sa pag-boto at pagbabantay upang lumabas ang tunay na resulta nito. Kung minsan ang mga pulitiko na rin ang nag-udyok kung bakit naakit ang mga simbahan na sumali sa larangan ng pulitika. Dahil ang mga pulitiko ay nagtutungo sa mga simbahan sa panahon ng pangangampanya. Nagpapakampi sa kanya-kanyang kaibigang pinuno ng bawat simbahan. Sana ay higpitan ng Comelec ang pagbabantay sa mga relihiyong lantaran na nakikialam sa election process. Nasa ilalim na ba uli tayo ng mga prayle? Mag-isip-isip kayo at dapat maitama ang mali sa sistema. Dahil ang maling sistemang umiiral kung walang kumikibo ay nagiging tama sa pagdating ng panahon. CENTRAL LUZON

Jess P. Malvar Publisher / Editor Malou P. Malvar Marketing Manager Ruby Bautista Celo Candelaria Ad Consultants Mark Jessel Malvar Layout Artist Charito Valencia Jay Sanggalang Office Staff

2C

ENTRAL

BANAT Newsmag is a Community NewsMagazine, Published in Taglish, circulated in Central Luzon with Editorial Business Office @ Tarlac City. For Subscription, Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09473120452 or email @ diyaryobanat@yahoo.com / jessmalvar@gmail.com. website http://clbanat.webs.com

LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

OFF THE AIR

ni Jess Malvar

MAGNILAY-NILAY TAYO Sa panahon ngayon ay maraming magagaling pero walang binatbat! Patungo tayo sa panahon ng kuwaresma, bakit hindi tayo magnilay kung totoong lahat ang ating mga sinabi? Panahon ng pulitika, panahon kung saan naglilitawan ang maraming bulaang propeta. Lagi nating naririnig ang mga katagang “Aayusin ko ang buhay n’yo, aayusin ko ang bayan!” pero suriin natin ang kanilang mga personal na buhay, kung ito ba’y maayos o masalimuot? Paano aayusin ng isang pulitiko ang bayan kung ang sarili niyang buhay ay di ayos? Mas maganda kung bago siya lumabas ng bakuran upang ayusin ang bayan ay buhay muna niya ang kanyang unahing baguhin tungo sa pagbuti. Marami ka ngang pera, pero sira naman ang iyong pamilya? mas maganda kung balikan mo ang inyong pamilya, buuhin mo muna at saka ka humarap sa taong bayan para sabihin mo na, “kayo naman ang aayusin ko!” Kung magagawa mo ito, kalulugdan ka ng mga botante at kalulugdan ka ng nasa itaas. May kakilala ako, pareho silang PULITIKO, iisa ang kuwento ng buhay nila “MAPANG-API SA ASAWA Sundan sa p.11

PITIK/BULAG NI DATU FAISAL

PANTAWID PAMILYA PROGRAM NA TINATAMASA NGAYON NG MGA TARLAKENYO AY PONDO GALING KAY P-NOY AT HINDI KAY ACE MANALANG Nilinaw ngayon ng mga tauhan ni President Noynoy Aquino na hindi galing kay Mayor Ace Manalang ang pera para sa PANTAWID PAMILYA program na ngayo’y pinakikinabangan na ng mga Tarlakenyo, subalit nagagamit din sa pulitika, dahil ang ibang opisyales ng barangay ay ipinanakot umano na kapag hindi si Ace ang ikakampanya ay aalisan na sila ng karapatang tumanggap ng pantawid pamilya program. Ayon sa insider sa P-Noy Camp, wala umanong ipagalala ang mga nakatanggap na, dahil kahit sino pa ang kanilang susuportahan ay mananatili ito sa kanilang pangalan at matatanggap nila ang nasabing tulong pinansiyal mula sa Presidente ng Pilipinas at

kababayang si Noynoy Aquino. Hiniling din ng mga ito na wag nang maniwala sa mga sinabi at ipinangako ng tiga City Hall dahil binubulag lang umano ang mga mamamayan sa mga kasinungalingan, at walang totoo sa mga sinabi nito sa publiko, dahil hindi na nito alam ipaliwanag ang mga pondong di malaman kung saan ginamit. Dagdag pa ng insider na ang PANTAWID PAMILYA program ni P-Noy ay tulong ng National Government sa mga kababayang Tarlakenyo upang kahit papaano’y makatawid sila sa kanilang mga pangangailangan sa pang-arawaraw na buhay, kaya hindi umano dapat na angkinin ni Mayor Manalang ang kredito nito.


AGUAS AT TAñEDO NAGKASUNDONG IPARAFFLE ANG MGA STALLS SA UPTOWN MARKET Dahil sa dami ng problema sa palengke lalo na ang isyu ng pamamahagi ng mga stalls na hindi naaayon sa batas, dahil tinuturo na lang umano ni Mr. Nilo Cabreros kung saang puwesto pa ang puwedeng ipamahagi sa mga vendors, nauwi sa sigawan ang meeting na ginanap nitong March 7,2012 sa mismong Session Hall kung saan dumating bigla si Vice Mayor Mike Tañedo at sinita nito ang mga naroong vendors habang wala pa sina Vice Mayorable Ana Aguas. Sinamantala ng mga vendors na tanungin si Tañedo tungkol sa kalagayan ng palengke at kung totoong ililipat na sila sa bagong gusali. Ang sabi naman ni Mike,”hindi ko alam na ililipat na kayo bukas, itatanong ko muna kay Mayor Ace! kung may problema kayo diretso ninyong ipaalam kay Mayor at hindi kung kanikanino!” Ilang vendors ang sumagot at nagsabi na,”Vice kanina lang ay galing kami kay Mayor Manalang pero itinuro

kami kay Mr. Cabreros, pinuntahan namin ulit si Cabreros pero ang sabi ni Cabreros wala na daw puwestong maibibigay sa amin!Pinasa-pasa na lang kami, di namin alam kung kanino kami lalapit, marami na ang nakakuha ng magagandang puwesto, naibenta na ata sa mga may pera ang ilang puwesto, bakit hindi na lang idaan sa raffle para parehas kaming makakakuha.” Ito ang mga katanungan at pahayag ng ilang vendors na naroon. Halos lumabas ang litid ni VM Tañedo sa kaka-depensa kay Mayor Ace, dahil kinundena na ng mga manininda si Manalang, pero sa bandang huli ay bumigay din si Mike at sinabi nito na,” kung si Mayor Manalang ay tumanggap ng pera o bayad mula sa mga vendors at meron kayong ebidensiya, idemanda ninyo, at kasama ninyo ako diyan! at ipapa-raffle natin ang mga puwesto para maiwasan ang mga pagdududa! Dapat ding sumunod sa batas si

Mayor Manalang at tandaan ninyo, wala akong pakinabang kay Mayor!” palakpakan naman ang tugon ng mga vendors sa tinurang iyon ni Vice Mike. Ang sabi naman ni Ana Aguas sa mga vendors,”HINDI AKO PAPAYAG NA HINDI MAI-RAFFLE ANG MGA PUWESTO, BILANG MARKET COMMITTE CHAIRMAN, DADAAN PA RIN SA AKIN ANG FINAL DESISYON. Napasigaw sa tuwa ang mga vendors na naroon sa bulwagan, dahil umasa talaga sila sa suporta ng Sanggunian. Inatas a n n a n i Vi c e Mayorable Ana Aguas ang SP Secretary na padalhan ng mga notice ang lahat ng mga vendors sa palengke upang mag-attend ng meeting sa M a r c h 11 , 2 0 1 3 , 8 ; 3 0 n g umaga sa session hall ng SP. Dito pag-uusapan kung kailan ang raffle at iba pang isyu at problema sa palengke. Matapos ang sigawan at bangayan sa pagitan ng mga

vendors, Ana Aguas at ni Mike Tañedo, nagkasundo s i n a V M M i k e a t Vi c e Mayorable Ana Aguas na ang lahat ng stalls ay ipaparaffle sa takdang panahon. ipinangako ni Mike Tañedo na hindi matutuloy ang paglipat sa March 8,2013 sa bagong gusali, bagkos ay antayin ang takdang araw na mapagkasunduan ng Sangguniang Panlungsod. Ipinangako naman ni Ana Aguas sa mga vendors na hindi sila malalamangan basta’t makikipagtulungan lamang sila at hindi dapat na mag-kanya-kanya. Ayon naman sa tatlong konsehal na sina Councilors Emy Ladera, Noel Soliman at Ricky Diolazo, gagawin nila ang lahat para matulungan ang mga vendors sa pamilihang lungsod at hindi sila dapat na madihado, lahat ay ipapatupad ng pantay-pantay at naaayon sa batas. Ito ang paniniyak ng mga konsehal sa mga vendors.

MANALANG, TAñEDO ATBP, SINAMPAHAN NG KASONG KATIWALIAN KAUGNAY NG MAANOMALYANG 328M LOAN TARLAC CITY- Nasasadlak ngayon sa matinding problema si Mayor Gelacio Manalang makaraang sampahan ng iba’tibang kaso ng katiwalian sa Ombudsman kaugnay ng diumano’y MAANOMALYANG LOAN na nagkakahalaga ng 328 milyon sa Land Bank of the Philippines. Sinampahan si Manalang ng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices, Falsification of Public Documents, Government Procurement Reform Act, Code of Conduct and Ethical Standard, at Dishonesty and Grave Misconduct. Kasama sa sinampahan ng kaso sina Vice Mayor Miguel Tañedo, SP Secretary Ma. Theresa Pangilinan at ang limang miyembro ng Bids and Award Committee na kinabibilangan nina GSO Reynaldo Bonifacio, City Engineer Joe Dungca, Budget Officer Romeo De Leon, City Planning and Development Officer Janet Pineda, City Legal Officer Atty. Eliseo Martinez, Filipina Monje, LBP Vice President and Head for Northern and Central Luzon Lending Group at LBP Concepcion Head Rolando Santos. Ang mga nabanggit ay sinampahan ng kaso nina Councilors Ana Aguas, Noel Soliman, Emy Ladera Facunla, Vlad Rodriguez, Ricky Diolazo at Weng Quiroz. Ang problemang ito ay nag-ugat matapos na bawiin ng anim na konsehal ang kanilang suporta sa nasabing loan dahil na rin sa problemang pananalapi ng siyudad, na sa kasalukuyan ay halos wala ng nababayarang mga obligasyon maging ang mga basic services ay hindi na rin nabibigyan ng pansin. Ang nasabing usapin ay tinalakay sa kanilang sesyon noong November 8,2012, at ayon sa inaasahan, umani ito ng matinding balitaktakan at bangayan mula sa magkabilang panig. Sundan sa p.11 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

3


STALLS SA UPTOWN MARKET NAIPAMAHAGI NA NGA BA KAHIT DI DUMAAN SA RAFFLE? Ayon sa Market Code, dapat umanong dumaan sa palabunutan o raffle ang bawat puwestong ipamamahagi sa mga vendors. Ayon kay Councilor Ana Aguas, Committee on Market, “HINDI TAMA NA SI

NILO CABREROS LANG ANG NAROON SA PAMAMAHAGI NG MGA STALLS, dapat ay naroon kaming mga opisyales, may mga representative ang bawat Sector at dapat may abogadong naka-

Damdaming Barangay

ISYU NG ACE CARD MULI NA NAMANG LUMUTANG Isang residente sa barangay San Juan de Mata ang nagrereklamo matapos na mahospital ang kanyang anak. Si Molina Subaran ay holder ng ACE Card, subalit hindi umano niya nagagamit ang nasabing card dahil wala raw pondo, pinapila pa umano sila, tapos yun lang ang sasabihin sa kanila na WALA NG PONDO. Halos ay maiyak-iyak siyang lumisan sa pila ng mga nag-claim sa Ace Card dahil wala na siyang alam na puntahan at umasa umano siya sa tulong ng nasabing ACE CARD pero wala naman palang maitutulong sa kanilang mahihirap. Ang panawagan ni Molina sa mga

kinaukulan ay “magpakatotoo, wag ng gamitin ang mga bagay na hindi naman nakakatulong sa sambayanang tarlakenyo, at ginagamit lamang na pampulitika.”

antabay diyan sa pag-aaward ng mga puwesto.” Dahil sa kaguluhang nangyayari, nagpatawag ng meeting si Ana Aguas sa mga vendors sa Uptown Market upang tanungin kung sila ba’y may alam sa nasabing raffle kung meron man? subalit sumagot ang mga vendors na wala umano silang alam sa ginagawa ni Cabreros, ang alam lang umano nila ay naipamahagi na ang mga stalls sa ilang mga malalaking negosyante, na ang iba ay mga kasama din nila. Ayon kay Thelma Bagoryo, negosyante ng bigas, ilan umano sa kanilang mga kasama ay ayaw ng pumayag ng raffle dahil may mga puwesto na umano silang napili na binigay ni Mayor Manalang. Sa aming pag-imbestiga, kasama si Thelma Bagoryo, ang mga malalaking rice dealer sa pamilihang lungsod na sina Susan Jordan, Ana Agapito, Ansang dela Cruz, Ms. Estillore at iba pa ay hindi na umano sasama sa raffle o palabunutan dahil nabigyan na sila ng puwesto ni Mayor Manalang, maging ang ibang section tulad ng Fish, Vegetables at Meat Section ay may naipamahagi na ring mga puwesto sa ibang manininda. Naghihinala ang iba na ibini-benta umano ang kanilang mga stalls kaya hindi na dumaan sa raffle. Hiniling ng mayorya na idaan ito sa bunutan upang maging parehas ang laban, at hindi maghihinala ang iba na may pinapanigan depende sa kung magkano ang ibinabayad.

20M BAKAL NA KINALAS SA TARLAC CITY UPTOWN MARKET NA NAWAWALA MULING INIMBESTIGAHAN Makailang-ulit ng nagpatawag ng meeting upang imbistigahan ang pagkawala ng mga bakal sa palengke subalit hanggang ngayon ay hindi pa matukoy kung sino ang may kagagawan dahil walang sumisipot sa tuwing may ipinapatawag na pagdinig. Ayon pa sa saksi, “nakita kong hinahakot ang mga bakal sa araw at ang iba nama’y hinahakot sa gabi, marami ang nakakakita subalit walang gustong magsalita.” Ang nasabing bakal ay nagkakahalaga umano ng mahigit 20 milyon, na ipinagtataka naman ng anim na konsehal dahil hindi kumikibo sina Mayor Ace Manalang at Vice Mayor Mike Tañedo para hanapin ang mga nawawalang bakal. Noong March 6,2013 muling nagpatawag ng meeting ang anim na konsehal na sina Ana Aguas- Committee on Market, at mga miyebro na sina Vlad Rodriguez, Noel Soliman, Ricky Diolazo, Emy Ladera at Weng Quiroz, subalit wala kahit isa sa ipinatawag ang sumipot sa pagdinig. Ayon sa anim na konsehal, naging pipi’t bingi na lamang umano sina Manalang at Tañedo sa isyung ito ng bakal. Nagtatanong din ang ilang observer kung ano na raw ang hakbang na ginawa ng COA sa nasabing usapin, bakit hindi umano inuobliga ang Chief Executive na palitawin at gamitin ang puwersa ng kapulisan para matukoy kung sino ang may kinalaman sa pagkawala ng mga bakal.

4C

ENTRAL

LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013


JELO HONRADO MARAMING MAGAGAWA PARA SA SIYUDAD NG TARLAC DAHIL MAY TIWALA SI P-NOY SA KAKAYAHAN NITO Habang tumatagal ay humahataw na itong si Jelo Honrado. Madalas niyang sinasabi sa mga kaibigan at kakilala na “simpleng buhay lang kami, kilala ang pamilya namin na matino, masaya at simple lang ang pangangailangan, kaya kahit kanino ay puwede akong makibagay.” Kahit na malapit kaming kamag-anak ni President Noynoy Aquino ay hindi namin ginagamit o pinagmamalaki sa iba dahil alam naman namin ang limitasyon ng bawat tao. Pero kahit anong oras ay kaya kong humingi ng pabor sa Presidente basta’t kapakanan ng mga taga-Tarlac City ang nakasalalay. Buo ang tiwala ng Pangulo sa Team ni Mayor Aro kaya kahit sino sa amin ang humingi ng tulong para sa Tarlac City ay hindi mag-dadalawang isip ang Presidente. “Para sa akin, mas maganda kung magserbisyo muna tayo at ipakita ang ating kakayahang manungkulan. Ang kailangan ng taong bayan sa ngayon ay yaong totoong serbisyo at hindi puro pangako na madalas na napapako.”

“ Naka-tuon ang aking panahon sa ngayon sa pangangampanya, dahil baguhan lamang ako sa larangan ng pulitika, kaya kailangan kong kumayod ng husto upang ipakita sa taong bayan na ako’y karapatdapat sa kanilang tiwala, at nakikiusap ako sa aking mga kababayan na bigyan nila ako ng pagkakataong maupo sa konseho upang maipakita ko naman kung paanong magtrabaho ang isang JELO HONRADO.” Si Jelo ay simple lang kung magsalita, pero marami siyang nagagawa at magagawa pa sakaling mabigyan siya ng pagkakataon ng taong bayan. Bakit di natin siya bigyan ng pagkakataon, saka natin siya husgahan pagdating ng panahon na naroon na siya sa konseho!

Ang dalawang binatang konsehal na sina Jelo Honrado at Topey delos Reyes habang aliw na aliw na nakikipaglaro sa mga kabataang mag-aaral sa barangay Bantog, Tarlac City.

SUBUKAN NATING MULI SI ERNIE GALANG SA KONSEHO Noong nanungkulan si Councilor Ernie Galang bilang ABC President ay may ginawa siyang panukala na pinakikinabangan na ng mga barangay noong panahon ni Mayor Aro Mendoza, ang pagbibigay ng tig-limang daang (P500,000) libong piso bawat barangay, kahit maliit o malaking barangay man ito.. Bagama’t hindi na ito ipinatutupad ni Mayor Manalang sa kasalukuyan dahil wala ng pondo ang siyudad para dito, naipatayo naman na ang mga malalaking barangay hall, farm to market road, at iba pang proyekto na nagmula sa nasabing pondo, na may malaking kapakinabangan lalo na sa mga maliliit na barangay na walang sapat na pondo upang ipatayo ang ilang priority projects. Inaasahan ni Galang na sa mga susunod na panahon ay muling maibalik ang nasabing kautusan para sa mga kababayan natin sa siyudad ng Tarlac, upang muling manumbalik ang sigla sa 76 na barangay sa Tarlac City. Una umanong nakinabang sa nasabing panukala ang barangay Maliwalo dahil siya pa noon ang naupong kapitan dito. Pangunahing proyekto din ni Galang ang pagbibigay

ERNIE GALANG o paglaan ng pondo para sa mga gamot upang may matakbuhan ang mga matatanda nating kababayan na may sakit. “Priority sa aking mga programa ang kapakanan ng mga katandaan, dahil lahat naman tayo ay patungo roon. Upang sa ating pagtanda ay meron tayong matatakbuhang gobyerno na kakalinga sa mga matatanda.” Magagawa ito ni Galang dahil alam niya kung saan huhugutin ang mga gamot na puwedeng pangsuporta, dahil isa siyang MEDREP. Subukan natin ang isang ERNIE GALANG NA GUSTONG MAGLINGKOD SA MGA MAMAMAYAN, PA G B I G YA N N AT I N G MAUPO SA KONSEHO NG SIYUDAD.

Lantarang inindorso ng ilang barangay kagawad at mga residente ng Barangay Carangian si Mayor Aro Mendoza lalo na ang samahan ng mga kababaihan sa nasabing lugar. Nagpasalamat naman si Mayor Aro sa tiwalang ipinagkaloob ng mga residente rito. Ipinangako ng mga ito ang landslide victory ni Mendoza sa nasabing lugar. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

5


TYRONE AGANON MAY PINATUNAYAN NA! Si Tyrone Homillano Aganon ay anak nina Atty. Tirso Urbi Aganon Sr., at Lourdes Homillano Aganon. Naglingkod na sa Probinsiya ng Tarlac bilang Board Member sa loob ng 7 taon, tatlong taong (3) nanungkulan bilang Advantage Sales Marketing sa Houston, Texas, USA at iba pang working experiences mula sa ibang bansa. Nag-aral at nagtapos ng elementary sa Don Bosco Academy-Tarlac City, sa University of Santo Tomas, Manila niya tinapos ang high school, at sa Colegio de San Juan De Letran ang Bachelor of Science in Pre-Medicine. Kilalang pamilya sa siyudad ng Tarlac dahil mula sila sa angkan ng mga lingkod bayan, ilan sa mga kaanak nito ay pulitiko ring tulad niya. Si Tyrone Aganon ay kapatid ng namayapang si Board Member Errol Aganon. Hinawakan nito ang masisilang Committee sa Provincial Baord tulad ng Peace and Order and Environmental Protection and Natural Resources kung saan maraming resolution at ordinances ang kanyang nagawa upang mapangalagaan at maprotektahan ang ating kapaligiran, turismo at kalusugan. Isa sa pinagsikapan ni Tyrone ay ang makakalap ng mga Hospital Supplies at Medical Equipment sa ibayong dagat upang makatulong sa ating pamahalaan at sa taong bayan, kaya’t nadala nito ang tatlong (3) 40 ft. containers ng mga nasabing equipment mula pa sa AMRF of Brockton, Massachussets, U.S.A. na nagkakahalaga ng 70 milyon, ginagamit at pinakikinabangan na ngayon

6C

ENTRAL

TYRONE AGANON ng ating mga kababayan sa buong probinsiya ng Tarlac, dahil ang mga nabanggit na equipment ay nakalagak ngayon sa Provincial Hospital. Naging Committee Vice Chairman ito ng Youth and Sports Development, Vice Chairman din ng Committee on Health and Sanitation and Population, Member ng mga sumusunod na committee; Agrarian Reform, Zoning and Land Use, Ways and Means, Transportation and Communication, Social Welfare, Elderly and Disabled, Governmental and External Affairs, Justice, Human Rights and Good Government, Infrastructure, at Public Works and Highways. Si Tyrone din ang nagpanukala ng Provincial Ordinance on Ecological Solid Waste Management sa Provincial Board. Pangarap din nito na mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa siyudad at probinsiya ng tarlac sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno at prebadong sector na may kinalaman sa pangkapayapaang programa, dahil sa kanyang pagsusumikap na mapanatili ang kaayusan, madalas itong nagsasagawa ng peace and order Sundan sa p.9

LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

BOARD MEMBER BABY LUGAY Bagama’t masikip ang labanan sa pagka-Board Member sa Second District, umaasa si BM Baby Lugay na hindi siya pababayaan ng kanyang mga kababayan. Si Lugay ay tatlong terminong nanungkulan bilang Tarlac City Councilor, pulitikong walang bahid dungis ang pangalan, kinilala ang kanyang tapat na paglilingkod sa bayan, kaya naman sa kanyang pag-akyat sa Provincial Board marami ang naniniwala na madali nitong makamit ang tagumpay. Si Baby Lugay ay kabilang sa angkan ng mga pulitiko sa Probinsiya ng Tarlac, ang kanyang lolo na si Arsenio “Angeles” Lugay ay nanungkulan ng mahabang panahon bilang Governor at Mayor, ang kanyang ama naman na si Bernardo T. Lugay

BABY LUGAY ay naging Mayor at Board Member. Remarkable ang kanilang political history. Kaya naman, sa pagpasok ni Baby Lugay sa mundo ng pulitika, hindi siya nahirapang kumbinsihin ang taong bayan na siya’y suportahan. Hindi naman nabigo ang mga ito sa inaasahang performance dahil hindi nagbubutas ng bangko si Baby nang siya’y manungkulan bilang City Councilor dahil isa siya sa may pinakamaraming nagawang ordinansa at resolusyon.

EMY LADERA HULING HIRIT SA PULITIKA Bagama’t isang simpleng babae lamang si Emy Ladera, sa kanyang mga kababayan at kapamilya ay kinikilala ang kanyang tapang at paninindigan dahil bawat kaapihan ng kanyang mga nasasakupan ay naroon siya’t umaantabay at lumalaban. Kaya hiniling ni Kagawad Emy na sana’y suportahan siya sa kanyang huling laban sa pulitika upang maipagpatuloy pa nito ang kanyang mga nasimulang programa na sa kasalukuyan ay pinakikinabangan na ng mga mamamayan, at ang iba nama’y inilalaban pa nito upang maipatupad ng naaayon sa batas. Si Facunla ay isa sa kinikilalang leader sa Hacienda Luisita.

EMY LADERA FACUNLA Bukod tanging babae na pinaniniwalaan ng kanilang grupo na lumalaban para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan. Ang sabi ni Emy “TULOY ANG TUNAY AT TAPAT NA PAGLILINGKOD SA BAYAN NG MGA LADERA.” Kaya ibigay natin ang buong suporta.


MANALANG UBOD NG SINUNGALING- LADERA Tarlac City- Masama ang loob ni City Councilor Emy Ladera sa mga sinabi ni Mayor Ace Manalang laban kay dating konsehal Abel Ladera sa mga caucus nito sa barangay lalo na sa Barangay Balete dahil patay na ang kanyang kapatid at hindi na makakasagot sa mga banat sa kanya ni Manalang. Ayon kay Ladera, “hindi lalaking lumaban si Mayor Manalang! pag nakatalikod na kami doon siya magsasalita ng mga kasiraan laban sa amin, bakit di niya kami harapin ng magkaalaman kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo!” Ubod ng sinungaling si Ace Manalang, walang totoo sa mga sinasabi niya, puro mga imbentong salita ang mga sinasabi niya laban sa amin! “Ang totoo, kaya hindi nakapagsahod ang mga empleyado sa City Hall dahil wala nang pera ang ating gobyerno dahil BANGKAROTE na ang kaban ng siyudad, at hindi kami ang dahilan ng pagkabalam ng mga sahod at mga bayarin, dahil hindi kami ang alkalde. Huwag niyang ipasa sa amin ang kasalanang siya ang may gawa sa simula pa lamang ng kanyang panunungkulan.” Hindi maikakaila ang isyung pagkakamal niya(Manalang) ng salapi sa unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan.! Inililihis niya pilit ang mga isyu dahil hindi ni Manalang maipaliwanag sa taong bayan kung paanong nabangkarote ang kaban ng siyudad gayong 1 Billion ang pondo natin! ito ang maluha-luhang pahayag ni Emy Ladera sa pagharap sa publiko. Dagdag pa ni Ladera, “marami kaming ginawang resolusyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng

mga manggagawa at ng mga maralitang taga-lungsod, subalit hindi ito pinapansin ni Mayor Ace dahil hindi niya pagkakaperahan ang mga ito, kaya binalewala at isinantabi lamang ang aming mga suhistiyon sa kanya.” Bago pa man ang panahon ng election ay kaliwa’t kanan na ang mga demolisyon. Nakikiusap kami sa kanya na kung puwede ay ipagpaliban muna habang wala pang paglilipatan ang mga tao, dahil hindi naman mga daga ang mga kababayan natin na susuong na lang kung saan, pero naging pipi’t bingi na lamang si Manalang sa mga karaingan ng taong bayan lalo na sa mga taong naapektuhan ng demolisyon. “Paano kang hindi manggigil sa mga pinagsasabi ni Manalang, habang ipinaglalaban ko ang ibang manggagawa, dahil hindi tama ang mga pasahod sa kanila, sa mismong bakuran namin sa City Hall ay naaapi ang aming mga empleyado, dahil hindi na rin sila sumasahod sa takdang araw. At ang iba sa kanila’y anim na buwan ng hindi sumasahod tulad ng mga Job Order employees.” “Ipinapakiusap ko kay Manalang na bigyang priority ang pag-pasahod sa mga empleyado bago magbayad sa mga kontraktor, dahil puwede pa namang ipagpaliban ang mga ito, pero wala nang pinakikinggan ang ating alkalde, siya pa rin ang nasusunod.” Ginagawa niya kung ano ang maisip niyang gawin kahit hindi na namin alam ang mga ito.” Ito ang malalim na hinanakit ni Ladera sa kanyang talumpati lalo pa’t binuyboy umano ni Manalang ang

ROY MAGBAG

Sundan sa p.11

SI KAGAWAD ANNE BELMONTE KAUSAP ANG MASA

Si City Councilor Anne Belmonte, habang nagtatalumpati sa harap ng maraming tao sa may Barangay San Nicolas, Tarlac City. Isa si Anne Belmonte sa kinagigiliwan ngayon ng mga kababaihang botante sa siyudad ng Tarlac, dahil maamo ang mukha at mabait siyang kausap. Si Anne Belmonte ay masipag, maaasahan at makulay ang kanyang buhay, kaya ramdam ng mga ina ng tahanan na puwede itong pagkatiwalaang iluklok sa konseho ng siyudad, dahil tinitiyak nilang hindi ito magbubutas ng bangko at manonood na lamang sa session hall. Aktibo siya sa pagtulong at pagsuporta sa mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan, pangkabataan at higit sa lahat ay may pusong maka-masa. Kaya naman, ang sabi ng mga NANAY SA SIYUDAD NG TARLAC.. ANNE BELMONTE ANG UNA SA PUSO NAMIN SA MAY 2013.

APAT DAPAT..DAPAT APAT.. Sila ang mga kandidato ng Liberal at NPC sa pagka-Board Member ng Segundo Distrito.Ang apat ay sinasabing SURE WINNER NA dahil parehong malakas ang kanilang kandidatura, ang pinaglalabanan na lamang umano dito ay kung sino sa kanilang apat ang makakakuha sa NUMBER ONE POSITION SA MAY 2013. Matira ang matibay sa kanila. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

7


Muling magbabalik sa huling pagkakataon sa konseho si

FRED R. ISLA Municipal Councilor Gerona, Tarlac

BE A BLOOD DONOR

DON ATE NO W DONA NOW VE LIFE! TO SA SAVE

GIVE ME A SECOND CHANCE Ito ang hiniling ni Munucipal Councilor Pol Trivinio sa mga kababayan niya sa Gerona, Tarlac. Sana’y mabigyan pa siya ng isa pang pagkakataon upang muling makapag-lingkod sa kanyang mga nasasakupan.

POL TRIVINIO Municipal Councilor

Gerona, Tarlac

Paz Manalang Cupcupin Municipal Councilor Candidate

Gerona, Tarlac SAVE TREES FOR THE FUTURE!

8C

ENTRAL

LUZON BANAT NEWSMAG

FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013


COUNCILOR FRANK DAYAO NAKAUKIT SA PUSO NG MGA TARLAKENYO Si Councilor Frank Dayao ay naglingkod na sa siyudad ng Tarlac sa loob ng siyam (9) na taon, naging Board Member ng tatlong (3) taon, at tumakbong Vice Governor sa Probinsiya ng Tarlac. Sa tagal ng kanyang panunungkulan sa gobyerno, nakaukit na sa kasaysayan at sa puso ng mga tarlakenyo ang kanyang pangalan. bagama’t wala siyang mga posters at campaign parapernalyang makikita, ang sabi ng mga supporters ni Frank Dayao, “SA PUSO NAMI’Y NAKAUKIT ANG IYONG PANGALAN AT KAILAN MA’Y HINDI KA N A M I N MAKAKALIMUTAN.” Noong si Frank Dayao ay nasa gobyerno, walang patid ang pagtulong sa kapwa, dahil mahal niya ang mga kababayang tarlakenyo, walang lumalapit na napapahiya, lahat ay

pinagbibigyan, ganyan ka bukas palad itong si Dayao. Kaya kung ito’y muling maupo sa tungkulin, higit na makikinabang dito ang mga residente ng Tarlac City. Si Frank ang pumalit kay Engr. Art Calilung sa puwesto, ipinaubaya na ni Engr. Calilung dahil alam niyang mas makakatulong siya sa kampanya ni Mayor Aro Mendoza. Kaya naman, masaya si Frank Dayao at nagpapasalamat dahil pinagbigyan siya ni Art na muling makabalik sa puwesto. Sa ngayon ay lumalakas ang kanyang kampanya at mababanaag mo ang tagumpay nitong si Dayao dahil mabait, masipag at mapagmahal sa kapwa at sa bayan. Si Dayao ang isa sa nakikipaglaban noong kanyang kapanahunan sa session hall kung kapakanan na ng taong bayan ang naaapi.

mananaig ang katotohanan at ang kapakanan ng taong bayan. FRANK DAYAO MULI NATING IBALIK SA KONSEHO NG SIYUDAD

COUNCILOR FRANK DAYAO

Si Frank Dayao ay isang maprinsipyong tao, kaya mahal ng mga tarlakenyo. Sa pagbabalik ni Frank Dayao sa k o n s e h o , inaasahan ang matinding bakbakan, dahil hindi ito papayag na hindi

T Y R O N E AGANON... mula P.6 council meeting. Si Tyrone Aganon ay kumakandidato ngayon bilang Tarlac City Councilor upang maipagpatuloy ang kanyang mga nasimulang programa noong siya’y nasa Kapitolyo pa. Kasapi ito sa Rotary Club of Downtown Tarlac-Past Director, Lion’s Club Tarlac Host-Member, Tarlac Citizen Eyewatch Against Crime kung saan siya ang Founder at Adviser at E.H. Aganon Help Foundation na marami ng natulungan dito sa Tarlac dahil siya mismo ang siyang founder at Vice President ng nasabing Foundation. TYRONE AGANON SUBOK NA SA PANUNUNGKULAN, MULI NATING SUBUKAN SA KONSEHO NG SIYUDAD.. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

9


GOV VIC YAP NANGUNA SA SURVEY

2ND DISTRICT OF TARLAC POPULARITY SURVEY CONGRESSMAN 2ND DISTRICT SUSAN YAP SULIT PEPE RIGOR ERNESTO CALMA GOVERNOR

5,756 2,324 2

VICTOR A. YAP 6,349 PEARL PACADA 2,998 ISABEL C. SUNTAY 1,327 VICE GOVERNOR KIT COJUANCO 6,247 BOARD MEMBERS 2nd District CRISTY ANGELES 6,812 HARMES SEMBRANO 6,806 HENRY DE LEON 5,978 TONYBOY CERVANTES 5,876 JOJI DAVID 4,998 BABY LUGAY 3,976 DEL D.G. APACHECHA 754 ALLAN VILLANUEVA 12

Milya-milya ang layo ng agwat sa survey ni Governor Vic Yap sa mga katunggali nito na sina Pearl Angeli Pacada at Isa Suntay. Nakuha ni Gov Vic Yap ang 6,349 votes kumpara sa nakuha ni Pacada na umabot lamang sa 2,998 at kay Isa Suntay naman ay 1,327. Ayon sa ilang barangay officials ng Gerona, Victoria, San Jose at Tarlac City, si Governor Vic Yap pa rin ang kanilang susuportahan dahil nagtatrabaho naman umano ito para sa mga tarlakenyo, maliban sa siya’y nasa huling termino na. Hiniling ng mga opisyales ng

TARLAC CITY POPULARITY SURVEY 2013 MAYOR GENARO MENDOZA GEROME LAPEñA GELACIO MANALANG DAN ASIATEN VICE MAYOR MIGUEL TAñEDO ANA AGUAS

4,964 4,657

TOP 20 CITY COUNCILORS 1. EMY LADERA FACUNLA 2. NOEL SOLIMAN 3. JOJO BRIONES 4. RICKY DIOLAZO 5. WENG QUIROZ 6. ANNE BELMONTE 7. ABEL BASANGAN 8. ERNIE GALANG 9. FRANK DAYAO 10. JUN TANJUAKIO 11. JELO HONRADO 12. MENCHU BUCAD 13. TOPEY DELOS REYES 14.TYRONE AGANON 15. FERDZVLAD RODRIGUEZ 16. ATTY. TURING SERRANO 17. MADING DE LEON 18. GLENN CARITATIVO 19. MARK MARTINEZ 20. ROY MAGBAG

6,102 5,989 5,538 4,987 4,657 3,997 3,994 3,991 3,898 3,855 3,812 3,798 3,769 3,675 3,565 3,533 3,531 2,865 2,781 2,634

10 C

ENTRAL

6,127 3,982 3,974 3,547

LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARH 6, 2013

barangay na pagbigyan pa si Gov Vic upang matapos nito ang kanyang mga proyekto para sa lalawigan ng tarlak. Ilan sa mga proyektong binanggit nila ay ang pangkabuhayan, trabaho, agricultura at iba pang pinakikinabangan na ng mga mamamayang tarlakenyo. Si Governor Vic Yap ay walang tigil sa pagtuklas ng iba pang mga proyekto na puwedeng pakinabangan ng ating mga kababayan, kaya naman sa tuwina’y meron siyang mga bagong idea na inaapply lalo na kung ito’y maaring gamitin sa kanyang probinsiya. Katuwang ni Gov. Vic si Cong. Susan Yap sa mga proyektong ipinatutupad dito sa Tarlac Province.


MANALANG .... mula p.3 Isa sa pinagbatayan ng anim na konsehal kung bakit nila binawi ang kanilang suporta sa nasabing loan ay ang negatibong ulat ng Commission on Audit na mariing tumutukoy sa 168 milyong overdraft, na nagbunsod ng iba’t-ibang problema na apektado pati sahod ng mga empleyado ay madalas ng nababalam, maging ang mga basic services ay hindi na rin halos nababayaran tulad ng kuryente, tubig, telepono, at ang problema sa paghahakot ng basura sa siyudad ay napapabayaan na rin. Dahil sa mga pangyayaring ito, ang pamahalaang lungsod ay tuluyan ng inalis ng Department of Local and Interior Government sa listahan ng mga local na pamahalaan na may Seal of Good Housekeeping at Gawad Pamana ng lahi na nagkataong napakahalaga sa estado at pagsusulong ng anumang isasagawang pag-uutang. Pinangangambahan ng anim na konsehal na posible pang lumaki ang problema ng siyudad kung ito’y kanila pang pahintulutang maka-utang ng 328 milyon sa LBP, kaya sumulat na rin sila sa LBP upang ipabatid sa pamunuan ang kanilang matinding pagtutol sa nasabing utang. Subalit nadismaya ang anim na konsehal sa tugon ng Vice President Monje na nagsasaad ng pagsang-ayon at pagsulong sa nasabing loan nina Mayor Ace Manalang at Vice Mayor Mike Tañedo at ng apat pang konsehal na sina Arsenio Baby Lugay, Joji David, Amado de Leon at Glenn Troy Caritativo. Dahil dito sinabi ng anim na konsehal na “kung papayagan nating umiral ang kanilang kagustuhan, ano na ang mangyayari sa ating bayan? Kailangan natin itong pigilan dahil hindi tayo papayag na ibaon ng mga mapagsamantala ang ating lungsod sa gabundok

na utang,” diin ng anim na mga konsehal. Sa hangaring ipilit ang nabanggit na utang sa LBP, nakagawa umano ng maling hakbang sina Vice Mayor Mike Tañedo at SP Secretary Tess Pangilinan, kaya kasama sila sa sinampahan ng kasong Falsification of Public Documents dahil pinike umano nila ang lagda ng ilang konsehal na kasama sa nagri-reklamo. Napapansin umano ni Noel Soliman na naroon ang kanyang pangalan at kasamang lumagda sa loan samantalang hindi naman niya alam ang nasabing pirmahan, pinuna din nila ang lagda ni ABC President Allan Manalang dahil sa nasabing araw ng deliberasyon noong March 29,2012 ay absent umano itong si Manchoy Manalang, pero bakit siya naka-pirma doon? Sa kabila ng matinding pagharang sa nasabing loan ay hindi na ito pinapansin ni Mayor Manalang, bagkos ay nagpatawag pa ito ng BAC upang ipa-bid ang lahat ng project na napapaloob sa nasabing loan. Sa ilalim ng batas, ang ginawa umanong ito ng alkalde at ng mga miyembro ng BAC ng pamahalaang lungsod ay lantarang kumokontra sa probisyon ng paragraph 7.1, Rule 11 Section 7 ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act. Dahil anomang bibilhin o pagsasakatuparan ng mga proyekto ay dapat nagtataglay muna ng isang resolusyong kinatigan ng Sangguniang Panlungsod bago ito maisakatuparan. Sakaling mapatunayan ng Ombudsman ang merito ng nabanggit na kaso na isinampa ng anim na konsehal ay maaring mabigyan ng preventive suspension ang grupo nina Mayor Manalang hanggang sa pagkatanggal sa serbisyo.

OFF THE AIR .... mula p.2 kung dakila kang sinungaling at mapanira ng kapwa, aba’y magsisi ka na ngayong kuwaresma para makaharap kang muli sa mga tao na nakataas ang noo. kung itinakwil mo ang iyong INA dahil sa tingin mo ay hindi siya karapat-dapat sa buhay mo at ikinahihiya mo ang nagluwal sayo, aba’y huwag ka nang magtangkang mag-asawa, dahil darating din ang panahon na itatakwil ka rin ng iyong magiging anak. Napakasakit ng katotohanan, subalit ang katotohanan lamang ang magpapalaya sa atin. Kung ano man ang itinanim mo ay siya mong aanihin. Kung ang ipinakain mo ay galing sa nakaw, tiyak na ang anak mo ay magnanakaw din pagdating ng panahon. Kung wala kang nagtatagal na kasama, suriin mo na ang iyong ugali baka may deperensiya kang talaga.

TONYBOY .... mula p.12 mga magulang at mga kabataan sa matagal na panahon dahil sinuportahan ito ni Mayor Aro Mendoza noong panahon na siya pa ang alkalde. Bagama’t nalungkot si Tonyboy Cervantes sa kasalukuyan dahil lahat halos ng kanyang iniwang legacy noong siya ay City Councilor pa

lamang ay hindi na ipinatutupad ni Mayor Ace Manalang dahil wala na umanong pondo para dito. Subalit sinabi ni Cervantes na sa kanyang muling pag-upo sa Provincial Board, pasisiglaing muli ang mga programang dapat ay pakikinabangan nang mga Tarlakenyo.

MANALANG UBOD.... mula p.7 namayapa niyang kapatid sa kanilang caucus. Ang sabi ni Emy, “patay na si Abel Ladera, di na niya masasagot ang mga sinasabi ni Ace Manalang, kung tutuusin ay pinakikinabangan pa ni Manalang ang pagkamatay ng kuya ko dahil siya ang nagpupumilit na maupo sa konseho, kahit kamamatay pa lamang ay ibinubulong na ni Manalang na siya na lang ang papalit para makabalik siyang muli sa pulitika, dahil sa pakikisama, pumayag ang partido sa pahintulot na rin ng aming pamilya, sa totoo lang, naawa din kami noon kay Ace Manalang, dahil nang makita namin siya sa burol ni kuya Abel, mukha siyang kawawa, kaya noong makiusap, na siya muna ang papalit kay kuya Abel sa konseho, ay hindi kami nagdalawang salita dahil alam namin sa mga panahong yaon

ay kailangan ni Ace ng tulong. Nakipagtulungan kami sa partido kaya madali niyang nakuha ang upuan sa konseho ng siyudad. Ngayon, sino ang may utang na loob sa amin? si Abel Ladera ba na nagbigay ng daan upang makabalik sa pulitika ang isang Ace Manalang? Masakit ang loob namin sa mga pinagsasabi ni Ace Manalang laban sa aming kapatid na wala namang nagawang kasalanan sa kanya. Naging mabuting kaibigan ang kuya ko pero bakit niya idinadamay sa isyu ng pulitika? Kung meron man kaming hindi pagkakaunawaan sa ngayon, ang pinaglalabanan namin ay isyu at prensipyo lamang at hindi personal, ‘wag naman niya kaming personalin dahil marunong din kaming lumaban. Ito ang paniniyak ni Councilor Emy Ladera.

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG FEBRUARY 28-MARCH 6, 2013

11


BM CRISTY ANGELES

NAGLUNSAD NG TESDA SKILLS TRAINING SCHOLARSHIP PROGRAM Dahil nasa puso at damdamin na ni Cristy Angeles ang pagtulong sa kapwa, gamit ang kanyang kaalaman, kakayahan at koneksiyon upang makapaglunsad ng Free Skills Training Scholarship Program na tinawag niyang HILOT O WELLNESS MASSAGE. Layunin ng nasabing programa ang makatulong sa mga magulang o maging sa mga kabataang gustong matutong maghanap-buhay sa sarili nilang paraan. Ito’y inilunsad sa lahat ng barangay o organisasyon na gustong magpa-traning sa kanilang mga nasasakupan. Una itong iwinagayway sa bayan ng Gerona, Victoria at sa Tarlac City. Sabay-sabay na magtatapos ang mga estudyante dito na bibigyan ng NCII Tesda Certificate na magagamit ng bawat magtatapos sakaling gusto nilang pumunta sa ibang bansa. Ito’y sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng Technical

BM TONYBOY CERVANTES MARAMI NG NAGAWA PARA SA BAYAN AT MAMAMAYAN MULA NOON HANGGANG NGAYON Bagamat nakikita nating simpleng tao lamang si Board Member Tonyboy Cervantes, subalit marami na itong nagawang kabutihan para sa bayan at sa mga mamamayan. Si Cervantes ang nagpanukala na mabigyan ng 300 piso na Christmas bunos ang mga Senior Citizen na ilang taon na ring pinakikinabangan ng mga katandaan.

BM CRISTY ANGELES Education ang Skills Development Authority, Tarlac Skills ang Methodology Center, Inc. Masaya si BM Cristy Angeles sa kinalabasan ng nasabing training dahil hanggang ngayon ay marami pang nagpapatala para sa karagdagang pagsasanay, halos mauubos na ang kanyang allocation na 545 scholarship grant, subalit nananawagan pa si BM Angeles sa lahat ng barangay o organisasyon na gusto pang magavail ng HILOT o Wellness Massage Training Program na

Kasama sa kanyang pinanukala ay ang Scholarship program para sa mga kabataang gustong mag-aral ngunit walang pantustos ang mga magulang. Ang nasabing programa ay pinakikinabangan na ng Sundan sa p.11 makipag-ugnayan lamang sa kanyang mga staff o kaya ay pumunta sa kanyang tanggapan upang mai-schedule ang pagsasanay. Katuwang ni Cristy sa nasabing programa ang ONE Tarlac Organization. Sa ngayon ay patuloy pa rin si BM Cristy sa paghahanap ng paraan kung paano makakatulong sa mga Tarlakenyo sa iba’t-ibang pagkakataon. Bagama’t nahirapan siyang sayawan ang mundo ng pulitika dahil hindi naman talaga siya pulitikong tao, subalit masaya siyang naglilingkod at tumutulong sa mga kababayang nangangailangan. Ayon kay Cristy, “walang katumbas na halaga ang bawat ngiting naibabahagi ko sa mga kababayan natin.” “Yan si BM Cristy Angeles, handang maglingkod sa mga Tarlakenyo.

WENG QUIROZ BUMANAT NA RIN KAY CARITATIVO Dahil sa pagka-dismaya ni Councilor Weng Quiroz sa mga balitang nakarating sa kanya, nasabi tuloy niya na “MAS MALINIS ANG PANGALAN KO KAYSA KAY KAGAWAD GLENN CARITATIVO, DAHIL AKO’Y WALANG INAAGRABYADONG MGA TRICYCLE DRIVER O KAHIT NA SINO PA MAN, LALONG HINDI NAGING ISYU SA AKIN ANG SIGN CHIT SA MGA CLUBS DAHIL HINDI KO STYLE ANG GANUN! BAKIT DI NATIN TANUNGIN SI GLENN TIBO BAKA SA KANYA AY MARAMING GANITONG ISYU?

KONSEHAL QUIROZ

Ito ang matapang na pahayag ni Quiroz matapos siyang tawaging BOBO ni Caritativo. Ayon kay Quiroz,” ang tanging alam kong kasalanan sa kanila ay yaong hindi ko pagpirma sa loan na inaasahan na nilang pondo para gamitin sa election, alam kung naunsiyame ang kanilang pagkakakitaan, pero dapat din natin tingnan yung kapakanan ng taong bayan. Sa totoo lang, mababaon na sa utang ang ating siyudad, kaya hindi na talaga puwedeng dagdagan ang ating mga obligasyon dahil ngayon pa lang ay bangkarote na ang kaban ng siyudad, paano mo pa dadagdagan ang utang?” Ito ang malinaw na pahayag ni Kagawad Weng Quiroz sa mga banat umano sa kanya ni Councilor Tibo.

“LET’S FIGHT FOR WHAT IS RIGHT, AND CONTINUE FIGHTING FOR PRINCIPLES THAT WE BELIEVE IN, NO MATTER WHAT!”

BANAT NEWSMAG  

ALTERNATIVE NEWS IN TARLAC & CENTRAL LUZON