MondoManila

Page 48

48 “Putang ina, pare, kabisado mo na yata „yan, ah,” sabi niya. “Pare, kinakabahan ako,” sagot ko naman. “Huwag kang kabahan. May tiwala ako sa iyo. Kayang kaya mong ipasa ang lintek na eksamin na iyon. Baka nga pinakamataas na marka pa ang makuha mo. Hindi pa rin maalis ang kaba ko. Pero hindi ako kinakabahan na baka bumagsak ako. Gaya ni Elmer, may tiwala ako sa sarili ko. Ang kinatatakot ko ay ang pamantasan mismo. Masyado na akong darang sa buhay kalye. Baka hindi ko maiugnay ang sarili ko sa buhay akademya. Natatakot ako. Ilang taon na ba akong nasa lansangan? Noong haiskul, puhunan ko lang ay kapal ng mukha at konting balut na panlangis sa mga teacher. Pakapalan talaga ng mukha dahil ako ang pinakamatanda sa klase. Pero itong kolehiyo, mahirap isipin kung ano ang magiging sitwasyon ko roon. Mahirap isipin kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi kaya ako maging katawa-tawa roon? Bahala na, „kako sa sarili ko. Nag-inuman kami ni Elmer at ang pangamba sa buhay akademya ay nalusaw sa pait ng hinyebra at ang mga alalahanin ay kasamang pumailanlang ng usok ng marijuana.

Sa pangkabuuan, wala namang problema sa mga kaklase ko. Gaya ng nabanggit ko, kaya ko namang magpasensya. Tutal, mga bata pa iyang mga iyan, sabi ko sa sarili ko. Maliban sa isa. Siya si Wayne Banners. Matangkad, maputi, mayabang. Hindi siya Pilipino. Kaya lang narito sa Pilipinas, kasi mura ang edukasyon dito


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.