ONLY FOR TRUE ISRAELITES

Page 78

SABWATAN SA GOLGOTA

Kilala mo ba si YAHSHU‟A ang pangalan ng Messiah na nagturo sa Israel 2,000 taon na ang nakakalipas ? Ang pangalang itinawag sa kanya ng kaniyang Hebreong magulang ay pangalang Hebreo na Yahshu‟a na isinusulat sa wikang Aramaic na YESHU‟A. Ang Aramaic na pangalang Yeshu‟a ay isinalin sa pangalang Greek na Iesous na binibigkas na Yeh-sous, at isinalin sa Latin na Iesus na binibigkas na Yay-sus at ng maimbento ang letrang „J‟ noong 1633 A.D. ay naisalin sa English na Jesus, mababasa sa „How Yeshu‟a Become Jesus‟ sa pahina “o”.

Mas Mahalaga ba ang pangalang Yahshu‟a kaysa Jesus ? Sa YahYah (Juan) 14:26 “ang Mang-aaliw na siyang Banal Na Ispiritu ay ipadadala ng Ama sa pamamagitan ng Aking Pangalan, at iyang Banal Na Ispiritung iyan ang siyang Magtuturo sa iyo ng lahat ng bagay at Magpapa-alala ng lahat ng sinabi ko sa iyo”. Ang pangalan niya nang binangit sa YahYah (Juan) 14:26 ay Yahshu‟a, hindi pa na-iisalin ang pangalan niya sa Iesous o Jesus, samakatwid ipadadala ng Amang Yahweh ang Banal Na Ispiritu sa pamamagitan ng Pangalang YAHSHU‟A. Bago tayo magpatuloy alam natin na bagong imbento lamang ang Letrang „J‟ kaya imposibleng Jesus ang pangalan ng Messiah, ganoon din ang pangalan ni Juan o „John‟ ay ang dapat ay „YahYah‟. Sa Israel ngayon ang tawag kay John ay „Yochanan‟ na isang kontradiksyon sa nakasulat sa YeremiYah (Jeremiah) 43:4 at sa Luke 1:61. Tangi ang Banal na Pangalan ni Yahweh na „Yah‟ sa Awit 68:4 ang may kapangyarihan na pagsalitaing-muli si ZechariYah sa Luke 1:22, Luke 1:59-64. Ang Semetic na kapatid na wika ng Hebreo at sa Arabic ang pangalan ni John ay „Yahya‟.

Si Yahshu‟a ang Messiah ay ANAK NI YAHWEH o ANAK NG TAO ? Noong kapanahunan pa ni Emperor Constantine na nagtatag ng Romano Katoliko ay pinagtatalunan na kung ang Messiah (na naisalin na sa pangalang Latin na „Iesus‟) ay „Anak ng Kataas-taasan‟ o „Anak ng Tao‟. Nang ipatawag ni Emperor Constantine noong 325 A.D. ang 1.800 na Bishop na ang dumalo ay 318 Bishop lamang sa Council of Nicea, ang pinagkatiwalaan ni Bishop Alexander na si Athanasius ay ipinipilit na si Iesus ay „Anak ng Kataas-taasan‟ at ang Banal na Ispiriti at ang Ama ay iisa o ang „Paniniwala sa Trinity‟. Si Arius naman ay ipinagpilitan na si Iesus ay „Anak ng Tao‟.

Si Yahshu‟a ay Anak Ni Yahweh: Sa geneology sa Luke 3:23-38 “Si Yahshu‟a ay magtatatlumpong taon na ay anak ni Yohseph na anak ni……. si Seth na anak ni Adam na Anak ni Yahweh”. Si Yahshu‟a raw ay anak ni Yohseph na ang ninuno ay si Adam na Anak ni Yahweh. Sa Genesis 6:2-4 sa kapanahunan ni Adam “At nakita ng mga „Anak ni Yahweh‟ na magaganda ang mga babaeng „Anak ng Tao‟ at pumili sila ng kani-kanilang mapapangasawa”. May mga higante sa mundo ng kapanahunang iyon, at ang naging supling ng Anak ni Yahweh sa mga babaeng Anak ng Tao ay naging Magigiting (Mighty men) o tinawag na Elohim.

ONLY FOR ISRAELITES

Page XXXI


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.