PAGTATALAGA NG MGA OPISYALES

Page 4

malinaw na hakbangin. Sa ganitong kalagayan, ito lamang ang aming masasabi. Tanungin mo ang karamihan, making na mabuti sa ideya ng iba, at kung mula rito ay makabuo ka ng plano o programa ng mga aksiyong gagawin, gawin mo itong mabuti at alaming lahat ang detalye upang bilang pinuno ng Circle, magagawa at maituturo mo ng malinaw sa iba ang mga pamamaraan. Ikaw rin ay walang kikilingang particular na sector o grupo ng mga Squires, kundi ang Circle lamang bilang isang kabuuan, at lahat ng iyong gagawin ay tungo lamang sa kabutihan ng lahat. Bilang Chief Squire, katungkulan mong alamin na ang mga gawain ng bawat opisyal, ay ginagawa ng maayos, spagkat kapag ang isang parte ay nasira o pumalya, mangangahulugan ito ng pagkabigo ng lahat. Ang opisyo ng Chief Squire ay hindi lamang dapat tignan bilang isang marangal na lugar, kundi isang puwesto ng pagtititwala at paninindigan sa kabuuan. Nais kong malugod na ipaabot sa inyo ang damdamin ng buong Konseho, ang hangad naming tagumpay at patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagganap ninyo ng inyong mga tungkilin. Sa lahat ng Squires ng Circle, tandaan ninyo ang aming habilin. Samantalang ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat opisyal ay naitalaga sa kanila, mahalaga rin ang magiging Gawain ng bawat Squire. Pumili kayo ng mga pinuno, ngunit sila ay hindi magtatagumpay, kung wala kayong suporta. Ang mga sundalo na pumili ng kanilang heneral, ng mga koronel at mga kapitan at pagkatapos ay nagpabaya at hindi sumusuporta sa mga makatarungang pangangailangan at hindi sumunod sa mg autos ay mga traydor sa kanilang ipinaglalabang simulain. Ibigay ninyo sa inyong mga pinuno ang taus­puso at walang sawang suporta at hindi ninyo ito pagsisisihan, at kung ang inyong Circle ay umnlad at sumulong, ito ang gantimpalang kabayaran. Nawa ang taong ito’y maging matagumpay para sa mga opisyales at mga kasapi mula sa mga Knights of Columbus na tumatangkilik sa inyo. Mga Kapitan, ihatid ang lahat ng opisyales sa kani­kanilang upuan. POLE CAPTAIN:

Mga pinuno, harap sa kanan na! Lakad pasulong, kad! (Ihahatid isa­isa ang mga opisyales hanggang sa ang Chief Squire na ang pumalit sa upuan ng Chancellor. Pagkapalit ng puwesto, kakamayan ng Chancellor ang lahat ng opisyales na itinalaga gabay ng mga kapitan bago siya ihatid sa kanyang upuan).

Paalala: Sa bawat tawag sa mga Kapitan at Counselors ay may pagsaludo Isinalin sa Pilipino ni DIONISIO L. BURGOS, Diocese of LIPA


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.