Sulat at Boses ng Kabataan, Sandigan ng katotohanan
MGA NILALAMAN
Umano, Blanko?
Kamalayan
Hindi Ka Ba Natatakot Sa Akin?
GINTONG TAPANG
editoryal
lathalain
say-tek isports
Programang tulong sa medikal at burial, inihinto ng OVP
Sinuspinde ng Office of the Vice President (OVP) ang mga programang medikal at burial assistance nito dahil sa kakulangan ng pondo, na inihayag sa pagdinig noong ika-16 ng Enero, 2025. Kung saan, sinabi nitong hindi na maipagpapatuloy ang pagpopondo sa mga programang matagal nang nagbibigay ng tulong sa libulibong Pilipino, dahil sa mga hadlang sa pananalapi na kinaharap ng tanggapan sa mga nakaraang buwan.
Sa taong 2024, ang medical at burial assistance program ng Office of the Vice President (OVP) ₱920 milyon, na bumubuo ng halos kalahati ng kabuuang ₱1.8 bilyong pondo ng tanggapan para sa taong iyon, ngunit sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, bumaba ang kabuuang pondo ng OVP sa ₱733 milyon, na nagresulta sa ganap na pagtanggal ng pondo para sa nasabing programa, dahilan upang ihinto ng OVP ang pagbibigay ng tulong medikal at burial assistance. Mahigit sa 180,000 Pilipino ang nakinabang sa programa noong nakaraang taon. Gayunpaman, tiniyak ng OVP sa publiko na ito ay aktibong naghahanap ng karagdagang pondo at nagtutuklas ng mga alternatibong pakikipagsosyo upang matugunan ang kakulangan. Ang desisyon ay nagdulot ng magkakaibang reaksyon mula sa publiko at mga grupo ng adbokasiya. Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya, na itinuturo na ang mga programa ay mahalaga sa buhay para sa mga pamilyang mababa ang kita. Hinimok ng iba pang mambabatas mula sa iba't ibang kampo ng politika ang OVP na magsumite ng komprehensibong ulat sa problema sa pagpopondo at humanap ng mga paraan para ipatupad ang mga emergency appropriations para buhayin ang mga programa.
angpipit.
SABAW SAGA
Pagtuturo ng CSE sa Pilipinas, hindi sinang-ayunan ni PBBM
Tutol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtuturo ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa Pilipinas sa kadahilanang nakakikilabot at nakatutuwa raw ang kasalukuyang porma ng panukala ng Senado tungkol ‘Sex Education’.
Nilinaw din ni Pangulong Marcos ang naunang niyang pahayag na pabor siya sa pagtuturo ng ‘sex education’ sa mga bata dahil akala niya ay tungkol lamang ito sa ‘anatomy’.
“When I was talking about sex education, I remembered our sex education when I was in school. At ang itinuro sa amin ay anatomy. What are, what is the anatomy of male and female, reproductive systems. Naalaala ko pa, nanood kami ng video ng mga cell na nagdi-divide para maging baby. ‘Yun ang tinuro sa amin, kailangan talagang malaman ng mga kabataan iyan,” saad ni Pangulong Marcos sa isang ‘ambush interview’ sa Lungsod ng Taguig.
Ngunit nitong ‘weekend’ ay nabasa niya ang Senate Bill 1979 at nagulat siya sa ilang nilalaman nito sa kadahilanang tutungo ang sistema ng mga Filipino sa pagtuturo sa apat na taong gulang na bata kung paano ang ‘masturbation’ at ang karapatan ng bawat bata na mag-iba ng sekswalidad.
“We all, I’m a parent and I’m a grandparent. So I feel very strongly about this. So let me be very, very clear. I still believe that sex education in terms of teaching kids anatomy, of the reproductive systems of males and females is extremely important. Consequences of early pregnancy. The prevalence of HIV. Kailangan ituro lahat ‘yan para alam ng mga kabataan,” pahayag ng Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo na naniniwala pa rin siya sa ‘sex education’ at kahalagahan nito, partikular sa pagtuturo sa mga kabataan ng anatomy ng reproductive system, ang mga kahihinatnan ng maagang pagbubuntis, at ang paglaganap ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), bukod sa iba pa.
‘‘
This is ridiculous, this is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children. What about the parents? Wala na silang karapatan na sila ang mag-decide kung ano at kailan tuturuan ‘yung bata,
ayon pa sa Presidente.
Hindi pa naipapasa ang panukalang batas ngunit kapag natupad na ginagarantiyahan niya ang mga magulang, guro, at mga bata na agad niyang tatanggihan ito.
Kasalukuyang inaprubahan na ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang ₱200 across-the-board na dagdag sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Kung maisasabatas ang panukalang ito, oobligahin ang lahat ng mga pribadong negosyo, gaano man kalaki ang industrya magpapatupad ito ng ₱200 arawang umento sa sweldo ng kanilang mga manggagawa. Ayon sa Speaker na si Ferdinand Martin Romualdez “The House of the People is working tirelessly to craft a wage increase measure that
pangunahing bilihin at serbisyo kaya lubhang kailangan ng makatwirang wage hike o Wage Rationalization Act of 1989, na ginawa mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan at napatunayan na hindi ito nagresulta sa lubhang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagsasara ng maraming negosyo. Sabi naman ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist
pagsisikap ng OVP pondo ay malapit ay maipagpatuloy.
JEWEL BOTANAS
ELIAH DELOS SANTOS
LYSSA MARIE DIAMANTE
TATAK MONSAI! TATAK WORLD CLASS!
DMLMHS STE studs, nilamon ang international stage sa WIT competition sa South Korea
Nagpakita ng tunay na bangis ang mga mag-aaral ng Science Technology Engineering (STE) ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School, sa ginanap wwna World Innovative Technology (WIT) Competition sa Chonnam National University, Yeosu-si, Jeollanam-do, South Korea noong ika-2 hanggang ika-3 ng Nobyembre, 2024.
Nag-uwi ng pilak na medalya sina sina Jorge Nathalie S. Dequilla at Lettynia Mellisze F. Sorongon nang nakasama sila sa Top 10 sa Innovative and Project Ideas Category ng National Robotics Competition, mula sa kanilang robot na “AmBot: Autonomous Marine Robot of Oil Spill Cleanup with Integrated Desalination System” na naglalayong tugunan ang isyu
at problema sa paglilinis ng langis. Habang, sina Lyn D. Piedad at Akysha Nicole A. Grande na kabilang din sa pampaaralang publikasyong ‘Ang Pipit’ na nasa ikatlong pwesto noon, ay nag-uwi ng tansong medalya ngayon mula sa kanilang proyektong “FiFee: Solar Powered Automatic Fish Feeder with Real-time Water Condition Monitoring and Response System” na layuning pamahalaan ang mga palaisdaan sa pagpapanatili
ng kondisyon ng tubig sa ‘aquatic environments’ at pagpapakain sa mga isda ng awtomatiko.
Jorge Nathalie S. Dequilla at Lettynia Mellisze F. Sorongon
Top10
Innovative and Project Ideas Category ng National Robotics Competition
Partidong Aghon, panalong daluyong sa eleksiyon
LYSSA MARIE DIAMANTE, CHARLES LAWRENCE ACERADA
Nanguna ang Aghon Partylist sa halalan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa panibagong mga opisyal ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS) na ginan sa New Covered Court (NCC) ng paaralan, kahapon, ika-26 ng Pebrero para sa taong panuruan 2025 hanggang 2026.
Nahalal si Yana Mishika Amador bilang bagong presidente ng SSLG ngayong taong panuruan, nakuha naman ni Ariane Grantus ang posisyong bise-presidente, Reyven Plame bilang Tagalihim, Anne Jade Uy sa posisyong treasurer, Sam Joseff Estor bilang tagasuri, Sofia Colleen Lapuos bilang pinuno ng impormasyon, at si Roxette Garcia ay nahalal bilang pinuno ng protokol. Sinundan ito ng mga kinatawan na boses ng bawat baitang na sina, Chiara Claire Cuarentas at Cassey Elizabeth Dela Cruz para sa ikawalong baitang, Arabela Kristene Arellano at Martella Louise Saguid naman sa ikasiyam na baitang, Elaiza Dia Yeban at Princess Ellaine Roldan sa ikasampung baitang, Lyn Piedad at Sophia Keith Villora para sa ika-11 na baitang, Samantha Beatrice Binagwa
at Princess Joana Poblador naman sa ika-12 na baitang.
“To the 3,835 students who had faith in casting their votes and shading my name, know that your trust will never disappoint. Not because I hold on to my own capabilities, but it is that I hold on to someone who really can and placed me in this position [...]” pahayag ni Amador sa kaniyang ‘facebook post,’ matapos ang matamis na pagkapanalo.
Ipinakita ng Aghon Partylist ang kanilang kasipagan at dedikasyon sa nasabing halalan sa pamamagitan pangangampanya at pagpapahayag ng kanilang mga layunin, naging matiyaga sila sa pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at pagpapakita ng kanilang mga plataporma, dala ang kanilang layunin na “Bagong Pag-asa, Gabay ng Masa”.
Dinaluhan ng mga magaaral galing sa iba't ibang seksyon ng ika-12 baitang ang ginanap na 'Senior High Career Orientation' sa Natalio G. Velez Sports and Cultural Center, Lungsod ng Silay kahapon, ika-3 ng Pebrero, 2025.
‘‘
Today,
I give my big bow and big salute. Because, I believe that you will be a successful
somebody 5
years from now.
pahayag ni Gng. Jenelyn G. Navajas, Assistant School Principal IISenyor Hayskul sa kanyang bungad na pananalita. Anim na mga paaralan ang nagpadala ng kani-kanilang representatibo para anyayahan ang mga mag-aaral na mag-aral sa kanilang paaralan. Kabilang sa mga dumalong paaralan ay ang Fast Aviation Academy Inc., University of St. La Salle, Riverside College Inc. Silay Institute, STI West Negros College at Colegio de Sta. Ana de Victorias. Nagbigay rin ng kanyang panapos na pananalita ang Punong Guro IV ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS) na si Dr. Warlito D. Rosareal.
Ikalawang bahagi ng Ink and Quill 3.0, matagumpay na nagtapos
RODLINMER DE LA CRUZ
Sa pangunguna ng The Warbler at Ang Pipit (Pispis Publication) ng Doña Montserrat Lopez Memorial High SchoolMain, naging matagumpay ang pagtatapos ng ikalawang bahagi ng "Ink and Quill 3.0: Community Pen Project" na ginanap sa Eustaquio Lopez Elementary School kahapon, Enero 19, 2025.
Nilahukan ng humigit 200 na mga 'student journalist' ang nasabing workshop, mula sa iba't ibang paaralan
sa Dibisyon ng lungsod ng Silay. Nagturo ang mga mamamahayag ng Pispis Publication ng mga kaalaman tungkol sa pagsusulat ng balita, paglalarawang tudling, pagreretrato, at iba pang mga praktikal na kasanayam tungkol sa iba't ibang kategorya sa larangan ng dyornalismo.
Binigyan naman ang iilang mag-aaral ng 'Promising' at 'Most Promising' na mga gantimpala bilang bahagi ng pagtatapos ng programa.
SABRINA NICOLE DELA PEÑA
JEWEL ROSE BOTANAS
PUNONG GURO, PUNONG BOSES Bilang pambungad na mensahe
LITRATO
LITRATO | CHRIS JUNGIE CALVEZ
“Mga anak, Say thank you to your parents and let’s cherish the moment” simple ngunit malaman na pahayag ni Dr. Warlito D. Rosareal, Punong Guro IV ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School sa isinagawang Honors Assembly, na isinagawa nitong ika-24 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Isinagawa ito bilang pagpupugay sa bawat mag-aaral, mula Baitang 7-12 ng paaralan sa kanilang pagpupursigi sa pagaaral hanggang sa ikatatlong kwarter. Umabot lang naman sa humigit 2,600 na mga mag-aaral ng DMLMHS ang naging bahagi ng ‘honor roll’.
‘‘
“Mga anak, Say thank you to your parents and let’s cherish the moment”
DMLMHS, nag-aalok ng bago ng oportunidad para sa mga estudyante
Nagbukas ng bagong pinto ang Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS) sa mga mag-aaral ng panibagong programa upang magbigay ng mas malawak na oportunidad, maaring magenroll ang mga papasok na Grade 7 sa programang ito.
Simula ika-25 ng Enero hanggang ika-15 ng Pebrero, 2025, maari rin namang magparehistro ng maaga ang mag-aaral na magiging Grade 11 sa paparating na S.Y. 2025-2026.
Nag-aalok ng bagong programa na kinabibilangan ng Special Program in Journalism (SPJ), Special Program in Sports (SPS), Open High School Program (OHSP), at Alternative Learning System (ALS). Naghahangad na mapunan at mapalawak ang iba't ibang interes ng mag-aaral. Ang SPJ ay naglalayong makatulong na mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat, paggawa at pag-uulat ng balita. Samantala, ang SPS ay nakatuon na mapaunlad pa ang galing ng talentadong mag-aaral na atleta. Para sa mga hindi nakapag-aral ang OHSP at ALS ay nag-aalok ng edukasyon at gabay sa mga hindi nakapag-aral ng regular.
Nagbibigay patunay ang pagdagdag ng mga programa nang DMLMHS upang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon at matulungan na paunlarin at matuklasan ang kakayahan ng mga mag-aaral, nagbibigay din ng pagkakataon sa mga magbabalik sa pag-aaral upang makapagtapos ng high school at tumutulong sa pagtaas ng enrollment rate ng paaralan.
Ang mga paaralang nag-aalok ng mga espesyal na track tulad ng Special Program in Journalism (SPJ) at Special Program in Sports (SPS) ay karaniwang nagpapakita ng mas mataas na partisipasyon ng mga estudyante.
126 456 2,178
KABUUAN NG MGA MEDALYA NGAYONG IKATATLONG KWARTER
5–8%
Sa ilang kaso, ang mga estudyanteng lumalahok ay nakapagtala ng pagtaas sa kanilang mga iskor sa standard na pagsusulit ng humigit-kumulang 5–8% kumpara sa mga nasa regular na track.
Dalawang manunulat ng Ang Pipit, nanguna sa PJTS ‘24
Laban ang iba’t ibang paaralan sa kabuuang Kanlurang Visayas, hindi nagpahuli sa bakbakan ang dalawang pampaaralang mamamahayag ng Doña Montserrat
Lopez Memorial High School ng Filipinong publikasyong Ang Pipit, sa ginanap na Philippine Information Agency (PIA) Journ Talk Series (PJTS) of 2024. Nag-uwi ng gantimpala sina
Anne Margarette B. Divinagracia, Tagapamahalang Patnugot, at Rodlinmer M. De La Cruz, Punong Patnugot, bilang ‘Most Oustanding Journalists’ sa larangan ng ‘Photojournalism.’ Pinatunayan ng dalawang mamamahayag ang kapangyarihan
ng mga salita’t parirala upang ipahayag ang retrato sa likod ng lente.
Sa kabilang dako, humakot din ng mga parangal ang panumbas na Ingles na publikasyong, The Warbler sa iba’t ibang larangan Iniuwi ng The Warbler ang mga parangal na “Most Promising in writing for Science” at “Most Promising in Copyreading” si John Martin Geronimo, “Promising in Editorial writing” si Keziah Eunice Macasinag, at “Promising in Layout and Design” sina Francis Ryan Gustilo at Juniel Jayme. Pinatunayan ng mga ibong manunulat na ito ang kanilang gilas at kakayahan sa larangan ng dyornalismo.
bumida sa ‘Real to Reel’ Short Film Competition ‘25
Nakasungkit ng ikatlong puwesto mula sa 125 na kalahok sa buong Pilipinas ang Istorya Film Creatives ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS) sa ginanap na Pioneer Your Insurance Gen Z ‘Real to Reel’ Short Film Competition, noong ika-17 ng Enero, 2025 sa Greenbelt 3 Cinema 3, Makati City.
Umuwi ng P30,000 at plaka ng karangalan ang Istorya Film Executives na ibinida ang maikling
pelikula na pinamagatang “Trapo (Traditional Politics)” na pinangunahan nina Danreb Dela Cruz, Myro Andrada, at John Rhey Flores kasama ang kanilang tagapayo na si G. Jan Argie Lumapay. Layunin ng maikling pelikula magbigay pansin sa ‘Traditional Politics’ na maipahayag ang iba’t ibang pang-eengganyo ng mga kandidato sa pulitika para sa mga botante ngunit nagbabala rin laban sa panlilinlang.
125 na kalahok sa buong Pilipinas
RODLINMER. DE LA CRUZ
DANIELA DAGUINOT, NICA GUANCO
KEZIAH HADASSAH SALVADOR
RODLINMER DE LA CRUZ
Trump, itinalaga ang orderexecutive na umaapekto sa LGBTQ+ Community
“Today, the Trump administration rolled out yet another executive order consisting of patently unconstitutional nonsense designed to demean transgender and all LGBTQ+ young people, deny their very existence, and cause them harm…”
Inihayag ni Nicholas Hite, McDonald/Wright Senior Attorney sa Lambda Legal, ang nilagdaan ni Presidente Donald John Trump ang antiLGBTQ+ executive order na umaatake sa LGBTQ+ community at transgender na mag-aaral at sa mga kinatawan sa paaralan noong ika-29 ng Pebrero, 2025.
Ipinagbabawal nitong pondohin ng pederal na institusyong pang-edukasyon mula sa pagsuporta sa LGBTQ+ sa paggamit ng itinalagang palikuran at pagsali ng transgender sa isports.
Isinulong din ang pag-uutos sa mga paaralan ang pagtuturo ng ‘patriotic education’ na nagdodomonina ng ‘whitewashing’ sa buong bansa na binabalewala ang kasaysayan tungkol sa rasismo, homophobia, kaapihan at diskriminasyon.
“Today,
the Trump administration rolled out yet another executive order consisting of patently unconstitutional nonsense designed to demean transgender and all LGBTQ+ young people, deny their very existence, and cause them harm…”
Krimen sa Negros Occidental, bumaba ng 13%
Bumaba ng 13 na porsyento ang bilang ng krimen sa Negros Occidental noong nakaraang taon, 2024 kumpara noong 2023, ayon sa Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO).
Base sa datos ng pulisya, umabot sa 3,885 ang bilang ng mga krimen sa lalawigan, mas mababa ng 586 o 13.11 na porsyento kumpara sa 4,471 sa parehong panahon noong 2024. Ayon sa NOCCPO, ang pagbaba ay nauugnay sa patuloy na pagsisikap ng kapulisan tulad ng pagdagdag ng mas maraming patrolya, mga insentibo sa pakikilahok sa komunidad at maagap na pagpapatupad ng batas na ginawa upang maiwasan ang ilegal na gawain. Ipinahayag din ng pulisya na ang kanilang pakikipagtulugan sa lokal na pamahalaan, mga organisasyon, at mga stakeholders ay kabilang din sa paggawa ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mamamayan ng lalawigan. Hinihikayat ng pulisya ang publiko na manatiling magingat, maging alerto, at isumbong ang mga kahinahinalang mga aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Wildfire sa LA, sumiklab; halos 30,000 katao, lumikas
Sumiklab ang sunog sa mataas na bahagi ng Los Angeles (LA) noong ika-7 ng Enero, 2025 na lumikha ng 'traffic jam' habang 30,000 mga tao ang lumikas dulot ng malalaking usok na sumakop sa 'metropolitan area'.
Halos 510 na ektarya ng lugar ng Pacific Palisades sa pagitan ng Santa Monica at Malibu ang nasunog.
Inihayag ni Philippine Consul General sa LA Adelio Angelito Cruz na umakyat na sa 24 ang nasawi dulat ng 'wildfire' sa California.
Ayon pa kay Cruz, halos 200 na mga Pilipino amg naitalang nawalan ng tirahan dahil sa sunog at posibleng madadagdagan pa umani ito.
Tiniyak niya na ligtas ang
mga naiwang Pilipino na dinala sa 'evacuation centers' sa lungsod. Kinukumpirma rin ng mga Philippine official sa LA kung naka-insured ang mga apektadong bahay ng mga Pilipino sa lugar. Ang apoy ay sumunog sa mahigit 1,000 na mga istraktura roon noong ika-8 ng Enero ay nagresulta bilang pinakamapanirang sunog sa kasaysayan ng Los Angeles.
Elon Musk: Ipagtanggol ang trabaho o matanggal.
Elon Musk, bilyonaryo at tagapayo ni Pangulong Donald Trump, pinuno ng Department of Government Efficiency (DOGE), ang kawani ng pamahaalan ay nakatanggap ng email na ipaliwanag ang kanilang mga nagawa sa trabaho bawat linggo o harapin ang posibilidad ng pagkawala ng trabaho, ito ang pahayag ng kanyang ulat sa dating twitter na X, sinabing ang mga empleyado ay dapat tumugon sa deadline ng Lunes sa 11:59 p.m Pebrero 24,2025. Ang mandato ay umani ng matalim na batikos mula sa mga mambabatas, pinuno ng unyon, at mga eksperto sa batas. Inilarawan ni House Minority Leader Hakeem Jeffries ang kahilingan ni Musk bilang "ilegal," habang binansagan ito ni Representative Gerry Connolly na "walang ingat." Si Everett Kelley, presidente ng American Federation of Government Employees (AFGE), ay kinondena ang utos, na nagsasaad na ito ay nagpapakita ng "ganap na paghamak ng administrasyon para sa mga pederal na empleyado at ang mga kritikal na serbisyong ibinibigay nila sa mga mamamayang Amerikano." Binigyangdiin ni Suzanne Summerlin, isang legal na analista, na ang mga pederal na pagbibitiw ay dapat na boluntaryo at hindi maaaring mahihinuha mula sa kabiguan ng isang empleyado na tumugon sa isang email. Sa kabila ng backlash, ipinagtanggol ni Musk ang inisyatiba, na binabalangkas ito bilang isang kinakailangang hakbang upang matukoy at maalis ang mga kawalan ng kaya sa loob ng pederal na pamahalaan. Inilarawan niya ang email bilang isang simpleng pagsusuri upang matiyak na ang
1,000
katanggap-tanggap!"
Nagpahayag si Pangulong Trump ng malakas na suporta para sa diskarte ni Musk, na hinihimok siya na maging "mas agresibo" Sa isang kamakailang pagtitipon ng mga konserbatibong aktibista, pinuri ni Trump ang mga pagsisikap ni Musk, na nagsasabi, "Maganda ang ginagawa ni Elon... Mahal namin si Elon, 'di ba? Isa siyang karakter."
Ang direktiba na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng administrasyong Trump at DOGE para ma-overhaul ang pederal na manggagawa. Libu-libong pederal na empleyado ang natanggal, na may mga makabuluhang pagbawas na iniulat sa mga departamento tulad ng Veterans Affairs, Defense, Health at Human Services, at Internal Revenue Service. Ipinapangatuwiran ng mga kritiko na ang mga hakbang na ito ay maaaring makasira sa kakayahan ng gobyerno na magsagawa ng mahahalagang tungkulin at hadlangan ang mga kwalipikadong indibidwal mula sa serbisyo publiko.Habang lumalabas ang sitwasyon, inaasahan ang mga legal na hamon, at ang diskarte ng administrasyon sa pamamahala ng pederal na manggagawa ay malamang na haharap sa mas mataas na pagsisiyasat mula sa mga mambabatas, unyon, at pang publiko.
Yes, he directed our consulate in Los Angeles to work with local authorities in identifying Filipino nationals in need of assistance, mensahe ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.
KEZIAH HADASSAH SALVADOR
JEWEL ROSE BOTANAS
ARIANE GRANTUS
ELIAH DELOS SANTOS
Inihayag ni Nicholas Hite, McDonald/ Senior Attorney sa Lambda Legal
Ang apoy ay sumunog sa mahigit
na mga istraktura roon noong ika-8 ng Enero ay nagresulta bilang pinakamapanirang sunog sa kasaysayan ng Los Angeles.
Krimen sa Negros Occidental, bumaba ng 13%
PAGLAGANAP NG APOY.
sa pagtaas ng temperatura at hindi dali-daling makontrol
mga bumbero at mga residente ng Los Angeles, USA ang nagbabagang wildfire.
LITRATO | ABANTE TONITE
LITRATO | AL JAZEERA
LITRATO | BIOGRAPHY
Umano, Blanko?
editoryal
Sa halip na umatras sa pahayag na may mga blankong pahina sa pambansang badyet para sa 2025, lalong pinaninindigan ng ilang sektor ang kanilang akusasyon. Ngunit nananatiling hindi malinaw kung ang mga dokumentong inilabas sa publiko ay ipinalibot para sa pirma ng mga mambabatas matapos ang bicameral conference committee, o kung ito mismo ang General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) bago matapos ang 2024.
Umalsa pa ang usap-usapan tungkol sa nabangit na isyu matapos mariing itinanggi ng Pangulo ang alegasyon. Aniya, walang blankong item sa nilagdaan niyang badyet. Kung mayroon, ito sana ay itinuturing na walang bisa. Maging si Senate President Francis Escudero ay tinawag na walang basehan ang alegasyon, na unang ibinunyag ni Davao City 3rd District
blank, implying a scheme akin to a ‘blank check’ supposedly for future allocations. “The peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal.,” diin nila. Gayunpaman, patuloy na kumakalat ang isyu, lalo na nang ipahayag ni dating Senador Panfilo Lacson ang pagkakahawig nito sa mga anomalya sa 2019 GAA, kung
“2025 na! [Huwag] naman sana kaming gawing mangmang.” pahayag ng isang netizen matapos ang bicameral conference. Sa harap ng mga pagdududa, ang solusyon ay hindi pagtanggi o puro sa salita lang laban sa alegasyon, kundi ang pagpapakita ng katotohanan sa taumbayan ang siyang tanging tutuldok
“The peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal.,”
Representative Isidro Ungab at pinalakas pa ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kanila, hindi bababa sa 13 pahina ng GAA ang may ‘blank appropriations’, na inihalintulad sa isang "blank check" scheme.
Sa isang pahayag, direktang tinawag ni Marcos na kasinungalingan ang pahayag ni Duterte. Samantala, ilang mambabatas ang nag-akusa na ang isyung ito ay bahagi lamang ng pagpapakalat ng pekeng balita. Pinalagan din ito ng Department of Budget and Management (DBM), na nagsabing ang ipinalabas ng ilang indibidwal ay hindi ang GAA kundi ang bicam report. Dagdag pa rito, nagpalabas rin ng pahayag ang Presidential Communications Office (PCO) tungkol na kumakalat na alegasyon.
“Marcos Jr. signed the budget with portions intentionally left
saan P95.3 bilyon ang na-veto ng noo'y Pangulong Duterte. Hinimok ni Lacson ang isang ‘side-by-side comparison’ ng enrolled bill, ang pinal na bersyon o kopya na nilagdaan ni Marcos, at ang inilathalang ‘bicameral report’ upang matukoy kung kailan at paano lumitaw ang umano'y blankong pahina. Madaling matuldukan ang ganitong mga kontrobersiya kung magiging mas bukas ang proseso ng pambansang badyet, lalo na sa yugto ng bicameral conference. Ngunit hanggang ngayon, mahirap pa ring alamin kung sino-sino ang bumubuo ng bicam. Ang lumulutang na isyu sa 2025 GAA ay nagsisilbing panawagan upang iwaksi ang pagiging lihim ng bicameral conference at gawing mas transparent ang buong proseso ng pambansang badyet.
nito. Ang hinahanap ng bawat mamamayang Pilipino ay malinaw at mapagkakatiwalaang impormasyon, hindi paninindigan na walang basehan. Kung tunay na walang blankong ‘items’ o pahina sa GAA, bakit hindi ilabas at ikumpara ang lahat ng bersyon ng badyet?
Sa usapin ng pondo ng bayan, walang puwang ang alinlangan. Hindi sapat ang pagsasabing "umano"—kailangan ng kongkretong ebidensya. Hindi lang pahina sa isang nilagdaang konstitusyon ang natatanging problema, kundi pati na rin ang kinabukasan at pag-ahon ng bansang Pilipinas na siyang umaasa sa mga natatanging papel na iyon.
Hanggang sa may malinaw at kapani-paniwalang sagot, ang tanong ng publiko ay mananatili— “Umano, blanko?”
Boses ng Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
VAVAIHANG VAVAYLAN
Wala pa ring pagbabago sa Pilipinas at kurakot na mga politiko ang patuloy na naghahari sa pwesto.
‘‘
Sa bawat pahayag ng mga balita, nagsisilbi balong ang mga estudyanteng mamamahayag para sa mga mamamayan at kapwa magaaral sa kung sino ang dapat at hindi dapat iboto sa paparating na eleksyon, sila ang mas lubusang pinaniniwalaan at inaasahan pagdating sa mga impormasyong pampolitiko.
Sa inilabas na pinakabagong Corruption Perception Index (CPI) ng Berlin-based Organization, nasa pang-115 ang bansang Pilipinas sa 180 na bansa, kung saan ito ay nakakuha ng iskor na 34 na maituturing na korap sa kadahilanang “100” ang batayan upang masabing malinis at walang korapsyon sa isang bansa, ngunit sa kabila ng sakit ng bansa, gaano nga ba kahalaga ang gampanin ng mga estudyanteng mamamahayag sa pagsugpo ng walang katapusang korapsyon? Republic Act 7079 act of 1991, nagbibigay ng pagsasanay sa campus journalism at mga organisasyon at pagbuo ng mga publikasyon ng paaralan, sa batas na ito pinapahiwatig lamang na
kahit pa sa mga pampaaralan ay mahalaga ang gampanin ng isang mamamahayag at publikasyon sa paghahatid ng walang anuman kung hindi ay pawang katotohanan lamang dahil ang anumang kanilang isisiwalat ay makakaimpluwensya at makakapagbago sa isang pananaw ng kanilang mga nasasakupang mambabasa. Sa bawat pahayag ng mga balita, nagsisilbi balong ang mga estudyanteng mamamahayag para sa mga mamamayan at kapwa magaaral sa kung sino ang dapat at hindi dapat iboto sa paparating na eleksyon, sila ang mas lubusang pinaniniwalaan at inaasahan pagdating sa mga impormasyong pampolitiko. Dagdag diyan, bawat mamamayang Pilipino ay nakalantad, babad sa telebisyon at ang iba
nama’y pamatay oras ang pamamalagi sa ‘social media’ kung kaya’t bawat salita, gawa o kahit pa mga balita ay nakakaimpluwensiya sa kanilang magiging pananaw at hinuha lalong lalo na sa aspetong politika. Ang mga Pilipinong 10 hanggang 64 taong gulang na nalantad sa iba’t ibang anyo ng mass media ay nagrehistro ng mataas na functional literacy rates noong 2019 ayon sa Philippine Statistis Authority (PSA). Ito ay walang kaibahan sa magiging tungkulin ng isang medya, kung buong tapang at pawang katotohanan ang ibabahagi sa bawat mamamayan lahat ay magkakaroon ng sapat na kaalaman sa kung sino ang karapat dapat na pagkatiwalaan at may kredibilidad. Mahalaga ang mga matatapang na mamamahayag
sa pagsugpo ng korapsyon sa Pilipinas sa katotohanang mamamahayag at medya lamang ang may kakayahan na mangmulat, turuan at gisingin ang mga nagbubulag-bulagan na mamamayan sa matatamis na salita ng mga politiko.
Papel ng Medya: Politikong Pakitang Tao sa Publiko
Habang papalapit ang halalan, maraming kawani ng medya ang nagsusulputan upang magbahagi ng mga impormasyon sa mamamayan ngunit pagnilayan ang detalyeng nalalaman, sapagkat ang ating bayan ay maituturing na mapanlinlang sa mga huwarang politikong ating nadadatnan, kaya maaari itong pagmulan ng mga maling impormasyon at aktibismo na nagdudulot ng panganib sa matatag at maayos na diskursong pampolitika. Ano nga ba ang maitutulong ng medya sa ating lipunan kung ito mismo ang naglalahad ng impormasyong walang kasiguraduhan?
Ang medya ang nagsisilbing tulay upang maiparating sa masa ang mahahalagang isyu na hinaharap ng isang bansa, nabibigyan nito ng boses ang mga tao upang magpahayag ng layunin sa publiko lalong-lalo na sa mga tatakbong kandidato, kaya hindi natin maitatanggi na mas nagiging maimpluwensiyang platapormang pampulitika. Ang pagsikat ng aktibismo sa medya ay hindi lamang nagpapalawak ng mga posibilidad para sa direktang komunikasyon kundi nagbibigay din ng plataporma para sa mga politiko upang direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga tagasuporta.
Kilala ang Pilipinas bilang "Flawed Democracy", simula pa noong 2006, nang inilunsad ng Economist Intelligence Unit (EIU) ang Democracy Index, kabilang ang Pilipinas sa kategoryang ito, ayon pa sa Inquirer, nanatiling may depekto ang demokrasya natin noong 2023 at bumagsak pa nga ng isang puwesto sa ika-53 sa 167 bansa sa index, nakakuha ang Pilipinas ng 6.66 sa
posibleng 10 puntos, kumpara sa 6.73 noong 2022. Katulad ngayon, karamihan sa mga kandidato ay mga sikat na personalidad lamang, mga vlogger, mga tiwaling indibidwal, mga nahatulang kriminal, o mga artista na kulang sa kritikal na pag-iisip at hindi karapat-dapat na maging politiko, subalit sa malawak na impluwensiya ng medya naging daan ito upang maglahad ng plataporma na makakatulong sa mamamayan at mapaginhawa ang buhay ng bawat isa. Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng mabuting puso para tumulong sa ating bansa ay isang magandang paraan at purong intensyon lamang na mapagaan ang problema ng ating kapwa mamamayan. Samakatuwid, hindi ba't malaki ang pagkakaiba nito sa pagpapalakad ng isang komunidad kung saan kaalaman at kahusayan ang galing na dapat na tinataglay? Ano nga ba ang kahulugan ng politika sayo bilang isang matulungin na tao? At kung bukal man sa iyong puso ang pagtulong sa mga tao, bakit kailangan pang tumakbo sa senado? Ang medya ay isa sa pinakamaimpluwensiyang kasangkapan sa talakayan ng kabuuan. Datapwa't ito ay may kahihinatnan, kaya ang popularidad ay hindi palaging
nangangahulugan ng kawastuhan, iyong pagnilayan kung bakit ang kontekstong nilalaman ay buod ng mga taong pagtulong sa mamamayan ang bala sa halalan — ang pagiging matulungin na tao ay ibang-iba sa pagiging politiko at ang pagiging politiko ay hindi lang purong senado, kundi paglilingkod sa publiko. Ang lahat ng ito ay hindi malalaman ng tao kung ang medya ay walang kinikilingan at totoo sa serbisyo, kung kaya't lagi nating tandaan na dahil lang sa kaya mo ay hindi ibig sabihin na dapat gawin mo.
6.66
kumpara sa 6.73 noong 2022.
Rodlinmer De La Cruz Punong Patnugot Danreb Dela Cruz Pangalawang Patnugot Anne Margarette Divinagracia Tagapamahalang Patnugot Dwayne Kevin Mondia Patnugot ng bawat Seksiyon Allyssa Jade Galono Patnugot ng Larawan Kezia Calvo Patnugot ng Pagwawasto at Pag-uulo Jewel Rose Botanas Patnugot ng Balita Ma. Therese Pauleen Tubungbanua Patnugot ng Lathalain Kaitlynne Mae Gamboa Patnugot ng Siyensiya at Teknolohiya Alfred Balintang Patnugot ng Opinyon Althea Beatriz Bohol Patnugot ng Isports
Laurence Pernato Patnugot ng Panitikan Jefferson Baldestamon Patnugot ng Guhit Rimer Alegro Punong Tagapag-ayos ng Pahina
Sabrina Nicole Dela Peña, Kyle Francis Rubica. Kiah Chrishem Mendoza Zhyla Herah Dilag, Janelle Thessalonica Fruponga, Charles Lawrence Acerada Keziah Salvador, Nica S. Guanco Ariane Grantus, Eliah Delos Santos Ereggine Maca, Ceanaica Rhaine M. Pastolero, Jimwel Celajes Mia Krezelle Japitana, Jasmine Kate Jualo,Daniela Daguinot, Michaela Pepito ,Pearly Grace Orquia, Redgelyn Condes Anne Margarette Divinagracia, Ivy Maxene Namuag
6.73 2022
‘‘
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng mabuting puso para tumulong sa ating bansa ay isang magandang paraan at purong intensyon lamang na mapagaan ang problema ng ating kapwa mamamayan.
Pauline Grace Despair Taga-payo -JHS
Sheba Jean Elliot Taga-payo -SHS
Jocela L. Gallo
Namumunong Guro- Filipinong Depar- tamento
Jenelyn KatulongNavajas ng Punong Guro-SHS
Warlito Rosareal Punong Guro IV- DMLMHS
Ang Opisyal na Paaralang pampublikasyon ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School Division of Silay | Region VI | TOMO III BLG. II SEPTEMPER 2024 - FEBUARY 2025
Lupon ng Patnugot
nakakuha ang Pilipinas ng
sa posibleng 10 puntos,
ang bansang Pilipinas sa 180 na bansa
Corruption Perception Index (CPI) ng Berlin Organization
BLOWSOM
Karangalan ay Bitbit, Gawain ang Kapalit
Hiyaw Na Malakas, Para Sa Hustisyang Hindi Patas
CHRISHANTHEMUM YAN!
Bawat tagumpay ng mga campus journalist ay tagumpay din ng paaralang kanilang dinadala. Ngunit pagbalik sa klase, imbes na makatanggap ng suporta at konsiderasyon, tambak na gawain at mababang grado ang kanilang sinasalubong.
Sadyang hindi makatarungan na ang mga campus journalists, na nagbuhos ng oras sa pagsasanay at pagsisikap upang maghatid ng mga mapagkakatiwalaang impormasyon at dalhin ang pangalan ng kanilang paaralan, ay tatambakan lamang ng labis na gawain pagkatapos ng kompetisyon.
Maituturing pa bang tagumpay ang panalo kung kapalit nito ay mababang grado?
“Unfair kay ginadala mo ang name ka school sa competition but need mo pa gyapon mag laot ka mga activities, tapos gina ano ka mga students nga unfair if excused without knowing nga draining sa part nga ga practice palang,” pahayag ni Jimwel T. Celajes, tagasulat ng editoryal.
“Nakakalungkot na hindi sapat ang suporta ng paaralan sa kabila ng sakripisyong inilalaan ng mga campus journalists. Mahirap pagsabayin ang pagiging mamamahayag at mag-aaral, kaya kailangan ng mas malaking pang-unawa mula sa mga guro at paaralan,” ani Kyle Rubica, tagasulat ng isports.
“Bagamat boluntaryo ang pagiging campus journalist, dapat tignan tayo ng mga tao ng may respeto bilang mga tagapagtaguyod ng pangalan ng ating paaralan. Kaya’t ang mga schoolworks ay dapat bawasan, bilang pagkilala sa ating kontribusyon,” saad ni Janelle Fruponga, isa rin sa mga tagasulat ng isports.
Ang pagiging campus journalist ay hindi lamang isang kompetisyon, isa itong mabigat na tungkulin na nagaalay ng oras, pagod, at dedikasyon upang magbigay ng makatotohanang impormasyon sa bawat indibidwal.
Pero para sa ibang guro at mag-aaral, responsibilidad ng isang estudyante ang pagbabalanse sa mga gawaing pampaaralan at mga gawaing ekstrakurikular. Dagdag pa rito, maaaring makita ito ng ibang estudyante bilang isang hindi patas na pagtrato. Gayunpaman, ang pagbibigay ng sapat na oras at maayos na deadline sa mga campus journalists ay hindi nangangahulugan na may espesyal na pagtrato, kundi isang konsiderasyon. Hindi madaling pagsabayin ang kompetisyon at mga aralin, lalo na kung sabaysabay ang mga ito. Bilang isang campus journalist, hindi madaling pagsabayin ang mga aralin at ekstrakurikular na gawain. Kaya hinihikayat ko ang lahat na bigyan kami ng suporta at pag-intindi, dahil ang aming tagumpay sa larangan ng journalism ay tagumpay para sa ating paaralan.
Himagsikan ng Lakas ng Bayan o tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA (1986), ay nag tagal noong ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986, ito ay isang tanyag na demonstrasyon na naging dahilan sa pagtipon ng mga mamayang pilipino upang mapaglaban nila ang kanilang karapatan at demokrasya sa lipunan.
Bakit nga ba tinatalikuran ng gobyerno ang kanilang mga tungkulin sa mga mamamayang Pilipino?
Mahigit sa dalawang milyong pilipinong sibilyan ang dumagsa sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), upang maka protesta laban sa sistematikong pang-aapi at korupsyon na inihatid ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa lipunan, nagdeklara siya ng Martial Law noong 1972, nagawa niya ito dahil sa pag unlad ng militante at kaguluhang sibil na umunlad pagkatapos ng 1969 Philippine Balance of Payment Crises, sinundan niya ito sa muling pagsulat ng Philippine Constitution at Curtailed Civil Liberties, tugon niya ito laban sa "Communist Threat" na ipinahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP), at ang Sectarian "Rebellion" na nabanggit ng Muslim
Independence Movement (MIM). Umunlad ang bagong konstitusyon noong 1973, at nagbago ang anyo ng gobyerno mula sa Presidential hanggang sa Parliamentary, inaprubahan ng mga botante ng Philippine Constitutional Plebiscite ang konstitusyon na may 95%, bagama't nanatili parin ang kapangyarihan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pamahalaan. Sinunggaban ni Pangulong Ferdinand Marcos ang "Emergency Powers" na nag bigay sa kanya ng ganap na kontrol sa militar ng Pilipinas at ang awtoridad na sugpuin at buwagin ang "Freedom of Speech" at ang "Freedom of the Press", nilabo niya rin ang Philippine Congress at binuwag ang Media Establishments Critical of the Marcos Administration. Ipinilit ng taumbayan
na bumitaw sa tungkulin ang Pamilyang Marcos sa pamahalaan at umalis na sa Pilipinas, marami ang naka ramdam ng kaluwagan sa pag alam nila na naka alis na ang "Dictator" sa Pilipinas, at dito nagsimula ang paglingkod ni Corazon "Cory" Aquino bilang ika-labingpu't isa na Pangulo ng Pilipinas. Ito ay isang mahalagang kasaysayan sa Pilipinas sapagka't nag-papakita ito kung gaano kalakas ang mga mamamayang Pilipino at kung paano nila ipinag-laban ang kanilang karapatan, kalayaan, at demokrasya sa lipunan, kung ikaw ang tatanungin, karapat-dapat bang tanggalin ang simbolo ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan sa publiko, at ang pagkakahawig ba nito ay importante sa taong walang pagmamalasakit sa Lipunan?
TERENCE
Tiniyak kamakailan ng Department of Education (DepEd) sa publiko na ang diskarte nito sa sex education sa mga pampublikong paaralan ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa paraang “sensitibo sa kultura” sa gitna ng pagtutol ng mga karapatan ng pamilya at mga relihiyosong grupo laban sa pagpapatupad ng bagong balangkas.
Ano-ano nga ba ang mga magiging epekto ng sex education sa mga katulad nating mag-aaral?
Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) mayroong hindi bababa sa 765 na bata ang nakaranas ng sekswal na pang-aabuso noong 2023, makatutulong ang pagimplementa ng sex education sa mga mag-aaral upang tayo ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga kasarian at upang tayo ay makaiwas sa mga sekswal na pang-aabuso.
Tumaas ng 6.6% ang bilang ng mga isinisilang na sanggol mula sa napakabatang (edad 15 pababa), mula 2,411 noong 2019 sa 3,343 noong 2023, makakatulong din ang pagturo ng sex education sa pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas. Isinagawa ng Demographic Research and Development Foundation (DRDF) at University of the Philippines Population Institute (UPPI) Ang 2013 Young Adult Fertility Study (YAFS 4)na kung saan nagpapakita na 3290 ng mga kabataang Pilipino sa pagitan ng edad na 15 hanggang 24 ay nakipagtalik bago ang kasal, mapapababa ng pagtuturo ng sex education ang porsyento ng mga kabataang nag-eengage sa mga sexual activities dahil magkakaroon na tayo ng kaalaman patungkol dito. Sapagkat, pwede ito gamitin ng mga kabataan na tulad ko sa hindi tamang paraan, tulad ng pag-eengage
Klyde Drei Amador
angpipit
sa mga sexual activities at ginagamit lamang nila ang natutunan sa sex education upang maulit-ulit ito ng ligtas.
Bagaman, malaki parin ang tulong ng sex education sa mga kabataang tulad ko upang sila ay magkaroon ng kaalaman sa sekswal at makaiwas sila sa sekswal na na pang-aabuso.
Samakatuwid, marami ang magandang dulot nito sa mga atin na mga magaaral at nasa atin nalang kung papaano natin ito gagamitin, ang pag-iimplementa nito sa mga bawat paaralan ay may malaking benepisyong maibibigay sa Pilipinas.
Mahal kong patnugutan, Magandang araw po sa inyo! Nais lang po sana naking itanong kung papaano ninyo nakakayang magcover ng mga isports ngayong Intramurals Meet sa paaralan at nakakalap ang iskor sa oras na inyong agarang inilalathala? Salamat!
nagmamahal, Klyde
Mahal naming tagapagbasa, Sa pamamagitan ng aming pagkakaisa at walang katapusang pagpursige upang makayanang maghatid ng pampaaralang impormasyon sa kapwa naming mga mag-aaral, isinisigurado namin na toyak at agad ang impormasyong aming ibinabalita sa abot ng aming makakaya. Sa tulong at suporta na din ng ating paaralan, mga guro at mga tagapayo, ay aming nakakayanang makalap ang mga detalye ng tanunang “Hinampang sa Doña” Intramurals Meet 2024
Nagmamahal, Lipon ng Patnugot
Liham sa Patnugot
DepEd:
KA bapamilya ang turing?
“Kaon, bugtaw, selpon, tulog lang imo upisyo; way ka na di binuligan sa balay […]”
Mga katagang araw-araw kong naririnig mula sa bibig ng mga kapwa kadugo. Arawaraw ako ang kanilang nakikita, mga mali at wala nang may nagawang tama. Sino nga ba ang nasa katwiran? Sila na mas nakatatanda o ako na musmos pa lang?
Bawat galaw ko’y tila’y may matang nakasunod, inaantay na makagawa ng pagkakamali upang buhusan ng walang pagtitimpi. Ngunit, kung ako’y tutulong na, multo na walang katawan o bampirang walang anino ang aking nagiging wangis.
“Ma, nakatapos na ko panghugas pinggan […]” tahimik, walang sagot.
Nang ako’y hihilata lang sana ng saglit matapos ang sandamakmak na hugasin, ay lumitaw mula sa ere ang aking ina, nariyan naman upang ako’y pagagalitan. “Ay hu, daw border ta di ba, puros higda lang gina ubra mo bilog nga adlaw […]” Mata’y naluluha matapos marinig na parang basag na plaka. Gusto kong gumanti, ngunit sarili’y tinitimpi, pilit na kinakadena ang sarili sa upuan upang di makasagot ng pabalang. Habang luha’y bumabalong sa aking mga mata ay patuloy pa rin ang nakabibinging putak ng aking Ina—hindi mawari ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
Matapos ang paulit-ulit na sambiting tila pasigaw, katawan ay hirap na hirap ng gumalaw, tila may kung anong pasanin ang nakalambitin na ‘di maalisalis. Bawat galaw ko’y may dala ng pagkabagabag, kaba at natatakot nang mapagalitan pang muli.
“Overthinker”, tawag ng mga kaibigan ko sakin. Salitang umudyok dala ng nakakalasong ugali ng aking pamilya. Pinag-iisipan ko naman ng maigi ang aking bawat galaw ngunit parang palaging kulang? Bakit palaging mali, o mali nga ba?
Sa aking pagbabalik-tanaw, tinatanong ko ang sarili ko, “Nagkulang ko bala? Nagabulig man ko sa balay, gatuon maayo ngaa daw ‘di pa sapat?” habang nakatingin sa kawalan, nagugulumihanan.
Tila pinaglalaruan nalang ako nang aking isipan at may mga kung anong nilalang ang bumubulong sa akin…
“Wala ka na may naubra nga insakto…”
“Tamaran sa imo, du angay ka sang hari…”
“Wala ka sang pulos…”
‘Di na napigilan ang sarili, at ako’y napasigaw ng “Tama na!” Luha ay tuluyan nang umagos at nakita ang aking sarili sa isang sulok na humihikbi. Sa bawat patak ng luha pakiramdam ay gumagaan. Kadenang nakagapos na unti-unting lumuluwag, ito pala ang pakiramdam ng isang malaya. Tanglaw nang pag-asa ay siya’y lumiwanag nagbigay ng pag-asa na ako’y may pakinabang. Kailanman, wala nang pagdududa at pag-aalinlangan. Ako’y isang tao, hindi perpekto. Lahat tayo ay nagkakamali, ngunit hindi yaon raon ng pagsuko, ngunit rason ng pagbangon. Minsan, kailangan lang natin bitawan ang lahat ng malalim na iniisip, upang kalusugang pangkaisipan ay matugunan. Ang tanong na kung sino nga ba ang mali ay isa pa ring misteryo, ngunit tayong mga kabataan na may bukas na isipan ang makakabago ng takbo ng ating sariling naratibo.
Hindi ka nagkamalinagkulang, lang.
1/5 ay nakararanas ng mental health issues tulad ng anxiety at depression. (Source: DOH, 2023)
kabataan (15-24 y/o)
ng kabataan sa Southeast Asia ay prone sa overthinking dahil sa expectations ng pamilya. (Source: ASEAN Youth Mental Health Survey, 2022) 67%
taMA, perpekto ako.
Tik. Klak. Tik. Klak. Nararamdaman ko ang pagbilis ng aking paghinga, ang puso’t isipan ko’y sabay na pumapalo, at ang tensyon ay lalong humihigpit. Tunog ng tik-tok ng orasan ay umabot sa aking mga tenga, walang katapusan, bawat segundo’y isang tibok ng pananabik. Alam ko ang tanong na ito. Alam ko ang sagot. Ilang gabi akong nagbabad sa mga libro, pinapalipas ang oras hanggang ang mga salita ay maghalo-halo at ang mga kamay ng orasan ay lumipas nang hindi ko namamalayan. Naghanda ako ng maigi, hindi pinalampas ni isang tik ng mga oras ng pagaaral.
“Time’s up, itaas ang inyong board,” sigaw ng emcee. Ang mga daliri ko’y parang naging marmol, mabigat, malamig. Iniangat ko ito, at sa pintig ng puso, narinig ko ang aking pangalan. “Binabati kita sa pagpasa sa round na ito!” Dumagundong ang palakpakan, isang dagundong ng tunog na pumalibot sa akin. Ako’y naging mas kampante dahil sa nasasabayan ko ang takbo ng oras– perpekto at walang hadlang. Perpekto ako. Maihahalintulad ko ang aking sarili bilang isang oras. Ako’y nasa elementarya pa lamang ngunit bawat segundo ay ginugol upang patunayan ang aking halaga, bawat minuto’y pagkakataon para maging mas mahusay at umakyat nang mas mataas. Takdang-aralin. Tik. Pagsusulit. Klak. Ako ang perpektong orasan, umaandar nang walang sagabal, ang bawat segundo ay sakto. Hanggang sa pagdating ng hayskul. Ang dating maayos na mekanismo sa loob ko’y biglang nagkalawang, at bawat segundo’y tila isang malakas na tunog na nagpapaalala ng pagkasira. Isang pagkakamali rito, isang pagdududa doon—nawalan ng tamang ritmo. Bakit bumibigat
ang bawat minuto? bakit bigla na lang nagkaganito?
“Dalawang pagkakamali pa lang naman, mababawi mo pa,” sabi nila “pero hindi eh...kaya ko pa, kaya ko pang maging perpekto” tanong ng isang tinig sa aking isip. “Oras ay hindi mo maibabalik pa’t mahahabol.” Mga medalya at sertipiko na dati’y kumikislap ay ngayon nagiging mga alaalang unti-unting nalulusaw sa agos ng panahon at iniwan ang tanong, kailan nga ba nagsimulang magbago ang lahat? Hindi na ako ang estudyante na nangunguna; ako’y nahihirapang humabol sa mabilis na takbo ng oras pero hindi....kaya ko pang maging perpekto. Bawat tik ng orasan ay parang palo sa aking dibdib. Ang mga mata ko’y naglalakbay sa mga hindi natapos na gawain at pangarap, at sa bawat segundo, nadarama ko ang bigat ng oras. Hinanap ko ang sagot sa mga sandaling tila nawala na sa agos ng panahon. "Bakit hindi ko na kayang makisabay?" tanong ko sa sarili ko isang gabi. Ang mga isip ko’y mabilis na tumakbo, parang kamay ng orasan na hindi tumitigil—magulo, walang pagkakasunod-sunod. Tik-klak-tik.
Ganito ba talaga ang pakiramdam? Palagi na ba akong itinakda na maubusan ng oras, maubusan ng pagkakataon? Klak. Pakiramdam ko'y basag na ang orasan, parang untiunting humihinto, dahan-dahang bumabagsak.
Ano na nga ba ang hinahabol ko? Kaya ko bang maging perpekto?
Ngunit paano ko matutunan na yakapin ang oras, kung ang bawat sandali’y tila nagmamadali? Napagtanto ko rin na hindi naghihintay ang oras, pero sa kabila ng lahat ng presyur, ang pinakamahalaga ay matutunan nating huminga, magpahinga, at tanggapin na may oras para sa lahat—kasama na ang oras upang maghilom at magsimula muli. Oo, tama hindi ako perpekto.
KAMALAYAN
RODLINMER DE LA CRUZ
MA. THERESE PAULEEN TUBUNGBANUA
ng mga may mental health struggles sa Pilipinas ang hindi nagpapatingin o humihingi ng tulong dahil sa stigma.
LAbanan sa isip, panaginipmistulang lathalain.
LAbanan sa isip, mistulang panaginip Dugo, iyak, nakahandusay na mga katawan ang makikita mo habang nakayapak.
Ito ay digmaan. Digmaan kung saan pisikal mong nasisilayan. Paano kung ang digmaan ay hindi ko makikita harap-harapan, ngunit ramdam ko ang gulo sa loob ng aking isipan? Madaling araw, sinag ng buwan ang nagbigay ilaw sa kalsada. Wala na ang mga sasakyan, siguro pumahinga na sa kanilang pamamasada. Wala nang ingay ng mga kapitbahay, siguro mahimbing na silang natutulog sa kanilang kama. Tahimik na ang paligid. Ngunit ang isipan ko’y nagsisimula nang magising, mag-ingay, at nagmistulang may bunganga.
Ang mga salita na umalingawngaw sa aking isipan ay tila may mga dalang sandata na kung saan walang humpay na sinusugatan ang isip at patuloy na tinatapakan ang kumpiyansa sa sarili na matagal ko nang binuo. Ang mga pag-aalinlangan para sa susunod na bukas ay nagmimistulang busina sa isang kalsadang puno ng mga sasakyang hindi makausad.
May mga bumubulong, hindi sa paligid, ngunit sa loob ng aking isipan, na hindi ako sapat sa anumang bagay na nais kong makamtan. Kaya’t ikinulong ko ang aking sarili. Takot akong lumabas. At baka makita nila ako. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagpakita. Kinulong ko ang aking sarili sa presinto na ako mismo ang lumikha.
May kumakatok sa pinto—sinasabi ng nasa isip na huwag kong buksan sapagkat wala akong karapatan. Dito lang ako sa sulok ng silid, hindi aalis, hindi maghihinagpis. Ang oras ay parang nasa karera, mabilis ang takbo, at hindi ko namalayan na may hawak na akon
bagay na kahit sino ang hahawak dito ay masasaktan. Ngunit bumulong sinasabi ng sarili na ako’y duwag. Duwag sa bagay na hindi naman dapat katakutan. Binato ko ito sa sahig. At umiyak ng umiyak. Ang boses humihina, ang hinagpis lumalakas—umuugong parang bumabakas. Hindi humihinto ang digmaan— mag-uumaga na. Magigising na ang payapang paligid. Mas lalo lamang umiingay. Mas lalo akong bumibigay. Hindi ko namalayan na hawak ko ang isang lubid, na kung saan sinisigaw ng aking isip“Suotin mo na parang kwintas at lumundag nang mataas!” Hindi naman ako naglalaro ng tagu-taguan ngunit ako’y nagbilang; Isa, may hangganan ang digmaan…Dalawa, matatapos rin ang gulo sa isipan… Tatlo, makakapagpahinga rin, magpakailanman. Ngunit bigla akong napigilan. Mainit na yakap aking natanggap, mula kay nanay at tatay. Bakas sa kanilang mga mata ang pag-aalala. Wika nila, matatapos din ang lahat ako raw ay magpahinga na. Isang bangungot na ayoko nang mangyari pa. Ang digmaan sa sarili, nasilayan na ang magandang umaga. Parang hindi natatapos, ngunit lahat may hangganan. Lahat may katapusan. Tama sila ang digmaan ay hindi lang pisikal na nakikita dahil mayroon ding digmaan sa isipan kung saan mas matalim ang sandatang ginagamit.
Labanan sa isip hindi natatapos ngunit sana’y magmistulang panaginip lamang ito, na sa pagdilat ng mata, ay agad na makaraos.
Palagi tayong gumagawa ng mga paraan upang pasayahin ang ibang tao dahil natatakot tayo na harapin ang ideya ng pagiging mag-isa.
Sa ating kalawakan may mga planetang bahagyang naliligaw sa kanilang orbit, nalilimutan —hindi na binibigyang halaga. Ako ang planetang iyan - palaging nandiyan pero tila laging nag-iisa.
“Wala naman siya nag-upod saton ay!”
Namamalayan ko na kahit sa aking mga kaibigan ay parang isang karera, pasanpasan ang bigat at nahuhuli sa lahat. Para bang buntot lamang ng aso na sunod ng sunod kahit saan man sila mag tungo. Isang anino na palaging nauuna ngunit hindi napapansin.
Sa mga oras na mag-isa lang ako, doon umuusbong ang mga boses sa aking isipan—isang labirintong bawat sulok ay puno ng tanong na walang kasagutan. Hindi ko maiwasang maisip, kaibigan nga ba talaga nila ako?
Paano kung lahat sila ay lumisan at hindi man lang nila napansin ang pagkawala ko?
“Waay gid na siya bala ga sugid ka problema niya.”
May mga pagkakataon na nahihirapan akong ipahayag ang aking damdamin dahil sa mga bakas ng sugat na ‘di nahihilom ng nakaran. Para bang isang ibong nakapugad, hindi magawang lumipad sa takot mabalingan ng matang mapanghusga. Sinusubukan ko namang makipag-usap sa kanila ngunit may lamig sa bawat salita nila na para bang ako'y isang estrangherong pinipilit lang na kausapin. Hindi maalis sa isip ko ang alingasngas ng pag-aalinlangan, habang lumilikha ako ng mga senaryo na wala namang kasiguraduhan.
Bakit tila napakalayo nila habang nandito lang ako?
Nagiging makasarili na ba ako kung ang tanging hiling ko lamang ay mapabilang sa grupo niyo?
“Ano ni sagi palayo niya sa amon man?”
Sa katagalan, napuno ng pangamba at alinlangan ang aking nararamdaman. Nagpasya na lamang ako na ihiwalay ang aking sarili sa kanila dahil parang pinipilit ko lamang ang aking sarili sa puwang na hindi naman ako talaga nababagay. Pinili kong magtayo ng matataas na pader sa paligid ng puso ko — matibay na pader na kahit man simo ay hindi makakapasok pa.
“Isa akong muog na walang daanang pwedeng pasukin.”
Sa kabila ng pagtayo kong mga pader ay unti-unti itong bumibigat at ang boses ng pag-aalinlangan ay katumbas ng isang sigaw na nakakabingi. Tama nga ba ang paglayo ko kahit hindi ko man lang sila nakausap? Bawat paglayo ko sa kanila, unti-unti kong napagtanto na ang bigat na pasanin ay hindi dahil sa tao sa paligid ko, kundi sa mga sugat na matagal ko nang dinadala at nililihim.
Sa sandaling iyon, natutunan kong ipaubaya ang lahat ng bigat at hinagpis na aking nararamdaman, pinalaya ko ang aking sa sarili sa mga tanong na hindi na kailangang sagutin, walang ng tanikala, walang alingawngaw ng pagdududa. Hindi na naliligaw— sapat, buo, at malaya.
1 sa bawat 4 na kabataan ay umamin na may pakiramdam na hindi sila tunay na tanggap ng kanilang barkada o komunidad.
ANNE MARGARETTE DIVINAGRACIA
LAURENCE DAVID PERNATO
Pagdapo ng Tadhana
“Maraming pagsubok ang napagdaanan, maraming bagay na nahihirapan. Sitwasyong hindi ma-iwasan, problema ay dapat solusyunan.”
Bata, Matanda, Babae o lalaki, lahat ng tao ay may kanya-kanyang problemang hinaharap, mga bagay na hindi natin maiwas-iwasang mangyari, mga problemang ‘di kayang solusyunan. Ngunit, mayroong isang tao na nagpatunay na kahit gaano ka lagim ang sitwasyong nangyayari, ay tatayo at babangon para sa pamilya’t sarili. Ngunit, sa likod ng karumal-dumal na pangyayari, makakaya mo pa bang mag aral para sa iyong kapakanan?
Si Daniel Carrion ay isang Grade 12 student ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School, sa edad na 27 years old. Isang estudyante na nagpapatuloy sa pag-aaral sa likod ng mga problemang hinaharap. Sugo diri, sugo didto.
Bata palang ay napagdaanan nang magtrabaho nang maaga. Para lamang may makain. Tanging lola niya
lamang ang tumutustos sa kaniya. Tinalikuran na siya ng kaniyang ama at ina na mas piniling mag trabaho sa abroad at iwan siya. Kaya, hindi na nakaya ni Daniel at kinailangan niyang huminto sa pag-aaral upang may makain sila.
“Nag pa Manila ko kay didto naman ko ma ubra, so bali 17 years old nako amo to nga time naka sulod ko sa duwa ka bakery tas naka sulod ko sa Jollibee. Bali gin taasan lang tapos edad ko kay para lang maka sulod ko.” Ani ni Daniel.
Malungkot isipin na sa kaniyang edad ay kailangan mo nang magtrabaho. Na kung tutuusin ay dapat nasa paaralan siya at nagaaral ng husto.
“Amo to nga time nagbalik ko eskwela, pero kun hapon lang ko ga sulod kay kung aga ga ubra ko sa kampo, ga tinir lang sa school tas gina pahulam lang ko sang teacher ko kaldero. Gina sugo-sugo man ko nga mang mop sa Principal Office tas gina
duholan lang.” Kay sarap isipin na kahit gaano man ka lupit ang mundo para kay Daniel, ay nakaya niya pang mag balik aral para sa kaniyang kinabukasan.
Ngunit… Nag daan ang pandemya at biglang umuwi ang kaniyang ina. Bitbit ng ina niya ang tatlo niyang kapatid, mayroon siyang 5 taong gulang, dalawang taong gulang at sampong buwang kapatid. Nais niyang magtapos ng pag-aaral ngunit, hindi na niya kayang tustusan pa at napilitang huminto ulit sa pag-aaral.
Umalis ang kaniyang ina at sumama sa ikatlong asawa. Kaya tanging si Daniel lamang ang kumakayod para may itustos sa kaniyang mga kapatid at lola. Kumayod siya ng kumayod. Pumasok sa iba’t-ibang trabaho para sa kanilang kinabukasan. Napag-isip-isip na kailangan niyang ibalik ang kaniyang kapatid sa kaniyang ina.
“Kabudlay mag dako ang isa ka bata nga waay may nakilala nga amay kag iloy.”
Ani ni Daniel.
Kaya’t agad niyang tinawagan ang kaniyang ina para iuwi ang kaniyang mga kapatid. Ngunit, hindi sapat ang pera para maka uwi sa bahay ng kaniyang ina. Kung kaya’t pumasok siya bilang construction worker upang may i-pang
Dambuhalang Tandang
Umaga na. Sinag ng araw bungad sa mukha. Tilaok ng manok ang nagpagising sa inaantok na mga mata. Ang tandang, matikas, malakas, at may bakas ng kapangyarihan sa kaniyang tilaok, ay binili ni tatay sa tabing kalsada.
Ngunit paano kung ang tandang na manok ay nagmistulang higante? Ganiyan ang manok ni Cano Gwapo Tan, isang dambuhalang tandang na sa dikalayuan ay iyong makikita. Sa sulok ng kabukiran ng Talisay City, matatanaw ang higanteng manok ni Cano Gwapo Tan sa loob ng Campuestohan Highland Resort. Palapit pa lamang, kapansin-pansin na ang mala-abot-langit na taas ng manok na ito, kaya naman manghang-mangha ang mga dumarayo sa nasabing resort. Agaw-pansin ito sa karamihan; kaya’t bago pa man bumaba ng mga sasakyan, todo na ang pagkuha ng litrato, bata man o matanda, katabi ang dambuhalang tandang.
Nakamit ng dambuhalang
Tandang ang titulo sa Guinness Book of World Records bilang “Largest Building in the Shape of a Chicken” noong ika-8 ng Setyembre, 2024. Ayon sa may ari ng resort, inspirasyon
ang industriya ng sabong sa Negros Occidental sa paggawa ng gusaling manok. Hindi lamang panlabas na atraksyon ang dambuhalang manok sapagkat mayroon itong 15 na silid na tinutuluyan ng mga dayuhan kapag sila ay bumisita sa nasabing resort. Mayroon din itong “viewing deck” na kung saan ay maaaninag ang lawak at lapad ng lugar. Ang manok ni Tan ang kaisa-isang gusaling manok sa Pilipinas, kaya naman sa loob ng 456 na araw naging bahagi ito ng kasaysayanhindi lamang sa siyudad ng Talisay ngunit sa buong bansa. Bagama’t normal nang makakita ng manok sa pangaraw-araw na pamumuhay, kung makikita mo ang dambuhalang tandang na manok na ito siguradong mamamangha ka sa laki at lapad na sakop nito.
Kaibigan o Ka-Ibigan
MIA
Kaya’t sa umaga, sa tuwing sinag ng araw ang bungad sa mukha, maririnig mo ang alingawngaw ng tilaok ng manok na kung saan gigising sa iyong mga mata. Kung ito ay mataas, malapad, at higit pang matikas, huwag kang mabibigla. Hindi ito ang binili ni tatay sa tabing kalsada, baka ang dambuhalang tandang ang iyong nakita.
“Largest Building in the Shape of a Chicken”
“Sa bawat problema, sa bawat tawa, nadiyan siya lagi. Kaibigan, ka-ibigan, kapatid o kapamilya, kahit ano pa ang turing ko sa kaniya, ay mahal na mahal ko siya.”
Mga kaganapan na nangyayari, kami’y magkasama. Sa tagal ng aming samahan ay unting-unti ko na nasisilayan ang ugaling mayroon siya. Mga bagay na marami kaming kapareha, kulay, pagkain, sining at iba pa. Mga taong malalapit at gusto niya, ay akin ring kilala. Lahat ng ito ay alam ko, alam na alam ko. Panahong nasa sitwasyong nasa kadiliman ako, ay nandiyan sya upang mabigyang kulay ang itim na aking nararamdaman. Puot, sakit, hinanakit, lahat ng ito ay nawawala kapag siya ang kasama. Isang araw, kami’y magka-usap. Sa lalim na aming pinag-uusapan ay umamin siya sa akin. Inamin niya ang nararamdaman niyang kay tagal na. “Sa tagal ng ating pinagsamahan, siguro kailangan ko ng aminin ang aking nararamdaman. Nakilala kita sa
mga simpleng sandali, sa mga tawanan, sa mga luha, at sa mga pagkakamali. Nakita ko ang iyong tunay na pagkatao, ang iyong mga kahinaan at lakas, at sa bawat araw, lalo kang sumisikat sa aking mga mata. Ngunit, napamahal na ako sa kaibigan mo.”
Gulat na gulat ako sa sinabi niya, hindi ko inakala na sa tagal ng aming samahan sa kaibigan ko lang pala siya mapamahal. Hindi ako nagalit, mas natuwa pa ako. Sinabihan ko siyang tutulong ako upang mapalapit sa kaibigan ko. Tumagal ang panahon, nakikita kong dumidiskarte na siya saking kaibigan. Pasimpleng kwentuhan, pasimpleng tawa. Nakikita ko na binibigay niya ang lahat lahat. Matagal ko na rin siyang kilala, at masasabi kong tunay ang pagmamahal niya.
Naklipas narin ang matagal na panahon, nakikita kong mas napapaibig parin siya
MIA KREZELLE JAPITANA
LAURENCE DAVID PERNATO
KREZELLE JAPITANA
‘‘
“Kabudlay mag dako ang isa ka bata nga waay may nakilala nga amay kag iloy.”
Huwarang Luwad ni Ramon
Isang sinag ng mapagpalayang araw ang tumama sa mga obra, hinahaplos ang mga ukit at kurba na nagkukuwento ng tapang at alaala. Naroon ang mga sundalong nakausling mga dibdib, mga matang nagaalab, at ang watawat ng Pilipinas na humaplos sa hangin, simbolo ng kanilang layuning walang takot. Bawat detalyeng inukit, nararamdaman ang bigat ng kasaysayan, at sa likod ng bawat eksena isang tanong ang nasa likod nito: sino ang siyang nagbigay ulit ng buhay sa mga kwentong ito?
Mula sa mga kamay ng isang iskulptor at artist na si Ramon de los Santos mula sa Talisay City, muling nabubuhay ang mga kwento ng kasaysayan makalumang mga tagpo na hinulma mula sa luwad .Makikita sa bawat paghaplos niya sa terracotta, lumilitaw ang mga tauhang minsang naghimagsik laban sa mga mananakop, mga tauhang puno ng tapang at pag-asa. Ang bawat piraso ay may ugat ng isang mas malalim na kwento; isang mapagkalingang pagyuko sa mga bayani ng Negros na lumaban noong Cinco de Noviembre 1898.
Kilala si Ramon sa mga likhang
lalo. Kahit gaano pa ang pagpapakita ng pagmamahal niya, ay hindi niya parin ako nakakalimutan. Sa lahat ng sitwasyon na kailangan ko siya, ay nariyan parin siya. Mga panahong ako’y nasa karumaldumal, agad siyang dumadating.
Ang pagkaibigan naming dalawa ay hindi basta basta, lahat ng pamilya ko’y kilala siya. Ngunit, kailangan kong dumistansiya para sa relasyong mayroon siya at para din sa ikakabuti naming dalawa.
Kinabukasan, kami’y nagka-usap. May sinabi siya na hindi ko ikinatuwa. Buong buwang pagpapanggap, ay nalaman kong napapaibig pala siya sa iba. Kinuwento niya lahat sa’kin, lahat ng pangyayari, kadahilanan at simulan, at ito ang bumungad sa’kin.
“Sa bawat problema, sa bawat tawa, nadiyan ka lagi. Kaibigan, ka-ibigan, kapatid o kapamilya, kahit ano pa ang turing ko sa’yo, ay mahal na mahal kita.”
“Sang nadumduman ko pa 2017[…] kadyutay lang bala about sa mga aton nga history nagahimo sina,”
naglalarawan ng kasaysayan at kalikasan, nagsimula sa mga laruan at kalaunan ay tumuon sa mas malalim na obra. Noong 2016, lumalim ang interes niya sa kasaysayan ng Negros at lumikha ng mga eksena ng Cinco de Noviembre para sa Balay Negrense Museum, at ngayon ay bahagi siya ng ika-125 anibersaryo ng rebolusyon.
“Gusto ko ipresentar bala nga aton kultura indi madula,” wika ni Ramon, pinapatingkad ng kanyang tinig ang layuning itanghal ang hindi nagmamaliw na diwa ng kanilang bayan. Obra niyang hindi basta dekorasyon kundi ito’y mga patunay ng tapang at mga paalala na ang kasaysayan ay dapat patuloy na isalaysay sa susunod na henerasyon.
Napansin ni Ramon na kakaunti lamang ang mga likhang sumasalamin sa kasaysayan ng kanilang mga ninuno, kaya’t nagpasya siyang gumawa. “Sang nadumduman ko pa 2017[…] kadyutay lang bala about sa mga aton nga history nagahimo sina,” aniya. Dahil dito, nagsimula siyang bumuo ng mga eksenang nagpapakita ng kanilang mga bayani tulad ng mga sundalong nagtipon sa gitna ng usok at takipsilim. Bawat terracotta na inililok ni Ramon tila may himig na umuugong sa paligid— parang naririnig ang pagtibok ng tambol, ang yabag ng mga paa, at ang alingawngaw ng “Kalayaan!” Ang kanyang sining ay isang matapang na pagsasakatawan ng diwa ng Negros. Ang mga luwad na tauhan ay tila bumubulong sa sinumang tumitingin: “Naririto kami, handa, walang takot.” Buhay na alaala ang mga terracotta ni Ramon, bawat piraso’y naglalaman ng tapang at pagmamahal, kung saan ang matibay na tindig at matalim na tingin ng mga mandirigma ay nagbabalik ng kasaysayan sa bawat detalye ng kanilang mga mukha. Manonood ng kanyang likha, napapaamo, napapatingin ng mas malalim at nakikita ang mga lukot sa damit, ang tensyon sa kanilang mga bisig. Puno ng kasaysayan, sa Silay Art Space, ang mga mata ng mga tauhan ay matalim, nakatanaw sa hinaharap, naghihintay sa mga susunod na magbibigay buhay sa kanilang kwento. Isang huling sinag ng araw ang bumangon mula sa likod ng mga terracotta, nagliliwanag sa bawat ukit ng kasaysayan na binuhay muli ni Ramon. Huwag kalimutan ang kwento ng Cinco de Noviembre, kahit matagal nang lumipas, patuloy na nagsisilbing gabay sa mga mata ng mga kabataang magpapatuloy ng laban , ang kanilang mga mata, matalim, puno ng pangako, nagmumulat ng daan para sa mga susunod pang henerasyon.
MA. THERESE PAULEEN TUBUNGBANUA
Hindi Ka Ba Natatakot Sa Akin?
lathalain
agham at teknolohiya
(54%)
ng mga kumpanya ay gumagamit na ng conversational AI
RODLINMER M. DE LA CRUZ
Habang mabilis na umuunlad ang artificial intelligence (AI), ang pagsasama nito sa pang-araw-araw na buhay ay nag-aangat ng mahalagang tanong, “Hindi ka ba natatakot sa akin?” Ang katanungang ito ay sumasalamin sa lumalaking pag-aalala hinggil sa kakayahan ng AI at mga posibleng kahihinatnan.
Bagamat ang mga sistema ng AI ay nag-rebolusyon sa mga industriya tulad ng pangangalagang pangkalusugan at pananalapi, nagdudulot din ito ng takot tungkol sa privacy, pagaalis ng trabaho, at mga etikal na implikasyon.
Sa kasalukuyan, isang-katlo ng mga organisasyon ang gumagamit ng AI sa iba’t ibang yunit ng negosyo, na nagpapakita ng malawak na aplikasyon nito sa iba’t ibang sektor. Mahigit sa 80% ng mga empleyado ang nagsasabi na ang AI ay nagpapabuti sa kanilang produktibidad, habang ang AI market ay tinatayang aabot sa kalahating trilyong dolyar noong 2023. Ang kakayahan ng AI na magpataas ng konsyumer ng hanggang 50% ay nagiging mahalaga sa mga kumpanya, at halos 100 milyong tao ang inaasahang magtatrabaho sa larangan ng AI
Kalasag ng Bulag?
CEANAICA RHAINE PASTOLERO
Karumaldumal na tanawin puno ng kadiliman at kawalan, ito ay ang pananaw sa mga taong nabulag nang hindi sinasadya o ipinanganak na kasama nito at nagdurusa sa ganitong kapansanan, ngunit mayroong maka bagong teknolohiya na makakatulong sa problema sa mga hindi nakakakita, tinawag itong “Gennaris Bionic Vision System”, bagong liwanag na nga ba?
Ang Gennaris Bionic System ay ang teknolohiya na kung saan tinutulungan ang mga tao na hindi na makakita o nabulag na muling makasulyap, isa itong malaking tulong o hakbang sa larangan ng medikal at teknolohiyang pantulong, upang maging silbing bagong liwanag o gabay ng mga tao na may kapansanan sa paningin. Ito’y binuo ng Monash Vision Group o MVG at pinamumunuan ni Professor Arthur Lowery mula Department of Electrical and Computer Systems Engineering sa unibersidad ng Monash sa Melbourne, Australia, sila’y unang nakatuklas ng teknolohiyang tinawag “Gennaris Bionic System” na nagsimula noong 2010, na bunga ng kanilang dugo’t pawis at umaalok ng pagasa sa milyon-milyong taong dumaranas ng pagkabulag. Nakipagtulungan din ang MVG sa mga pangkat institusyong medikal katulad ng The Alfred Hospital, MiniFAB na kumpanya at Grey Innovation, upang mapatupad ang proyektong ito. Hanggang 11 maliliit na wireless implant, bawat isa ay kasing laki ng thumbnail, ang maaaring ilagay sa ibabaw ng utak upang maghatid ng patterned electrical stimulation, pasiglahin ang mga selula ng utak gamit ang maliliit na pulso ng kuryente, at bigyang-kahulugan ito bilang visual na impormasyon na
tumutulong sa pag-navigate, pagkilala ng bagay, at iba pang pangunahing gawain sa araw-araw.
Binubuo ang Gennaris ng isang miniature camera na isinusuot sa customdesigned headgear, na kumukuha ng high-resolution na larawan at ipinapasa ito sa isang vision processor unit, kung saan isinasagawa ang advanced signal processing upang makuha ang mahahalagang detalye mula sa mga imahe, bago ipadala ang na-filter na signal sa implant sa pamamagitan ng isang wireless transmitter. Pangunahing layunivn ng Gennaris Bionic Vision System ay ang magbigay ng artipisyal na paningin sa mga bulag na indibidwal sa pamamagitan ng pag-bypass sa nasirang optic nerves, gamit ang advanced na teknolohiyang nagpapadala ng visual na impormasyon nang direkta sa utak, na nagbibigay sa kanila ng kakayahang makakita ng mga pangunahing hugis at balangkas na maaaring makatulong sa kanilang paggalaw, oryentasyon, at pakikisalamuha sa kapaligiran. Ang mga teknolohiya ngayong henerasyon ay nagiging high tech o mas mahusay, karaniwan nito ay nakakatulong sa pangaraw-araw na gawain, at sa mga problema ng mga tao katulad na lang ng “Gennaris Bionic Vision System” na na nagiging sanhi ng panibagong liwanag sa mga taong bulag.
pagsapit ng 2025. Bagamat maraming benepisyo, ang pagtitiwala sa AI ay nananatiling hamon. Tinatayang 28% ng mga tao ang ganap na nagtitiwala sa AI, habang 42% ang pangkalahatang tumatanggap dito. Ang mga nakababatang henerasyon ay mas may positibong pananaw, na nagpapahiwatig na ang pagtanggap ay malamang na lalago sa paglipas ng panahon. Mahigit sa kalahati (54%) ng mga kumpanya ay gumagamit na ng conversational AI, na nagiging patunay sa pagiging epektibo nito sa pagpapabuti ng serbisyo sa customer. Upang matugunan ang mga pagaalala, mahalaga ang pagsusulong ng transparency at pag-unawa sa mga teknolohiya ng AI. Ang edukasyon ay may mahalagang papel sa pagtanggal ng misteryo sa AI, na nagbibigay-daan sa mga tao na makilahok sa mga pinag-
Pitong Libong Pulo, Libu-libong Dugo
"Minsa'y natuwa ang may likha, pitong libong pulo ang ginawa, mga hiyas na inilatag, sa malasutlang dagat."
Sa bawat pagsayaw ng tubig sa bughaw na karagatan, sa bawat pagaspas ng hanging tumatama sa naglalakihang puno ng berdeng kagubatan, nakatago ang kayamanang sa pitong libong kapuluan lang ng Pinas masisilayan, mga nag-gagandahang halaman at makukulay na kahayupan. Ngunit sa likod ng kariktan, libo-libong buhay ang nasa bingit ng kamatayan nang 'di man lang natin namamalayan.
"At ang bayan nyang pinili, nasa dulo ng bahag-hari." Kahit saang banda man tumingin, sumasalubong ang preskang simoy ng hangin at nakakatindig-balahibong tanawin, tirahan ng mayabong na sari-buhay, tahanan ng halos dalawang-libong kahayupan sa lupa at katubigan. "At ang ngiti ng Maykapal, taglay ng bawat nilalang."
Mula sa makukulay na balahibo ng Philippine Trogon, malalaking pakpak ng Philippine Eagle, at nakakamanghang dibdib ng Negros Bleeding Heart, masisilayan ang malaking ngiti ng Maylikha. Sininop man ng sining ang ating kalikasan, patuloy pa rin ang pagkasira ng ating likas na yaman— mga puno'y inararo para sa bagong mga gusali, mga lupaing ginagawang paliguan, mga kahoy na ginagawang upuan, na siyang dahilan ng patuloy na pagkawala ng saribuhay ng bansa.
Ayon sa Philippine Red List of Threatened Species ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nahahati sa apat na kategorya ang nanganganib na mga uti ng hayop: other threatened species, vulnerable, endangered, at critically endangered, kung saan mahigit kumulang 1,100 na uri ng hayop ang nanganganib nang mawala sa ating kalikasan.
Sa sanlibong hayop na nanganganib, 784 na uri ng mga hayop na walang backbone o invertebrates, tulad ng mga
insekto, kuhol, at gagamba ang naitala, habang 322 uri ang may backbone o vertebrates ang napasama, kabilang ang mga amphibia, reptilya, mammal kabilang ang Visayan Spotted Deer, at mga ibon kung saan halos 100 species ng ibon ang naitala, kabilang na ang ang Philippine Eagle, Visayan Tarictic Hornbill na isang natatanging ibon na matatagpuan lamang sa kagubatan ng Visayas, at ang Negros Bleeding Heart Pigeon na siyang makikita lamang sa kagubatan ng Negros at Panay na may 50 hanggang 249 na lang na natitira ayon sa Birdlife Data Zone.
"The world keeps talking but we ain't walkin'." Bawat araw, patuloy na nagbabago ang mundo, subalit ang progreso sa Philippine Red List ay tila ba'y "ain't walkin'" pa rin. Bagamat tayo ay may Red List, marami pang species ng kahayupan ang hindi lubusang napagtutuunan ng pansin at hindi nasasaklaw dulot ng hindi sapat na pag-aaral at pag-alam sa kanilang kalagayan. Sinabi ni David Quimpo, isang dalubhasa sa Wildlife Research na “We may be losing species even before we get a piece of information on them.” Isang patunay na ang simpleng pagtuklas sa mga hayop ay napakahalaga ngunit limitado ang ating kaalaman at kagamitan upang tuklasin at pag-aralan ang mga ito, kagaya ng Tarictic Hornbill na unti-unting nauubos dahil sa ating kapabayaan.
Gawan mo ako ng Filipinong Artikulo
SAM JOSEF ESTOR
isang pagtalakay tungkol sa etikal na paggamit nito at epekto sa lipunan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga technologist, ethicist, at mga gumagawa ng patakaran, maitatag ang mga alituntunin na nagbibigay-diin sa pananagutan at etikal na pagsasaalangalang sa pag-unlad ng AI. Ang hinaharap ng AI ay hindi lamang tinutukoy ng mga kakayahan nito kundi pati na rin ng mga halaga at etika na ating ipapasok dito. Sa pag-usad ng mundo patungo sa mga solusyong pinapagana ng AI, mahalaga ang pagsusulong ng tiwala at kooperasyon. Sa pamamagitan ng pagtutok sa kolaborasyon, transparency, at mga etikal na pagsasaalang-alang, maaari nating matiyak na ang AI ay nagsisilbi sa sangkatauhan, na ginagawang pagkakataon para sa inobasyon at pag-unlad ang ating mga takot. Kahit man malabo pa ang kahihinatnang hinaharap ng Artificial Intelligence, ay hindi makakaila na mahirap na talaga itong ipagkaiba sa gawa ng tao. Kagaya nalang nito— maniwala man kayo o sa hindi, malaking bahagi ng lathalaing ito ay sulat-kamay ng AI. Kaya uulitin ko sa muli ang aking katanungan, “Hindi ka pa rin ba natatakot sa akin?”
Dahil sa kakulangan ng impormasyon tungkol sa ilang mga uri ng hayop, ilan sa mga mananaliksik ay napipilitang isama ang ilang mga hayop sa ilalim ng "least-threat" status bilang bahagi ng Precautionary Principle, kagaya ng mga scarab beetle at monitor lizard na natagpuan sa Tawi-Tawi noong 2010, kung saan pinipili ng mga siyentipiko ang maging maingat kaysa magsisi kalaunan, upang maiwasan ang tuluyang pagkawala ng mga hayop na hindi pa lubusang kilala. Ibig sabihin, bagamat kakaunti ang alam tungkol sa kanila, hindi binabalewala ang posibilidad na unti-unti silang nawawala. Bukod dito, ang mga uri ng hayop na endemiko o natatagpuan lamang sa isang maliit na lugar, tulad ng mga isla o kabundukan, ay itinuturing din na "threatened." Sinusuportahan ito ng prinsipyong precautionary dahil kung mawala ang ganitong mga hayop, maglalaho rin sila sa mundo. Sinabi rin ni Quimpo, na may ilang mga hayop ang nasa listahan hindi dahil
Sa bawat patak ng langis na lumalaganap sa karagatan, isa-isa ring naapektuhan ang buhay at kasaganaan ng mga lamang-dagat. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas maraming solusyon ang nakikita at ipinapakilala, ang AmBOT, isang solarpowered at autonomous na robot na naglalayong tugunan ang polusyon ng langis sa pinakamabilis at epektibong paraan. Kamakailan, dinisenyo ng mga estudyante ng Science Technology Engineering (STE) Program ng Doña Montserrat Lopez Memorial High School ang mala isdang makinarya,
SAGBOT: Ang Makina Kontra Basura!
Sa gitna ng lumalalang suliranin sa polusyon sa tubig, isang rebolusyonaryong imbensyon ang inilunsad ng tatlong magaaral mula sa Dona Montserrat Lopez Memorial High School—ang SAGBOT. Ang robotic trash collector na ito, na may layuning linisin ang mga anyong tubig sa pamamagitan ng pangongolekta ng basura, ay nagbigay sa kanila ng ikalawang puwesto sa Robotics and Intelligent Machine Team Category ng SciMathLympics 2024. Nagsimula ang misyon ng SAGBOT noong Oktubre 2024 nang mapili sina Mark Daniel Javelosa, Mark Anthony Talavera, at Zedrick Lyrad Tiangha—na kilala rin bilang “3 Idiots”—upang lumahok sa SciMathLympics sa Guimbal National High School sa Iloilo. Sa loob ng mahigit isang buwan, walang humpay nilang inimprove ang kanilang disenyo batay sa mga suhestiyon ng mga hurado. Ngunit isang araw bago ang kompetisyon, hindi pa rin ganap na tapos ang kanilang robot, kaya naman nagtrabaho sila buong magdamag upang tiyaking handa ito sa laban. Sa preliminary round, kinaharap nila ang mahigpit na kompetisyon, ngunit nagawa nilang makapasok sa Top 5. Matapos ang dalawang oras ng masusing paghahanda para sa kanilang presentasyon, matagumpay nilang naipakita ang kakayahan ng kanilang imbensyon at naiuwi ang silver medal para sa kanilang paaralan. Ang SAGBOT ay isang matalinong robot na idinisenyo upang mangolekta ng basura sa mga lawa, ilog, at iba pang anyong tubig gamit ang conveyor belt. Ang nakolektang basura ay iniimbak sa isang lalagyan na may ultrasonic sensor na sumusukat kung puno na ito. Kapag naabot na ang maximum
Top 5
sa panghihina ng kanilang populasyon o pamayanan, kundi dahil sa kanilang likas na limitadong lugar ng tirahan. Ang ganitong pagkakaluklok ng mga hayop sa listahan, kahit walang sapat na ebidensya ng panghihina sa kanilang populasyon, ay nagdudulot ng pag-aalangan sa Philippine Red List.
Sa kabilang banda, binubuo ng mga ibon ang pinakamalaking porsiyento ng Philippine Red list dahil sa ito ay ang mga hayop na pinakamadaling makita sa kalangitan, habang ang ibang klase ng hayop naman gaya ng Visayan Spotted Deer at Tarsier ang nakikita lang sa gabi, ang mga reptilyang ahas naman ay lumalayo sa tao, rason kung bakit mahirap itong obserbahan, kasama ang mga amphibiang palaka.
Dumagdag pa sa problemang ito ay ang kakulangan sa mga eksperto at funding, kung saan hindi tamang naoobserbahan ang ibang mga hayop na kalauna'y napapabayaan na lamang, kung saan ayon sa artikulong sinuri ng mga kapantay na “State of biodiversity documentation in the Philippines,” "certain species [animals] and locations
na gumawad ng mga parangal sa lokal, nasyonal, at internasyonal na lebel. Ang salitang “ambot”, ay nangangahulugang ewan sa ilonggo, kung saan kalimitan itong ginagamit ng mga tao rito, ngunit sa pananaw ng mga mananaliksik ng Monsai, ay maaari itong makatulong sa ating kinabukasan. Ang AmBOT ay dinesenyo sa wangis ng isang isda, na kumikilos nang maingat at maayos sa ilalim ng karagatan, upang hindi maantala ang sari-buhay sa ilalim ng karagatan. Bawat galaw ng makinaryang ito ay ginawa ito ay ginawa
capacity, awtomatikong magpapadala ng SMS alert sa user upang ipaalam na oras na para alisin ang nakolektang basura. Ayon sa pangkat, nagsimula ang kanilang ideya matapos nilang mapansin ang lumalalang basura sa mga tubig sa Silay City. Inspirado rin sila sa mga video ni Mark Rober at ng Team Seas, pero ang pangunahing dahilan ng kanilang proyekto ay ang matinding pagnanais nilang gumawa ng pagbabago sa kanilang sariling komunidad.
Ngunit rito nagtatapos ang kanilang inobasyon. Ayon kay Javelosa, patuloy silang mag-iisip ng mga paraan upang mas mapahusay ang kanilang imbensyon. Ilan sa kanilang mga plano ay ang pagpapahusay ng navigational system ng SAGBOT upang maiwasan ang mga sagabal sa tubig, pagdaragdag ng kakayahang awtomatikong magsort ng basura para sa mas madaling pagreresiklo, at pagpapabuti ng disenyo upang maging mas epektibo ito sa iba’t ibang uri ng tubig. Layunin nilang gawing mas autonomous ang SAGBOT upang mas maraming basura ang malinis nang hindi nangangailangan ng tuloy-tuloy na pangangasiwa.
Sa kanilang dedikasyon, tiyaga, at talino, pinatunayan nina Javelosa, Talavera, at Tiangha na kayang gumawa ng makabuluhang pagbabago ang kabataan. Ang SAGBOT ay hindi lamang isang proyekto para sa kompetisyon, kundi isang makabagong solusyon para sa mas malinis at mas ligtas na kapaligiran para sa lahat. Sa tuloy-tuloy na pagunlad nito, maaaring ito na ang susi sa mas epektibong paglaban sa polusyon sa tubig!
kinaharap nila ang mahigpit na kompetisyon, ngunit nagawa nilang makapasok sa Top 5
are far less explored than others." Ibig sabihin, hindi pa nasasakop ng mga mananaliksik ang bawat sulok ng mga kagubatan.
"Piliin mo rin ang Pilipinas, Kapuluang kwintas ng perlas, Piliin mo yakapin mo, Kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas.” Isa mang kapuluang tila ba’y kwintas na perlas, pipiliin mo pa ba ang Pilipinas kung nahahayaan nitong mauwi sa pagkalipol ang ilan sa kaniyang kayamanang likas?
Sinabi nga ni Rowena Caronan, isang mamamahayag, na "Counting them [wildlife species] is the first step to survival, but that alone is fraught with challenges." Dahil sa mga kakulangan ng mananaliksik, kagamitan, at pondong bigay ng ating bansa, tunay ngang sa gitna ng pitong libong pulo, libo-libong dugo ang nahahayaan nating sumisirit mula sa buhayilang ng ating kayamanang likas na hindi man lang natin namamalayan.
para tutukan ang paglilinis ng mga tumapong langis o Oil Spill sa karagatan, habang isinasantabi ang panghihimasok sa mga lamang dagat, sa anyong ito, mas madali ang pakikisama ng AmBOT sa mga lamang dagat. Sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, nasosolusyunan ang problema sa mas mahirap at tradisyunal na pamamaraan ng oil spill clean-up na ginagamitan ng mga booms mula sa putol na buhok. Nalampasan din ng inobasyong ito ang mga limitasyon ng kasalukuyang mga kagamitan at
teknolohiya, kung saan ito ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw, na hindi lamang nagdudulot ng mas murang solusyon, kundi nagtataguyod din ng mas episyenteng paaran. Ang awtonomatikong kakayahan ng AmBOT at nagbibigay-daan sa patuloy na paglilinis ng dagat kahit walang direktang pamamahala ng tao, kung saan kata rin nitong tukuyin at linisin ang mga kontaminadong bahagi ng tubig na walang hinto, habang patuloy na sinusuplayan ng enerhiya mula sa araw ang bawat misyon nito. Sa pagdating ng
inobasyong ito, nagiging posible ang isang mas malinis at mas maayos kinabukasan para sa ating karagatan, na siyang nagsisilbing hakbang patungo sa responsableng pangangalaga at panunumbalik ng mga yamang tubig na mahalaga sa ating buhay at planeta. Ang AmBOT ay tunay ngang hindi basta lang salitang nangangahulugang ewan, ngunit ang pangalan ng teknolohiyang para sa kinabukasan.
KAITLYNNE MAE GAMBOA
SAM JOSEF ESTOR
KAITLYNNE MAE GAMBOA
BEATRIZ ALTHEA BOHOL
Ibinulsa ng mga manlalaro ng
Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS) ang anim na gintong medalya mula sa Men’s Boxing sa Division Athletic Meet 2024 laban sa iba’t ibang yunit, na ginanap sa Barangay Guimbalaon National High School noong ika-11 ng Disyembre 2024. Matagumpay na sinelyuhan ni Michael John Luzañes ng DMLMHS ang pwesto upang makuha ang gintong medalya laban kay Jebby Tingson ng Barangay E. Lopez National High School (BELNHS) sa kategoryang Junior Boys 46kg –48kg kung saan natapos hanggang ikalawang round sa iskor na 1:07 minuto dahil sa “Referee Stopped Contest-Head” (RSC-H) o pagtigil sa laban dahil sa matinding pinsala o sugat sa ulo. Wala nang paligoy-ligoy pa at dinomina na ni Kyle John Justado ang laro laban kay Jelo Lagansua ng Barangay Guimbalaon National High School (BGNHS) sa Men’s Boxing Junior Boys 48.1kg – 51kg category na nagtapos din sa RSC-H sa tumatagingting na puntos na 1:36 minuto.
“Training gid mayo kag kung [mag] reduce, reduce gid, kay para hindi ma-disqualified kag obra gid mayo.” Ika ni Justado na tila bitin pa sa labang ipinamalas.
Umabot pa ng ikatlong round at split decision ang sagupaan nina Jan Lenard Songaling ng DMLMHS at Joemarie Delgado Jr. ng BGNHS sa ginanap na Junior Boys 50.1kg – 52kg na nagpalitan ng mga naglalagablab na uppercut at jab, ngunit matagumpay na itinaas ni Songaling ang kaniyang kamao hudyat na siya ang panalo. Hindi maitago ni Allyjan Andrei Palencia ng DMLMHS ang tuwa matapos itanghal na kampeon sa kategoryang Men’s Boxing Youth Boys 46kg – 48kg laban kay Robin Cañete ng BELNHS sa huling parte ng paligsahan, na nagtapos din sa RSC-H, 2:39 minuto.
“Discipline gid kag always maintain the discipline para makuha ang goal” Sambit ni DMLMHS Coach Ernie Soluta sa isang panayam.
Nagpakitang gilas naman sina Alex Escalicas ng BELNHS at Juan Miguel Lagansua ng BGNHS sa ginanap na exhibition game matapos hindi payagang maglaro sa opisyal na laban si Lagansua dahil hindi niya naabot ang
‘‘
“Training gid mayo kag kung [mag] reduce, reduce gid, kay para hindi madisqualified kag obra gid mayo.”
Monsai, inubos ang gintong medalya sa Division Meet Boxing Tournament
takdang bigat upang makasalang sa paligsahan. Sa kabilang banda, awtomatikong nanalo ng gintong medalya sina Albert Jude Salamat sa School Boys 46.1kg – 48kg at John Christoff Valdez sa Junior Boys 46.1kg – 48kg na parehong manlalaro ng DMLMHS, kasama sina Jay-R Caballero ng BGNHS sa Youth Boys 48.1kg – 51kg, at Clerk Ofqueria ng BELNHS sa Youth Boys 51.1kg – 54kg. Inaasahang sasabak muli ang mga nanalong manlalaro sa naglalagablab na ring sa susunod na Larong Panlalawigan na gaganapin sa Pebrero 2025.
Yunit III nagpabida, 49 medalya’y nakuha
BEATRIZ ALTHEA BOHOL
Ibinida ng mga atleta sa larangan ng paglangoy mula sa sekondarya, ang kanilang galing sa Division Athletic Meet Swimming Competition SecondaryFinals, laban sa iba’t ibang yunit na ginanap nitong ika-12 hanggang ika13 ng Desyembre 2024, sa Sunburst Bay Resort, kung saan umalingawngaw ang hiyawan at sigawan ng mga manonood dahil sa madikit na laban ng mga manlalaro.
Tuluyan nga’ng umayon kay Itnyr Gutana ng Yunit I ang agos ng tubig kung saan sinelyuhan niya ang limang gintong medalya sa kategoryang 50M backstroke, 100M freestyle, 100M fly, 50M freestyle, at 100M backstroke sa swimming competition- secondary boys. Hindi naman nagpahuli sa paunahan para sa nagniningning na mga medalya sina James Rowil Jemar na nag-uwi ng isang ginto at tatlong pilak, Jacob Benetua na may isang ginto at dalawang pilak, Zandrei Abellar na may isang ginto, dalawang pilak, at isang tansong medalya, Zynan Miguel Lizades na may dalawang ginto at isang pilak, at Klyde Vincent Lira na may isang ginto, dalawang pilak, at isang tansong medalya. Nakuha naman nina John Michael
Doronila ang apat na tansong medalya, Zynreh Hernaez na may dalawang tanso, Stan Micheal Sabijon na may isang tanso, at Jelouie Pution na may isang ginto at isang pilak na medalya.
Ika nga ni Silay City Coach Marlon Sayon, “Consistency in training, passion, and dedication” ang naging tulay tungo sa tagumpay ng mga batang atleta na patuloy na namamayagpag sa larangan ng paglangoy.
Sa kabilang banda, pinangunahan ni Rhian Louise Quevenco ng Yunit III ang swimming competition- secondary girls na matagumpay na nagwagi ng limang gintong medalya sa kategoryang 100m at 200M breaststroke, 100M at 200M backstroke, at 200M individual medley.
Naibulsa naman ni Naomi Jean
Hiponia ng Yunit II ang tatlong gintong medalya sa 400M at 800M freestyle, at 100M at 200M fly.
Samantalang sina Maria Beatriz Pareja ay nakasungkit ng dalawang ginto, isang pilak, at isang tansong medalya, Maria Angela Margarito ng dalawang pilak at isang tanso, Pauline Sabella Pingue ng dalawang pilak at isang tanso, Danielle Sabordo isang pilak at isang tansong, at isang gintong medalya naman kay Hannah Javelona.
Naabot naman nina Blessie Rei Antolo na may dalawang tanso, pareho namang isinabit kina Monique Chanel
Sumpay at Kia Margarette Pabora ang dalawang pilak, Ryza Noelle Haro na may isang pilak, Aven Dre Lauron na may isang tanso, at si Jerlyn Marie Lagansua na nakamit ang dalawang tansong medalya. Tinagurian namang overall champion ang Yunit 3 na may walong ginto, siyam na pilak, at sampung tansong medalya sa boys, at walong ginto, walong pilak, at anim na tansong medalya sa girls, na may kabuuang 49 na mga medalya. Sunod naman ang Yunit 2 na may limang ginto, anim na pilak, at tatlong tansong medalya sa boys, at pitong ginto, pitong pilak, at walong tansong medalya naman sa girls.
Pumuwesto naman sa ikatlo ang Yunit I na may limang gintong medalya sa boys category. Lakas ng braso’t katawan, laban sa agos ng kapalaran. Estudyanteng umukit ng pangalan, ilang beses na nag-uwi ng karangalan.
Blue Phoenix, humataw sa
Phoenix na sina Ethan De La Gente at Benedict Raphael Gaduyon sa talas ng kanilang mga mata at sa liksi ng kanilang mga galaw laban kina Jude Michael Vega at Hilbrent Gabriel Montaño ng Gr. 12 Grey Wolves. Dinepensahan ni Benedict ang laro at sinuportahan naman ito ni Ethan, diskarte at konsentrasyon ang naging dahilan upang maitawid nila ang daan tungo sa pagkapanalo.
“Nasadyahan eh kay last year nag champion kami tuod pero wala kami kadaog sa doubles events sang grade 11 pa sila. Te subong nagdaog na kami, te sadya-sadya eh [kay] na 3-0 sila namon kag nakabawi man gid kami. Sang isa ka adlaw score namon 1-3, pirde kami nila sa elimination pero daog kami sa team events subong championship daog kami sila 3-1 sa doubles events kag sa teams event, 3-0.” Nagagalak na saad ni De La Gente.
Sa unang set ay ipinamalas ng dalawang koponan ang kanilang mga estratihiya sa paggamit ng raketa at nagpalitan ng iskor ngunit tinapos ng Gr. 10 ang laro at nagpatuloy sa sunod na set.
“For the past three years nga naghampang kami table tennis halin sang grade 8, naghampang kami doubles tapos sa team events second place lang kami, sang grade 9 nakakwa kami first place pero sa doubles pirde kami tapos sa sini nga grade 10, wala kami ga expect nga madaog kami sa ila; nga mapirde sila namon.” Dagdag naman ni Gaduyon.
Napanatili ng Gr. 10 ang kanilang paghahari sa ikalawang set at tuluyang tinapos ang laro na naging daan upang kanilang ipanalo sa magkasunod na set.
Umariba naman ang Gr. 11 sa ikatlong set at sinubukang patumbahin ang kabilang koponan at nagtala ng isang puntos laban sa pambato ng Gr. 10.
Hindi naman hinayaan ng mga manlalaro ng Gr. 10 na manaig ang kanilang katunggali, at kaagad nilang tinuldukan ang laro sa kabuuang iskor na 3-1.
Tunay na “Hard work paid off” ang nararamdaman ng pambato ng Blue Phoenix sapagkat ang ilang taong pagsasanay nila, sa wakas ay matagumpay nang nagbunga.
Hindi man naiuwi ni Vega at Montaño ang ginintuang kampeonato, ikinagagakal naman nilang ibigay ang kanilang makakaya para makaabot sa championship ng naturang laro.
“Siyempre happy gid e, although ang girls first pero kita ta naman ila effort nagkulang lang gid dyutay pero actually ga expect man kami tani nga mag champion sila pero ti indi ta na malikawan gapon kay nag brownout, accept na na namon, pero happy kami, kay bisan ako ya indi ko ya player sang table tennis pero ara lang kami ni sir nila ga support para sa success kag sa naging champion ang boys.” Ani ng kanilang tagasanay na si Mrs. Elvie Sullesta Pinatunayan nina Gaduyon at De La Gente na hindi nakabatay sa baitang ng isang manlalaro kung makakamit nila ang tagumpay, kundi nakabatay ito sa diskarte at estratihiya ng bawat isa upang makamit ang inaasam na ginintuang panalo.
Ika ni Justado na tila bitin pa sa labang ipinamalas.
Yunit III, isinalpak ang lumalagapak na gintong medalya sa Division Meet Billiards
Kalkuladong estratehiya at asintadong tira ang nasilayan ng mga manonood sa ginanap na Division Athletic Meet Billiards Competition – Finals sa Tambayan Billiard Hall noong ika-13 ng Disyembre kung saan tila may sariling buhay ang mga tako ng mga tirador ng bola sa nasabing laro. Isa, dalawa, tatlo… Tira!
Mainit na labanan ng bawat yunit ang naganap sa championship game sapagkat koponan mula sa pare-parehong yunit ang nagharapan sa agawan ng puwesto para sa medalya sa huling parte ng laro.
Matagumpay na nasungkit ni Paul Martin Daquiado ng Yunit 3 ang gintong medalya sa kategoryang 8 Balls, at tansong medalya naman sa 9 Balls, sa patnubay ni Coach Alvin De La Cruz. “Ginswerte lang gid [ko] kay mga bakod man [ang] akon kontra, kag ginhatag ko man [ang] tanan ko nga best.” Ika ni Daquiado na halatang hindi maitago ang tuwa dahil sa pagkapanalo. Nasungkit naman ni Remo Demapanag Jr., ng Yunit 1 ang pilak na medalya sa 8 Balls Category sa tulong ni Coach Julie Ann Cape, samantalang tansong medalya naman ang nakuha ni Sanjoe Lerpido ng Yunit 2 sa ilalim ng pagsasanay ni Coach Jelynne Joy Ferrer sa parehong kategorya. Naghari naman si Joseph Aquino ng Yunit 2 sa 9 Balls Category gamit ang kaniyang matalas na isipan at kakaibang teknik sa pagtira ng bola na naging tulay upang maabot niya ang kumikinang na gintong medalya, at pumuwesto naman sa ikalawa si Sanjoe Lerpido na nagtamo ng pilak na medalya.
Sa kabilang banda, parehong nasungkit ni Sofia Mae Guitche ng yunit 3 sa ilalim ni Coach Michelle Lusabia ang parehong
Yunit3
6MEDALS
gintong medalya sa 9 Balls at 8 Balls Girls Category ng nasabing paligsahan, kung saan idinaan n’ya sa kaniyang matamis na ngiti ang kaniyang tagumpay.
“Sadya kay nagdaog ko sa billiards subong [kag] thank you sa principal namon!” Sambit ni Guitche sa isang panayam.
Nakuha naman ni Gia Marie Casumpang ng yunit 2 ang pilak na medalya sa 8 Balls kasama si Coach Geraldine Cuello, at tansong medalya naman kay Eurecca Hermosura ng yunit 3 sa parehong kategorya.
Ikinasa naman ni Eurecca Hermosura ang kaniyang huling tira nang kinubra ang ikalawang pwesto kung saan natanggap niya ang pilak na medalya, at sa ikatlo naman si Genwell Tolentino ng yunit 1 sa tulong ni Coach Emalyn Alviola.
Binansagang overall champion ang Yunit 3 na may anim na medalya, sunod naman ang Yunit 2 na nakakuha ng dalawa, at nasa ikatlo ang Yunit 1 na may dalawang medalya.
Pinatunayan ng mga atletang ito na hindi nasusukat sa edad at tagal sa paglalaro upang maging kampeon sa larangan ng bilyar. Lakas ng loob, tiwala sa sarili, at determinasyon— tatlong bagay na tinuran ng mga manlalaro na tunay nga’ng naging daan upang kanilang maabot ang inaasam-asam na medalya.
One Silay, napasakamay ang tansong medalya
Naudlot ang mataas na lipad ng koponang mula sa Lungsod ng Bago matapos silang putulan ng pakpak ng mga manlalaro mula sa Lungsod ng Silay sa ginanap na Battle for Bronze Men’s Volleyball sa Larong
Panlalawigan noong unang araw ng Pebrero, 2025, sa Jose G. Montalbo Covered Court sa Lungsod ng Bacolod, 2-1. Itinaas ng Team Silay ang kanilang bandera nang matagumpay nilang masungkit
ang tansong medalya sa nasabing laro sa pangunguna ng kanilang kapitan na si Kian Paulite.
“Ang leadership para sa akon, hindi lang [about] sa paghatag command, it’s about sa pag-inspire kag [maging]
Yunit III, kumana ng panalo Badminton Doubles GirlsFinals
Napasakamay ng Yunit III ang matamis na tagumpay laban sa Yunit I sa ginanap na Division Athletic Meet badminton doubles girls- finals sa Jomabo Badminton Court, noong Disyembre 13, 2024. Inuwi ng mga manlalaro ng Yunit III na sina Emillie Jane Gaduyon at Julliana Margate ang gintong medalya matapos selyuhan ang puwesto sa finals laban sa pambato ng Yunit I na sina Ronnadhel Francisco at Princess Yunice Mamaril.
Saad ni Margate sa isang panayam, “At first, it was very … and scary but at the same [time] it was very exciting and the game was very [thrilling]. We did our best ni Emillie Jane, na paid off amon training nga duwa, and we [gave] our best [gid] to achieve this kind of achievement!”
Nanguna ang Yunit III sa unang set matapos humugot ng matibay na puntos at tinapos ang unang set sa iskor na 21-15
“Isa sa mga rason nga nag daog kami, is ang bulig samon ni Nong Jepoy sa pag training sa amon. Kag sa suporta man sang amon nga coach nga si Ma’am Andrada, kag ang mga supporta sang mga pamilya namon sa amon, kag ang pag suporta man sang amon mga teammates sa amon. Ang amon lang nga strategy sa amon pag hampang ay mag communicate kami during sang amon hampang kag teamwork. Kag ang ma advice ko lang is, padayon lang kita sa pag practice para ma achieve naton ang mga goal naton sa aton mga sports,” Ani ni Gaduyon. Nagpamalas ng galing sa paggamit ng raketa sa ikalawang set ang koponan ng Yunit I nang humataw sila ng sunod-sunod na puntos na humatak sa kanilang iskor. Ngunit hindi nagpatinag ang Yunit III at tinapatan ang mga opensa ng kabilang koponan at hindi na nakaporma pa sina Francisco at Mamaril ng Yunit I nang tuldukan nina Gaduyon at Margate ang laro sa iskor na 24-22.
Inaasahang muling sasabak sa court sina Gaduyon at Margate sa nalalapit na Provincial Athletic Meet na gaganapin sa Enero 2025.
example sa team”, Ika ni Paulite sa isang panayam. Agad na nagpakitang gilas ang Team Silay nang hinipan na ang pito kung saan simula na ng laban, tangan ang mga nagbabagang ispayk at nakakalulang ‘blocks’ na nagresulta sa kanilang pagkapanalo.
Binigyan ni Paulite ng malaking pansin ang kanilang pagsasanay sa koordinasyon at tamang timing ng bawat galaw sa court na para sa kaniya ay naging tulay sa kanilang pagkapanalo.
“Ang [pagkuha] sang bronze medal is isa ka reflection sang amon hard work, dedication, kag tiwala sa isa kag isa.” Dagdag pa ni Paulite. Hindi naman hinayaan ng koponang mula sa Lungsod ng Bago na malugmok sila sa putikan, kaya umarangkada sila dala ang kanilang mala-agilang bilis sa paghabol ng bola at mala-buwitreng lakas sa paghampas nito, na nagresulta sa parehong isang panalo ng dalawang kampon. Kahit na tagaktak ang
pawis at basa ang likod, patuloy pa rin ang salitan ng puntos ang bawat koponan ngunit tila ayaw nang magpalamang ng Team Silay at tuluyan nang sinelyuhan ang kampeonato. Hiyawan at sigawan ang bumalot sa buong court matapos itanghal na kampeon ang koponang mula sa Lungsod ng Silay na nakangiting nakipagkamayan sa kanilang katunggaling mula sa Lungsod ng Bago. Pinarangalan naman si Kian Paulite bilang Best Open Hitter sa kabuuan ng laro.
“Ang [pagkuha] sang bronze medal is isa ka reflection sang amon hard work, dedication, kag tiwala sa isa kag isa.”
BEATRIZ ALTHEA BOHOL
ACERADA, C., BOHOL, A., DILAG, Z.
JANELLE FRUPONGA, KYLE RUBICA
medals (Overall Champion)
GINTONG TAPANG
‘‘
“Nasadyahan gid ko kay sa amo ko ni nga edad, naka gold ko kay grabe nga pangabudlay ko kag sang iban pa nga naghampang para [makakuha] gold.”
Musmos sa larangan, hangad ay karangalan
a gitna ng mga makulay na kaganapan sa Larong Panlalawigan Men’s Boxing Tournament, isang batang mandirigma ang nagbigay ng isang kahanga-hangang pagtatanghal na hindi malilimutan.
Si Albert Jude Salamat o mas kilala sa palayaw na “Sian”, ang nagwagi ng gintong medalya sa Flyweight Category (46-48 kg), ay nagbigay buhay sa isang kwento ng tapang, sakripisyo, at hindi matitinag na determinasyon. Ang kategoryang ito ay tila isang labanan sa pagitan ng mga magkasunod na alon ng hangin, isang tunog ng pwersa at kalikasan na maghahatid ng digmaan at tagumpay, at sa huli, isang tagapagtanggol ng kaluwalhatian.
Sa unang pagpasok sa Murcia Gym mula Enero 29 hanggang Pebrero 1, 2025, sa isang lugar na puno ng enerhiya at tensyon, nandoon si Salamat— ang batang parang leon na handang harapin ang bawat pagsubok. Ngunit sa likod ng kaniyang matapang na mukha at bilis ng galaw, isang malalim na damdamin ang gumugol sa kaniyang puso—ang takot na madapa, ang kaba na magkamali, ngunit ang hindi matitinag na determinasyon na magtagumpay.
Sa kaniyang unang laro laban sa Victorias City, si Salamat ay parang isang
Matanda na nga ba upang makipagsapalaran?
tigreng may mahabang pangil na dumaan sa teritoryo ng kalaban. Laban sa malalakas na hampas ng mga katunggali, ang kaniyang galaw ay tila hampas ng alon sa dagat—mabilis, matalim, at hindi mahulaan. Ang bawat suntok na binitiwan ay isang pagsabog ng lakas, at ang bawat galaw ay taktikal na hakbang patungo sa pangarap ng gintong medalya. At nang matapos ang laban, ang tagumpay ay tila dumating na parang isang ibong nakawala sa hawla na malayang tinahak ang daan patungong kampeonato. Pagkatapos ng isang tagumpay, hindi naging madali ang ikalawang laban kontra sa pambato ng Lungsod ng Sipalay. Ang labanan na ito ay tila isang walang katapusang dilim ng gabi na tinatanglawan lamang ng mga mata ng mandirigma. Isang laban na puno ng hirap at pagkatalo na tila nagiging alon ng mga kalaban. Ngunit si Salamat, tulad ng isang agila na mabilis sumubok sa kabila ng malalakas na hangin, ay muling pinangunahan ang
laban at hindi tinalikuran ang pagkakataon. Ang bawat suntok ng kalaban ay para bang naglalabas ng mga salitang tinig ng mga hangal na mahirap tapatan. Ngunit sa bawat hakbang ni Salamat, naramdaman ng lahat na walang kasunod na talo kung hindi ay ang tagumpay. Isang batang tigre na tumatakbo sa kabila ng takot, nahanap niya ang kanyang lakas sa kabila ng mga pagsubok.
Ang ikatlong laro laban sa manlalaro ng Bacolod City ay tila salpukan ng Leon at Agila, parehong hari ng kani-kanilang teritoryo— isang laban na sinasabayan ng mga kidlat sa langit, bawat suntok ay tumama nang parang kulog. Sa harap ng kanyang kalaban, parang isang mabagsik na alon na handang magpatumba, si Salamat ay muling nagpakita ng kanyang likas na galing. Ang kanyang galaw, na may kasamang pusong puno ng pangarap, ay hindi matitinag. Isang laban na tila isang mahahabang sandali ng kabuntot na gutom, at sa dulo ng bawat round, isang desisyon ang umusbong: si
Salamat ay nangunguna. At nang magtapos ang laban, sa kabila ng lahat ng pagod at sakripisyo, ang gintong medalya ay itinaguyod na parang isang bituin na gumagabay sa dilim.
Ang kanyang tagumpay ay naging sagrado, isang patunay ng pagkakaisa ng katawan, puso, at isip sa pag-abot ng isang pangarap.
“Ang akon na feel samtang gahampang ko is syempre kulba kag at the same time galagas gid nga magdaog.” Isang pahayag mula kay Salamat na tila tinutukoy ang pakiramdam ng isang leyon na may takot, ngunit handang maglakbay at mangibabaw sa kabila ng lahat ng panganib. Ang kabang iyon, ang kaba ng bawat laban, ay bahagi ng kaniyang kwento— ng isang batang hindi sumuko, hindi tinakasan ang mga pagsubok, at sa bawat pagkatalo ay muling bumangon na may mas matinding lakas.
“Nasadyahan gid ko kay sa amo ko ni nga edad, naka gold ko kay grabe nga pangabudlay ko kag sang iban pa nga naghampang para [makakuha] gold.”Ang pahayag ni Salamat ay nagsilbing pagninilay ng isang batang
mandirigma na nakakita ng liwanag sa kaniyang tagumpay.
Sa kabila ng mga hamon at pagod, nahanap niya ang ginto—hindi lamang sa medalya kung hindi ay sa bawat hakbang na kaniyang tinahak.
Ang medalya ay hindi lamang isang piraso ng metal, ito ay isang simbolo ng mga sakripisyo, ng mga araw na puno ng hirap, ng mga pagsubok na naghatid sa kaniya sa tuktok.
“Nakulbaan man ko kag na excite samtang ara ko sa sulod ring.”
Bawat laban ay isang pagsubok ng tibay. Ang mga pahayag na ito ay naglalarawan ng isang batang mandirigma na hindi natatakot sa kabang dulot ng paghahanda, ngunit natutunan ding yakapin ang bawat karanasan ng takot at kasiyahan sa ring.
“Daw kabag-o sa feeling nga mapractice saot imbes nga mapractice hanot”
Ang dating nagsasanay na atleta, ngayo’y
sumusunod na lamang sa indak ng musika. Tila bago ito sa kaniyang sistema sapagkat hindi na raketa ang hawak niya kung hindi ay mga palamuti at kagamitang pansayaw na. Ang pagtungtong sa legalidad ay isang mahalagang yugto sa buhay ng isang tao. Ngunit, para sa mga nag-aalay ng dugo’t pawis sa larangan ng pampalakasan, sumisimbolo ito ng pagbabago at kahadlangan sa pagpapamalas ng angking estratehiya at galing sa isports. Nakatala sa DepED Memorandum 365 s.2024
na ayon sa executive order No. 64 s. 1993, ang isports ay dapat maging bukas sa lahat kahit pa ano ang edad, kasarian, kakayahan at talento ng isang indibidwal. Sa mundo ng paligsahan, ang edad ay hindi dapat maging hadlang sa paglalantad ng galing ng mga manlalaro. Bakit pa rin pinipilit ang mga limitasyon sa katandaan na nagiging sanhi ng pagkawala ng kwalipikasyon ng mga atletang labis sa edad na itinakda? Ang diskwalipikasyon ay hindi lamang nagpapakawala ng karapatang lumaban ng mga atleta, kung hindi ay nagiging hadlang rin sa sa pagpapakita ng kanilang mga talento at kagalingan. Ito ay hindi lamang hindi
makatarungan, kundi hindi rin makatao.
Sila ay nagpupunyagi, nag-aaral, at nagpapakundangan upang maging mahusay sa kanilang mga larong pinili, kaya
Bakit natin sila pinipilit na sumunod sa mga limitasyon sa edad na hindi naman nakakaapekto sa kanilang mga kakayahan?
“Nakahampang na ko sa higher level, pero ngaa sa diri hindi haw?”
Tila pinagsukluban ng langit at lupang pagkakasabi ng isang atleta nang malamang hindi siya kwalipikadong maglaro sapagkat lagpas na ang kaniyang edad nakatakdang alituntunin ng laro.
“Ngaa kung diin last year ko na lang gid nga mahampang, didto pa ko hindi na pwede kaintra.”
Ilang salitang paulit-ulit kong naririning sa mga kilalang atletang nahatulan ng diskwalipikasyon dahil sa pagiging “overage”. Hindi ko mapigilang mag-isip kung bakit kailangang magkaroon ng ganitong klaseng patakaran na kung saang naging hadlang pa sa mga manlalaro. Dating nagsasanay sa ilalim ng tirik ng araw para sa nakatakdang paligsahan, ngayo’y tagamasid na lamang sa mga manlalarong kwalipikado na bigay-todo sa bawat laro, tila bang hinihiling na sana
ay patnugutan din silang maipamalas ang kahusayan sa piling larangan. Hindi na ‘to patas, pati ba naman ang kakayahan nilang makipaglaban, ipagkakait pa. Kitang kita sa kanilang mga mata ang pagdadalamhati at pagkadismaya sa kadahilanang nawalan sila ng karapatang lumaban dahil ang kanilang edad ang nagsilbing sagpang upang maabot ang pinapangarap na kampeonato. Tanging hangad lang nila ay makapagbigay karangalan sa nirerepresentang partido, ngunit sadyang hindi umaayon sa kanila ang sansinukob. Kailan pa nga ba naging pantay ang lahat ng bagay sa mundo? Bakit pati sa tagisan ng kalakasan ay may limitasyong tila balakid sa daan ng mga manlalaro? Pangarap na maipalamas ang galing at husay ay naging bato pa sapagkat sila’y labis sa edad ngunit kulang sa pagkakataon. Hindi na nga patas ang mundo sa lahat ng aspeto, pati ba naman ito, ipagkakait pa ninyo. Nawalan ng karapatan, pinagkaitan ng karangalan. Ang tanong, edad nga ba ang basehan?