ALSFL2-46

Page 29

ARALIN 3

Ang Pag-iimbak ng Prutas, Gulay at Isda Ang pag-iimbak ng pagkain ay hindi lamang para sa karne. Ang iba pang paraan sa pag-iimbak ng karne ay maaari ring gamitin sa pag-iimbak ng sariwang prutas, gulay at isda. May alam ka bang halimbawa ng inimbak na prutas, gulay at isda? Nakikita mo ba ang mga ito sa palengke? Dahil iba’t iba ang mga ito, mayroon marahil kayo sa bahay. Ang karamihan ng tao ay mas gustong isilid ang mga produktong ito dahil sa mas nakakaginhawa at palaging handang magamit. Matapos ang araling ito, kinakailangan mong: ♦

maipaliwanag kung papaano ginagamit ang mga siyentipikong paraan sa pagiimbak ng prutas, gulay at isda; at

mailarawan ang mga kabutihang dulot ng pag-iimbak ng prutas, gulay at isda.

Basahin Natin Ito Naaalala mo ba si Cathy at si Ate Rose? Balikan natin ang kanilang kuwento…Habang sila ay nasa palengke, nakumbinsi ni Ate Rose si Cathy na bumili ng iba pang uri ng pagkain na kanyang maiimbak sa tahanan, maliban sa karne. Dahil nandito na rin lang naman tayo sa palengke, puwede ka na ring bumili ng iba pang uri ng pagkain, Cathy.

Natatakot akong bumili ng marami dahil baka hindi ko magagamit sa sandaling panahon. Nag-aksaya na ako ng pera nang masira ang karne sa repridyereytor. Nag-aaral pa lamang akong magluto, hindi ba?

29


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.