Issuu on Google+

2

AGOSTO 8 - 14, 2010

BAGONG PROVINCIAL INFORMATION OFFICER SA KAPITOLYO, NAITALAGA NA CAPITOL, TRECE MARTIRES CITY, CAVITE – Mayroon ng bagong Head ang Provincial Information Office (PIO) ang Kapitolyo sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. Siya si Ms. Jo-Ann Nazareno –Loyola na anak ni dating Naic Mayor Efren C. Nazareno. Nagtapos si Ms. JoAnn ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Management sa De La Salle University noong 1994 at muling nagaral at nagtapos ng Bachelor of Laws sa University of Sto. Tomas noong 2000. Samantala nagsimula ang kanyang paglilingkod sa bayan mula 1993-1997 bilang SK Federation President ng Naic, 2001-2008 bilang Executive Assistant of Mayor Efren C. Nazareno at 2008-2010 bilang Assistant Sangguniang Bayan Secretary ng Sangguniang Bayan ng Naic. “Malaki ang aking pasasalamat kay Gov. Jonvic Remulla sa pagtitiwala at pagkakataong ipinagkaloob niya sa akin na mamuno sa Provincial Information and Community Affairs Department, gayun din

Jo-Ann Nazareno –Loyola

naman ang aking pasasalamat kay Vice Gov. Recto Cantimbuhan at mga Board Members ng Sangguniang Panglalawigan ng Cavite para sa kumpirmasyon ng aking pagkakatalaga bilang Provincial Information Officer. Asahan ninyo na gagawin ko ang lahat ng

aking makakaya upang magampanan ang tungkuling iniatang sa akin at maglilingkod ako ng tapat at mahusay upang mapanatili ang integridad ng serbisyopubliko. Nawa’y kasihan ako ng Panginoong Diyos upang maharap ko ayon sa kanyang kagustuhan ang pani-

10-anyos pababa, bawal na sa motorsiklo MULA sa ika-2 ng Agosto, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagsakay ng mga batang may edad sampu pababa sa motorsiklo saan man sa Cavite. Kinumpirma ito ni Senior Superintendent Danilo L. Maligalig, Cavite Police Provincial Office (PPO) Director at Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco. Ayon kay Maligalig, ang hakbang na ito ay naglalayon na bawasan ang bilang ng malulubhang aksidente na dulot ng motorsiklo dahil na rin sa sunod-sunod na aksidenteng nagaganap sa Cavite. Isang pagpupulong ang naganap sa Cavite PPO Headquarters sa Camp General Pantaleon Garcia ang dinaluhan ng Chiefs of Police (CoPS) ng 19 na bayan at 4 na siyudad. Dito napagdesisyunan ni Maligalig at Velasco na ipagbawal ang pag-angkas o pagsakay ng mga batang may edad 10-anyos pababa sa mga

motorsiklo. Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang isang kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naghayag na maliban sa paggamit ng helmet, ipinagbabawal na rin ang mga bata sa pag-angkas sa motorsiklo. “Ang mga mahuhuli na hindi sumusunod sa

bagong batas na ito ay maaaring kasuhan ng child abuse dahil inilalagay nila ang buhay ng bata sa panganib.” ani Velasco. Ayon kay Maligalig, mula ikalawa hanggang ika-siyam ng Agosto ay magsasagawa ng test cases tungkol sa bagong batas na ito. MICHELLE VALE CRUZ

bagong hamon sa aking buhay. Maraming salamat pong muli sa lahat ng nagtiwala sa aking kakayahan, ang wika ng mabait at masipag na hepe ng PIO na si Ms. Jo-Ann N. Loyola. Samantala naitalaga na rin si Mr. Jesus Barera bilang Head ng Provincial Planning and Development Office (PPDO). Ang bagong Provincial Planning and Development Officer ay tubong Cavite City at kilalang dating lider-kabataan noong araw at nabigyan ng mataas na pagkilala at parangal ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos bilang outstanding Kabataang Barangay officer. REX DEL ROSARIO

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501

AGOSTO 8 - 14, 2010

3

Dengue sa Cavite INILUNSAD ng Cavite Provincial Health Office (PHO) ang isang kampanya laban sa sakit na dengue matapos na maging sanhi ito ng pagkamatay ng isang 60-anyos na guro at tatlo pang bata sa Dasmarinas City. “Dumarami ang nagkaroon ng sakit na ito mula Enero na naging sanhi ng pagkamatay ng apat na katao sa Dasmarinas,” ani PHO Sanitary Inspec-

tor Anabella R. Dilig. Marami ang naiulat na nagkaroon ng dengue sa probinsya ng Cavite dahil na rin sa laki ng populasyon ng probinsya at dahil

na rin sa napapalibutan ang Cavite ng tubig. Nakiisa sa kampanya laban sa dengue ang mga opisyal ng 19 na bayan at 4 na siyudad sa Cavite.

Pagbabago sa ngalan ng serbisyong bayan ni Gov. Remulla CAPITOL, TRECE MARTIREZ, CITY, CAVITE – Patuloy ang inaaning suporta sa mamamayang Kabitenyo ng pamamahala ng administrasyon ng bagong Gobernador na si Kgg. Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. dahil

sa mga pagbabagong kanyang isinasagawa. Matatandaang pagkaupong-pagkaupo pa lamang niya sa Kapitolyo ay kaagad niyang iniabot ang kamay sa Bise Gobernador na si Kgg. Recto Cantimbuhan (na ma-

tatandaang hindi kapartido noong panahon ng kampanyahan) sa ngalan ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas ika-aayos ng maganda at mabilis na serbisyo para sa lalawigan. Masigla namang pagtanggap ng

Konduktor, nang-hostage ng sanggol HINOSTAGE ng isang konduktor ng bus ang kapatid nito sa labas na may edad na dalawang linggo pa lamang matapos hindi bigyan ng kanyang ama ng pera noong Sabado ng gabi. Kasalukuyang nahaharap sa kasong frustrated murder at child abuse ang suspek na si Boy Napi, 24 anyos. Nangyari ang pangho-hostage sa bahay ni Rogelio

Mancao, ama ng suspek, sa kalye ng Manggahan sa Bacoor. Anak ni Mancao si Napi sa kanyang unang asawa. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lasing na nagtungo si Napi sa bahay ng kanyang ama upang humingi ng pera. Ngunit, hindi ito binigyan ni Mancao ng pera dahil may trabaho na si Napi bilang isang konduktor. Galit na sumugod si Napi sa silid ng kanyang

ama at kinuha ang kapatid nito sa labas na dalawang linggo pa lamang at tinangkang patayin ito sa pamamagitan ng kutsilyo. Agad ring sumuko sa autoridad si Napi. Nagkamit ng kaunting sugat sa ulo ang sanggol. Ayon kay Mancao, nais niyang ipagpatuloy ang pagsampa ng kaso sa sariling anak upang turuan ito ng leksyon. MICHELLE VALE-CRUZ

pagkakaisa at pakikipagtulungan ang itinugon ni Cantimbuhan kay Remulla na ngayon ay magkakasangga na sampu ng mga Bokal sa pitong distrito ng Cavite. Ilan sa mga magagandang patakaran sa ngalan ng pagbabago na ginawa ni Gov. Remulla ay ang panawagang pagtitipid ng lahat ng panglalawigang tanggapan at ahensya ng pamahalaan, pagtanggal sa may anim na libong 15/30 o ghost employees ng Kapitolyo, pagpapabilis ng serbisyong tulong sa mamamayan katulad ng mga nalapit sa Provincial Social Welfare & Development na humihingi ng financial assistance katulad ng sa calamity, medical at burial na kung dati ay sampung araw bago makuha ang tulong ay ngayon sa bagong administrasyong Remulla ay makukuha ang tulong sa loob lamang ng tatlong oras.

Gobernador Remulla, Jr. Dahil sa mga makabuluhang pagbabago at programa ni Gov. Remulla ay hindi kataka-taka kung umani siya ng suporta sa napakaraming bilang ng kababayan sa lalawigan. Samantala inaasahang mas marami pang pagbabago sa ngalan ng serbisyong bayan ang matatamo ng mga Kabitenyo sa loob ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan. REX DEL ROSARIO

NI OBET CATALAN Bilang tugon sa sunud-sunod na insidente ng pagkakasakit ng dengue sa Dasmarinas, ang mayor ng nasabing lunsod na si Mayor Jennifer A. Barzaga, ang asawa nito na si Rep. Elpidio F. Barzaga, at dalawang health officers na sina Dr. Cynthia M. Cristobal at Dr. Minerva Casenas ay nagtulung-tulong sa pagsasagawa ng malawakang paglilinis sa siyudad ng Dasmarinas upang labanan ang paglaganap ng dengue. Ang mga naitalang namatay dahil sa dengue ay sina Maria Nenita Navarette, 60-anyos, isang guro sa Dasmarinas; Saira Fernando, 13anyos; Cristine Pablo, 7anyos; at Marylle Luchavez, 4-anyos. Ayon kay Sanitary Inspector Mario Mondragon, si Navarette ay namatay dahil sa dengue shock cendrum sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Hospital noong July 25. Si Fernando naman ay nakaranas ng hemorrhagic fever sa Asia Medic Family Hospital and Medical Center, University of Sto. Tomas Hospital, at St. Paul Hospital mula ikadalawampu’t walo hanggang ikatatlumpu’t isa ng Hulyo. Dahil sa sunud-sunod na insidenteng ito ay binalaan na ng mga health officials ang mga tao tungkol sa sakit na dengue.

AGOSTO 8 - 14, 2010

4

Katuparan ng Pangarap

MAKAHULUGANG pagtatapos ng Campus Journalism sa Academy of St. John ang naganap noong nakaraang Sabado, July 23, 2010. Laking tuwa ng inyong lingkod sa naging bunga ng aking pagsisikap upang maibahagi ng naaayon sa pangangailangan ng grupo and nasabing seminar-workshop. Maganda, maayos at makatotohanan ang mga nagawang “dummy paper” ng iba’t ibang pangkat. Iniulat pa ng bawat lider nito ang mga contents, kung papaano nila nabuo ang mga konsepto at tunay namang naisakatuparan nila sa aking lecture. Nagmistulang “tribute” rin ang isang bahagi ng pahina ukol sa kanilang pagkilala sa akin bilang makabagong bayani sa ating panahon. Anong

saya ko sa aking nasaksihan at narinig mula sa mga estudyanteng manunulat sa naturang paaralan. Napatunayan kong may liwanag ang buhay kung desidido ka sa iyong pangarap. Handa mong tiisin ang anumang hirap at pagsubok; makamtan lamang ang tugatog ng tagumpay. Sa kanilang galing at kaalaman, kitangkita ko na matutupad ang mga ambisyon nilang maging isang sikat na writer sa kanilang panahon at pagkakataon. hangad ko ang katuparan ng inyong mga pangarap. Hail La Salle Rheims! Animo La Salle! Isa pang kwento ng buhay ang aking nasagap sa aking pauwing bahay - ang tawag mula sa isang suking mambabasa tungkol sa kanyang suliranin. Ayon kay Gelay, sobra na ang mahigit isang dekadang pagsasama na puno ng away, gulo at paghuthot ng pera sa kanya. At dahil dito, siya’y aking pinuntahan sa kanyang tirahan sa Kawit, Cavite. SUNDAN SA P.5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

MGA CAPITAL SA CAVITE Wanted Suspek Kabi-kabila ang nangyayari na namang patayan sa Lunsod ng Cavite. May mga suspek na di umano ang pulisya upang papanagutin sa mga nangyayaring krimen. Natatakot ang ilan na may mabiktima ng ‘fall guy.” At kapag ang kawawang fall guy ay natiklo, kahit pagpatay kay Rizal,pwede. Wag naman sana. Saludo pa naman tayo sa ilang miyembro ng kapulisan sa Cavite City. Cavite City, unsolved crime capital of the Province? oOo Kulit ng Kawit Kakatapos lang masita ang kawit sa Tutok Tulfo, eto’t kaliwa’t kanan na naman ang saklaan. Minsang tumawag tayo sa tanggapan ng pulisya, ang sagot ng magiting na nasa kabilang linya, “Baka naman may patay..., kasi kapag may patay, may saklaan talaga.” Wow, magaling na dahilan. Mayor,Tik Aguinaldo, alam mo ba ito? Kawit, Saklaan Capital of Cavite. oOo Bango ng Bebot sa Bacoor Hindi pa man nagiging ganap na lunsod ang Bacoor, mistulang Quezon City na ito. Partikular sa gabi. Nagiging Quezon Ave. Naku, sina-

bi nyo pa. Nagiging ‘Boss, Chicks’ area na ang panalo sa Bacoor soon to be city. Bacoor, Bebot Capital of Cavite. oOo Tanza Tira May nakakapagnguso sa atin na isang pilahan ng tricycle sa Tanza ang nagiging pilahan din ng bumibili ng bato, Hindi po ito pila sa lumber/hardware mga suki, pila ng batong nakakabuwang. Hala... kaya pala harurot-bangungot kung magpatakbo ang ilang drayber sa Tanza. Magaang ang sakay. Ang utak nga lang ang kargado. Ayun! oOo Babaeng Hamog sa Cavite City Dahil Lunsod na ang Cavite, naunahan na nito ang Bacoor sa pagiging Boss Chicks capital. Sa Samonte Park pag patak ng dilim, may mga sumusutsot sa nagdaraan. Partikular sa mga kalalakihan. At ang sasabihin, “Boss, Chicks?” Mabuhay ang Cavite City! Dahil namatay na ang mga beerhouse sa Lunsod, iba na ang puntirya ngayon. Hindi mo na dadayuhin ang ma chicks sa beerhouse. Dahil inilalako na ng mga chicks ang kanilang pag-aaring hinaharap! Bwahahahar!

ANGKANKO CORPORATION MARAMING korporasyon ng pamilya ang nagtagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Una na siyempre sa listahan ang ABSCBN at SM. Mula sa maliit na tindahan ng sapatos sa Quiapo na noon ay tinawag sa Shoe Mart kaya SM, ngayon ay Super Mall na at mayroon ng Mall of Asia (MOA) Ganundin naman ang ABSCBN na mula sa maliit at mahinang tower, ngayon ay may TFC (The Filipino Channel) pa. Sa lunsod ng Cavite, isa ang pamilya o magkakapatid na Chua sa pinakamatagumpay na pamilyang korporasyon. Naging kilala din noon ang korporasyon ng mga Nazareno sa pamamagitan ng furniture. Pero lahat sila ay naging matagumpay sa iisang sekreto at pamamaraan— ang palakihin ang kani-kanilang kita upang lumaki at lumawak ang kanilang network Pero paano kung ang pinapatakbo ng isang pamilya ay hindi isang negosyo kundi isang pamahalaan o lunsod na gusto nilang gawing korporasyon? Kabaligtaran sa una, dito, palalakihin muna nila ang kanilang network para lumaki ang kita. Sasakupin at pakikialaman ang halos

lahat ng departamento. Mula sa kaliit-liitan hanggang sa malaking kontrata ay rerebisahin at kukunin ang malalaki ang kikitain. Laging nakatanghod sa likod ng upuan ng mayor at parang vetsin na laging nakasahog sa lahat ng usapan na tila ba alam na alam n’ya anything under the sun. Nakabantay sa pintuan at sisinuhin at aalamin ang pakay ng sinumang nagnanais pumasok sa tanggapan ng alkalde. At kapag alam na makakaimpluwensiya sa mayor ang gustong kumausap ay nakabantay na ito at kunwari ay aayon, pero pagtalikod ay kung anu-ano ang sinasabi. Sila ang masusunod kung sino ang ilalagay sa ganito at ganoong posisyon. Sila din ang magpapasok at magtatanggal ng tao. Monopolya ang lahat ng kitaan. Ganyan ang sistema ng mga taong gustong gawing korporasyon ang gobyerno. Isa ang inihalal, dala ang buong angkan. Siya nga pala, may balita ako na planong tanggalin ang malaking logo na nakakabit sa harap ng Cavite City Hall na may nakaukit na Dakilang Sagisag ng Lunsod at papalitan ng.... Angkanko Corporation!

AGOSTO 8 - 14, 2010

GOOD MORNING... MULA SA PAHINA 4 Nakinig ako sa kanyang paglalahad. At aking napag-alamang malalim na pala ang naganap sa kanyang love story. Di na siya masaya sa relasyon. Wala nang pag-ibig pa na umiikot sa kanila. Tuluyan na ring nawala ang respeto nila sa isa’t isa. Wala na rin akong magawa kundi makisabay sa kanyang pagluha. Para sa’yo kapatid, kalimutan mo na siya at wag na pong asahan pa ang pagbabalik sa iyong piling. Maganda, matalino at may pera ka. Move on. Gawin mo ang dapat. Life is beautiful… Pinoy na pinoy ang dating ni P-NOY sa matagumpay niyang SONA noong nakaraang Lunes, July 26, 2010 kasabay ang pagbubukas ng Kongreso. Damang-dama ng bawat Pilipino ang kanyang mensahe. Naunawaan ng lahat ang kanyang nais iparating. Napaka-sincere at totoo ng bawat salitang kanyang binitawan. Lahat ay humanga at napatunganga sa kanilang nasaksihan. Ngunit may iilan pa ring nadismaya sa kanilang narinig. Iba’t ibang kuru-kuro ang ibinahagi ukol sa kanyang mga nasabi. In general, para sakin, makabuluhan at puno ng pagmamalasakit ang aking natanto. Hat off ako, Mr. President! Keep it up! Buong tiwala at suporta ang aking alay para sa’yo, P-NOY.

Letter to the editor Kami po ng aking mga kasama dito sa Cavite City Hall ay naniniwala na ang Responde Cavite ang siyang pinakapatas pagdating sa pamamahayag. Kaya naman po lahat kami ay nagkaisa na sa inyo namin iparating ang aming nais na iparating sa kinauukulan. Kami po ay litunglito na sa sitwasyon dito sa City Hall, hindi na po namin malaman kung sino ang susundin at paniniwalaan.

Hanggang ngayon po ay nakabitin pa ang listahan ng mga dapat sana’y panatag ng loob ng mga empleyado, pero ang dapat na schedule ay hinarang na naman at hindi raw napasama doon sa listahan ang mga tao naman ng isa pang nagpapanggap na marunong at admistrator. Paano po naman magiging productive ang bawat empleyado kung ang bawat isa ay may agam-agam sa damdamin na baka

5 Panawagan ng Cavite City Hall Workers bukas ay wala na silang trabaho. O magtrabaho man sila ay hindi nila alam kung sila ay susweldo. Sa amin pong pagkakaalam, si dating Piskal Ezon Medina ang siyang itinalagang administrator ng lunsod, pero hindi siya nagpapapasok, marami ngayon ang napapel na hindi talaga namin alam kung ano ang papel sa city hall. Nauunawaan naming na may kabigatan ang mga unang araw ng naging paglilingkod ni Piskal Medina, dahil sa transition period ito, pero

ganun pa man, alam ng tao kung sino ang susundin at marami ang naniniwala na higit siyang may kakayahan kaysa sinuman na ngayon ay napapel sa city hall. Alam din namin na walang ibang hangad si Piskal Medina kundi ang maisaayos ang lahat, lalung-lalo na ang lunsod, kaya ganoon na lang ang kanyang pagmamalasakit sa administrasyon ni Mayor Ohmee Ramos na hindi katulad ng mga nakikita ngayon na puro pansarili ang iniisip. Umaasa po kami

na sa pamamagitan ng Reponde Cavite, na siyang pinakamalaganap at sinusubaybayan ng bawat Caviteño ay makarating sa kinauukulan ang aming hinaing. At para kay Piskal Medina, wala na pong ibang magmamalasakit sa administrasyon ni Mayor Ramos na ang iniisip ay kapakanan ng lunsod kundi kayo. Kailangan na kayo ng mga tao. Maraming-maraming salamat po. Cavite City Hall Workers

PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga magaaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.

Come and experience La Piel! located at 5530 A Paterno St. Caridad Cavite City

6

AGOSTO 8 - 14, 2010

ENTRAPMENT?!

PERSONAL na nagsadya sa tanggapan ng Responde Cavite si PO2 George Bayas Lapidario upang linawin ang lahat ng umano’y kumakalat na balita laban sa kanya at sa iba pa niyang mga kasama.

Ang saksing na nagpapaliwanag sa Responde Cavite ng kanyang natunghayang pangyayari Matatandaan na lumabas sa isang pangaraw-araw na pahayagan na umano’y inaresto si Lapidario at mga kasama nito sa Bagong Pook, Cavite City, at sinasabing nakuhanan sa pangangalaga nito ang P10,000 na bahagi ng umano’y P50,000 na hinihingi ng mga akusado. Sa sinumpaang salaysay naman ng magasawang Elenita L. Viray, 33, walang trabaho, at residente ng Bagong ni Cinco ang numero ni sunod na operasyon na Pook, Calumpang, Ca- Lapidario sa kanila at kanyang isinagawa. Sa eksklusibong pavite City at Francisco Vi- doon ibigay ang pera. Sa pinagsamang si- hayag nito sa Responde ray, 40, at residente rin ng nasabing lugar sa numpaang salaysay na- Cavite, sinabi nitong Provincial Intelligence man nina PS/Insp. Lusi- galing umano siya sa Branch (PIB) sa Imus, to Nevado at SP03 Ti- Motano Hall dakong 6:30 Cavite, nag-text umano burcio Urgido, agad na ng gabi para sa pagtesa kanila si P02 Jay Cin- inilatag ang entrapment train ng aso, pauwi na co noong nakaraang Hu- operation sa utos ni P/ umano siya sa kanilang nyo 25 ng taong kasa- Supt. Cosme Abrenica, tahanan sa kanto ng lukuyan sa isang lugar ang hepe ng PIB laban pagitan ng Hermanos at sa Ronquillo Street ng kina P02 Jay Cinco, P02 Lopez Jaena sa lunsod nasabing lunsod at doon George Lapidario at P02 ng Cavite nang makita nito ang isang kaibigang sinabi umano ng akusa- Ronald Nabos. SI LAPIDARIO: si Ronald (di tunay na do kay Francisco na aaDahil dito, minabuti ni pangalan ayon sa kahirestuhin nila ang kanyang asawa kung hindi Lapidario na makipag- lingan nito bilang saksi ito magbibigay ng hala- ugnayan sa Responde para sa kanyang kaliggang P50,000 dahil sa Cavite upang malinawan tasan at ng kanyang ginagawa umano nitong umano ng lahat ang pamilya) at nagkuwentuhan sila habang naglamagtitinda ng ipinagba- tunay na pangyayari. Ayon kay Lapidario, lakad pauwi. bawal na droga. Di nagtagal, mabilis Sinabi pa umano ni bagong assign umano Cinco na puwede naman siya sa Intelligence Divi- na pumarada ang isang umanong dalawang big- sion ng Cavite Compo- van at isang kotse at ay ang nasabing halaga, nent City Police Station puwersahan silang isinaP25,000 sa pauna at at hindi malayo aniya na kay ng mga sakay nito hulug-hulugan ang natiti- mapag-initan siya ng habang nakatutok ang mga malalaking nasa mga baril, na kalaunan rang P25,000. Ayon pa sa mag-asa- likod ng iligal na droga sa ay napag-alaman nilang wa, ibinigay din umano Cavite dahil sa sunud- mga kagawad ng Provin-

cial Intelligence Branch. Ayon pa kay Lapidario, pagpanik na pagpanik niya ng van ay may inihagis agad sa kanya na isang sobre na mabilis niyang nailagan dahil sa pag-aakalang kung ano ang inihagis na ng sumambulat sa loob ng van ay nakita niyang pera na may fluorescent powder. “Ayan... ayan ang perang tinanggap mo,” sabi ng isa sa mga sakay ng van. Dumeretso aniya siya sa Camp Pantaleon Gracia at agad siyang isinailalim sa crime laboratory test na naging negatibo naman ang resulta. Matapos aniya ay isinalang naman siya sa interogasyon at mga bandang 12:00 na ng umaga ng ipasok umano siya ng detention cell. Pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng piyansa at pansamatalang nag-i-schooling sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna sa tanggapan ng Regional Police habang umuusad ang kasong rubbery extortion sa criminal case at grave misconduct naman sa administrative case kasama ang dalawa pang pulis na sina Cinco at Nabos. ANG SAKSI: Personal ding nagsaya sa tanggapan ng Reponde Cavite ang saksi sa lahat ng pangyayari si Ronald (di tunay na pangalan) kasama ang may kanyang maybahay upang aniya ay maliwanagan ang lahat ng mali-maling balita. Sinabi ng maybahay ng saksi na agad siyang kinutuban ng gabi na hindi pa umuuwi ang kanyang mister gayung inutusan n’ya lang itong tumingin ng resulta ng EZ2 ng lotto sa kanto ng Lopez Jaena at Hermanos. Ayon sa saksi, kasalukuyan umano siyang nakatayo at nakaistambay sa isang bahay ng tropa malapit sa lotto outlet nang makita nito si Lapidario na nagdya-

jogging. Nagkakuwentuhan umano sila ni Lapidario habang daan pauwi nang may isang lumampas na lalaking nakatingin sa kanila. Hindi umano ito pinansin ng saksi sa pagaakalang kung sino lang, ilang sandal pa aniya ay bumalik ang lalaki kasunod ang van at tinutukan na sila ng baril at sapilitang isinakay. Kinumpirma ng saksi na pahayag ni Lapidario na pagkasakay na pagkasakay nila ng van ay inihagis ng isa sa mga sakay nito ang isang sobre na naglalaman ng pera ng sumambulat sa sahig ng van nailagan ito ni Lapidario at tumama sa upuang natutupi. Nagtatakang nagtanong umano ang saksi sa mga sakay ng van kung ano ang kanyang atraso o ano ang dahilan kung bakit siya hinuli. Sumagot umano ang isa sa mga sakay ng van na kasama kasi umano siya ng aarestuhin nila si Lapidario. “Nakiusap pa si George (first name ni Lapidario) sa mga sakay ng van na ibaba na ko dahil nakasalubong n’ya lang naman daw ako at nakakuwentuhan habang naglalakad at wala akong alam sa anuman.” Pahayag ng saksi. Sinabi pa nito na habang nasa biyahe ay humingi sa kanya ng

paumanhin ang magasawang sakay ng van na nadamay sa pangyayari sabay tapik sa kanyang balikat. Sa hiya umano ni Lapidario sa kanya, ay tumawag ito sa kanyang asawa at nagsabing sumunod sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus at sunduin ang saksi. Nagbilin din umano ito sa asawa na h’wag na ipapaalam sa asawa ng saksing si Ronald ang pangyayari at baka kung ano ang mangyari dito na ito ay mahina ang loob sa mga ganoong pangyayari. Ayon pa kay Ronald, sa loob ng tanggapan ng IEB, sinabi ng isa sa mga humuli kay Lapidario na: Pasensiya ka na, pare. Dapat ang mga ito ang hunuhuli, e. Kita mo ang mga itsura, bungingbungi at dilat na dilat. Kaya lang naunahan ka ng reklamo, wala tayong magagawa. Narinig pa din umano ng saksi ang sinabi ng isa pang kagawad ng PIB na: Paano ‘to, wala naman tayong nahuli, negatibo rin sa fluorescent powder? “Wala tayong magagawa. Ituloy na lang ‘yan at bahala ang piskalya.” Sagot naman daw ng isa. Samantala, agad ding ini-release ang saksing si Ronald matapos itong magnegatibo sa mga pagsusuri.

Si Lapidario habang ibinibigay ang kanyang panig sa Responde Cavite

8

AGOSTO 8 - 14, 2010

Nasasakal na sa boypren

Ang nagpapaswerteng arinola

MINSAN, kumain ako sa isang karinderya. Masarap ang ulam kasi mura.Tapos nang nagbayad ako, inilagay ng tindera ang bayad ko sa arinolang plastic na maliit na pambata. Doon din sya kumuha ng baryang ipinansukli sa akin. Natural belabed reders, umandar na naman ang kakulitan ko (kaya ako madalas mapahamak, e). Tinanong ko yung tindera kung bakit nila inilalagay ang kanilang benta sa arinola. Pampaswerte daw, sabi ng tindera. Ang galing, ano po? Tuwang-tuwa ako sa ganitong mga paniniwala o pamahiin. At dahil kadalasang Tsino ang maraming pamahiin, minabuti kong tignan ang mga malalaking kainang pag-aari ng mga ito. Inobserbahan ko na yung iba’t ibang fast food chain (bagamat franchised lang sa Amerika o dito sa Pilipinas nanggaling o nagsimula, siguradong Tsino pa rin ang may ari). Aba, wala akong nakitang arinola sa kani-kanilang mga kaha. Hmmm, baka naman hindi arinola ang gamit ng mga ito? Baka inidoro na o di kaya’y poso negro. Gusto ko sanang usisain kung yung mga kaha nila ay may nakakonektang tubo diretso sa higanteng arinola, inidoro o posonegro sa ilalim ng mga establisyementong ito. Kaya lang baka mahirapan akong magpaliwanag sa prisinto na gusto ko lang patunayan ang aking hinala. May kasabihan kasi siguro tayo na swerte ang tae. Di ba nga kapag nakatapak ka ng tae sa anumang oras, ang kantyaw sa ‘yo ng mga nakakita ay “swerte mo naman”. Kaya siguro, sa halip na tunay na tae ang ilagay sa mga karinderya, doon na lang sa pinaglalagyan din ng tae ng bata. Syempre, alangan naman na naka-

hambad ang inidoro sa karinderya no? Kunsabagay, pwedeng habang naghihintay ng kostumer ang mga tindera, pwede nilang upuan ang inodoro. Sigurado pa nilang nababantayan ang kaha nang mabuti. Kahit kapag nanaginip ng tae ang isang tao, agad syang tataya sa lotto, hweteng, ending at laging may otso ang mga numero dahil ito raw ang numero ng tae. Kaya, gusto ko ring sipatin ang pwet ng mga estatwang mascot ng mga food chain na ito at tignan kung may tae sa pwet ang mga

ito. Ang maganda tinanong ko sa tindera kung bago yung arinola. Hindi makasagot agad ang tindera. Nangingiti lamang ito. Kinulit ko. Bago daw, sagot ng tindera. Gusto ko sanang sabihin na kaya siguro hindi pa masyadong malakas ang kanilang karinderya kasi hindi pa nasasayaran ng tae ang kanilang arinola. Kung payag sila, magboboluntaryo akong taian ang kanilang arinola. Hehehe. Baka nga swertehin sila. At ako naman ang malasin.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) -Paghandaan, paglabanan at darating sa iyo na pagsubok. Lucky days/nos./color=Friday/Saturday=128-9-6-42-43=black AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18)- Mag-ingat sa dating kakilala problema ang dala nila. Lucky days/nos./color=Sunday/Monday=3-6-19-2317-25=maroon PIECES (Pebrero 19 – Marso 20) - Alalahanin ang mga mahal sa buhay. Makiramdam sa mga kasama sa trabaho, umiwas sa gulo. Lucky days/ nos./color=Thursday/Wednesday=4-49-42-3-26=silver ARIES (Marso 21 – Abril 19) - Huwag maging maramot. Pagpaparaya ang tugon sa iyong problema. Lucky days/nos./color=Tuesday/Wednesday=23-33-43-13-3=gold TAURUS( Abril 20 – Mayo 20)- Maging maingat sa mga balakin at gagawin ngayong linggong darating. Huwag makalimot sa nasa itaas. Lucky days/ nos./color=Thursday/Friday=12-7-9-11-15-37=pink GEMINI ( Mayo 21 – Hunyo 21)- Tiwala at unawa upang makamit ang ninanais sa buhay. Iwasan ang ilang kasambahay. Lucky days/nos./color=Tuesday/ Sunday=4-28-36-39-6-15=yellow CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)- Huwag iwasan ang darating na pagsubok. Harapin at hanapan ng tamang kasagutan upang ito ay mapunan. Lucky days/nos./color=Friday/Saturday=17-22-21-27-813=red LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)- Unahin ang mga nasa isip na gawain, huwag padala sa mga taong naka paligid lalung-lalo na sa mga kaibigan. Lucky days/nos./color=Monday/Tuesday=10-25-26-19-72=green VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)- Ito ang araw na magiging makulay ang iyong lovelife. Asahan at pakaingatan ang darating na ito. Lucky days/nos/ color=Sunday/Monday=11-21-15-28-27-33=vilolet LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23)- Ito ang kasagutan sa iyong nakaraan. Kakaiba ang dating ng suwerte mo. Dahil dito magaganap ang iyong pinakaaasam-asam. Lucky days/nos.color= Thursday/Sunday=17-36-12-16-29-30=sky blue SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22)- Huwag umasa sa mga naririnig na di maganda sa iyong kapwa. Humingi ng kapatawaran sa mga taong iyong naapi, at katahimika’y iyong makakamtan. Lucky days/nos./color=Wednesday/Thursday=5-917-18-16-25=lavander SAGITTARIUS (Nobyembre 23 -Disyembre 21)Magbabalik ang isang dating minamahal. Ngunit may iba siyang mas mahal sa iyo. Huwag damdamin ang kabiguang ito. Sa halip ay humanap ng mababalingan ng iyong pagmamahal. Lucky days/ nos./color=Thursday/Friday= 33 -10-14 -26 3745=grey

Binibining Bebang, May karelasyon po kasi ako ngayon. Gusto ko naman po ang pagiging malapit niya sa akin. Pero minsan, sumosobra na po, e. Kapag lalabas ako with my friends at hindi siya kasama, ayaw niya po akong payagan. Hindi naman po ako nagkukulang sa pagpapaalam sa kanya at sa pag-text kung saan po ako papunta. Parang nasasakal na po ako. Becky ng Brgy. Maduya, Carmona, Cavite Mahal kong Becky, Umaakting na tatay ang iyong karelasyon. Baka iyon ang gusto niAng intellectual property o IP ay mga tuklas o likhang nagmula sa isip ng tao. Ang dalawang uri ng IP ay industrial property at copyright. Sa industrial property nakapailalim ang patent, trademark o servicemark, industrial designs at geographical indications. Sa copyright o karapatang-ari, nakapailalim ang mga gawang pampanitikan at sining. Patent naman ang tawag sa proteksiyong ibinibigay ng gobyerno sa mga imbensiyon. Ang mga imbensiyong produkto o proseso ay nagbibigay ng sagot/solusyon sa mga tanong/suliraning kinakaharap ng mga tao. Halimbawa, ang washing machine ay imbensiyong lumulutas sa santambak na labada. Ang proseso o formula sa paggawa ng skin ointment ay lumulutas sa sakit sa balat tulad ng hadhad. Ang imbentor lang ang may karapatang magdesisyon kung sino ang puwedeng mag-manufacture, gumamit, o magbenta ng kanyang produkto o proseso. Dahil siya ang may-ari ng patent, maaari niyang ireklamo o idemanda ang mga taong hindi naman awtorisadong mag-manufacture, gumamit, o magbenta nito. Ang industrial designs ang siyang nag-

yang maging papel sa buhay mo. Sabihin mo sa kanya, kaya mo siya sinagot ay dahil gusto mo ng karelasyon at hindi ng tatay. Kasi, meron ka na kamong tatay. Itanong mo rin kung bakit masyado siyang protective sa iyo. Ngayon, kapag napag-alaman mo na kung ano ang kinatatakutan niya, (halimbawa, marami kang kasamang boys sa mga lakad mo o kaya matagal kang mawawala sa piling niya at malayo pa ang pupuntahan,) sabihin mong hindi na siya kailangang mag-alala pa. Kahit maraming boys ay kaya mong “dalhin” ang iyong sarili at kaibigan lang ang tingin mo sa kanilang lahat. Kahit matagal kayong di magkakapiling at far and away pa ang iyong destinasyon, aalagaan mo naman nang husto ang iyong sarili at makakabalik ka pa rin nang maayos at ligtas.

Huwag na huwag mong kikimkimin ang ganyang inis. Dahil baka pag lumaki ang inis na iyan, puwede iyang sumabog na parang Mt. Pinatubo. Baka mabugahan mo siya ng lava, lahar at mga salitang di maganda. O kaya ay baka may magawa kang puwedeng magresulta ng nagbabagang hiwalayan. Sayang naman. Basta lagi mong tandaan: hangga’t puwede pang idaan sa usapan, pag-usapan. Madaldal lang, Bebang Kung may suliranin ukol sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, magemail lamang sa beverlysiy@gmail.com. oOo para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 begin_of_the_ skype_highlighting 09193175708 end_of_the_ skype_highlighting bebang_ej@yahoo.com

Uri ng Intellectual Property bibigay ng kakaibang itsura sa mga produkto. Madalas, kaya nabibili ang isang produkto ay dahil sa ganda nito o dahil sa kakaiba nitong disenyo. Ang may-ari lang ng industrial designs ang may karapatang gumamit o magbigay ng awtorisasyon sa iba para gamitin ito sa iba pang mga produkto. Ang mga trademark naman para sa tatak ng produkto o servicemark para sa tatak ng serbisyo ay maaaring mga salita, bilang o number, pirma, kulay, container, wrapper o packaging, logo, at iba pang tatak na nagpapakilala sa mamimili o parokyano na ang produkto o serbisyo ay kakaiba. Halimbawa, ang pulang bubuyog na may pangalang Jollibee ay tatak na pag-aari lang ng sikat na fast food chain. Hindi ito puwedeng gamitin ng ibang nagtitinda ng hamburger at fried chicken nang walang pahintulot mula sa kumpanya ng Jollibee. Sa mga madalas magpadala ng pera,

isang halimbawa ng servicemark ay ang mga letrang LBC at slogan nitong “Hari ng Padala.” Geographical indications naman ang nagpapakilala na isang sikat na lugar ang pinanggalingan ng produkto. Halimbawa, ang champagne ay mamahaling inumin na galing lang sa rehiyong Champagne sa France. Ang copyright o karapatang-ari ay karapatan ng awtor o may-akda para magparami ng kopya ng likhang pampanitikan, siyensya o sining. Ang copyright ay hindi lang isang pirasong karapatan kundi isang bungkos ng mga karapatan. Ang mga karapatan na ito ay ipinagkakaloob ng batas sa mga may-akda. Mahalaga ang IP sa buhay ng tao at sa ekonomiya o buhay ng isang bansa. Ang halaga ng IP ang susunod nating pagkukuwentuhan sa Buhay na Titik. Kung may tanong o problema, mag-email sa filcols@gmail.com.

AGOSTO 8 - 14, 2010 BIGLA akong pinagpawisan nang makita ko siya. Agad na tinubuan ang mga paa ko ng mga ugat na bumaon sa mainit na semento. Dumalo siya gaya ng inaasahan ko. Kahit lumobo at nangulubot na siya, hinding-hindi ko siya maaaring ipagkamali sa ibang babae. Ilang sandali akong ka-teenager. Sumimple isang US Navy na taganagmistulang punong na- ako ng tingin sa likod, Cavite City sa kagustuhan katanim sa kinatinatayuan wala na roon sina Irene at ng kaniyang tatay. Nang mabalitaan ko iyon, ilang ko. Naging ‘sing tigas na ang mga kasama niya. Parang manok na hin- araw akong nagpakalunod rin ng kahoy pati ang mga kamay ko. Hindi ko ina- di mapaitlog ako sa sa alak. Nawalan na nga asahang babalik ang pagkakaupo ko. Sinubu- rin ako ng ganang pumaganitong pakiramdam kan kong ibaling ang aten- sok sa kolehiyo subalit bisyon ko sa entablado. Na- lang panganay, tinupad ko kapag nakita ko siya ulit. “Ano pa bang tinatayo- kalagay sa puting dingding ang obligasyon ko bilang tayo mo riyan?” usisa ng sa likod ng altar ang mga anak. Sumunod ang motormatalik kong kaibigan nagkikintabang asul na noong elementarya na si letra ng katagang ‘Happy cade sa buong bayan ng Erning nang may kasa- 100th Anniversary!’ Isang Imus, Cavite pagkatapos mang tapik ng tungkod daang taon. Pakiramdam ng misa. Kaniya-kaniyang niya sa nanginginig kong ko’y ganoon na rin katagal kabit ng lobo sa mga binti. Tinitigan ko lang siya simula noong huli kaming sasakyan na gagamitin. Isang trak, kung saan sa habang nakaugat pa rin nag-usap ni Irene. Nagsimula na ang tuktok ay may nakaayos na ang mga paa ko sa semento. Nakalimutan na misa. May sinasabi ang mga monoblock, ang yata ng mga itong parte pari subalit naka-mute ang sasakyan ng klase namin. Naglalakad ako sa mga sinasabi niya sa isip sila ng katawan ko. “Tara na at magmi- ko. Sa halip na makinig, gilid ng trak nang mamamisa na. Baka maubusan ginagalugad ng mga mata layan kong nasa likod ko pa tayo ng upuan,” paan- ko ang banig ng iba-ibang na pala si Irene at ang yaya niya sa’kin na may kulay ng kamiseta para sa mga kaklase naming babae. Nginitian niya ako at kasamang hatak sa dilaw kinaroroonan ni Irene. Kumusta na kaya sinuklian ko naman iyon kong t-shirt. Mabigat ang bawat ya- siya? Ilan na kaya ang ng ngiting naging bungispak ko papunta sa mga anak at apo niya? Naging ngis dahil sa hindi maitatagong galak. hanay ng monoblock sa masaya kaya siya? Tinulungan ko si Irene Ibang-iba marahil ang harapan ng entablado kung saan kakaunti pa buhay ko ngayon kung si at ang kaniyang mga lang ang nakaupo. Mula sa Irene ang nakatuluyan ko. kasama na pumanhik ng pinakalikod na hanay, na- Hindi kasi boto sa akin trak. Habang inaalalayan kakatuwang pagmasdan ang mga magulang ni ko siya, kinukuryente naang kombinsyon ng mga Irene kahit na simula ele- man ang kamay ko. Sa taas ng trak, ninekulay ng kanilang mga t- mentary ay magkaibigan shirt. Tinutukoy kasi ng ku- na kami. Bagamat hindi nerbyos pa rin akong lapilay ng t-shirt kung saang naman talaga nila sinabi tan siya. Hindi ko malabatch nabibilang ang mga sa’kin, sa tingin ko naisip man kung bakit sa tanda dating mag-aaral ng Gov. nila na walang mapapala kong ito, natotorete pa rin ako kay Irene. Gusto ko Camerino Elementary si Irene sa akin. Si Irene lang ang ta- siyang kausapin at sakto School. Dilaw, pula at asul ang suot ng mga matatan- nging naging kasintahan namang wala pa siyang da na, berde, kahel at ube ko noong hayskul. Pwede katabi. Hinugot ko ang banaman ang sa mga muk- naman akong magkaroon wat patak ng lakas ng loob hang tatlumpu hanggang ng nobyang mas magan- na mapipiga ko at tumabi apatnapung taon at rosas da pa sa kaniya dahil hin- sa kaniya. at puti naman ang sa mga di rin naman masama ang Matamis ang ngiti sa itsura ko pero parang ayo- akin ni Irene nang makaukabataan. Sa likod ng mga ko na ng iba pa bukod sa po ako sa tabi niya. Kapag upuan, nakatayo si Irene kaniya. Ewan ko ba, siya ngumingiti siya, kumukuat ilang mga babaeng lang kasi ang nakakaintin- not ang balat ng malapad naka-dilaw na t-shirt din. di sa akin kahit noong mga niyang mukha pero iyon pa Namukhaan ko ang ilan musmos pa lang kami. rin ang klase ng ngiting sa kaniyang kasama bi- Siya ang naging sandigan nakakapawi ng lungkot at lang mga kaklase namin ko tuwing may buma- nakakatunaw ng galit. “Ano nang balita dati. Tila may malaking bagabag sa’kin kaya hinholen na nakabara sa la- di naging mahirap para sa sa’yo?” bati niya sa akin. Mabilis akong nag-isip lamunan ko habang pa- akin ang mahulog sa palapit kami ni Erning sa kaniya. ng maisasagot, “Heto, tuNang magtapos kami matanda na kaya naggrupo niya. Gusto ko sana siyang kausapin subalit ng hayksul, hindi na siya kakasakit na. Kakapaabala siya sa pakikipagku- nagpatuloy sa kolehiyo. shockwave ko lang noong wentuhan. Ni hindi niya Malaki ang tampo ko sa isang taon dahil nga napansing dumaan kami kaniya dahil hindi ko na rin nagkasakit ako sa bato siya nakausap o nakita noong nakaraang taon.” sa harap nila. “Ayos ka lang ba? man lang pagkatapos Sa malayo, nagsisiParang kanina ka pa wala noon. mula nang magsigalaParang kantang big- wan ang pila ng mga sasa sarili,” sabi ni Erning. Tumingin ako sa lang nalaos sa radyo ang sakyan sa motorcade nakaniya at saka tumango. paglaho niya sa bayan min. Ang totoo, ngayon lang ako namin. Pinagtanung“Gano’n? Mahilig ka muling natorete ng gani- tanong ko siya sa mga pa rin yata sa maalat, eh,” to. Pakiramdam ko tuloy kakilala at sinabi nilang tukso niya. “Saan ka na ba bumabalik pa ako sa pag- ipinakasal na siya sa nakatira ngayon? Parang

bihira ka nang makita sa Cavite.” “Oo, tuwing Pasko na lang kami nagagawi dito kapag binibisita namin ‘yong pamilya ng kapatid ko. Nasa Alabang na kami simula pa noong 80s,” paliwanag ko, kung saan tango lang ang naging sagot niya. Umandar na rin sa wakas ang trak namin. Sumuot sa samu’t – saring mga kalye ng Imus ang motorcade namin na nagmistulang mahabang alupihan. May mga nanonood sa amin mula sa magkabilang panig ng kalsada na tila ba ay nanonood sila ng parada. Nadaanan namin ang mga bahay ng mga tiyuhin ko, ng isang malayong kamag-anak at ng pamangkin ko. Halos kilala ko ang lahat ng tao dito dahil sa paniniwala ng mga matatandang halos mag-

kakamag-anak ang lahat ng tao sa Imus, lalo na sa Medicion kung saan ako ipinanganak at lumaki. Dito, malimit ‘di alam ng mga magkasintahan na malayo pala silang magkamag-anak. Hindi ako sigurado pero kung uugatin siguro ang mga pamilya naming dalawa ni Irene, malamang ay magkamag-anak din ang mga ninuno namin. Iyon ay bago pa nagkaroon ng mga subdivision na parang kabuteng isa-isang nagsisulputan kung saan iba’t – ibang lahi na rin ang napatira sa Cavite. “Sa Cavite City pa rin kayo?” binasag ko ang katahimikan namin pagkalipas ng ilang minuto. “Ah, hindi na. Lumipat na ‘ko sa bahay ng anak ko sa Naic. Inatake kasi sa puso ang asawa ko noong 1999,” sagot niya. May bahid ng pagdadalamhati

9

ang tono ng boses niya. “Masaya na ‘ko ngayon dahil ako ang nag-aalaga sa mga apo ko,” dugtong niya na tila nagpapahiwatig na hindi na siya malungkot sa pagkamatay ng asawa niya. Binunot niya sa bag niya ang itim niyang wallet at pinakita sa akin ang litrato ng lima niyang apo. Kinuwentuhan niya ako ng mga nakakatuwa at nakakahiyang karanasan niya kasama ng mga apo niya. Nagtatawanan na kami uli kagaya ng dati. Naglaho na ang mundo sa paligid namin at bago pa namin namalayan, pumarada na ang trak na sinasakyan namin malapit sa eskwelahan. “Pwede mo ba akong samahang libutin ‘yung eskwelahan?” tanong niya sa akin bago kami bumaba sa trak. SUNDAN SA P.10

Si Joseinne Ignacio (Bacoor, Cavite) ay nagtapos ng AB Major in Journalism sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas at High School sa St. Vincent de Paul sa Bacoor, Cavite.

10

AGOSTO 8 - 14, 2010

Si Maria Nastassja Gomez Cordero ay nasa kanyang ikaapat na taon sa Unibersidad ng Santo Tomas sa ilalim ng kursong AB-Political Science. Siya ngayon ang Fourth Year Policy Board ng UST The Political Science Fo-

rum. Naglingkod din siya bilang Chairman of the Policy Board sa nasabing organisasyon sa kanyang ikatlong taon. Siya ay isang Bronze Dean’s Lister sa kanyang unang semester at naging ‘Silver Dean’s Lister’ sa mga sumunod hanggang sa kasalukuyan. Tinapos niya ang kanyang elementerya sa Saint Joseph College Cavite City bilang ‘valedictorian’. Siya ay nagtapos bilang ‘First Honorable Mention’ sa San Sebastian College-Recoletos de Cavite sa kanyang sekundarya. Siya ay ipinanganak at lumaki sa siyudad ng Cavite.

pang manunulat at dalubhasa sa pulitika. Kailangan ko silang kaibiganin sa pamamagitan ng kanilang mga libro. Ngunit mahirap makipag-usap sa mga henyo, madalas mahirap silang intindihin. Iba ang takbo ng utak nila. Pinapahamak nila kami sa mga recitations. Hindi sapat ang husay sa pananalita, kailangan din magaling kang magsulat. Madalas. “papers” ang major exams namin. Kailangan naming magsulat ng 5-7 pages ng paglalahad namen ng aming mga argumento tungkol sa isang paksa. Mas hindi maintindihan ang mga salita mo, mas matalino ang dating. Thesaurus ang katapat niyan. Ang simpleng ‘uncertain’ nagiging ‘dubious’. Madalas sinsabaw ang utak namen dahil ang hirap punuin ang 5-7 pages. Kahit gising na gising pa kame dahil ginawa na nameng tubig ang kape at Red Bull, tulog naman ang utak namen. Mahirap. Aabot ka sa puntong gusto mo nang magmakaawa sa monitor ng computer mo para ibigay niya sayo ang pwede pang sabihin. Parang ‘walk in the park’ lang naman daw ang mga lesson sa Pol Sci, ayon sa mga prof ko. Totoo, pero ‘Jurassic Park’ ang nilalakaran namen. Maya maya lang ay pwede na kaming sakmalin ng mga mahihirap na gawain. Nakakapagod ng madalas. Mahirap ang social life. Mahirap maisingit sa tambak mong gawain ang saglit na gala. Gayun pa man, masarap maging Pol Sci. Bakit? Kasi paglabas mo dito, may taglay ka nang tapang na mahirap matutunan at lakas ng loob na

hindi madaling mapanghawakan. Alam mo na kasi sa sarili mo na pinagdaanan mo na ang maraming kritisismo at pangpupuna. Ang recitation ay katulad ng totoong buhay. Madalas, mahaharap tayo sa mga sitwasyon na kailangan nating ipagtanggol ang ating mga sarili. Ito ang mga panahon na kailangan nating lunukin ang hiya at magsalita. Araw-araw, napapailalim tayo sa lipunang mapangmata. Meron at merong mga taong hindi tayo magugustuhan. Balat kalabaw na siguro ako pagdating sa ganyang usapan. Dahil Pol Sci ako, I am a lover of politics. At sa pulitika, uso ang makapal ang muka. Ang importante may karapatan kang magmakapal. “Bluffing” ang tawag namen doon sa recitation, pinapalabas na may alam pero sa totoo walang laman ang mga sinasabe. Sa taong 2011, iiwanan ko na ang akademya at ilalabas ko na sa tunay na buhay ang aking mga natutunan. Sa paanong paraan pa ang nahihimlay na katanungan. Malay natin, dalawang taon ang dumaan, nagrerecitation na ako sa harap ng publiko. Ang mga tao ang prof ko at ang mga kalaban ko ang mga classmates ko. Pero sa panahon iyon, hindi ko na hihintayin mabunot ang pangalan ko para magrecite. Kusa kong itataas ang kamay ko para ako ang magsalita at manindigan. Ayokong masama sa mga ligtas na matsing na walang alam at nauupo lamang. Nakabarong o bestida man kasi ang matsing, matsing pa din sila, tamad at gahaman.

JURASSIC PARK Ni Maria Nastassja Gomez Cordero 212. Tatlong numerong tumatak sa isip ko simula nang iyapak ko ang aking mga paa sa UST. Ito ang silid-aralan na sumalubong sa aking buhay kolehiyo. Hindi ko lubos na namalayan na tatlong taon na pala ang lumipas. Nabibilang na nga mga tuhod namin. Hapala ang mga araw ko bi- bang binabalasa ng prof lang isang Tomasino. Pi- ang mga parihabang patong buwan na lamang at pel na dala-dala ang akailangan ko nang mag- ming mga pangalan, wala paalam sa buhay Pol Sci, kaming ibang dasal kunang buhay na siyang hu- di: “Please Lord, wag mihigop ng aking lakas at ako.” Sino ba naman ang pasensya ngunit siya ring gusto matanong na sa nagbibigay sa akin ng ta- hirap ay hindi mo alam tag. kung san mo pupulutin Kung susumahin ko ang sagot mo? Sino ba ang buhay ko sa Pol Sci naman ang gustong masa dalawang salita, kipag-argumento sa prof HIRAP at SAYA ang aking mong kaya kang pahiyain gagamitin. gamit ang isang panguDalawang salitang ngusap sabay tawa? Kamagkasalungat. Dala- pag natawag na ang isa, wang salitang hindi maririnig mo ang malanagkakasundo. Ganoon kas na buntong hininga kasi ang buhay sa Pol Sci, ng mga ligtas na matsing, magkakambal na ang nagpapasalamat na nahirap at saya. Ito ang bu- kalusot sila. While one is hay para sa mga maso- condemned, everyone rekistang tulad ko: Kailan- joices. gan mong maging ligaya Madalas naming naliang hirap na iyong dina- limutan ang salitang ‘tudanas. Kung hindi mo ka- log’. Madalas kaming ya, hindi ka tatagal, at mas magbiruan ng mga lalong wala kang lugar sa classmates ko: “Tulog? mundo ng Pol Sci. Ha? Anu yun? Nakakain Sabi nila, “We do it the ba yun?”. Kung pwede Spartan Way”. Brutal daw nga lang talagang mabili ang paghahasa sa Pol ang tulog, ginawa na naSci. Lakas ng loob ang ming lahat. Mahirap hamatututunan mo sa loob tiin ang oras. Kailangan ng kursong ito. Ang mga mong ora-oradang matabalat sibuyas lalabas na pos ang sangkatutak na luhaan. Hindi din naman babasahin at makakapal sa matapang kami. Sa na libro. Close na kami simpleng index card nga ni Plato, Marx, Hegel, Malang nangangatog na ang chiavelli at kung sinu-sino

REUNION MULA SA PAHINA 9 “Sige.” Naglakad kami sa daan sa gilid ng punong gusali patungo sa likod ng eskwelahan. Nakita ko ang dati kong silid-aralan noong Grade Two. Sumilip ako sa loob ng isang nakabukas na bintana at nakitang bukod sa mga pinalitan na upuan at lalagyan ng libro sa dingding, wala itong masyadong pinagbago. Nakakatuwang isipin na patuloy itong nagiging tahanan sa mga pumapasok na walo at siyam na taong gulang na mga bata habang ang lumalabas naman dito ay patuloy na lumalaki at tumatanda, tulad namin ni Irene. Sana habang buhay na lang kaming nakaupo ni Irene sa loob ng silid-aralan na ito, habang buhay na lang kaming mga walong taong bata. “Natatandaan mo, sa klasrum na ito napaihi si Jun,” sabi ni Irene na nakadungaw rin sa loob. Napatawa na lang kami habang inaalala ang kaklaseng napaihi nang pinatayo siya sa likod ng guro namin. Nag-uusap pa rin kami tungkol sa mga nakakatawang karanasan habang papunta kami sa palaruan. Walang tao pagdating namin doon kung kaya tila nakahiwalay ang mundo namin ni Irene mula sa reunion sa punong gusali. Nagtungo si Irene sa bahaging may tatlong magkakatabing swing. Hinawakan niya ang kinakalawang na kadena ng isa at inugoy-ugoy ito. Alam kong gusto niyang sumakay dahil ito ang paborito niyang sakyan noon subalit masyado na siyang mataba at malaki para sa maliit at mababang swing. Sa puso ay bata ulit kami subalit alam namin na hindi na magiging bata pa ang aming mga katawan. Hindi hamak na mas maganda ang asawa ko kay Irene. Mas maputi, mas matangkad at mas payat kay Irene, ngunit napapagtantuan kong mas masaya ako ngayong kasama ko siya kaysa ‘pag magkasama kaming mag-asawa. Marahil ito ay dahil wala akong maalalang masamang pinagdaanan namin ni Irene noong bata pa kami. Bihira kaming mag-away kahit noong naging magkasintahan kami, hindi dahil iniiwasan namin ang pag-aaway kundi dahil wala kaming mapag-awayan. Kasabay ng matinding kasiyahan, parang malaking alon na bumuhos sa dalampasigan ng damdamin ko ang matinding kalungkutan. Iwasan ko mang isipin, alam kong hindi na ulit kami magkikita pagkatapos ng araw na ito dahil pag-alis namin sa palaruan, babalik na kami sa aming mga obligasyon at responsibilidad, babalik na kami sa realidad. Bago pa maubos ang sandali ng aming pagiging bata muli, nilapitan ko siya at saka ko siya hinalikan sa pisngi. Marahil nagulat siya sa ginawa ko dahil napa-atras siya mula sa akin. Nanginginig ang tuhod ko habang nakatitig ako sa kalaliman ng kaniyang mga mata. “Balik na tayo,” singhal niya. Hindi ako sigurado pero parang may namuong ngiti sa kaniyang labi. Kumakain na ang lahat sa isang silid-aralan nang bumalik kami. Abala ang karamihan sa pakikipagkuwentuhan, kung kaya walang nakapansing bumalik na kami. Sumandok si Irene ng handang pansit bihon at tinapay at saka umupo sa tabi ng isang kaklase. Lumingon ako sa relos ko, mag-aalas dose na. Hanggang tanghalian lang ang paalam ko. Tiningnan ko uli si Irene at nakitang magkausap na sila ng kaklase namin. Nakatayo ako sa pintuan ng klasrum nang makita ko ang tatlong taon kong apo na tumatakbo sa quadrangle papunta sa akin. May dala-dalang siyang pulang lobo at sa likod niya ay ang asawa kong nakapulang t-shirt. Binuhat ko ang apo ko at saka namin sinalubong ang asawa ko. “Nagyayaya nang umuwi ‘yan. Kumain ka na ba?” tanong niya. Nagsinungaling ako. Habang naglalakad kami palabas, pinipigilan kong lumingon pabalik sa klasrum. Naisip kong baka maibaba ko lang ang aking apo at iwan ko lang ang asawa ko kapag nakita ko siya ulit. Baka sumama .na lang ako sa kaniya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi na siya nagpaalam.

AGOSTO 8 - 14, 2010

PWE!!!

INDANG, CAVITE - Mabibigat na problema ang kinakaharap ng Pangulo Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III sa kanyang bagung-bagong panguluhan at pamahalaan, nariyan ang water shortage sa ka-Maynilaan, power crisis na rotational sa kaMaynilaan at karatig lalawigan, bangkaroteng kaban ng bayan (na halos sinaid na ng nagdaang administrasyon), PAL pilots & employees resignation & walk-out, toll fee hike, MRT fare hike at maraming pang iba. Minsan tuloy napapaisip ako kung ang mga ito ba ay pawang mga hindi inaasahang pangyayari lamang o baka naman talagang sinadya para ang bagong Pangulo, bagong

GREETINGS Belated happy birthday to Ma’am Beverly Cabaña of Provincial Community Affairs Department (PCAD) Trece Martirez City, Cavite last August 2, 2010. –greetings from Rex Del Rosario & PCAD Staff. oOo Happy readings to Rochelle V. Dones, Rebecca A. Patricio, Karen C. de Lara of Provincial Information Office (PIO) Trece Martirez City, Cavite. – greetings from Rex Del Rosario, PIO Staff & Responde Cavite. oOo Happy readings to Provincial General Services Office (PGSO) Procurement Division, Trece Martirez City,

administrasyon at bagong Pilipinas ay madiskaril at mauwi rin sa pagkadismaya ang sambayanang Pilipino. Economic sabotage kumbaga. Hindi ba at dapat ay nasolusyunan na ang mga problema sa water shortage at power crisis ng nagdaang administrasyon ng pekeng Panguluhan ni Gng. Gloria Macapagal –Arroyo lalo pa at siyam na taon na itong nagreyna-reynahan sa ating bansa? Sapat at sobra pa ang siyam na taon para sana naisaayos na ang mga problemang ito na ngayon ay minana ni PNoy at ng administrasyon nito. Kaya naman halatang hirap na hirap na makabigwas tungo sa landas ng daang matuwid at pagbabago ang administrasyong Aquino. Ganoon pa man bilang mulat na mamamayan ay kita naman natin ang pagiging seryoso at sinsero ng bagong gob-

yernong Aquino sa pagtupad sa kanyang mga ipinangakong pagbabago para sa bayan. Binuo ang truth commission na maghahanap ng mga ebidensya at katunayan sa mga eskandalo at maanomalyang transaksyon ng nagdaang pamahalaan. Matatandaan natin na sinabi ni PNoy na walang wangwang, counterflow at tong sa kanyang pamahalaan. Seryoso naman ang kampanya laban sa wangwang at counterflow sapagkat kita natin ang kasipagan ng mga ahensya at kapulisan natin sa pagtugon dito. Kaya lang bakit ang tong ay hindi ata ganoon kadiin ang paglaban para rito, bakit ganun? Ayon sa SONA ng Pangulong Noynoy, malaking badyet ng calamity fund ay naibuhos lamang ng nagdaang gobyerno sa isang distrito sa Pampanga na nagkakahalaga

Cavite namely Alicia Peñalba, Maila Mendoza, Myraflor Fajardo, Eic Samson, Carmela Guttieres, Rizza Bulando, Annalisa Garduque, Ronilda Garcia, Delmarie Poniente & Maricel Alcantara headed by Division Chief Ma’am Ofelia Soriano under the supervision of Ma’am Felizitas Hernandez. – greetings from Rex Del Rosario & Responde Cavite. oOo Happy birthday Chief tanod Augusto de los Angeles on August 7, 2010 from your loving wife Coney and kids oOo Happy birthday Wilfredo “WILLIE” Collera last august 5, 2010 from loving wife

Auring, Jacko and Wendy oOo Happy Birthday John Marvic “JUCKAY” Reyes on August 8,2010 from ate Janice, Ohmar, Aiezther and tropang Marino Joker. oOo Belated Happy B-day Jun Jun Hernandez from Tropang EMAR

Belated happy birthday to Mr. Jesus Ma. C. Hieras Jr. Market Territory Manager last august 3, 2010 from staff of Responde Cavite and KEANSBURG Marketing Corp.

ng milyong piso at nailabas ito sa panahong walang naganap na kasalukuyang kalamidad o sakuna. Ayon pa kay PNoy halos wala ng itinirang pondo sa kaban ng bayan sa taong ito ng 2010, at bilang makabayang mamamahayag ito ay nakakapangalit ng aking malaman sapagkat nangangahulugan ito ng isa pa ring anyo ng korapsyon. Bababa na lang at sukat sa pwesto ay hindi pa nag-iwan ng magandang ala-ala at pamana. Nakakayamot naman na ang dating Panggulo este Pangulo (pekeng Pangulo) na si GMA ay parati na lamang lalabas o umaalis ng Batasang Pambansa matapos ang roll call o attendance dahil sa ayaw nitong madinig ang mga banat o puna sa bawat talumpati o mensahe ng kanyang mga kapwa mambabatas kaugnay sa mga pangyayari katulad ng malawak na katiwalian, korapsyon, pagpatay at dayaan katulad ng 2004 Presidential Election, Hello Garci Scandal, Fertilizers Fund Scam, NBNZTE Scandal, Extra-Judicial & Political Killings, pagkabulok ng saku-sakong bigas ng NFA at ma-

rami pang iba. Kung ayaw sana ni GMA ang mga sumunod na kaganapan ngayon sa kanyang buhay ay di sana ay noon pa lang na naghaharian siya sa estado poder ay dumalo na siya sa mga hearings at imbestigasyon ng Kongreso at Senado at sumagot na siya mismo para malinis ang kanyang nabahirang pangalan, disin sana’y naipagtanggol niya ang kanyang sarili, disin sana’y nagharap siya ng mga ebidensiya laban sa mga inaakusa sa kanya noon magpahanggang ngayon. At kung ayaw naman sana na marinig ni GMA ang mga banat at patutsada sa kanya sa bawat privilege speech ng kanyang mga kapwa mambabatas ay di sana’y hindi na siya kumandidato bilang Congresswoman ng Pampanga at bunalik na lang siya sa kanyang pribadong buhay at hindi na nagpulitiko muli. Hay naku, ang arte naman, PWE!!! Personal ito! Bakit kaya may mga taong mahilig manira o gumawa ng kuwento at tsismis ng wala namang malinaw na basehan o ebidensiya? At hindi pa nakuntento dahil ipapakalat o ititsismis pa

Mag-tiyahin, nalitson NAMATAY sa sunog ang isang dalagita kasama ang kanyang tiyahin matapos masunog ang kanilang dalawang palapag na tirahan sa Bacoor, Cavite noong Miyerkules ng gabi. Ang mga biktima ay kinilalang sina Vanessa Libid, 13-anyos at Ma. Lorelie Libid, 46-anyos ayon kay Senior Fire Officer 2 Napoleon Santiago ng Bureau of Fire Protection Office ng Bacoor. Ayon sa imbestigasyon, nagmula ang sunog sa basement ng bahay ng mga biktima na unti-unting kumalat sa mga kapit-bahay. Nagmula ang sunog sa dakong alas-nuebe ng gabi. Napatay ang sunog ng alas onse y media sa tulong ng mga bumberong nagmula pa sa mga karatig-bayan na Noveleta at Imus, at mula sa siyudad ng Dasmarinas. Ayon kay Lowel Libid, ama ni Vanessa na nakaligtas sa sunog, huli niyang namataan ang kanyang kapatid na si Ma. Lorelie na paakyat sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan. Ayon kay Santiago marahil ay tumalon mula sa bintana papunta sa kabilang bahay si Ma. Lorelie upang makaligtas sa sunog. Ngunit sa kasamaang palad, inabot na rin ang bahay na iyon ng sunog. Wala namang naitalang nasaktan sa mga nakatira sa bahay na iyon na pag-aari ni Ernesto Adames. Natagpuan ang bangkay ni Vanessa sa labas ng kanyang silid dakong ala-una ng madaling araw. Samantala, natagpuan naman ang bangkay ni Ma. Lorelie nang alas-singko na ng umaga sa bahay na pinagtalunan nito. Hindi pa rin natutunton ng mga autoridad ang pinagmulan ng sunog. Tinatayang umabot sa P1.2 milyon na ari-arian ang natupok ng apoy. Hanggang sa ngayon ay nananatiling tahimik ang ama at kapatid ng mga biktima na si Lowel Libid hinggil sa nangyaring trahedya. WILLY GENERAGA

11

nila ito sa iba at ipaparating o ipagmamagaling doon sa mga taong kinauukulan at may kapangyarihan upang ikaw ay tuluyang masira at kainitan. At kapag nangyari na iyon ay hindi ka na papansinin ng mga taong nakapaligid sa iyo pati na rin ang mga makapangyarihang tao. Ako mismo ay nabiktima ng ganang pangyayari at gamuntik ng hindi nakabalik sa aking trabaho para sa bayan. Ngunit sa awa at tulong ng Panginoong Diyos na siyang nakakaalam ng lahat ay napatunayan ko at pinatutunayan ko pa rin hanggang ngayon na hindi totoo ang kuwento sa akin, at ito ay malinaw na isang paninira at inimbento lamang. Sana naman sa mga kinauukulan at may kapangyarihan ay ang pakiusap ko lang po sa inyo na kung may nakakarating po sa inyong mga kuwento patungkol sa akin ay kaagad naman po sana ninyo akong ipatawag upang ako mismo itong may katawan ang makausap ninyo kung totoo ba o hindi. Nirerespeto ko po kayo kaya ako ay nagtatrabaho at naglilingkod sa inyo at sa bayan. Matataas po ang inyong mga natapos at pinag-aralan, mga propesyunal po kayo. Kaya bago po kayo maniwala sa kuwento, paninira at tsismis patungkol sa akin ay ipatawag ninyo po ako para malaman ko rin po, masagot ko din po at maipagtanggol ko naman po ang aking sarili laban sa maling kuwento, paninira at tsismis sa akin. Malinaw namang INGGIT lamang ang nag-udyok sa mga nanira sa akin, sapagkat wala akong nakikitang dahilan para gawan ako ng maling kuwento o paninira kung hindi dahil lamang sa inggit. Kaya para sa mga nanira sa akin mahiya naman kayo kasi wala na tayo sa ating bayan ang trabaho natin ay nasa Kapitolyo na, iwanan na ninyo ang mga ganang pangit na kaugalian at bakyang asal ninyo. Nakakahiya kayo para kayong mga kalawang sa bakal. Mga plastic! Heto lang ang masasabi ko, Sorry na lang dahil nakabalik ako sa trabaho para sa bayan, kaya next time galing-galingan ninyo naman ang pag-gawa ng paninira at tsismis hehehe, MAMATAY KAYO SA INGGIT, PWE!!!

Balasahan ng mga CONG. BOYING REMULLA MAGKAKAROON Hepe sa Cavite NG SUB-OFFICE SA KAPITOLYO NI REX DEL ROSARIO IPINAG-UTOS ang balasahan ng mga hepe ng pulisya ng Cavite Police Provincial Office (PPO) upang mas maging progresibo ang mga ito sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa mga siyudad at bayan ng Cavite. Ang hakbang na ito ay nagmula kay Senior Superintendent Danilo L. Maligalig. Ang pagre-reshuffle o balasahan ng mga opisyales ay para sa ikauunlad ng buong probinsya. Ilan sa mga susunod na hakbang ng mga pulis ay ang tuluyang pagsugpo sa ilegal na droga, paghihigpit sa pag-

gamit ng armas, pagsugpo sa ilegal na sugal, at iba’t iba pang krimen na nagaganap sa Cavite. Mahigpit namang pinagbantaan ni Maligalig ang mga pulis na huwag magtangkang masangkot sa pagbibigay-proteksyon ng mga ilegal na gawain. Ilan sa mga nagpalit ng posisyon o destino ay sina Supt. Danilo B. Buentipo, ngayon ay nakadestino sa Cavite City na dati ay sa Trece Martires City, kapalit ni Supt. Simnar Gran. Si Supt. Reynaldo Galam naman ay nadestino sa Trece Martires mula sa pagiging hepe ng CPPO Investigation and Detection Management Division (S-7). JUN ISIDRO

HOUSE OF REPRESENTATIVES, BATASAN, QUEZON, CITY – Sa ngalan ng serbisyo publiko para sa mamamayan ay magkakroon ng isang maliit na tanggapan si Cong. Jesus Crispin “Boying” C. Remulla (Representative, 7th District of Cavite) sa Cavite Provincial Capitol Building sa Trece Martirez City, Cavite.

Ayon kay Mr. Louiefredo “Louie” Rolle (Chief of Staff, Office of Cong. Boying Remulla), “Napagkasunduan na maglagay si Boss ng sub-office sa kapitolyo upang mas higit pang mailapit ang paglilingkod sa mamamayan lalo ng ika-7 distrito. Dito mas madali kaming mapupuntahan ng aming mga constituents kumpara sa dati sa Queen Town Farm sa Indang na bukod sa malayo ay dayuhingdayuhin pa sapagkat walang biyaheng pampublikong sasakyan. Sadyaing-sadyain at kung pupunta ang walang sariling sasakyan ay kinakailangan

Cong. Boying Remulla pang umarkila ng tricycle mula plaza ng Indang papunta sa Sitio Portugal, samantalang dito sa Kapitolyo ay sentrongsentro at accessible sa

lahat ng transportasyon at byahe mula Naic, Indang at iba pang karatig bayan.” Sa kasalukuyan ay isinasaayos pa ang magiging tanggapan ng Kongresista at mga staff nito sa 2nd floor ng Kapitolyo at inaasahang sa buwan ng Agosto ay matatapos ito at maaari ng magamit at makapagsimula ng serbisyo para sa bayan. Kilalang-kilala ang Kongresista sa pagtulong sa mga nangangailangan niyang ka-distrito at tunay na kahangahanga ang napakaraming kabataang magaaral na kanyang natutulungan sa educational assistance at

scholarship programs upang makapag-aral ang mga kapos-palad nating kababayan. Ganoon din ang napakarami niyang natutulungan sa mga hospitalization assistance o medical assistance at mga infrastructure projects sa 7th district katulad ng mga pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, farm to market roads at marami pang iba. “Napakabait niya at talagang kung makakaharap mo siya ay ramdam mo ang pagiging mahalaga mo sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagusap niya sa iyo, kaya naman angkop sa kanyang personalidad ang kanyang slogan na Mula sa Bayan para sa Bayan,” ayon kay Aling Nelia na tubongMendez, Cavite.


cavite_49