ALSFL2-46

Page 28

Tandaan Natin ♦

Madaling gawin at lutuin ang tocino at hubad na longganisa.

Tandaang mabuti ang mga paalala sa paggawa ng tocino at longganisa tulad ng mga rekomendadong uri ng karne, ang paggamit ng asin bilang pinakamahalagang sangkap, tagal ng pagluto, at marami pang iba.

Ang paraang ginagamit sa paggawa ng tocino at longganisa ay paggamot (curing). Iniimbak ang karne sa hinalong panggamot na kinabibilangan ng asin, asukal at salitre. Ang mga sangkap na ito ay humihigop ng halumigmig mula sa karne kaya’t napipigilan ang pagkakaroon ng mga mikroorganismo. Ang acid sa suka at ang natural na kemikal sa mga sangkap ay tumutulong sa hindi pagdami ng mikroorganismo.

Ang paglalagay sa repridyereytor ng nagamot at natimplang karne ay matitiyak na hindi ito makokontamina muli ng mikroorganismo.

28


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.