Volume 2, Issue 1 January-June 2018

Page 23

Isang Sabi-sabi Ukol Sa Paghahanap At Pag-ibig Jonel Biscocho

sabi nila, dati raw ay apat ang paa at kamay ng tao na may dalawang mukha pagkatapos ay hinati raw sila sa dalawa magkaibang tao ng kung sinong panginoon para hanapin ang kanilang mga kapareha may ilan daw na nakahanap na may ilan daw na naghahanap pa rin at may ilan daw na sumuko na lang bakit naman kasi paghiwalayin pa ang mga taong magkakasama na para lang muling hanapin ang isa’t-isa?

kasi kung tutuusin hindi naman lahat magaling maghanap hindi naman lahat alam na nawawala pala sila hindi naman lahat alam kung sino talaga ang kanilang hinahanap at hindi naman lahat ay sigurado na sa kung sino ang kanilang mga natagpuan pero ewan sabi nila ganoon daw talaga

ALPAS Volume 2 Issue No. 1

23


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.