ALSFL4-19

Page 24

Pag-isipan Natin Ito Pag-aralan ang pahayag sa ibaba. Ang pakikipaglaban ang aking buhay.

1.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito ? ____________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

2.

Nakaranas ka na ba ng isang mahirap na sandali sa iyong buhay ? Tungkol saan ang naging karanasan mo ? _____________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

Kilala mo ba si Nelson Rolihlahla Mandela ? Galing sa kanya ang pahayag na binigyan mo ng pagpapakahulugan. Isinabuhay ni Nelson Mandela ang kahulugan ng pakikipaglaban. Pinangunahan niya ang pagtutol laban sa apartheid nang buong gilas at katatagan. Ginugol niya ang halos tatlong dekada ng kanyang buhay sa bilangguan. Isinakripisyo niya ang kanyang pribadong buhay at kabataan para sa kanyang kapwa-Aprikano. Nanatili siyang pinakamamahal at tanyag na bayani ng Timog Aprika. Ang pahayag ay tungkol sa paghihirap ng isang tao at ang kanyang mga sakripisyo sa buhay. Ito ay maaaring naging isang mahabang sandali ng paghihirap, pagpapakasakit, at kalungkutan sa buhay ng isang tao. Para kay Nelson Mandela, nakipaglaban siya dahil sa kanyang pangarap. Inasam niya ang pagwawalang-bisa ng apartheid sa Timog Aprika. Para sa sinumang tao na gagamit ng pahayag na ito, malalaman nating siya ay dumaan na sa maraming paghihirap, sakripisyo at pasakit sa buhay. Sa pagpatuloy mo sa araling ito, mauunawaan mo kung bakit sinabi ni Nelson Mandela ang pahayag na tinalakay natin. Malalaman natin ang kanyang mga pakikipaglaban at ang kanyang mga nakamit mula sa mga pakikipaglabang ito.

24


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.