Page 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Magmasid ka sa iyong paligid. Ano ang iyong nakikita? Ang iyong paligid ay punung-puno ng buhay! Iba’t ibang tao ang makikita mo. Maririnig mo ang mga humuhuning ibon at nagkakahulang aso. Makikita mo ang iba’t ibang halaman at ang makukulay na bulaklak ng mga ito. Makikita mo ang mga bubuyog at iba pang uri ng hayop. Punung-puno ng buhay ang daigdig na ating ginagalawan. Maaaring hindi mo napapansin, ngunit ang lahat ng nilalang ay may kaugnayan sa bawa’t isa. Ang mga pagkain na ating kinakain ay maaaring galing sa mga hayop, na kumakain din ng mga halaman. Ang lahat ng bagay na may buhay ay may kaugnayan sa bawat isa, ganoon din sa ating kapaligiran. Naiisip mo na ba kung anu-ano ang mga ugnayang ito at kung paano nangyayari ang pag-uugnayan ayon sa itinatadhana ng kalikasan? Ang mga tao ay biniyayaan ng kakayahang umunawa, makapag-isip at baguhin ang mundong kanilang ginagalawan. Maaaring ang iba pang nilalang ay hindi katulad ng tao na may angking talino. Gayunpaman, ang bawat isa ay may mahalagang bahaging ginagampanan dito sa mahiwaga ngunit kahanga-hangang katotohanan na kung tawagin ay buhay. Sa Modyul na ito, matututuhan mo ang iba’t ibang ugnayan sa ating ecosystem at matutuklasan mo kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga organismo. Malalaman mo ang mga estruktura na magtatakda sa bahaging gagampanan ng bawat organismo sa buhay. Malalaman mo rin ang tungkol sa daloy ng enerhiya at mga sustansiya (nutrients) sa pagitan ng mga organismo at ng kanilang kapaligiran. Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ang mga ito ay: Aralin 1 – Ang mga Ugnayan sa Pagitan ng mga Organismo sa Isang Ecosystem Aralin 2 – Ang Trophic Structure Aralin 3 – Ang Daloy ng Enerhiya Aralin 4 – Ang Daloy ng Sustansiya (Nutrients)

Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang kaya mo nang: ♦

mailarawan ang iba’t ibang ugnayan sa pagitan ng bawat buhay na organismo;

kilanlin ang trophic structure at ang mga antas nito;

matukoy ang pagkakaiba ng food chain sa food web; 1


♌

maipaliwanag ang daloy ng enerhiya; at

♌

mailarawan ang daloy ng sustansiya (nutrients) sa pamamagitan ng mga siklong biyoheokemikal (biogeochemical cycles).

Anu-ano na ang mga Alam Mo ? Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, alamin muna natin kung anuano na ang iyong nalalaman tungkol sa paksang ating tatalakayin. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa patlang ang iyong sagot. A. Isulat ang kahulugan ng bawat salita. 1.

ecosystem _________________________________________________________ _________________________________________________________

2.

predation o paninila _________________________________________________________ _________________________________________________________

3.

symbiosis _________________________________________________________ _________________________________________________________

4.

commensalism _________________________________________________________ _________________________________________________________

5.

mutualism o pagdadamayan _________________________________________________________ _________________________________________________________

2


B. Magbigay ng halimbawa ng sumusunod na antas ng trophic structure: 1.

producer o tagalikha _________________________________________________________ _________________________________________________________

2.

unang consumer (primary consumer) o mamimili/gumagamit ng serbisyo _________________________________________________________ _________________________________________________________

3.

ikalawang consumer (secondary consumer) o mamimili/gumagamit ng serbisyo _________________________________________________________ _________________________________________________________

4.

ikatlong consumer (tertiary consumer) o mamimili/gumagamit ng serbisyo _________________________________________________________ _________________________________________________________

5.

decomposer _________________________________________________________ _________________________________________________________

C. Ipaliwanag kung ano ang food pyramid. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

D. Isulat ang apat na mahahalagang siklo ng sustansiya o nutrient cycles. 1.

_________________________________________________________

2.

_________________________________________________________

3.

_________________________________________________________

4.

_________________________________________________________

3


Ano sa palagay mo, nasagutan mo ba nang tama ang mga katanungan? Upang malaman kung tama ang iyong mga sagot, tingnan sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 32. Kung tama ang lahat ng iyong kasagutan, magaling! Ito ay patunay na mayroon ka nang kaalaman sa mga paksang tatalakayin sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pagaralan ito upang mapagbalik-aralan ang mga paksang nalalaman mo na. Maaari ding maragdagan nito ang iyong kaalaman. Kung mababa ang iyong iskor, huwag mabahala. Para sa iyo ang modyul na ito. Matututo ka rito ng mga konseptong magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Kung pag-aaralan mong mabuti ang modyul na ito, matututuhan mo ang mga sagot sa lahat ng aytem sa pagsusulit at marami pang iba. Handa ka na ba ? Buksan ang modyul sa susunod na pahina para sa Aralin 1.

4


ARALIN 1

Ang mga Ugnayan sa Pagitan ng mga Organismo sa Isang Ecosystem Ang ating daigdig ay punung-puno ng buhay. Mahalaga ang ugnayan sa pagitan ng mga organismo. Ang mga ugnayang ito ang nagtatakda ng katuparan ng mga tungkuling mahalaga sa pagpapanatili at pagpapatuloy ng buhay. Sa araling ito, pag-aaralan mo ang iba’t ibang uri ng ugnayan sa pagitan ng mga organismo. Mahalagang malaman mo kung anu-ano ang mga ugnayang ito upang maunawaan kung paano umiinog ang buhay. Kung ang mga tao ay may ugnayan sa bawat isa, mayroon din ang ibang organismo. Nais mo bang matutuhan ang iba pang kawiliwiling ugnayan sa pagitan ng mga organismo? Pag-aralang mabuti ang araling ito.

Subukan Natin Ito Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa iyong kaugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo? Kung ikaw ay nakatira sa isang tahanan na kasama ang iyong pamilya, ilarawan mo ang iyong kaugnayan sa iyong ama at ina. Isipin mo kung ano ang uri ng pakikipagugnayan mayroon ka sa iyong mga kapatid na babae at lalaki. Maaaring kapakipakinabang sa iyo ang ilan sa mga ugnayang ito. Maaaring magdulot sila sa iyo ng kaligayahan sapagkat tinutugunan ng mga ito ang iyong mga pangangailangan. Subalit napansin mo na ba na ang ilan sa mga ugnayang ito ay hindi mo nagugustuhan? Isang halimbawa nito ay ang kaugnayan mo sa isang kapatid na lalaking madalas mong makagalit. Sa iyong palagay, bakit kailangan mo ang ganitong pakikipag-ugnayan? Paano nagiging kapaki-pakinabang sa iyo ang bawat ugnayang ito? Punan ang talahanayan sa susunod na pahina.

5


Pangalan ng Kapamilya

Mga Disbenta (Disadvant

Mga Pakinabang (Benefits)

Tatay Nanay Kapatid na lalaki 1 Kapatid na lalaki 2 Kapatid na babae 1 Kapatid na babae 2

Sa ilalim ng hanay ng Mga Pakinabang, isipin mo ang iyong mga pakinabang sa iyong mga kapamilya. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng salapi, pagmamahal, o iba pang uri ng suporta. Sa susunod na hanay ng Mga Disbentaha, isulat naman ang mga suliranin na may kaugnayan sa kasapi ng pamilya. Halimbawa, ang pagtutol ng iyong Ate sa pagsama mo sa iyong mga kaibigan upang manood ng sine. Sa ilalim ng hanay ng Pagtataya, isulat ang katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap batay sa iyong pananaw sa iyong ugnayan sa bawat kapamilya. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong pakikipag-ugnayan sa bawat miyembro ng iyong pamilya? Anu-ano ang magagawa mo upang maging maayos ang mga hindi kasiya-siyang ugnayan at magpatuloy ang maganda o kasiya-siyang ugnayan sa pamilya?

Alamin Natin Sa katunayan, ang mga organismo ay may iba’t ibang uri ng ugnayan sa bawat isa. Ang mga ugnayang ito ang nagtatakda ng pananatili (survival) at uri ng pamumuhay ng mga ito. Kapag ang dalawang magkaibang organismo, hayop, tao, o grupo man ay nabubuhay na maganda ang ugnayan o malapit sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay tinatawag na symbiosis. Ang ugnayang symbiosis ay maaaring predation o panlulupig/ paninila, parasitism, commensalism at mutualism o may pagdadamayan. Ang mga ugnayang ito ay maaaring mula sa kapaki-pakinabang (mutually beneficial) hanggang sa nakapipinsala (harmful) o maaaring nakamamatay (fatal) sa ibang uri (species). Predation Makikita ang ugnayang ito sa pagpatay ng isang organismo sa isa pang organismo upang ito ay gawing pagkain. Ang tawag sa nakikinabang dito ay predator o manlulupig/maninila at ang biktima na nagiging pagkain ay tinatawag na prey o sinisila/ biktima. Isang halimbawa ay ang ugnayan sa pagitan ng agila at ng daga. Kumakain ng daga ang agila. Ang agila ang predator at ang daga ang prey. May naiisip ka pa bang organismo na maaaring maging biktima o prey ng agila? Napakarami. Karaniwang mas maliliit at may kahinaan ang mga prey kaysa sa kanilang mga predator o maninila. 6


Ang ugnayang predator-prey ng agila at ng daga.

Parasitismo (Parasitism) Ang ugnayang ito ay nangyayari kapag ang isang organismo ay nakikinabang, samantalang ikinapapahamak naman ng iba. Ang parasito o parasite ay isang organismo na umaasa lamang sa host upang mabuhay. Ang host ay isang organismo na nawawalan dahil pinagkukunan ng lakas ng mga parasito. Ang tao ay maaaring maging isang host sa mga parasito tulad ng mga intestinal worm o bulati at kuto. Nakikinabang sa mga pagkaing nasa bituka ng tao ang mga bulati. Dumaranas ng malnutrisyon at dipagkatunaw ng kinain ang mga taong may bulati bagamat hindi naman ito nakamamatay. Ang mga kuto naman ay nakikinabang sa dugong nasa anit upang mabuhay. Nais mo bang magkaroon ng parasito sa iyong katawan? Tutol ang mga host sa pagkakaroon ng parasito kung kaya ang tao ay umiinom ng gamot o gumagamit ng medicinal shampoo upang matanggal ang mga parasitikong organismo mula sa kanilang katawan.

Mga parasitong tulad ng kuto ay umaasa sa host upang mabuhay.

Mayroon ka bang kakilala na binabansagang parasito? May natatandaan ka bang tao na kung kumilos ay parang parasito? Maaaring siya ay isang kapitbahay na madalas humiram ng mga gamit na hindi isinasauli. Nakakainis ang mga parasito, hindi ba? 7


Commensalism Ito ay isang uri ng ugnayan kung saan ang isang organismo ay nakikinabang o natutulungan habang ang isa pang organismo o ang tumutulong ay hindi naman nakikinabang o napipinsala. Umiiral ang commensalism sa pagitan ng mga orkidya at mga namumungang puno. Ang mga orkidya ay kumakapit at lumalago sa sanga ng mga punong kahoy. Ang mga puno ay hindi naman napipinsala ng mga orkidyas ngunit hindi rin naman ito nakikinabang dito. Isang halimbawa ng ugnayang commensal ay ang ugnayan sa pagitan ng remora at ng pating. Ang remora ay kilala rin bilang janitor fish. Karaniwan na itong nakadikit sa pating upang manginain ng mga organismong nakakapit sa balat ng pating. Ang remora ay hindi pinapansin ng pating na ni hindi nakikinabang o napipinsala sa pagdikit ng remora sa kanya.

Remora at pating

Orkidyas at puno

Mutualism Ang mutualism ay mailalarawan ng dalawang organismong nabubuhay at nakikinabang sa bawat isa. May ilang pagkakataon na ang kanilang ugnayang mutual ay nagiging lubhang napakahalaga na hindi maaaring mabuhay ang isa kung wala ang isa.

Ang lichens ay binubuo ng fungi at algae. Ang fungi ang nagbibigay ng tirahan sa algae, samantalang kumukuha naman ito ng pagkain sa algae.

Kailangan ng bubuyog ang bulaklak na pinagkukunan nito ng nektar, ang pagkain nito. Samantala, kailangan naman ng bulaklak ang bubuyog dahil ang mga ito ang nagdadala ng mga semilya na nanggagaling sa iba pang bulaklak.

Ang ugnayang ito ay nangangahulugan naman ng mapayapang pamumuhay. Alin man sa dalawa ay hindi nakikinabang o nakakapinsala sa bawat isa. Nagkataon lamang na nabubuhay ang mga ito sa iisang kapaligiran at malapit sa isa’t isa. Kadalasang nagkakasalubong ng landas ang mga organismong symbiotic ngunit hindi naman ito nakaaapekto sa ugnayan ng mga ito. Ang isang halimbawa ng ugnayang symbiotic ay ang iba’t ibang ispesis ng mga namumulaklak na halaman na makikita sa iisang hardin. 8


Subukan Natin Ito Balikan mo ang talahanayan na pinunan mo sa “Subukan Natin Ito� sa pahina 6. Subukan mong suriin ang iyong ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya at tukuyin kung ito ay parasitism, commensalism o mutualism. Ano ang natutunan mo mula sa iyong mga kaugnayan sa pamilya? Nais mo bang suriin ang iyong pakikipag-ugnayan sa iyong mga kaibigan? Gumawa ng talahanayan na katulad ng nasa pahina 6 at subukan mong suriin ang iyong pakikipagugnayan sa lima mong kaibigan. Ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong mga kaibigan at sa iyong pakikipag-ugnayan sa kanila? Nasiyahan ka ba sa pagsasanay na ito?

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan Tukuyin at isulat sa patlang ang ugnayan sa pagitan ng dalawang organismong nakasulat sa ibaba. 1.

___________________________________________ lawin at ahas

2.

___________________________________________ baka at damo

3.

___________________________________________ ibon at bulaklak

4.

___________________________________________ lamok at tao

5.

___________________________________________ amoeba at tao

6.

___________________________________________ kalabaw at tagak

7.

___________________________________________ ibon at puno

8.

___________________________________________ isda at bulate

9.

___________________________________________ ahas at manok

10.

___________________________________________ pulgas at aso

Matapos mong sagutan ang pagsasanay, ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 33. Kung ang iyong iskor ay 7 pataas, magaling! Marami ka nang natutuhan sa araling ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. Kung ang iyong iskor ay 6 pababa, huwag kang mabahala. Pagbalik-aralan mo ang bahaging di mo gaanong naintindihan sa araling ito bago ka magtungo sa susunod na aralin.

9


Tandaan Natin Ang Symbiosis sa pagitan ng dalawang organismo ay maaaring: 1.

Predation

– isang organismong pumapatay sa kapwa organismo upang gawin itong pagkain

2.

Parasitism

– isang organismo ang nakikinabang, samantalang ikinapapahamak naman ng isa pang organismo

3.

Commensalism – isang organismo ang nakikinabang, samantalang ang isa pang organismo ay hindi naman apektado

4.

Mutualism

– ang dalawang organismo ay parehong nakikinabang mula sa kanilang pag-uugnayan

10


ARALIN 2

Trophic Structure o Balangkas na Tropiko Ang paghahanap ng pagkain ay isang napakahalagang gawain para sa lahat ng buhay na organismo. Kailangan ng mga organismong tulad ng mga kulisap at mga hayop ang enerhiya upang mabuhay. Kinukuha ng mga ito ang enerhiya mula sa mga pagkaing nakukuha sa kapaligiran. Maaaring mga halaman o mga hayop ang pinagkukunan ng pagkain. Kawili-wiling pag-aralan kung paano naisasalin ang enerhiya mula sa isang organismo tungo sa ibang organismo sa pamamagitan ng siklo mula sa pagkain tungo sa pagiging kinakain. Ganyan ang takbo ng buhay. Ang mga organismo, kasama na ang iyong sarili, ay kinakailangang kumain upang mabuhay. Sa Aralin 1, natutuhan mo ang iba’t ibang uri ng ugnayan ng mga organismo. Mahalaga ang mga ugnayang ito upang magpatuloy ang buhay. Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa trophic structure o ang paraan ng pagkuha ng sustansiya ng mga organismo sa isang ecosystem. Matututuhan mo rin ang tungkol sa mga food chain at ang mga higit na kumplikadong food web. Ang tao ay bahagi rin ng malawakang ugnayan ng pag-iimbak ng pagkain at pagsasalin ng enerhiya. Handa ka na ba para sa mga bagong kaalaman ?

Pag-isipan Natin Ito Magtungo ka sa isang hardin at pagmasdan ang mga halaman at mga hayop na matatagpuan dito. Isipin mo ang mga tungkulin na ginagampanan ng bawat halaman at hayop sa siklo ng paggawa ng pagkain at pagsasalin ng enerhiya. Sa iyong hardin, pansinin mo kung anong organismo ang kumakain ng ibang organismo. Isipin mo kung saan mapupunta ang lahat ng mga pagkaing ito.

Alamin Natin Ang kalikasan, sa kabila ng kanyang kalawakan nito at kahiwagaan, ay sumusunod sa isang padron o modelo (pattern) ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Isa sa mga modelo o padrong ito ay ang pagkuha ng pagkain na kung tawagin ay trophic structure o balangkas na tropiko. Ang salitang trophic ay hango sa salitang troph na 11


na ang kahulugan ay pagkain. Ipinapakita ng trophic structure na may kaayusan sa paraan ng pagkuha ng mga organismo sa isang ecosystem ng mga sustansiyang kinakailangan upang mabuhay. Ang bawat organismo ay may bahaging ginagampanan sa pangkalahatang plano o disenyo ng mga bagay-bagay. Ginagawa muna ang pagkain bago ito nagpapasalin-salin o nagpapalipat-lipat. Ang pagiging food producer o tagagawa ng mga pagkain ay tungkulin ng mga halaman. Tinatawag ang mga ito na autotroph. Ang kahulugan ng auto ay “sarili,” samakatuwid, ang mga autotroph ay mga organismong nakakagawa ng sarili nitong pagkain. Ang mga hayop, kabilang na ang tao, ay hindi nakakagawa ng sariling pagkain na pagkukunan ng enerhiya. Kailangang kunin ang mga ito sa ibang organismo. Tinatawag ang mga hayop na heterotrophs na hango sa salitang hetero na ang kahulugan ay “iba.” Nangangahulugan itong ang mga hayop ay kinakailangang kumuha ng pagkain mula sa mga di nito kauri. Ang mga halaman ay autotrophs sapagkat nakakagawa ang mga ito ng sariling pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng enerhiya mula sa sikat ng araw. Ang pamamaraang ito ng paggawa ng pagkain ay tinatawag na photosynthesis. Ito ay isang komplikadong paraan kung saan ginagamit ng mga dahon ng halaman ang enerhiyang mula sa liwanag (light energy) ng araw upang malikha ang mga kemikal na maaaring gamitin bilang pagkain. Dahil sa kakayahang ito, ang mga halaman ay tinatawag na mga producer o tagagawa sa trophic structure. Makikita ang mga ito sa pinakamababang bahagi ng istruktura. Nangangahulugang dito nagsisimula ang lahat. sinag ng araw

producer enerhiya

Ginagamit ng producer tulad ng mga halaman ang enerhiyang mula sa sikat ng araw upang makagawa ng chemical energy sa pamamagitan ng photosynthesis.

Pag-aralan ang larawan: agila (ikatlo o tertiary consumer) maliliit na ibon (ikalawa o secondary consumer)

producer

higad (una o primary consumer)

12

decomposer


Kinakain ng uod ang halaman. Ang mga halaman na nabibilang sa pangkat ng mga autotroph sa trophic structure ay tinatawag na mga consumer o gumagamit. Kinukuha o ginagamit ng mga consumer ang enerhiyang nalilikha ng mga halaman. Ang mga consumer ay nahahati sa iba’t ibang antas. Ang mga uod ang unang kumukuha ng enerhiya mula sa mga halaman kaya tinatawag ang mga ito na mga primary consumer. Ang mga uod ay kinakain naman ng maliliit na ibon. Dahil ang mga ibon ay kumakain ng mga primary consumer, tinatawag ang mga ito na mga secondary consumer. Paminsan-minsan ay kinakain ng agila at ibang malalaking ibon ang mga maliliit na ibon. Dahil kumakain ang mga ito ng mga secondary consumer, tinatawag ang mga ito na mga tertiary consumer. Kapag namatay ang mga agila, ang katawan ng mga ito ay bubulukin ng bacteria, na tinatawag na decomposers. Sa paraang ito, ang enerhiya ay muling naibabalik sa lupa na tinutubuan ng mga halaman at pinagkukunan ng mga ito ng sustansiya. Samakatuwid, ang siklo ng paggawa ng pagkain at paggamit nito ay nagpapatuloy. Makukuha natin mula sa mga ibinigay na halimbawa na ang trophic structure ay binubuo ng iba’t ibang antas, ang mga producer, mga primary consumer, mga secondary consumer, mga tertiary consumer at mga decomposer. Ipinakikita ng trophic structure kung paano ginagawa ang pagkain, kinakain at muling ginagawa. Ipinapakita nito ang pagkaka-sunud-sunod o kaayusan ng paggawa at paggamit ng pagkain ng mga bagay na may buhay. Trophic Levels

Mga ikatlo o tertiary consumer Mga ikalawa o secondary consumer Mga decomposer

Mga una o primary consumer Mga producer

Iba’t ibang antas ng trophic structure

Ipinakikita ng halimbawa ang isang food chain. Ipinakikita ng food chain kung paano naisasalin o naililipat ang enerhiya mula sa isang organismo tungo sa isa pa. Suriin ang kadenang nasa ibaba.

Nakikita mo ba kung paano nakadugtong o nakakawing ang isang bahagi ng tanikala sa susunod na bahagi? 13


Ipinakikita ng food chain kung paano naisasalin ang enerhiyang galing sa pagkain mula sa isang organismo tungo sa isa pa.

Modelo ng isang food chain sa tatlong antas. Pinapakita ng mga arrow kung papaano naisasalin ang enerhiya sa iba’t ibang antas.

Ang mga food chain ay maaari ring makita sa mga aquatic ecosystem.

Modelo ng food chain sa aquatic ecosystem.

Ang food web ay pangkat ng mga magkakarugtong na food chain. Ang food web ay nabubuo mula sa magkakaibang food chain kung ang primary consumer, tulad ng uod, ay maaaring kainin hindi lang ng ibon, kundi ng iba pang mga hayop na bahagi ng iba pang food chain. Samakatuwid, ang food web ay nagpapakita ng mas malawak na larawan kung paano naisasalin ang enerhiya sa ating kalikasan. Suriin ang food web sa ibaba.

tagak palaka water boatman lamok (kiti-kiti) hito

pulgas (water fleas) algae

Ang food web ay naglalarawan ng ibang dugtung-dugtong na food chain.

rotifers

14


Subukan Natin Ito Gumuhit ng isang food chain sa isang papel. Tukuyin ang tungkulin na ginagampanan ng bawat organismo sa trophic structure. Batay sa iyong orihinal na food chain, gumawa naman ng isang food web. Ano ang natutuhan mo sa pagsasanay na ito?

Tandaan Natin ♌

Ang trophic structure ay ang kaayusan na kung paano kumukuha ng pagkain ang mga organismo sa isang ecosystem.

♌

Ang food chain ay nagpapakita ng payak ngunit tiyak na ugnayan sa pagitan ng mga producer at mga consumer.

♌

Ang food web ay naglalarawan ng ilang dugtung-dugtong na food chain. Makikita sa mga food web kung ano ang nangyayari sa kalikasan, kung saan may malawak na ugnayan ang mga organismo sa pagkuha ng kani-kanilang pagkain sa kanilang kapaligiran.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan Makikita sa ibaba ang isang food chain. Kilalanin ang mga producer at mga consumer at ipakita ang antas ng consumer. Pagkatapos ay gumawa ng mas malawak na estruktura sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa isang food web. Maaari mo itong dagdagan ng iba pang organismo. Ipakita ang ugnayang trophic ng mga ito.

15


Matapos mong sagutan ang pagsasanay, ihambing ang iyong ginawa sa Batayan sa Pagwawasto na nasa pahina 33. Kung ang iyong iskor ay 4 pataas, magaling! Marami ka nang natutuhan tungkol sa trophic structure. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. Kung ang iyong iskor ay 3 pababa, huwag kang mabahala. Pagbalik-aralan ang bahagi ng aralin na di mo gaanong naunawaan bago ka magtungo sa susunod na aralin.

16


ARALIN 3

Ang Daloy ng Enerhiya Natutuhan mo na ang tungkol sa trophic structure. Natuklasan mo rin ang kahalagahan ng estrukturang ito sa pagtatalaga ng daloy ng pagkain at enerhiya. Ngunit ano ba ang enerhiyang ito na naisasalin mula sa isang organismo tungo sa ibang organismo? Sa araling ito, matututuhan mo ang tungkol sa pagsasalin ng enerhiya sa ating kalikasan. Matututuhan mo kung papano nalilikha ang enerhiya at kung paano ito nagpapasalin-salin sa bawat organismo.

Pag-isipan Natin Ito Bakit ka kumakain? Kailangan mo bang kumain upang mabuhay? Ano ba ang iyong nakukuha sa pagkain na kinakailangan mo upang mabuhay?

Alamin Natin Ang daloy ng enerhiya ay nagsisimula sa mga halaman. Gumagawa ng pagkain ang mga halaman sa pamamagitan ng photosynthesis. Ang kahulugan ng photo ay “liwanag” at ang synthesis naman ay “paggawa”. Ang photosynthesis ay ang proseso na kung saan ay ginagamit ng mga dahon ng halaman ang enerhiya mula sa sikat ng araw upang makagawa ng glucose, ang pagkain ng mga halaman. Naiimbak ang glucose bilang starch. Kung kinakailangan, ang starch ay maaaring manumbalik muli bilang glucose. Sa ganitong paraan, ang glucose ay ginagamit upang bigyan ng lakas ang iba pang reaksiyong kemikal sa loob ng halaman. Ang mga reaksiyon o prosesong ito ang nagbibigay ng lakas sa halaman upang mabuhay at lumago.

17


Ang photosynthesis sa mga halaman

sinag ng araw

enerhiya

Ang photosynthesis ay ang paglikha ng glucose ng mga dahon. Ang glucose ay dumadaloy sa iba pang bahagi ng halaman upang pagmulan ng enerhiya.

Ang natitirang glucose ay naiimbak bilang starch.

Kung ang primary consumer tulad ng uod ay kumain ng dahon ng halaman, ang enerhiya ng halaman ay masasalin o malilipat sa uod. Kapag kinain naman ng maliit na ibon ang uod, ang enerhiya ay masasalin o malilipat naman sa maliit na ibon. Ang enerhiyang ito ay masasalin naman sa agila kapag kinain nito ang maliit na ibon. Bubulukin naman ng mga decomposer ang katawan ng agila kapag ito ay namatay at ang mga sustansiyang nasa agila ay muling babalik sa lupa. Magagamit naman ng mga halaman ang sustansiyang mula sa lupa sa muling paggawa ng bagong pagkain. Ang paraang ito ay paulit-ulit lamang. Pag-aralan ang pagsasalin ng enerhiya mula sa isang organismo tungo sa ibang organismo sa susunod na pahina.

18


Enerhiyang mula sa pagkain habang nagpasalin-salin mula sa isang organismo tungo sa ibang organismo.

Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa enerhiya mula sa pagkain habang ito ay nagpapasalin-salin mula sa isang organismo tungo sa isa pa? Upang higit na maunawaan, dapat mo munang malaman ang dalawang mahahalagang prinsipyo. Ang mga ito ay ang mga batas ng thermodynamics. Ayon sa unang batas, ang enerhiya ay hindi nalilikha o nasisira, ito ay nagpapasalin-salin lamang. Ang pag-unawa sa ikalawang batas ay higit na mahalaga. Isinasaad nito na kapag ang enerhiya ay nailipat o naisalin mula sa isang anyo tungo sa isa pa, may mahahalagang bahagi ng enerhiya na sumasama sa hangin. Ang pinakakaraniwang anyo ng pagkawala ng enerhiya ay ang paglabas ng init. Ang lahat ng organismo ay nakagagawa ng init mula sa enerhiyang nakukuha sa mga halaman. Katunayan, ang init ay itinuturing na tanda ng buhay. Pagpapatunay ito na ginagamit ng ating mga katawan ang enerhiyang nakukuha natin sa pagkain. Pag-aralan ang daloy ng enerhiya sa ecological pyramid sa larawang nasa susunod na pahina.

19


co ika nsum tlo ng er sa an tas c ika onsu law me an r s ga a nta s co n un sum an g a er sa nta s pro du ce r

enerhiya na naiiwan sa sistema ng buhay (living system)

enerhiya na nawawala sa sistema ng buhay (living system)

Ipinapakita sa ecological pyramid na ito kung paano nawawala ang enerhiya sa bawat baytang ng pyramid. Habang tumataas ng baytang ang pyramid ay bumababa naman ang original na enerhiya mula sa mga halaman. Sa bawat baytang, ang bahagi ng original na enerhiya na nakuha ng producer ay nawawala bilang init. Sa ganitong paraan, ang bawat organismo sa mga sumusunod na antas ng trophic ay nagpapasa ng mas mababang enerhiya kaysa sa natatanggap nito. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan ng mas maraming pagkain ang mga organismong nasa itaas kaysa sa mga nasa ibabang antas. Mas mababang enerhiya ang matatagpuan sa papataas na antas ng trophic dahil sa: 1.

Sa mga pagkaing maaaring makuha, kaunti lamang ang dami ng nahuhuli at nakakain ng mga organismo sa susunod o higit na nakatataas na antas ng trophic.

2.

Ilan sa mga pagkain na nakakain ay hindi kayang tunawin at lumalabas bilang dumi.

3.

Ilang bahagi lamang ng pagkaing natutunaw ang naiimbak sa katawan ng organismo. Ang iba ay nawawala bilang init.

20


Pag-isipan Natin Ito Sa anong antas maihahanay ang tao sa trophic structure. Ikaw ba ay isang primary consumer, secondary o tertiary consumer? Ano ang implikasyon ng iyong antas ng trophic sa iyong pagkain at kung paano mo ginagamit ang enerhiya mula sa pagkain?

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay nagsasabi ng wastong kaisipan at Mali kung ito ay di wasto ang kaisipan o impormasyong ipinahahayag. __________ 1. Ang enerhiya ay hindi nalilikha o nasisira, ito ay nagpapasalinsalin lamang. __________ 2. Ang enerhiya ay tumataas habang ito ay naisasalin mula sa isang organismo tungo sa isa pa. __________ 3. Ang pagkawala ng enerhiya ay kadalasang sa anyo ng init. __________ 4. Kalimitang mga hayop ang mga producer. __________ 5. Ang mga halaman ay mga autotroph. __________ 6. Ang ecological pyramid ay nagpapakita ng daloy ng enerhiya mula sa isang organismo tungo sa isa pa. __________ 7. Kumakain ng mas marami ang mga mas malalaking consumer. __________ 8. Walang nasasayang sa enerhiyang ginagamit ng mga consumer . __________ 9. Ang init ay tanda ng buhay. __________ 10. Lumilikha ng init ang mga heterotrophs.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34. Kung ang iyong iskor ay 8 pataas, binabati kita! Marami kang natutuhan tungkol sa daloy ng enerhiya sa ating kalikasan. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. Kung ang iyong iskor ay 6 pababa, kailangan mong balik-aralan ang araling di mo gaanong naunawaan bago ka magtungo sa susunod na aralin.

21


Tandaan Natin ♌

Ang ecological pyramid ay sumusunod sa mga batas ng thermodynamics. Hugis-tatsulok ito at nagpapakita ng pagkawala o pagbaba ng enerhiya habang tumataas ang antas ng trophic.

♌

Ang pagsasalin-salin ng enerhiya ay hindi ganap na mabisa. Habang ito ay nagpapasalin-salin mula sa isang antas ng trophic tungo sa isa pa, ilang enerhiya ang nawawala bilang init.

22


ARALIN 4

Ang Daloy ng mga Sustansiya (Nutrients) Sa nakaraang aralin, natutuhan mo kung paano naisasalin ang enerhiya mula sa mga producer tungo sa consumer. Bagamat lubos na kailangan ang enerhiya para mabuhay, hindi lamang ito ang bagay na kailangan upang makakilos nang maayos ang mga organismo. Kailangan din ng mga organismo ang mga sustansiya na lubhang mahalaga upang mabuhay. Tulad ng enerhiya, ang mga sustansiya ay sumasailalim o dumadaan din sa mga pagbabago bago magamit ng ating katawan. Sa araling ito, matututuhan mo kung paano dumadaloy ang mga sustansiya sa ating kalikasan. Apat na siklong biyoheokemikal o biogeochemical cycles ang ating tatalakayin tulad ng water cycle, carbon dioxide-oxygen cycle, nitrogen cycle at phosphorous cycle. Ang mga pamamaraang ito ang nagbibigay sa atin ng mga sustansiyang kailangan upang mabuhay.

Pag-isipan Natin Ito Alam mo ba na ang ating mundo ay nag-iisang planeta sa kalawakan na may kakayahang magtaguyod ng buhay? Ano ang mayroon sa ating planeta na nakapagtataguyod ng buhay? Isulat ang mga katangian ng ating daigdig. Pag-aralan ang mga katangiang ito at suriin kung gaano kahalaga ang mga ito para sa buhay.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito Isang katangian ng ating kalikasan ay ang pagkakaroon ng mabisang kakayahan (efficiency). Sa iyong natutuhan sa mga nakaraang aralin, ang enerhiya ay umiinog at nagpapasalin-salin upang kakaunti lamang dito ang masasayang. Totoo rin ito para sa ibang materyal o sangkap na kailangan upang mabuhay. Ito ay kadalasang tinatawag na mga sustansiya o nutrients sapagkat ang mga ito ang nagbibigay ng lakas sa mga organismo upang mabuhay. Isa sa mga sustansiyang ito ay ang tubig. Napakahalaga ng tubig sa ating buhay. Pitumputlimang porsyento (75%) ng ating mundo ay binubuo ng tubig. Maaari mo ring ipagtaka kung malalaman mo na

23


binubuo ng 80% tubig ang iyong katawan! Dahil dito, nakagawa ng paraan ang kalikasan upang mapangalagaan ang tubig. Nagagawa ito sa pamamagitan ng water cycle o siklo ng tubig. cloud formation

precipitation

transpiration

evaporation evaporation

surface runoff infiltration river runoff root uptake groundwater ocean

Ang tubig ay sumisingaw mula sa lupa at mga katawang-tubig (bodies of water). Ang water vapor sa hangin ay mabubuo at magiging ulan. Ang ulan ay babagsak sa lupa at mga katawang-tubig. Matapos ito, ang tubig ay muling sisingaw at ang siklo ay muling mauulit.

May tubig sa iba-ibang dako sa ating paligid. Ito ay patuloy na pinakakawalan at kinukuha ng atmospera ng mundo. Ang tubig ang nagpapanatili ng temperatura sa ating mundo. Kapag pinainit na ng araw ang ating daigdig, sumisingaw ang tubig. Tinatawag na evaporation ang pagsingaw na ito. Ang evaporation ay ang paraan kung saan ang tubig ay iniaakyat sa atmospera sa anyong gas na kung tawagin ay water vapor. Ang water vapor ay nagiging tubig na muli sa prosesong condensation at babagsak sa lupa sa anyo ng ulan. Ito ang mga paraan kung paano umiinog at napapangalagaan ng kalikasan ang tubig. Ang isa pang mahalagang sustansiyang kailangan upang mabuhay ay ang hangin o oxygen. Tulad ng tubig, ang oxygen ay matatagpuan sa ating paligid. Ginagamit ng ating mga katawan ang oxygen upang isalin ang enerhiya mula sa pagkain sa isang anyong maaaring gamitin ng ating katawan. Ang oxygen ay pumapasok sa katawan ng mga hayop sa pamamagitan ng paghinga. Walang mabubuhay kung walang oxygen. Tulad ng tubig, ang oxygen ay sumasailalim o dumadaan din sa isang siklo. Ito ay tinatawag na carbon dioxide-oxygen cycle.

24


en oxyg

carbon doxide

Carbon Dioxide-Oxygen Cycle. Lumilikha ng oxygen ang mga halaman na kailangan ng mga hayop. Samantalang, naglalabas ng carbon dioxide ang mga hayop na kailangan naman ng mga halaman.

Ang oxygen ay ang hangin na iyong hinihinga. Kapag naglabas ka ng hininga (exhale), naglalabas ka ng carbon dioxide, na isang mahalagang uri ng gas o elementong kailangan ng mga halaman upang makalikha ng sariling enerhiya. Samantala, ang mga halaman ang lumilikha ng oxygen. Ito naman ang kinakailangan ng mga tao at mga hayop upang mabuhay. Sa madaling salita, ang mga halaman at ang mga hayop ay mayroong ugnayang mutual, kung saan lubos na nakikinabang ang bawat isa. Ang mga halaman ay mahalaga para sa mga hayop at ang mga hayop ay mahalaga para sa mga halaman.

Pag-isipan Natin Ito Natutuhan natin na ang mga hayop, kasama na ang mga tao, ay nangangailangan ng mga halaman dahil ang mga ito ang nagdudulot ng oxygen para sa paghinga. Subalit gaano naman kahalaga ang tao para sa mga halaman? Pinuputol ng mga tao ang mga punong kahoy. Kinakalbo at pinapatag ang mga kagubatan upang gawing lugar para sa pabahay, sakahan at kalakalan. Balang araw ay mawawala na ang mga kagubatang ito. Ano sa palagay mo ang ibubunga nito sa sangkatauhan?

25


Alamin Natin Ang isa pang mahalagang sustansiya sa buhay ay ang nitrogen. Ang nitrogen ay isang elemento na kailangan ng mga halaman at mga hayop upang makalikha ng protina at iba pang materyal na kinakailangan upang mapanatili ang iba’t ibang estruktura at tungkulin ng selula (cell). Maraming nitrogen ang matatagpuan sa hangin. Sa katunayan ay 79% ng hangin ay nitrogen. Subalit ang nitrogen na nasa hangin ay hindi nasa anyo na kinakailangan ng mga selula ng mga halaman at mga hayop. Dapat muna itong maging mga nitrate. Mabuti na lamang at may mga nitrogen-fixing bacteria sa lupa at sa mga ugat ng leguma (legumes). Ang mani at ang mongo ay mga halimbawa ng leguma. Ang mga bacteria na ito ang lumilikha ng nitrates mula sa nitrogen na nakukuha sa hangin upang magamit ng mga halaman sa prosesong protein synthesis na kalaunan ay naisasalin naman sa mga hayop. Ang nitrogen na ginagamit ng mga halaman at mga hayop ay muling bumabalik sa lupa kapag namatay at nabulok na ang mga halaman at mga hayop. Isinasalin ito ng mga nitrogen-fixing bacteria sa kapaki-pakinabang na anyo ng nitrogen.

26


N2

N2 fixation

N2 fixation

fertilization manufacture dentrification

nodules N2 nitrogenfixing bacteria in soil

N 3− nitrate-producing bacteria N −2 nitrate-producing bacteria

N2

N2 cyanobacteria dead organisms and animal waste

N +4 mga decomposer

latak (sediment)

N2

Ang pinakahuli ay ang phosphorous cycle. Ang phosphorous na nakukuha ng mga organismo ay galing sa mga bato sa lupa at mga latak sa mga ilog at dagat. Ang pagbabagong-anyo (weathering) ng mga bato ay nakakalikha ng mga phosphate. Ang mga phosphate na nakukuha ng mga organismo ay napapahalo sa mga molecules na kailangan sa buhay. Ang mga hayop na kumakain ng mga producer ay gumagamit ng phosphate bilang sangkap sa pagbuo ng ngipin, buto at balat (shell) na matagal mabulok. Kalaunan, kapag namatay at nabulok ang mga hayop, ang mga phosphate ay muling maibabalik sa lupa. At muling magpapatuloy ang siklo ng phosphorus. Samantala, patuloy pa rin ang phosphorous cycle.

mining phosphate

guano

runoff

PO−43

rock weathering

PO

sediment

mga patay na organismo at mga dumi ng hayop

land formation decomposers

27


Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan Ipaliwanag at isulat sa patlang ang kahalagahan ng siklo ng tubig (water), carbondioxide, nitrogen at phosphorous . Siklo ng Tubig (Water cycle) _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________

Carbon dioxide-oxygen cycle _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________

Nitrogen cycle _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Phosphorous cycle _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pp. 34-35. Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng aytem, nangangahulugang marami ka nang natutuhan tungkol sa siklo ng sustansiya sa ating kalikasan. Kung mababa ang iyong iskor, pagbalik-aralan mo ang mga bahagi ng aralin na hindi mo gaanong naintindihan.

28


Natapos mo nang pag-aralan ang modyul. Binabati kita! Nasiyahan ka ba sa pagaaral ng modyul na ito? Marami ka bang natutuhan mula rito? Makikita sa susunod na pahina ang buod ng mahahalagang bahagi ng aralin na ito upang matutulungan kang higit na matandaan ang mga ito.

Tandaan Natin ♦

Ang water cycle ay tumutukoy sa paglilipat at pagsasalin-salin ng tubig sa pamamagitan ng pamamaraan ng evaporation at condensation.

Ang carbon dioxide-oxygen cycle ay nagpapakita ng mutualism sa pagitan ng mga halaman at mga hayop. Ang mga hayop ay humihinga ng oxygen at naglalabas ng carbon dioxide. Ang mga halaman naman ay humihinga ng carbon dioxide at naglalabas ng oxygen sa hangin.

Ang nitrogen cycle ay naglalarawan kung paano ang nitrogen sa hangin ay naisasalin ng mga nitrogen-fixing bacteria sa mas kapaki-pakinabang na nitrates na kinakailangan ng mga selula upang makalikha ng protina at iba pang compound. Kalaunan, ang nitrogen ay muling bumabalik sa lupa kapag ang mga halaman at mga hayop na nagtataglay nito ay nabulok na.

Ang phosphorous cycle ay naglalarawan kung paano napapasama sa lupa ang mga phosphate na mula sa mga bato. Kinukuha naman ito ng mga halaman. Sa kalaunan ginagamit naman ito ng mga hayop sa pagpapalakas ng mga buto, ngipin at balat o shell. Ang phosphorous ay bumabalik sa lupa kapag ang mga hayop ay namatay at nabulok na.

Ibuod Natin Isinasaad sa modyul na ito na: ♦

Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang uri ng organismo ay tinatawag na symbiosis.

Ang symbiosis ay inuri bilang mutualism, commensalism, parasitism at predation.

Ang trophic structure ay tumutukoy sa kaayusan kung saan kumukuha ng sustansiya ang mga organismo sa isang ecosystem. Makikita dito ang bilang ng antas sa isang food chain, na isang pangkat ng mga organismo sa isang ecosystem ayon sa pamamaraan ng pagkuha ng pagkain. 29


♌

Habang ang enerhiya ay nagpapasalin-salin mula sa isang organismo tungo sa isa pa, ilan sa mga ito ay nawawala sa hangin bilang init. Ang daloy na ito at ang pagkawala ng enerhiya sa pagitan ng mga antas ng trophic ay inilalarawan sa isang ecological pyramid.

♌

Mahalaga sa buhay ang tubig, oxygen, nitrogen at phosphorous. Ang mga ito ang patuloy na itinutustos sa mga organismo sa pamamagitan ng mga biogeochemical cycle. Ang mga siklong ito ang naglilipat at nagsasalin ng mga materyales sa mga organismo sa ating kalikasan.

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo ? A. Isulat sa patlang ang tamang salita o mga salita. Maaari kang mamili sa mga salitang nakasulat sa kahon. symbiosis nitrogen cycle food web decomposers

ecological pyramid predation photosynthesis biogeochemical

trophic structure consumers

1.

_________________ ay ang ugnayan sa pagitan ng dalawang magkaibang uri ng organismo na nabubuhay nang magkasama sa iisang lugar.

2.

Ang ganap na pagkabulok ng mga labi ng organismo ay ginagampanan ng ____________________ .

3.

Ang ugnayang symbiotic kung saan pinapatay ng isang organismo ang isa pa upang gawing pagkain ay tinatawag na ____________________ .

4.

Ang ______________________ ay nagpapakita kung paano ang pagkain ay ginagawa at isinasalin mula sa mga producer tungo sa mga consumer .

5.

Ang daloy ng enerhiya sa mga food chain at mga food web ay kinakatawan ng isang _________________ .

6.

Ang nitrogen-fixing bacteria ay mahalaga sa ____________________ .

7.

Ang mga hayop ay ___________________ sa food chain .

8.

Ang _________ ay tumutukoy sa proseso ng paggawa ng pagkain ng halaman.

9.

Ang maraming food chain na magkakadugtung-dugtong ay lumilikha ng _______________.

10.

Ang siklo ng mga sustansiya o nutrient cycle ay mga ______________na siklo. 30


B. Tukuyin kung saang antas nahahanay ang bawat organismo sa trophic structure. Isulat ang antas sa tabi ng larawan ng organismo.

decomposer

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34. Kung ang iyong iskor ay: 0–4

Kailangang pag-aralan mong muli ang modyu1 na ito.

5–6

Ba1ik -aralan ang mga bahagi ng aralin na hindi mo gaanong naintindihan.

7 – 12

Magaling! Mas makabubuting balikan mo ang ilang aytem na di mo nasagot nang wasto.

13 –15 Binabati kita! Marami ka nang natutuhan sa modyu1 na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyu1.

31


Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 2-3) A. Ang mga kasagutan ay maaaring isulat ayon sa pagkakaunawa ng mag-aaral, subalit ito ay dapat na kahalintulad ng mga sumusunod: 1.

Ang ecosystem ay tumutukoy sa pangkat ng mga bagay na may buhay at walang buhay sa isang natatanging lugar .

2.

Ang predation ay ang ugnayan kung saan pinapatay ng isang organismo ang isa pa upang gawin itong pagkain.

3.

Ang symbiosis ay ang ugnayan sa pagitan ng dalawang magkaibang uring organismo na nabubuhay na magkasama sa iisang lugar .

4.

Ang commensalism ay ang ugnayan na kung saan ay nakikinabang ang isang organismo sa isa pa na hindi naman nakikinabang o napipinsala sa ugnayang ito.

5.

Ang mutualism ay ang ugnayan kung saan kapwa nakikinabang sa ugnayan ang bawat organismo.

B. Maaaring magkaiba-iba ang mga kasagutan. 1.

halaman

2.

uod na nanginginain sa mga halaman

3.

maliliit na ibon na kumakain ng uod

4.

agila na kumakain ng maliliit na ibon

5.

bacteria na bumubulok sa mga labi ng agila

C. Ang food pyramid ay isang paglalarawan kung paano nalilikha at naisasalin ang enerhiya sa ating kalikasan. Bawat antas ng pyramid ay mas malawak kaysa sa mga sinundang antas. Ang mga producer ay matatagpuan sa ibaba at nagtataglay ng mas ganap na enerhiya. Habang kinakain ng isang organismo ang isa pa, ang enerhiyang naisasalin ay nababawasan sapagkat ang ilan sa enerhiyang ito ay nawawala bilang init. D. 1.

Water cycle

2.

carbon dioxide-oxygen cycle

3.

nitrogen cycle

4.

phosphorous cycle

32


B. Aralin 1 Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 9) 1.

predation

6.

commensalism

2.

predation

7.

mutualism

3.

mutualism

8.

predation

4.

parasitism

9.

predation

5.

parasitism

10.

parasitism

C. Aralin 2 Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 15)

decomposer

ikatlo o tertiary consumer

ikalawa o secondary consumer una o primary consumer

producer

Ang food web ay maaaring naiiba. Ang sumusunod ay isang halimbawa ng inaasahang sagot gagamba

kalapati

Tipaklong Halaman

daga

pusa

Ahas Lawin 33


D. Aralin 3 Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 21) 1.

Tama

2.

Mali

3.

Tama

4.

Mali

Ang mga halaman ang mga producer

5.

Tama

Ang mga halaman ay tinatawag na mga autotroph sapagkat nakakagawa ng sariling pagkain ang mga ito.

6.

Tama

7.

Tama

Ang mga malalaking consumer ay kumakain ng mas marami upang mabawi ang nawawalang enerhiya habang ito ay isinasalin.

8.

Mali

Ang ilang enerhiya ay nawawala o nasasayang bilang init.

9.

Tama

10.

Tama

Ang enerhiya ay nababawasan habang ito ay nagpapasalin-salin mula sa isang organismo tungo sa isa pa dahil sa pagkawala o pagsama ng enerhiya sa hangin.

E. Aralin 4 Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 28) Siklo ng Tubig (Water cycle) Nangangailangan ng tubig ang lahat ng bagay na may buhay. Tinitiyak ng water cycle ang patuloy na daloy ng tubig sa pamamagitan ng evaporation at condensation. Carbon dioxide-oxygen cycle Ang oxygen, tulad ng tubig ay mahalaga sa buhay. Ang oxygen na hinihinga ng mga hayop ay galing sa mga halaman. Ang carbon dioxide ay inilalabas naman ng mga hayop na ginagamit naman ng mga halaman sa proseso ng photosynthesis. Bunga nito, naglalabas ng oxygen ang mga halaman. Tinitiyak ng carbon dioxideoxygen cycle ang patuloy na daloy ng oxygen para sa mga hayop at carbon dioxide para sa mga halaman. Nitrogen cycle Kinakailangan ang nitrogen sa pagbubuo ng mga protina at iba pang kemikal na kailangan sa buhay. Ang nitrogen sa hangin ay isinasalin sa anyong nitrate ng

34


mga nitrogen-fixing bacteria na matatagpuan sa lupa at mga ugat ng leguma. Ang nitrate ay isang kemikal na ginagamit ng mga hayop. Kapag namatay at nabulok ang mga hayop, babalik sa lupa ang nitrogen. Pinapanatili ng nitrogen cycle ang daloy ng nitrogen upang ito ay magamit ng lahat ng bagay na may buhay. Phosphorous cycle Ang mga phosphate mula sa mga bato at mga latak (sediments) ay kinakailangan ng mga hayop upang palakasin ang mga buto, ngipin at balat (shell). Ang phosphorous cycle ang nagpapanatili ng daloy ng phosphates na kinakailangan upang mapanatili ang mahahalagang tungkulin sa buhay. F.

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 30) A. 1.

symbiosis

2.

decomposers

3.

predation

4.

trophic structure

5.

ecological pyramid

6.

nitrogen cycle

7.

consumers

8.

photosynthesis

9.

food web

10. biogeochemical B. ikatlo o tertiary consumer ikalawa o secondary consumer una o primary consumer

producer

decomposer

35


Talahuluganan Autotroph Ang organismo na may kakayahang gumawa ng sarili nitong pagkain. Biogeochemical cycles Ang patuloy na paglilipat-lipat at pagsasalin-salin ng mga bagay tulad ng tubig, oxygen, nitrogen at phosphorous sa ating kalikasan. Carbon dioxide-oxygen cycle Ang patuloy na daloy ng oxygen at carbon dioxide mula sa mga halaman at mga hayop. Commensalism Isang uri ng ugnayan na ang isa ay nakikinabang ngunit ang isa ay hindi naman nakikinabang o hindi rin naman napipinsala. Consumer Isang organismo na umaasa sa isa pa para sa pagkain. Decomposer Isang organismo na bumubulok sa mga labi ng patay na organismo. Ecological pyramid Isang paglarawan ng daloy ng enerhiya mula sa isang organismo tungo sa isa pa. Food chain Ang sunud-sunod na antas ng mga organismo sa isang ecosystem na nagpapakita kung paano kumukuha ng pagkain ang mga ito. Food web Isang pangkat ng mga food chain na magkakadugtung-dugtong. Glucose Asukal na siyang pangunahing sangkap sa photosynthesis Heterotroph Isang organismo na umaasa sa isa pa para sa pagkain Host Sa parasitism, ito ay isang organismo na nag-aalaga o pinamamahayan ng parasito o parasite Parasitism Isang ugnayang symbiotic kung saan ang isang organismo ay nakikinabang sa kakayahan ng isa pa. Phosphorous cycle Ang pagsasalin-salin at daloy ng phosphorous sa mga halaman, mga hayop at sa kalikasan. Predation Isang ugnayang symbiotic na kung saan ay pinapatay ng isang organismo ang isa pa upang gawing pagkain. Predator Ang organismo na pumapatay sa isa pang organismo upang gawing pagkain. Mga producer Ang simulang batayan ng trophic structure; ang organismo na gumagawa ng sarili nitong pagkain. Starch Isang anyo ng asukal na nakukuha sa glucose. Symbiosis Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang magkaibang uri ng organismo na nabubuhay sa iisang ecosystem.

36


Trophic structure Ang kaayusan na kung saan kumukuha ng sustansiya ang mga organismo sa isang ecosystem. Water cycle Ang pag-inog at pagsasalin-salin ng tubig sa ating kalikasan.

Mga Sanggunian Campbell, N. Biology. Fourth Edition. The Benjamin and Cummings Publishing Company, Inc., USA, 1988. McLaren, James E. and Lisa Rotundo. Health Biology. D.C. Heath and Co., Lexington, Massachussetts, 1985. Low, Samson. Plant Kingdom. Grisewood and Dempsey Ltd., 1976. Oran, Raymond. Biology-Living Systems. Third Edition. Charles E. Merril Publishing Co., Ohio, 1979. Wallace, R., King, J. and Sonders, G. Biosphere – The Realm of Life. Second Editon. Scott, Foreman and C., Illinois, 1988. Wallace, R., Sonders, G. and Ferl, R. Biology – The Science of Life. Fourth Editon. Harper Collins, 1996.

37

ALSFL2-24  

isang-pagbabalik-tanaw-sa-ating-ecosystem

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you