Page 1


PITONG PUTTING PAPEL

2

Pitong Puting

P A P E L BY CRUSH39

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

3

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

4 Table of Contents: Unang Sulat Ikalawang Sulat Ikatlong Sulat Ikaapat na Sulat Ikalimang Sulat Ikaanim na Sulat Ikapitong Sulat

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

5 Unang sulat: Lunes noon nung pumasok muli ako sa eskwela at pagbukas ko ng aking locker, may nahulog na isang pirasong papel. Dinampot ko ito ng agad agaran at lumingon sa paligid ko, pero wala naman yung taong naglagay nito. Nagtaka ako at binuksan ang sulat habang tumunog na ang buzzer. Isinuksok ko na lang sa bulsa ko at mamaya ko na lang babasahin bago pa ako mahuli sa Flag Ceremony. Nakalipas ang ilang oras at tanghali na. Kumain ako kasama ang aking mga kaibigan kagaya ng palagi kong ginagawa. Pabalik na ako sa aming silid aralan ng maisipan kong bumalik sa locker at kunin ang natitira kong gamit. Sa pagpunta ko doon, may naalala ako. Agad kong hinawakan ang aking bulsa at binuksan ang papel, gumilid ako para hindi ako matamaan. Hello :) Ang ganda mo talaga ngayon :)) - x Tinitigan ko yung papel na hawak ko at naghanap ako kung kaynino man galing yon, baka naman nagkamali lang ng nabgyan. Nagtaka ako, hindi naman ako maganda, at sino naman si x?

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

6 Ikalawang sulat: Pinabayaan ko na lang ang sulat kahapon, wala rin akong pinagsabihan tungkol dito, sapagkat aasarin lamang ako ng aking mga kaibigan. Huminga ako ng malalim at iniwasan ang locker ko. Hindi ko alam ngunit, kinakabahan ako kapag lumalapit ako doon, kaya't dumiretso na lang ako sa aming silid aralan. Natapos na rin ang mga aralin, at oras na para kumain. Tumakbo ako palabas ng silid at dumiretso na sa Cafeteria at hinanap ang aking mga kaibigan, at tama ang aking hula, nandoon na sila at kumakain na. Tumakbo ako at hindi na nakabagpreno at nabangga ko ang isang lalaki. Nadulas ako ng kaonti ngunit hindi ako nahulog, tinignan ko siya ng maigi at isa lamang ang pumasok sa isip ko: "Ang gwapo ni kuya!". Ako ay humingi ng paumanhin at numingiti ako noong ako ay umupo na at lahat sila nakatingin sa akin. "Oi! Utot! Bakit ka nakangiti?" sabi ni Joshua, siya ay ang kababata ko. Nakatitig rin sa akin sina Renee, Danielle at Natasha. "Wala, wala." intinangi ko ngunit yung lalaking iyon lamang ang natira sa isip ko. Natapos na rin ang araw at kailangan ko nang umuwi ng bigla kong maalala. "Kailangan ko nga pala yung libro ko!" Hinampas ko ang palad ko sa noo ko habang papunta ako sa aking locker. At tumigil ako sa harapan nito, lumunok ako, dahan - dahang kong ipinihit ang susi at tama ang aking akala, may nahulog na naman na sulat. Kinuha ko ito at ibinuklat. Nakita nanaman kita ngayon :)) salamat at binuo mo yung araw ko - x

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

7 Ikatlong sulat: Sino na kasi iyon?! Itananong ko sa aking isipan. Lumingon ako at tinignan ng maigi ang bawat nilalang na dumaan sa harapan ko. Hindi na kaya ng utak ko na magisip pa. Marami na akong iniisip at inaalala, ayokong ito pa ay dumagdag. Sa wakas, ako ay hindi nagtagumpay sa aking paghahanap. Tumayo ako sa aking kinauupuan, ang bench sa labas ng hardin kung saan ang iba kong mga kaeskwela ay malayang naglalaro. Sa aking pagkatayo, ang bola ay tumama sa gilid ng ulo ko. Nahulog ako sa sahig, ang aking paningin ay medyo nagdilim, ipinikit ko ng paulit - ulit ang aking mga mata at onti - onting nagbabalik yung maayos kong paningin. "Miss! Pasensya ka na! Sorry talaga!" bigla na lang may gwapong nilalang sa harapan ko. Kinurot ko yung sarili ko, tama, hindi ito epekto ng bola. Gising ako. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" "Ikaw kaya tamaan ng bola di masakit!" sinigaw ko. Minasahe ko yung gilid ng ulo ko at kinuha ang mga libro kong nahulog. Tinulungan niya na ako, binato niya na muna yung bola sa mga kaibigan niya at inabot sa akin ang mga libro ko. Napagtanto ko na siya ang lalaking nakasalubong ko noon sa Cafeteria. "Sorry, talaga. Di na mauulit!" sabi niya at binigay niya ang kanyang kamay. "Ako nga pala si Mark, mapatawad mo sana ako." sabi niya ng may kasama na ngiti. Nakipagkamay na rin ako, sapagkat ito ang turo ng aking magulang. "Sana nga mapatawad kita." sinabi ko ng pabiro at umalis na ako. Dumaan muna ako sa aking locker, napansin kong madalas akong dumadaan dito, kahit noon pa man. Binuksan ko ang pinto, inaakalang may mahuhulog muli na sulat ngunit wala. Hindi ko alam kung bakit ngunit ako ay biglang nalungkot. Isinara ko na ito at pumunta na ako sa klasroom, karamihan ay nanduon na. Hinanap ko ang aking upuan sa dami ng tao at pumunta ako dito ng may nakita akong puti na nakalapag ng prenteng prente sa lamesa ko. Nangulot ang noo ko at kinuha ko ito. Sorry talaga... pero isusumbong na muna kita sa pulis ah... ninakaw mo kasi yung puso ko eh :)) magandang hapon sa 'yo - x

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

8 Ikaapat na sulat: Itinama ko ang aking ulo sa lamesa ng paulit - ulit hanggang sa ito ay sumakit. "Anak, ano ba yang ginagawa mo?" sinabi ng naaaliw kong ina. Tumingin ako ng saglit sa kanya at muli kong itinama sa lamesa ang aking noo. "Itigil mo na yan, hindi siya mawawala sa isip mo sa ganyang paraan." Napanganga ako sa sinabi ng aking ina at siya ay tumawa, nagpaalam na ako para matulog. Ibinato ko ang aking sarili sa kama at sumigaw ng malakas sa aking unan. Pumikit ako ng madiin. Bigla na lang ako may narinig. Napaupo ako sa kama at tinignan ko yung bintana ko. Sakto ay may tumamang maliit na bato. Tumayo ako at tumanaw sa labas. Magbabato na sana siya ulit ngunit nakita niya ako. "Oi! Utot! Buti naman at lumabas ka, nangangawit na yung braso ko sa kakabato oh." wika ni Josh. "Kasi naman, may pinto diba!" umiling ako sa kanya. "Eh nahihiya ako eh! Tsaka, saglit lang naman ako eh, oh saluhin mo!" sinigaw niya at naglabas ng bato na may nakabalot na puting papel. Binato niya ito at nasalo ko ito. "Espesyal na delivery!" sinabi niya habang siya ay umaaalis na. Binuksan ko yung papel at galing na naman kay x, kung sino man siya. Siguro naman halata na ito, pero baka hindi ka maniwala eh, kaya sasabihin ko na lang kung hindi mo pa alam, gusto kita at baliw na baliw ako sa iyo. - x

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

9 Ikalimang sulat: Eksaminasyon na naman at todo ang aking pag-aaral. Kailangan kong pumasa ngayon taon upang payagan akong pumunta sa isang gala. Ako lamang ang hindi makakasama kung hindi ako makakapasa kaya naman naisipan nila Renee, Danielle, at Natasha na tulungan ako sa aking pag-aaral. Halos nakabaon na ang aking ulo sa libro. Matagal na rin siyang hindi nakakapagdala ng sulat, naisip ko ito habang nakabaon na ang aking ulo sa libro. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Bakit hindi kaya siya nagpaparamdaman? Sino kaya siya talaga? Ilan buwan na rin siyang nagbibigay ng mga sulat sa akin at hindi niya sinasabi kung sino siya. Tumayo ako, sinabi ko na pupunta lamang ako sa banyo. Inisip ko lahat ng aming pinag-aralan at nag-iisip pa rin ako nang makita ko ang isang lalaki, nakatakip ang kayang mukha at may ipinapasok siya sa isang locker. Sa locker ko. Lumaki ang aking mga mata. "Hoy!" sinigaw ko at lumingon siya bago tumakbo, sinubukan ko siyang habulin ngunit naisip ko na subalit ako ay mabilis na tumakbo ay hindi ko rin siya maabutan kaya't pumunta na lamang ako sa aking locker at muntikang ibato ang pinto. Nakita ko agad ang papel at binuksan ito ng madalian. Pasensya ka na kung ngayon lamang ulit ako nagparamdam :) Ayoko ko kasing makilala mo ako eh, natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Pero sige, para hindi ka na rin magtaka, ipapakilala ko na yung sarili ko sayo, sa isang kondisyon, kailangan nasa top 5 ka :)) kung hindi, hindi na ako muling magpaparamdam sayo - x Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi pero kung ito lamang ang paraan upang makita ko na siya, gagawin ko ang lahat para lamang magawa ko itong sinasabi niya. Bumalik muli ako sa silid aralan, isa lamang ang nasa isip ko, makikita ko na rin siya.

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

10 Ikaanim na sulat: "Kamusta ka na?" sabi ni Mark. Nagulat ako. Nasa kalagitnaan kasi ako ng pagbabasa. Hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin ako. Hindi naproseso ng aking makupad na utak ang nangyayari kaya na lamang nakatitig ako sa kanya. "Uy, nagtanong ako." "Ay, ano nga pala yun?" itinago ko ang nahihiya kong mukha, tumawa siya at umupo sa tabi ko. "Tinanong ko kung kamusta ka na." nakangiti niyang sinabi. Nagtataka rin ako sa kanya, noong isang araw lamang, binigyan niya ako ng rosas at binigay ko naman kay Natasha dahil ayoko ng mga regalo, nahihiya na lamang ako kapag minsan. "Maayos naman ako, nag-aaral." sabi ko. Tumango siya, kinuha niya ang libro ko habang may hinalukat ako sa aking bag at nakita niya ang aking mga kaibigan at bigla siyang tumayo. "Sige pala." sabi niya, ang ngiti niya ay nawala na at kumaway na lang ako habang siya ay umalis. Lumapit yung apat sa akin, ang kanilang mga mukha ay masaya, maliban na lang ang kay Joshua. "Sino yun?" sabi ng tatlo. Tumawa ako. "Si Mark, kaibigan ko lang siya." "Kaibigan o kai-bigan?" binulong ni Joshua, hindi ko na lamang ito pinansin at kumain na ako. Bukas na ang eksam at kinakabahan ako ng lubusan, kailangan matupad ko yung pangako ko. Kinuha ko ang iba kong libro at ibunuklat ko doon sa babasahin ko ng may nakalabas na papel, kinuha ko ito at binasa. Kaya mo yan... :) - x Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Mark ba si x?

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

11 Ikapitong sulat: Kami ay nagsagot ng pagsusulit noong isang araw at ngayon ay kinakabahan ako, nakita ko na aking mga grado at nagdadasal ako na isa ako sa kasama sa matataas. Hindi ako makahinga. Namimilipit ang dibdib ko. Ang guro ay nagsasabi ng mga pangalan. Hinawakan ko ang kamay ni Danielle ng mahigpit. Ikapito na ang itinatawag at madami ang nagpapalakpakan. Hindi pa rin ako makahinga. Ika-anim. Hindi pa rin ako tinatawag. Nakahinga ako ng maluwag. Sa gilid ng aking mata, nakita kong nakangiti si Mark sa akin at napangiti rin ako. "At ang top one ay si... Ayisha!" sabi ng aking guro. "Ha?" ito lamang aking nasabi. Marami ang naghiyawan at tumunog na ang buzzer. Ibig sabihin ay dulo na ng araw at maaaring umuwi na. Kinuha ko ang aking mga gamit, ang bawat isa sa kanila ay natutuwa at binati ako. Palabas na lamang ako ng biglang may humawak ng aking kamay. Tinignan ko at si Mark pala, inabutan niya ako ng papel. Nabigla ako at hindi ko agad binuksan yung papel. Pagkalabas ko ay dali - dali kong binasa at nagsisitili ako. Makikita mo na ako sa wakas, congrats :)) sabi ko na nga bang kaya mo yan eh :) ang galing mo talaga, kaya naman mahal na mahal kita eh :) - x Nakalagay rin sa papel kung saan kami magkikita. Pumunta ako sa bahay at mabilis kong sinabi sa aking magulang ang magandang balita, at gumawa na rin ng storya kung saan ako pupunta. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa parke na malapit sa bahay namin. At duon sa gitna ng parke ay puro kandilang nakaporma ng puso at sa gitna noon ay may lalaking nakasuot ng damit na may x na nakaburda sa likod. Napatigil ako. "x?" sabi ko at lumingon siya at nagulat ako sa nakita ko. Ngumiti siya sa akin. "Oi! Utot!" sabi Joshua. "Buti naman at dumating ka."

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)


PITONG PUTTING PAPEL

12 RAINA/CRUSH39 ALL RIGHTS RESERVED 2013-2014 PROPERTY OF: RAINA UNTERMYER (PEN NAME) AKA CRUSH39 THECRUSH39RANTS.WEBS.COM & WATTPAD.COM/USER/CRUSH39

PROPERTY OF THECRUSH39RANTS.WEBS.COM ALL RIGHTS RESERVED (2O13-2014)

Pitong Puting Papel  

thecrush39rants.webs.com

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you