Page 1

August Issue 2009

Vol. 1, Issue 8

Mabuhay ang CMOBn sa kanilang Ika-Tatlong (3) taon na Anibersaryo Ang mga miyembro ng Civil Military Operations Battalion na pinamumunuan ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL MNSA(INF) PA ay nagdiwang ng ikatatlong (3) Anibersaryo noong ika -18 ng Agosto 2009 at ito’y ginanap sa NCRCOM, AFP building at St Benedict Church, Camp Emilio Aguinaldo Quezon City. Nagkaroon ng inisyatibang magpamisa si COL PASCUAL para magpasalamat dahil sa hanggang ngayong ay matatag pa rin ang Civil Military Operations Battalion (CMOBn), Philippine Army. Maraming dumalong matataas na opisyales ng National Capital Region Command (NCRCOM), AFP sa pangunguna ni MAJOR GENERAL JOEGY LEO L FOJAS, Commander ng NCRCOM, AFP bilang pangunahing bisita kasama ang kanyang mga staff officers upang makiisa at makisaksi sa nasabing pagdiriwang. Lahat ng kasundaluhan ng CMOBn na galing pa sa mga kompanya ay dumalo at ang Joint CMO Task Force na bagong tatag lamang noong buwan ng Abril, kasalukuyang taon ay dumalo din. Sa pagdiriwang ng CMOBn ay nagkaroon ng presentasyon sa mga bisita sa pamamagitan ng isang dokumentaryo na nagpapakita sa mga sakripisyo ng mga kasundaluhan ng CMO Battalion upang ang misyon nito sa taong bayan ay matagumpay na magampanan. Ipinapakita din dito ang walang sawang Volume 1, Issue 8

paglilingkod at ang pakikipagtulungan sa Iba’t- ibang ahensiya ng Gobyerno lalo na sa mga Barangay para matugunan ang mga problema at pangangailangan ng ating mga mamamayan. Masaya ang lahat ng taga-CMOBn dahil kahit paano ay nagbunga ang kanilang pagod at hirap lalo na noong binigyan ng parangal at importansya ng NCRCOM, AFP ang aming Battalion Commander na si COL PASCUAL. Ang buong CMOBn ay galak na nagpapasalamat sa taos-pusong pagtanggap ng mga tao sa aming mga kasundaluhan dahil samakatuwid ay napanatili ang magandang imahe ng mga sundalo sa iba’t-ibang lugar ng NCR. Wari’y pinapabatid ng mga mamamayan na ipagpatuloy ng CMOBn ang kanilang tungkulin na tumulong sa iba’t-ibang uri ng proyekto at aktibidadis para sa pag-asenso ng mga barangay . Mabuhay ang CMOBn at Mabuhay tayong lahat.

Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ng CMO Battalion sa ika-tatlong taong anibersaryo sa pamamagitan ng isang banal na misa.

One Country… One People… One Army...

Page 1


Balitaan sa Barangay MEDICAL MISSION SA RECTO matagumpay Sa pangunguna ni Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto, medical doctors ng Departamento ng Manila Health, residente at opisyales ng Brgy 310, 1301st Dental Dispensary HHSG, medical doctors ng Ft Bonifacio Hospital, mga sundalo ng CMO Battalion at 1CODE Company sa pamumuno ni 1LT Eliezer Bejarin, isang matagumpay na Medical Mission ang naganap sa Brgy 310, Zone 31, Recto, Manila noong Ika-29 Agosto 2009.

residente ng Brgy 310 kung saan sila nakatalaga. MCSS.

Mga residente ng Brgy 310 na nabiyayan ng libreng konsultasyon, gamot, gupit, at dental.

Libreng Gupit sa JP Laurel High School

Humigit kumulang 125 batang estudAng ginanap na medical mission yante ng JP Laurel High School,Quezon City ang ay isa sa mga proyekto kung saan kaaki- nabiyayaan ng libreng gupit mula sa kasundalubat ang mga sundalo ng Civil-Military Op- han ng Civil-Military Operations Battalion, Philiperations Battalion sa patuloy na pagbibi- pine Army. Sa initiatiba ni CPT Francis Balan, gay serbisyo publiko sa ating mga kaba- Commanding Officer ng 3rd CODE Company, ang bayan dito sa kalakhang Maynila. Sa squad 2-2-3 sa pangunguna ni Sgt Glen pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon Clemente at sa pakikipagtulungan nila kay Brgy nina 1LT Bejarin, company commander Chairwoman Delia Bongbonga at ng principal ng ng 1CODE Company at 1LT Sudio, mga JP Laurel HS na si Dr Loningning Milan, matalokal na pamahalaan at mga iba’t-ibang gumpay na isinagawa ang proyektong libreng ahensiya ng gobyerno, lalong dumami gupit noong ika-3 ng Agosto 2009. Ito’y nagpaang nabiyayaan at natulungang mga resi- patunay lamang na ang mga sundalo ng CMO dente. Humigit kumulang 1,095 residente Battalion, Philippine Army ay kaakibat sa pagang tumanggap ng libreng konsultasyon palaganap ng pampublikong pangkalusugan at mula sa mga doctor, 160 residente and impormasyon hinggil sa kalinisan at kaayusan ng nabunotan ng ngipin at 143 ang nagupi- sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tan. Ito ay ilan lamang sa mga libreng maayos na gupit. Isa din itong indikasyon na ang serbisyong hatid ng mga sundalo para sa mga kasundaluhan natin ay isang kawal na may pagpapahalaga sa kapwa-tao at laging handa sa mga kababayan nating mahihirap. Lubos at galak na nagpa- anumang serbisyo publiko. pasalamat si Councilor Yul Servo lalo na ang mga residente ng Brgy 310, Zone 1, Recto, Manila sa serbisyong hatid ng iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ito’y isa lamang indikasyon ng pagmamalasakit Nakapila ang mga estudyante ng JP Laurel sa libreng ng mga sundalo sa kalusugan ng gupit hated ng mga sundalong barber ng CMO Battalion. mga Volume 1, Issue 8

One Country… One People… One Army...

Page 2


Balitaan sa Barangay

EDITORYAL PAALAM CORY Agosto 1, 2009, ginulantang ang buong bayan sa pagkamatay ni Cory Aquino, ang ika-11 Presidente ng bansang Pilipinas. Namatay si Cory sa sakit na colon cancer sa edad na 76. Si Cory Aquino ang kauna-unahang babae na naging Presidente ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng Presidente sa Asya. Kung matatandaan natin, si Maria Corazon “Cory” Sumulong Cojuangco Aquino ( January 25, 1933 – August 1, 2009) ay binansagang “Icon of Philippine Democracy” na naging Pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992. Si Cory ay naging asawa ni Senator Benigno Aquino, Jr, isang martir at lider ng oposisyon laban sa diktadoryang pamumuno ni President Ferdinand Marcos. Itinuring na isang bayani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 si Cory Aquino na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon ilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daigdig. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan Sa isang telegrama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ng Pangulo ng Rusya na si Dmitry Medvedev na, “The name of Corazon Aquino is associated with a period of profound reforms and the democratic transformation of Filipino society (Ang pangalan ni Corazon Aquino ay maihahabilin sa panahon ng kakaibang reporma at demokratikong pagbabago ng mamayanang Pilipino.” Sinabi rin niya na ang simpatya at interes na ibinahagi ni Aquino sa bansang Rusya ang nagpalakas sa relasyong Ruso-Pilipino. Maliban sa nabanggit na bansa, nagbigay rin ng mensahe ang iba pang mga Volume 1, Issue 8

nasyon tulad ng Estados Unidos, kung saan ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay nagpahayag na si Aquino ay "admired by the world for her extraordinary courage (pinararangalan ng buong daigdigdahil sa di-mapantayan nitong katapangan". Sinabi rin ng Kalihim ng Pahayagan ng Puting Bahay (White House) na si Robert Gibbs na "Her courage, determination, and moral leadership are an inspiration to us all and exemplify the best in the Filipino nation (Ang kanyang katapangan, determinasyon, at marangal na pamumuno ay isang inspirasyon sa ating lahat na ipinagmamalaki ang kagalingan ng Bansang Pilipino." Nagbigay rin ng mga mensahe ang mga ambahador tulad ng sa Tsile. Pinarangalan din ni Papa Benito XVI ang kanyang "courageous commitment to the freedom of the Filipino people, her firm rejection of violence and intolerance (matapang na pagtataguyod ng kalayaan ng mamayanag Pilipino at ang kanyang pagtanggi sa karahasan at di-pag-uunawaan," ayon sa Arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Kardinal Rosales. Sinabi ng Pangulo ng Timog Aprica na si Jacob Zuma na siya ay "a great leader who set a shining example of peaceful transition to democracy in her country (isang magaling na pinuno na naging isang liwanag sa mapayapang transisyon patungo sa demokrasyang kanyang bayan)." Source: wikipedia

One Country… One People… One Army...

Page 3


Balitaan sa Barangay

UNANG TAON NG CMO BATTALION SA EMILIO AGUINALDO COLLEGE – CAVITE, POSITIBO Pinabaunan ng Emilian clap ang tropa ng Speaker’s Bureau ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION nang magsagawa ang mga ito ng information and awareness drive sa nasabing unibersidad nitong ika-8 ng Agosto na dinaluhan ng apat na raan at labing siyam (419) na first year college students na naka-enroll sa NSTP o National Service Training Program. Naisakatuparan ang nasabing info drive base na rin sa kahilingan ng pamunuan ng nasabing unibersidad sa pamamagitan ng NSTP Director na si MS ROSE LEGASPI. Mainit namang tinanggap ng NSTP Coordinator ng EAC -Cavite na si MRS CORAZON RAMIREZ ang Speaker’s Bureau Team ng CMO Battalion sa pangunguna ng Operations Officer nito na si CAPT MARIO JOSE CHICO. Naunang naisagawa ang katulad na aktibidad sa EAC-Malate Campus nitong nakalipas na buwan na kung saan nakita ng pamunuan ng paaralan ang kahalagahan ng mga impormasyong naibabahagi sa mga estudyante kung kaya’t hiniling din na maisagawa ito sa Cavite Campus. Sa welcome remarks ni Mrs Ramirez binigyag diin nito na malaki ang kanilang ipinagpapasalamat sa CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION na pinamumunuan ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL dahil alam umano

Volume 1, Issue 8

nilang mga guro na mamumulat sa tamang pananaw ang mga Emilians. Binigyang diin ni Mrs. Ramirez na tiyak na magiging gabay sa kanilang mga estudyante ang kanilang mga matutunan sa nasabing info drive hindi lamang sa kanilang mga makakasalamuhang tao, higit sa lahat sa mga grupong maaring manghikayat sa kanila. Matapang namang inamin ng isang estudyanteng babae na sa kasalukuyan, siya ay miyembro na ng League of Filipino Students o LFS, pero binigyang diin ni “WILMA” na hindi na siya dadalo pa sa anumang mga pagpupulong, seminars o kahit na anong actibidad sa mga susunod na panahon. Sapat na umano ang kanyang mga nalaman base sa mga ipinaliwanag ni CAPT CHICO at napanood na mga video clips para magdesisyong tuluyan nang putulin ang koneksiyon sa nasabing organisasyon. Sumapi lamang umano siya sa nasabing grupo

Nagibibigay ng mahalagang impormasyon si Bb Agnes Reano sa mga estudyante ng Emilio Aguinaldo Collge, Dasmarinas, Cavite.

One Country… One People… One Army...

Page 4


Balitaan sa Barangay dahil sa kagustuhang maging isang “kabataang may pakialam” pero kung ang pakikialam umanong iyon ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanyang pag-aaral, pagkawasak ng kanyang buhay at pagkasira ng kanilang pamilya, sinabi ni Wilma na dapat umano niyang unang pakialaman ang magiging kahihinatnan ng kanyang buhay at pag-aaral. Ayon kay Wilma sangayon siya na napakahusay talagang mambitag ang mga miyembro ng mga prenteng organisasyon, dahil kung magsalita ang mga ito, animo mga totoong may konserna sa kinabukasan ng mga kabataan. Idinagdag pa ni Wilma na kung totoong may konserna ang mga ito, dapat na hindi nila hinihimok ang mga estudyante na umakyat ng bundok, humawak ng armas at sumama sa madugong pakikipaglaban. Mayorya sa mga estudyante sa criminology ay nagsasabing malaking tulong sa kanila ang mga impormasyong kanilang natutunan dahil sa linya ng kanilang trabahong mapupuntahan sa oras na sila ay maka graduate sa kolehiyo. Ayon sa isang estudyante na nagpakilalang si “CALBS” ang kanyang mga natutunan ay hindi nababasa sa anumang libro at hindi rin umano basta-basta nareresearch sa kung saan, kung kaya’t malaking tulong talaga sa kanya bilang isang criminology student, at nagpapasalamat umano siya sa CMO Battalion dahil sa sipag nitong makarating sa kanilang paaralan sa kabila umano na ang sakop lamang ng unit ay ang buong kamaynilaan. Ayon kay Calbs napatunayan niyang totoo nga palang

Volume 1, Issue 8

walang boundary ang paglilingkod ng mga kasundaluhan. Idinagdag pa ni Calbs na tiyak na ang pagsusundalo ang kanyang pipiliing propesyon sa oras na maka-graduate siya sa kolehiyo.

PAGMUMULAT NG MGA ESTUDYANTE TUNGKOL SA PRENTENG GRUPO NG CPP/NDF/NPA DITO SA UNIBERSIDAD Ayon kay Joy Ocampo isang First Year ROTC sa Unibersidad de Manila noong ika-23 ng Agosto. “Marami po kaming natutunan at nakuhang aral sa Educational Information Awareness Drive na ipinapabatid ng Civil Military Operations Battalion ng Philippine Army, dito sa aming paaralan. Labis kaming natuwa dahil nalaman at namulat kami sa katotohanan na ang prenteng grupo ay nagpapanggap lamang pala at ang tunay na layunin nito sa ating bansa masama. Ngayon, alam na din po namin kung ano ang mga kumunistang grupo na sumisira sa ating bayan at lalong-lalo na sa mga estudyante sa iba’t – ibang Unibersidad o paaralan dito sa Lungsod ng Maynila.

Mariing nakinig ang mga estudyante ng Unibersidad de Manila sa Info Drive ng CMO Battalion.

One Country… One People… One Army...

Page 5


Balitaan sa Barangay PAGMUMULAT NG MGA ESTUDYANTE TUNGKOL pinapasukan na Unibersidad, upang mai-

wasan nilang maging isa sa miyembro

SA PRENTENG GRUPO NG CPP/NDF/NPA DITO ng mga preneteng grupong CPP/ NPA/ SA UNIBERSIDAD “Sobrang gulat namin dahil ang mga recruiters ay katulad din naming mga estudyante at wala kaming kamalay – malay sa mga ginagawa at sinasabi nila upang makumbinsi kaming mga mag-aaral na papasok sa kanilang kumunistang grupo na NPA”. Ito ang batid ng halos karamihan ng mga mag-aaral ng Kalakhang Maynila sa mga tagapagsalita ng Information and awareness drive ng CMOBn, PA. Sa matiyagang pakikinig ng mga estyudyante ng Unibersidad sa Awareness drive, halos lahat sila ay namulat at nalaman din nila na may mga prenteng grupo ng CPP/NDF/NPA na pumapasok sa mga paaralan at nagkukunwari na estudyante upang madali nilang mahikayat ang kanilang mga prospecto. Malayang nagtanong at nagsabi ang mga estudyante ng unibersidad kay CPT MARIO JOSE CHICO, tagapagsalita ng Information drive, at doon nila nalaman na may mga iba’t – ibang paraan ang mga recruiters ng NPA upang makuha ang kalooban ng mga inosenteng mga estudyante sa mga paaralan. Ngayon ang mga estudyante ay halos natatakot nang makihalubilo sa mga ibang grupo sa loob ng kanilang paaralan. Ngayon ay tinanim na nila sa kanilang kaisipan na dapat muna nilang kilalalaning mabuti ang kanilang magiging kaibigan na kapwa estudyante sa kanilang Volume 1, Issue 8

NDF at para hindi sila matulad sa sinasapit ng ibang kapwa estudyante na naloko lamang ng komunistang NPA, lahat ng kanilang kinabukasan at magandang pangarap sa buhay ay tuluyang nawasak at tuluyang nasira dahil sa pagsama lang nila sa prenteng grupo. Kaya ang mga ibang guro at mga estudyante ay humihiling uli ng pagkakataon para magkaroon muli ng education and Awareness Drive sa kanilang Unibersidad, para sa kanilang mga kaiskwela na di pa nakakaalam nitong programa at para lalong mabigyan ng gabay ang kanilang mga kaisipan tungkol sa mga nangyayari sa loob ng kanilang paaralan at para din malaman ang tunay na kulay ng mga prenteng grupo ng kumunista CPP/NDF/NPA. Labis nilang pinapasalamatan ang CMOBn sa kanilang walang sawang pagbibigay aral tungkol sa karanasan ng mga Rebel Returnee na ngayon ay nagbalik loob sa ating gobyerno. Ang CMOBn ay labis na nagpapasalamat sa mainit na pagtatanggap ng mga guro at estudyante sa paaralan ng Universidad ng Maynila.

“Huwag magpalinlang sa mga prenteng grupo ng CPP-NPA-NDF,” isang babalang mensahe para sa mga estudyante ng Unibersidad de Manila.

One Country… One People… One Army...

Page 6


Balitaan sa Barangay

Kilalanin si Jose Rizal

munta siya ng Europa noong ika-5 ng Mayo 1882

Bayani ng Rebolusyonary- at nag-aral ng Medisina at Pilosopiya at Sulat sa ong Pilipino. Si Jose Protacio Rizal Madrid at nagtapos noong 1884 at 1885. Mercado ay an gating Philippine Sinimulan niyang sulatin ang Noli Me Tangere National Hero. Siya ang sumulat ng ( The Social Cancer) noong 1884 and naimprinta

Noli Me Tangere at La Solidaridad at ang nagtatag ng 2,000 kopya sa Berlin, Germany noong 1886 ng La Liga Filipina. Ipinanganak noong ika-19 ng pero nailabas lamang ang libro noong 1887. KaHunyo 1861 sa Calamba, Laguna at ikapito sa mag- sunod nito ang El Filibusterismo nanaimprinta sa kakapatid na anak nina Francisco Engracio Rizal Gante, Belgium noong 1891. Naitatag niya ang La Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Liga Filipina, isang sikretong organisasyon noong Realonda y Quintos. Siya ay namatay noong ika-30 ika-3 ng Hulyo 1892. Naglalayon nito na baguhin ng Disyembre sa Bagumbayan ( Luneta ngayon).

ang pagpapatupad ng batas ng gobyerno na dapat

Bilang isang estudyante, si Jose Rizal at isang-ayon sa maayos na pamamalakad. Sa pannag-aral sa Biñan sa pagtuturo ni G. Justiniano gunguna ni Captain General Despujol, pinatapon si Aquino Cruz at kalaaunan sa Ateneo Municipal de Rizal sa Dapitan sa suspetsang sangkot si Rizal sa Manila. Natanggap niya ang Bachelor of Arts noong rebelyon. Sa Dapitan, nagbukas siya ng isang ika-14 ng Marso 1877 na may pinakamataas na an- paaralan na may 14 mag-aaral. Noong ika- 29 ng tas na o sobresaliente. Nag-aral si Rizal ng Pi- Disyembre 1896 sinulat niya ang Last Farewall (Mi losopiya at Sulat sa Unibersidad ng SantoTomas at Ultimo Adios) at piñata kinabukasan sa BagumbaAgricultura sa Ateneo de Municipal de Manila. Pu- yan (Luneta).

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y …. TUNGO SA MAUNLAD, MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD!!!

OPISYAL NA BUWANANG PAHAYAGANG PANG-BARANGAY NG CIVIL-MILITARY OPERATIONS BATTALION, CIVIL-MILITARY OPERATIONS GROUP, PHILIPPINE ARMY NA MAY HEADQUARTERS SA JUSMAG VILLAGE, FT. BONIFACIO, TAGUIG CITY. ANO MANG KOMENTO, SUHESTYON O KONTRIBUSYON NA NAIS IBAHAGI AY PWEDENG IPAHATID SA MGA SUMUSUNOD: TELEFAX: 845– 9555 LOC 6433 Website: www.cmobn.com E– MAIL: cmobn.pa@gmail.com Friendster: pvtcmo@yahoo.com CELLPHONE:: 09229596385/ 09167703289

ONE COUNTRY… ONE PEOPLE… ONE ARMY!!!

Volume 1, Issue 8

One Country… One People… One Army...

Page 7


Balitaan sa Barangay

Isang Araw nagkita ang magkapit Yes sir ! Anu po ba M u k h a n g Yes Boss, Manager, Amo! bahay sa labas ng kanilang bapo ba ang maipaglilingkuran na si Pareng Juan at Pedro ang maipaglilingkod ko okey naman ano kod ko sa inyo.? ngunit may napansin si Juan sa po sa iyo.? siya ah. Boknoy ! Pukanyang kapitbahay. munta ka ngayon sa Okey office ko. Pare mukhang balisa ka ngayon? naman Ngayon din ha, Mukhang may problema ka. Tumaata ah.. at tignan mo tanda kasi ang mukha mo ngayon. kung nandoon ako sa table ko.

Pareng Juan may problema nga ako . Alam mo ba .ang aking boy sa bahay ay sobrang tanga, Teka matawag nga para makita mo pare.

Popoy . Eto Yes Oo nga pare, pero ang Piso masmalala ang at bumili ka sir! boy ko. Teka matawag din. BokPopoy !! Halika ng sampung case noy!!!... Halika Ano Pare! Masnga dito may na Red dito. Ride away malala diba, iuutos lang ako h o r s e Umalis agad. sir..! ngayong sa iyo saglit. Hindi nagisip. O din. nagtanung.

Alam mo ba pare tanga tanga talaga ang amo ko. Binigyan ba nman ako ng piso para bumili ng sampung case na Red horse , Eh hindi man lang niya inisip na hindi ko kayang buhatin ang lahat na iyon.

? Mas Tanga ang amo ko. Biruin mo ba naman na papuntahin ako sa opisina niya para tignan lang kung nandoon siya, pinagod pa ako. Loko-loko talaga Eh pwede namang tawagan kung nandoon siya.

Wala yan, panis iyang ginawa mo. nagawa ko na kaya iyan noong nakaraang taon, luma na iyan. Eto kaya Pare ano na naman iyang pu- mo kakainin ko itong keso na may masok sa utak mo, mukhang palamang rat killer, nang hindi ako pinasukan ata ng daga ah. malalason.

Kayong dalawa gabing-gabi na, ang iingay niyo pa. Eh mga panis Eto ang bago , Manood kayo, naman iyang pinag-gawa niyo. kung paano manggahasa ng limang taon nang nakalipas. PUSA. Hehehehehe... Pauli-ulit ko lang na ginagawa iyan .Hmp! Makaalis na nga.

Unggoy! Hindi ah. Ipapakita ko sa iyo kung pano kumain ng keso kahit nasa mouse trap pa ito ng hindi ako madadale..

Teka saan ka naman pupunta, Mr Playboy?

Isang gabi sa may kisame ng bahay, may dalawang dagang nagpapayabangan.

Volume 1, Issue 8

Mayabang kang unggoy ka.

One Country‌ One People‌ One Army...

Page 8

August Issue  

One Country… One People… One Army... Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ng CMO Battalion sa ika-tatlong taong aniber- saryo sa pamamag...

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you