Ang Pahayagang Plaridel - June Issue

Page 9

1

Buhay at Kultura

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

9

Patrick Dimaranan, Renato Rebellon Jr. at Daphne Salazar

Kuha ni Harlene Ilagan at mga dibuho nina Douglas Ng at Gem Myka Sy

KAPAG sinabi sa’yo ng iyong guro na kailangan mong masaulo ang table of elements sa loob ng ilang minuto, ilan kaya ang matatandaan mo? Paano kung natipuhan ng iyong guro na magbigay ng biglaang pagsusulit na maglalaman ng 25% ng iyong pangkalahatang marka, kakayanin mo kaya? Sa mga ganitong pagkakataon, marahil naisip mong maging napakatalino upang mabilis mong masaulo at masagutan ang mga nabanggit. Marahil, pinangarap mo ring maging isang henyong hindi nakararamdam ng anumang hirap pagdating sa pag-aaral. Ngunit sa katotohanan, hindi saya ang laging dala ng pagiging isang “gifted” na bata, marami sa kanila ang napagkakakitan ng kaibigan at lumalaking mag-isa. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging henyo, makakayanan mo kayang tanggapin ang mga pasakit na kaakibat nito? Mabubuhat mo ba ang kabigatan ng katalinuhan? Henyo ng kanilang panahon “Junior anatomist” ang turing sa kanya noong bata pa lamang siya. Sa murang edad, madali nang natutunan ni Shaira Luna, 23 at isang freelance photographer, ang mga leksyon sa Biology na tinuturo ng kanyang ina. Noong una, inakala ng mga ilan na baliw siya dahil sa angking katalinuhan ngunit sa tulong ng Department of Education, Culture, and Sports, napag-alamang mataas sa normal pala ang kanyang Intelligence Quotient (IQ). Isa rin si Kristoffer Robin Resurreccion, 27 at business processing outsourcer sa Aegis People Support, sa mga biniyayaan ng pambihirang talino. Aniya, “Bata pa lang kasi ako, mas marami na akong alam kesa sa mga ka-age ko. Lumabas din sa evaluations ng guidance counselors ko noon [na mataas ang IQ ko].” Dagdag pa niya, magaling din siyang tumugtog ng piano at mag-gitara. Para kina Luna at Resurreccion, hindi nila nararamdamang “gifted” sila dahil mula mababa hanggang mataas na paaralan, normal lamang ang pakikitungo sa kanila ng kanilang mga kamag-aral. Ginagawa rin nila ang ginagawa ng isang tipikal na estudyante, nagre-recite sa klase, nakikipagdaldalan sa katabi at minsan, nangongopya ng takdang aralin at pagsusulit. Naging masaya ang kanilang buhay elementarya at hayskul ngunit biglang nag-iba ang takbo ng kanilang buhay sa pagtungtong nila ng kolehiyo dahil sa mas kakaibang paligid sa nakasanayan. Kakaibang pagtingin sa talinong angkin Hindi naging madali para kina Luna at Resurreccion ang buhay sa kolehiyo. Naging

sentro sila ng iba’t ibang panunukso mula sa mga taong nakapaligid sa kanila–mga taong humanga at humusga sa kanilang kakayahan. Kumuha ng kursong Bachelor of Science in Human Biology (HUM-BIO) si Luna, sa Pamantasang De La Salle (DLSU) noong 2000 sa edad na 13. Lumahok siya sa Student Council Freshmen Elections (FE) sa ilalim ng partidong Iisang Tugon Sa Tawag ng Panahon ngunit naging mailap pa rin siya sa ibang tao sa kabila nito. Aniya, palagi siyang mag-isa tuwing libre ang

“Bata pa lang kasi ako, mas marami na akong alam kesa sa mga ka-age ko.” - Resurreccion oras at madalas niyang puntahan noon ang University Mall. Nahirapan din siyang makibagay sa ibang mag-aaral dahil sa laki ng agwat ng edad nito sa kanya. Dalawang taon ang ginugol ni Luna sa kursong HUM-BIO bago niya napagtantong hindi ito ang kurso para sa kanya. Pumayag ang kanyang magulang na lumipat siya ng ibang kurso ngunit humarap pa rin si Luna sa iba’tibang pagsubok at nagkaroon ng pagdududa sa kanyang kinukuhang kurso. Papalit-palit si Luna ng kurso hanggang nagtagal ito sa AB - Philippine Studies, major in Filipino in Mass Media. Umabot na siya sa thesis ng kursong ito ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon, natagpuan niya ang mundo ng potograpiya na nagtulak sa kanya upang itigil ang kanyang pag-aaral. Hindi ito ikinatuwa ng mga magulang ni Luna, kaya pinagbawalan siyang gumamit ng telepono at lumabas ng bahay, dahilan nang madalas niyang pagtakas sa mga ito sa edad na 15 para sundin ang kanyang nais gawin. Problema rin ang sumalubong sa buhay kolehiyo ni Resurreccion. ‘Di tulad ni Luna, nagustuhan ni Resurreccion ang una niyang kurso na AB-Music Production sa De La SalleCollege of Saint Benilde, ngunit naranasan din niya ang mga suliranin ng pakikitungo sa ibang tao. Dahil lumaki siyang mas pinagtutuunan ng pansin ang pagpapayabong ng kanyang talento

sa pagtugtog ng piano at gitara, nakalimutan na niyang makisalamuha sa ibang tao. Aniya, “Nahirapan [talaga] ako sa social skills ko. Napabayaan ko siya (social skill), [kaya] hindi ako nakikipagkaibigan.” Bukod pa rito, hindi rin inaakala ni Resurreccion na mahirap maging isang mag-aaral sa kolehiyo dahil nasanay siyang nakakakuha ng mataas na marka kahit hindi nag-aaral noong nasa mataas na paaralan pa lamang siya. Dahil dito, hindi rin niya lubusang nagamit ang angking talinong ipinagkaloob sa kanya at nahirapan siyang abutin ang matagumpay na pamumuhay. Nakapagtapos man siya ng pag-aaral hindi naman siya naging masaya sa kanyang naging trabaho. Tinanggap lamang niya ang trabaho sa business processing outsourcing dahil ito ang pinakamadaling pasukang trabaho sa kanyang kapanahunan. Pagharap sa katotohanan Sa kabila ng kanilang pambihirang talino, makikitang dumaan pa rin sa hirap ng buhay sina Luna at Resurreccion. Para sa kanila, hindi batayan ang pagiging matalino upang matukoy kung ano ang dapat nilang abutin sa buhay. Ayon kay Luna, aminado siyang nakukuha pa rin niyang magbulakbol sa kabila ng kanyang katalinuhan. Ganito rin ang hinarap na pagsubok ni Resurreccion at marahil pati ng iba pang Pilipinong may angking sobrang katalinuhan. Para sa kanila, mahalagang gamitin ang regalong talino sa tama at samahan ng pagsisikap at dedikasyon upang magtagumpay. Tulad ng mga ordinaryong tao, nagkakamali din ang mga taong may regalong talino. Kagaya na lamang Luna at Resurreccion, nadapa man sila sa takbo ng buhay, nagsumikap naman silang bumangon muli at ipagpatuloy ang kanilang buhay. Isang patunay sina Luna at Resurreccion na hindi mahalaga ang katalinuhan upang magtagumpay sa buhay. Kinakailangan lamang na alamin ang tatahakin, pairalin ang tiwala sa sarili, patuloy na pagyabungin ang kaalaman at hayaan ang mga kamaliang dagdagan ang iyong kaalaman.

Reyann Jhorel Lapuz Kuha ni Karlene Sy at dibuho ni Juan Kristoper Angeles

MAIHAHALINTULAD sa isang tatsulok ang estado ng buhay sa bansa – may mangilan-ngilang mayayamang nasa itaas habang may libu-libong mahihirap na nagsisiksikan sa ibaba. Bilang isang bata, maituturing kong payak lamang ang aking pamumuhay. Hindi ako mayaman at lalong hindi rin ako mahirap tulad ng mga taong pinagdamutan ng kapalaran. Paano ba makakasilip ng pag-asa sa butas ng karayom? Paano ba magiging matatag kahit kumakalam na ang sikmura? Paano ba maging mahirap? Paano ba maging sila? Ito ang mga katanungang bumabagabag sa akin tuwing nakakakita ako ng mga Pilipinong hindi nabigyan ng magandang kapalaran. Hindi ko mawari kung bakit nakangingiti at nabubuhay pa rin sila sa kabila ng hirap na kanilang dinaranas. Naisip ko tuloy, paano kaya kung isa akong ama na may anak na nais kong maibili man lang ng Kiddie Meal sa Jollibee, gayong isa lamang akong tindero ng sampaguita? Pagsabak sa kahirapan Araw ng Biyernes, unang linggo sa buwan ng Hunyo, narinig ko na naman ang alarm ng aking orasan. Muli ko na namang haharapin ang panibagong araw ngunit hindi na bilang isang batang payak ang pamumuhay. Nais kong mabuhay sa isang panaginip

na tila ba isa akong ama na naghahangad na mapasaya ang aking anak kahit sa loob lamang ng isang araw. Agad akong nagbihis ng damit at tumungo sa Quiapo upang magbenta ng sampaguita. Kailangan kong tuparin ang pangako kong ibili ang aking anak ng Kiddie Meal. Ikawalo ng umaga nang dumating ako sa Simbahan ng Poong Nazareno at nasilayan ko roon ang pagdagsa ng mga deboto ng nasabing poon. Sa kapal ng tao, kitang-kita ko kung paano napuno nang mabilis ang mga upuan sa simbahan. Sa puntong iyon, nais ko nang magsimula upang samantalahin ang pagkakataong magtinda ngunit nauunahan ako ng takot at hiya. Makalipas ang ilang sandali, hindi na ako nagpaapekto sa takot na aking nararamdaman, agad akong tumayo upang madaling maipagbili ang mga tinda kong sampaguita. Nakakapagod, nakakabagot, at nakakagutom–ito ang mga salitang pumasok sa isip ko habang nakatayo at naghihintay ng unang bibili. Magiisa’t kalahating oras na akong nakatayo subalit wala pa ring bumibili sa akin. Hinihintay na kaya ng aking anak ang pangakong binitiwan ko sa kanya? Habang nasa hanay ako ng aking pag-iisip, bigla na lamang may lumapit sa akin at nagsabing “Pabili nga! Bigyan mo ako ng bente pesos n’yan!” Nataranta ako sa aking kinatatayuan at hindi magkamayaw sa kung ano’ng dapat kong gawin. Nilapitan ako ng isang kapwa ko tindero at agad niya akong tinulungan sa pagbebenta. Inabot sa akin ng mamimili ang kanyang bayad at ngiti naman ang tanging naisukli ko sa kanya. Pagpuri at pag-alipusta Sumapit na ang tanghalian subalit Php 100 pa lamang ang aking kinikita. Kailangan ko sigurong mag-isip ng magandang plano upang maging epektibo ang aking pagbebenta. Kaya naman kahit nasa gitna ng misa, lumapit ako sa mga taong nasa labas ng simbahan at inalok ko sa kanila ang

Sampaguita/Sundan sa pahina 10


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.