Daloy Kayumanggi 2012 April

Page 11

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

11

Special Feature: Green Living

Tamang Eco-friendly Attitude L

aging sinasabi na ang pagbabago ay nagsisimula sa tahanan pero paano kung may magagawa ka palang napakahalagang pagbabago bilang bahagi ng isang pamilya sa komunidad? Ano ba ang kailangan? Lahat tayo ay nabubuhay sa isang mundo na responsible sa kalusugan at kalinisan ng ating kapaligiran. Kung isa ka sa mga taong nais magkaroon ng malinis, maayos, at luntian na kapaligiran, maiwasan ang masamang polusyon at mabigyan ng malinis na hangin ang mga bata, bakit hindi pairalin ang tamang eco-friendly attitude o ang mapangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng tamang mga halaman at gawing luntian ang buong komunidad. LUMABAS. Bigyan ng oras na makasalamuha o makausap ang iyong mga kapitbahay at matutunan kung anuano ang kailangan at kagustuhan para sa kapali g i r a n . M a r a mi a n g w a l a n a n g panahon dahil busy sa trabaho at sa gabi

para makipagkapit bahay, nagmamadali para magluto ng hapunan o almusal. Magkaroon ng oras na makausap ang mga kapitbahay at maging alisto sa mga taong interesado sa kanyang kapaligiran. M A G TA N O N G . M a k i p a g - u s a p s a kapitbahay hinggil sa mga unang hakbangin na dapat gawing luntian ang k a p a l i g i r a n . Ti n g n a n k u n g a n o a n g kanilang opinion kung ano ang kanilang maitutulong para sa kapaligiran. Sa totoo lang, marami naman ang gustong magkaroon ng luntian at maberdeng kapaligiran, lamang ay wala silang paraan para maumpinsahan. MAKIPAGKOMPETENSIYA. Gawing ekstrang malusog ang kompetisyon lalo na kung kailangang makakompetensiya ang ibang lugar para sa luntiang kapaligiran. Kung minsan, sa ganitong mga aktibidad ay may kaunting premyo para sa mananalo. Kaya naman ang lahat ay maaari nang maging interesado. BUMILI NG MGA INANING SARIWANG GULAY AT PRUTAS MULA SA BAKURAN

© jackpotprintinglv.com NG KAPITBAHAY. Sa paraang ito ay makatutulong ka sa kanila, hindi ka na mamamasahe pa at magsasayang ng mahabang oras para mamalengke. LUMAHOK, MAGSALIKSIK AT ALAMIN KUNG ANONG MGA KOMUNIDAD SA

LUGAR NINYO ANG AKTIBIDO PARA SA LUNTIANG PROGRAMA. Marami namang mga organisasyon o pulitikal na grupo ang may layunin sa ganitong uri ng kampanya. Dahil mayroon silang tulong na nakukuha mula sa gobyerno.

Sino Ang Tunay Na Environmentalist?

M © stock

Pagbabago Nagsimula Sa Kaunting Bagay

I

niisip ng mga tao na ang pagbabago sa kapaligiran ay magagawa sa isang sandali. Hindi. Ang pamumuhay na sang-ayon sa kapakanan ng kapaligiran ay magagawa sa mga kaunting bagay. Kunting pagbabago lang ang kailangan katulad nalang ng pag-recycle sa mga papel, plastic, glass, at marami pang bagay. Kung nais nating mapamana sa sunod na henerasyon ang magandang kapaligiran, kailangan na magsimula ang makabagong pamumuhay sa sarili. Sa simula, hindi mo makikita ang epekto nito, ngunit sa pagtakbo ng panahon, makikita mo ang resulta na malaki na pala ang naitutulong mo sa kapaligiran. Halimbawa, sa bahay, dapat i-turn off kaagad ang mga appliances na hindi na ginagamit. Hindi lang naka-save ka ng gasto sa kuryente, ikaw pa ay nakatulong sa kapaligiran dahil malaking enerhiya ang ginagamit para makabuo ng kuryente. Maari ka ring mag-recycle ng mga

natirang pagkain at gawin itong fertilizer para sa iyong garden. Hindi na kailangan na bumili ng abono dahil maraming mga biodegradable na bagay na maaring gawing pataba sa halaman ng iyong garden. Iwasan ang paggamit masyado ng aircon sa bahay. Buksan ang lahat na bintana para pumasok ang sariwang hangin. Malaking gasto sa kuryente ang paggamit sa aircon at itoy hindi mabuti sa kalusugan ng tao. Mabawasan mo rin ang “carbon footprint” sa pamamagitan ng hindi madalasang paggamit ng sasakyan. Kung meron kang bisekleta, iyon na ang gamitin. O maaring maglakad lang sa pupuntahan na lugar kung hindi ito masyadong malayo. Mga kaunting bagay lang ito na kaya mong gawin upang matulungan ang ating kapaligiran. Kung palagi mo itong gagawin sa araw-araw, malaki ang nagawa mo para sa susunod na henerasyon.

ay mga tao na tinuturing na environmentalist o mapagmahal sa environment ngunit hindi mapagmahal sa kapwa tao lalo na sa mga nasalanta sa kalamidad. Sinabi ng mga philosopher, hindi sapat na nagmamalasakit tayo sa kapaligiran ngunit wala naman tayong ginawa para sa ating kapwa tao. Para mapatunayan na ikaw ay isang tunay na environmentalist, narito ang mga suggestion kung paano tumulong sa mga biktima sa kalamidad. MAG-DONATE NG PERA. Magdonate ng pera sa isang reputable organization na nag-aalok ng relief para sa biktima ng kalamidad. Mag-ingat sa mga organisasyong bago o walang endorsement ng mga kilalang establisimyento at baka scam iyan. Puwedeng para sa Feed The Children ang programa. Dito maipagkaloob ang pagkain at iba pang sapat na kagamitan para sa mga biktima ng kalamidad at sa mga volunteer na tumutulong sa mga biktima. Hanapin ang mga organisasyong handang tumulong para magbigay na pagkain, tirahan, mga gamut at kasuotan. MAGBOLUNTARYO. Magboluntaryo para sa relief organization. Ang mga organisasyon sa buong bansa ay tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. Hindi na kailangan ng malalaking grupo. Kahit ang simpleng proyekto sa barangay na nagtitipon ng

pondo at inaabot ang t u l o n g s a m g a n a a p e k t u h a n l u g a r. Humanap ng grupo at lugar na may boluntaryong pagtulong tulad ng Red Cross. BLOOD DRIVE. Magsimula ng blood drive o donasyon ng dugo. Kontakin ang mga local na ospital o health center sa impormasyon kung paano makapagsisimula. Ang mga biktima mula sa mga sakuna ay madalas na nangangailangan ng dugo dahil sa injury o karamdaman man. Kung hindi makapagsimula ng blood drive, mag donate ng dugo sa isang establisadong event. Bago ka magdonate ng dugo, dapat ka munang pumasa sa tests at masagot ang mga katanungan para matiyak kung wala kang sakit. FUNDRAISER. Mag-establisa ng fundraising. Simulan ang magparaffle,magbenta ng ticket para makapagpanalo ng mga bagay tulad ng TV at iba pang items. Kung maaari, magsilbing donasyon ang raffle items para mapunta ang pera sa makabuluhang nangangailangan. Simulan ang pagkolekta ng donasyon para sa mga nasalanta ng kalamidad. Puwede ka ring magbenta ng anumang lumang kagamitan kung saan lahat ng kikitain ay mapunta sa disaster relief. I-donate ang pera mula sa f u n d r a i s e r s a i s a n g mapagkakatiwalaang relief organization para ang iyong pinagpaguran ay hindi manakaw o mawala ng sinuman. © clipartof.com


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.