Issuu on Google+

VOLUME 1, ISSUE 2

BALITAAN SA BARANGAY

FEBRUARY 2009 TUNGO

SA

ISANG

Friendster: pvtcmo@yahoo.co

SULYAP SA PAHINA

A WARENESS D RIVE A NTIPOL O

1

V ALENTI NES P ARTY 09 A T T ONDO

2

E DITORIAL

2

D UGO KO ALAY SA KAPWA KO

3

KATUWANG NG CMO BN

3

BATA )

I NAUGURATION & C UTTING OF RIBBON OF

4

N EW ROTC BDLG . O F PUP C OM-

MONWELTHH .

A LAY L AKAD (W ALK FOR L IFE )

AT

NAGKAKAISANG

KOMUNIDAD

INFORMATION DRIVE NG CMOBn SA CITY COLLEGE OF MANILA DINALUHAN NG MAYORYA NG NSTP STUDENTS

Website: www.cmobn.com

PBM (N AG BIBIGAY NG N GIT SA MGA

MAUNLAD,MATIWASAY

4

Humigit kumulang sa isang libo’t tatlong daang (1,300) kabataang magaaral sa National Service Training Program (NSTP) ng City College of Manila (CCM) ang dumalo sa ginanap na information drive ng Civil Military Operations Battalion (CMOBn) sa pangunguna ng Operations Officer nito na si Cpt Mario Jose M Chico . Ginanap ang Information Drive sa Justice Cecilia Munoz Palma Hall nitong ika23 ng Enero taong kasalukuyan. Naisakatuparan ang info drive dahil na rin sa ginawang pakikipagtulungan ng NSTP Director ng CCM na si Mr Joel Cam at Asst NSTP Coordinator Mr Shan Dave Tupaz. Dumalo din ang ilang guro ng nasabing kolehiyo. Nagkaroon ng dalawang sesyon ang information drive; isa sa umaga, at isa rin sa hapon. Layunin nito na ipaliwanag sa mga mag-aaral ang proseso ng pagrerekluta ng mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF. Nakatawag pansin sa kanila ang mga kaalamang ibinahagi ni Cpt Chico at ang kasama nitong isang Rebel Returnee. Ayon kay Sheila, isang estudyante sa kursong Physical Therapy, ang kanilang natutunan sa information drive ay magagamit nila bilang isang gabay sa kanilang pagaaral at maging sa pagpili nila sa mga organisasyong pwede nilang masalihan sa paaralan. Sa open forum naman ay naging maliwanag sa mga estudyante ang proseso ng pagrerekluta ng CPP-NPA-NDF, mga palatandaan na nirerekluta na sila, antas-antas na pagbabago nang kanilang estado sa organisasyon at iba pang mahahalagang kaalaman at impormasyon hinggil sa CPP-NPA-NDF recruitment na matagal nang nangyayari sa mga paaralan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan. Binigyang diin ni Cpt Chico na hindi layunin ng information drive o ng mga sundalo na pagbawalan ang mga kabataan na sumapi sa anumang organisasyon, kundi ang adhikain nito ay upang tulungan sila para maging mapanuri, mapang-aral, mapag-obserba at mapang-analisa sa mga prenteng organisasyon na maaaring makasira sa pag-aaral nila. Dagdag pa niya na wala ni isang magulang ng mga mag-aaral sa CCM ang nagpa-aral ng kanilang mga anak sa nasabing institusyon para ang maging layunin ay umakyat sila sa bundok at humawak ng armas. Sa sesyon naman sa hapon, naging mabunga ang ginanap na open forum dahil itinuon ng mga estudyante ang kanilang pagtatanong sa proseso ng pagrerekluta at kung paano naman sila mapalayo sa mga panlilinlang na maaaring gawin sa kanila. Sa pagtatapos ng programa ay nagkakaisang nanawagan ang mga estudyante sa mga namumuno ng mga prenteng organisasyon na sa halip na sila ay rekrutin, dalhin sa bundok at isama sa mga labanan ay tulungan na lamang umano silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral upang magkaroon umano sila ng magandang kinabukasan. Ipinaabot din nila ang kanilang pasasalamat sa mga kasundaluhan ng CMO Bn dahil sa pagsisikap ng mga ito na maibahagi ang mga dagdag kaalamang kanilang natutuhan. O N E

C O U N T R Y . . . O N E

P E O P L E . . . O N E

A R M Y !


B A L I T A A N

S A

B A R A N G A Y

Page 2

EDITORYAL

VALENTINES PARTY 2009 ng Brgy 39 Zone 3 Tondo, Manila

ARAW NG MGA PUSO

Noong nakaraang ika-13 ng Pebrero 2009, ipinagdiwang ng Brgy 39 Zone 3, Tondo, Manila ang Araw ng mga Puso. Ang nasabing pagdiriwang ay pingangunahan ni Brgy Chairman Pedro N Castillo Sr, at ito’y sinuportahan ni Congressman Ian Nieva ng District 1 Tondo, Manila. Naging kaugalian na ng mga taga Tondo ang pagiimbita sa mga sundalo tuwing may okasyon sa kanilang lugar. Ito’y dahil nasaksihan nila ang pagiging matapat na hangarin ng mga ito na makapagbigay tulong sa mga tao lalo na sa mga mahihirap. Isa na dito ang pagtatanghal ng CMOBn Combo tuwing sila’y maimbitahan sa mga barangay para magbigay aliw at saya sa mga tao. Ayon kay Brgy Chairman Pedro Castillo Sr., naging paborito ang CMOBn Combo sa mga pista sa mga barangay sa Tondo at maging sa mga lugar ng “urban poor” sa kalakhang Maynila dahil bukod sa magagaling ang mga musikero’t bokalista nito ay libre pang handog para sila’y aliwin at damayan sa kanilang kasiyahan. Ang mga kantang tinutugtog ng banda ay halos paborito ng karamihan dahil hindi ito masyadong makaluma at marami ding mga makabagong tugtugin na kung tawagin ay “New Wave”. Ito’y naging patok na patok sa mga kabataan kung kaya’t naging matagumpay na naidaos ang pagdiriwang ng araw ng mga puso sa kanilang barangay. Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Brgy Chairman sa presensiya ng mga sundalo. Giit pa niya, simula noong dumating ang mga sundalo sa kanilang barangay ay bumaba ang bilang ng biktima ng pagnanakaw, patayan at iba pang masasamang bagay. Wala din daw ang mga makaliwang organizasyon sa kanilang nasasakupan dahil ayaw nila talaga na sumali at sumuporta sa mga prenteng organisasyo ng CPP-NPA-NDF. Tahimik na daw at maayos na ang kanilang pamumuhay kung kaya’t hindi na nila kailangan ang tulong ng mga grupong kagaya ng Bayan Muna, Gabriela at ibpa. sa barangay nila. B A L I T A A N S A B A R A N G A Y … T U N G O S A M A U N L A D , M A T I W A S A Y O P I S Y A L N A B U W A N A N O P E R A T I O N S B A T T A L I O N , A R M Y N A M A Y H E A D Q U A R T C I T Y . A N O M A N G B U S Y O N N A N A I S I B A H A G I M U S U N O D : T E L E F A X : 8 E - M A I L : C E L L P H O N E :

Ang Araw ng mga Puso (Valentine’s Day) ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Valentín, ang siyang tinaguriang patron ng mga magkakasintahan ayon sa katolisismo. Ito ay kadalasang ginaganap tuwing ika14 ng Pebrero. Sa okasyong ito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan, mga mag-aasawa, at mga magkakapamilya ang kanilang pag-ibig at pagmamahalan sa isa't isa. Kadalasan nito ay nagpapadalahan sila ng mga bulaklak, kard o kaya’y regalo para ipadama kung gaano kaimportante ang isang tao sa kanilang buhay. Itinuturing na nagsimula ang mga kartang pambati sa kapistahan ng Araw ng mga Puso. Noong sinaunang panahon, sa pagdiriwang ng Lupercalia sa Roma tuwing Pebrero 15, nakaugalian ng mga batang kalalakihan ang pagguhit ng mga pangalan ng mga batang kababaihan sa mga malalaking urno o plorera, kung kailan nagiging kapareha ng isang batang babae ang batang lalaki sa panahon ng pestibal. Upang magkaroon ng Kristiyanong kahulugan at mukha ang paganong selebrasyon, nilipat ng Simbahang Katoliko ang Araw ng mga Puso mula Pebrero 15 patungong Pebrero 14, ang araw kung kailan naging martir ang santo at paring si Valentino. Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga ika16 daantaon. Ang mga ito’y naglalaman ng mga tula ng pagmamahal at mga ginuhit na larawan ni Kupido, ang diyos ng pag-ibig, kasama ng kaniyang pamana at palaso. Naging tanyag ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong mga kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ang panahon kung kailan ipinakilala sa madla ang mga sangkusing na postahe at mga sobre.

Pagkatapos na maidaos ang Valentines Party ay pinaplano ulit ng pangkat ni Brgy Chairman na mag-organisa ng liga ng basketbol, at muli nilang inimbitahan ang grupo ng CMOBn Combo para magtanghalsa seremonya ng pagbubukas sa liga.

A T

N A G K A K A I S A N G

K O M U N I D A D !

G P A H A Y A G A N G P A M G B A R A N G A Y N G C I V I L M I L I T A R Y C I V I L M I L I T A R Y O P E R A T I O N S G R O U P , P H I L I P P I N E E R S S A J U S M A G V I L L A G E , F T . B O N I F A C I O , T A G U I G K O M E N T O , S U H E S T I Y O N O A Y P W E D E N G I P A H A T I D S A

K O N T R I M G A S U -

4 5 - 9 5 5 5 L O C 6 4 3 3 C M O B N . P A @ G M A I L . C O M 0 9 2 2 9 5 9 6 3 8 5 / 0 9 1 6 7 7 0 3 2 8 9

ONE COUNTRY...ONE PEOPLE...ONE ARMY!


Page 3

VOLUME

1,

ISSUE

2

DUGO KO ALAY KO SA KAPWA KO

PHILIPPINE BAND OF MERCY KATUWANG NG CMOBn

Ang CMOBn ay nagalay ng Dugo sa “Blood Letting Activity” na ginanap sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center noong nakaraang ika-9 ng Pebrero 2009. Naisakatuparan ang nasabing programa dahil sa pakikipag ugnayan ng grupo ni MAJ NELSON L DELA CRUZ, Commanding Officer ng 1st CODE Coy, CMOBn, PA, Bb. Elvira Villanueva, Kawani ng Opisina ng Bise Mayor ng Manila, at Dr. Evangeline Morales, Direktor ng Ospital ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GAPMMC). Nagsimula ang programa bandang Alas 8:00 ng umaga at nagtapos bandang alas 12:00 ng tanghali. Ito’y dinaluhan ng mga taong interesadong mag-alay ng dugo para sa mga pasyenteng lubos na nangangailangan. Ilan sa mga nakilahok ay galling sa Brgy 17 at 20 Port Area Manila, Civilian volunteers, Philippine National Police (PNP) at mga “Reservists” ng Philippine Army. Layunin ng aktibidad na maipakita at maipadama sa mga tao na ang gobyerno sa tulong ng Philippine Army ay aktibo sa mga gawaing makakatulong para sa kapakanan ng mga taong bayan. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil ang nasabing ospital ay nakaipon ng sapat na dugo para maitulong sa kanilang mga pasyente. Ayon kay Dra. Evangeline Morales, director ng nasabing ospital, taus-puso siyang nagpapasalamat sa CMOBn, Philippine Army, at sa lahat ng nag-alay ng kanilang mga dugo. Uumaasa sila na sana’y tuloy-tuloy ang pagsuporta ng mga tao sa kanilang mga programa sa nasabing ospital.

Feeding Program at Sundalo ang Barbero Ko, Ginanap sa Brgy 737, Zone 80 Matagumpay na idinaos ang Feeding Program na dinaluhan ng mahigit 300 na mga bata hindi lamang sa Brgy 737, Zone 80 kundi ng anim (6) pang kalapit na mga barangay noong ika-1 ng Pebrero ‘09 sa Ortega Sports Complex, Mataas na Lupa cor. F. Munoz, Paco, Manila. Ang nasabing programa ay resulta ng pag-uugnayan ng mga barangay officials, mga kasundaluhan ng 6th Community Development Company, CMOBn sa pangunguna ni Cpt. Marcelo Valdez, at ni Konsehala Josie Siscar ng 5th District, manila na laging malugod na tumutugon sa mga programa sa mga barangay. Kasabay din nito ay kinapalooban din ng libreng gupit ang mga bata sa ilalim ng programang “Sundalo ang Barbero Ko” ng CMOBn. Humigit kumulang 100 bata ang nabiyayaan ng libreng gupit sa anim na barangay ng sona 80. Ang programang ito ay patunay lamang na sa nagkakaisang komunidad, walang magugutom at makakamit ang wastong kalusugan sa mga bata. O N E

Ang CMOBn ay naging katuwang ng Philippine Band of Mercy sa pagbibigay ngiti sa mga batang bingot dito sa ating bansa. Ang Philippine Band of Mercy (PBM) ay isang pribado at hindi pinagkakakitaang organisasyon na naitatag noong taong 1937 at nairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) na may rehistro numerong 3156. Ang organisasyon na ito ay kinikilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Philippine Council for Non-Government Organization (NGO) bilang katuwang sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayang nangangailangan ng tulong. Ang pangunahing serbisyo na ibinibigay ng organisasyon ay ang pagbibigay ng lunas o rehabilitasyon sa mga may kapansanan para maiaayos ang kanilang kalagayan. Ang nasabing organisasyon ay nagsasagawa din ng “Provincial Surgical Mission” sa mga probinsya para makapaghatid ng serbisyo publiko sa mga batang nangangailangan ng tulong lalo na sa mga nakatira sa mga liblib na lugar. Ang PBM ay kasalukuyang nagpapatayo ng kaunaunahang Craniofacial Center sa Pilipinas. Ito ay dalawang palapag na gusali na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Abril 2009. Noong nakaraang ika-anim ng Pebrero, nakipagugnayan ang mga sundalo ng CMOBn sa PBM para sa programang “Smile Train”. Ang layunin ng programang ito ay para maiayos ang pisikal na anyo o kondisyon ng mga batang bingot. Sa ngayon ay meron nang nagpakonsulta sa nasabing progarama. Sila ay sina Daniel Desuasido, pitong buwang gulang at Emmanuel Eleazar, sampung taong gulang. Sila’y nakatakdang maoperahan sa susunod na ika-7 ng Marso 2009. At para sa lahat na nais mabiyayaan ng tulong, lumapit lang po sa mga unit ng CMOBn na nakahimpil sa kamaynilaan at kumpletuhinletuhin ang mga sumusunod na kakailangan: CBC, Platelet count, urinalysis, Chest x-ray, stool examinations, ECG, CP clearance, Blood type at RH.

C O U N T R Y . . . O N E

P E O P L E . . . O N E

A R M Y !


B A L I T A A N

S A

B A R A N G A Y

Page 4

Inagurasyon at Ribbon Cutting sa Bagong Tayo na ROTC Office Building Ginanap sa PUP Commonwealth Quezon City. Nagkaroon ng ribbon cutting sa PUP Commonwealth para sa inagurasyon ng bagong tayo na ROTC Office Building. Ang proyektong ito ay magkasamang binuo nina Dir. Pascualito B Gatan, director ng PUP Commonwealth at ni Col. Buenaventura C Pascual INF (MNSA) PA, Commanding Officer, Civil Military Operations Bn (CMOBn), Philippine Army. Ang dalawang ginoo ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng ROTC program sa paghubog sa mga estudyante na may potensyal na maging lider. Sila ay maaring makapagbigay ng malaking benepisyo sa gobyerno at sa pamayanang Pilipino upang maisulong ang katatagan at kapayapaan ng ating bansa. Ang ROTC building na ito ay sama-samang itinayo ng mga sundalo na nagmula sa Headquarters and Headquarters service Company, CMOBn. Sinumulan ang nasabing pagpapatayo noong ika-28 Agosto hanggang ika-09 Oktubre 2009 sa pamumuno ni Cpt Germelo A Calma (QMS) PA, Headquearters Commandant. Ang inagurasyon ng nasabing gusali ay ginanap noong ika -13 Pebro 2009. Nagkaroon ng maikling programa sa seremonyang ito na nagsimula ganap alas-dyes ng umaga. Si Cadet 1LT Rizzalyn V Velasco ang nanguna sa pagkanta sa pambansang awit at si Col. Pascual naman ang nagbigay ng opening remarks. Pagkatapos nito ay ginanap na ang ribbon cutting na pinangunahan nina Col Pascual at Director Pascualito B Gatan. Sumunod dito ang pagpirma ng deed of donation nina Dir. Gatan at ng CMOBn. Bago natapos ang selesbrasyon ay nagkaroon muna ng konting salo-salo na inihandog ni Col Pascual para sa mga bisitang dumalo.

ALAY LAKAD “WALK FOR LIFE” SA ARAW NG MGA PUSO Ang mga sundalo ng CMOBn, Philippine Army, ay sumali sa alay lakad na pinamagatang HERO (Health, Education, Reform, Order) noong ika-14 ng Pebrero 2009. Ang alay lakad sa temang “Walk for Life 09” ay isang aktibidad na pinamumunuan nina Manila City Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Francisco Domagoso. Dumalo din sa nasabing okasyon ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), mga LGU’s at NGO’s, at mga estudyante ng ibat-ibang paaralan sa lungsod ng Maynila. Ang alay lakad ay nagsimula sa Rizal Monumento sa Luneta hanggang sa Rajah Solaiman Plaza, Ermita, Manila. Ang nasabing alay lakad ay Masaya at mapayapang idinaos at walang masamang insidenteng nangyari sa mga dumalo bagkus ay sila’y nabiyayaan ng magandang ehersisyo na lubos na makakatulong sa kanilang kalusugan at katawan. Ang Alay Lakad ‘09 ay nagbunga ng malakas at magandang samahan at pagkakaunawaan ng mga kasundaluhan, mga LGU’s ng lungsod ng Maynila at ng mga ibat-ibang organisasyon na nagsuporta sa nasabing programa.

TAWA NAMAN DIYAN!!!

Because laughter is the best medicine!

O N E

C O U N T R Y . . . O N E

P E O P L E . . . O N E

A R M Y !


February Issue