Page 1

Mensahe mula sa Daluyan. Ika-36 na Kumperensya ng PSSP, Ginanap sa UPD. Rainbow Pride. Mga Mensahe mula sa LuGaw at LuPAk. Daluyan Awards 2011. Araw ng Lahat. Daluyan Survey: Christmas Edition. The Perks of Being in the SMP.

Mga Nilalaman

Pasko 2011.


Mensahe Mula Sa Daluyan Disyembre na! O Buklod, kamusta ka na naman at matatapos na ang taong 2011? Pagkatapos ng Sembreak noong Oktubre, bumalik na naman tayo sa akademikong pamumuhay at bonggang pagtambay. At isa sa mga bunga ng sa isa’t kalahating buwan ng kuwentuhan, kakulitan at ibigan (alam na), ay ang paglabas ng Christmas isyu ng Daluyan.Yaaay! :D Ngayong at Christmas season, kahit may wasik wasik ng ulan paminsan minsan, sana ang mga puso niyo pa rin ay nagliliyab ng galak at kasabikan! Lalong lalo na para sa Daluyan Awards! Rakenrol! Hindi mo rin naman malalagpasan ang pagkakataon na palalimin pa ang pagtutunguhan niyo ng special person na ‘yan at may excuse ka na para maging extra sweet ka. May dahilan ka na rin para sa inaasam-asam mong party kung saan magwawala ka ng bonggang bongga. Okay lang yan, mahal ka pa rin namin. Pasko naman eh. :D Ngunit sana kahit ilang minuto lang ay magmuni-muni ka muna (ala staring out the window at the rainy night sky) at pagisipan ang mga pangyayari ngayong taon. May mga gusto ka bang baguhin, mga ‘di na ulitin at mga dapat mas pahalagahan pa? Ang bagong taon ang siyang bagong simula ng yugto ng iyong buhay. Pero dahil pasko muna, magpakasaya at magpakabusog tayo ah! :D Maligayang Pasko at Masigabong Bagong Taon, Buklod! Nagmamahal ng bonggang bongga,

Daluyan

Ika-36 na kumperensya ng PSSP ginanap sa UPD Idinaos ang ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) simula noong ika-24 hanggang ika-26 ng Nobyembre, 2011 sa GT Toyota Asian Center at Palma Hall Annex, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Dinaluhan ito ng mga kasapi ng PSSP, mga sikolohista, mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang mga unibersidad, mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan, at iba pa. Ang naging tema ng komperensya para sa taong ito ay "SIKOLOHOHIYANG PILIPINO: Noon, Ngayon, at Bukas." Nagsagawa ng mga presentasyon ng mga pag-aaral, seminar, workshop, at plenary session. Ang mga layunin ng komperensya, ayon sa website ng PSSP, ay: “linawin at balangkasin ang iba't ibang konsepto, teorya, balangkas at metodolohiyang binuo at patuloy na nililinang sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino; pagtuunan ng pansin ang impluwensiya ng Sikolohiyang Pilipino tungo sa mas etikal at marangal na propesyon at praktis ng sikolohiya at kaugnay na mga disiplina; at itampok ang mga pananaliksik sa iba't ibang larangan ng sikolohiya.” Naging matagumpay ang komperensya sa tulong ng mga guro ng Departamento ng Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman kasama na rin ang mga mag-aaral na nagboluntaryong tumulong sa pagpapadaloy ng mga naging kaganapan. Kasama ang ilang mga Bukid ng UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino sa mga nagboluntaryo. Si Ginoong Jose Antonio Clemente ang naging tagapagtipon. Ang ilang mahahalagang taong pumunta sa komperensya ay sina Ginang Rogelia Pe-Pua, Ginang Madelene Sta. Maria, Ginoong Benito Teehanke, ang kasalukuyang pangulo ng PSSP, at Jay Yacat, ang pangalawang pangulo. (Christian Victor A.Masangkay)

Rainbow Pride

Higit isang libong tao, kasama ang iilang miyembro ng UP Buklod Isip, ang nagmartsa sa Malate mula Remedios Circle hanggang Orosa-Nakpil sa ginanap na 17th Annual Pride March noong ika-3 ng Disyembre. Ang Pride March ay inorganisa ng Task Force Pride, isang network ng lesbians, gays, bisexuals and transgenders (LGBT) sa ilalim ng temang “Pride of the Orient”. Ito ay ginawa upang parangalan at alalahanin ang mga tagumpay ng LGBT community sa pagsasagawa ng unang Pride March sa Asia noong 1994 at sa pagbuo ng Ladlad party list, na nag-iisang LGBT-oriented party list sa buong mundo, maging sa pagkampanya para sa awareness of HIV/AIDS sa Pilipinas. Ipinaglaban ng mga LGBT ang kanilang karapatang pantao, pati na rin ang patuloy na suporta sa AIDS program at ang pagtigil ng diskriminasyon. (Gabriela Victoria A. Timbancaya)


Mga Mensahe mula sa LuGaw and LupAk "Pasko naaaaaa, Pasko naaaaa~ Tayo'y magkaisa. Magsama sa saya ng sanggol at ina" <3 Nag-uumapaw na pasasalamat mula sa LuGaw at Himig Buklod para sa lahat ng BuKids na nag-cheer, gumawa ng banners, nag "I love you Himig <3" at sumuporta in general sa nakaraang Carolfest! "Kayhinhin ng hangin waring umiibig." Sulit ang halos isang buwan ng pag-eensayo nang umawit at magtanghal para sa UP Buklod Isip. Hindi lang pagkapanalo ang panukat ng tagumpay ngunit ang saya na naihatid ng bawat nota at himig na nabuo para sa mga manonood, lalo na "for the people who matter". :) "At sa bawat isa'y puso mo'y buksan na." Isang maligayang pasko sa inyo, BuKids! <3 PS: Abangan ang mga sorpresa ng LuGaw sa darating na taon! \m/

Isinigawa ang AVE Linis noong Nobyembre 20, 2011. Matapos nito, nabatid na kulang na kulang talaga ang mga shelves sa AVE. Dahil dito, nagsagawa ang TEAM AVE ng isang booksale na ginanap sa Disyembre 14, 2011. Umaasang makakalikom ng sapat na pondo mula dito para makabili ng bagong kagamitan. On a totally different note, dahil â&#x20AC;&#x2DC;tis the season to be jolly, magpakasaya na at ienjoy ang nalalaAVEng araw ng kapaskuhan, dahil after nun pasukan na naman. Dahil dyan, MERRY CHRISTMAS KIDS! ;0 <3, LupAk

Inihahandog ng Ang Daluyan 2011-2012 ang

Daluyan 2011 Awards Ang Dalagang Bukid Ang mutya ng Buklod.

Mikee

Angge Bailon

Kapita-pitagang Kalalakihan ng Bukluran Sevilla Ang pinakamakisig sa mga kalalakihan ng Buklod.

King Corn

Ian Masangkay

Ang Kid na pag humirit na, hindi mo na lang alam kung tatawa ka ba sa sobrang kacorny-han niyaâ&#x20AC;Ś o saktan mo na lang para matigil na. (Mangyari lang iwasan natin yung pangalawang option, peace tayong lahat dito. Kunwari na lang wala kang narinig.)

Vane Burton

Queen Corn

Ang babaeng counterpart ni King Corn.

Drawer of the Year Lui Lioanag Ang pinakamahusay na mangguguhit sa Buklod.

Laui Guico

Gawad Magic Sing

Ang Kid na pag narinig mo nang bumirit, titindig talagang lahat ng balahibo mo. Sa sobrang intense, feeling mo na lang nakalunok siya ng karaoke nung bata pa siya.


Juli Arguilla

Halay King

Ang Kid na kapag usapang bastusan na, asahan mo sume-centerstage na yan. Konting may masabi ka lang, mahahanapan na niya ng double meaning yan.

Halay Queen

Allen Yu

Ang counterpart ng Halay King. Kung hindi ka pa ready ma-harass, tumakas ka na bago mo pa marinig ang mga kwento niyan.

Dudday

Yang Magka-award Award

Para sa Kid na hindi pinalad na mapalanunan ang award na kanyang pinagpatayan pinaglaban sa Daluyan Awards… o kaya trip lang niya talagang magka-award—para sa kanya ang award na ito. Award!

UP Buklod-Isip

Pambansang Dukha

Ang Kid na lagi na lang walang pera; aakalain mo na lang na araw-araw siyang nahoholdap sa Philcoa.

Joshua Rosario

Pasan Ko Ang Daigdig

Ang counterpart ng Halay King. Kung hindi ka pa ready ma-harass, tumakas ka na bago mo pa marinig ang mga kwento niyan.

Walking SP Primer

Viko Fumar

Ang taong akala mo, nakalunok ng SP primer. O di kaya, natutulog na may SP primer sa ilalim ng unan niya. Basta’t asahan mo na kung may kailangan ka mula sa primer, kayang kaya niya itong bigkasin sa ‘yo.

Nikki Directo

Fashionista of the Year

Ang Kid na ginagawang runway ang Tambuk. Talaga namang todo rampa ang Kid na ito ng kanyang mga latest fashion finds.

Alaskador Award

Prima Medina

Ang big bully ng Buklod. Wala ng ginawa kungdi mang-asar basta’t may pagkakataon, kahit wala ka namang atraso sa kanya.

Aica Sta. Isabel

I’m so Hilar Award

Para sa Kid na self-proclaimed funny… at hilar. Basta tawa ka na lang.

Tambay King

Joshua Rosario

Ang Kid na kulang na lang ay magtayo siya ng tent sa Tambuk para doon na lang siya kumain at matulog forever. Oo, dapat ganyang level ng clingy sa Tambuk para maging deserving ka sa award na yan.

Bea Lee Tambay QUeen

Ang babaeng counterpart ng Tambay King—kulang na lang maglive-in na silang dalawa sa Tambuk.

Dakilang Busabos Award Ang Kid na paboritong apihin ng lahat.

Mico Teves

Prima Medina Maraming Alam Award

Ang Kid na kapag humirit na, wala ka ng ibang masasabi kungdi, “Ang daming alam.” Either matawa ka sa mga hirit ng Kid na to o maiinis ka na lang.

Mukha ng Buklod UP

Buklod-Isip

Ang Kid na ito ang mukha pa lang, Buklod na! Yung tipong makita mo pa lang siya, hindi pangalan niya ang una mong maiisip kungdi… Buklod-Isip!

From Beyond the Grave Award

Ted Dulay

Ang gawad na ito ay para sa pinakanatatanging Bukbok na kahit lumipas na kanyang panahon (bilang undergrad) ay perfect pa rin ang attendance sa pagtambay, at in na in pa rin sa mga kaganapan dito sa Buklod.

Pambansang Sabaw

Dea Empamano

Ang Kid na laging lutang—parang once in a blue moon mo lang makakausap nang maayos. Pagpasensyahan mo na, baka stressed lang yan… o sadyang sabaw lang talaga.

Pia Vega

Pambansang Teddy Bear

Ang Kid na pag nakita mo, gusto mo na lang yakap-yakapin at pisil-pisilin. Minsan nga, makita mo lang siya, talaga namang mapapa-“Awww!” ka na lang.

Wow! Legs

Joshua Rosario

Ang Kid na lagi’t lagi na lamang ay nakabalandra ang mga binti—yan ang Wow Legs! Madalang mo lang makikitang nakapantalon—paano naman kasi, pati mga pantaloon niya, ginupit na niya magkashorts lang.


Pia Vega Ikaw Na Ang Masaya Award

Ang Kid na kahit ano pang corny na joke ang sabihin mo, siguradong bebenta at bebenta pa rin sa kanya. Laging nakatawa ang Kid na to, akala mo wala ng bukas.

Dadaan Ako, Tumabi Ka Award

Prima Medina

Pag namataan mo na ang Kid na ‘to kahit mula pa sa malayo, magtago ka na’t magbigay-daan dahil isang sulyap pa lang niyan, siguradong tiklop ka na kaagad diyan.

Zeth Lee v. Buklod

Mara Clara Award

Kapag may naaapi, may nang-aapi, at sa tandem na ito, siguradong laging may nananalo at laging natatalo.

Love Team of the Year

Shannen Barcelon & Meyot Mercado

Ang tambalang pag nakita mo, para ka na ring tinamaan ng pana ni Kupido sa sobrang pagkakilig mo! (for more vicarious experience lang)

Most Unlikely Love Team of the Year

Ian Masangkay & Sed Ramiro

Ang “love team” sa Buklod na pag pinagsama mo, mapapasambit ka na lang ng, “WEH, DI NGA?!”.

Aso’t Pusa Award

Prima Medina v. Dudday Yang

Ang tambalang wala nang ginawa kungdi ang mag-away at magtalo at mag-away at… nasabi ko na bang lagi silang nag-aaway? Tuwing makikita mo sila, tumabi-tabi ka na lang at baka madamay ka pa sa gulo nila (pero kunwari lang yan, lab naman talaga nila ang isa’t isa… ayiehie!)

Buy One, Take One

Din Sengson & Henn Kwan

Ang tandem na mistulang long lost Siamese twins yata nung past life nila… talaga namang hindi mo mapaghihiwalay. Kung nasaan ang isa, asahan mo nang nandoon din ang isa.

..bre.. bre?! Oo, bre.

ni Henessy Orbeta

SetyemBRE..OktuBRE..NobyemBRE..DisyemBRE.. Oh? Alam mo na? Kailan nga ba natin kadalasang naririnig ito? Malamang ito’y alam mo. Oo, may tama ka! Tuwing sasapit ang Pasko, isang pagdiriwang na mahalaga para sa mga Kristyano. Ginaganap ito taun-taon upang gunitain ang kapanganakan ng tagapagligtas. Ito’y panahon din upang magkasama ang mga magkakapamilya, magkakaibigan o magkakamag-anak. Mayroong hamon, lechon, queso-de-bola at iba pang mga masasarap na pagkaing nakahapag sa mesa, at mayroon ding mga umiindap-indap na makukulay na ilaw at samu’t saring dekorasyon. May bigayan ng mga regalo at aginaldo, at syempre, simbang gabi. Ganito ang pagdiriwang ng mga kapwa natin Kristiyano sa tuwing sasapit ang Pasko. Kristiyano.. Hmm.. Pero paano naman ang pasko ng mga hindi Kristiyano? Ito ay lingid sa aking kaalaman. Isang paraan upang malaman ay magtanong. Ayon sa aking napagtanungan, parang isang ordinaryong araw sa kanila ang araw ng pasko. At dahil karaniwan ay walang pasok, ginagamit nila ang oras na ito upang magpahinga o gawin ang kanilang mga gusto tulad ng pamamasyal. May nagsabing nakikisali rin naman sila sa pagbibigay ng regalo pero ipinaliwanag niya na hindi kasama sa perspektibo ng relihiyon ang pagbibigay ng regalo kundi ito’y parte ng komersyal na pananaw. Sa aking pananaw, hindi naman dapat limitahan ang kasiyahan ng isang tao, hindi ba? Sabi nga’y ipinanganak tayong malaya. Hindi naman mahalaga kung kristyano man o hindi. Hindi naman ito dapat maging hadlang o magsilbing hati. Araw man ng pasko ang ipinagdiriwang o ibang araw, ang mahalaga para sa lahat ay RESPETO..respeto sa paniniwala ng bawat isa at dito magmumula ang pagkakaintindihan. Ito ang halaga hindi lamang ng pasko kundi ng ating pagkatao.


The Perks of Being

in the SMP

CAVEAT! Purely random ranting. Read at your own risk. >:D

by Emo Tambuk Kid

Christmastime: the season of joy, generosity, and familial solidarity; of heartfelt messages of world peace and prosperity; of blazing Christmas lights and beautiful parols that mirror the guiding star of the Nativity scene (with the occasional Santa Claus figure with matching sleigh, reindeer, and snowman); of presents and noche buena, simbang gabi and snow-laden carols; and, most of all, love. For some reason, people seem to think na ang mga rules ng Valentine's Day ay nag-aaply din sa Pasko - hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla na lang sumusulpot ang mga bagong couples sa panahong ito. (Right now, I bet you're thinking of one particular couple, heehee - BLIND ITEM ALERT!) Dahil ba malamig na ang simoy ng hangin, hence their need for someone with whom they can share body heat? (Through HUGGING - let's keep this article PG-13 XD) Or baka naman there's this general rule on Christmas romances that we poor little people don't know about? O_O Honestly, it's bizarre. Kung ikaw ay single (by choice or otherwise, although it's often the latter), then you're probably part of the SMP (o ang Samahan ng mga Malalamig ang Pasko). It's also probably too late to ask yourself why your love life is nonexistent - nag-umpisa na ang pagbaba ng temperatura ng bansa, and if you don't have a body heat buddy, you'll be forced to withstand the cold December airâ&#x20AC;Ś alone. Ang sad, no? Pero bago ka mainggit sa mga may nagbabagang romansa ngayong Pasko, isipin mo muna kung ano nga ba ang perks ng pagiging member ng SMP. (Sad nga siya, but it isn't all bad - for the right person, it could even be the perfect holiday setup!) Una: Hindi mo na kailangang gumastos para sa mga romantikong regalo. Your wallet shall be saved from your Twelve Days of Christmas gift-shopping spree na para lamang sa ISANG tao! You've been slaving away for the last twelve months, trying to cram Bio terms all sem - it's time to reward yourself with a pretty gift, trust me. ^^ Kung gagastos ka pa for another person who may even start overanalyzing your gesture ("Binigyan niya ako ng limang diamond rings, not to mention iba't ibang klaseng ibon - ano kaya ang ibig niyang sabihin????"), dagdag pagod lang ang aabutan mo. Ikalawa: One less Christmas card to worry about. Kung ikaw yung type ng person who absolutely hates doing Christmas cards, then this bit is perfect for you! Ako mismo ay sobrang tamad sa paggawa at pag-send ng mga Christmas cards - the idea na may isang mawawala sa aking listahan (at ang isang iyon ay nagre-require pa sa akin na mag-isip talaga ng isang witty yet heartwarming message para sa Pasko) is pure relief, even greater than that provided than Salonpas. Ikatlo: Wala na ang risk na magkikipag-break sa iyo ang iyong significant other on Christmas. "You got me an iPad? That's so sweet! Here's my gift to you: your freedom. Pwede ka na maghanap ng bagong BF/ GF! YAY!" Napaka-stressful naman talaga ang maranasan ito - sino ba naman ang gustong mawalan ng love life on Christmas Eve/Day? Made-depress ka lang lalo, especially kung matagal na kayong mag-BF/GF. Parang nag-break-up lang kayo on your birthday. Masakit. As the old saying goes: "Prevention is the best cure." Trudat. :) ... See? Huwag ka nang mabahala na wala kang ka-loveteam ngayong Pasko. Kung hindi mo na talaga kayang mag-isa at sobrang depressed ka na despite all the aforementioned perks, pakinggan mo na lang ang "Payapang Daigdig" at "Pasko Na" ng Himig Buklod. Siguradong matutuwa at kikiligin ka. :D Bago ko makalimutan: Maligayang Pasko, ka-SMP! Sana'y kahit ano pa man ang kalagayan ng Pasko mo, maging masaya ito para sa 'yo. :)

Ang Daluyan Christmas Issue AY 2011-12  

Para sa Pasko 2011.