ALSFL2-46

Page 23

Ang Paggawa ng Longganisa Sabihin nating habang ikaw ay nakikipagusap sa suki mong magkakarne, nakita mo ang isang babaeng gumagawa ng longganisa sa kabilang tindahan. Nais mo ring malaman ang marami pang bagay tungkol sa kaniyang ginagawa kaya’t ikaw ay nagpakilala. Ito ang nakita mo. Humingi ka rin ng listahan ng mga sangkap at hakbang ng paggawa at ibinigay niya ito: Mga Sangkap: 1 kilo ng giniling na karne ng baboy 2 kutsarang asin 2 kutsarang asukal 1 1/2 kutsarang toyo 2 kutsarang suka 2 kutsarang alak 1 kutsarang salitre 1 kutsaritang paminta 2 kutsaritang pinitpit na bawang 12 pambalot ng longganisa (sausage casings) na kadalasa’y nilinis na bituka ng baka, baboy o tupa Mga Hakbang: Unang Hakbang Maghanda ng pantimplang solusyon. Ang paraan ay: Maglagay ng 2 kutsarang asin, 2 kutsarang asukal, 1 kutsaritang salitre. Tunawin ito sa 4 na kutsarang mainit na tubig.

Ikalawang Hakbang Ihalo ang curing solution sa giniling na karne ng baboy. Idagdag ang iba pang sangkap at ilagay ito sa casings ng longganisa. Ilagay ito sa loob ng repridyereytor at pabayaan ng mula lima hanggang anim na araw.

23


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.