Kabayan Weekly - UAE

Page 11

11

June 19 - June 25, 2011 www.kabayanweekly.com

Balitang Pinas K+12 ng DepEd depektibo daw MANILA – Inilunsad nitong pasukan ang programa ng Department of Education (DepEd) para sa pampublikong Kindergarten education, ngunit maraming problema at reklamo ang bumulaga dito. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list group ay substandard diumano ang programang tinawag na K (Kindergarten) +12 Basic Education Curriculum ng DepEd ngayong school year. Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio na tadtad na ng problema sa mga public schools tulad ng kakulangan sa classrooms, sobrang dami ng estudyante, at napakababang sweldo ng mga guro. At saka pa inilunsad ang programang K+12. Batay umano sa record ng DepEd ay halos 1.93 milyon kindergarten students ang pumasok sa mahigit 50,000 public schools ngayong taon. Nag-inspeksyon ang mga miyembro ng ACT sa mga public schools para obserbahan ang mga kindergarten programs sa Quirino Elementary School, Corazon Aquino Elementary School, at Payatas-B Elementary School sa Quezon City. “Matagal na rin naming panawagan na magkaroon ng kindergarten program ang mga public schools, pero mukhang hindi naman ito pinaghandaan at basta na lamang ipinatupad. Ang resulta tuloy, counter-productive pa sa mga estudyante, dahil sa mababang kalidad ng edukasyon,” ani naman ni ACT Secretary-General France Castro. Sa mga nasabing paaralan ay 60 estudyante ang siniksik sa 25-squaremeter na class room na nakalaan lamang sa 25 bata. Reklamo nga ng mga magulang ay talagang napakasikip ng mga class rooms para sa kindergarten, tulad din ng mga classrooms ng mga elementary at high schools. Ang ibang kuwarto kasi na para lamang sa 60 estudyante ay hinati at pilit na pinagkakasya ang lahat ng mga bata. “Walang magawa ang mga magulang kundi hayaan na lang ang siksikan sa mga class rooms,” sabi ng isang nanay. Sinabi pa ng ACT na ang sweldo ng mga teachers sa public kindergarten classes ay P3,000 bilang honorarium lamang kada buwan para sa tatlong oras na klase sa isang araw. Dahil nga sa sobrang baba ng sweldo ay marami sa mga gurong nakuha ng DepEd ay hindi pa lisensiyado o hindi pa nakakapasa sa board examination. Karamihan sa mga ito ay napipilitan lamang na magtiyaga sa kakarampot na sahod dahil sa mahal nila ang pagtuturo sa mga bata.

Ayon sa ACT napakahirap magturo sa mga batang maliliit na karamihan ay lima hanggang anim na taon gulang lamang, lalo na sa masikip na kuwarto at magulo pa ang kapaligiran. Sinabi pa ni Castro na bukod sa masikip ang kuwarto ay kulang din ang silya para sa mga batang mag-aaral. Dapat ay pinaghandaang mabuti ng DepEd ang paglulunsad ng K+12 program, na imbes na maayos ang sistema ng edukasyon ay lalo pang bumagsak ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sinabi naman ni Manila Kindergarten Teachers Association (MAKITA) President Araceli de Ocampo na ang mga guro ay hindi dapat ginagamit para punuan ang kapalpakan ng sistema ng edukasyon. “Ang mga guro ay hind dapat tratuhin na parang mga kalabaw at dapat ay bigyan ng halaga,” ayon kay De Ocampo, na isang public school teacher na sa nakalipas na 35 taon. Sinisi niya ang DepEd dahil sa pagpapatupad ng K+12 program nang wala sa panahon at kulang sa preparasyon. Ayon naman kay ACT-Manila chapter President Louie Zabala, ang maling kindergarten program ng DepEd ay hindi makaka-produce ng kindergarten education na may kalidad. Pinoprotesta ng mga guro ang “twosession classes or six hours na straight teaching,” dagdag nito. “This policy is very difficult for us especially with the large number of enrollment, our class sizes go up to almost 60 students per class instead of the ideal 35 pupils per class,” ani De Ocampo. Ipinaliwanag ni DepEd Undersecretary Albert Muyot na ang two-session classes ay para lamang sa mga permanenteng guro at hindi sa mga substitute teachers. Sinabi nito na aayusin nila ang naging kalituhan sa mga DepEd regional directors ukol sa K+12. Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo na ang mga problema ay matutugunan kapag naisabatas na ang Universal Kindergarten Law. “We also want what you want and when this law will be passed, there will be more opportunities or teacher items that would be available for all of you,” ani Mateo. Sa ilalim ng K+12 ay dalawang taon sa edukasyon ang madadagdag upang mabigyan umano ng sapat na panahon ang mga estudyanteng matuto ng husto at ito rin ang sistema na ginagamit sa ibang bansa, tulad ng sa Estados Unidos. (Kabayan Weekly Ph News Bureau)

Embahada ng Pinas sa Brunei ipinagmalaki

Makikita sa larawan ito ang Philippine Embassy sa Brunei Darussalam, ang malawak na Chancery doon. (Kabayan Weekly PH News Bureau)

MANILA – Ipinagmalaki ng Philippine Embassy sa Brunei Darussalam ang bago nitong Chancery na siyang nagsisilbing tanggapan ng bansa doon. Halos karamihan sa arkitekto ng Chancery ay makabago, ngunit Pinoy na Pinoy ang dating at ecofriendly umano. Gawa ito ng tanyag na Palafox Associates at berde ang arkitektura nito. Maraming mga panig ng gusali ang may natural lights at wind tower, bukod pa ang natatanging courtyard at mga taniman na tunay nga na makapagbibigay ng kakaibang ambience sa sinumang makakita nito. “The building uses natural light, a wind tower, and a courtyard to enhance ventilation and heat management; the lush vegetation in the “green” walls, “green” roof, and planter boxes enables the building to blend with Brunei’s natural landscape and provides the Chancery’s occupants and guests with a sense of oneness with mother nature,” pahayag pa ng embahada na pinamumunuan ni Ambassador Nestor Ochoa. Nitong Hunyo lamang ay nasa Brunei si Pangulong Benigno Aquino III at pinangunahan nito ang unveiling ng commemorative marker at inagurasyon ng Chancery na matatagpuan sa Jalan Kebangsaan sa Bandar Seri Begawan. Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon ay sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Trade

and Industry Secretary Gregory Domingo, Finance Secretary Cesar Purisima, Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr., Brunei Minister of Health and Minister-inAttendance Pehin Orang Kaya Johan Pahlawan Dato Seri Setia Awang Haji Adanan bin Begawan Pehin Siraja Khatib Dato Seri Setia Haji Mohammed Yusof, at Brunei Min-

istry of Foreign Affairs and Trade Deputy Permanent Secretary at Chief of Protocol Dato Paduka Haji Mohammed Nor bin Haji Jeludin. Ang Chancery, ayon sa embahada, ay nagsisimbulo ng magandang relasyon ng Pilipinas sa Brunei na kung saan ay maraming rin mga overseas Filipino workers doon. (Kabayan Weekly PH News Bureau)

QUIT SMOKING Non-smokers living with smokers have a 35% increased risk of getting lung cancer compared to non-smokers living with fellow non-smokers. Smokers’ children are more likely to get bronchitis, pneumonia, and other chest infections, especially in their first year of life. Chronic cough and phlegm are also more frequent among children of parents who smoke. In the workplace, chronic exposure to tobacco smoke reduces airway function to the same degree as smoking one to ten cigarettes a day.

Courtesy of:

IF YOU DON’T CARE ABOUT YOURSELF, DO IT FOR THE CHILDREN.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.