Issuu on Google+

www.gisingmajayjay.com

HULYO 1-15, 2012

MGA KONSEHAL NA PUMATOL AT TUMUTOL P4

MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012 MGA LITRATO SAGISING RALLY P6-7 FACEBOOK COMMENTS P8-9

Kaso, pinagtawanan lamang ng Sangguniang Bayan by Leo Esquillo

PAGPUPULONG SA BAYAN: Ang ating mga kababayan nagkaisa sa pagtutol sa 100 taon ng pagsasamantala at pagyurak sa yaman ng bayan. Sigaw ng bayan...TUBIG!

NAGMATIGAS si Vice Mayor Ana Linda C. Rosas at ang pitong konsehal na nagsabing tuloy ang kanilang suporta sa ma-anomalyang Bulk Water Contract sa harap ng kasong graft na isinampa laban sa kanila ng mga concerned citizens ng bayan. Ayon kay Konsehal Torio Ronabio, binalewala ng mga nasasakdal ang reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3010 na nagla-layong sila ay masuspindi at uubrang matanggal sa puwesto sakaling mapatunayang sila’y nagkasala. Hinikayat umano ni Ronabio na iurong na ng mga kasa-mahang konsehal ang naturang resolusyon aniya’y pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Sundan sa pahina 4

Dahil sa maanomalya at ilegal na 3 kontrata sa yamang tubig ng ating bayan.

Guera, Rosas kinasuhan sa Ombudsman by Leo Esquillo

ISINAMPA NA nina Atty. Paterno Esmaquel at Froilan Gruezo noong Biyernes, Hunyo 15, 2012, ang habla na matagal nang hinihintay ng marami nating kababayan: ang kaso laban sa lahat ng nagpakana at kasangkot sa maanomalya at ilegal na 3 kontrata sa ating yamang tubig.  Ang mga inihabla sa Ombudsman ay sina Mayor Filo Guera, Vice Mayor Ana Rosas, Lauro Mentilla, Mauro Aragon, Juancho Andaya, Antonio Zornoza,

Jr., Mario Mercolisa, Jr., Jovanie   Ann Gruezo-Esquillo, Bernardo de Villa at Arcadio Gapangada. Si Gapangada ang Presidente ng Israel Builders Development Corp. (IBDC) na nagayos, nakakuha at makikinabang sa 3 kontrata. Nahahabla sila ng 3 kaso ng paglabag sa Republic Act 3010 o Anti-Graft and Corrupt Practices dahil nagsabwatan sila sa paggawa, Sundan sa pahina 2

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

NEWS

www.gisingmajayjay.com

Makakasama sa ating bayan Ang unang kontrata ay tungkol sa kontrata sa tubig ng Mahayhay sa IBDC. 

The Concerned Citizens of Majayjay: mula sa kaliwa, Froilan Gruezo, Atty. Paterno Esmaquel, Leo Esquillo, Edna Esmaquel, Atty. Ruiz, (representative ng abogado) Gina Esmaquel, Rene Esmaquel at Allan Esmaquel. mula sa pahina 1

Guera, Rosas at 7 Konsehal kinasuhan pag-apruba at pagpapatupad ng 3 kontrata sa tubig na malinaw na masama sa interes at kapakanan ng ating bayan at mga kababayan.

sa naturang kontrata. Hiniling ng tatlo sa Sangguniang Bayan na ito ay ibasura at huwag ipatupad.

Unang apat na bayani sa laban Si Konsehal Torio Ronabio ang whistle blower na nagbigay ng kopya ng kontrata kay Allan Esmaquel at Froilan Gruezo hanggang makarating ito kay Atty. Esmaquel noong nakaraang Abril.

Mabilis ang pag-aaral ni Atty. Esmaquel at ng kanyang law firm sa kontrata. Noong Abril 25, 2012 ay Guera sinulatan niya kaagad sina Mayor 3 opisyal hin- Filo Guera, Vice Mayor Ana Rosas di kasama sa at mga miyembro ng Sangguniang habla Bayan at sinabing “ilegal, imoral at laban sa kabutihan ng bayan T a t l o n g  at mamamayan” ang nasabing miyembro ng kontrata ng tubig. Nakiusap siya na S a n g g u n i a n g huwag ipatupad ang kontrata dahil Bayan ang hindi kung hindi ay mapipilitang siyang kasama sa sampahan sila ng kaso sa korte. habla. Sila ay Hindi siya pinakinggan ng mga sina Konsehal nasasakdal; bagkus ay ipinagpilitan Rosas Torio Ronabio, pa rin nilang  ipatupad ito. Walang K o n s e h a l nagawa si Atty. Esmaquel kundi ang Godofredo at SK president Victor ituloy ang habla para protektahan Gruezo. ang kapakanan at pambihirang yamang tubig ng ating ang bayan. Sina Konsehal Estupigan at SK president Gruezo ay pormal na Sila ang unang apat na bayani na nagdeklara noong nakaraang buwan lumaban sa itinuturing na  “ma ng kanilang pag-urong sa suporta anomalyang water contract”.

2

Ito ang kontrata na nagbibigay kay IBDC ng karapatan at kapangyarihan na kontrolin ang lahat ng yamang tubig ng ating bayan sa loob ng 100 taon, ibenta ito sa ating mamamayan at sa mga ibang bayan. Ang partehan sa kikitain ay 90% kay IBDC at 10% lang ang mapupunta sa ating bayan at marami pa ditong babawasin.  Sa tinatayang P40 Bilyon na kikitain sa pagbebenta ng tubig sa loob ng 100 taon, P36 Bilyon nito ay mapupunta kay IBDC at P4 Bilyon lang ang sa ating bayan at malamang wala pang matira dito sa daming babawasin ayon sa kontrata. Tataas rin ang presyong babayaran ng ating mga kabababayan sa tubig at malaking bahagi nito ay pupunta rin sa IBDC. Ang maraming nanghihingi lang ng libreng tubig sa kapitbahay ay mahihirapan nang makahingi dahil ang presyo nito ay mamahal na. 

Panglalamang sa bayan Ang pangalawa at pangatlong kontrata ay tungkol sa pagbebenta ng tubig sa Lumban at Sta. Cruz.   Ang ating bayan ang direktang magbebenta ng tubig sa dalawang bayan; pero ang IBDC ang mangongolekta at maghahawak ng lahat ng perang pagbebentahan, pero ang Mahayhay ang magpeprenda o magbabayad ng performance bonds at bank guarantees na nagkakahalaga ng humigit kumulang ay P32 Milyon. Atin ang gastos, obligasyon at responsibilidad  sa pagbebenta, pero ang 90% ng mapapagbentahan ay mapupunta kay IBDC. At ang pangyayari na ito ay hinayaan at sinuportahan ng ating mga opisyal na sinampahan ng kaso sa Ombudsman. “Ang mga tao na walang konsensya lamang ang gagawa at hahayaang mangyari ang ganyang klase ng kasunduan,” sulat ni Atty. Esmaquel sa kanyang habla.

www.gisingmajayjay.com

Gapangada

Makatuwirang habla “Napakalinaw ang sabwatan ng mga nasasakdal sa paggawa at pagpapatupad ng tatlong kontrata na sobrang ikasasama ng ating bayan. Kahit hindi abogado, kahit karaniwang tao ay madale at mabilis na makikita yan. Napakalinaw na nilabag nila ang batas na AntiGraft and Corrupt Practices. Ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ang isa sa mga paraan para maibasura at hindi maipatupad  ang mga kontrata”, pagsusuma ni Atty. Esmaquel.

Mahiwagang katanungan Sino ang kikita at yayaman sa ma anomalyang kontrata sa tubig?

NEWS Ang kaso laban sa mga opisyal ng ating bayan ay administratibo at kriminal. Kapag inaprubahan ng Ombudsman ang kasong kriminal, itataas niya ito sa Sandiganbayan at pag ang kasong administratibo ay kinabigan ng Ombudsman, ang mga opisyal na kinasuhan ay maaring maparusahan ng pagka suspinde o pagkatanggal sa puwesto. Kung ang kaso na kriminal ay isampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan, ang mga opisyal na kinasuhan ay aarestuhin at ikukulong na hanggang hindi sila nagbibigay na piyansa para sa pansamantalang paglaya at sila rin ay maari rin na pansamantalang suspendehin sa kanilang puwesto ng Sandiganbayan. At kapag tuluyang napatunayan ang paglabag nila sa batas na Anti-Graft and Corrupt Practices ang mga nasasakdal ay papatawan ng parusa na pagkakakulong na hindi lalampas ng 15 taon o hindi bababa ng 6 taon sa bawat paglabag. Dahil 3 paglabag ang ginawa nila, ang bawat isa sa kanila ay maaring makulong ng hindi sosobra sa 45 taon o di bababa sa 18 taon. 

Makasaysayang kaso para sa paglilinis at pagbabago ng bayan

Suspindi, Tanggal at Himas Rehas 

Ito ang kaunaunahang kaso na hiningi, hinintay at sinuportahan ng napakarami nating kababayan na  sumisigaw na usigin ang mga sangkot sa ma anomalyang kontrata sa tubig. Marami ang naniniwala na ito na ang simula ng hindi mapipigilang paglilinis at pagbabago sa ating pamahalaang bayan.

“Kumpiyansa ako na aaprubahan ng Ombudsman ang kasong ito at itataas sa Sandiganbayan,”  sabi ni Atty. Esmaquel.  

“Maging aral at babala nawa ang kasong ito sa lahat ng tiwali at may masamang balak sa ating bayan. Sapat ang mga batas

Yan ang mga katanungang nagaapoy sa isipan ng ating mga kababayan ngayon.

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

na tatapus at magpaparusa sa katiwalian ninuman. Gising na ang bayan at nagmamatyag.  Hindi na palalampasin ng mga mamamayan ang sinumang gagamit ng posisyon sa pamahalaan para magsamantala at magpayaman,” babala ni Atty. Esmaquel. Nawa ay magising na tayong lahat sa katotohanan na ang mga katiwalian sa ating bayan ay naguugat  sa masamang pulitika na ating kinaugalian: pulitika ng mga tiwali na ginagawang negosyo ang posisyon sa gobyerno, pulitika ng mga namimili at nagbebenta ng boto, pulitika ng mga magnanakaw at sinungaling, pulitika ng mga kulang sa kaalaman, pulitika ng mga nakikisama sa masamang balak at gawain ng mga gahaman.   Nawa ay tuluyang magising at makialam na Ang Mga Nag-aral Na Anak ng Mahayhay. Dati ay wala silang pakialam, pero nang malaman nilang inapi ang bayan sa isang ma anomalyang kontrata, biglang nagising ang kanilang pagmamahal sa bayan, nagpuyos ang galit sa katiwalian at nakisali sa laban. Isang bagay na lang ang kulang: Magbalik-rehistro at balikboto na sila sa ating bayan. Kada tatlong taon, isang beses lang ang halalan. Para sa kanila, ang kanilang pagboto sa Mahayhay ay napakaliit na bagay lamang,  pero yun ang pinakamalaki at pinakaimportanteng tulong na maibibigay nila sa bayan. Basta umuwi, magsalita, makialam at bumoto lamang sila sa ating bayan tuwing halalan, tiyak tutumba ang masamang pulitika sa mahal nating Mahayhay. Mabuhay tayong lahat sa ating paggising, pakikialam at pagmamahal sa bayan.

picture credit: Mike Caballes

3

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

ANG MGA PUMATOL

Kon. Lauro C. Mentilla

Kon. Mauro C. Aragon

www.gisingmajayjay.com

NEWS

ANG MGA TUMUTOL

Kon. Godofredo Estupigan

SK Pres. Victor Gruezo III

P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARSST ARS BULK WATER CONTRAC YEARSSTOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS B TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS ST ARS BULK WATER CONTRAC YEARS STOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT OP 100 YEARS BULK WATER NTRAC BULK WATER CONTR OP 100 YEARS BULK WATER NTRACTSTOP 100 YEARS BU TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRAC STOP 1 ARS BULK WATER CONTRAC YEARS STOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y OP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS B TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT LK WATER CONTRACTSTOP

Kon. Juancho M. Andaya

Kon Antonio S. Zornoza, Jr.

Kon. Victorino Ronabio

Isinusulong ng Local Government Code of 1991, na dapat dumaan sa tamang daloy ng proseso ang anumang sensitibong hakbangin tulad ng pagsasabatas ng mga bagong buwis at sa mga kontra-tang pinapasok ng pamahalaang-bayan.

Kon. Mario O. Mercolisa, Jr.

ABC president Kap. Bernardo de Villa

Ang resolusyon o ordinansa ay dapat ipasok sa mga sangkot na kumite, magpatawag ng pagdinig sa mga apektadong sektor at magsagawa ng makatotohanang kunsultasyon at malawakang edukasyon sa taumbayan bago ito ipasa ng Sangguniang Bayan. “Wala pang tatlong oras sa sa lapag ng konseho, inaprubahan agad ng mayorya ang mga naturang kontrata,” pahayag ni Ronabio.

Kon. Jovanie Ann Gruezo-Esquillo mula sa pahina 1

Konseho nagmatigas at mula sa pahina 1 pinagtawanan lang ang kaso Si Ronabio ang nagsilbing whistle blower sa naturang kuwestiyunableng watr contract at nagkusangloob na ipaalam sa ilang lider mamamayan ang naging hakbangin ng konseho. Ayon kay Torio, ang ang resolusyon ukol sa naturang kontrata ay railroaded o agaran at basta -basta na lamang sinang-ayunan ng Sangguniang Bayan ng walang kaukulang pagdinig at malawakang kunsultasyon sa taumbayan.

4

Sina Estupigan at SK Pres. Gruezo sa kalaunan ay nag-hain ng resolusyong naglalayong iurong at ibasura ang mga kontrata. Si Konsehala Joan Gruezo ay naiulat na dapat sana’y kasama sa hakbanging pagtutuwid subalit nagdalawang-isip sa huling sandali. Unang nilapitan ni Ronabio si dating Bise Alkalde Froilan Gruezo at Atty. Paterno Esmaquel na naging daan upang ang mga naturang kuwes-tiyunableng kontrata ay mapaiabot sa kalaaman ng nakararami at naging daan sa malawak na pagtutol ng sambayanan.

www.gisingmajayjay.com

OPINION/EDITORIAL

ating

editorial

by Allan Esmaquel

Right of first refusal

tubig na mata-tagpuan saan mang lupang nasa-sakupan ng bayan ng Majayjay, maging iyon ay galing sa bukal o sa ilog.”

Ito ay isang tunay na pangya- Ibig sabihin, si IBDC ang may yari. natatangi at may unang karapatan Isang kapitan ng barangay ang mapalad na magkaroon ng tatlong bukal ng tubig sa mismong lupang pag-aari ng kanilang pamilya. At ang pinakamalaking bukal ay nais niyang ibigay sa mga kabarangay upang magamit at mapakinabangan nila ng libre. Bilang paggalang,   binanggit niya kay Mayor Guera ang kanyang ninanais. Pinuntahan naman ni Guerra ang naturang bukal, kasama si Gapangada. Ganun na lang ang pagkamangha at pagtataka ni Kapitan nang sabihan siya ni Guera ng ganito: “Kailangan mong magsabi at humingi ng pahintulot kay IBDC para mapayagan kang ipagamit ang tubig sa iyong barangay.” Aba’y ano ‘to? Mama Mia!    Por Dios!   Por Santo! Paano nangyaring ang may-ari ng lupa ang siya ngayong kailangang magpalimos ng awa sa isang dayuhan? 

sa anumang likas-yamgn tubig sa ating bayan. Sa maiksing sabi, ibinenta na ni Guera at mga kapanalig sa Sangguniang Bayan ang ating karapatan kay IBDC nang hindi man lamang masusing pinag-isipan ang nakapanlulumong epekto nito sa atin. Bukod pa rito, binalewala nila ang pulso ng taumbayan dahil wala man lamang kaukulang kunsultasyong naganap. Ngayon, ang tanong: Makatarungan ba ang naging pasiya at kilos ng pamahalaang lokal? Kaya nga nananawagan tayo sa lahat ng mamamayan, nasa loob o labas man ng bansa na maki-isa at ipagtanggol ang ating karaptang nilalapastangan ng kasalukuyang administrasyon ni Guera.

Kumilos tayo  Kababayan  at Kaibigan, ngayon na!

Bueno ganito yon. Alamin IT’S NOW OR NEVER! Kung hindi tayo sama-samang kikilos, maaarnatin! Nakasaad sa Art. IV, Sec.7 ng kuwestiyunableng kontrata ng Bulk Water Contrant ang ganito: “Assign to IBDC the right to extract water from all water sources of Majayjay under the principle of Right of Frist Refusal.”  Ang ibig sabihin ng naturang probisyong Right of First Refusal ay inililipat na ng ating pamahalaang bayan sa IBDC ang karapatan na kunin, gamitin, ipagbili at kontrolin ang lahat ng pinag--kukunan ng

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

ing wala nang matitira para sa ating bayan. Masaklap pa nito, maaaring wala ka ng matatamasa o babalikang malaya at masaganang Bayan ng Majayjay. Sons and daughters of Majayjay, ito ang inyong Inang Bayan ng Majayjay na humihingi ng ating sama-samang pagmamalasakit at pagtutol gayung ang mga naka-upo ay tila bingi, walang pakiramdam at walang alam kundi isulong ang interes ng iilan at hindi ang interes ng mamamayan at sambayan.

Kung hindi ngayon, kailan? Isinilang yaring diaryong Gising Majayjay sa panahong nakararanas ang bayan ng matinding krisis hinggil sa kawalan ng pagtitiwala ng karamihang mamamayan laban sa panunungkulang-bayang salat sa masinag na pamamahala at kawalan ng malawakang pagkapa sa pulso ng taumbayan. Sa kabilang banda, isinilang yaring diario habang patuloy na nahihimbing ang karamihan sa ilusyon ng pagbabagong kaakibat ang responsableng pagtugon sa mailap na kaunlaran. Subalit ang realidad, mistulang panaginip lamang ang pag-unlad gayong ang mga pasiya at hakbangin ng pamahalaang-lokal ay batay sa pagsusulong sa interes ng iilan at hindi tungo sa interes ng karamihan. Kung anupaman, makabuluhang itanong ng bawat isa sa atin: Kailan tayo mamumulat sa katotohanan?

At kung hindi tayo kikilos, sino? The Online Edition of Gising Majajay ay pinagsamasamang kontribusyon ng mga Concerned Citizens of Majayjay na nagmumula pa sa ibat-ibang sulok ng mundo.

Tagapaglathala : Patnugot : Sining : Litrato : Sirkulasyon :

Rudy Brul Leo Esquillo Serene Aqua Sherwin Mendoza Jay Ronel Conejos

“Love alone creates wonderful works.” 5

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

PICTURES

www.gisingmajayjay.com

Majayjay Protest Rally Maga larawan kuha ni Sherwin Mendoza Ginanap ang mapayapang kilos-protesta ng mahigit 500 mulat na mamamayan sa plaza sa gilid ng simbahan noong Hunyo 21 na nagsimula nang matapos ang ikalawang misa at nagtapos ng pasado alas-dose ng tanghali. ario kuya M awin ni g it’s n re a u p s a m Pinaghir yers. I a an sina o ang fl m d a ra n b p m No umara Dapat h worth it. a tao. g m a s mayor : elverio ester G Mark L

Ang mga pagkain ay kusang-loob na ambag ng mga kababayan from Metro Manila and from abroad. Froilan Gruezo

H in di na gp un ta an g ka bi la ng pa ni hu m ar ap si g? D ap at ay la ng fa ce to fa ce at Ib ig sa bi hi n, na gp al iw an ta ko t si la sa ag . gi na w a ni la Maraming ta ng m ul to . umbayan an g dumating, nagpaliwanag kaya dapat sila tutal mar ay ami namang pa buong m oras. Kahit aghapon silan g magpaliwan ag. Maribel Tani neng Sunga Amat

a be tt er w e ha ve N ow th at ut the o b ge a knowled ta nd in g rs an d un de co nt ra ct ou s it w ill ge ta an dv ho w di sa th is be aj ya y, le t be fo r M aj er yo ne ev r in g fo th e be gi nn helping in onsibility taking resp r. L e t u s e sp ro p M a ja yj a y all help. odillas

Thelma R

The pic looks like history. I was five years old when then Mayor Torio Gruezo and Secretary Peling Esmaquel now same tandem fighting against some people running the town. The tandem was also behind so many projects. One of these was the Guevara National High School. I maybe out of issue here but this second generation Esmaquel-Gruezo tandem ay hinubog sa tamang pagmamahal at intensyon sa bayang kanilang kinalakihan. I am proud of you guys. MABUHAY KAYO! Serene Aqua

Akala ko sa Manila lang uso ang rally. Pati pala sa bayan kong sinilangan ay uso na rin. God bless. Froilan Escoto

6

ruin ! Bi iyos hapon D ang nung ga ta l a atin s ig n alaka igyan maga n a ap Bi n gu gm nas lan n rally? n nun ng u o a . g m h g s n u a a o Tal ‘yon, pos a g pan a Diy s n ta n’yo ma ganda lamat g a a nan ng m ng. S lo tayo sa pu a par uz acr Del n Alle

Photo credit: Mike Caballes

www.gisingmajayjay.com

PICTURES

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

Litratong sanaysay ng Majayjay protest rally laban sa Bulk Water Contract

Diorme Estebal: Ang pinaglalaban ng ating mga kababayan ay para sa mga KULIT BULILITS na ito dahil baka sa susunod na panahon, ang mga magulang ng mga ito ay maghihintay na lamang ng pagpatak ng ulan upang sila’y mapaliguan.

Leila V. Espedido: Marami ring tao ang dumalo sa rally. Yung iba kasi ayaw lang lumantad.

Marilou Clado: Cheers for Atty. Paterno Esmaquel. Napakagaling niya sa walang sawang pagpapaliwanag ukol sa isyu. Maraming tao ang naliwanagan ang isipan. Salamat at may mga taong nagmamalasakit sa ating bayan.

Pablito U. Bergola: Ang mga pinsan ko’ng sina Lita Rosel and Jonadave Arceta, nakita ko sa mga pictures at sumusuporta rin. Keep it up. Aba, si Bangayngay! Hala pag-igi ang hawak sa placard.

7

www.gisingmajayjay.com

D

by Jay Ronel Conejos

ala ng makabagong panahon, nabago na rin ang ating “way of communication”. SMS or “Social Media Sites” na kagaya ng “Facebook” ang “in na in” ngayon lalo na sa mga kabataan.. Sa Facebook, isang click lang ay meron ka nang “instant” friends. Maging kadramahan, ka-cornihan, awayan, encouragement at kung anu-ano pang saloobin or maging pictures (nang malalalim na hukay) ay pwede ring ipost na kagaya sa mababasa mo for almost 2 months sa FB group natin na GISING MAJAYJAY. Marami tayong mga naging accidental friends na nagmula sa iba’t ibang katatayuan sa buhay na nakilala at nakibaka rin sa pagtutol sa maanomalyang “BULK WATER SCAM” (at take note with matching support pa nina Fr. Orina at Fr. Urcia, kaya malakas tayo kay Lord). Personally, I was strucked by the comments of our Majayjay Youth na akala natin ay walang pakialam ngunit ngayon ay lumalaban. MABUHAY TAYONG LAHAT!!! Ang

TIWALA

ay parang isang papel kapag itoy nalukot mo hinding-hindi mo na maibabalik sa pagiging

PERPEKTO

Credit: Russell Vito Estebal

8

Reaksyon at opinyon ng ating mga kababayan sa kasong ito: Fr. Edizo Orina: This GISING MAJAYJAY should take the lead in promoting genuine dialogue over issues that divide us. A united MJJ community is a strong community and genuine dialogue promotes unity. Furthermore, we need to take upon ourselves the responsibility of assuring that our children’s inheritance is protected. Many of the problems facing the nation, and this includes environmental problems, can only be solved if we act as one MJJ community. It is only by acting collectively, as a community, that we can hope to ensure that our cultural and environmental options are secured for future generations.

Marietta Porcioncula: Sobra na talagang kademonyuhan ang naghahari sa isipan ng mga taong iniluklok natin sa poder. Pinagsaman-talahan na nila ng husto at tunay na dinumihan ang upuang ipinahiram ng taumbayan sa kanila. Garapalan nang paglapastangan sa ating mga karapatan ang kanilang sukling ibinalik sa atin mula mismo sa mga taong ating pinag-katiwalaan.Tumutulo po ang aking luha habang isinusulat ko ang mensahe kong ito dahil damang-dama ko ang pagwarak nila sa karapatan at kinabukasan ng mga susunod na salinlahi.

Ruben Pastor Millar Isa po ako sa mga kabataan ng bayan ng Majayjay! Dapat hindi lamang isang daang beses nilang pag -isipan ang mga hakbang at dapat ay ipaalam ito sa mamamayan.

Fe Dorado Delfin: Tanong ko lang po. Ano po ang ginagawa ng ating mahal na Congressman EGAY SAN LUIS?. Parang pakaang-kaang lang at natu-tulog sa pansitan. Baka naman abala sa panga-ngampanya para sa Gobernador ng Laguna kaya bingi sa ating suliranin? Gising Mr. Egay San Luis.

Nikki Joy Alcantara:

Pads Urcia:

Ako po si Fr. Daniel Urcia, Hala! Tayo pa dito sa USA. Kaiang hihingi ng sa po ninyo ako tubig? Hi-hingin natin ang sarili nating tubig? Ano sa inyong laban upang mapigilan ang ma-anomalyang proyekto sa yan tangahan? tubig sa ating bayan. Saludo po ako sa inyong lahat na patuloy na Mark lumalaban para sa tama at moral Anthony na pamamaraan. Kung mayroon Villanera: man po akong maitutulong o magaKaming mga ka- gawa, handa po akong makiisa sa bataan ng Majayjay ay hindi  isini- inyong magandang layunin. Paglang kahapon para di makita ang palain po kayo ng Panginoon at mga nangyayari. Sir sama ako sa nawa’y maging matagumpay po ipinaglalaban ninyo. ang laban natin sa katiwalian.

Totoy Criste Jr.:

Russell Vito Estebal:

Dito po sa amin This is the mother sa Magdalena ay of all scams, the lima po ang namother of all iskikipag-laban sa tubig na ino-offer sues. First in Majayjay! sa aming Bayan. Ang pagtutol ay kinabibilangan ng aming Vice MayNingning or at apat na Konsehal. Gising at Nasha Anital: mulat ang mga taga-Majayjay sa katotohanan. Ipaglaban po natin Sayang pala taang ating yamang kalikasan. laga  ang boto ko. Mga wala palang Pilen Rosel: hiya ang aking napili. Naku! Nanggagalaiti na Ira Psi: ang taumbayan sa kanilang panKulong at maghililinlang. Kahapon mas ng rehas. ay pinahinto ko ang pagdudukal Yan ang maxinila sa Kalye Origuel. Sabi ko ay mum na dapat naasaan ang inyong permit mula mang-yari sa mga nasasangkot sa LLDA? Kung wala ay huwag na at pagbibitiw sa tungkulin munang maghukay. Ang ginagawa habang ide-deklarang persona lang nila ay sirain ang mga kalye. non grata sa loob ng 100 taon. Pumapalag at tumututol kami dito Yan dapat ang kahilingan ng samsa Origuel kaya sila’y umalis. bayang Majayjay!!

www.gisingmajayjay.com

Joel Torio:

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012

Dane A. Bandillo:

Bruce M Manalo:

Johnny Breganza

Dapat sa mga nakaupo na yan, Ngayon nakita Indeed, ignodalhin dito sa dinyo kung anong rance of the law syerto ng Sahara, klaseng UGALI excuses no one. ibilad sa araw at pagulungin sa Kaya nga bawal ang patal. meron ang mga opisyal ngayon nagbabagang buhangin para ang sating bayan....pinakakita nila na Clyde mga kaluluwa nila ay masunog. hindi sila kayang tinagin at hindi sila kaya sa pakiusapan...bagkos Trovela: Romeo pinagtatawanan lang nila ang ating Ang tagal pala Fresco: pinaglalaban...pinalalabas nila na ng kulong pag walang kwenta ang panawagan ng Huwag nating nagkaganun. Tsk kalimutan ang ...Tsk... Tsk...Hindi ba kayo na- ating kababayan...dapat pa ba silipinaglaban ng tatakot? Mag-isip-isip kayo ha- ang irespeto? kung sila mismo ay ating mga ninuno mula taong bang may panahon pa. Mababait hindi nila tayo nirerespeto....sige 1926 hanggang sa ipanalo ang naman ang mga tao sa atin. Baka tumawa na kayo ngayon..ibuhos nyo na ang tawa nyo..pero hindkaso noong 1933. Ito ay tungkol mapatawad pa kayo. ing hindi kami susuko hanggang sa pagnanais noon ng ilang bayan makamit ang TAMA.....ganyan at ng kapitolyo na manaig sa ating Edgardo talaga sa umpisa nangingibabaw karapatan sa tubig. Sa mga hindi Estebal: ang MALI..pero pag nag tagalan pa po nakakaalam, kung nagawa Di natin kaila- mananalo din ang TAMA....tignan nila ito noon ay walang dahilan ngan ang mga natin kung hanggang saan kayo upang magawa ito sa ngayon. investor na tatagal...mahigit 5K member sa Kailangang magtulung-tulong tayo ngayon para umunlad ang mapagsa-mantala na lalong mag- gising majayjay ang gusto kayong ating bayan. MABUHAY ANG babaon sa kahirapan. Sana sila makulong not including yung mga yung nag esep-esep bago pa man nasa bukid na walang computer... MAJAYJAY! nakipagsara ng kontrata. Baka pag nakulong kayo hindi nyo Ryan Angelo yung mapupunta sa bulsa lang makikita samin ang awa dahil ganon ang kanilang inesep-esep at hindi din ang ginagawa nyo sa mga taong A. Tan: ang kaunlaran at kapakanan ng nakikiusap sa inyo. WE WILL NOT Ang alab na Majayjay. STOP UNTIL YOU GO TO JAIL. luma-lagablab sa kabataan ay isang san-data. Russell Oriña Vance Olivia: Tumutuligsa, nagtatanong at nagRomero: Oposisyon man uudyok. Nasa palad n’yo mga kami sa inyong Matapos man nila kabataan ang kapalaran para sa mga mata, jusang kanilang terkinabukasan. Oras ay ginto. Gamitice ang hangad mino, konsensya tin ng mahusay dahil ang oras ay ng aming mga pananalita. Emosna lang nila ang uusig sa kanila walang hinihintay. kung naging mabuti ba silang yon nami’y hindi maikakaila. Jeffrey pinuno ng ating bayan. Gabayan Arceta: Aniceta nawa tayong lahat ng ating patron na si San Gregorio Papa, Ang Zornosa Mga kababayan! Dakila, para sa mga susunod na Esmaquel: Ipakita natin sa kanila ang ating hakbangin tungo sa isang mapayDapat sana’y pagtutol sa mga kati-waliang apang bayan. Amen. tinalakay muna ng Sangguniang nangyayari sa ating sini-langang Bayan at sila’y nagbalitaktakan Froilan bayan. Sumama po tayo at makikung dapat bang ipasa o hindi ang Ceripulo: isa para sa kapakanan ng ating mga naturang kontrata sa tubig. bayan. Laya bayan ko! Laban Kailan ba kayong Pinagdibatihan dapat nila kung Majayjayenos! mga pamunuan ano ang kabutihang idudulot nito ay magbibigay ng para sa bayan at sa mamamaayan. Benedict B. paliwanag? Alam ko mayroon mga Dapat ibinaba ito sa taumbayan Bongon: asawa, anak, kamag-anak at kap- sa pa-mamagitan ng malawakang Those who have atid ng sinuman sa mga kinauuku- kunsultasyon at pagdinig. Kaya less in life should lan ang nagbabasa sa Gising Ma- nga tinawag silang Sang-guniang have more in law jayjay na ito. Paki pangaralan nga Bayan dahil ang kanilang mga otherwise our moral institutions po ang mga sutil na ‘yan. Aba’y hakbanging ay dapat ISANGGUNI bale naman. would be in peril! sa tao.

Kayo namang mga barangay officials, kung makiki-isa kayo sa sa kagustuhan nila, sigurado akong kasama kayong makakasuhan sa ombudsman. Hindi po ito pananakot lang. Ito po ay katotohanang maaari ninyong kaharapin sa darating na panahon.

Jocelyn Trinidad Sabio: Mula po dito sa amin sa Mag-dalena, heto ang mensahe ko: Mag-ingat sa mga namimili ng boto. Mahal silang maningil!

Tony Sobrevinas: Paano na ang mga palayan at halamanan na gumagamit ng tubig ga-ling sa mga bukal? Kaila-ngan na rin ba silang magbayad sa mga buwaya?

Van Dido: Ang mga tao sa Majayjay ay mababait. Pero lintek naman oras na magalit!!!

Manolo Breganza Eriga: Nobody has the right to sell the future generation’s resources.

Emil Gruezo: God is good talaga,ang kasamaan ay di talaga mangingibabaw, sa katotohanan,basta mag kaisa lang ang taong bayan ,tungo sa kaunlaran nang bayan sinilangan,,mabuhay tayong lahat, amen.. P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARSST ARS BULK WATER CONTRAC YEARSSTOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS B TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS ST ARS BULK WATER CONTRAC YEARS STOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT OP 100 YEARS BULK WATER NTRAC BULK WATER CONTR OP 100 YEARS BULK WATER NTRACTSTOP 100 YEARS BU TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRAC STOP 1 ARS BULK WATER CONTRAC YEARS STOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y OP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS B TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT LK WATER CONTRACTSTOP

9

www.gisingmajayjay.com

P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARSST ARS BULK WATER CONTRAC YEARSSTOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS B TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS ST ARS BULK WATER CONTRAC YEARS STOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT OP 100 YEARS BULK WATER NTRAC BULK WATER CONTR OP 100 YEARS BULK WATER NTRACTSTOP 100 YEARS BU TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRAC STOP 1 ARS BULK WATER CONTRAC YEARS STOP 100 YEARS BU TER CONTRACT STOP 100 Y OP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS B TER CONTRACTSTOP 100 YE LK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC YEARS BULK WATER CONT LK WATER CONTRACTSTOP


Gising Majayjay July 15 2012