LV 2.5

Page 1


Heights tomo

lv

karapatang – ari

bilang 3 Š 2008

Reserbado ang karapatang-ari sa mga indibidwal na awtor ng mga akda sa isyung ito. Hindi maaaring ilathala, ipakopya o ipamudmod sa anumang anyo ang mga akda nang walang pahintulot ng mga awtor. Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan at pagkakataon ang kopyang ito. Maaaring makipag-ugnayan sa: Heights, Publications Room, Room 206, Gonzaga Hall Ateneo de Manila University, p.o. Box 154, Manila Telepono 426-6001 lokal 5448 thinking_chair@Heights-Ateneo.org www.Heights-Ateneo.org Heights ang Opisyal na Pampanitikan at Pansining na Publikasyon at Organisasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila. Dibuho sa Pabalat Elie Javier Disenyo at Paglalapat Stef Macam Inilimbag ng PerfectColor Prints sa Pilipinas


heigh ts

tomo lv bl g. 3

20 0

8



mula

sa patn ugot

Maraming kuwento tungkol sa Heights, mga kuwento ukol sa mga dating manunulat na minsang nailimbag sa mga pahina nito, mga manunulat na nagsilbing mga patnugot ng publikasyon at mga kasaping tuluyang nakilala dahil sa kanilang galing sa larangan ng panitikan at likhang sining. Mahalaga ang mga bagay na ito sapagkat hinuhubog nito ang pagkakakilanlan ng isang organisasyon at nagsisilbing gabay ang mga nagdaang karanasan ng publikasyon sa mga nais maging tapat sa mga pagpapahalagang kinakatawan nito. Ngunit hindi lahat ng mga kuwento’y naibabahagi sa mga sumusunod na henerasyon ng mga mag-aaral. May mga alaalang nababaon sa limot sa pagdaan ng panahon at may mga pagpapalagay na nabubuo ukol sa organisasyon at sa mga pinahahalagahan nito.   Sa pagdiriwang ng ika-55 na anibersaryo ng Heights, naging mahalaga sa patnugutan at maging sa lahat ng mga kasapi nito, ang pagtingin sa kayamanan ng kasaysayan ng Heights. Naging matunog na usapan sa mga kasapi ang hindi karaniwang nauusisang tanong na bakit nga ba Heights ang pangalan ng publikasyon. Tinatanggap lamang ito bilang isang katotohanan, isang bagay


na kinikilala at hindi na kinakailangang usisain pa. Marahil, ipinagpapalagay na may kinalaman ito sa mataas na paglipad ng agila bilang simbolo ng pamantasan o kaya’y sa pag-aakalang kailangang tingalain ang organisasyon dahil sa mga mataas na pamantayan nito. Ngunit sa pagbabasa ng kasaysayan ng Heights matutuklasan ang tunay ng dahilan. Noong 1952, pinalitan ang pangalan ng The Ateneo Quarterly, isang publikasyong pampanitikan ng Pamantasang Ateneo de Manila. Tinawag itong Heights dahil sa paglipat ng pamantasan mula sa patag na Padre Faura sa Maynila papunta sa maburol na Loyola Heights na kinaroroonan ng pamantasan hanggang sa kasalukuyang panahon.   Sa unang editoryal ng Heights, tinalakay ng mga patnugot ang pagkamatay ng panitikan sa pamantasan. Iminungkahi ng mga patnugot na ang kinakailangan (ng panitikan) ay isang disenteng libing. Sa kabila nito, sinabi ring masigasig na pagtatrabaho at pagsusulat lamang ang makapagbibigay-buhay muli sa panitikan. Sa katunayan, masasabing ang kamatayang ito’y isang suliraning hinaharap pa rin ng publikasyon sa kasalukuyan. Maaaring mahinuha mula sa mga pahayag ng mga patnugot ang pangamba sa tuluyang pagtamlay ng larangan ng panitikan sa pangkalahatan dulot ng kakulangan ng interes ng mga mag-aaral dito sa pamantasan pa lamang. Kung hahayaan ang ganitong sitwasyon, magbubunga ito ng siklo ng kakulangan ng magagaling na manunulat at kawalan ng mausisang mga mambabasa na magiging sangkap sa tuluyang pagkalugmok ng panitikan. May tiyak na maiaambag ang mga publikasyon ng mga pamantasan sa pagbuo ng katangian at pagkakakilanlan ng panitikan sa pangkalahatang nibel nito. Masasabing dito nakaugat ang maingat na pagbubuo ng pamantayan ng publikasyon.   Maaaring sabihin na may paralelismo sa pagitan ng pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas at ng panitikan sa loob ng pamantasan. Kaugnay nito, dati nang tinangka ng mga nagdaang patnugutan na gumawa ng pagsususuri ukol sa kasaysayan ng panitikan sa Heights. Ito’y isang pagtatangkang nagbunga ng isang makasaysayang pagsususuring naglayong bigyan ng katangian ang panitikan ng mga dekadang nagdaan at kilalanin nang lubusan ang publikasyon. Nagkaroon ng pagtingin sa pagbabagong nangyari mula sa dekada singkwenta hanggang dekada otsenta bilang paraan upang tukuyin ang patutunguhan ng Heights sa mga susunod na taon.

vi

heights

tula


  Naging matingkad sa pagsusuri ang mga suliraning nagbunga mula sa mga pagbabago. Halimbawa nito ang pangingibabaw ng tula sa sanaysay bilang mas kinagigiliwang uri ng panitikan simula noong dekada sisenta. Hinarap ng patnugutan ang pamamalasak ng pagtula sa pamamagitan ng paglalabas ng isang isyung naglalaman ng mga sanaysay lamang. Nagkaroon din ng pagbabago mula sa pagkiling sa tradisyunal na mga temang relihiyoso patungo sa pasyang ilathala ang kumakatawan sa pinakamahusay na mga akda tungkol sa iba’t ibang mga paksa at mga tema, ayon sa mga napiling larangan ng mga manunulat. Kapansin-pansin sa mga panahong ito na sa bawat paghakbang tungo sa pagbabago, nagkaroon ng pangambang tuluyang mamatay ang panitikan sa pamantasan. Kanya-kanya rin ang naging tugon ng bawat patnugutan sa mga pagbabagong ito. Sa patuloy na pag-unawa ng kasaysayang ito, nakikita na ang mga hakbang na ito ang tuluyang nagpabago sa mga nilalaman ng mga sumunod na isyu ng Heights. Dahil dito, masasabing sa kontekstong ito nagmumula ang pagpapasya ng publikasyong hindi tanawin bilang pangungutya ang patuloy na pagdidiin sa pagkalugmok ng panitikan. Sa halip, tinitingnan ito ng mga kasapi bilang paalala at hamon. Higit sa pagpapanatiling buhay ang Heights, hinahamon kaming bigyan ng karapat-dapat na pagpapatuloy ang mayamang tradisyon ng panitikan at sining ng Heights.   Sa taong ito, nagkaroon ng mahalagang pagbabago sa pagkakakilanlan sa Heights. Tinukoy ng publikasyon ang sarili nito bilang alagad hindi lamang ng panitikan kung hindi maging ng sining. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagkilala sa sarili nito bilang opisyal na publikasyong pampanitikan at pansining ng Ateneo de Manila. Katangi-tangi sa pagbabagong ito ang pagkilala sa iniambag ng sining biswal sa kalidad ng mga isyu sa mga nagdaang taon. Naging mainit ang aming pagtanggap ng mga tradisyonal at makabagong uri ng likhang sining sa harap ng pagpapatibay ng Programang Fine Arts at sa patuloy na paglabas ng mga dibuhistang nag-aangat ng kalidad ng sining biswal sa pamantasan.   Sa bawat taong nagdaan, kung saan hinaharap ang isyu ng tuluyang pagkamatay ng panitikan, nakapaglilimbag pa rin ng isyu ang Heights. Hindi maikakailang pabago-bago ang kapal at kalidad ng bawat isyu ngunit malinaw ang sagot ng mga manunulat at dibuhista ng Ateneo ukol sa hamon nito. Hindi pa handang magpalibing ang panitikan, at lalong hindi pa handang

vii


magpalibing ang Heights. Habang may mag-aaral, guro at kawaning naniniwala sa kakayahan ng panitikan at likhang sining na magpahiwatig ng mga kaisipan at saloobin, magsisilbing pamamaraan ang Heights upang maipahayag nila ito sa komunidad ng Ateneo. Higit pa roon, nilalayon ng Heights magkaroon ng mga gawain kung saan maaaring makilala at makasama ng mga Atenista ang mga kapwa manunulat at dibuhistang nagnanais ding patuloy na linangin ang kanilang mga kakayahan sa mga napiling larangan sa pag-asang makabuo ng higit na mausisang komunidad ng mga manunulat at mambabasa.   Sa loob ng mga pahinang ito, hayaan ninyo kaming ipakilala sa inyo ang panibagong henerasyon ng mga manunulat at dibuhistang nangahas ipagpatuloy ang tradisyon ng kahusayan ng Heights.

Audrey N. Trinidad katuwang na patnugot Pebrero 2008

viii

tula

heights


n ma a l a nil Tula 2

Rofel G. Brion Sa Tren

3

Christoffer Mitch Cerda Sa Tuktok ng Empire State Building

5

Ruel S. De Vera Clean

Twink le Delos Reyes 7 Paghahanda sa Paglimot 9 Walang Lugar ang Makata 11 Kalingkingan Jan Brandon Dollente 13 Dahil Natutuyo ang Luha 14 Heto ang Isang Tula Martin Gonzales 15 Revenge Fantasy 17 We Know This Much Walther Hontiveros 18 Ka_ _ _ _ n Julio Julongbayan 19 Moksha Petra Magno 20 “you think my life’s going to get any simpler?”


Kristian Mamforte 21 Tama Ang Manghuhula 24 Solar Eclipse Kevin Marin 26 Mahirap Maging Lalaki Geran Piquero 27 Hithit Buga Ali Sangalang 28 Ulam Jason Tabinas 29 Numen 30 Ang Nais Ko Para Sa Ating Dalawa 31 Saranggola

33

Audrey Trinidad BanggĂŽ

Tuluyan

Christoffer Mitch Cerda 36 Pag-uwi Gerald Pascua 50 Hiraya Manawari Manariwa Harinawa

55

Kathleen Ramos Tatawa na ’yan!

Martin Villanueva 60 Of Golf, Nature, and the Art of Communion

Alvin B. Yapan 64 Himala


Sining

Wilford Almoro 83 The never ending possibilities of freedom 84 Trophy Girlfriend Jessica Amanda Bauza 85 Euphoria 86 It’s All in Your Head Glenda Grace R. Lapid 87 Synaesthesia 88 Morgan La Fay 89 Puck JPaul Marasigan 90 Cassiel

91

Alyza Taguilaso The Prophet



tula


Sa Tren Rofel G. Brion

Samantalang ineensayo ko sa isip ang gagawin ko sa mga klaseng dadatnan ko sa unibersidad, napasulyap ako sa kasakay kong nakatayo sa aking harap, nakakawing ang kamay sa bakal na sabitan, nakahilig ang ulo sa braso, at matamang nagbabasa. Hindi ng munting peryodikong napupulot bago sumakay sa escalator, kundi ng isang aklat na hindi ko makita ang pamagat dahil natatakpan ng malaking sobre ang pabalat.   Gusto ko sanang silipin ang binabasa niya, para malaman kung ano ang nagpapakibot ng kanyang labi, minsa’y nagpapakunot ng kanyang noo, minsa’y nagpapangiti, minsa’y nagpapapikit na wari’y nasasarapan, minsa’y nagpapatitig sa malayo, sa kabila ng bintana ng tren, sa kabila ang mga tanawing mabilis na mabilis na lumalampas.   Natukso akong hindi bumaba sa aking dapat hintuan, panoorin na lamang ang kasakay kong nagbabasa, bumaba rin sa bababaan niya, sundan siya kung saan siya humantong, tuklasin ang iba pang magpapakibot ng kanyang labi, magpapakunot ng kanyang noo, magpapangiti, mapapapikit kapag nasasarapan, magpapatitig sa malayo, sa kabila ang anumang kanyang matatanaw, ng anumang mabilis na lalampas.

heights

tuluyan


Sa Tuktok ng Empire State Building Christoffer Mitch Cerda

Hindi niya ako sinamahan. Natatakot daw siya Sa mga matataas, sa pagkalula. Mag-isa akong pumanhik Dahil sabik na maranasan ang kakaibang rurok sa aming pagdayo. “Wala naman dapat katakutan,� sasabihin ko sa kanya Pagbaba. Yayain ko ulit siyang samahan ako Subalit nagdalawang-isip dahil sa nadatnan. Nakapangingilabot Ang tumambad: mga gusaling nagmistulang punggok na laruan Napapalibutan ng mga kalyeng tila sugat sa lupa. Tila nakalmot na nga ang langit at nakamkam ang isang sulok, Ang taas na hindi madapuan ng mga ibong Mababa ang panaginip. Ngunit hindi ko natagpuan Ang kadakilaan kundi kaliitan. Langgam lamang ako Kung titingala siya. Gusto kong lumapit sa gilid Ng observation deck at dumungaw upang kumaway Subalit may bakod na humarang. At hindi ako nalula Habang nag-uunat dahil pinag-isa sa abot-tanaw ang himpapawid


Sa sansinukob. Dumating ang pagnanasang Tumalon, habang pinipilit makita ang bangketa mula sa tuktok, Dahil nakapangungulila ang tayog. Mag-isa akong bumaba Sakay ng elevator. Inaasam kong makasama siyang muli.

heights

tula


Clean

Ruel S. De Vera Never enough of a dreamcatcher, I’ve all too often veered deep into the vicinity of grief, and, mindful of how Objects in mirror are closer than they appear, I’ve learned to call upon what can dull the knives of the night: Sudoku, garage door openers, U2, 65-mph speed limits, pills pale as the doomed moon, each sold separately. Don’t let them down. But being too fearful of what I don’t yet know but will surely love unconditionally. I swear to and then quickly eschew the pull of ponytails, black turtlenecks, junk food, this


performance art of unlatching and snapping suitcases shut. Don’t let them down. Because there is no rest for the unmedicated, my vision, burnished by red eyes and green lights, slips and slides, seeing signs everywhere. I spy the wraith of a jet dividing the clear sky into before and after. A man on the carousel won’t stop talking on his cellphone. Saving yourself comes first, prefabricating the Rapture comes next, then comes the hardest part, that last dance that lasts, choking down how everyone’s disappointed I’m not as damaged as I used to be.

heights

tula


Maningning Miclat Award Mula sa Bilang Babae

Paghahanda sa Paglimot

Twinkle Delos Reyes

Imagine yourself a caterpillar.

you’re beautiful for as long as you live.

There’s an awful shrug and, suddenly,

– Stephen Dunn,

Too Busy To Read Poetry

Poem For People That Are Understandably

Umpisahan mo nang itago ang mga sulat niyang noon ay araw-araw dumarating nang walang mintis. Umpisahan mo nang kalasin ang kaniyang mga litrato, lalo na ang mga kuhang magkasama kayo. Palitan ang malaking kama: hindi mo na kailangan ng malaking espasyo kung malapit ka na ring muling mag-isa. Iwasan ang pagbili ng pagkain para sa dalawa. Sa susunod na pumunta ka sa restawran, iyong hihingin ay mesang pang-isahan lamang. Hindi mo na nga dapat binabanggit ang pangalan niya ngayon. Hayaan mong mapunta ito sa kasuluk-sulukan ng iyong isipan.


Kaya mo ring mang-iwan. Sa susunod na ika’y kaniyang tawagan, huwag kang matakot na sabihin ang, Hindi na kita kailangan. At sa sandaling matagpuan ang sariling mag-isa, huwag mo itong kalilimutan: katulad ng buhay ng isang maliit na higad ang iyong kapalaran. Pagkaraan ng tila kaytagal na pakikipagbuno, mula sa kukun ay malaya kang uusbong, at magpahanggang-wakas na dadaloy sa iyo ang pinung-pinong kaligayahan ng mundo.

heights

tula


Mula sa Bilang Babae

Walang Lugar ang Makata Walang lugar ang makata sa bahay na ito, sambit ng mga matatanda sa maliit na batang mahilig humabi ng mga salita. Itabi, itabi ang mga tula. Maiintindihan mo rin pag tumanda ka, sabi nila. Hindi na siya nagsalita, tumahimik, tumabi, sa isang banda maari rin namang tama sila: baka nga mas maganda na lumaking busog kahit hindi masaya. Walang silbi ang sukat at tugma sa kumakalam na sikmura. Pumasok siya sa kaniyang silid, at nakita ang mga libu-libong papel na nagkalat, ang lahat-lahat ng kaniyang ligaya, mga pirasong ni singko ay walang halaga, ngunit tila barya-baryang inipon sa bawat panahon na dadalaw ang musa. Tinipon niya ang mga obra,


at nagsimula sa pagpilas ng bawat damdamin, alaala, panaginip, ideya, luha, lihim na isinulat sa bawat pagkakataon. Isa-isa niyang isinubo ang mga tula. Ninamnam. Nginuya. Buong maghapon niyang kinain ang kaniyang mga salita.

10

heights

tula


Mula sa Bilang Babae

Kalingkingan Pilit kong itinatago ang iyong pangalan sa kaibuturan ng aking sarili: isinisiksik ko ang bawat letra maging sa ilalim ng talukap ng mata, ikinukubli ang mga pantig sa ilalim ng aking dila. Hindi ko nais umimik, ngunit ang bawat titik ay nagpupumilit sa aking iluwa itong ngalan mong muli’t muli kong nilulunok. Pati ang mga kamay ko’y nagsasalikop para ihalukipkip ang sarili, ang mga braso’y nag-aakmang yakapin ang katawang nanginginig sa pagsubok na kimkimin itong pag-ibig. Ngunit sa bawat pagtinag ay hindi kita mailihim: Sa tuwing ako’y magsusuklay dumudulas ang pangalan mo sa mga hibla ng aking buhok, mula sa anit hanggang sa dulung-dulo.

11


Sa tuwing ako’y magkakamot kumakalmot ang pangalan mong madiin ang hagod sa maselan kong balat, mahal, mahal: kahit ano pang pagkukubli ko sa ngalan mong muli’t muling bumubulong sa isipan, nariyan ka’t sumisigaw sa bawat bahagi ng aking katawan hanggang sa kalingkingan.

12

heights

tula


Dahil Natutuyo ang Luha* Jan Brandon Dollente

Narito akong muli sa silid. Sa dilim na dulot ng sarili kong pagpatay ng ilaw, susubukin kong magsalaysay tungkol sa mga aandap-andap na ilawposte sa aking paglalakad pauwi. Ngunit walang bigat ang pagsasalaysay. Kung meron ka mang maramdamang malamig na kamay na hahagod sa iyong likod, dahil lamang ito sa mga linyang aking hiniram – abo sa dila, tinig na simbigat ng tingga – na hindi ko alam kung paano gagamitin. Parang ang kahon sa ilalim ng aking higaan na aking pinangakuan na pupunuan ng mga makahulugang bagay: liham, luha, alikabok, tula, lapis, bubog, tibok, alaala. Ngunit mabilis akong makalimot. Tulad ngayon, inibig ko lang sabihin ang ibig sabihin ng pagtatampok ng mga ilaw sa mga anino sa gilid ng mahabang kalye na aking nilakaran, ngunit narito ako sa dilim at nagsusulat tungkol sa paglimot. Sana umabot sa iyo, maunawaing mambabasa, ang bakas ng mga pumatak kong luha na natutuyo dahandahan sa papel na aking sinusulatan. * Mga linya ni Mikael Co ang “abo sa dila” at “tinig na simbigat ng tingga” 13


Unang Gantimpala

2007 Timpalak Tula

Kagawaran ng Filipino

Heto ang Isang Tula Nang malimot ng makata kung paano tumula, naglakad siya at pinagmasdan ang mga nadurog na bato sa gilid ng daan. Paano nga ulit? May mga nadurog na bato sa gilid ng daan. Isang matinding imahen? Inilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang isang munting imahen ng santong hubad. Mayamang paglalarawan? Huwad na ginto, anyong sanggol, nakatayo ang ari. Matigas ang kaniyang pananalig sa binasbasang anting-anting ng pag-ibig. Linyang balot sa talinhaga? Hubad ba ito? Nagdadalamhati ako, totoo. Ngunit hindi pa rin ito tula: inulan ng mga patak ng luha ng nalulungkot na santo ang mga bato sa gilid ng daan. Ito ang dahilan ng kanilang pagkadurog. Pinagtatanghal na katotohanan? Nalimot na ng makata kung paano tumula ngunit kumuha siya ng papel at panulat at nagsimula: Heto ang isang tula nang malimot ng makata. 14

heights

tula


Revenge Fantasy Martin Gonzales

How many times have I had to kill you? Too many. You are stubborn as the undead in a videogame; even buzzsaws are not enough. There is always another version of you to contend with, another scrapwork of the memory: here are eyes where I appraised my loveliness, here a tongue that knew where I kept saltiest, and here loins that shuddered with life because I was a great lay, wasn’t I? I’ve harvested the graves of my mind for you. I’m Victor Frankenstein with a nihilist complex, and you are the perfect creation though I cannot see your face. Men are all the same anyway: a gutful of clichés you use to part with, those same reasons why we aren’t made for each other. There is always someone better. So it’s taken more than lightning bolts to put you together. How much of you is my wrenched heart ticking the nights away, these hands more precise than surgeons, the body an automaton with a mission. I’ve defied life 15


so that I could murder you a hundred lovely ways in my head. Yet each time you brightened with electric volts, you were stimulated by my needles. Each time you came back, bloated with death or was it resurrection? If this is the secret to something immortal, let’s keep it between us. Maybe we’ve finally revised that flaw of the waking world: the perishable nature of human love. Maybe now I can keep you as long as I want. I can sharpen the blades until they cut through like surgery. I can stroke your neck so gently my fingers won’t seem like the wires they become. I’ll take care of you in ways that love does not allow: to have and to hold; even deaths cannot part us. You are mine. You will not leave me. Only I with my infinite mercy can unwill this. Only I with my benevolent heart can send you back into the dirt of my mind, leaving my hands still bloodied, wondering Who’s next? Who’s next?

16

heights

tula


We Know This Much    for a friend, and millions more

What we knew of love was a man looking at a woman, a man holding a woman, a man fucking a woman. So many Sundays echoed God meant things this way. Science was the proof of what life demanded: our mothers and our fathers. Mothers, fathers. What do we do with this? That night that grew heavy like Wednesday’s ash on our skins, reminding us that we all had the same mortal price. So I told you maybe I could love you, or already did. You kept silent. Instead your hands spoke as you touched me: no need to let the sadness blossom in our ears. No way to live, according to this world. Between us, no way to make life. Did you feel emptiness when you fucked me in the dark of the motel room? The night lifting kept us from each other, boys uncertain of the games they played. They told us love could never be like this. Mothers who meant well and priests who polished Lenten crucifixes with their lips, praying for eternal life. Maybe they were right, that two boys that held each other were simply lost. The dark hours stand thick: were we trying to find a way back into the light? But we keep coming back to this: where our names might forever be in shadows or where in spite of everything we might never know love. Still, let us learn that we live before we ask. All that matters now is you looking at me, you looking at me. And when you begin to doubt that brightness can ever fill us, do not be afraid: I will burnish you with so many kisses.

17


Ka____n Walther Hontiveros

May ipinahihiwatig ang

na walang tuldok na makapagtatapos nito sapagkat nagsisimula at nagtatapos ang lahat sa

18

heights

tula


Moksha Julio Julongbayan

Kagabi, habang nakatayo sa bangin, Tiningala ko sa dagat Ang lawak at lalim ng langit At nabatid kong umaalon Ang makikislap na titig Ng mga bituing Nagtatanong sa akin “Kailan ka namin makakapiling?�

19


“you think my life’s going to get any simpler?� Petra Magno

with the onset of menopause, my mother puts everything in her life on hold. she quits her job, thinks of teaching. she wonders what else there is to learn. makes us dinner, drives us to school. we wonder where to store the sudden overflowing of affection. tonight she has begun to knit. i watch from over a book as, her tongue between her teeth, she pulls the stitches tighter into place, creating something i cannot recognize from here.

20

heights

tula


Ikalawang Gantimpala 2007 Timpalak Tula

Kagawaran ng Filipino

Tama ang Manghuhula Kristian Mamforte

Tama ang manghuhula, ang sabi niya habang papalayo sa posteng pabagsak. Wala siyang iniwang sandali upang lingunin ang humahabol na kamatayan sa kaniyang likuran. Tama ang manghuhula: sa pagkakabunot ng itim na baraha mula sa maguhit na palad, sa lilim ng sandaling alamin ang hinaharap, natuklasang nasa bingit na ng karit ang nalalabi niyang oras. Nagpasalamat siya, mabuti nang malaman nang maaga, aniya. Kaya pinarami niya ang kaniyang mga mata. Pinalaki ang tainga. Mahigpit na isinuot sa katawan ang pandama. Tama ang manghuhula bagaman ilang beses na siyang nagtagumpay na iwasan ang mga bigong tangka: ang paparating na bus sa tagilirin sa pagtawid, ang bala ng baril na dumaplis sa tainga, ang pagsakay sana sa lulubog na barko. Ngunit mariin ang naging babala ng manghuhulang lawlaw na ang balat: hinding-hindi matatakasan ang naitakda. Hindi pa pumapalyang magmapa ng landas ang kaniyang baraha sa piling ng kumulubot na niyang palad. Nang isalaysay niya ang napipintong kamatayan sa kamag-anak, kaibigan, ka-opisina’t kakilala, lubhang nangamba ang lahat sa kaniyang kabaliwan! Iniwasan siya’t kinatakutan sa bitbit niyang kamatayan. Kaya mula nang marinig ang hula’y sampung taon na rin siyang ‘di mapakali, paroo’t parito ang galaw, laging waring nakakikita ng multo sa paligid. Unti-unti, binihisan ng grasa ang buo niyang katawan sa paghabol sa panahon. Nakaukit sa balat ang naiwang yapak ng panahong dumausdos lamang sa kaniyang balat. Sa gabi’y binabalot siya ng takot, paano kung tuluyan nang mapinid ang mga mata kung sakaling siya’y magparaya sa tulog? Paano matatakasan ang kamatayan kung bawat pagpikit ng sandali’y nakaamba ang kaniyang paparating na paglusob? Kaya kailanma’y hindi siya natulog. Bigo ang panaginip sa mga paanyaya nito sapagkat aniya’y hindi maaaring isuko ang nakikita. Wala nang nakakita sa kaniya sa iisang lugar sapagkat lagi’t lagi siyang tumatakbo. Tatalilis sa harap ng mga restwaran,

21


22

heights

tula


tutuloy sa ilalim ng mga tulay, kakaripas sa gilid ng mga gusali, lalampasan ang simbahan, lulusong sa mga eskinita ng lungsod at tuwing huhugot lamang ng malalim na hininga siya humihinto. Kinatakutan ng lahat ang kalansing ng lata (na nakakabit sa kaniyang kanang paa) sapagkat ipinapaalala niyon na papalapit na ang Baliw, dala-dala ang kamatayan. Ngunit maliban doo’y waring hangin lamang siyang lumalagos sa paligid. Walang matang napupukaw sa mabilis niyang pagdaan tulad ng marahang kislot ng mga daliri ng orasang walang nangangahas tumitig. Wala nang nakakikilala sa kaniya. Kinalimutan niya ang mundo at maging ang mundo’y kinalimutan siya. Tama ang manghuhula: ang muli niyang tugon sa panahon. Ating matutunghayan sa kaniyang mga mata ang nasang pagtakas sa liwanag, bukang-liwayway na tumatahak sa kaniyang likuran habang hinahabol ang bilis ng pintig ng kinakabog niyang puso at ang ragasa ng daloy ng dugong patuloy rin ang takbo. Tama ang manghuhula: sa pagtatangkang takasan ang kamatayan, ano’t nakaligtaan niyang mabuhay.

23


Solar Eclipse Kristian Mamforte

Malas, ang awtomatikong sabi ni lola sa harap ng telebisyon habang unti-unting nagkakahugis ang aparisyon ng balita sa kaniyang tuon. Kinabukasan, nakatakdang lamunin ng buwan ang araw. Pinag-impake niya kami. Kailangang agad kaming makatakas sa tiyak na delubyong paparating. Walang nakahindi. Pagkaraan, iniwasan niyang tumingala sa langit— waring manananggal sa madaling-araw na takot makita ang banta ng bukang-liwayway at nakayuko siyang nagdasal. Pinagtulos niya kami ng kandila. Para lamang sa simpleng mekanismo ng kalikasan? Hindi niya ito maiintindihan, katwiran ko sa isip. Kinaumagahan, madilim na ang langit bago pa kami makaalis. Tumingala ang lahat maging si lola na nasa aking tagiliran. Laging mahigpit ang kapit. Ngunit sadyang ninakaw ngayon ng mga kapre ang buwan: Ano ang naroon sa aming pagtingala kundi ang makakapal na itim na usok na ibinubuga ng mga sasakya’t pabrika

24

heights

tula


na hindi mahawi-hawi ng paningin. Malas, nanghihinayang na sabi ni lola sabay dura sa lupa.

25


Mahirap Maging Lalaki Kevin Marin

Sa panahong may mga tatay na nanggagahasa ng kanilang mga anak na babae, na tuluyang magpuputa at titiisin ang tatlong kostumer gabi-gabi makabili lamang ng gatas sa sanggol na magpuputa rin paglaki. Mahirap maging lalaki sa panahong ito ang laman ng diyaryong dadalhin sa banyo para pagparausan. Pipiliting burahin sa isipan at nang tayuan, walang libog at pagnanasa, gusto lang labasan. Magsasalsal na para bang iihi lang. At sisirit ang malabnaw na semilya.

26

heights

tula


Hithit Buga Geran Piquero

Sumakit aking dibdib nang nalaman kong diyan sa kanto may bagong suki ng sigarilyong kindat ang binabayad at may ngiti sa iyong mga sukli. Hindi dahil lang ito sa sinindihan ko kanina. Matagal ko nang binili iyon sa tindahan mo at lukot na pala sa bulsa ko. Mahirap pala kalimutan ang pagitan niyo. Hindi sana magaya sa upos ng sigarilyo ang daing na ibinubuga ko.

27


Ulam

Ali Sangalang Samantalang iniuulat sa telebisyon ang nilalangaw nang katawan ng mamang natagpuang nakahandusay sa daan, abalang-abala ang kamay ni Ina sa pagbugaw ng langaw mula sa lumalamig na naming ulam.

28

heights

tula


Ikatlong Gantimpala 2007 Timpalak Tula

Kagawaran ng Filipino

Numen Jason Tabinas

Hindi ka malagom ng buo kong katawan kahit laging nasa paligid, loob, likod… sapagkat ika’y wala sa kahon ng laman. Binubulag ng liwanag ang kaitiman ng mata sa bawat pagdatal ng ’yong buod. Hindi ka malagom ng buo kong katawan gayong sumusuot ang hanging binasbasan sa bawat sidhay, at nag-iiwan ng lugod. Sapagkat ika’y wala sa kahon ng laman, di matunton ang bakas ng bawat pagdaan t’wing ang buto’y binubuhat sa pusong puntod. Hindi ka malagom ng buo kong katawan bagaman sa bawat oras, ang kaakuhan ay iniinom ang bumubukal mong birtud. Sapagkat ika’y wala sa kahon ng laman, tulay ng kawalan ang tatawiring daan ng kalulwang sa kalubusan mo’y tatanghod. Hindi ka malagom ng buo kong katawan sapagkat ika’y wala sa kahon ng laman.

29


Ang Nais Ko Para Sa Ating Dalawa

Ang matapang na lalaki’y

Binibigkas ang kanyang pag-ibig

May handog na pumpon ng liwanag, At inililigtas ako sa bitag ng panghuhula Kung ano ang kanyang iniisip.

– Rebecca T. Anonuevo,

Ang Hinahanap ko sa Lalaki

Hayaan mo’t ilalahad nang lubos. Huhubding pigil ang telang talulot at sa gandang-lantad na matatalos, tamis mo’y iinuming walang-tugot. Sa dalawang abukado mong hubad, ang palad na kopa ay ihihimpil. Ang lalim ng laman mo’y ibababad sa init, pipintog sa bawat pisil. Ang sagwan ay marahang ilulusong sa kalis mong karagatan ng alak; susuungin ang ’yong bawat daluyong, sa kaibuturan mo’y maglalaklak. Babae, sa rurok, nais matikman: ganap na nagsanib, kalulwa’t laman.

30

heights

tula


Saranggola i Sinlaki ng ibon sa tanaw ng mga batang asam ang kaitaasan. Makinis ang pagsunggab pakaliwa’t pakanan sa pag-iwa sa hangin. Ito ang makalangit na kapalaran ng nakalilipad: walang galos na natatamo sa pagkadapa sa habulan. Pilit inaabot ng mga kamay sa paglukso’t pagkampay. Walang mahawakan. Hindi matunton maging ang lubid o mayhawak.

ii Sinasakyan ng tingin ang paglutang mula sa mandala. Namimigat ang paang kakabit ang alabok at putik ng buhay. Tumutungo sa namimilog na butil ang tangkay. Tahimik na sinisipsip ng hangin ang alingasaw.

31


Sa kanyang saklaw, kaya bang dalhin ang bigat ng pagbubungkal? Nakikita kaya ng nasa taas ang ilog na tigang at nadarama ang init ng araw?

iii Walang ibon ang lumalapit sa abot ng saklaw. Itinataboy ng hugong ng gomang nakatali sa dulo ng lubid sa bawat pagliko’t pagsunggab. Hindi maunawaan kung bakit pita ng mga nasa lupa ang kalagayan: Sinasaklaw ang lawak ng palayan, ulap ang kaulayaw. Hinihila ang sarili tuwing pilit iniaangat ng hangin. Mababali ang gulugod, ang katawang manipis mabubutas sa pag-abot sa rurok ng kapangyarihan. Walang masalat matapos ang hilaan.

32

heights

tula


BanggĂŽ Audrey Trinidad

Bakas sa iyong tindig Ang paglipas ng mga taon, Mga taong tanda ng pagkupas Ng mga gulanit na damit Sa guhit ng iyong mga palad Nakaukit ang karupukang sagad hanggang buto Sa lugar na ito kung saan tila pare-pareho Na rin ang pagbabagong Dala ng panahon Sa marahan mong tinig, Ipinapahiwatig ang mga damdaming Hindi natin inasahang makapagbabago; Sa pagpatak ng bawat nota Hinahabol natin ang bawat minuto, At kinokolekta ang mga kumakaripas Na sandali Sa gitna ng pangungulila Ganito kitang nais mahalin

33


34

heights

tula


tulu yan


Pag-uwi

Christoffer Mitch Cerda

Nagising ako dahil sa lamig. Napaidlip ako pagkalipad na pagkalipad ng eroplano. Nagpuyat kasi ako kagabi dahil sa paghahanda ng mga bagahe. Bahagya akong nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana. Napakaliwanag ng mga ulap. Bahagyang kinontra ng init ng sinag ng araw ang napakalamig na aircon ng eroplano.   Mabilis ang paglampas ng mga ulap sa labas ng bintana. Napansin ko ang manipis na yelong namuo sa bintana. Nabuo ito sa pagitan ng dalawang makapal na salamin ng bintana. Nasa isang sulok lang ito, sa ibaba. Nakapagtataka kung paano nabuo ang yelo doon. Dahil kaya sa aircon? Marahil sa lamig sa labas. Yung tipo ng lamig dahil nasa mataas na lugar.   Katulad marahil sa Tagaytay. Nagbakasyon kami noon sa Tagaytay nang minsang nakauwi si Nanay ng Filipinas. Lamig na lamig ako noon sa Tagaytay. Pero hindi man lang nanginig si Nanay. Isang taon pa lang siya sa Amerika’y nasanay na siya sa lamig. Tinapik-tapik ko ang salamin ng bintana, kung maaalis ba ang yelo. Pero hindi natinag ang yelo.   Nanlalamig na ang aking mga daliri at pinagkiskis ko ang aking mga palad. Hinding-hindi ko talaga gusto ang malamig. Kaya hindi ko gusto ang mga taglamig sa Amerika. Noong una’y natuwa ako. Pero hindi ko inaasahang napakalamig pala talaga ng mga taglamig. Kinasusuklaman ko ang pagdating ng taglamig. Nangatal ako nang husto sa unang mga araw kapag nag-snow. Nang una kong mahawakan ang isang snowflake, mabilis itong natunaw sa aking palad. Naging tubig. Napakalamig na tubig. Una naming paglabas noon ni Nanay sa New York. Malakas ang pagbagsak ng snow noong nakalipas na mga araw. Hindi marahil magandang

36

heights

tuluyan


mamasyal sa ganoong lamig. Ngunit sinamantala namin ang pagkakataon habang maluwag ang oras ni Nanay. Dinala niya ako sa lahat ng mga mahahalagang lugar sa New York. Sa Empire State Building. Sa Rockefeller Center. Sa Madison Square Garden. Huli naming pinuntahan ang Central Park noong araw na iyon. Natabunan ng snow ang lahat, ang lupa, ang mga dahon at halaman. Parang patay ang lahat sa ilalim ng snow maliban sa mga batang naglalaro noon sa snow. Doon ko unang inasam ang Filipinas. Ninais kong bumalik sa mga tag-init na paglalaro naming magkakaibigan, magkakapitbahay at magpipinsan ng habulan, langit-lupa, sikyo, at patintero sa kainitan ng hapon. Hindi namin pinansin ang init, gabok, galos at pawis. Naglalaro kami noon hanggang mapagod. At pag-uwi, inuutusan ako ni Tatay na maligo’t magbihis. Hindi ko maiiwasang mapaidlip pagkatapos at ginigising ako ni Tatay para maghapunan.   “Clouds!” sigaw ng isang batang lalaki. Sinilip ko mula sa gilid ang upuang nasa harapan ko. May isang kamay, batang kamay, na nakadampi sa bintanang katabi ng upuang iyon. Nakangiti ang mukhang nasa bintanang dinampian ng kamay. “Mommy, it’s cold!” Ginaya ko ang batang kamay. Dinampi ko ang aking palad sa salamin at dinama ang lamig. Wala pa ring katinag-tinag ang yelo sa pagitan ng mga salamin.   Malamig din ang salamin sa ataul ni Tatay. Pansin ko ang mga peklat sa kanyang mukha dulot ng aksidente. Mabangong-mabango ang lahat ng bulaklak at maliwanag na maliwanag ang sala ng aming bahay. Kararating lang ni Nanay galing Amerika at magkatabi sila ni Lola sa pagbabantay kay Tatay. Gusto kong mahawakan si Tatay kaya ko dinampi ang aking kamay sa salamin.   “Mommy, you’re not listening to me.”   “I’m listening. Huwag kang masyadong maingay, okey? Lolo and Lola doesn’t like noisy people.”   “Okey.”   “Don’t mind him, Pam. Excited lang siya,” sabi ng isang lalaking boses.   Tinanggal ko ang aking kamay mula sa salamin at binaba ko nang bahagya ang takip ng bintana. Ngunit kita ko pa rin ang yelo. Parang mga ugat ng isang dahon ang pagkakabuo ng yelo. Nakinang ang liwanag sa pagdaloy nito sa yelo. Nalabas ang mga kulay ng liwanag. Pinatama ko ang liwanag sa aking palad at kitang-kita ang mga hibla ng kulay, pula, asul, berde, dilaw.   “Filipino ka ba?” tanong ng babaeng katabi ko.

37


Nagitla ako sa kanya at bigla kong binababa ang aking kamay.   “Opo.”   “Filipino nga siya, Roger,” sabi ng babae sa kanyang kasama.   Nanonood ng pelikula si Roger. Isang pelikula tungkol sa isang espiyang may amnesia ang in-flight movie. Napanood ko na ito sa sinehan. Naabala si Roger sa panonood dahil sa pagkulbit ng babae. Maputi ang buhok ni Roger at may linya na ang mga gilid ng kanyang mga mata. Ngumiti’t tumango si Roger sa akin at bumalik siya sa panonood ng pelikula. Inayos niya ang pagkakalagay ng earphones sa kanyang ulo.   Mahilig manood ng pelikula si Tatay. Madalas siyang mag-uwi ng vhs at, kinalaunan, ng vcd na hinihiram niya mula sa mga pahiraman. Paborito niya ang maaksiyong pelikula, mga pinagbibidahan nina fpj, Lito Lapid, Bruce Willis, Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, at iba pa. Pagminsan, nag-uuwi siya ng mga cartoons para ipapanood sa akin. Kagaya ni Roger, tahimik lang siyang manood ng pelikula. Hindi siya natatawa o nagugulat sa mga nangyayari sa pelikula. Habang ako’y nakikisabay sa pelikula. Pagtawa sa mga katatawanan. Pagkagulat sa mga pagsabog. Pagminsa’y pinipigil ko ang sarili ko. Hindi ko gustong maabala si Tatay. Kaya kapag nahiram ako ng pelikula sa Blockbuster at pinapanood sa bahay, tahimik akong manood at namamalayan ko na lang na wala nga pala siya doon. Sigurado akong magugustuhan ni Tatay ang pelikulang pinapanood ni Roger.   “Kanina pa sana kita gustong tanungin. Pero nakatulog ka agad kasi e,” sabi ng babae.   “Galing pa ho kasi akong New York. Medyo matagal na ho ang lipad ko.”   “Saan ka ba uuwi?”   “Laguna ho.”   “Pupunta naman kami sa reunion namin sa Bulacan. Five years din kaming hindi nakakauwi ni Roger. Ako nga pala si Marcy. Ito ang asawa ko, si Roger.”   “Enzo po.”   “Kasama sana ang anak naming babae pero sa susunod na linggo pa siya makakaalis. Madami-dami pa kasi ang trabahong kailangan niyang asikasuhin. Nagtatrabaho siya sa isang computer company. Nasa Filipinas ba ang mga magulang mo?”   “Hindi po. Nasa Amerika rin si Nanay.”   “Ang Tatay mo nasa Filipinas?”

38

heights

tuluyan


Tumango lang ako.   “Sigurado akong matutuwa siya.” Sabi ni Marcy nang may ngiti.   Nang malaman ni Tatay na magbabakasyon si Nanay, tulirong-tuliro siya. Halos siya lang mag-isa ang naglinis ng bahay. Paminsan-minsan, natulong ako at si Lola. Kalimitan niya akong pagalitan dahil sa mga paglalaro ko at pagkakalat ng mga laruan. Marahil ginusto niyang ipakitang maayos ang lahat kahit na wala si Nanay. Na walang problema habang wala si Nanay.   Una iyong pag-uwi ni Nanay. Nakaupo noon sa isang plastik na upuan si Lola. Palakad-lakad si Tatay sa likuran ko. Nakaangkas naman ako sa bakal ng bakod sa airport habang hinintay namin ang paglabas ni Nanay. Kupas na ang pintura marahil dahil sa libo-libong nauna sa akin na naghintay rin sa isang pagbabalik. Nang kaunin namin ulit si Nanay, pininturahan na ulit ang mga bakal. Marahil kupas na ulit ito sa pagbalik ko ngayon. Matagal nang lumapag ang eroplano ni Nanay. Kapag may lumabas, iuunat ko ang aking ulo, titigil sa paglalakad si Tatay, tatayo si Lola. At kung wala pa siya, babalik kami sa paghihintay. May lumabas uling mga tao at inisa-isa ko sila. Sinipat ang kanilang tangkad, damit, kulay ng balat, dala-dalang bagahe, mga mukha. Hanggang makita ko si Nanay, nakalunggay ang kanyang buhok, nakamaong, nakapulang t-shirt. Nakasukbit sa kanyang likod ang isang backpack na punong-puno, halos makuba na siya. Tulak-tulak niya ang isang cart na may isang kahon at isang maletang napakalaki, halos hindi na niya matulak. Kita ko ang kanyang ngipin sa laki ng kanyang ngiti. Nakaway siya. At sinalubong namin siya. Ngayong nakasakay na ako ng eroplano, alam ko na kung ano naman ang naramdaman ni Nanay noong una siyang umuwi.   Rinig ko ang paggulong ng foodcart ng stewardess. Parang paggulong ng mga nagulong na kama’t stretcher sa mga ospital. Sa tunog lang, parang may sira ang isang gulong. Sinusundo namin ni Tatay si Nanay mula sa ospital noong nagtatrabaho pa si Nanay sa Filipinas. Bihira kong marinig ang mga nagulong na kama dahil sa lobby kami naghihintay ni Tatay. Doon na kami nakikipagkita kay Nanay. Sa New York, linggo-linggo kong dinaraanan si Nanay sa ospital. Tuwing Sabado, kinakaon ko siya para sa lingguhan naming panonood ng pelikula sa sinehan. Nang malaman niyang mahilig akong manood ng pelikula, inilaan na ni Nanay ang mga Sabado ng hapon para sa panonood sa sine. Hindi siya madalas nag-o-overtime tuwing Sabado mula noon. Kilala na ako ng mga nars doon kaya hinahayaan nila akong maghintay sa kung saang istasyon naka-duty si Nanay. Tinutulungan nila

39


ako sa paghahanap ng tamang istasyon. Kalimitan naghihintay lang ako ng ilang minuto para kay Nanay. Pagminsa’y handa na siya pagdating ko at agad na kaming naalis.   Ngunit isang Sabado’y matagal akong naghintay kay Nanay. Halos isang oras. Nagtaka ako dahil tumawag naman ako para ipaalam na darating na ako. Para hindi mainip, binilang ko ang mga nadaang stretcher at kama bilang laro. Malapit lang ang elevator habang nasa dulo ng pasilyo ang mri room. May mga kamang lumabas mula sa elevator para pumunta ng mri, may iba namang dinala sa kanikanilang silid. Bago dumating si Nanay, labing-isa ang nabilang ko.   Nagtaka ako kung bakit ang tagal niya. Hindi naman napakadami ang ginagawa ng mga nurs noon. Nagulat na lang ako nang may kasama si Nanay nang dumating na siya sa akin. Ipinakilala niya sa akin si Kuya Nick. Isa siya sa mga Filipinong doktor ng ospital. Masayang-masaya si Nanay nang ipakilala niya si Kuya Nick sa akin. Kaya nakangiti ako buong gabi. Nagkunwari akong masaya para kay Nanay. Ngunit sa gitna ng pelikula, sa dilim ng sinehan, habang pinaghahatian nina Nanay at Kuya Nick ang isang bag ng popcorn, bumalik sa akin ang pagnanasang makalayo. Pagkatapos kumain sa Pizza Hut, hinatid kami ni Kuya Nick sa apartment. Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang pinag-usapan nina Kuya Nick at Nanay ang kanilang trabaho at mga tsismis tungkol sa iba nilang katrabaho. Sa bawat pagliko at paglipas ng kanto, inasam ko ang aming apartment building. Ngunit pagdating sa apartment, nang nagpaalam na si Kuya Nick at makapasok na kami ni Nanay sa loob, hindi pa rin nawala ang pagnanasa kong umuwi. Pumasok na ako ng kuwarto, nagbihis, humiga sa kama at huminga nang malalim ngunit hindi pa rin nawala ang pagnanasa. Kumatok si Nanay at pumasok ng kuwarto ko. Nagpaumanhin siya dahil hindi niya sinabi sa akin ang pagsama ni Kuya Nick. Sinabi kong okey lang iyon. Isang mahabang katahimikan ang lumipas hanggang sinabi kong gusto ko nang matulog. Bago niya pinatay ang ilaw ng kuwarto, sinabi ni Nanay na mabuting tao si Kuya Nick at bigyan ko siya ng pagkakataong makilala. Sa dilim ng kuwarto bago matulog, pinag-isipan ko ang sinabi ni Nanay. Magdadalawang taon na ako noon sa Amerika.   Dumating ang foodcart sa hilera ng pamilya sa aking harapan.   “Chicken or beef?” tanong ng stewardess.   “What do you want, Joey?” tanong ng lalaking boses.   “I like chicken, please,” sagot ng bata. 40

heights

tuluyan


“I’ll have chicken, too,” dagdag ng boses ng ina.   “I’ll have the beef,” sabi naman ng lalaki.   Maingat ang pag-abot ng pagkain ng stewardess. Iniabot niya ang mga kubyertos na nakabalot sa isang plastik, isinunod ang isang basong puno ng yelo at inihuli ang bote ng inuming hiningi ng pasahero. Sa daming ulit na niyang ginawa ang gawain ito, marahil sanay na sanay na siya.   Nang umalis na si Nanay para magtrabaho sa Amerika, si Tatay ang madalas magluto. Puro prinito lang ang kaniyang niluluto, mga delata, hotdog, itlog. Kapag nakapagpadala na ng pera si Nanay, nabili si Tatay ng tapa, isda at iba pang karne. Pero tuwing Biyernes, nag-uuwi si Tatay ng pansit at pandesal. Sabay namin kung pagsaluhan ang kanyang pasalubong. Nakuha lang si Tatay ng isang pinggan at doon ilalagay ang pansit. Doon na lang kami kakain mula sa iisang pinggan at sabay naming panoorin ang inuuwi niyang mga pelikula, ang balita o kung ano mang matipuhan sa tv habang nakain. Binabagalan ko ang aking pagkain. Paminsanminsan nama’y nadaan si Lola tuwing hapunan upang maghatid ng ulam na niluto niya para lang sa akin. Madalas niyang lutuin ang mga paborito ko, menudo at nilagang baboy. Sana pagdating ko’y ipagluto niya ako kagaya ng dati.   Nang sumama na ako kay Nanay sa Amerika, ako na ang nagluluto para sa sarili ko. Pagdating ko galing paaralan, noong wala pa akong cellphone, pakikinggan ko ang answering machine para sa mensahe ni Nanay. Kung magsasaing ba ako o hindi. Kung anong kakainin sa hapunan. Kung mag-o-overtime ba siya o hindi. Kung uuwi si Nanay nang maaga, manonood na lang ako ng tv o pelikula habang hinihintay ang pag-uwi niya. Kung hindi, may iniiwan siyang pagkain sa ref na iniinit ko na lang gamit ang microwave. Pagminsan naman, magluluto na lang ako para sa sarili ko. Hanggang prito lang ako kagaya ni Tatay.   Bahagya kong binaba ang takip ng bintana. Unti-unti na kasi akong nasisilaw sa tingkad ng mga ulap. Patuloy rin sa pagkinang ang yelo sa bintana. Unti-unti ko nang nalalanghap ang amoy ng mga naihandang pagkain sa mga naunang mga hilera. Binaba ko ang tray-table na nakatiklop sa harap ko.   “Chicken or beef?”   “Excuse me?”   “Roast chicken or beef stroganoff.”   Tinanaw ko kung ano kinuha nina Marcy at Roger. Mukhang malapot na tae ang kanilang ulam. May kasamang piraso ng tinapay, butter at mashed potato. 41


“Masarap ito,” sabi sa akin ni Marcy nang may ngiti.   “I’ll have what they have.”   Inabot ng stewardess ang lalagyang plastik. Tuklap na ang takip nitong foil. Inabot din sa akin ang mga kubyertos at boteng plastik na may laman nang yelo.   “What would you like to drink?”   “Just water please.” Inabot niya sa akin ang isang bote ng mineral water.   Nasingaw ang init ng beef stroganoff. Ngunit wala itong amoy. Dinama ko ang singaw gamit ng aking mga daliri. Kinuha ko ang tinidor at sinuri ang mga piraso ng lamang nalangoy sa sarsa. Tinuhog ko ang isang piraso at tinitigan nang mabuti. Patuloy lang sa pagkain sina Marcy at Roger. Sinubo ko ang beef stroganoff at nilasap ang lasa. Sinamahan ko ng mashed potato ang beef stroganoff na nasa bibig ko. Naglasang pansit ang beef stroganoff. Naglasang pandesal ang mashed potato.   “Ubusin mo. Okey?” sabi ng inang nasa harapan ko.   “Yes, Mommy.”   Unti-unting lumipas ang lasa ng pansit at pandesal. Dahan-dahang lumabas ang tunay na lasa ng beef stroganoff at mashed potato. Kinalimutan ng aking dila ang mga alaala. Matamis-tamis ang sarsa ng beef stroganoff bagaman matabang at malapot ang mashed potato. Pero bagay ang paghahalo ng tekstura ng dalawa sa bibig, ng gaspang ng karne at ng lapot ng mashed potato.   Inubos kong lahat ang pagkain maliban sa tinapay na kakalahati lang ang kinain ko. Hindi kasi naglasang pandesal.   Paunti-unti muling nagulong ang foodcart. Ibinalik ko sa stewardess ang lalagyan ng pagkain at ang iba pang mga tira. Humingi ulit ako ng tubig. Itinaas kong muli ang takip ng bintana. Nagbago ang kulay ng mga ulap. Makulimlim na at hindi na matingkad kagaya kanina. Pansamantalang tinakluban ng ulap ang bintana. Tila dumaraan sa mga ulap ang eroplano. Kaya ’di na masyadong nakinang ang yelo.   Tumayo si Roger at naglakad papunta sa lavatory.   “Gusto ko po sanang magsisipilyo,” sabi ko kay Marcy.   “O sige, o sige,” sabi niya habang tumatayo siya upang bigyan ako ng daan.   Dinampot ko ang basong plastik bago ko itupi ang tray-table. Binuksan ko ang overhead compartment at hinanap ang bulsa ng aking backpack. Nakalagay doon ang sipilyo’t toothpaste. Bundat na bundat ang aking backpack sa dami ng laman. Nahirapan nga akong ilagay ito sa overhead compartment bago lumipad ang eroplano. Kalahati lang ng laman ng maleta ko ay damit ko. Yung isang kalahati’y

42

heights

tuluyan


puno ng pasalubong. May dala rin akong isang balikbayan box. Pasalubong lang ang laman n’yon, mga padalang t-shirt, sapatos, at de lata para sa mga pinsan, tiyo at tiya ko.   Halos wala akong ginawa sa pag-iimpake. Bagaman ako ang humiling kay Nanay na bumisita sa Filipinas, parang si Nanay ang aalis nang panoorin ko siyang mag-impake. Nang hilingin kong bumisita ng Filipinas, “O sige” lang ang sabi ni Nanay na para bang balewala ang hiling ko. Pero madalas ko nang natanong si Nanay kung babalik pa ba kami ng Filipinas o kailan ba kami babalik. At madalas ay paligoy-ligoy lang ang mga sagot niya. Hindi pa daw handa ang mga papeles. Hindi daw madaling makaalis at makabalik hangga’t hindi pa kami citizen. Ngunit nang humiling ako kay Nanay, ayos na ang status namin at malapit na ako magtapos ng mataas na paaralan. Wala nang naidahilan si Nanay.   Mukha ngang mas sabik pa si Nanay kaysa sa akin habang nag-iimpake. Hinanda ko lang ang mga dadalhing mga damit at gamit habang sina Nanay at Kuya Nick ang nagdagdag ng mga pasalubong. Si Nanay na mismo ang nagpayao’t-ito sa mall at grocery para mamili. Parang kagaya nang pag-iimpake ni Nanay ang mga gamit ko nang umalis kami ng Filipinas. Tinulungan ni Lola si Nanay sa pag-iimpake. Siya ang nagpaliwanag sa akin kung bakit hindi ko puwedeng dalhin ang lahat ng aking laruan habang isinisiksik ni Nanay sa mga maleta’t kahon ang mga dadalhin namin paalis. Ipinamigay ko na lang sa mga pinsan ko ang mga laruang hindi ko madadala. Ngunit puro sila mga babae kaya karamihan ay napunta kay Sam. Pero sanggol pa lang siya noon at hindi malalaro agad ang iba. Nakalagay na ang mga laruan sa isang kahon nang dumaan sina Tiyo Rod at Tita Pam. Pagod na pagod sina Nanay at Lola nang maimis na ang lahat. Bumalik ako sa silid ko at sinuri ang bawat sulok. Wala nang laman ang mga aparador. Magkakapatong ang mga picture frame sa mesang pinagsusulatan ko ng mga takdang-aralin. Inipon na ni Nanay at nilagay sa maleta ang mga picture. Wala na ang mga kobre ng kama’t unan. Wala na rin ang mga kurtina. Wala na, wala nang naiwan. Ngunit hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na mayroon pa rin akong naiwan.   Kaya pumunta ako sa silid ni Tatay. Ibang-iba ang silid ko sa silid niya. Naroon pa rin ang mga damit niya sa mga aparador. Naroon pa rin sa paanan ng kama ang sapatos niya. Umupo ako sa kanyang kama. Wala na rin itong kobre. Hinintay kong lumabas ang hindi ko makita-kita ngunit walang dumating.   Mula noon, hindi na nawala sa akin ang pakiramdam na mayroon akong naiwan.

43


Tuwing umaga, sa paghahanda sa pagpasok sa eskwela, dalawa o tatlong beses kong sinisigurado ang aking mga gamit. Kung kumpleto ba ang mga libro ko. Kung nagawa ko ba ang lahat ng mga takdang-aralin. Ngunit hindi ako nakukuntento nang lubos. Kahit na nakasakay na ako ng subway at papunta na ng eskwela, hindi pa rin mawala ang pakiramdam na iyon. Ngunit wala ang pakiramdam na ito sa pag-iimpake ko sa aking pagbalik ng Filipinas. Hinayaan ko na lang sina Nanay at Kuya Nick. Hinintay ko na lang ang aking pag-alis. Hindi naman sa hindi ko gustong umalis. Gumising pa nga ako nang maaga para suriin ulit ang daldalhin ko. Pero tinitigan ko lang ang maleta’t kahon. Sumagi sa isipan ko na baka nasobrahan ako imbes na may naiwan.   Tinanaw ko ang pamilyang nakaupo sa harapang hilera habang kinukuha ko ang sipilyo’t toothpaste. Nagguguhit ang batang lalaki sa isang papel gamit ng mga krayon habang nagbabasa ang kanyang ina ng in-flight magasine. Napatingala ang lalaking nakaupo sa pangatlong upuan. Ngumiti ako’t tumango sa kanya. Ngumiti rin siya. Mukha silang masayang pamilya.   Tiningnan ko nang saglit ang ginuguhit ng bata nang magsimula na akong maglakad. Ginuguhit niya ang mga ulap at isang eroplano. Mukhang tuwang-tuwa siya sa pagguguhit. Mukhang tuwang-tuwa siya sa pagsakay sa eroplano.   Kinabahan ako nang una akong makatungtong sa loob ng isang eroplano. Paalis na kami noon ni Nanay papuntang Amerika. Parang napakahaba ang paglalakad ko sa pasilyo ng eroplano papunta sa upuan ko. Nauna sa akin si Nanay habang hila ko ang bag na ginamit ko para sa eskuwela. Sa airport pa lang ay kinabahan na ako. Marahil kaunti ring takot. Nang makaupo na ako sa aking upuan, unti-unting nabuo ang pakiramdam ng paninikip. Kung tutuusin, mas masikip dapat ang mga espasyo ng eroplano, ng pasilyong nilalakaran ko, ng lavatory, ng mga upuan, ngayong mas malaki na ako. Tila claustrophobia ang naramdaman ko noon. Kaya nanigas ako nang magsimulang kumaripas at manginig ang eroplano sa kahabaan ng runway. Nagsimula akong humingal nang umangat ang eroplano mula sa lupa. Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko nang makawala na sa lupa ang eroplano. Unti-unting nawala ang pakiramdam ko ng paninikip nang pinanood ko ang untiunting lumayo ang lupa. Lumantad ang kalakihan ng mundo sa bawat paakyat na pagkabig ng eroplano.   Ngunit hindi nawala ang kaba sa kahabaan ng paglalakbay. Hindi pa ako kinabahan nang ganoong katindi mula nang isali ako ng titser ko sa patimpalak

44

heights

tuluyan


sa pagtatalumpati. Tinulungan ako ni Tatay sa pag-eensayo. Tatlong linggo kaming naghanda. Binawasan ni Tatay ang panonood namin ng tv at pelikula para makapagsaulo ako. Tinulungan niya ako sa mahihirap na salita, sa tamang pagbigkas ng mga ’di-pamilyar na mga salita. Ngunit pagdating ng araw ng patimpalak ay tinamaan ako ng kaba. Nanlamig ang aking mga kamay at pinagpawisan nang todo-todo. At pagtapak ko sa entablado, hindi ako makapagsalita. Hindi ko masabi ang pinaghirapan namin ni Tatay na sauluhin. Hinanap ko sa mga taong nanonood ang mukha ni Tatay. Punong-puno ng tao ang buong tanghalan. Ngunit wala si Tatay. Nakita ko lang ang mukha ni Lola sa dagat ng mga mukha. At bumaba na lang ako ng entablado’t nilapitan si Lola. Tinanong ni Tatay kung anong nangyari sa timpalak nang makauwi na siya. Kinuwento ni Lola ang nangyari. Akala ko’y papagalitan niya ako. Pero okey lang daw ’yun sabi ni Tatay. Nangyayari daw ang mga ganoong sandali na nababalutan tayo ng takot.   Ngunit iba ang kabang naramdaman ko sa eroplano. Kahit kasama ko si Nanay sa paglipad, kinabahan pa rin ako. Inaliw ko ang sarili ko sa kahabaan ng paglalakbay, upang maibsan ang kaba. Pinanood ko ang in-flight movie ngunit hindi ako mahuli nito ’di kagaya noong kasama ko si Tatay sa panonood ng pelikula. Hindi ako nadala at nawala sa mga eksena. Binusisi ko lang ang mga aparato sa paligid ko. Pinag-aralan ko ang seatbelt, kung paano ito ihubad at isuot. Pinag-aralan ko ang tray-table, kung paano ito ibaba at iligpit at kung gaano iyon katibay. Pinagsabihan ako ni Nanay na huwag paglaruan ang tray-table. Pinansin ko naman ang mga pindutan sa ibabaw. Lumuhod ako sa upuan upang maabot ang mga iyon. Binuksan at pinatay ko ang ilaw. Pinindot ko ang buton na pantawag sa mga stewardess. Nairita si Nanay. Pinisil niya ang aking braso at inutusan niya akong umupo nang tama. Hindi niya maintindihan kung bakit ako malikot. Hindi ko rin maintindihan noon. Ngayon ko lang nalaman na kaba pala iyon dahil naramdaman kong muli ang ganoong uri ng kaba nang una kong makilala si Kuya Nick. Dahil bago matulog, nang isara ni Nanay ang ilaw ng aking kuwarto, binusisi ko ang aking naramdaman. Hindi galit ang nagdulot sa akin na makaramdam ng pagnanasang umuwi. Hindi galit kundi kaba. Kaba sa maaaring mangyari sa hinaharap. At hindi ko alam, habang nakasakay sa una kong eroplano, kinakabahan na pala ako.   Lumabas ng lavatory si Roger. Nginitian ko siya. Tumango lang siya at naglakad pabalik. Para siyang si Tatay. Tahimik lang.   Lahat halos ng loob ng lavatory ay bakal. Bakal ang gripo. Bakal ang lababo.

45


Bakal ang kubeta. Tanging ang tissue paper at soap dispenser lang ang hindi bakal.   Malamig ang tubig mula sa gripo habang hinuhugasan ko ang aking toothbrush. Nagsipilyo ako’t tinanggal ang lasa ng tanghalian. Habang nagmumumog, napansin ko ang manipis kong bigote’t balbas. Magkakalahating araw na akong naglalakbay at tinutubuan na ako ng bigote’t balbas.   Tinangka kong mag-ahit noong bata ako. Kaliligo ko lang noon at nakita kong nakapatong sa may lababo ang pang-ahit ni Tatay. Wala naman talaga akong bigote o balbas noon. Nagkunwari akong nag-aahit at nilapat ko pang-ahit sa aking baba. Nasugatan ako nang simulan kong pagapangin ang pang-ahit sa aking baba. Agad akong pinuntahan ni Tatay nang marinig niya ang sigaw ko. Hinugasan niya ang sugat ko at nilagyan ng band aid. Binatukan niya ako’t inutusang magbihis para sa eskwela. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Gusto ko marahil tumanda agad kagaya ng mga nais ng ilang bata paminsan-minsan. Gusto ko lang marahil gayahin si Tatay.   Ang tunay kong unang pag-aahit ay noong kasal nina Nanay at Kuya Nick. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Nakalagay na ang shaving cream sa mukha ko at naalala ko ang umagang iyon na nasugatan ako ng pang-ahit. Hindi na ako nasugatan. Pagkaahit, nagbihis na ako para sa kasal. Nag-suit at nag-tie ako noon. Gusto kong maging presentable sa araw na iyon. Ayokong hiyain si Nanay. Ako ang nagbigay sa kanya kay Kuya Nick. Marahil mas kinabahan ako kaysa kay Nanay nang sabay naming lakarin ang pasilyo papuntang altar. Pero mukhang napakasaya ni Nanay noong araw na iyon.   At iyon naman talaga ang naging malaking pagbabago mula noon. Parehong gabi na kung umuwi sina Kuya Nick at Nanay kaya ganoon pa rin ang ginagawa ko pagkadating ng apartment. Nanonood pa rin kami ng pelikula tuwing Sabado. Pero yung mga maliliit na mga bagay, kahit na maliit lang, ang kapansin-pansin. Yung may pangatlong kasalo sa agahan. Yung may pangatlong sipilyo sa may lababo. Yung may tagapagitan kapag nag-aaway kami ni Nanay. Yung may ibang inaaway si Nanay bukod sa akin.   Madalas kaming mag-away ni Nanay. Sa mga maliliit na bagay lang. Yung mga kalat na naiiwan. Yung mga gawaing bahay na hindi nagagawa. Yung mga problema sa eskuwela dahil patamad-tamad ako. Ayaw ni Nanay na inuutus-utasan pa ako. Gusto niyang ginagawa ko nang kusa ang mga bagay-bagay. Pero ginagawa ko

46

heights

tuluyan


naman ang mga kailangan kong gawin. May mga nakakaligtaan lang ako. At dahil palaging pagod sa trabaho si Nanay, madali siyang mayamot. Matagal niya akong sinesermonan. Pinipilit kong huwag sumagot sa kanya para hindi na lumala. Pero pagminsa’y hindi maiwasan. Kagaya nang minsang mapaaway ako sa eskuwela. Napaaway ako’t nakipagsuntukan ako sa isang kaklaseng nagnakaw ng aking cellphone. Galit na galit si Nanay. Nagkasagutan kami nang higit kalahating oras. Kung si Tatay iyon hindi niya ako sesermonan. Wala siyang sasabihin. Papaluin lang niya ako.   Biglang yumanig ang eroplano. “Please go back to your seat,” sabi sa akin ng stewardess pagkalabas ko ng lavatory. Agad kong binalik ang sipilyo’t toothpaste ko sa aking backpack. Tumayo sina Marcy at Roger para padaanin ako. Bago ko masuot ang seatbelt, yumanig ulit ang eroplano.   “Mommy, Daddy, the plane is shaking.”   “Don’t worry. Everything will be fine,” sabi ng ama.   Hindi naman talaga malakas ang mga yanig. Hindi yung mga tipo ng yanig na makababagsak ng eroplano. Ngunit napansin ko ang pagpapawis ni Roger at parang naungol. Mahigpit ang hawak ni Marcy sa kaliwa niyang kamay. Narinig ko ring binubulungan siya ni Marcy pero hindi ko marinig kung ano ang sinasabi niya. Natatakpan ng makapal na ulap ang bintana. Walang tinag naman ang yelo sa bintana.   Takot pala si Roger sa paglipad. Pilit niyang kinimkim ang takot. Pilit niyang hinihinahon ang kanyang sarili. Yumanig ulit ang eroplano at lalong kinabahan si Roger. Mas malalim na ang kanyang paghinga, halos nahingal na siya.   Nagising ako sa ingay na nanggaling sa silid nina Tatay at Nanay. Naisip kong nag-iimpake pa sila para sa pag-alis ni Nanay. Kinabukasan ang alis ni Nanay. Ngunit naging malinaw sa akin na nagsisigawan sila, na nag-aaway sila. Lumabas ako ng silid ko at tumayo sa tapat ng pintuan ng silid nina Tatay at Nanay. Bago ko buksan ang pintuan, narinig kong hilingin ni Tatay na bumalik na ng Filipinas si Nanay, na huwag na siyang magtrabaho sa Amerika. Pareho silang naiyak pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Tumalikod sa akin si Tatay. Agad akong kinuha ni Nanay at binalik sa kuwarto ko. Tinanong ko si Nanay kung mayroon bang problema. Kung nag-aaway ba sila. Sabi niya na wala namang problema, hindi sila nag-aaway.   Iyon ang una’t huling pagkakataon kong makitang umiyak si Tatay. Nakapagtataka

47


kasi bihira kong makitang maging maramdamin si Tatay. Kahit noong magsara ang pinagtatrabahuhan niyang coconut processing plant ay hindi ko nakitang magalit si Tatay. Matagal na raw hindi maganda ang lagay ng kumpanya. At inaasahan na ni Tatay iyon. Tila walang nangyari nang mga sumunod na araw. Ngunit imbes na pumunta sa trabaho pagkakain ng agahan, naghanap si Tatay ng trabaho. Pero wala siyang mahanap na mabuting trabaho. At kahit na ganoon ay hindi nagpakita ng yamot o galit si Tatay. Kahit nang umalis na uli si Nanay, nang hinatid na namin siya sa airport, ay hindi pa rin nagpakita ng damdamin si Tatay. Siya lang siguro ang hindi umiyak.   Kagaya nang dati, hindi umiyak si Tatay nang pumasok na si Nanay sa loob ng airport. Hindi na siya katulad noong malaman niyang magbabakasyon si Nanay o noong lumapag ang eroplano ni Nanay. At parang mas matagal ang pagyapos nilang dalawa. Sa biyahe pauwi, tahimik lang si Tatay. Pinilit ni Lola na magpasimula ng usapan pero mga tango lang ang tinanggap niya mula kay Tatay. Hiniram namin ang kotse ni Tiyo Rod. Sira noon ang aircon kaya bukas ang bintana at malakas ang hanging pumapasok sa loob ng kotse. Tanging ang mga paglampas at pagbusina ng mga ibang kotse ang bumasag sa katahimikan.   Tumigil na ang pagyanig ng eroplano at pinatay na rin ang ilaw para sa pagsusuot ng seatbelt.   “We encountered a slight turbulance a while ago,” sabi ng kapitan sa speaker. “But it’s over now and hasn’t delayed us in anyway. Time of arrival in Manila is still six p.m.”   Lumuwag nang muli ang paghinga ni Roger.   “Takot pala kayo sa paglipad,” sabi ko.   Huminga lang nang malalim si Roger.   “Kaya matagal din kaming hindi nakakabalik ng Filipinas. Ngayon lang nagkalakas ng loob si Roger,” sabi ni Marcy.   “Hayaan ninyo, ilang oras na lang ay lalapag na tayo,” sabi ko nang may ngiti.   “Oo nga. Makikita na ulit natin ang mga kapatid natin,” sabi ni Marcy kay Roger. “Ikaw, sinong susundo sa iyo sa airport?” tanong naman niya sa akin.   “Ang Lola ko po. At baka ilan sa mga pinsan ko.”   “Hindi ka ba susunduin ng Tatay mo?”   Umiling lang ako.   Tinanaw ko ulit ang labas. Numipis na ang ulap at kita ko na ang abot-tanaw. 48

heights

tuluyan


Kita ko na rin ang mga tubig ng Pasipiko.   Naroon pa rin ang yelo sa pagitan ng mga salamin. Tinapik-tapik ko ulit ang bintana. Nakahuhumaling ang yelo. Nilapat ko ulit ang aking palad sa salamin. Malamig pa rin ang salamin. Hindi na gaanong kalamig ang mga daliri ko ’di kagaya kanina. Paglapag, marahil matutunaw na ito. Ngunit paglipad ay may mabubuo ulit sa pagitan ng mga yelo. Marami na marahil ang sumakay dito sa eroplanong ito, umupo dito sa upuang ito at nakakita ng yelong kagaya nito. Parang naroon lang ito para samahan ako sa paglalakbay. Sa pag-uwi kong ito.

49


Unang Gantimpala

2007 Timpalak Sanaysay

Kagawaran ng Filipino

Hiraya Manawari Manariwa Harinawa Gerald Pascua

Bagaman naririyan na’t tanaw na tanaw ko na ang pink urinal sa tapat ng kalsada, magkakasya na lamang ako sa pag-impit sa tawag ng kalikasan hangga’t makaharap ko ang nakasanayang trono. Hindi sa pinandidirihan ko ang mga pink urinals na ito, nakalakhan ko lamang kasing huwag itong gawin sa kung saan-saan lalo na sa labas. Nakatutuwang isipin ngunit nagsimula ang lahat sa minsang pananakot ni nanay na “…magagalit ang mga lamang lupa kapag ‘nadiligan’ ko sila at kanilang palalakihin ang kung anuman sa’ kin.”   Tiyak na nakarinig na rin ng ganitong mga banta ang sinumang kabataang lumaki sa Pilipinong pamamaraan, lalo na iyong mga pilyong batang kay likot maglaro. Lumaki rin akong may pinangingilagang ‘ibang mundo’ sa ilalim ng lupa, sa mga malalagong sanga ng Akasya, o sa pusod ng karagatan. Kumpleto hanggang sa haba ng buhok kung ibida ng aking lola ang itsura ng tikbalang na nang-aagaw raw ng mga bata gayundin ang tatak ng tabakong hinihitit ng kapreng lumulundag sa mga batang pakalat-kalat sa daan paglampas ng alas-sais. Pakli pa ni tita, magaling daw magtago ang mga nilalang na ito kung kaya’t walang kawala ang mga malilikot na bata- nandiyan lamang daw sila’t nagmamanman. Nagtataglay ng kahiwagaan at kapangyarihan ang sinuman sa mundo ng mga mahiwagang nilalang na ito na tiyak makagagawa ng mga imposibleng bagay – tulad ng pagpipirme ng batang malikot o pagpapauwi ng malarong bata.   ’Di mahanapang-butas ang mga kuwentong ito ng mga matatanda sa akin. Kaya’t isang banta lamang na “andiyan na iyong duwende...” at unahan na kaming magkakapatid sa pagtakbo pauwi. Magkagayunman, minsan ko na ring pinagdudahan ang mga nagiging palasak nang kuwentong ito ni Inay – anupa’t 50

heights

tuluyan


buong tapang kong sinubok ang kaniyang mga salita. Pumuslit ako at jumingle sa bagong pinturang dingding sa aming tapat. Lumipas ang tatlong araw, walang lumaki! Sinubukan ko ring maglaro mula tanghali hanggang gabi ngunit walang kumuha sa akin! Kinabukasan, ayun ako’t nakaratay sa banig nangangatog sa ginaw ngunit inaapoy sa lagnat. Pinilayan daw ako ng dwende dahil sa buong araw kong paglalaro. Minamanmanan pala talaga ako ng duwende. Muling tumalab sa akin ang mga kuwento ni inay.   Dumating ang panahon na hindi na ako kailangang takutin tumigil lamang sa paglalaro – kusa na akong umuuwi sapagkat may mga leksiyon na akong dapat upuan. Nakapagtatakang mula noon, hindi na rin naibibida ng mga nakatatanda sa amin ang tungkol sa mahihiwagang nilalang. Sa elementarya, unang nabuksan ang aking isipan sa siyensiya at lalo nitong nabura ang mundong minsan kong kinilala sa angking kahiwagaan. Naging anthill na ang turing ko sa punso, hindi pala nuno ang nakatira roon kundi mga langgam. Ang kabute na tirahan ng mga duwende, isang lamang palang uri ng fungi. Ginawa ring halimbawa ng aming guro ang mga kapre at tikbalang, hindi raw totoo ang mga tikbalang at kapre – unless they are observable to any of the five senses. Hindi na ako nangilabot sa kanyang mga sinabi.   Humigit-kumulang sampung taon mula nang araw na iyon, naririto ako’t nagpapakadalubhasa sa kapnayan. Sa mundong aking ginagalawan, lalong walang puwang ang mga lamang lupa sa kamalayan ng realidad. Biruan pa nga ng ilan, mas matakot ka sa kumukulong asido kaysa sa white lady sa pipac. Nakatutuwang isipin na minsan akong naniwalang pinarusahan ako ng duwende. Iba – o nag-iiba – ang ibig sabihin ng ‘hiwaga’ sa piling ng mga makabagong aparato at mga kemikal. Tila nagiging hiwaga sa aking isipan ang pag-iiba ng kulay sa tuwing paghahaluin ko ang dalawang malinaw na likido. Hindi tulad ng aking nakalakhan, ito ang hiwagang hindi nakatatakot – kundi nakamamangha.   Ngunit hindi lamang kaming mga alagad ng siyensya ang may naiibang tingin sa salitang kahiwagaan. Lumingat ka sa paligid at masdan mo ang kahiwagaang nakikita ng makabagong henerasyon. Lumipas na nga ang kahiwagaang taglay ng mga duwende at kapre. Hindi na sila ang nananakot imbis sila ang natakot at napalayo - sa mga armado at de-turnilyong bakal na umuungol sa pagpindot ng pulang buton o ’di kaya mga plastik na duwendeng nagkatwang tao at may buhokmais. Kung sabagay, wala nang pangangailangan para buhayin ang mga lamang lupa sa isipan ng mga bata pagkat wala na rin namang mga batang naglalaro sa

51


labas at umuuwi nang gabi. Anupa’t hindi na nila kailangan pang lumabas upang matunghayan ang hiwagang dala ng video games, robots at Barbie dolls. Ngunit, wala na nga bang pangangailangan sa mundo ni Tasya fanstasya?   Hiwagang dala ng siyensya at teknolohiya na nga ang maituturing na bagong mito sa makabagong panahon. Magkagayunman, naniniwala akong hindi nito napalitan, o nahalinhan man lamang, ang tradisyunal na kahiwagaang minsang bumalot sa aking hiraya. Ni hindi nga ito kahiwagaang maituturing. Naniniwala akong may isang katangian ang kahiwagaang aking nakagisnan na wala sa ‘kahiwagaang’ batid ng makabagong panahon.   — ang kakayahang manakot.   Mag-aalas nuwebe na noon at pauwi na ako galing sa isang kasiyahan. May kadiliman ang eskinita dahil hindi na naman binuksan ang ilaw na magsisilbi sanang sisidlan ng liwanag. Mula sa kanilang mga boses (pandinig!), nahinuha kong may kasabay pala akong dalawang tao – mag-ina marahil. Sumisigaw ang nakatatandang boses samantalang humihikbi naman ang isa. Sabi ng nakatatandang boses, “Ang laki-laki mo na takot ka pa rin sa dilim! Wala na tayong ibang madadaanan...” Minanmanan ko ang dalawang boses hanggang sa kanilang marating ang maliwanag nang dulo ng daan. “O, napano ka ba? May kumagat ba sa’yo?” bulyaw ng nakatatandang boses.   Bagaman hindi ko nakita ang umiiyak na mukha ng bata, nakadama ako ng simpatiya para sa kanya. Minsan na rin akong naging ‘duwarog’ sa aking kabataan. Ngunit hindi ba’t dahil din ito sa panunukso ng mga nakatatanda? Hindi ko punto ang manisi sa epekto ng mga panunuksong ito sa mga bata, ngunit, hindi ba’t mas mabuti pang matutong matakot ang mga bata kaysa lumaking walang takot?   Sa pagtanda natin, unti-unting nawawala ang takot natin sa mga bagay sa pag-aakalang hawak natin ang mundo sa ating mga kamay. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit marami tao sa kanilang pagtanda ang walang nang takot umihi sa kung saan-saan, maglagi sa labas at maglaro sa dis-oras ng gabi, magsinungaling, magnakaw – gumawa ng mga bagay na minsan nilang pinaniwalaang magpapagalit sa mga duwende at engkanto. Anupa’t binuhay ka ng iyong pagkabata sa mga pananakot na ito gayong kaliligtaan mo rin naman ang aral nito sa iyong pagtanda?   Ang malala pa, hindi saklaw ng ‘makabagong’ kahiwagaan ang magbigay takot at magsilbing alaala sa mga murang isipan tungkol sa pagpapahalaga sa epekto ng

52

heights

tuluyan


paggawa ng masama. Kaya bang pangaralan ng mga Barbie dolls si Nene tungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan? Mas nakapagpapalala pa nga ang teknolohiyang ito dahil ito pa mismo ang nagdidiin sa mga murang isipan na masanay sa kultura ng pag-aaway-away, panlulupig at kawalang-galang sa kapwa.   Sa panahong ito na naitaboy na sa kamalayan ng nakararami, lalo na sa nakababatang henerasyon, ang tradisyunal AT totoong ibig sabihin ng kahiwagaan – nangangailangan ng pagbabanyuhay sa kalakaran – kailangang buhayin muli ang takot sa mga musmos na isipan, hindi upang sindakin sila, kundi upang matuto silang mabuhay na may kinikilalang mas nakatataas na nilalang sa kanila. Buhayin ang mga tiyanak na magpapaalala sa mga nanay sa kahalagahan ng buhay, buhayin ang mga engkantong nagbabalanse ng hustisya sa mundo, buhayin ang mga lamang lupa na nagpapaalala na hindi lamang tao ang nilalang sa mundo. Sapagkat tulad ng nararanasan natin ngayon, mas nakakatakot mabuhay kapiling ang mga taong walang takot sa kapwa, sa batas, o sa Diyos. Dagdag pa, kailangan ng kahiwagaan upang mabatid ng tao na siya’y tao lamang. Masyadong nahuhumaling ang tao sa kaniyang kapangyarihang baguhin ang kanyang paligid dulot na rin ng inobasyon sa kanyang estilo ng pamumuhay.   Para saan pa’t nakilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura ng panitikang ‘mahiwaga.’ Maipagmamalaking bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa, naririto na’t buhay na buhay ang mga kuwento ng kahiwagaan na isinasalin sa bawat henerasyon. Bukod sa pagiging libangan, nagsisilbi rin itong pananda sa mga nakaririnig nito tungkol sa kahalagahan ng kabutihan at hustisya.   Ilang dekada na rin ang nakaraan ngunit heto’t buhay pa rin ang mga kuwento ni Lola Basyang sa ating kamalayan. Isang kahiwagaang maituturing kung paano nahabi ni Severino Reyes ang daan-daan niyang mga kuwento tungkol sa mga kaharian, diwata at higit sa lahat, mabuting aral. At paniguradong may natatandaan ka pang isang kuwento sa Hiraya Manawari, ayan at naririnig mo pa ang themesong nito sa iyong isipan!   Isa sa pinakatumatak sa aking isipan sa Hiraya Manawari ay iyong tungkol sa batang binigyan ng kapangyarihang ’di makita (maging imbisibool! – ika nung karakter). Nakamit niya iyon nang minsan niyang mabasag ang antigong estatwa sa bakuran ng isang matanda, pinarusahan siya nito na maglinis ng bodega ng mansyon at doon nakilala ng bata ang diwatang magkakaloob ng kapangyarihang ito. Siyempre, natuwa ang bata sa kaniyang unang subok sa bagong kapangyarihan.

53


Ngunit laking paninibugho niya nang makita niyang naaksidente ang kaniyang kapatid kahahanap sa kaniya – hindi niya ito masabihan, sapagkat bahagi ng kanyang pagiging imbisibol ang paglalaho ng kaniyang boses at panghawak. Sa huli, minabuti ng bata na ibalik siya sa normal.   Namamangha ako sa aking sarili sa tuwing naaalala ko ang istoryang ito, sampu ng iba ko pang napanood sa Hiraya Manawari. Makalimutan ko na ang chemical formula ng isang Carboxylic Acid, ngunit hindi ang mga kuwentong ito. Marahil isa ito sa mga tunay na kahiwagaang nararanasan ko mula pagkabata. Sa ganitong punto ko napatutunayang kahit sa aking isipan man lamang, may ‘hiwaga’ nga bukod sa mga bagay na gawa ng siyensiya. Panahon na mismo ang nakakakita sa kahalagahan ng mga kuwentong tulad nito at hindi nito hinahayaang mapawi ang hiwaga nito magpasahanggang ngayon.   Tulad ng sa isang eksperimento sa kimika – Kahiwagaan ang pagningas at pagalab ng mga salita sa sanaysay, bagaman hindi nasusunog. Hindi likido ang mga kuwentong ito ngunit umaagos – hindi naibubuhos ngunit naisasalin, walang talim ang mga akda na tulad ng sa iskalpel, ngunit may talab, hindi na kailangang haluin ang mga karakter para magkakulay. Kaya naman sabihin man ng aming propesor na irrational ang maniwala sa mga kababalaghan at kahiwagaang supernatural, batid ko ang kahalagahan ng mga ito sa ikabubuti ng bawat isa.   Ngunit sapat na ba na matunghayan lamang ito ng aking paningin? Dito na ba natatapos ang hiwaga? Magsisimula lamang ang tunay na hiwaga, hindi sa paglabas ng mga diwata o sa pagpapakita ng kapangyarihan ng mga engkanto, kundi sa kung paano mo isasabuhay ang hiwaga sa realistikong mundong ating ginagalawan.   Sa lakas ng isipan, at busilak na kalooban… Hiraya Manawari, manariwa harinawa.

54

heights

tuluyan


2007 Don Carlos Palanca

Memorial Awards for Literature

Kabataan Essay

Tatawa na ’yan! Kathleen Ramos

Isang imboluntaryong paggalaw ng mga labi at iba pang bahagi ng mukha bunga ng nadaramang kasiyahan, pagkaaliw at pananabik ang pagngiti. Aakalaing simpleng paggalaw lamang ng laman ang abilidad na ito. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, makulay at mahiwaga ang mga istoryang nasa likod ng bawat ngiti. Sa katunayan, ni hindi ito itinuturo ngunit kayang-kaya itong gawin ng lahat. Dahil sa napakaraming tanong ukol sa tila ba payak na kakayahang ito, marami nang mga pag-aaral ang nagawa at patuloy na ginagawa ukol dito.   Ayon sa mga dalubhasa, maaaring maipasa ang magandang disposisyon. Mapapasaya at tiyak na bubuti ang pakiramdam ng sinumang makakikita ng ibang taong may ngiti sa labi. Ngunit kung nakasimangot ang mga nasa paligid, bibigat ang damdamin at mapapasimangot din ang lahat ng nakahahalu-bilo nila. Sa kabila ng maraming palaisipan ukol sa pagngiti, walang makapagpapabago sa magandang pakiramdam na naibibigay nito. Bakit kaya masarap ngumiti at tumawa?   Likas na mas madaling ngumiti kaysa sumimangot dahil halos kalahati lamang ng bilang ng mga masel na gumagalaw sa pagsimangot ang ginagamit sa pagngiti. Kaya sa tulong lamang ng isang kuwelang joke o punch line, tiyak na mapabubunghalit ng tawa ang sinuman.   Walang makatatangging nakagagaan ng loob tumawa. Maaaring maging daan ang isang simpleng ngiti upang maalis ang isipan ng isang tao sa mga dinadala niyang suliranin. Tiyak na malilimutan ninuman, kahit panandalian, ang kanyang mabibigat na saloobin kapag nakakita siya ng ngiti sa labi ng isang munting sanggol o kaya’y nakanood ng mga batang masayang nagpapatintero sa kalsada. Maaari rin

55


itong makapagbigay ng pag-asa at lakas. Sa kabila ng maraming mga kabulukan sa ating lipunan at kapaligiran, isang paalaala ang pagngiti na mayroon pang mga bagay sa mundo na kasiya-siya. Talaga namang napakamakapangyarihan ng ngiti. Kaya tiyak na maraming magagawa, malalampasan at maaabot ang isang palatawang indibidwal.   Hindi nakapagtatakang mataas ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pagpapasaya at pagtawa. Hindi lamang ito isang ordinaryong libangan sa kanila. Sa katunayan, itinuturing nila ito bilang isang esensyal na bahagi ng kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Kung titignan natin ang buhay sa isang payak na baranggay sa Pilipinas, hindi nakagugulat makakita ng mga tumpok ng kalalakihang naghuhuntahan tuwing hapon sa may basketball court ng barrio. Hindi rin kakaibang makarinig ng mga kababaihang nagtsitsismisan at nagbibiruan habang naglalaba sa ilog. Sapagkat bahagi ng buhay Pilipino ang pagtatawanan, tuluyan silang naging bihasa sa paglalaro at pag-aayos ng mga salita upang makapagpatawa.   Unti-unti nang nakikilala at hinahangaan sa buong mundo ang mga Pilipino dahil sa angkin nilang talento sa pagbibiro. Ang nakahahalinang ngiti ng lahing ito ang umaakit sa mga dayuhang dumalaw sa kanilang bayan. Maraming tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang pumupunta sa munting paraisong ito hindi lamang upang makita ang magagandang tanawin dito kundi upang maranasan kung gaano kabait at maalaga ang mga Pilipino. Ginagawa nila ang lahat mula sa pagpapatira sa sariling bahay hanggang sa pagpapasyal ng bisita upang maging mas komportable at maligaya ang mga kaibigang dumadalaw sa kanila. Sadyang napakalakas at napakagaling ng abilidad nilang makaugnay sa iba. Maliwanag at maaliwalas ang mukha nila – palaging nakatawa. Bukod sa mga magagandang baybayin at tanawin, patuloy na umuunlad ang turismo ng bansang ito dahil sa masayahing disposisyon ng mga mamamayan doon.   Hindi lamang kilala ang Pilipinas bilang bakasyunan ng mga dayuhan, sikat na sikat ito bilang pangunahing pinanggagalingan ng manggagawa sa buong mundo. Makikita ang mga Pilipino sa kahit saang sulok ng daigdig na nagbibigayserbisyo. Kaya nilang gawin lahat, mula sa pagiging mayordoma, chamber maid, at seaman, hanggang sa pagiging fashion designer, manager, nars at artista. Bukod sa galing at sipag, ang mahusay na pakikipagkapwa at magaling na pagsasalita ang sandata nila sa kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Dito napatutunayang kahanga-hanga talaga ang talento ng mga Pilipino na makisama at makipag-usap

56

heights

tuluyan


sa tao. Kahit na hindi pa ganap na gamay ang wika sa bansang pinuntahan, hindi ito nagiging hadlang upang mailabas ng mga Pilipino ang kanilang malakas na charisma. Tiyak na magi-Ingles, kahit na pabalu-baluktot, ang isang ofw (Overseas Filipino Worker) na nadestino sa Amerika. Siguradong ngingiti-ngiti siya sa kausap na dayuhan at gagawin na lamang niyang biro ang kanyang mga pagkakamali sa gramatika. Ang pagiging palabiro at palangiti ang nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalagayang-loob ng ibang tao sa kanila kahit hindi pa nila kalahi ang mga ito.   Maliban dito, may isa pang gamit ang pagngiti at paghalakhak na hindi karaniwan at sa Pilipinas lamang halos ginagawa. Dahil sa dami ng mga problemang hinaharap ng mga Pilipino ngayon, mula sa personal at pinansiyal hanggang sa politikal at sosyo-ekonomikal, nagiging uri na rin ito ng coping mechanism. Ang pagngiti ang nagpapagaan ng kalooban nila. Tinatakpan ng masasaya nilang mukha ang hirap at sakit na pinagdaraanan nila sa araw-araw. Kahit na ano pang kalamidad o kamalasan ang dumating sa isang Pilipino, hinding-hindi niya malilimutang tumawa. Ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nakatayo at lumalaban pa rin sila sa kabila ng napakarami nilang problema.   Napakaraming gusaling gumuho, punong natumba, lugar na binaha, at mga taong namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Milenyo noong nakaraang taon. Ngunit sa kabila ng abot-abot na kamalasan, sumisilay pa rin ang ngiti sa labi ng mga nasalanta ng bagyo. Gayon din ang nangyari noong Bagyong Reming. Ilang baranggay sa Kabikulan ang nabura sa mapa dahil sa pagbaha at pag-agos ng putik at lahar mula sa Bulkang Mayon. Bagaman nalulungkot at nag-aalala rin sila sa kung anong kahihinatnan ng buhay nila pagkatapos ng unos, nakukuha pa rin nilang tumawa. Makalipas ang ilang araw, makikita na sa mga panayam sa telebisyon na balik sa dati ang pamumuhay nila. Tila ba sumama na ang hinayang at lungkot nila sa mga abuhing ulap na dala ng bagyo.   Ibang-iba ang reaksiyon ng mga Pilipino sa problema kaysa sa mga dayuhan. Noong taong 2005, natikman ng Estados Unidos ang bangis ng kalikasan dahil sa napakalaking pinsalang idinulot ni Hurricane Katrina. Problemadong-problemado, hindi mapakali at takot na takot ang mga Amerikano noon. Hindi kasi sila sanay mawalan at maghirap. Dahil dito, tila ba nasalanta at natangay na rin ng bagyo ang ngiti sa mga labi nila.   Palibhasa’y sanay na sa pagsagupa sa unos ng buhay, madali para sa mga

57


Pilipinong makabangon at tawan-tawanan lamang ang mga problema ’di tulad ng mga ibang lahi. Hindi na kasi bago sa karamihan sa kanila ang mawalan ng tirahan, magutom at mamatayan ng mahal sa buhay.   Bukod sa pagiging beterano sa hirap, laging karamay ng mga Pilipino ang pamilya at mga kaibigan nila. Kasangga nila ang kanilang mga mahal sa buhay mula sa pagdiriwang ng Pasko at mga kaarawan hanggang sa pag-aambagan ng pambayad sa mga gastusin sa bahay. Ang pagdadamayan nilang ito ang nagbibigaylakas upang malampasan nila ang mga suliraning napagdadaanan nila.   Hindi gaanong nakikita ang pagtutulungang ito sa mga taga-ibang bansa. Sadyang kulang sila sa suporta mula sa kanilang kamag-anak kaya madali silang panghinaan ng loob. Kanya-kanya sila. Sa Inglatera, pagtungtong ng isang bata sa edad na 18, inaasahan na siyang bumukod sa kanyang mga magulang at sumustento sa sarili niyang mga pangangailangan. Ngunit sa Pilipinas, buong buhay nilang naaasahan ang kani-kanilang mga pamilya.   Hindi lamang kalamidad ang nalalampasan ng mga Pilipino gamit ang nakakasilaw nilang ngiti. Nagagawa din nilang baligtarin ang mga problemang politikal at gawing itong jokes. Sikat na sikat ang mga political jokes lalung-lalo na kung tungkol ito sa mga pinag-uusapang lider o kaya sensasyonal na balitang pamahalaan ng bansa. Noong una, kumakalat lamang sa pamamagitan ng joke books ang mga katatawanang ito. Ngunit dahil sunod sa uso ang mga Pilipino, ang pagte-text na ang naging pangunahing paraan upang maipakalat ng mga ganitong uri ng patawa.   Isang magandang halimbawa ng political joke na gawang Pinoy ang sumusunod na text joke. Pinagsama-sama dito sina dating Pangulong fvr (Fidel V. Ramos), dating Pangulong Joseph Estrada (Erap), at ang kasalukuyang pangulo ng bansa - si Presidente Gloria Arroyo (gma).   Nakatakas sina Erap, FVR at GMA sa mga terorista at nagtago sa mga sako sa isang bikirin!   Terorista 1: Ano may nakita ka ba riyan?   Terorista 2: Mga sako lang! Tignan natin kung ano ang laman!   Sinipa ng mga terorista ang sakong pinagtataguan ni GMA, “Meow!” sabi niya!   Terorista 1: Ahh.. Pusa lang pala! Sinipa naman nila ang isa pang sako, “Aw-Aw!” alulong ni FVR.   Terorista 2: Naku! Aso pala to!

58

heights

tuluyan


Sinipa naman nila ang sako ni Erap. Walang tunog o reaksyong makikita sa sako mula sa mga sipa nila. Kaya patuloy nila itong pinagtatadyakan. Sipa sila ng sipa. ’Di nagtagal nasaktan na rin si Erap.   Erap: Ano ba kayo!! PATATAS ako kaya walang tunog!!! Ang bobobo nyo! ‘Eraptions’ ang espesyal na tawag sa mga jokes tungkol kay dating pangulong Joseph “Erap” Estrada. Tulad ng halimbawa, marami pang ibang jokes na siya ang pinaguukulan. Sapagkat high school lamang ang natapos niya, iniisip ng marami na hindi siya dapat naihalal bilang pangulo. Kaya daw lamang siya nanalo dahil sikat na action star siya noon. Dahil dito, karaniwang nagpapakita ng mga kapalpakan ni Erap ang mga jokes ukol sa kanya.   Kung mayroon si Erap maaari ba namang wala ang kasalukuyang Pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo? Maganda ang pamilyang pinanggalingan ni Gng. Arroyo at mataas ang kanyang pinag-aralan. Sa kabila nito, ang pagiging maliit at pagkakaroon niya ng malaking nunal sa may ilong ang karaniwang pinagpipiyestahan ng mga tinaguriang ‘Ate Glo Jokes’.   Kahanga-hanga talaga ang abilidad ng Pilipinong makakita ng bagay na maaaring maging katawa-tawa sa gitna ng mga kalamidad at suliraning politikal. Bagaman minsan maaring mabigyan ng bastos o mababaw na kahulugan, ang mga jokes na kanilang naiisipan ang nagpapagaan ng kalooban nila sa kabila ng mga problema. Sa mga simpleng tawa at halakhak ng Pilipino nakikita na bagaman maraming suliraning dapat harapin, kailangang solusyunan ito nang may positibong ugali at may ngiti sa labi. Napatunayan nila na walang magagawang mabuti ang pagmumukmok at pagluha. Mas mainam bumangon at mamuhay sa kasalukuyan kaysa iyakan at pagsisihan ang nakaraan.

59


Of Golf, Nature, and the Art of Communion Martin Villanueva

The sky’s unusually clear for this time of the year. The clouds don’t threaten; they treat you with a degree of comfort against the barely-blue that stretches beyond what seems like only shadows of mountains. It’s early; the air is crisp. There’s hardly any wind; it’s comfortable—not humid at all.  You can see the green from a distance, protected by a small bunker towards the left—but that shouldn’t be much of a problem. The hole is positioned at the center of the green today, the red flag remains still. It’s about 100, maybe 120 yards away. Usually a solid seven-iron for you. Just an easy full swing will get you there. There’s something selfish about the game of golf, being out there on your own. No teammates, maybe a few playing partners, caddies. Still, in this game played against nature’s backdrop, or maybe against nature itself, success is in your own hands and your hands alone.   And perhaps that’s where the romance lies—in the notion of conquering what nature has presented you: the rolling hills, the long grass of the rough, the winds, sometimes even rain, the little mysteries that affect your final score, like how grass bends towards water, so you’ll have to aim a little more to the right of the hole on this putt, a lake guards the green to the left.  Yet a golf course isn’t really nature untouched, is it? Rather it’s nature manipulated, a nature designed, carved, molded, maintained just as much by a team of expert designers, manicurists, and maintenance men as it is by some heavenly creator.

60

heights

tuluyan


You never miss with your seven-iron. For some reason, it’s the one club you don’t shank, ground, or pull. Something about the length, perhaps, or maybe the weight of the club head. Or maybe it’s just the number—seven—evoking luck, fortune. One school of thought defines nature as everything that is “not me” and untouched by man, indicative perhaps of a rather western philosophy that separates nature and man, depicting man as having to overcome nature. A garden then becomes a sort of success in man’s conquering.   Dusan Pajin, a professor of art and aesthetics, thinks of man as part of nature, as having to harmonize with it. A park is then a result of the harmony. Similarly, sculptor Andrew Werby says that nature encompassed, among other things, man and his works. Nature is the superior whole which man is a part of. A golf course then, as a result of man’s doing, is still nature.   There’s sense to this. Nature touched by man is still nature.   After all, the resulting harmony between nature and man is still independent of man in most ways—being able to live on its own, under its own rules, like a golf course, perhaps, which even after being designed and trimmed, still sways to the natural wind, still grows with each sunrise, the grass still bending towards the closest body of water.   A golf course can be redesigned and reworked, but its natural elements still adhere to their own rules, live with their own essence, as given to them by a higher power before man even bothered to intrude. Even now that man decides to make a hole in the ground and to chase a white ball into it, soil still thirsts for water, and grass will still either grow lush or die dry. The club’s out, you address the ball, making sure to stand not too far from it. It feels more powerful to be stretched out, reaching for the ball. Another defiance against nature perhaps. But forces like gravity seem to always get the best of you: your weight would be too far out over your toes, and you’d lose balance during your swing. Often you fall when you fight such natural forces. Just stand closer to the ball, be intimate with it, work with what science tells you—it is nature’s gospel in man’s language.

61


In art and nature, perhaps nature takes on a superior role. And thus it is man’s response to his nature that enables him to view/create art in/with nature. A painter named Vincent cannot fight the onset of evening, the howling winds now smudges and indentations of blue and yellow, the haunting cawing heard only faintly now seen in impressions of shadows and the masterpiece’s title: Crows.   From the vantage point of a boat looking out to the sea blending seamlessly into the sky, fishermen are merely black pigments, unworthy of reflection amid the surrounding waters where even ripples are too shy to voice themselves. A poet named Marne responds with speculation of the meaning of it all: “Something in the rare hour / When light, air, and water conspire / To become one, as if indivisible, / And thus invisible, reminds us / When we were perhaps still / In the mind of God, a seed / Of quiet waiting to be uttered.” Hover the club above the ball, waggle it a bit. Loosen up, get some sort of rhythm going—your own rhythm, as felt through your own sense of what the moment is presenting you. Momentum will give you a freer start to the swing. The moment gives you clues only you can decipher. God whispers in the faint rustling of leaves from the trees bordering the fairway; the glisten of morning dew: spirits awaiting communion. Writer and transcendentalist Ralph Waldo Emerson once wrote about how seeing art in nature is an experience done in solitude. It is only in solitude that one can commune with a higher presence that Emerson claimed to resonate within oneself, which is really what art—at least good art—is supposed to help us achieve. It is in solitude that the visceral artistry of a moment is experienced, like in the Zen belief that Satori can be achieved—a moment of absolute peace.   And perhaps this is where the true beauty of golf lies. In isolation, in the silence of communion, you get in touch with a higher presence, within oneself, within one’s setting, in the spirit that resonates all around. Now that you’re loose, ready, take the club back, full turn, balanced, left arm straight, the club’s shaft close to parallel to the ground, the club face square to the target.

62

heights

tuluyan


So then golf becomes not really a game between man and nature rather one between man and himself. Nature just serves as an active backdrop, heightening one’s awareness to help him get to that place of bliss that he needs to find.   Indeed the competition is a lopsided one, if at all it exists, for nature doesn’t care. It just does its own thing, swaying to the rhythms of its own natural musicality, which man can never really claim to control. And with increasing momentum, smoothly take it down, left hand leading, club head approaching the ball from inside your target, square at impact, then back inside the target on your follow through, hips rotating, feet grounded, balanced, heel only lifting because of momentum’s pull.   And as the ball flies off towards the flag, watch, pose, even if no one’s watching— it’s your moment, bliss, peace, communion, momentarily achieved.

63


Himala Alvin B. Yapan

Hindi maintindihan ng nanay ang eskuwelahan ng anak niya. Kung ano-ano na lamang ang pinabibili sa kaniya. Art paper noong isang linggo, na sinundan ng kartolina, japanese paper, crepe paper tapos ngayon illustration board naman na pagkamahal-mahal. Hinala niya kakilala ng prinsipal ng eskuwelahan ang tindahan ng papel sa kanila, na mayroon yata ng halos lahat ng papel na ipinabibili sa kaniyang anak. Hindi naman niya matanggihan ang anak niya dahil siya na rin mismo ang nagtutulak ditong maging masipag lamang at gagawin nilang lahat na mag-asawa mairaos lamang ang kaniyang pag-aaral. Dahil ang pagpapaaral na lamang sa kaniya ang maipapamana nila ng kaniyang ama na namamasada ng taxi. Ayaw niyang mabigyan ng idadahilan sa kaniya ang anak niya paglaki. Magdasal man siyang sana walang supply ang tindahang malapit sa kanila, hindi naman nangyayari. Kung kaya nang makita niya kung gaano kamahal ang illustration board na pinabibili sa anak niya, hindi na niya napigilan ang sarili sa pagtanggi. Hindi maaari. Nauubos ang kita niya sa mga papel na pinaggugugupit lang naman. Sayang ang kitang pinagpaguran niya sa paglalaba. Nagkasundo man sila ng asawa niya na ang kita niya sa paglalaba ang gagamitin sa gastusin ng anak sa eskuwela, hindi niya matatanggap na sa ganito lang mauuwi ang lahat ng pinagpaguran niya. Nagparinig na lamang siya sa kaniyang anak. Na mahirap talaga ang maging mahirap. Mahirap talagang makaahon sa kahirapan. Kahit anong pagsisikap ng isang mahirap na mag-aral, matatalo at matatalo pa rin siya ng mayaman. Dahil kailangang bilhin pati ang pag-aaral na aahon sana sa kaniya sa kahirapan. Pambihira, kung gayon, isang henyo, isang bayani, ang isang mahirap na makakaahon sa kahirapan sa sarili niyang pagsisikap. Sa madaling sabi,

64

heights

tuluyan


hinihingi na niya ngayon sa kaniyang anak ang pagpapakabayani sa pag-aaral sa halip na umasa sa kaniyang kita sa paglalaba. Magpakabayani katulad ng mga ofw na nagsusumikap sa sarili nilang pawis at dugo makapagpadala lamang ng pera sa mga pamilya nila. Sa madaling sabi, hindi na siya makakapayag na siya lamang ang maghihirap para sa pag-aaral ng anak niya. Kailangan ding maghirap ang anak niya. Dapat nitong maranasan kung gaano kahalaga ang pera. Hindi lamang basta-basta ganoon makukuha. Hindi niya kasalanan kung hindi niya mabili ang illustration board. Kasalanan ng eskuwelahan niya kung bakit ba kasi nagpapabili ng napakamahal na illustration board.   Kung kaya’t pagkatapos patawan ng bagong tungkulin sa pagpapakahenyo at pagpapakabayani, hindi na lamang ng pagiging masipag, pinasulong na niya ang anak sa eskuwela at ipinambili ang kinapos na perang dala niya ng isang magasing pang-artista. Nararapat lamang na ibili niya ang kaniyang sarili ng magasin. Gayong pagbalik niya sa bahay haharap na naman siya sa paglalaba at pamamalantsa sa hapon. Nararapat lamang na makabili naman siya nang kahit kaunting luho para sa sarili. Hindi puwedeng parati na lamang siyang gumagastos para sa iba, lalung-lalo na para sa luho ng guro ng anak niya. Biruin ba namang pabilhin ng illustration board na sinamahan pa ng cutter at glue upang gamitin lamang sa pagluray-luray ng napakamahal na illustration board. Mabuti pang ibili na lamang niya ng magasin para sa sarili niya, nang palamigin naman nang kaunti ang kaniyang ulo. Gaganahan pa siyang muling maglaba at tuloy-tuloy nang mamalantsa. Mas kikita pa siya. Kailanman hindi siya mapabibili ng illustration board ng maestra ng anak niya. Bahala na ang kaniyang anak na maging henyo. Kailangan din niyang magbanat ng buto.   Totoo nga namang lumamig ang ulo ng nanay lalo na nang buklatin na niya ang magasin. Nandoon ang lahat ng paborito niyang artista. Lalo na nang buklatin niya ang centerfold ng magasin. Litrato ng paborito niyang si Nora. May bago palang pelikula si Nora. Hindi niya akalain. Matagal nang walang project ang iniidolo niyang artista. Laos na daw sabi ng iba. Napalitan na ng mga bagong artistang walang ginawa kung hindi magpaganda. Kaya nga hindi na siya bumibili ng magasin. Buti na lamang pinabili ang anak niya ng illustration board. Hindi sana siya magagalit at hindi sana bibili ng magasin. Hindi sana niya matutuklasan ang come-back daw na pelikula ng dati niyang iniidolong artista. Naka-abito si Nora. Nakaluhod. Nagdarasal. Nakaharap sa kamera na parang santa. Nang basahin niya

65


ang balita sa mga susunod na pahina, totoo ngang may bagong pelikula ang iniidolo niyang artista. Tungkol sa isang madre na magkakagusto sa isang sakristang nagaaral magpari. Siyempre malaking iskandalo ang kanilang relasyon. Ngunit ipaglalaban nila ang kanilang wagas na pag-iibigan. Magiging kontrobersiyal daw ang nasabing pelikula. Magandang come-back project para sa kaniyang iniidolong artista.   Malakas talaga ang loob ng idolo niya. Biruin mo, ibubunyag niya ang baho ng mga madre at mga pari. Kung paano nililibugan din pala sila. Akala mo kung sino nang mga napakapuputi ng mga damit at abito. Kaya hindi siya tumatanggap ng labahin mula sa simbahan sa parokya. Kahit pa sabihin ng iba niyang kasamahan na mas madali silang labahan dahil hindi naman daw talaga nadudumihan sa gawain ng pagmimisa. Malinis daw talagang manamit ang mga pari. Madali ngang labahan, mga plastik din naman, naisip niya. Tingnan mo’t ibubunyag nga ng idolo niya ang kabahuan nila. Kaya niya iniidolo si Nora, naisip ng nanay. Ibinubuyangyang ang kaplastikan ng mga nasa paligid niya. Dati nagkaroon siya ng pelikula tungkol sa isang mayamang Don na nag-asawa ng mayaman din, ngunit umibig sa isang mahirap na katulong na ginampanan ni Nora. Nandoon ang kaplastikan ng mayayaman na palibhasa ayaw nilang mabawasan ang kanilang yaman, hindi nila matanggap na matatagpuan lamang pala nila ang tunay na pag-ibig sa mga mahihirap katulad niya. Ganoon din nang minsang gumanap bilang ofw si Nora na inibig ng isang Kano. Kaya dapat lamang talagang magpakabayani ang anak niya katulad ng mga ofw nang maibunyag niya ang kaplastikan ng mayayaman sa paligid niya. Kaya ngayon sa pagganap ni Nora bilang madre, pinatutunayan lamang niya kung paano talaga ang maging madre: ang ipaglaban ang wagas na pag-ibig sa harap ng mapang-alipustang lipunan, ang hindi ikahiya ang kaniyang nararamdaman hindi katulad ng iba riyang madre at pari na napapabalitang may kinakasama at binubuhay na pamilya. Nakukuha pang magtago.   Kaya nang gupitin ng nanay ang litrato ng Nora at ilagay sa isang kuwadro, hindi nakapagtatakang naipampalit niya sa larawan ng Birheng Maria sa itaas ng altar. Para sa nanay, higit na kapani-paniwala ang pagiging santa ng kaniyang idolong artista, kaysa sa kung sinong modelong artistang tumayo bilang Birheng Maria na siyang dinadasalan niya nang matagal-tagal na. Kaya nga siguro nakapagtatakang hindi masagot ng santa ang kahit napakasimpleng pagdarasal niyang wala sanang illustration board sa tindahan. Nang pagtabihin nga naman ng nanay ang litrato

66

heights

tuluyan


ni Nora bilang madre at ng dibuho ng isang mestisahing Birheng Maria, higit na mas mukha pang santa si Nora sa kanilang dalawa. Magaling talagang umarte si Nora naisip niya. Nasa pagtingin sa kamera, o hindi pagtingin nang nakatingin sa kamera. Nang may pagsusumamo sa mga mata, nang may buong kapakumbabaaan, dalisay na pag-iisip at katapangan. Nasa magkalapat na mga palad sa dibdib. Nangungusap ang buong larawan na gawing banal ang lahat ng maaaring gawing banal. Higit siyang makapagdadasal sa Birhen kapag siya si Nora sa kaniyang altar, naisip ng nanay. Bukod pa doon kailangan niyang ilagay sa altar ang kaniyang artistang santa para tularan ng anak niya sa pagpapakabayani at pagbunyag ng baho ng lipunan; sa kaso ng anak niya, sa baho ng kaniyang eskuwelahan na wala nang ibang ginawa kundi parusahan silang mga ina sa pagpapabili ng kung anoano. Tiyak tatanungin ng anak niya pag-uwi kung bakit nag-iba na ang Birhen sa kanilang altar. Ipaliliwanag niya sa anak ang kadakilaan ng idolo niya bilang artista. Higit sa lahat, kailangan niya ring dasalan na sana’y pumatok nga sa takilya ang pelikula ng kaniyang iniidolong artista at nang mas marami pang gawing project at mas marami pang baho ang kaniyang maibulgar. Gustong-gusto niya iyon nang magkaalaman na ang mga dapat magkaalaman. Sa palagay ng nanay kapag dinasalan niya ang Birheng Maria bilang si Nora, baka malipat kahit papaano ang kapangyarihan ng Nanay ni Jesucristo sa kaniyang iniidolong artista. Tiyak kapag nangyari iyon, susuwertehin si Nora sa takilya.   Kaya nang lumuha ng dugo ang larawan ni Nora bilang santa, isang araw bago bumukas sa sinehan ang kaniyang pelikula, halos hindi malaman ng nanay ang kaniyang mararamdaman. Matatakot ba siya sa himala ng larawang dinudugo o matutuwa sa katiyakan niyang nalipat na nga sa idolo niyang artista ang kapangyarihan ng Birheng Maria. Magsasaya ba siya dahil tiyak papatok sa takilya ang pelikula ng kaniyang artista o malulungkot gayong lumuluha ng dugo ang larawan niya. Kailanman hindi siya nakakita ng dahilan upang ipagdiwang ang anumang pagluha. Kung dugo pa kaya ang luha. Ngunit bago pa man siya makapagpasya kung dadamayan nga si Nora sa pagluha ng dugo, papalakpak, magkukurus at magdarasal, o hihiyaw sa pagkasindak, naunahan na siya ng kaniyang mga paa. Nagtatatakbo na siya palabas ng bahay at ipinagsigawan sa mga kakapitbahay kung paano lumuluha, lumuluha ng dugo si Nora. Sa pagaakala naman ng mga kapitbahay niya na tungkol sa isang palabas sa telebisyon ang ipinagsisigawan niya, gayong hindi na sila nabigla sa pagsisigaw niya tungkol

67


kay Nora dahil kilala siya sa kanila bilang presidente ng fan’s club ng nasabing artista kahit nang malaos na, binuksan nila ang kanilang mga telebisyon. Nang mapindot na nila ang lahat ng channel sa remote at wala pa rin silang makitang anuman na lumuluha ng dugo, saka lamang sila nagtaka kung nababaliw na nga talaga ang presidente ng fan’s club ni Nora. Nang marinig muli nila ang sigaw ng nanay na ayaw talagang paawat hangga’t hindi siya pinapansin, dumungaw na silang lahat sa kani-kanilang mga bintana. Saka napansin ng mga kakapitbahay niya na may itinuturo sa loob ng bahay ang nanay, hindi lamang sumisigaw tungkol kay Nora. Nang mangahas nga ang ilang kapitbahay na tuklasin kung ano talaga ang nangyayari, at pumasok kasama ng nanay sa loob ng bahay niya, bigla naman silang nagduda na baka may nakakahawang virus ng kabaliwan na nagmumula sa loob ng bahay ng tagahanga ni Nora. Ibinaba nila sa altar ang nakakuwadrong centerfold ng magasin. Pinahid ang matang muli rin namang nagpanumbalik ng dugo niyang luha. Nang bulatlatin na nila’t tanggalin sa loob ng salaming kuwadro upang makatiyak na hindi nga sila niloloko ng nanay, saka lamang sila nahindik sa kanilang nasaksihan. Nabitawan pa ang larawan ng pinakamausisa at mapanghinala sa kanila na siyang nagtanggal ng larawan sa salaming kuwadro. Ang nanay na mismo ang pumulot sa lupa at nagbalik nito sa loob ng kuwadro. Saka namang sabay-sabay na pagsigaw ng mga pumasok sa loob ng bahay ni nanay upang ianunsiyo na lumuluha, lumuluha nga ng dugo si Nora. Hindi na nila nakuha pang lumabas ng bahay. Handa na silang lahat na lumuhod at kumurus sa harap ng naka-abitong santa Nora.   Ngunit hindi, hindi maaaring maging ganoon lamang iyon kadali, pahayag ng napahiyang mapag-usisa’t mapaghinala. Kailangan na muna nga nilang matiyak na mapaghimala nga ang Birhen. Ano ngayon kung lumuluha ng dugo ang larawan ni Nora. Nakuha ngang manganak ng pusa ang aso sa kabilang baranggay. Nakuha ngang manganak ng biik na mukhang tao ang baboy ng kapitan. Kaya naghanap sila ng maysakit sa kanilang kakapitbahayan. Marami-rami na rin noon ang taong nakakaalam ng himala kung kaya’t naging madaling makahanap nang may kapansanan. Hinuli ng magkakapitbahay ang palaboy-laboy na baliw sa kanilang baranggay. Naisip nilang kung may nakakahawa ngang virus ng kabaliwan na nakakaapekto sa kanilang lahat, hindi nito tatablan ang baliw at magpapatuloy lamang sa kaniyang kabaliwan. Samantalang kapag nagharap sila dito ng may hika, pneumonia, almuranas, tubercolosis, at iba pa baka paniwalain lamang sila

68

heights

tuluyan


ng larawan na normal ang kanilang mga sakit at tanggapin bilang ganoon nga. Baliw ang magandang sukatan ng isa pang kabaliwan. Nang iharap nila ang baliw sa lumuluha ng dugong si Nora, biglang tumahimik ang pobre at tiningnan lamang sila ng mga matang biglang nagkaroon ng pagkaunawa. May isang lokong sumubok sa baliw kung gumaling na nga siya. Tinanong kung ano ang capital ng Zimbabwe. Harare! Nakasagot ang baliw. Kazakhstan? Astana! Uzbekistan? Tashkent! Trinidad and Tobago? Charlotte Amalie! Namangha silang lahat. Naubos na nilang lahat ang bansa sa mapa, alam lahat ng baliw ang mga kabisera. Himala! Tunay ngang may himala. Naghimala ang larawang pinagdasalan ng nanay. Naghimala ang larawan ng Santa Nora.   Simbilis ang balita ng apoy na kumakalat sa squatter’s area hanggang sa matuklasan na lamang ni nanay na iniinterbyu na siya sa telebisyon. Sinakyan naman kaagad ng media lalong-lalo na ng producers ng pelikula. Makakatulong sa pagbenta. Hindi makapaniwala sa kanilang suwerte ang mga producers. Lalonglalo na’t pinangangambahan nilang hindi kikita ang pelikula gayong laos na talaga si Nora. Hindi rin makapaniwala si Nora, gayong alam niyang laos na nga talaga siya. Desperado na nga siya nang tanggapin niya ang project. Kaya nang ibunyag sa kaniya ng manager niya ang gagawin nilang pakana, kumagat na rin siya. Lilikha daw sila ng iskandalo para pumatok ang pelikula. Paksa pa lamang ng pelikula, kontrobersiyal na. Masasangkot naman nang walang duda ang kaniyang pangalan sa kontrobersiya at iskandalo. Malinis na pangalan na nga lamang niya ang kaniyang puhunan. Sabi naman ng manager niya, hindi na makakatulong sa kaniya ang kaniyang malinis na pangalan. Nagpapalaos lamang ang malinis na pangalan. Hindi naman siya puwedeng maghubad katulad ng iba diyan gayong may edad na rin siya. Ang lumikha na lamang ng iskandalo ang tanging paraan nang hindi siya naghuhubad. Ihanda nga lamang niya ang sarili dahil kapag masangkot na naman siya sa iskandalo, at muli na naman siyang malagay sa spotlight, tiyak na makakalkal ang lahat ng bahong magpapadumi sa kaniyang pangalan: kung bakit siya matagal nawalan ng project, kung papaano tumanda yata siya nang paurong kung kaya’t kailangan muli niyang magtrabaho pagkatapos na sana niyang maabot ang tugatog ng dati niyang tagumpay. Ang mga pagkakasangkot niya sa droga, at sa mga lalaki. Ang kaniyang pagsusugal. Lahat ng iyon makakalkal. Walang masamang publicity sabi ng manager niya. Parating ganansiya sa kaniya ang publicity. Naisip na lamang ni Nora na hindi man pumatok sa takilya ang

69


kaniyang come-back na pelikula, at hindi man siya bigyan ng iba pang project pagkatapos, puwede naman niyang ipagpatuloy ang kaniyang karera sa politika. Makakalimutan din ng tao ang lahat ng baho tungkol sa kaniya. Makakalimutin naman ang mga tao pagdating sa politika. Iyon na lamang ang ipagpapamisa at aasahan niya kung saka-sakali. Kailangan lamang niyang kumaway at ngumiti sa harap nila. Ganoon ang pamumulitika.   Noong una, naisip niya, hindi bale na. Sige na, susuungin na niya. Mangyari na ang mangyayari. Kalkalin na nila lahat, basta magkaroon lamang siya ng trabaho. Iyon din ang sabi sa kaniya ng kaniyang manager. Dapat daw positive parati ang outlook niya sa buhay. Naihanda na nga niya ang kaniyang sarili para sa mangyayari, lalong-lalo na kapag naipalabas na ang pelikula. Ngunit nang marinig niya sa balita kung papaano naghimala ang isang larawan niya, kung paano lumuha ng dugo ang litrato niya, may sumibol na liwanag sa isip niya. Kinakailangang mapasakaniya ang larawan, ang mapaghimalang larawan niya. Ang himala ng larawan ang magtatanggol sa kaniya sa naging nakaraan niya. Kalkalin man nila ang lahat ng baho sa nakaraan niya, matatabunan tiyak lahat ng mapaghimalang larawan. Kahit nga ang mga kanonisadong santa at santo ng Katolikong Simbahan, may mga sarili nilang baho sa nakaraan. Hindi naman ipinanganganak ang mga santa nang santa na. Kung saka-sakali, baka maaari pa niyang ituloy ang balak niyang pumasok sa politika. Tiyak mananalo siya. Hindi lamang sa takilya. Iboboto nga naman tiyak ng tao ang isang santa para sa posisyon. Pambihirang mangyari iyon. Kaya kinakailangang mapasakaniya ang larawan.   Pinatawagan niya sa kaniyang manager ang nakita niyang ininterbyung babae sa telebisyon. Sabi ng babae sa telebisyon, fan daw talaga siya ni Nora. Madaling mapapakiusapan ang babae na ibigay sa kaniya ang larawan, naisip niya. Buong-buo ang paghanga sa kaniya. Nang idagdag pa ng babae na dinasalan lamang daw niya nang dinasalan ang larawan, kaya marahil daw siguro lumuha ng dugo, natiyak ni Nora sa sarili na magiging madali ngang pakiusapan ang babae. Madasalin at banal. Pinakamalala nang mangyari kung saka-sakali ang humingi sa kaniya ng bayad ang babae para sa larawan. Hindi nga lamang bayad ang itatawag nila kung hindi donasyon.   Nakuha pa ni Nora na magpaumanhin nang dumating isang umaga ang nanay sa mansiyon niya. Nakuha pa niyang humingi ng pasensiya sa babae gayong hindi siya ang puwedeng pumunta sa bahay ng nanay. Baka pagkaguluhan kasi siya. Lalo

70

heights

tuluyan


na’t lalo siyang sumikat dahil sa larawan niyang lumuha ng dugo. Nahalata naman siguro ng nanay, pagyayabang pa niya, na sa labas pa lamang ng gate marami nang mga reporters ang nakaabang na parang mga halang na kaluluwa’t mga gutom na buwitre. Lalo na nang matunugan nilang bibisita sa bahay niya ang tagahangang lumuhod at nagdasal sa larawan ng iniidolo niyang artista na napaluha tuloy ng dugo. Nandoon silang lahat sa labas. Nagkakagulo. Sinadya talaga ni Nora na huwag ilihim ang pagdating sa mansiyon ng kaniyang tagahangang parang dumaan sa isang napakahabang peregrinasyon, at sa wakas nakarating na sa kaniyang destinasyon. Gusto niyang maramdaman ng nanay ang paghahabol sa kaniya ng mga reporters. Gusto niyang maramdaman ng tagahanga kung gaano siya kasikat. Kaya niyang pasikatin ang nanay na kailangan lamang dumikit sa kaniya. Ganoon siya kasikat na pati larawan na lamang niya ay nakuha pang maghimala.   Nang humarap nga sa kaniya, hindi malaman ng nanay kung ano ang gagawin sa harap ni Nora. Hindi niya alam kung luluhod siya, makikikamay, makikibeso, o ngingiti na lamang sa isang tabi. Ginawa na lamang niya ang kaniyang makakaya. Natagpuan niya ang sariling nakaluhod sa harap ni Nora at hinahalikan ang kamay ng artista na parang Santo Papa. Hindi nga nagkamali ang nanay sa hinahangaan niyang artista. Isa siyang santa. Hindi kung gayon nakapagtataka na lumuha ng dugo ang larawan niya at naghimala. Tuwang-tuwa naman si Nora sa kaniyang tagahanga, na mas lalo pang humanga sa kaniya nang paupuin niya sa hapagkainan, at sinaluhan sa pagkain ng carrot cake. Isang gulay na cake. Narinig na iyon minsan ng nanay. Kung paano ginagawang panghimagas ng mayayaman ang gulay. Pati pansahog na kamatis ginagawang inumin. Napagpasyahan nga lang nilang magkakakapitbahay na baka hindi naman ang kamatis na nabibili sa palengke ang ginagawang juice. Dahil ano kayang lasa noon. Imposibleng iyon ang ginagawang juice. Malamang imported ang kamatis na ginagawa nilang juice.   Sunod na napansin ng nanay ang napakaputing suot ng katulong. Nakakasilaw sa kaputian ang suot ng katulong na nagdala ng carrot cake. Pinagtakhan tuloy niya kung nagpapalaba ba si Nora sa mga palabahan o may labandera na lamang na bumibisita. Pinagtakhan niya kung ano kaya ang sabong ginagamit ng labandera. Kung anong pampalambot at pampabango ng damit ang ginagamit nila kaya napakaputi pati ang uniporme ng katulong. Nang ilapag ng katulong ang carrot cake sa harap niya at pinaghainan siya ng tsaa, natiyak niyang hindi mga katulong ang pinalalaba ni Nora ng mga damit. Malamang may iba, dahil mukhang

71


napakalambot ng kamay ng katulong hindi katulad niya. Baka nga sinlambot ng kamay ni Nora nang makipagkamay sa kaniya. Napakalambot ng kamay ni Nora. Kamay nga ng isang santa.   Hangang-hanga talaga ang tagahanga ni Nora sa kaniya. Hindi tuloy siya makapaniwala sa narinig niyang sagot ng nanay sa naging mungkahi niya. Nang hilingin ni Nora na doon na lamang sa mansiyon ibahay ang larawan niyang dumugo ng luha, tumanggi ang kaniyang tagahanga. Parang nabingi tuloy si Nora sa kaniyang narinig na sagot. Kinailangan pa niyang ulitin ang kaniyang sinabi. Nakatitiyak siyang hindi makakatanggi ang nanay sa kaniyang hiling. Iniikot na niya noon ang nanay sa kuwartong kinalalagakan ng mga poster, mga tropeyo, at mga lumang pelikula ng kabuuan ng kaniyang karera bilang artista. Sinundan kaagad niya ang kaniyang hiling ng pagbanggit sa balak niyang magpagawa ng ganoon ding kalaking kuwarto sa kabilang ibayo ng mansiyon upang may matuluyan ang mga darating na deboto. Hindi pa raw mahihirapan ang nanay sa pag-asikaso sa mga bisita dahil bubuo siya ng sarili niyang staff na mangangalaga sa pamamanata ng mga deboto. Magiging maganda at magaan para sa lahat ang hinihiling niya sa nanay.   Hindi nga makapaniwala si Nora at nabingi sa naging sagot ng nanay sa kaniya. Inulit pa tuloy ng nanay ang sagot niya upang maintindihan lamang ni Nora. Ayaw pumayag ng nanay na ibigay sa kaniya ang sarili niyang larawan na lumuha ng dugo. Hindi siya makapaniwala. Unti-unting nagbago ang tingin niya sa nanay. Hindi isang tagahanga ang nakaharap niya. Ni hindi isang deboto. Mapagkunwari. Akala pa naman niya madadalian siya sa pakikipag-usap niya. Gagamitan lamang niya ng kaunting yabang at charm. Hindi naman niya masabing wala siyang charm o nawalan sa kaniyang pagkalaos. Ang kaplastikan ng nagpakilala sa kaniyang tagahanga ang sinisisi niya. Akala mo kung sinong debotong madasalin. Lalo pang nag-init ang mukha niya nang magsimulang magpaliwanag ang nanay kung bakit hindi niya maaaring ibigay ang larawan kay Nora. Baka raw mawalan ng bisa ang larawan kapag inalis sa bahay niya. Sa loob-loob ni Nora, ano ang gusto niya, pagawan ko siya ng bahay? Kung tutuusin daw ang pagdarasal niya, ang debosyon ng nanay, ang nagpaluha ng dugo sa larawan ni Nora. Maraming ibang larawan si Nora na hindi naman lumuha ng dugo. Kung tutuusin nga, hinalughog at naubos ang lahat ng kopya ng nasabing magasin sa lahat ng tindahan, ngunit wala ni isa man sa kanila ang nakuha pang lumuha ng dugo. Kahit ang mga nanganganib

72

heights

tuluyan


na sanang maging pambalot ng tinapa at daing. Sa loob-loob ni Nora, ano ang gusto niya, ampunin ko siya at dito patirahin sa bahay para lamang magdasal arawaraw habang pinagsisilbihan siya ng lahat ng aking katulong? Kunsabagay pati nga naman mga santa at santo nadadala sa dasal ng mga binabayaran sa simbahan. Napilitan tuloy si Nora na ilabas ang kaniyang huling alas. Nagbanggit siya ng presyo para sa larawan. O kahit ilan banggitin lamang ng nanay. Nang hindi pa rin pumayag ang nanay, lalong natulig si Nora. Halos mabingi na naman ulit siya sa narinig niyang sagot ng nanay. Hindi raw siya mukhang pera at seryoso siya sa kaniyang sinasabi. Noon nagsisi si Nora na mali pala ang ginawa niyang pagpapaalam sa press na pupunta sa mansiyon niya ang deboto ng larawang lumuha ng dugo. Mukhang nasilaw tuloy ngayon sa kasikatan ang dating humahanga sa isang sikat katulad niya. Kunsabagay hindi na iyon bago para kay Nora. Matagal na rin naman siya sa showbiz. Kinakalawang na talaga siguro siya sa matagal nang pamamahinga sa industriya. Sa kaniyang mga mata, parang ahas na lumingkis ang nanay sa mga kamay niyang hinalikan kani-kanina lamang. Pinakain pa niya sa mismong hapag-kainan niya. Sinaluhan pa niya.   Nang hindi na siya makapagpigil, ipinakita na rin niya ang kaniyang pangil sa dating tagahanga. Beterana na rin naman siya sa mga umaahas sa kaniya. Ipinaliwanag niyang may karapatan din siya sa larawan gayong larawan nga niya iyon. Walang pagdadasalan ang nanay kung simula’t sapul hindi siya pumayag maging madre sa nasabing pelikula at kung hindi siya pumayag na pakuha ng nasabing litrato, at higt sa lahat, kung hindi siya pumayag na ilimbag ang nasabing litrato sa nasabing magasin. Lalo pang namula ang mukha ni Nora nang nakuha pa siyang sagutin ng nanay. Ngunit siya naman daw ang bumili ng nasabing litrato. Binili na niya ang litrato, kung kaya’t sa kaniya na. Kahit pa binili lamang niya ng hindi lalampas sa sandaang piso. Ang dasal niya ang nagbigay ng halaga sa larawan. Ang dasal niya ang nagpaluha dito ng dugo. Huwag kang pakatiyak, baling naman ni Nora sa nanay. Wala namang nakakaalam kung hindi nga luluha ng dugo ang larawan niya kung hindi niya dinasalan, o kung binili ng iba. Kung dinasalan man o hindi dinasalan ng ibang tao, walang nakaaalam kung luluha pa rin ng dugo o hindi ang larawan. Isang bagay lamang ang tiyak. Walang pag-uusapang larawan kung hindi siya pumayag na maging madre sa isang pelikula. Iyon ang katotohanang hindi matatawaran kaya nasa kaniya ang karapatan ng pag-angkin sa larawan.   Nakalabas na sila noon sa kuwartong ginawang museo ng mga dating pelikula

73


ni Nora. Nakalabas na sila ng kusina. Nakalabas na sila ng sala. Nagsisigawan na sila sa may pintuan. Nagkakasigawan na silang dalawa na narinig naman ng press na inimbitahan ni Nora na makiusyoso sa pagdalaw ng nanay sa kaniya. Hindi magkamayaw ang press sa pagkuha sa pag-aaway nila. Napuno na yata ang lahat ng butas ng gate ng mga kamera nilang naka-zoom lahat sa pagsasagutan nila. Wala nga lang marinig ang mga reporters sa layo. Pero halos naiintindihan na rin nila kung ano ang nangyayari. Pumasok sa bahay ng santa Nora ang banal na deboto, ngunit demonyo na sila pareho nang lumabas sa mansiyon na naging impiyerno. Sinsungit ng pagkalat ng balita tungkol sa hablahan sa korte ang kasungitan ng pagkalat ng apoy sa kabahayan ng mayayaman na nakipag-agawan ng atensiyon sa mga manonood ng telebisyon. Dahil nang linggo nga namang iyon hindi lamang lumabas sa balita ang kung ilang squatter’s area na nilamon ng apoy, pati ilang eksklusibong subdibisyon. Dahil walang pinipiling lamunin ang apoy sa anumang kaya niyang malamon.   Pagdating ng araw ng hablahan sa korte, hindi na lamang dalawa ang nagharap ng kanilang kaso para sa pagmamay-ari ng larawan. Nadagdagan ng isa pa. Nabalitaan din kinalaunan ng photographer na kumuha ng larawan ni Nora na lumuha pala ng dugo ang kaniyang litrato. Naroon na rin siya sa harap ng hukuman upang ipaliwanag ang kaniyang kaso. Kung ipinaglalaban ng nanay na ang debosyon niya ang nagpaluha ng dugo sa larawan, at kung ipinaglalaban ni Nora na kung hindi siya nagpakuha ng litrato walang pagdadasalan ang nanay, ipinaglaban naman niya na kung hindi sa galing niya sa pagkuha ng litrato hindi rin makukuhang pagdasalan ng nanay ang larawan. Kahit pa si Nora ang nagmadre, kung hindi nakakaantig ng debosyon sa nanay ang pagkakakuha sa kaniya, hindi rin mapagdarasalan ang larawan. Ngayong malaki na ang halaga ng larawang dating ibinenta niya sa magasin, humihingi siya ng karampatang pagtaas din ng bayad sa kaniya bilang photographer.   Upang magkaroon ng bigat ang kaso ng photographer tinawagan niya ang mga kaibigan niyang mga alagad din ng sining upang ipaglaban ang karapatan niya. Lumabas sa kalsada ang mga aping alagad ng sining upang ipaglaban ang karapatan nila. Ipinamukha nila sa publiko kung papaano aping-api sa Pilipinas ang mga alagad ng sining. Hindi ang mga artista! Dahil hindi sila mga artista! Sa katunayan nga, kalaban pa nila ang mga artista na nakatatanggap ng higit na malaking bayad kaysa sa kanilang kinikita. Kung tutuusin naman, higit na mahalaga ang ginagawa

74

heights

tuluyan


ng mga sinematograpo, kameraman, at mga manunulat ng dulang pampelikula. Lahat ng alagad ng sining na hindi artista lumabas sa kalsada upang ipaglaban ang muli na namang naaapi sa isa sa kanilang kasamahan. Isang photographer sa pagkakataong ito. Nandoon silang lahat sa labas ng korte munisipal na minalas mabunot sa relyebo ng mga husgadong hahawak sa kasong nagiging pambansang isyu na ngayon. Lalo na’t may mga nagwewelga na sa labas.   Nawala na sa mga showbiz balita ang pagluha ng dugo ng larawan ni Nora. Nalipat na sa ulo ng mga balita. Nainterbyu pati ang photographer. Ipinaliwanag niyang ngayon lamang siya lumabas upang ipaglaban ang karapatan niya bilang alagad ng sining dahil nagbabakasyon sana siya. Ipinagpapahinga raw muna niya ang kaniyang kaluluwa sa pagpuputa niya bilang photographer ng mga artista. Gayong hindi naman talaga iyon ang gusto niya. Photojournalist talaga siya. Nang matuklasan kasi niyang wala palang pera sa photojournalism, at higit na kikita siya sa pagkuha ng litrato ng mga artista, doon siya napunta. Ibig sabihin, nagkompromiso siya. Hindi niya iyon ikinahihiya gayong nakukuha namang magkompromiso ng halos lahat ng alagad ng sining mabuhay lamang dito sa bansa. Ngunit kahit artista ang mga kinukunan niyang litrato, pinagsisikapan pa rin niyang pangalagaan ang integridad niya bilang alagad ng sining. Kaya nang malaman niyang pinagaawayan ang litratong kuha niya, hindi na siya makakapayag na muli na namang maapakan, mayurakan at mabaon sa limot ang kaniyang karapatan. Ipinaglalaban daw niya hindi lamang ang sarili niya kung hindi ang lahat ng alagad ng sining na nauwi na nga sa katakot-takot na kompromiso, binabastos pa. Namumula ang lahat ng bandilang wumawagayway sa likod ng iniinterbyung photographer.   Kung may hakot siyang mga welgista, hindi rin makapapayag si Nora na wala rin siya. Lalo na nang ipaggiitan ng photographer na iba ang mga artista sa mga alagad ng sining. Na para bang hindi sining ang kaniyang pag-arte sa harap ng kamera. Gayong nakatanggap na nga siya ng pagkilala sa hindi na niya mabilang na pagganap. Natatandaan pa ni Nora kung paano siya inutus-utusan ng photographer sa pagkakaluhod niyang parang manikin. Hindi siya makakapayag. Nagkaroon din siya ng mga welgista. Binayaran ng mga politikong nakausap niya. Biglang dumami ang mga tagahanga ni Nora na nasa kalsada at ipinaglalaban ang karapatan niya sa larawang lumuluha ng dugo. Nakukuha pa ng ilan sa kanila na umiyak sa harap ng kamera. Pinulong ni Nora ang mga politiko at sinabihang tatakbo siya sa susunod na eleksiyon. Natitiyak niyang mananalo siya sa nangyayaring kaguluhan sa korte.

75


Kaya ngayon pa lamang naghahanap na siya ng mga kaalyado. Marami namang kumampi kay Nora at nagpadala ng kani-kanilang hakot na mga welgista. Mga datihan silang politiko. Mga nawala sa puwesto dahil sa sunod-sunod na rebolusyon sa bansa. Dahil iba nang pangkat ang nakaupo ngayon sa puwesto, nahihirapan na silang makapasok. Pero ngayon, nakakita sila ng pagkakataon na makabalik sa posisyon. Kung si Nora nga kinayang pasikatin muli ng kontrobersiya ng larawang lumuluha ng dugo, sila pa kaya? Hindi koneksiyon sa politika, o pakikianib sa mga nasa posisyong partido ang magbabalik sa kanila sa puwesto, kung hindi ang mga mamamayan na naghahanap ng himala sa politika ng bansa.   Sumakay silang lahat sa karambola sa labas ng korte na sa araw-araw na pagpasok ng hukom sa opisina ay hindi na natahimik sa dami ng mga nagwewelga sa labas. Habang dumadaan naman ang mga araw, parang humihigpit na garote sa leeg ng hukom ang gagawin niyang desisyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niyang pagpapasya sa naging napakaselan nang kontrobersiya. Nang ipag-utos pa nga lang niya na pansamantalang mananatili sa bahay ng nanay ang larawang lumuluha ng dugo, lalo pang nadagdagan at nagsungit ang mga welgista sa labas. Nang humingi naman siya ng tulong sa pulisya upang palayasin ang mga welgista, lalo lamang naging magulo. Lumapit sa kaniya ang mga politikong kaalyado ni Nora. Nakiusap silang tapusin na kasi kaagad niya ang kaso at paboran si Nora. Kung ganoon nga lamang kadali. May pinangangalagaan din kasi siyang interes. May sumusulsol din sa kaniyang mga politikong nasa posisyon at kaaway ng mga maka-Nora. Matagal nang pinapangarap ng hukom na maalis na siya sa korte munisipal at mapromote. Narito na ang magandang pagkakataon para sa kaniya. Hindi siya dapat maging padalos-dalos sa kaniyang magiging pasya. Hindi dapat siya magmadali gayong wala ngang nakatitiyak kung sino na ang mauupo sa munisipyo dahil sa pagluha ng dugo ng larawan ni Nora. Nang madagdagan ang mga welgista ng isa pang pangkat na karay-karay doon ng nanay, may naisip siyang lusot. Noon unti-unting nabuo ang balak ng hukom. Tiyak na hindi siya maiipit sa nagbabanggaang interes ng mga kasangkot sa kaso. Hindi masasakripisyo ang kaniyang promotion. Baka nga ipromote pa siya sa henyo ng magiging pasya niya. Kailangan lamang niya ang pasensiya.   Kakaiba kasi ang naging gimik ng mga welgista ng nanay. Pumunta sila sa harap ng korte, nang walang hawak na plakard o mga bandila. Pumunta sila doon nang may dala-dalang mga rosaryo. Simpleng mga nanay na nagdarasal ng rosaryo at

76

heights

tuluyan


nagtitirik ng kandila sa kalsada. Hindi na sila mga tagahanga ni Nora. Mga simpleng nanay na lamang silang muli na namang inaapi. Gayong nagkaroon na ng halaga ang isang larawan, binabawi na sa kanila ng mga nagsasabing mas may karapatan sa kanila. May mga kasama pa silang relihiyoso sa kanilang hanay. Napilitan tuloy ang simbahan na magpalabas ng paunawa sa publiko na hindi nila kaanib ang mga nagwewelgang may dalang mga rosaryo. Na kung may mga kasama man silang madre, pari at seminarista, hindi ito nagpapahayag ng opinyon ng simbahan, kung hindi ng mga personal lamang na opinyon ng mga indibidwal na pinayuhan pa nilang huwag na sanang makisali sa gulo gayong wala pa ngang nakatitiyak kung banal ba talaga ang pagluha ng dugo ng larawan ni Nora. Bukod pa dito, wala nang iba pang naging pahayag ang simbahan na magpupulung-pulong pa lamang daw upang mapag-usapan ang lahat ng iringan.   Iyon lamang ang hinihintay na hudyat ng hukom na hanapin ang kaniyang lusot. Siya naman ngayon ang nagpalabas ng opisyal na pahayag sa media, na bago pa man dalhin sa korte, dapat na muna nilang dalhin sa simbahan ang kaso ng larawang lumuluha ng dugo. Dahil kung totoo ngang banal ang pagluha ng dugo, wala sa tatlong nagtatalo-talong pangkat ang magmamay-ari sa larawan. Kung mapagpapasyahan nga ng simbahan na banal ang larawan, walang ibang magmamay-ari sa kaniya kung hindi ang Diyos sa kaitaasan. Ipinasa ng hukom sa simbahan ang pagpapasya kung banal nga ba ang larawan o hindi. Tuloy, lalong nagipit ang simbahan na magtatago sana sa likod ng isang mapagmunimuning pagpupulong. Halos murahin na ng mga obispo ang hukom. Ngayon tuloy kinakailangan na talaga nilang magpulong. Hindi na maaari ang mga palusot at pakitang-tao para lamang mapagpasyahan ang nasabing kontrobersiya.   Hindi kaagad nakapagpasya ang cbcp kung ano ang wawariin sa nangyayaring kontrobersiya. Higit na kontrobersiyal pa sa pag-ulan ng mga talulot ng rosas. Higit na kontrobersiyal pa sa pagsasayaw ng araw. Kung ikokondena nila ang himala, baka akalain ng publiko na pinagtatakpan nila ang baho ng simbahan na nais sanang talakayin ng pelikulang pinaghanguan ng larawan ni Nora. Parang inamin na rin nilang may baho nga talaga ang simbahan. Kung hindi sana lumuha ng dugo ang larawan, simple lang sana ang magiging sagot nila. Hindi lamang nila papansinin ang pelikula. Hindi magkakaroon ng iskandalo’t kontrobersiya. Bahala na ang pelikulang kumita sa takilya nang hindi nadadawit ang pangalan ng simbahan. Ngunit dahil lumuha ng dugo ang larawan, kailangan tuloy nilang

77


maglabas ng isang opisyal na pahayag. Kailangan at imposibleng hindi. Lalo na’t dumadami pa rin ang naglalakad papuntang squatter’s area sa bahay ng nanay na nagdasal sa harap ng santa Nora. Kung sang-ayunan naman nila ang himala, parang idinedeklara naman nilang santa na si Nora. Kung sa-demonyo naman nila sabihin, baka akalaing propaganda lamang ng simbahan sa mga tumutuligsa sa kanila.   Wala ring kinauwian ang pag-uusap ng mga pari. Nauuwi lamang ang lahat ng kanilang desisyon sa pagmumura sa hukom sa pagpasa sa kanila ng trabahong wakasan ang sigalot na nilikha ng larawang lumuluha ng dugo. Wala silang nagawa kung hindi magpalabas din ng sarili nilang pahayag sa media. Sinabi nilang walang kapangyarihan ang simbahan na tiyakin ang kabanalan ng larawan. Kinakailangan pang dumaan ng larawan sa katakot-takot at pasikot-sikot na imbestigasyon. Hindi tinanggap ng tao ang naging pahayag ng simbahan. Muli silang bumalik sa korte ng hukom. Hiningi nilang kailangan nang may magpasya. Kailangan nang pagpasyahan kung sino ang may kasalanan sa pagyurak ng kung sinong karapatan. Akala nila muli silang itataboy ng hukom. Iyon lamang pala ang hinihintay ng hukom. Ang bumalik sila sa kaniya nang nanggagaling na muna sa simbahan. Alam naman niyang hindi talaga makapagpapasya ang simbahan sa nasabing kaso. Nais lamang niyang marinig sa simbahan ang pag-amin na wala silang kapangyarihang husgahan ang kabanalan ng larawan. Nang makaabot na nga ang pahayag ng simbahan sa lahat ng tainga ng kinauukulan, lumabas isang araw sa kaniyang pulpito ang husgado. Kung walang kapangyarihan ang simbahan na basbasan ang larawan bilang banal at sa Diyos, idineklara niyang ang hukuman ang may kapangyarihang basbasan ang anumang bagay na may kinalaman sa demonyo. Kung may mata ang simbahan para sa banal, may mata naman kami para sa makasalanan. Iyon ang pahayag ng hukom sa taas ng kaniyang pulpito. Walang kasalanan ang tagahanga sa pagbastos sa karapatan ng artista o photographer. Walang kasalanan ang artista o photographer sa hindi pagkilala sa karapatan ng nanay na bumili sa kanilang larawan. Ang larawan ang may kasalanan, ang hatol ng hukom. Hindi kung gayon nararapat pag-alayan ng debosyon. Kung hindi sana lumuha ng dugo ang larawan hindi sana nagkaroon ng problema tungkol sa mga karapatan. Hindi sana nagkagulo ang buong bansa. At bilang kaparusahan sa lumuhang larawan, inihatol ng hukom sa taas ng kaniyang pulpito na kailangang sunugin ang larawan sa harap ng lahat. Sunugin! Papaglagablabin! Tupukin sa apoy ang larawan na siyang may kasalanan.

78

heights

tuluyan


79


sinin g


Pambungad Sa pagbisita sa mga museo o mga gallery, kapansin-pansin na madalas mayroong iisang paksang iniikutan ang mga likhang-sining. Iba-iba man ang mga dibuhista na gumawa sa mga ito at maging ang mga likhangsining mismo, nagkakaroon pa rin ng pagkakaisa dahil sa paggamit ng isang espesipikong paksa o tema. Kung titingnan nang isahan ang mga ito, maaaring hindi maiwasang isipin ng tagapagmasid kung ano ba ang kinalaman nila sa bawat isa. Sa pagkakataong kinakailangan ang isang malinaw na pagsasamasama, ang tema ang nagsisilbing gabay upang higit nating maintindihan at tangkilikin ang mga likhang-sining.   Para sa taong ito, kapansin-pansin ang kawalan ng isang malinaw na tema para sa Art Gallery. Taliwas sa naunang maikling pagmumuni ukol sa tema, nagkaroon ng isang pagbabaliktad; sa halip na unahin ang pagtaguyod ng isang tema at hayaang gawin itong basehan ng mga likhang sining, ang mga ipinasang mga likhang sining mismo ang magiging basehan para sa pag-isip ng isang tema. Dahil naramdaman naming higit na magiging kumportable kayong mga dibuhista na magpasa kung kayo mismo ang may hawak sa kalalabasan ng 81


inyong mga gawa, isinantabi muna namin ang paghimok sa inyong lumikha ayon sa iisang ideya o konsepto lamang. Sa paraang ito, hinayaan at patuloy namin kayong hinahayaan na gumawa at magpasa ng mga likhang sining nang hindi nalilimita dahil sa pagpapataw ng tema.   Matatawag na isang pagtataya ang ginawa naming ito (sa kadahilanang ang pagkakaroon ng isang tema ang makapag-iisa sana sa diwa ng buong Art Gallery) ngunit kung iisipin ang proseso ng paglikha ng sining o panitikan, ang dibuhista o ang manunulat ang siyang pinag-uugatan ng ideya. Sa nibel ng indibiduwal na manlilikha, siya ang may kapangyarihang pumili ng tema at sa kabilang dako, ang tema din ang nagsisilbing gabay niya upang lumikha; kami sa Heights ang magsisilbing pamamaraan ninyo upang ihandog sa buong komunidad ng Ateneo ang inyong mga likha.   Sa mga susunod na pahina, masasaksihan ninyo, mga mambabasa, ang isang Art Gallery na walang malinaw na tema. Gayumpaman, may tema man o wala, nawa’y huwag nating kalimutan at sa halip, patuloy na pahalagahan ang karapatan ng bawat manlilikhang gumawa ng sining ayon sa kanilang nais. Sa inihahandog naming kalipunan ng mga likhang sining, hindi isang pagsasama ayon sa isang tema ang aming nais isiwalat, kung hindi isang pagsasama at pagtangkilik sa malikhaing indibidwalidad.

82

heights

sining

ELIANA LAURICE C. JAVIER katuwang na patnugot sa sining Pebrero 2008


The never ending possibilities of freedom Ballpen on paper & collage 9 inches x 9 inches 2006

83


Trophy Girlfriend Ballpen, acrylic & collage 10 ½ inches x 13 ½ inches 2006

84

heights

sining


Euphoria JESSICA A MANDA BAUZA Watercolors & ink 22.7cm x 29.7cm 2007

85


It’s All in Your Head Watercolors & ink 22.7cm x 29.7cm 2007

86

heights

sining


Synaesthesia GLENDA GR ACE R. LAPID Pastels

21.3cm x 27.5cm 2004

87


Morgan La Fay Colored pencil on paper 21.0cm x 29.0cm 2008

88

heights

sining


Puck Pen & ink

5.6cm x 10.4cm 2007

89


Cassiel JPAUL MAR ASIGAN Graphite

21.6cm x 27.6cm 2006

90

heights

sining


The Prophet ALYZA TAGUILASO Oil on canvas

40.6cm x 50.8cm 2007

91


mga may

-akd

a


Wilford Almoro Kagawaran ng Interdisciplinary Studies Wilford Almoro is a part-time lecturer at the Ateneo de Manila University, teaching illustration and visual narrative. He attended the Philippine High School for the Arts and finished veterinary medicine in uplb. His illustrations have appeared in several magazines, print ads and books. For more of his works, visit www.wilfordalmoro.com

Jessica Amanda Bauza i bfa Information Design I’m here to kill your monster.

Rofel G. Brion Kagawaran ng Filipino Halos araw-araw, nagte-tren si Rofel G. Brion para makapasok, makapagturo, at makauwi. Salamat dito, kung anu-ano ang kanyang naisusulat.

Christoffer Mitch Cerda bfa Creative Writing ’06 ma Literature - Filipino Tubong San Pablo City, Laguna.

Erica Clariz C. De Los Reyes bs Management, major in Communications Technology ’07 Medyo naliligaw sa ngayon, at ang alam lang na daan pauwi ay ang pagsusulat.

93


Ruel S. De Vera Kagawaran ng Ingles

Jan Brandon Dollente ii ab Interdisciplinary Studies Halata bang hindi ako sanay? Kay Lord at sa pamilya ko (’di na kailangan ng paliwanag). Kina G. Yol Jamendang, Allan Popa, Mikael Co, mga dahilan kung bakit ako naeengganyo magsulat. Sa Heights at Fil Staff, na minsan marunong din palang magtiwala. Sa Block d1 plus Ali, lalo na sa diyosang napakagaling kumanta. Kina Anne at Moreen, na hindi marunong maubusan ng tiwala at ang mga dahilan kung bakit ako nasa Ateneo. Kay Ron, ang paboritong posterboy ni tear catcher. Kay Emar, ang pinakamagandang kilala ko. At sa lahat ng Joey Sands sa mundo.

Martin Nicolas D. Gonzales ma Political Sciences, major in Global Politics Martin is still in Ateneo. He feels like Winona Ryder in Reality Bites, only without Ethan Hawke.

Walther Hontiveros ii ab Economics - Honors “Tinimbang ka ngunit kulang.� Tinimbang ka ngunit kinulang

94

heights


Julio Benigno T. Julongbayan ii ab History Salamat kay Sir Clark Alejandrino, kung ’di ko binagsak ang History 16-l, ’di ko masusulat ang tulang ito. Salamat din sa b1 (lalo na kay Paul at Joma), sa bagwisang Filipino, sa pamilya ko (lalo na sa kapatid ko) at higit sa lahat sa nasa itaas na nagbigay sa akin ng kakayahang silipin ang ibabaw ng langit at ilalim ng dagat.

Glenda Grace R. Lapid iv ab Interdisciplinary Studies Gigi has always loved drawing. She is a frustrated Fine Arts Major (I.S. however comes quite close). She especially enjoys drawing faces and cartoons and just might be guilty of immortalizing them on school property. She is glad that her art is supported and that her “tamaditis” did not prevent her from submitting to Heights.

Petra Magno ii ab Literature - English baby, air and light and time and space have nothing to do with it and don’t create anything except maybe a longer life to find excuses for. – my man, bukowski

95


Kristian Mamforte iii bs Applied Mathematics, major in Mathematical Finance Lubos siyang nagpapasalamat sa unang guro niya sa kinder, si Ms. Dela Torre, ang unang nagturo sa kaniyang magsulat.

JPaul Marasigan iv bfa Information Design Kaiba sa karamihan ng mga naunang punong patnugot ng Heights, nagmula si JPaul sa bagwisan ng Sining at Disenyo. Gumawa siya ng tatak sa kasaysayan ng Heights sa paggawang pansining din at hindi lamang pampanitikan ang publikasyon at organisasyong ito.

Kevin Bryan E. Marin ii bs Health Sciences, minor in Health Development He believes that Medicine is an art. And Art is his medicine.

Gerald Pascua ii bs Chemistry and Materials Science Engineering Ang sarap talaga ng feeling ng first time. Para ito sa mga taong (a) may apelyidong nagsismula sa letrang – D! at (b) nagdiwang ng kanilang comple aùo nitong Marso. Yey!

96

heights


Geriandre M. Piquero iv bs Applied Mathematics, major in Mathematical Finance Sa wakas

Kathleen Teresa M. Ramos ii bs Management, major in Communications Technology Layaw at Tungkulin Kailanma’y hindi ko lubusang natanto bilang ng mga mukhang kinalinga ng mundo. ito kaya saki’y mananatiling misteryo dahil kayraming mukhang lulan ang isang tao. Sa una’y aakalaing isa ang hangarin isip, bisig at bibig isa ang tutunguhin ngunit pag tagal unti-unting palilitawin itinatagong anyo ng mga suliranin. Mga ugaling kubli mahirap palutangin lalo sa lipunang walang pinapanalangin dahil mayrong umiiral na alituntunin tao ay naiipit ng layaw at tungkulin

97


Ali Sangalang iii ab Interdisciplinary Studies May pagkakataong nagkakataong natataon ang taong tumalon mula sa kinatutungtungang katotohanan Gusto kong manumbalik sa dati (nating) kinatatayuan.

Jason Tabinas iv ab Economics Para sa mga 150 - 200 pounder na hindi malagom ng buo kong katawan. Tinimbang ka at sobra sa pag-ibig.

Alyza Taguilaso ii bs Biology Here’s to all the pretty words we will never speak.

98

heights


Audrey Trinidad iv bs Management, major in Communications Technology We write to taste life twice, in the moment and in retrospection. – Anais Nin

Martin Villanueva iv bfa Creative Writing Si Martin ay nagsusukat sa wikang Ingles (“para sa puwet ng aking puwetry.”)

Alvin B. Yapan Kagawaran ng Filipino He has published his first fiction collection, At Nabulag ang Tagapagsalaysay, included in ncca’s Ubod New Authors Series, and his first novel, Ang Sandali ng mga Mata, awarded the National Book Award 2006. He is currently finishing his doctoral degree in Philippine Studies at the University of the Philippines.

99


Pasasalamat

Fr. Bienvenido Nebres, s.j. at ang Office of the President Dr. Ma. Assunta Cuyegkeng at ang Office of the Vice President for the Loyola Schools Bb. Pia Sandra Acevedo at ang Office of Student Activities Bb. Karen Cardenas at ang Office of Research and Publications G. Rene San Andres at ang Office of the Associate Dean for Student Affairs Bb. Lourdes Sumpaico at ang Office of Administrative Services Bb. Leonora Wijangco at ang Central Accounting Office Bb. Christina Barzabal at ang Purchasing Office Bb. Consolacion Conception at ang Ateneo Placement Office G. Leovino Ma. Garcia, Dr. Benilda Santos at ang Office of the Dean, School of Humanities Bb. Corazon Lalu Santos at ang Kagawaran ng Filipino Dr. Margarita Orendain at ang English Department Fr. Rene Javellana, s.j., G. Xander Soriano at ang Fine Arts Program G. Marco A.V. Lopez at ang Ateneo Institute of Literary Arts and Practices G. Rodolfo Allayban at ang University Archives 100

heights


G. Dean Alfar, Dr. Wilford Almoro, G. Aris Atienza, G. Oca Campomanes, at G. Edgar Samar sa pagiging bahagi ng mga nakaraang Heights Formalist, Creative at Art Talks PerfectColor Prints Mark Benedict Lim at ang Matanglawin Ana Corina Arceo at ang The Guidon Clark Cue at ang Council of Organizations of the Ateneo Entablado at Tanghalang Ateneo para sa mga paanyayang manood ang Heights sa kanikanilang mga pagtatanghal actm, atsca, gabay, at speed sa mga paanyayang maging bahagi ang Heights sa kani-kanilang mga proyekto High Chair, up Writers Club, dlsu Malate Literary Folio at ust Dapitan Literary Folio Ang Gonzaga Hall Maintenance Personnel At sa lahat ng mga walang sawang tumatangkilik sa mga proyekto ng Heights at sa mga nagpapasa ng kanilang mga gawa

Dibuho p.22, Alyza Taguilaso

101


Patnugutan

20 07-20 08

John Paul F. Marasigan Audrey Phylicia N. Trinidad Katrina Paola B. Alvarez Kevin Bryan E. Marin Therese Anne C. Calma Fidelis Angela C. Tan Maurice Y. Wong Eliana Laurice C. Javier Stefanie D. Macam

Katuwang na Patnugot Tagapangasiwang Patnugot Patnugot sa Filipino Katuwang na Patnugot sa Filipino Patnugot sa Ingles Patnugot sa Sining Katuwang na Patnugot sa Sining Patnugot ng Disenyo

Patricia Angela F. Magno

Tagapangasiwa ng Natatanging Proyekto

Joanna Victoria D. Ruaro

Pangkalahatang Kalihim

Justine Joyce L. Alim

Pangkalahatang Kalihim

Pancho D. Alvarez

Edgar Calabia Samar 102

Punong Patnugot

heights

Tagapangasiwa ng Kalakal

Tagapamagitan


Mga Kasapi ingles

filipino

Catherine Alpay, Kyra Ballesteros, Jerik Cruz, Paula Elise Doroteo, Dominique Du,Martin Gonzales, Marie La Vi単a, Gian Lao, Petra Magno, Wyatt Ong, April Sescon, Tim Villarica, Martin Villanueva

Victor Anastacio, Kat Bulaong, Brandz Dollente, Walther Hontiveros, Julio Julongbayan, Geriandre Piquero, Ali Sangalang, Eugene Soyosa, Jason Tabinas

sining

disenyo

Dave Oliver Anastacio, Jessica Amanda Bauza, Erika Bacani, Justine Cabrera, Bea Celdran, Miguel Mercado, Isabelle Danielle Ocier, Gracy-An Otocan, Ria Rigoroso, Danielle San Pedro, Alyza Taguilaso

Garet Garcia, Carina Samantha Santos

mga natatanging proyekto Paul Ablan, Angelica Candano, Bea Celdran, Jose Fernandez, Jaclyn Ledonio, Monica Tiosejo, Selene Uy

103


104

heights


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.