

Nagsimula na ang Division Athletic
Meet 2024 sa Lungsod ng Silay ngayong araw, ika-11 ng Disyembre na opsiyal nang binuksan sa Oval ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS).
Kung saan, kinabibilangan ito ng siyam na mga distrito at tatlong yunit galing sa lungsod.
Simulan ito ng isang parada na pinangunahan ng ‘C.A.T. Officers’, mga piling organisasyon sa DMLMHS, at mga atleta galing sa iba’t ibang distrito at yunit sa elementarya at sekondarya. Nang makarating sila sa oval, sinundan ito sa pag-awit ng Lupang Hinirang, isang panalangin, Silay City Hymn at DepEd Silay Hymn.

Kabilang din sa mga nagbigay ng kanilang suporta at mensahe ay sina Vice Mayor Tom Ledesma, Councilor Noynoy Penuela, at G. Ochavo.
“Mahalagang oportunidad ito upang ipamalas ang kakayahan ng ating mga atleta na nagbibigay ng dangal sa ating paaralan at mga komunidad.”, wika ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa kaniyang ‘virtual video message’, na siyang pinakilala ni Dr. Rosareal bilang ‘Keynote Speaker’ ng programa.
Pinaapoy naman ang ‘Sacred Fire of Peace and Brotherhood/ Sisterhood’ sa pangunguna ni Gian Magbanua, Triple Jump 4th Placer sa Palarong Pambansa kasama ang representatibo ng bawat yunit.
Nanumpa naman ang mga ‘Tournament Managers’ sa pangunguna ni G. Ally Paceno, guro sa MAPEH ng DMLMHS.
Pagkatapos nilang manumpa, idineklara ni G. Ochavo ang opisyal na pagbubukas ng Division Athletic Meet 2024, kasabay ng pagpapakawala ng mga kalapati.
Bago pa man magtapos ang programa, rumampa ang mga ‘Muses’ at ‘Escorts’ ng bawat distrito at yunit suot ang kanilang kanya-kanyang suot panglaro para sa titulong Little Miss and Mister Meet Athlete 2024.
Nasungkit ng representatibo ng Distrito 1 at Distrito 2 ang Little Mister at Miss sa kategorya ng elementarya. Yunit 3 naman ang nanaig sa parehong titulo sa kategorya ng sekondarya.


