Issuu on Google+


Chapter 1 Posted on Disyembre 14, 2009. Filed under: My Only You First day of class ni Danielle sa isa sa mga kilalang University, first year sya sa kursong BSECE. Six am pa ng umaga ay gising na siya dahil alas syete y medya ang una niyang klasi. Kinakabahang papasok siya sa school dahil hindi n’ya alam kung saang building siya pupunta. Wala siyang kakilala rito ni isa man. Ang kanyang pinsan kasi ay ibang kursong kinuha kaya naman iba rin ang building nito. “Miss” tawag sa kanya mula sa likuran nya kaya naman agad-agad siyang lumingon. Isang magandang babae ang nakangiti ang tumawag sa kanya. “Pwedeng magtanong?” sabi nito. “Huh?” ganting tanong niya rito. Hindi na siya hinintay nito na O-moo at lumapit ito. “Alam mo ba kung saan ‘tong room na ito? Hindi ko kasi mahanap eh.” Ipinakita nito ang admissions slip sa kanya. “Ah eh, pareho pala tayo ng room eh” sabi nya rito na may ngiti sa labi. “Sorry miss kasi hindo ko rin alam eh. I’m just new here.” Nakita niyang bahagyang nadismaya ito pero nakangiti pa rin. “Talaga? Classmate pala tayo. By the way, I’m Sam, Sammantha Perez” pakilala nito sabay lahad ng kamay nito. “I’m Dan, Danielle Lex Rodriguez” sabi niya habang tinanggap niya ang palad nito.


Masaya siya dahil may nakilala na siyang bagong kaibagan. Magaan ang loob niya rito kasi naramdaman niya na mabait ito. “Wow, pareha pala tayong panlalaki ang pangalan ah” puna nito habang nakangiti. “I’m sure na magkakasundo tayo” paninigurado nito sa kanya kaya naman napatawa silang pareho. “Halika na nga, sabay na tayo sa paghahanap ng room natin baka malate tayo” anyaya nito at sinang-ayunan naman niya. “Sam! ‘Yon yung classroom natin oh.” sabi niya sabay turo. “Oh, thanks God at nakita na rin natin. Kakapagod kaya maghanap.” “Oo nga. Halika na, baka meron ng teacher.” “Wait”, pigil nito sa kanya. “Hihintayin ko muna ang kuya ko, susunod nalang ako.” “Ha? May kuya ka dito?” tanong niya rito na parang gulat na gulat siya. “Oo. Nakakatawa ka naman para kang gulat na gulat na may kapatid ako” natatawang sabi nito. “Hindi naman. Kasi kung may kapatid ka dito bakit hindi ka nagtanong sa kanya kung saan ang room mo?” paglilinaw niya. Napansin niyang nagulat ang magandang nitong mukha sa sinabi nya pero deneadma nalang niya ito. “Oo nga ano? Well, we are not living on the same house kasi nandoon sila nakatira sa condo unit nito. Hindi ko na kasi natanong sa sobrang excited ko na pumasok sa school. Oh my, bakit ‘di ko ‘yon naisip?” sabi nito.


“Ahh, kaya pala.” “Sam!” tawag ng isang tinig na nagpalingon sa kanila. “Kuya” sagot naman ni Sam. Habang paparating ang lalaking sabi ni Sam na kuya nito ay tinitigan nya ito. Hindi maikakailang kapatid nga ito ni Sam dahil pareho sila ng mga mata. Gwapong-gwapo ito tingnan sa suot na tshirt lang at pantalon. Matangkad din ito na akalaing mong basketball player. Hindi niya maitago ang paghanga niya rito pero pinigil niya ang sarili. Naglakas loob siyang tingnan ito nang mabuti dahil hindi naman ito tumingin sa kanya. Mas gumwapo pa ito nang nakita niyang ngumiti ito. Hindi niya napaghandaan ang pagtingin nito sa kanya at alam niyang huling-huli siya nito na nakatitig. Nahalata siguro nito ang pamumula niya kaya tumingin uli ito sa kapatid. “Here!” sabi nito sabay lahad ng pera kay Sam. “Oh! thank you kuya” nangingiting sabi ni Sam sabay yakap sa kapatid. “Thank you for waking up early. I forgot to bring my wallet because I’m so excited here in the University. And I missed you na. hehehe!” “Sus, hindi ka rin bolero ano! Kung hindi rin lang kita namiss ay ‘di ako nagmamadali na pumunta rito” sabi naman nito na may ngiti sa labi. “Oh, by the way kuya, this is my new friend” nahihiyang sabi nito kasi parang nakalimutan ata na andyan siya. Pero nakita niya sa mga mata ni Sam ang kislap nito na parang may ibig sabihin pero di na nya ‘yon pinansin. “Hi, I’m Dean Evan” pakilala nito sabay lahad ng kamay nito.


“I’m Danielle Lex Rodriguez, Dan for short. Nice meeting you” pakilala niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Hindi niya mawari ang kaba habang nagkalapat ang kanilang mga kamay. Hindi naman siya gan’un kapag may magpapakilala sa kanya. Agad-agad niyang kinuha ang kamay niya na parang napaso. Para siyang tanga sa ginawa niya. Tumigil ka nga Dan! Para kang praning. sita niya sa sarili. Nahalata niyang hindi pa rin ito umiiwas ng tingin sa kanya kaya ganu’n nalang ang pag-init ng kanyang pisngi. “Hay nako kuya, stop looking at her. She is blushing” panunudyo ni Sam na nahalata siguro ang pamumula niya kaya sinabihan nito si Dean. “Oh, I’m sorry” bawi naman nito. “No, it’s o-okay” nauutal niyang sabi. Kriiiiiiing Whew! Saved by the bell. Sabi niya sa sarili. Mabuti nalang at time na. “O sige na kuya at papasok na kami sa klase namin. Thank you pala sa baon ko.” “No prob little sis. By the way, what time is your vacant? We will have lunch together, my treat.” sabi nito. “Hmmm, tamang-tama at may lunch break ako” sabi naman ni Sam. “Isama mo na rin niyang kaibigan mo. Just text me if you’re free” sabi nito habang nakatingin sa kanya na nakangiti. Binaliwala niya ‘yon at hinarap si Sam.


“Tara na Sam. Late na tayo.” sabay talikod niya. “Ok” sang-ayon naman nito. Three hours ang kanilang klasi pero 9am palang ay dinismiss na sila agad ng kanilang teacher pagkatapos nilang mag-introduce sa kanilang sarili at binigyaan pa sila ng mga dapat bilhin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil 11:30 pa ang susunod na klase niya. Mabuti nalang at niyaya siya ni Sam na magsnack. Agad naman siyang sumama rito dahil hindi nga niya alam kung saan siya pupunta. Habang papunta na sila sa sa bakanteng mesa ay hindi lingid sa kaalaman niya na maraming nakatingin sa kanila. Bukod kasi kay Sam na maganda talaga itong tingnan ay sa kanya rin ang mga ito nakatingin. Maganda nga siya pero wala pang boyfriend. Hindi nga makapaniwala ang mga kaibigan niya noong nasa highschool sila na wala pa siyang boyfriend. Maraming nanliligaw sa kanya noong highschool pa siya ngunit ni isa ay wala siyang sinagot at lahat ay takot sa barkada niya. Hindi sa pinagbabawalan siya ng kanyang mga magulang kundi ayaw niya talaga. Ayaw niyang may magkakagusto sa kanya dahil naiilang siya. Pero kung may nanliligaw sa kanya ay sinasabihan niya lang ang mga ito na “walang talo-talo”. Kaya naman hindi nalang nila itinuloy ang balak. Lahat ng nanligaw sa kanya ay naging kaibigan naman niya. Buti nalang hindi sila galit sa kanya. Maraming naiinggit sa kanya dahil sa lapitin siya na mga lalaki at kabarkada pa niya ang mga gwapong lalaki. Natatawa nalang siya sa mga babaeng naiinggit sa kanya. Bagamat maganda siya ay simply lang siyang manamit parang lalaki parating nakamaong pants at tshirt lang. Hindi siya maarte at higit sa lahat ay hindi siya mahilig sa sosyalan.


Sa mga school activities lang siya sumasali dahil compulsory iyon gaya ng mga acquaintance party from 1st year to 4th year highschool. Nakapagsuot lang yata siya nang dress ay noong JS Prom nila. Naalala pa niya kung gaano namangha ang kanyang mga classmates at kabarkada pagkakita sa kanya. Hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Isa-isa itong nakipagsayaw sa kanya animo’y debut niya. Simply lang naman ang kanyang dress na kulay pula pero hapit na hapit sa kanyang katawan na ikinaganda nito. At dahil doon ay nakita nang mga ito ang kanyang likas na ganda. Namiss niya talaga ang mga kaibigan niya. Natigil lang ang kanyang kaiisip ng may sinabi si Sam sa kanya. “Anong sabi mo?” tanong niya dito dahil hindi niya narinig ito. “Ang sabi ko, maraming nakatingin sa ‘yo.” ulit ni Sam sa kanya. “Ha? Baka naman sayo. Hayaan mo nalang sila” sabi niya na totoo naman. “Well, maiba ako. Taga saan ka Danielle?” tanong nito. “Dan nalang, mas sanay akong tawaging Dan eh.” nakangiti niyang sabi. “I’m from Surigao but naghighschool ako sa Cebu. I lived at my grandparents house.” “Bakit naman?” “‘Coz nagmigrate na ang parents ko sa Australia at iba ko pang kuya. Dalawa nalang kami rito sa Pilipinas ng isa ko pang kuya” paliwanag niya rito. “Oh, ikaw naman. Taga sa’n ka?” tanong naman niya rito. “Hmmm, since the day I was born ay dito na ‘ko sa Manila nakatira.”


“At –……” magtatanong pa sana siya nang may biglang tumawag kay Sam. Napansin niyang marami ang nakakakilala kay Sam. Siguro nga dahil taga rito lang ito at baka mga classmates ito ni Sam noong high school. Nalungkot siya nang maalala ang mga kaibigan. Hindi niya namalayan na nandoon pala ang kuya ni Sam, kasama ng mga lalaking na sa tingin niya ay mga varsity players. Tama nga ako, basketball player pala ito. “Hi kuya! Hi Jacob” bati nito. “Ouch Sam, sila lang ba ang babatiin mo?” tanong ng isang player na kunwari ay nasaktan sa ‘di pagbati sa kanya. “Hay naku! nagpapapansin na naman si Sherwin. Huwag na kasing umasa na sasagutin ka pa ni Sam” sabat naman nang isa pang player na ibinuking si Sherwin. Nagkatawanan ang mga ito sa pagbubuking ng kanilang kasama. Hay, naalala na naman niya ang barkada. “Heh! Tumigil kayong dalawa dyan” biro naman ni Sam sa kanila habang nakatingin ito sa lalaking nagngangalang Jacob na bahagya lang ang tawa. “Sam, hindi mo ba kami ipapakilala sa maganda mong kaibigan?” putol ni Sherwin na nakahalata sa presensiya niya. “Ay! Oo nga pala, this is Dan. Dan, these are my brother’s teammates.” pakilala nito sa kanya. “Dan? Cool, panlalaki ang pangalan mo ah. Astig” sabi ni Sherwin sabay lahad ng kamay nito. “Hi nice meeting you. I’m Sherwin”.


“Over ka naman, mas cool nga iyang pangalan mo e” ganting biro naman niya rito habang iniabot ang kamay ni Gerald. “Actually, Danielle talaga ang pangalan ko” sabi niya habang pilit niyang kunin ang kanyang kamay mula rito. Nahalata siguro nito ang pagtutol niya dahil matagal nitong binitawan ang kamay niya. Nang napatingin siya kay Dean ay nakita niyang nakakunot-noo itong tumingin kay Sherwin. Galit ba ito dahil sa inasal ng kaibigan sa kanya o imagination lang niya ‘yon. Hindi na niya pinansin ang nakita niya kasi busy na siya sa pakikipagkamay sa mga bagong kakilala. Masaya siyang sumasagot sa bawat tanong na ibinato nila sa kanya pero nanghinayang siya dahil ni isa mang tanong ay hindi man lang nagtanong si Dean. Hindi ba interesadong makilala siya ng mokong nato? tanong niya sa sarili. Naiinis siya dahil tahimik lang itong nakikinig sa IPod nito. Nang may isang magandang babae ang dumating at niyakap ito. Hindi siya mawari sa nakita niya. Parang kinurot ang kanyang puso na akala mo’y nagseselos siya. Hindi! Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos sa kanya, e ngayon ngayon lang kaya kami mgkakakilala. sita niya sa sarili. Napapraning na ako! dagdag pa niya “Hi ate Cath, musta na? ‘Di ka na pumupunta sa bahay ah. Nagtatampo na si Mommy sa’yo” excited na sabi ni Sam na mukhang namimiss na nga ang babae. Mabuti nalang at time na at may maidadahilan siya para lumayo sa mga ito. Ipinakilala muna siya sa magandang babae na nagngangalang Cath. Akala niya na ay maldita ito pero nagkamali siya. Gaya ni Sam ay mabait din ito. 3:30 palang nang hapon ay tapos na ang kanyang klase. Natapos ang araw niya na masaya dahil sa mga bago niyang kaibigan at dahil na rin parati niyang nakikita sa malayo si Dean.


Hindi niya maikukubli na crush nga niya si Dean pero hindi niya pinapansin ang damdamin dahil ang akala niya na may kasintahan ito at ‘yon ay si Cath. Hindi na siya nakasama kay Sam nang magyaya ito na maglunch kasi maglulunch din sila nang kuya niya. “KUYA!” tawag sa kanya nang kanyang kapatid na si Sam habang papunta siya sa kanyang kotse. “I like her, kuya!” sabi nito sa kanya. “Who?” tanong niya. “Pa-who-who ka pa diyan, alam mo namang kung sino ang tinutukoy ko.” inis na sabi nito. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito pero hindi siya nagpahalata rito. “You’re right, maganda nga siya kahit simple lang ito at mabait pa talaga ha.” commento nito. “Hmmm kuya? Bakit mo ba ako inutusan na kilalanin si Danielle? Ang torpe mo naman kuya. Parang hindi kaw ‘yan ah.” ngingiting puna nito. “Tigilan mo nga ‘ko Sam baka wala kang allowance ngayon” biro niya sa kapatid. “Gawin mo nalang ‘yong pinagagawa ko sa ‘yo baka magkabistuhan pa.” “Hay naku kuya, ako pa? Wala yata kang bilib sa akin ah.” “Aba, nagdadrama ang kapatid ko. By the way, pinapapunta muna tayo ni daddy sa office niya bago tayo aalis.” “Ok”


Pagkatapos pumunta sa daddy nila ay inihatid na niya ang kanyang kapatid sa bahay nila. Hindi siya doon nakatira dahil gusto niyang maging independent. At pinayagan naman siya ng kanyang mga magulang sa isang kondisyon na bibisita siya every weekend. Hindi naman siya pumapalya sa pagdalaw sa mga magulang. Pero nang magkaproblema siya sa kanyang girlfriend ay hindi na siya nauuwi. Masakit ang naging karanasan niya sa pagibig . Hiniwalayan siya nang girlfriend niya at sumama sa lalaking may asawa pa. Hindi niya iyon natanggap dahil lubos niyang minahal ang kasintahan. At dahil doon nagkukulong siya sa condo niya at kung hindi man ay pumupunta siya kasama ang mga kaibigan sa isang bar at nagpakalasing. Tatlong buwan din siya ganun ang buhay. At hanggang nakita niya ang babaeng nagpabalik sa kanyang katinuan. Una niyang nakita ito sa NAIA nang minsang sunduin niya ang pinsan niya. Nastar struck talaga siya nito kaya naman sabi niya sa sarili na kung makikita niya uli ito ay hindi na niya pakakawalan. At naulit nga na nakita niya ito at sinuswerte nga naman ay sa school pa nila ito nagpapaenrol. Hindi siya nagpapakita dito dahil nahihiya siya. Nahihiya siya? Oh common! Siya nahihiya sa isang babae? Oo, nahihiya siya kaya naman hindi siya mapakali. “Hello? Sam?” Tumawag siya sa kapatid dahil magpapatulong siya dito. Alam kasi niya na matutulungan siya nito. “Hello? Sino ‘to?” sagot sa kabilang linya. “Sam, kuya mo ‘to. I need your help.”


“Oh kuya, how are you? Bakit ngayon ka lang tumawag? Aba, tumawag ka lang kasi may kailangan ka sa ‘kin? Ouch naman, i thought you missed me.” sabi nito na walang preno at may halong pagtatampo. “I’m sorry sis. Forgive me ok? I really need your help. Can you do me favor?” tanong niya dito. “Ok ok ok, apology accepted. Yeah sure, what can i do for you?” “May gusto sana akong ipapagawa sayo. Gusto kong kaibiganin mo ang isang babae.” “Ha? Pa’no ko naman ‘yon gagawin?” gulat na tanong nito. “Bakit hindi nalang ‘kaw? Oh my! Ang kuya ko nahihiya?” sabi nito sabay tawa. “Stop laughing sis. I’m serious. Well, I know you can do it sis. Madali lang ‘yan kasi pareho kayo ng kurso at sa school siya natin nagpapaenroll. I will send you her pic and schedule.” pgbibigay niya ng detalye sa kapatid. “Wow, alam na alam ah” panunudyo nito. “Ok, I will do my best basta bigyan mo rin ako nang allowance.” “Sure! Sige Sam, magkita nalang tayo sa school. Send my regards to mommy” paalam niya sa kapatid. Napatigil lang siya sa kanyang muni-muni nang nasilayan na niya ang bahay nila. Ngayon lang siya uli nakauwi kasi miss na niya ang kanyang ina. FRIDAY na at excited na siya dahil wala na siyang pasok bukas. Makakatulog na rin siya ng maayos dahil hindi na siya maagang gigising. Excited din siya dahil may mga plano na siya ngayong weekend. Maggogrocery siya at


bibili rin ng mga gamit na kakailanganin sa school. Hilig talaga niyang maggrocery, masaya siya dahil mabibili niya ang gusto niyang bilhin. Habang nakaupo siya sa ilalim ng puno ay may lumapit sa kanya at ito ay si Sherwin. Hindi na niya ikinagulat iyon dahil noong makilala siya nito ay naging kabarkada na niya ang mga ito. Hindi nito itinatago ang pagtingin nito sa kanya. “Dan, may pag-asa ba ko?” tanong uli nito sa kanya. Gusto na niya itong sungitan dahil paulit-ulit nalang nitong tinatanong sa kanya. Pero di na niya ginawa dahil mabait naman ito. “O, hayan ka na naman ha. Di ba sinabihan na kita sa sagot ko?” “Baka kasi mag-iba na ang isip mo” nahihiya nitong sabi habang nakangiti. Hindi niya maikukubli na gwapo naman si Sherwin. Marami nga ang nagpapalipad-hangin at lahat ay pinapansin niya. Isa lang ang nagpapaturn-off nito sa kanya, ang pagiging playboy nito. “Hay naku Sherwin, wala kang mapapala sa ‘kin.” natatawa niyang sabi. “Ibaling mo nalang ‘yan pagtingin sa iba. Hayan naman si Carol na patay na patay sayo” nangingiti niyang sabi. “They’re not my type, Danielle” sabi nito. Ayaw niya itong umasa kaya naman ay diniritso na niya ito. Ang gusto sana niyang magkagusto sa kanya ay si Dean pero malabo na yatang mangyari ‘yon. Siguro karma na siguro ‘yon sa kanya dahil nga sa mga nabasted noon. At ngayon ay siya na ang nangangarap na sana magkagusto naman sa kanya si Dean.


“Excuse me! Pwede h’wag ka ngang paharang-harang sa daan! Bitch” sabad ng isang babae habang pinupulot niya ang kanyang mga gamit ng mahulog ang mga ito. “Excuse me? Anong sinabi mo?” galit niyang tanong rito dahil sa narinig niyang pang-iinsulto nito. Galit siya dahil maraming nakarinig ‘yon. “Bingi ka ba? Sabi ko tabi d’yan bitch!” sabi nitong nakakainsulto. Nagpantig ang kanyang mga tenga sa narinig niya. Hindi niya ‘yon matanggap na may mang-iinsulto sa kanya nang ganu’n at sa harap pa nang mga kaklase niya. Pero nagpakahinahon pa rin siya. Mabuti nalang ay tinuruan siya ng kanyang mga magulang nang magandang asal kung hindi ay sinabunutan na niya ito. “Akala ko kasi sarili mo ang sinasabihan ng ganyan.” Iniinis niya ito. “Bakit nagpapansin ka sa ‘kin? Gusto mo bang maging kaibigan ko?” pang-iinis niya uli rito. “Aba at ang kapal ng mukha mo!” galit nitong sabi. Akmang susugurin siya nito at mabuti nalang ay may nagsalita sa likuran. “Stop it Dennisse” isang ma-awtoridad na tinig na nagmula sa kanyang likuran ang nagsalita. Hindi siya lumingon dito dahil alam na niya kung sino ito. It’s Dean. “You have no right to insult me like that because you don’t know me” galit na niyang sabi. “Here” sabi niya sabay bigay ang nakuha niyang piso mula sa bulsa niya. “Buy some manners. I think you need it. At bumili ka ng kausap mo” sabay talikod niya rito. Alam niyang napahiya ang babae na ‘yon pero hindi niya mapigilan ang maiyak dahil sa nangyari.


Chapter 2 Posted on Enero 9, 2010. Filed under: My Only You MAKALIPAS ang ilang araw mula noong may nakaaway siya ay tuluyan na siyang hindi pinansin ni Dean. Nalaman nalang niya kay Sam kung bakit inaway siya no’ng babae dahil ex-girlfriend ito ng kuya niya. Galit ba si Dean sa kanya? Ay ewan! Pinagtanggol lang naman niya ang kanyang sarili sa bruhang ex nito. Hindi na niya ito inisip sapagka’t naging abala siya sa paparating na premidterm exam at abala rin siyang nagtatry-out ng volleyball sa engineering team. Natanggap agad siya sa team dahil sa matangkad nga siya at magaling siya pagdating sa larong ito. Hilig na niyang maglaro ng volleyball simula noong bata pa siya. Naging varsity player pa nga siya noong highschool pero hindi na siya nag-apply bilang varsity player ngayon sa college. Isang hapon ay nasa library sila ni Sam upang magreview ng kanilang mga exams. “Hay naku Dan ha!” wika sa kanya ni Sam. “Magtatampo nako sayo dahil parati kang busy. Wala ka nang time sa ‘kin. ‘Di mo na nga ‘ko sinasamahan sa mga meetings natin eh. Nagtatampo na rin ang mga kuya natin dahil hindi kana sumasaglit sa tambayan natin” mahaba-habang litanya sa kanya ni Sam na parang nagtatampo nitong sabi. ‘Kuya’ ang tawag nila sa mga kabarkadang lalaki dahil mas matatanda ang mga itong nang apat na taon. Ang tinutukoy nitong barkada ay ‘yong mga barkada nang kuya nito. Naging close niya ang mga ito dahil na rin ni Sam. “Sorry na Sam” sabi niya na may lambing. “Sige, babawi ako sa inyo, promise. Busy lang talaga ako ngayon kasi pre-midterm na natin at palagi lang kaming nagpapraktis para sa intrams.” Nakangiti na siya.


“Naku! sabi mo ‘yan ha” paniniyak nito. “By the way, this coming Saturday ay birthday na ni kuya Jonas” pag-iiba nito. Tukoy nito sa isa sa mga barkada nila. “Magtatampo na talaga ‘yon kapag hindi ka dadalo” dagdag pa nito. “Shoot! Wala na naman akong praktis ngayong Saturday at wala na tayong exam” sabi niya. “Kaso wala akong kotse ngayon eh. Hiniram ni kuya kasi sira ‘yung sa kanya, sa Linggo pa makukuha” paliwanag niya. “Susunduin nalang kita sa bahay niyo Sam” sabad naman ni Sherwin sa kanila na hindi nila namalayan ang pagdating nito. “Naku, ba’t ba palagi ka nalang sumasabad at nanggugulat?” Natatawang biro niya. “O hayan! Wala ka ng problema Dan” tudyo ni Sam sa kanya. “Mabuti nalang at dumating ka” nakangiti nitong sabi. Bumaling naman ito okay Sherwin. “Oo nga, tamang-tama ang timing mo” segunda naman niya. “At may driver na ko.” “Eh kung sinagot mo kasi ako ay araw-araw may magsusundo sa’yo” biro naman ni Sherwin. “Eh hindi ka nga niya gusto. Napakaplayboy mo kasi, lahat nalang yata ay pinapatulan mo.” sabad naman ni Sam. Tumawa sila dahil nakita nila ang reaksyon ni Sherwin na parang nasasaktan.


“Ouch! Grabe ka naman Sam, baka maniwala sa ‘yo si Dan. ‘Wag mo nga siyang i-brainwash. Siguro Nagseselos ka ‘noh?” ganti naman nito. “Teka pakurot nga sa mukha mo” sabi nito at kinurot nga nito ang pisngi ni Sherwin. “Ang kapal talaga!” inis na sabi ni Sam. Ssssshh! sita sa kanila ng librarian dahil napalakas ang kanilang tawanan. SABADO NANG UMAGA. Good mood siya ng magising dahil natapos din ang exams nila. Dali dali siyang naligo at pagkatapos ay tumawag siya kay Sam dahil magpapasama siya para mamili ng ipanreregalo niya kay Jonas. Sumang-ayon naman ito dahil bibili rin daw ito ng ipanreregalo. Susunduin nalang siya nito dahil nga wala pa siyang kotse. Nagpunta sila sa Power Plant sa Makati dahil malapit lang ito sa kanilang condo unit ng kuya niya. Nang makarating sila sa mall ay naglilibot muna sila bago bumili ng ireregalo nila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang boutique ng mga damit at pumasok sila. “Dan, isukat mo nga ‘to.” Inilahad ni Sam sa kanya ang isang seksing damit para sukatin daw niya. “Huh?” nagulat siya pero kinuha na rin niya ito. “Bakit naman? ‘Kaw nalang kaya. Di ‘to bagay sa ‘kin eh at saka parang makikita pa yata ang cleavage ko nito.” “H’wag ka nang magreklamo d’yan kasi kung babagay sa’yo iyan ay tiyak na babagay din sa ‘kin. Kaw ha napakaconservative mo, batukan kita d’yan eh” nangingiti nitong sabi. Wala na siyang nagawa dahil tinulak na siya nito sa fitting room. “Lumabas ka pagkatapos para makita ko.”


Matapos itong suutin ay lumabas na siya ng fitting room. Gaya ng inaasahan niya ay nagulat rin ito pagkakita sa kanya. “Oh my, mas maganda ka pala ‘pag nabihisan Dan.” Natatawa siya sa sinabi ng kaibigan. “Aba! Babae pala ‘tong kaibigan ko. Parang natotomboy na ‘ko sa ‘yo ah” biro nito pero bakas ang paghanga sa kanya. Hinampas niya ito sabay tawa. “Hoy bestfriend, tumigil ka nga, mapagkamalan pa tayo. Praning ka talaga. Babae naman talaga ako, kaso hindi lang ako nagsusuot na mga ito” natatawa niyang sabi. “Teka muna at magpapalit na ‘ko.” “Ay sus nahiya pa. Manang talaga. Sige na, bilisan mo d’yan at pupunta pa tayo sa salon” wika nito. “Anong gagawin natin doon? ” tanong niya. “Alangan namang matutulog tayo ro’n, di ba? Eh di siyempre magpapaganda ng bonggang-bongga. ” natatawang sagot naman nito. Binili ni Sam ang damit na sinukat niya at pagkatapos ay pumunta na sila sa isang sikat na salon. Napilit siya ni Sam na magpaayos ng buhok kasi raw parati siyang nakaponytail. May sinabi ito sa stylist kung ano ang babagay sa kanya. At ‘yon nga dalawa silang nagpaayos ng buhok. Mas naunang natapos si Sam dahil pinahot oil lang ito. Ang sa kanya naman ay casual long hairstyle. Pagkatapos niyang makita ang resulta sa ginawa sa kanyang buhok ay napamaang siya. Parang hindi siya ang nasa salamin. Parang isang dyosa. Ang kanyang buhok ay parang kay Taylor Swift kaso hindi ito blonde.


Nasa parking lot na sila pagkatapos nila sa salon. “Naku best, ang ganda natin” nakangiting sabi nito. “Excited na ‘ko mamaya. Tiyak maglalaway ang mokong na ‘yon.” “Hay naku, si kuya Jacob na naman n’yan” hula niya. “Yah! Makikita nang mokong na ‘yon at magsisisi siya kung bakit hindi man lang niya pinapansin ang beauty ko” sabi nito na may halong inis. Naiintidihan niya ang kaibigan kasi pareho sila na hindi pinapansin ng mga crush nila. Pero hindi niya ‘yon sinabi sa kaibigan kasi nahihiya siya na malaman na gusto niya ang kuya nito. “Don’t worry best, parang may pag-asa ka” sabi niya sabay tawa nang binaybay na nila ang daan pauwi. “Ayan ka na naman best, you always gave me a reason to hope” malungkot nitong sabi. “Eh, wala ngang nangyayari”. Malapit na sila sa condo niya. “I’m not giving you hope best, I’m just telling you the truth” paniniguro niya sa kaibigan. “Well, dito nalang ako best and thank you for the ride” sabi niya agad nang makarating sa building ng condo niya. “See you later” dagdag pa niya. “Best” tawag sa kanya ni Sam nang papasok na siya sa building. Ibinigay nito ang paperbag na may lamang damit na isinukat niya kanina. “Wear that later or else magtatampo ako sayo.” Hindi na siya makapalag nang


bilisan nito ang paglakad papunta sa kotse nito. Wala siyang magawa kundi susuutin niya ito mamaya. Nang makarating na siya sa unit ay naidlip muna sandali. Mabuti nalang ay nag-out of town ito kasama ang mga officemates. Tiyak niyang pagtatawanan siya nito kasi nakasuot siya ng dress. Nagising siya one hour before the party. Pagkagising niya ay dali-dali siyang nagbihis dahil susunduin pa siya ni Sherwin. Tamang tama ay tapos na siya nang may nagdoorbell. PUMUNTA agad siya sa condo ni Dan nang tawagan siya ni Sherwin. Humingi ito ng favor at hindi na siya nakatanggi pa. “Pare, pwede mo bang sunduin si Dan mamaya?” tanong nito. Nagulat siya dahil si Dan pala ang tinutukoy nitong susunduin sana nito. “What? Si Dan? Alam mo namang hindi kami nagkakasundo nu’n.” “I know pare but nakapangako na kasi ako sa kanya na susunduin ko siya kaso lang ay hindi pwede e. Matatagalan pa ko kasi ihahatid ko pa ang Papa sa airport” paliwanag nito. “O sige pare ako na ang bahala” sang-ayon niya. Hindi siya mapakali dahil ngayon lang niya makakasama nang sarilinan ang babaeng lagi sa isip niya. Natotorpe siya kaya naman dinala nalang niya sa pang-asar ang pakitungo niya rito. Nakarating na siya sa condo ni Dan. Excited siya na makita ito at makasama. Agad siyang sumakay nang elevator papunta sa floor ng unit nito. At nang makarating sa pintuan ay nagdoorbell siya. Hindi naman siya nabagot sa kahihintay nang pagbuksan agad siya nito.


Isang magandang babae ang bumungad sa kanyang harapan. Hindi niya agad nakilala ang dalaga at bigla siyang napatanga sa pagkakita sa dalaga. Lalo itong gumanda sa paningin niya. Bumagay dito ang bagong kulot na buhok at “My God, bagay na bagay ang suot niyang damit”nasa isip niya pero hindi niya ‘yon nagustuhan kasi alam niyang marami ang magpapalipad-hangin dito. At bigla siyang napasimangot. Bumalik siya sa kanyang katinuan nang makita ang reaksyon nito. “Kuya Dean?” gulat na tanong nito. “What are you doing here? Where’s Sherwin?” usisa nito habang na nakakunot-noo. Nagulat siguro ito dahil hindi si Sherwin ang nakita kundi siya. Bigla siyang nagselos sa tinuran nito. “He’s not coming to fetch you baka kasi malate siya sa pagsundo sa’yo. Ihahatid pa niya ang Papa niya sa airport” paliwanag niya na may halong galit. “Galit ka?” galit din nitong tanong. Naaaliw talaga siya pag-inaasar niya ito. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong niya rito na walang ka-ekspreekspresyon ang mukha. “Eh anong paki mo, boyfriend ba kita? Bakit nangingialam ka?” istriktang sagot nito. “Do you think I care?” inis niya tanong. Hindi na ito umimik at alam niyang naiinis na naman ito sa kanya. “Shall we?” yaya niya rito sabay lahad ng kamay para igiya niya ito palabas. Pero hindi nito tinanggap ang kamay niya, at dali-dali itong lumabas ng condo nito at nagdadabog pa. Nangiti na lamang siya.


HINDI siya mapakali. Hindi siya mawari sa kanyang kinauupuan. Hindi siya makapaniwalang nasa kotse siya nito. Nang buksan niya ang pinto ay akala niya si Sherwin iyon. Gulat na gulat siya nang mabungaran niya ang ultimate crush niya. Hindi niya pinahalata ang kilig na nadarama sapagkat inis siya rito kasi inaasar siya parati. At hayon nga at inasar na naman siya dahil sa kanyang damit. Hindi naman masama ang damit niya ah. Bago pa nga niya binuksan ang pinto ay muli niyang sinilip ang sarili sa salamin. Sa tingin naman niya hindi masyadong liberated ang dating niya. Nainis siya dahil nagpaganda pa naman siya para lang kay Dean pero wa epek. “Hmmp! Bahala siya. Hindi lang naman siya ang lalaki rito sa mundo. Kakainis talaga, bulag ba ito at hindi man lang nakita ang kagandahan ko?� inis na sabi niya sa sarili. Tahimik silang dalawa habang nasa kotse. Si Dean ay tahimik na nagmamaneho habang ang tingin ay nasa daan lang. Siya naman ay nagdesisyong makinig nalang sa kanyang ipod. Eksaktong paborito niyang kanta ni Taylor Swift ang nakaplay kaya naman hindi niya mapigilang kumanta. HINDI niya napigilang tumingin kay Dan nang kumanta ito. Naaaliw siyang tiningnan ito kasi parang bata itong kumilos. Well, bata nga ito sa edad na seventeen. Pahampas-hampas pa ito sa legs nito na parang nagda-drums at walang pakialam na nandiyan siya. Iiling-iling nalang niyang ibinalik ang mga mata sa daan. “He is sensible and so incredible And all my single friends are jealous He says everything I need to hear


And it’s like I couldn’t ask for anything better He opens up my door and I get Into his car And he says you look beautiful tonight And I feel perfectly fine…” Nagulat pa siya nang sumigaw ito. “But I miss screaming and fighting and kissing in the rain And it’s 2am and I’m cursing Your name I’m so in love that I acted insane And that’s the way I loved you oohh…..” Hindi na nito natapos ang kanta nang kinuha niya ang isa sa mga earphone nito. “Ano ba?” galit nitong tanong. “We’re here” sabi niya. “Okay! Sana man lang ay hindi mo biglang hinablot ang earphone ko” galit nitong sabi habang nagtatangkang buksan na ang pinto. Bago pa nito binksan ang pinto ay inunahan na niya ito at pinagbuksan. Ngumiti naman ito ng bahagya kaya naman ay bumilis ang pintig ng kanyang puso. NILAKASAN talaga niya ang pagkanta kasi gusto niyang ilabas ang nararamdaman niya. Nasasaktan na siya sa turing nito sa kanya. Hindi man lang siya pinuri nito. “Ay ewan” sabi nalang niya sa sarili. Nagulat nalang siya nang


biglang hablutin ni Dean ang isang earphone niya. Medyo nagalit siya kasi nasira ang moment niya. “We’re here” sabi pa nito. Hindi niya inaasahan na pagbubuksan siya nito ng pinto at inilahad nito ang kamay. Namalayan na lamang niyang iniabot niya ang kamay nito. Napamaang siya dahil ang gwapo talaga nang mokong na ‘to. Mas gumwapo pa ito sa suot na tuxedo. At ang bango pa. Hay! “Thank you” maikli niyang sabi. Papasok pa sila sa garden ng kuya Jonas niya ay nakita na niya si Sam na kumaway sa kanila. Ngumiti ito na parang kinikilig pero ininda niya ito. Habang papasok sila ay hindi lingid sa kanya ang mga matang nakatutok sa kanila. Para silang magcouple sa sitwasyon nila. Ang ibang babae ay napaismid nang makita siya na kasama si Dean. Ang mga lalaki naman ay napamaang nang makita siya lalong lalo na ang mga kabarkada niya. Mabuti nalang ay nakarating na sila sa mesa nila kundi ay baka malusaw pa siya nang bonggang-bongga. “Oh, my! Best, ang ganda-ganda mo” exagge nitong sabi. “Para kayong magkasintahan ni kuya kanina ah” kinikilig nitong sabi. “Ang OA mo ha” hiyang sagot niya rito. “Loka! Baka marinig ka ng kuya mo.” “Totoo naman ah. Hindi mo lang pansin itong kuya ko” natatawa nitong sabi. “Sira”. Kung alam mo lang best. Kaso hindi ko maishare sa ‘yo.


Bago pa magsimula ang party ay sabay nilang binigay ang gift kay Jonas. “Oh my God, Danielle, Sam! Kayo ba talaga ‘yan? You’re both beautiful tonight.” Isang humahangang sabi ni Jonas. “Dan! Aba, babae pala tong bunso namin ah” natatawang wika nito habang nakatitig sa kanya. “Maganda naman talaga kami ah kahit kelan” kwelang sabi ni Sam. “Over ka kuya Jonas ah! Lalaki talaga ang tingin niyo sa ‘kin ha” kunwaring tampo niya. “Pero salamat nalang sa papuri mo, mabuti ka pa!” dagdag pa niya. “Hep hep” sabad naman ni Jacob sa usapan. “Ako rin naman ah, palagi kitang pinupuri” sabi nito sabay akbay. Totoo naman ang sinabi nito. Si kuya Jacob kasi ang pinakaclose niya rito. Pareho kasi sila ng kurso at palagi siyang nagpapaturo rito. Kalog din ito katulad niya. Ito rin ang sasaklolo sa kanya kapag inaasar siya ni Dean. Jacob has been a good friend to her. Hindi siya naiilang dito kasi alam niyang wala itong gusto sa kanya at alam niya kung sino ang gusto nito. “Excuse me Dan, do’n muna ako sa table natin kasi may nakita akong hindi kanais-nais dito” agad na sabi ni Sam. Hindi nalang niya pinigil ang kaibigan dahil nand’yan si Jacob. “Anong nangyari do’n?” takang tanong ni Jacob. Kibitbalikat nalang ang kanyang isinagot dito para hidi na humaba pa ang usapan. “Aba kuya Jacob, ang gwapo natin ngayon ah. Tiyak kong merong hindi makakatulog ngayon sa kaiisip sa’yo” pilya niyang wika habang nakatingin sa


kaibigan na nakabalik na sa table nila. Tiningnan siya nito nang masama at hindi niya mapigilang tumawa. “Good evening everyone. Thank you for coming here in my son’s birthday. Please enjoy the night” bungad sa kanila nang daddy ni Jonas. At hudyat na ‘yon para kumain. “Ok! Let’s eat then” sabi niya at pumunta na rin sila sa table nila. Marami na rin ang nagdadatingang mga bisita. Halos mga kabatchmates nito at iba pang bisita ng papa nito. Bongga ang party na ‘yon kasi may banda pang kinuha ang mga ito. Napasimangot siya dahil invited din pala ang bruhang si Dennise. Hindi niya makalimutan ang ginawang pang-iinsulto nito sa kanya.

Of course,

matalim ang tingin nito sa kanya kasi nga magkasabay sila ni Dean na dumating sa party. Hindi nalang niya ito pinansin dahil ayaw niyang masira pa lalo ang gabi niya. “Hey guys! Tamang-tama pala ang dating ko, kainan na pala” bungad sa kanila ni Sherwin at agad itong umupo sa tabi niya. “Wow, tama ba ang nakita ko? Sina Sam at Dan itong nakikita ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Sherwin sa kanila. “Naku ha! Ang isa pang OA! Ngayon ka lang ba nakakakita nang maganda?” biro ni Sam. “Kumain ka nalang kaya. Gutom lang ‘yan” sigunda naman niya. “Yeah, kumakalam na ang sikmura ko” sabi nalang nito. “Pero ang ganda niyo talaga ngayon” dagdag pa nito habang kumukuha na ng pagkain.


Masaya silang kumain. May sense of humor kasi silang lahat. Parang sila lang yata ang maingay doon. Masaya nilang binibiro si Jonas. “Dan, sino ba ang hinahanap mo?” tanong ni Jacob sa kanya na nahalata siguro siya na palingon-lingon. “Ah eh si Kuya Dean. Hindi ko na kasi siya nakita mula nang dumating kami dito” paliwanag niya. “Ay sus, namiss mo agad?” tudyo ni Sam. “Himala! At hinanap mo pa. Bakit kaya?” nangingiting wika ni Jacob sa kanya. “Hoy, ‘wag n’yo nga akong pagtulungan. Hinahanap lang eh, anong masama ro’n? ” pangangatwiran niya. “Oi, defensive” si Jacob. “Ouch! Buti pa si Dean, hinahanap.” Si Sherwin iyon na kunwa’y nagseselos. “Please! Tumigil nga kayo” namumula na siya. “Hindi kami talo” dagdag pa niya.


Chapter 3 Posted on Enero 16, 2010. Filed under: My Only You LUMABAS muna siya upang magpahangin at makawala sa grupo pero babalik din siya dahil gusto siyang pakantahin ni Jonas. Lumabas siya dahil hindi niya kayang tingnan sina Dan at Jacob na close na close sa isa’t isa. Nagseselos siya kapag magkasama ang mga ito pero wala siyang galit sa matalik na kaibigan. Akala niya na may gusto si Jacob kay Dan pero wala pala. Pero hindi pa rin niya maaalis ang pagseselos niya. “Dean” bungad sa kanya ni Jonas. “Kanina ka pa namin hinahanap ah, nandito ka lang pala. Pasok na sa loob dahil it’s your turn pare na kumanta” natatawa nitong sabi. Wala siyang magawa kundi ang sumunod rito. Ayaw naman niyang pahiyain ang kaibigan kaya pinaunlakan niya ito. At nakita niya si Sam sa may stage dahil nag-emcee ito. “Good evening ladies and gentlemen, I would like to introduce to you my brother, Dean Evan Perez, for his special number” pakilala nito. Palakpakan ang mga bisita. Kinuha muna niya ang guitara at pumunta na sa harapan ng mga bisita. Maraming babae ang nagsisigawan nang tawagin siya pero si Dan lang ang tiningnan niya. Ngumiti naman ito sa kanya at sinisinyasan siya nito nang thumb’s up. Sinimulan na niya ang pagguitara sa intro ng kanta na entitled “I’m Yours”. “This song is dedicated to all the beautiful ladies here tonight” sabi niya habang ang tingin ay kay Dan. Lalong lumakas ng tili ng mga babae. Gulat nalang siya nang biglang nagsalita si Sam.


"With his partner, Miss Danielle Lex Rodrigues.” Nagulat din ito sa pagkarinig. Parang nahihiya itong tumatanggi pero wala itong nagawa. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala ito sa tabi niya. Loko talaga ‘tong kapatid ko. Hindi niya mapigilang ngumiti. “Kuya Dean, sabayan mo nalang ako pagnagkamali ako ha?” mahina nitong sabi. At nagsimula na nga silang kumanta. Well, you done done me and you bet I felt it I tried to be chill but your so hot that I melted I fell right through the cracks, now I'm tryin to get back before the cool done run out I'll be givin it my best test and nothin's gonna stop me but divine intervention I reckon it's again my turn to win some or learn some But I won't hesitate no more, no more, it cannot wait I'm yours... ... ... (habang binabasa ito, mabuting makinig sa kantang I’m Yours) Habang kumakanta ay pasulyap-sulyap naman siya kay Dan. She is so beautiful kahit hindi pa ito magpaganda. She’s sexy kahit parating naka t-shirt at pantalon lang ito. Damn! Mas lalong gumanda at sumeksi si Dan ngayon sa suot nito. Hindi niya maiwasang magalit sa mga lalaking tumitingin kay Dan. “…..I’m Yours.” Natapos ang kanta ay di na naman niya kayang hindi mapatitig sa dalaga.


“Ang galing mo best.” nangingiting sabi ni Sam ky Dan. “Marunong ka rin palang kumanta ha. And you two are so perfect together” dagdag pa nito. “Whatever Sam. You owe me a lot, mabuti nalang ay kabisado ko ‘yong kanta ha kundi mapapahiya ‘tong beauty ko.” Biro nito habang namumula ang pisngi. “MAY I dance with you?” yaya sa kanya ni Jacob. “Are you sure kuya Jacob?” paninigurado niya. “Alam mo namang wala akong talent sa pagsayaw diba?” dagdag pa niya. Kanina pa siya niyayang magsayaw pero tumatanggi siya. “Hmmm, bakit ba hindi mo inayang magsayaw si Sam?” pag-iiba niya kaya naman hindi na siya nito kinukulit. “Ayoko kasi na ang babae ang nangungulit sa ‘kin. Hindi sa hindi ko siya gusto kaya lang….” Hindi nito natapos ang sasabihin dahil binara niya ito. “Aminin mo na kasi na may gusto ka rin sa kanya. Bakit ba kayong mga lalaki ay hindi ko maintindihan? Halata na ngang may gusto sa inyo, ayaw niyo pa. Kapag naman ayaw naming sa inyo, hahabol-habol naman kayo” naiinis na niyang sabi. Napalakas na rin ang kanyang boses. Nainis siya dahil ramdam niya ang kanyang kaibigan. “O relax lang Dan. I didn’t mean that way” mahinahon nitong sagot. “Ayaw lang namin na uunahan kami ng mga babae, meron din kaming pride” pangangatwiran nito. “Pride? That’s bullshit Jacob Lee Montez!” Galit na talaga siya. Kaya naman ay dali-dali siyang nagwalk out at baka sasabok na siya sa sobrang sama ng loob. Mabuti nalang ay hindi na siya sinundan ni Jacob para makapag-isip-


isip siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi naman siya ganun para makipagtalo sa isang bagay na tungkol sa pag-ibig. Pumunta siya sa isang sulok na walang tao. Gusto niyang magpahangin para mahimasmasan. Lumanghap siya nang sariwang hangin nang naramdaman niyang may tumutingin sa kanya. Kinakabahan siya pero deadma nalang siya. Tinitingnan nalang niya ang mga isdang lumalangoy sa pond. “What is the beautiful lady doing here?” tanong sa kanya ng isang lalaki habang nakatalikod siya. Hindi man lang niya namalayan ang pagdating nito. “Ay, mama ko!” gulat na tugon niya. Pagkalingon na pagkalingon niya ay nagulat pa siya ng husto kung sino ang nasa harap niya. “Manggulat ba? Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos?” kunway galit niyang tanong. “Of course not honey!” nakangiti pa rin ito. ‘Hay, ang gwapo talaga ng mokong na ‘to’ sabi niya sa kanyang sarili habang kinikilig. “What are you doing here?” tanong niya. “I’m the one who should ask you that, honey” lumakad pa ito palapit sa kanya. “What is the beautiful lady doing here?” malambing na tanong nito. Lalong lumakas ang kaba niya. Napangiti siya sa sinabi nito. ‘Hmm, nakahalata rin sa ganda ko’. Nang nakalapit na ito sa kanya ay naamoy niya ang mabangong pabango nito. ‘Ang bango mo talaga Dean.’ “May gano’n ba? Well, I just want some fresh air” sagot naman niya. Hindi niya pinahalata ang excitement nadarama niya. “Kaw, ba’t nandito ka? Sinusundan mo ba ko?” walang hiya-hiya niyang tanong.


“As far as I know, ako ang nauna dito” nakangiti pa rin ito. “Hmm, I think you need a company.” ‘Antipatiko! Buti nalang gwapo ka’ sa isip niya. Para siyang napahiya pero ginantihan nalang niya ito. “Sorry, I don’t need a company. At saka hindi naman siguro bawal ‘pag nagpunta rito di ba?” pamimilosopo niya. Tumawa lang ito sa pinagsasabi niya. “May I dance with you?” walang alinlangan nitong yaya sa kanya. Binaliwala ang pang-aasar niya. “Huh?!” Nagulat pa siya at hindi na siya nito hinintay pang makasagot. Hinatak siya nito ng dahan-dahan at napasandal

siya sa malapad nitong dibdib. Hindi

na siya makapalag dito kasi para wala siyang lakas. “God! You’re so beautiful tonight Danielle.” bulong nito na nagpakiliti sa kanya. Iyon lang at tahimik silang nagpakiramdaman. Sumasayaw sila kahit walang musika pero pakiramdam niya ay meron. They are so sweet and she want it that way. Hindi siya makapaniwala na nakasayaw niya ang crush niya. She doesn’t want to end it. But, suddenly, they heard someone is clapping at their back. “Bravo!(sinok)” bungad nito at agad silang nagkahiwalay. “What a wonderful scene! My Dean and…(sinok)” sabi nito na parang lasing ata habang tiningnan siya nito from head to foot. Lumakad ito na parang matutumba patungo sa kanila hanggang nakalapit na rin ito.


“Stop it Dennise! What are you doing here?” galit na saway ni Dean. “…and (sinok) the bitch. Sweetie, ito ba ang ipinagpalit mo sa ‘kin ha Dean? Isang nene?” dugtong nito sabay tawa na parang witch at ito’y nagpainit sa ulo niya. “I said stop it!” isang maawtoridad na sabi ni Dean. Pero hindi siya nagpaapekto rito at isang sampal ang inabot ni Dennise. Nagulat din siya kagaya nito sa ginawa niya pero hindi niya ‘yon pinagsisihan. Tama lang ang kanyang ginawa dahil hindi na niya maaatim ang pang-iinsulto nito. “Don’t you dare to talk to me like that ever again” nanginginig niyang sabi. “Hindi lang ‘yan ang matitikman mo.” Galit na talaga siya. “Aba at…” sigaw nito habang tinatangkang susugurin siya. Mabuti ay naagapan nito agad ni Dean at hawak ito sa mga bisig nito. Dumating din si Sam nang marinig ang gulo. “What are you doing Dan?” kunot-noong tanong ni Dean sa kanya na parang sinisisi siya. “What?!” galit na rin niyang sabi. “She’s drunk and she’s out of her mind right now! Sana inintindi mo” si Dean iyon na parang galit. “What? Now it’s my fault?” sigaw niyang sabi. “To hell I care if she’s drunk. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko na hindi mo ginawa. Well, sino naman


ako sa’yo ha kumpara sa ex mo?” naiiyak na niyang sabi pero pinigil niya ang sarili. “See? I know you still love me Dean” sabad naman ni Dennise na nakapulupot kay Dean. ‘Ang arte-arte ng bruhang ito, sarap sabunutan’ gigil niyang bulong sa sarili. “’Kaw babae, h’wag na h’wag mong agawin si Dean sa ‘kin” may pagbabanta nitong sabi sa kanya. “He’s all yours Dennise” sarkastiko niyang tugon. “Kuya, what are you doing?” si Sam iyon na hindi makapaniwala sa nangyari at nakalapit na rin pala sa kanyang tabi. “Please Sam, ‘wag kang makialam. Damn!” sabi nito na nagpagalit sa kanya nang husto. What’s with this woman na gayun na lamang ang pagtatangol nito. Ganito ba niya kamahal ang babae? Di ba pinagtaksilan na siya nito? Hay naku, bulag ba ito o nagtanga-tangahan? Masakit man ay wala siyang magagawa dahil ito ang first love ni Dean. “Magsama kayong dalawa. Hindi na sana ako nagtiwala sa ‘yo!” baling niya kay Dean sabay talikod. “You owe me an explanation kuya” wika ni Sam sabay sunod sa kanya. “Pare, anong nangyari dito?” Narinig niya si Jacob na kadarating lang. Pero hindi na niya narinig ang naging tugon ni Dean.


“Dan, ihahatid na kita” pahabol ni Sam. “No Sam, ako na” paubaya ni Jacob habang sumusunod ito sa kanya. Akala niya na hahabulin siya ni Dean pero as expected ay hindi na. Lalong siyang napaiyak. Para siyang pinagtulungan ng mga ito. “Ssshh, tahan na Danielle” sabi ni Jacob habang nasa kotse na sila. Hindi na siya sumagot pa. “I know may dahilan si Dean kaya niya ginawa ‘yon.” Hanggang makarating siya sa condo niya ay hindi pa rin humihinto ang kanyang luha sa pagdaloy. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang siya kaapektado. Crush lang naman niya ito. Hindi kaya mahal na niya ito? ‘Nooooo!’ tanggi ng isipan niya. Masakit isipin na ang lalaking akala mo’y magtatanggol sa ‘yo ay hindi pala kayang ipagtanggol ka. Mas masakit pa ay malaman na mahal pa rin pala ni Dean si Dennise. Gusto na niyang matulog para hindi na niya mararamdaman ang sakit sa puso niya. Mabuti nalang ay walang pasok bukas. Pero hanggang sa panaginip pala niya ay hindi siya nilulubayan ng dalawa. Pang-iinsulto ni Dennise at pangtatanggol ni Dean nito.


My Only You