Page 1

Sem-Ender 2 Mga Nilalaman Mensahe mula sa Daluyan. Psynergy 6. UPD Halalan 2012. Lingap Kamay. Mga mensahe: Mga Lupon. Punong Patnugot. Kids 2012-2013. Grad Kids 2011-2012. Buddy Tribute. Survey: LT 2012-2013. Noon at Ngayon. Nasaan Si BTT?. Komiks.


Mensahe Mula sa Daluyan Hello, Buklod! Ang bilis talaga ng panahon! Patapos na ang pangalawang semestre, at lumalabas na ang pagka-clingy nating lahat. Tila parang ang daming mga invisible ninja na naghihiwa ng sibuyas sa buong UP. At dahil huling isyu na namin ito para sa taong akademiko, maghanda na kayo ng mga panyo (at kung sa tingin nyo di iyon sapat, balde) bago nyo ito basahin. Hindi na lang muna kami magdadrama dito sa mensaheng ito para hindi na lumala ang epekto ng mga susunod na pahina. Anyway, isipin nyo na lang, kahit may mga aalis at magiging Bukbok na, sa paparating na Hunyo may papalit naman sa kanila na mga Lets! (Parang Circle of Life lang. Yes ‘teh!) Kaya alagaan natin sila para tumaas ang antas ng pagtutunguhan natin sa kanila at maramdaman nila ang pagiging isang malaking pamilya ng Buklod. At syempre, wag nating kalimutan na ipasa rin sa kanila ang mga prinsipyo at paniniwala natin bilang org. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maranasan din ng mga Lets ang saya at kabuluhan na pinagdaanan natin nung Lets rin tayo, bilang pasasalamat na rin sa mga Bukbok na naging bahagi ng mga app process natin. Pay it forward, ‘ika nga. At kung hindi pa yun sapat upang harapin nyo ang kinabukasan nang may ngiti sa inyong labi, SUMMER NA! May mga plano ka man o wala, acad-related man o hindi, summer pa rin yan. Pambawi sa lahat ng oras na kinaltas mo sa tulog at ibinuhos sa acads, pantanggal ng mga eyebag na patunay na sineseryoso mo ang pagiging Iskolar Ng Bayan. Hanggang sa muling pagkikita, *hinga nang malalim* congrats, gudlak, paalam, enjoy, at salamat sa lahat, Buklod!

Nagmamahal,

Daluyan


BALITA

PSYnergy VI, isinagawa sa UPD Isinagawa ang ika-anim na PSYnergy ng Tatsulok – Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino sa UP Bahay ng Alumni, Bulwagang Tandang Sora, College of Social Work & Community Development, at Palma Hall Annex, Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) noong ika-17 hangang ika-18 ng Pebrero, 2012. Dinaluhan ito ng iba’t ibang mga mag-aaral ng sikolohiya at mga propesor mula sa iba’t ibang mga unibersidad at kolehiyong kasapi at nais sumapi sa Tatsulok. Nagsagawa ng mga pananalita, plenaryong sesyon, game show, at presentasyon ng mga papel ng pag-aaral ng mga mag-dadalubhasa ng sikolohiya sa loob ng dalawang araw. Hango sa salitang “six” ang naging tema para sa taong ito na “Sikolohiya ng Pag-ibig, Pagmamahal at Pagnanasa.” Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (UP Buklod Isip) ang organisasyong punong abala sa taong ito sa pangunguna ng kinatawan ng Buklod Isip sa Tatsulok na si Angelica Bailon, ang kasalukuyang sekretarya ng Tatsulok. May ilang Bukid din na nagpresenta ng kani-kanilang mga papel noong ikalawang araw ng Psynergy. Umawit naman ang Himig Buklod sa Fellowship Night na ginanap bilang pagtatapos na aktibidad ng Psynergy. (Christian Victor A. Masangkay)

Proper hygiene, pokus ng Lingap Kamay 2012

Kami ang UP Buklod-Isip, at mahilig kaming magturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa kalinisan ng katawan. Yey! Ganun na nga ang nangyari noong ika-5 ng Marso. 15 Kids ang pumunta sa San Vicente Elementary School para sa Lingap Kamay, na ngayong taon ay naglayong magbahagi ng kaalaman tungkol sa proper hygiene sa mga estudyante sa ikalawang baitang. Isang buong seksyon ang tinuruan ni Henn ng kanta at ni Jas ng ehersisyo. Nagbasa rin ng mga kwento sina Din at Laui: ang Ngiii! Ang Katikati ng Ulo Ko! at Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani! ni Luis P. Gatmaitan, M.D. Sa mga gimik at laro natutunan na hindi dapat maghiraman ng suklay, na dapat tatlong beses magsipilyo sa isang araw, at marami pang iba. Halos 40 na estudyante ang nakilahok sa Lingap Kamay. (Gabriela Victoria A. Timbancaya)


BALITA

Buklod CSSP at Alyansa, nanguna sa Halalan 2012 ng UP Diliman Nanguna ang partidong (Buklod CSSP) sa lokal na halalan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ngayong taong ito. Nanguna naman ang UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (Alyansa) sa halalan ng University Student Council (USC). Kasapi ang UP Buklod-Isip sa parehong partido. Ayon kay Allen Yu, Lupon ng Ugnayang Panlabas Bos Tsip ng BuklodIsip, kasapi ang Buklod-Isip sa ganitong mga pulitikal na partido dahil “nakikilahok [ito] sa pagkamit ng kapangyarihan[g] . . . mahalaga sa pagsulong ng uri ng sikolohiya (at samakatuwid, ng lipunan) na ating [Buklod Isip] inaadhika.” Nanalo ang mga kandidato ng Buklod CSSP sa mga posisyong chairperson, vice chairperson, lahat ng konsehal, at sa lahat ng kinatawan ng mga departamento maliban sa Linggwistiks (walang kandidato) at Sosyolohiya. Nanalo naman si Heart Diño, mula sa Alyansa, sa posisyong USC chairperson. Nanalo rin ang anim na konsehal ng Alyansa sa USC at anim na kinatawan ng mga kolehiyo ng Alyansa sa USC. Ngayong taong ito, tatlong Bukid ang tumakbo sa ilalim ng Buklod CSSP at Alyansa: sina Din Sengson bilang kinatawan ng Departamento ng Sikolohiya at Yanna Perez bilang konsehal (Buklod CSSP) at Joeric Crescini naman bilang kinatawan ng KAPP sa USC (Alyansa). Napagtagumpayan nilang tatlo ang halalan at nanalo sa kani-kanilang posisyong tinakbuhan. Ayon muli kay Yu, inaasahang sila “ay magbibigay boses/representasyon sa mga prinsipyo ng Bulod-Isip sa isang pormasyong kumikilala ng maraming perspektiba” – ng Sikolohiyang Pilipino (SP) sa KAPP at ng APP sa USC. Gayunpaman, ani ni Yu, “maraming mga pagkakataon ang mga Bukid na igiit ang SP sa SM [Sangguniang Mag-aaral], ngunit hindi lang ito gaanong napagtutuunan ng pansin.” Sinabi niyang maaari itong ituring na hamon sa mga nanalong Bukid sa darating na taon. (Christian Victor A. Masangkay)


Mga Mensahe mula sa LT 2011-2012

BTT VIKO Simple lang naman talaga ang hangad namin nang maging LT kami: Na maiwan namin ang Buklod sa isang mas mabuting kalagayan kaysa nang madatnan namin ito. Pero ngayong paalis na kami, hindi pala siya ganun ka-simple i-evaluate. Andaming iba’t ibang batayan na pwedeng i-consider. Sa ilan sa mga ito, bonggang nangabog tayo this year. Sa iba naman, medyo naging mas matamlay siguro tayo. 200-300 words lang binigay sakin ng Duhlooyuhn, kaya kung gusto niyo yung full report, complete with RRL, ANOVA at KJ Analysis, abangan niyo na lang sa Philippine Journal of Psychology. Char lang. Pero sa totoo lang, ngayong paalis na kami, ang gusto ko lang talaga sabihin sa Buklod ay salamat. Sobrang hindi naging madali para sa LT na magsilbi lalo na’t 30th year pa. Sobrang stressful, andaming dapat laging inaalala. Bawat problema ng bawat kid, as much as possible pinoproblema rin namin. Pero despite all that, salamat at nandiyan kayo palagi. Trust us, every little thing na itinulong niyo sa Buklod ay sobrang pinapahalagahan namin. Siguro yun yung biggest achievement ng LT namin (for me) – mahal na mahal ng LT yung kids. Di niyo man siguro naramdaman palagi, pero andun yung pagmamahal na yun sa bawat LT meet, sa bawat desisyong pangkagipitan, sa bawat pagtambay sa tambuk. At sigurado akong mamahalin kayo ng LT niyo next year, kaya mahalin niyo rin sila :P PS Ayokong magpaalam kasi tingin ko, saan man tayo dalhin ng buhay, kung lahat tayo nananatiling tapat sa mga prinsipyong natutunan natin sa Buklod, pare-pareho pa rin tayo ng patutunguhan, at sa dulo ng lahat, magkikita-kita pa rin tayong lahat.

LuKas BT KAMAE Hi Kids! Akalain niyo yun? Isang taon na rin pala ang nakalipas? Para sa mga lumang kids, maraming maraming salamat sa tiwala at sa suporta, lalo na sa mga kids na lagi pa ring pumupunta sa Buklod events. Maraming salamat dahil hindi niyo iniwan ang LT. Promise, sobrang laking bagay ang makita namin kayong enthusiastic sa mga activities. Pakiramdam namin meron kaming pinatutunguhan kaya kahit pagod na pagod na, go pa rin kami. Ipagpatuloy niyo lang ang pagiging supportive lalo na sa bagong LT, kailangan nila yan. Para sa mga bagong kids, lagi kong sinasabi sa inyo na sobrang proud ko sa batch niyo. Ibang level talaga kayo! Pakiramdam ko, yan ay dahil mga anak ko kayo. HIHI. Ang laki ng tiwala ko sa batch na isinilang at (medyo) inalagaan ko kaya naman sana ay wag kayong magsawang mahalin, samahan at tulungan ang Buklod at ang SP. Para sa lahat ng kids, bago, luma o kahit bulok (mwah), maraming maraming salamat para sa napakasayang taon! :) Pasensya na sa lahat ng nagtampo sa akin. :( Hindi ko man napangatawanan ang pagiging magaling na Lukas BT, salamat dahil hindi nawala ang tiwala niyo. Hindi dito nagtatapos ang ating pagkakaibigan! Alam niyo naman kung paano ako hahagilapin kung kailangan niyo ako. :) At kahit paulit ulit, sa tuwing sasabihin ko ito, alam niyo na galing pa rin sa puso ko. MAHAL KO KAYO, KIDS! >:D< <3 Dyosa Kamae Mahal kong LuKas, Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan para sa isang napakasayang taon. Higit pa sa pagiging bebes ko, mahal ko kayo dahil sa pagiging mabubuting kaibigan niyo. Kayo ang dahilan kung bakit kahit emotionally draining ang LuKas ay kinaya ko pa rin. :) Alam kong marami akong pagkukulang (ng bongga) kaya pasensya na. Wala na rin naman akong magagawa except humingi ng tawad, sorry. :( anyway, enough negativity! :D Maraming salamat dahil hindi niyo ako masyado jinudge bilang BT. Sobrang nagenjoy ako sa lupon dinners natin at hinding hindi ko malilimutan ang lupon meeting natin nung Splash! Alam niyo yan. HAHA. LuKas ang tunay na malakas! Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo! :* <3 BT Kamae Ganda (di keri mommy. batchmates ko kayong lahat :|)


LuPag BT PAU Hindi dito nagtatapos ang lahat. Ika nga nila, “Ang bawat katapusan ay may bagong simula.” Matatapos man ang aming termino bilang LT at pormal na magsisipagtapos sa kolehiyo sa darating na Abril, ay hindi natatapos ang aming pagmamahal para sa Buklod. Bagkus, nagiging isang hamon sa aming mga magsisipagtapos ang isabuhay ang mga prinsipyo at ang pagtaguyod ng isang sikolohiyang malaya at mapagpalaya. Para naman sa mga mananatili sa Buklod, ipinapasa na namin ang responsibilidad sa pagtataguyod ng Buklod, ang mga prinsipyo at mga paniniwala nito. Buong-buo ang aming loob na maiiwan namin sa mga mabubuting kamay ang aming minamahal na organisasyon. Naging isang karangalan para sa akin na magsilbi para sa Buklod at sa mga Kids. Isa sa mga dahilan ko kung bakit ako tumakbo bilang Lupag BT ay upang masuklian ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng Buklod noong sumapi ako dito. Tunay na nagsilbing pamilya at kaibigan ang Buklura sa aking buhay estudyante ng UP. Maraming maraming salamat sa pagmamahal, sa mga prinsipyo, sa karunungan, sa tiwala, sa tagumpay, sa damayan, at higit sa lahat sa mga masasayang alaala. Mahal na mahal ko kayo! ♥<3 “Mula pa sa simula ay hindi alam ng pagmamahal kung gaano ito kalalim hanggang sa oras ng paghihiwalay.” - Kahlil Gibran

Salamat sa apat na taon na hitik sa kahulugan at kabuluhan. Kung dati, isa akong musmos na Tsinoy na barok mag-Filipino, ang BUKLOD ang nagturo sa akin na maging Pilipino-sa-puso. Kaya ngayon na nagpapaalam ako sa maliligayang mga taon, sana hayaan niyong mag-iwan ako ng munting mensahe sa mga residente: sana lasapin niyo ang personal journey ninyo sa pagkilala, pagmahal at pagsabuhay sa sikolohiyang malaya at mapagpalaya. Ang SP ay hindi lang isang lente na sinusuot tila salamin kapag tumitingin sa panlipunang karanasan, kundi isang kamalayan at paraan ng pamumuhay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapakanan ng kapwa sa patuloy na pagsisikap na makamit ang panlipunang katwiran at kaunlaran. Sa aking mahal na LupUs, ipagpatuloy ninyo ang pagpapatibay ng ating relasyon sa mga Bukbok—mga alagad ng SP sa labas ng akademya—at sa ating mga Ugnayang Panlabas, na nag-aambag sa paghinog ng ating kaalaman at karanasan bilang kapwa sikolohista at mamamayan.

LuPUs BT ALLEN


Pinatagal ko talaga ang paggawa ng mensaheng ito. Mahirap kasing magpaalam. Lalo na kung sa isang organisasyong tinuruan ka nang husto at minahal mo rin ng sobra. Lalo na rin sa isang lupong nag-uumapaw ang talento at husay. Nais ng puso kong hindi magpaalam kundi magpasalamat. Salamat, Buklod, sa pagtuturo sa akin ng SP, sa pagiging pangalawang pamilya, sa pagpapalakas ng loob at sa pagtulong sa aking makilala pa ang aking sarili at mga prinsipyo. Dahil sa i(n)yo, humusay ako sa Filipino, kinaya kong umawit nang solo at dumami ang mga t-shirt kong kulay asul. Sana’y manatiling solid at nagkakaisa ang mga BuKids, para sa mahuhusay na proyektong parating pa. BuKids, sana’y mas magtiwala kayo sa sarili niyo, na may mga talento kayo at na kaya ninyo! Salamat rin LuGaw sa lahat ng karanasan sa loob ng dalawang taon! Nakakatuwang ang gagaling lahat ng bebes ko- lulumulugaw! Ninais kong makilala ninyo pa ang inyong mga sarili habang kayo’y LuGaw at mas maging mahuhusay na lider sa iba’t ibang larangan. Kahit anong mangyari, andito pa rin ang inyong “Mami Fame”, keri? Mahal ko kayo, Buklod! Walang halong charot. <3 Fame

LuGaw BT FAME LuPan BT SED Sa Buklod-Isip: Maraming-maraming salamat sa lahat ng Kids sa dumaang taon! Kita-kits tayo sa summer induction! :) 31st year na! :) At dapat pagbutihin pa natin! Huwag na huwag nating kalimutan ang Buklod! Salamat ulit Kids! Sa LuPan: Unang-una, salamat sa lahat ng ideya, oras na binigay niyo sa Buklod! Pangalawa, sayang at hindi natin natupad at nagawa lahat ng plano natin! Pero sa mga LuPan kids na hindi pa graduate, galingan niyo next year!!! :) Kitakitsss soon!


LuPaP BT PIA Dear Buklod-Isip, Sa buong senior year ko, 3 lang ang nagpaiyak sa akin: ang Bio 102, ang pelikulang ‘Hachiko’, at ang Buklod farewell dinner. :)) Hindi ko inakalang magiging malapit ang loob ko sa mga kaibigan ko sa kolehiyo na tulad ng pagkalapit ng loob ko sa mga kaibigan ko noong haiskul. Pero mali pala ako, kasi nakilala ko kayo. :’) Salamat sa lahat, Buklod. Hindi ninyo alam kung gaano ninyo ako napasaya sa dalawang taon na naging bahagi ako ng org na ito. Salamat sa pagkakataong binigay ninyo sa akin na magsilbi sa inyo bilang LuPaP BT. Isang karangalan ang makapaglingkod sa inyo. :) Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang pagpapalaganap ng sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip. Mahalin ninyo ang isa’t isa, ang organisasyon, at ang mga prinsipyo nito. Mahal ko kayo, at muli, salamat sa lahat. Sa mahal kong LuPaP, Salamat sa isang masayang taong magkakasama tayo. Nais kong humingi ng paumanhin sa lahat ng aking pagkukulang bilang LuPaP BT. May mga panahong nahirapan ako, pero salamat dahil sinalo ninyo ako. :) Hindi magiging matagumpay ang LuPaP at ang Buklod kung wala kayo. :’) Para sa inyo, isang malakas na slow clap, with matching pailing-iling, at kagat-labi. :)) Mahal ko kayong lahat. <3

LuPAk BT RACQS Marami akong natutunan ngayong taon at karamihan nito ay natutunan ko mula sa pagiging miyembro ko ng Buklod. Masasabi ko talagang ang eventful ng 30th year natin para sa akin. Dahil dito, sobrang mamimiss ko ang batch na ito ng Buklod ('11-'12), yung kwentuhan, yung mga group dynamics na nabuo, yung samahan. Mahal ko kayo Buklod! :) Sana'y di mawala ang nabuong samahan na ito kahit na gagradweyt na ang ilan sa ating mga miyembro. <3 you all! :) Sa LuPAk: Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa LupAk dahil masasabi ko talagang nag-grow ako as a person sa pagiging miyembro at BT nito. Buklet palang ako, LupAk na ang lupon ko. Minahal ko talaga ang lupon na ito at sobrang proud ako sa mga accomplishments nito. Sobrang nalungkot ako nung nagbitiw ang aming LupAk mommy na si Ate Prima. Pero pag sumasagi na ito sa isipan ko ngayon, baka nangyari lang ito para maihanda ako sa susunod na taon sa Bukluran. Kaya para sa akin, sobrang halaga ng papel ng LupAk sa buhay ko pati ang mga naging co-bebes at bebes ko. Kaya naman gusto ko lang sabihin na MARAMING MARAMING SALAMAT LUPAK. :') Kahit na di na ito ang lupon ko sa susunod na taon, may mahalagang puwang ka pa rin sa puso ko :')))

LuPAk BT PRIMA .Unang Semestre.


Huling Mensahe mula sa Punong Patnugot 2011-2012 To my dearest Buklod, What you are holding in your hands right now is hardly the regular Daluyan issue you’ve become accustomed to getting every two months (on average) - the particular issue symbolizes the culmination of an astoundingly eventful year (and decade) for all of us; the blood, sweat, and tears of this year’s Daluyan staff, all of whom have done a wonderful job publishing five awesome issues; the bittersweet farewells of the graduating seniors and the Kids with whom they are about to part ways; and the legacy that our batch of Kids shall leave behind for the next generations of Kids to come. Every time you leaf through its pages, remember how much you’ve grown to love Buklod and the people in it, people who have become your family-away-from-home during your brief stay in UP. Remember everything you’ve learned during your time as a Kid, from the nitty-gritty details of SP to Buklod’s maka-kapwa principles, both of which seem to casually pop up in every aspect of your life. Remember the fact that it has become and will always remain a huge part of your life, whether you choose to truly treasure it or not. Maraming salamat, Buklod. Sa tatlong taon na naging bahagi ako ng pamilya natin, nakilala ko hindi lamang ang mga pinaka-awesome na tao na ngayo’y napakalaking bahagi na ng buhay ko, kundi pati na rin ang sarili ko, na sa totoo lang ay napaka-iba compared to my pre-Buklod self. To be honest, hindi ko inakalang magagawa ko ang maging isang BT - mula nang maging Kid ako, ang tanging hinangad ko ay magsilbi sa Buklod bilang isang bebe, at napagdesisyunan ko lang na tumakbo nang maramdaman ko ang kagustuhang makagawa pa ng higit pa kumpara sa kung ano ang in-expect ko mula sa sarili ko para sa Buklod. Marahil ay hindi ako ang naging pinakamagaling na tao para sa posisyong ito - nagpapasalamat ako dahil ibinigay ninyo sa akin ang oportunidad na magbigay serbisyo sa inyo bilang BT. I truly hope I was able to live up to your expectations, and that I didn’t let you down by becoming a less-than-capable Daluyan BT. Sana hindi naman. To my bebes (Ivy, Georgia, Gabi, Ian, Henessy - even Mikee, RM, and Yash): thank you for being the best team I, as a Daluyan BT, could’ve ever hoped to have. This year hasn’t been easy for any of us - we would never have been able to release any of the issues we published if we hadn’t worked on them together. What’s more important is that I had so much fun working on them with you, and I hope you felt the same way. ^_^ I never would’ve expected us to come this far, but WE MADE IT, thanks especially to you guys. :D It has definitely been a great privilege serving Buklod with you. Thank you so much. <3

Muli, Buklod, maraming salamat! Nagmamahal,

Daluyan BT KEVIN P.S. Ako si Emo Tambuk Kid. Sana’y naliwanagan kayo. ^_^


Mula sa mga Kids ng taong 2012-2013 Minamahal kong ––––––––––––––, Patapos na ba talaga ang Marso? Ga-graduate ka na ba talaga? Eh, paano yan? Andami ko pa kayang gustong sabihin sa iyo. I-kwento sa iyo, itanong sa iyo. Natauhan na lang ako bigla na kulang ang panahon at paalis ka na. Tapos, kapag nag-uusap tayo, pinapaalala mo, at minsan, pinamamadali mo pa ang takbo ng oras. Kailangan agad-agad? Meron ka kayang iiwan dito. Meron kayang tao na inaabangan ang pagdaan mo sa Tambuk para lang mabati ka, ina-anticipate maabutan ka at samahan sa iyong break. Merong tao na hahanapin ka, tapos maaalala at mapapa- “Oo nga pala”. Pero ano nga ba naman ang magagawa ng pagigingclingy? Ano ang silbi ng pagiging makasarili ngayon pa at patapos na ang taon? Kung tutuusin, sa dinami-dami ng graduation na pinagdaanan natin, dapat sanay na sa ganito. Wala na dapat drama-drama. All ‘wish-you-wells’ at ‘see-you-soon’s na lang. Pero hindi, eh. Palibhasa, andami nating pinagdaanan nang magkasama. Biruin mo yun? Meron palang problema ang pagkakaroon ng malalim na antas ng pagtutunguhan- kapag panahon na at kailangan nang umalis ng isa, hindi maiiwasang mag-alala na baka magbago ang nakasanayan nang dalas at uri ng ugnayan. Palibhasa, iba na ang dynamics. May effort na sa pagdaan pa lang sa tambayan. May onting hiya na sa pangungulit sa FB. May kaba na baka hindi na ganoon kahalaga sa iyo ng mga ipapaalala kong kwento. Na baka hindi na makabuluhan pa ang mga tanong ko. Maaari kasing iba na ang pinapahalagahan mo, baka may pumalit na sa Buklod diyan sa puso mo. Hinga na lang ng malalim at babatiin ka sa iyong pagtatapos. Iaabot ang bulaklak, at maya-maya, photo-ops. Matagal pa ang hihintayin bago makita ka ulit at kailangan ng lakas ng loob.

-Isang Bukid


Mula sa Graduating Kids ng Taong 2011-2012 Simple lang ang mensahe naming seniors para sa inyong Kids na matitira. Mahalin niyo ang isa’t isa, at mahalin niyo ang mga madadagdag sa hanay niyo next year. Kung feeling mo, may maibibigay ka pang pagmamahal sa Buklod, ibigay mo na! Dahil minsan ka lang sa buhay mo magiging kasapi ng Buklod. Kung feeling mo medyo napapag-iwanan ka na, di ka masyado nakakatambay at di mo na nasusubaybayan ang mga bagong biruan, umeffort kang makabalik! Magpatulong ka sa Kids! Ang pagmamahalan ay two-way process. Hindi lang tayo dapat nag-aantay na bigyan ng Buklove; kung minsan, dapat pinapaalala rin nating kelangan natin ‘to. Lalo na’t lumalaki na tayo bilang pamilya, mas kailangan ang constant communication! Tandaan niyo, may isang taon lang kayo para makasama yung eksaktong composition ng mga taong kasama niyo next year sa Buklod. After a year, hindi na muli mangyayaring magkakasama lahat ng pare-parehong mga kasapi sa iisang lugar. Kahit pag Anniv Night. Dadalhin kayo ng tadhana sa iba’t ibang landas. Lubusin niyo na ang pagsasama niyo next year. Sayang ang oras. Siguro, hindi kami lahat makikita niyo pa next year. Pero mag-eeffort kaming makabalik sa inyo. Kahit nasaang lupalop pa kami ng Pilipinas. Kasi ganun namin kayo kamahal, at sobrang parang mabubutasan ang mga buhay namin next year na wala kaming Tambuk na babalik-balikan at Kids na guguluhin araw-araw. Pero, ganun talaga, kelangang mag-move-on sa panibagong kabanata ng ating mga buhay. Pero manalig kayo na sa anumang mga gagawin namin next year, dala-dala namin kayo, at lahat ng tinuro niyo sa amin – tungkol man sa SP, sa pakikipagkapwa, sa Bio, sa Philo o sa kahalayan. Sobra kaming proud sa inyo.

Mula sa inyong Bukseniors, Paalam, Kids.


Daluyan Buddy Tribute Ate Kamae is the sweetest, most caring buddy I could ever ask for! I do not think we ended up together for no reason! :) She is a huge reason why I joined Buklod Isip, and I can’t thank her enough! Ate Kamae is THE Dyosa; don’t be selosa. <3 amae

Triza

-> K

Si Ate Nice, sobrang nice talaga niyan. Hindi ako iniwan at pinabayaan, nasa likod ko lagi para suportahan at ipagtanggol ako noong app process ko. Sobrang maaasahan niyan, laging nakangiti at hindi niya alam na nakapaglalagay rin siya ng mga ngiti sa mga labi ng iba. :)

n ->

e Shann

IAN -

e Eunic

> VIK Dear Kuya O Viko, congratulations! Graduating ka na! Masayang masaya ako para sa ‘yo dahil napagtagumpayan mo ang college. Masayang masaya rin ako dahil naging mahalaga kang parte ng college life ko, hindi lang bilang BTT kundi bilang the best buddy. Maraming salamat at good luck sa anumang iyong tatahakin. Buklove, Buddy Ian.

Congratulations buddy! Pamanahan mo naman ako ng konting utak para kayanin ko ang last year,haha. God bless sa future plans mo. Stay brainy and a trendy! shu

o

>J ny Hen

Dearest buddy. Congrats sa atin at malapit na tayong gumraduate! Galingan sa PGH, ah? ;) Proud ako sa ‘yo >:D<

Ingrid -> Zeth Sa aking mahal na buddy, Patapos na ang isang kabanata sa buhay mo bilang isang iskolar ng bayan, at sobrang proud ako sa iyo dahil kineri mo nang bongga ang lahat ng responsibilidad mo sa acads at sa mga org! Kung ano man ang plano mo pagkatapos ng grad, alam kong kayang-kaya mo yan. :) P.S. I hope with all my heart that sometime soon, you will find your happily ever after with Coco Martin. Gabi -> Ayesha XD


Wala na akong naiisip na ibang mas bagay na maging buddy ko bukod kay Ingrid. Bukod sa lagi niya akong pinagtatanggol sa mga bully ng Buklod (HAHA), super saya at sarap kasama at kakwentuhan ng buddy ko. Una ko siyang nakilala noong nag-aaply ako at naging magaan na kaagad ang loob ko sa kanya. Super bait kasi niyang tao at super responsable pa kaya naman feeling ko tuloy ako yung nag-apply noon HAHA. Super mamimiss ko itong buddy ko at hindi ko siya makakalimutan (kasama ang buong Bukluran na tinuturing kong aking pamilya). Ingat lagi and stay the same. Thank you rin pala at sigurado akong magiging successful ka sa kung saan mo man gusto (forensic). :)

Bea -> pau

d

ingri > h Zet

Nung nalaman kong buddy ko si Ate Pau, sa totoo lang, natakot talaga ako. Pero first sig pa lang, nakita ko nang maling-mali yung inakala kong intense katarayan niya (except siguro pag kausap niya si Zeth) xD talagang ginabayan niya ako sa app process at lagi siyang andyan for support (at handang magbigay ng crinkles pag mukha na’kong zombie). <3 Salamat, buds! Sana maipasa ko rin sa future buddy/ buddies ko ang pagmamahal at kaalamang binigay mo sa’kin. ^_^ Date tayo!!

LuKas must really love me- it managed to pair me up with someone who not only shares my interests but is also passionate about learning- whether it’s about people (and their brains, in particular) or SP. Thank you for being with me every step of the way, buddy. From that first meet/sig at AVE, buddy date at Bigoli, fast forward to that unforgettable summer induction and to where we are now. And as this really isn’t goodbye- Kevin, ja mata ne!

Lui -> Kevin

Kung anong lamig ng pangalan niya ay siya namang init ng pagmamahal niya sa kanyang mga kaibigan. Masaya siyang kasama at masarap na ka-kwentuhan. ‘Ate’ man siya ng Buklod, tila bata pa rin ang busilak niyang puso.

Pia Vega -> Ice


“Buddyyyyy! at dahil farewell message daw to, hindi nalang muna kita aasarin sa fact na antanda mo na ;) (oooop, we’re even na buddy =)) ) buddy, sobrang mamimiss ko ang ka-kyutan ng buddihood natin tsaka yung best buddihood award natin! pero alam ko naman na buddihood will persist, d ba? basta! masasabi ko lang, sobrang sobra talagang salamat :’) sobrang proud akong sabihing buddy kita. good luck sa law ha! Kung gaanong laging nasayo ang Buklod, ganoon laging nasa Buklod ang buddy ko :’) Love you Ate Dudday!!! :’))

y

dudda > mico

Hi buddy, Ate Fame! Gusto kong magpasalamat sa lahat ng naitulong mo saken, nung application pa lang at pati na sa ilang personal concerns na napag-usapan natin. Salamat din sa pagshare ng ilang crush mo. hihi. Wala lang. Natuwa lang ako. Goodluck sa career! Singing, dancing, o anu pa man. haha. IDOL! Nandito lang kami para suportahan ka! Love yah, buddy!

henes

sy -> fame

I think everybody in Buklod has something to say to and about Ate Dudday. =)) Sa dami nun, hindi ko susundin yung 2-3 sentence rule. HAHA The size of Ate Dudday’s personality is inversely proportional to her height. People often say “there’s never a dull moment with insert-name-here” but with Ate Dudday, it’s soooo true. As in nakakapagod siya kasama =)) JK Pero seryoso, sobrang puno siya ng energy to help people and serve Buklod. Kahit hindi halata sa pitch ng boses niya, Ate Dudday cares for everyone like an Ate talaga for Buklod :) Yann

a -> Dudda y


Ate Kamae, letâ&#x20AC;&#x2122;s keep in contact please yun talaga ang gusto kong sabihin. :D Buddies forever, hanggang maakyat natin yung INTO THE WOODS (w/c is almost impossible, kaya yun)! Mahal kitaaa <3 >:D<

jas -> kamae

elai -> pia VIZCARRA Ate Pia buddy! Congrats na in advance dahil gagraduate ka na!!! Yey! Pero I will miss you and kayong lahat na gagraduate :) Pero Iâ&#x20AC;&#x2122;m still happy for you!!! Anyway, di man tayo naging close, salamat pa rin sa mga naishare mo sa akin and for being me buddy :)) Alam ko masaya ka ngayon (ayee xP) Sana forever ka na masaya. :D Buklove, Elai <3

Juno

-> pr ima

Buddeh Prima! BAWAL LUMAYAS! Pero sige, pweds na rin, basta balikan mo ako ah (for more of my pagdadalaga). Ayun, congratulations at pwede mo na i-spread ang iyong awesomeness outside UP. Salamat sa napaka-machong buddy-ship. Keep strong, buddeh. KEEP. STRONG. Labyumwa!

Pia, malapit na grad. Nafefeel ko na excited ka na ata grumaduate. Good luck sa future career mo. HAHAHA. Maging successful ka sana sa future plans mo sa buhay. See you and the rest of the Buklod seniors after grad. Woohoo grad ball. :D

rra

izca v a i > p Pat -

Congratulations, Kuya Dan! Maraming maraming salamat sa lahat ng na-impart mong knowledge sakin bilang member ng council. Lalo na ngayon, na susundan ko ang mga yapak mo. Haha. :D Anyway, may you continue to be the best person as you are. Good luck sa law? Haha. :p At ipagpatuloy ang pagiging iskolar para sa bayan. Once again, thank you, congrats and good luck! :D

Joeric -> dan


ice > pia vega Si Pia ay puno ng surpresa, maging ako ay nabigla.

Mukha niya’y maamo ngunit pinaglalaban ang kanyang prinsipyo; Tahimik kuno ngunit bentang benta ang kanyang mga biro. Ang kanyang mga pubmats at pakulo, mga ngiti at payo, sadyang mamimiss ko. Congrats Pat! Good luck sa pagpapayaman mo :)

> pat z i Pia v

Hey buddy, I’ve known you since first year and I’m really lucky and proud you became my buddy. You’re like my super smart kuya and my Buklod experience won’t be the same without you. I’m really going to miss you. Raizz Much love, Raizza a

-> ke vin

Hi Buddy! Thanks for being the best buddy ever and for always being there for me. I wish you all the best! Kahit grumaduate ka na, if you need someone to talk to, nandito lang ako. Again, thank you! DI

N -> MIKEE

Congrats buddy!! I’m very proud of you! Buklod is very lucky to have you. Please continue being loving and lovable.

Buddy! Salamat sa lahat ng bagay na naibahagi mo sa akin mula nung app process hanggang sa maging myembro na ako ng Buklod. Congratulations and good luck sa pagtupad sa kung ano man ang hinahangad mo ngayon. Alam kong mapagtatagumpayan mo ang mga yan! :D

georgia -> allen

ae rox -> kam


LT ‘12 - ‘13 Survey What do you expect most in the next year concerning everything and anything with Buklod? Nikki Directo (Lupag BT): Isang makabuluhan at makahulugang hinaharap. Nakikita ko ang Buklod na nag-a-ambag sa paglaganap ng husto ng SP sa pamamagitan ng mga proyektong tatatak sa lahat. Bea Lee (Lupap BT): Ayun nga, mas malinis na tambuk. :) ) At sana mas nagkakaisa tayo bilang org para maging mas matagumpay yung mga event at gawain natin :) Sana rin maalala natin na lahat ng ginagawa natin ay tungo sa isang pangkalahatang layunin: ang pagpapayabong at pagpapalaganap ng SP :) Janine Acoba (Lupak BT): Mas aktibong Kids na patuloy pa rin nagpapalaganap ng SP at mga proyektong mas patok para sa mas mailapit at maipakilala ang SP sa mga tao. Ani Batangan (Lupus BT): I expect cooperation from its members. Laui Guico (Lugaw BT): Higit sa kagustuhan, inaasahan ko ring mapaigting yung three levels of unity natin bilang isang organisasyon. Nasa concept paper siya for a reason. Naniniwala akong kapag binalikan natin ito, mapapagtagumpayan natin na mag-level-up at maiparamdam sa UP na may Buklod-Isip na nagsusulong ng SP. Gusto ko ring maibabad pa tayo sa diskurso para naman mas mapalalim pa ang pagunawa natin sa SP at sa mga prinsipyong pinanghahawakan ng org. Hindi dapat matakot ang Kids kapag kinakaharap ang mga katanungan. Gusto kong mabalik yung thirst for knowledge. At gaya nga ng nasabi ko kanina, I’m sure that with the right motivation, we can achieve this. Jas Viray (Lupan BT): Ang pagiging ganap na Belieber ni Ivy.

If you were to have a BT nickname/persona, what would it be? Lui Lioanag (Bos Tsip Tsip): It used to be LuiPaP, but now, as baptized by my bro, I am your BroTT (though I prefer the longer version Bro Tsip Tsip, thank you very much.) Racqs Lastimoza (Lukas BT): Ano pa nga ba? Edi LuKas on the Racqs! :D Ivy Torres (Daluyan BT): Bro-luyan BT from Prima M. Geneviever. Lol. Or si IBT. AyBT. AyBeeTee. AyBee Torres? Hohohohoho~ Joke. Sorry. Ang corny. OTL


What was the trigger for you to run for BTT/ BT? Lui Lioanag (Bos Tsip Tsip): The trigger- the one that planted the seed- was a question sent my way last April 16, 2011. It was so simple, straightforward and unexpected, it just stuck itself to my mind and had me ruminating on it until the deadline for filing. Thank you for the nudge, and the consecutive pushes thereafter, Someone. Racqs Lastimoza (Lukas BT): Yung feeling na walang mag-aalaga sa Buklod kung walang tatakbo. Nikki Directo (Lupag BT): Ang aking pag-ibig para sa SP at Buklod. <3 Bea Lee (Lupap BT): Tumakbo ako para sa posisyon ng LuPaP BT dahil gusto ko talaga at dahil gusto kong may magawa sa org na napakarami nang nagawa para sa aking pag-unlad. :) Janine Acoba (Lupak BT): Kagustuhan magserve at mas maging aktibo sa Buklod. Ani Batangan (Lupus BT): I think that would be the things I would want to happen for Buklod. Laui Guico (Lugaw BT): Hindi ko ever naimagine yung sarili kong magiging part ako ng execomm ng isang org noong let ako. Pero siguro yung kagustuhan kong paglingkuran yung org nagsimula noon pa. Dati kasi wala akong bilib sa sarili ko na mag-handle ng posisyon. Pero noong 29th Anniv Night, napalakas ng isang bukbok ang loob ko nang pagkatapos naming mag-sig, nabanggit niyang nakikita niya ang potential ko na mamuno sa Buklod . Kaya ayun. :> Ivy Torres (Daluyan BT): naramdaman kong oras na para mag-repay sa Buklod at para maisagawa ang mga projects na aking naisip para sa Buklod. At siyempre para na rin maka-serve sa Daluyan mismo na pinaghirapang pagandahin na mas bongga ni Daddy Kevin. :> Oh my gosh! At naalala ko lang bigla na nung nag-second sig kami ni Ate Pia Vega, nasabi niya sa akin na may potential akong maging leader. So aun, bliss and inspiration. :â&#x20AC;?â&#x20AC;?â&#x20AC;?> Jas Viray (Lupan BT): Lahat naman siguro tayo ay nais maglingkod sa Buklod-Isip at hindi naman kailangang may posisyon ka. Kung bakit ako tumakbo bilang BT ay dahil kay Ate Fame, ang aking BT sa LuGaw. Hindi naman niya ako sinabihang tumakbo, ngunit nang pagassign niya sa aking bilang isa sa head ng mga proyekto sa LuGaw ay nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili at sa kapwa Bukids. Nararamdaman ko din yung pagmamahal at dedikasyon sa gawain. Dahil sa tiwala at encouragement ni Ate Fame ay naisip kong gusto ko talaga magsilbi sa Buklod.


Noon at Ngayon ni Bea Lee

‘Yun ‘Yun E!

Nang sinimulang kong isulat ang sanaysay na ito, minabuti kong balikan ang aking blog entry noong una akong nag-defer sa Buklod. Ito ang nahanap ko: “I want to join Buklod for the people, and while that's probably not wrong in and of itself, it's not what I want. I want to join because I believe in their principles and I believe in Sikolohiyang Pilipino, and right now I just don't understand them yet.” Napakalayo na ng narating ko sa Buklod – mula sa pagiging Buklet, pag-defer, pagiging Buklet muli, pagiging SK, at pagiging Bukid. Napakarami kong natutunan, at napakarami kong taong nakilalang hindi ko inakalang magiging ka-close ko, o makakausap ko man ng masinsinan. Natutunan ko first hand kung ano ibig sabihin at halaga ng collective leadership. Natutunan kong okey lang asahan ang ibang tao, at okey lang na hindi lang ako ang gumagawa ng lahat. Natutunan kong hindi lang acads ang kailangang kong pagtunguan ng pansin, dahil ano nga naman ba ang saysay ng pag-aaral kung walang gumagabay na mga prinsipyo rito, lalo na sa sikolohiya? Natutunan kong napakasarap ng pakiramdam ng pagiging kasapi ng isang organisasyong iniyakan, pinagpuyatan, at pinanggalingan ng aking stress, dahil sa katapusa’y napagtanto kong may kabuluhan ang lahat – na may patutunguhan ang lahat. Dito ko naramdaman na hindi ko kailangang magkunwari sa kolehiyo, na okey lang maging sobrang fan ng Harry Potter, na may ibang tao ring nanonood ng yaoi, na masayang mag-dinner kasama ang mga kaibigan. Higit sa lahat, dito ko naramdam ang meron akong pamilya sa loob ng unibersidad, na meron akong babalik-balikan at meron akong makakausap at mapupuntahan sa mga oras na gusto ko nang bumitiw sa lahat. Ang nakakagulat: natutunan ko ang lahat ng ito sa loob ng isang taon. Ang mas nakakagulat: ang nakasulat sa may dulong blog entry ko. “All I know is that I’ll give my all next year when I apply again. Magiging certified Tambay Queen ako!”


ni Henessy Orbeta

Komiks at Nasaan Si BTT?

Profile for UP Buklod-Isip: Daluyan

Ang Daluyan Sem-Ender Issue 2 AY 2011-2012  

Para sa pagtatapos ng AY 2011-12.

Ang Daluyan Sem-Ender Issue 2 AY 2011-2012  

Para sa pagtatapos ng AY 2011-12.

Profile for daluyan
Advertisement