Issuu on Google+

Vol.2 Issue 8 August 2012

www.daloykayumanggi.com

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Bilang Food Basket ng Pilipinas:

P27 Bilyon Inilaan Para sa Mindanao Roads

Paghahalikan ni Dawn at Richard Inaabangan

Binigyang-diin naman ni Sec. Antonino na

A

nararapat lamang ibigay sa Mindanao ang

bot sa P27 bilyon ang nakalaan para malaking budget para sa pagpapaunlad ng sa mga proyektong pagpapaunlad mga kalsada rito dahil sa positibong dulot ng mga national roads sa buong ng Mindanao sa ekonomiya ng bansa.

Mindanao sa taong 2013, ayon sa ulat ng

Mahalaga aniya ito para sa patuloy na pag-

Mindanao Development Authority. Pitong sulong ng isla bilang food basket ng Pilipinas

Pahina 22

bilyong pisong mas higit ito kung ikukump- na mas mapapapaigting kung mapagdudugara sa kaparehong budget ng Mindanao tong ng maayos na kalsada ang Mindanao. ngayong taon.

Isinusulong ng MinDA ang Mindanao 2020

Ito ayon sa MinDA Chair Sec. Luwalhati An- Peace and Development Framework kung tonino ay batay sa pahayag ni Public Works saan kalakip sa nga programa ang pagkaSecretary Rogelio Singson sa isinagawang karoon ang sementado at may maayos na Top-Level Policy Roundtable Discussion sa kondisyon ng mga daan pati pa ang pagkaManila na magkatuwang na binuo ng Philip- karoon ng rail transport service system sa pine Chamber of Commerce and Industry Mindanao. (PCCI), MinDA at USAID Growth with Equity in Mindanao (GEM) Program. Sa buong bansa kasi, paliwanag ni Singson, ang Mindanao pa rin ang nanatiling may c

pinakahabang “unpaved roads” na umaabot

UNEP & Deviantart.com

sa 69 na porsiyento.

Pilipinas Handa na sa Kalamidad - Pnoy

H

anda na ang bansa laban sa mga kalamidad. Ito ang binigyang diin ng Pangulo nang

magsalita ito sa pang-rehiyong Tapatan on Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation ng

c

asiasociety.org

Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa SMX Convention. “Kung ang tanong po ay handa na ba tayo sa kalamidad? ang tugon natin: handa na tayo; subalit handa rin tayong higit pang paigtingin at pagtibayin ang ating kahandaan,” ani Aquino. Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang kanyang administrasyon sa pagsuporta sa mga lokal na pamahalaan. Aniya, naniniwala ito na “hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng ating mga local government units (LGUs) sa lipunan” bilang mga

c

propercasuality360.com

c

Defense gov

direktang nakakasalamuha ng mga mamamayan. “Patuloy po nating binibigyang-lakas ang ating

Income at Gastos ng Pamilyang Pilipino Bubusisiin

M

mga lokal na pamahalaan. Sa katunayan, kasado na po ang ating local disaster risk-reduction management plan. Mula po Abril ng taong ito, 92 percent na raw po sa ating mga LGUs ang may area-wide warn-

agsasagawa ng survey ang Pambansang tos tungkol sa kita ng pamilya ay ginagamit

ing and alarm systems, 86 percent ang mayroon

Tanggapan ng Estadistika o National din para masukat ang tinatawag na Human

nang nakatalagang sariling evacuation center, sa-

Statistics Office (NSO) tungkol sa kinita (income) Development Index o HDI.

mantalang 78 percent naman ang may emergency

at gastos (expenditures) ng isang pamilyang

Sinabi ng NSO na ang isang interbyu ay aabot

response, rescue, at medical teams,” sabi ng Pangulo.

sa mahigit sa isang oras kaya hinihingi nila ang

Gayundin, sinabi ni Aquino na sinisikap pagtu-

Ito ay ang Family Income and Expenditure pakikipagtulungan ng mga pamilya na kabi-

lungan ng gobyerno na magkaroon ang bawat

Survey (FIES) na pinasimulan sa Hulyo at lang sa survey. Bubusisiin ng mga interviewer

LGU ng sarili nitong disaster command at auxiliary

matatapos sa Agosto.

command centers.

Pilipino.

ang gastos ng bawat pamilya sa pagkain, edu-

Matutukoy sa survey ang pinanggagalingan kasyon, pananamit, gamit sa bahay, gastos sa

“Pagdating sa kalamidad, halimbawa, alam ng

ng kita ng isang pamilya at kung paano nila ito ilaw at kuryente, gastos sa transportasyon at

governor kung saan-saang lugar ang hindi ligtas

ginagastos. Ito ay upang malaman ang poverty komunikasyon, sweldo at iba pa.

na tirahan o pagtayuan ng mga gusali sa kanyang

threshold o ang kinakailangang kita upang

probinsya; alam ng mayor kung aling mga kalye at

makapamuhay ng naayon sa katamtamang

daan ang madalas bahain sa kanilang pook; alam

pamantayan ng pamumuhay (standard of

din ng barangay captain kung anu-ano ang mga

living) sa isang lugar.

pangangailangan ng mga pamilyang kaniyang

Ito ay ginagamit din para magkaroon ng

nasasakupan bago, habang, at pagkatapos ng ka-

estimate ng parte o share ng sambahayan

lamidad. Wala na ngang iba pang mas nakakakilala

(household) sa ating mga National Accounts,

sa ating mga boss kundi sila mismong harapang

tulad ng Gross Domestic Product (GDP), Gross

nakikitungo sa lokal na antas,” aniya.

National Product (GNP) at iba pa. Ang da-

c

Gallonconsulting.com

Pinalakas na rin ng pamahalaan ang pagresponde

nito matapos ang mga sakuna. “Handa na rin po ang mga field office ng Department of Social Welfare and Development. Nakapaglaan na tayo ng standby fund na aabot ng limandaang libong piso kada opisina. Kung noon, halos abutin na ng susunod na tag-ulan ang pagdating ng relief goods para sa mga nabiktima ng bagyo, ngayon, may pondo nang agarang magagamit ang mga LGUs sa kanilang disaster operations, at sa pagbibigay ng agarang lunas sa pangangailangan ng atin pong mamamayan,” sabi ng Pangulo. Upang maging mas mabilis at tiyak ang pagsususpinde ng pasok sa mga paaralan at opisina ng gobyerno, ipinapatupad na ang Executive Order Number 66, kung saan sa kabila ng kawalan ng typhoon signal warnings mula sa Pagasa ay nasa kamay na ng mga gobernador at mayor, bilang chairmen ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council, ang pagdeklara ng kanselasyon o suspensyon ng mga klase at ng trabaho ng mga lingkod-bayan. Sa kabila nito, inilahad din ng Pangulo na wala pa rin tatalo sa masusing ugnayan at kapit-bisig na pagtutulungan ng mga lokal at nasyonal na ahensya ng pamahalaan laban sa kalamidad. Aniya, ang diwa ng naturang pagtitipon ay “upang isagwan pasulong ang ating layon na mapangalagaan ang kapakanan ng atin pong mga kababayan. Sa pagkakataong ito, hindi po makabagong kaalaman o kagamitan ang ating ibinibida. Ang simple po nating formula laban sa kalamidad: masusing ugnayan, at kapit-bisig na pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan.” Pinuri rin ni Aquino ang DILG sa pagsisikap nitong mabigyang-linaw ang commitment ng bawat opisyal ng nasyonal at lokal na pamahalaan laban sa mga pagsubok na hatid ng mga natural na kalamidad. “Sa pangunguna po ni Kalihim Jesse Robredo ng DILG, pinapagulong na natin ang Tapatan Caravan sa buong bansa. Saludo ako sa inyong pagsusumikap. Sa kasalukuyan, 13 na sa 16 nating rehiyon ang napuntahan ng programa. Bago matapos ang buwan na ito, inaasahan natin na ang ang tatlo pang rehiyon sa bansa ay mabibisita na rin, at magiging puspusan na rin ang kahandaan sa pagdating ng bagyo,” anang Pangulo.

Ano man ang hinaharap mo ngayon, laging tandaan: "sa pagsapit ng gabi’y laging may umagang dumarating"

2

Daloy Kayumanggi

Balitang Global

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

PhilHealth Pinalawak ang Benepisyo ng OFWs

N

angako ang PhilHealth na may nakalaan na mas malawak na benepisyo at mataas na antas ng serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga dependents kapalit ng kanilang P3.50 kontribusyon kada araw o P1,200 kada taon. “Ang kinakailangang halaga ng kontribusyon ay nanatili sa halagang P1,200 kada taon para sa mga OFWs. Ang pagbabago sa kanilang kontribusyon na magiging humigit-kumulang na sa P7 kada araw o P2,400 kada taon ay magsisimula pa lamang sa Enero 2013,” ayon kay Dr. Eduardo P. Banzon, PhilHealth president at chief executive officer. “Pinatitibay namin ang aming kakayahan upang makapaglaan ng mas mataas na papapa-halaga sa pera ng aming mga miyembro- kabilang na ang OFWs. Ipinagpapatuloy namin ang pagpapalawak ng benepisyo at pagpapaganda ng aming serbisyo,” dagdag pa ni Dr. Banzon. Binigyang diin din ni Banzon na maaaring makapagbayad ang mga OFWs ng kanilang kontribusyon sa halagang P1,200 kada taon hanggang limang taon kung babayaran ito hanggang Disyembre 31, 2012. Hinihikayat ang mga OFWs na bayaran ang kabuuan ng c

msn.com

“Huwag magpunta sa Syria.” Ito ang muling babala ni Sec. Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and employment (DOLE) sa mga Pilipinong nais magpunta at magtrabaho sa Syria. Nagpayo din ang kalihim na huwag ng ituloy ng mga Pilipinong nagbabalak magpunta sa Syria ang kanilang plano, gayundin, huwag maniwala sa mga “recruiters” na nagsasabing mayroong matatag na trabaho sa bansang balot ng sigalot. Ayon sa kalihim, kasalakuyang ipinatutupad ang “OFW deployment ban” para sa Syria at hindi nagpo proseso ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng anumang dokumento ng sinumang

kanilang kontrata. blogspot.com

c

“sa ganitong paraan, ang OFWs at kaniyang mga dependent ay magkakaroon ng kapanatagan at mabibigyan ng proteksyon ang buong pamilya habang siya ay nasa ibang bansa,” dagdag pa ni Dr. Banzon. Sa kasalukuyan, mayroong 2.52 milyon na OFW at 2.48 mi-

lyon na dependents ang sakop ng Overseas Workers Program (OWP). “Kung ang kontribusyon man ay P3.50 bawat araw o P7 kada araw, wala itong pagkakaiba lalo na at ang pagkakasakit naman ay hindi inaasahan,” ayon pa kay Dr. Banzon. “Ang halaga ng kontribusyon ay maliit na investment lamang upang maseguro ang kalusugan ng kanilang mga dependents sakaling may ma-ospital o maging ang panganganak ng asawa ng OFW,” dagdag pa niya. Sinasagot ng PhilHealth ang bahagi ng gastos sa kwarto, gamot, laboratoryo, bayad sa operating room at sa doktor para sa pagkaka-ospital ng hindi bababa sa 24 oras. Sakop din nito ang outpatient services, kabilang ang day surgeries at gamot sa kaso ng tuberculosis. Ang kwalipikadong dependent ng OFWs at ang aktibong miyembro ay mayroong magka-hiwalay na 45/araw ng pagpapaospital sa loob ng isang taon. Kabilang sa mga kwalipikadong dependent ang legal na asawa ng OFWs na hindi miyembro ng PhilHealth, anak na 20 years old pababa na walang asawa at trabaho, at magulang na 60 years old pataas.

Pinas Nagpautang ng Huwag Magpunta sa $1 Bilyon, OFWs Ang Syria-DOLE Makinabang HUWAG MANIWALA SA MGA RECRUITERS

manggagawa na nais pumunta sa Syria. Mariing sinabi ni Baldoz na hindi ligtas ang Syria bilang lugar kung saan maaaring magtrabaho ang mga OFW matapos ipag-bigay alam ng Philippine labor attache sa Damascus na si Angel Borja na nananatiling mabuway at patuloy na lumalala ang kondisyong pang pulitika at ekonomiya ng bansa. Sa ulat ni Borja kay Baldoz, sinabi nito na nanatiling nakataas ang Crisis Alert Level 4 sa Syria na idineklara ng Department of Foreign Affairs o DFA. “Sa ilalim ng alert level 4, ipinatutupad ang patuloy na “mandatory repatriation” ng mga Filipino mula sa Syria,” pahayag ni Baldoz. Nakapaglikas na ang gobyerno ng may 1,513 na mga manggagawa mula sa Syria magbuhat ng magsimula ang krisis sa pulitika sa nasabing lugar. Sa

bilang na nabanggit, 179 lamang ang dokumentado na nagpunta doon. Ayon pa sa ulat ni Borja mayroon pang 1,375 na OFW mula sa 3,053 na “repatriation applicants” ang sumasailalim sa proseso ng paglikas sa kasalukuyan. Sinabi pa ni Borja na nakapagtala ang embahada na mayroon pang 6,942 mga Filipino ang kasalukuyan pang nananatili sa Syria. Dagdag pa nito na tinatayang 100 bagong OFW na biktima ng “illegal recruitment” at “human trafficking” ang patuloy na dumadating sa Syria kada buwan. Ayon sa ulat ni Borja, ito’y sa kabila ng pagpapatupad ng gobyerno ng Syria ng bagong batas na nagpapatigil ng pagbibigay ng “entry visa” sa lahat ng Pilipino na nais magtungo sa bansa simula pa noong Abril 1, 2012.

$50 na Singil sa Bawat OFW Binawi

U

mani ng sangkatutak na batikos ang panukalang gawing $50 ang sisingilin mula sa mga umaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) upang gawing repatriation fund. Inurong ni Manila Rep. Trisha Bonoan-David, author ng House Bill 6195, ang kanyang planong batas na taasan ang singil mula sa mga OFWs. Sa kasalukuyan ay $25 ang sinisingil ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bawat umaalis na OFW. Isang 35-anyos na OFW sa Hong Kong na si Teresita dela Cruz ang nagsabi na “Baka ang akala ng HB author ay tinatae lang at pinupulot ang pera sa abroad. Hindi niya alam na matinding hirap at pagtitiis ang aming nararanasan, bukod pa sa sakripisyo bago kitain ang US$50 na gusto niyang kunin mula sa hardearned money o take-home pay na­ming mga OFW.” May mga OFWs naman na nagsasabi na tungkulin ng gobyerno na magkaroon ng repatriation fund para sa mga OFWs na siyang bumubuhay sa ekonomiya sa Pilipinas at hindi dapat na sila pa ang sisingilin.

c

S

OFW Dependents Scholarship Program Bukas Pa

c

f2fphwordpress.com

Romania-insider.com

inabi ng Malacanang na hindi dapat manghinayang ang mga Filipino sa US$1 bilyon na pinapautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa International Monetary Fund (IMF) dahil ang OFW na nakatira sa Europe ang makikinabang nito sa bandang huli. Sa kasalukuyan, nababalot sa financial crisis ang Europe kung saan maraming OFW ang namumuhay at nagtatrabaho sa iba’t-ibang industriya. Sa isang press conference, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, makakatulong ang ipapautang natin sa IMF sa European crisis na ang magiging resulta naman ay pabor din sa mga OFWs dahil kapag nakabangon ang mga negosyo sa Europe ay hindi mawawalan ng trabaho ang mga Pinoy. Ayon naman kay BSP Gov. Amando Tetangco na nais lamang tumulong ng Pilipinas sa pamamagitan ng dollar reserve nito sa global community partikular ang nakaharap sa financial crisis. “We are a member of the global community of nations and it is also in our interest to ensure economic and financial stability across the globe. The Philippines is a member of the International Monetary Fund which uses the contributions from its members to provide loans to countries going through financial difficulties to minimize its adverse impact on their people. For nearly forty years until 2006, the Philippines itself was a net borrower from the IMF,” sabi ni Tetangco sa isang interview.

M

tamayomanpower.com

c

aaari pa ring mag-aplay para sa OFW Dependents Scholarship Program (OFWDSP) sa taong 2012-2013, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-R1). Sakop ng scholarship na ito ay ang pinansiyal na tulong na nagkakahalaga ng P20,000 kada taong panunuruan o P10,000 kada semestro tungo sa baccalaureate or associate degree sa isang state college o unibersidad, ayon sa OWWA. Ang mga makukuhang karapatdapat o kwalipikadong aplikante ay may karapatan din para sa group health at insurance coverage sa halagang P100,000 sa bawat scholar. Sinabi ng OWWA na mula sa nakaraang na ang scholarship na ito ay hindi nag-uutos na sumailalim ang mga aplikante sa pagsusulit, sa halip, kailangan nilang ipasa ang entrance examination mula sa institusyong kanilang papasukan. Dagdag pa ng OWWA na ang mga OFW na magulang o kamaganak ng aplikante ay kinakailangang aktibong miyembro ng OWWA at mayroong sweldong hindi lalagpas sa $400 bilang isang pangunahing rekisito o pangangailangan. Ang mga OFW dependents na interesado sa nasabing scholarship ay maaari pa ring magpasa ng kanilang natapos na form sa opisina ng OWWA.

Daloy Kayumanggi

3

Balitang Pilipinas

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

PARA MAHABA ANG BUHAY

PARA AYUSIN ANG MGA LANGSANGAN

Mga Pinoy Hiniyakat Japan Nagpautang sa Pinas ng P21 Bilyon Na Kumain ng Gulay

A

c

Stock Photo

H

inimok ng National Nutrition Council (NNC) ang mga Filipino na ugaliing kumain ng mas maraming gulay para manatiling malusog at mas mahaba ang buhay. Hinikayat ng gobyerno ang publiko na dagdagan ang pagkonsumo ng gulay, palawigin ang pagtatanim nito sa bakuran ng bawat tahanan at tulungang umunlad ang mga lokal na magsasaka. Sa isang report, naitukoy ang hindi pagkain ng gulay at prutas ng mga Filipino ang siyang sanhi sa maraming sakit at pagkamatay ng maaga. Sa kabila ng pagbaba ng naitalang pagkonsumo ng gulay ng Pinoy, may pagmamalaking inihayag ng NCC, na isa ang central Luzon sa mga rehiyon na may magandang antas ng pagkonsumo ng gulay sa buong bansa. Nangunguna sa mga sakit na ikinamatay ng mga Filipino ang heart attack, stroke at diabetes na maaring malabanan at maiwasan sa pagkain ng maraming gulay at prutas. Naisabi rin sa report na mas marami sa mga Filipino ngayon ang kumakain na lang sa mga fast food dahil walang oras sa pagluluto sa bahay. Ngunit sinabi ng NCC na ang ganoong lifestyle ay may masamang epekto sa katawan ng tao dahil wala namang sustansya ang naidudulot sa mga pagkain na nakukuha sa fast food.

Proteksyon Ng Mga Inang Filipino Pinaigting c

wn.com

P

inaigting pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang k ampanya sa pagprotekta sa kapakanan ng mga ina. “Higit kailanman, ngayon mas kinakailangan na palakasin ang pagbibigay proteksyon sa ating mga ina,” ayon kay Dr. Eduardo P. Banzon, president at chief executive officer ng PhilHealth. Ito ay bilang pagtugon sa 2011 Family Health Survey ukol sa maternal deaths na ipinalabas kamakailan ng National Statistics Office (NSO). Ang pagk amatay ng mga ina dahil sa pagbubuntis o sa panganganak ay sanhi ng kakulangan ng pangangalagang medikal at pag-aalaga mula sa health facilities. Kaya

naman upang matugunan ang pangangailangang ito, sinimulan ng PhilHealth noong 2003 na magbigay ng serbisyo sa mga facility-based deliveries sa pamamagitan ng Normal Spontaneous Delivery (NSD) Package para sa mga accredited na pampubliko at pribadong ospital at Maternity Care Package (MCP) para naman sa mga non-hospital na pasilidad. Sa nakalipas na taon, pinalawak ang package mula sa sakop nitong unang panganganak na nagkakahalaga ang benepisyo sa ilalim ng NSD ng P4,500 hanggang sa ipinatutupad ngayon na ika-apat na panganganak na nagkakahalaga naman ng P8,000. Sa pamamagitan ng MCP at NSD, nasisiguro ang k abuuang

prubado na ng pamahalaan ng Hapon ang may P21 bilyong pautang sa Pilipinas upang gugulin sa patuloy na modernisasyon at pagmementena ng mga pambansang lansangan o national roads. Ipinahayag ni Department of Public Works and highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson sa ginanap na pagpapasinaya ng isang bagong road bypass project sa Bulacan, na magmumula ang halagang ito na katumbas ng Y400 milyon sa Japan International Cooperation Agency (JICA) sa ilalim ng Road Upgrading and Preservation Project o J-RUPP. Pangunahing makikinabang sa pondong ito ang dalawang pangunahing national roads ng bansa, ito ang Manila North Road na kilala sa tawag na Mac Arthur Highway na nagsisimula sa Monumento sa Caloocan na tatahak sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur hanggang sa dulong bayan ng Ilocos Norte sa hangganan ng Cagayan sa gawing hilagang silangan ng Luzon. Buhat naman sa boundary na ito ng Ilocos Norte at Cagayan, magsisimula ang kahabaan ng Daang Maharlika na tinatawag ring Pan Philippine Highway, Philippine-Japan Friendship Highway o DRT Highway. Umaabot ang highway na ito hanggang sa Davao sa Mindanao. Base sa mga dokumentong inilabas ng DPWH, may apat na phases ang paglalaanan ng proyekto, una na rito ang road upgrading kung saan lalatagan ng aspalto ang kahabaan ng mga national roads na kapantay ng kalidad ng isang aspaltadong expressway gaya ng bagong modernisa na North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX). Pangalawa, asset preservation contract, naman ang pagpapagawa ng mga sirang heavy equipment ng DPWH na matagal nang nakatambak sa ilang mga district offices nito. Iba pa rito ang pagbili ng mga karagdagang road heavy equipments tulad ng Grader, Bulldozer, Backhoe, mga Truck, Pison at iba pang may kaugnayan sa road construction at maintenance. Ikatlo, mas magiging regular na ang gagawing preventive maintenance na isasagawa sa mga national roads ng bansa. Halimbawa, kung ang isang bahagi ng kalsada ay may lamat

pangangalaga simula sa prenatal hanggang sa postnatal. Gayundin, kasama ang, “No Balance Billing (NBB)” o Walang Dagdag Bayad na polisiya para sa lahat ng mga miyembro. Wala nang dahilan ang mga ina upang mag-alala sa kanilang gagastusin kapag manganganak sa mga PhilHealth accredited na pasilidad. Upang masiguro ang implementasyon ng naturang package, inilunsad ng PhilHealth ang 1MOM (1Municipality, One MCP Provider) campaign. Layunin ng 1MOM Campaign na magkaroon ng PhilHealth accredited provider sa bawat munisipalidad. Ayon kay Banzon, “Maselan ang accreditation hindi lamang sa usaping pagpapabuti ng kalidad ng implementasyon ng mga panuntunan kundi ukol din sa pagsisiguro ng mga resources sa mga pasilidad. Ang perang makukuha ay maaaring ipagpagawa ng imprastraktura ng pasilidad, makabili ng mas maraming kagamitan.”

Civil Service Nagsagawa ng Nation Wide Photo Contest

A

c

wikipedia.org

na, hindi na ito patatagalin at agad-agad nang kukumpunihin na gaya pa rin ng isinasagawang preventive maintenance ng mga expressway sa bansa. Pang-apat naman dito ang institutional capacity development na magpapalakas naman ng kapabilidad ng mga kawani ng DPWH sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na training na may kaugnayan sa international standard on road maintenance. Bago pa man ipalabas ng Japan ang halagang ito, sabayang isinailalim sa matinding rehabilitasyon ang dalawang pangunahing lansangan sa bansa na partikular na kapwa matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan. Binigyang diin rin ni Sec. Singson na bukod sa dalawang pangunahing national roads, makakatikim din sa pondong ito ang iba pang national roads sa bansa. Katumbas ng P21 bilyong utang na ito ang halaga na ginastos sa bagong tayong SubicClark-Tarlac Expressway (SCTEX), na kapwa Japan rin ang nagpautang noong 2001. Samantala, ang nasabing utang ay kusang ipinagkaloob ng Japan sa Pilipinas bilang isa sa mga probisyon ng JapanPhilippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) na nilagdaan sa Helsinki, Finland noong 2006. Isa itong kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na naglalayong pag-ibayuhin ang kooperasyon sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, trabaho at hanapbuhay, agrikultura at imprastraktura gaya ng road and transport development.

c

tuklasinatin.com

ng Civil Service Commission (CSC) ay nagsasagawa ng photography contest para sa lahat ng manggagawa sa gobyerno bilang parte ng kanilang selebrasyon para sa 112th Philippine Civil Service Anniversary ngayong darating na Setyembre. Ang aktibidad na ito ay pinamagatang “Give it your best shot” at may layong bigyan ng pagkakataon ang mga photography enthusiasts sa gobyerno anuman ang katayuan o posisyon na kanilang pinanghahawakan upang maipakita ang kanilang talento, maliban sa mga manggagawang kasapi sa National Press Club at Press Photographers of the Philippines, ayon sa CSC. Ang mga entries ay kinakailangang sumasalamin sa tema ng patimpalak na “Kawani, Ikaw ay Isang Lingkod Bayani,” sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawang nagpapakita ng kahalagahan ng pampublikong serbisyo sa mga Pilipino sa pang araw-araw na buhay. Ang mga larawan ay kailangan ding nakuha kamakailan o simula 2011 hanggang ngayon at hindi dapat napahusay o nabago para sa mas malikhaing anyo.

Bukod dito, menor na adjustments o pagkakaayos tulad ng sharpening, contrast, o slight color adjustment lamang ang maaaring gawin. Ang mga larawang naisumite na nanalo sa ibang kompetisyon na nailathala at lumalabag sa karapatan ng isang tao ay hindi mapapabilang. Gayundin, bawat kalahok ay kailangang magpasa ng isang larawan na may sukat na 8R, colored at unmounted, kasama ang natapos na entry form na maaaring makita sa celebratepcsa.wordpress.com at CD na naglalaman ng soft copy ng kanilang larawan. A n g m a n a n a l o s a u n a n g p u we s to ay makapag-uuwi ng P20,000; sa ikalawang puwesto naman ay P10,000; habang ang ikatlong puwesto ay makakakuha ng P5,000. Ang iba pang sampung kalahok ay makakatanggap naman ng premyong konsolasyon na P1000 bawat isa. Ang mga entries ay mahuhusgahan ayon sa kahalagahan ng tema, pagkamalikhain, technique or pagkakagamit ng elemento ng potograpiya at maging ang kabuuang epekto o impact nito.

4

Promosyon

SEAFOOD CUP NOODLE NISHIN

짜10,000

for 3CASE 1CA 20CUSE PS

(Tagalog)

Toll-free:

0032-6308 Fax: 03-5825-0187

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Promosyon

5

6

Editorial

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Sales: Chen Hao chen@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com Philippine Correspondents: Michael Ligalig Japan Correspondents: Alex Milan Aries Lucea Jong Pairez Marilyn Obogne Philippine Staffs: Rhemy Umotoy Jaymee Columba The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

 www.facebook.com/daloykayumanggi

BEACH LIFE

K

apag summer, isa sa mga paboritong gawain ng mga tao ay ang pagpunta sa beach o dagat. Ang pagpunta sa beach ay nakakatulong upang maka-relax sa regular na pang-araw-araw na buhay at trabaho. Isa din sa mga benefits nito ay ang pagkaroon ng panahon sa sarili, sa pamilya o sa mga kaibigan. Pangatlo, ang paglakad-lakad sa buhangin o kaya ang paglangoy ay isang napaka epektibong paraan sa pag-ehersisyo. Kaya sa mga Global Filipino sa Japan, ngayong Agosto, pwede bang mahabol ang pagpunta sa beach

bago matapos ang beach season. Sa mga taga Kanto, ang isa sa pinakamadalas puntahan ng mga hapon at maging mga gaijin ay ang Shonan-Enoshima beach sa Kanagawa prefecture. Dahil hindi kalayuan, ang mga taga Kanto ay maaring pumunta sa ShonanEnoshima beach sa looob ng isang araw at di na kailangang mag-overnight stay. Pangalawa, maraming mga events ang ginaganap dito sa panahon ng summer. Pangatlo, ang ShonanEnoshima ay lugar ng mga “younger” crowds, kung kaya dinudumog ito ng mga kabataan

Paano Pumunta sa Shonan-Enoshima Beach Mula Tokyo / Shinigawa a) Sumakay ng Rapid express papuntang Fujisawa, lumipat sa Enoshima Dentetsu line at bumaba sa Enoshima station. Maari ring lumipat mula sa Fujisawa sakay ng OdakyuEnoshima Line at bumaba sa Katase-Enoshima station. (Pamasahe: 1,100yen, Haba ng byahe: 61 minutes) ni Erwin Brunio b) Sumakay ng Tokaido Line hanggang Ofuna, lumipat sa Mobile: 090-6025-6962 Shonan Monorail papuntang Shonan-Enoshima. (PamaEmail: erwin@daloykayumanggi.com sahe: 1,080yen, Haba ng byahe: 64 minutes)

Daluyan

Mula Shinjuku / Shibuya a) Sumakay ng Shonan-Shinjuku Line (rapid) hanggang Ofuna, lumipat sa Shonan Monorail papuntang Shonan-Enoshima.(Pamasahe: 1,190yen, Haba ng byahe: 66 minutes) b) Sumakay ng Shonan-Shinjuku Line (rapid) hanggang Fujisawa lumipat sa Enoshima Dentetsu papuntang Enoshima.(Pamasahe: 1,160yen, Haba ng byahe: 71 minutes)

Mga pwedeng gawin Sa buwan ng Hulyo at Agosto, ang paboritong gawain ay mga marine sports kagaya ng surfing, sailing, beach volleyball at syiempre ang paglangoy-posing sa beach. Ang ibang pwedeng gawin sa Enoshima ay ang pagpunta sa Enoshima Island. Maraming mga ancient temples, museums, parks at iba pang atraksyon ang isla. Sa pagkain naman, ang isa sa pinaka famous ay ang shirasu-don (hilaw na maliliit na isda at kanin). Marami ring mga barbeque o inihaw na mga seafood na halos bawat lugar Maari ding pumunta ng Kamakura (Kotokuin Giant Buddha) bago o pagkatapos pumunta sa Enoshima. Makakabuting kunin ang JR Kamakura-Enoshima pass para sa unlimited travel sa nabanggit na mga estasyon sa loob ng isang araw. Sa Kamakura, ang pinaka-attraction ay ang Great Buddha (Kotokuin, Enoden Hase Ano pa ang ginagawa mo? Yayain mo na ang pamilya at kaibigan mo at i-enjoy ang buhay ng isang Global Filipino. Isang Pilipino na balanse ang buhay, buo ang loob sa pagtulong sa pamilya at pagtulong sa sarili. Kaya bigyan mo na ng panahon ang iyong sarili na lasapin ang sarap ng tagumpay …sa beach!

references: www.wikitravel.org/en/Enoshima para sa karagdagang impormasyon sa Enoshima www.wikitravel.org/en/Kamakura para sa karagdagang impormasyon sa Kamakura www.jorudan.co.jp/english/norikae/ para sa ruta, pamasahe at oras ng byahe

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

7

Global Filipino

Subversive Lives Book Launching in Tokyo

I

n July of this year, the book “Subversive Lives: A Family Memoir of of the Marcos Years (2012)” was successfully launched at Miyagi Hall in Meiji University, Tokyo. Filipino scholars and Japanese academics alike attended the event with spirited exuberance despite the gloomy ambiance of the rainy weather that day. I was there to document the event with my Japanese friend who is involved in a group who supports victims of domestic violence. Outside the hall window as the heavy clouds continue to thicken suggesting a storm, the co-

author and editor of the book, Professor Nathan Quimpo has already explained to the audience how the social storm in the Philippines exploded in 1970’s and was later popularly known to the media as the First Quarter Storm. That was when immense poverty and social disparity began to realize under the predatory regime of Ferdinand Marcos. Later on, as Prof. Quimpo describes, when Martial Law was declared all student organizations, groups and individuals critical to President Ferdinand Marcos were illegalized. Given the social condition at that time, seven out of ten Quimpo siblings were attracted to various leftist organizations By: Jong Pairez and got involved in the underground dmpairez@up.edu.ph revolutionary movement against Marcos dictatorship. One of them was killed and the other one disappeared. The desire to share their story of hardship, sacrifice, tortures, tragedies and the life in the underground during the Marcos years made the Quimpo siblings to publish it in a book.

Global Pinoy

At the book launching, following after Prof. Quimpo’s introduction, a scholar in Philippine history Professor Ambeth Ocampo of Ateneo de Manila University shared a key note speech emphasizing the importance of documents and memoirs as valuable materials for historians. In this case, the said book as written by the Quimpo siblings themselves is one example in which he also likened it to a connect-the-dots puzzle. This is because the narratives compiled in this book has its obvious singularity, which made the book very unique to read. Borrowing the word of late Filipino historian Teodoro Agoncillo, Prof. Ocampo emphasized to the audience that: “No document, no history!”. Indeed, the book is a proof of history- a history of young and the brightest generation of Filipinos who shed their lives for freedom and democracy. The rain continue to drizzle as if the day is hopeless for a slight glimpse of sunshine. This was the same feeling when Professor Kiichi Fujiwara of Tokyo University made his comment about the book. By implying the obvious fact that after toppling down the dictatorship by the famous People Power, no essential change has occurred much on the lives of poor Filipinos. Worst, the same vicious cycle of government corruption continued to persist even until now. Without a glimpse of hope, this sad reality is enough for anyone to have a strong feeling of resignation. But then again as Vicente Rafael wrote on the introduction of the book, he said that, “The great value of this book lies less in conveying the lessons of this past as in enacting its unrealized possibilities and embodying its unsettling afterlife.” It is this promise for a future that is yet to come that made Subversive Lives a threat to a bankrupt state of reality in the Philippines. There is sunshine after all at the end of the rain.Professor Nathan Quimpo is teaching Political Science and International Relations at Tsukuba University. Shortly after he was expelled by the Communist Party of the Philippines during the unpleasant debate in 1992-1993 he went back to the academe and earned his master’s degree in international relations at the University of Amsterdam, then got his doctorate in political science and international relations at the Australian National University. He is an author and co-editor of various books on Philippines and Southeast Asian politics.

Daloy Kayumanggi

9

Gabay sa Global Filipino: Pinansyal

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Pagsubaybay sa Budget Susi sa Financial Freedom mga gastos ng iyong credit card na may default sa kanilang mga item na depende sa uri ng pagkonsumo. Kung hindi man lamang gamitin ang mga pahayag sa bangko, gumawa ng isang pagsusuri sa bawat buwan ng mga expenditures. Kapag magsimulang ipatupad ang sistema ng kontrol ng paggasta at pagsubaybay nito, inirerekomenda na gumawa ng isang pagsisikap at subukan na kumuha ng maraming detalye hangga’t maaari. Sa katunayan, ang prosesong ito ay makakatulong upang mas mahusay na maunawaan kung ano ang tiyak na mga item ang gagastusin ng pera upang mapabuti ang istraktura ng budget. Mula tatlo hanggang sa apat na buwan ay malamang kumportable na sa a pagbuo ng isahang budget, (mas Mayroong mga kasangkapan na maaaring sapat na proseso o may natutunan ang mabuti buwanan), kinakailangan itatag makatulong: mula sa isang kahon ng sapatos ilang mga likas na alternatibo upang gawang isang sistema para sa pagsubaybay puwedeng mag-ipon ng resibo ng nagastos. ing simple ang antas ng detalye ng pagat pagkontrol sa gastos na nagbibigay-daan Makatulong ito kung gusto mong mag-review babadyet. upang ihambing ang halagang buwanang na- ng mga gastos sa nakaraang araw o linggo. Sa wakas, ang susi sa magandang finangastos laban sa budget. Maaring ito ay mahirap Para sa mga regular na gumagamit ng credit cial na pamamahala (financial manageipatupad ngunit kailangan ang determinasyon card at “internet banking”, ang ilang bangko ay ment) ng isang sambahayan ay magkasanna makamit ang layunin. nag-aalok ng mga online tool upang suriin ang c

escapeartist.com

ib na pagpaplano at pinagkasunduan badyet (mahaba at maikling-matagalang) sa magasawa at mga anak. Sa katunayan ang tao ay hindi magbibigay ng sapat na kahalagahan sa pagpaplano at mas komportableng kumikilos nang malaya. Kung walang-aayos sa mga istraktura at mga pamamaraan sa paggasto, nagbibigay ito ng gulo sa ulo sa bandang huli. Gayunman, sa maraming mga aspeto ng buhay, ito ay pinatunayan na “hindi pagtupad sa plano, ay mabibigo sa pagpaplano.” Ang susi sa financial freedom ay makamit sa pagdisiplina natin sa sarili sa lahat na panahon.

S

Paraan Para Makatipid sa Gasolina at Pera

c

consumercouple.com

P

ataas ng pataas ang presyo ng gasolina at lalong nagbibigay bigat sa budget ng pamilya. Sa paggamit ng sasakyan, maari tayong makatipid sa gasto sa gasolina kung gawin natin ang mga sumusunod. Sa pagmamaneho, ang mabilis na pagdrive sa highway ay nakakatipid ng gasolina hanggang 33%. Kung safe ang daan at walang curve, bilisan mo na ang sasakyan. Piliin ang sasakyan na hybrid o fuel-efficient. Ang mga lumang sasakyan ay napatunayan na mas malakas kumain ng fuel. Mag-research at maghanap ng sasakyan na kasya sa pamilya at tipid sa gasolina. Patayin ang aircon at buksan ang bintana ng sasakyan. Pag walang aircon, nakakatipid ka ng gasolina mula 5 hanggang 25%. Huwag maglagay ng mga bagay-bagay sa roof ng sasakyan at ito’y dagdag bagahe lang at lalong madagdagan ang pagkonsumo ng gasolina. Linisin ang loob ng sasakyan at alisin ang mga bagay na hindi kailangan sa trunk. Kung malapit lang ang pupuntahan, bakit magdadala pa ng extra tire? Kung magaan ang sasakyan, maliit lang ang gasolina na magagamit.

Alamin Ang Wastong K Pangangalaga sa Bank Account c

Sync-blog.com

asama sa financial management ay ang wastong pangangalaga sa iyong personal bank accounts lalo na kung ikaw ay mahilig sa online banking. Narito ang mga paraan kung paano maiayos ang iyong finances sa bangko. 1. Huwag kalimutang suriin ang mga bank statements. Kung matanggap mo ang iyong bank statement maging ito ay printed o online statement, seguraduhin na nareview mo ito. Marami ng mga pagkakataon na nagkamali ang isang bangko sa kanilang financial record sa isang client. Kaya dapat alerto ka sa lahat na naka-record para maituwid agad kung may kamalian man. 2. Kung ikaw ay mahilig sa online banking, kailangang gumamit ng mahirap na password na mukhang imposible ma-hack. Ang password ay dapat walang impormasyon tungkol sa iyong birthday, trabaho, pangalan ng mga anak, tinitirahan, etc. Pagsabayin ang letra, numero, at symbols. Maraming tools at sistema ang mga hacker na ma-guess ang iyong password, kaya dapat baguhin mo ang iyong online bank account password bawat dalawa o tatlong buwan. 3. Pumili ng bangko na mas mababa ang fees at charges. Hindi kailangan na tumutok lang sa isang bangko habambuhay. Mag-explore ka sa offer ng ibang mga bangko baka makatipid ka pa. Dahil sa kompetisyon, maraming mga bangko ay may mas magandang offer sa’yo.

c

blogspot.com

Iwasang nakaandar ang sasakyan kung hindi ginagamit. Mas maraming gasolina ang nagagamit kung naka-on ang engine ngunit hindi tumatakbo ang sasakyan. Pag-isahin ang lahat na mga trip. Kung maraming short trips sa isang araw, lalong magasto ito sa fuel. Sabayin na lahat na pupuntahan. Magtanong sa car shop kung meron ba silang “car overdrive gear”. Ang gear na ito ay nagpapahina sa engine speed. Kung hindi mo kailangan ng mabilis na pagtakbo, ang gear na ito ay nakakatulong sa pagtipid ng gasolina. Huwag masyadong dependent sa car mo. Maglakad, magbike, sumakay ng bus o train kung hindi ka nagmamadali at malapit lang ang puntahan. Mag-organize ng carpool sa kapitbahay. Sa ganitong sistema, isang sasakyan lang ang gagamitin sa dalawa o tatlong pamilya. Paghatian nalang ang gastos sa gasolina. Sa pagbili ng luma o bagong sasakyan, magtanong muna sa mga car expert sa inyong lugar kung anong car ang may pinakamabisa na paraan para makatipid ng gasolina.

4. Sa paggamit sa ATM, lalo na kung nasa Pilipinas ka, doble alerto ang iyong mga kilos. Maraming mga modus operande na nakapaligid sa mga ATM booths. Hindi mo lang alam na baka matagal ka nang sinubaybayan. Huwag isulat ang iyong PIN sa ATM sa iyong bag o pitaka. Kung mawawala ang iyong bag at nariyan ang iyong ATM at nakasulat ang PIN, seguradong maglaho ang laman ng iyong account. 5. Huwag hayaan ang mga financial na dokumento o bank statement na nakakalat sa iyong kwarto o sala. Hindi pa alam ng mga bata ang kahalagahan sa mga papel na iyon. Baka paglaruan nila. Kailangang nakatago sa isang safe na box o lugar ang lahat na financial records/documents. 6. Mag-ingat sa mga public Wi-fi zones kung saan ikaw ay gagamit ng iyong laptop o smartphone sa pagtransact sa bangko. Maraming mga hacker na maaring makaintercept sa iyong account number sa mga public wifi na area katulad ng coffee shop o airport. Maiwasang ma-compromise ang iyong mga bank accounts kung gawin mo ang mga nasabing hakbang. Maari ka ring magtanong sa iyong bangko para sa karagdagang impormasyon sa pangangalaga sa iyong bank account.

10

Gabay sa Global Filipino: Pinansyal c

Paano Makatipid sa Laruang Pambata

Kidsandtoys edublogs.org

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Pwedeng sa next Christmas na ibibigay ang mga laruang nabiling bilang Christmas gift. 6. Maghanap sa mga online sites kung merong mga coupons na maari mong i-printa at gupitin. Malaking tulong ito para makaipon ng pera. 7. Pakiusapan ang mga anak tungkol sa kahalagahan sa pagipon ng pera. Ipaliwanag sa kanila na mas importante ang pagsama-sama at maglaro ng mga katutubong laruan. Sabihin sa mga bata na mas importante ang kanilang edukasyon at pagkain kay sa mga laruan. Maitindihan nila ito kahit maliit pa sila.

A

lam natin na ang mga laruang pambata ngayon ay lalong naging expensive kaysa nuon. Nababawasan ang budget sa pamilya kung laruan na ang pinag-usapan. Ang mga bata kasi humihingi talaga nang laruan. Wala naman sigurong bata ang hindi mahilig maglaro. At saka ang laruan ay kailangan para sa kanilang brain development at creativity. Narito ang mga paraan paano makatipid ng pera para sa laruan ng mga bata. 1. Magkaroon ng toys party. Maari itong isabay sa isang birthday party. Maghikayat sa ibang mga magulang na magdala sila ng mga laruan. Pagkatapos, mag-swap ng laruan ang mga bata. Kasi naman, ang mga bata madaling ma-bored sa isang laruan. Ang toys exchange ay epektibo na paraan na hindi ka na bumili ng bago at makaipon ng pera. 2. Huwag ng bumili ng expensive na laruan. Hindi naman talaga kailangan yon. Mabilis lumaki ang mga anak natin. Hindi mo lang mapapansin na sa susunod na taon ay ayaw na nila ang expensive na laruan na binili mo. Pumunta sa mga thrift or bargain store kung saan mabibili ang mga murang laruan. Magugulat ka na meron palang magagandang laruan na hindi gaano kamahal. 3. Alamin kung merong rummage sales sa mga kapitbahay. Dito ka makabili ng magagandang laruan sa talagang maba-

Daloy Kayumanggi

bang presyo. Baka may kaibigan ka na maglipat bahay at ayaw na nila dalhin ang maraming bagay. 4. Gumawa ng sariling laruan at ito ay ipakita sa mga anak kung paano mo ginawa. Nuong una, hindi naman talaga bumili tayo ng laruan at ang mga magulang natin mismo ang gumawa nito. Tayo mismo ang gumagawa ng laruan. Nakatulong sa paglago ng utak at sining kung ang bata mismo ang gumawa ng sariling laruan. Magresearch sa Internet at mabasa mo ang sangkatutak na gabay para sa paggawa ng sariling laruan. Mapapanuod mo rin sa Youtube ang daming paraan sa paggawa ng mga ito. 5. Kung gusto mo talagang bumili ng laruan, gawin mo ito pagkatapos sa Christmas kasi malaki ang discount sales kung “after Christmas.” Ang pag-shopping “before Christmas” ay mabigat sa bulsa dahil mahal pa ang mga bilihin. c

youbentmywookie.com

Mag-Ingat sa TV Ad Bakit Kailangan Turuan c

B

awat tao o henerasyon, iba’t-ibang strategy ang ginamit ng mga kompanya para mabibili ang kanilang produkto. Sa mga hindi maingat, madali silang maaakit sa mga sinasabi sa ads na kahit ito ay walang kabuluhan. Isa sa pinakamabisang paraan sa advertising ngayon ay ang pagkuha ng attensyon sa mga bata kung saan napipilitan ang mga magulang na bumili sa mga bagay na hiningi ng anak. Dahil sa advertising na napanuod nila sa TV, nagkaroon ng “desire” ang isang bata ngunit hindi nila alam kung tama ba ito o mali. Kaya nga ang mga Hollywood producers ngayon ay abalang-abala sa paggawa ng cartoon o animated film dahil doble ang profit nila dahil sa mga pambatang movie. Tingnan mo nga kung may bata na mag-isang nanunuod ng animated film sa theatre/cinema – wala! Sa lahat na panahon, ang bata ay may kasamang magulang o di kaya ang buong pamilya ang sinasama. Kung apat ang anak mo, apat na movie ticket din ang bilhin mo para manuod ng isang cartoon movie. Ang ibig sabihin nito ay tinatarget ngayon ang mga bata para mapagkitaan. Hindi naman ito masama pero kung hindi ka maingat, maaring maubos ang iyong pera sa mga

Klinwin.com

hinihiling ng iyong anak. Tingnan lang ang mga patalastas sa Pilipinas, halos lahat ay may kasamang bata. Bata ang ginawang frontline sa mga patalastas sa fast food. Emotion ng magulang ang kinuha sa patalastas sa mga pagkain kung saan pinakita ang masayang mga bata. Sa halip na impormasyon tungkol sa kalusugan at kung ano ang sangkap sa pagkain, hindi ito pinakita sa mga patalastas. Kahit sa patalastas sa mga high-tech na gadget, mga bata na rin ang ginagamit para maakit ang mga nakakatanda na bumili. Nais lang namin na linawin na walang masama sa pagbibili ng mga bagay-bagay. Pero tandaan, merong mga wants at needs. Merong urgent at merong maaring kalimutan lang. Kung nais mong masubaybayan ang iyong budget at madisiplina ang sarili na hindi gumasto sa mga hindi kailangang bagay o serbisyo, huwag magpaloko sa advertising. Mag-research at pag-aralan ang mga produkto na pinakita sa patalastas. Tandaan ibang-iba ang pinakita sa mga ads sa TV kay sa reality nito. Sa pangangalaga sa iyong family finances, huwag hayaan na ang mga anak mo ang sumira.

Ang Bata Tungkol sa Pera

O

bligasyon ng magulang na turuan ang kanyang anak ng tamang pamumuhay sa mundo. Bukod sa mga mabuting ugali at pagmamahal sa sarili at sa kapwa, kailangang matuto ang bawat bata kung paano mag-ipon. Habang bata pa sila, dapat alam na nila ang kahalagahan ng pera para sa mabuting pamumuhay at para makatulong sila sa iba. Kung wala kang pera, paano ka makakatulong sa iba kung bawat minuto ay kailangan tayong maghanapbuhay para kumita ng pera! Una, maaring ang mga magulang ang magbigay ng pabuya sa kanilang mga anak para maakit silang mag-ipon. Halimbawa, sa bawat piso na naiipon ng mga bata maaaring tumbasan ng mga magulang ang naipong halaga ng parehong halaga (o mas higit pa) depende sa halaga at oras na nagawa ito ng bata. Maaaring pahintulutan ang bata na bilhin ng kanyang “wants” o anumang gusto niya mula sa kanyang savings. Maipakikita nito ang isa sa mga prinsipyo na isinusulong natin kung saan ang “wants” ay maari lamang bilhin gamit ang investment income/passive income. Halimbawa, kapag naipon

c

milwaukeemamas.com

ng bata ang ilang bahagi ng kanyang allowance at napatunayan na niya sa kanyang mga magulang na kumita na siya ng passive income. Para maisagawa ang mungkahi natin, kailangang may tinatanggap ang bata na regular allowance. Hindi naman kaugalian na bigyan sila ng sobrang allowance. Hinihimok sila na magbaon ng masustansiyang pagkain. Bibigyan lamang sila ng kaunting halaga para bilhin ang mga maliliit na bagay na gusto nila. Kaya naman sa murang edad pa lang ay natuto silang humanap ng mga boteng iniwan lamang at pagkuha ng mga deposito nito. Sa ganitong paraan, nasanay nila ang isang uri ng entrepreneurship sa maagang edad. Hahayaan ang mga bata na maging malikhain, makakahanap sila ng paraan para maging independent lalo na sa mga usapin tungkol sa pera. Hindi na dapat sabihin pa na tungkulin ng mga magulang na turuan ang mga anak na maging matapat at matipid. Kailangan na maipakita ito sa gawa at ugali ng mga magulang at sa ganun, mayroong modelo ang mga bata kung paano mag-ipon ng pera at magbigay ng halaga nito.

Daloy Kayumanggi

11

Gabay sa Global Filipino: Pinansyal

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Paraan sa Pag-gastos Para Makaipon ng Pera

M

aari kang makaipon ng pera kahit sa mga gastusin kung gagawin ang mga sumusunod: Huwag i-sakripisyo ang badyet sa pamilya sa isang araw na pag-shopping. Kailangang ang self-control. Ang pagpaplano kung paano gumasto upang maka-save ng pera ay makakatulong na pananatilihin ang iyong budget. Ang pagtingin ng mga sale items at mga kupon ang ilan sa positibong hakbang sa tamang direksyon sa maayos na pag-iisip at pagpaplano. Magtakda ng isang makatotohanang budget at gawin ito. Ang pagbabadyet ay makakatulong sa iyo upang malalaman mo kung saan pupunta ang iyong pera. Ito ay makakatulong na mas madaling makita kung saan maaari mong tipirin at gumawa ng mga pagsasaayos sa iyong paggasta. Sa ilang mga pangako at pagbabago ng pamumuhay, maganda kung panatilihing namamalagi lang sa limitasyon ng badyet. May mga pangunahing pangangailangan na nagkakahalaga ng paggasta dahil ito ay mahalaga para sa iyong kalusugan at seguridad. Ito ay ang mga bagay na hindi ka mabubuhay kung wala at dapat ay itakda sa iyong badyet. Ito ang pagkain, transportasyon, silungan, at damit. Itala ang iyong paggastos upang mayroon kang makikita na subaybayan kung saan ang iyong pera pupunta sa bawat buwan. Madaling matandaan ang mas malaking bill tulad ng

mortgage, ngunit ito ay madaling mawala ang bakas sa paggastos. Pagkatapos magtala sa iyong paggastos sa kung anu-ano mabibigla ka sa kung magkano ang iyong ginasto sa pelikula, pagkain sa labas, mga arkila sa video at iba pang maliliit na mga item. Ang pagiging conscious ay makakatulong sa iyo upang mahanap ang paraan kung paano maka-ipon ng pera. Ito ay maaaring magdagdag ng hanggang sa isang makabuluhang pag-save sa bawat buwan. Laging tandaan na gumawa ng isang listahan kapag pumunta ka ng shopping mall. Kung dalhin lamang ang halaga ng pera na kailangan mo upang bumili ng iyong mga item, ito ay pumipigil sa iyo mula sa pagbili ng mga bagay na hindi mahalaga. Ihambing ang mga presyo at hindi limitahan ang iyong mga pagpipilian sa isang tindahan lamang kaysa sa bumili ng madalian. Maaari mong i-save ang pera sa pamamagitan ng pag-conserve ng kuryente. Siguraduhing naka-off ang mga kasangkapan na hindi ginagamit. At ihambing ang iyong buwanang bill ng kuryente sa isang regular na batayan. Iwasang magoverdue sa iyong mga bills para makakuha ng discount sa mga kumpanya. Bumili ng damit sa katapusan ng panahon ng bilihan para mas mababa ang presyo ng maraming item na espesyal sa

c

investmint.com

katapusan ng taon. Ang iyong badyet ay dapat isang kabuuan na kasama ang pera sa damit upang makasigurado sa halaga ng iyong badyet. Magpasya sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Kilalanin ang mga item na kailangan mo at ang mga item na gusto mong magkaroon. Tandaan na dapat mo lamang bumili ng mga bagay na mahalaga at kailangan. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paraan na maaari mong sundin upang maka-ipon at panatilihin ang iyong badyet.

AT SA MATAGAL NG NAGSAMA:

Financial Planning Para sa Bagong Mag-Asawa c

teamannett.com

SISTEMA

pamilya ang dapat atubilihin. Kahalagahan ng Pagpaplano

Kailangan sa mag-asawa na magkaroon ng sistema sa loob ng pamamahay. Sino ang tagahawak ng pera? Sino ang dapat Magsisimula tayo sa isang pang-matagalang pagpaplano. Ito bumili nito? Dapat alam sa isa’t-isa ang tungkulin at responsiay tungkol sa pagtatakda ng mga layunin at ang layunin kung bilidad at maliwanag sa bawat isa ang mga dapat gawin. Mas saan ang trabaho dapat simulan. Kabilang dito ang mga bagay lalong maiwasan ang conflict kung may sistema sa paghawak tulad ng: kailan magkakaroon ng anak, pagbili ng bahay, pagbili at paggasto ng pera sa bahay. ng kotse, pag-iipon para sa pagtatanda at pagreretiro, at bukod sa iba pang mga bagay. Ito ay dapat tiyakin hangga’t maaari at RULES, RULES maitaguyod ang mga tinatayang petsa at halaga. Sa simula, dapat maliwanag na sa bawat isa kung ano-ano ang BUDGET

K

ung mayroon ka nang asawa at ngayon nagsimula ka ng mag-alala tungkol sa kung paano pamahalaan ang mga pananalapi sa bagong buhay, ito ay maaaring maging isang problema. Maraming pag-aaral ang ipinapakita na ang isa sa mga nangungunang dahilan ng diborsiyo ay ang problema kung paano pangasiwaan ang pananalapi sa bahay. Kapag ang tao ay mag-aasawa na, ang financial na posisyon na ng bagong

Ang pangunahing kailangan ay ang badyet ng pamilya. Ito ay lubos na mahalaga na ang pangunahing mga tao ay kasangkot sa pagpapatupad ng badyet na ito at ang huling resulta ay batay sa mga desisyon na pinagkasunduan. Ang bawat proseso na nasasangkot ng paghahanda ng isang badyet prioritization sa mga iba’t ibang paggagasta na kung saan nais maglaan ng magagamit na pera. Sa kasal, ito ay kumplikado dahil, ang priority para sa isang lalaki ay hindi palaging itinuturing na isang priority para sa mga babae at vice versa. Ito ay kailangan ng maraming kapwaunawa at sa isang tiyak na antas ng sakripisyo upang makamit ang isang napagkasunduan na badyet.

kanilang priority sa tahanan. Baka hindi alam ng husband na nauubos ang pera sa paggasto ng cosmetics sa asawa. O kaya baka hindi alam ng wife na nauubos ang pera dahil pinapadala sa mga kapatid na nangungutang. Itatag ang mga patakaran kung saan pupunta ang pera. Mayroon tayong tinatawag na conjugal gains para sa magasawa. Ang ibig sabihin nito na sa panahon na ikaw ay nagasawa, ang kita mo ay kita para sa lahat. Iba ang patakaran sa milyonaryo kasi kanya-kanya talaga sila. Pero ngayong hindi pa tayo mga bilyonaryo, isipin na ang kita sa bawat isa ay kita para sa lahat. “What I have is yours and what you have is mine,” ika nga. Mas lalong sasarap ang pagsasama ng mag-asawa sa panahon na hindi nag-aaway tungkol sa pera.

AnnVee 080-3754-0325

Sexy mini yukata ¥ 2,980 each

Sexy mini dress ¥ 2,980 each or 4 pcs for ¥ 10,000

Korea No. 1 Hit item

Denim pants Made in Korea

Sexy long dress 1 pc = ¥3980 3 pcs = ¥10,000

Shoes

MORE ITEMS AWAITS HERE AnnVee Fashiontrend

www.facebook.com/#1/annvee.fashiontrend

12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13

14

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Daloy Kayumanggi Japan Travel on a Budget

M

apalad tayong nabigyan ng oportunidad na manirahan sa napakagandang bayan. Tanyag sa buong mundo ang mga natural and man-made wonders ng Japan, at marami pa dito ay kabilang sa UNESCO World Heritage Sites. Hindi natin matatanggi na mataas ang standard of living ng Japan. Marami sa ating mga kababayan ang mag dadalawang isip, kung hindi man pag- isang tabi na lamang ang pagbisita sa mga tourist spots. Hindi nga naman biro ang magagastos sa isang out-of-town trip. Ngunit huwag natin sayangin na hindi masilayan o ma- experience ang kagandahan ng bayang tayo ay pinalad na maging bahagi. Hilig ko talaga ang maglakbay at madami na din akong napuntahang lugar dito sa Japan. With a family of 4, we have to be creative when traveling, para lubos kaming makatipid. Minsan pa nga dala dala pa namin sa loob ng hotel room ang lunch naming lutong bahay.

TIPID TRAVEL TIPS 1. Hotel booking sites – Ang laki ng mura kung ikaw ay gagamit ng hotel booking sites online, kung ikukumpara sa direct booking. Lalo ka pang makakamura kung gagamit ka ng Japanese websites like travelrakuten.com and jalan.net. Dahil may mga offer sila na hindi mo makikita sa ibang websites like, mas murang rate kung mag late check in ka. One time pinili naming mag late check in ng 7:00 P.M., to save us almost 40 percent on accommodation cost. Most hotel front desk naman will accept your luggage any time of the day, so deposit nyo lang ang luggage nyo, tapos go around already and enjoy the sights till check-in time. 2. Avoid shinkansen and other train travel – Marahil nasa top of the list ang Japan na may pinaka mabisang rail system. Pero efficiency comes with high cost. May iba namang options sa train travel na mas mura. Budget airlines – Ang ilan sa atin ay nakasakay na sa mga kilalang budget airlines pag uwi sa Pilipinas tulad ng Jet Star at Cebu Pacific. So alam natin na budget means no frills, no service airlines, kaya they can cut the cost of air travel. May kasikipan din ang mga ito, pero konting tiis lang naman, mahaba na ang isang oras at kalahating flight time. Kasalukuyan nagseserbisyo ang Jet Star, Air Asia at Peach within Japan. Ferry – May katagalan ang byahe ngunit malilibang ka naman sa mga ferry, dahil karamihan dito ay may mga onsen, maliit na pub o restaurant at tulugan. Highway buses – So far ito ang pinaka paborito kong alternative. Bilang isang Pinoy, it brings me back sa mga overnight na byahe ko from Manila to Baguio. Natutuwa ako sa katahimikan ng long bus travel, para makapag isip isip na hindi natin nagagawa sa ating mga busy work schedule. May mga comfort rooms ang karamihan ng mga bus, at may option ka din kung gusto mo ng silyang naihihiga, o apatan or tatluhang upuan sa bawat hilera. Of course, pag mas kumportable mas mahal ang singil. 3. Bring everything from home – Tuwing kami ay bumabyahe, sinisugurado namin dala namin ang halos sa lahat na gagamitin naming sa byahe. Bakit mo kekelanganin bumili ng 150 yen na tubig sa vending machine or combini store, kung kaya mo naming magdala ng sarili mong thermos or pet bottle and refill it sa mga drinking fountains. Bakit kailangan mong bumili ng 2,000 yen na worth ng towel or kapote sa Disneyland kung kaya mo naman itong bitbitin galing sa bahay. 4. Skip on entrance fees – The best things in life are free. Most national parks naman sa Japan are free. Major temples naman may bayad, usualy 300 to 500 yen. My style I choose to pay for one and skip the others. Minsan naman mas maganda pa ang external structure rather than the inside. Sa mga museums naman, kalangan mo lang ng advance research. Karamihan sa mga museums ay may mga araw na libre mong mabibisita. Tulad na lang dito sa Osaka, walang entrance fee ang most museums and even zoos, for around 2 weeks during the summer months. 5. Magplano ng maaga – Importante ang pagplano ng maaga, bukod sa may oras ka ng magipon pwede mo bang ma i-adjust ang travel holiday mo kung kailan may transport at hotel sale. Madami ding mga hotel booking sites and transportation companies ang may mga early booking discount. Hindi dapat gumastos ng malaki, kelangan lang tayong maging creative at maging matyaga sa pagplaplano ng ating bakasyun. Ugaliing mag kumpara ng presyo at mag research lagi online for sale and discounts. Halina at ating tangkilikin ang kagandahan ng bansang Hapon !!!

A

15

Global Filipino

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life

By: Aries Lucea

2. Tennoji Zoo – I love animals, but I do not like the idea of them being in cages. Kumpara sa ibang zoos na aking napuntahan, masasabi ko naman na Tennoji Zoo tried in a way to replicate as much as possible, ang original habitat ng ilang hayop na makikita dito. With over 1,000 animals in the zoo, kiddies would really have a day of endless fun watching them. Entrance fee is 500 yen, 16 years old and below are free. The entrance fee also includes a free pass sa Tennoji Botanical Park na katabi lamang ng zoo. 3. Spa World – Name it, they have it! European theme baths which includes Finnish cold bath, open air Spanish bath with water falls, Atlantis bath na yari sa glass floor with fish and baby sharks underneath, grand Roman bath at napakadami pang iba. Syempre there is the typical Japanese onsen with cherry blossoms around. Nandyan din ang Balinese inspired theme bath. At para naman sa hindi mahilig sa onsen, mayroon din water park with swimming pools for all ages. Meron din water slides at lazy river that takes you around habang nakasakay ka sa sulbabida. Napakadaming pang iba pang water at bath attractions dito. It also has a hotel and an arcade. Ang kahanga hanga pa dito, ang lahat ng ito ay nasa loob ng isang 8- floor building sa may Shinsekai district, near the Tennoji Zoo. Spa World is definitely a must for relaxation and family fun!!

Osaka with Kids

ng Osaka ay isa sa pinkamalaking syudad ng Japan. Ito rin ay aking tinuturing pangalawang tahanan. We are currently raising two toddlers in the city. Both very active kids; and as parents, we wanted them to experience different things the city has to offer. We consider ourselves lucky, dahil napaka child-friendly ng Osaka, at napakadaming pwedeng puntahan ng mga bata both residing here locally and tourists alike. Para sa mga magulang na nais bumisita sa Osaka itong ang aking top list…...

Osaka with Kids Best 5

1. Universal Studios Japan (USJ) – Kung ang Tokyo ay mayroong Disneyland, ito naman ang sagot ng Osaka. Naging palaruan na ng aking mga anak ang USJ, having bought an annual pass for 2 consecutive years. Lubusang nakakalibang sa dahilang napakaraming pwedeng gawin sa lugar na ito. Tulad ng pagtang-kilik sa napakaraming attractions and shows dito. Ang Osaka theme park has rights to the gang of Sesame Street, Peanuts, and Hello Kitty too. Habang ang anak kong lalake ay libang na libang sa mga characters ng Sesame Street, hindi naman matapos ang pag hanga ng aking anak sa tuwing masisilayan si Kittychan.

4. Osaka Aquarium Kaiyukan – Kaiyukan roughly translated as sea play, is one of the largest aquariums in the world. The theme is Pacific Ring of Fire, Ring of Life. Ipinakikita dito na sa kabila ng Pacific belt being prone to natural disasters such as, earthquakes and volcanic eruptions, the region is still gifted with vast natural wonders of sea life. Simply by watching 2 gigantic whale sharks swimming in the huge tank, sulit na ang entrance fee. 5. Osaka cuisine- Lastly, but definitely not the least. Call me bias, ngunit para sa akin, walang tatalo sa sarap ng local cuisine ng Osaka sa bansang Hapon. Okonomiyaki at Takoyaki –marahil alam na ng karamihan na Osaka is where these two dishes originated. Nothing beats eating mouth-watering Japanese pizza (okonomiyake) and octopus balls (takoyaki) right here in the city. Kushi-katsu – bite size meat and veggies, dipped in creamy batter then deep fried. Kansai is known for its food culture so eat out a lot and enjoy our city’s many choices. A note of caution lang po, please watch your diet and cholesterol, considered rich and oily ang Osaka cuisine kung ikukumpara sa ibang parte ng Japan.

Tara na at bisitahin nyo ang Osaka at maglibang kasama ang buong pamilya !!!

16

Komunidad

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SUZUKA/KAMEYAMA FILIPINO COMMUNITY (SKFC) SKFC is a church-based organization open for all Filipinos regardless of religion. The group embraces ecumenism. CORE-GROUP OFFICERS Coordinator : DANIEL M. PADILLA JR Asst. Coordinator : JOFRI "APOLLO" SUAZO Secretary : ROSANNA R. PADILLA Treasurer : SHERILL JIMENEZ Auditor : MILA MATSUYAMA Committee Heads: Music Ministry - Jofri "Apollo" Suazo Liturgical Ministry - Rosanna R. Padilla Children's Catechism- Jet Souda, Sherill Jimenez Education Formation- Daniel M. Padilla Jr. Socio/Cultural - Perla Kishimoto Kameyama Community Contact Heads- Cherry Ruby Kuminato Pastoral Coordinator: Sr. Nora Jaurigue, SFIC More info: Daniel (080-3682-5241)

Activities

2nd Inter-Mie Filipino Sportsfest

Lugar: Seibu Taikukan nagasawa-chou 1828-2 suzuka-shi mie Araw: August 12, 2012 (Linggo) 8:30 AM – 7:00 PM Aktibidades: Basketball, Badminton, Volleyball, Children’s Game Para sa detalye: 080-3682-5241 (Daniel) 090-1729-3861 (Rosanna) 090-6576-4013 (Sherill)

Sumali na kayo!

Ang lahat ng mga images ay mula sa mga miembro ng SKFC (Daniel Padilla, James Benga, Rosanna Ranque-Padilla)

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Financial Literacy Series

Tungo sa Daang Matuwid Alex R. Milan

CAPTURING THE FUTURE NOW! If financial stability is what we are aiming for, now is the time to capture it, and nurture it over time. To capture something requires deliberate preparation, persistent actions and enduring patience. If you want to achieve financial stability, you need learn four basic things.

1.Capture

Your Future by dreaming.

The Holy Bible says, ‘When there is no vision, the people will perish.’ When we stop dreaming, we stop progressing. In today’s world, we cannot afford to stop progressing, otherwise we soon become irrelevant or extinct! Sapagkat ang mga pangarap ang nagbibigay kulay, nagbibigaysigla, nagdadala sa atin sa higit na magandang kasalukuyan. Regardless of our current situation or our past failures, we should not let go of our dreams. Kahit ano pa ang nawala o sino pa ang naglaho sa buhay mo, dapat tuloy pa rin ang pangarap. Dahil habang may buhay, may pag-asa, kaya hindi tayo dapat tumigil sa paggawa ng panibagong pangarap. Kailangan ‘keep on dreaming’ para kung biglang magbago ang ihip ng hangin ng pagkakataon, mayroon kang patutunguhan. This is the first step in capturing your future - never stop dreaming.

2.Capture

Your Future by systematic planning.

If you fail to plan, then you plan to fail. Kung gusto nating ma-achieve ang minimithi nating financial stability, we have to follow a systematic plan. Kung pupunta ka ng Quiapo at manggagaling ka sa Caloocan, dapat alam mo kung saan ka sasakay o dadaan upang makarating ka ng Quiapo ng mas mabilis. In our financial planning towards stability, we have to develop the habit of savings. Form the habit first, bago ang lahat. Once you have developed the habit, start saving for liquidity. Cash is king, as we are always told. You need to have enough cash to meet your daily needs and your emergencies. Ito po ang una nating pag-iipunan – personal liquidity. Our suggestion is build an emergency fund in cash of equivalent to six months of your monthly budget. Idagdag na nating itabi ang isang buwang suweldo as our operating fund para hindi natin laging inaabangan ang dating suweldo bago tayo makapamili ng pangangailangan natin. Kapag na-achieve mo ito, you are on your way in capturing your future now. Hindi ka na isang kahig, isang tuka, ‘di ba! Kapag tinanong ka, ‘may cash ka?’, ang sagot mo ay isang simpleng ngiti at mapagpakumbabang, ‘Mayroon naman’. Pagkatapos saka tayo puwedeng mag-save for short-term investment. Short-term investments are those investments which can immediately produce additional benefits for you in a short while. Ito yung makakatulong para magkaroon ka ng additional income or those assets that can reduce your regular expenses. Halimbawa, imbes na nagbabayad ka ng renta sa iyong tirahan, kumuha ka ng property na yung rentang ibinabayad mo ay paghulog mo na sa amortization ng

17

iyong bahay. Huwag munang magarbong tirahan, yun munang abot-kaya ng iyong budget para hindi mabawasan ang puwede mo pang ma-ipon. Mag-ingat sa sales talk na magbubuyo sa atin na bumuli ng higit sa kaya nating i-sustain sa darating na mga panahon. Then, save for legacy or para sa mga pamana mo. Kailangan ang magulang may pamana sa mga anak. Hindi yung utang ang naiiwan sa mga mahal sa buhay. Ang sakit na nga ng kalooban dahil naiwan mo na sila, naging pabigat pa ang iyong pagpanaw dahil ang iniwan mong pamana ay ang iyong mga utang. Kung legacy o inheritance ang iyong iiwanan, mag-ipon ka ng pambili ng lupa. At dahil para sa iyong future generation naman yan, bumili ka ng murang lupain na balang araw ay tataas din ang valor nito. At kung papalarin, baka ma-develop yung lugar na yon, e, di doble-doble ang magiging halaga nito para sa iyong mga anak at apo!

3. Capture

Your Future by protecting yourself.

Ang pinakamahalagang asset natin ay ang ating sarili. Health is wealth so we must take care of our body for the sake of our dreams; for the sake of our loved ones. However, we do not know our life span. We also can not anticipate accidents, calamities and sicknesses. So, to capture our future now we must have protection through insurance. We are being practical by covering ourselves with insurance such as SSS, Pag-IBIG, Philhealth, life insurance, personal accident insurance, medical insurance, even memorial plans. When we protect ourselves, we are actually protecting our dependents. It is our responsibility to ensure that our loved ones will not suffer financially when something untimely or accidentally happen to us.

4. Capture

Your Future by managing your limited resources

We can capture our future by exercising proper stewardship of our limited resources. Let us adopt the saying, ‘kapag maliit ang kumot, magtiis na mamaluktot’. Live within our means. This requires discipline and humility. It pays to be humble and simple. Mahalaga na hindi butas ang ating lalagyan upang makaipon tayo. We can postpone luxuries for the time being. The earlier we start building our savings, the earlier we can enjoy luxuries in life. There is a time for everything and everything has a season. Teach our young the value of stewardship and you will never regret it.

5. Capture

Your Future by trusting God

The most important decision one can make is to secure his eternal destiny. When Christ cried out on the cross, ‘It is finished!’, He declared that anyone can actually have eternal life if he believes on what Christ did on the cross – settling the penalty of sins; and by trusting Him as our saviour, we can have eternal life. Your eternity is captured and secured if you have Christ in you regardless of who you are and what you have done. Just come. Just as you are. For any comments, you may contact me at 080-4385-8040. Salamat po. Hanggang sa susunod na pagtahak natin sa daang matuwid.

18

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Daloy Kayumanggi BUHOK

ANAK: Bakit po si Itay wala ng buhok? Nanay: Marami siyang iniisip. ANAK: Eh, kayo po, bakit marami kayong buhok? Wala ba kayong isip? Nanay: Huwag kang maingay diyan.

Q and A Question: Kung ang removal of breast ay mastectomy, ano naman ang removal of bad breath? Answer: Don’t talk to me.

HIRIT NI LOLO Lolo: Laro tayo. Lola: Ano? Lolo: Kahit ano, huwag lang taguan. Lola: Bakit naman? Lolo: Because a girl like you is hard to find.

TANONG Tanong: Anong puno ang laging okay lang? Sagot: Fine Tree. T: Sino ang paboritong wrestler ng

mga baboy? S: The Rock T: Ano ang sabi ng utot sa sanitary napkin? S: I am the wind beneath your wings. T: Bakit mahirap mag mahal ng anesthesiologist? S: Kasi, manhid. MALING AKALA Umiiyak si mister sa nitso ni misis. MISTER: (Umiiyak) Tabinge! Tabinge! Inayos ng sepulturero ang kabaong MISTER: (Tuloy sa pag iyak)Tabinge! Inayos muli ng sepulturero ang kabaong. MISTER: (Lalong lumakas ang palahaw) Tabinge! Tabinge! Sepulterero: (pikon) Hoy, tabinge ka nang tabinge. Pagod na ako sa kaaayos. MISTER: bakit ba, eh, sa Tabinge ang pangalan ng asawa ko?

ISDA Pedro: Pare, ‘di ba, mangingisda ka? Meron akong tanong sa’yo. Natutu-

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Iwasang mag-init ang ulo upang makaiwas sa hindi pagkakaunawaan o alitan. May mga tao kang makakausap na mangangailangan ng paliwanag at pangunawa kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 40, 42 at brown.

VIRGO Ago. 23 - Set. 23

Lumayo sa mga makukulit at mapagbirong kaibigan dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali kung mapipikon. Maaaring magalit ka na siyang magdadala ng katamlayan. May gagawing pangako na hindi kayang gawin kaya dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 33, 44 at jade green.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Kung balak maglakbay, dapat ituloy. Malaking tulong ang paglalakbay sa sarili o sa negosyo. Dobleng ingat ang dapat gawin dahil magiging makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 23, 33 at orange.

19

Libangan

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

log ba ang isda? Felix: Ewan ko lang pare, sa tagaltagal ko nang nangingisda, hindi pa ako nakakita ng isdang may dalang banig.

PAYONG Sa classroom, wala pa ang teacher. ‘Yung makulay na payong lang niya ang nasa mesa. Makalipas ang 15 minuto, umalis na ang mga estudyante. Kinabukasan, pinagalitan ng teacher ang mga estudyante. TEACHER: Kung nandiyan ang payong ko, ibig sabihin, present ako. Nang sumunod na araw, nagulat ang teacher pagpasok niya sa classroom. Alam mo ba kung bakit? Mga payong lahat ang mga nasa upuan.

WOMEN’S PRAYER Women’s prayer at the age of 18 Lord, give me a cute man! 25 Give me the best man! 32 Give me a right man! 40 Give me a man!

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

Magandang pagkakataon dahil may makikilalang tao na makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na pangangailangan. May pagkakataon na makadalo sa isang pagtitipon na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 27, 38 at citrine yellow.

SAGITARUIS Nob. 23 - Dis. 21

Ipagpaliban ang transaksiyon o lalakarin. Kung may duda, tiyak na kapahamakan ang resulta kaya huwag ituloy. Kung may binabalak, ipagpaliban muna pansamantala dahil palpak ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 21, 32 at aqua blue.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 19

May intriga sa iyo at kung mag-rereact, may matutuwa dahil kinaiinisan ka. Magingat dahil may naiinggit at hindi natutuwa sa iyo. Huwag patulan kung ano ang maririnig upang maiwasan ang hindi kanais-nais na mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 27, 38 at white.

50 Maging sino ka man! 60 Maawa ka naman!

KURTINA Tindera: Sir, bili na kayo ng kurtina. Juan: Sige, bibili ako para sa aking computer. Tindera: Bakit po sa computer? Juan: ‘Di ba, may windows ‘din’yun

HARD TO GET

IPIS Maid: Ma’am nang wala kayo nakalulon si Junior ng ipis Ma’am: Eh, nasaan ngayon si Junior? Maid: Tulog po, Ma’am. Pinainom ko kaagad ng Baygon. Patay na siguro ang ipis!

CHEMISTRY CLASS Professor: What are nitrates? Blond student: They are more expensive than “day rates”

SA GITNA NG DIGMAAN Pedro: Sumuko na kyo! Wala rin kayo mapapala. Terorista: Susuko lang kami kung

AQUARUIS Ene. 20 - Peb. 18

Ingatan ang mga

kagamitan lalo na ang mga mahahalagang bagay dahil posibleng mawala ito. Mataas ang iyong tiwala sa sarili at mapapamalas ang kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Huwag sayangin ang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 25, 33 at red.

PISCES Peb. 19 - Mar. 20

Maging sa bahay man o sa trabaho, susubukan ang iyong pasensiya at pagtitimpi. Kung gustong hindi mapasubo, dapat ay magpakahinahon at magtimpi. Huwag magpadalos-dalos dahil kapahamakan ang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 25, 41 at mustard yellow.

ARIES Mar. 21 - Abr. 19

Huwag magmukmok at mag-isip na walang ginagawa dahil tiyak na walang mapapala. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at sasabayan ng sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 37, 42 at royal blue.

mai-spel mo yong ceasefire? Pedro: Ituloy ang laban! patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng krisantimum sa inyong libing! Terorista: Spell chrysanthemum? Pedro: Sabi ko rose, bingi ba kayo? Laban kung laban..walang spelingan

BOY: Miss, pwede magtanong? Anong oras na? GIRL: Nagtatanung ka ng oras? tapos tatanungin mo name ko? tapos hihingin mo number ko? tapos liligawan mo’ko? tapos after 1 month pacharming akung sasagutin kita.. tapos bibisita ka sa bahay.. tapos magde-date tayo.. tapos syempre pakipot naman ako.. tapos dadalhin mo ako kahit saan lang.. tapos mi mangyayari sa atin.. tapos mabubuntis ako.. tapos papakasal tayo.. tapos bubugbugin mo lang ako! at paano na ang mga bata natin?! Hindi! Hindi ko sasabihin kung anung oras na! BOY: (speechless)

TAURUS Abr. 20 - May. 20

Magandang balita ang matatanggap. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira lang ang iyong tiwala. Ang gagawing desisyon ay maaaring magdulot ng magandang bunga at pakinabang. Makakasagupa ng taong sinungaling o mambobola kaya magingat. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 35, 41 at violet.

GEMINI May. 21 - Hun. 21

Maghanda dahil maaaring may matanggap na gantimpala sa mga kabutihang ginawa o sumbat sa pagkakamali. Kapakanan ng pamilya bago ang sarili ang siyang dapat unahin. Matutulungan mo ang isang kamag-anak o kaibigan sa kanyang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 15, 28 at purple.

CANCER Hun. 22 - Hul. 20

Matumal ang negosyo ngunit magiging inspirado naman sa lahat ng bagay. Magaan at masigla ang damdamin dahil sa pag-ibig. Naaayon ang panahon upang makipag-date subalit iwasan ang usaping selos dahil pagsisimulaan ito ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 21, 29, 33 at red.

20

Daloy Kayumanggi

Balitang Sports

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

PHL Flag Bearer sa London Olympics Weightlifter

K

inumpirma ng Philippine Olympics Commission (PO C) na si Hidilyn Diaz, Olympic weightlifter, ang magiging flag-bearer ng Pilipinas para sa nalalapit na London Olympics. Iba pang pinagpipilian ay ang shooter na si Brian Rosario, swimmer Jasmine Alkahaldi at Judoka Tomohiko Hoshina, ngunit kinonsidera nila ang schedule ng mga laban ng mga ito. Karangalan para sa mga taga-Mindanao na mapili ang kanilang kababayan para magdala ng bandila ng Pilipinas. Ang London Olympics ang ikalawang Olympics ni Hidilyn Diaz kung saan nakasama siya sa Beijing Olympics noong 2008. Pinananalangin ng POC na matatapos na ang pagpapah-

Hidilyn Diaz weightlifter c

flickr.com

inga ng Pilipinas sa pag-uwi ng medalya mula sa malakas na contenders na sina Mark Barriga, Daniel Caluag at sa 21 yearold flag bearer na si Diaz. Samantala, sa labing-isang atletang lalaban sa London Olympics, si Barriga ang nag-iisang Pinoy na boksingero ang nakikitaan ng malaking tsansa na makasusungkit ng gintong medalya ayon sa artikulong inilabas ng Agence France-Press. “He has a very good chance of winning in his weight category. He seems to have the spirit and determination to win,” sabi ng POC. Sinabi rin ni Ed Picson, ang executive director ng ABAP, sa AFP na hindi nila ipapadala si Barriga sa Olympics kung hindi nila ito nakitaan ng kakayahan na maipanalo ang laban.

Gary David Nangunguna Philippine Memory Team Umani ng Gold Medal sa Botohan sa PBA MVP Gary David Basketball Player

M

atapos ang matagumpay na kampanya sa Thailand International Open Memory Championship campaign kung saan nagreyna sa women’s side, nakatutok si Mary Sharmine Deldio-Dianquinay (Philippine Memory Team) sa panibagong international title sa nalalapit na 2012 Australian International Open Memory Championship sa Melbourne, Australia sa Nobyembre 16 hanggang 17. Ang 18-anyos na University of the Philippines (UP) Manila Campus 3rd year BS Speech Pathology student ay nanguna sa distaff side sa Mind Festival at 5th Thailand International Open Memory Championships noong Hulyo 7 sa Kasetsart University sa Bangkok sa event na inorganisa ng Association of Creativity Memory and Play (ACMP) na may basbas ng World Memory Sports Council tampok ang 260 mental athletes. “I hope to do well in Australian International Open Memory Championship,” sabi ni Dianquinay, ipinagmalaki ng LNJ Pop Music and Academic Tutorial Services sa Lores Plaza, Antipolo

City. Ang Philippine Memory Team ay dinomina ang 5th Thailand International Open Memory Championships matapos makopo ang 10 gold medals. Ang iba pang miyembro ng Philippine Memory Team ay sina First Filipino Grandmaster of Memory (GM) Mark Anthony Castañeda ng Mandaluyong City, Roberto Racasa, Graceille Mae Habab at 10 year old whitz kid Jamyla Lambunao ng St. Scholastica Academy of Marikina, Anne Bernadette Bonita ng Caloocan City, Cristine “Eon” Barao ng Parañaque City, Ian Roi Spencer Betiong at Blessie Mae Ayalde ng Pasig City at Princess Grace Mendoza ng Antipolo City. Susunod sa torneo ng Philippine Memory Team ay ang 2012 International Memory Championship sa Melbourne, Australia ang prestihiyosong World Olympic Memory Championship sa Disyembre 14 hanggang 17 at sa London, England.

"Filipino Flash" Donaire Kalabanin si Arce Jorge Arce Boxer

N

c

pba-online.net

angunguna si Gary David ng Powerade Tigers sa karera para sa Most Valuable Player (MVP) Award ng Philippine Basketball Association (PBA). Nasa unahan sa listahan si David matapos kumolekta ng mataas na puntos sa statistical points (SPs) category para sa naturang tanyag na individual award. Ito ay may SP’s average na 34.0 sa kayang 49 na inilaro sa edisyong ito habang pangalawa si Arwin Santos ng Petron Blaze Boosters na may 31.7 SP’s average. Nasa ikatlo si James Yap ng B-Meg Llamados hawak ang 29.0 average kasunod sina Talk ‘N Text Tropang Texters Jason Castro na may 28.8 at Mark Caguioa ng Barangay Ginebra Kings na may 28.0 Si Caguioa ang Best Player of the Conference sa nakalipas na Commissioners’ Cup na siyang nagbigay sa kanya ng awtomatikong nominasyon para sa MVP award. Magugunitang noong nakaraang taon ay nasungkit ni Jimmy Alapag ng Talk ‘N Text ang MVP title.

c

15rounds.com

L

alaban uli si WBO/IBF Super Bantamweight Champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. (29-1-18 KOs) sa Oktubre laban sa mapanganib na Jorge Arce (60 wins, 46 knockouts) na idaraos sa tanyag na Staples Center na balwarte ng Los Angeles Lakers. Sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum sa Philboxing.com na inihanda na nila ang detalye para sa aabangang laban na aniya ay “is about ninety percent sure.” Ayon kay Arum, nais niyang isagawa ang laban sa Staples Center pero binigyang-indikasyon na “it’s not easy to clear a date but that’s the first choice. They are working on clearing a Saturday date for us in October.” Napagwagian ni Donaire ang bakanteng WBO Super Bantamweight title habang nasungkit ng Mexican na si Arce ang belt sa 12th round TKO laban kay Wilfredo Vazquez, Jr. ng Puerto Rico noong May 7, 2011. Nakasagupa naman ni Donaire si Vazquez para sa bakanteng WBO Super Batamweight crown at nagyari sa twelve round split decision noong Pebrero 14, 2012 sa Alamadome, San Antnio, Texas. Sa kanyang huling laban, nagwagi si Donaire ng IBF title laban kay Jeffrey Mathebula ng South Africa noong Hulyo 7. Pinabagsak ni Donaire ang matangkad na South African sa 4th round sa isang matulis na left hook.

PHL Track & Field Umarangkada sa Vietnam Open

M

c

pinoymiler wordpress.com

uling umarangkada ang National Track and Field Squad nang humataw ito ng dalawang ginto, dalawang pilak at dalawang tanso sa 19th Ho Chi Minh International Track and Field Championship - Vietnam Open na ginanap sa Thong Nhat Stadium sa Ho Minh City, Vietnam kamakailan. Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Josei Malacad nang angkinin nito ang dalawang ginto, isang pilak at isang tanso sa naturang torneo na nilahukan ng malalakas na koponan sa rehiyon kabilang na ang South Korea, Thailand, Indonesia, Malaysia at Singapore. Nakamit ni Malacad ang gintong medalya sa women’s

400 meter hurdles sa bendisyon ng isang minuto at 2:30 segundong naitala. Pumapangalawa si Nguyen Thi Thuy ng Vietnam na may inilistang isang minuto at 3.57 segundo kasunod ang katropa nitong si nguyen Thi Huynh na may isang minuto at 7.79 segundo. Minanduhan din si Malacad ang women’s team kasama sina Lorna Olarita, Maureen Schrijvers at Kiezel Pedrina sa pagkuha ng ikalawang ginto ng Pilipinas mula sa 4x400meter relay. Nagdagdag pa ng pilak na medalya si Malacad sa women’s 400 meter dash kung saan inilista nito ang 57.04 segundo sa ilalim ng gold medalist na si Nguyen Thi Thuy ng Vietnam na may 56.45 segundo.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

"Paalam Dolphy S

a pagpanaw ng Philippine Comedy King, Dolphy, naitutok ang eulogy na binibigay ng kanyang long-time partner na si Zsa Zsa Padilla na lubos nagpapasalamat sa maraming tao. Pinasalamatan din ni Zsa Zsa ang TV5 sa pagri-renew ng kontrata kay Dolphy at ang patuloy na pagbibigay ng talent fee kahit hindi na raw nakakapag-taping ang Comedy King. “In loving the man I came to accept….Hindi po naging madali lahat ng ‘yun. Pero he was worth it. “Hindi ko na kailangang balikan ang nakaraan. Saksi kayo sa lalim ng pagmamahal na ibinibigay ni Dolphy sa akin. At napatunayan niya nga sa loob ng 23 years kung gaano kalalim at katatag ang aming love story,” pahayag ni Zsa zsa. Nagbigay din si Zsa Zsa ng kanyang huling mensahe para sa lalaking nakasama ng mahigit sa dalawang dekada. “To Dolphy, thank you very much for being so proud of me; for giving me my two girls; for being so thoughtful; and for doing your best to provide for us. Kung mayroon siyang kapintasan, ’yun ang pagiging sobra niyang mapagbigay. Mahirap magsabi sa kanya na may gusto kang bagay kasi kung mahal ka niya, gagawin niya ang lahat para maibigay niya sa’yo,” sabi ni Zsa Zsa. Samantala, maging ang president ng bansa na si

Rodolfo Quizon, Sr. "DOLPHY" Comedy King c

Paalam Dolphy

Vilma Santos Naging Hi-Tech Gumawa ng Twitter Account Vilma Santos Actress/Senator c

The Healing Movie

Sa isang presscon, naitanong kung tutuo bang nagkaroon ng Twitter account si Batangas Gov. Vilma Santos at ito ang naging sagot niya: “Hindi ko sasabihin kung sino ako.”

21

Balitang Showbiz

Tinuruan daw siya nina Janice de Belen, Pokwang at Direk Chito Roño nu’ng nagsu-shoot sila. “Alam ko na ang nangyayari….nagbabasa ako ng ng Twitter every day and before I sleep and when I wake up. Marunong na ako,” sabi ni Vilma. “Dito lang sa pelikulang ito ( The Healing) nakabili ako ng iPad3, nakabili ako ng iPhone...Malay kong gamitin ‘yan! Basta meron akong cellphone na Blakberry, pero rito, literally tinuruan nila ako. Pagkaturo sa akin, ‘Bili ka, bili ka, dali, dali!Dala ko na sa set

Pres. Noynoy Aquino ay naglabas din ng official statement at mensahe hinggil sa pagpanaw ni Dolphy. Narito ang official statement ng Malacañang: “Mabuting tao si Dolphy, at kinatawan niya ang karaniwang Pilipino: malalim magmahal, masayahin, may respeto sa kapwa, at handang harapin ang mga hamon ng tadhana. “Nagmula siya sa isang henerasyong mapagpakumbaba, matapat at matulungin. Hindi kailanman niya tinalikuran ang mga kaibigan, at ang sambayanang naging bukal ng kanyang mga tagumpay. “Sa loob ng mahabang panahon, ipinakita sa atin ni Dolphy na anumang pagsubok ay may katuwang na pag-asa at ligaya; mulat siyang anumang problema ay mapangingibabawan ng positibong pagtanaw sa kapalaran. “Binago niya hindi lamang ang kanyang industriya, kundi maging ang pambansang kamalayan: sa pamamagitan ng kanyang sining, pinalawak ni Dolphy ang ating pananaw, at binigyan tayo ng kakayahang suriin, pahalagahan at hanapan ng ngiti ang mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino. “Ang pagpanaw ni Rodolfo Quizon, Sr. ang nag-iisang Hari ng Komedya ay tiyak na nagdudulot ng lumbay sa isang bansang matagal niyang pinasaya,” sabi ng Presidente sa Pilipinas.

at tinuruan ako ru’n, abangan n’yo na lang! Ang ginagawa naman namin ngayon is direct message!” kuwento ng Star for All Seasons. At ito naman ang sabi ni Vilma para sa mga kritiko sa mga artista sa Twitter. “Naaawa rin ako ru’n sa mga artista natin na… Kaya sinasabi nila, huwag masyado kasi ang dami nang artista na naapektuhan ng Twitter. Hindi na kasi personal, eh, nahahalo na. Wala ‘yun nu’ng araw, eh. “At sa klase ng mga status ng mga artista natin ngayon nababastos….may mga bashers. Hindi deserve ng mga artista rin ito na matagal nang nasa industriya. Pero because of this technology parang hindi nagiging maganda tuloy ‘yung status ng mga artistang naghihirap din naman para sa industriyang ito. Parang ganu’n na lang kadali para siraan ka…. Hindi, eh, hindi tama,“ pahayag ni Vilma.

Erap Nagpa-stem cell Angelu de Leon Balik Theraphy para Bumata Teleserye na Naman

Erap Estrada Actor/President c

Public stock photo

Inamin na ni Erap na sumasailalim siya ng Stem Cell therapy na naging sekreto sa pagbabalik ng kanyang lakas. Kaya pala bumata at ang sigla-sigla ngayon ng dating Pangulong Joseph Estrada ay dahil sumailalim na ito sa ilang beses na stem cell sa Germany. At epektibo raw ito sa kanya kaya maliksi na siyang magkikilos ngayon. Milyones ang halaga ng per session ng stem cell at ilang artista na rin ang naengganyo na ito ay subukan para bumalik ang dating lakas ng katawan at makaiwas sa kung anu-anong sakit. Kung meron na sanang stem cell procedure sa mga ospital dito sa ‘Pinas, pwede itong subukan sa mga matatanda na. Pero sa Germany pa lang ito available at ang malayo at matagal na biyahe ang hindi kakayanin ng iba. Kamakailan naiulat na sumasailalim din sa stem cell therapy si Senate President Juan Ponce Enrile, Ilocos Gov. Chavit Singson, at iba pang mga mayayaman na Filipinong may edad na.

Hiyang daw sa pagiging mommy si Angelu de Leon dahil kahit na bagong panganak ito ay maganda pa rin at lalong nagmumukhang bagets. Pruweba lang ito na happy and contented si Angelu sa kanyang love life ngayon plus maganda ang takbo ng kanyang career. Angelu de Leon Very supportive naman ang kan- Actress yang husband at pinapayagan pa c phstars.com rin siyang mag-showbiz. desisyon sa buhay, wala namang Sabi kay Angelu ng mga dating pinaghinayangan si Angelu dahil kaibigang entertainment press, masaya siya sa kanyang pagiging naka T.G.I.S look daw siya at kung asawa at ina. hindi alam ng lahat na may mga Markado ang naging role niya anak na siya, puwede pang punoon sa teleseryeng Koreana at masang leading lady. Ang T.G.I.S Sisid. Pero excited siya sa kanyang ay show noon ni Angelus a GMArole sa Hindi Ka Na Mag-iisa dahil 7 na pinagtambalan nila ni Bobby super-salbahe at bad girl talaga Andrews na kanyang mister. siya at pinahihirapan sina Glydel Magaling na artista si Angelu de Mercado at Jennylyn Mercado. Leon. Medyo nawawala lang sa May eksenang itutulak niya si Jenlimelight kapag nai-inlove. Nanylyn at ninerbiyos si Angelu na kakalimutan ang career at hindi saktan si Jen. nakikipagkumpitensiya sa ibang Pero with Direk Gil Tejada, nagawa kasabayang artista. nitong maging realistic ang ekseSa lahat ng kanyang naging na.

Sharon Pumasok sa Bilibid Prison

Sharon Cuneta Actress/Singer/Model c

chuvachienes.com

Sa isang episode sa show ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5, pumasok siya sa Bilibid Prison para magkaroon ng taping sa loob mismo ng maximum security area. Pagpasok pa lang niya ay nagkagulo na ang mga bilanggo na walang nalaman sa pagbisita ng sikat na actress sa bansa. “Dalawang magkaibang kaso ang tinutukan namin. Isang nadamay sa isang celebrated case sa Cebu, saka isang nakapatay dahil sa sobrang pangangawawa sa kanya,” sabi ni Sharon. “Napakasakait ng mga karanasan nila, du’n mo mararamdaman na napaka-blessed natin… dahil nasa buhay na malaya tayo. Maraming nakabilanggo na nandu’n pa rin hanggang ngayon dahil wala silang capacity na maipaglaban ang sarili nila,” kuwento ng Megastar. At sa kanyang pag-iikot ay meron siyang nalamang tatlong bading niyang tagahanga ang nakakulong ngayon dahil sa pagkakadamay sa isang nagsaradong ahensiyang pinaglilingkuran ng mga ito. “Maysakit ang isa, dinalaw ko siya. Maganda ang hospital nila sa Maximum Security, naaalagaan sila nang maaayos. Kilala ko siya, alam ko na regular siya sa mga shows ko noon. Meron pa siyang pictures namin. Tatlo silang nandun ngayon, nakalulungkot, pero I know one day, magkakasama-sama na uli kami sa labas,” dagdag ng Meagastar. “Nu’ng palabas na ako, pinabaunan pa nila ako ng mga obra nila, may nagsketch sa akin, hindi pala nakakatakot pumasok sa kinaroroonan nila,” huling sabi ng Megastar.

22

Balitang Showbiz

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Isko Moreno Na-miss ang Showbiz

Showing ng The Bourne Legacy Inaabangan sa Buong Pilipinas

H

N

agsimula nang mag-bilang ng araw ang mga Pilipino para sa premiere ng Hollywood film na The Bourne Legacy na halos kalahati sa pelikula ay ginagawa sa Pilipinas. Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ipapalabas sa August 5 ang premiere ng naturang pelikula sa Resorts World Theatre. Matatandaang maraming Pinoy ang naperwisyo nang mag-shooting sa ilang piling lugar dito sa Pilipinas sina Bourne Legacy stars Jeremy Renner at Rachel Weisz. Tumagal halos dalawang buwan na nakatira sa Manila ang mga cast at crew sa The Bourne Legacy habang nagso-shooting. Makikita sa unang trailer clip ang makapigil-hiningang motorcycle chase ni Renner sa lansangan sa Maynila na sinamahan pa ng mga nagsasalpukang jeepney at taxi. Inaasahan ng MMDA at ng pamahalaan na ang pelikula ay makakatulong sa paglago ng turismo sa bansa. May mga scene rin na kinuha sa Palawan. Matatandaan na nag-courtesy call ang leading actor na si Jeremy kay Pres. Noynoy Aquino pagkatapos ng shooting.

Daloy Kayumanggi

Isko Moreno Politician/Actor c

pssst.com.ph

alatang-halata na nami-miss ni Isko Moreno ang pagiging kasali sa showbiz matapos nitong napanayam sa isang showbiz talk show sa TV5. Matatandaan, nauna nang nagsisikat sa That’s Entertainment ang love team nina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta, Lotlot de Leon at Ramon Christopher, Tina Paner at Cris Villanueva. Si isko Moreno naman ay bahagi ng Magnificent 7 na ipinakilala ni Kuya Germs sa show. Masipag at matiyaga si Manila Vice-Mayor Isko at nagsikap na maabot ang kanyang pangarap sa buhay. Nang kunin siya ng Seiko Films at

gumawa ng pelikula, sumunod si Isko sa mga trend na bold movie. Hindi naman tinago ni Isko para i-deny na nagpasexy din siya at nakalabas sa ilang bold movies. Ito ang isyung ibinabato ngayon sa kanya ng kanyang mga kaaway sa politika, lalo na’t malapit na naman ang eleksyon. Pero sa lakas ng loob at tibay ng dibdib ni VM Isko ay hindi siya basta magpapadala sa mga black propaganda ng mga kalaban. Marami na siyang pagsubok na pinagdaanan sa buhay. Marami na siyang digmaang sinagupa. Wala siyang laban na inuurongan.

Hayden Tinanggalan ng Lisensya sa Pagkadoctor Angel Locsin Ayaw Magkuwento sa 'Tuli'

Hayden Kho Model/Doctor c

Twitter.com

K

inatigan ng Cour t of Appeals (CA) ang ginawang pagbawi ng Professional Regulation Commission (PRC) sa lisensiya ng controversial ex-BF ni Dra. Vicki Belo na si Hayden Kho na nuon ay nasangkot sa isang sex video scandal.

Sa desisyon ni Associate Justice Edwin Sorongon, ibinasura ng CA Eight Division ang petisyon ni Kho na humihiling na baligtarin ang desisyon ng PRC nu’ng August 22, 2011 sa kasong administratibo laban sa doktor. Una nang hinatulan si Hayden ng guilty ng PRC sa kasong immorality, dishonorable o unethical conduct makaraang katigan ang desisyon ng Board of Medicine laban kay Kho nu’ng Nov. 20, 2009 at February 8, 2010. Sa desisyon ng CA, kinilala nito ang kapangyarihan ng

PRC na magsuspende at magkansela ng certificate of registration at professional license. Hindi binigyan ng bigat ng CA ang argumento ni Kho na ang pag-video tape at pagkalat ng video kaugnay ng pagtalik nila ni Katrina Halili at iba pang mga babae ay hindi sapat na batayan para makansela ang kanyang lisensiya dahil wala naman itong kinalaman sa kanyang propesyon. Iginiit ng CA na ang immoral conduct ay hindi naman kinakailangang direktang konektado sa pag-practice ng medisina.

T

umangging magkomento si Angel Locsin sa napabalitang sinamahan niya si Phil Younghusband, ang kanyang FilipinoBritish boyfriend, sa hospital na magpatuli kamakailan. Sa isang tabloid, naireport na sa edad ni Phil, ang team captain sa Philippine Azkals Football Team, hindi pa raw ito nagpa-circumcise dahil na rin siya ay ipinanganak sa United Kingdom (UK) kung saan hindi uso ang pagpatuli sa mga lalaki. Hindi rin uso ang pagpatuli sa maraming bansa sa Asia kabilang na rito ang Japan, China, Thailand, Korea, at marami pang iba. Ang tradisyon sa tuli ay nasunod ng mga Filipino galing sa bansang Amerika kung saan sinunod ang inutos ng Bibliya na magpatuli ang bawat lalaki na pinanganak. Isang malaking kahihiyan sa Pilipinas ang lalaking walang tuli ngunit ito ay normal lang naman para sa mga tao sa ibang bansa. Sa isang press con, nang maitanong si Angel kung tutuo bang siya mismo ang nag-alok kay Phil na magpatuli at sinamahan pa ang binata sa hospital, ito lang ang naging sagot nya: “Ano ba naman ‘yun? Sasagutin ko ba talaga ang tanong na ‘yan? Nakakailang for me na sagutin ang ganyang question.”

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Chiz Escudero Senator

c

Senator Chiz Na-Link Kay Kris at Heart

senategov.ph

Maraming nagtaka at marami rin ang hindi nakagusto sa pagkaka-link ni Senator Chiz Escudero kay Kris Aquino at Heart Evangelista. Kamakailan ay na-annulled ang marriage ni Sen. Chiz sa dahilan na hindi alam ng publiko. Ngayon nakikita si Chiz na lumalabas kasama si Kris o kaya si Heart. Kalahati pa lang daw ng taong 2012 pero nangangamoy-eleksiyon na dahil very visible na ang senador sa mga TV shows at wala siyang paki kung malink man kina Kris at heart. Makikita si Chiz sa Kris TV bawat umaga at walang nakaalam kung hanggang kailan siya makasama ni Kris sa kanyang show. At bagama’t ayaw gamitin ni Sen. Chiz ang term na

Heart Evangelista Actress/Model/Host

Kris Aquino Actress/TV Host/Model c

c

blogspot.com

Richard Gomez Actor/Model

blogspot.com

Dawn Zuleata Actress

Paghahalikan ni Dawn at Richard Inaabangan c

blogspot.com

P

inag-abangan ngayon ng mga tagasunod sa Walang Hanggan drama series ng ABS-CBN ang inaasahang paghahalikan ni Dawn Zulueta at Richard Gomez na dating magkasintahan at love team sa mga pelikula. Ang dalawa ay may mga kanya-kanyang asawa na ngayon. Sa panayam ng press kay Dawn ay naitanong ang actress kung bawal ba siyang makipag-kissing scene dahil napakarami kasi ang nagaabang ng kissing scene nila nin Richard sa Walang Hanggan. “Well, sa akin, bawal pa rin, eh,” sabi ni Dawn. “I explained this already before, kasi nga ang feeling ko lang ngayon, gusto ko lang iano si Anton (Lagdameo, asawa ni Dawn) from having to feel na it’s bad enough to think na everyone is clamoring to have two exes together, parang nakakahiya naman sa husband ko ito. Ewan ko lang.” “And of course, when it comes to my children, bata pa sila masyado to watch something like that on screen. Hindi ko pa masyadong maexplain sa kanila kasi nga bata pa sila,” dagdag ni Dawn. Nilinaw niyang hindi siya pinagbabawalan ng asawa niya na mag-kissing scene at siya na ang nagkusa dahil nahihiya nga raw siya sa mister niya. Naitanong naman kung paaano kung finale na ng serye at talagang kailangang-kailangan sa story na magkaroon sila ng kissing scene? “I’ll cross the bridge when I get there. I’ll think about it and I’ll see and I’ll talk to Anton first. I’ll see,” huling sabi ng actress.

Aiza Seguerra Nanay Na! Aiza Seguerra Singer/Actress

c

23

Balitang Showbiz

Daloy Kayumanggi

Anne Curtis No.1 SA 2012 Most Beautiful Stars

S

a paglabas ng issue sa Yes! Magazine, lumabas na Top 1 si Anne Curtis sa 2012 100 Most Beautiful Stars. Hindi lang dahil sa kanyang mapanuksong lips na mala Angelina Jolie kundi dahil sexy pa siya at namamayagpag din ang career, sabi ng magazine tungkol kay Anne. Ilan sa mga sinundan ni Anne ay sina Judy Ann Santos (2007), KC Concepcion (2008), Marian Rivera (2009), Kim Chiu (2010) and John Lloyd Cruz (2011). Kapansin-pansin na out at wala si Derek Ramsay sa Yes! 100 Most Beautiful Stars. Pero ayon kay Jo-Ann Maglipon, editor ng nasabing magazine, choice nila ‘yun at ng kanyang staff. Ilan sa mga kasama sa 100 Stars na dumating sa presscon sa Eastwood Richmonde Hotel ay sina Erich Gonza-

Amy Perez Buntis sa Edad 42

Amy Perez Actress/TV HOST c

chuvachienes.com

pinoymanila.com

nagulat ako sa role ko. Pero nakaoo na ako, plus meron siyempre ‘yung artista factor na sinasabi. In my 25th year in showbiz, at least nag-grow ako. At 28, mother role na ako. Nanay nga ako rito, nanay na may tattoo na, kalbo pa, Buti nga ‘di ako pinag-duster….” Sa drama series na ito, hindi naibuMaraming excited na mapapanuod si nyag kung sino ang tatay ng anak ni Aiza Seguerra sa bagong teleserye ng Aiza. “Basta nangyari ito sa isang lasinABS-CBN kung saan gaganapin niya gan.” ang role na bilang ina sa isang bata. Sa tanong kung sa tunay na buhay Sa Be Careful With M y Hear t, puwede kaya siyang magkaanak, pinakakuwela rito ay ang role ni Aiza sagot ni Aiza: “Bakit naman hindi, may Seguerra bilang si Kute (kombinasyon matris naman ako?” ng kuya at ate). Mother role siya rito Kung magkakaanak siya, kailan napero tibo pa rin. Si JM ang anak niya man kaya ito? na parang 6 years old. Kuwela dahil elSabi naman ni Aiza: “Hindi ako nagder sister siya rito ni Jodi Santamaria. bibigay ng time frame sa sarili ko. Sa Sabi ni Aiza sa press con, “Nung una, tamang panahon seguro.”

‘dating’ sa pagkikita nila ni Heart kinumpirma naman nitong lumalabas-labas nga sila. Sabi naman ng mga tagapamasid, nanggagamit lang si Sen. Chiz kay Kris at Heart para isulong ang kanyang sariling political ambition. Kunsabagay, pareho namang nagbe-benefit ang dalawang panig dahil nakakatulong din sa show ni Kris Aquino na Kris TV ang pagiging co-host dito ni Sen. Chiz dahil interesado ang mga tao sa tunay na estado ng friendship nila. Si Heart naman, tiyak na may natututunan din siya sa pagsama-sama kay Sen. Chiz tungkol sa pulitika. Nauna rito, sinabi ni Heart na may balak siya na papasok sa politika.

Anner Curtis Actress/Model/TV Host

c

phstars.com

les, Kris Bernal, Lovi Poe, Janine Gutierrez, Gabby Eigenmann, Kristoffer Martin, Bea Binene, Joyce Ching, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Alice Dixson, Cherry Pie Picache, Jake Cuenca, Kylie Padilla, Derrick Monasterio, Jake Vargas, Ritz Azul, Mart Escudero, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Dimples Romana, Carl Guevarra, Bela Padilla, Ronnie Lazaro, at marami pang iba. “I just feel so blessed,” deklara ni Anne sa pagiging cover girl ng 2012 100 Most Beautiful Stars. Isa rin sa mga ipinagpapasalamat ni Anne ang pagkakasali sa isang Indie movie sa Hollywood entitled Blood Ransom. Isang magandang experience dahil nameless siya ru’n bagama’t sikat siya rito sa ‘Pinas.

P

ansamantalang magpapaalam si Amy Perez bilang host ng Face to Face dahil sa kanyang pagbubuntis. Isa si Amy sa aming mga favorite TV personality dahil sa kanyang husay at sunny personality. Hindi siya antipatika sa kanyang mga guest at hindi nakaka-offend ang mga opinyon niya. Tiyak na mami-miss namin ang presence ni Amy sa Face to Face, lalo pa at matatagalan ang kanyang pagbabalik. Hindi madali ang maging host ng Face to Face dahil stressful ang mga problema na tinatalakay at kadalasan, negative ang disposisyon sa buhay ng mga bisita ni Amy kaya naiintindihan namin ang desisyon

niya na iwanan ang programa habang buntis siya. Pinigil ni Amy, 42, ang sarili na mapaiyak kahapon sa presscon ng TV5 para sa kanila ni Gelli de Belen. Si Gelli ang temporary replacement ni Amy bilang host ng Face to Face at nakapag-taping na siya ng ilang episodes para sa top rating program ng TV5. Si Gelli ang unang naisip ni Amy na puwedeng pumalit sa kanya dahil handang makinig at maraming karanasan na puwedeng ibahagi sa televiewers ang una. Kung si Amy ang Tiyang Amy ng Face to Face, si Gelli ang Ateng Gelay ng barangay hall on air program ng Kapatid network. (RMN News)

Rufa Mae Quinto Tinanggal sa Will Time? Rufa Mae Quinto Actress/TV Host/ Model

M

c

theredpumps.com

araming nagtaka at nagulat sa biglang pagkawala ni Rufa Mae Quinto sa show ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime sa TV5 na wala namang dahilan na ibinunyag sa publiko. Pati na rin ang mga co-host na sina Sugar Mercado at Bey-Bisaya ay bigla na ring naglaho sa nasabing game show. Hindi alam ng mga tao kung sinibak o tinanggal ba

sila ni Willie o kusang nagresign sa show na walang paalam sa mga fans. Napapanayam si Marie Rodriguez tungkol sa isyung ito at narito ang kanyang sinabi sa tanong na kung tinanggal ba sila ni Willie: “Ay, hindi ganu’n si Kuya. I think they resigned. Kung umalis man sila, for personal reasons, pero para sabihin ni Kuya Willie na umalis na kayo o mag-resign, hindi…” Marami na ring mga co-hosts ni Willie ang umaalis sa programa niya, pero si Mariel ay nananatiling loyal. At kung bakit tumagal si Mariel narito ang kanyang pahayag “Kasi hindi ako ever… alam n’yo na ‘’yun. From the start, maganda ‘yung relationship namin ni Kuya Willie. Nasanay na siya sa akin sa tagal na rin naming magkasama sa Wowowee. Na-gets ko na rin kasi ‘yung style na gusto niya. Show kasi ‘yun, eh. Du’n tayo mag-a-adjust sa kanya, sa gusto ng mga tao,” paliwanag ng asawa ni Robin Padilla.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Daloy Kayumanggi August 2012 issue